Kung ipapasok ang • Angela, makikita ang sanaysay na Angela. Kung ipapasok ang Angela, makikita ang lahat ng pangyayari ng salitang Angela sa lahat ng sanaysay (sa wastong pagsasalita: ng pagkakahanay ng titik na Angela). Bunga ng paghahanap sa ••• ang simula ng talaksang ito. | |
![]() |
Lahat ng lahok sa gawaan ang nasa talaksang ito. Dahil dito, mahaba ito at maaari mahirap na gamitin pag mabagal ang mobile internet. Pagkatapos ng paghahanap, kaya babalik sana sa isa-isang talaksan ng website na ito ( www.germanlipa.de ). |
Mit der Suche nach • Angela wird der Werkstatttext Angela gefunden. Mit Angela werden alle Vorkommen des Wortes Angela gefunden (genau ausgedrückt: der Zeichenkette Angela). Die Suche nach ••• führt zum Dateibeginn. | |
![]() |
Diese Suchdatei enthält viele Texte. Sie ist deshalb sehr lang und kann bei langsamem mobilen Internet schwierig zu gebauchen sein. Dann sollte nach Beenden der Suche wieder auf die Einzeldateien dieses Webplatzes ( www.germanlipa.de ) zurüchgegangen werden. |
Zur Suche in der pdf-Datei benutze • statt ○ .
○
Äsop Aesop |
Custodio, R. M.: Pabula: Isang Makabagong Koleksyon Valenzuela, Metro Manila, 1996. Zitiert nach NIU: Northern Illinois University, DeKalb, Illinois, USA. Center for Southeast Asian Studies Web-Site Tagalog http://www.seasite.niu.edu/tagalog/Tagalog_mainpage.html . |
○ Anak | Landicho, Domingo G.: Anak ng Lupa Quezon City 2005. ISBN 971-550-175-5. |
○ Angela | Almena, Omer Oscar B.: Angela Liwayway, 22 Setyembre 2008. |
○ Arri | Villanueva, Bella M.: Arrivederci Liwayway, 15 Oktubre 2007. |
○ Bakit | Almario, Virgilio, S.: Bakit Kailangan ng Filipino ang Filipino? Liwayway, Manila, 10 Disyembre 2007, p. 30. ISSN 1656-98-14. |
○ Balik | Manzano, Leah D.: Pagbabalik, Liwayway, 26 Enero 2010. |
○ Bibig | Tiongson, N.G.: Kung Baga sa Kaban (1985) Einführung in Rosario Torres-Yu, Lilia F. Antonio, Ligaya Tiamson-Rubin: Talinghagang Bukambibig Pasig City 1999, ISBN 971-27-0788-1. |
○ Bulaklak | Landicho, Domingo G.: Bulaklak ng Maynila Quezon City 1995/2004. ISBN 971-550-177-x. |
○ Busilak | Gonzales, Lei de Chaves: Si Busilak (Schneewittchen), 2005. |
○ Cao | Cao, Sergio S.: Wikang Filipino bilang Wika ng Pananaliksik Daluyan: Journal ng Wikang Filipino, Vol. 19 No. 1 (2013) pp. 108-118. |
○ Dali | Aguilar, Dheza Maria: Madaling Araw Liwayway, 05 Disyembre 2005. |
○ Daluyong | Francisco, Lazaro: Daluyong Quezon City 1986. ISBN 971-550-166-4. |
○ Damaso | Austria, LN: Kalye Damaso, Liwayway, 09 Enero 2006. |
○ Dasal DC | Coraza, Michael M.: Unang Limbag na Salin sa Tagalog ng Popular na Dasal
Katoliko Liwayway, 04 Oktubre 2010. |
○ Dayuhan | Medina, Buenaventura S.: Dayuhan Kurzgeschichte in Paquito B. Badayos et al.: Kulintang - Interaktibong Aklat sa Filipino IV Pasig City 1999. ISBN 971-27-0718-0. |
○ Doctrina | Doctrina Christiana, en lengua españa
y tagala Manila 1593. Facsilimile-Ausgabe Manila 1991, ISBN 971-538-013-1. |
○ Estrang | Reymundo, Jeselle More Anne B.: Estranghera Liwayway, 22 Oktubre 2007. |
○ Girl | Sto. Domingo, Rubie B.: Material Girl Liwayway, 24 Oktubre 2005. |
○ Gubat | Ong, Bob: Alamat ng Gubat Pasay City 2004. ISBN 971-92574-1-5. |
○ Halina | Valera, Leonora P.: Halina't Magsaya Audio-CD Alpha ARCD-2K5-8229 |
○ Kanta | Lieder und Schlager |
○ Karla | Bartolome, Denzelle: I Hate You, My Love Maynila 2004, ISBN 971-02-1671-6 Der Roman gehört zur Gruppe Tagalog Romance. |
○ Kung saan | Bautista, Clemen M.: Kung Saan Ka Naroon Liwayway, 02 Marso 2008. |
○ Langit | Ambrosio, Dante L.: Sandaigdigan at Kalangitan: Katutubong Larawan, Katutubong
Pangalan Ika-9 na Kongreso ng Linggwistika sa Pilipinas, 25-27 Enero 2006, UP Diliman. |
○ Lunsod | Gonzales, M.V.M.: Lunsod, Nayon at Dagat-dagatan Aus: Mag-atas, Rosario U. et al.: Panitikang Kayumanggi Mandaluyong 1994, ISBN 971-08-5654-5. Herausgegeben von Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. |
○
Nanyang ○ Nanyang 1 ○ Nanyang 2 ○ Nanyang 3 |
Bai, Ren: Nanyang piaoliuji (Roman in chinesischer Sprache) Übersetzung in Filipino von Sy, Joaquin: Lagalag sa Nanyang Quezon City 2007. ISBN 978-971-542-535-3. |
○ Piso | Cheathom, Rhia L.: Piso Liwayway, 05 Pebrero 2007. |
○ Plano | Coraza, Michael M.: Pagpaplanong Pangwika sa Filipinas Liwayway, 15 Nobyembre 2010. |
○ Prutas | Antonio, Billy T.: Si Apo Dakkel at ang Labingdalawang Bilog na Prutas Liwayway, 09 Enero 2006. |
○ Regine | Gonzales, Vir: Ang Tunay na Pagkatao ni Regine Velasquez Liwayway, 21 Nobyembre 2005. |
○ Rica | Alip, Nap C.: Jolina, Rica: May Feud ba Hanggang Ngayon? Liwayway, 04 Hulyo 2005. |
○ Rizal | Bautista, Clemen M.: Ang una at huling pag-ibig ni Dr. Jose P. Rizal Liwayway, 23 Hunyo 2008. |
○ Rosas | Lahan, Virgie Guyguyon: Tanungin mo ang mga Rosas Liwayway, 25 Setyembre 2006. |
○ Sabong | Hidalgo, Antonio A.: Ang Masayang Mundo ni Nestor D. Quezon City 2001. ISBN 971-828-010-3. |
○ Salazar | Salazar, Zeus A.: Ukol sa Wika at Kulturang Pilipino Aus Pamela C. Constantino at Monico M. Atienza: Mga Piling Diskurso sa Wika at Lipunan, Lunsod Quezon 1996 ISBN 971-542-064-8, pp. 19-45. |
○ Samadhi | Tumbaga, Ronald Fababier: Si Samadhi At Ang Kayamanan Sa Dulo Ng Bahaghari Liwayway, 22 Mayo 2006. |
○ Simo | Dionela, Edgar G.: Simo - Ayos Lang Quezon City 2002, ISBN 971-10-1068-2. |
○ Sinaya | Pluma, Kir: Aman Sinaya Website Wattpad, Philippine Mythology. https://www.wattpad.com/902938622-philippine-mythology-aman-sinaya |
○ Suyuan | Baylon, Estrelito: Suyuan sa Bisikleta Liwayway, 27 Hunyo 2005. |
○ Tiya | Manzano, Leah D.: Si Tiya Margie Liwayway, 19 Enero 2009. |
○ Uhaw | Arceo, Liwayway A.: Uhaw ang Tigang na Lupa (1943). Aus: Lumbera, Bienvenido; Barrios, J.; Tolentino, R.B.; Villanueva R.O.: Paano magbasa ng Panitikang Filipino Quezon City 2000/2006. ISBN 971-542-284-5. |
○ Ulan | Sicat, Ellen: Unang Ulan ng Mayo Pasig City 2009, ISBN 978-971-27-2065-9. |
○ Unawa | Catungal, Nova: Pang-unawa Liwayway, 12 Disyembre 2005. |
○ Unggoy | L. Bloomfield (1917) / K. Saguid (2005): Unggoy at Pagong. |
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/tx_such_kopf.html
1 Einleitung / Pambungad
3 Texte / Mga Kasulatan
4 Nichtkanonische Sätze / Pangungusap sa Ayos na Kabalikan
5 Einzeldaten / Bagay-bagay 5.1 5.2
5.3
Custodio, R. M.: Pabula: Isang Makabagong Koleksyon
Quelle / Pinagmulan → {16A-2 Aesop}.
{3.1.1}
Ang Lobo at ang Kambing
Isang lobo ang nahulog
sa balon na walang tubig. Sinikap
niya ang tumalon upang
maka-ahong palabas, ngunit lubhang
malalim ang balon na kanyang
kinahulugan. Noon
dumating ang isang uhaw na
uhaw na kambing. Lumapit
ito sa balon at narining ang
tinig ng lobo.
"Marami bang tubig sa loob
ng balon?" tanong nito
sa lobo. "Oo, napakarami!" ang pagsisinungaling
na sagot naman ng lobo.
{3.1.2}
Hindi na nagdalawang-isip
pa ang kambing. Agad itong
tumalon sa balon. At nalaman ngang
siya'y niloko lamang ng lobo.
"Ngayo'y pareho na tayong
bilanggo ng balon
na ito," ang sabi ng lobo. "Mamamatay tayo sa uhaw at gutom dito," ang sabi ng kambing.
"Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong naisip na paraan
kung papaano nating gagawin iyon."
"Papaano?"
Noon ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing. "Ako muna ang lalabas. At kapag
nakalabas na ako, at saka kita hahatakin palabas," pangako nito. "Sige," ang sabi naman
ng kambing.
{3.1.3}
Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngunit noong pagkakataon
na ng kambing para tulungan nito'y agad iyong tumawa ng malakas. Pagkuwa'y sinabing,
"Walang lobong manloloko kung walang kambing na magpapaloko."
{3.2.1}
Ang Uwak na Nagpanggap
Isang uwak ang nakakita ng mga lagas na balahibo ng pabo sa lupa. Pinagmasdan niya iyon
at nasiyahan sa iba't ibang kulay na taglay niyon. At dahil sawa na siya sa pagiging isang
itim na ibon, iyon ay kanyang pinulot isa-isa at saka idinikit sa kanyang
katawan. Iyon lang at dali-dali siyang lumipad patungo sa grupo ng mga pabo at nagpakilala
bilang kauri ng mga ito.
{3.2.2}
Ngunit sadyang kilala ng mga pabo ang kanilang kauri, kaya naman hindi rin nagtagal ay
nabisto ng mga ito ang nagkukunwaring uwak. Dahil dito, inalis ng mga pabo ang iba't
ibang kulay na balahibong nakadikit sa katawan ng uwak.
Pagkuwa'y pinagtutuka nila ito hanggang sa takot na lumisan.
{3.2.3}
Nang magbalik ang uwak sa kanyang mga kauri, hindi na rin siya tinanggap ng mga
ito. At sinabing, "Hindi namin kailangan ang isang tulad mong walang pagmamahal sa
sariling anyo!"
{3.3.1}
Ang Aso at ang Kanyang Anino
Isang aso ang nakahukay ng buto sa lupa. Tuwang-tuwa siya at dali-daling hinawakan ang
buto sa pamamagitan ng kanyang bibig. Dinala niya ang buto upang iuwi sa kanyang tirahan,
ngunit nang siya ay malapit na, napadaan siya sa isang ilog. Pinagmasdan niya
ang ilog at doo'y nakita niya ang sariling anino. Sa pag-aakalang ibang aso iyon
na may hawak-hawak ring buto sa bibig, tinahulan niya iyon nang tinahulan upang maangkin
din ang butong pag-aari nito.
{3.3.2}
Dahil dito, humulagpos mula
sa kanyang bibig ang butong hawak-hawak at nahulog sa ilog. Tinangay ng
agos ang buto at hindi na uli nakuha pa ng sakim na aso.
{3.4.1}
Ang Inahing Manok at ang Kanyang mga Sisiw
Isang inahing manok na may anak na tatlong sisiw ang naninirahan sa gitna ng taniman ng
mais. Isang araw, lumabas ng bahay ang magsasakang may-ari ng taniman at sinabing, "Panahon
na upang anihin ko ang aking maisan! Kailangan tawagin ko ang aking mga kapit-bahay upang
tulungan ako sa aking pag-ani bukas!"
{3.4.2}
Narinig ito ng mga sisiw at agad iminungkahi sa kanilang ina, "Kailangang lumikas
na tayo rito at humanap ibang matitirahan inang! Kung hindi, matatagpuan tayo rito ng mga
magsisipag-ani bukas at huhulihin upang patayin!" "Huwag kayong mabahala mga anak," ang
wika ng inahing manok. "Kung mga kapit-bahay lamang ang aasahan niya, hindi agad
magsisipag-kilos ang mga iyon! May panahon pa tayo upang manirahan dito." Tama nga ang
sinabi ng inahing manok. Sapagkat kinabukasan nga'y walang mga kapit-bahay
na dumating upang tumulong sa pag-ani ng magsasaka.
{3.4.3}
"Kung hindi ko maasahan ang aking mga kapit-bahay,
sa aking mga kamag-anak ako lalapit upang humingi ng tulong sa isasagawa kong pag-ani
bukas!" Narinig ng mga sisiw ang sinabi ng magsasaka at dali-daling iminungkahi sa kanilang
ina. Ngunit muli, hindi nabahala ang inahing manok at sinabing, "Kung sa mga kamag-anak
lamang siya aasa hindi magsisipagsunod ang mga iyon! May mga trabaho ring dapat asikasuhin
ang mga iyon at tiyak na hindi maasahan. May
panahon pa tayo para manirahan dito mga anak!"
{3.4.4}
Kinabukasan nga'y tama uli ang sinabi ni inahing manok. Walang kamag-anak na
dumating ang magsasaka upang tulungan siya sa pag-ani sa maisan. Dahil dito, napilitan ang
magsasakang tawagin ang kanyang anak at sinabing, "Bukas na bukas din, tayong dalawa na
lamang ang aani sa ating pananim. Wala tayong ibang maaasahan kundi ang ating mga
sarili!"
{3.4.5}
Nang marinig iyon ng mga sisiw, dali-dali silang
nagtungo sa kanilang ina at iminungkahi rito ang sinabi ng magsasaka. Noon nagdesisyon ang
inahing manok na lumisan sila sa lugar na iyon, at sinabing, "Kung sinabi ng magsasaka
na siya na ang gagawa ng pag-ani, dapat tayong maniwala! Sapagkat totoong walang sinuman
siyang maaasahan kundi ang kanyang sarili!"
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/aesop.html
1 Einleitung / Pambungad
3 Texte / Mga Kasulatan
Landicho, Domingo G.: Anak ng Lupa
Quelle / Pinagmulan → {16A-2 Anak ng Lupa}.
Kabanata 27: Sa Bituka ng Lungsod (pp.245)
{3.11}
Kiling na ang araw sa kanluran nang sapitin ni Oden ang lungsod.
Sabi ng babaing nakatabi niya sa bus, bago sila bumaba, lampas ng ala-una ng hapon sa
lungsod ang sa nayon ay kiling na sa kanlurang araw. Mula sa harap ng Tanggapan ng
Koreo, nilakad ni Oden ang daang
patawid sa tulay na nakaarko sa Ilog Pasig, palundo sa matandang Simbahang Quiapo.
{3.12}
Sa kalagitnaan ng tulay, saglit na tumigil si Oden. Nasiglayan niya ang ilang batang
tumatalon sa ilog mula sa sementadong pampang, ang iba'y umuukyabit sa gilid ng mga
batel na nakadaong, umaakyat sa paglalambitin sa malalaking kable at kapag nakasampa
sa ibabaw ng mga sasakyang dagat, sila'y sisirkong pabulusok sa tubig na parang mga ibong
nagpapataka sa kanilang pagsalimbay-pagbulusok sa himpapawid.
{3.13}
Sa paanan ng tulay, isang santinakpang nagmamadali ang bumulaga sa kanyang pangmasid,
parang mga dagang lungsod na kung saang mga kuweba susuot, lahat ay matulin sa pag-imbay,
ang ilan ay halos
lumulusot sa pagitan ng mga dyip-pasaheruhan sabay sampa sa estribo ng hulihan.
{3.14}
Sa harap ng simbahan, nakatalungko ang mga nagtitinda ng kandila at mga aklat ng dasal at
buhay ng mga santo, katabi ng mga nagtitinda ng iba't ibang ugat at dahong nakasalansan sa
tanggaling halayan, pamparegla o pampaligo sa mga bagong panganak. Nakatalungko ang mga bulag,
humihingi ng awa sa mga nagsisimba at pag may ipinatak ng singko o diyes sentimos sa maliit na
sisidlang lata, ang labi ng bulag ay malakas na magpapasalamat sa nagkawanggawa, pagpalain kayo
ng Panginoon sa kaitaasan, na waring ibig makipag-agawan sa pagbabasbas ng grasya sa parang nasa
dambana ng simbahan.
{3.15}
May nagpepenitensiyang paluhod sa altar at mahaba ang hilera ng mga humahalik sa nakahigang
maitim na Nazarenona nasa loob ng isang higaang bubog at nagunita ni Oden si Ka Tales na ayon sa
taga-Makulong ay isang nakahigang tagatubos sa timbon ng mga sakong kinamatayan. Lumabas si Oden
sa simbahan at gumala-gala sa lungsod.
{3.16}
Nakita niya ang mga batang may tulak-tulak na maliit na kariton sa harap ng isang palengke,
tumitigil sa mga basurahan, naghahalungkat at sinisimot ang mga bagay na hinahanap, gaya
ng mga boteng itinapon, mga kartong pinagsidlan ng mga paninda o anumang bagay na maaaring
pakinabangan. Nagunita niya ang lumang pugon nina Toryo, ang kanyang paggatong kung
tag-iluhan, ang pagbabagaso, ang pag-ilo sa tarapitse, na pinagkikitaan din, kawaksi ng
kanyang ama sa pamumugon.
{3.17}
Hindi na mahapdi ang tumingin-tingin, parang siya'y nakakadama ng pagkapagod at pagkauhaw,
na sa Makulong ay iniibsan ng isang tubong papangusin o mga manibalang na bayabas na
maaaring pitasin sa tabihan. Pumasok si Oden sa loob ng isang maliit na restawran, umorder
ng pandesal na may palamang karnenorte at sa isang bote ng malamig na inumin, ang uhaw
na dulot ng mainit na sinapupunan ng lungsod ay bahagyang nabawasan. Naisip ni Oden,
dahil Biyernes, maaaring gabihin si Toryo ug uwi mula sa'pamantasan, kaya dapat palipasin
ang oras sa labas habang naghihintay.
{3.18}
Pagdatal ng dilim, tutuloy na siya sa tirahan ni Toryo. Alam niya ang paliku-likong lagusan
patungo roon. Umuukupa si Toryo ng isang maliit na kuwarto na halos kasya lamang ang
katawan sa isang paupahang lumang apartment. Sa kuwarto ni Toryo'y pumapasok lamang ang
simoy sa isang maliit na bintana na sa umaga'y katapat ng sikatan ng araw.
{3.19}
Ang totoo, sa wari ni Oden, ang maliit na kuwarto'y bahagi ng isang malaking kuwartong
pinagparti-partisyon ng mga tablang dingding para makalikha ng maliliit na paupahang
kuwarto sa mga mag-aaral o estudyante na maaaring magsolo
o may kasama na gagamit ng dalawang pinagpatong na bakal na katre.Sa pinakakomedor, may
isang malaking mesa na para sa lahat at ang bawat umuupa'y may
kanya-kanyang lutuan o naghahati-hati sa isang lutuang de gas.
{3.20}
Naisip ni Oden na kakain na
lamang siya sa labas habang may liwanag pa at tutuloy na sa lugal ni Toryo pagsapit ng
dilim. Tutugpain niya ang makipot na daang mamamaybay sa esterong makutim ang tubig,
halos hindi umaagos, na nagiging imburnal ng burak ng mga naninirahan.
{3.21}
Kung gabi, masasamyo ang masangsang na amoy ng estero na pinamumugaran ng mga lamok at
ipis at may mga lihim na lunggang kinukublihan ng mga dagang lungsod na pagkagat ng
dilim ay sasalakay sa mga tahanan na pawang masasamang espiritu. Pamuling tumayo si
Oden at sinimulang maglakad-lakad sa pagdadapithapon. Ang mga tao'y nagmamadali pa rin,
may mga kung anu-anong bitbit na iuuwi kaipala,
piling ng saging o nakasupot na gulayin.
{3.22}
Sa Makulong, ang buong parang ay isang walang-bayad na gulayan, nahihingi ang anumang tanim
na pagkain at sinumang makapagbibigay ay hindi magkakait pagkat ang hihingi ngayon ay
magbibigay sa ibang panahon. Sa lungsod, ang bawat biyaya ng buhay ay may katumbas na
salapi kaya't ang tao'y halos sumasamba sa kalansing ng pera.
{3.23}
Pagkupas ng silab ng araw, pumu-puwesto na ang mga nagtitinda sa kalsada at halos ang
kailangan ng buhay ay inihahain ng mga lansangan, panggupit na gunting, panghinunuko,
panghintutuli, pambunot buhok sa kili-kili, maliliit na salamin, mumurahing pitaka,
suklay, tsinelas, kamiseta, kursinsilyong pangmatanda at brief ng mga kasibulan,
mumurahing pampagandang mekap, losyon, papula at iba pa. Sa ilang lugal, itinatayo ang
mga kubol na binubungan ng tolda at sa balisbisan nito'y magkakaroon ng
biglaang kainan, kompleto sa tanggaling bangkito para sa mga kakain.
{3.24}
Umupo si Oden sa harap ng isang kainan at umorder. Dapithapon na sa lungsod at pagkagat ng
gabi, dadako na siya sa tirahan ni Toryo. Marami na ring kumakain, karaniwa'y mga lalaki na
kaipala'y patungo sa kanilang mga trabahong panggabi. Hindi maiwasang sumalimbay sa
gunita ni Oden ang mga tanawin ng gamasan at mga paararo na ang mga magsasaka'y kumakain
sa tabi ng linang na halos dulo lamang ng galamay ang nahuhugasan.
{3.25}
Lutong bukid na isang gayat na bangos na ginisa at gulay na balatong na may sahog na dahon
ng ampalaya ang kanyang hinapunan sa tabing kalsada, at sa isip-isip ni Oden, makakaraos
na ang kanyang bituka sa buong magdamag. Tumayo na siya at binagtas ang daan sa inaakala
niyang hindi naman kalayuang tirahan ni Toryo mula sa sinapupunan ng lungsod. Dumarami
na ang mga dyip sa isang kalye at nagsasanib ang paglabas ng mga empleyadong pauwi s
kani-kanilang tahanan gayundin ang mga estudyanteng nakatapos na ng pagkaklase.
{3.26}
Sa isang kaliwang kalye, pito nang pito ang matabang pulis, batas na nauunawaan ng mga
makinang humuhugong at mga tambutsong umuusok. Lumalatag na ang dilim at sumindi na ang
ilaw dagitab. Mangilan-ngilan lamang ang mga ilaw sa poste at ang kakulangan ng sapat na
liwanag ay nagbibihis ng kabughawan sa kaluluwa ng lungsod. Tinugpa ni Oden ang kalye
na may mahabang estero. Nakikita niya ang likod ng isang unibersidad na ngayon ay
naliligo sa ilaw ng mga silid-aralan.
{3.27}
Iniisip ni Oden, baka si Toryo'y umuwi na, baka hindi nagklase nang araw na iyon, baka nasa
kanya nang tirahan, baka naghihintay sa kanyang hindi naman kailanman aasahang pagluwas.
Kinapa ni Oden ang singsing na ibinigay ni Bining na iningatan niya sa kanyang bulsa.
Sabi'y maraming mandurukot sa lungsod at kailangang ang singsing na isasauli ay hindi mapasakamay ng isang hudas-Maynila. Nasa
harapan na siya ng tirahan ni Toryo.
{3.28}
Bukas ang pinto at kaagad siyang nasiglayan ng may-ari pagpasok pa lamang niya sa makipot
na harapan. "Ikaw 'yong kaibigan ni Vic?" sabi ng may-ari. "Ako nga po," amin ni Oden.
"Minsan ka nang naisama niya rito," ulit ng babaing may-ari na parang naniniyak.
"Narito na po ba siya?" "Di pa siya dumating," tugon ng babae. "Gabi na minsan kung
siya'y umuwi." "Hihintayin ko po siya."
{3.29}
"Kung gusto mo, sa kuwarto na lang niya ikaw mag-hintay," mungkahi ng babae. "Baka siya'y
matagalan." "Do'n na po ako maghihintay sa makalabas," sabi ni Oden. "Dadaan po do'n si
Toryo pag dumating." "Toryo pala siya sa probinsiya," sambitla ng may-ari na waring
natutuwa. "Toryo po siya sa amin," pagtutuwid ni Oden.
{3.30}
Lumabas na si Oden. Dumako siya sa halos kalagitnaan ng mahabang estero na nasa likod ng
unibersidad. Hang saglit siyang tumayo, paharap sa pamantasan. Ang mga nagyayao't dito sa
iba't ibang palapag ay mga nagsali-saliwang anino sa saboy ng liwanag. A, ilang buwan na
lamang, kapag siya'y makakapasa sa PMA, hahantong din siya sa unibersidad, magiging
bahagi rin ng pangarap para sa isang pagkakataon ng pag-unlad.
{3.31}
Nagunita niya ang kanyang ama at ang kanyang kapatid na si Ligaya, nakapugal sa buhay sa
Makulong pero iniisip ang kanyang paglaya sa buhay na itinatak ng katadhanaan ng nayon.
Kagaya ni Toryo, sasakay siya sa bagwis ng pangarap, magiging isa sa mga anino na
sumasalimbay at nakikipaglaro sa isang magandang liwanag, kagaya ng tanawing walang
sawa niyang minamasdan. Umupo si Oden kinamayan-mayan sa mahabang tabihan ng estero,
silbing pader at pahingahan.
{3.32}
May ilan na ring nakaupo roon, nagpapahingang matatanda at nag-uulayaw na mga kabataan.
Parang bumilis ang tibok ng kanyang puso nang masiglayan niya ang mga magka-alakbay na
nag-uusap pero kaagad niyang inalis sa isip ang anumang nadarama. Itinutok niya ang mga
mata sa estero, may burak na nakaimbak sa sinapupunan ng tubig. May bahagyang daloy ng
agos, bahagyang-bahagya na hindi halos mapapansin kung hindi nakatutok doon ang malay
{3.33}
Umuusad ang mga nakalutang na burak, mga dumi ng lungsod,
plastik, ...
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/anak_lupa.html
1 Einleitung / Pambungad
3 Texte / Mga Kasulatan
Almena, Omer Oscar B.: Angela
Quelle / Pinagmulan → {16A-2 Angela}.
{3.31}
Madalas kong makita ang batang iyon tuwing umaga at hapon. Dumadaan siya sa harap
ng pinaglilingkuran kong restoran sa Intramuros, Maynila. Laging nagmamadali. Parang
hinahabol ang mga hakbang kung naglalakad.
Hindi ko siya kilala. Lalong hindi ko alam
kung saan siya nakatira. Ang alam ko lang, nanggagaling siya sa likod ng Manila
Cathedral. Sa likod ng Manila Cathedral din siya bumabalik pagdating ng hapon.
{3.32}
Nasa harap ng naturang simbahan ang pinagtatrabahuhan kong restoran bilang
katiwala. Kaya hindi makaligtas sa paningin ko ang batang iyon tuwing umaga at bago
kumagat ang dilim. Nanghihingi siya ng pagkain. Hindi ko alam kung kanino niya ito
ibinibigay. Lagi siyang may bitbit na plastik na supot. Dito nakalagay ang mga
tirang pagkain na nahihingi niya.
{3.33}
Sa tantiya ko, walo hanggang sampung taong gulang ang batang iyon. Hindi ko
pa nakitang nagpalit ng damit. Gula-gulanit ang suot na t-shirt na kulay kalawang
na. Marungis at mabaho kaya pinandidirihan ng sinumang taong nakakasalubong niya.
Mukha siyang Bombay. Malalim ang maiitim na mata. Manipis ang mga labi at kulot
ang buhok. Hindi rin magkapaa ang suot niyang tsinelas. Malikot ang mga mata tuwing
naglalakad. Para bang may kinatatakutan.
{3.34}
Tuwing dumaraan, inilalahad agad niya sa akin ang kanyang kanang palad.
Nauunawaan ko iyon. Nanghihingi siya ng pagkain. Kung wala ang amo kong si Nanay
Carmen, ipinagbabalot ko siya ng bahaw at tira-tirang ulam ng mga kustomer. Agad niya
itong ilalagay sa loob ng bitbit niyang supot.
{3.35}
Hindi ko alam kung bakit naging malapit ang damdamin ko sa batang iyon. Hindi
ko naman siya kaanu-ano. Kung wala siya, hinahanap ko. Kung naroroon naman, itinataboy
ni Nanay Carmen. Marahil, naaawa lang ako sa kanya sapagkat hindi siya namimilit kung
nanghihingi ng pagkain. Isa pa, lagi siyang nagpapasalamat kung may tinatanggap mula
sa akin.
{3.36}
Ginagawa ko lamang ito kung wala si Nanay Carmen. Paano, masungit ang matandang
biyuda. Galit sa mga pulubi at palaboy. Naninigaw at nang-aalipusta. At ang
kabilin-bilinan niya sa akin bago umalis para magpahinga sa kanilang bahay: "Huwag na
huwag kang magbibigay sa mga pulubi. Huwag kahit tutong o tirang pagkain ng mga
kustomer. Mamimihasa lang ang mga 'yan!"
{3.37}
Ngunit hindi ko iniintindi ang biling iyon ni Nanay Carmen. Katuwiran ko, kung
mabubulok lang ang pagkain at hindi mapapakinabangan, mabuti pang ipamigay. Isa pa, tira
naman ng mga kustomer at malinis pa.
{3.38}
Hindi pa ako nahuhuli ni Nanay Carmen kahit minsan. Naging maingat ako. Sa akin
lang siya mabait. Hindi sa mga kasama ko. Ewan ko kung bakit. Marahil, maganda akong
makisama sa kanya bilang katiwala.
{3.39}
Isang hapon, hindi umuwi sa kanilang bahay sa Tondo para magpahinga si Nanay
Carmen. Sa loob ng restoran siya nagpahinga. Kaya napansin niya ang batang iyon
nang manghingi sa akin ng tirang pagkain.
{3.40}
Nakalahad na ang kanang kamay ng bata nang makita ito ni Nanay Carmen. Nilapitan
siya ng nakapamaywang na matanda at pinagsabihan, "Hoy! Umalis ka riyan at baka ilublob
kita sa putik. Umalis ka riyan at ang bahu-baho mo!"
{3.41}
Umalis ang kawawang bata. Isang malungkot at makahulugang sulyap ang kanyang
iniwan sa akin habang papalayo. Para bang sinasabing, "Mabuti pa kayo, nagbibigay sa
akin ng pagkain."
{3.42}
Magmula noon, may ilang araw na hindi ko siya nakita. Labis akong nag-alala. Sa
isip ko, baka may masamang nangyari sa kanya, o nagkasakit kaya. Minsan, nagulat na
lamang ako isang hapon nang magkaroon ng sandaling gulo malapit sa restoran namin. May
batang babaing hinabol ang mga nagtitinda sa bangketa. May sumisigaw ng "Magnanakaw!
Magnanakaw!"
{3.43}
Sinundan ko ng tingin ang mga humahabol. Isang batang babae ang nakita ko sa
unahan. May bitbit na supot at maturing tumatakbo patungo sa likod ng Manila Cathedral.
"Kung siya 'yon bakit siya magnanakaw pa?" naitanong ko sa sarili, "Binibigyan ko naman
siya ng pagkain."
{3.44}
Nakihalubilo ako sa mga sidewalk vendors. Inalam ko kung ano ang tunay na
pangyayari. Nagtanong ako sa kanila. "Naku po, Sir, siya 'yong batang gusgusin at laging
idinadahilan na may sakit ang nanay niya para makapanghingi lamang sa amin ng pagkain," sabi
ng isang tindera ng mga kakanin.
{3.45}
"Nabuwisit na kami. Binibigyan na namin ng pagkain, humihingi pa ng pera para
ipambili raw ng gamot ng nanay niya. Nang hindi namin bigyan, dinampot ang mga barya at
itinakbo," sabi naman ng isa pang sidewalk vendor.
{3.46}
Isang tanghali, makalipas ang dalawang linggo, parang kabuteng sumulpot sa
harapan ko ang batang iyon. Labis kong ikinamangha ang kanyang naging anyo. Pumayat
siya. Lumalim ang mga mata at tila walang tulog. Namumutla ang mga labi at nanginginig
sa gutom. Nagkataong wala noon si Nanay Carmen kaya malaya akong nakalapit sa kanya.
{3.47}
Nang makaharap ko siya sa malapitan, may kung anong bagay ang pumitlag sa
dibdib ko. May kamukha siyang tao. Hindi ko lang matandaan kung sino.
"Bakit matagal kang nawala, Ineng?" tanong ko sa bata. "Nagkasakit po si Nanay. Hindi
ko na po siya maiwan," sagot niya.
{3.48}
Marami pa sana akong itatanong, ngunit umalis agad ito nang maiabot ko sa kanya
ang tirang ulam at kanin na tinipon ko. Nang mawala sa paningin ko ang batang iyon,
maraming larawan ang naglaro sa utak ko. Mga larawang hindi ko maisip kung saan ko
unang nasilayan.
{3.49}
Umaga na kinabukasan nang muling sumulpot ang batang iyon. Salamat at wala pa
rin sa restoran si Nanay Carmen. Hindi ko agad ibinigay sa kanya ang inihanda kong
tirang kanin at ulam. Kaya nakausap ko siya at nasagot ang mga tanong ko. Ngunit
nakalimutan kong alamin ang kanyang pangalan.
{3.50}
Palibhasa'y wala si Nanay Carmen at naroon ang dalawa niyang anak na dalaga,
nagawa kong magpaalam sandali. Pinuntahan ko ang lugar na sinabi ng bata na tirahan
nilang mag-ina - isang abandonadong gusali sa likod ng punong tanggapan ng Commission
on Elections (Comelec) sa Intramuros. Pinuntahan ko ang lugar na iyon. Hindi ko alam
kung ano ang nagtulak sa akin para magtungo roon.
{3.51}
Gayunman, nanlumo ako. Hindi ko natagpuan ang lugar na sinabi sa akin ng batang
iyon. Marami ang abandonadong gusali sa likod ng Comelec. Bumalik na lamang ako sa
restoran makalipas ang isang oras. Naroon na si Nanay Carmen. Sa kuwento sa akin ng
batang iyon, iniwan silang mag-ina ng kanyang ama habang ipinagbubuntis siya. Ayaw ng
ina ng kanyang ama na maging asawa ang nanay niya. Kaya ipinakasal ito sa ibang babae.
{3.52}
Nalaman ko rin sa kuwento ng batang iyon na may lahing Bombay ang kanyang ama at
tapos ng kursong pamamahayag sa Lyceum of the Philippines University. Nang
makapag-asawa ng iba, nagbakasyon ito sa India, ang bansa ng ina ng kanyang ama.
Nang magbalik sa Pilipinas, lumipat naman ng tirahan ang mag-asawa sa utos ng ina.
{3.53}
Ako ang bantay ng restoran sa gabi. Kaya sa loob nito ako natutulog. Ito na rin
ang naging pansamantala kong tahanan. Dahil walang ginagawa pagsapit ng gabi, naisipan
ko minsan na balikan ang lugar na sinabi sa akin ng batang iyon. Nang magsara ang
restoran, pinuntahan ko ang gusaling sinabi sa akin ng bata. Bawat gusaling pinuntahan
ko, pinakiramdaman ko kung may maririnig akong tinig at
kalabog.
{3.54}
Palipat-lipat ako. Hindi nagtagal, may narinig akong sigaw ng isang bata.
Umiiyak. Humahagulhol. Nagmamakaawang huwag siyang iwan. Hinanap ko ang pinagmumulan ng
tinig na iyon hanggang sa ipadpad ang mga paa ko sa isang gusali sa tabi ng Catholic
Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) na halos nasa likod lamang ng Manila
Cathedral.
{3.55}
"Inay! Inay! Huwag po ninyo akong iwan! Maawa po kayo sa akin!" narinig ko ang
tinig na nagmumula sa loob ng gusaling iyon. Humakbang ako papalapit sa gusaling
pinagmumulan ng tinig. Dahan-dahang sumilip sa isang butas. Nagulat ako. Ang batang
iyon ang nakita ko! Yakap-yakap ang isang babaing may sakit. Nakahiga sa sementadong
sahig na may sapin na karton. Payat na payat na ito at inuubo. Sa tantiya ko, may sakit
siya sa baga.
{3.56}
Hindi ko agad pinasok ang gusaling iyon. Pinakinggan ko muna ang ipinagbibilin
ng ina sa batang iyon. "Kung sakaling mawala ako, anak, hanapin mo ang iyong ama.
Naririto lamang siya sa Maynila. Ang pangalan niya.. .Fer.. .nan... do... Khan!"
{3.57}
Para akong kandilang itinulos sa kinatatayuan ko nang marinig ang pangalang
Fernando Khan. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buo kong katawan. Si Angela
ang batang iyon. Ang batang inanak ko sa binyag. At si Melody ang babaing iyon, ang
schoolmate namin ni Fernando sa kolehiyo at ina ni Angela. Unti-unti akong ibinalik
sa isang nakaraan.
{3.58}
Magkaklase kami ni Fernando sa kolehiyo. Parehong kurso ang pinag-aralan namin.
Ngunit tumigil ako sa pag-aaral. Isang taon lamang ang tinapos ko dahil sa kakapusan
ng maiiutustos. Gayunman, patuloy kaming nagkikita ni Fernando hanggang sa makatapos
siya ng pag-aaral.
{3.59}
Nang tumigil sa pag-aaral, naging katiwala naman ako sa restoran ni Nanay
Carmen. Dahil may asawa na ako, sa pamilya ko na lamang sa Davao ipinapadala ang kaunti
kong kinikita. Hindi ko na binalak pang mag-aral uli. Isang gabi, dinalaw ako nina
Fernando at Melody sa restorang pinaglilingkuran ko. Kapwa sila masaya.
{3.60}
"Pare," sabi sa akin ni Fernando, "tatlong buwan nang buntis si Melody.
Kabilang ka sa mga napipisil namin na maging kumpare." "Iyan ang totoo, Edwin," patianod
ni Melody. "Katunayan, ikaw ang kauna-unahan naming nilapitan. Sabi kasi ni Feman, ikaw
ang major sponsor sa binyag ng panganay namin."
{3.61}
Labis kong ikinatuwa iyon. Para sa akin, isang malaking karangalan ang maging
ninong ng anak nila. Parehong may sinasabi ang mga pamilya nina Fernando at Melody.
Indian ambassador to the Philippines ang ama ni Fernando, samantalang anak naman ng
isang kilalang major stock holder ng bangko sa Maynila si
Melody
{3.62}
Sa isang condominium unit sa Ermita itinira ni Fernando si Melody. Hindi pa alam
ng nakararami na palihim silang nagsasama sa iisang bubong bilang mag-asawa. Lalong
walang nakaaalam na may dinadala na sa kanyang sinapupunan si Melody. Ako lamang ang
tanging nakababatid.
{3.63}
Madalas akong anyayahan ni Fernando sa kanilang condo unit. Kung nasa kanilang
bahay sa Makati si Melody, malaya kaming nag-iinuman at nagkukuwentuhan. Minsan,
naipagtapat sa akin ni Fernando ang matindi niyang suliranin sa buhay. "Pare, kung may
hahadlang sa pag-iibigan namin ni Melody, ano kaya ang mangyayari sa buhay namin. Sa
tingin ko kasi, tututol ang ermat ko. May ibang babae siyang napipisil para sa akin na
hindi ko naman gusto," may lungkot sa tinig ni Fernan.
{3.64}
"Ipaglaban mo, Fernan," sabi ko. "Tutal naman ... pareho kayong may kaya sa
buhay ni Melody. Hanapin ninyo ang lugar na para lamang sa inyo." "Dala na ni Melody sa
kanyang sinapupunan ang bunga ng aming pagmamahalan. Natatakot akong matuklasan ito ng
aking mga magulang."
{3.65}
Nasakyan ko ang ibig sabihin ni Fernando. Sa sandaling malaman ng kanyang ina na
may babae na sa buhay niya at nagdadalantao pa, pipilitin siyang makasal sa babaing
hindi niya iniibig. May dalawang taong naikubli nina Fernando at Melody ang kanilang
relasyon. Nang makapagsilang sa isang tagong pagamutan, agad na pinabinyagan ng dalawa
ang kanilang supling. Isa ako sa mga naging ninong ni Angela.
{3.66}
Ngunit biglang nahalinhinan ng labis na panlulumo ang pananabik ko na
magkatuluyan sina Fernando at Melody. Nabalitaan ko na lamang na lumayo sa poder
ng kanyang mga magulang si Melody nang matuklasang isa itong dalagang ina. Bukod pa
rito ang pagtanggi sa kanya ng ina ni Fernando.
{3.67}
Magmula noon, wala na akong narinig tungkol kay Melody. Ang alam ko lamang,
tuluyan na itong nagtago sa publiko dahil sa labis na kahihiyan. Nabalitaan ko namang
napilitang magpakasal sa isang babaing Bombay si Fernando at nagtungo sa bansa ng
kanyang ama upang matakasan ang kasawian sa pag-ibig kay Melody.
{3.68}
Isang araw ginulat ako ni Fernando. Bigla siyang dumalaw sa pinaglilingkuran
kong restoran. Malungkot siya. Tila saklot ng isang mabigat na suliranin.
Habang nagkakape, binuksan niya sa akin ang kanyang dibdib. Binalikan ang nakaraan at
hinanap sa akin ang kasagutan sa maraming bagay na gumugulo sa kanyang isipan.
Kararating lamang niya noon mula sa India. May pitong taon din kaming hindi nagkita mula
nang ikasal siya sa ibang babae.
{3.69}
"Saan ko kaya sila matatagpuan, pare?" pambungad niyang tanong. Napalunok ako.
Matagal kong sinagot ang tanong niya. "Akala ko ... may ugnayan pa rin kayo hanggang
ngayon." "Wala na, pare, mula nangb sapilitan akong ipakasal sa ibang babae."
"Bakit hindi mo ipinaglaban si Melody kung siya talaga ang mahal mo?" "Naging duwag lang
siguro ako. Natakot na maalisan ng mana mula kay mama."
{3.70}
"May pagkakataon pa para baguhin ang takbo ng buhay mo, pare," sabi ko. "Kaya mo
ito kahit nag-iisa ka." "Binabagabag ako ng sariling konsensiya, pare. Siguro, malaki na
ang anak namin. May pananagutan ako sa kanila. Nasaan na kaya sila ngayon?" Mahinang
iling lamang ang naging tugon ko. Kung alam ko lang, matagal ko nang itinuro ang
kinaroroonan ng kanyang mag-ina.
{3.71}
"Tulungan mo naman ako, pare," patuloy niya. "Nais kong makabawi sa mag-ina ko.
Hindi ako nagkaanak sa asawa ko kaya naghiwalay kami. Kaya naghiwalay kami dahil hindi
siya ang itinitibok ng aking puso." "Hindi ko rin alam, pare, kung nasaan sila," sagot
ko. "Hayaan mo, tutulungan kita sa paghahanap sa kanila."
{3.72}
Mula sa araw na iyon, naging madalas ang pagdalaw sa akin ni Fernando. Dalawa
hanggang tatlong beses sa loob ng isang linggo. Minsan, nag-iinuman kami sa gabi sa mga
paborito niyang bahay-aliwan. Ngunit hanggang doon lamang. Walang babae. Ayaw niyang
maging taksil. Para sa kanya, si Melody lamang ang babae sa buhay niya. Ngunit saan
namin siya hahanapin?
{3.73}
Minsan, nakipag-ugnayan kami sa bangko ng mga magulang ni Melody. Ngunit walang
sinuman sa mga kawani ang nagsalita. Pawang tikom ang kanilang bibig pagdating kay
Melody. Naisip ko, sadyang ikinubli sa publiko ng kanyang mga magulang ang tunay
niyang sinapit.
{3.74}
"Hindi ko na alam, pare, kung ano ang gagawin ko," malungkot na ipinagtapat sa
akin ni Fernando isang araw nang muli niya akong dalawin. "Minsan tuloy, naiisip kong
itigil na lang ang paghahanap sa aking mag-ina. Nagtatago kaya sila o sadyang itinago
sa akin?"
{3.75}
Nahabag ako sa tinuran ni Fernando. Parang isinusuko na niya ang lahat. Parang
nawawalan na siya ng pag-asa na matagpuan niya balang araw ang kanyang mag-ina. Lalo
kong pinalakas ang kanyang loob. At naisip ko, baka ang batang iyon ang kasagutan ng
kanyang mga hinanakit sa buhay.
{3.76}
Biglang naputol ang daloy ng gunita nang marinig ko ang sigaw na nagmumula sa
loob ng abandonadong gusaling iyon. Tila naalimpungatan ako sa sigaw at iyak ni Angela.
Nakikiusap. Nagsusumamo. "Inay! Inay!" tinig ni Angela. "Hahanapin ko po si Itay!
Sasabihin ko po sa kanya na ipagamot kayo! Huwag po ninyo akong iwan, Inay! Maawa po
kayo sa akin! Huwag po ninyo akong iwan!"
{3.77}
Nagdumali akong pumasok sa gusaling iyon. Mariin ang mga hakbang ko. Nanginginig
ang buong katawan ko. Pakiwari ko'y nakalutang ako sa hangin. Si Melody ang unang
nakapansin sa akin. Tila sumigla at lumakas ang kanyang katawan nang masilayan ako.
Tumahan naman sa kanyang paghikbi si Angela. Tinitigan ako sa mukha. Nagtataka kung
bakit nasa loob ako ng abandonadong gusaling iyon.
{3.78}
Umupo ako sa semento sa tabi ni Melody. Ginagap ko ang kanyang mga kamay.
Malamig. "Ed.. .win.. .ikaw ba 'yan?" tanong niya na may halong pananabik. "Ikaw ba ...
talaga 'yan ... ha ... Edwin?" Tumango ako. "Ako nga, Melody, ang ninong ni Angela,"
sabi ko.
{3.79}
"Tulungan mo kami ng anak ko, Edwin. Iniwan siya sa akin ni Fernando!"
pakiusap ni Melody, kasabay ang pagpatak ng kanyang mga luha. Tumugon ako nang may
ngiti sa labi. Isang lihim na kasiyahan ang aking naramdaman sapagkat nakatitiyak
akong simula sa gabing iyon, may pag-asang naghihintay sa
mag-ina.
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/angela.html
1 Einleitung / Pambungad
3 Texte / Mga Kasulatan
Almario, Virgilio, S.: Bakit Kailangan ng Filipino ang Filipino?
Quelle / Pinagmulan → {16A-2 Almario 2007}.
Si Virgilio S. Almario ay kilala rin sa sagisag-panulat na Rio Alma. Lumaki sa Camias, San Miguel, Bulacan. Nagtapos ng A.B Political Science at M.A sa Filipino sa UP. Isang makata, kritiko, translator, editor, teacher at cultural manager. Nagkamit ng mga parangal, gaya ng Palanca, CCP, Makata ng Taon, TOYM, SEA Write award, Dangal ng Lipi, Gantimpalang Quezon at marami pang iba. Founder ng PBBY (Philippine Board on Books for Young People). Naging Executive Director at Commissioner ng NCCA, Director ng Institute of Creative Writing bago naging Dean ng College of Arts and Letters sa UP. Noong Hunyo 25, 2003, iprinoklama siyang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan.
{3.11}
Ang unang dapat usisain: Bakit ba ipinasiya ng 1935 Kumbensiyong Konstitusyonal na isang wikang batay sa isa sa mga katutubong wika ng Filipinas ang ating maging wikang pambansa? | Als erstes muss herausgefunden werden: Warum hat die Verfassungsgebende Versammlung von 1935 als unsere zukünftige Landessprache eine Sprache aus den einheimischen Sprachen der Philippinen gewählt? |
{3.12}
Nakapagtataka ito kapag inisip na ang mga delegado sa naturang kumbensiyon ay pawang mga edukado at kabilang sa mataas na uri ng lipunang Filipino. Bilang mga edukado, mayorya sa kanila ang mahusay sa Espanyol. Iyon ang dahilan kaya ang una nating republika, ang Republikang Malolos ay Espanyol ang wikang opisyal sa pamahalaan. | Das mag erstaunen, wenn man bedenkt, dass die Delegierten der besagten Versammlung alles gebildete und der Oberschicht der Philippinen zugehörige (Leute) waren. Als Gebildete sprach die Mehrheit gut Spanisch. Das war der Grund, dass unsere erste Republik, die von Malalos, Spanisch als offzielle und Regierungssprache hatte. |
{3.13}
Ang medyo nakababata sa mga delegado ay nagdaan sa edukasyong pinalaganap ng mga Amerikano o naging pensiyonado kaya't bihasa sa Wikang Ingles. Nasa ilalim pa tayo noong 1935 ng mga Amerikano kaya't siguradong may malakas na saloobin sa kumbensiyon na Ingles ang hiranging wikang pambansa. Alam ng mga delegado ang realidad ng politika at ang magandang mga posibilidad para sa paggamit ng wika ng kanilang bagong Mananakop. | Die jüngeren der Delegierten hatten die durch die Amerikaner eingeführte Erziehung durchlaufen oder waren Internatsschüler in den Vereinigten Staaten, daher war ihnen Englisch geläufig. 1935 standen wir noch weit unter den Amerikanern, daher gab es sicherlich eine starke Strömung, dass Englisch die zu erwählende Sprache sei. Die Delegierten kannten die politische Realität und die guten Aussichten für den Gebrauch der Sprache ihres neuen Kolonialherren. |
{3.21}
Kung pinili lamang nila kahit ang Espanyol ay nagtatamasa sana tayo ng higit na matalik na ugnayan sa Espanya at mga bansa sa Amerika Latina. Kung pinili lamang nila ang Ingles ay wala tayong pinag-uusapang problema ngayon. Ngunit hindi nila pinili ang Espanyol at hindi rin nila iginiit man lamang ang Ingles bilang wikang pambansa. Sa halip, pinagtibay nila ang pagbuo ng isang wikang pambansang nakabatay sa isang katutubong wika ng Filipinas. | Wenn sie damals Spanisch gewählt hätten, würden wir uns engerer Beziehungen zu Lateinamerika erfreuen. Wenn sie damals Englisch gewählt hätten, hätten wir heute die hier besprochenen Probleme nicht. Aber sie haben weder Spanisch gewählt noch auf Englisch als Landessprache bestanden. Stattdessen haben sie den Aufbau einer Landessprache festgelegt entsprechend einer einheimischen Sprache der Philipiinen. |
{3.22}
Bakit? Dahil higit na nanaig sa kanila ang paniwala na higit tayong magkakaisa bilang isang bansa sa atin ang ating wikang pambansa. Ang paniwalang ito ay bahagi ng matinding nasyonalismo na dulot ng nakaraang Himagsikang Filipino at maalab na maalab pa noon sa puso ng mga lider at naging delegado sa kumbensiyong pansaligang-batas. Gayunman, ang paniwalang ito ang namatay na sa ating isip at ibig nating ilibing ngayon kasama ng mga gunita ng Himagsikang Filipino. | Warum? Weil für sie der Glaube vorherrschend war, dass wir besser gemeinsam ein Land werden und in Politik und Wirtschaft unabhängig werden, wenn unsere Natationalsprache eine einheimische Sprache wird. Dieser Glaube ist Teil des ausgeprägten Nationalismus, der von der philippinischen Revolution ausgegangen ist und damals noch in den Herzen der Führer und Delegierten der verfassungsgebenden Versammlung brannte. Trotzdem ist ist dieser Glaube in unseren Köpfen gestorben und wir möchten ihn heute zusammen mit der Erinnerung an die philippinische Revolution begraben. |
{3.31}
Puwede ka namang maging makabayan kahit nagsasalita ng Ingles. Ito ang malimit ikatwiran ng mga Inglesero ngayon. Ang ibig sabihin, baka higit pang makabayan ang pagsasalita sa Ingles dahil higit na kailangan ng mamamayan ang kahusayan sa paggamit ng Ingles para umasenso ang buhay. | Wir können auch patriotisch sein, wenn wir Englisch sprechen. Das ist die häufige Begründung der Verenglischer heute. Sie möchten sagen, vielleicht sind die, die englisch sprechen, die besseren Patrioten, weil Reichtum und Erfolg durch den Gebrauch von Englisch erforderlich ist für den Aufstieg unseres Landes. |
{3.32}
Sa kabilang dako, pangarap lamang noon ang wikang Filipino at hindi na ito kailangan ng bayan. Ito ang nasa isip ni GMA sa pag-uutos ngayon sa DepEd na ibalik ang pagtuturo lamang sa Ingles mula Grade 1. Ito rin ang katwiran ni dating Meyor Lito Atienza sa pagtatagubilin na Ingles lamang ang gawing medium of instruction sa Maynila. | Das hat die Präsidentin im Sinn, wenn sie jetzt das Kultusministerium anweist, zu einer ausschließlichen Unterweisung in Englisch von der ersten Klasse an zurückzukehren. Das war auch der Grund für den früheren Bürgermeister L.A. anzuweisen, dass Englisch Unterrichtssprache in Manila wird. |
{3.33}
Sa biglang malas, ang isyu ng pagiging makabayan at ang isyu ng dapat maging midyum ng pagtuturo sa mga paaralan ay dalawang magkahiwalay na usapin. Gayunman, totoong magkaugnay ang dalawa kapag nilinaw ang problema ng edukasyon sa Filipinas. Ang ibig kong sabihin, ang problema ng ano ang dapat maging midyum ng pagtuturo ay nagsisimula at nagwawakas sa kalidad ng nasyonalismo ng mga nagsasabing makabayan sila at kaya nais nilang Ingles ang maging midyum ng pagtuturo. | Zum großen Pech, sind die Frage, patriotisch zu werden und die Frage, was Unterrichtssprache in der Schule sein soll, zwei grundverschiedene Themen. Trotzdem sind diese beiden Fragen verbuden, da die Probleme in der Schulbildung in den Philippinen so deutlich sind. Ich möchte sagen, dass das Problem, was Unterrichtssprache wird, ist, dass sie anfangen und aufhören mit der Art des Nationalismus dieser selbsternannten Partrioten und deshalb den Wunsch haben, dass Englisch Unterrichtssprache wird. |
{3.34}
Para sa ikalilinaw ng problema, balikan natin ang kasaysayan ng mga pagtutol sa paggamit ng Filipino bilang wikang pambansa at midyum ng pagtuturo. | Um die Probleme zu verdeutlichen, wenden wir uns zur Geschichte der Einwände gegen den Gebrauch von Filipino als Landessprache und Unterrichtssprache. |
{3.41}
Unang pagtutol: Tagalog lamang ang Filipino. Isang bagay itong matagal na sinagot. Sa isang banda, aksidente lamang ng kasaysayan na Maynila at hindi Cebu ang ginawang sentro ng kolonyang Espanyol sa dakong ito ng daigdig at patuloy na naging sentro ng politika at ekonomya ng bansa nitong ika-20 siglo. Kung sa Cebu namalagi si Legazpi, Sugbuanon sana ang batayan ng ating wikang pambansa. Sa kabilang banda, ang pagiging Tagalog ng Tagalog ang bentaha nito laban sa wikang banygayang gaya ng Ingles. Iisa ang pamilya ng lahat ng katutubong wika ng Filipinas. | Erster Einwand: Filipino ist bloß Tagalog. Eine Sache, die schon lange beantwortet ist. Zunächst ist es ein purer Zufall der Geschichte, dass Manila und nicht Cebu das des kolonialen Spaniens in diesem Teil der Welt wurde und später das Zentrum von Politik und Wirtschaft dieses Landes im 20. Jahrhundert wurde. ... Auf der anderen Seite ist das Verwenden der Tagalog-Sprache durch die Tagalog-Menschen eine Waffe im Kampf gegen eine ausländische Sprache wie Englisch [Andererseits, dass Tagalog zu Tagalog wurde, ist ein Vorteil davon gegenüber den ausländischen Sprachen wie Englisch.] Es gehört zur Familie aller indigenen Sprachen der Philippinen. |
{3.42}
Sa diksyonaryo halimbawa ni
Panganiban (1972) naglista siya ng mahigit 27000 pangunahing lahok at sa mga ito, mahigit
11000 ang may kogneyt sa pinili niyang 12 wikang katutubo sa Filipinas bukod pa sa
mahigit 12000 homonim ngunit di-singkahulugan. Kaya nakapakabilis matututo ng Filipino
ang isang Ifugaw o Tausug kumpara sa paghihirap niyang matuto ng Ingles o anumang
wikang di-kapamilya ng mga wika natin.
{3.43}
Ikalawang pagtutol: Imperyor ang Filipino sa Ingles. At kaugnay nito, mahirap
gamitin ang Filipino sa matataas na disiplina, lalo na sa agham at matematika. Ito
ang naging saligan ng Bilingual Policy sa edukasyon noong 1970. Sa isang banda,
walang imperyor o superyor na wika sapagkat bawat wika ay may sistema, upang tupdin ang
pangangailangan ng gumagamit nito at upang umunlad kung nagbabago rin ang buhay at
interes ng gumagamit nito.
{3.44}
Sa kabilang banda, napatunayan na ng mga saliksik at eksperimento na
puwedeng-puwedeng gamitin ang Filipino sa anumang disiplina. Sa U.P.,
bukod sa totohanang paggamit ng Filipino sa mga klase sa agham at matematika ay
nakapaglathala ng maraming textbuk sa iba't ibang larangang akademiko. At sa totoo lang,
Filipino naman ang lihim at siyempre di-opisyal na ginagamit ng mga titser kapag
kinakapos sa Ingles ngunit nais talagang
makatulong sa pagkatuto ng mga estudyante.
{3.51}
Umiikot lamang sa naturang dalawang pagtutol ng mga isyung inihaharap laban sa
Filipino magmula nang iutos at pagtuturo nito sa mga paaralan. Sa kabilang dako, natupad
na ng Filipino ang mga gampanin upang kilalanin itong wikang pambansa at opisyal na
wikang panturo. Ito ang totoong lingua franca ng Filipinas.
{3.52}
Sa isang survey ng Ateneo de Manila noong 1989, lumitaw na 92 %
ang nakakaintindi ng Tagalog sa buong bansa, 88 % ang nakakabasa ito, 83 % ang
nakakasalita nito at 81 % ang nakasulat dito. Lumitaw din na 51 % lamang nakakaintindi
ng Ingles at 41 % ang nakakaintindi ng Sugbuanon. Tandaan, noong 1989 pa ang
estadistikang ito. Tiyak na malapit nang maging siyento porsiyento
ngayon ang nakakaintindi ng Filipino mulang Basco hanggang Bonggao.
{3.53}
Subalit binubuhay ng mga Inglesero ang lumang pagtutol sa pamamagitan ng inibang
katwiran. Ginagamit ngayon ang "globalissasyon" bilang sangkalan upang idiin na kailangan
natin ang Ingles upang maging "globally competitive" at upang mas magkaroon ng
opordunidad ang bawat paslit na Filipino na umasenso. Para sa mga Inglesero, pagiging
makabayan ang pagsisikap matuto ng Ingles dahil kailangan ito para sa pagsulong
ng kabuhayang bansa at sa pag-asenso ng bawat mamamayang Filipino.
{3.61}
Totoo ba ang katwirang ito ng mga Inglesero?
Una, ilang Filipino ba talaga ang nagkakaroon ng pagkakataong magtrabaho sa ibang bansa?
Sa istatistiks noong 1984, umaabot sa dalawang milyon ang ating overseas workers.
Siguro, triple na ngayon. Ngunit kahit sabihing 10 milyon, sila ba ang pundasyon upang
maisalba ang ating bansa sa kasalukuyang krisis?
{3.62}
Ayon sa istatistiks, umaabot sa 75% ng mga overseas workers ang atsay, drayber,
yaya, at piyon sa mga konstuksyon. Kailangan nga ba nilang magaling sa Ingles? O baka
mas kailangan pa nila aaang leksiyon sa Niponggo, Arabic Mandarin, German o Italian
para mas kagiliwan ng kanilang amo?
{3.63}
Ikalawa, ano ang gagawin natin sa milyon-milyong paslit na pumapasok sa paaralan
taon-taon at hindi naman maging overseas workers? Ayon na rin sa pag-aaral ng DepEd,
sa bawat sampung batang pumasok ng Grade 1, lima lamang ang nakakatapos ng Grade VI,
dalawa lamang ang natutuloy sa high school, at isa ang nakakatapos para mag-aral sa
kolehiyo. Ang lahat na drop-out sa elementarya ay malamang sa hinding
nalilimot ang natutuhan at nagiging mga illiterate.
{3.64}
Ang ibig sabihin, kailangan ang mabisang paraan ng pagtuturo sa elementrya upang
maging literate sa lalong madaling panahon ang isang bata. Kailangan mabilis siyang
matututong bumasa't sumulat, matuto ng btayang kaalaman at kasanayan upang kahit umalis
siya ng paaralan ay may pag-asa pa ring magamit niya ang natutuhan at maging isang
kapaki-pakinibang na mamamayan.
{3.71}
At alam ng kahit sinong disenteng edukador na hindi ito matututpad sa pamamagitang
ng Ingles. Sa halip, kailangan ang wikang katutubo o ang wikang higit na mabilis
maunawaan ng batang Filipino upang higit na mabisang matupad ang pagtuturo ng batayang
kaalaman at kasanayan sa unang mga taon ng pag-aaral. Ang kapakanan ng 90 % paslit ang
dapat ingatan, hindi ang pangarap ng 10 % na malimit ay anak pa ng
mayaman at makapangyarihan sa ating lipunan.
{3.72}
Ikatlo, ano ba ang layunin ng edukasyon sa Filipinas? Layunin lamang ba natin
maging pabrika ng mga atsay, construction workers, care givers at call center operators?
Layunin ba nating idestiyero sa ibang bansa ang lahat ng magagaling nating abataan
et edukado para makapagpadala rito ng dolyar kahit na alilain at abusuhin
sila roon?
{3.73}
Isa tayong bansang pulubi. Ngunit mananatili tayong pulubi hangga't hindi natin
nailaplano ang edukasyong tungo sa pagpapalakas ng ating pambansang
kakayahan. Higit nating kailangan dito ang lahat ng mga magagaling nating mamamayan
upang itayo ang ating indusriya, pamunuan ang ating mga negosyo, at gumawa ng mga paraan
upang magdulot ng marangal na ikakabuhay sa sambayanang Filipino.
{3.74}
Isang pinunong mababaw ang isip ang nagpaplano lamang para ipadala sa ibang bansa
ang lahat ng puwedeng ipadala sa hukbo ng kaniyang mamamayan. At isa siyang
taksil na pinuno kung isasakripisyo niya ang
kapakanan ng napakarami para mapagbigyan ang kinabukasan ng
iilan. Sa ganito dapat sukatin ang ipinangangalandakang "pag-ibig sa bayan"
ng mga Inglesero at nagsisikap biguin ang paglagaganap ng Filipino bilang wikang
pambansa. Limitado ang kanilang "nasyonalismo" dahil nakabatay lamang ito
sa hilig at interes ng mga middle class at educated sector.
{3.81}
Ngayon , hindi nangangahulugang dapat patayin ang Ingles. Hinding-hindi
kailangan natin ang Ingles sa mga gamit na ipinagmamalaki ng mga Inglesero. Kaya't
dapat magdulot ng puwang sa paaralan para matuto ng Ingles ang nais matuto nito.
Subalit hindi sa paraang ito ang pamamayanihain sa edukasyong pambansa.
Ang totoo, malimit na ang maka-Ingles ay yaong mayayaman.
{3.82}
May pera sila para pag-aralin ang kanilang
anak sa pripadong institusyon na Ingles ang midyum ng pagtuturo. May pera sila para
pag-aralin ang kanilang anak sa Estados Unidos. Bayaan silang gumastos para sa kanilang
pangarap. Subalit huwag ipahamak ang pangarap at hinaharap ng napakaraming anak ng mga
magsasaka, mangingisda't manggagawa sa mga nayon at sa mga pook maralita ng
lungsod.
{3.83}
Nais nating lumahok sa kumpetisyuong global? Palakasin natin ang ating sarili.
Wika nga ni Dr. Onofre D. Corpuz, na isang mahusay um-Ingles, sa isai kumperensiya ng mga
guro ng U.P. noong Mayo 1997: "We want to go global. But we can't develop unless we
develop a national language." Inuulit lamang niya ang ibig sabihin ng mga delegado sa 1935
Kumbensiyong Konstitusyonal nang ipasiya nilang ibatay sa isang wikang katutubo ang wikang
pambansa ng Filipinas.
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/almario_2007.html
1 Einleitung / Pambungad
3 Texte / Mga Kasulatan
Villanueva, Bella M.: Arrivederci
Quelle / Pinagmulan → {16A-2 Arrivederci}.
Wir haben den Text aus sprachlichen Gründen ausgewählt. Trotzdem ist es interessant zu sehen, welche philippinischen Vorstellungen über Europa herrschen (Verwandtenbegleitung zum Flughafen, Scheinehe, illegaler Aufenthalt vom Kloster toleriert, Geld im Umschlag, Gebrauch des Englischen statt des Italienischen).
{3.1}
"Arrivederciii!" malakas na sigawan nina Mirella at Vincenzo, kapatid at bayaw ni Ronaldo, at ang kanilang kambal na anak habang inihahatid ng masiglang kaway sina Ronaldo at Jessica papasok sa airport. Lilipad sila patungong Paris. | "Arrivederci!" ist der laute Ruf von Mirelle und Vincento, Schwester und Schwager von Ronaldo, und deren Zwillingen, als sie Ronald und Jessika unter fröhlichem Winken zum Flughafen begleiten. Sie wollen nach Paris fliegen. |
"Arrivederciii!" masayang tugon naman nina Ronaldo at Jessica. "Goodbye. Until we see each other again." "Happy, Signora Donatelli?" masuyong tanong ni Ronaldo nang hindi na nila makita sina Mirella. " Very, very happy, Signor Donatelli," nakangiting tugon ni Jessica. Maligayang-maligaya nga si Jessica. Isang kaligayahang hindi niya sukat akalaing mapasakanya noong nakaraang tatlong buwan. Parang kailan lamang ... | "Arrivederci!" ist die freundliche Antwort von Ronaldo und Jessica. "..." ist die zärtliche Frage von Ronaldo, als sie Mirelle und die anderen nicht mehr sehen. "...", ist die lächelnde Antwort von Jessica. Jessica ist überglücklich. Ein Glück, von dem sie nicht genug glauben kann, dass sie es seit drei Monaten hat. |
{3.2}
"Iyon lamang ang tanging magagawa mo. Kung hindi, malamang na ma-deport ka," paliwanag ni Atty. Mariano kay Jessica. Diborsiyuhin ang kanyang asawa sa Pilipinas at mag-asawa ng isang Italyano? Parang sinabugan ng bomba si Jessica. Paano na ang kanilang mga pangarap? Malaki na ngang sakripisyo ang pagpunta niya sa Italya upang makaangat-angat sa buhay. Ngayon naman ay kailangan niyang magpakasal sa iba upang maging legal ang pagtigil niya sa Italya. | Das ist alles, was Sie tun müssen. Falls nicht, werden Sie wahrscheinlich ausgewiesen.", erklärt Anwalt Mariano Jessica. Sich von ihrem Mann in den Philippinen scheiden zu lassen und einen Italiener zu heiraten? Als ob Jessica von einer Bombe getroffen wäre. Wie sind ihre gemeinsamen Träume? Das war doch wirklich ein großes Opfer, nach Italien zu gehen, um ihr Leben zu verbessern. Und jetzt soll sie jemanden anderes heiraten, um ihren Aufenthalt in Italien legal zu machen. |
"Hindi ko yata magagawa, Attorney," tanggi ni Jessica. "Hindi iyon mauunawaan ng aking mga anak." "Kung gayo'y wala akong maitutulong sa iyo. Ngunit kung magbago ang isip mo, marami akong kakilalang Italyano na handang tumulong sa bagay na ito." | "Wahrscheinlich werde ich das nicht tun, Herr Anwalt", lehnt Jessika ab. "Da haben meine Kinder kein Verständnis für." "Wenn das so ist, kann ich Ihnen nicht helfen. Aber falls Sie sich eines anderen besinnen, ich habe viele italienische Bekannte, die bereit sind, Ihnen in dieser Sache zu helfen. |
Parang wala sa sariling umalis ng tanggapan si Jessica. Gulung-gulo ang isip. Maganda na sana ang kanyang kalagayan sa Venezia. Kahit hindi pa legal ang kanyang katayuan sa Italya, tinanggap siya ng mga madre sa kumbento. Limang taon na siyang namamahala ng pagkain sa Institute San Giuseppe. Katulad ng ibang religious houses sa Italya, matagal nang bukas ang Instituto para sa mga seminar at turista upang kumita nang kaunti. | Ganz außer sich verließ Jessica die Kanzlei. Ihr Denken war durcheinander. Wenn doch ihre Lage in Venedig in Ordnung wäre. Obwohl ihr Aufenthalt illegal war, haben sie die Nonnen im Kloster aufgenommen. Fünf Jahre ist sie jetzt verantwortlich für die Küche im Institute San Guiseppe. Wie andere Klöster in Italien, ist das Instituto offen für Pilger und Touristen, um etwas hinzuzuverdienen. |
{3.3}
Dating titser si Jessica sa Looc, Romblon. May asawa at dalawang anak - isang lalaki at babae. Labing-isang taon gulang na si Rodney at siyam naman si Amber. Mga paslit pa ito nang siya'y lumipad sa Italya bilang turista upang humanap ng bagong kapalaran. At sapagkat hindi legal ang katayuan, hindi nakauwi ni minsan man si Jessica kaya't gayon na lamang ang kanyang pananabik sa mga anak. | Früher war Jessica Lehrerin in Look, Romblon. Sie hat Ehemann und zwei Kinder, einen Jungen und ein Mädchen. Elf Jahre ist Rodney jetzt alt und Amber neun. Sie waren noch klein (unschuldig), als sie als Tourist nach Italien ging, um ein neues Schicksal zu suchen. Und da sie illegal dort war, konnte Jessica nicht ein einziges Mal nach Hause fahren, wie groß auch die Sehnsucht nach ihren Kindern war. |
Isang titser din sa elementarya sa Looc ang asawa ni Jessica. Bagamat masakit pagkawalay sa asawa, wala siyang nagawa kundi lunukin ang mga pangyayari upang mabigyan nila ng magandang kinabukasan ang kanilang dalawang anak. | Jessicas Mann war auch Lehrer an der Grundschule in Look. Obwohl er unter der Trennung von seiner Frau litt, konnte er nichts tun, als die Geschehnisse zu schlucken, um ihren beiden Kindern eine gute Zukunft zu geben. |
Si Jessica ang nagmungkahing makipagsapalaran sa Venezia dahil may pinsan siyang nagtatrabaho sa isang hotel. Isang linggo pa nga lamang si Jessica sa Venezia ay natanggap na siya sa Instituto San Giuseppe. Nagustuhan siya ng isang Pilipinang madre na may mataas na katungkulan sa kumbento. Noong una'y taga-linis siya ng mga kwarto subalit nang malaunan ay siya na ang namahala ng kusina. | Jessica hat vorgeschlagen, in Venedig ein Wagnis einzugehen, weil sie eine Kusine hat, die in einem Hotel arbeitet. Nach nur einer Woche in Venedig wurde Jessica im Instituto San Guiseppe empfangen. Eine philippinische Nonne, die eine hohe Funktion im Kloster hat, ist ihr freundlich gesinnt. Sofort wurde sie Putzfrau für die Zimmer, aber nach einer Zeit wurde sie auch für die Küche verantwortlich. |
{3.4}
Dear Ruben, Hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanag subalit ito lamang ang paraan upang matupad ang ating pangarap para sa mga bata. Kalakip ng sulat na ito ang ating divorce papers. Pansamantala lamang ito. Pagkalipas ng dalawang taon ay puwede na akong magkaroon ng resident status. Didiborsiyuhin ko ang Italyanong pakakasalan ko at maaari na tayong pakasal muli. Huwag kang mag-alaala. Sa papel lamang ang kasal namin. Jessica | Lieber Ruben, ich weiß nicht, wie ich dir dies aber erklären kann, den Weg, um meine Träume für die Kinder zu erfüllen. Diesem Brief beigefügt sind unsere Scheidungspapiere. Vorläufig nur diese. Nach zwei Jahren kann ich den Status als Ansässiger erhalten. Dann lasse ich mich von dem verheirateten Italiener, und wir können wieder heiraten. Stör dich daran nicht. Meine neue Heirat ist nur auf dem Papier. Jessica |
Hindi pinirmahan ni Ruben ang papeles na ipinadala ni Jessica subalit nagawan iyon ng paraan ni Atty. Mariano kaya't nakasal din si Jessica kay Ronaldo Donatelli, 35 taon sa 34 ni Jessica. Mabait si Ronaldo at maginoo. Sabi nga ng pinsan ni Jessica, suwerte siya kay Ronaldo dahil bukod sa magandang lalaki at maginoo ay mainam ang trabaho. | Ruben hat die Papiere, die Jessica ihm geschickt hat, nicht unterschrieben, aber es lief nach der Methode von Anwalt Mariano, Jessica heiratete Ronaldo Donatelli, 35, Jessica war 34. Ronaldo war freundlich und ritterlich. Die Kusine von Jessica sagte dann auch, dass sie Glück mit Ronaldo habe, der nicht nur gut aussehend und ritterlich sei, sondern auch tüchtig in seinem Beruf. |
{3.5}
Manedyer ng Hotel Danieli sa Venezia si Ronaldo. Noong una'y gusto nitong tumigil sa pagtatrabaho si Jesska sapagkat kayang-kaya raw nitong suportahan ang asawa. Hindi raw ba ganoon din ang tradisyon sa Pilipinas? Subalit hindi pumayag si Jessica. Wala iyon sa kanilang usapan at kailangan niyang magpadala ng suporta sa kanyang anak. Isa pa'y nawawaglit sa isipan ni Jessica ang pamilya sa Pilipinas kung siya'y abala sa trabaho. | Ronald war Geschäftsführer des Hotels Danieli in Venedig. Nach einer Zeit wollte er, dass Jessica aufhört zu arbeiten, weil er seine Frau unterhalten könne. Ist das nicht gegen die philippinische Tradition? Aber Jessica stimmte nicht zu. ... Und sie muss Unterhalt für ihre Kinder schicken. Sie machte sich keine großen Gedanken um ihre Familie in den Philippinen, da sie mit ihrer Arbeit sehr beschäftigt war. |
Walang saglit na hindi binibilang ni Jesska ang mga araw. Sabik na sabik na siyang matapos ang dalawang taon upang makauwi na. Bagamat hindi na siya nakabalita kay Ruben, patuloy namang nakikipag-ugnayan sa kanya ang mga anak sa tulong ng teknolohiya ng cell phone. Hindi niya alam kung sinabi ni Ruben ang mga pangyayari ngunit wala siyang narinig sa mga anak tungkol dito. | Keinen Augenblick zählte Jessica nicht die Tage. Sie war so erpicht, die zwei Jahre zu beenden, um nach Hause zurück zu können. Obwohl sie nichts von Ruben hörte, war sie weiterhin mit ihren Kindern durch die Mobilphontechnologie verbunden. Sie wusste nicht, ob Ruben den Kindern alles gesagt hatte, aber sie hörte von denen nichts darüber. |
{3.6}
Habang buong pananabik na hinihintay ni Jessica ang paglipas ng dalawang taon, unti-unti namang nababahala si Ronaldo. Kung maaari'y ayaw nitong dumating ang pagtataposng kanilang kasunduan. Lingid kay Jessica, dalawang buwan pagkaraan ng kanilang kasal, ibinigay ni Ronaldo ang halagang kanilang napagkasunduan kay Atty. Mariano upang isauli kay Jessica pagdating ng panahon bilang tanda ng tapat nitong hangarin sa kanilang napagkasunduan. | Während Jessica sehnsüchtig das Verstreichen der zwei Jahre erwartete, kümmerte sich Ronaldo Schritt für Schritt um sie. Wenn möglich, sollte das Ende ihrer Vereinbarung nicht kommen. Unbemerkt von Jessica gab Ronaldo zwei Monate nach ihrer Heirat das vertragliche Geld an Anwalt Mariano, um es Jessica zu gegebener Zeit zurückzugeben als Zeichen seiner ernsthaften Bewunderung für ihre Vereinbarung. |
Nahulog ang damdamin ng binata kay Jessica. Nakita ni Ronaldo kay Jessica ang lahat ng katangiang hinahanap sa isang babae. Subalit pilit ikinubli ni Ronaldo ang damdamin. "You're doing it again, amore," pansin ni Ronaldo. Amore? Bahagyang nagulat si Jessica dahil ngayon lamang niya narinig kay Ronaldo ang katumbas ng mahal ko sa wikang Tagalog. "I mean, you did not hear me because you think too much of your family", mabilis na dugtong ni Ronaldo. | Die Gefühle des Junggesellen (Ronaldo) fielen auf Jessica. Ronaldo sah in Jessica alles, was ein Mann in einer Frau sucht. Aber Ronaldo bezwang seine Gefühle. "...", sagt Ronaldo. Amore? Jessica erschrickt ein wenig, weil sie eben das Gegenstück zu mahal ko in Tagalog gehört hat. "...", fügt Ronaldo schnell hinzu. |
{3.7}
"What is it, Ronaldo?" "I said we could go visit my sister and her family in Como. My vacation is coming up and you can have vacation too. The rest will do you good. And my sister, brother-in-law and nephews are looking forward to meeting you." "But ... this is only a temporary marriage."
"Temporary, yes. But it is still a marriage and I don't want my relatives to sense anything wrong. They were already upset when we got married without them." "Okay, I am sure there will be no problem with the Institute about a two-week vacation."
Hindi akalain ni Jessica na magugustuhan niya ang pagbabakasyon sa Como. Nasa likod-bahay lamang nina Mirella at Vincenzo ang Lake Como at abot tanaw sa beranda. Maganda ang luntiang bulubundukin sa ibayo ng lawa at tahimik ang kapaligiran. At nakadama si Jessica ng kapayapaan at kasiyahan sa piling ng pamilya ni Ronaldo. Buong puso siyang tinanggap pati ng nakatutuwang apat na taong kambal na pamangking lalaki ni Ronaldo.
{3.8}
Walang pagsidlan ang kasiyahan ni Jessica sa pagbabakasyon subalit nahalata niya na ibayo
ang pag-aasikaso sa kanya ng 'asawa'. Ipinapasyal siya nito sa mga magagandang lugar sa
Como sa Piazza San Fedele sa Old Walled Town kung saan maraming matatanda at makasaysayang
gusali at basilika.
Madalas silang mamangka sa lawa kung malapit nang lumubog ang araw katulad nang pamamasyal nila sa mga kanal sa Venezia sakay ng gondola. O kaya'y umakyat ng burol at pagmasdan mula sa ituktok ang kagandahan ng lawa. O kumain sa Piazza Cavour at tanawin ang kabigha-bighaning lago.
Dinalaw nila ang mga kamag-anak nina Ronaldo hanggang sa karatig bayan at buong pagmamalaki siyang ipinakilala bilang asawa. Malugod siyang tinanggap ng mga ito at hindi sila umuuwi na walang bitbit na keso, hamon, alak o kaya'y sariwang prutas. Nahihiya siya sa magandang pagtanggap ng mga ito dahil sa kanilang pagpapanggap. Subalit binigyang diin ni Ronaldo na sila ay legal na mag-asawa.
{3.9}
Dear Jessica, Magtataka ka marahil sa sulat kong ito pagkatapos ng matagal kong pagsasawalang-kibo. Nasaktạn akọ sa ginawạ mong pagdiborsiyo para lamang makapagtrabaho nang legal sa Venezia. Halos walang direksiyon ang buhay ko noong una. Hindi ko matanggap na mas mahalaga ang salapi kaysa pagmamahalan natin, kaysa pamilya natin. Subalit nakabangon ako sa tulong ni Celia na kaibigan natin. Kung hindi dahil sa kanya, marahil ay wala na ako sa mundong ito at napahamak ang ating mga anak. | Liebe Jessica, du wirst vielleicht überrascht von diesem meinen Brief sein nach meiner langen Zurückhaltung. Dein Verhalten, sich wegen einer legalen Arbeit in Venedig scheiden zu lassen, hat mich verletzt. Seitdem hat mein Leben kaum noch eine Richtung. Ich betrachte (empfange) das Geld nicht wichtiger als die Zeichen unserer Liebe, als unsere Familie. Aber ich musste mich um Hilfe an unsere Freundin Celia wenden. Wenn sie nicht gewesen wäre, wäre ich vermutlich nicht mehr auf dieser Welt und unsere Kinder wären schlimm dran. |
Aalis si Celia patungong Dubai upang magturo. Sasama ako sa kanya at magtatrabaho sa isang Export-Import Trading Company. Doon na kami magpapakasal. Maganda ang aming sahod at maisasama namin ang mga bata. Kaya't magiging buo pa rin ang aking pamilya. Hindi ko akalaing malilimutan kita kaagad. Ngunit alam kong batid mo na kahit magkabalikan pa tayo ay hindi na mananauli ang dati nating pagsasama. Patawarin mo ako kung hindi kita naunawaan. Pero sana'y maunawaan mo na kailangan ko rin ang sariling buhay. | Celia geht als Lehrerin nach Dubai. Ich werde ihr folgen und in einer Export-Import Trading Company arbeiten. Dort werden wir heiraten. Wir haben ein gutes Gehalt und können gut für die Kinder sorgen.Damit wird meine Familie auch wieder vollständig. Ich konnte mir erst nicht vorstellen, dich zu vergessen. Aber ich weiß, dir ist bewusst, dass unser Zusammensein nicht mehr wie früher sein wird, selbst wenn du zurückkommst. Ich bitte dich um Entschuldigung, wenn du mich nicht verstehst. Aber ich wünsche mir, dass du verstehst, dass ich auch ein eigenes leben brauche. |
Hindi pa malinaw ang lahat sa mga bata. Mauunawaan din nila iyon balang araw. Pero alam nilang doon na muna kami sa Dubai. Maganda naman ang relasyon nila kay Celia at umaasa ako na matatanggap nila ito bilang pangalawang ina. Malayang makadadalaw sa iyo ang ating mga anak. Huwag kang mag-alaala. Ruben | Das alles für die Kinder ist noch nicht deutlich. Sie verstehen das auch eines Tages. Aber sie wissen, dass wir zunächst dort in Dubai sind. Ihre Beziehung zu Celia ist recht gut und ich hoffen, dass sie sie als als zweite Mutter akzeptieren. Vergiss nicht. Ruben |
{3.10}
Matagal na napatigalgal si Jessica sa nabasa. Bumalong ang luha. Halos walang tigil. Wala na ang pinanabikan niyang pamilya. Wala na siyang uuwian sa Pilipinas. Hindi alam ni Jessica kung gaano siya katagal sa pagkakaupo sa sala. Sa pagtingin sa kawalan. Naramdaman na lamang niya ang pagpisil ni Ronaldo sa kanyang balikat. Hindi ito nagtanong. Nahulaan marahil nito ang laman ng sulat sa kanyang kandungan dahil sa kanyang anyo. | Lange war Jessica beim Lesen überrascht. Ihre Tränen flossen. Fast unaufhörlich. Zu Ende ihre Sehnsucht nach ihrer Familie. Keine Heimkehr mehr in die Philippinen. Jessica wusste nicht, wie lange sie so in ihrem Wohnzimmer saß. Sich ihren Verlust betrachtete. Sie fühlte nur den Druck Ronaldos an ihrer Schulter. Er fragte nichts. Vielleicht erriet er den Inhalt des Briefes auf ihrem Schoß wegen ihres Aussehens. |
{3.11}
"Anong pera ito, Attorney?" naguguluhang tanong ni Jessica nang bigyan siya ni Atty. Mariano ng sobreng may lamang salapi. "Iyan ang perang ibinayad mo kay Ronaldo. Isinasauli niya. Basahin mo na lamang ang kalakip na sulat." Magulo pa rin ang isipan ni Jessica nang bumalik sa apartment ni Ronaldo. Hindi niya alam kung paano haharapin si Ronaldo pagkatapos niyang mabasa ang sulat nito. "Well?" bungad ni Ronaldo sabay ng isang kopitang alak pagpasok ni Jessica sa sala. "Frankly, I ... I don't know what to say I did not expect this." | "Was für Geld ist das, Herr Anwalt?" ist die verwirrte Frage von Jessica als sie von Anwalt Mariano einen Umschlag mit Geld erhält. "Das ist das Geld, das Sie für Ronaldo bezahlt haben. Er gibt es zurück. Lesen Sie bitte den beigefügten Brief." Jessicas Denken ist noch durcheinander, als sie zu Rinaldos Wohnung zurückgeht. Sie weiß nicht, wie sie Ronaldo suchen kann, nachdem sie diesen Brief gelesen hat. "...?" fängt Ronaldo an mit einem Weinglas mit Schnaps, nachdem Jessica in das Wohnzimmer kam. "..." |
"Not even a bit? Honestly," arok ni Ronaldo. "A bit, yes, because you had been so nice to me: I thought ... that was just that." "I think if you are really honest about it, I was not just being nice." "You like me a little, yes?" tanong ni Ronaldo pagkalipas ng ilang saglit. "Yes, but ...", mahinang sagot ni Jessica. "That's it then. You can go to your cousin's place and I will start courting you. It is the custom in the Philippines, yes?" "Yes, but ..."
I love you, Jessica, as I wrote in my letter so I will wait until you tell yourself you love me, too. Come, I will bring you to your cousin. You like traveling in a gondola, yes?" "Ronaldo ...", bantulot na wika ni Jessica. "Shhhhh."
{3.12}
"Darling, we are here", basag ni Ronaldo sa pagbabalik-alaala ni Jessica sabay halik
sa asawa. "Ready for Paris?" "Very much ready," masayang tugon ni Jessica at mahigpit
na yumapos sa asawa. Handang-handa siya sa isang bagong pag-ibig at buhay. Arrivederci sa nakaraan.
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/arri.html
Quelle: Manzano, Leah D.: Pagbabalik
Bagong Manunulat ng Liwayway,
LIWAYWAY, 25 Enero 2010 { Liwayway}
{3.1}
Kailanman'y di na sumagi sa isip ko na makababalik pa ako sa Salcedo, ang
kinalakihan kong baryo. Kung saan mayaman ako sa mga masasayang alaala ng aking kabataan.
Ngunit mas marami pa rin sa mga karanasang iyon ang masasakit. Na kahit pilit kong ibaon
sa limot, patuloy na nananariwa at nagpapaalala sa lugar na iyon.
{3.2}
"Lumayas kayo rito!" Naaalala ko pang malakas na sigaw ng hari, siya ang tumatak
sa aking murang isipan na larawan ng isang tunay na hari. Malaki ang bulto ng katawan.
Nakakatakot na mukha. Halos matabingan ang malalaking mga mata nito ng malalago
niyang kilay. At ang mahahabang biyas na mga kamay ay may hawak na karit at itak.
Ang aming dampang bahay ay nagsimulang gibain. Iyon ay sa pamamagitan lamang ng
mala-halimaw na lakas ng hari. Dahil yari sa pawid at kawayan ang aming bahay,
mabilis ang naging pagbagsak nito.
{3.3}
Wala kaming magawa kundi panoorin ang pagwasak ng aming bahay. Wala kaming
kalaban-laban. Sabi ng hari, wala kaming karapatan sa lugar na iyon, dahil sakop iyon
ng kaniyang pag-aari na ipinamana raw ng yumaong mga magulang. Umalis kami sa Salcedo.
Wala kaming dala maliban sa aming mga damit. Tumungo kami sa kabihasnan. Nakakapanibago
ang dami ng tao, ang ingay ng transportasyon, ang-mga bahay at gusali na aming
nalalampasan. Ngunit tila naghuhudyat iyon ng panibagong pag-asa para sa amin.
{3.4}
Nanuluyan kami sa isang kaibigan ni Itay, si Mang Erning na mekaniko. Mabait
si Mang Erning at si Aling Bebeng na asawa nito. May-asawa na ang nag-iisang anak na
babae ng mga ito, kaya silang mag-asawa na lamang ang naroroon. Hindi kami nag-aksaya
ng panahon. Sa araw ding iyon ay nagsimula kami nina Itay at Inay sa kani-kaniyang
trabaho.
{3.5}
Dahil may kaalaman naman si Itay sa pagkakalikot ng sasakyan, sinuwerteng
napasok din siya sa pinapasukan ni Mang Erning. Malayung-malayo sa gawaing pagsasaka
na nakasanayan niya sa aming probinsiya. Si Inay naman ay sumasama kay Aling Bebeng
sa pagtitinda ng mga gulay sa pamilihang bayan. At ako, habang taga-shine ng sapatos
sa araw ay nag-aaral sa isang unibersidad tuwing gabi. Nalalaman kong ang edukasyon
ang magiging susi upang makamit ko ang aking pangarap. Na siyang gagamitin ko rin
upang maiahon sa kahirapan ang aking mga magulang.
{3.6}
Lalong naging pursigido akong makatapos sa pag-aaral sa tuwing naririnig ko
ang pagdaing hina Itay at Inay. Sa mga nakalipas na araw ay marami na silang idinadaing
na pananakit ng katawan. Ang papahukot nilang katawan, maging ang papaluyloy na balat
at pagsalit ng mga puting buhok, ay naglalarawan na ng kanilang mabilis na pagtanda.
Ako nga'y tunay na nababahala ...
{3.7}
At matapos ang apat na taon na tigib ng pagtitiis at hirap, nakuha ko rin
ang pinakaaasam na titulong pagka-guro. Nasaksihan ko ang matamis na ngiti sa mga labi
ng aking mga magulang habang umaakyat ako sa entablado para kunin ang aking diploma.
Band ko ring ito ay simula pa lamang ng lahat sa aking buhay.
{3.8}
Kumuha agad ako ng board exam. At totoong napakabait ng Diyos, dahil pinalad
akong makapasa at nakasama pa sa Top List. Sa mga ganitong pagkakataon ng aking
tagumpay, nagkakaroon kami ng salu-salo sa hindi namin sariling bahay. Walang
kamag-anak. Walang ibang kadugo. Hindi tulad noon sa probinsiya, na kapag may handaan,
ay napupuno ang aming tahanan ng mga pamilyar na mukha. May pait ang ngiting sumilay
sa aking labi. Sumagi sa aking isip ang nakakatakot na mukha ng hari. Ang nakakikilabot
nitong tinig. Ang hari na walang habas na gumiba sa aming bahay na pinaghirapang itayo
nina Itay at Inay. Ang hari na nagpalayas sa amin kaya napalayo kami sa lugar na
aking minahal at kinalakhan.
{3.9}
Tatlong taon pa ang lumipas. Nakapasok ako bilang isang guro sa isang kilalang
pamantasan. Dahil sa sipag at determinasyon, naipatayo ko na rin ng bahay sina Inay at
Itay. Naibili ko rin si Itay ng pampasadang dyip gaya ng nais nito. Si Inay naman ay
di natigil sa pagsama kay Aling Bebeng sa paglalako ng mga gulay sa palengke. Tuwing
may mahahalagang okasyon ay kasama namin sina Aling Bebeng at Mang Erning na
nagsasalu-salo sa aming bagong tahanan. Natupad ko rin sa wakas ang aking pangarap.
{3.10}
Isang gabi habang naghahanda ako ng aralin para kinabukasan, narinig ko ang
mga katok sa aking pintuan. Si Inay. Inabot sa akin ang isang sobre. Telegrama. Matapos
kong basahin ay aking kinuyumos at itinapon sa aking waste basket na puno na rin ng
mga itinapon kong burador. Hindi nagsalita si Inay. Tahimik na lumabas siya sa aking silid.
Galing sa probinsiya ang sulat. May-sakit daw ang hari. Humihingi ng tulong-pinansiyal.
Narinig ko ang aking sarili na tumatawa. Payak. Walang-buhay. Bumabagsak din pala ang
hari. Pero ano't makalilimutin ata ito. Nawala ba sa isip nito na kami yaong mga
taong kaniyang inapi? Ano't ang lakas naman ng loob nito na sa amin pa humihingi ng
tulong?! Malalim na ang gabi nang ako'y dalawin ng antok.
{3.11}
Nagbalik tanaw ako at sumagi sa aking isipan ang pamilyar na bulto habang
lumalakad ako sa mga pilapil. "Tiyong" tawag ko sa nakatalikod na lalaki. Dito sa
bukid ko siya madalas makita. Humarap siya. Ang malalaki niyang mga mata ay halos
tabingan ng malalagong kilay. Hawasan ang kanyang mukha. Mahahaba ang mga biyas.
Ang ibangmga bata ay natatakot sa kaniyang hitsura, maging arig matatanda sa aming
lugar ay takot din sa kaniya. Ang bansag sa kaniya ay hari, siya kasi ang hari-harian
sa bukid.
{3.12}
Siya ang may pinakamalawak na sakop na bukirin sa aming lugar. At balitang
malakas pa ito sa kalabaw nito kung magtrabaho. Aywan ko ba, pero sa pagkakataong
iyon ay palagay na palagay ang loob ko sa kapatid ng aking ina. "Tiyong," tawag ko uli.
Iwinagayway ko ang tatlong pirasong papel na hawak ko. Bahagya itong ngumiti. "Narito
na po." Inabot ko sa kaniya ang mga papel. "Simulan na natin," aniya sa malaking
tinig.
{3.13}
Tuwang-tuwa ako habang pinagmamasdan ang kaniyang ginagawang mga bangkang-papel.
Doon sa mga papel na iyon ay isinulat ko ang mga pangarap ko. Natapos ang mga
bangkang-papel. Sinamahan ako ni Tiyong sa may gulod. Kung saan madalas akong maligo.
Doon ay tuluy-tuloy ang agos ng tubig. Magkakasunod na ipinaanod ko ang tatlong
bangkang-papel. Nakakatuwang pagmasdan. Hanggang sa mawala ito sa paningin naming
dalawa ni Tiyong.
{3.14}
"Tiyong, sigurado bang sa dulo ng ilog ay may naghihintay na diwata? At
mababasa niya iyong nakasulat sa bangkang-papel? Tapos tutuparin na niya iyong
pangarap ko, diba?" Nakaguhit sa inosente kong mukha ang pag-asam.
{3.15}
Tumawa si Tiyong. Napahalakhak. Mahabang sandali rin ang lumipas bago ito
tumigil. Mangiyak-ngiyak pa ito nang matapos. Nagtaka ako. Ano naman ang nakatatawa
sa sinabi ko? Gayon din kasi ang paniwala nina Enok at Buknoy na mga kaibigan ko.
Hindi nga ba't nagpapabili rin kami ng lobo sa aming mga nanay kapag lumuluwas
kami sa kabayanan? At sa pisi ng mga lobong iyon ay itinatali ang mga sulat naming
naglalaman ng munti naming mga pangarap, saka hinahayaang ito'y ilipad ng hangin.
Dahil sa paniwala namin, may makapangyarihang kamay ang kukuha niyon pag nasa
alapaap na. Babasahin. At sa isang pitik ng daliri, tutupdin na ang aming
mga pangarap.
{3.16}
Seryoso na nang magsalita si Tiyong. "Ano ba ang pangarap mo na isinulat mo roon?"
Hindi ako nag-isip pa. Noon pa man ay buo na ang pangarap ko. "Gusto ko pong maging
titser, Tiyong. Tulad ni Titser Albert, ang bait-bait kasi niya at ang galing-galing
pa. Kaya iyon ang isinulat ko sa bangkang-papel, na gusto kong maging titser." Walang
pag-aalinlangang sagot ko.
{3.17}
Ginulo ni Tiyong ang buhok ko. Wari'y tuwang-tuwa siya sa akin."Mabuti sa isang
tao ang may pangarap, Jun. Bibigyan nito ng direksiyon ang buhay mo. Wag kang umasa sa
isang diwata, bagkus ay magsikap ka at magtiyaga, at makakamit mo ang iyong pangarap.
Huwag mong hayaang humangga lamang sa papel ang mga pangarap mo. Matuto kang gamitin
ang mga karanasan mo sa buhay para makatuntong ka sa pupuntahan mo."
{3.18}
Napansin ko ang lambong sa mga mata ni Tiyong. Ang madilim niyang mukha ay lalo
pang nagdilim. Kapagkuwa'y tumayo siya at walang imik na lumakad palayo. Katulad sa
mga bangkang papel ay nawala ang kaniyang bulto sa aking paningin.
{3.19}
Napabalikwas ako sa sunud-sunod na katok sa pinto. Narinig ko ang tinig ni
Inay, nagtatawag na ito para sa agahan. Tahimik ang lahat sa hapag. Tila nakikiramdam
sina Itay at Inay. Inaantay na ako ang bumasag sa katahimikan. Bago pa ako manaog ay
nakapagpasya na ako. Tutal naman ay di kami makararating sa kinalalagyan namin ngayon
kung hindi dahil kay Tiyong. Maaaring kinasangkapan lamang siya para tamasahin namin
ang anumang mayroon kami sa ngayon. Hindi rin ako magpupursige ng ganito para matupad
ang pangarap ko kung hindi dahil sa kaniya. Nagkataon latig din siguro na nabulag
ito sa kasakiman kaya pati bahay at lupa na ipinamana kay Inay ng kanilang mga
magulang ay kaniyang kinamkam.
{3.20}
Matagal na panahon na rin naman ang lumipas. Halos nakalimutan ko na rin si
Tiyong pala ay bahagi rin ng aking kamusmusan. Naging bahagi rin siya ng aking
pagkatao. Panahon na para palayain ko na ang mapapait na alaalang dulot ng nakalipas.
Isa pa'y, nami-miss ko na rin si Tiyong, ang hari na nagpalayas sa amin. Miss ko rin
ang iba pa naming kamag-anak. Panahon naman para siya ang gawan ko ng bangkang-papel
at kung kaya rin lang, ay ako na mismo ang tutupad sa kaniyang kahilingan. Hindi na
ako nagpatumpik-tumpik pa. "Tay, ihanda niyo po ang dyip, bibiyahe tayong probinsiya,
dadalawin natin ang hari." Ngumiti sina Itay at Inay. At naghanda kami sa aming
pagbabalik.
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/balik.html
Quelle: Nicanor G. Tiongson: Pambungad: "Kung Baga sa Kaban ..."
{W Tiongson 1985}
Dr. Nicanor G. Tiongson, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Quezon City,
Disyembre 9, 1985.
Vorwort zu Talinghagang Bukambibig.
{3.11}
Isang pangyayaring dapat ipagkapuri at ipagdiwang ng bawat (mga akademiko, artista at
karaniwang) Pilipino ang pagkakabuo at pagkakalimbag ng aklat na ito, na nagtatala sa
isang sistematikong paraan ng iba't ibang anyo ng pananalitang patalinghaga. Sa aming
pagkakaalam, ito'y kauna-unahang pagtatangkang malikom ang karaniwan at di-karaniwang
salita o parirala o idyomang ginagamit
ng mga Tagalog sa lungsod man o sa lalawigan upang magpahayag ng mga kaisipan o damdaming,
kung sasabihin sa tahasan o abstraktong paraan, ay maaaring makasakit o lumabo o mawalan
kaya ng likas na lasa, hipo at kulay na naisaayos sa ganitong pamamaraan.
{3.12}
Di matatawaran ang halaga ng ganitong libro sa mga mag-aaral ngayon (at guro na rin), na ang
karamiha'y lumaki na sa siyudad ng semento at nayon, ng dyipni at telebisyon. Malayo na sa
karanasan ng ganitong mga estudyanteng urbanisado sa kasalukuyan ang daigdig ng palayan at
bituin, ng kalabaw at kundiman, kung kaya't hindi na nila masakyan o mawawaan man lamang
ang mga akdang pampanitikang nasusulat sa katutubong wika, →
{3.13}
→ na gumagamit ng mga
talinghagang hango sa kalikasan at kanayunan, tulad ng sarsuwelang Anak ng Dagat
ni Patricio Mariano, o dili kaya'y naglalarawan ng mga tauhang matalinghaga ang pananalita,
tulad ng "Kung Baga sa Pamumulaklak" ni Macario Pineda o "Impong Sela" ni Epifanio G.
Matute. Para sa ganitong mga akda, ang aklat na ito'y magsisilbing tulay na mag-uugnay sa mambabasa sa isang kulturang naglalaho na sa kanyang paningin.
{3.14}
Sa mga kontemporaryong manunulat man ay mahalagang sanggunian ang ganitong aklat. Karaniwan
nang marinig sa mga kritiko at manunulat na maka-Ingles, na hindi sila makasulat sa Pilipino
sapagkat "kulang na kulang" ito sa mga kataga o pariralang makapagpapahayag sa makulay
na paraan ng mga damdamin o kaisipang kanilang niloloob.
{3.15}
Bukod sa kaisipang kolonyal at
maling paniniwalang ang wikang Pilipino ay yaong "puro" at naiwanan na ng panahon, ang
isang pinanggagalingan ng ganitong tiwaling kuru-kuro ay ang kadahupan na rin ng
bokabularyo ng mga manunulat na ito. Kung makikita lamang ng mga makata, mandudula at
kuwentista ang lawak at lalim ng talasalitaang Pilipino - tulad ng matutunghayan sa
aklat na ito, hindi marahil magiging gayon karahas ang kanilang pagkondena sa wikang
pambansa. Pagkat hindi totoong dahop ang wika, urong lamang ang kanilang mga dila.
{3.16}
Gayundin, napakahalagang bingwitin ng mga mandudula at mangangatha sa sapa ng librong
ito ang samot-saring talinghagang magagamit nila sa paglikha ng mga makatotohanang
tauhan, lalo na yaong nakaangat sa lipunang agrikultural. Palasak nang puna sa marami
nating mga dula at kuwento na ang mga magsasaka o mangingisda o manggagawa dito'y tila
walang pinagkaiba sa isa't isa, at sa iba pang sektor, tulad ng estudyante, guro,
relihiyosa, burges, doktor, abogado.
{3.17}
Kadalasan, ang mga tauha'y tila nagkakaiba lamang sa kasuotan, ngunit ang kanilang kilos,
asta, at lalung-lalo na ang kanilang pananalita, ay waring hinulma mula sa iisang
talasalitaan, na karaniwa'y urbanisado
at abstrakto, tulad ng lengguwaheng maririnig ngayon sa mga makabagong intelektwal.
{3.18}
Sa paghango nila sa librong ito ng mga talinghaga para sa diyalogo ng iba't ibang tauhan,
mapapadali marahil para sa mga mandudula ang pagbubuo ng makatotohanang tauhan para sa
kanilang dula at ang paglilinaw ng tunggalian ng mga uri (e.g. magbubukid at sundalo),
ng mga henerasyon (e.g. lolo at apo), ng mga kultura (e.g. kolehiyala at mangingisda).
Tulad ng isda, ang makatunayang tauhan ay nahuhuli sa bibig o dila.
{3.19}
Gayundin, sa manunulat at sa lahat ng artistang naglalayong magsiwalat ng katotohanan kahit
sa panahon ng kasinungalingan at pagpaslang, napakahalagang instrumento ang talinghaga
upang maparating ng nagpapahayag ang katotohanan sa kanyang mga mambabasa at manonood
nang hindi siya mapapasa-galunggungan o mapag-iinitan ng batubatong matatamaan. Bukod pa
rito, ang paglalahad at ang padaplis na pagpuna ay kinagigiliwan ng karaniwang Pilipino,
na totoong napakadali
nang subuan ng aral sa sandaling bumuka ang bibig niya sa ngiti o halakhak.
{3.20}
Bukod sa mga artista at akademiko, ang sinumang may pagnanais na maunawaan ang Kulturang
Pilipino
ay maraming mapupulot na katangian ng lipunang Pilipino sa listahan ng mga pananalitang
patalinghaga sa aklat na ito. Masusumpungan ang iba-ibang aspeto ng kasaysayan o kalagayan ng
kabuhayang Pilipino at ng relasyon ng mga uri rito, sa mga pariralang tulad ng "isang kahig,
isang tuka", "patay gutom", at "aliping kanin" (ito kaya ang "alipin sa guiguilir" ng
sinaunang panahon?), at ng "mataba ang bulsa", "bigatin", "buwaya", "pating sa katihan".
{3.21}
Gayundin, ang mga pagpapahalaga at kaugaliang Pilipino ay masasalamin sa mga talinghaga.
Halimbawa, ang mga pariralang "tengang kawali" ay nagpapahiwatig ng kulturang nagpapahalaga sa
pagsasawalang-kibo upang huwag makasakit o huwag madamay sa gulo; ang "ihinga ang sama ng
loob" ay nagsasaad ng kulturang may tendensyang kimkimin ang dinaramdam nang huwag makasugat ng
damdamin; ang "ligaw-tingin", "palipad hangin", at "mahuli ang loob" ay nagpapahayag ng
kulturang may malaking pagpapahalaga sa pakikiramdam upang huwag masaktan o makasakit ang
isang indibidwal.
{3.22}
Higit sa lahat, ang mga talinghagang hango sa kalikasan sa aklat na ito ay nagpapahiwatig
marahil ng isang uri ng pananaw sa mundo, na masasaksihan pa sa mga Pilipinong namumuhay
sa lalawigan sa pagsasaka o pangingisda o iba pang pamamaraang malapit sa kalikasan.
Sa ganitong pananaw, ang paggamit ng talinghaga ay di lamang paraan ng "pag-aalis ng
anghang" o "pagkikil sa talim" ng dila, na maaaring "makasagasa" at makasira sa
pakiki-pagkapwang siyang batayan ng pagtutulungan o bayanihan sa pagsasaka.
{3.23}
Bukod dito, ang pananalinghaga'y pagsasaad ng paniniwala na ang tao'y
bahagi ng kalikasan, kung kaya't ang batas na naghahari sa mga halaman at hayop,
dagat at lupa, panahon at sansinukuban ay siya ring batas na dapat maghari sa tao.
Sa gayon, ang pagsuway ng tao sa batas na ito ay hindi na "natural", labag ito sa
atas ng kalikasan, at dapat lamang na "talbusin". Sa madali't sabi, para sa akademiko,
artista at karaniwang Pilipino, ang aklat na ito ay kaban ng mga talinghagang hiyas,
na kasasalaminan ng iba't ibang katangian ng Pilipino.
{3.24}
Sa matiyaga at matalisik, ang pag-uugpong-ugpong ng mga pirasong ito ay maaaring
makatulong sa pagkaunawa ng pambansang identidad, na napakahalaga sa panahong
nagsisikap ang sambayanan na maitayo ang kanyang ganap na kasarinlan sa larangan
ng kultura, pulitika at ekonomiya.
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/tiongson.html
1 Einleitung / Pambungad
3 Texte / Mga Kasulatan
Landicho, Domingo G.: Bulaklak ng Maynila
Quelle / Pinagmulan → {16A-2 Bulaklak}.
Kabanata 8: Bahaghari sa Kubakob (pp. 80-90)
{8.1}
Hindi pa rin tumatakas kay Ada ang dulot
ng bagong karanasan sa piling ni Cris nang ihatid siya ng binata sa kanilang lugal.
Sumakay sila sa isang taksi at nagpahatid. Habang nalalapit sila, unti-unti nang
naghuhunos ang darang sa kaibuturan ni Ada. Unti-unting dumadampulay sa kanya ang
kamalayan, ang pagkikintal ng kahulugan ng mga pangyayari.
{8.2}
"Ayaw kong magsinungaling sa 'yo. Me lumiligaw sa 'kin, si Ed," pagtatapat ni Ada. "Me ginawa ba siya sa iyo?" tanong ni Cris. "Hindi katulad ng ginawa mo," sabi ni Ada. "Natakot nga ako e," sabi ni Cris. "Buti na lang, me mga gamit si Auntie. Kundi'y mapupuno ka ng dugo." "Nangyari na 'yon," sabi ni Ada na walang bahid-hinanakit ang tinig. "Wala na tayong magagawa." "Kung itanong sa 'yo kung sa'n tayo galing?" tanong ni Cris. | ... |
{8.8}
Saglit na nag-isip si Ada. Hindi iyon sumagi sa kanyang isip. Pero paano nga kung itanong iyon? Ang nangyari'y nangyari na. Isang bahagi ng paglago. Isang bahagi ng kanyang pagiging ganap na babae. Ano pa ba ang dapat maging pagtingin doon? "Sasabihin ko," balewalang sabi ni Ada, nagbibiro. "Gaga," sabi ni Cris. "E, ano'ng sasabihin ko?" tanong ni Ada. "Namasyal tayo." "Talaga naman." "Kasama'ng mga classmates mo," paglilinaw ni Cris. "Sinungaling," biro ni Ada. | ... |
{8.10}
Sumapit na sila sa kaibuturan ng lungsod. Mangisa-ngisa na ang naglalakad sa bangketa. Naroon pa rin ang ilang nagtitinda. Mula sa gilid ng tindahan, pumailalim silang dalawa sa daanan sa ilalim. Sa hagdang bato, naghampila ang mga pulubi. Matatanda, mga paslit. Nasa isang bukod na panig ang mag-inang madona, ang butuhang ina at butuhang anak. Nakabaluktot ang mag-ina sa isang nakaladlad na karton, sinapinan ng mapanghi at maduming kumot na tagpi-tagpi. Nakasaklay ang kanang bisig sa butuhang katawan ng musmos, parang tinatabingan ng ina ang anak ng kalinga sa lambong ng magdamag sa pusod ng isang walang init na lungsod. | ... |
{8.11}
Iwinaksi ni Ada ang mga alalahanin. Pumakabila sila ng daan. Iyon ang kahabaan ng bangketa na pinupu-westuhan nila. Naroon pa rin ang ilang nagtitinda. Ngunit sarado na ang kanilang pinagtitindahan. Marahil, maagang nagsara ang kanyang ina. Marahil, nag-aalala iyon. Kumaba ang kanyang dibdib. | ... |
{8.12}
Lumapit si Ada kay Mang Tomas. Nag-aayos na si Mang Tomas ng kanyang puwesto. Inilalagay na ng matanda ang mga kagamitan sa pagkukumpuni ng sapatos, iniisa-isang ilagay ang martilyo, basyong may lamang pako, boteng may lamang panlimpiya-bota. Nakasandal sa isang saradong puwesto ang teheras na nakatiklop na ilalahad ng matanda makaraan para pagpahingahan sa loob ng magdamag. Nagtaas ng ulo si Mang Tomas. Sinipat si Ada. Lumipat ang mata ng matanda kay Cris, nag-uusisa at nagsusuri. | ... |
{8.13}
"Bago 'ata 'yan, Ada," pansin ni Mang Tomas. "Si Cris ho," pakilala ni Ada. "Magandang gabi ho," bigay-galang ni Cris. "Magandang gabi," tugon ni Mang Tomas. "Si Inay ho?" may pangamba ang tinig ni Ada. Tuwid na tiningnan ni Mang Tomas si Ada, pagkaraan ay tuminging waring nagpapahiwatig kay Cris. "Kanina pa alalang-alala si Azun. Maaga tuloy nagsara ng puwesto ang ina mo," sabi ni Mang Tomas. Napatingin si Ada kay Cris. "Nagkayayaan ho e," sabi ni Ada. "Naku'y sa ina mo dapat kang magpaliwanag. Ano ba'ng pakialam ko riyan?" patianod ni Mang Tomas at bumaling na muli sa kanyang ginagawang samutsari sa pag-aayos ng maliit na puwesto. | ... |
{8.14}
Hindi naglipat-saglit, lumapit si Doray. Kalalabas lang ng babae sa isang bar at nagtuluy-tuloy sa umpok ni Mang Tomas. Matalim ang ipinukol na tingin ni Doray kay Cris. "Sa tagal ng pagkawala mo, maaaring nagalugad mo na'ng buong Maynila, Ada," bunganga ni Doray. "Nagkayayaan lang ho kami ng mga classmates ko," katwiran ni Ada. | ... |
{8.15}
"Hindi ko na sakop 'yon. Pero alam mo ba ang epekto ng paggala mo? Ang pamangkin ko, naku, di tuloy nakapagtinda ng sigarilyo sa kaaabang sa 'yo," parinig ni Doray at makahulugang sinulyapan si Cris. Alam ni Ada na walang mabuting patutunguhan ang usapang iyon. Talos na talos niya ang ihip ng hangin sa bangketa. Alam niya kung ang timpla ng pag-uusap ay usapang tsismis o usapang tungayawan. Talos niyang si Doray ay tangay ng masamang hangin. Medyo nakainom ang babae, at talos ni Ada na alaskang-alaska iyon dahil sa pagkakakitang may ibang lalaki siyang kasama. | ... |
{8.16}
"E sige ho," sabi ni Ada. "Uuwi na ho ako." "Me drama na naman sa Looban," pabuntot na saring ni Doray. Hindi na ininda ni Ada ang lahat. Tinalunton nila ang isang maliit na bulaos, na siyang tapatan papasok sa bakuran. Mula sa maliwanag na bangketa, ang maliit na tinatapat na eskinitang iyon ay babagtas sa ilang puwesto ng kulutan, maliliit na karinderya, at isang mumurahing hotel. Wala nang mga tao sa mga puwestong iyon, at maya-maya pa, nasa bungad na sila ng Looban. Nakabuntot pa rin si Cris. | ... |
{8.17}
Huminto si Ada. "Huwag ka na kayang sumama," sabi ni Ada. "Ihahatid kita sa inyo," sabi ni Cris. "Ano'ng iisipin nila?" agam-agam ni Ada. "Ihahatid kita," matatag na sabi ni Cris. Tuluyan nang lumakad si Ada, kaagapay si Cris. Tinalunton nila ang makipot na daan, parang maliit na pilat sa mukha ng karalitaan ng Looban. Dai-daiti ang bahay. Sa talsik ng malabong ilaw, marawal na mukha ng tagpi-tagping karton at lata na parang pagod na nahihimlay. Naroon ang mga tablang nakapatong sa mga tipak ng bato. Kung tag-ulan, ang mga tabla'y siyang timong daanan ng mga tao, para hindi dumaan sa sumasanaw na makutim na tubig. May mga anag-ag ng liwanag sa itinatalsik ng mumunting siwang ng mga tagping dingding. May mga pamilyang nakahimlay sa silong ng kubakob. Sa itaas, nakasardinas ang ilan-ilang pamilya. | ... |
{8.18}
Tumigil ang dalawa sa tapat ng bahay nina Ada. Pumasok si Ada sa nakaawang na panaradong kahoy sa makipot na pultahan. Saglit na huminto si Ada sa may pintuan. Bukas pa ang ilaw sa loob. Pero walang kaluskos ng buhay doon. Tumingin si Ada kay Cris, parang sumasangguni ang mga mata. "Tutuloy ka pa ba?" pabulong na tanong ni Ada. "Ihahatid kita," panatag ang tinig ni Cris. Kumatok si Ada sa pintuan. | ... |
{8.19}
Saglit na namaikpik ang katahimikan. Ang kapanataga'y waring nanantiya, na lalong nagpakaba sa dibdib ni Ada. Muling kumatok si Ada. May narinig silang kaluskos. May mga yabag na lumapit sa may pintuan. "Sino 'yan?" tanong ng nasa loob. "Ako, Inay," tugon ni Ada. Bumukas ang pinto. Maasim ang mukha ni Azun. Tumuloy si Ada. Sumunod si Cris. "Si Cris, Inay. Ang Inay ko," pagpapakilala ni Ada. "Magandang gabi ho," sabi ni Cris. Hindi tumugon si Azun. Sinundan nito si Ada. Umupo ang anak sa isang silya. Pinaupo rin nito si Cris, malapit lang sa kanya. | ... |
{8.20}
"Nakatulog na ako sa paghihintay sa iyo!" marahas ang salita ni Azun. "Nagkayayaan kami ng mga classmates ko," katwiran ni Ada at napatingin siya kay Cris. "Hindi na 'to uwi ng babae. Ng kagaya mong me gatas pa'ng labi, Ada," patuloy na bunganga ni Azun, na parang walang narinig na katwiran. "Iyon pala'y kasama ka ng 'sang lalaki. Puwes, wala akong pakialam kung sa'n kayo nagpunta." "Lumabas lang kami ng mga kaklase ko," inulit ni Ada ang pagsisinungaling. | ... |
{8.21}
Pero walang pakialam si Azun sa mga katwiran. Pikang-pika siya. At tiningnan niya nang makahulugan si Cris. Pagkatapos, sinukat niya ang tingin ang anak. "Ito lang ang masasabi ko," babala ni Azun. "Pag me nangyari sa 'yo, Ada, tandaan mo, bumalik na sa pinang-galingan ang me kagagawan, malilintikan sa amin ng Itay mo!" Nakatingin lamang si Cris kay Ada, habang nagbu-bunganga si Azun. Sa likod ng kanyang isip, alam niyang may kasalanan siyang nagawa kay Ada. Ngunit iyon ay dulot ng kanyang pag-ibig at sa pag-ibig, ang lahat o ang lahat-lahat na mga mumunting kasalanang nagagawa sa kanyang pangalan - ay maaaring maunawaan at patawarin. | ... |
{8.22}
"Mahirap lang kami," patuloy ni Azun. "Pero alam namin ang kahulugan ng dangal. Pag wala na kami nito, wala nang matitira sa amin." "Inay, ang dami-dami mo nang nasabi," pakiusap ni Ada. "Huwag mo akong pakialaman," singhal ni Azun. "Wala ka namang dapat ipag-alaala, Inay," ani Ada. "Me mata ang dibdib ng ina, Ada," pakli ni Azun. Hindi nagtagal at tumayo na rin si Cris. "Magpapaalam na po ako," sabi ng binata. "Pasensiya na kayo," habol-paghingi niya ng paumanhin. | ... |
{8.23}
Hindi umimik si Azun. Alam ni Cris ang kahulugan niyon. Dumako na siya sa may pintuan. Sumunod si Ada."Pasensiya ka na sa Inay," hinging-paumanhin ni Ada. "Wala 'yon," sabi ni Cris. "Paano?" may agam-agam si Ada. "Uuwi na ako," ulit ni Cris. "Ikaw na'ng bahala," bilin ni Ada. "Okay lang," paniniyak ni Cris. | ... |
{8.24}
Lumabas na si Cris. Sa makalabas-bakod, lumingon siya. Nasa may pintuan pa si Ada. Alam niya, inihahatid siya ng tingin ni Ada. Inut-inot na lumakad si Cris. Lukob ng dilim ang Looban, hindi sapat ang mga talsik na liwanag sa loob ng mga kubakob para tanglawan ang daanan. Tinantiya na lamang ni Cris ang landas pabalik, palabas sa bangketa. Habang tinatalunton ni Cris ang landas palabas, umuukilkil sa kanya ang buong pangyayari. Ang naganap sa kanilang dalawa ni Ada sa loob ng apartment ng kanyang tiya. Alam niya ang kahulugan niyon. | ... |
{8.25}
At handa siya. Alam niya, ang pangyayari ay bunga ng tukso ng pag-iisa. Dinala niya si Ada sa apartment upang ipakilala sa kanyang tiya. Ang mga sumunod na pangyayari ay hindi bahagi ng kanyang balak. Ang pag-iisa ay isang mapanganib na tukso at ang tukso ay makapangyarihan, lumulukob at sumasalanta sa anumang tatag ng tao. Ngunit ano pa ang kanyang magagawa? Ang nangyari'y nangyari na. Papalabas na si Cris sa may bangketa. Maliwanag pa rin ang dakong iyon. May mangilan-ngilan pa ring tao. Sarado na ang mga tinda sa bangketa. Gabi nang talaga, naisip ni Cris. Tuluy-tuloy ang kanyang ginawang paglakad. Iniisip niya, kukuha siya ng taksi, magpapahatid sa apartment. Walang tao sa apartment, alam niyang umaga na ang balik ng kanyang tiya. | ... |
{8.26}
Walang kaginsa-ginsa, may pumagitna sa kanyang dinadaanan. Isang binatang halos kasing-edad niya, mabulas ang pangangatawan, na sa ayos ay mahihinuhang bahagi ng lansangan, ang nasa gitna ng kanyang landas. Naging mailap ang mata ni Cris. Tumalas ang kanyang pakiramdam. May barkadang nakapaligid ang sumasalubong sa kanya. "Sandali lang, pare," sabi ng sumalubong. | ... |
{8.27}
Huminto si Cris. Sinukat niya ang kasalubong. Mga dalawang dipa ang layo, huminto rin ang sumalubong. Huminto rin ang barkada. "Me kailangan ka ba sa 'kin?" tanong ni Cris. "Ikaw 'yong naghatid ke Ada?" tanong ng sumalubong. "Ako nga," amin ni Cris. Tumigil sa pagsasalita ang sumalubong. Tinitigan niyang mabuti si Cris. Sinusukat niya ang kaharap. "Ako si Ed," pagpapakilala ng sumalubong. "Ako si Cris," ganti ng sinalubong. "Bata ko si Ada," sabi ni Ed. "Okey lang," pakli ni Cris. | ... |
{8.28}
"Ayaw kong ihahatid siya ng kung sino dito sa 'ming lugal," banta ni Ed. "Malabo naman 'yon, pare," ani Cris. "Lumiligaw ka ba ke Ada?" tanong ni Ed. "Lalaki ka ba?" ganting tanong ni Cris. "Bata ko siya, pare," pagdidiin ni Ed. "Kasintahan ko si Ada," sabi ni Cris. Nagpanting si Ed. Hindi niya matatanggap na may isa pang lalaki sa pagitan nila ni Ada. "Ang yabang mo a," sabi ni Ed. "Sinusugalan lang kita, pare," ganti ni Cris. "Lugal namin 'to," banta ni Ed. "Ano ba'ng gusto mo?" tanong ni Ed. Binalingan ni Ed ang mga kabarkada sa likuran. "Akin 'to," sabi ni Ed. Tumatag si Cris. "Walang tutulong sa inyo," ulit ni Ed. | ... |
{8.29}
Unang nagpakawala ng buntal si Ed. Nasapol sa panga si Cris. Parang kumislap ang mga bituin sa lupa sa tingin ni Cris. Nagpakawala rin ng suntok si Cris, ganting-salakay. Nakailag si Ed, sabay-salag sa suntok. Umulit si Cris ng mga suntok. Sunud-sunod. Nasapol niya sa mukha si Ed. Sa lakas ng tama, napasadsad si Ed sa isang nakasaradong puwesto. Tuluy-tuloy na dumaluhong si Cris. Sumalubong din si Ed. Nagpalitan ng mga suntok. Umaatikabo. Nang mapagitna sa bangketa, ginamit ng dalawa ang mga paa. Tadyak. Sipa. Suntok. Takyak. Umaatikabo. May putok na ang labi ni Cris. May pasa sa mukha si Ed. Pero patuloy pa rin ang walang-tantang sukatan ng lakas sa bangketa. | ... |
{8.30}
Dumami ang tao sa bangketa. Nag-uusyoso. Nang-uupat. Parang walang nais umawat sa nag-aaway. Sa iba, isa iyong malupit, madugong laro na libreng panoorin. "Arya! Buntal!" sigaw ng isang miron. "Sige! Basagan!" kantiyaw ng isang sabog sa alak. Patuloy ang dagukan. At may dapat sumuko. Hindi nagtagal, napaluhod si Cris. Nanaig ang lakas at sunog-lansangan. Parang matagumpay na gerero si Ed. Iuunday na lamang ni Ed ang huling dagok nang biglang may humagip sa kanya. "Tama na 'yan!" sigaw ng dumating. Si Ada ang dumating. Mula sa kanila, narinig niya ang ingay ng pagkakagulo sa bangketa. Kinutuban siyang si Cris ang sangkot sa gulong iyon. At hindi siya nagkamali. | ... |
{8.31}
"Ano ba naman?" tanong ni Ada. Tumayo si Cris. Duguan ang labi nito. May dugo rin ang ilong ni Ed. Parehong may tama ang kanilang mga mukha. "Ano ba naman kayo?" hindi maintindihang naitanong ni Ada. "Wala 'to," sabi ni Cris. "Pambihira naman kayo," sabi ni Ada. "Okey lang ito," pakli ni Ed. Pumara si Cris ng taksi. Sumakay. Ni hindi iyon nagpaliwanag pa. Nakamata lamang si Ada, makaraan ang pambungad na mga salita. Hindi niya maipaliwanag sa sarili ang kahulugan ng away na iyon sa bangketa. Dumating na rin si Azun. Galit na galit na sinundan ang anak. | ... |
{8.32}
"Uwi sa bahay," sabi ni Azun sa anak, nang maging malinaw sa kanya ang lahat. Walang imik na sumunod si Ada. Nagpuputok ang kanyang dibdib sa sama ng loob. Sa pagbabalik ni Ada sa Looban, sumunod si Ed. "Napakahayop mo, Ed!" sumbat ni Ada. "Mahal kita, Ada," sabi ni Ed, mahina ang boses, sinusupil na waring humihingi ng unaawa. "Wala namang kasalanan 'yong tao," matalim ang mga salita ni Ada. "Mahal kita, Ada. Kaya nangyari 'to," nais magpaunawa ng tinig ni Ed. | ... |
{8.33}
Napatingin si Ada kay Ed. Napopoot siya. Hindi niya alam ang saklaw ng poot na iyon. At si Ed lang ang maaaring pagtuunan niya ng galit. "Wala akong gusto sa iyo, Ed," mariin ang mga salita ni Ada. | ... |
{8.34}
Hindi nakaimik si Ed. Hindi niya inaakalang maririnig iyon kay Ada. Napaurong siya sa sumambulat na kato-tohanang iyon. Hinayaan na lamang niyang maglakad si Ada, pauwi. Hanggang lamunin ng dilim ng Looban. Para siyang ipinako sa kanyang kinaroroonan, nalilito sa nangyari. At si Ada, sa lundo ng lahat ng iyon, sa pag-iisa'y ipininid ang pintuan. Hindi na niya inanino pa ang naiwang si Ed. Ibig niyang takasan ang hindi maipaliwanag na karanasan na sumapit sa kanya, parang bahaghari nang gabing iyon. | ... |
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/bulaklak.html
1 Einleitung / Pambungad
3 Texte / Mga Kasulatan
4 Nichtkanonische Sätze / Pangungusap sa Ayos na Kabalikan
5 Einzeldaten / Bagay-bagay 5.1 5.2
5.3
Gonzales, Lei de Chaves: Si Busilak
Quelle / Pinagmulan → {16A-2 Busilak}.
Übersetzung des Märchens Schneewittchen, die eine Absolventin (BS) einer sozialwissenschaftlichen Fachrichtung der University of the Philippines, Los Banos, vorgenommen hat.
Der deutsche Text wurde mündlich der Übersetzerin in Englisch vorgetragen. Von diesen Notizen hat sie den Filipino Text erstellt, der abschließend mit dem deutschen Original bezüglich des Inhaltes abgeglichen wurde.
Deutscher Originaltext und filipinische Übersetzung mit Bildern.
{3.21}
Noong una'y nanganak ang isang reyna ng babae. Mayroon siyang kutis na singbusilak
ng niyebeng puti, mga labing singpula ng dugo at buhok na sing-itim ng gabi.
Dahil doon Busilak ang pinangalan sa bata. Ngunit namatay ang reyna, at pagkatapos isang
taon kinasal ang hari sa ibang babae. Napakaganda ang bagong reyna, pero siya ay mapagmataas
at hambog, at hindi niya kayang tanggapin na may mas magandang babae kaysa kaniya.
{3.22}
Nagkaroon ang reyna ng salaming naghihimala. Araw-araw tinatanong niya ito:
"Salamin, salamin, sino ang pinakamagandang babae sa buong bansa ko?" At lagi ang sagot ng
salamin: "Kayo po, Reyna, ang pinakamagandang babae sa buong bansa." Lumaki si Busilak nang
napakaganda. Isang araw ang sinagot ng salamin sa reyna: "Kayo po, Reyna, dito po kayo ang
pinakamagandang babae, ngunit doon ay higit pang mas maganda si Busilak kaysa inyo."
{3.23}
Inutusan ng reyna ang isang mamamaril na patayin si Busilak. Naawa siya
kay Busilak at pinakawalan niya iyon. Matagal na naligaw si Busilak sa kagubatan.
Sa katagalan nakarating siya sa isang maliit na bahay at pumasok siya doon.
{3.24}
Sa sala may
isang maliit na mesang nakaayos na para sa hapunan. Dahil nagugutom na si Busilak, kinain
niya ang kakaunting pagkain sa lahat ng platong nandoon at uminom din. Saka humiga siya sa
isa sa mga maliliit na kama, tapos natulog siya.
{3.25}
Sa gabi umuwi ang mga amo ng bahay, ang pitong duwende. Binuksan nila ang
kanilang pitong ilaw. Saka napansin nila na may ibang tao doon sapagkat naiba ang ayos ng
mga kagamitan nila hindi katulad noong umalis sila kaninang umaga. Sabi ng unang duwende:
"Sino ang umupo sa bangko ko?" Ng ikalawa: "Sinong kumain sa plato ko?" Tanong ng ikatlo:
"Sino ang kumuha ng tinapay ko?" Ng ikaapat: "Sino ang kumain ng gulay ko?"
{3.26}
Sabi ng ikalima: "Sinong gumamit ng aking tinidor?" Ng ikaanim: "Sino ang naghiwa
gamit ang kutsilyo ko?" At ng ikapito: "Sino ang uminom sa tasa ko?" Saka nakita nila
si Busilak na natutulog sa kama. "Naku! Naku!" ang sigaw nila, "anong ganda ng dalaga!"
Sa kasiyahan, hinayaan nila na natutulog si Busilak sa kama.
{3.27}
Kinaumagahan nagising si Busilak, natakot siya ng nakita niya ang
pitong duwende. Ngunit mabait sila at tinanong nila si Busilak: "Ano ang pangalan mo?"
"Si Busilak ako", ang sagot niya.
{3.28}
"Paano ka nakapasok sa bahay namin?" ang sabi ng mga duwende. Sinabi ni Busilak
ang lahat ng kuwento niya. Sabi ng mga duwende, "Kung gusto mong mamahala ng bahay
namin, magluto, ayusin ang mga kama, maglaba, manahi at maggantsilyo,
at gusto mong ingatan nang maayos at panatilihing malinis ang lahat, puwede kang
makitira sa amin, at maganda dito ang buhay mo." "Oo", ang sabi ni Busilak, "talagang
gusto ko!" at tumira siya sa kanila.
{3.29}
Inisip ng reyna na patay na si Busilak at ulit tinanong niya ang salamin.
Sumagot ang salamin: "Kayo po, Reyna, dito po kayo ang pinakamagandang babae, ngunit
doon sa likod ng mga pitong bundok kasama ang mga pitong duwende higit na mas maganda
si Busilak kaysa inyo." At nalaman niya na dinaya siya ng mamamaril.
{3.30}
Nagpanggap ang reyna na maglalako at pumunta siya sa bahay ng mga duwende.
Kumatok siya sa pintuan at kinausap niya si Busilak upang bumili ng magandang pagbigkis.
Mahigpit ang pagkakatali ng reyna sa pangbigkis kay Busilak kaya hindi na siya nakahinga.
Napalugmok si Busilak na parang wala ng buhay.
{3.31}
Dumating ang mga duwende at nakita nila sa
Busilak na nakahiga sa lupa na hindi humihinga. Pinutol ng mga duwende ang tali at nabuhay
muli si Busilak. Pagkahinga ay ikinuwento lahat ni Busilak sa mga duwende ang nangyari.
{3.32}
Tinanong muli ng reyna ang salamin at nalaman niya na buhay pa si Busilak.
Nagpanggap muli ang reyna at nagdala ng suklay na may lason. Nilagay ng reyna ang suklay sa
ulo ni Busilak. Muling bumagsak sa lupa si Busilak dahil sa lason ng suklay. Sa kabutihang
palad, dumating kaagad ang mga duwende at inalis ang suklay na may lason sa ulo ni Busilak.
Muling nabuhay si Busilak pagkaalis ng suklay sa buhok niya.
{3.33}
Nalaman ng reyna mula sa salamin na buhay pa si Busilak. Nanginginig sa
galit ang reyna. Araw at gabi, iniisip ng reyna kung paano niya mapapatay si Busilak.
Pagkatapos, naisip ng reyna na lagyan ng lason ang kalahati ng isang napakagandang mansanas
at nagpanggap muli siya. Pumunta siya sa bahay ng mga duwende bilang isang maglalako.
{3.34}
Kumatok ang reyna sa pintuan. Binuksan ni Busilak ang bintana at pagkatapos sumilip
ay sinabi: "Hindi ako maaaring magpapasok ng kahit sino. Ipinagbabawal ng pitong duwende."
"Ayoslang sa akin iyon." sagot ng maglalako ng magsasaka.
{3.35}
"Wala akong problema upang
maitinda lahat ng aking mansanas, ngunit bibigyan na lang kita ng isang mansanas." Sinabi
ni Busilak, "Hindi ako maaaring tumanggap ng kahit ano!" "Natatakot ka ba sa lason?"
tanong ng maglalako. "Hahatiin ko ang mansanas sa dalawa, kainin mo ang mapulang bahagi
at kakainin ko ang maputing bahagi."
{3.36}
Ang mansanas ay naihanda ng maayos kaya ang mapulang bahagi lang ang
may lason.
Sinuring mabuti ni Busilak ang mansanas at nang makita niya na kumain mula dito ang asawa
ng magsasaka at hindi na niya napigilan na tanggapin.
{3.37}
Inilabas niya ang kanyang kamay sa
bintana at kinuha niya ang bahaging may lason. At kaagad-agad pagkatapos niya na kumagat,
nalaglag si Busilak sa lupa at namatay. Pagkauwi, tinanong ng reyna ang salamin at sa
wakas sinagot nito: " Kayo po, reyna, ang pinakamaganda sa buong bansa."
{3.38}
Pagkauwi ng mga duwende, nakita nila si Busilak na patay sa sahig. Sinubukan nila na
buhayin si Busilak ngunit walang kuwenta. Nanatiling patay si Busilak at nilagay nila ito sa
kamilya. Iniyakan ng mga duwende si Busilak ng mga tatlong araw. Gusto sana nilang ilibing
si Busilak ngunit para pa siyang buhay na tao. Kaya gumawa ng kabaong na yari sa salamin ang
mga duwende at doon nila nilagay si Busilak.
{3.39}
Isang araw, dumating ang prinsipe na nangangabayo sa gubat. Sa tuktok ng bundok,
nakita niya ang kabaong at ang magandang si Busilak na nakahiga sa loob. At sinabi ng
prinsipe sa mga duwende: "Duwende, iwanan ninyo sa akin ang kabaong. Ibigay ko ang anumang
nais ninyo kapalit nito." Sagot ng mga duwende: "Hindi namin ibibigay ito sa lahat ng ginto
sa mundo."
{3.40}
At sinabi ng prinsipe: "Ibigay ninyo sa akin bilang isang regalo dahil hindi
na ako mabubuhay pa na hindi
nakikita si Busilak. Pahahalagahan ko siyang katulad ng pinakatatangi sa buhay ko."
Pagkasabi ay naawa ang mga mabubuting duwende sa prinsipe at ibinigay sa kanya ang
kabaong. Pinabuhat ng prinsipe ang kabaong sa kanyang mga utusan sa kanilang balikat.
{3.41}
Biglang natisod sa palumpong ang isa sa mga utusan at dahil sa pagkakagalaw sa kabaong,
lumabas ang mansanas na may lason at kaagad na bumukas ang mata ni Busilak at napaupo siya at
nabuhay. "Naku, nasaan ako?" Sigaw niya. At sinabi ng prinsipe na nagagalak: "Ikaw ay kasama ko.
Minamahal kita nang higit pa sa kahit anong bagay sa mundo. Sumama ka sa kastilyo
ng aking ama, kailangan kitang mapangasawa."
{3.42}
Maayos na tinanggap ni Busilak ang prinsipe at sumama siya dito sa kastilyo
at idinaos ang isang marangyang kasal. Ngunit inimbita nila ang reyna at nang pumasok
siya sa malaking kuwarto at nakilala si Busilak, lubos siyang nagulat at nalaglag siya
sa lupa at namatay.
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/busilak.html
1 Einleitung / Pambungad
2 3 Texte / Mga Kasulatan
Cao, Sergio S.: Ang Kahalagahan ng Palisi't (En:
'policy') Institusyon sa
Pagpapayaman ng Wikang Filipino bilang Wika ng Pananaliksik
Quelle / Pinagmulan → {16A-2 Cao 2013}.
Isang uri ng "Taglish na pang-akademiko" ang malimit na ginagamit ni Dr. Cao. Sa halip
na paggamit ng Pilipinong katawagang (kung mayroon iyon sa
{ SS}) ay salitang Inggles o Espanyol na Inggles
sa Filipinong baybay ang ginagamit (hb.: palisi, ordinaryo). Kataka-taka ito kung
alagad ng wikang Filipino ang may-akda. Minamarka na {*} ang
ilan ng salitang iyon.
{2.2}
Kaakibat nito, nahanapan rin ng bagong opisina ang SWF kung saan mas madaling
mapuntahan ngayon
ng mga akademiko, mananaliksik, at mga mag-aaral para sa kanilang tanong. Inilunsad din
ang websayt ng SWF para sa mas mabilis na pagbabahaginan ng kaalaman. Sa panayam na ito,
nagpaunlak si Dr. Sergio Cao na magbalik-tanaw sa usapin ng Wikang
Filipino bilang wika ng pananaliksik at ng papel ng SWF sa pagsusulong nito.
{3.41}
Schedar D. Jocson: Bilang nagpakadalubhasa sa matematika bago kayo lumipat
sa Kolehiyong Administrasyong Pangnegosyo (CBA), bakit maraming Pilipino ang takot
sa matematika?
{3.42}
Sergio S. Cao: Natural {*} sa tao na magkaroon ng takot
sa matematika. Batay sa mga pag-aaral na isinagawa, ibang bahagi ng utak ang
ginagamit kapag tinatalakay ang matematika. Mabibilang ang ordinaryong
{*} tao na makapagsasabing
gustong-gusto niya ang asignatura. Marami rin ang takot na tao sa
matematika dahil tiyak ang sagot sa mga katanungan sa matematika.
Halimbawa, ang 2 + 2 ay 4. Precise {*} ang sagot sa
sitwasyong {*} matematikal
at sa pagka-precise {*} nito ang dahilan kung bakit marami
ang may ayaw sa matematika.
{3.43}
Jocson: Mayroon bang maitutulong ang wikang Filipino upang iwaksi ang takot?
Cao: Nagsimula ako sa matematika ngunit lumipat ako sa finance
{*}. Importante ang lengguwahe sa pagtuturo sa isang disiplina.
Naniniwala ako na kung Filipino ang gagamitin sa pagtuturo ng mathematics
{*}, baka mas maganda
ang pagkakaintindi ng mga nag-aaral ng mathematics. Kinakailangan
na kumportable {*} ang mag-aaral sa wikang pinili bilang wikang
panturo. Sa ngayon kasi, ang paggamit at pagpili ng kumportableng wika sa
edukasyon ang direksiyon {*} at tunguhin ng basic education
{*} sa bansa.
{3.44}
Hindi nangangahulugang kung ano ang native tongue {*} ng bata,
siya ang gagamiting wikang panturo. Kung saan kumportable {*} ang
bata sa wikang pipiliin, iyon ang dapat gamitin. Halimbawa, sa Pampanga,
mas kumportable ang mga bata sa Kapampangan, iyon ang dapat gamitin. Pinanganak ako sa
Pampanga at ang wikang kinagisnan ko ay Kapampangan.
{3.45}
Pero dahil lumaki ako sa Bulacan, kapag pinapa-explain {*}
sa akin ang math, mas kumportable {*} akong gamitin ang
Tagalog o Filipino. Kung nahirapan ang bata na intindihin ang tanong, maaaring
i-reword {*}
ang tanong upang maintindihan ng bata. Sa pamamagitan ng paggamit
ng kumportableng {*} wika, maso-solve
{*} niya ang problem {*}.
{3.46}
Jocson: Paano naman ipapakita sa mga guro ang kahalagahan ng wika sa
pagtuturo ng Matematika? May pagkukulang ba ang guro sa kahandaan nila?
Cao: May kakulangan ngayon kasi nga hindi pa napagsasama-sama ang
bokabularyo. Hangga't hindi pa napagsasama-sama ang bokabularyo,
hindi magiging handa ang kaguruan na ituro ang matematika sa wikang
Filipino o mga wika sa bansa.
{3.47}
Isa rin itong chicken-and-egg phenomenon {*} kasi
nga kulang ang terminolohiya {*} sa matematika, hindi
naituturo. Dahil hindi naituturo, hindi nag-e-evolve {*} ang
wika upang magamit sa matematika. Katangian ng wika na dapat na magamit nang magamit
upang maging komun {*} ang wika at bokabularyo. Dahil hindi
komun {*} na ginagamit ang Filipino sa matematika kaya hindi
nagiging epektibo {*} ang wikang Filipino, sa ngayon.
{3.48}
Jocson: Hinggil naman po sa nalipatan ninyong larangan ng banking at
finance, gaano kahalaga ang paggamit ng wikang Filipino sa sektor ng
pangangalakal?
Cao: Pagdating mo sa business environment {*}, ang
diskusyon {*} ay Ingles. Mawawala
ka sa kumpas kung ang wikang ginagamit mo ay Filipino. Halimbawa,
ngayon pinag-uusapan namin ang integration and synergy among
companies {*}. Kapag nag-usap-usap kayo ng mga opisyal
ng kompanya, Ingles, at mawawala ka talaga kapag Filipino ang gamitin.
{3.49}
Jocson: Nakikita po ninyo na magagamit ang Filipino sa kalakalan?
Cao: Depende sa usapin. Halimbawa sa stock market, kung wala namang
bokabularyo, paano gagamitin ang Filipino roon? Mahirap ipasok ang
ide {*}.
Jocson: Paano ninyo nakikitang economically viable {*} ang
wikang Filipino?
Cao: Kapag ba sinabi mong economically viable, may financial implication
{*} ba
yan? Kasi sa Japan at sa Thailand, ang wika ng kanilang business
{*} doonay Hapon at Thai. Kailan tayo dadating doon? Baka sa
lifetime {*} ko, hindi yun mangyayari. Kahit sa lifespan
{*} ng mga anak ninyo, hindi mangyayari,
kasi nga hindi naman ginagamit ngayon.
{3.50}
Kung gusto natin na makitang
ginagamit ang Filipino sa negosyo, dapat nagsisimula na ngayon.
Ngayon na humaharap tayo sa ASEAN Integration, humaharap tayo
sa kumpetensiya {*} sa kalakan, sa edukasyon
{*}, magkakaroon ng mutual {*}
recognition {*}.
{3.51}
Sa tingin ko, nagkaroon ng bagong environment na lalong
magpapahirap sa pagpapatanggap ng Filipino bilang wika ng pagtuturo
at bilang wika ng kalakalan. Sa paniwala ko, sana nangyari na noon pa
na tinanggap na ang Filipino bilang wikang ginagamit sa edukasyon at
business.
{3.52}
Jocson: Bilang Tsanselor sa UP Diliman, naging malakas ang suporta ninyo sa
pagsusulong ng wikang Filipino at sa sining. Nagbigay rin kayo ng pondo
para sa Sentro ng Wikang Filipino. Ano ang mga dahilan kung bakit mas
malakas ang binigay ninyong suporta sa wika at sining sa pamantasan?
{3.53}
Cao: Linawin ko lang na ang "mas malakas" ay relative. Kung ang pinanggagalingan
mo ay walang suporta, kahit kaunting suporta, malakas na iyon. Ganito
ko siya ilalagay: matagal nang may palisi sa wikang Filipino. Nauna nga
ang UP, wala naman nangyari dahil walang kumilos.
{3.54}
Kung mayroon mangnangyari, kaunti lang. Halimbawa, bakit hindi na-impose? Hypothetically,
puwede naman ma-impose ang palisi. Halimbawa, bakit hindi ginawan
ng insentibo ang pagtuturo sa Filipino sa pamamagitan halimbawa ng
times 2 ang suweldo ng mga gurong magtuturo gamit ang Filipino.
{3.55}
Kung na-impose 'yan, ewan ko na lang kung hindi lahat magsipagturo gamit
ang Filipino. Baka nagkaroon ng kaunting pagkukulang sa pag-iisip sa
insentibo. Ang palisi ay papel lamang, paano mo 'yan isasakatuparan?
{3.56}
Dapat sana nagkaroon ng mas malakas na insentibo para hindi maging
tokenistic ang paggamit ng Filipino. Halimbawa, kapag gumawa ka
ng libro sa matematika gamit ang Filipino, o bigyan ng P100,000 o kaya
palakihin ang promotion points. Kung mayroon kang palisi, dapat mayroon
kang gagawin tungkol dito. Dapat naging wika ng University Council ay
Filipino.
{3.57}
Noong panahon ko, sinisimulan ko ang pulong sa Council gamit
ang Filipino pero dahil eventually lahat nag-i-Ingles na, Ingles na natatapos
ang pulong. Dapat siguro mayroon ding political will na may firm policy.
Noong ako ay tsanselor, naniniwala ako noon pa na tama ang palisi sa
wikang Filipino. Hindi ako nagbigay ng pahayag na hindi tama ang
palisi.
{3.58}
Paano mo ngayon susuportahan iyon? Maraming paraan. Ako, lahat
ng major speeches ko, ay nasa Filipino. Noong Investiture, speech ko ay
Filipino. Isang bagay yan na nagbibigay ng suporta. Ang speeches ay
narerekord 'yan at kung ikaw ay presidente o tsanselor ng UP, ang speeches
mo ay palisi.
{3.59}
Kapag ang Investiture speech mo ay sa Filipino, nagseset ka
ng palisi. Pero ito ay passive na pagkilos. Sa active support, nakita ko na
ang pagsasaliksik sa Filipino ay nakikipagkumpetensiya sa research fund.
Sabi ko, bakit hindi kaya tayo maglagay ng Endowment Fund.
{3.60}
Umandar naman iyon eh. May nakatabing pondo para sa mga magsasaliksik sa
Filipino. Ito ay isang uri ng insentibo. Malaking bagay rin na nahanapan ng
bahay ang Sentro ng Wikang Filipino dahil malaking sanhi ng pagkakaroon
ng isang opisina ay makapagtrabaho ka nang husay. Kahit ang mga
Professorial Chair Awards, may nananalo na taga-Filipino. Kapag tiningnan
mo, malaking bagay na ang mga ito ngunit kung titingnan mo nang mas
malawakan, kaunti lamang ito kasi nga dapat noon, naisagawa na ito.
{3.61}
Dapat patuloy na isinasagawa ito ngayon. Yung research funds halimbawa,
dapat sigurong dagdagan. Tingin ko, dahil ang UP ang unang gumawa ng
palisi, dapat na umandar. Hindi puwedeng puro salita lang.
Noong tumakbo ako bilang presidente, nasa wikang Filipino ang aking
vision paper. I was making a statement na maka-Filipino ako.
Malaking bagay rin na marami akong kaibigan na taga-Departamento ng
Filipino.
{3.62}
Kailangan na napapalibutan ka rin ng mga taong pinaniniwalaan
mo ang kanilang posisyon. Yung mga kaibigan ko sa departamento, kapag
tumatayo sila sa Council, Filipino ang gamit nila. Hindi ko nararamdaman
na mag-isa ako sa pinaniniwalaan ko. Puwede namang naniwala ako sa
palisi pero hindi naman ako kumilos.
{3.63}
Importante na hindi huminto ang mga
nagsusulong ng parehong adbokasiya ko sa wikang Filipino. Hindi man
kami magkakasundo pero mahalaga na pareho kami ng paniniwala sa
pagsusulong ng wikang Filipino. Kailangang maraming sabay-sabay sa
pagkilos.
{3.63}
Jocson: May naranasan ba kayo na hindi sumang-ayon sa inyong desisyon na
suportahan ang wikang Filipino?
Cao: Meron. Minsan, sinabihan ako kung bakit Filipino ang Investiture speech ko.
Ang sabi ko lang, "Iyon ang gusto ko. Ako naman ang nag-i-investiture."
Mayroon na nagtanong "Bakit Filipino?" at maraming nagkomento sa
akin. Ako ay secure sa aking katauhan. Wala namang nagsabi na hindi
ako marunong mag-Ingles, na kadalasang maling pagtingin.
{3.15}
Pangalawa, I was making a statement. Simula noong tumakbo sa pagka-Tsanselor
hanggang sa pagka-Presidente, supportive ako sa Filipino. Hindi nagulat
ang mga malalapit kong kaibigan nang ginamit ko ang wikang Filipino sa
vision paper ko. Magulat ka kung bigla akong nag-Ingles. Kumportable ako
sa Filipino kaya ito ang ginamit ko. May masasabi ka sa wikang Filipino na
hindi mo masasabi sa Ingles.
{3.65}
Jocson: Sa inyong palagay, paano makakatulong ang SWF sa pagpapataas ng
kalidad ng ating pamantasan?
Cao: Maliwanag ang mandato ng SWF kung saan dapat na isinusulong nito
ang wikang Filipino bilang wikang panturo at wika ng saliksik. Mahalaga
na hindi umalis ang SWF sa mandato na ito at palakasin pa. Katuwang
ng SWF ang Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas kung saan
tumutulong ito sa SWF na paunlarin ang Filipino bilang disiplina.
{3.66}
Ang departamento ang siyang magbibigay ng kasanayan samantalang ang
SWF ang siyang makapag-iimpluwensiya sa pagbalangkas ng palisi at sa
administrasyon. Dapat na magkaroon ng internal communication ang
SWF sa administrasyon dahil kinakailangan nilang maging impluwensiyal,
lalo na sa Tsanselor, kung seryoso sila sa kanilang mandato. Direktang
nakapailalim kasi ang SWF sa Office of the Chancellor kung kaya dapat na
malakas ang ugnayan ng Direktor ng SWF sa Tsanselor.
{3.67}
Jocson: Anong maaaring programa ang dapat na ilapat sa unibersidad bilang
research university na gumagamit ng wikang Filipino bilang wika ngsaliksik?
Cao: Sa totoong depinisyon ng pagiging research university, hindi pa naaabot
ng UP. Sa aking vision paper noon, nandoon ang pamamaraan kung
paano maging research university ang UP.
{3.68}
Mahalaga na mayroong suporta. Paano mako-concretize ang suportang
ito? Dapat may sapat na funding para dito. Kailangan, consistent sa
badyet. Kailangan na nangungulit din para sa dagdag na funding. Bago
magkaroon ng badyet, dapat na maayos ang pagpaplano. Kailangan na
may plano. Kapag may nailatag na plano, kaakibat nito ang financing.
{3.69}
Kapag nagkaroon ng pera, dapat na makapaglatag ng rules kung
paano ang pagbibigay ng pera. mahalagang maayos ang pag-justify sa
suportang pinansiyal.
Jocson: Ano ang maaaring maibahagi ng SWF para makilala ang pamantasan
bilang isang research university?
{3.70}
Cao: Para sa liderato ng unibersidad, dapat na nakapokus ang kaniyang
pagtingin. Maaaring hindi tayo pare-pareho sa pagtingin sa kung anong
importante sa unibersidad kung kaya nagkakaniya-kaniya tayo pero iisa
lang ang problema. Mahalaga na ang papel ng Direktor ng SWF ay masunod ang mandato
sa pagkakabuo ng opisina. Ang mandatong ito ang gagabay sa lahat ng
mga ikikilos niya. Magsisilbing konsensiya ang SWF sa administrasyon.
{3.71}
Jocson: Anong mga konkretong hakbang ninyo noon na maaaring
makapagpalakas sa wikang Filipino bilang wika ng saliksik?
Cao: Makakatulong sa administrasyon at sa mga gumagawa ng palisi kung
maipakita natin na marami tayong nagsusulong ng isang paniniwala, gaya
ng pagtingin sa wikang Filipino.
{3.72}
Sa katunayan, si Presidente Abueva ang
nagsulong ng paggamit ng wikang Filipino sa unibersidad. Sa mga tsanselor,
nandiyan si Dr. Emerlinda Roman, noong tsanselor pa siya, at siyempre ako.
Mahalaga na makuha ang simpatiya ng administrasyon sa pagsulong
ng wikang Filipino sa unibersidad, pero hindi sapat na may suporta ang
presidente at tsanselor lang.
{3.73}
Kung incremental ang pagbabago, baka
hindi lamang iyon (suporta ng presidente at tsanselor) ang kinakailangan.
Kung magkakaroon tayo ng presidente na susuporta, mas makabubuti.
Ang tsanselor kasi, tatlong taon lang ang panunungkulan. Mas malaki ang
magagawa ng presidenteng may puso sa pagsulong ng wikang Filipino
kung sisimulan niya mula sa unang araw ng kaniyang panunungkulan
hanggang sa susunod na anim na taon, malaki ang pagbabago.
{3.74}
Puwedeng gumawa ng palisi na mas mataas ang professorial chair kung
wikang Filipino ang gagamitin ninyo o kaya kung mailathala ang inyong
pananaliksik sa Daluyan, magkakaroon ng pagkilala at insentibo. Tingin ko,
malaking bagay ang maibibigay ng UP Presidente.
{3.75}
Ngayon kasi, pahirap nang pahirap ang pagsulong ng adbokasiya sa
paggamit ng Filipino. Maaaring maliliit na hakbang ang gawin. Halimbawa,
ang wika ng University Council ay Filipino, ang memo ng tsanselor ay Filipino.
Maliliit na bagay 'yan. May nagsasabi na hindi makabuluhan itong mga
hakbang pero saan ba nagsisimula ang mga bagay-bagay? Hindi ba sa
maliliit na gawain din.
{3.76}
Jocson: Hanggang saan ang maaaring gawin ng Direktor ng SWF upang mag-lobby
sa Tsanselor?
Cao: Kapag nagla-lobby, kahit na mainis ang pinupuntahan mo, mag-lobby ka
lang. Kung tumigil ang Direktor ng SWF na mag-lobby, sino ang gagawa ng
pagla-lobby? Ang Kolehiyo ng Arte at Literatura ay may ibang ginagawa
bukod sa pagsulong ng wikang Filipino. Pananaw ko sa pamumuno
ang "keep knocking."
{3.77}
Anong maaaring gawin ng nasa posisyon kung
hindi alamin kung bakit ka kumakatok. Ganoon ako noong panahon ni
Presidente Roman. May mga pagkakataon na hindi kami nagkakasundo
sa simula. Subukin ulit hanggang sa umabot sa pagkokompromiso. Hindi
ka maaaring umurong kasi kapag umurong ka, talo ka. Ang tingin ko ang
mga nasa SWF at DFPP ay hindi dapat sumuko.
{3.78}
Jocson: Sa inyong palagay, anong magandang solusyon na gawin ng
administrasyon sa bumababang bilang ng mga nakapapasa ng mga
kursong ibinibigay sa ilalim ng DFPP?
Cao: Hindi dapat na tinitingnan na pamantayan ang pagpili ng kursong
inaplayan sa UPCAT ang kahinaan o kalakasan ng isang departamento.
Ang mga high school student, kapag sinasagutan ang pormularyo ng
UPCAT, hindi naman niya pipiliin ang Filipino.
{3.79}
Wala ang Filipino sa mga top
choices ng high school students. Dapat na matiyak kung gaano karami
ang kumuha ng Filipino bilang kurso at ilan ang pumasa at hindi pumasa.
Iyon ang dapat na tingnan na pamantayan. Hindi masasabing indikasyon
ng demand sa kurso ang bilang ng mga pumasa sa UPCAT. May mga kurso
na mandato rin ng UP na buksan. Kahit na wala ang BA Filipino o BA Araling
Pilipino, dapat na nandiyan 'yan dahil walang mag-aaral ng Filipino o ng
Araling Pilipino sa anumang kurso sa pamantasan.
{3.80}
Kongklusyon
Iisa ang layunin sa pagpapalakas ng pamantasan bilang nangungunang akademikong
institusyon sa pananaliksik ng kasalukuyang administrasyon ng UP System at UP Diliman, at
ni Dr. Cao. Inilapit ng UP SWF noong 2006 ang Gawad Saliksik-Wika sa panahon ng
panunungkulan ni Dr. Cao.
{3.81}
Inaprobahan ito sa ika-2017 pulong ng Board of Regents sa
pamamagitan ng reprogrammed funds transfer na umabot nang sampung milyong piso. Sa
pangunguna ni Dr. Galileo S. Zafra na noo'y direktor ng UP SWF, inayos ang Panuntunan
ng Gawad Saliksik-Wika at noong 2009, nagkaroon ng panawagan ang UP SWF ng mga proposal
para sa pananaliksik. Unang binigyan ng Gawad si Dr. Glecy Atienza ng DFPP at si
Prop. Jem Javier ng Departamento ng Linggwistiks. Noong 2010, binigyan ang apat na
mananaliksik ng Gawad.
{3.82}
Sa ibinigay na investiture rites para kay Tsanselor Ceasar Saloma, tinutungo
ng pamantasansa ilalim ng kaniyang liderato na mapatupad ang apat na tunguhin ng UP,
ayon sa mandatong UP Charter ng 2008: maging pamantasan ng gradwadong pag-aaral,
pamantasang nangunguna sa pananaliksik, unibersidad na nagbibigay ng serbisyong
pampubliko, at makilala bilang isang pandaigdigang unibersidad.
{3.83}
Para kay Tsan. Saloma mayroong tatlong pangunahing basehan upang masukat ang
kahusayan ng pamantasan: makapagbigay ng bagong kaalamang siyentipiko, malikhain
at impluwensiyal na mga pag-aaral, at makapagbigay ng mga gurong mayroong PhD
upang humalili sa mga gurong magreretiro na.
{3.84}
Ang mga hangaring ito ay bisyon na ninanais
matupad sa pamantasan. Sa ngayon, limitado pa ang insentibo sa bawat kolehiyo na
makapag-leave ang mga batang gurong nais mag-leave upang makatutok sa pag-aaral
dahil sa kakulangan ng mga gurong hahalili sa pagtuturo at kakulangan na rin sa pondong
inilalaan. Kailangan rin ng higit na mas malaking pondo para sa Research Dissemination Grant
para sa mga gurong nagbabahagi ng kani-kanilang pag-aaral sa loob at labas ng bansa.
Kapag hindi sapat ang pondo, hindi nabibigyan ng pagkakataong makapagbahagi ang
mga guro/mananaliksik ng kanilang mga pag-aaral.
{3.85}
Kung pagbabasehan ang Times Higher Education-QS World University Rankings, ang Arts
and Humanities ng UP System ang siyang pinakamataas na klaster ng mga sabjek kung saan
nasa ika-20 puwesto ng may pinakamahusay na programang pansining at humanidades
sa buong mundo. Hindi nabibigyan ng karampatang suporta ng administrasyon ng UP
ang anuman sa mga programang naglalayon na palakasin ang sining at humanidades.
{3.86}
Tahimik ang selebrasyon ng Arts Month sa Diliman, walang inisiyatiba ang administrasyon na
magdaos ng pagtatanghal ng likhang sining at ikinaklasipika pa nga ang mga ito hindi bilang
produksiyon kung hindi isang gawaing ekstensiyon (extension work) lamang, kung saan mas
mababa ang puntos na inilalaan para sa promotion at ranking
ng mga guro.
{3.87}
Ang Sining at Humanidades ang siyang bukal ng identidad ng UP at ng bansa, ngunit
naisasantabi ito parasa mga patakaran ng UP System na magkaroon ng eUP at ng One UP. Ang
Pamantasan ang lundayan ng sining at hindi ito matutulungan ng anumang programang
pag-isahin at pagugnay-ugnayin ang iba't ibang kampus sa internet. Ang sining ay
iniluluwal mula sa dinamiko at buhay na pakikipag-ugnayan ng tao sa kapuwa tao.
Kung nakabatay sa isinusulong ng UP na makapaglathala sa mga ISI journal ang lahat ng mga
guro, hindi nabibigyang-puwang ang mga nagsusulat sa Filipino. Wala ni isang ISI journal ang
nasa wikang Filipino.
{3.88}
Isa itong usapin na kailangan pang pag-ukulan ng pansin. Mahalaga
ang papel ng wikang pambansa upang maging daan sa serbisyong pampubliko ng
mamamayan. Hindi nagiging masikhay ang pagpapaunlad ng UP bilang research university
kung hindi nito titingnan ang patakaran ng UP hinggil sa wikang panturo. Hindi nasusunod
ang insentibong ibibigay sa mga mananaliksik sa iba't ibang disiplina na gamitin ang
wikang pambansa bilang wika ng pananaliksik.
{3.89}
Hindi nasasapat ang pagiging pangunahing
tagapanayam ng mga guro ng UP kung hindi rin naman kikilalanin ng administrasyon ang
papel ng wikang Filipino bilang wikang makapag-uugnay at magiging daan upang maging
unibersidad na nagbibigay ng serbisyong pampubliko.
{3.90}
Ang isang unibersidad na nais makilala sa buong daigdig bilang isa sa mga pangunahing
lugar upang magkaroon ng produksiyon ng kaalaman ay dapat na pinangangalagaan ang
kaniyang guro. Mahalaga ang suporta ng administrasyon upang mahikayat ang mga batang
guro na magpapatuloy na itaas ang bandera ng Unibersidad. Ang kaguruan ng Unibersidad
ng Pilipinas ay natatanging kayamanan na mayroon ang UP na hindi mapapantayan ng
anumang unibersidad, sa loob o labas man ng bansa.
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/cao_2013.html
Quelle: Aguilar, Dheza Maria: Madaling Araw
LIWAYWAY, 05 Disyembre 2005
Si Dheza Marie Aguilar ay nakatira sa 530-A Paltoc St., cor. Alegria St., Sta. Mesa, Manila. Kumuha ng Bachelor in Masscommunication major in Broadcast Communication sa PUP. Ipinanganak nbong Agosto 11, 1984. Sa kasalukuyan, nagtatrabaho siya bilang Marketing Associate sa Indo's Strip Bar and Restaurant. Dalaga pa.
{3.21}
Matagal at halos ayaw ko nang hintayin ang susunod mong mga kilos.
Hindi pa rin ako makapaniwala na katabi kita - ngayon, na magkadikit ang ating mga labi.
Ngunit pareho nating pinipigilan ang maaring idulot ng pagbabanggaan ng ating mga hininga.
Ang tangi mo na lang nagawa upang alisin ang tensiyon ay paglaruan ang tungkil ng aking
ilong.
{3.22}
Nakatatawa, na sa napakadilim mong silid, hindi pa rin maipagkakaila ang bawat galaw ng
ating mga mata. Ang pusikit na kapaligiran ay hindi nagawang itago ang maya't mayang
panggiti [pangngiti ?]
ng iyong mga labi, nag-aalinlangan ... nahihiwagaan na kung bakit pagkalipas ng
napakaraming taon, sa isang estrangherong lugar pa tayo muling magyayakap.
{3.23}
Marami pang oras at buntunghininga ang lumipas, pero tila hindi na natin kayang
gumalaw pa ng kahit isang pulgada man lang. Hindi pa man tayo iisa, ngunit ang ating mga
katawan ay tila hindi na mapaghiwalay, at ang isang galaw ay maaaring maging hudyat ng
isang kasalanang pareho nating iniiwasan.
{3.24}
Nanginginig ang aking buong katawan. Nakatatawa pa rin, dahil ang ganitong mga bagay ay
hindi na bago para sa akin. Sa nakaraang anim na taon nating di pagkikita, alam mo na
siguro na maraming itinuro sa akin ang pagmamahal at ang mundo. "Bakit?" untag mo sa
akin nang hindi mo na siguro matiis balewalain ang pagsiklot ng aking
mga kalamnan.
{3.25}
Hindi ko alam kung dahil sa hiya o pagkukunwari na sinabi ko na lamang na giniginaw
ako. Ngunit paano mo nga naman iyon kung ang dalawang kumot at ang iyong katawan ang
tumutunaw sa ginaw na dulot ng aircon sa aking katawan.
Patuloy pa rin ang ating pagkukunwari ... ang pag-aalinlangan ... ang takot. "Hindi na
tayo bata," nais kong isigawang mga katagang iyon upang ilarawan ang tensiyong nilikha ng
pagkulong mo sa akin sa iyong payat na braso.
{3.26}
Ngunit tanging bulong na lamang ang tunog na
lumabas sa aking mga labi. Buti na lang, narinig mo pa.
Natawa ka na naman. Hindi ko alam kung mababa ang I.Q. mo o talagang iniiwasah mo
lamang ang katotohanan at pahiwatig na nais ipahatid ng aking mga
salita.
{3.27}
"Oo nga, nasa middle age na tayo," ang iyong sagot na alam kong hinugot mo lang sa
bokabularyong nakaya mo pang alalahanin sa mga oras na iyon. Ako naman ang natawa.
"Tanga! Biente uno pa lamang tayo," pabiro kong sinabi sayo. "Bata pa rin tayo sa batayan
ng edad."
{3.28}
Gusto ko sanang sabihin sa 'yo na iba ang nais iparating ng aking utak. Gusto kong
sabihin sa 'yo na hindi na tayo bata para matakot sa isang bagay na alam naman nating
marigyayari rin nang gabing iyon. Gusto kong malaman mo na handa na ako sa idudulot
nito sa aking pangalan at sa maaring epekto nito sa sampung taon nating pagkakaibigan.
{3.29}
Bakit hindi mo ba ma-gets, na hinihintay lang kita na makita na hindi na tayo bata
para sa ganitong uri ng relasyon? At bakit hindi mo naramdaman ang isang butil ng luhang
pumatak sa iyong karnay? Luha para sa kinabukasang alam kong hindi ka nasa akin.
{3.30}
"Sabagay," sagot mo sa isang palpak na subok upang magsimula ng isang kuwentuhan.
"Parang kahapon lamang na naliligo ka pa sa ilog at sumusuot sa mga butas ng dike."
Masaya ako dahil naalala mo pa iyon. Pero hindi ko na talaga kayang magsalita. Nangiti na
lang akong muli nang maisip ang alalang sinabi mo at ang mas marami pang alaala ng ating
kabataan.
{3.31}
Ikaw ang tinititigan ko noon habang buong pagmamahal akong tinitingnan ng pinakamatalik
mong kaibigan at kumpare. Ikaw ang dahilan ng mga labadang nais ko pa ring dalhin sa ilog
sa kabila ng galit ng nanay ko dahil sa allergic ako sa detergents.
Masaya tayo, tayong apat. Mahal mo ang bestfriend ko, mahal kita.
{3.32}
Mahal ako ng bestfriend mo, mahal ka ng bestfriend ko. Iniisip ko nga, ako
na ang pinakamasama noon. Bagama't hinayaan ko na lamang na maibaon sa pagmamamahal sa
atin ng iyong kaibigan ang nararamdaman ko para sa 'yo, hindi ko kayang pagtaksilan
ang sarili kong damdamin.
{3.33}
Hindi mo ba napansin na sa tuwing lulusong ako sa tubig at susuot sa butas ng dike sa ilog na
madalas nating pagtampisawan, ikaw ang lihim kong inaasam na susunod at mag-aahon sa akin?
Hindi mo ba alam na sa kapag magkakasama tayong apat tuwing Pasko, ay palagi kong idinadasal na
sana'y ikaw ang hahalik at babati sa akin pagsapit ng alas-dose.
{3.34}
At sa mga simbang-gabing pirtilit nating buuin, ikaw ang palagi kong hinihiling at inasahang
magkakatotoo kapag nafapos na natin ang siyam na araw na pagsisimba sa madaling araw.
Pero hanggang sa pagkakaibigan na lamang yata tayo maaaring pagtagpuin ng tadhana.
{3.35}
Siguro dahil na rin sa mga simbang-gabing hindi natin natapos dahil sa pagiging abala ko sa
maraming bagay, sa maraming pangarap na sa tulong ng Diyos ay hindi ako binigo. At tulad ng init
ng iyong gray trench coat na madalas kong hiramin tuwing buwan ng Disyembre,
tinanggap ko na ang katotohanang hinding-hindi ka magiging akin.
{3.36}
"Tulog ka na ba?" untag mo uli sa akin lang maiamdaman mong Hindi na ako gumagalaw.
Oo, nakatulog pala ako nang ilang minuto, pero hindi ko na rin sinabi sa iyo. Kunsabagay,
lapat lang na matulog na tayo, alas-tres na ng umaga, gusto ko lang ipaalala sa iyo.
Alas nuwebe ang day job ko ngayon, hanggang alas-tres na naman ng umaga para sa
ikalawa kong trabaho. Hay, bakit nga ba ako nandito
sa tabi mo?
{3.37}
Hindi ko napaghandaan ang susunod na nangyari. Napakabilis, hindi ko nga alam kung
saang bahagi ng iyong tanong mo ginawa ang sunod mong hakbang. Ang naramdaman ko na
lamang ay ang apakalambot mong labi sa pang-itaas kong lahi. Nahihiya ka pa yata dahil
mukhang linikit mo lang doon at wala ka nang balak na halikan ako.
{3.38}
Hindi ako makagalaw. Naging manhid yata ang aking buong katawan lalung-lalo na ig aking
mga labi. Buti na lang, naging mas lalaki ka dahil mas nilaliman mo ang iyong mga halik.
Ang senasasyong idinulot niyon sa akin ay hindi maipagkakailang gumising sa aking buong
pagkatao.
{3.39}
Pero hindi ko pa rin nagawang gumalaw. Tila naglaho ang lahat ng kaalamang minahal
sa akin ng ibang katulad mo. Ang arte ko na yata ng mga sandaling iyon. Hindi naman ako
nagpapakipot, siguro nahihiya lang talaga akong ibalik ang mga lik mo. Kaibigan
kasi kita.
{3.40}
Ngunit nanunukso ang iyong mga dila. Tila kuryente ang iyong mga daliring sumusuyod sa
aking likod, dumudulas sa aking beywang, kumikitil sa natitira pang pag-aalinlangan sa
aking isipan. Nababaliw na yata ako. Iyon lamang ang maaring maglarawan ng estado ng aking
pag-iisip ng mga oras na iyon, pinapasaya ako ng kasinungalingan ng gabing ito.
{3.41}
Tila parte ng aking katawan ang iyong kamay, na malayang naglalakbay sa kabuuan ng
pag-aari nito. Sinusuyod ng iyong mga dila ang mga piping damdamin
na hindi na nakalaya mula sa aking bibig. Minamahal mo ang aking buong pagkatao kahit
alam kong kahapon na lamang ito pagdating ng bukang liwayway.
{3.42}
Masarap pala ang pakiramdam kapag natupad mo ang isang pangarap na sa una pa lamang
ay alam mong hindi na magkakatotoo. Iba pa rin talaga ang "high" ng bawal ... ang
sarap sa kabila ng kasinungalingan.
{3.43}
Gusto kong isipin na mahal mo na ako sa mga sandaling
iyon. Ang mga masusuyo mong paghalik sa aking buhok, sa aking mata, sa aking ilong, sa
aking pisngi ay tila pahiwatig ng pag-ibig na hindi mo puwedeng sabihin. Ang mahigpit mong
mga yakap ay gusto kong paniwalaan bilang pag-aangkin mo sa akin, na nais mong sabihing
sa 'yo na ako ... sa 'yo lang ako mula ng mga sandaling iyon. Ang malalambot mong labi sa
akin ... isang katotohanan ng mga salitang "mahal kita" sa gitna ng aking
imahinasyon.
{3.44}
"Magpataba ka na." Pinilit kong pagaanin ang makapal na damdamin na kumukulob sa
kabuuan ng iyong silid sa pamamagitan ng mga walang kuwentang napapansin ko sa iyo.
Pabiro mo namang ipinakita ang mga muscle sa iyong bisig. Ipinagyabang mo pa ang
pagiging lead varsity ng iyong eskuwelahan.
{3.45}
Hindi ko pinatulan ang pagtataas mo ng iyong sariling bangko. Unti-unti na akong
nilalamon ng mga pangitain at katotohanang lahat nang ito ay walang ipinagkaiba sa mga
larong
madalas nating laruin noong mga bata pa tayo. Hindi ko na kayang sakyan ang kahong kanyang
kaligayahang ngayong madaling araw. Napansin mo siguro ang aking katahimikan.
{3.46}
Kaya't masuyo mong iginiya ang aking ulo sa iyong mga
dibdib saka niyakap ako ng buong higpit. Mahal mo ba ako noon? Hindi rin tayo nagtagal sa
ganoong posisyon. Nakalimutan ko, para ka nga palang bata. Nagpalit tayo ng posisyon at
tila isa kang kawawang anak sa aking mga dibdib. Nagsusumiksik doon na para bang nais mong
pasukin ang ano mang damdamin na natatago roon.
{3.47}
Lalo kitang minahal. At nakatulugan ko na ang panaginip na habangbuhay tayong ganito.
"Gising ka na," bulong mo sa akin. "Alas-otso na!". Bumalikwas ako sa kama. Maliwanag
na sa buong paligid at isang oras na lamang bago ako maging tuluyang late sa
opisina.
{3.48}
Paano pa naman ako aabot, e dalawang oras pabalik sa lungsod mula rito sa bayan
ninyo? Bakit hindi nalang ba sa bayan natin tayo nagkatagpo ng ganito.
Inihatid mo ako sa sakayan ng bus. Parang walang nangyari. Katulad pa rin ng dati
ang ating usapan ... isang tunay na magkaibigan.
{3.49}
Nais kitang murahin ng mga sandaling
iyon. Sana hinalikan mo man lang ako. Hindi nga pala puwede. Kani-kanina lang ipinakita
mo ang larawan ng girlfriend mo sa akin. Maganda, matangkad at higit sa lahat
mahal mo. Napamura ako! Paano mo nagawang maging sibil
sa ganoong usapan! Nakalimutan ko, manhid ka nga pala.
Hindi mo ako nilingon pag-akyat ko ng bus.
{3.50}
Mali yata, ikaw ang hindi ko nilingon. Ayaw kong makita na hindi ka man lang
nag-aksayang tingnan ako bago ako umalis. Sa pagtanaw ko sa labas ng bintana, nakita ko
ang mukha mo sa salamin. Ikaw ang dahilan ng pagluha ni Narcissus at
ng ilog ... kagandahan.
{3.51}
Ang iyong mga mukhang naging bilangguan ng aking damdaming nakulam yata ng
iyong kaguwapuhan. Muli, sa pag-alis ng bus sa iyong lugar, mga luha ang aking naging
pabaon para sa isang kaligayahang isang gabi ko lamang inangkin. Isa ... dalawa ...
tatlong araw. Hindi.
{3.52}
Matagal na pala ang mga araw na lumipas na naghihintay ako na kahit
isang saglit man lang, ay sumagi ako sa iyong alaala.
Ngunit katulad ng dati at sa mga susunod pang panahon, ang lahat ay mananatili na
lamang sa imahinasyon. Kanina lang, natanggap ko na ang iyong paanyaya. Binabati kita
sa iyong kasal.
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/dali.html
1 Einleitung / Pambungad
2 Texte / Mga Kasulatan: Pagpapakilala
3 Texte / Mga Kasulatan: 15 Naligaw ng Landas
4 Nichtkanonische Sätze / Pangungusap sa Ayos na Kabalikan
4.1 Allgemeiner Teil / Karaniwang Bahagi
4.2 Geschichte der Didang / Kuwento ni Didang
Quelle: Francisco, Lazaro: Daluyong
Quezon City, 1986, ISBN 971-550-166-4 {
Francisco 1986}.
Mit einer Einführung Pagpapakilala von Rogelio Sikat (in Maganda Pa ang Daigdig).
{2.1}
Isinilang si Lazaro Francisco sa Orani, Bataan, noong 22 Pebrero 1898. Pang-apat
siyang anak ng mag-asawang Eulogio Francisco at Clara Angeles na may maliit na negosyo
sa bayang iyon. Nang siya'y labing-anim na taon, sa paghahanap ng mas mabuting kabuhayan,
nandayuhan ang kaniyang pamilya sa Cabanatuan, Nueva Ecija, na noo'y kilala bilang
graneria o bangan ng bigas ng bansa. Namalagi na sila rito; dito na nagbinata at
nagkapamilya ang nobelista.
{2.2}
Hanggang intermedya lamang ang inabot niya - isang malaking kabiguan na sinikap niyang punan sa pamamagitan ng pagbabasa at pag-aaral nang mag-isa. Sa kaniyang wikang halong Tagalog - Bataan at Nueva Ecija, na naging kalugod-lugod na kombinasyon, nadagdag ang pagkatuto niya ng Kastila, na lumipas sa malawakang pagpapagamit ng Ingles sa sistema ng edukasyon. Kung siya'y nakapag-aral at nabihasang sumulat sa bagong wika at kung pagbabatayan ang naging karera ng kaniyang mga kontemporanyo na nagsulat sa Ingles, marahil ay nakapaglingkod siya sa mataas na puwesto ng pamahalaan. Sa isang pakikipanayam noong siya'y nabubuhay, mawiwika niya na kaipala'y sadya siyang itinalaga ng Diyos sa pagsusulat sa Tagalog. "Kung ako'y nakapag-aral," aniya. "kabilang pa siguro ako sa mga unang kakalaban sa wika." | ... |
{2.3}
Malaki man ang amor propio, tinangka ng kaniyang ama na "ipagbili" siya sa sinumang makapagpapaaral sa kaniya. Lumapit sila sa isang mayamang kamag-anak na handang magtaguyod sa kaniya hanggang maging agrimensor (surveyor) - kung tatalikdan nila ang kanilang relihiyon. Protestante ang mga Francisco. Niyakag niyang umuwi ang ama. | ... |
{2.4}
Nakalugdan siya ng asawa ng prinsipal na Amerikano pagkat naibigan nito ang sinulat niyang sanaysay sa Ingles noong siya'y labing-anim na taon; pinangakuan siya nitong isasama sa Estados Unidos. Ngunit sa gulang na labingwalo, matikas at matipuno, pinaghinalaan niya ang motibo nito at siya'y nagpaiwan. Sa panahong maraming Filipino ang nandarayuhan sa Amerika, may nagpayong mag-ipon sila ng P 300 na pamasahe sa bapor ngunit hindi sila nakapag-impok ng gayong halaga. Kaya, sa gulang na labinsiyam, natagpuan niya ang sarili na isang kapatas sa pangkat na sumasama sa isang tilyadora; gumiik sila ng palay sa iba't ibang bayan at kanayunan. Sa gawaing ito, nakita niya ang kalagayan ng mga kasama (tenant) na kaniyang papaksain balang araw. | ... |
{2.5}
Samantala, kumuha siya ng eksamen sa serbisyo sibil at pumasa. Nagsimula siya bilang aprentis sa tanggapan ng tesorero probinsiyal; mananatili siya sa tanggapang ito hanggang sa siya'y mahirang na provincial assessor noong 1950. Sa kabuuan, apatnapu't apat na taon siyang naglingkod sa gobyerno. Noong kabataan pa, sumapi siya sa lohiya ng masoneria sa Cabanatuan. Tatlong kasapi ang nakapansin sa kaniyang talino at nag-alok na siya'y pag-aaralin kahit hanggang abogasya, ang kursong napisil ng mga ito para sa kaniya, ngunit siya noo'y mga dalawampu't anim na taong gulang na, may asawa at anak. Ito sana ang huling pagkakataon niyang makapag-aral. | ... |
{2.6}
Nabasa ni Francisco (nang lumao'y "Ka Saro" ang naging magiliw na tawag sa kaniya sa panlalawigang kapitolyo at maging ng mga kapwa manunulat) sina Balzac, Hugo at Dumas (ayaw niya sa huli); si Rizal (ang mga nobela nito'y siyang mga unang seryosong nobelang kaniyang natunghayan); at si Lope K. Santos. | ... |
{2.7}
Lahat ng kaniyang nobela, maliban sa Bayang Nagpatiwakal (1931), ay nalathala sa Liwayway na itinatag noong 1922. Mga dalawampu't pitong taon siya nang sulatin niya ang una niyang nobela ang Binhi at Bunga (1925) na sinundan ng Cesar (1926). Gayunman, hindi kakikitaaan ang mga ito ng kalidad ng kaniyang ipinamalas sa darating na panahon. Katunayan, isang nobelista sa Cabanatuan ang pumuna sa mga ito. Noong 1929, inilathala niya ang Ama, ang una niyang nobelang tumalakay sa sistema sa pakikisamá (tenancy system). Makatotohanan - nakapaghihimagsik - ang pagkakasiwalat niya sa kalagayan ng mga kasamá; mahigpit ang tunggalian ng kasamá at ng asendero. | ... |
{2.8}
Humina ang nobela sa ibinigay niyang romantikong reconciliation. Nang nag-papalakas ang Hukbalahap sa Nueva Ecija, nagpadala ng sugo sa kaniya ang pinakamataas na pinuno nito sa lalawigan upang himukin siyang muling ilathala ang nobela. Kailangan lamang na baguhin niya ang wakas. Gagamitin ang nobela sa paglaban sa sistema ng pakikisamá at dalawampu't limang porsiyento ng kikitain ang mapapasakaniya. Tumanggi si Francisco, na nagsabing siya'y malaya at hindi nagbibili ng idea. Noong 1931, sinulat niya ang Balang Nagpatiwakal, na di inilabas ng Liwayway sa takot na umurong ang mga anunsiyanteng Amerikano. Sa Alitaptap ito nalathala. | ... |
{2.9}
Ang tatlo niyang sumunod na nobela - Sa Paanan ng Krus (1933), Bago Lumubog ang Araw (1936) at Sinsing na Pangkasal (1939) - ay umiba ng paksa ngunit naging mga matagumpay na nobela ng Liwayway. Ang kinita sa publikasyon at gayundin sa pelikula, pagkat ang mga ito'y isinalin sa pinilakang tabing, ay nakatulong nang malaki sa pamilya ni Francisco, na sampu ang magiging anak. Magiging mga propesyonal na lahat ang mga ito. (Ang una niyang nakaisang-dibdib ay si Pelagia T. Duran, isang guro, na sumakabilang-buhay noong 1928; ang ikalawa ay si Trinidad E Arrieta, na naging Bb. Nueva Ecija ng Philippines Free Press noong 1926.) | ... |
{2.10}
Pagkaraan ng digmaan, lumitaw ang tunay na Lazaro Francisco. Noong 1947, isang taon pagkaraang iproklama ang kalayaan mula sa Amerika, inilathala niya ang Ilaw sa Hilaga, na nirebisang bersiyon ng Bayang Nagpatiwakal. | ... |
{2.11}
Noong 1949, apat na taon pagkaraan ng digmaan, habang ligalig ang Gitnang Luzon sa lumalakas na kilusan ng Hukbalahap, inilathala ni Francisco ang Sugat ng Alaala, isa sa mahuhusay na nobelang sinulat ng Filipino na pumaksa sa giyera. Ang sugat sa nobela ay di lamang sugat na naiwan sa pagkakalayo ng magsing-ibig dahil sa digmaan; mayroon ding mga pangkasaysayan, pan-lipunan at espiritwal na sugat itong naiwan. Sa nobela, mababakas ang isang naghihimagsik na pangungulila: isa sa mga anak ni Francisco ang nasawi sa Bataan. | ... |
{2.12}
Limampu't pitong taon si Francisco nang ilathala niya ang Maganda pa ang Daigdig
(1955). Ang panahon ng nobela ay pagkaraan ng digmaan at ang lunan ay ang Gitnang Luson.
Nagagapok ang daigdig na nakita ni Francisco. Laganap ang korupsiyon, nalason ang mga
dating birtud; sa kanayunan, tumatalatag ang Hukbalahap na muntik nang maghatid ng
giyera sibil sa bansa noong 1950. Beterano ng digmaan ang pangunahin niyang tauhang
lalaki, si Lino Rivera. Isang dalisay na kaluluwa, ipinain ni Lino ang buhay sa Bataan
ngunit pagkaraan ng digmaan, makalawa siyang naging biktima ng mga bulaang saksi
at siya'y nabilanggo.
{2.13}
Sa ikalawang pagkabilanggo, tumakas si Lino kasama ang ilan pang napiit nang walang kasalanan. Namundok sila hanggang sa ang kanilang sandatahang pangkat ay maging mga bantay ng isang makataong asendero. Ipit sina Lino: sa isang dako, tinutugaygayan sila ng batas, at ayaw niyang mabilanggong muli; sa kabila, sasala-kayin naman sila ng mga "tagalabas," mga Huk, na nais umagaw ng mga armas at punglong ibinaon niya. Gagamitin ang mga ito sa pagtataguyod ng "mas malawak na demokrasya." Kung tutu-usin, isang paghahanap ng katinuan sa daigdig ang nobela; nais itong hatulan ng kaayusan ni Francisco. | ... |
{2.14}
Hindi maganda ang daigdig; ang pamagat ay pag-uulit ng pag-asa, o pag-asam, ng nobelista na mapapaganda ito kung payapang maisasaayos ang balangkas ng lipunan. Sa nobelang ito, iminungkahi ni Francisco, sa pamamagitan ng kaniyang tauhan, ang pagbuwag sa malalaking asyenda - reporma sa lupa - at paghahati nito sa mga kasamá na gagawing mamumuwisan (leaseholders). Sa di pinapanawan ng pag-asang si Lino, itinambal ni Francisco ang guro sa elemen-taryang si Miss Sanchez, na ang kadakilaa'y sagisag ng di dapat pumanaw na kabutihan ng tao. | ... |
{2.15}
Mula sa Maganda pa ang Daigdig, hihigpit ang kahingian ni Francisco para sa mga
magsasaka at ang titulo mismo ng sumunod niyang nobela,
Daluyong (1962), na siya
niyang huli, ay isang babala. Kung pagbabalikan, tama ang pagkadama niya sa tinig ng
bayan: walong taon pagkaraan, noong 1970, isisigaw ng mga demostrador ang paglansag
sa feudalismo. Kung matagumpay na naisaalang-alang ang kahingiang ito ng
pampanguluhang dekreto noong Setyembre 1972 ay ang mga magbubukid ang
maka-pagwiwika ...
Naligaw ng Landas
{15.01}
Nauna pa si Bidong kay Lino sa pagbalik sa kanilang kubo. Naipugal na
ni Bidong sa sadyang hapunan ang pinalublob na kalabaw. Napainom na ang kabayo
matapos pakanin nang kaunti. Napalabulan na ng mais at palay ang mga paminhiang
manok sa silong ng
kubo. At, naisalang na sa dapog ang palayok ng sinaing nang dumating
si Lino mula sa ginawang paghahatid sa kaibigang si Albino sa bulaos ng
landas.
{15.02}
Naratnan ni Lino na si Bidong ay tahimik na nakaupo sa huling baytang
ng hagdan ng kubo. Payapang nakamasid sa tila sasayaw-sayaw at naghuhula-hulang ningas
ng gatong ng sinaing, at marahang sisipol-sipol na parang tumama ng tuhog sa huweteng
kung kaya biniro tuloy ni Lino. "Heemm! Maaari bang makabalato, Bidong?" ang pabulagang biro ni
Lino na ikinapalingon sa kaniya ni Bidong.
{15.03}
"A! Ka Lino! Bakit? Alam mo na ba?" "He! Mayroon bang hindi ko alam?"
pagpapasampalataya naman ni Lino na nakahalata agad na may itinatagong lihim si Bidong.
"Kasi ... akala ko'y kung nasaan ka, Ka Lino, e! Iyon pala'y
nasubukan mo kami!" "Hindi ko naman sinadya, Bidong! Nagkataon lamang! Saka
... nakakita man ang mata ko'y hindi naman nakarinig ang tainga ko."
"Maano ba? Talaga naman sasabihin ko sa 'yo ang
lahat. Maaari bang maglihim ako sa 'yo?"
{15.04}
Ibinalitang lahat ni Bidong ang buong nangyari. Pinasimulan niya sa
ginawa niyang pagpapalublob ng kalabaw sa saluysoy hanggang sa nang tugunin ni Huli ang
kaniyang tanong, na - "Mahal mo ba
ako, Huli?" ng isa ring tanong, na "Kailangan pa bang sabihin, Bidong?" "Pero,
Ka Lino," ang pawakas na saad ni Bidong sa tinig na putos ng agam-agam,
"bakit hindi niya 'ko sinagot ng isang tiyak na 'oo'?" "Aba!
Talagang gayon ang babaeng Filipina, Bidong!" paliwanag Iti Lino. "Hindi nila
sinasabi, bagkus ipinahihiwatig lamang, ang kanilang 'oo'!"
{15.05}
"Listak!" ang natutuwang wika ni Bidong at pinagkiskis ang dalawang palad.
"Talaga nga naman pala! E, di, akin na ba ngayon Si Huli, Ka Lino?" "Oo,
iyong-iyo na, Bidong!" ang tahas na wika ni Lino na tila basbas ng isang pari sa
kaniyang deboto. "Ang paglalawit ng pag-ibig ng isang babaeng may puri ay
paglalawit na rin ng lahat at lahat sa kaniya," ang dugtong pa na tila naman
hatol ng isang munting hukom. "E, di, Ka Lino, pag ipinagpatayo mo ako ng bahay
sa kabilang dulo nitong banos, 'ika mo, e, si Huli na nga ang makakatanawan
ni ... nino ba, Ka Lino?"
{15.06}
"A!" mangha ni Lino na sinundan ng tawa. "Nakabitin pa 'yan sa, 'ika
nga'y, 'balag ng alanganin'! 'Kabit pa sa mandala,' kung baga naman dito sa atin. Humahanap
pa tayo, Bidong. Aba! Sumusubo na iyang sinaing mo! Awatan mo na at pagkainin ay
humapon na tayo." "E ... Ka Lino," habol pa mandin ni Bidong habang inaawatan ang
sinaing, "itong ... kasi, e ... pinangahasan ko nang sabihin kay Huli na papayag
kang dito na sa 'tin malipat ang bahay nila, kung talagang paalisin na
sila roon ni Don Tito!"
{15.07}
"Aba oo, Bidong!" ang tahas at mailing wika ni Lino. "Ipangako mo ang lahat
ng ibig mong ipangako, at umasa kang hindi ka
masusubo, hindi ka mapapahiya, kung
makakaya ko rin lamang. Nasa likod mo ako, Bidong," aniya pa at nanhik
na masaya sa kubo. Gayon na lamang ang tuwa ni Bidong. Tila may pakpak ang mga
kamay niya at paa sa anumang gawin. Nakakain na
sila ng hapunan nang mapagbuo ni Bidong sa isip ang
isang bagay na nais sabihin, bilang pagtanaw ng utang-na-loob sa mga
kabutihan sa kaniya ni Lino.
{15.08}
"Ka Lino!" ani Bidong. "Okupado ko na, hayaan mo na sa aking mag-isa, ang lahat
ng gawain natin dito sa banos. Kayang-kaya kong mag-isa ang lahat na 'yan.
Bukid-palayan, bukid-tumana, lahat na 'yan, kaya ko. Basta maglibang-libang ka
na lang, Ka Lino. Lahat na 'yan aayusin ko. Magpapakabait na 'ko nang husto,
Ka Lino. Hindi ko paiiyakin si Huli. Ito na ang langit ko,
Ka Lino! Dito na 'ko malilibing, at hindi ka na
huhukay. May ginawa na 'ko!"
{15.09}
"Bidong!" kunot-noong hadlang ni Lino. "Nababaliw ka ba? Bakit laging
kamatayan na lamang ang naiisip mo? Bakit hindi mo ihilig ang isip mo
sa buhay na masigla at payapa?" Hindi na kumibo si Bidong. Iniayos muna ang
higaan ni Lino bago ang sa kaniya. Magkaagapay na nahiga sila.
Ngunit patay na ang ilaw at hatinggabi na ay nararamdaman
pa rin ni Lino na hindi makatulog si Bidong. "Nakababalisa rin ang labis
na kaligahayan!" ang naibulong ni Lino sa sarili bago tuluyang naidlip.
{15.10}
Huwebes. Gabi. Mag-iika-7 na! Ito na ang araw at oras
ng tipan ni Didang
sa paglalahad niya kay Lino ng buong kasaysayan ng kaniyang kahapon. Sa kasay-sayang
maririnig ni Lino sa gabing ito maaaring masalig ang kaniyang pasiya
kung si Didang na nga ang babae para sa kaniya. At, sa magiging pasiya naman
ni Lino maaaring matiyak ni Didang kung masusumpungan pa niya, o hindi na, ang isang
bagong buhay at ang kaniyang katubusan.
{15.11}
Masinop at maayos ang munting salas ng tahanan ni Aling Huwana. Nasa kusinaan
ang matanda at nag-aayos ng ihahaing minandal. Tahimik
na nakalikmo si
Didang sa tabi ng dati ring maliit na hapag na kinapapatungan ng isang plorerang
may ilang bulaklak na puti, na tila sinadyang itambal sa kaniyang puting-puti ring bihisan.
Si Lino ay nakapantalon ng kaki at nakabaro ng polo na may matutuwid na guhit
na bughaw. Kung baga sa pambungad na himig ng isang mahabang tugtugin, si Didang at si
Lino ay nagparaan pa muna ng maraming sandali
sa pahakdaw-hakdaw na pag-uusap
hinggil sa kung ano-anong bagay na waring kapwa naghihintay ng lubos na
kapanatagan ng loob.
{15.12}
Tumagal ang gayong pag-uusap hanggang sa maihain, mapagsaluhan, at maiurong
ang masarap na minandal na inihain ng maybahay. "Ibig mo bang magsimula na tayo?"
ang marahang tanong ni Didang kay Lino sa tinig na tila handang-handa na bagaman
may himig ng panimdim. "Ikaw ang masusunod, Didang, yayamang hindi kita
mapigil," ang tugon ni Lino. "Uulitin ko lamang na sabihin sa iyo na
hindi ko kailangan iyan."
{15.13}
"Alam ko! Sadyang di ikaw, kundi ako, ang may kailangan, at
naipaliwanag ko na
sa iyo, noong huling magkausap tayo, kung bakit. Ngayon ... pasisimulan ko
na ba?" "Oo! Uulinigin kong lahat, sa ikasisiyang-loob mo!" Uminom muna ng sanlagok na
tubig si Didang, dinampi-dampian ng panyo ang labi, at kumurap-kurap
na tila may ulap na hinawi sa kaniyang paningin. Makasandali'y mabanayad na
nagsalita.
{15.14}
"Ipinanganak ako sa bayan ng Malabon ng lalawigan ng Rizal," ang
simula ni Didang. "Ang aking ama ay taga-Baliwag ng Bulakan." Si Ina ay
tubo sa Naga ng Hilagang Kamarines. Bininyagan
ako sa Maynila, at doon din nagsimulang mag-aral. Tapos na
ako sa primarya nang lumipat
kami ng paninirahan sa bayan ng aking ama, sa Baliwag.
May isang munting dampi kami sa Daang Jose Ma. Basa ng purok ng Sto.
Cristo. Doon na ako nagdalaga.
Naging kasawian ko ang
magkaroon ng isang amang manunugal.
Parati siyang galit pag-uwi ng bahay kapag natatalo. Gayunma'y mahal
namin siya ni Ina, kahiman naipatatalo niyang lagi ang
kinikita ni
Ina sa pananahi, pad pa ng kaunting sinasahod ko, bilang katulong na tagapagtinda ng isang
magdaramit. Sa tiyaga at pagtitiis,
pahinto-hinto ma'y narating ko rin ang hay-iskul.
{15.15}
"Naging lubhang matiisin si Ina, pagkamatiising naging sanhi ng kaniyang
maagang pagpanaw. Namatay siya
sa sakit sa puso noong buwan ng Nobyembre ng 1948.
Nabaon ako sa utang sa aking pinaglilingkuran dahilan sa mga naging gugol sa
pagpa-palibing kay Ina at sa madalas na paghingi ng tampa
(Vorschuss |1|) ng aking ama, na lalong
nagpakagumon sa sugal nang wala na si Ina.
Lumitaw-dili na siya sa
aming dampa at madalas na ako'y nag-iisa kung gabi. Dasal at isang
balisong lamang ang kasama
kong lagi.
{15.16}
"May mga anim na buwan lamang, makaraang mamatay si Ina, si Ama ay
umuwi sa aming dampa, isang gabi, na may kasamang isang bagong kabiyak.
Naalaala ko si Ina at magdamag na hindi ako
nakatulog sa pag-iyak. May isang bagay na naghihimagsik sa
kalooban ko na di ko matimpi. Naging
mabait sa pasimula ang aking ale, at
bilang isang masunuring anak ay
napahinuhod akong tumawag
sa kaniya ng 'Tiya Nena'. Di-nalaunan ay may naka-pagbulong sa akin na di raw kasal kay
Ama si Tiya Nena, at ito pala'y
hiwalay lamang sa asawang
lagalag at
palipat-lipat.
{15.17}
"Maganda si Tiya Nena,
kung ganda lamang ang pag-uusapan.
Ngunit ang kaniyang ganda
ay yaong uri
ng ganda
na kinasusuyaang
may pagkatakot ng mga kapwa
babaeng may asawa at
kinahuhumalingang may pagnanasa ng mga
lalaki, huwag
na di maging kakilala. Bukod
sa balani ng kaniyang
kagandahan, si Tiya Nena
ay lubhang mairog at magiliw
sa huwag di lalaki, kahiman sabihin pang isang kargador lamang.
Sa ganang kaniya yata, bawat
lalaki ay sapat.
Kung baga sa manghahalal, ang mahalaga sa
kaniya'y, hindi ang partido, kundi ang kandidato.
At, kung baga sa maawain
ay ubos-biyaya hanggang sa malupyad kung siya'y maglimos.
{15.18}
"Sa kaugaliang iyan
ng Tiya Nena nagmula ang madalas
na di nila pagkakasundo
ni Ama. Madalas mangitim at mamukol ang kaniyang mukha.
Minsa'y nalinsaran
pa raw ng tadyang. Hindi naman siya
lumalaban kahit sa salita
man lamang, ngunit hindi rin naman sumusuko.
Huwag na di mangiti
si Ama ay nalilimot
na niya ang lahat,
kaya nauupo na sa tabi ng
aming dukhang tokador at nagpapahid na ng lipistik. At, palibhasa tuwinang magbubuhat ng
kamay si Ama ay sinusundan ng panaog, wala siyang
kamalay-malay na sa akin gumaganti ang Tiya
Nena at ako ang
pinagdidiskitahan.
{15.19}
"Inaalimura ako, hinihiya
ako, at tinatampol ako ng
mahahalay na salita kahit na may nanga-karirinig.
Ayoko namang magsumbong kay Ama pagkat ayoko ring maragdagan pa ang mga dahilan
ng madalas na di nila pagkakasundo. Nagiging pansamantalang kublihan ko
ang maghapunang pamamalagi sa aking pinapasukan, ngunit pag-uwi ko sa hapon,
lalo na't kung wala si Ama, ay pasisimulan na
akong alimurahin
mula ulo hanggang paa sa huwag di munting pagkakabiso lamang.
{15.20}
"Isang araw ay hindi na ako nakatiis," patuloy ni Didang,
"pagkat sinabunutan ako, ipinagngudnguran, at pinaglapak-lapak ang
damit ko sa katawan hanggang sa ako'y
mahubaran." "Bakit hindi ka
lumaban?" ang hindi na natimping
tanong ni Lino. "Iyan ang hindi ko kayang gawin," ani Didang.
"Naitanim nang napakalalim ni Ina sa puso ko ang paggalang, pagyukod, at
pagpapahinuhod sa sinumang nakatatanda sa akin. Itinuro niya sa akin na kilanlin ko at
ituring na kabanalan ang magtiis sa mga pasakit ng mga kinikilalang magulang
kahit na sila mali."
{15.21}
"Ngunit hindi mo siya tunay na magulang," ang tutol ni Lino.
"O kaya'y hindi niya inilalagay sa pagkamagulang ang kaniyang sarili. Sa
paghahangad mong maging mabuti ka ay binayaan mo na maging masama ang
Tiya Nena mo sukdang ikaw na rin ang
mapinsala. Sa ganda ng hubog ng pangangatawan mo, Didang, hindi ko man
nakita ang Tiya Nena mo, damdam ko'y makakaya mo ang lumaban at
manaig."
{15.22}
"Makakaya kong talaga, Lino, pagkat manipis lamang ang Tiya Nena at
di naman kalakasan," sang-ayon ni Didang. "Di-miminsang nang nahihirapan na
ako ay naisip ko na nga ang
lumaban. Ngunit para namang nakikita ko si
Ina na nakatitig sa
akin at parang sinasabing - Tiisin mo ang lahat, anak ko, alang-alang sa
ama mo, na siya mong pangalawang Diyos sa lupa!" paliwanag ni
Didang na humikbi, sumubsob sa ibabaw ng hapag, at umiyak.
{15.23}
Tumindig si Lino na parang naalinsanganan. Nanungaw
siya sa katabing dungawan na tila pinaluwag ang paninikip ng
dibdib, at upang hintaying mapawi ang sama ng
loob ni
Didang at makapagpatuloy sa tiwasay na pagsasalita. Ngayong narinig na ang
simula ay tila ibig nang marinig ni Lino ang
lahat.
{15.24}
"Dumating na nga sa sukdulan
ang aking pagtitiis," ang patuloy na
ni Didang sa tinig na gaya ng dati. "Sumaloob ko na kung sadyang gayon na lamang ang
magiging buhay ko sa sariling tahanan ay mabuti pang makisama na
ako sa mga mistulang ibang tao na may loob sa Diyos kahit na kaunti. Isang
kaibigan at kasama ko sa pinapasukan naming tindahan ang
naging kagayakan ko
sa pag-alis. Tumakas kami na may dalang tig-isang balutan ng bihisan at
tig-kaunting baon, isang madaling-araw. Nanuluyan kami sa isang kaibigan ng
aking kasama na naninirahan sa Sampalok at namamasukang mananahi sa Ermita. Ipinagtapat
namin ang aming ginawang pagtakas
sa Baliwag at ang hangad naming makakita
sana ng anumang mapapasukan.
{15.25}
"Hindi kami pinabayaan ng aming tinutuluyan. Tinotoo ang pagtulong
sa amin. Pagkaraan ng may apat na araw lamang ay itinanong sa amin kung
maiibigan namin, habang hindi nakakikita ng mabuti-buti, ang maglingkod na
katulong sa tahanan ng dalawang taga-Quezon City na kapwa mayaman. Hindi sana
namin ibig ng aking kasama na malagay kami sa gayong katayuan, ngunit inisip
naming hindi kami dapat makabigat sa aming
tinutuluyan na isang mananahi lamang. Kaya nga, nayag na kami kapwa,
yayamang maaari namang umalis kami upang humanap ng mabuti-buti kung hindi
namin maibigan ang magpatuloy.
{15.26}
"Sa tingin ko'y mayaman nga ang kinatirhan ko. Maganda, malaki, at
matibay ang bahay. May sariling kotse at tsuper, dalawang bataang lalaki, at
dalawang katulong na babaeng Bisaya. Naroon na ang lahat ng kagamitan at
kasangkapan na nakikita ko sa mga tunay na mayaman, na gaya ng refrigerator, muwebles,
radyo, stereo, at iba pa. May tatlong anak na para-parang nag-aaral sa kolehiyo ng mga
madre. Kinukuha at inihahatid sila ng isang tanging bus araw-araw.
{15.27}
"Maganda ang maybahay ng aking amo, matanda nang kaunti lamang sa
akin, at inihahatid at sinasalubong ng aking amo sa madyungan araw-araw halos. May isang
buwan na ako roon nang mabalitaan ko na ang aking amo ay kawani pala sa
isang tanggapan ng Pamahalaan na nakikialam sa backpay at sumasahod lamang ng sandaa't
dalawampung piso sambuwan. Gayunma'y ano ba ang pakialam ko? Kaya
lamang ako umalis ay nang pagtangkaan
akong ipagregalo
sa kaniyang Hepe, na nakapansin pala sa akin nang minsang dumalo sa isang mabulang
kumplianyos ng kaniyang magandang maybahay.
{15.28}
"Binalak kong tumungo sa tinitirhan ng aking kasama. Sumaisip kong mabuti ang
katayuan niya roon, marahil, kaya nawiwili. Sa pasimula ay nangamba
ako na baka baligtarin
ako ng aking pinanggalingan. Baka sabihing nang-umit
ako ng anumang may halagang bagay at ako'y
tumakas. Sumaloob
ko naman na kapag ginawa nila ang gayon sa akin ay may mapapahiya. Mabuti
naman at ipinagwalambahala na ang aking pag-alis.
{15.29}
"Nagtungo ako, gaya ng aking balak, sa tinitirhan ng aking kasama.
Handa akong tumanggap ng kahit na gaano kababang pasahod, kung
matitiyak ko lamang na may mabuti silang kaugalian. Natuwa
ako nang makita kong tila higit na mariwasa ang
amo ng aking kasama kaysa iniwan ko. Ngunit isang gabi lamang akong
nakatulog doon. Ipinagtapat sa akin ng aking kasama na nang dumating
ako roon ay gayak na pala siyang
magpaaalam at umalis.
{15.30}
"Sinabi niya sa 'kin na ang maybahay ng kaniyang amo ay labis na selosa.
Madalas daw niyang marinig na tinatalakan ng babae tungkol lamang sa
kasusulyap sa kaniya. 'Ikaw pa kaya na talagang maganda ang di-pagselosan,'
sabi niya sa akin. 'Saka,' ang bulong pa niya, 'ito pala namang amo ko, e, kawani lamang
sa appraisal section sa Adwana at sumasahod ng dalawandaang pisong mahigit lamang
sambuwan.'
{15.31}
"Kinabukasan ng hapon, nang araw na makatulog ako sa tinitirhan
ng aking kasama, ay nagpaalam na siya at
pinayagan naman. Kaya, magkasama
kaming nanuluyang muli sa kaniyang kaibigan sa Sampalok. Hindi na kami
gaanong makabibigat noon, kung mga isang linggo lamang, pagkat may
naipon sa kaming sapat sa sinahod namin, bilang mga katulong. Noon ko natuos na mahigit
na pala kaming anim na buwan sa Maynila. Bagaman minsan man
ay hindi ako sumulat sa amin upang ibalita kung saan ako
naroon at kung ano ang
kalagayan ko at hanapbuhay ay ipinagdugo rin ng loob ko na hindi man lamang ako
sinundan at hinanap ni Ama. Dahil diya'y itinuring ko na ang aking
sarili na ulila nang lubos.
{15.32}
"Hindi naglipat-linggo, mula nang manuluyan kaming muli sa kaibigan
ng kasama ko, ay nagkaroon ng tatlong sabay na
alok na mapagpipilian namin. Una, isang
tindahan ng represko (Erfrischungen |1|) sa Abenida Rizal na
may pa-uniporme pa, bagaman di-kalakihan ang
pasahod. Ikalawa, isang tindahan ng relos at mga kagamitan nito sa Abenida
Rizal din, na walang pa-bihis ngunit mainam-inam ang pasahod at libre-komida.
At, ikatlo, isang matrona na anyong masalapi at namamahay na mag-isa. Ang unang dalawa
ay kapwa ari ng Intsik, at itong huli ay isang Filipinang mestisa o
mestisahing Kastila.
{15.33}
"Pinakamithi ng loob ko na roon ako mapunta sa Filipinang
mestisahing Kastila, pagkat sadyang hilig ng loob ko, pagkabata ko pa, ang buhay-payapa.
Kaya nga, nang mapili ng kasama ko ang tindahan ng relos ay pinili ko naman
ang Filipinang mestisahing Kastila. Hindi ko pa pala nasasabi sa iyo, Lino,
na ang pangalan ng kasama ko ay Miring, at ang kaibigan niya, na kaibigan
ko na rin, ay Mentang. Ito namang napili kong mestisahing Kastila ay si
Donya Geronima Villarte y Salumbides, may palayaw na Memay at kung minsa'y
tinatawag na Niyora Memay o kaya'y Donya Memay.
{15.34}
"Taksi pa ang tinawag ni Mentang nang ihatid niya
ako sa tahanan ni Donya Memay sa Pako. Masaya at parang wala sa loob na
hinagod ako ng tingin ni Donya Memay mula ulo hanggang paa, ngumiti na tila
nasiyahan, pagkuwa'y inakbayan si Mentang
na parang inihahatid na sa hagdan, at nag-usap sila roon nang
marahan bago naghiwalay. Nakatawang binalikan ako ni Donya Memay, tinawag
ako sa aking palayaw na Didang, at naupo sa tabi ko. Gayon na lamang ang
tuwa ko nang mahalata kong malambot at magiliw magsalita, bakit ay maganda,
maayos mamihis, marilag kumilos, at matimping gumamit ng pabango.
{15.35}
"Lalo akong natuwa nang
tahasang sabihin sa akin ni Donya Memay
na natagpuan daw niya sa akin, sa unang pagkatingin pa lamang, ang tunay na hinahanap
niya. Pagkat ... hindi raw katulong, ni-kawaksi, ni-utusan, ni-alila, ang tunay
na kailangan niya, kundi isang maganda at mabait na bata na maituturing niyang anak,
pagkat nabigo siyang magkaroon ng kahit na isa, dahil sa hindi niya pag-aasawa.
Kaya nga, ituturing daw niya akong anak at hindi utusan. Sa kagalakan
ko ay nasabi ko naman na kung maaari niya akong ampunin ay
paglilingkuran ko siya sa abot ng magagawa ko at hindi ko kailangan ang ako'y
bayaran.
{15.36}
"Di-kalakihan ang bahay ni Donya Memay, ngunit matibay at
masinop, at naroon na ang lahat ng nauunawa kong kaayusan at kagamitan ng
isang bahay-mayaman, bagaman walang garahe, ni hardin, pagkat makipot lamang ang
bakuran. Gahịs (übergroß |1|) pa ng
tokador lamang ni Donya Memay, na puno
ng sarisaring kagamitang pampaganda, ang isang masuking beauty parlor. Wala
akong naratnang kasama niya sa tahanan kundi isang masipag at may
hitsurang utusang dalaga, na Tagalog ding tulad ko, bagaman pipi, gayong hindi naman
bingi.
{15.37}
"Anupa't si Vilma, ang utusan, ay tila dating nakapagsasalita na
naputlan lamang ng dila kung kaya napigil. Gayunman, may isang matandang babaeng
tagapanindahan at tagaluto, na dumarating doon tuwing umaga at umaalis kung hapon at
laging may kasamang isang batang lalaki na nagiging utusan habang hindi umuuwi ang
matanda. Ang pangalan ng matandang ito ay
Tiyang at ang batang lalaki naman ay
Sayas.
{15.38}
"Sa pasimula pa'y itinuro na sa akin ni Donya Memay na tawagin ko siya
ng 'Mammy'. Di raw naman niya ibig ang tahasang 'Mama', pagkat nagmumukha
naman siyang isa ng tunay na ina, gayong dalaga
siya na lumaos nga lamang. Marami raw siyang
pamangking dalaga na
naglulunggating maging
kalukob niya.
Ngunit hindi raw niya ibig, pagkat ibig niya ng katahimikan at ang mga pamangkin niya ay
pawang magulo, kargante, kapritsosa, at matigas ang ulo.
{15.39}
"Mag-iisang buwan na ako kay Donya Memay nang
pumanatag nang
kaunti ang loob ko, pagkat naging patuloy na tahimik ang buhay
namin, at wala kaming
naging tanging libangan
kundi ang makinig sa bahay ng tugtugin sa radyo at manaog na paminsan-minsan
upang manood ng sine. Walang muli't muling dumadalaw sa bahay kundi isang palabihis na
babaeng ahente raw niya sa paniningil at pagpapautang, gayon din sa paglalako ng mga
alahas. Laging sarilinan at marahan kung mag-usap sila, at kung minsa'y
nagkukulong pa sa loob ng silid, bagay na sinasapantaha kong sanhi lamang marahil sa
ginagawa nilang 'usura' na labag sa batas, sa pagkaalam ko.
{15.40}
"Unti-unting tinuruan ako ni Donya Memay ng pag-aayos sa katawan
at mukha. Ipinagpatahi ako ng mga bago at mahuhusay na bihisang sunod na
lahat sa moda. Ibinili ako ng namamalasak na noong mga fancy trinkets at
isang orasang pambisig na may hala-halaga.
Tinutulan ko ang kagugugol nang
dahil lamang sa akin. Ngunit nagalit pa siya at sinabing ibig ko raw bang
wikain ng iba na mukhang alila lamang ang kaniyang anak, kaya hindi na ako
kumibo. Ang hindi ko lamang sinang-ayunan ay ang
hangad
niya na putulin ang buhok ko, bagay na hindi naman niya ikinagalit. Kaya nga, ipinakulot na
lamang niya ang buhok ko at tinuruan
akong magpusod nang
maayos.
{15.41}
"Pinapansin ko na noon, bagaman sa sarili ko lamang, kung bakit isa man sa mga
sinasabing pamangking dalaga ni Donya Memay ay walang dumadalaw sa amin.
Ngunit isang hapon ay biglang dumating ang apat na pawang magaganda nga.
Bahagya na nila akong sinulyapan sa pagkakaupo ko sa isang sopa
sa salas. Tuloy-tuloy silang pumasok sa silid ni Donya Memay na
kagigising pa lamang noon sa kinagawiang pag-idlip kung tanghali. Dinig na dinig ko
ang kanilang masayang pag-uusap na madalas mauwi sa malakas na tawanan at
kung minsa'y sa mga salitaang marahan at halos bulungan lamang.
{15.42}
"Madali kong nakilala na mababait sila at mapalagay, pagkat nang
lumabas sila sa silid at ipakilala
ako ni Donya Memay ay niyakap nila
ako at isa't isa'y humalik.
Pinilit pa akong kumain ng mga prutas na dala nila. Ang palayaw ng kasama
nilang mestisilya ay Chic, ang kayumanggi
ay Pinay, ang singkit ay
Bun, at ang may nunal sa ilong ay
Lor. 'Hoy, Didang,' tawag sa akin ni Chic, 'alam mo, ku!,
nangingimbulo sa 'yo si Lor! Sabi ba naman sa Tita Memay, e ...' 'Bakit,
bakit, ano na naman?' hadlang ni Lor at umirap. 'Sige, gusto mo ikaw lang
ang nambibiro! Baka mamaya, kung ikaw ang mabiro, e, magagalit ka na
agad!'"
{15.43}
"'Huuus! Ito nga namang si Chic,' pakli naman ni Bun na umirap
din, 'daldal!' 'Daldal na nga, di pa man!' sabad naman ni Pinay na kumampi kay Chic,
'wala pa namang sinasabi si Chic, e, daldal na! Higi, Chic, talaga namang sinabi niya,
e!' aniya pa na iningusan si Lor at tumawa. 'Sabihin mo na, Chic, at
hindi naman pikon si Didang, e!'
'Hindi ka nga ba pikon, Didang?' ang magiliw na tanong sa akin ni Chic
at inakbayan ako. Alisin mo rito sa Maynila, Didang, 'yang ugaling
probinsiyana at ... matitisis ka rito, pag hindi. Basta masaya lang
tayo!'
{15.44}
"'Siyanga, Didang,' ang mairog na katig naman ni Lor. 'Kasama ka
na ngayon sa gang, alam mo ba? Isang araw, e, isasama ka namin sa lakad. At,
huwag kang tatanggi.'
'Gayon nga, Didang,' sahod ni Pinay. 'Basta sasama ka sa amin, ano,
maaari ba?' 'E, tingnan natin,' ang sagot ko naman, 'kung payag ba ang Mammy
at saka wala akong maraming ginagawa, e, di ...' 'Aba, aba!' himig puna
ni Bun. 'Tiwala yata sa amin ang Tita Memay, saka ... itong atin, e, samahang
walang tanggihan.'
{15.45}
"'Nakita mo na, Didang,' ang pansin na ni Donya Memay bagaman anyong masaya.
Ang gugulo ng mga pinsan mong iyan! Ni hindi man lamang nasabing
ihihingi ka nila sa akin ng permiso. Saka, hayan, alam mo ba, Didang? Kaya
lang nagsisidalaw rito ang mga iyan, e, kung may kailangan! Apat na
malalaking bagang na naman ang nalagas sa
panga ko!' 'Pasensiya ka na, Tita Memay,' ang
pa-isding na sabi naman ni Chic. Ang kapal-kapal mo naman, Tita,
e!'"
{15.46}
Tumigil sandali si Didang sa pagsasalita at huminga nang malalim.
Makasandali'y nagpatuloy sa pagsasalaysay. "Di-nagtagal ay nagpaalam na ang
apat na pamangkin ni Donya Memay, matapos magsihalik sa kaniya at sa akin.
Huwag daw akong tatanggi sa
kanila, saanman nila ako yayain. Ngunit baka naman naiinip
ka na, Lino?"
{15.47}
"Hindi, Didang!" ang masayang tugon ni Lino. "Nananabik ako! Para akong
nakaririnig ng isang kuwentong sinulat at binabasa lamang. Naalaala
ko tuloy ang nasabi mo sa aking minsan na naging hilig mo noong bata ka
pa ang maging isang
makata o manunulat. Maaari ka nga pala. Sayang at iba ang
landas na kinapuntahan mo,
o baka naman iyan na nga ang landas na patungo sa talagang palad mo."
{15.48}
"Magpapatuloy ako, Lino, kung gayon," ani Didang na hindi pinansin
ang ginawang pagtukoy ni Lino sa kaniyang hilig na maging makata at manunulat. "Oo, kung
hindi ka pa napapagal," sang-ayon ni Lino. "Uminom
ka muna kaya! Tayka at ikukuha
kita ng inumin!" aniya pa at tumindig. "Huwag, Lino!" pigil ni Didang na
tumindig din at nagpaunang lumabas. "Ako na ang kukuha at nang makainom
ka rin. Tulog na pala ang Tiya
Huwana!"
{15.49}
Hindi napigil si Lino. Lumabas din
siya at sumunod kay Didang. Isang ilawang tinghoy lamang na aandap-andap ang
tumatanglaw sa kusinaan, na siya na ring komedor na kinaroroonan ng may
gripong tapayan ng inumin. Tinagasan ni Didang ng tubig ang isang baso at
iniabot kay Lino. Inabot ni Lino ang baso at kusang tinutop ng kamay
ang mga daliri ni Didang. Nagkatinginan
sila. Ngunit yumuko si
Didang. Tila ipinahiwatig na
talusalang pa muna siya. Uminom si
Didang pagkaraan ni Lino, at
magkasabay na bumalik ang dalawa sa dati ring munting hapag at mga likmuan sa
salas ng bahay.
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/daluyong.html
1 Einleitung / Pambungad
2 Texte / Mga Kasulatan
3 Zeitformen der Verben / Anyong pamanahon ng pandiwa
Austria, LN: Kalye P. Damaso
Quelle / Pinagmulan → {16A-2 Damaso}.
Si LN Austria ay nakatira sa 1O73 Greenview Subdivision, Turo, Bocaue, Bulacan. Kasalukuyang kumukuha ng kursong Bachelor of Arts In Public Administration sa University of the Philippines, Diliman, Quezon City. Ipinanganak noong Hunyo 1, 1988. Isang masugid na mambabasa ng Liwayway.
{3.1}
Matagal ko na ring pinag-iisipan kung ano ba talaga ang kulang sa buhay ko. | |
Ngayong ako ay may sapat nang edad ngunit kaunting kakalaman, napagtanto kong ang pagkalinga ng magulang ang tunay kong hinahanap. | Jetzt bin ich alt genug, habe nur wenig Verwandte, und mir wird bewusst, dass ich in Wirklichkeit danach strebe, mich auf die Suche nach meinen Eltern zu machen. |
Simula nang mamatay ang Inay, hindi na ko nakaramdam pa ng kahit kaunting init ng pagmamahal na nagmumula sa sariling mga magulang. |
{3.2}
Kaya naman ibang-iba ang pakiramdam ko nang araw na iyon. | Deshalb waren von diesem Tage an meine Gefühle völlig anders. |
Noon ko lang naramdaman ang isang napakatinding damdaming nag-uudyok sa akin na ipagpatuloy ang paghahanap sa aking amang nawalay noong ako ay tatlong taong gulang pa lamang. | Damals konnte ich mich nur bei einem sehr heftigen Gefühl ertappen, die Suche nach meinem Vater fortzusetzen, von dem ich getrennt wurde, als ich erst drei Jahre alt war. |
Marahil ay hindi na niya tanda ang aking mukha, gayon din naman ako sa kanya. Kung paano ko siya hahanapin, bahala na. Basta't alam kong kapag kami ay nagkita, maisasalba niya ako mula sa pagiging ulila sa magulang. Kaya't naisipan kong lumuwas ng Maynila kung saan siya tumitigil ayon kay Lola. | Ist schon gut, wenn ich weiß, dass er mich davor bewahren kann, ein Waisenkind zu werden. __. Deshalb dachte ich daran, nach Manila zu gehen, wo er sich aufhalten würde, wie Großmutter sagte. |
{3.3}
Umalis ako ng Kinaway, Masbate na bitbit ang ilang damit at kaunting pera na pabaon ng Lola na talaga namangayaw akong payagang umalis, lalo pa't hindi ko naman tunay na alam kung saan ako pupunta, sa pag-asang muli kong makikita si Itay. Hindi nagkamali ang Lola. | Ich verließ Kinaway, Masbate und trug mit meinen Händen einige Kleidungsstücke und etwas Geld, das mit Großmutter für die Reise mitgegeben hatte. Sie wollte wirklich nicht zulassen, dass ich weggehe, vor allem, weil ich wirklich nicht wusste, wohin ich gehen sollte, einzig mit der Hoffnung, meinen Vater zu finden. Großmutter hatte nicht unrecht. |
Hindi madali ang tumapak sa lupang hindi mo kinagisnan. Naging napakahirap ng buhay ko. Wala ni sinumang tao ang maaari kong malapitan. Hindi ako makapasok ng trabaho pagkat ang alam ko lang ay ang bumasa at sumulat. | Es ist nicht leicht, in einer Gegend herumzulaufen, die man nicht seit Kindesbeinen kennt. |
Sinubukan kong lumapit sa pulis upang ipagbigay alam ang pakay kong paghahanap sa aking ama. Imposible raw ang gusto ko pagkat wala akong dala kahit na lumang litrato. Puno ng pasakit ang bawat araw.
Gayunpaman, napakabilis din upang isang araw ay mapagtanto kong tatlong buwan na rin mula nang ako'y lumisan sa amin. Ang kaunting damit na dala ko ay naibenta ko nang lahat maliban sa suot ko ngayon, ang natira sa perang bigay ng Lola ay halos barya na lamang, at ang pag-asang kami ay muling magkikita ni Itay ay unti-unti nang natatabunan ng ingay, dumi, kumakalam na sikmura at basura na dulot ng siyudad.
{3.4}
Naranasan kong humingi ng limos, kumain ng panis at ipagtabuyan ng malilinis na tao.
Kung batid lamang ng Lola ang aking kalagayan, agad niya akong pupuntahan dito, kahit pa
ibenta niya ang aming munting kubo sa kahit na anong halaga para lang makaluwas din
ng Maynila, upang ako ay yakapin at balutin ng malinis na damit. Kahit na ako ay lumaki
sa hirap, hindi ko kailanman dinanas ang ganito kasaklap na buhay. Naging palaboy ako
nang dahil sa pagnanais kong makita ang Itay. Minsan ay gusto ko na siyang
sisihin, ngunit wala rin namang kahihinatnan ang pagsisi sa iba at sa sarili.
{3.5}
Napadpad ako sa Kalye P. Damaso. Doon ko nakilala ang isang lalaking may katandaan na. Binigyan niya ako ng tinapay at tirang buko juice. Tawagin ko na lang daw siyang Mang Kaloy. Sinabi niyang may itsura raw ako kaya't kung gusto ko raw ng pagkakaperahan, maaari akong sumama sa kanya. | Zufällig trieb es mich zur P.-Damaso-Straße. Dort kannte ich einen Mann, der schon alt war. Er gab mir Brot und noch einen Rest Kokoswasser. Ich nannte ihn, so wie man mir sagte, Mang Kaloy. Er sagte mir, dass ich das richtige Aussehen hatte, und wenn ich Lust hätte, leicht an Geld zu kommen, könnte ich mit ihm mitgehen. |
Gayon na nga ang nangyari at nang sabihin niya sa akin kung ano ang gagawin ko, tumango lang ako na parang walang narinig. | So geschah es dann auch, und als er mir sagte, was ich zu tun hätte, nickte ich, als ob ich nichts gehört hätte. |
Dinala niya ako sa isang maliit na gusaling "Happy Inn" ang pangalan at ipinasok sa isang pribadong kuwarto. | Er brachte mich zu einem kleinen Gebäude mit Namen "Happy Inn" und ging mit mir in ein abgesondertes Zimmer. |
Binigyan niya ako ng isang maliit na piraso ng saplot na nagmumura ang pagkapula. Inutusan niya akong maligong mabuti. Kuskusin ko raw maigi ang dumi sa aking katawan at buhok. | Er gab mir eine Klamotte, . Er forderte mich auf, mich gründlich zu baden. |
Pumunta ako sa banyo, binuhusan ko ng maligamgam na tubig ang nanlalamig kong katawan na parang walang pakiramdam. Bigla akong naaliw sa mga bulang nagmumula sa mabangong sabong pampaligo. Matagal ko na rin silang hindi nakikita. | Ich ging in das Bad, übergoss meinen kalten, gefühllosen Körper mit lauwarmem Wasser. Plötzlich machte mir der Schaum von der duftenden Badeseife Vergnügen. Lange habe ich sowas nicht gesehen. |
Pilit kong nilasap ang sarap ng pagiging malinis dahil alam kong mamaya lamang, ang aking buong pagkatao ay mababahiran na ng putik, isang klase ng putik na hindi kayang ialis ng tubig o ng kahit ano pa mang panglinis. Nagbihis ako at nagpabango gamit ang cologne na inabot ni Mang Kaloy kanina. | Ich zwang mich, das Sauberwerden zu genießen, da ich wusste, dass gleich mein ganzes Wesen beschmutzt werden würde, mit einer Art von Schmutz, der nicht leicht mit Wasser oder mit irgend einem anderen Reinigungsmittel entfernt werden könnte. Ich zog mich an, ließ das Kölnischwasser duften, das mit Mang Kaloy vorhin gereicht hatte. |
{3.6}
Paglabas ko ng banyo, isang matabang matandang lalaki ang naghihintay sa akin. Hinawakan niya ako, hindi ako umiwas. Dinala niya ako sa kama, hindi ako tumanggi. | Als ich aus dem Bad kam, wartete ein dicker alter Mann auf mich. Er packte mich, ich habe es nicht verhindert. Er trug mich zum Bett, ich wehrte mich nicht. |
Hindi ko alam ang aking ginagawa, pumikit na lamang ako nang makaramdam ako ng sakit, napaluha ako ngunit hindi dahil sa matinding hapdi kung hindi dahil sa kirot na dulot ng pagkawasak ng puso. | Ich weiß nicht, was mir geschah, ich schloss nur die Augen, als ich Schmerzen fühlte und weinte, aber nicht wegen des starken körperlichen Schmerzes, sondern wegen des stechenden Schmerzes, verursacht vom brechenden Herzen. |
Biglang lumiwanag ang paligid sa aking paningin, nakita ko na lamang ang sarili kong nakabalot sa kulay berdeng kumot na may dungis ng sarili kong dugo. Naisip kong hindi na ko muling babalik sa P. Damaso, sa perang ibibigay sa akin, maaari na kong bumalik sa Kinaway. Hindi ko man nagawa ang tanging layunin kong makita ang Itay, hindi pa huli ang lahat upang ang aking Lola na lamang ang pagbuhusan ko ng panahon sa mga huling araw ng kanyang buhay. Basta't alam ko at alam ng Diyos na hindi ako naging masamang anak at apo sa aking mahal na Lola.
{3.7}
Ngunit narinig ko ang usapan ng dalawang lalaki sa labas ng nakapinid na pinto. | Ich hörte aber ein Gespräch von zwei Männern hinter der geschlossenen Tür. |
"Boss, dagdagan mo naman, bata pa 'yang naibigay ko sa 'yo, e, disisais lang yata 'yan o walaa pa. Saka alam mo namang nag-iipon ako pauwing Masbate e, sa Kinaway pa. Naisip kong kunin na 'yong anak ko d'on, e" | "Boss, gib mir nur etwas mehr, die war noch jung, die ich dir gegeben habe, eh, sechszehn vielleicht oder noch nicht mal. Du weißt auch, dass ich spare, um nach Masbate eh, nach Kinaway zurückgehen zu können. Ich denke dran, dort das Kind von mir zu holen." |
Marami pa siyang sinabing halos aking ikinabingi. Ayokong isipin na si Mang Kaloy ay ang aking ... Hindi. Nagkataon lang. Ayokong isipin. | Er hat noch viel erzählt, wovon ich fast taub wurde. Ich mag nicht daran denken, dass Mang Kaloy mein ... Nein. Nur zufällig. Ich mag nicht daran denken. |
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/damaso.html
1 Einleitung / Pambungad
3 Texte / Mga Kasulatan
Coraza, Michael M.: Ang Pagsasalin bilang Pagpapaunawa:
Isang Panimulang Pagsusuri sa Unang Limbag na Salin sa Tagalog ng Popular na
Dasal Katoliko
Quelle / Pinagmulan → {16A-2_Dasal}.
{3.1}
Ang Doctrina Christiana en lengua espanola y tagala, corregida por los Religiosos
de las ordenes, Impressa con licencia en S. Gabriel de la orden de S. Domingo En
Manila, 1593 ang kauna-unahang relihiyosong aklat na nalimbag sa paraang xylografico
sa Filipinas. Sa pangkalahatang, ito rin ang kauna-unahang aklat na nalimbag sa buong
kapuluan matapos itatag ni Miguel Lopes de Legaspi ang Cebu noong 1565 at ang Manila
noong 1571.
{3.2}
Ayon sa sanaysay ni Virgilio S. Almario na "Pamamangka sa Dalawang Wika, Ang
Pagsasalin Bilang Kasangkapan sa Edukasyon" na nalathala sa magasing Sagisag noong
Enero-Pebrero 1977, "Hindi isang aksidente na gumamit ng pagsasalin
sa unang nalimbag na aklat sa Pilipinas." Bahagi ng buong estratehiya ng pananakop
ng mga Espanyol ang paggamit sa katutubong wika ng mga Indio sa pagtuturo ng doktrina.
{3.3}
Ayon kay Rene Javellana, sa kaniyang introduksiyon sa Mahal na Passion ni
Jesu Christong Panginoon Natin na Tola ni Gaspar Aquino de Belen (1990), nagpasiya
ang junta ng Simbahan sa Maynila noong 1582 na kilalaning mahalagang gawain ang
pagsasalin ng mga aral ng Kristiyanismo sa mga katutubong wika ng Filipinas.
At sampung taon matapos malimbag ang Doctrina Christiana, noong 1603, naglabas
ang hari ng kautusang nagtatakda na kailangang marunong ng wika ng mga Indio ang
sinumang magtutungong misyonero sa kapuluan.
{3.4}
Ang pagsasalin, ayon sa sanaysay na "Translation: Literature and Letters" ni
Octavio Paz, ay isang paraan ng pagtuturo o pagpapaunawa. Sabi nga niya, "the child
who asks his mother the meaning of a word is really asking her to translate
the unfamiliar term into the simple words he already knows."
Ipagpalagay na ang mga misyonerong fraile ang ina at ang mga katutubong
Tagalog ang anak, paano kaya ipinaunawa ang doktrina ng Kristiyanismo? Ano at paano
kaya hinarap ang mga suliranin sa pagpapaunawa?
{3.5}
Sa pagtalakay na ito, magsasagawa ng panimulang pagsusuri hinggil sa paraan
ng pagkakasalin ng popular na dasal Katoliko, ang Ama Namin, na nasa Doctrina
Christiana. Sa pamamagitan ng mapaghambing na
pagtunghay sa orihinal na tekstong
Espanyol at sa katapat na salin sa Tagalog, higit na mabibigyan ng ilustrasyon ang
paniniwala ni Octavio Paz na isang paraan ng pagpapaunawa ang pagsasalin.
{3.6}
Mga Pangkalahatang Obserbasyon
Sa pangkalahatang, binubuo ang Doctrina Christiana ng apat na dasal: "Ang Ama
Namin", "Ang Aba Guinoong Maria" (Aba Ginoong Maria)", Ang Sumasampalataia" (Ang
Sumasampalataya) at "Ang Abapo" (Ang Aba Po); apat na paghahanay ng mga kautusan at
kaurian ng kasalanan: "Ang Otos nang Dios, Ae, Sangpouo" (Ang Utos ng Diyos ay Sampu),
"Ang Otos nang Santa Iglesia Ina natin aey Lima" (Ang Utos ng Santa Iglesiang Ina Natin
ay Lima), "Pito ang Mahal na Tanda Icauauala nang Casalanan ang Ngalan Sacramentos"
(Pito ang Mahal na Tandang Ikawawala ng Kasalanan, ang Ngalan ay Sakramentos), at "Ang
Ponong Casalanan, Icapapacasama nang Caloloua aey Pito" (Ang Punong Kasalanan,
Ikapapakasama ng Kaluluwa ay Pito); at isang "Tanungan."
Reihenfolge von einigen Satzzeichen bei Anführungszeichen geändert, da
sie im Text inkonsistenz sind!
{3.7}
Unang nakasulat ang bersiyon sa wikang Kastila ng mga ito, saka nakasunod ang salin
sa Tagalog na nakasulat sa dalawang paraan: nasa alpabeto Romano ang una, nasa katutubong
baybayin ng mga ninuno natin ang ikalawa. Dahil dito, masasabing ang Doctrina
Christiana rin ang isa sa mga nalalabing nakalimbag na patunay ng pag-iral ng
isang katutubong alpabeto ng ating mga ninuno.
{3.8}
Batay sa nilalaman nito, makahihinuha ng tatlong pangkalahatang implikasyon
tungkol sa pagkakalathala ng Doctrina Christiana. Una, binibigyang-diin ng mga
Espanyol na ang itinuturo nila sa mga katutubo ay mula sa Kastila, isang salin. Para
kay Vicente L. Rafael, Contracting Colonialism, Translation and Christian Conversion in
Tagalog Society under Early Spanish Rule (1988), paggigiit ito ng kataasan o
superyoridad ng mga Espanyol sa mga katutubo.
{3.9}
Higit na malapit sa Latin, na siyang opisyal na wika ng Simbahang Katoliko,
ang wikang Kastila. Samankatwid, ang mga Espanyol, na gumagamit ng wikang
Kastila, ang tagapaglapit sa mga Tagalog, sa mga aral ng Katotohanan na orihinal na
nasa wikang Latin. Sa pananalita mismo ni Rafael, "Within the context
of colonization, whereby Latin guaranteed the transfer of God's Word, Castilian
played the key role of a privileged passage from Latin to Tagalog."
{3.10}
Ikalawa, ang pagpapalit ng ortograpiya o paraan ng pagsulat sa wikang Tagalog
ay isang paraan ng pagkontrol ng mga Espanyol sa wika ng mga katutubo. Hindi tuwirang
sinasabi nito na dahil sila ang mananakop,ang nakataas, kaya nilang baguhin para sa
kanilang kapakanan ang wika ng kanilang mga nasasakupan. Kung nahihirapan silang
basahin ang sulat-katutubo, lalo sigurong nahihirapan silang isulat ito. Kaya
kinailangang baguhin nila ito para sa ikadadali ng pagsasakatuparan nila ng
kanilang misyon.
{3.11}
Ayon muli kay Rafael, "By converting baybayin into phonetic writing, the
Spaniards hoped to make the Tagalog language more 'readable'. And 'readability'
in this case implied the control of the differing and deferring movement of
writing by the 'persuasive and clear voices' of the missionarier who worked
to ensure the passage of God's Word and the king's authority through the local
idiom."
{3.12}
Ikatlo, kapansin-pansin ang pamamayani ng mga salitang Kastila na hindi na
isinalin o inihanap ng katumbas na salitang Tagalog sa kabuuan ng Doctrina Christiana.
Ginamit na tila lumangkap na sa bokabularyo ng wikang Tagalog nang mga panahong iyon ang
mga salitang Kastila tulad ng Dios, virgen, cruz, infierno, Espiritu Santo, yglesia
Catolica, fiesta, confessar, comulgar, pascua, baptismo, extrema uncion, orden
sacerdote, persona at marami pang iba.
{3.13}
Dahil walang isa sa isang tumbasan ng mga salita sa pagitan ng dalawang
wika, madalas na nagiging mahirap ihanap ng katumbas sa ibang wika ang ekspresyon ng
isang idea o katotohanan sa isang wika. Ang mga terminolohiya ng Kristiyanismo na hango
sa Latin at Kastila ay sadyang hindi maaasahang magkaroon ng mga terminolohiyang ganap
na katapat sa wikang Tagalog. Ayon muli kay Octavio Paz, "Each language is a view
of the world, each civilization is a world."
{3.14}
Bagong karanasan at bagong pagtingin sa daigdig ang Kristiyanismo para sa mga
"indio", kaya nga ang nangyari, marami sa mga salitang pandoktrina ang hindi na
kinailangan pang tapatan ng katutubong salita para maituro sa kanila. Ngunit para
kay Rafael, isa pa ring indikasyon ito ng pagiging superyor ng wikang Kastila sa
Tagalog.
{3.15}
Sa tingin ng mga misyonero, walang salita sa Tagalog na makatatapat at
makasasapat upang taglayin ang kahulugan ng mga konseptong nasa Kastila. Sa pananalita
muli ni Rafael, "In order to maintain the 'purity' of the consepts that these words
conveyed, the missionaries left them untranslated, convinced that they had no exact
equivalents in Tagalog."
{3.16}
Kapansin-pansin na sa paghahanay ng pitong sakramento, ginamit ang mga salitang
Kastila bilang panawag sa mga ito: baptismo, confirmar, confesar, comulgar, extrema
uncion, orden nang sacerdote at pagcasal. Pansinin na nagkaroon na ng anyong
Tagalog ang salitang casar:pagcasal. Paglaon, higit na makikilala ang baptismo
bilang binyag, na salitang ginamit na rin sa isang bahagi ng Doctrina Christiana, ang
confirmar bilang kumpil, ang confesar bilang kumpisal.
{3.17}
Sa kabilang banda, sa paghahanay ng mga punong kasalanan (o capital sins), naisalin
lahat ang mga ito sa wikang Tagalog: capalaoan, caramotan, calibogan, cagalitan,
caiamoan, capanaghilian at ang catamaran. Alalaong baga, ipinahahayag wari ng
mga misyonerong Espanyol na kung kasalanan ang pag-uusapan, lahat
ng puwedeng maging kasalanan ay nagagawa ng mga katutubo kaya may salita sila para sa
mga ito. Kung kaligtasan, biyaya, o sakramento naman ang pag-uusapan, dahil ng mga
"pagano", wala sa karanasan kaya wala sa talasalitaan ng mga "indio" ang mga salitang
gaya ng baptismo, confirmar at confesar.
{3.18}
Sa pag-aaral sa Mahal na Passion ni jesuchristong Panginoon Natin na
Tola ni Gaspar Aquino de Belen, nilinaw ni Rene B. Javellana na sumunod si de
Belen sa dalawang daloy ng pagsasalin: hubog sa tradisyon ng katesismo ang una at
hubog sa tradisyon ng mistisismo ang ikalawa. May katangiang malinaw, mapangatwiran,
at bumabaling sa abstraktong pag-iisip ang unang pamamaraan samantalang ang ikalawa
ay matalinghaga, malabugtong, hitik sa paglalarawan at puno ng damdamin.
{3.19}
Para kay Javellana, nagsasanib ang dalawang daloy ng pagsasalin sa Mahal na
Passion, na isang mahabang pasalaysay na tula, ni Gaspar Aquino de Belen.
Kinailangang kasangkapanin ang una upang higit na maisaulo ng mga katutubo ang
nilalaman ng doktrina at kinakailangan ang ikalawa upang higit itong maunawaan o
maisapuso.
{3.20}
Bilang aklat ng doktrina o katesismo, masasabing higit na namamayani ang unang
daloy ng pagsasalin na tinutukoy ni Javellana sa Doctrina Christiana. Gayunman,
bilang kauna-unahang limbag na tekto ng katuruang Katoliko, mapapatutunayang hindi
nakaiwas magsalin sa paraang matalinghaga, mapaglarawan o mapagpaunawa ang mga
may-akda ng aklat na ito alinsunod sa sinasabi ni Octavio Paz.
{3.21}
Ang Ama Namin
Kilala rin bilang "The Lord's Prayer" dahil ito ang dasal na itinuro ni Kristo sa mga
Hudyo nang may isang nagtanong sa kaniya kung papaano raw ba magdasal,nilalagom ng
panalanging ito ang Banal na Ebanghelyo. Ayon sa Catechism of the Catholic Church
(1994) huwarang paraan ito kung papaano makipag-usap sa Diyos nang hindi nagiging
paulit-ulit na tulad ng mga Hentil.
{3.22}
Sa Doctrina Christiana, matatagpuan ang bersiyong Kastila sa ikalawang buklat,
at agad na nakadugtong sa ikatlong buklat ang salin nito sa Tagalog na nakasulat sa
dalawang paraan: sa pamamagitan ng alpabeto Romano ang una,sa pamamagitan ng katutubong
baybayin ang ikalawa. Narito ang buong teksto ng "Ama Namin" sa nasabing aklat:
{3.23}
Ama Namin nasa langit ca ,ypasamba mo ang ngalan mo, moui sa amin ang pagcahari
mo. Ypasanod mo ang loob mo dito sa lupa parang sa langit, bigyan mo cami ngaion nang
amin cacanin, para nang sa araoarao, at pacaualin mo ang aming casalanan, ya iang
uinaualan bahala namin sa loob ang casalanan nang nagcasasala sa amin. Houag mo
caming aeuan nang di cami matalo nang tocso. Datapouatyadia mo cami sa dilan masama.
Amen, Jesus.
{3.24}
(Ama namin,nasa langit ka, ipasamba mo ang ngalan mo, mauwi sa amin ang pagkahari
mo. Ipasunod mo ang loob mo dito sa lupa parang sa langit, bigyan mo kami ngayon ng aming
kakanin para nang sa araw-araw, at pakawalin mo ang aming kasalanan, yamang winawalang
bahala namin sa loob ang kasalanan ng nagkakasala sa amin. Huwag mo kaming iwan nang di
kami matalo ng tukso. Dapuwat iadya mo kami sa dilang masama. Amen, Jesus.)
{3.25}
"Padre Nuestro" ang tinatapatan ng "Ama Namin." Ngunit hindi gaya ng "nuestro",
ang namin ay hindi simpleng katumbas ng "our". Ang pagsasabi ng "Padre Nuestro" at
"Our Father" ay isang indikasyon na may iisa o unibersal na kinikilalang Ama o Diyos ang
mga Katoliko. Ngunit ang "namin" ng Tagalog ay may indikasyon ng pagkakahiwalay sa iba.
May kakambal na salita ito, ang natin. Kapag sinabing "namin," nangangahulugan ito na
ang inaangking bagay ay hindi sa iba ,hindi "inyo." Anu't anuman,"Ama Namin" na nga ang
pinakamalapit sa "Padre Nuestro."
{3.26}
"Que estas en los cielos", ang tinatapatan ng "nasa langit ca". May salitang
katutubo ang mga Tagalog para sa lugar na katumbas ng langit ng mga Katoliko, ang
kaluwalhatian. Ngunit hindi ito piniling gamitin sa Doctrina Christiana. Halimbawa
marahil ito ng tinutukoy ni Virgilio S. Almario sa panimulang pag-aaral niya sa
Barlaan at Josaphat (2002):
{3.27}
"Pinakamabagsik na paraan ng pananakop pangwika ang tahasang pagtatakda ng
masama o negatibong kahulugan sa mga salita na may orihinal na mataos na pagpapahalaga."
Dahil kaugnay ng isang sinaunang pananampalataya na itinuturing na pagano ng mga
Espanyol, higit na piniling gamitin ng mga may-akda ng Doctrina ang higit na niyutral
na salitang "langit" bilang pantapat sa konsepto ng pook o estado ng magandang buhay
ng mga Katoliko.
{3.28}
Ang mga sumusunod na sugnay, "ypasamba mo ang ngalan mo, moui sa amin ang
pagcahari mo, ypasonod mo ang loob mo dito sa lupa para sa langit", ay itinatapat sa
"Sanctificado sea es tu nombre,venganos es tu reino, hagase tu voluntad asi en la
tierra como en el cielo." Tinatawag na subjunctive ang anyo ng mga pandiwa sa Espanyol,
dahil ginagamitan ng "sea" ngunit naging pautos lamang ang naging pantapat na pandiwa
sa Tagalog: "ipasamba," "moui," at "ipasunod."
{3.29}
Sadyang walang katumbas na anyo sa
Tagalog ang pandiwang nasa anyong subjunctive sa Espanyol, isang anyo ng pandiwa
na nagpapakita ng isang hiling o masidhing paghahangad. Sa Ingles, sa ganitong paraan
ito tinutumbasan, "Hallowed be thy name, thy kingdom come, thy will be done." Kaya
nga sa anyo ng dasal na ito sa kasalukuyan, ganito ang paraan ng pagsasabi, "Sambahin
ang ngalan mo, mapasaamin ang kaharian mo, sundin ang loob mo ..."
{3.30}
Sa bahaging ito mahahalata ang kahulugan pa ng kasanayan sa Tagalog ng mga
Kastilang bumuo ng Doctrina Christiana. "Bigyan mo cami ngaion nang amin cacanin para
nang sa araoarao" ang itinumbas sa "El pan nuestro de cada dia danos lo hoy."
Kapansin-pansin ditong sa halip na tinapay, ang ginagamit ay kakanin. Sa orihinal
na Kastila, tinapay ang ibig sabihin ng "pan." Sa doktrinang, Katoliko, mahalagang
metapora ang tinapay.
{3.31}
Sa Vocabulario de la lengua tagala (1869) nina Sanlucar at
Noceda, may salitang "tinapay" na ang kahulugan ay "pastilla de morisqueta". Isang
uri ng "cake" o suman na yari sa bigas (kanin). Malamang na ang naging konsiderasyon
ng nagsalin para sa Doctrina Christiana ay ito: hindi pang-araw-araw na tulad ng
ibig sabihin ng "kakanin" ang sinaunang kahulugan ng "tinapay." Sa Katolisismo, ang
"pan" ay hindi lamang pagkain ng katawan. Ito rin ang metapora para sa "katawan ni
Kristo" at "salita ng buhay" na kailangang maging bahagi ng pang-araw-araw na buhay
ng isang binyagan.
{3.32}"Pacaualin mo ang aming casalanan ya iang uinaualan bahala namin sa loob ang casalanan ng nagcasasala sa amin" ang itinumbas sa "Perdonanos nuestras deudas asi como nosotros las perdonamos nuestros deudores". Nakapagtatakang hindi ginagamit ang salitang "patawarin" bilang pantapat sa "perdon". Muli, sa Vocabulario de la lengua tagala, may nakatalang salitang "tawad" na sadyang katumbas ng "perdon".
{3.33}
Sa bahaging ito, matutukoy na higit na naging mapaglarawan ang nagsalin.
Tinangka niyang ipakita sa paraang metaporiko ang pagkakasala at ang pagpapatawad
dito. Kung pakakawalin ang kasalanan, maaaring isipin na nakakulong ito sa sinumang
may kasalanan. Nangangahulugan, isang bilangguan ang tong makasalanan. Ngunit maaaring
isipin na isang kongkretong larawan lamang ng pag-aalis ang nais tukuyin ng tagasalin.
Hindi na niya inulit ang paggamit ng "pacaualin" sa sumunod na bahagi: "uinaualan
bahala namin ..." Ibig sabihin, katumbas lamang ng "pacaualin" ang "uinaualan bahala".
Iisa ang salitang ginagamit sa Kastila, "perdon".
{3.34}
Ngunit higit na mapaglarawan nga ang salin sa Tagalog. Ang pinapakawalan ay isang
bagay na minamahal. Ibig sabihin, minamahal ng tao ang kasalanan. At kung
winawalang-bahala na niya ito o hindi na niya itinuturing na mahalaga, pinakakawalan
na niya ito. Samakatwid, tulad ng itinuturo ng Kristiyanismo, isang pagpapakasakit
ang hindi pagkakasala. Ang bagay na masama na higit na siyang pinipita ng laman ay
dapat nang "pakawalan".
{3.35}
"Houag mo caming aeuan nang di cami matalo nang tocso. Datapouat yadia mo cami
sa dilang masama" ang itinumbas sa "Y no nos dejes caer en la tentacion y libranos
de mal". Malapit sa pagiging matapat sa orihinal ang bahaging ito. "Huwag mo kaming
hayaang bumagsak sa tukso" ang higit na idiomatikong salin ng unang sugnay ng bahaging
ito. "Palayain kami" o "deliverus" sa Ingles ang katumbas ng "libranos". Ngunit muli,
sa saling ito, higit na mapaglarawan ang mga nagsalin. "Iadya" ang salitang piniling
gamitin na, ayon sa Vocabulario de la lengua tagala, ang ibig sabihin ay: "Defender de
algun peligro." (Ipagtanggol o iligtas sa anumang panganib.) Sa bahaging ito, ipinakita
ang Diyos bilang tunay na tagapagligtas. Animo isang mandirigmang susuong sa labanan
kung nasasapanganib ang taong kaniyang minamahal.
{3.36}
Ang Pagsasalin Bilang Pagpapaunawa
Sa pagtalakay na ito, natukoy kung papaanong hindi nakalihis sa pagiging mapagpaunawa,
mapaglarawan o madamdamin, sang-ayon sa sinasabi ni Rene Javellana, ang mga may-akda
ng Doctrina Christiana.
{3.37}
Ang totoo, nagtatagpo ang mga sinasabi nina Rene Javella at Octavio Paz hinggil
sa disiplina ng pagsasalin: isang pagpapaunawa. Mula sa mapaghambing na pagtunghay sa
orihinal na Kastila at unang salin sa Tagalog ng "Ama Namin", ipinakita kung paanong
sinikap ipaunawa ng nagsalin ang huwarang dasal ni Hesukristo. Sa halip na tinapay,
ginagamit ang "kakanin" upang mabigyang-diin ang pagiging bahagi ng Diyos sa
pang-araw-araw na buhay ng isang binyagang Tagalog. Sa halip na gamitin ang patawarin,
piniling gamitin ang "pakawalan" upang idiin na hindi dapat mahalin ng tao ang
kasalanan.
{3.38}
Kailangan pa ang mga ganitong uri o paraan ng pagsusuri sa ibang pang teksto na
nasa Doctrina Christiana at sa iba pang akdang naisalin sa panahon ng mga Espanyol
sa Filipinas. Mahalagang hakbang ang ganitong pagsusurisa pag-alam sa naging tagpuan ng
mananakop at sinakop. Sa pamamagitan nito, matutukoy kung paano nakibagay ang katutubo
sa mananakop o ang mananakop sa katutubo. Sa gayon, higit na mauunawaan o maisasalin
natin ang maraming bagay sa ating post-kolonyal na sitwasyon sa paraang higit na
mapagbuo ng ating sarili.
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/dasal.html
1 Einleitung / Pambungad
3 Texte / Mga Kasulatan
Medina, Buenaventura S.: Dayuhan
Quelle / Pinagmulan → {16A-2 Dayuhan}.
"Ang anak ay may tungkuling moral sa kanyang magulang, ngunit bakit kaya kung minsan ay dumarating ang pagkakataong lumalayo ang kalooban ng anak sa kanyang magulang?"
{3.1}
Ilang hakbang lamang ang nakapagitan sa silid ng ama ko at sa akin, ilang hakbang
lamang at maaari ko nang mabuksan ang pinto at itulak iyon upang makita ko ang nasa
loob. Subalit ang mga hakbang ko ay karaniwang mabibigat, napipigilan, na tila
naaatasan ng isang damdaming dayuhan
pagkat di inaasahan.
At nang sumugat sa katahimikan ng gabi ang daing na iyon, napakislot ako sa aking pagkakahiga. Ang tunog na iyon ay sinundan ng mga yabag, mabibilis, nagmamadali; at nadama kong kailangan kong magbalikwas, lumabas ng sariling silid, at tunguhin ang kay Ama, subalit nagbaga na naman ang damdaming banyaga. Nang buksan ko ang aking pinto, binulaga ako ng liwanag. Napatigil ako. Nakita ko si Ina.
{3.2}
Alam ko na ang aking gagawin. Sapat na sana ang tingin ni Ina subalit ang isang
matipid na galaw ng labi'y tinig pa ring narinig ko: "Si Ama..." "Opo," mahina kong
sagot, sabay-talikod upang lundagin ang maikling hagdana't tawirin ang gabi, hanggang
sa sapitin ko ang lansangang-bayan at tawirin iyon at magpatao po sa unang botikang
matatagpuan sa hilaga at tawagin si Dr. Santos.
Nakikinita-kinita kong iiling ang may pinilakang ulo, ngunit sasama pa rin sa akin, dala ang sutseng kinasisidlan ng gamot ni Ama. Kay limit ko nang tinawag si Dr. Santos nang mga nakaraang taon. At minsan ay ninais ko nang imungkahi kay Dr. Santos. Ipaubaya na ninyo sa akin ang paggagamot, halos natutuhan ko na sa pagmamasid sa inyo; ngunit alam kong ang paggagamot ay may ibang kabuluhan kapag ginagampanan ng isang doktor, at ang panggagamot kay Ama ay higit sa pagdinig sa pulso nito at paglilinis ng balat at pagturok sa laman.
Lagi nang may ipinagbabawal si Dr. Santos, at lagi namang may sinusuway si Ama pagkaraang makasunod nang mga ilang linggo. Saka ko maririnig ang paalala, pakiusap, pagsusumamo ni Ina: sa silid na iyon, sa siHd ding iyon; saka ko maririnig ang sasabihin ni Ama: "Maaari bang pabayaan mo na ako?"
{3.3}
Hindi ko binigyan ng halaga ang mga salitang iyon noong una; natiyak ko na walang
ibig sabihin iyon kundi huwag nang gaanong mag-alala si Ina. Hindi nga lamang mabini ang
pangungusap ni Ama, subaht hindi maiaalis iyon sa isang nagkakasakit.Lalo na nga't
napagsabihan na ng tanggapan ni Ama: mabuting mamahinga na ito nang tuluyan. Ngunit
hindi magagawa ni Ama ang mamahinga ng pamalagian: kami na lamang ang nagkakatuwang
sa pagtustos sa pamilya, at ang sahod ko naman ay totoong maliit. Nag-asawa na ang
dalawang babaing nakatutulong sana, bukod sa malayo ang kanilang tinitirahan
ngayon.
{3.4}
"Alam ko ang aking ginaga..." ang narinig ko minsan. Marahil ay pinuna ni Ina
ang pag-uwi ni Ama nang malalim sa gabi. Marahil ay nasabing makasasama iyon sa katawan
nito. Kailangan ang pahinga. Sa akin man nasasabi iyon ni Ina, kaya alam kong iyon ay
isang paalala lamang. Ngunit minsan ay nahuli ko ang aking ina na nagpapahid ng mata:
may puwing na inalis o may hikbing pinugto? Hindi ko gaanong pinansin iyon ngunit
naiwan sa isip ko ang larawan ni Ina: may lungkot na nakabalatay sa kanyang mukha.
{3.5}
Sa umaga'y naririnig ko na ang mararahang yabag na patungo sa silid ni Ama; alam
kong si Ina, gigisingin si Ama. Hiwalay sila ng silid, si Inia'y kasama ng dalawa kong
kapatid na babaing nakababata, si Ama'y sa sarili niya. May maliit akong silid na
karatig ng sa aking ina, katapat ng sa aking ama. Ngunit ang nakapagitang mga dinding
ay ginigiba ng mga tinig: mabini, marahas, malakas, mahina. Ang mga tinig ding iyon
ang naghahatid sa akin ng nangyayari sa maghapon; mga tinig na di ko man kusang
pinakikinggan ay naririnig ko.
{3.6}
Kaya tuwing maririnig ko ang daing ni Ama, madali akong nakakikilos sapagkat
mataginting iyon kahit bahaw, at dala marahil ng pagkabatid ko sa sakit niya, ang
bahagyang pagkakaiba ng yabag na patungo sa katapat na silid ay tandang pagsumpong
ng karamdaman ni Ama. Lagi, nang si Ina ang unarig nakalalapit kay Ama, na tila ba
tinig o kilos lamang ni Ama ang lagi na niyang pinakikiramdaman. At ako naman,
sapagkat tanging lalaking anak, ay siyang umako ng tungkuling tumawag ng manggagamot
sa anumang oras ng naroroon ako.
{3.7}
Tuwina'y kakaunin ko si Dr. Santos, susundan siya sa pagpasok sa aming bakuran,
tuloy sa kabahayan hanggang silid ni Ama: naging tagpong kilala ko na ang pagpulso niya
kay Ama, paglilinis ng braso at pigi, at pagtuturok dito ng karayom. Huhupa ang daing
ni Ama, makakatulog iyon, makapagpapahinga. At ihahatid ko naman si Dr. Santos. Iyon
ay isang gawaing matapat kong nagagampanan.
Hanggang sa muli kong matagpuan si Ina: hindi puwing iyon, hindi maaari, sa tuwina'y puwing? Mugto ang mga mata ni Ina: naroong muli ang lungkot na bumabalataw sa kanyang mukha minsan, minsan matagal na. At isang gabi'y nasalo ko ang tilamsik ng katotohanang piht na itinatago ng gabi at bulong at dingding: sabi ni Ama: "Nakikinig ka ng usapan sa tienda? Anong mapapala mor Wala na akong narinig pa. Piht kong inulinig ang tunog ng susunod. Liban sa marahang yabag ni Ina at hilik ng mahihimbing na gabi'y wala na.
{3.8}
Ibig ko sanang marinig ang tinig ni Ina: wala nga: walang mapapala kundi
kapaitan. Ibig ko sanang maging marahas ang kanyang yabag, mapaghimagsik, tumututol.
Ngunit si Ina'y laging si Ina: nasa kanya ang kapayapaan ng gabi. At sa aking
pagkakahiga'y lalong didilim ang gabi mamumuo, mamimigat hanggang sa madama kong
nakapataw sa akin: Ina! Ina! At saka ko maririnig ang kanyang mabining tinig kung
kailangan kong tawagin.
Ang doktor: "Si Ama..." Dagling mapapawi ang kalagiman ng gabi. Ngunit nasa akin na ang pag-aalala. Magugunita ko ang sinabi ng dalawa kong kapatid na babae nang magsisama sa kanilang napangasawa sa Kabisayaan: "Ikaw na ang bahala kay Ina..."
"Bakit?" Makahulugan ang tanong ko. Hindi makasasapat na talaga sa tanong kong iyon, hindi makasasapat ang kabatiran kong ako ang naiwang pinakamatanda sa magkakapatid na kapiling ng aking mga magulang, hindi-makasasapat ang malaman kong tangi akong lalaki kaya may pananagutan. Sapagkat nariyan si Ama. Hindi sa akin, kundi kay Ama, dapat ipagbilin ang gayon. Ngunit naisip ko na maaaring hindi masabi nina Ate ang gayon kay Ama: subalit bakit? Bakit?
{3.9}
"Hindi mo pa nga maiintindihan. Talagang bata ka pa." Ang nagsalita'y isa sa
mga kapatid kong nakatatanda. Talagang malaki ang agwat namin sa gulang, sapagkat may
namatay na dalawa pa bago ako isinilang. Ngunit gulang ang batayan nila, hindi ang
kamalayan ko sa mga nangyayari. Nasumpungan ko na sila minsan, si Ina at ang mga
kapatid kong nakatatanda, nag-uusap at nadama kong mahalaga ang kanilang pinag-uusapan,
sapagkat paanas, pabulong, na tila ba ayaw na nilang may makahati pa sa pinagniniigan.
Ngunit kahit ang mga bulong ay may tinig, at nahagip ko iyon; mabini pa rin kahit nabahiran ng kapaitan ang tinig. "Hindi mangyayari iyon sa amin... Puputlin ko agad!" Ang isang iyon ay sa isa kong kapatid: sinuman sa kanilang dalawa ay maaaring magsabi niyon.
At nabuo na sa isip ko ang pinag-uusapan nila, sapagkat sa ibang umpukan sa maliit na pamayanang iyon ay narinig ko: si Ama at si Ading at isang sanggol. Ngunit hindi dapat pansinin iyon, naisaloob ko. Hindi totoo iyon, sapagkat matanda na si Ama, masasakitin, hindi gaanong kumikita. Ngunit para ko pa ring naririnig si Ina; "Maraming ulit na .... hindi lang miminsan." Totoo nga marahil, at marami nang Ading at marami nang sanggol sa buhay ni Ama.
{3.10}
Nakaraan iyon, nakaalis na rin sina Ate: nakita ko ang pamumugto ng mata ni
Ina bago umalis ang mga kapatid ko na kasama ng aking mga bayaw. Magtutungo sila sa
Kabisayaan upang doon hanapin ang nagkakait na tagumpay sa pangangalakal. May katuwiran
sila, naisaloob ko. Kailangan nilang magtindig ng sariling kabuhayan. Si Ina'y walang
kibo kahit sa gitna ng kanyang mahinang pagtutol, ayaw niyang mawalay ang mga anak,
ngunit malaki ang pagnanais nina Ate na humanap ng sariling daigdig.
Si Ama'y hindi na rin umimik noon. Bahagya man ay wala siyang nasabi. Subalit nang humalik ng kamay ang mga kapatid ko at mga bayaw ko, narinig ko si Ama: "Sumulat kayo sa amin." Tiningnan ako ng aking mga kapatid: Makabuluhan ang kalatas ng mga mata. Iyon ngang bilin nila. "Tingnan mo si Ina." Kunot ang noo ko ngunit ako'y tumango. Mangyari pang titingnan ko ang aming ina. Mangyari pa.
{3.11}
Noon ko unang nakilala ang lungkot ni Ina, ibayo pa sa luhang namuo't nadurog
sa mata, ibayo pa sa impit na hikbi, ibayo pa sa buntunghininga. At nang yumakap ang
mga kapatid ko sa aking ina, tila naulinigan ang bilin nila: "Huwag kayong mag-aalalang
mabuti ..."
May dumarating na sulat at hiro postal buhat sa mga kapatid ko buwan-buwan. Katuwaan na ni Ina ang gay on. Ang lungkot ng ilang buwan buhat nang umalis sina Ate ay unti-unti na sanang napapawi, subalit muling nagkasakit si Ama. Muli kong ginampanan ang aking tungkulin: tinatawag ko si Dr. Santos at inihahatid iyon. Muli kong natunghayan ang mukha ni Ina at ang namamahay na lungkot doon. Gumaling si Ama, subalit di na humihiwalay ang malungkot na katahimikan ni Ina. Gayunpaman, naririnig ko pa rin ang mabibining yabag ni Ina tuwing umaga.
{3.12}
Isang gabi'y narinig ko ang mabining tinig ni Ina: "Makasasama sa iyo ang
pagpupuyat. Kailangan mo ang pahinga." Yamot ang tinig ni Ama nang humakbang iyon
ng ilan, padako sa aking silid at maglagos sa dingding at sa gabi. "Matanda na ako!
Hayaan mo na ako sa maibigan ko!"
{3.13}
Ibig kong magbalikwas. Ibig kong lumabas sa silid, lumayo, lumisan sa tahanang
iyon. Ngunit ang gayon ay isang maruwag na pag-iwas sa katotohanan. Kailangan kong
harapin iyon: nahulo kong ako'y nasa isang pakikipagtunggali, kami ni Ina (at nina Ate
na nasa malayo) sa isang dako, at sa kabila, si Ama at si Ading at isang bata (at ang
iba pang Ading at iba pang mga bata). Minsan, sa pag-uwi ko buhat sa paaralan, sa isang
panulukang ilang, nakita ko site: si Ama at si Ading at isang bata.
Huminto ako, ayaw kong masalubong sila. Hinayaan ko silang dumaan. At nagkasalubong ang mga paningin namin ni Ama. Hindi ko malilimot iyon: ang pagsasalubong ng aming mga mata - ang pagkalito sa kay Ama at ang pagkasindak sa akin. Madaling nabuhay ang mga tinig: marahas, mabini, malakas, mahina: "Ikaw na ang bahala kay Ina," "Pabayaan mo na ako!" "Makasasama..." Nakalayo na ang tatlo ay hindi pa rin ako nakaaalis sa aking kinatatayuan. Sa kauna-unahang pagkakataon ay ganap kong nakilala ang lungkot ni Ina.
Sa pagbalik ko sa aming bahay, tuluy-tuloy ako sa aking silid. Ni hindi ko tinapunan ng tanaw ang silid ni Ama.
{3.14}
Naghihintay si Ina sa pinto ng silid ni Ama. Katabi niya ang dalawa kong kapatid
na nakababata. Hinihintay nila ang pagdating namin ni Dr. Santos: hinihintay nila ang
lunas kay Ama. "Ngunit ikatlong araw na ito ng pagsumpong ng sakit ni Ama. Tatlong
bahagi na ang tagpong iyon sa pintuan ni Ama. Hanggang pintuan lamang. Sapagkat may
damdaming pumipigil sa akin sa pagtuntong sa dakong iyon ng aming tahanan: namimigat
ang mga hakbang ko.
Si Dr. Santos ay susundan ni Ina at mga kapatid ko. Ngayong gabi'y nagtuloy ako sa aking silid. Sa karimlang pinupusyaw ng liwanag sa kabahayan ay hahanapin ko ang konting ginhawa: maaaring humiwalay kahit saglit ang damdaming dayuhan. Humiga ako sa aking katre, pumikit ako. Nagbakasakali akong maidlip, makalimot na saglit, kahit sa isang matipid na saglit ngunit maramot ang gabi, sapagkat naging mapagbigay: naghatid sa akin ng tinitimping paghikbi. Si Ina kaya iyon? Inulinig kong mabuti. Ako'y napabalikwas. Tila malapit ang mga tunog na naririnig ko: ang hirap na paghingal, ang pigil na pag-iyak.
{3.15}
Lumabas ako ng aking silid. Ang dalawa kong kapatid na nakababata'y nasa bungad ng
silid ni Ama. Umiiyak sila. Mabibigat pa rin ang aking mga hakbang. Nahulo kong hindi
humihiwalay sa akin ang damdaming banyaga. Pinipigilan ako niyon na tumuloy sa silid
ni Ama. Lumabas si Dr. Santos, kasunod si Ina.
{3.16}
Sinalubong ko ang tingin ni Dr. Santos. Ibig kong malaman kung bakit umiiyak ang
dalawang kapatid ko, tiningnan ko si Ina, hinanap ko ang lungkot sa mukha niyon, ngunit
pinanlabo ng damdaming dayuhan ang aking paningin. Saka narinig ko: "Ipagdasal ninyo
si Ama." Mabini ngunit matatag ang tinig ni Ina. Si Dr. Santos ay humarap sa akin.
Banayad ang kanyang salita: "Maiwan ka na. Kakailanganin ka...."
{3.17}
Ipinatong ni Dr. Santos ang isang kamay niya sa balikat ko, hindi ko na siya
dapat ihatid, ang kahulugan niyon. Kakailanganin ako sa silid ni Ama. Sa palagay ko'y
maraming saglit na hindi ako nakatinag, at nakakilos lamang ako nang katagpuin ni Ina
ang aking mata, at nagkatinig ang tinging iyon: "Si Ama...." Sapat na iyon upang sumunod
ako kay Ina sa silid ni Ama.
Sa pagpasok ko sa silid ni Ama'y lalong sumidhi ang kakaibang damdaming nasa akin, tila ako isang dayuhan sa pook na iyon, at nadama kong dapat akong umalis, tumakas, ngunit walang lagusan. Nasundan ng mata ko si Ina: umupo siya sa gilid ng katreng kinahihimlayan ni Ama. Saglit akong naligalig. Kailangan kong lumayo, sapagkat hindi maiiwasang di tunghan ang nakaratay doon. At kapag nagkagayon, muli kong makakatagpo ang paningin ni Ama, at alam kong sa isang iglap ay makikita ko ang pagkalito roon, at sa isang iglap di'y mabubuhay sa akin ang pagkasindak. Inilayo ko ang aking paningin. Ayaw kong tingnan si Ama. Subalit nagsalita si Ina. "Iho..."
{3.18}
Napatingin ako kay Ina. At hindi sinasadya'y napako ang tingin ko sa mukha ni
Ama: kumilos ang labi niyon, kumilos ang mata niyon. "Kailangan tayong makitang lahat
ni Ama."
Matatag pa rin ang tinig ni Ina. Tiningnan ko siya. Ano ang aking gagawin? Napaghulo kong gagawin ko na naman ang ginawa ko noong minsan: pauwiing madali sina Ate na nasa Kabisayaan. Sasakay silang muli sa eroplano. Madali lamang silang makararating dito. At kasabay niyon ay darating din ang kanilang hinanakit.
{3.19}
Sa akin nila ibubunton ang hinanakit. "Hindi mo tiningnan si Ina." Ngunit ano ang
aking gagawin? Ito rin ang tanong ko ngayon kay Ina. Hindi sa akin. Pagkat nagsalita ang
isang kapatid ko roon. "Ayaw pa kasing tumigil ... Ayaw sundin ang doktor!" "Iha, iha,"
sabi ni Ina, "siya ang iyong ama...."
Ang isang kapatid ko, alam kong siya ang gugugol nang malaki (tulad noong minsan), ay maaaring muling magsalita: Para ano? Para ano pa? Nag-aaksaya lamang ng salapi! Iha, anak, ang tulong nniyo ang kailangan nK inyong ama...." Si Ina'y mabini sa habang-panahon. Noon pa'y natiyak ko na rin ang hinanakit ng mga kapatid ko: nasinag na rin nila ang hapis sa mukha ni Ina.
{3.20}
Hinarap ako ng aking mga kapatid noon, at sa tingin nila'y nabasa ko ang ibig
sabihin ng kanilang mga salita: hindi ako naging tapat sa pagtingin ko kay Ina.
Pinababayaan ko si Ina, pinabayaan ko ... ngunit ano ang aking
gagawin?
Hindi nga ba't ni ayaw ko nang pasukin man lang ang silid ni Ama? Nagsalita ang isang kapatid ko: "Kung minsan, masasabi mo tuloy na mabuti nang mamatay ..." "Anak!"
{3.21}
Noon, kaisa ako ng aking mga kapatid. Nagpupuyos ang aking kalooban habang
mabilis na nagsisitindig sa aking gunita ang mga Ading at mga sanggol, ulit at ulit, kaya
halos sumigaw na rin ako: mabuti na ngang mamatay! Ngunit di sumilang ang mga salitang
iyon pagkat narinig ko si Ina: "Anak ... anak ..."
"Ama!" sigaw ng isang kapatid kong nakababata. Nakaluhod sila sa paanan ng katre. Ako'y hindi makatinag sa aking pagkakatayo sa ulunan. Si Ina'y nasa gilid pa rin ng katre: hawak niya ang isang kamay ni Ama, hawak niya iyon nang mahigpit, na tila ibig pandaluyan iyon ng init buhat sa kanyang palad, subalit nababatid kong kailanman ay hindi na makatatanggap iyon ng anuman.
{3.22}
Inakala kong iiyak si Ina gaya ng dalawa kong kapatid, ngunit hindi, hawak pa
rin niya ang kamay ni Ama. "Ina..." sabi ng isang kapatid ko, "makabubuti sa inyo
kung iiyak kayo ..." Napatiim-bagang ako. May bumagabag sa aking loob. Isa nga akong
dayuhan sa silid na ito, walang kilala, walang katalik.
Umiling si Ina: "Tapos na ako sa pag-iyak, iha." Tumayo ang dalawang kapatid ko. Hindi na nila matimpi ang kanilang pag-iyak. Ibig kong lumabas. Ibig kong iwasan ang pagtitig ko sa paghawak ni Ina sa isang kamay ni Ama: ang mahigpit na paghawak, ang matalik na paghawak. "Alam ninyo, mga anak, ngayon lamang kami talagang mapag-iisang inyong ama."
May kumurotsa aking laman. Pilit kong nilunok ang panunuyo ng aking bibig. Saka ako napabuntunghininga. Naramdaman kong may nagpupumilit na bumalong sa aking mga mata. Ngayon ko lamang nadamang kilala ko ang silid ng aking ama: dati-rati ko nang napapasok ang kapirasong pook na ito! Lumapit ako kay Ama.
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/dayuhan.html
1 Einleitung / Pambungad
2 Textprobe Tagalog in lateinischer Schrift
3 Textprobe Tagalog in Alibata Schrift
4 Phonologische Besonderheiten
5 Orthografische Besonderheiten
6 Morphologische Besonderheiten
7 Texte (mit orthographischen Anpassungen) /
Mga Kasulatan (iniangkop ang baybay)
Doctrina Christiana en lengua española y talaga, corregida por los Religiosos des las ordenes. Impresa con licencia, en S. gabriel, de la orden de S. Domingo. En Manila. 1593
Quelle / Pinagmulan → {16A-2 DC}.
Die Doctrina Christiana ist das erste in den Philippinen gedruckte Buch. Dieser
Katechismus ist von bzw. unter Leitung von Fr. Juan Cobo verfasst und 1593 in Manila
gedruckt worden ( Quirino, Carlos: The
First Philippine Imprints, Journal of History, Vol VIII, Nr. 3 (September 1960)
pp. 219-229). Zu dieser Zeit - etwa 75 Jahre nach der Reise Magellans nach den Philippinen
- war Manila bereits Zentrum
des Landes. Neben der spanisch-Tagalog Ausgabe gibt es eine (bzw. zwei) spanisch-chinesische
Version. Das Buch ist in Holzschnitt-Technik hergestellt. Es enthält zunächst ein lateinisches
Alphabet mit Darstellung vieler Silben. Dann folgt der Katechismus. Jeder Abschnitt besteht aus
einem spanischen Text, gefolgt von zwei Tagalog-Fassungen, eine in lateinischer Schrift, die
zweite in Baybayin ✧
Talatitikan: Baybayin. Das gesamte Büchlein umfasst
etwa 90 Druckseiten mit etwa je 14 Zeilen.
Von rein orthografischen Unterschieden abgesehen, sind die Abweichungen der Tagalog-Texte von der heutigen Sprache trotz der 400 Jahre Zeitunterschied recht gering.
"Ang Doctrina Christiana ang unang aklat na nalimbag sa Pilipinas. Isinulat ito ni P. Domingo de Nieva noong 1593. May dalawang bersyon ang unang edisyon nito: Isa sa Kastila at Tagalog at isa sa Intsik. Si P. Juan de Cobo ang may gawa ng nakasulat sa wikang Intsik at si P. de Nieva sa Kastila. Gayunman, may ilang mananaliksik na nagsabing si P. Juan de Placencia ang talagang may akda ng Doctrina Cristiana."
![]() |
Ausschnitt aus dem Vaterunser In dem Text finden sich einige typographische Besonderheiten: |
Ang ama namin
Ama namin nasa lang̋it ca ||
ypaſamba mo ang ng̋alã mo, ||
moui sa amin ang pagca hari mo.
ypasonor mo ang loob mo. ||
dito ſa lupa parã sa lang̋it,
bigyã mo cami ng̋aion nang amin cacanin. para nang sa araoarao.
at pa cavalin mo ang amin caſalanã,
yaiang vinavalan bahala namĩ sa loob ang caſalanan nang nagcasala
sa amin.
Houag mo caming ævan nang di cami matalo nang tocso.
Datapo uat yadia mo cami sa dilan ma sama.
Amen. Jeſus.
![]() |
Ausschnitt aus dem Glaubensbekenntnis Wir geben in der nachfolgenden Transkription die Vokale als a, i oder
o wieder. |
su ma sa pa la ta ha a ko || | Sumasangpalataya ako | |
sa di yo a ma || | sa dios ama, | |
ma ka ga ga wa sa la ha || | maka gagawa sa lahat, | |
ma ga ga wa na la ŋi || | mangagawa nang langit | |
a na lu pa || | at nang lupa. | |
su ma sa pa la ta ha a ko na ma || | Sumasangpalataya ako naman | |
ka si su ki di to|| | kay Jesuchristo | |
i i sa a na na di yo || | iisang anak nang dios | |
pa ŋi no o na ti la ha || | panginoon natin lahat. | |
na ka ta a ta wo si ya || | Nagkatauan tao siya | |
la la na i pi ri to sa to|| | lalang nang espiritu sancto. | |
i pi na ŋa na || | Ipinanganak | |
ni sa ta ma ri ya || | ni Sancta Maria | |
bi si to to o || ... | virgen totoo. ... |
Wir betrachten hier als phonologische Besonderheiten, die aus der Orthografie des Textes in lateinischer Schrift gefolgert werden können.
Der Vokal u kommt u.a. vor in lupa, bukod, kun, buhay, ipinagbubuntun und im Infix um. Häufiger findet sich o in nicht-letzten Silben (Beispiele: napopono, otos, nagoli, naloloklok, hohokom. Auffallend ist, dass die Ableitung von spanischen una naona geschrieben wird.
Die Lautänderung ng zu m/n ist vorgenommen bei papamagohin, namatay, nicht vorgenommen bei sangpalataya. Statt manggagawa findet sich manggawa.
Der Buchstabe k wird nicht verwendet, statt dessen finden sich
c und qu.
Die Wörter <nang> (nang oder
ng) und <manga>
(mga)
werden nicht verkürzt.
Schreibung von panginoon ist diese, aber auch pagninoon
ikalua, tauo, magsononggaling, kapuoa,
Das Beispiel sinasangpalatayanan soll zeigen, dass Affixe und Silbendoppelung umfassend verwendet werden.
ikapolo = ikasampu, sang pouong Otos
Außer kirchlichen "Fachausdrücken" finden sich nur wenige spanische Lehnwörter, dazu gehören naona, parang. Es werden bereits Tagalog Verbformen von spanischen Wörtern gebildet, wie pagcoconfesal, pagkasal, nagkokompesal, pagkadios.
Frageadverbien wie ba werden nicht verwendet.
Anpassungen / Mga pag-aangkop
{7.1} Ang ama natin
Ama namin nasa langit ka
ipasamba mo ang ngalan mo, moui sa amin ang pagkahari mo.
Ipasonor mo ang loob mo dito sa lupa parang sa langit,
bigyan mo kami ngayon nang amin kakanin, para nang sa arawaraw,
at pakawalin mo ang aming kasalanan, ya iang winawalan bahala namin sa loob ang kasalanan
nang nagkasasala sa amin.
huwag mo kaming aeuan nang di kami matalo nang tokso.
Datapouat yadia mo kami sa dilan masama. Amen, Jesus.
{7.2} Ang aba ginoo Maria
Aba ginoo Maria matoua kana, napopono ka nang gracia, ang panginoon dios,
ae, nasayyo. Bukod kang
pinagpala sa babaying lahat. Pinagpala naman ang iyong anak si Jesus.
Santa Maria ina nang
dios, ipanalangin mo kami makasalanan ngayon at kun mamatay kami. Amen Jesus.
{7.3} Ang sumangpalataya
Sumasangpalataya ako sa dios ama, maka gagawa sa lahat, mangagawa nang
langit at nang lupa.
Sumasangpalataya ako naman kay Jesuchristo iisang anak nang dios panginoon natin lahat. Nagkatauan tao siya lalang nang espiritu sancto. Ipinanganak ni Sancta Maria virgen totoo. Nasaktang otos ni Poncio Pilato. Ipinako sa kruz. Namatay, ibinaon, nanaog sa manga infierno, nang maykatlong araw nabuhay na nagoli, naquiat sa langit naloloklok sa kanan nang dios ama, makagagawa sa lahat. Saka parito hohokom sa nabubuhay, at sa nanga matay na tao.
Sumasangpalataya ako naman sa dios Espiritu sancto. At may sancta yglesia katholica at may kasamahan ang manga santos. At may ikawawala nang kasalanan. At mabubuhay na magoli ang na nga matay na tao. At may buhay na di mawala magparating saan. Amen Jesus.
{7.4} Ang abapo
Aba po sancta Mariang hari ina nang awa, ikaw ang ikinabubuhay namin, at
ang pinananaligan. Aba ikaw nga ang tinatawag namin pinapa panao na tao anak ni Eva,
ikaw din ang ipinagbubuntun hininga namin nang amin pagtangis dini sa lupa bayan
kahapishapis. Ay aba pintakasi namin, ilingon mo sa
amin ang mata mong maawayn. At saka kun matapos yering pagpapanao sa amin.
Ipakita mo sa amin ang iyong anak si Jesus. Ay Sancta Maria maawayn,
maalam, virgen naman totoo, ina nang Dios. kami ipanalangin mo, nang
mapatoloi sa amin ang panga ngako ni Jesuchristo. Amen Jesus.
Ang pono nang sinasangpalatayanan nang manga christiano labin apat na bagay. Ang pitong naona ang sabi ang Dios ang pagkadios niya. Ang pitong naholi ang sabi, ae, ang atin panginoon Jesuchristo ang pagkatao niya.
Ang pitong naona ang sabi, ae ang Dios ang pagka dios niya, ay yaeri.
Ang naona. Sumangpalataya sa isang Dios totoo.
Ang ikalwa, sumangpalataya, yaering dios siyang ama.
Ang ikatlo. Sumangpalataya yaering Dios siyang anak.
Ang ikapat sumangpalataya, yaering dios siyang Spiritusancto.
Ang ikalima. Sumangpalataya, yaering dios siyang mangagawa nang lahat.
Ang ikanim, sumangpalataya yaering dios siyang nakawawala nang kasalanan.
Ang ikapito sumangpalataya, yaering dios siyang nakalulualhati.
Ang pitong naholi ang sabi ae, ang ating pagninoon Jesuchristo ang pagkatao
niya, ay yaeri.
Ang naona sumangpalataya ang atin pagninoon Jesuchristo, ipinaglehe ni sancta
Maria lalang nang Spiritu sancto.
Ang ikalawa sumangpalataya, ang atin pagninoon Jesuchristo ipinanganak ni Sancta
Maria virgen totoo, nang dipa nanganak, nang makapanganak na virgen din totoo.
Ang ikatlo, sumangpalataya, ang atin panginoon Jesuchristo nasaktan, ipinako sa
cruz, namatay sakop nang atin kasalanan.
Ang ikapat sumangpalataya ang atin panginoon Jesuchristo nanaog sa manga
infierno, at hinango doon ang kaloloua nang manga sanctos naghihintay nang
pagdating niya.
Ang ikalima sumangpalataya ang atin panginoon Jesuchristo, nang mag ikatlong araw
na-buhay na naguli.
Ang ikanim sumangpalataya ang atin panginoon Jesuchristo nakyat sa langit
naloloklok sa kanan nang dios ama makagagawa sa lahat.
Ang ikapito sumangpalataya ang ating panginoon Jesuchristo saka parito
hohokom sa nabu-buhay at sa nangamatay na tao. Ang banal na tao gagan-tihin niya nang
kaloualhatian nang langit, ang nakasonod silla nang kaniyang otos. Ang di banal pakasa
samin sa infierno ang di silla sumonod nang otos niya. Amen Jesus.
{7.5} Ang Utos ng Diyos,
ay, Sampu
Ang nauna, ibigin mo ang diyos lalo sa lahat.
Ang ikalawa, huwag mo saksihin ang dios kun di totoo.
Ang ikatlo, mangilin ka kun domingo at kung fiesta.
Ang ikapat, igalang mo ang iyong ama, at ang iyong ina.
Ang ikalima huwag mong patayin ang kapuoa mo tao.
Ang ikanim, huwag kang makiapid sa di mo asawa.
Ang ikapito huwag kang magnakaw.
Ang ikawalo, huwag mong pagawa gawa nang wika ang kapuoa mo tao, huwag ka naman
magsononggaling.
Ang ikasiam, huwag kang magnasa sa di mo asawa.
Ang ikapolo, huwag mong pag nasaan ang di mo ari.
Y tong sang pouong Otos nang Dios dalaua
ang inouian. Ang isa ibigin mo Ang Dios lalo lalo sa lahat. Ang ikalawa ibigin
mo naman ang kapuoa
mo tao parang ang katawan mo. Amen.
{7.6} Ang Utos ng Sankta Iglesia
Ina Natin ay Lima
Ang nauna, makinig nang misa huwag may lisan kun domingo at sa fiesta
pinangingilinan.
Ang ikalawa, magkonfesar miminsan man taon taon, at kun mey hirap na ikamamatay.
Ang ikatlo, mag komulgar kun
paskua na ikinabuhay na naguli nang atin panginoon Jesuchristo.
Ang ikapat, magayunar kun magotos
ang Sancta yglesia ina natin.
Ang ikalima papamagohin ang Dios nang dilan pananim, at ang saey
kapouo ihayin sa dios. Amen.
{7.7} Pito ang Mahal na Tanda
Ikauauala nang kasalanan ang Ngalan Sacramentos
Ang nauna ang baptismo.
Ang ikalawa ang konnfirmar.
Ang ikatlo ang konfesar.
Ang ikapat ang comulgar.
Ang ikalima ang extrema uncion.
Ang ikanim ang orden nang sacerdote.
Ang ikapito ang pagkasal.
Itong daluan holi pinalolooban nang dios ang tao piliin ang balan ibig.
Amen.
{7.8} Ang Ponong Kasalanan,
Ikapapakasama nang Kaloloua ay Pito
Ang kapalaoan. Ang karamotan. Ang kalibugan. Ang kagalitan. Ang kayamuan sa pagkain
at sa pag-inum. Ang kapanaghilian. Ang katamaran.
Ang kawaan gawa labin apat ang pitong naona pakinabang nang katawan,
ang pitong naholi pakinabang nang kaloloua. Ang pitong naona pakinabang nang katawan ay
yari.
Dalauin ang may hirap. Pakanin ang nagogotom. Painumin ang nauuhaw. Paramtan ang ualan
damit. Tubsin ang nabihag. Patoloyin ang ualan totoloyan. Ibaon ang namatay.
Ang pitong naholi pakinabang nang kaloloua ay yari.
Aralan ang di nakaaalam. Aralan ang napaaaral. Ang taong sala, ae, papagdalitain. Ualin
bahala sa loob ang kasalanan nang naccasa sala sa iyo. huwag ipalaman sa
loob ang pagmomora nang tao sa iyo. Aliuin ang nalulumbay. Ipanalangin sa dios ang
nabubuhay at ang nanga matay na christiano. Amen, Jesus.
Akoy makasalanan nagkokompesal ako sa atin panginoon dios makagagawa sa lahat at kay Sancta Maria virgen totoo at kay Sanct Miguel archangel, kay sanct Juan baptista sa sanctos apostoles kay sanct Pedro, at kay sanct Pablo at sa lahat na sanctos at sa iyo padre, ang naccasala ako sa panimdim, sa paguika at sa paggawa ako nga ae, sala ako.i. may kasalanan, ako.i. salan lubha siyang ipinagsisisi ko kaiangay ata nanalangin ako kay sancta Maria virgen totoo at kay S. Miguel archangel, at kay S. Juan baptista, at sa sanctos apostoles, kay S. Pedro at kay S. Pablo at sa lahat na Sanctos, nang ako.i. ipanalangin nila sa atin panginoon dios ikaw naman padre akoi.i. ipanalangin mo at haman kahalili ka nang dios dito akoi kalagan mo sa kasalanan ko, at parusahan mo ako. Amen, Jesus.
{7.9} Ang tanungan
Tanong̋an. Chriſtiano ca na? Sagot. Oo. t aua nang atin pang̋inoon dios. | Tanong: Kristyano ka na ba? Sagot: Oo't awa nang ating panginoong diyos. | |
T. ano caia ang chriſtiano? S. ang biñagan sumasangpalataia sa aral nang dios at nang sancta yglesia yna natin. |
T: Ano kaya ang kristyano? S: Ang binyagang sumasampalataya sa aral ng diyos at ng Santa Iglesya na ina natin. | |
T. alin caia ang tanda nang chriſtiano? S. ang sañcta cruz. |
T: Alin kaya ang tanda ng kristyano? S: Ang santa krus. | |
T. sino caia ang sinaſamba nang mang̋a chriſtiano? S. ang atin pang̋inoon dios. |
T: Sino kaya ang sinasamba ng mga kristyano? S: Ang ating panginoon diyos. | |
T. ano caia ang dios? S. ang onãg mola. ang caonaonahan sa lahat. ang mei gaua sa lahat, siya, e, ualan pinagmolan ualan kahãganan. |
T: Ano kaya ang diyos? S: Ang unang mula, ang kaunaunahan sa lahat, ang may gawa sa lahat, siya, e, walang pinagmulan walang kahanganan. | |
T. ylan ang dios? S. isa lamang. | T: Ilan ang diyos? S: Isa lamang. | |
T. ylan ang personas? S. tatlo. | T: Ilan ang personas? S: Tatlo. | |
T. anong ng̋alan nang naona? S. ang dios ama. | T: Anong ngalan ng una? S: Ang diyos ama. | |
T. anõg ng̋alan nang ykalua? S. ang dios anac. | T: Anong ngalan ng ikalawa? S: Ang diyos anak. | |
T. anong ng̋alan nãg ycatlo? S. ang dios ſpirituſãcto. | T: Anong ngalan ng ikatlo? S: Ang dios Spiritu santo. | |
T. tatlo kaya ang dios? S. dile tatlo ang dios, ang personas siyang tatlo, ang dios isa lamang. |
T. tatlo kaya ang dios? S. dile tatlo ang dios, ang personas siyang tatlo, ang dios isa lamang. | |
T. alin sa tatlong personas ang nagkatawan tao? S. ang ikalawang persona nang sanctissima trinidad ang dios anak. |
T. alin sa tatlong personas ang nagkatawan tao? S. ang ikalawang persona nang sanctissima trinidad ang dios anak. | |
T. anong pagkatawan tao niya? S. pinaglalangan siya nang dios Spiritusancto sa tian ni sancta Maria virgen totoo nang di pa nanganak siya, nang makapanganak na virgen din totoo. |
T. anong pagkatawan tao niya? S. pinaglalangan siya nang dios Spiritusancto sa tian ni sancta Maria virgen totoo nang di pa nanganak siya, nang makapanganak na virgen din totoo. | |
T. ayat nagkatawan tao siya? S. ay nang mayari mamatay siya tubus sa kasalanan nang lahat na tao. | T. ayat nagkatawan tao siya? S. ay nang mayari mamatay siya tubus sa kasalanan nang lahat na tao. |
T. alin kaya ang kasalanan nang tao? S. ang kasalanan nang atin magulang si Adan at si Eva nagin kasalanan natin, naramay pala tayo sa pagkasasala nila sa panginoon dios, bukod naman doon ang sa diling kasalanan nang balan nang tao nagkasasala sa dios araw araw. T. Anong pagtubus niya sa tao? S. nagpakamatay siya sa cruz, at sinakop niya ang sanlibotan bayan. T. nang mamatay na ang atin panginoon Jesuchristo sa cruz, anong ginawa nang kaloloua niya? S. nanaog sa manga infiernos pati nang pagkadios niya, at hinango doon ang kaloloua nang manga sanktos padres naghihintay nang pagdating niya. T. ang katawan ni Jesuchristo ibinaon? S. oo. T. Nabuhay na naguli? S. oo. T. kaylan? S. nang mag-ikatlong araw nang pagkamatay niya. T. humabilin dito sa lupa ang atin panginoon Jesuchristo? T. ano ygaganti nang dios sa manga banal na tao. 02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/doctrina.html Werkstatt / Gawaan
|
Pabiling-biling ako sa aking higaan. Ilang gabi na, mailap pa rin sa akin ang pagdalaw ng antok. Patuloy na naglalaro sa aking isipan ang pagtatagpo at pag-uusap namin ni Nieva. Sandaling pag-uusap ngunit nag-iwan ng katiwasayan sa aking puso't isipan. Oo, nakaraang mga araw ay naging magulo ang aking isip. | Ich drehte mich unruhig in meinem Bett hin und her. Einige Nächte schon konnte ich nicht einschlafen (scheu war mir der Besuch der Müdigkeit). Ununterbrochen spielte in meinen Gedanken meine Begegnung und das Gespräch mit Nieva. Ein kurzes Gespräch nur, aber es nahm mir die Ruhe in meinem Herzen und meinen Gedanken. Ja, in den vergangenen Tagen gerieten meine Gedanken durcheinander. |
{3.22}
Nararamdaman ko, para akong nasasakal sa paghihigpit ng aking mga magulang. Hindi ko tuloy maiwasang mainggit sa aking mga kaibigan, na malaya nilang nagagawa kung anuman ang nanaisin nilang gawin. Na walang inaalaala, na baka pagalitan ng kanilang mga magulang. | Ich entdecke, als ob ich von der Strenge meiner Eltern eingeschnürt würde. Ich scheue mich nicht mehr, auf meine Freunde neidisch zu sein, die frei sind zu tun, was immer sie wollen. ... |
{3.23}
Ako, sa bawat kilos at lakad ko, kailangang may pahintulot ang aking mga magulang, dahil kung hindi, tiyak na sermon ang aabutin ko. Bagay na nagtulak sa akin para magrebelde. At paglalayas, ang una kong naisip na paraan upang maipakita sa kanila ang aking pagtutol sa kanilang paghihigpit. Na baka sa ganitong paraan, maunawaan nila ang aking saloobin. | Ich, bei jeder meiner Bewegungen und Schritte, brauche ich die Erlaubnis meiner Eltern, weil, wenn nicht, erreicht mich sicher eine Strafpredigt. Eine Sache, die einem aufgezwungen wird, ist für sowas wie Aufsässigkeit. Und Weglaufen als ersten Gedanken, um meinen Protest gegen ihre Strenge zeigen zu können. Vielleicht verstehen sie auf diesem Weg mein Inneres. |
{3.24}
Buo na ang aking pasya, na hindi na ako uuwi sa amin. Makituluyan na lamang muna ako sa aking mga kaibigan. Hanggang sa nakilala ko nga si Nieva nang makasakay ko siya bus. Noo'y pauwi na ako sa probinsiya galing Maynila, ngunit napagpasyahan kong hindi sa bahay ang tuloy ko. |
{3.25}
Tipikal na tinedger si Nieva. Sa unang tingin, wala siyang ipinagkaiba sa mga kabataang lumaki sa lungsod. Prangka siya, kung magsalita. Wala siyang pakialam kung anuman ang sasabihin ng ibang tao tungkol sa kanya. Ang mahalaga raw ay nailalabas niya ang kanyang pagkatao. Maharot, iyon ang madalas daw na itawag sa kanya. Pero sa likod daw niyon, dama-dama niya ang tunay na kaligayahan. | Nieva ist ein typischer Teenager. Auf den ersten Blick gibt es keinen Unterschied zu den Jugendlichen, die in der Stadt aufwachsen. |
{3.26}
Hindi ko rin siya gusto sa aming pag-uusap. Madaldal kasi at walang preno kung magsalita, bagay na ikinaiirita ko. Pero dahil sa likas akong palakaibigan, at para rin malibang sa biyahe, nagtiyaga akong makinig sa mga kuwento niya, lalo na sa kanyang buhay-buhay. Naisip ko nga, ganito ba kadali sa babaing ito na iladlad ang kanyang buhay gayong hindi pa naman niya ako lubusang kilala. | Ich mochte sie auch nicht während unseres Gespräches.Weil sie geschwätzig war und ununterbrochen redete, eine Sache, die mich stört. Aber weil ich von Natur aus freundlich bin und auch um sich unterwegs unterhalten zu lassen, hatte ich Ausdauer, ihren Geschichten zuzuhören, mehr ihrer Lebensgeschichte. Ich dachte mir eben, ob sich das Leben für dieses Mädchen sich so einfach abspielt (entfaltet), weil sie mich nicht gut kennt. |
{3.27}
Ngunit habang tumatagal ang aming pag-uusap, unti-unti ko nang nauunawaan ang kanyang saloobin, bilang isang tipikal na babaeng tinedyer na kagaya ko, na kapwa pa pinag-aaral ng mga magulang sa Maynila, ay naghahangad din ng kalayaan mula sa paghihigpit ng mga magulang. | Aber während unsere Unterhaltung länger wird, verstehe ich Schritt für Schritt ihr Inneres als ein typisches Teenage-Mädchen wie ich auch, ein Mitmensch, der noch von den Eltern in Manila gebeten wird, zur Schule zu gehen und der sich auch Freiheit wünscht wegen der Strenge seiner Eltern. |
{3.28}
"Ikaw ba," baling niya sa akin, "maharot ba ang tingin mo sa akin?" Dahil sa kabiglaanan, hindi kaagad ako nakasagot. Iniisip ko rin kasi na baka masaktan siya sa aking sasabihin. Na totoo, talagang maharot ang kanyang dating. Pero nakita ko na seryoso siya at naghihintay nang makatotohanang sagot. | "Du", wendet sie sich mir zu, "ist dein Blick auf mich herausfordernd?" Wegen der Plötzlichkeit habe ich nicht sofort geantwortet. Ich dachte auch, dass sie vielleicht von meinen Worten verletzt war. Wirklich, ihre Ankunft war herausfordernd. Aber ich sah, dass sie es ernst meinte und auf eine ernsthafte Antwort wartete. |
{3.29}
"Oo," walang gatol kong sabi. "Kunsabagay, hindi kita masisisi", sabi niya at binawi ang tingin sa akin. "Paraan ko na lamang ito para maipakita na totoo akong tao. Alam mo ba, gusto kong maging malaya? 'Yong malaya kong magagawa ang alinmang gusto ko. Hindi 'yong puro dikta ng mga magulang ang palagi kong ang nasusunod. | "Ja", sagte ich ihr sofort (ohne Unterbrechung). "Wenn dem so ist, mach mir keinen Vorwurf daraus", sagte sie und wendete sich ab (nahm den Blick weg). "Das ist so meine Methode, um zu zeigen, dass ich ein echter Mensch bin. Weißt du, ich möchte frei sein. So frei, dass ich alles, was ich will machen kann. Nicht nur stets die reinen Anordnungen meiner Eltern zu befolgen. |
{3.30}
Sa labas lang ako nakakatawa nang buong laya. Kung sa bahay, takot akong mapagalitan kaya nakapinid palagi ang mga labi ko. Gusto kong malaya katulad ng mga ibon. 'Yong nakakarating sila saan mang lugar nilang gustuhin," mahaba niyang pahayag. | Nur draußen kann ich aus vollem Halse lachen. Wenn ich zu Hause bin, fürchte ich, jemand zu verärgern, deshalb verschließe ich meine Lippen. Ich möchte frei wie die Vögel sein. Die können hingehen, an welchen Platz sie auch immer wollen", war ihre lange Antwort. |
{3.31}
"Gano'n ba", sabi ko. "Pero bago sila natutong lumipad, marami rin silang napagdaanang hirap. Bakit, napakabigat ba ng problema mo sa iyong mga magulang?" tanong ko, bagama't pareho kaming hindi tumitingin sa isa't isa. | "So wie die?" sage ich. "Aber bevor sie fliegen lernen, kommt ihnen auch viel Schwieriges entgegen. Warum hast du so viele Probleme (bist shr schwer von Problemen) mit deinen Eltern?" frage ich, während wir uns gegenseitig nicht ansehen. |
{3.32}
"Alam mo bang puro na lang mga mali ko ang nakikita nila sa akin. Palagi rin nila akong ikinukumpara sa mga pinsan ko. Kesyo raw mga matino at mababait. Kailangan ko raw silang gayahin. Gusto kong magrebelde kaya bilang ganti, naging ganito ako, magaslaw," sabi niya. | "Weißt du, sie sehen in mir nur alles Schlechte. Auch vergleichen sie mich stets mit meiner Kusine. |
{3.33}
"Pa'no nakakarating sa mga magulang mo ang mga ginagawa mo sa labas?" tanong ko. "'Yong mga pinsan ko kuno na mababait at mga kapitbahay naming tsismosa ang nagsusumbong sa magulang ko. Asar nga ako. Hindi man lang nila ako pinakinggan at para masabi ko sana kung ano ang totoo." |
{3.34}
"At kaya ka nagrerebelde? Hindi naman siguro gano'n ang gusto nila para sa 'yo. Baka naman gusto lang nilang bigyan ng direksiyon ang buhay mo," sabi ko. Ngunit pagkuwa'y napagtanto kong natamaan din ako sa sinabi ko kay Nieva. "Pero nasasakal ako, e. Liligaya ka ba naman kung di mo talaga gusto 'yong ginagawa mo? Ang hirap, no'n!" sabi pa niya. |
{3.35}
"Sabagay," sabi ko. Naisip kong iisa lang naman ang plano namin, dapat siguro'y pagtibayin namin ang dahilan upang lubos na mabigyan katwiran ang aming pagrerebelde. Nahakahanap na ako ng kakampi, naisip ko pa. "Mas mabuti pa nga ang mga hayop, di man nakapagsasalita, malaya nilang nagagawa ang kanilang gusto. Hinahayaan nila ang kani-kanilang mga anak na tuklasin ang sarili," sabi ko pa. |
{3.36}
"Ang talinghaga mo namang magsalita!" baling niya sa akin, nakangiti. "Ikinumpara mo pa sa hayop ang tao." "Pansinin mo ang ibon at ang kanilang mga inakay. Inaalalayan lang nila ang kanlang inakay hanggang sa matuto itong lumipad. Pero sa tao, may mga magulang na halos buhatin ang kanilang mga anak para huwag lang silang masaktan. |
{3.37}
Bakit kaya mga magulang na napakahigpit sa kanilang mga anak? Iniisip ko tuloy, gano'n ba talaga silang magmahal o isang maramot na pagmamahal? Hindi man lang nila naisip na may mga bagay ding gustong makamtan ang kanilang anak nadi nila kayang ibigay. Hindi nila alam, na ang kanilang paghihigpit ay nagdudulot ng pagrerebelde ng anak. Kagaya mo halimbawa," sabi ko, ngunit ang totoo'y lalong naging marubdob ang aking hangarin na ituloy ang paglalayas. |
{3.38}
"Kaya nga ito ang naisip kong paraan para makalaya, ang paglalayas," mariin niyang sabi. "Balang araw ay mapapatunayan ko rin sa kanila na hindi lahat ng mga magulang ay tama. Maaaring di mo ako maunawaan ngayon dahil tingin ko sa 'yo, lumaki ka sa isang perpektong pamilya," sabi niya. Kung alam lang niya, na iisa ang aming saloobin, ang aming plano. |
{3.39}
"Ikaw ba," sabi niya. "Ano ang dipinisyon mo sa kalayaan?" "Sa akin lang, 'yong nakakakilos ako nang walang masyadong inaalala. Kailangang walang ibang masasaktan para maramdaman ko ang totoong kaligayahan," sagot ko. "Well, tama ka," sabi niya at ibinaling ang tingin sa nadaanan naming palayan. |
{3.40}
Sandaling namagitan sa amin ang katahimikan. Naramdaman kong humugot siya nang malalim na buntunghininga. Pakiramdam ko, buo na ang kanyang pasya na maglayas, kagaya ko. Wala nang urungan, nais ko pa. Napagtanto ko, tama nga marahil ang aking gagawin. Isang paraan upang pukawin ang damdamin ng mga magulang na isang maramot na pagmamahal ang paghihigpit sa mga anak. |
{3.41}
"Pero sa ilang araw kong paglalayas," baling niya sa akin na ikinabigla ko. Kung ganoon, galing na pala siya sa paglalayas. "Napagtanto kong mali ako. Ang akala ko, sapat na ang aking dahilan para gawin ang bagay na iyon." "Ano'ng ibig mong sabihin," sabi ko pa. "Lahat pala ng paghihigpit sa akin ng mga magulang ko, ay para rin sa aking kapakanan. Akala ko, kaya kong mamuhay na hindi kapiling ang mga magulang, hindi pala." |
{3.42}
Napabuntunghininga siya. "Malaya nga ako, ngunit napapariwara rin ang aking buhay. At unti-unti, napagtanto kong hindi pala sa barkada natatagpuan ang tunay na kaligayahan, lalo pa't kung iyon pa ang magbibigay sa 'yo ng problema." " Anong problema?" tanong ko. "Malaya nga ako, pero pati pag-aaral ko, napabayaan ko, iyon puro bagsak ang mga subjects ko." |
{3.43}
Aywan, hindi ko mailarawan ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Pakiramdam ko, para akong nabuhusan ng malamig na tubig. "Marami pa akong dapat matutuhan. Marahil, nadala lang ako sa pagiging tipikal kong tinedyer, na kaunting paghihigpit ng mga magulang, ay magrerebelde na. Pero mali. Sa kagaya natin, kailangan pa ng gabay ng mga magulang. Naisip ko, darating din ang tamang panahon ng tunay na kalayaan na hinahanap ko." |
{3.44}
"Ano ang plano mo ngayon?" wala sa loob na tanong ko. "Eto, pauwi sa probinsiya. Hihingi ng tawad sa aking mga magulang sa ginawa kong pagrerebelde at paglalayas. Natitiyak kong mapapatawad nila ako, alam kong walang magulang na nakakatiis sa anak, kahit nagkasala man iyon. Hindi pa naman huli ang lahat, maitutuwid ko pa ang mga pagkakamali ko," malumanay niyang sabi ngunit damang-dana ko ang kanyang sinseridad. |
{3.45}
Napapikit ako. Dinama ko ang hangin na nagmumula sa nakabukas na bintana ng bus. Naalala ko ang balak kong paglalayas. Pinagtani-tagni ko ang katwiran ni Nieva. Hindi ko nga siya lubusang kilala pero napakarami niyang sinasabi sa akin. Pangalan lang niya ang alam ko.Hindi ko inilahad sa kanya ang aking saloobin. Ano't iisa lang pala ang aming damdamin. Damdaming maaaring magbulid sa amin sa kapariwaraan. A, napariwara na pala si Nieva, ngunit iyon din ang nagbukas sa kanyang isipan na mali ang kanyang ginawa, na higit kailanman, sa akin. |
{3.46}
Mahirap nga marahil ang magpasya nang hindi tiyak. Kailangan pa ng isang tao upang mapagtanto ko na mali pala ang aking gagawin. Bata pa ako, nag-aaral at kailangan ko pa marahil ang gabay ng mga magulang. Marahil, kagaya ni Nieva, nadala lang ako sa impluwensiya ng aking mga barkada, parang ibong malaya. Ngunit alam ko, sa bandang huli, naroon ang pagsisisi. At ako, hindi pa man, parang gusto ko nang magsisisi. |
{3.47}
Pagkaraa'y nilipad na ng hangin ang dapat ko pang sabihin kay Nieva. Estranghera nga talaga siya dahil napakarami na niyang naikuwento, pero di man lang siya nagpaalam sa akin nang bumaba na siya sa isang bayan. Parang wala sa loob siyang bumaba ng bus, bitbit ang bag. Sinundan ko siya nang tingin, nagbabakasakaling bumaling sa akin para man lamang makawayan ko siya. Ngunit kagaya ng isang estranghera, basta na lamang siyang sumabay sa agos ng mga nagsibabang mga pasahero ng bus, hanggang sa naglaho siya sa aking paningin. |
{3.48}
Ni hindi ko naitanong kung saan siya nag-aaral, kung saan siya nakatira. Ngunit hindi na marahil kailangan iyon, ang mahalaga, siya ang nagbukas sa akin nalalambungang isipan. Napagtanto ko, hindi a pagrerebelde at paglalayas solusyon upang masumpungan ko ang kalayaan. Tama si Nieva, darating din ang panahong lalaya rin ako, ngunit isang kalayaang magbibigay sa akin ng katiwasayan, walang masasaktan. |
{3.49}
Kalayaang magdudulot ng kaligayahan, at hindi ng kapariwaraan. At kay Nieva, napariwara man, alam kong sumisilip pa rin ang bagong pag-asa para sa kanya. Kaya nang makarating ako sa aming bayan, magaan na inihatid ako ng aking mga paa sa aming bahay, sa piling ng aking mga magulang. Ramdam kong walang pag-alinlangan iyon. At aywan, kusang naglaho sa aking diwa ang mapangahas sa pagpapasya. |
{3.50}
Iyon ang mga bagay ng magpabiling-biling sa aking sa sa higaan. Hanggang ngayon, naalaala ko pa rin si Nieva. Estranghera man siya sa akin, ngunit ang kanyang naiwang kwento ay mananatiling naka ukit sa aking isipan. Hindi man kami lubos na nagkilala ngunit malaki ang naiwan niyang pitak sa aking puso. Di ko nga rin maunawaan kung bakit siya nakapagkuwento sa akin nang ganoon. |
{3.51}
Siguro, sadyang pinag-adya iyon ng tadhana upang iligtas ako sa marahas na pasya. Naisip ko, kung sakaling hindi kami nagtagpo ng landas ni Nieva, marahil ay napariwara rin ako. Tila nagugulumihanan akong isipin iyron. Kaya kung pahintulutan uli ng tadhana na makasakay ko si Nieva sa bus, hindi ako mag-aatubiling pasalamatan siya. |
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/estrang.html
Quelle: Sto. Domingo, Rubie B.: Material Girl
LIWAYWAY, 24 Oktubre 2005 { Liwayway}
{3.21}
Ambisyosa.. yan ang salitang karaniwan ay bukambibig ng mga taong nakapaligid sa akin. Yan marahil ang salitang nababagay sa akin. Bakit nga ba hindi, mula't sapul na ako'y magkaisip puro pasakit na ang aking naranasan. | Ehrgeizig, das ist das ständige Wort, das die Redensart um mich herum ist. Vielleicht ist es das, was zu mir passt. Warum auch nicht, von Anfang an habe ich gedacht, ob Mühsal mein einziges Erleben sein wird. |
{3.22}
Sa buhay kong ito ano pa nga ba ang hihilingin ko kundi ang maging pinakamayamang tao sa buong bansa, ahh... hindi daigdig dapat. Kahit kailan ayoko nang maranasan ang tapak tapakan lamang ng kung sinong nilalang. Kaya naman gagawin ko ang lahat upang makainit ito, sukdulang kapalit nito'y... ako! | In meinem Leben erbitte ich dies, was sonst auch, außer der reichste Mensch im Land zu werden, braucht nicht der ganzen Welt zu sein. Wann auch immer, ich mag nicht erleben, dass irgendwelche Geschöpfe nur auf mir herumtreten. Deshalb tue ich alles, ... |
{3.23}
Limang taon pa lang ako ngunit lihim na akong humahanga sa mga taong may kakayahang bumili ng mamahaling gamit para sa kanila. Ang totoo niyan hindi lang basta paghanga ang nararamdaman ko, naiinggit ako. Oo, naiinggit ako sa kanila. | Ich war erst fünf Jahre alt, aber insgeheim bewunderte ich die Leute, die in der Lage waren, für sich teure Dinge zu kaufen. Die Wahrheit war, nicht nur Bewunderung war mein Gefühl, ich beneidete sie. Ja, ich beneidete sie. |
{3.24}
Bakit ba may mga taong higit ang kakayahan kaysa sa iba, marahil sila lang ang nakikita ng Diyos, sila lang ang pinagpapala nito, sila lang ang mahal nito. Dalawa na lang kami ni Ina, sabi niya si Ama daw ay nasa langit na. Kinailangan na daw siya ng Panginoon kaya't ipinatawag na ito upang makapiling Niya. | Warum gibt es Leute mit größeren Möglichkeiten als die anderen, vielleicht sind sie nur die von Gott Gesehenen, sind sie die von ihm Begnadeten. |
{3.25}
Sabi rin ni Ina pinagpapala ang lahat na lumalapit sa Kanya. Kung ganuon, bakit
kami naghihirap. Halos araw-araw naman ako'y nasa simbahan, 'yun nga lang may bitbit
akong sampaguita para ilako sa mga taong labas-masok dito, sa mga taong wala
namang ginawa kundi ang magdaldalan at magharutan sa loob mismo
ng bahay Niya.
{3.26}
Hindi ako katulad ng ibang bata na may magagarang damit, sapatos, nakakapasok sa
eskwelahan at kumpleto ang pamilya. Hindi ako nakakakain tatlong beses isang araw,
masuwerte na kung may kapirasong kaning baboy na tira sa kalye na aking mapulot. Hindi
ako nakakapaglaro gaya nila, wala akong manyika o anumang uri ng laruan, wala akong
kaibigan.
{3.27}
Hindi ako katulad nila na simple ang pangarap sa buhay, na maging
doktor, nars o magkaroon ng sarilirig pamilya. Hindi ako katulad nila pagkat meron akong
ambisyon at yun ay yumaman. Magkaroon ng limpak limpak na salapi upang malasap ko ang
mga bagay na hanggang panaginip lang kung marating ko.
{3.34}
Sinubukan kong magnakaw sa loob mismo ng bahay niya at nagtagumpay ako, kahit
paano makakakain na rin kami ng pansit ni Ina, ng pagkaing tanging may kaya lamang ang
nakakakain. Alam kong nang-uusig ang tingin ni Ina pero wala na akong pakialam bastat
ang alam ko may bago na akong raket. Hindi lang sa loob ng kanyang bahay ko ito ginagawa
maging sa labas, sa kalye at kahit saang lugar bastat may pakokataon.
{3.35}
Paano ba ako yayaman kung sa simpleng panlilimos lang, pagbebenta ng sampaguita o pamumulot ng basura ang gagawin ko. | Wir werde ich reich, wenn nur Betteln, der Verkauf von Sampagita und Müll Aufsammeln meine Arbeiten sind? |
{3.36}
Kailangan kong kumilos nang naaayon sa muftdong ginagalawan ko. Hindi kami mabubuhay ng puro
dasal lang, hindi maghuhulog ang langit ng kakanin namin kung hindi ako gagalaw. Ito ang mundong
kinabibilangan ko, sasayaw ako nang naaayon sa tugtog na gusto niya.
{3.37}
Malaki na nga ako, isang ganap na dalaga nang matatalos. Nabulid ako sa
masamang gawain, paano'y ano ba naman ang kahihinatnan ng isang tulad kong ni hindi
nakatuntong sa paaralan. Marami na rin akong natutunan sa pakikipagsapalaran sa kalye.
Kailangang mabilis ka kumilos, hindi lang kasi ang mga taong may pinag-aralan ang kaagaw
mo pati na rin ang mga kapwa mo busabos.
{3.38}
Kanya-kanyang sagip ng sarili kapag may rambol na, pati ang mga pesteng buwaya
makikiagaw pa sa kakarampot na makukuha mo sa paraang di sukat akalain ng iba. lisa lang
ang kakampi ko, yun ay walang iba kundi ang mahal kong Ina. Marami na rin akong nagawa
upang kumita. Malakas ang hatak sa akin ng salapi, di nga ba't material girl ang hiring
sa akin ng iba, kahit ano papasukin ko mapanakaw man yan, droga o kahit pa prostitusyon.
{3.39}
Tarna, kahit sarili ko ibebenta ko para magkamal
ako ng limpak-limpak na.salapi. Malaki na nga ang nagagawa ng pangalan ko, kahit saang sulok ako
magpunta kilalang kilabot na din ako. Kung ihahalintulad sa mga buwayang yun, ang akin ay isang
matinik na daga, maliit ngunit tuso. Yan ako.
{3.40}
Alam kong hindi nagugustuhan ng aking ina ang mga ginagawa ko ngunit balang
araw alam ko maiintindihan din niya ako. Pilit ko mang ipaunawa sa kanya na ang mga bagay na ito
ay para rin sa ikabubuti namin. Alam kong nahihirapan ang kalooban niya ngunit mas mabuti na iyon
kaysa ang tiyan naman namin ang magdusa.
{3.41}
Alam kong darating ang araw magbabago rin ang gulong ng
aming mga palad, alam kong luluhod din ang mga tala gaya ng pagputi ng mga uwak. Kakatuwa
ngunit naniniwala ako na pagdating ng tamang pagkakataon kami naman ng aking ina ang
mananaig at mabubuhay kami ng matiwasay, higit sa lahat nakatataas kesa sa marami.
Tanging pagkakataon lamang ang aking hinihintay.
{3.42}
Isang mayamang parukyano ang suki ko, at hindi lamang siya basta mayaman kundi isang matandang hukluban na ubod ng yaman, isang lolo at higit sa lahat siya'y biyudo. Ginawa ko ang lahat upang siya'y maakit ko at gagawin ko rin ang lahat upang mapasaakin ang kanyang mga kayamanan. | Ein Stammkunde von mir war ein Alter, und der war nicht nur reich, sondern ein alter Greis mit unglaublichem Reichtum, ein Opa und vor allem, er war Witwer. Ich tat alles, um ihn für mich zu interessieren, und ich tat auch alles, um an sein Geld zu kommen. |
{3.43}
Sa pambubulid ko sa kanya at pagbibigay ng kasiyahan pinilit kong siya'y pakasal sa akin. Hindi ako nahirapang gawin ito pagkat baliw siya sa pag-ibig sa akin. | __ habe ich ihn gezwungen, mich zu heiraten. Das war für mich nicht schwer, da er verrückt war in seiner Liebe zu mir. |
{3.44}
Alam ko kasing kahinaan niya ang atensyong ipinamamalas ko sa kanya kagya't minahal niya ako ng higit pa sa inaasahan ko. Marami man ang tumutol, higit ang nagiisang anak niya na nasa ibang bansa, wala na ring nagawa. | Ich wusste, seine schwacher Punkt war die Aufmerksamkeit, die ich ihm zeige. Viele waren dagegen, vor allem sein einziges Kind im Ausland, aber die konnten nichts machen. |
{3.45}
Nakasal kami, isang simpleng kasalan na dinagsa ng karamihan paano ba naman isang lolong makapangyarihan nagpakasal sa isang hamak na dalagang prosti. Masasakit ang kanilang mga mata kung makatitig, mga salitang nakasusugat ng damdamin ang bulungan ng karamihan. Dapat ay hindi na ako masaktan, sanay ako sa ganito. Di bale mailipat lamang sa akin ang ari-arian ng matandang ito humanda kayo sa isip isip ko. | Wir haben geheiratet, eine einfache Hochzeit, die für Aufregung gesorgt hat, wie so ein reicher Opa solch ein Mädchen von der Straße heiraten kann. Verletzend waren ihre Augen, als sie uns anstarrten, verwundende Worte das Geflüster der Menge. Mir hat das nicht weh getan, ich war so was gewohnt. Macht nichts, wenn nur der Reichtum des Alten sich zu mir bewegt, wartet nur, dachte ich. |
{3.46}
Kapiling ko ang aking ina sa mansiyong nilipatan namin. Sa wakas mararanasan na rin namin ang kaginhawaan at talaga ngang kaysarap mamuhay ng ika'y pinagsisilbihan, at maraming salapi na kahit ano mabibili mo, mayaman na nga ako ngunit hangad ko pang mas yumaman. Kaya naman isang gabi isinagawa ko ang aking balak, ang paslangin ang asawa ko. Wala na rin naman siyang silbi pagkat naisalin niya na sa pangalan ko ang lahat ng ari-arian niya na tuluyan ng mapapasaakin kapag wala na siya. | Ich zog mit meiner Mutter in unser herrschaftliches Haus. Schließlich erfuhren wir jetzt das Wohlleben und wirklich hatten wir das angenehme, wie man so sagt, wohlversorgte Leben, und viel Geld, um dir alles zu kaufen, ich war jetzt wirklich reich, aber wollte noch reicher sein. Deshalb nahm ich eines Abends mein Ziel auf, meinen Mann umzubringen. Er war mir nicht mehr von Nutzen, nachdem er sein gesamtes Vermögen auf mich übertragen hatte, wenn er einmal nicht mehr lebt. |
{3.47}
Kahit ang anak niya'y walang magagawa. Unti-unti ko siyang nilason sa paraang kahit medico-legal ay hindi malalaman. At isang gabi nga'y hindi na ito nagising na siyang aking inaasahan. Sa wakas akin na ang lahat. | Sein Kind könnte da nichts tun. Und so habe ich ihm Schritt für Schritt Gift eingeträufelt, von dem die Gerichtsmedizin nichts weiß. Und eines Abends wachte er nicht mehr auf, wie ich gehofft hatte. Am Ende hatte ich alles. |
{3.48}
Ako na ang namamalakad sa kumpanyang dati'y kanya, lahat ng ari-arian niya'y pag-aari ko na, ang malaking mansiyon at mga alipin. Ang saya saya ko, na sa sobrang kasiyahan ko'y nakaligtaan kong ako nga pala'y may ina. Ang inang pinakamamahal ko, alam kong di naman siya magugutom sa katayuan namin ngayon paano pa iyon mangyayari, sa katunayan meron nga siyang private nurse na siyang nangangalaga sa lahat ng kanyang pangangailangan. Di man kami nakapaguusap alam kong masaya din siya. Ngunit nagkamali ako. | Ich hatte jetzt das Sagen in der Firma, die früher seine war, sein ganzer Besitz gehörte jetzt mir, die Villa und das Hauspersonal. ... Meine geliebte Mutter, das wusste ich, wird wirklich keinen Hunger mehr leiden in unserer heutigen Lage, was auch geschehen mag. Wirklich, sie hatte jetzt ihre persönliche Krankenschwester, die sich um alles, was sie brauchte, kümmerte. Obwohl wir nicht darüber sprachen, wusste ich, dass sie auch glücklich war. Aber ich täuschte mich. |
{3.49}
Akala ko matutuwa ang aking Ina dahil mayaman na kami, hindi na kami aapihin ng iba, hindi malilipasan ng gutom, hindi manlilimos at magmamakaawa sa iba ngunit nagkamali ako. Malungkot siya, higit na malungkot kaysa dati. Hindi na kababakasan ng paghihirap ang kanyang mukha, malinis ang suot na magarang damit ngunit naghihirap ang kalooban niya. | Ich dachte, meine Mutter freut sich, dass wir reich sind, dass wir nicht mehr geplagt werden, dass wir keinen Hunger mehr leiden werden, dass wir nicht mehr bitten und betteln würden, aber ich täuschte mich. Sie war unglücklich, unglücklicher als früher. Ihr Gesicht war nicht mehr von Armut gezeichnet, ihre vornehme Kleidung war sauber, aber ihr Inneres litt. |
{3.50}
Siguro dahil alam niya lahat ng ginawa ko upang makamit ito. Nagsisisi ba siya? Ngunit alam din ba ng aking ina na nahihirapan din ako, masama bang mangarap. Marahil kung sa masamang paraan upang makamit ito, pero paano kung yun na lamang ang tanging paraan at wala ng iba pa. | Sicher, weil sie alles wusste, was ich getan hatte, um das zu erreichen. Machte sie sich Vorwürfe? Aber wusste meine Mutter auch, dass auch ich leide, von meinen bösen Träumen? Vielleicht wegen der unsauberen Methoden, um dies zu erreichen, aber wie auch immer es war, es gab keinen anderen Weg. |
{3.51}
Ambisyosa .. yan ang salitang karaniwan na'y bukambibig ng mga taong nakapaligid sa akin. Yan marahil ang salitang nababagay sa akin. Kahit kailan ayoko nang maranasan ang tapak tapakan lamang ng kung sinong nilalang. | Ehrgeizig, das ist das ständige Wort, das die Redensart um mich herum ist. Vielleicht ist es das, was zu mir passt. Wann auch immer, ich mag nicht erleben, dass irgendwelche Geschöpfe nur auf mir herumtreten. |
{3.52}
Kaya naman ginawa ko ang lahat upang makamit ito, sukdulang kapalit nito'y ... ako.
Marami man ang mamuhi sa akin kaya ko itong tanggapin ngunit ang aking
ina, masakit na kailanma'y hindi na niya ako kinausap at kahit na sino pa sa paligid niya.
Nasa akin na nga ang lahat ngunit wala naman siya ano pang silbi ko.
{3.53}
Lumuluha ako habang tanaw ko mula sa aking silid ang aking ina nakaupo sa hardin at malayo ang tingin, napakalayo kung nasaan man ang kanyang diwa hindi ko alam. Ang tanging alam ko lamang ay malayo na ang loob niya sa akin. | Mir kommen die Tränen, als ich von meinem Zimmer aus meine Mutter sehe, wie sie im Garten sitzt weit weg ihr Blick, und sehr weit weg - wo auch immer - ihre Gedanken sein mögen, ich weiß es nicht. Das einzige, was ich weiß, ist, dass ihre Gedanken weit weg von mir sind. |
{3.54}
Bakit ganito kung kailan nasa akin na ang lahat duon naman niya ako susubukan. Hindi
na ba talaga ako mahal ng Diyos? Mayaman na ako ngayon kaya ko ng magbigay ng malaking
halaga para pagandahin ang bahay niya, mamudmod
ng salapi sa kapos palad na tulad ko dati. Ngunit bakit ganito naghihirap ang loob ko. Higit
pa ito sa paghihirap nang loob ng aking Ina. Pagod na akong mamuhay ng ganito. Pagod na akong
kamuhian at kasuklaman ng tao sa paligid ko, pagod na pagod na ako. Marahil ikatutuwa ng lahat
kung mawawala na ako dito sa mundong kinabibilangan nila. Marahil nga ito ang mundo nila at
hindi ako kabilang dito, hindi magiging kasapi kailanman.
{3.55}
Malungkot isiping kinamuhian ako
ng aking ina, matapos ang lahat ng ginawa kong ito. Hindi naman ito para sa akin lamang, para
sa kanya rin, para sa aming dalawa na minsang nangarap nang maalwang buhay. Pangarap na
nagkatotoo. Ngunit nagbabadyang maglaho para sa isang katulad kong hangad lamang ay salapi,
isang material girl. Hawak ko ngayon ang .45 kalibreng baril, habang nakatingin ako sa langit
na puno ng hinanakit ngunit sa kaloob-looban ko tanging kapayapaan lamang ang aking hangad
at makakamit ko na ito sa pamamagitan ng sandatang ito.
{3.56}
Sabi ni Ina dati kahit gaano kabigat ang problema huwag daw susuko at kahit gaano kabigat ang kasalanan ng isang tao basta't magbalik-loob lamang sa kanya buong lugod niyang tatanggapin. | Früher sagte Mutter, wie schwer die Probleme auch immer sind, man darf nicht aufgeben ... |
{3.57}
Alam ko namang tama siya, tama naman siya parati ngunit pagod na ako at gusto ko nang
mamahinga. Ayoko na rin namang patuloy
na makita ang aking ina na puno ng lungkot ang mga mata. Ahhhh, marahil ikatutuwa niyang
malaman na kahit sa huling sandali ng aking buhay naniwala ako na may Diyos. At sa simpleng
liham ha ito maiparating ko kung gaano ko siya kamahal. Kasabay ng huling agos ng luha
ko ang malakas na alingawngaw nang putok ng baril.
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/girl.html
1 Einleitung / Pambungad
3 Texte / Mga Kasulatan
Ong, Bob: Alamat ng Gubat
Quelle / Pinagmulan → {16A-2 Gubat}.
{3.1}
Noong unang panahon, sa isang liblib na kaharian sa ilalim ng dagat, ay may
nakatirang maganda at mabait na sirena. Pero wala siyang kinalaman sa kwentong ito.
Kaya ang pagtutuunan na lang natin ng pansin ay si Tong, ang pinakabatang anak ni
Haring Talangka na tulad ng maraming hari ay walang ibang papel sa kwento kundi ang
magkasakit. At ito na nga ang dahilan kung bakit isang araw ay bigla na lang ipinatawag
si Tong ng kanyang inang reyna.
{3.2}
"Tong, anak, ang iyong ama ay may karamdaman," wika ng reyna. "Hindi na s'ya
nakakalangoy. Kailangan mong umahon ngayon din papunta sa lupa upang kumuha ng puso
ng saging - ang tanging prutas na makakapagpagaling sa kanya." Sumagot si Tong, "Ngunit
inang reyna, hindi ba't talaga namang hindi nakakalangoy ang amang hari?" "Dahil nga
mayroon s'yang karamdaman!" ang sagot ng reyna.
{3.3}
Noon din ay nag-log-off si Tong sa Friendster at dali-daling nagtungo sa lupa.
Inabot s'ya ng pitong araw at tatlong gabi sa paglalakbay bago narating ang kakahuyan.
Sa di-kalayuang ilog ay namataan n'ya kaagad si Buwaya na nagpapahinga.
"K-kamusta po!" bati n'ya. "Maaari po bang magtanong kung saan ma-"
"NGINANGAUHA MO HA AHO?" tanong ni Buwaya. "Ano po?"
"Pweh!" Idinura ni Buwaya si Maya na naglilinis ng ngipin n'ya. "Sabi ko, kinakausap
mo ba ako?" "O-opo. Hihingi po ako ng -" "Kailangan mong magbayad ng pilak."
"Wala po akong pilak, perlas lang ang dala -" "Tatlong perlas!"
{3.4}
Iniabot ni Tong ang mga perlas, at itinuloy ang tanong. "Saan po ba maaaring
makakuha ng puso ng saging dito?" "Tatlong perlas!" "Pero n-n-nagbigay na po ako,"
nag-aalangang paalala ni Tong. "Bayad mo lang 'yon dahil kinausap mo s'ya!" pasigaw
na paliwanag ni Maya. Iniabot ni Tong ang tatlo pang perlas, pero hindi pa rin s'ya
sinagot ni Buwaya. "Saan po kaya ako makakakuha ng puso ng saging?" muli n'yang tanong.
"Tatlong perlas!" "Pero dalawang beses na 'ko nagbigay, at tatlo na lang ang perlas ko!"
angal ni Tong.
{3.5}
"Tatlong perlas ang hinihingi, kaya tatlong beses kang magbibigay," sabat uli
ni Maya. "At wag kang madamot dahil tatlo na lang naman ang kailangan namin!"
"Pero wala na 'kong pambili ng load!" "Ano ba ang importante sa'yo, textmate o puso
ng saging?" hirit ni Maya. Wala nang nagawa si Tong kundi iabot ang mga huling perlas.
"Maaari n'yo na bang sabihin kung saan matatagpuan ang pakay ko?" tanong
n'ya.
{3.6}
Sumagot si Buwaya, "Tama ang pinagtanungan mo dahil ako nga ang hari dito, kaya -"
"Hari???" nagtatakang tanong ni Tong, pero hindi na nakasabat nang magsalita ulit si
Buwaya. "Halika, ibubulong ko sa'yo," ani Buwaya. Lumapit si Tong, pero mas pinalapit pa
s'ya ng kausap. "Halika sabi, para maibulong ko sa'yo!" Lalo pang lumapit si Tong,
pero laking gulat n'ya nang biglang buksan ni Buwaya
ang malaking bunganga nito upang kainin s'ya. Kumaripas ng takbo si Tong at di na ulit
lumingon sa ilog.
{3.11}
"Siyeht!" sigaw ni Bibe. "Yu asshol!" "Pasensya na po, hinahabol kasi ako ni
Buwaya para kainin!" ninenerbyos na tugon ni Tong. "Wala akong nakikitang Buwaya dito,
pero naputikang buntot ng magandang Bibe dahil sa kagagawan ng bobong talangka, meron!"
Hindi namalayan ni Tong na malayo na nga ang kanyang natakbo at ligtas na s'ya. "Pasensya
na po ulit." "Ano pa ba magagawa ko?" sambit ni Bibe. "Da world is ful of ijots!"
{3.28}
... kamay ang dalawang langaw. "... Sa aming tatlo nina Langaw!"
"Ano bang ipinaglalaban n'yo?" "Hayup sila.. .insekto kami!" sagot ni Tipaklong nang may
nakataas na kamao. "At ...?" "At.. .umm.. .apat lang ang paa nila!" "Tapos ...?"
"Ang hirap mong umintindi!" naasar na si Tipaklong. "Hindi namin sila kauri! Hindi pa
ba sapat na dahilan 'yon para kamuhian namin sila?" "Um, hindi...?" naguguluhang tugon
ni Tong. Napaisip sandali si Tipaklong. "Pwes, may iba pang dahilan!"
"Ano 'yon?" tanong ni Tong.
{3.29}
Lalong natahimik ang pagtitipon dahil natuon ang buong
atensyon ng lahat kay Tipaklong. Pero napatingin lang sa kawalan ang huli, at matapos
maghimas ng baba ay umakbay kila Langaw at nagsabing, "Sikreto na namin yon!"
"Tama!" ani Langaw. "Sikreto lang naming tatlo yon!" "Tama!" sabat ng isa pang langaw.
"Pero ano nga bang sikreto natin, Tipaklong? Sabihin mo na sa amin para masaya!"
"Hindi pwede," sagot ni Tipaklong. "Sikreto pa ba 'yon kung tatlo na ang nakakaalam?"
"Oo nga!" ani Langaw. "Ang galing talaga ni Tipaklong!" Napailing na lang ng ulo si
Langgam, at hinarap si Tong. Matapos itanong ang pakay ng Talangka, itinuro nito ang
direksyon patungong gitnang kakahuyan bung saan nananahan sina Manok at Pagong.
{3.31}
Mataas ang araw at mayabang na namumudmod ng nakakasunog na init baya nag-unahan
na sa paglalakad ang mga paa ni Tong. Ngunit sa kabila ng pagmamadali ay bigla rin
s'yang napatigil sa gilid ng malaking pulang bato sa tabi ng dagat. Tinitigan n'ya ang
kakaibang bato nang may halong pagkamangha. Hindi nakuntento, inikot n'ya ang paligid
nito upang higit pang makilatis. Pinabinggan, inamoy-amoy, pinisii-pisii,
pinindot-pindot, at hinimas-himas.
{3.32}
Nang mapansing wala naman palang kakaiba sa nasabing
bato ay lumingon si Tong sa kaliwa ... at sa kanan ... bago pasimpleng umihi sa gilid
nito habang sumisipol. Labing gulat n'ya na lamang sa mga sandaling 'yon nang magsalita
ang malaking bato. "SYIIIT!!!" napalundag si Tong sa sobrang takot. "LOBSTER...'KAW
BA 'YAN?!?" "Sino akala mo?" sagot ng kausap na sitting pretty sa batuhan. "At hindi
ako si 'lobster', ako si Ulang! Kelan ka pa naging inglisero ... hellooo? ...
Duh??? Saan mo nakuha 'yang pa-'syit'-'syit' mo e dati 'nanaykupu' lang ang sigaw mo pag
nagugulat ka?" Pero hindi s'ya sinagot ng mapanghing talangka na abalang-abala sa
pagbabanlaw ng sarili sa dalampasigan - Naks, dalampasigan! Anlalim ng Tagalog.
{3.33}
"Ano bang ginagawa mo sa gilid ng bato ho?" muling nagtanong si Ulang upang hindi
s'ya masapawan ng narrator. Sumagot si Tong habang naghahanap ng masisilungan. "Ikaw,
anong ginagawa mo sa ibabaw ng bato sa ilalim ng nagliliyab na araw?"
"Wala." sagot ni Ulang. "Wala ka bang ibang pinagkakaabalahan?" "Meron." "Ano?"
"Ito ang pinagkakaabalahan ko. Gumagawa ako ng wala." "Wala kang ginagawa?" "Hindi. Iba
ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala." Lalong napahunot ng noo si Tong. "Anong
pinagkaiba noon?" Itinuro ni Ulang ang malawak na kapaligiran. "'Yan ang wala. 'Yan ang
ginagawa ko. Gumagawa ako ng wala." "Paano yun?" tanong ng nalalabuang talangka.
{3.34}
"Paano mo malalaman kung tapos mo nang gawin ang wala?" "Kapag gumawa na 'ko
ng meron."
"Pero hindi mo naman nabibita ang ginagawa mo, di ba?" patuloy pa rin sa paghahanap
ng masisilungan si Tong. "Dahil nga ang ginagawa ko sa ngayon ay wala. Sa katunayan,
lahat 'yang pinagmamasdan mo ngayon ay pinagpaguran ko." Tinignan ni Tong ang kawalan.
"Andami mo na palang nagawa!" "Totoo yan," sagot ng kausap. "Pero sandali, hindi mo pa
rin sinasagot ang katanungan ko. Ikaw, ano naman ang ginagawa mo dito?" muling tanong
ni Ulang na animo'y manhid sa init ng araw. "Hinahanap ko sina Manok at Pagong," sagot
ni Tong. "Bakit?" tanong ni Ulang.
{3.35}
"Ibibigay ko kasi sa kanila itong mga itlog na dala ko," sagot ni Tong.
"Bakit?" tanong ni Ulang. "Para masabi nila sa akin kung saan sa gubat makukuha ang
puso ng saging," sagot ni Tong. "Bakit?" tanong ni Ulang. "Para ibigay sa ama kong
hari," sagot ni Tong. "Bakit?" alam mo na kung sino'ng nagtanong. "Dahil may sakit ang
ama ko at kailangan n'ya ang puso ng saging upang gumaling!" alam mo na kung sino'ng sumagot.
Isang oras. Dalawang oras. Tatlong oras. "Ahhh!" naliwanagan din si Ulang, sa wakas.
"Mahirap 'yang gagawin mo, talangka. Baka hindi mo magawa, wala ring mangyayari."
{3.41}
"Booook! Bok-bok-bok ... bokokok!" Malayo pa si Tong, dinig n'ya na ang putak ni
Manok. Kaya nabuhayan s'ya ng loob at lalong binilisan ang paglalakad. Di naglaon ay
natunton n'ya rin ang pugad ng inahin.
"Booook! Bok-bok-bok ... bokokok!" "Manok, manok -"
"Booook! Bok-bok-bok ... bokokok!" "Manok, may dala ako -"
"Booook! Bok-bok-bok ... bokokok!" "May dala ako para sa'yo -"
"Booook! Bok-bok-bok ... bokokok!" "MANOOOOOOOK!!!"
"NARIRINIG KITA, WAG KANG SUMIGAAAW!"
"E kasi.. .ba't ka ba putak nang putak?" tanong ni Tong....
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/gubat.html
1 Einleitung / Pambungad
3 Texte / Mga Kasulatan
Valera, Leonora P.: Halina't Magsaya
Quelle / Pinagmulan → {16A-2 Halina}.
{1.1}
Tayo'y mag-ehersisyo Simulan ang gawain nang buong sigla Kung kay't ang katawan ay ihanda na Tayo'y mag-ehersisyo ulo hanggang paa. Isa, dalawa, tatlo tayo'y mag-umpisa. Dahan, dahan ang ulo ay likot Iikot dahan-dahan ang ulo mong bilog. Ang balikat iikot sa iyong harap, Bumilang ng hanggang walo ulit ulitin mo. | ... |
{1.2}
Ang ating bewang Iikot at hawakan. Iikot nag likot Katawan ay lulusog. Tumakbo, tumakbo, tayo ay tumakbo. Tumalon, tumalon, tayo ay tumalon. Maglakad ka gamit any iyong paa. Lumakad ng marahan pakaliwa at kanan. Ang kamay sa bewang ilagay. Huminga tayo ng sabay-sabay. | ... |
{3.1}
Kumusta ka Kumusta ka, kumusta ka. O kaibigan ko kumusta ka. Kayganda at kaysaya ng umaga Pag tayo ay sama-sama. Ang umaga ay kaganda. Ang umaga ay kaysaya. Simulan ang araw na puno ng pag-asa. Halina't tayo'y magsama-sama. Magandang umaga, magandang umaga, Magandang umaga kaibigan ko. Halina't tayo'y magsama-sama. (3x) | ... |
{5.1}
Tayo'y Mag-ehersisyo Simulan ang gawain nang buong sigla. Kung kaya't ang katawan ay ihanda na. Tayo'y mag-ehersisyo ulo hanggang paa. isa, dalawa, tatlo tayo'y mag-umpisa. Dahan, dahan ang ulo ay iikot. Iikot dahan-dahan ang ulo mong bilog. Ang balikat iikot sa iyong harap. Bumilang ng hanggang walo ulit-ulitin mo. Ang ating baywang iikot at hawakan. Iikot nang iikot katawan ay lulusog. Tumakbo, tumakbo, tayo ay tumakbo. Tumalon, tumalon, tayo ay tumalon. (2x) Maglakad ka gamit ang iyong paa. Lumakad ng maragan pakaliwa at kanan. Ang kamay sa baywang ilagay. Humingas tayo nang sabay-sabay. | ... |
{7.1}
Bola ko'y Bilog Hugis bilog, hugis bilog. Ang bola ko'y hugis bilog. Tumatalbog, tumatalbog. Ang bola ko'y tumatalbog. Tumatalbog nang pababa nang pataas nang pababa Ang bola kong bilog tumatalbog at umiikot, Ang bola ko'y bilog. | ... |
{9.1}
Tayo'y magkaibigan Tayo'y magmahalan aking kaibigan Kahit iba ang wika ito'y hindi hadlang. Kung magsama-sama at magkaisa Pag-ibig maipapakita kahit na sino ka. Tayo'y magmahalan aking kaibigan Kahit iba ang wika ito'y hindi hadlang. Kung magsama-sama at magkaisa Pag-ibig maipapakita kahit na sino ka. Tayo'y magmahalan aking kaibigan Kahit iba ang wika ito'y hindi hadlang. Kung magsama-sama at magkaisa Pag-ibig maipapakita kahit na sino ka. Pag ang Diyos ang nasa puso lahat magkakasundo. | ... |
{11.1}
Kaibigang Manggagawa Kaibigan ko, kaibigan mo, Kaibigan ng buong mundo. Halina at kilalanin nyo ang kaibigan ko. Ako'y isang bumbero. Sa sunog ay maaasahan nyo. Anumang oras na kailangan nyo ay darating ako. Sa maysakit handa ako na tumulong sa inyo. Kalusugan ang hangad ko. Ako'y doktor na kaibigan nyo. Mahal na guro ay ako. Sa pag-aaral kaagapay niyo. Matiyagang pagtuturo ang alay ko Sa magandang kinabukasan nyo. May pulis, may tindera, Karpentero't magsasaka, Kartero't panadero. Manggagawang kaibigan ko. Kaibigan ko, kaibigan mo. Kaibigan ng buong mundo. Salamat po sa tulong nyo Mga kaibigan ko, mga kaibigan ko. | ... |
{13.1}
Masayang pamilya Masayang pamilya ay laging sama-sama. Kahit may problema ay nagkaisa Si tatay at nanay, si ate at kuya Kasama si bunso. O kay saya-saya, o kay saya-saya. Si tatay at nanay sa 'tiy gumagabay. Magandang kinibukasan sa ati'y ibibigay. Kaya tayong mga anak dapat na tandaan. Sumusunod sa magulang pagpapala'y makakamtan. La, la, la ... Dalangin namin o Diyos ang pag-iingat mo. Pamilya ko' patnubayan mo. Salamat po Hesukristo. | ... |
{17.1}
Umawit at Bumilang Tayo nang umawit isa, dalawa, tatlo Apat, lima, anim yan ang gulang ko. Pito, walo, siyam o kaysarap na bumilang. Sampung mga daliri sa 'ting mga kamay Ipalakpak at ikaway. Labing isa, labing dalawa labing tatlo labing apat, labing lima, ha ha Labing anim, labing pito, Labing walo, labing siyam at dalawampu. Awitin na matututunan mo Awitin na pabilang ay kaya mo. | ... |
{19.1}
Pito-pito Pito, pito, pito, pito Pito ang araw sa loob ng isang linggo. Linggo, Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes at ang Sabado. Mga araw sa loob ng isang linggo Halina at awitin natin 'to. Mga araw sa loob ng isang linggo. Linggo, Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes at ang Sabado. Mga araw sa loob ng isang linggo. Pitong araw sa isang linggo. Bumilang tayo ng pito. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, apat, pito. | ... |
{21.1}
Oras na ng Kuwentuhan Maupo at maghanda, Oras na ng kuwentuhan. Ang tainga at ang mata ay ating buksan. Oras na ng kuwentahan, kuwentahan, kuwentahan. Oras na ng kwentuhan handa na akong makinig. (2x) | ... |
{23.1}
Magpahinga aking mahal Iyuko ang ulo, Ipikit ang mata. Ang ating katawan ay ipahinga. Magpahinga, ang ating katawa'y ipahinga. (2x) | ... |
{25.1}
Ang Panahon Tignan natin at pakiramdaman Ang panahon kaibigan. Maaraw ba o maulan? Pagpasok sa ekwelahan. Maaraw, mararaw ang panahon. (2x) Tignan natin at pakiramdaman Ang panahon kaibigan. Maaraw ba o maulan? Pagpasok sa ekwelahan. Maulan ang panahon. (4x) | ... |
{27.1}
Kalikasan at Ako Kaygandang pagmasdan ng kapaligiran. Mga ibon sa parang ay nagliliparan, Mga bundok at ang dagat likha ng maykapal, Mga hayop at halaman, tuna'y na ka-inam. Ngunit bakit nga ba? Ngayo'y ganito na, Tila lahat ay nagbago Likha ng Diyos ama Kaibigan ko tayo' magkaisa Subukang iligtas Likha ng Diyos ama Sa 'ting mga tao, Naksasalala'y ito Atin ngang ingatan at pagyamanin 'to. Habang may panahon, gumising na tayo Lagi ng tandaan, kalikasan at kamyamanan Handog sa 'tin ng maykapal. | ... |
{31.1}
Batang magalang Ang batang magalang ay kay gandang masdan, Kay lolo at lola maging sino pa man. Ang po at opo'y laging sasambitin Sa lahat ng nakatatanda sa'tin. Maging ang kaibigan dapat ding igalang. Gawain na kay inam di dapat kalimutan. Sa batang magalang saludo tayo d'yan. | ... |
{33.1}
Dahan-dahan lang Sa lahat ng panahon kahit nasan kaman Matututong maghintay pagsating ng iyong oras. Sa pagpila at pag-uwi, isa-isa lamang Pagtutulakan ay iwasan walang masasaktan. Isa, isa, isa lamang, Dahan-dahan ka lang. Ang oras mo ay darating kung Kaya't maghintay lamang. Kung tayo ay magkakasundo Sa pagpila pa lang ito'y ugaling kay inam dapat na tularan. Maging matiyaga Lagi mong tandaan. | ... |
{35.1}
Pangako O kaysarap alalahanin nang ako ay bata pa. Doon sa kindergarten tuay na kaysaya. Mahal na mga guro saki'y nag-alaga Kung kaya't sa puso't isip ko'y di mawawala. At ngayon sa araw na ito Tanggapin po ninyo Ang pasasalamat ko Sa aking guro at sa magulang ko. Lahat ng ito'y alay sa inyo. Mabuting asal at ang karunungan, Ito'y di mawawaglit kailanpaman. Mahaba pa ang panahon na aking lalakbayin Upang tuluyang maabot ang pangarap na maging akin. Kami ngang kabataan ang pang-asa ng bayan. Kung kaya't pagbubutihan ang aking pag-aaral Lahat ng tinuro'y di kalilimutan Upang maging gabay sa kinabukasan. Ang pangakong pagbubutihan ko Upang ikarangal ng magulang ko At magbigay dangal sa bayan ko Pangako kong ito' alaysa inyo. | ... |
{37.1}
Salamat po Panginoon Ang ulo'y iyuko, ang mata'y ipikit. Tayo ay nmanalangin nang mataimtim. Salamat po Panginoon, sa araw na ito, Sa karunungan, at kaibigan na kasama ko. Salamat po sa titser ko na nagmamahal. Dalangin namin sa Maykapal kami ay ingatan. Salamat po sa magulang ko na nagmamahal. Dalangin namin sa Maykapal kami ay ingatan. Salamat po, o, Diyos, papuri ko sayo. Magpahinga aking mahal. (2x) | ... |
{39.1}
Paalam na Maghanda-handa tayo'y uuwi na. Bukas na muli tayo'y magkikita. Paalam na sa'yo. (8x) Paalam. | ... |
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/halina.html
3.1 Bayan ko
3.2 Halukay ube
3.3 Sasakyan kita
3.4 Hindi ko kayaHindi ko kaya
Halina't Magsaya
Bayan ko Ang bayan kong Pilipinas, lupain ng ginto't bulaklak. Pag-ibig ang sa kanyang palad nag-alay ng ganda't dilag. At sa yumi at ganda dayuhan ay nahalina. Bayan ko binihag ka, nasadlak sa dusa. Ibon mang may layang lumipad, kulungin mo at umiiyak. Bayan pa kayang sakdal dilag ang di magnasang makaalpas. Pilipinas kong minumutya, pugad ng luha ko't dalita. Aking adhika, makita kang sakdal laya. Jose Corazon de Jesus |
Mein Heimatland Die Philippinen sind meine Heimat, das Land von Gold und Blumen. Liebe weihte seinem Schicksal Schönheit und Größe. Ausländer waren beeindruckt von Feinheit und Schönheit. Meine Heimat, jetzt gefesselt und im Unglück verstrickt. Ein Vogel fliegt nur in Freiheit, in den Käfig gesperrt, weint er. Das Land kann großartig sein, ohne sich befreien zu wollen. Meine hochgeliebten Philippinen, Ort meiner Tränen und des Leidens. Mein Wunsch, dich ganz frei zu sehen. |
O ano mga girls May bago na naman tayo ha Malumbang matutuwa na naman ang mga bata At matatandang n'yan Mga pusang kalye At asong gala At kung sino-sino pa diyan O anong sey iyo. | Oh was für Girls Wir haben echt was Neues Immer werden die Kinder sich freuen Und ihr Alten auch Die Straßenkatzen Die streunenden Hunde Und wer sonst noch bei euch Was sagst (say) du nun? | |
Maglaro tayo Gagayahin mo ako Gagayahin din kita Sa lahat ng gagawin mo Sa una ay sabay Di ka puwedeng sumablay Pabilis na pabilis Hanggang sa ika'y mangalay. | Spielen wir jetzt Du machst mir nach Und ich mach dir's nach Alles was du tust tun wir erst mal zusammen Du kannst nicht falsch machen Ganz schnell, ganz schnell Bis dir die Knie zittern | |
Sumayaw tayo Sa step na gusto mo Mag-isip ka ng sa 'yo Dahil meron na ako Kung sinong mataya Sasayaw siya sa gitna Kasali ang matanda at bata. |
Tanzen wir jetzt Im Schritt wie du willst Denk nur an dich Dafür bin ich da Wenn jemand es wagt Tanzt er in der Mitte Alt und Jung macht mit | |
Get get get get out | Geh aus dir heraus | |
Lumukso lukso Gayahin n'yo ako Umikot ikot sabay-sabay na tayo Kumembot-kembot Na parang walang buto Halukay ube Halukayin n'yo nang todo. | Springt, springt mal Machts mir nach Dreht mal, dreht euch &nbp; Wir alle zusammen In den Hüften wackeln Als wenn wir keine Knochen hätten Grabt Ube aus Grabt mit Volldampf | |
Atok atok atok Apis apis apis Akis akis akis Apir apir apir Ay nabali Diligan mo Atok atok atok Apis apis apis Akis akis akis Apir apir apir Ay nabali Diligan mo | [katok] Klopf-klopf a piece A kiss Appear Oh, ist kaputt Gieß Wasser drauf | |
O ano sasali ba kayo Humanda ang lahat Puwede dito kahit sino Kahit nasaan ka man Nasa bahay o trabaho Kahit nasa kalsada Puwede n'yong gayahin 'to Intiendes? | O was macht ihr mit Alle sind bereit Jeder kann hier mitmachen Wo du auch bist Zu Hause oder auf Arbeit Irgendwo unterwegs Jeder kann das nachmachen Kapiert ihr das? | |
Maglaro tayo ... Get get get get out Lumukso lukso ... Atok atok ... | ... | |
Apir disapir One half one forth One forth one half Disapir apir | Appear disappear... | |
Lumukso lukso ... Atok atok | ... | |
O di ba Ang dali maning-mani Hindi na kailangan Ang maraming pagbubusi Para lumakas Sumigla ang katawan Ang tama lang gawin Sumayaw ng tulad namin Intiendes? | Nicht wahr Wirklich ganz einfach Das brauchen wir nicht Das viele busy-Sein Mit allen Kräften Jede Faser ist begeistert Das einzig Richtige ist Wie wir zu tanzen Kapiert ihr das? | |
Intiendes? | Kapiert ihr das? |
Sasakyan kita sa lahat ng gusto mo Sasakyan kita Bastat sasakyan mo rin ako |
Ich bring dich überall, wohin du willst [ich bring dir alles, was du willst] Und du bringst mich auch, wohin ich will | |
Kung gusto mo ng kiss pagbibigyan kita Kung gusto mo ng hug sige magsawa ka Kung gusto mo ng socks bibilhan kita Kung gusto mo ng juice ititimpla kita Kung gustong magrelax imamassago kita Kung gusto mo ng hard ididiiin ko pa Kung gusto mong magswimming sige sumisid ka Kung gusto mong magdrive sasakyan kita Sakay na | Wenn du einen Kuss willst, geb ich ihn dir Wenn du geherzt sein willst, ich tu's bis zum Überdruss Wenn du Socken willst, kauf ich sie dir Wenn du Saft willst, misch ich den dir Wenn du entspannen willst, massier ich dich Wenn du's stark willst, pack ich fester zu Wenn du schwimmen willst, tauchst du sicher Wenn du Auto fahren willst, dann fahr ich dich Einsteigen! | |
Sasakyan kita ... Sasakyan kita ... | ||
Kung gusto mo ng kiss pagbibigyan kita Kung gusto mo ng juice sasakyan kita Sakay na | ||
Sasakyan kita ... Sasakyan kita ... | ||
Nanay tatay gusto kong tinapay Ate Kuya gusto kong kape Lahat ng gusto ko ay susundin mo Ang magkalami ay pipingutin ko Isa dalawa tatlo | Mutter Vater, Brot möchte ich Schwester Bruder, Kaffee möchte ich Alles was ich will besorgst du mir Wenn du einen Fehler machst, zwick ich dich ins Ohr Eins zwei drei | |
Sasakyan kita ... Sasakyan kita ... Sasakyan kita ... Sasakyan kita ... Sakay na |
Magmula nang magkalayo Araw gabi naglulungkot. Di matanggap ng damdamin na ikaw ay 'di na akin | Seit weit von einander entfernt Tag und Nacht bin ich traurig. Ich kann nicht verstehen (das Gefühl akzeptieren), dass du nicht mehr mein bist. |
|
Paano ang gagawin ko? Nasanay na sa piling mo. Sana'y hindi tayo nagkalayo, sana'y naririnig mo: |
Was kann ich tun? Ich war gewohnt, an deiner Seite zu sein. Ich wünsche, dass wir nicht weit voneinander sind. Ich hoffe, dass du mich hörst: | |
Hindi ko kaya ang limutin kita. Masdan mo lumuluha ang aking mga mata. Pilitin ko man ako'y nasasaktan. Ang katotohanan ay mahal pa rin. |
Es ist mir nicht leicht, dich zu vergessen. Sieh meine Augen weinen. Selbst wenn ich mich zusammennehme (zwinge), bin ich verletzt. Die Wahrheit ist auch noch Liebe. | |
Nasaan ka man sana'y dinggin: Puso ko ay muling mahalin Ang nagdaan muling balikan Muling buhayin ang pagmamahalan Paano... | Wo du auch bist, ich wünsche du hörst mich. Du solltest mein Herz lieben. Lass uns die Vergangenheit zurückbringen. Lass uns wieder in Liebe leben. |
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/kanta.html
1 Einleitung / Pambungad
2 Texte / Mga Kasulatan
3 Kanonische - nichtkanonische Reihenfolge
/ Ayos na Karaniwan - Kabalikan
4 Taglish
Bartolome, Denzelle: I Hate You, My Love
Quelle / Pinagmulan → {16A-2 Karla}.
Die Einzeldaten Syntax wurden in der Werkstatt-Studie Statistische Untersuchung von Reihenfolge von Prädikat und Subjekt in der filipinischen Sprache ausgewertet {W Stat P-T}.
Die Einzeldaten Taglish wurden in der Werkstatt-Studie Englische Einsprengsel in der filipinischen Sprache (Taglish) ausgewertet {W Taglish}.
{5.201}
Nawala na ang kanyang |K| antok. Nagtimpla siya |K| ng kape. Nagulat siya nang magsalita mula sa kanyang likuran si Chris |C|. "May maidadahilan ka na naman siguro bukas kapag late kang nagising. Alalahanin mo, malayo ang Barangay San Pascual na destinasyon natin bukas. Hindi ko na ito-tolerate ang pagiging unprofessional mo." Hindi naman malakas ang tono nito, pero para sa kanya ay daig pa niya ang minura at sinigawan. Biglang umakyat ang dugo sa kanyang ulo. | Ihre Müdigkeit war schon weg. Sie machte sich einen Kaffee. Sie erschrak, als hinter ihr Chris sagte "..." Nicht eigentlich laut war seine Stimme, aber sie fühlte sich unterlegen von dem Schimpfen und Anschreien. Plötzlich stieg ihr das Blut zu Kopf. |
{5.202}
"At kailan ka pa nagkaroon ng tolerance sa mga ginagawa ko, Mr. Ferrer? Sumosobra ka na! Ano ba ang ipinagkukukot ng loob mo at nagdabog ka pa kaninang may bisita ako? Ikaw ang nagpapakita ng unprofessionalism. We should act accordingly and professionally. Baka nakakalimutan mong opisyal ang bisita ko kanina?" aniya, mataas ang boses. "I'm just reminding you, Karla, dahil nandito tayo para magtrabaho. And don't accuse me of things that I'm not capable of doing. Hindi sinadyang nalaglag ang wood carving na nasa side table nang tumalon ang pusang alaga ng caretaker dito. Look, habang nananatiling sarado ang isip mo sa mga paalala, hindi tayo magkakasundo." "So what?" Sinabayan niya iyon ng pasok sa kanyang kuwarto; isinara niya nang malakas ang pinto pagkatapos niyang pukulan ito ng matalim na irap. | "..." sagte sie mit erhobener Stimme. "..." "..." Sie begleitete ihn in ihr Zimmer; sie schloss die Tür laut, nachdem sie ihm einen bitterbösen Blick zugewofen hatte. |
{5.203} (S. 15)
Hindi siya |K| makatulog
dahil sa galit at pagkainis dito |C|.
Inip na inip na siyang |K|
matapos ang assignment nilang |K+C| ito. Pero matapos man ito |assignment|,
tiyak na may mga kasunod pa at alam niyang |K| sila |K+C| pa
rin ang tiyak na magkakasama. Para walang masabi ito |C|, maaga siyang |K| naghanda para sa lakad nila |K+C| kinabukasan. Nagulat pa ito |C| nang paglabas nito |C| ng kuwarto ay nakita nitong |C| naghihintay na siya |K| sa sala. "Marunong ka rin naman palang gumayak sa tamang oras. Mabuti naman." |
Sie konnte nicht schlafen vor Ärger und Wut auf ihn. Ungeduldig beendete sie ihrer beider Aufgabe. Aber diese fertig zu haben, bedeutete mit Sicherheit weitere, und sie wusste, dass sie dann mit Sicherheit zusammen blieben. Aber er sagte nichts, früh bereitete sie sich für ihren Ablauf am nächsten Tag vor. Er war erschrocken, als er aus seinem Zimmer ging und sie im Wohnzimmer warten sah. |
{5.204}
Nagpanting ang kanyang |K| mga tainga. Gusto sana niyang |K| maging
maganda ang araw niya |K| pero sinira na nito |C| iyon |araw| umaga pa
lang. "Ano ba talaga ang gusto mong mangyari, Mr. Ferrer? Hindi kita maintindihan. Sala ka
sa lamig, sala ka sa init. Now tell me, where should I stand? What should I do to please
you, Sir?"
"Huwag ka sanang mag-overreact, Karla. I didn't mean anything. In fact, 1 appreciate your punctuality this morning," walang ekspresyong sabi nito. "Chris, hindi ako manhid at lalong hindi ako tanga! Alam ko ang totoong papuri at alam ko rin ang insulto. So please, don't pretend to be innocent, hindi ako maniniwala." "It´s up to you. Hindi naman kita pinipilit na maniwala." "Mr. Ferrer, kung puwede nga lang sanang tanggihan ang management kapag pinagsasama nila tayo, 'yon ang number one na gagawin ko."
{5.205} (S. 16)
Delubyo para sa kanya ang tatlong linggong pagtitiis sa pagsasama nila ng lalaki
sa field na laging nagbabangayan. Laking pasalamat niya nang dumating ang araw na pabalik
na sila sa Maynila.Sa main office ay masayang sumalubong sa kanila si Belle, ang
girlfriend ni Chris na officemate nila at kaibigan niya. Bookkeeper ito ng kompanya.
Iniabot dito ng lalaki ang mga sariwang prutas na binili nito sa Santa Barbara.
"Wow! Thank you, Sweetheart! Ang thoughtful mo talaga." Humalik ito sa pisngi ng
lalaki na ginantihan naman ng huli ng halik sa noo nito. Iniiwas niya sa mga ito ang
kanyang tingin. Ayaw niyang nakikita ang matamis na pagtitinginan ng mga ito.
"Sweetheart, mukhang pagod ka," anang babae habang pinupunasan ang pawis ng kasintahan nito.
"I tried my best to finish the willingness-to-connect survey on time. Pero kung hindi
siguro ako naging determinado, baka masira ang kompanya sa target date na dapat simulan
ang project. Hindi ko kasi maintindihan ang ilang empleyadong masyadong relaxed. Parang
sila ang hihintayin ng oral kung magsikilos." Aray! sa loob-loob niya. Parang gusto
niyang pilipitin ang leeg ng lalaki. Nasira lalo ang kanyang sira nang mood ngunit
nagtimpi na lamang siya. Ah, kung hindi lang kaharap si Belle, kung
hindi lang best friend niya ito...
{5.206} (S. 17)
Kasabay ng despedida party sa magreretirong manager ng kompanya ay nakatakdang
pagkalooban ng management ng recognition ang excellent performance nila ni Chris sa mga
successful projects na hinawakan nila. Alam niyang isang step na iyon para sa lalaki dahil
sa hinihintay nitong promotion. Nakalinya itong ipalit sa mababakanteng posisyon ng
assistant manager. Mapo-promote kasi ang kasalukuyang assistant sa iiwanang posisyon ng
magreretirong manager. Hindi niya maintindihan kung natutuwa o nalulungkot
siya sa kaalamang sa mga susunod na assignments
niya ay maaaring hindi na niya kasama ito dahil promoted na ito.
"Hi, Karla! May isusuot ka na ba for the party tonight?" tanong ni Belle. "Puwede na siguro 'yong lumang evening dress ko. Ginamit ko iyon noong nag-present ako ng award sa nanalong Miss Teen Beauty sa amin." "Sabagay, maski ano naman ang isuot mo, nagmumukhang bago at expensive dahil kayang-kaya mong i-carry. Siguradong mamumukod na naman ang beauty mo, 'day", masayang papuri nito.
Totoo naman ang tinuran nito. Bukod sa sinasabi ng karamihan na maganda ang hubog ng kanyang katawan, marunong din siyang magdala ng damit; matangkad siya at well-proportioned ang kanyang katawan. Hugis-puso ang kanyang mukha; matangos ang kanyang ilong; bilugan at expressive daw ang kanyang mga mata.
{5.207} (S. 18)
Marami-rami na rin ang nagsasabing malakas ang kanyang dating, lalo na sa mga
pagtitipon na dinadaluhan niya. Sa katunayan, pila ang kanyang mga manliligaw; lahat ay
nanunuyo at gumagawa ng paraan para makuha ang kanyang atensiyon sa kabila ng katotohanang
may boyfriend na siya, si Joshua. Bukod-tanging si Chris ang Making very rude ang
pakikitungo sa kanya. Lumapit ito kay Belle; pinisil nito sa baba ang huli.
"Pero para sa akin, sweetheart, ikaw ang pinakamaganda," anito. "Besides, ang tunay na kagandahan ay wala sa panlabas na anyo. Nasa character ng tao. Walang kuwenta ang kagandahan kung ang isang tao'y hindi marunong magpahalaga sa damdamin ng kanyang kapwa." Alam na alam niyang siya na naman ang pinariringgan nito. Pinukol niya ito ng matalim na sulyap. Hindi nakaila I rito ang kanyang ginawi. Nakita niya ang pagtitiim ng mga bagang nito, ang kislap ng galit sa mga mata nito. Pamilyar na iyon sa kanya. Silang dalawa lamang ang nakakaalam ng puno't dulo ng lahat at ayaw na niyang pag-ukulan iyon ng pansin, ayaw na niyang balikan.
{5.208} (S.19)
"Belle, nagugutom
na ako.
Hindi ako nag-lunch.
Maiwan ko muna kayo. Tutal,
breaktime na, mag-i-snack muna ako." Paraan
lamang niya iyon para matakasan
niya ang ganoong sitwasyon.
Sayang, wala si Joshua
para makasama sana niya.
At least, nakakaramdam siya
ng security kapag naroon
ang kanyang nobyo, naiibsan
ang kabigatan ng kanyang
kalooban dahil very thoughtful at gentleman ito,
taliwas sa mga ipinapakita
sa kanya ni Chris. Ang kanyang
nobyo ang chief supervising engineer
ng kompanya.
Nasa isang one-week conference-training ito sa Canada. Umalis itong may hinanakit sa kanya dahil sa pagtanggi niya sa nais nitong magpakasal na sila. Aywan niya pero talagang hindi pa siya handa, hindi dahil hindi pa siya sawa sa buhay-dalaga-twenty-five na siya, ang edad na sabi ng nakararami na okay na para sa babae para pumasok sa married life kundi, hindi lang niya talaga maintindihan ang kanyang sarili kung bakit hindi maipasok sa kanyang sistema ang pagiging future Mrs. Joshua Carvajal.
{5.209} (S. 20)
"Wait, Karla!" tawag ni Belle. "Nagugutom na rin ako, sabay-sabay na tayong
lumabas. Come, .sweetheart, mag-snack muna tayo." Hinila nito ang nobyo nitong halatang
napilitan lamang na tumalima.
Hindi ria rin siya nakatanggi. Paano ba niya ipapaliwanag dito na kaya siya mag-i-snack ay dahil umiiwas siya sa boyfriend nito? Nananadya talaga ang pagkakataon;lagi silang pinagsasamang lalaking hanggang maaari ay ayaw na rin sana niyang makita.
Sa isang burger house sa tapat ng kanilang opisina sila nag-snack. Magkatabi angdalawa. Habang kumakain sila ay hindi niya naiwasang sumuiyap sia mga ito. Sa tingin niya ay napakasarap din namang magmahal ang lalaki sa nobya nito. Maasikaso at gentleman ito, tulad ni Joshua.
Sabagay, nakikita naman niya kung paano ito makisama sa1 iba pang babaeng kasama nila; mabait, thoughtful at magalang ito. Sa kanya lang nagpapakita ito ng pangit na bahagi ng pagkatao nito.Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit parang may pinong kirot na humaplos sa kariyang puso.
"Balita ko, kailangan n'yo pang bumalik sa Santa Barbara bago ka i-promote sa managerial position, sweetheart. Pinaplantsa na lamang daw ng management ang lahat bago simulan ang construction ng project," wika ni Belle pagkatapos nitong sumipsip sa straw sa bote ng soft drink nito.
"Okay lang," anang lalaki. "Pero dahil nasa actual survey stage na ang project, I want a more devoted and more dependable partner in monitoring it. Puwede sigurong i-request ko sa management na ibang project coordinator naman ang makasama ko."Muntik na siyang masamid.
"Bakit naman? Maganda nga ang team ninyo, eh. Lagi n'yong naa-accomplish ang assignment n'yo before the given deadline. At wala pa kayong pumalpak na trabaho. Ayaw mo bang kasama si Karla? Aba, 'yong ibang lalaki rito, nagkakandarapa para lamang makasama siya sa mga field assignments. Aren't you proud na isang magandang babae ang katrabaho mo? Alam mo, sweetheart, kung hindi nga lang alam kong boyfriend ni Karla si Engineer Carvajal, magseselos ako sa kanya. Nakaka-insecure ang beauty niya." "I'm really wondering, Belle, kung bakit hindi nakikita ng boyfriend mo ang mga naiko-contribute ko sa trabaho. As if nagiging tau-tauhan lang ako sa pagganap sa mga trabaho namin," punung-puno ng hinanakit na wika niya. "I didn't mean anything. Gusto ko lang na maiba naman ang ka-partner ko.Baka mas maging maganda pa ang resulta." Nakatingin ang lalaki sa kinakain nitong lomi nang sabihin nito iyon. Umakyat ang dugo sa kanyang ulo. Gaano man kahaba ang pisi niya sa lalaking ito, darating at darating din siya sa dulo.
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/karla.html
Quelle: Clemen M. Bautista: Kung Saan Ka Naroon ...
LIWAYWAY, 02 Marso 2008 { Liwayway}
{3.1}
Kung saan ka naroon Naroon din ako; Ang aking pag-ibig, ang aking pagsinta, Sa mabining simoy Ng hanging Amihan, Iyong malalanghap, kusang madarama, Bawat dami nito'y Halik ng pagsuyong iyong inulila! |
Wo auch immer du bist, da bin auch ich. |
{3.2}
Sa tuwing umaga'y Masdan ang bulaklak, Ang butil ng hamog sa sullang talulot, Ang luhang pumatak Ng pusong sa dusa'y ibig nang malunod; Ang perlas na butil, Bawat isang patak: Lunas sa lungkot kong ikaw ang nagdulot! |
Jeden Morgen betrachte ich die Blumen. |
{3.3}
Sa awit ng ibon Kung bukang-liwayway, Ako'y nagtatanong, saan makikita Saan ka naroon? Subalit ang tugon: malamyos na kanta, Himig ng kundimang ang diwa'y kaisa, Sa tanong ng puso: Saan hahanapin ang naglahong sinta? |
Mit dem Lied der Vögel bei Sonnenaufgang frage ich mich: Wo kann ich dich finden, wo bist du? Aber die Antwort ist: |
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/kung_saan.html
1 Einleitung / Pambungad
3 Texte / Mga Kasulatan
Ambrosio, Dante L.: Sandaigdigan at Kalangitan: Katutubong Larawan,
Katutubong Pangalan
Quelle / Pinagmulan → {16A-2 Ambrosio 2006}.
Departamento ng Kasaysayan
Unibersidad ng Pilipinas Diliman
{1.11}
I-A. Sinaunang Sandaigdigan at Kalangitan
Inilarawan ni Loarca ang sandaigdigan ng mga Pintado ng Panay na nahahati sa
iba’t ibang rehiyon. Nakatira ang diwatang si Macaptan sa pinakamataas na bahagi ng
langit. Nandirito rin sa langit ang isa pang diwata, si Sidapa. Ayon sa ibang tagaPanay,
sa langit tumutungo ang kaluluwa ng mga taong namatay sa saksak, kinain ng buwaya o
napana.
{1.12}
Ginagamit nilang daan patungo sa langit ang balangaw o bahaghari. Kapag
namatay ang isang tao, dinadala muna ng diyos na si Maguayen ang kaluluwa nito sa
“mababang rehiyon” sa pamamagitan ng kanyang barangay. Sa lupa naman nilikha o
lumitaw ang mga unang tao sa mundo at dito sila nabuhay kasama ang mga diwata.1
Iniulat naman ni Plasencia ang paniniwala ng “ilang pagano” na napupunta ang
mga masasama sa casanaan, isang lugar ng pagdurusa, kung saan nananahan ang sitan o
demonyo. Pinaniniwalaan din na napupunta ang mga mabubuting tao sa maca, ang “bayan
ng pahinga”.
{1.13}
Wala diumanong napupunta sa langit kung saan nananahan si Bathala.2 Apat
na rehiyon ang ipinahiwatig ni Plasencia: ang lupa na pinagmulan ng mga namatay, ang
langit na tinatahanan ni Bathala, at ang maca at casanaan na pinatutunguhan ng mga
mabuti at masamang tao. Idinagdag pa rito ni Chirino ang calualhatian.3 Hindi malinaw
kung ito rin ang maca o langit o iba pang lugar ito.
{1.21}
I-B. Nagbagong Larawan ng Sandaigdigan at Kalangitan
Habang inilalarawan nina Loarca, Plasencia, at iba pang nagulat na Espanyol ang
sandaigdigan at kalangitan ng mga sinaunang Pilipino, sinimulang baguhin ng mga paring
misyonero ang larawan at kahulugan ng mga ito. Sa kanilang pangangaral, ipinalaganap
ang isang larawan ng sandaigdigan na may pagkakahawig at pagkakaiba sa katutubong
larawan.
{1.22}
Ngunit nagbigay man ito ng bagong kahulugan sa sandaigdigan, hindi naman
nabago ang batayang tatlong sapin ng sandaigdigan ng mga Pilipino at ang pagkakaroon
nito ng iba’t ibang rehiyon. Para sa mga mabubuti ang langit sa kaitaasan at para sa
masasama ang impiyerno sa ilalim ng lupa. Bahagi ito ng pagpapala at parusang inilaan
ng dalawang paniniwala sa mga tao sa kabilang buhay. Naragdagan din, sa halip na
mawala, ang mga nilalang at dinakikitangnilalang na namumuhay sa mga sapin at
rehiyon ng sandaigdigan. Ang mga ito ang ilan sa mga pagbabagong ng Kristiyanismo sa
sandaigdigan ng mga sinaunang Pilipino.
{1.31}
I-C. Sandaigdigan at Kalangitan ng Iba pang Grupong Etniko
I-C-1. Ifugao ng Ifugao
Inilarawan ni Lambrecht ang sandaigdigan ng mga Ifugao mula sa kanyang pagaaral
ng epikong Hudhud. Nangimbukig ang tawag nila sa langit na takip ng kalupaan. Dito dumadaan
ang araw na naglalakbay mula Lagud patungong Daya (silangan pakanluran sa lugar ng
Hudhud). Kabunyan ang tawag nila sa kalangitan. Pugaw ang tawag nila sa lupa kaya mga
Ifugao ang mga taong naninirahan dito. Dito sa pugaw nakapatong ang nangimbukig.
Mababa ito sa dakong lagud at mataas sa dakong daya.
{1.32}
Lampas sa mga rehiyong ito at
labas sa nangimbukig – sa Lagud at Daya – nananahan ang ibang mga diwata.4
Dalom ang tawag sa ilalim ng lupa. Bukod sa Manlilindol, marami pang ibang
diwata sa Dalom, pati na sa hugismangkok
na ilalim ng ilalim ng lupa. Tamok ad Dalom
(matigas na pundasyon ng ilalim ng lupa) at Dopon ad Dalom (kailaliman ng ilalim ng
lupa) ang mga tawag sa kailalimang sumusuporta sa Pugaw, Lagud, Daya at Kabunyan.
Para makarating sa Dalom dumadaan ang isang Ipugaw sa lagud palabas ng Lagud. May
lawa sa Lagud, ang lobong ad Lagud, na kailangang sisirin patungo sa Dalom.
{1.33}
Pabalik,isinasakay siya ng isang diwata sa sibat na inihahagis nito pabalik sa lawa.
Puwede rin siyang pumasok ng Dalom sa pagdaan sa butas ng lupa na kanyang ginawa sa
pamamagitan ng baliga, isang bahagi ng habian ng mga Ipugaw. Bumubuka ang lupa at
lumilitaw ang landas pababa sa mga kabahayan sa ilalim nito.
Para naman makarating sa Kabunyan, ang kalangitan na nasa ibabaw ng
Nangimbukig, dumadaan ang isang Ipugaw sa daya palabas ng Daya.
{1.34}
Dito sa Kabunyan
matatagpuan ang mga bayan ng mga diwata. Para makabalik sa lupa, tinatahak niya
pabalik ang kanyang dinaanan patungong Kabunyan. Puwede ring sabayan siya ng isang
diwata sa pagtalon mula Nangimbukig patungo sa bubong ng kanyang bahay.
{1.35}
I-C-2. 2. Tagbanua ng Palawan
Para sa mga Tagbanua ng Palawan, para ring takip ang langit na sumasakop sa
lahat ng nasa loob nito. Kawalan ang nasa kabila ng langit. Sinusuportahan ito ng
dalawang puno sa silangan at kanluran. Nakaupo ang tungkuyanin sa gilid ng takip na ito.
Sa butas ng langit dumaraan ang ulan na itinuturing ng mga Tagbanua na biyaya ng
diwata.
{1.36}
Itinuturing na katapusan ng mundo ang kiyabusan. Walang hangin dito bagaman
dito nagmumula ang hangin mula hilagang silangan. Dito dinadala ni Sumurutun ang mga
namatay sa epidemya sakay ng adiyung. Nasaan ang kiyabusan? Maaaring nasa ibaba
lamang ito ng langit dahil naglalayag diumano ang adiyung sa “mataas na rehiyon”
patungo sa kiyabusan dala ang mga namatay sa epidemya.
{1.37}
Nasa ilalim din ng langit ang dibuwat na siyang lugar ng mga ulap. Nananahan
dito ang maraming diwata, pati ang isang namatay na ninuno – ang Magraka na nasa
likod ng araw sa tanghaling tapat. Nagbibigay ito ng init ng buhay at nagtataboy ng mga
sakit. Nasa dibuwat din ang mga bangkay, mga ispirito na napatay sa karahasan o nalason
o namatay sa panganganak. Sa ibaba nito nakatira ang bulalakaw o diwata kat dibuwat.
Naglalakbay sila sa lugar ng mga ulap para tulungan ang mga nangangailangang
Tagbanua.
{1.38}
Pinakasagradong lugar ang awan awan. Lampas ito sa pinagmumulan ng liwanag
ng araw, ang langut, ngunit nasa pagitan pa rin ng langit at lupa. Dito nananahan ang
pinakamakapangyarihang diwata – ang Mangindusa, at ang kanyang mga kasama:
bugawasin, ang kanyang asawa; dibuwatanin, ang kanyang mga mensahero at iba pa.
Hindi bumababa mula sa awan awan si Mangindusa.
{1.39}
Nakaupo siyang nagduruyan sa
bintayawan (o barbarangan), parang duyan na gamit din ng babalyan sa mga seremonya.
Dito sa gitnang rehiyon, na kinabibilangan ng sidean at langut, inihahatid ng mga
diwatang dumalo sa seremonya ng babalyan ang pasalamat ng mga Tagbanua na bunubuo
ng mga dasal at mga alay na bigas, tabako at nganga.
Ilalim ng lupa ang a basad. Dito napupunta ang kaluluwa ng mga namatay sa
natural na dahilan. Ang ibang namatay sa epidemya ay sa kiyabusan napupunta, gaya nang
nabanggit na. Sa “mataas na rehiyon” naman napupunta ang mga namatay sa karahasan o
nalason; samantalang nanatili sa paligid ang mga namatay dahil sa sabu, ang mga nahuli
ng panyaan (mga diwata ng kapaligiran) o kinain ng mga katulong nito.
{1.40}
Kailangang sagutin ng kaluluwang Tagbanua ang tanong ng bantay sa tulay na
baging, ang balugu, na tumatawid sa sagradong ilog ng kalabagang. Tinatanong ng
taliyakud ang kaluluwa kung kinakain nito ang buko ng tubo. Kung hindi ang sagot,
mauuhaw ang kaluluwa at hindi siya makakainom kahit may tubig na puwedeng inumin.
Hindi raw dapat sinasayang ang pagkain. Kapag nagsinungaling ang kaluluwa, dadalhin
siya sa itaas ng puno at ibabagsak sa mga halamang matinik. Tinatanong din ng bantay
ang tuma, ang lisa na karga ng kaluluwa, kung ilan ang asawa o mangingibig ng kaluluwa.
Kailangan na pito ang sagot; kung hindi, ilang ulit na ilulubog sa ilog ang kaluluwa.
{2.0}
2 Sangguniang Bituin sa Langit
May mga piling bituin ang mga Pilipino na gamit bilang sanggunian sa mga
gawain. Dahil buong larawan ng langit ang kita sa Pilipinas, minamahalaga ng
kabihasnang Pilipino ang mga bituing kita sa hilaga, gitna at timog nito laluna iyong
sumisikat sa gabi at madaling araw ng mga buwan ng Oktubre hanggang Hunyo. Sa
hilaga, madalas banggitin ang Big Dipper (bahagi ng Ursa Major), Polaris, Aquila,
Dephinus, at Lyra. Sa timog, tampok ang Southern Cross, Alpha at Beta Centauri, at
Scorpius. Sa gitna, minamahalaga sa buong kapuluan ang Orion, Pleiades, Hyades,
Gemini, Canis Major at Canis Minor.
{2.1}
2-1 Balatik (Orion) at Moroporo (Pleiades)
Pinakakilalang bituin sa kapuluan ang Balatik at Moroporo. Pangunahing dahilan
nito ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga ito sa pagkakaingin.
{2.2}
2-2 Iba pang Talampad
Gaya ng Balatik at Moroporo, ipinangalan ang ibang bituin sa mga tao at bagay sa
kapaligiran ng mga pangkat etniko. Mahalagang bahagi rin ang mga ito ng iba’t ibang
gawain nila.
{2.31}
2-3 Gamit ng mga Bituin
2-3.1 Pagkakaingin
Teduray.
Dalawang puwesto ng mga bituin sa langit sa pagkagat ng dilim
at sa pagbubukang-liwayway
ang inaabatan ng mga Teduray para sa pagtatakda ng tamang
panahon ng bawat yugto ng pagkakaingin. Ito ang kemuda (nakasakay sa kabayo) na
tumutukoy sa tuktok ng langit at ang ranga (pugad ng manok) na tumutukoy naman sa 20o
sa palibot ng tuktok.
{2.32}
Kung ihahambing sa mga buwan ng kalendaryong Gregoryano, kemuda ang
Kufukufu (Pleiades) sa gabi sa huling bahagi ng Pebrero, ang Baka (Hyades) sa simula
hanggang gitna ng Marso, ang Seretar (Orion) sa huling bahagi ng Marso at ang
Fegeferafad (mga bituin ng Canis Minor, Canis Major at Gemini) sa huling bahagi ng
Abril. Kasabay nitong huli sa pagkemuda sa huling bahagi ng Abril, sa madaling araw
naman, ang Singkad (Delphinus) habang kemuda sa huling bahagi ng Mayo ang Kenogon
(mga bituin ng Aquila). Hindi nga maalam dati ang mga Teduray sa mga buwang
nabanggit, kaya ang pagkemuda at pagranga ng mga bituin ang pananda
nila.
{2.33}
Sinisimulan ng mga Teduray ang pagtanda at paglilinis ng uma kapag nasa taas na
o sa silangang bihinglangit (horizon) ang Seretar sa pagkagat ng dilim. Kasabay ito ng
pagihip ng hanging megenihan (hangin mula silangan) at pamumulaklak ng punong
keguku. Sa huling bahagi ng Disyembre o simula ng Enero ginagawa ang ritwal ng
pagtatanda. Pinakamainam na magsunog sa pagitan ng mga panahong kemuda ang
Kufukufu at ang Seretar. Ito ang pinakamainit na panahon na nagaganap sa huling bahagi
ng Pebrero hanggang katapusan ng Marso.
{2.34}
Puwede na diumanong magtanim sa pagitan ng mga panahong kemuda ang
Kufukufu at ang Kenogon. Pero pinakamainam kung ranga ang Seretar sa pagitan ng
kalagitnaan ng Marso at kalagitnaan ng Abril. Sa iba, pinakamainam kung nasa
magkabilang gilid ng ranga ang Baka at Seretar. Sa iba pa, pinakamainam kung nasa labas
na ng ranga ang Seretar at kemuda naman ang Fegeferafad. Alinman sa mga ito,
karaniwang nagtatanim ang mga Teduray mula huling bahagi ng Marso hanggang
kalagitnaan ng Mayo.
{2.35}
Sama.
Ginagamit ng mga Sama at Tausug ng Tawitawi ang Batik (Orion) at
Paliyama (Aquila) sa paghuhuma. Kailangang maglinis ng lupang sasakahin kapag nasa
posisyong 10 o’clock ang Batik sa pagkagat ng dilim (12 o’clock ang tuktok ng langit).
Dakong Disyembre/Enero ito. Maaari namang magsunog kapag nagsimula itong lumitaw
sa posisyong 11:30 o’clock. PebreroMarso naman ito. Pagkatapos, maghihintay na lang
ng pagulan bago simulan ang pagtatanim. Mahirap magtanim kapag nasa luttu/ugtu o
tuktok na ang Batik. Marami na diumanong nanginginain sa huma sa ganitong panahon
kabilang ang ibong maya.
{2.36}
Sa buwan ng Abril, sinasabing lampas na sa luttu/ugtu ang
Batik – nasa posisyong 2 o’clock na ito kapag nagdilim.
Ginagamit din ng mga Sama ang Paliyama bilang gabay sa pagkakaingin. Limang
posisyon nito sa langit ang tinutukoy sa paghahanda ng huma o lupang sakahan:
sampangan, malambang musim, luttu Paliyama, malambang palipat at palipat
Paliyama.
{2.37}
Nililinis ang huma kapag nasa sampangan at malambang musim ang Paliyama.
Panahong taginit ito sa pagitan ng buwang Enero hanggang Abril. Nagtatanim ng palay
kapag malapit na o nasa luttu/ugtu ito sa alas 5:30 ng umaga sa buwan ng Abril; ibig sabihin,
kapag nagsimula nang umulan. Huling dako na ito ng Abril hanggang Mayo
(kung kailan palubog naman ang Batik sa kanluran pagkagat ng dilim). Nakakalikha
diumano ng 24 na kaban ang isang ganta ng butil na itinanim sa mga panahong ito.
Itinatanim naman ang saging at niyog kapag nasa posisyong 9 o’clock o 45o ang
Paliyama.
{2.38}
Buwan ng Setyembre lumilitaw sa posisyong palipat Paliyama ang bituing ito. Ginagamit ng mga Jama Mapun na sanggunian sa pagtatanim ang Niyuniyu (puno ng niyog, malamang na Scorpius). Nagtatanim sila ng niyog kapag dahon at bunga pa lamang ng Niyuniyu ang lumilitaw sa silangan. Sa paniwala nila, agad nagbubunga ang niyog kahit maliit o mababa pa kapag itinanim sa panahong ito. Kung nagtanim nang mataas na ang Niyuniyu, magbubunga lamang ang itinanim kapag mataas na ito. Ibig sabihin, matatagalan bago ito mamunga.9 Tanggung (Aquila) ang ginagamit ng mga Jama Mapun sa pagkakaingin. Nagtatanim sila ng palay kapag nasa tuktok na ito sa madaling araw. Ginagamit ding pananda ang Mopo (Pleiades).10 | ... |
{2.39}
2-3.2 Pangingisda
May mga gamit sa pangingisda na inilagay ng mga Sama sa langit, yamang isa ang
dagat sa pangunahin nilang pinagkukunan ng ikabubuhay. Inilagay nila sa langit ang
bubu, isang uri ng palakaya; tangkal bubu, tali ng bubu; bunta, isang uri ng botete;
sahapang, sibat na may tatlong talim na panghuli ng isda; at anakdatu, mangingisda. Sa
mga Jama Mapun, dalawang mangingisda ang anakdatu na may hawak na sahapang na
nakaumang sa bunta. Sa ibang Sama, kapwa nasa langit ang anakdatu at ang kanyang
sahapang.
{2.40}
Sangguniang bituin ng mga Sama ang Bubu (Big Dipper) sa pagtaya kung mainam
ang panahon sa pangingisda. Kapag maraming bituin o bintangbintang sa loob nito,
maaliwalas ang langit at maganda ang panahon. Sa pagkakataong ito, ibinababa nila ang
kanilang bubu sa dagat sa pagasang maraming isda ang papasok dito. Isang paraan
naman ng pagtantya ng lakas ng alon sa dagat ang posisyon ng Tangkal Bubu, ang tali ng
bubu. Kapag nasa bandang silangan ito, sinasabing malakas ang alon sa dagat; pero kapag
nasa dakong kanluran, wala o mahina ang alon.
{2.41}
2-3.3 Pagpapanahon/Kalendaryo
May ilang grupong etniko ang iniulat na gumagamit ng bituin sa pagtukoy ng mas mahabang panahon kaysa sa araw o buwan. Tinataya ng mga Subanen ang paglipas ng taon ayon sa mga panahon ng magimula (pagtatanim) at gumani (pagani) at sa mga panahon ng taginit at tagulan. Tinataya nila ang mga bahagi ng taon ayon sa paglitaw ng mga piling bituin, pagsasamasama ng mga manok at baboydamo at pamumulaklak ng mga halaman. | ... |
{2.42}
Kulan ang tawag ng mga Subanen sa panahon ng Enero dahil sa paglitaw
ng mga bituing hugis brilyante. Dlibon naman ang Pebrero hango sa mga bituin na may
anyong batang lalaki na nakabukaka habang nasa isang paikutan ang kanyang mga kamay
at sumusuporta sa isang batang babae sa ilalim niya. Dlae naman ang Marso sunod sa
mga bituing hawig sa Pebrero. Ang kaibhan lamang, nasa itaas ang batang babae at nasa
ilalim niya ang batang lalake. Gblatik ang Hunyo sunod sa mga bituin na nasa anyo ng
bitag na panghuli ng baboydamo. Hindi malinaw kung ang mga ito rin ang mga
katawagan sa mga bituing Subanen.
{2.43}
Mga bituin din ang panantya ng mga Bukidnon sa iba’t ibang panahon. Kapag
sumikat sa silangan sa pagkagat ng dilim ang Molopolo at iba pang sangguniang bituin sa
pagkakaingin, panahon na ng tagtuyo. Kapag nasa tuktok na ang mga ito, panahon ng taginit.
Kung sumisikat na ang mga ito sa kanluran ng tuktok, tagulan na. Ito nga ang mga
panahong akma sa mga yugto ng pagkakaingin. Inaayon nila ang pagtaya ng isang taon sa
kanilang mga pananim: pagtatanim at pagani ng palay, pagtatanim at pagani
ng mais.
{2.44}
Nagagamit din ng mga Sama ang Paliyama sa pagtaya ng paglipas ng isang taon.
Isang taon ang pagitan bago bumalik sa isang posisyon ang Paliyama. Ibig sabihin, isang
taon ang pagitan ng mga malambang musim sa susunod na malambang musim.
{2.45}
2-3.4 Direksyon at Hangin
Malinaw sa gamit sa paglalayag kung paanong nagiging gabay ng mga Sama sa
pagtukoy ng direksyon ang mga bituin. Nasa kanluran ang Tunggal Bahangi at Mamahi
Magrib, nasa hilaga ang Mamahi Uttara (Polaris), nasa silangan ang Maga, nasa timog
ang Mamahi Satan. Alam ng mga magdaragat na nasa hilaga ang Bubu (Big Dipper) at
nasa timog ang Buntal (Southern Cross). Alam nilang naglalakbay mula silangan
pakanluran ang Mupu (Pleiades) at Batik (Orion).
{2.46}
Ilang minuto lamang nilang
oobserbahan ang pagbabago ng posisyon ng mga ito, malalaman na nila ang direksyong
silangankanluran. Batid ng mga Sama ng Tawitawi ang ugnayan ng ilang bituin sa hanging umiiral
sa isang panahon; hangin na nagsasabi rin ng direksyon. Umiihip ang hanging salatan o
satan (hanging timog) sa paglubog ng bituing Buntal. Pabilog ang isdang buntal kung
saan ipinangalan ang bituin. Hangin ang sinasabing laman ng bituing ito. Sa paglubog
nito sa dako ng islang Larap sa Sitangkai, lumalabas ang hangin sa katawan nito at ito na
nga ang hanging salatan. Sinasabi ring kapag lumubog na ang Anakdatu, hanging uttara
(hanging hilaga) na ang iihip kapalit ng hanging salatan.
{2.47}
Magkasunod lang naman sa
paglubog ang Buntal at Anakdatu. Kapag lumabas naman ang Mupu sa silangan,
sinasabing malapit nang umihip ang uttara. Kapag malabo ang mga bituin ng Batik sa
bandang hilaga, uttara ang hanging umiiral; kapag bituin sa timog ang malabo, salatan
ang hanging umiihip. Ginagamit ng mga Jama Mapun ang talampad ng NiyuNiyu
(Scorpius) para tukuyin ang mga hanging iihip. Kung kita ang unang buku (node)
nito pagdilim, iihip ang hanging timohlaut (hangin ng hilagang silangan). Kapag kita
na pati ugat, magsisimulana ang masamang panahon. Dakong HunyoHulyo ito.
{2.48}
2-3.5 Paglalakbay-dagat
Binanggit ni Scott na hindi gumagamit ng bituin ang mga sinaunang mangingisda
at manlalakbay na Pilipino. Mahirap itong paniwalaan lalo’t tumatawid ng dagat ang mga
sinaunang Pilipino. Maaaring wala pang ulat na lumilitaw ukol dito ngunit may mga
patunay ng paggamit ng bituin sa paglalakbay sa ibang ulat laluna noong siglo 20.
Binanggit ni Scott na alam ng mga sinaunang manlalakbay ang kompas ng mga Tsino na
tinawag na padaloman ng mga sinaunang Bisaya pero sa gabi lamang diumano ito
ginagamit.
{2.49}
Ayon sa ilang ulat, matitiyak na ginagamit din nila bilang kompas ang mga
hangin at ang mga bituin. Ilan sa mga bituing gamit ng mga Sama sa paglalakbaydagat
ang may pangalan. Karamiha’y alam lang nilang gamitin sa pagbibiyahe at hindi na
pinanganlan. Ginagamit sa paglalayag ang Mamahi Uttara (Polaris) dahil “istedi ito” sa
posisyon nito di gaya ng ibang bituin na nagbabago ng puwesto sa pagtawid sa langit.
Ito ang Sibilut ng mga Jama Mapun.
{2.50}
Minsang matukoy ito sa langit, batid na nila ang iba pang direksyon at ang
landas na kanilang tatahakin patungo sa kanilang destinasyon. Sa pamamagitan ng
Mamahi Uttara, nararating ang Cotabato at Zamboanga sa paglalayag sa direksyong
hilagang silangan mula sa Tawitawi, ang Celebes sa timog silangan, ang Sabah, Malaysia
sa kanluran at ang Balik Papan, Kalimantan sa timog kanluran. Ito ang pangkalahatang
direksyon ng mga destinasyong ito na sinusundan sa paglalakbay gamit bilang giya ang
Mamahi Uttara.
{2.51}
Ginagamit na gabay ang bituing Buntal sa paglalayag sa Dagat Sulu mula Mapun
patungong Bongao, mga bayan at isla sa Tawitawi. Nasa gawing timog silangan ng
Mapun at nasa gitna ng mga isla ng Tawitawi ang Bongao. Para marating ito, kailangang
panatiliin na isang dangkal sa kaliwa ng munda o unahan ng sasakyan ang Buntal. Kung
sobrang napakaliwa ang munda, sa Languyan sa hilagang dulo ng TawiTawi
makakarating ang sasakyan. Kung masyado namang napakanan ang sasakyan, dadaong ito
sa Sibutu na nasa dulong timog ng Tawitawi.
{2.52}
2-3.6 Ritwal at Dasal
Sa ibang grupong etniko, nakuha ang mga katawagan at gamit sa mga bituin
kaugnay ng pagkakaingin o pagpapanahon. Sa Kordilyera, karaniwang nasasambot ito sa
mga dasal na inuusal sa iba’t ibang ritwal. Bagaman may pagkakaingin din dito,
pagtatanim na may patubig ang sistema ng pagsasaka kung saan ginagamit na sanggunian
ang araw, puno at ibon. Ayon kay Vanoverbergh, inaanyayahan at inaalayan ng mga Kankanaey ang
kanilang mga ninuno, ang araw, buwan at bituin sa kanilang mga dasal at
ritwal.
{2.53}
Pero makaraan ang paganyaya, kagyat nilang pinababalik ang mga ito sa kanilang tinatahanan.
Inaanyayahan ang mga bituin bilang grupo: bilang talaw (bituin), kinmusilap ed to’do o
kinmusilap ed daya (kumikislap sa itaas o sa langit). Tinatawag din ang mga ito bilang
mga indibidwal na talampad: Salibubu (Pleiades), Binabbais (Orion’s Belt), Pinada’a
(Hyades), Bala’ay (Ursa Major), Sipat (Dolphin), Tikem (Sagittarius), Takang, Tudong,
Wayat, Dopo, Ketma, Uling, Liwliw at Aggiwanas (Milky Way).20
Sa mga Bagobo ng Davao, ang paglabas ng Balatik sa buwan ng Disyembre ang
tanda para ihanda ang mga gamit sa pagkakaingin. Ginagawa ang seremonya ng
paghahanda sa pandayan.
{2.54}
Gomekgomanan ang tawag dito at alay sa diwata ng mga
panday, ang Tolus ka gomanan. Ang paglitaw din ng Balatik ang tanda sa
pinakamahalagang seremonya ng mga Bagobo – ang ginem, ang pagaalay ng
sakripisyong tao tatlo o apat na buwan makaraan ang paglitaw ng Balatik at tiyempo sa
katunawan o kabilugan ng buwan. Pagaalay at pagpapasalamat ito sa mga diwata para
patuloy silang biyayaan ng tagumpay at kasaganaan at para iadya sila sa mga panganib at
masasamang ispirito. Kapuaangan ang seremonya ng mga Bagobo na ginagawa makaraan
ang anihan sa dakong NobyembreDisyembre.
{2.55}
Pagaalay ito ng bagong aning bigas sa
mga diwata at sa mga bituing Balatik, Mamare, Marara at Buaya. Gaya nang nabanggit,
nagsisilbing giya ang mga ito sa pagkakaingin kaya dapat lamang alayan ng bunga nito.21
May isang ritwal ang mga Tausug ng Sulu na ginagawa ng isang nagdadalangtao
para gumanda ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Alay ito sa bituing Maga (Tala sa
umaga) at tinawag na Duwaa Tsahaya Maga (Ritwal ng Tala sa Umaga). May limang
yugto ang ritwal. Una ang pagbati ng nagdadalangtao
sa Maga sa bukangliwayway makaraan ang sambahayang subu o pangumagang
panalangin.
{2.56}
Ikalawa ang pagpikit at
pagtitig sa Maga na tumatagal ng pitong beses na pagbilang hanggang 100. Ikatlo ang
tatlong beses na pagusal ng dasal ng kinang o liwanag habang nakapatong ang kanang
palad ng nagdadalangtao sa kanyang tiyan. Pangapat ang paghingi ng grasya o
pagpapala ng diyos. Habang nakataas ang bukas na palad, 99 na beses niyang inuusal ang
mga salitang “Ya Nur” (O! Liwanag). Tinatapos ang ritwal sa pagbigkas sa AlFatiha o
pambungad na kabanata ng Koran.22
{2.57}
2-3.7 Pananagisag
Sinundan ng Kristiyanismo ang mataas na pagpapahalaga ng mga sinaunang
Pilipino sa mga bituin sa paggamit sa mga ito bilang sagisag. Batis ito ng liwanag gaya
ng araw at buwan. Nagsilbi pa itong patnubay sa paglalayag tungo sa kaluwalhatian at
tagapamansag ng mabuting balita. Mahalaga itong sagisag hindi lamang sa mga
Kristiyano kundi pati na sa mga kilusang panlipunan. Binigyan ito ng mga kahulugang
angkop sa kanilang mga paniniwala at adhikain.
{2.58}
Mahigpit na nakaugnay ang bituin kay Hesus at kay Birheng Maria. Bituin ang
nagsilbing tagapagbando ng pagsilang at lugar na sinilangan ni Hesus – ang tinaguriang
“Bituin ng Bethlehem”. Pagpapatuloy ito ng sinaunang paniniwala na ibinabadya ng katangitanging
penomenon sa langit ang pagsilang ng isang malaking tao o ang
katuparan ng isang mahalagang pangyayari . Mula sa ganitong paguugnay, hindi na
mahirap isipin kung paanong ang karaniwang pagsasabit ng lampara o paglalagay ng
tinghoy sa pasamano ng bintana bilang gabay sa mga pauwi sa panahong wala pang
kuryente ay halinhan ng hugisbituing
parol tuwing Pasko bilang simbolo ng “Bituin ng
Bethehem”, ng pagsilang ng manunubos at gabay ng mga manlalakbay sa lupa patungo sa
langit.
{2.59}
Inihalintulad maging ang Birheng Maria sa bituing giya at tagaalo sa paglalakbay
sa maunos na dagat tungo sa hinahangad na kaluwalhatian. Hindi lamang katutubong
bituin ang inangkin dito ng Kristiyanismo bilang sagisag kundi pati na tradisyonal na
paglalakbay sa dagat ng mga sinaunang Pilipino.
Pinahalagahan din ng mga rebolusyonaryo ang mga bituin sa paglalagay nito sa
watawat ng Republika bilang sagisag. Sa Deklarasyon ng Kalayaan noong 1898, sinabing
sumasagisag ang tatlong bituin ng watawat sa Luzon, Mindanao at Panay kung saan
nagsimula ang paghihimagsik.
{2.60}
Pinalawak ang pananagisag na ito sa mga sumunod na
pahayag para katawanin ang pagkakaisa ng Luson, Bisaya at Mindanaw. Mula noon,
naging bahagi ang tatlong bituin ng mga selyo at iba pang gamit ng Republikang Pilipino.
Sa hanay ng mga rebolusyonaryo, umabot ang pagpapahalaga sa bituin sa
pagtatangka ni Artemio Ricarte, heneral ng Rebolusyong Pilipino, na bumuo ng bagong
mito ukol dito at sa mga bayani ng Rebolusyon.
{2.61}
Para sa kanya, bahagi ng pagggigiit ng
kalayaan at kasarinlan ang pagtatakwil sa mga katawagan at simbolong dayuhan. Mula sa
larangan ng armadong pakikipaglaban at pagpaplano ng insureksyon, pinasok ni Ricarte
ang larangan ng pakikipagtunggaling pangkultura nang kanyang ipanukala noong 1930
ang “pilipinisasyon ng mga katawagan” habang nasa Yokohama, Hapon siya. Bahagi nito
ang pagpapalit ng mga pangalan ng mga bituin bilang pagpaparangal sa mga bayani ng
pakikibaka laban sa kolonyalismong Espanyol at Amerikano. Tinagurian niya itong
“pilipinisasyon ng langit”.
{2.62}
Bittumpok (bituin at tumpok) ang itinawag niya sa
konstelasyon, puyongulo ang zenith at guhitdagat naman ang horizon.
Sa pagbibinyag ng bagong pangalan sa mga bituin, lumikha si Ricarte ng sariling
mito sa ngalan ng pakikibaka para sa kalayaan at kaunlaran. Aniya:
Mga iniirog kong Kalahi: Yaong kinulang palad na Supremo, nang siya,
y, nabubuhay pa, ay lagi niyang ipinangangaral: "Mangatakot kayo sa
kasaysayan (historia), sapagkat ito, y, walang ikukubli”, at ngayon
dinudugtongan ko naman:" Ang mga Bayani natin ay pinagmamalas tayo
mula sa Langit.
{2.63}
Isaayus nga natin ang bawat pangungusap at kilus sa
pangungusap at landas na kanilang tinalunton, at tayo, y, umikit
kahalintulad ng napakaayus na pagikit ng mga bituing iyan sa paligid ni
“UTAKHASINTO”, at sa gayon, walang pagkabula, makakamtan natin
ang “KAGYAT, BOO AT GANAP NA KASARINLAN” na siyang
maningas na pinipita ng Inangbayan”.
{2.64}
Hindi man sadya, at hindi man niya batid, ginawa ni Ricarte ang matagal nang
ginawa ng mga sinaunang Pilipino – ang itatak ang sarili nilang buhay sa kalangitan ayon
sa mga bagay na minamahalaga nila sa lupa. Naging mahigpit na bahagi ito ng kanilang
pananatiling buhay kaya nagpasalinsalin ng henerasyon. Hangga ngayon, bahagi pa ito ng
kanilang buhay. Bagay na hindi masasabi sa panukala’t ginawa ni Ricarte.
{3.0}
3 Patuloy na Pananaliksik
Gaya nang nabanggit, ang mga ito ay mula sa ulat ng ilang pari at opisyal na
Espanyol at ilang mga antropologong nagaral sa buhay at kultura ng ilang pangkat
etniko sa Pilipinas. Kadalasan nga na isang antropologo lamang ang nagulat sa isang
bahagi ng isang pangkat etniko at maaari pa ngang sa iilan din nagmula ang mga
impormasyon. Kailangang balikan ang mga ito bilang pagbabalikaral
at pagpapatunay, gayundin para higit na mapagaralan at masuri.
{3.01}
Sa mga nailahad, maaaring naipaunawa ang kahalagahan ng pagaaral at pagsusuri
sa pananaw ng mgha kulturang Pilipino sa langit at sa mga penomena rito, laluna ang mga
bituin. Kailangan, gayunman, na maging bahagi ito ng pananaliksik ng nagsasagawa ng
field work hindi lamang para patuloy na maidokumento kundi para rin mapagaralan
kaugnay ng pagsusuri sa kabuuang kultura sa pangkalahatan at sa pananaw sa kapaligiran
sa partikular ng kabihasnang Pilipino.
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/ambrosio_2006.html
Einleitung / Pambungad | |
Das Buch / Aklat Der Titel / Pamagat Die Personen / Mga tauhan | |
0 Mga Tala sa Paglalagalag sa Dalawang Wika (Joaquin Sy, Tagasalin, 2005) 1 Pangungulina sa Ikalawang Bayan 2 Pagbubuhay "Huankhe" 3 Pinapak ng Lamok sa "Kulungan ng Baboy" 4 Ang "Papa" na Binili 5 Mga Tanawin sa Bayang Mapulo 6 Ang Asia Bazaar at si Ang Taoke 7 Tatlong Kapwa-Employado 8 Mga "Leksiyon sa Araw-araw 9 Paglipol sa mga "Bampira" 10 Isang Malas na Taon | |
11 Ang Babaeng Nakaitim | |
11.1 Isha im Laden 11.4 Isha und Lim Kui 11.7 Ich gehe hoch 11.10 Tan Sua kommt zurück | |
12 Kuwento nina Tan Sua at Isha | |
12.1 Traurige Liebe 12.2 Adoptiert 12.7 Achtzehn Jahre alt 12.10 Die alte Kirche 12.12 Der Hilferuf 12.14 Der Kampf 12.20 Verwundung und Pflege | |
13 Sawimpalad na Pag-ibig | |
13.1 Pflege bei Isha 13.9 Aufkeimende Liebe 13.12 Das Unwetter und der Kuss 13.22 Senyor Peque | |
21 Biglaang Pagbabago | |
22 Ang Pag-ibig ng Dalagang Huanpo | |
Auswertung Tempus - Aspekt Tabelle |
Quelle: Sy Joaquin: Lagalag sa Nanyang
Quezon City, 2007, ISBN 978-971-542-535-3 {
Bai / Sy 2007}
Übersetzung des chinesischen Romanes von Bai, Ren: Nanyang piaoliuji
Nanyang ist eine chinesische Stadt im Süden der Provinz Henan. Nanyang hat mehr als 10 Millionen Einwohner (Ende 2002). Nanyang ist auch eine in Singapur früher häufig verwendete Bezeichnung für Südostasien.
Nanyang, translated to "Southern Ocean", refers to territories in Southeast Asia that are traversed through the South China Sea.
A Chuan
Älterer Bruder von A Song (daher der Titel Ahia). Als A Song sechs Jahre alt ist, verlassen
der Vater und A Chuan (er ist 16) China.
A Song
Der junge Ich-Erzähler. Als er acht Jahre alt ist (sie leben in China), stirbt seine
Mutter. Er kommt zur Großmutter (Ammah).
Achiak
Bruder von Papa, nach dessen Tod Vormund von A Song.
Ang Ahok
Eigentümer des Asia Bazaar in Napa (nahe der Stadt L). Wird Ang Taoke (Chef Ang) genannt.
Über 50 Jahre, nicht groß, aber dick. Kam als Kind nach Übersee, Lehrling, Arbeiter,
kleiner Laden. Hat zwei Söhne Ang Yaohua und Ang Yaochu, ersterer ein Taugenichts.
Dy Koyi
Nr. 2 im Asia Bazaar, sehr loyal zu Ang Taoke.
48 Jahre alt, groß und dürr.Ging in China einige Jahre zur Schule, kann gut schreiben und
etwas Buchhaltung. Spart alles Geld für seine Familie in China.
Isha
Filipina, "die Frau in Schwarz".
Etwa 30 Jahre alt. Sie wird mit 18 von Tan Sua vor einer Vergewaltigung gerettet,
heiratet dann einen Betrüger, trennt sich von ihm, heiratet einen kleinen Angestellten,
der nach Krankheit stirbt. Von ihm hat sie zwei Kinder.
Lim Kui
Nr. 3 im Asia Bazaar, Koch.
35 Jahre alt, klein und dick, hat Flecken auf der Nase und auf den Wangen. Übertriebener
Respekt vor Dy Koyi. Geschäftig, redselig und pfiffig.
Papa
Vater von A Song.
35 Jahre alt, klein und dick.
Tan Sua
Nr. 4 im Asia Bazaar.
Chin/Fil. Mestize, Waise. "Kleiderschrank", hat keinen Respekt vor Lim Kui.
Tan Tiak
Onkel und Vormund von Tan Sua.
Schneider bei Filipino Schneiderei.
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/nanyang_0.html
{6.11}
Ang Asia Bazaar at si Ang Taoke
Nasa Napa, isang maliit na bayan malapit sa Siyudad L, ang pinasukan
kong tindahan. Malapit ito sa estasyon ng tren. Sampung minuto lang sa bus.
Kakaiba ang mga bus sa Napa. May itaas at ibaba. Walang bubong sa
itaas, at dahil mainit sa araw walang umaakyat dito kung hindi rin lang
puno na sa ibaba. Pero masarap magpapresko rito sa gabi.
{6.12}
Walang tiyak na hintuan ang bus. Kung gusto mong sumakay, kailangan mo lang
itaas ang kamay para parahin ito at agad magpepreno ang tsuper para pasakayin ka.
Kung gusto mo namang bumaba, kailangan lang hilahin ang taling nakakabit
sa kampanilya, at agad ding magpepreno ang tsuper.
{6.13}
Malapit man o malayo, pare-parehong sampung sentimo ang pasahe. Kung nais
magpahangin sa gabi, kailangan lang magbayad ng sampung sentimo at maaari nang
magpaikot-ikot nang dalawa o tatlong oras. Kung ginaganahan, maaaring
magpaikot-ikot hanggang oras ng garahe.
{6.14}
Parihaba at dalawang palapag ang napasukan kong tindahan. Sa
ibaba, sa may harapan, may mga eskaparateng kinalalagyan ng iba't ibang
paninda. Mga telang seda, kamisadentro at kurbata, mga gamit sa makeup
at pagpapaganda, mga gamit sa araw-araw, bigas at iba pang pagkain,
sigarilyo't kendi, gaas at langis ng niyog, palanggana, mangkok at plato,
iba't ibang gamit na gawa sa salamin, hanggang bakal ng kabayo, latak ng
giniling na mais at pulot para sa kabayo ... Mayroon kahit ano. Maliit
man ay kompleto.
{6.15}
Sa gitna ng tindahan, may isang makitid
na pinto papunta sa likuran, na doble ang laki kaysa mismong pinakatindahan.
Malapit sa mga paninda may maliit na silid para sa may-ari. Ito ang pinakaopisina.
Dito nakalagay ang kaha de-yero. Sa labas ng silid, may isang mesa. Sa mesang ito kami
kumakain ng almusal, tanghalian, hapunan. Sa gawi pa roon, may
patungan
ng bigas na gawa sa kahoy, mga isang
talampakan ang taas. Sa tabi
nito'y may isang gilingang bakal.
{6.14}
Sa likuran ng tindahan, malapit sa pader, naroon
ang maliit na kusina. Nakaimbak sa tabi nito ang mga kahoy na panggatong.
Sa isang sulok ng bakuran, may palikurang
mga isang metro ang taas mula sa lupa. Kailangang akyatin ang mababang hagdan para magamit
ang palikuran, at dahil nga nakaangat nang mga isang metro mula sa lupa,
nagmukha itong malaking bahay ng kalapati.
{6.17}
May dalawang silid sa itaas ng tindahan. Ang isa'y ginawang bodega.
Ang isa pa'y tulugan ng mga empleyado. May
nakalatag apat na
katreng pang-isahang tao. Sa ibabaw ng mga katre, nakasabit ang mga
kulambong nanilaw at nangitim na.
{6.18}
Hindi kalakihan ang tindahan, pero malaki ang pangalan nito: Asia
Bazaar. Nakasulat sa Tsino at Ingles ang pangalan ng tindahan sa
lonang
gamit ding panangga sa ulan at init
ng araw. Naitataas at naibababa ang lona sa pamamagitan ng lubid na nakakabit sa kahoy
na kalo o pulley. Sa
silangan nakaharap ang tindahan. Pagbukas ng pinto sa umaga, agad
ibinababa ang lonang kinasusulatan ng pangalan ng tindahan. Takaw-pansin
ito sa mga taong nagdaraan.
{6.19}
Ang Ahok ang pangalan ng may-ari. Ang Taoke (Boss Ang) ang
tawag namin sa kanya. Bata pa rin siya nang magtungo sa Nanyang para
maghanapbuhay. Naging aprentis din. Naging trabahador. Nagtinda-tinda
sa maliit na puwesto. At nang makaipon ng sapat na puhunan,
nakipagsosyo
at nagbukas ng maliit na tindahan.
{6.20}
Hindi nasalanta ng giyera ang Nanyang
noong Unang Digmaang Pandaigdig. Maya't maya'y tumaas ang presyo
ng mga bilihin, kaya't kumita nang malaki-laki si Ang Taoke. Sa sariling
kredibilidad, nakautang siya ng mga paninda mula sa malalakirg tindahan
sa Siyudad L, at nagbukas siya ng sariling tindahan.
{6.21}
Mainam ang negosyo sa unang sampung taon.
Dumami rin nang dumami ang mga paninda. Pero sa nakalipas na ilang taon, dahil
matumal ekonomiyang
pandaigdig, naapektuhan ang negosyo ng tindahan. Kaya naman madalas
na nagbubuntong-hininga si Ang Taoke.
{6.22}
Kababayan namin sa Tengsua si Ang Taoke. Mahigit limampung
taong gulang siya. Hindi kataasan pero may katabaan. Madalas niyang
itaas ang kamiseta kung mainit ang panahon, kaya kitang-kita ang umbok
ng tiyan. Minsang nagkasama sa trabaho sina Achiak at Ang Taoke.
{6.23}
Tinanggap niya ako bilang aprentis dahil mayroon silang pinagsamahan.
Nang una ko siyang makita, naisip kong kahawig siya ng Buddha sa templo.
Hindi nga lang siya nakatawa. Madalas siyang
konsumido dahil nga mahina
ang negosyo. Madalas niyang pinoproblema ang mga dapat bayaran.
Mabait na mahigpit si Ang Taoke sa mga empreyado ng tindahan.
Tiyak na may sermon ang tatamad-tamad o mabagal magsilbi sa mga
parokyano.
{6.24}
Lagi niyang iwinawasto ang mga pagkakamali sa pera, sobra
man o kulang ang singil sa mge mamimili. Agad niyang sinisisante (entlassen) kung
may empleyadong nangupit ng pera o nagnakaw ng mga paninda. Pero
kailanma'y hindi niya siniraan ang dating empleyado para hindi naman
mahirapang makakita ng ibang trabaho. Sapat na sa kanya ang sarilinang
sermon at pangaral.
{6.25}
Libre ang pagkain ng mga empleyado. Hindi ibinabawas sa suweldo.
Hindi rin masama ang pagkain sa araw-araw. Apat na ulam at isang sabaw
sa tanghali. Dalawang karne at dalawang gulay. Kasama naming kumakain
si Ang Taoke kaya malaki ang malasakit niya sa kalidad ng pagkain. Madalas
niyang alamin ang gastos sa pamamalengke para hindi makaisip mangupit
ang kusinero. Ako ang bantay sa tindahan pag nanananghalian sila.
{6.26}
Nakakaya ko dahil kakaunti ang mamimili pag tanghali. Pag marami-rami ang
bumibili, kusa silang lumalabas para tulungan ako. Mas simple pag almusal
at hapunan. Kung sino ang may tiyempo, siyang nauunang kumain. Pero
laging ako ang huli. Ako rin ang naglilinis sa mesa at nag-uurong (zurücknehmen)
sa mga pinagkainan.
{6.27}
Alas-seis ng umaga kung magbukas ang tindahan. Alas-nuwebe ng
gabi kung magsara. Pinakamaraming bumibili bago magtanghali at bago
gumabi. Sa mga oras na iyon, lumalabas si Ang Taoke para humarap sa
mga parokyano. Matatas (fließend) siya sa katutubong wika. Nakapagsasalita rin ng
kaunting Espanyol at Ingles.
{6.28}
Balita ko'y hindi siya nakapasok sa eskuwela kahit isang araw
pero nakaiintindi siya ng bookkeeping sa Tsino, at
nakasusulat ng simpleng liham. Sa ibang wika, nakapagsasalita siya pero
hindi nakasusulat. Talagang natuto lang sa pakikipag-usap. Lagi siyang
nakatawa pagharap sa mga bumibili.
Matiyagang hinahayaan silang pumili,
at malugod na iniaalok ang mga bagong
paninda. Kaya naman kuntento sa kanya ang mga parokyano.
{6.29}
Mahigit kalahati ng mamimili ay mga
manggagawa sa perokaril (Eisenbahn), magsasaka sa karatig-nayon, mga kutsero,
artisano (Handwerker), empleyado ng gobyerno at ang kanilang mga pamilya. May
mangilan-ngilang panginoong-maylupa, mga
Kastila at Amerikano. Sa mga ganitong pagkakataon, si Ang Taoke mismo ang umeestima
sa kanila. Pag wala siya, ang matandang empleyadong si Dy Koyi ang humaharap.
{6.30}
May dalawang anak na lalaki si Ang Taoke. Pareho na ring nasa
Nanyang. Si Ang Yaohua, ang panganay, ay nagtapos ng junior high school
sa Tsina. Tumulong siya sa tindahan ng ama bilang bookkeeper sampung
taon ang nakaraan. Pero madalas slyang mag-asal amo. Walang respeto sa
matatandang empleyado. Walang tiyaga sa mga parokyano.
{6.31}
Wala ring hilig sa negosyo. At madalas magpunta sa siyudad para mamasyal,
manood ng sine, maglaro ng tennis. Nang lumaon,
nalulong sa mga bahay-aliwan.
Hindi pinansin ang mga pangaral ng ama, hanggang
humantong sa
pagkakasira ng mag-ama, at nagtungo ang anak sa Siyudad M para hanapin
ang sariling kapalaran.
{6.32}
Dahil sa naging karanasan sa panganay, pagdating ng ikarawang anak
na si Ang Yaocho, minabuti ni Ang Taoke na ipasok ito bilang aprentis sa
bang tindahan sa Siyudad L. Sabi nga ni Ang Taoke, "Ang
luwad na hindi
hinubog, hindi
naghuhugis-mangkok." Mabuti aniya sa bata ang marurong
magtrabaho. Sa gayon lang daw matututo at makakayang manahin at
ipagpatuloy ang negosyo ng ama balang-araw.
{7.21}
Tatlong Kapwa-Employado
May tatlo akong kapwa-empleyado sa Asia Bazaar. Pinakamatanda
si Dy Koyi. Empleyado na siya sa tindahan noon pa mang magbukas
ito. Kuwarenta y otso anyos siya. Payat at matangkad. Bagay na bagay ang
pangalan sa mukha niyang kababakasan
ng katapatan. Sa wikang Hokkien
kasi, "matapat" ang ibig sabihin ng "koyi," na katunog ng pangalan niya.
Gustong-gusto ng mga kapwa-huaqiao at maging ng mga "huanna" ang
ugali at pagkatao niya.
{7.22}
Lahat sila ay pawang nagsasabing siya ay isang matapat
at mabuting tao. Siya ang kanang kamay ni Ang Taoke. Sa sampung taong
kalakasan ng Asia Bazaer, malaki ang naitulong niya kay Ang Taoke para
kumita ng maraming pera. Kaya naman malaki ang tiwala at respeto sa
kanyang amo. Isa sa mga dahilan kung bakit nagkasira si Ang Taoke at ang
panganay na anak na si Ang Yaohua ay ang pangyayaring tinawag ng huli
si Dy na "matandang alipin" at "matandang kalabaw." Noo'y may isang
tindahan sa Napa na mahigpit na kakompetensiya ng Asia Bazaar.
{7.23}
Inalok ng may-ari nito si Dy ng malaking
suweldo para lumipat sa kanya. Pero
hindi natukso si Dy, at hindi rin ito ipinagsabi kahit kanino.
Kalaunan,
nalaman ito ni Ang Taoke mula sa may-ari ng ibang tindahan. Labis-labis
siyang naantig kaya kusang dinagdagan
ang suweldo ni Dy. Mula kuwarenta pesos kada buwan, ginawang sisenta. Doble pa ang bonus
ni Dy sa pagtatapos ng taon pag kumita ang tindahan.
{7.24}
Nakapag-aral si Dy Koyi nang ilang taon sa eskuwelahang pribado
noong nasa Tengsga pa. Mahusay ang kanyang sulat-kamay, kaya sa kanya
ipinagkatiwala ang bookkeeping at iba pang mga dapat sulatin sa tindahan.
Masipag siya sa gawain. Sa tatlumpung taong paglilingkod sa tindahan ay
laging nasa lugar ang kilos. Mas maraming oras niya sa araw-araw ang
pakikipag-usap sa mga parokyano.
{7.25}
Bihira siyang makipagkuwentuhan sa
mga kapwa-empleyado. Alas-seis ng umaga kung magbukas ang mga
tindahan ng mga huaqiao sa Napa. Alas-nuwebe ng gabi kung magsara.
Bale labinlimang oras sa isang araw. Walang pahinga kahit araw ng Linggo.
Nagbabakasyon lang nang tatlong araw tuwing sasapit ang Bagong Taong
Lunar. Pero itinakda ni Ang Taoke na
maaaring maghalinhinan ang mga
empleyado sa pagbabakasyon nang kalahating araw sa loob ng isang linggo.
{7.26}
Puwede silang manood ng sine sa bayan, o kaya'y gawin ang mga dapat
asikasuhin para sa sarili. Pero bihirang magbakasyon si Dy Koyi. Wala
siyang hilig manood ng sine o mamasyal sa parke. Pagkakuha sa buwanang
suweldo, nagpapadala siya ng sandaang yuan (bale limampung piso) sa
pamilya sa Tengsua. Ang natirira, kung kailanga'y ibinibili niya ng damit at
iba pang gamit sa araw-araw o kaya'y iniimpok para may panggastos pag-uwi sa
Tengsua pagkatapos ng ilang taon.
{7.27}
Nasa Tengsua ang mga magulang ni Dy Koyi, na kapwa may edad
na. Naroon din ang asawa niya at mga anak. Sa kanya iniaasa ang lahat ng
gastos sa araw-araw. Katorse anyos na ang panganay na anak niyang lalaki.
{7.28}
Gustong-gusto niya itong ibili ng tuadi para makasunod na at
makapaghanapbuhay sa Nanyang. Pero medyo gipit
siya sa pera at ayaw namang mangutang sa iba. Hindi tuloy maisagawa ang plano. Ito ang
pinakamalaki niyang problema.
{7.29}
Si Lim Kui, ang isa pang empleyado, ay treinta y singko anyos. Pandak
at tumataba na ang katawan. May balat (Fleck) siya sa ilong at
magkabilang pisngi. Malayong kamag-anak siya ni Ang Taoke. Siya ang tumatayong kusinero
bukod sa iba pang trabaho sa tindahan.
{7.30}
Kuwarenta pesos kada buwan ang suweldo. A Lim ang laging mabait na tawag sa kanya
ni Dy Koyi. Pakitang-tao naman ang respeto
ni Lim kay Dy dahil, ang totoo, may lihim na inggit siya rito.
Palibhasa'y kamag-anak nga siya ni
Ang Taoke, at bago panagbukas ang Asia Bazaar ay nakasama niya ito bilang aprentis, para
sa kanya'y dapat na lamang siya kay Dy.
{7.31}
At sa palagay niya'y mas may kakayahan
siya kay Dy, palibhasa'y nakapag-aral din naman siya nang ilang taon sa
elementarya. At sa palagay niya, sino ba ang hindi marunong ng
bookkeeping at pagsulat ng kung anumang dapat sulatin? Pero malaki
ang diperensiya ng sahod niya kay Dy, kaya may
kimkim siyang sama ng
loob at madalas na bubulong-bulong.
{7.32}
Si Tan Sua, ang ikatlong empleyado, na malaki't matipuno ang
pangangatawan, ay walang respeto kay Lim. Madalas na tawagin niya itong
"balat" o "pandak." Magalang na tawag na ang "kusinero". Kaya naman
malaki ang galit ni Lim kay Tan, pero malaki rin ang takot niya rito.
{7.33}
Paano nga'y parang higante si Tan. Bale wala kung itaas at buhatin ang sako ng
bigas na sandaang kilo ang bigat. Hindi iyon kayang gawin ni Lim, at
takot siya sa kamao ni Tan. Kaya siyang
durugin nito sa isang suntok lang.
Sa gayo'y walang magawa si Lim kundi magmura sa likuran ni Tan. Tanging
pinakamaruruming mura ang kaya niyang
iganti rito.
{7.34}
Baguhang aprentis ako (A Song) sa tindahan. At ayon sa
tagubilin ni Achiak,
dapat na igalang ko ang lahat ng kasama sa trabaho. Lahat sila'y tinawag
kong achiak (nakababatang kapatid na lalaki ng ama) o apeh (nakatatandang
kapatid na lalaki ng ama). Siyempre, kailangan ko ring igalang ang pandak
na hitik sa balat. Lim Kui Chiak ang tawag ko sa kanya.
{7.35}
Tuwang-tuwa naman siya pag tinatawag ko siya nang gayon. Sa katuwaa'y tila
nagliliwanag ang mga balat sa mukha, at sinasabi niyang ako'y isang mabait
na bata. Sinabi niya rin na natutuwa sa akin si Ang Taoke, dahil unang
buwan ko pa lang ay binigyan na ako ng sampung piso, doble ng sahod
niya nang una siyang mag-aprentis.
{7.36}
Parang inahing manok na walang tigil sa kapuputak si Lim buong
araw. Kung minsa'y kinakausap pati sarili. Paano'y madalas na wala siyang
makausap. Kay Ang Taoke, hanggang dalawa o tatlong seryosong
pangungusap lang siya. Kay Tan, wala silang anumang puwedeng pag-usapan.
Si Dy naman, tahimik na makikinig at ngingiti-ngiti lang sa kanya.
Naghihikab pa kung minsan. Sa gayo'y nawawalan na rin siya ng gana.
{7.37}
Kaya naman ako ang naging tanging matapat na tagapakinig ni Lim.
Tinutulungan ko siyang magluto araw-araw. Hindi maaaring hindi ako
makinig sa walang katapusang sinasabi niya habang nagsisibak ako ng
panggatong, gumagawa ng siga, naghuhugas ng mga gulay, naglilinis ng
mga mangkok at pinggan. Talaga namang nakakasuya, pero marami rin
naman akong natutuhan. Sa kanya ko nalaman ang mga bagay-bagay
tungkol kay Ang Taoke at mga kasama ko sa trabaho.
{7.38}
Ilang araw pagdating ko sa tindahan, may napulot akong dalawang
baryang pilak habang nagwawalis. Gaya ng bilin ni Achiak bago kami
naghiwalay, isinauli ko ang napulot kay Ang Taoke. Tumango-tango siya
nang abutin ang isinauli ko.
{7.39}
Pagkalipas pa ng kalahating buwan, dalawang
sasampuin naman ang napurot ko sa ilalim ng cabinet, na agad ko ring
isinauli kay Ang Taoke. Nakatawang tinapik-tapik niya ako sa balikat sabay
sabi ng "Magaling! Magaling!" pinuri pa niya ako sa harap ng mga kasama
sa trabaho. Ako ay isang matapat na bata, aniya.
{7.40}
Pagkalipas ng ilang buwan, habang naglalagay ako ng panggarong
sa kalan at nagbubuhos naman ng langis ng niyog sa kawali si Lim, tinanong .
niya ako, "A Song, nakakapulot ka pa ba ng pera habang nagwawalis?" "May napupulot akong
barya paminsan-minsan," sagot ko. "Wala ka nang nawawalis na perang papel?"
"Wala na."
{7.41}
Hininaan ni Lim ang boses, at nang-aarok na nagtanong, "A Song,
alam mo ba kung bakit dalawang beses kang nakawalis ng perang papel
no'ng kararating mo?"
Nabigla ako sa tanong ni Lim. "Ewan," sabi ko."Bakit nga ba?"
Ikinibot-kibot ni Lim ang ilong. Ikinurap-kurap ang maliliit na mata.
At nang tumawa'y tila nahapit ang mga balat sa mukha. Pero sa halip
na sagutin ako, paarok na nagtanong siya. "Isipin mong mabuti. Bakit nga
kaya?"
{7.42}
Nag-isip ako sandali. "Baka may nakahulog," sabi ko.
"Ang tanga mo talagang bata ka!" sabi niya. "Tumataginting ang
barya pag nahulog sa sahig. Dalawang piso 'yon, hindi dalawang sentimo.
At 'yong dalawampung piso, malaking halaga 'yon! Maraming bigas at
tela ang mabibili no'n. Sino'ng makakahulog no'n sa ilalim ng cabinet sa
halip ilagay sa kaha?"
{7.43}
Naguguluhan pa ring hinintay ko ang sagot niya, pero inuna niya
ang paglalagay ng dalawang isdang relyeno sa kawali, na pumutok-putok
pa nang sumayad sa kumukulong langis.
{7.44}
Pagkaprito sa dalawang isda, saka lang pabulong na sinabi sa akin ni Lim, "Sinubok
ka ni Ang Taoke." "Sinubok ako?" nagtatakang tanong ko.
"Kung mapagkakatiwalaan ka o hindi. Kung ibinulsa mo ang mga
napulot mong pera, hindi magtatagal ay sasabihan ka niyang magbalot-balot at
lumayas na!"
{7.45}
Gulat na napatingin ako kay Lim. Hindi makapaniwala.
"Ayaw mong maniwala?" tanong niya. "Nang dumating ako bilang
aprentis, sinubok din ako ni Ang Taoke."
Kalauna'y naniwala na rin ako, pagkatapos makarinig ng mga
kuwento tungkol sa kung paano sinusubok ng mga amo ang mga bagong empleyado.
{7.46}
Mula noon, pakiramdam ko'y mabait sa akin si Lim. Kung minsan,
pag nagprito siya ng karneng bola-bola, pagkatapos magsubo ng dalawa
ay sinusubuan niya ako ng isa. Tikman ko raw. Kung may niluluto siyang
ibang masarap na ulam, ipinapatikim din sa akin kung tama na ang timpla.
Hindi ikinatuwa ni Tan Sua ang pagiging malapit ko kay Lim Kui.
Minsan, habang nag-aayos kami ng mga sako, pinagsabihan niya ako,
"Medyo iwasan mo 'yang si Balat. Puro putik ang loob niyan.
Kaya siya parang pusang ngumingiyaw buong araw naghihintay ng isdang
makakain."
{7.47}
Magkatunog ang "balat" at "pusa" sa wikang Hokkien. Hindi ko
agad naintindihan ang ibig sabihin ni Tan. Hindi niya rin naman
ipinaliwanag. Pagkalipas ng isang taon, saka ko lang nalaman na baluktot
nga ang pagkatao ni Lim. Tunay ngang nangangailangan ng mahaba-habang
panahon para makilala ang tunay na kalooban ng isang tao!
{7.48}
Beinte-otso anyos si Tan Sua. Halos dalawang metro ang taas.
Malapad ang balikat et matipuno ang pangangarawan. Maskurado ang
mga bisig at hita. Kulang sa kanya ang tatlong mangkok na kanin, pero
kaya niya ang trabaho ng dalawang tao, kaya hindi nagrereklamo si Ang
Taoke na malakas siyang kumain.
{7.49}
Deretso siya at walang paligoy-ligoy, at
medyo madaling magalit, lalo na kung may nakitang sa palagay niya'y
hindi makatarungan. May ilang sanggano sa Napa na madalas manggulo
sa tindahan ng mga huaqiao. Nangingikil o kaya'y nambabalasubas. Mas
minamabuti ng mga may-ari ng tindahan na magbigay at magsawalang-kibo na lamang.
{7.50}
Minsan, tatlong sanggano ang nanggulo sa Asia Bazaar. Sinaktan pa si Dy Koyi.
Nag-init ang ulo ni Tan. Pinaggugulpi niya ang
tatlo hanggang bahag ang buntot silang nagsitakbo. Mula noon, pag may
dumarating na mga sanggano, tumatayo lang si Tan sa harap ng tindahan at
hindi na makalapit ang mga ito.
{7.51}
Huaqiao ang ama ni Tan. "Huanpo" (babaeng katutubo) naman ang
ina. Ang maitim na kutis niya, ang malalalim at bilog na mga mata at ang
sarat na ilong ay pawang tanda ng pagiging "tsutsiya" (mestiso). Namatay
ang kanyang ina noong walong taong gulang siya.
{7.52}
Ipinasok siya ng ama sa
eskuwelahang huaqiao sa pangambang maging "huanna" siya. Nang
makatapos ng elementarya, nalugi ang maliit na tindahan ng ama niya sa
Siyudad L, kaya't isinama siyang magtrabaho sa isang munting bayan. Pero
nang sumunod na taon, naging ganap na ulila siya nang masugatan at
mamatay ang ama.
{7.53}
Inampon siya ng kababayang si Tan Tiak, at mula noon,
napasok na siya sa iba't ibang trabaho, hanggang naging manggagawa sa
isang rubber plantation na pag-aari ng isang puti. Kalaunan, nagbalik siya
sa Siyudad L at namasukan sa Asia Bazaar. Dahil matapat siya at malakas
magtrabaho, pinasuweldo siya ni Ang Taoke ng treinta pesos kada buwan.
Naging kuwarenta pesos iyon pagkatapos dagdagan nang dalawang beses.
{11.21}
Ang Babaeng Nakaitim
Lim und Isha haben ein Verhältnis, das von Dy geduldet wird. Tan missbilligt es und schlägt Lim vor dem Laden. Ang darf von alledem nichts wissen.May isang babaeng nakaitim na madalas bumili ng bigas sa tindahan. Paisa-isang salop siya kung bumili. Kung minsa'y bumibili rin ng mantika, asin at iba pang mga bagay. Mahaba at kulot ang buhok ng babaeng nakaitim. Maputing mamula-mula ang mukha at mangasul-ngasul ang mga mata. Mataas ang buto sa pisngi. Matangos ang ilong. Maganda ang mga labi.
{11.22}
Lagi siyang nakasuot ng manipis na itim na bestida at balat na sandalyas
na may kataasan ang takong,
at lalong nagmukhang balingkinitan ang katawan dahil sa
puting sinturon sa baywang.
Sa itsura ng babaeng nakaitim, mukhang wala pang treinta anyos,
at sa unang tingin ay makikitang isa siyang mestisang puti.
Guwapa siya sa biglang tingin,
pero kung titingnang maigi,
mapapansin ang maninipis na mga guhit sa noo at sa dulo ng mga mata,
at mahihinuhang siya ay isang babaeng nakaranas na ng
mga unos sa buhay.
{11.23}
Laging si Tan Sua ang nilalapitan ng babaeng nakaitim
tuwing bumibili sa tindahan.
Kung nagkataong abala si Tan Sua,
tumitingin muna siya ng mga tela at mga produktong pampaganda,
nagtatanong-tanong ng presyo,
pero hindi naman bumibili.
Mukhang matagal niya nang kakilala si Tan Sua.
{11.24}
Kung mag-usap sila'y
laging may buntong-hininga, malungkot ang mga mata, may ulap ng lumbay pati
mga kilay,
kaya't wari'y biglang tumatanda nang maraming taon.
Sa isang banda'y laging seryoso ang mukha ni Tan Sua.
Tahimik siyang nakikinig
at bihirang umimik,
na para bang ayaw makasugat ng damdamin.
Tila ayaw makasaling ng malulungkot na mga alaala.
{11.25}
Kung lumalabas si Ang Taoke,
kusang lumalapit at nakikipag-usap sa kanya ang babaeng nakaitim sa
wikang katutubong may halong Espanyol,
na para bang humihingi ng tulong.
Tila nakikisimpatiya namang tumatango-tango si Ang Taoke.
May mga sinasabing tila nang-aalo,
saka ihahatid palabas ng tindahan ang babaeng nakaitim.
{11.26}
Pag nakikita ni Lim Kui ang babaeng nakaitim,
namimilog at kumikislap ang maliliit niyang mata.
Nangingintab pati mga balat sa mukha.
Parang pusang nakatitig sa munting bubuwit.
Kahit abala siya sa pagharap sa mga kostumer,
lumilingon siya nang kung ilang beses
para sulyapan ang babaeng nakaitim.
{11.4} | |
Mula noo'y kay Lim Kui na lumalapit ang babaeng nakaitim pag dumarating sa tindahan para bumili ng bigas at nagkataong abala si Tan Sua. Naniningkit sa tuwa ang mga mata ni Lim Kui habang tumatakal ng bigas, at panay ang papuri sa babae na ito'y mabait at maganda. | schräg stehen (singkịt) alle Lob |
Madalas akong nakatayo sa harapan ng tindahan, sa mismong tabi ng lagayan ng bigas, para agad kong matulungan ang mga mamimili na maisakay sa kalesa ang bigas na binili at para matulungan din ang mga kutsero sa pagbuhat ng pulot, kaya't kitang-kita ko ang mga ikinikilos ni Lim Kui pag kaharap ang babaeng nakaitim. Minsan, hindi sinasadyang nakita kong pinisil ni Lim Kui ang palad ng babae nang iabot dito ang sukli. Ngumiti lang ang babae, walang anumang sinabi. | (Hand) drücken |
{11.5} | |
Paunti-unti, nalaman ko ang mga bagay-bagay tungkol sa babaeng nakaitim. Isha ang pangalan niya. Nakatira siya malapit sa estasyon ng tren. Nagtataka ako kung bakit lagi itong nakaitim. Sabi ni Tan Sua, paano'y patay na ang asawa nito, at ayon sa kaugalian sa bayang mapulo, itim ang suot ng mga nagluluksa, kaiba sa puti na siyang isinusuot ng mga namatayan sa Tengsua (China). | |
Tuwing Biyernes ng hapon, nagpupunta sa kabayanan si Ang Taoke para mamili ng mga paninda. Sumasama si Tan Sua para tumulong sa pagbuhat. Nagbubus sila pag-alis, at pag-uwi'y sakay ng kalesang punong-puno ng paninda. Kung talagang marami ang pinamili nila, ang binilhan ang mismong naghahatid sa mga paninda sakay ng trak. | ? |
Isang araw, sumama na naman si Tan Sua kay Ang Taoke para mamili sa bayan. Sina Dy Koyi at Lim Kui ang nakatao sa tindahan. Ako nama'y abalang pinupuno ng bigas ang mga lalagyan. Mangilan-ngilan lang ang namimili, na pagkabili'y agad nag-aalisan. | Eines Tages ging Tan Sua zusammen mit Ang Taoke, um in der Stadt einzukaufen. Dy Koyi und Lim Kui waren im Laden. Ich jedoch war beschäftigt, um Reis in das Fach einzufüllen. Es gab nur wenige Kunden, die nach ihrem Einkauf sofort wieder verschwanden. |
{11.6} | ||
Maya-maya'y dumating si Isha. Mas kabigha-bighani ang suot kaysa karaniwan. May pulbo siya sa mukha. Mapula sa lipstick ang mga labi. Sa manipis na itim na bestida, naaaninag ang kulay rosas na panloob na palda. Nilapitan niya si Lim Kui pagpasok sa tindahan, pero wala siyang biniling anuman. Pagkatapos nilang mag-usap nang mahina, lumapit si Lim Kui kay Dy Koyi at may ibinulong. | Etwas später kam Isha. Ihr Aufzug war viel auffälliger als sonst. Sie hatte Puder im Gesicht. Die Lippen waren rot mit Lippenstift. In ihrem dünnen schwarzen Kleid schimmert etwas in rosa Farbe unter ihrem Rock. Sie geht nahe zu Lim Kui, als sie den Laden betritt, kauft aber nichts. Nachdem sie leise miteinander gesprochen haben, nähert sich Lim Kui Dy Koyi und flüstert etwas. | |
Nagkunot-noo lang ang huli. Tumayo si Lim Kui sa pinto papasok sa tindahan saka kinawayan si Isha. Sumunod naman ang babae papunta sa loob. Pagkalipas ng mga isang oras, lumabas si Lim Kui at nagpalinga-linga. Noo'y wala ni isa mang namimili at kasalukuyang umiidlip si Dy Koyi. Lumingon sa loob si Lim Kui at saka sumenyas. Lumabas si Isha na medyo gulo ang buhok, bahagyang namumula ang mga pisngi, at nagmamadaling umalis. | Letzterer legt nur die Stirn in Falten. Lim Kui erhebt sich zur Tür und geht ins Innere des Ladens und winkt Isha. Die Frau folgt ihm nach innen. Nachdem etwa eine Stunde vergangen ist, kommt Lim Kui heraus und dreht den Kopf in alle Richtungen. Da war kein einziger Kunde, und gegenwärtig hält Di Koyi ein kleines Schläfchen. Isha kommt heraus mit etwas verwirrtem Haar, ihre Wangen sind etwas gerötet, und eilt wegzugehen. | |
{11.7} | ||
Magmula noon, kada isa o dalawang linggo, basta't namimili sa bayan sina Ang Taoke at Tan Sua, dumarating si Isha at dinadala siya ni Lim Kui sa loob ng tindahan. At laging matagal na matagal bago sila lumabas. | Seit damals kam Isha alle eine oder zwei Wochen, wenn (?) Ang Taoke und Tan Sua in der Stadt einkaufen waren, und sie wurde von Lim Kui in das Innere des Ladens geführt (getragen). Und immer dauerte es lange, bis sie wieder heraus kamen. | |
Bihirang mangyari ang pagpapapasok ng katutubo sa loob ng tindahan. Ayaw magpapasok ni Ang Taoke ng tagalabas, maliban na lang kung may parokyanong bibili ng isang sakong bigas, o kaya'y may kutserong humihingi ng tubig para sa kabayo. Pero ano ang ginagawa nina Lim Kui at Isha sa loob ng tindahan? At bakit nangyayari iyon tuwing Biyernes ng hapon? Punong-puno ng pagtataka ang aking kalooban, kaya't nang minsang pumasok uli sila sa tindahan, tinanong ko si Dy Koyi, "Koyi Peh, ano'ng ginagawa nila sa loob?" | Ein seltsames Geschehen war, dass Einheimischen der Zutritt ins Innere des Ladens erlaubt wurde. Ang Taole wollte Außenstehenden den Zutritt nicht zulassen, außer wenn mal ein Kunde einen Sack Reis kaufte oder wenn ein Kutscher um Wasser für die Pferde bat. Aber was taten Lim Kui und Isha im Inneren des Ladens? Und warum geschah dies am Freitagnachmittag? Voll von Überraschungen war mein Inneres, deshalb fragte ich Dy Koyi einmal, als sie wieder in den Laden gingen: "Koyi Peh, was machen die da drin?" | |
{11.8} | |
"May pinag-uusapan lang sila," parang walang anumang sabi ni Dy Koyi. "Ano'ng pinag-uusapan? Bakit 'alang katapusan?" tanong ko naman. "A Song, huwag kang makialam! Bata ka pa!" sabi naman ni Dy Koyi. | "Sie reden da nur miteinander", als ob es weiter nichts sei, sagte Dy Koyi. "Was reden sie da? Warum ohne Ende?" fragte ich weiter. "A Song, misch dich da nicht ein! Du bist noch ein Kind!" sagte darauf Dy Koyi. |
Sabi ko, "Koyi Peh, di ba bilin ni Ang Taoke huwag magpapapasok ng huanna sa loob ng tindahan? E ba't nagpapapasok si Lim Kui Chiak ng huannapo?" Seryoso ang sagot ni Dy Koyi, "A Song, huwag na huwag mong sasabihin kahit kanino ang bagay na 'to! Hindi dapat malaman ni Ang Taoke. Lalong hindi dapat makarating kay Tan Sua. Naiintindihan mo ba?" | Ich sagte: "Älterer Bruder Koyi, hat nicht Ang Taoke den Auftrag erteilt, das Fremde nicht in das Innere des Ladens gelassen werden dürfen. Und warum lässt Lim Kui Chiak eine Fremde herein?" Seh ernst war die Antwort von Di Koyi: "A Song, sprich mit niemanden über diese Sache. Ang Taoke braucht das nicht zu wissen. Noch weniger braucht das Tan Sua zu erfahren. Hast du das verstanden?" |
{11.9} | ||
Umiling-iling ako. "Hindi ko naiintindihan!" Sabi ni Dy Koyi, "Huwag na huwag makikialam sa usapin ng matatanda ang mga bata. Huwag na huwag mo ipagsasabi kahit kanino!" | Ich schüttelte den Kopf. "Ich verstehe gar nichts." Dy Koyi sagte: "Kinder dürfen sich niemals in die Angelegenheiten Erwachsener einmischen. Sag niemanden etwas davon." | |
Hindi nga ba't ako'y isang bata? Trese anyos lang ako. Pero sa nakikita kong patagong pagpasok at paglabas nina Lim Kui at Isha sa tindahan, alam kong hindi maganda ang nangyayari. Alam ni Dy Koyi ang nangyayari, pero ayaw niyang sabihin sa akin, at ayaw niya ring ipagsabi ko kahit kanino. Kaya naman lalo lang tumindi [nanghina] ang aking pagtataka, at gustong-gusto kong malaman kung ano ba talaga ang ginagawa nina Lim Kui at Isha. | Wirklich nicht, und ich soll ein Kind sein? Ich bin nur dreizehn Jahre alt. Aber was ich über den heimlichen Ein- und Austritt von Lim Kui und Isha gesehen habe, da weiß ich, das diese Dinge nicht gut sind. Dy Koyi weiß, was los ist, aber er will es mir nicht sagen, und er will nicht, dass ich mit jemandem darüber spreche. Deshalb wird meine Überraschung heftiger, und ich möchte wirklich wissen, was Lim Kui und Isha da wirklich machen. | |
{11.10} | |
Sa isa na namang araw ng Biyernes, umalis sina Ang Taoke at Tan Sua mga alas-tres ng hapon. Naiwan kaming tatlo sa tindahan. Kakaunti ang mamimili. Panay ang tingin ni Lim Kui sa kalsada. Hindi mapakali. Parang langgam sa mainit na kawali. Nang mag-alas-kuwatro, tumayo na siya at naghintay sa harap ng tindahan. | Wieder an einem Freitag, verließen Ang Taoke und Tan Sua den Laden. um fünfzehn Uhr. Wir drei blieben zurück. Es waren kaum Kunden da. Ununterbrochen war der Blick von Lim Kui auf die Straße. Ruhelos. Wie eine Ameise in der heißen Pfanne. Al es sechzehn Uhr war war, stand er auf und wartete vor dem Laden. |
Pag may dumarating na ilang mamimili, napipilitang pumasok si Lim Kui sa tindahan para harapin ang mga ito. Maya-maya'y dumating ang babaeng nakaitim, at nang makitang may mga bumibili, nagkunwa itong tumitingin-tingin sa mga paninda sa eskaparate, saka patagong pumasok sa maliit na pinto papunta sa loob ng tindhan. Kasalukuyang pumipili pa ang kostumer na inaasikaso ni Lim Kui. Tinawag niya ako para siyang humarap, at nagmamadaling sumunod sa loob. | Als paar Kunden den Laden betraten, war Lim Kui gezwungen, in den Laden zu gehen, um sie zu bedienen. Etwas später kam die Frau in Schwarz, sie hatte gesehen, dass da Kunden waren, sie vertiefte sich zum Schein in die Waren in der Glasvitrine, und ging heimlich zur kleinen Tür zum Inneren des Ladens. Gleichzeitig beanspruchten noch die Kunden die Aufmerksamkeit von Lim Kui. Er bat mich, sie zu bedienen und folgte eilends nach innen. |
{11.11} | |
Pagkabayad at pagkaalis ng mamimiling hinarap ko'y wala nang dumating pa na dapat kong harapin. Nakita kong abala si Dy Koyi sa pagtitinda ng tela. Nagkunwa akong tutugon sa tawag ng kalikasan at nagmamadaling pumasok sa loob. Gusto kong malaman kung ano ang ginagawa nina Lim Kui at Isha. Pero pagpasok ko sa loob, hindi ko nakita ni anino nila. | Nachdem die Kunden, die ich bedient hatte, bezahlt hatten und gegangen waren, kam niemand mehr den ich bedienen musste. Dy Koyi sah ich beschäftigt mit dem Verkauf von Stoff. Zum Schein folgte ich einem natürlichen Bedürfnis und ging eilends nach innen. Ich wollte erfahren, was Lim Kui und Isha taten. Aber als herein ging, sah ich nicht mal einen Schatten von ihnen. |
Nasaan sila? Tiyak na nasa itaas, naisip ko. Tumindi ang aking pagtataka. Maingat akong umakyat sa hagdan at pumasok sa silid na imbakan ng mga paninda. Nakita kong nakapinid ang pinto ng silid-tulugan. Patingkayad akong lumapit sa pinto, pero wala akong marinig na anuman mula sa loob. | Wo waren sie? Sicher oben, dachte ich. Mein Erstaunen wurde größer. Vorsichtig kletterte ich die Treppe nach oben und betrat den Lagerraum für die Waren. Ich sah, dass die Tür zum Schlafzimmer geschlossen war. Auf Zehenspitzen näherte ich mich der Tür, aber ich hörte nichts von drinnen. |
Sisilip sana ako sa siwang pero laking pagkabigla ko nang maramdamang hablutin ng dalawang malalakas na kamay ang aking kuwelyo mula sa likuran. Paglingon ko'y nakita ko si Tan Sua. Magsasalita sana ako pero tinakpan niya ng palad ang bibig ko, saka gaya ng lawin na may dagit na sisiw, marahan niya akong ibinaba sa may hagdanan at hinila pababa. | Ich hätte gern durch den Türschlitz geschaut, aber mein Schock war groß, als ich fühlte, wie mein Kragen von hinten von zwei kräftigen Händen weggezogen wurde. Als ich nach hinten blickte, sah ich Tan Sua. Ich wollte was sagen, aber er verschloss mit seiner Hand meinen Mund, dann brachte er mich, wie ein Falke, der ein Küken geschlagen hat, langsam zur Treppe und zog mich herunter. |
{11.12} | ||
"A Song, ano'ng ginagawa mo sa itaas?" Mabalasik ang tinig ni Tan Sua, at nanlilisik ang kanyang mga mata. Para naman akong nahuli sa akto ng pagnanakaw, o nakikialam sa bagay na hindi dapat pakialaman, kaya naman uutal-utal ako sa pagsagot. "Si Balat, dinala si Isha sa ..." "Tama na! Lumabas ka na!" galit na sabi ni Tan Sua. | "A Song, was machst du da oben?" Die Stimme von Tan Sua ist aufbrausend, und seine Augen blitzen vor Ärger. Wie ein Dieb, der auf frischer Tat ertappt wurde oder wie jemand, der sich in Dinge einmischt, die ihn nichts angehen, stammelte ich eine Antwort. "Balat, der hat die Isha geführt ..." "Schluss jetzt! Raus mit dir!" sagte aufgeregt Tan Sua. | |
Habang papunta sa tindahan, naisip kong wala naman talaga akong nagawang masama. Sumobra lang ang pagtataka ko. Kaya't sumama ang loob ko dahil pakiramdam ko'y lumabis ang galit ni Tan Sua sa akin. Nasundan pa ng pag-uusisa ni Dy Koyi, "A Song, sa'n ka ba nagpunta?" "Umihi lang ako sa likod," pagsisinungaling ko. Di na nagtanong pa si Dy Koyi. Maya-maya'y ako naman ang nagtanong sa kanya, "Koyi Peh, ba't maagang umuwi si Tan Sua Chiak?" | Während ich zum Laden ging, dachte ich, dass ich eigentlich nichts Schlimmes getan hatte. Meine Neugier war nur zu groß. Deshalb, weil ich ein Gefühl hatte, wurde der Ärger von Tan Sua auf mich zu groß. Dann folgte seine Frage, "A Song, wo bist du hingegangen?" "Ich bin nur hinten zur Toilette gegangen", log ich. Dy Koyi fragte weiter nichts. Etwas später fragte ich ihn dann: "Koyi Peh, warum ist Tan Sua Chiak so früh zurückgekommen?" | |
{11.13} | ||
"Hindi nila nabili ang dapat bilhin, kaya pinauna na siya ni Ang Taoke." "Koyi Peh, umakyat sa itaas si Lim Kui Chiak at 'yong huannapo ..." hindi nakapagpigil na sinabi ko sa kanya ang aking natuklasan, nang biglang narinig ko ang mga yabag ni Tan Sua mula sa pasilyo, at hindi ko naituloy ang sasabihin. Parang langit na maulap ang mukha ni Tan Sua. Galit na galit na naupo at nangalumbaba sa likuran ng lalagyan ng bigas. | "Sie konnten nicht kaufen, was sie brauchten, darum ist er vor Ang Taoke hier." "Koyi Peh, gingen Lim Kui Chiak und die Fremde nach oben ...", konnte ich mir nicht verbeißen, ihm meine Entdeckung zu sagen. Als ich plötzlich die Schritte von Tan Sua vom Korridor hörte, hörte ich auf zu sprechen. Wie ein Himmel voller Wolken war Tan Suas Gesicht. Sehr verärgert setzte er sich und stützte das Kinn auf die Hand, hinter dem Reislager. | |
Namula ang mukha ng babaeng nakaitim nang lumabas at makita si Tan Sua. Nagmamadali itong lumabas ng tindahan. Hindi maitaas ang paningin. Kasunod na lumabas si Lim Kui. May nakasubong sigarilyo sa bibig at kontentong-kontentong bumubuga ng usok. Pero laking gulat niya nang makita si Tan Sua na sinisibat siya ng matatalim na tingin. Pinigil niya ang pangangatog ng katawan, nagkunwang kalmado at babalik sana sa loob ng tindahan. "Balat! Huwag kang aalis!" parang kulog na sigaw ni Tan Sua, na ikinagitla ni Lim Kui. | Das Gesicht der Frau in Schwarz wurde rot, als sie heraus kam und Tan Sua sah. Eilends verließ sie den Laden. Ihr Blick war gesenkt. Dann ging Lim Kui nach draußen. Er hatte eine brennende Zigarette im Mund und stieß zufrieden den Rauch aus. Aber er erschrak sehr, als er Tan Sua sah, der ihn mit scharfen Blicken durchbohrte. Sein Körper zitterte, er tat sehr ruhig und wollte in den Laden zurückkommen. "Balat, lauf nicht weg!" schrie Tan Sua wie der Donner und erschrak Lim Kui. | |
{11.14} | ||
Dahan-dahang lumapit si Tan Sua kay Lim Kui, na takot na takot na napaatras at nagtanong, "Ano, ano'ng gusto mong gawin?" Bilang sagot, itinaas ni Tan Sua ang malaking kamay at binigyan si Lim Kui ng magkasunod na sampal. Agad namula ang mukha ni Lim Kui. Hinimas niya ng kaliwang kamay ang mga pisnging namula, at umastang lalaban ang kanan. | Ruhig näherte sich Tan Sua Lim Kui, der änstlich zurückwich und fragte: "Was soll ich nur tun?" Als Antwort erhob Tan Sua seine große Hand und versetzte Lim Kui aufeinander folgende Schläge. Sofort wurde Lim Kuis Gesicht rot. Mit der linken Hand strich er über seine geröteten Wangen und hielt die Rechte zur Gegenwehr. | |
"Ba't mo 'ko sinampal?" tila naagrabyadong tanong niya. "Hayop! Hayop ka!" Galit na galit na itinaas uli ni Tan Sua ang kamay pero mabilis na lumapit si Dy Koyi para awatin siya. "Walanghiya ka! Sumosobra ka na!" Galit na galit pa rin si Tan Sua. | "Warum schlägst du mich?" fragte er verletzt. "Ein Tier bist du!" Wieder hob Tan Sua sehr wütend seine Hand, aber schnell kam Dy Koyi näher, um ihn zu beruhigen. "Du bist unverschämt! Du treibst es zu weit!" Tan Sua ist immer noch wütend. | |
"Sino'ng sumosobra? Ano mo ba siya?" Lumakas ang loob ni Lim Kui nang makitang may umawat kay Tan Sua. "Gusto naman niya, at nagbayad ako. Ano'ng pakialam mo?" "May konting barya ka lang, 'kala mo kung sino ka na!" sabi ni Tan Sua, kuyom ang kamaong pilit kumakawala kay Dy Koyi. "Tama na! Tama na!" awat ni Dy Koyi. Takot na takot si Lim Kui. Ayaw niyang masaktan pa. Bubusa-busa siyang umatras papunta sa likuran ng tindahan at nagtago roon. | "Wer treibt es hier zu weit? Was bist du schon für sie? Lim Kui fühlt sich stärker als er sieht, wie Tan Sua beruhigt wird. "Sie will das, und ich zahle dafür! Was hängst du dich da rein?" "Du hast bloß ein bisschen Kleingeld, ich denke jetzt, was für einer du bist!" sagt Tan Sua ... | |
{11.15} | |
Nakatikim ng dalawang sampal si Lim Kui, pero hindi niya nagawang magreklamo o magsumbong kanino man. Kung magsusumbong siya'y nakakahiya lang! Ayaw na ayaw ni Ang Taoke ang ginawa niya. Sumuway siya sa patakaran nang magdala siya ng huannapo sa itaas, at takot na takot siyang malaman ito ng amo. Kaya naman tumahimik na lang siya at nagtanim ng galit. At naghintay ng pagkakataong makaganti. | ungehorsam sein heimzahlen |
Noo'y nagtataka lang ako kung ano talaga ang ginagawa nina Lim Kui at Isha, pero nang marinig kong sinabi ni Lim Kui na "Gusto naman niya, at nagbayad ako" ay saka ko nahinuha kung ano talaga ng nangyayari. Pero naging palaisipan naman sa akin ang relasyon nina Tan Sua at Isha, at gustong-gusto ko iyong malaman. Ilang beses akong nagtanong kay Tan Sua, pero ayaw niya namang sabihin. Hanggang sa sumunod na taon, saka lang ipinagtapat ni Tan Sua sa akin ang lahat-lahat bago siya umalis sa Asia Bazaar. Iyo'y pagkatapos na naging mananayaw si Isha sa bahay-aliwan. |
Kuwento nina Tan Sua at Isha | {12.1} |
Tan Sua ist Waise und wird von seinem Onkel adoaptiert. Er arbeitet fleißig und verdient wenig Geld. Mit 20 Jahren rettet er die achtzehn Jahre alte Isha auf einem alten Friedhof vor einer Vergewaltigung. Er besiegt die beiden Schurken und wird dabei verletzt. Isha bringt ihn zu ihrer Wohnung und pflegt ihn dort. | |
Nagkaroon ng kuwento ng pag-iibigan sina Tan Sua at Isha sampung taon ang nakaraan, ngunit iyo'y sawimpalad na pag-ibig na nauwi sa paghihiwalay. Nakaukit ang kuwentong iyon sa puso ni Tan Sua, at malaki ang naging epekto nito sa kanyang buhay. | unglücklich eingraviert |
{12.2} | |
Nasawi sa isang aksidente sa pagawaan ang ama ni Tan Sua noong 1923, at para siyang bangkang nagpalutang-lutang sa madilim na karagatan, halos mawalan ng pag-asa sa kinabukasan. Sa kabutihang palad, inampon siya ng kababayan ng ama na si Tan Tiak, at nailigtas siya sa pagpapalaboy- laboy sa lansangan. | sterben schwabbelig |
{12.3} | |
Mahigit tatlumpung taon ang tanda ni Tan Tiak kay Tan Sua, pero kung pagkakasunod ng henerasyon ang pagbabatayan, pareho silang kabilang sa henerasyon ng "Yu" (Mandarin) o "Giok" (Hokkien). Kaya sa talaan ng angkan ng mga Tan, Tan Giok Sua at Tan Giok Tiak ang pangalan nilang nakatala. Pero ayon sa nakaugalian sa bayan nila sa Tsina, ang mga maykaya, mga nakapag-aral at mga opisyal lang ang gumagamit sa buong pangalan.Ang karaniwang mamamaya'y ang apelyido at ang ikalawang character lang ng pangalan ang ginagamit. | |
Matanda nang dalawang taon si Tan Tiak sa ama ni Tan Sua, kaya't "apeh" (nakatatandang kapatid na lalaki ng ama) ang itinawag ni Tan Sua sa amain. Hindi naman nakapag-aral ng mga obrang klasiko si Tan Tiak, pero ewan kung bakit naging piyudal ang kaisipan. Para sa kanya'y taliwas sa alituntunin ang pagtawag sa kanya ni Tan Sua ng apeh. Iginiit niyang magturingan silang magkapatid, kaya't "sioti" (nakababatang kapatid na lalaki) o "A Sua" ang itinawag niya kay Tan Sua. "Ahia" (kuya) naman ang itinawag sa kanya ng ampon. | feudal abweichend beteuern erwähnen |
{12.4} | |
Sastre sa isang patahian si Tan Tiak. Isang katutubo ang kanyang amo. Siya lang ang Tsino sa patahian. Mahusay at maabilidad siyang sastre, pero sa maliit na siyudad, hanggang sisenta pesos lang ang buwanang sahod niya. Pinakamalaking pangarap niya sa buhay ang makapagbukas ng sariling patahian, pero kalahati ng kita niya'y ipinapadala sa pamilya sa Tengsua. Kung ibabawas ang gastos sa pagkain at upa sa kuwarto, wala nang gaanong natitira. Kung ilampung taon siyang nagsikap at nagtipid, pero magkano lang ang naipong pera. Nauwi sa bula ang pangarap na yumaman. | Schneider |
{12.5} | |
Umupa si Tan Tiak ng isang entresuwelo sa siyudad. Limang piso ang buwanang upa. Parang bahay ng kalapati ang entresuwelo. Mataas lang nang kaunti sa isang tao. Nang malagyan ng katreng pang-isahang tao, sapat na lamang latagan ng banig ang natirang espasyo. Sa katre natulog si Tan Tiak. Sa sahig naman si Tan Sua. Anupa't ang maliit entresuwelo ang nagsilbing tahanan ng nagturingang magkapatid. | Zwischengeschoss Bett Fußbodenbelag deshalb |
{12.6} | |
Tinangkang turuang manahi ni Tan Tiak ang ampon, pero hindi bagay sa pinong gawain ang mga kamay ni Tan Sua. Sa gayo'y ipinasok niya sa isang tindahan ang itinuring na kapatid. Dahil bata pa at walang gaanong pinag-aralan, rinanggap si ran Sua bilang aprentis. Libre ang pagkain ar tulugan, at may sahod na kinse pesos kada buwan. Ngunit, laging nasa isip ni Tan Sua ang lolo at inang naiwan sa Tengsua. Gusto niyang suportahan ang mga ito, pero paano magkakasiya ang kinse pesos na buwanang suweldo? Kailangang kumita siya nang mas malaki! | unternehmen |
Nang magbalik sa Nanyang noong nakaraang taon at nagsara ang maliit na tindahan ng ama sa Siyudad L, naranasan niyang maging trabahador. Kumita siya ng mahigit piso bawat araw at kung mag-o-overtime, o kaya'y magbubuhat ng mga kargamento sa piyer, o magtatrabaho sa konstruksiyon, maaari siyang kumita ng dalawang piso bawat araw. Sa gayo'y ipinasiya niyang magbenta na lamang ng lakas para kumita nang mas malaki para sa pamilya. |
{12.7} | |
Malaki ang itinangkad ni Tan Sua nang magdidisiotso na. Mabilis na mabilis ang paglaki niya, gaya ng labong o murang kawayan pagkatapos ng ulan. Kailangan lang ang sapat na nutrisyon, hamog at sikat ng araw at agad na bubulas at yayabong. Hindi nakatikim ng masasarap na pagkain. si Tan Sua, pero kahit tinapay at kanin ang kinakain sa araw-araw at tubig at mumurahing tsaa ang kadalasang iniinom, lumaki siyang malakas at matipuno. Lalo pang pinalakas at pinatigas ng pagpaparulo ng pawis sa mabibigat na trabaho ang kanyang mga buto't kalamnan. Wala pang tatlong taon mula nang ampunin ni Tan Tiak, gaya na ng sa weightlifter ang kanyang pangangarawan, at para siyang toreng bakal kung nakatayo sa tabi ng payat at maliit na amain. |
{12.8} | |
Isang hapong katitila ng malakas na ulan pero tuloy-tuloy pa ang ulang tikatik, nagtatrabaho si Tan Sua sa isang kontruksiyon sa labas ng siyudad. Nagbubuhat siya ng mga supot ng semento paakyat sa ikatlong palapag. Paisa-isang supot lang ang kayang buhatin ng mga kasama. Siya'y dala-dalawa. Basang-basa sa naghalong pawis at tubig-ulan ang suot niyang puting kamiseta at asul na pantalon, pero tuloy-tuloy siya sa paggawa. Tumigil lang nang sumilbato ang kapatas para ihudyat ang pagtigil ng trabaho. Pagkakuha sa sahod na dalawang piso at limampung sentimo, hinubad niya ang kamiseta, at pagkatapos pigain ang pawis at tubig-ulan, muli niya itong isinuot sa katawang tila umuusok sa init, at saka naglakad pauwi. |
{12.9} | |
Tumigil na rin ang ulan nang magdapithapon. May kadiliman na ang langit, pero nakasungaw pa ang liwanag sa kanluran, liwanag na pinahiran ng dilaw na ginintuan, kaya naman nagmukhang puting pader na hinagisan ng isang dakot na putik ng salbaheng bata. Hindi pansin ni Tan Sua ang pagbabago ng kulay ng langit, ngunit batid niyang hindi na maaga kung kaya't nagmamadali ang pagod na mga binting humakbang siya pauwi. Sa paglalakad ay bumubuo ng plano sa isip. | heraussehen, herauskommen wild |
Naisip niyang dumaan muna sa maliit na restoran at gumasta ng beinte sentimos para sa isang platong bihon guisado. Tapos ay gagasta siya ng dalawang senrimo para sa apat na pirasong tinapay na mey palamang matamis na coco jam o niyog na halaya. Bibili rin siya ng halagang sampung sentimong maalat na karne ng ulo ng baboy para sa hapunan ni Tan Tiak, at para na rin sa almusal niya kinabukasan. Mula pa noong isang taon, umaabot sa dalawang piso ang arawang kita ni Tan Sua. Bilang pagtanaw ng utang na loob sa kumupkop sa kanya, inako niya ang pagbabayad sa buwanang upa sa kuwarto. Madalas pa siyang bumili at mag-uwi ng pagkain pagkagaling sa trabaho. Paano kasi'y sampung oras ang trabaho ni Tan Tiak araw-araw at mga alas-otso na ng gabi kung makauwi ito sa entresuwelo. | behüten |
{12.10} | |
Sa pag-uwi ni Tan Sua mula sa trabaho, napaparaan siya sa isang dalisdis. Sa tuktok ng dalisdis, may isang maliit na matandang simbahang Katoliko, na sinasabing itinayo ng mga Europeo nang una silang makarating sa isla. Sa maliit na simbahang iyon nagsisimba ang mga maralita. Sa likod ng simbahan, may isang halos tiwangwang na lumang sementeryo. Ito rin ang libingan ng mga maralita, at marami sa mga puntod ay luma na at sira-sira, kung kaya't may mga kabaong at nangitim nang kalansay na lumabas na mula sa pagkakalibing. | Abhang sehr arm völlig offen Grab Skelett |
Naging pugad ng ahas at daga ang mga lumang puntod, at sa buong sementeryo'y tumubo ang mga halamang matitinik at mga ligaw na yantok. Ang mga talahib ay umabot na sa kung ilang piye ang taas. Nangabuwal na rin ang maraming krus na gawa sa kahoy. Sa gitna ng libinga'y may isang malaking punong kalbo. Minsan itong rinamaan ng kidlat, at makikita pa ang mangitim-ngitim na pilat na nilikha nito. Pero sa bahaging ibaba ng puno'y malago pa ang mge sanga at dahon, samantalang sa bahaging itaas nito, na kinalbo ng tama ng kidlat, ay may ilang pugad ng uwak. | wild Rattan hohes Gras Fuß (Maß) |
Sa bukang-liwayway at sa dapithapon, dumarapo sa mga pugad at naghuhunihan ang kawan ng mga uwak. Nangasira at nangabuwal na rin ang mga pader sa paligid ng libingan. Matagal nang sira ang dalawang pinto sa pasukan, at nanatiling nakabukas ang mga ito. Ayon sa sabi-sabi, pagsapit ng gabi'y madalas makarinig sa semenreryo ng panaghoy ng babaeng multo. Kaya naman mas ginugusto ng mga taong ikutan at iwasan ang simbahan at ang sementeryo. Pag araw ay may mangilan-ngilang nagdaraan dito, pero pag gabi'y walang nangangahas magdaan. | umgefallen Klagelied wenige sein |
{12.11} | |
Noong bata pa'y nakasama si Tan Sua sa ama sa pagsamba at pagsisindi ng insenso sa mga tempro ng Guanyin (Diyosa ng Awa), pero kailanma',y hindi siya gaanong naniwara sa mga diyos at multo. Ngayo'y matipuno siya at matapang, kaya naman walang takot na pinili niya ang pinakamalapit na daan. Naglakad siya sa makitid na landas sa mismong tabi ng pader ng libingan, sa paana'y natahpakan ang mga ligaw na damong basa pa sa tubig-ulan. |
{12.12} | |
"Ayy! Ayy! Ayy ... " biglang-bigla, nakarinig si Tan Sua ng mga hibik
mula sa libingan. Matinis ang tinig, para bang pilit pinahahaba ang leeg sa
paghibik. Nabigla si Tan Sua sa narinig. Kinilabutan siya, pero hindi siya
kumaripas ng takbo, bagkus ay tumigil sa paghakbang at tinalasan ang
pandinig. "Ayy! Ayy! Ayy ... " sunod-sunod na namang hibik. "Totoo kayang may babaeng multong tumataghoy?" naisaloob ni Tan Sua. Hindi siya mapalagay. "Tulungan n'yo 'ko! Tulungan ..." tinig iyon ng isang "huannapo" na humihingi ng saklolo, na tila tinakpan ng kung sino ang bibig kung kaya't natigil sa pagsigaw. |
schrill erzwungen Gänsehaut schnell laufen im Gegenteil |
{12.13} | |
Sa panahong nasa bayan sa Tsina, nakabasa si Tan Sua ng mga kuwento tungkol sa magigiting na mandirigma, at natanim sa puso niya ang paghanga sa kagiringan ng mga bida sa kuwento. Sa gayo'y isinampa niya ang dalawang kamay sa pader at umigpaw sa kabila nito, saka mabilis na tumakbo papunta sa pinagmulan ng hibik, hindi alintana ang natatapakang mga ligaw na damo at yantok. | heldenhaft Bewunderung überklettern übersteigen achten auf |
{12.14} | |
Mga ilang metro mura sa matandang puno sa gitna ng libingan, nakita ni Tan Sua na pigil-pigil ng dalawang maton ang magkabilang balikat ng isang babae. Tutop ng payat at matangkad na maton ang bibig ng babae, samantalang pilit hinihila ng pandak na maton ang itim na palda nito. Nagsisisipa at nagpupumiglas ang babae. Punit na ang blusa nitong bulaklakin, at nakahantad ang puting panloob. Magulo ang itim na buhok na nakatakip sa mukha nito. | Schläger zuhalten Fußtritt wegkommen entblößt |
{12.15} | |
"Tigil! Tumigil kayo!" malakas na sigaw ng nagsiklab na si Tan Sua. Dahan-dahan siyang lumapit sa dalawang maton, nakahanda sa isang labanan. Nagulat ang dalawang maton. Binitiwan ang babae at hinarap si Tan Sua. Bahagya silang kinabahan nang makitang ang dumating ay isang matipuno at malaking lalaki. Ngunit nang kaharap na nila si Tan Sua ar nakitang ito'y isang kabataang may puntong Tsino ang wikang katutubo, at ito'y nag-iisa samantalang dalawa sila, muling lumakas ang loob nila at pinagtawanan ang kaharap. | loslassen nervös werden Akzent auslachen |
"Hahaha, intsik baboy!" nakatawang sabi ng payat na maton, na sa malas ay mahigit tatlumpung taong gulang. Itinupi niya ang magkabilang manggas ng kamisadentrong checkered, at tinanong si Tan Sua habang lumalapit dito, "Gusto mong malibing na rin sa hukay?" "Sibat na! Anak ng puta!" sabi naman ng pandak na maton na nakasuot ng pulang kamiseta, at ang itsura'y mas bata kaysa kasama. Nakahalukipkip ito at hindi umaalis sa kinatatayuan. | hoch krempeln Speer mit verschränkten Armen |
{12.16} | |
Hinarap ni Tan Sua ang payat at matangkad na maton, na kuyom ang mga kamaong pumormang makikipagsuntukan. Nakapag-aral ng martial arts at judo si Tan Sua mula sa isang maestro. Sa mga pinasukang trabaho sa nakalipas na tatlong taon, hindi miminsang nakaengkuwentro siya ng mga "huanna" na nais umapi sa kanya, at ang mga ito'y pawang pinatikim niya ng bagsik ng martial arts ng mga Tsino. Ngayo'y wala ni katiting na kabang hinarap niya ang dalawang maton. Humanda siyang makipaglaban, pero sinadya niyang umatras nang dahan-dahan. | ballen Faust kämpferisch unterdrücken alle Heftigkeit |
{12.17} | |
Lalong tumapang ang payat at matangkad na maton dahil inakalang natakot si Tan Sua. Nang mga dalawang hakbang na lamang ang agwat sa kaharap, bigla itong dumaluhong at isinuntok ang kanang kamao sa mukha ni Tan Sua. Umiwas pakaliwa si Tan Sua at sumuntok sa hangin ang kamao ng maton. Isinuntok naman ang kaliwang kamao. Mabilis namang yumuko si Tan Sua at iwinasiwas ang kanang binti sa kalaban, na nang mapatid ay patimbuwang na bumagsak sa lupa. | schwingen |
{12.18} | |
Nang makita ng pandak na maton na nagapi ang kasama,iniwan nito ang babae at mabilis na sumugod. Nakita ni Tan Saa na boksing na naman ang ipinorma ng sumusugod na kalaban. Nagkunwa siyang isusuntok ang kamao, at nang umatras ang kalaban, itinaas niya ang kanang pea at malakas na isinipa sa tiyan ng maton. | Vorteil |
Napaluhod ang pandak na maton kasabay ng isang malakas na "Aray!". Susundan sana ni Tan Sua ng isa pang sipa nang biglang makaramdam siya ng kirot sa likod. Paglingon niya'y nakita niyang may bahid na dugo ang balisong na hawak ng payat at matangkad na maton. Lalong nagsiklab ang galit niya sa katrayduran ng kalaban. Tiniis niya ang sakit at mabilis na sumugod. | knieend Klappmesser aufflammen Verrat |
Sinalag niya ng kaliwang kamay ang isinaksak na patalim, sabay suntok ng kanang kamao sa mata ng kalaban. Biglang dumilim ang paningin ng maton at susuray-suray na napaatras. Nahulog sa lupa ang hawak na balisong. Pinulot ni Tan Sua ang patalim at lumapit sa kalaban, na sa sobrang takot ay kumaripas ng takbo papunta sa pinto ng sementeryo. Nang makitang tumakas ang kasama ay kumaripas na rin ng takbo ang pandak na maton. | abwehren |
{12.19} | |
Nakalayo na ang dalawang maton nang itinupi ni Tan Sua ang balisong at nilingon ang babae, na noo'y naayos na ang gulong buhok at lumitaw ang magandang mukha ng isang dalaga. Nanginginig pa rin ang katawan ng babae, pero makikita sa mga mata ang pasasalamat sa lalaking nagligtas sa kanya. Lumapit si Tan Sua sa dalaga para ilayo na ito sa sementeryo. | einklappen auffallend zittern |
"Naku! Mister ..." nasambit ng dalaga nang makita ang bakas ng sariwang dugo sa puting kamiseta ni Tan Sua. "May sugat ka, mister!" Hinipo ni Tan Sua ang kamiseta at nanlagkit sa dugo ang' kanyang palad. Patuloy na umaagos ang dugo mula sa kaliwang balikat. Nakaramdam siya ng kirot kasabay ng panginginig ng mga kalamnan sa balikat, hanggang manlambot ang buo niyang katawan. | Spur klebrig sein fortgesetzt |
"Mister, maupo ka muna," sabi ng dalaga. Inalalayan siyang umupo sa isang nitso, pagkuwa'y hinubad ang kamisetang duguan at tinapalan ng puting panyo ang sugat. Pumunit pa ito ng dalawang piraso mula sa blusang bulaklakin at sanay na sanay na ibinenda sa sugat, saka muling ipinasuot sa kanya ang kamiseta. "Ayan, nakabenda na," sabi ng dalaga. "Mister, tayo na." | Nische anschließend verbinden |
{12.20} | |
Madilim na madilim na nang makalabas sila ng sementeryo. Gumuguhit ang mga kidlat sa langit at maririnig ang dagundong ng kulog sa malayo. Matindi ang kirot sa balikat at likod ni Tan Sua. Patuloy sa panginginig ang katawan. Pilit niyang hinila ang nanlalambot na mga paa at susuray-suray na naglakad. Tinanggihan niya ang ilang beses na tangkang pag-alalay sa kanya ng dalaga. | Absicht Hilfe |
Kinagat niya ang labi at tiniis ang sakit at pinilit humakbang nang walang umaalalay. Pagkababa sa dalisdis, sa daang patungo sa bayan, muntik nang madapa si Tan Sua nang mapatid sa bato. Mabilis siyang inalalayan ng dalaga at hindi na ito bumitiw pa sa pag-alalay. Sa gayo'y wala nang nagawa si Tan Sua kundi tanggapin ang kabutihang-loob ng dalaga. | beinahe |
{12.21} | |
Nagsindi na ang mga ilaw sa kalsada. Nagpalinga-linga si Tan Sua at naghanap ng kalesang masasakyan pauwi, ngunit maliban sa mangilan-ngilang taong naglalakad ay walang nagdaraang kalesa. Nahulaan ng dalaga ang nasa isip niya. Nagtanong ito, "Mister, ano'ng pangalan mo? Sa'n ka nakatira?" "Ako si Tan Sua. Nakatira ako malapit sa Chinatown, sa tabi ng palengke," sagot niya. | Kopf drehen wenige sein (ilạn) |
"Napakalayo pala! Walang nagdaraang bus dito. Wala ring kalesa," nababahalang sabi ng dalaga, na maya't maya'y tumitingala sa langit. May kasamang kulog ang kidlat, at nag-uumpisa nang pumatak ang ulang dala- dala ng hangin mula sa bundok. "Malapit nang umulan! Magpahinga ka muna sa amin, Mr. Tan. Diyan lang kami sa malapit nakatira." | ab und zu nach oben sehen |
"Huwag ka nang mag-abala, miss," sabi ni Tan Sua. "Hayaan mo na akong maglakad, maski dahan-dahan." "Hindi maaari, Mr. Tan!" mapilit na sabi ng dalaga. "Masyadong maraming dugo na ang nawala sa 'yo. Kailangang gamutin ang sugat mo." | wenn auch eindringlich |
{12.22} | |
Nanghihina nga ang mga tuhod ni Tan Sua, at patuloy ang pagdurugo ng sugat. Maaaring hindi nga niya makayang maglakad pauwi sa entresuwelo. Giniginaw na rin siya. Napilitan siyang sundin ang kagustuhan ng dalaga. | gezwungen sein |
Para hindi gaanong maramdaman ni Tan Sua ang sakit, kinausap siya nang kinausap ng dalaga. Paulit-ulit na pinasalamatan si Tan Sua sa pagliligtas sa kanya. Kung hindi dumating si Tan Sua ay tiyak na napahamak siya sa dalawang maton, sabi pa. Alalang-alala ang dalaga sa tinamong sugat ni Tan Sua. Napapahikbi ito habang nagsasalita. Panay rin ang tulo ng luha. Itinanong pa ng dalaga kung ano ang trabaho ni Tan Sua, kung ano ang kalagayan ng pamilya. Pagkuwa'y ipinakilala nito ang sarili. | zu Schaden kommen (mapahamak) Erinnerung bekommen schluchzen anschließend vorstellen |
{12.23} | |
Isha ang pangalan niya. Maliit pa siya nang mamatay ang ama, at otso anyos nang yumao ang ina. Isang tiyahin ang nagpalaki sa kanya. Napasok siyang katulong sa isang pribadong ospital nang magtapos ng mababang paaralan, at ngayo'y isa nang ganap na nars. Mila ang pangalan ng tiyahin niya. Kuwarenta y singko anyos na pero wala pang asawa. | |
May puwesto ito sa palengke. Ikasampung taong anibersaryo ng pagkamatay ng kanyang ina ngayong araw. Maaga siyang umalis sa ospital para linisin ang puntod ng ina. Hindi niya akalaing mapagtatangkaan ng masama ng dalawang maton, aniya. Nadamay at nasugatan tuloy si Tan Sua, aniya pa. | annehmen vornehmen wie sie sagt (a+niyạ) Mitleid haben |
{12.24} | |
Pagkatawid nila sa ikalawang kalsada, tuluyan nang umulan nang malakas. Nag-alala si Isha na ginawin si Tan Sua. Binilisan niya ang hakbang, halos hilahin ang lalaki, hanggang makarating sila sa isang bahay na gawa sa kahoy at may mga poste. Umakyat sila sa mabuway na hagdanan. Sa harap ng pinto, pagkahubad ni Isha sa sapatos na balat ay tinulungan niya si Tan Sua na hubarin ang sapatos na de-goma, saka binuksan ang pinto at ang ilaw. | fortsetzen beunruhigt sein wackelig Leder |
Nakita ni Tan Sua na walang katre sa loob ng bahay. Mayroon lang ilang simpleng kasangkapan. Naglatag si Isha ng higaan sa malinis na sahig, at pagkatapos alalayan sa pag-upo si Tan Sua ay tinulungang hubarin ang duguang kamiseta, saka inalis ang pansamantalang benda. Naglabas ang dalaga ng gamot mula sa isang kahon, at matapos linisin ng alcohol at pahiran ng gamot ang sugat ay muli itong binendahan. | belegen |
Naglabas din ang dalaga ng isang maluwang na blusang bulaklakin at sinabi kay Tan Sua, "Walang lalaki sa bahay namin, Mr. Tan. Kay Tiya Mila ito. Pagtiyagaan mo na lang muna." | Geduld haben |
{12.25} | |
Nahihiya man si Tan Sua ay totoong nakakaramdam na siya ng matinding ginaw, kaya naman isinuot niya na ang blusang bulaklakin. Napansin ni Isha na nangangatog ang katawan ni Tan Sua. Hinipo niya ang noo ng lalaki. | zittern |
"Nilalagnat ka, Mr. Tan. Mabuti pa'y mahiga ka na at magpahinga," sabi ng dalaga. Kumuha si Isha ng isang puting unan at isang kumot at tinulungang mahiga si Tan Sua. Maliban sa sariling kamag-anak, kailanma'y hindi nagkaroon ng pagkakataong mapalapit sa kabataang babae ang dalawampung taong gulang na si Tan Sua. Makipag-usap lang sandali sa kabataang babae ay pinamumulahan na siya ng mukha. | zum Erröten bringen |
Ngayo'y inalalayan siya ng isang dalaga sa paglalakad nang malayo-layo, tinulungan siyang linisin ang sugat, pinagsuot ng bulaklaking damit ng babae, saka pinahiga at pinagpapahinga sa higaan nito. Paanong hindi siya mahihiya at mag-aatubili? Gusto niyang magpahinga lang sandali, at pag nanumbalik ang kaunting lakas ay umuwi na sa tinutuluyang entresuwelo. | stützen unwillig handeln |
{12.26} | |
"Miss Isha, mabuti pa'y ikuha mo ako ng kalesa. Sa amin na lang ako magpapahinga para mas komportable," pakiusap ng binata. "Hindi ba komportable rito?" tanong ng dalaga. "Makinig ka sa akin! Umuulan nang malakas sa labas, sa'n.ako kukuha ng kalesa? Saka nilalagnat ka. Huwag ka nang mag-atubili! Pasyente kita, kaya't makinig ka sa akin. Hindi man ako doktor, pasyente pa rin kita. Kaya't mahiga ka na't magpahinga." | |
Pinakinggan ni Tan Sua ang ingay na likha ng pagbagsak ng ulan sa bubong na yero. Nakaramdam siya ng ginaw at hindi napigil ang panginginig ng katawan. Naisip niyang hindi nga siya makakauwi. Sa gayo'y sinunod niya ang kagustuhan ni Isha. Nahiga siya at hinayaang kumutan ng dalaga. | Werk |
{12.27} | |
Kumuha si Isha ng termometro at ipinaipit sa kilikili ng binata. At habang naghihintay, gumawa siya ng siga sa kalan sa isang sulok ng bahay at nagluto ng kape. Pagkahanda sa hapunan, nagbalik siya sa silid at hinugot ang termometro. Tiningnan niya ito sa ilalim ng ilaw, saka tila kinausap ang sarili, "Mahigit treinta y otso. Nilalagnat nga!" Pagkaligpit sa termometro, dinalhan ni Isha ng isang bandeha si Tan Sua at inilapag ito sa tabi ng binata. "Mr. Tan, gutom ka na siguro. Kumain ka na." | herausholen beiseite legen |
Pakiramdam ni Tan Sua ay tuyong-tuyo ang lalamunan niya, parang sinisilaban, pero hindi siya nakakaramdam ng gutom. Ibinuka niya ang bibig at nanghihinang sinabi, "Pahingi ng isang basong tubig." | brennen |
{12.28} | |
Kumuha si Isha ng isang basong tubig, inalalayan si Tan Sua sa pag-upo sa higaan, saka tinulungang uminom. Kumuha siya ng isa pang baso nang makitang nauuhaw pa ang binata. Pagkainom sa tubig, hinimok niyang kumain ang pasyente. Inilapit niya ang bandeha na kinalalagyan ng isang takoreng kape, ilang pirasong tinapay, niyog na halaya at dalawang piniritong itlog. Ni hindi mabubusog si Tan Sua sa ganoong pagkain, pero umiling-iling siya nang makita ang mga ito, "Salamat, pero hindi ako nagugutom." | veranlassen Tablett Kaffeekanne Kopf schütteln |
"Ang daming dugong nawala sa 'yo at nanghihina ka, kailangan mong kumain kahit pa'no," giit ni Isha. Dahil talagang mapilit ang dalaga, kumain si Tan Sua ng dalawang pinsong tinapay at isang itlog at uminom ng isang tasang kape. Humina na ang ulan. Mula sa labas ay narinig ang reklamo tungkol sa sama ng panahon. Mababa ang boses, parang boses ng lalaki. "Si Tiya Mila na 'yan!" sabi ni Isha, at nagmamadaling binuksan ang pinto. | bestehen auf eindringlich Scheibe |
{12.29} | |
Pumasok ang isang matabang babae. Nakasombrerong buri at may balabal na plastik sa balikat. Paika-ika ang kanang paa at patuloy sa pagrereklamo, "Katapusan na ng mundo! Umihi lang ang demonyo, bumaha na sa bayan. May pulubing nalunod sa ilog. Ayaw na ring pumasada ng mga bus, kaya napilitan akong maglakad pauwi. | Lederhut hinken |
Nadapa pa ako sa kalsada at muntik nang mahulog sa kanal. pesteng ulan!" Tinulungan ni Isha ang tiya na alisin ang sombrerong buri at balabal na plastik. Nang makita ni Mila na may lalaking natutulog sa sahig, gulat siyang nagtanong, "Sino siya?" | beinahe |
"Isang kaibigan," sabi ni Isha. "Anong kaibigan? Bakit dito siya natutulog sa atin?" "Siya ang tagapagligtas ko!" sabi ni Isha, at ikinuwento sa tiya ang sinapit sa sementeryo at kung papaanong iniligtas siya ni Tan Sua mula sa kapahamakan. "Nasaksak ng maton si Mr. Tan. Maraming dugo ang nawala sa kanya. Nilalagnat pa siya." | geschehen Katastrophe |
{12.30} | |
Mararahan ang hakbang na lumapit si Mila sa kinahihigaan ni Tan Sua. Hirap na iniyuko ang gabariles na baywang. Pinagmasdan niya si Tan Sua, saka hinipo ang noo. Dumilat ang binata at nagpilit bumangon. Pinigil siya ni Mila. "Huwag kang gagalaw, anak. Inaapoy ka ng lagnat. Kailangang magpahinga kang mabuti," sabi niya, saka tinanong ang pamangkin, "Kumain na ba si Mr. Tan?" | "Fettröllchen" Augen öffnen |
"Kumain nang konti," sagot ni Isha. "Tiya Mila, hayaan na nating
matulog si Mr. Tan. Halika nang kumain." Habang kumakain ang dalawang babae, sinisi
ni Mila ang pamangkin. "Isha, disiorso ka na, napakapabaya mo pa. Hindi ka dapat
nagpunta sa sementeryong 'yon nang hindi ko nalalaman. Muntik ka nang mapahamak! Kung walang dumating na mabuting tao, nadisgrasya ka na!" Pagkuwa'y tiningnan niya ang natutulog sa sahig, saka paanas na sinabi sa pamangkin, "Dalawang babae tayo sa bahay, hinahayaan nating matulog dito ang isang lalaking may sakit na ay sugatan pa ...,' |
vorhalten nachlässig flüsternd |
{12.31} | |
"Kain nang kain, Tiya Mila," pinutol ni Isha ang sinasabi ng tiya, sa pangambang marinig ni Tan Sua at sumama ang loob nito. "Hayyy! Ang kawawa kong kapatid. Kay agang namatay at iniwan ka sa aking kawawang bata ka ...". Kumagat sa hawak na tinapay si Mila saka humigop ng kape, at nangilid na naman ang luha sa naalalang pagkamatay ng ina ni Isha. | misstrauisch (pangambạ) verbittert sein bemitleidenswert langsam trinken Tränen kommen (gilid) |
"Hayyy! Ang kawawa mong ina. Maganda na'y kay bait pa. Hindi kasi nakinig sa akin, haya't naloko tuloy ...". "Tama na,Tiya Mila!" pinigil ni Isha ang tiya. Ayaw niyang marinig ng ibang tao ang tungkol sa malungkot na sinapit ng ina. Ang totoo, ang taong inaalala niyang makakarinig sa usapan nila'y nakatulog na nang mahimbing. | tief schlafend |
Sawimpalad na Pag-ibig | {13.1} |
... | |
Sa maingat na pag-aalaga ni Isha, na may kasamang ineksiyon at pagpapainom ng gamot, mabilis na gumaling ang sugat ni Tan Sua. Pagkatapos ng tatlong araw nanumbalik na rin sa normal ang temperatura ng kanyang katawan. Hindi pa gaanong naghihilom ang sugat, pero nainip na sa kahihiga si Tan Sua. Bumangon na siya at tumulong sa kaunting gawain sa bahay. | verheilen |
Nang araw na iyon, gaya nang dati'y bumangon si Mila bago pa sumikat ang araw. Bumili siya ng isang piling na nilagang saba sa talipapa sa kalsada at sumakay sa unang biyahe ng bus. Habang kinakain sa upuan ang biniling saba, muli'y nagmamadali siya sa pagpunta sa puwesto sa palengke para magtinda. | kleines Bündel kleiner Markt |
{13.2} | |
Bumangon na rin si Isha ilang sandali pagkaalis ng kanyang Tiya Mila. Matapos maghilamos at magsepilyo sa isang sulok ng bahay, nag-init siya ng gatas at naglaga ng itlog para sa almusal. Maingat na maingat ang kanyang mga galaw, sa pangambang maistorbo ang pagtulog ng bisita. Ang totoo'y gising na si Tan Sua. | Befürchtung (pangambạ) |
Sa unang dalawang araw niya sa bahay, panay ang tulog niya dahil sa pagkahilo at panghihina. Sa sumunod na dalawang araw ay humupa na ang lagnat niya at sapat na rin ang tulog. Nang bumaba ng bahay si Mila nang araw na iyon ay nagising na siya. At habang wala si Isha sa kuwarto, mabilis siyang bumangon at iniligpit ang pinaghigaan at ipinatong sa ibabaw ng baul na kahoy, saka kumuha ng walis at winalis ang buong kuwarto. | sinken beiseite legen Truhe |
{13.3} | |
Nang ipasok ni Isha ang almusal, nagulat siya nang makitang bumangon na ang bisita. "Ano'ng ginagawa mo, Mr. Tan?" masama na tanong niya. "Kailangan ko nang umuwi, Miss Isha," nahihiyang sagot ni Tan Sua. "Salamat sa malasakit n'yo ni Tiya Mila." | verletzt (samạ) |
"Hindi maa'ri! Hindi pa magaling ang sugat mo!" mariing sabi ni Isha habang inilalapag sa bilog na mesa ang bandehang kinalalagyan ng gatas at nilagang itlog. "Hindi ka pa maa'ring umalis!" "Hindi ba't magaling na ako?" sinadyang itaas ni Tan Sua ang dibdib, nagkunwang masiglang-masigla na ang katawan. | vorgeben |
"Mister, hindi mo maaaring ilihim sa nars na ito kung magaling ka na o hindi! Namumutla ka pa at hindi pa naghihilom ang sugat. Nanghihina ka pa rin kaya't kailangang alagaan ka pa." "Miss Isha, hindi ko na kayo puwedeng abalahin pa." "Sino'ng naaabala? Huwag ka nang magsalita ng ganyan, Mr. Tan. Nasugatan at nagkasakit ka nang dahil sa akin, hindi ba't dapat lang kitang alagaan? Sige na! Lumamig na ang gatas, kumain ka na!" | blass sein belästigen |
{13.4} | |
Katamtaman lang ang pagkakalaga ng dalawang itlog. Binutas na ni Isha ang balat at naglagay sa butas ng kaunting asin. Iniabot niya ang mga ito kay Tan Sua. Hindi sanay ang binata sa itlog na halos hilaw pa sa pagkakalaga, pero hindi niya matanggihan ang kagandahang-loob ng dalaga. Mas masustansiya ang itlog na bahagya lang ang pagkakalaga, ayon kay Isha, kaya't minabuti niyang kainin ang inihanda nitong dalawang itlog para sa kanya araw-araw. |
{13.5} | |
Kung ano-ano ang naiisip ni Tan Sua habang nag-aagahan. Sa nakalipas na ilang araw araw-araw ay lumiliban si Isha sa trabaho nang kalahating araw para maalagaan siya. Kumuha pa ng doktor para gamutin siya at ibinili pa siya ng mga pagkain. Bukod sa gumagastos na ang dalaga ay nakakaltasan pa ang suweldo. | weglassen |
Batid niyang hindi maluwag sa pera si Isha, kaya naman nagpapasalamat siya sa malasakit ng dalaga, pero labis din siyang nababahala. Siya ay isang taong hindi marunong magpaligoy-ligoy, pero dahil nabubuhay sa lipunang labis ang pagpapahalaga sa pera, sensitibo siya sa init at lamig ng pakikitungo at pagtanggap sa kanya ng ibang tao. Nahahalata niyang labag sa kalooban ni Mila ang kunwa'y mainit na pagtanggap na ipinapakita nito sa kanya. Nang unang dalawin siya ni Tan Tiak, nagkasundo sila ng amain na wala sa lugar ang pangyayaring kasama niya sa isang kuwarto ang dalawang babae, ngunit dahil sa kalagayan niya'y hindi pa siya maaaring ilipat. | bekannt verantwortlich sein ausweichen verletzen |
Nang muling dumalaw si Tan Tiak kahapon ay malaki na ang ibinuti ng kalagayan ng ampon, at nagkasundo silang susunduin ng kalesa at iuuwi na ang binata sa araw na iyon. Hindi ito nagawang sabihin ni Tan Sua sa magtiya. Kagabi'y magpapaalam sana siya, ngunit nangamba siyang magagalit si Isha, kaya naman muling nilulon ang sasabihin sana. Nang iligpit niya ang pinaghigaan nang umagang iyon, ipinahiwatig niya ang kagustuhang umalis. | wiederholt befürchten herunterschlucken |
{13.6} | |
Pagkaagahan, habang inililigpit ni Isha ang mga pinagkainan, narinig mula sa ibaba ang pagdating ng isang kalesa. Maya-maya pa'y pumasok si Tan Tiak, may dalang malaking kahon na agad iniabot kay Isha pagkakita sa dalaga. "Miss Isha, naayos ko na 'tong damit mo," sabi niya. Nanlaki ang mga mata ni Isha sa pagkamangha matapos buksan ang kahon. Nang dumalaw pala si Tan Tiak, kumuha si Isha ng dalawang lumang damit na naiwan ng yumaong ina at pinaliitan sa matandang sastre. | wegräumen Überraschung |
Dahil laging may dalang panukat si Tan Tiak, agad niyang sinukatan ang dalaga. Pagbalik sa patahian, bukod sa niliitan niya ang dalawang lumang damit ng yumaong ina ng dalaga, ipinagtahi niya ito ng isang kulay lotus na bestida, gamit ang noo'y nauusong sedang Shanghai. Iyon ang pasasalamat niya sa nag-alaga sa ampon. Maging si Tan Sua ay hindi alam ang balak ng amain, kaya't paanong hindi mandidilat ang mga mata ni Isha sa pagkasorpresa? | weit geöffnet |
{13.7} | |
"Mr. Tan, nagkamali yata kayo ng kuha," sabi ng dalaga. "Nasa ilalim ang mga damit na pinaliitan mo," nakangiting sabi ng matanda, tila kontentong-kontento sa naisipang gawin. "E ang bagong bestidang ito ..." nagtatanong pati mga mata ni Isha. "Talagang tinahi ko para sa 'yo, isang munting regalo." "Pero ang mahal ng telang ito." "Espesyal na produkto iyan ng bayan namin. Kalakip n'yan ang pasasalamat namin ni Tan Sua. Tanggapin mo na sana." | zufrieden beigefügt |
Para hindi na tumanggi pa si Isha, kinuha ni Tan Tiak ang bagong bestida at ipinasukat sa dalaga. Nagpunta sa isang tabi ang dalaga, at pagkatapos isara ang tabing na tela, isinuot niya ang bagong bestida. Sukat na sukat ang bestida sa katawan ni Isha. Sunod pa sa uso ang estilo at bagay na bagay sa maputi niyang kutis. Para siyang lotus na namumukadkad mula sa tubig. | aufblühen |
{13.8} | |
Sa nakalipas na ilang araw ang tanging napansin ni Tan Sua ay ang pagiging prangka at palaasikaso ng dalaga. Hindi niya gaanong nabigyang-pansin ang mukha nito at pangangatawan. Ngayong nakikita niya itong nakasuot ng kahali-halinang kasuotan, saka niya lubusang napansing kay ganda pala ng nars na nag-alaga sa kanya! Halos napatunganga siya sa pagtingin, sa kalooba'y umusbong ang isang uri ng damdamin, at nanghinayang siyang lilisanin niya na ang bahay na tinutuluyan. | offen interessiert Körperbau perfekt Augen über gehen keimen bedauern verlassen |
Parang humahanga sa sariling obra maestra, napapalatak si Tan Sua, "Ay naku, kay ganda! Parang anghel na bumaba mula sa langit!" Iniikot-ikot ni Isha sa harap ng salamin ang balingkinitang katawan, ngumiti nang kaakit-akit, saka tuwang-tuwang lumapit kay Tan Tiak, "Maraming-maraming salamat sa 'yo, Mr. Tan!" Sumulyap sa relo ang matandang Tan at sinabi, "Naku, tanghali na. Baka naiinip na ang kutsero, lalakad na kami!" | klacken ungeduldig werden |
{13.9} | |
Ayaw sanang payagang umalis ni Isha si Tan Sua, pero sa paulit-ulit na pakiusap ni Tan Tiak, pumayag na rin ang dalaga. Sinabihan niya si Tan Sua na magpapahingang mabuti, at nangakong bibisitahin ito para palitan ng gamot ang sugat. Inalalayan niya ang binata pagbaba ng hagdan, at habang minamasdan ang paglayo ng sumundong kalesa, parang may kung anong nalaglag mula sa puso niya. | ausruhen (mag+pahingạ) |
Pagdating sa entresuwelo, pinahiga ni Tan Tiak sa katre niya si Tan Sua, at sa sahig naman siya natulog. Gaya ng pangako'y bumisita si Isha kada dalawang araw para palitan ang gamot sa sugat ng binata. Tuwing bibisita'y nagdadala siya ng saging, papaya, mangga at durian. Nilinis pa niya ang entresuwelo. | |
Winalis niya ang mga sapot ng gagamba sa sulok-sulok at pinunasan ang mga bintanang salaming pinangitim na ng alikabok. Nagliwanag ang dati'y madilim na entresuwelo, at dahil naroon ang isang magandang dalaga, lalo pa itong nagkaroon ng buhay. Basta't dumarating si Isha, agad napupuno ng kagalakan ang maliit na silid, at pati ang mga nakatira sa ibaba, marinig lang ang mataginting na tinig ng dalaga'y agad nakadarama ng saya. | lebhaft (tagintịng) |
{13.10} | |
Ang likas na angking lakas ng kabataan ay mabilis na nagpapanumbalik sa kalusugan ni Tan Sua. Lumabas na siya para maghanap ng trabaho. Sinunod niya ang payo ni Isha. Sa umpisa'y magagaan na trabaho muna ang ginawa niya, at nang ganap na manumbalik ang lakas, saka gumawa ng mabibigat. Naubos ang kaunting naimpok niya sa panahon ng pagkakasakit. Para makaipong muli ay kinailangan niyang magtrabaho nang mas mahabang oras. | Forderung (angkịn) |
Nagbubuhat man ng mabibigat na kargamento o pagod na nakahiga at nagpapahinga sa sahig, madalas na lumilitaw sa isipan ni Tan Sua ang kaanyuan ni Isha. Maisip lang ang magandang dalaga'y agad gumagaan ang pasan-pasan niya, tila nababawasan ang kanyang kapaguran, at gumigitaw ang ngiti sa kanyang mga labi. May kung anong tamis siyang nadarama sa puso. | auftauchen Schulterlast erscheinen |
Napadalas ang pagkikita nila ni Isha. Dahil ayaw niyang pumunta si Isha sa entresuwelong tila bahay ng kalapati, madalas na siya ang dumadalaw sa bahay ng dalaga. Kung minsa'y namamasyal sila sa parke o sa tabing-dagat, o kaya'y nanonood ng sine. Sa mga araw ng Linggo at mga araw ng pahinga ng dalaga, o kaya'y pagkatapos nitong mag-duty sa gabi, hindi nanghihinayang si Tan Sua sa perang kikitain kung magtatrabaho siya. Mas mahalaga sa kanya ang pakikipagkita sa dalaga. | bedauern (mang+hinayang ← sayang) |
Bago lumabas ng tirahan, naliligo siya at nagsusuot ng malinis na kasuotan, nagsusuklay ng magulong buhok, pagkuwa'y masayang pumipito-pito at magagaan ang mga hakbang na nagtutungo na siya sa tipanan. | anschließend Verabredung |
{13.11} | |
Isang araw ng Linggo, kasalukuyang namumukadkad ang mga bulaklak sa parke at kaaya-ayang tingnan ang luntiang dahon sa mga puno. Naglalakad sa daanang nalililiman ng mga puno ang pares-pares na magsing-irog. Suot ni Isha ang bagong bestidang bigay ni Tan Tiak na tinernuhan niya ng puting sapatos na may kataasan ang takong. Nakalugay sa magkabilang balikat ang kulot na buhok. | angenehm Verliebte festlich kleiden offen |
Ang kutis niyang maputi, kilay na maganda ang pagkakakurba, mga matang malalalim at mangasul-ngasul, ilong na matangos, labing kay tamis sa paningin at babang kay ganda ng hugis ay nakakatawag-pansin sa maraming namamasyal sa parke. Maraming napapatigil sa paghakbang para tingnan siya. Maraming naiinggit sa binatang katabi niya sa pamamasyal, pero marami ring nagtataka: Ano't ang kasamang namamasyal ng mala-anghel na dalaga ay isang lalaking pangkaraniwan at may kagaspangan ang kaanyuan? | unterbrechen Grobheit |
Kahit pa matipuno ang pangangatawan ni Tan Sua at taglay ang ilang katangian ng isang may dugong Tsino, nananaig pa rin sa kaanyuan niya ang mga katangian ng isang katutubo. Idagdag pa na luma ang suot niyang puting damit at asul na sapatos na de-goma, kaya't lalong naging kapansin-pansin ang hindi pagkakatugma ng kaanyuan nila ng dalaga. Ngunit pag nakikita ng mga tao ang matamis na pagkakalapit ng dalawa, nawawala ang anumang pagdududa na sumasayaw sa iisang tugtog ang mga puso ng dalawang kabataan. | Körperbau ursprünglich vorherrschen |
{13.12} | |
Pabago-bago ang panahong tropikal. Gayong maaliwalas ang kalangitan kani-kanina lang, biglang umihip ang malakas na hangin at lumambong ang maitim na ulap. Sinundan iyon ng kulog at kidlat. Isinayaw ng hangin ang mga puno sa parke at nangalagas ang mga dahon. Nag-unahan sa pag-alis mula sa parke ang mga tao. Hinila ni Tan Sua si Isha sa kamay papunta sa kalsada. Nakuha na ng mga taong naunang lumabas ang mga kalesang nakaparada sa tabing-kalsada. | wechselhaft klar, sonnig verdunkeln vordrängeln |
Bumagsak na ang ulan. Dahil walang masilungan, napilitan silang tumakbo pabalik sa parke. Palakas nang palakas ang ulan. Sa kabutihang-palad, may nasalubong silang kalesang walang pasahero. Pinara ni Tan Sua ang kalesa at inalalayan si Isha sa pagsakay. Ibinaba ng kutsero ang plastik na panangga sa ulan, pagkuwa'y inihagupit ang latigo at tumakbo na ang kalesa. | Unterstand (silong) Regenschutz peitschen (hagupịt) Peitsche |
{13.13} | |
Tumitilamsik ang putik sa bagsak ng mga paa ng kabayo, at binabayo ng ulan ang bubong ng kalesa. Gaya ng dalawang ibong nakuong sa madilim na hawla ang binata't dalaga sa loob ng kalesa. Kapwa sila nakaupo nang tuwid, ngunit dahil sa pag-uga ng kalesa, hindi napigil ang pagkakadikit at pagbubungguan ng kanilang mga balikat. Hindi rin ganap na nakalapat ang plastik na panangga sa ulan, kaya't maya't maya'y pumapasok sa loob ng kalesa ang patak ng ulan. | spritzen schlagen Vogelkäfig aufrecht |
Hinawi ng malakas na hangin ang takip na plastik nang lumiko ang kalesa, at nabasa ng ulan ang bestida ni Isha. Iginalaw niya ang katawan at inihilig sa dibdib ni Tan Sua. Naamoy ng binata ang bango ng dalaga, at kumabog-kabog ang dibdib niya na para bang may maliit na kunehong tumatalon sa loob nito. Naramdaman niyang nanginginig ang balikat ni Isha. Ikinawit niya ang kanang bisig sa baywang ng dalaga upang pawiin ang ginaw na nadarama ng katabi sa pamamagitan ng init ng sariling katawan. | wegreißen abbiegen neigen laut sein zittern unterhaken auslöschen |
Ibinaling at idinikit naman ni Isha sa kanya ang katawan at saka ikinawit ang isang bisig sa kanyang leeg, nakadilat ang nangingislap na mga matang tila naghihintay ng kung ano. Nagulumihanan si Tan Sua sa ginawa ng dalaga. Nakapanood na siya sa sine ng eksena ng paghahalikan ng lalaki't babae. Ngayo'y naghihintay ang mga labi ni Isha sa mismong harapan niya. Ilang beses na nagtangka siyang yumuko at halikan ang dalaga, ngunit wala siyang lakas ng loob na gawin iyon. Sa buong buhay niya'y hindi pa siya nakagawa ng ganoon, kaya naman matindi ang kanyang kaba, na para bang nag-aalalang mabasag ang isang napakagandang bagay, kaya wala siyang lakas ng loob na salingin man lang ito. | drehen zu weit offene Augen verwirren (gulọ) Szene (esena) heftig Herzklopfen ? |
{13.14} | |
Tumigil na ang kalesa sa harap ng kahoy na bahay. Binawi ni Isha ang bisig na nakakawit sa leeg ng katabi, umupo nang tuwid, at pagkatapos ayusin nang kaunti ang buhok ay naiinis na natatawang sinisi ang binata, "Ang tanga mo talaga!" Pinalis ni Isha ang takip na plastic at bumaba ng kalesa. Hindi agad naunawaan ni Tan Sua ang kahulugan ng sinabi ng dalaga. Susunod sana siya pababa ng kalesa nang pigilan siya nito. "Paalam na! Maliit na tanga! Umuwi ka na at magpahinga. Nasa bahay na si Tiya Mila." | |
Sa nakalipas na ilang araw alanganing mainit at alanganing malamig ang pagtanggap ng tiyahin ng dalaga kay Tan Sua, kaya't nang marinig ng binata ang sinabi ni Isha ay hindi na siya sumunod pa pababa ng kalesa. Nang makitang nakaakyat na sa hagdan at kumaway sa kanya ang dalaga, nagpahatid na siya pauwi sa kalesa. | unentschlossen winken |
{13.15} | |
Habang daa'y parang hindi pa nagigising si Tan Sua mula sa kay tamis na panaginip. Binabalikan niya sa isip ang mga pangyayari kanina. Pinagsisisihan niya ang sariling katangahan, na ikinadismaya ni Isha. Naiisip niyang kung muling magkakaroon ng gayong pagkakataon, hindi na siya magpapakatanga. Ngunit ang pagkakatao'y gaya ng munting ibong lumipad palayo. Nais mang hulihing muli ay hindi na ganoon kadali. |
{13.16} | |
Sa katauhan ni Tan Sua, nagsanib ang kaprangkahan ng inang taga-Nanyang at ang pagkamatapat ng amang galing sa Tsina, na hinaluan pa ng mga impluwensiya ng kaisipan ni Confucius. Gaya niya'y taong salamin. Sa isang tingin sa kanya ni Isha ay kita ang kanyang kaloob-looban, pero hindi niya talaga maarok ang saloobin ng dalaga. | Persönlickeit Spiegelbild ausloten |
May dugo ng isang puti sa katawan ni Isha, pero kailanma'y wala siyang binanggit tungkol sa ama. Ang madalas niyang ipagmalaki ay ang kanyang ina, na aniya'y mabait at maganda at isang mahusay na mang-aawit. Noong bata pa'y kung saan-saang siyudad siya nakarating sa pagsama sa ina. Hanggang nang magpitong taong gulang siya, lumubha ang sakit sa baga ng ina at halos hindi na makapagsalita, saka lang sila umuwi sa bayan nila at nakitira sa kanyang Tiya Mila. | verschlechtern (lubhạ) = sehr |
{13.17} | |
Hindi rin maganda ang kapalaran ng kanyang Tiya Mila. Nang maliit pa'y nahulog mula sa bahay at napilay ang isang binti. Nang magdalaga'y pandak, mataba, at may kapansanan. Wala pang anumang ari-arian ang pamilya. Sino'ng magkakagustong manligaw sa kanya? Kaya naman tumandang dalaga at naging bugnutin. Nang pumanaw ang ina ni Isha, nagpasiya siyang hindi hahayaang maulit kay Isha ang sinapit ng ina. | Behinderung Vermögen werben verzweifelt (bugnutin) urteilen Schicksal |
Pinagbawalan niya sa pagkanta ang pamangkin, at sa pamamagitan ng maliit na kita sa pagtitinda, pinagtapos niya ito ng elementarya hanggang maging isang ganap na nars. Iniasa niya sa magandang pamangkin ang mga nalalabing taon ng kanyang buhay. Ipinagdarasal niya sa Birheng Maria na biyayaan sila ng magandang kapalaran, na sana'y makapag-asawa ang pamangkin ng isang lalaking maraming ari-arian, o isang mayamang negosyante, o isang opisyal ng pamahalaan, o kahit man lang isang doktor. | gesegnet sein |
Sa gayon lang hindi mawawalan ng saysay ang kasawiampalad ng nakababatang kapatid. Sa gayon lang din siya makakatikim ng ginhawa sa katandaan at hindi habambuhay na gumigising nang maaga at ginagabi nang uwi sa paglalako sa palengke. Hindi niya inakalang gayon katigas ang ulo ng minamahal na pamangkin at sumuway sa kanyang kagustuhan. Haya't nagpapakababa at nakikipagmabuti sa isang trabahador na Tsino. Paanong hindi sasakit ang kanyang ulo sa pag-aalala? | beschreiben Annehmlichkeit annehmen ungehorsam sein (= kayạ) ? |
{13.18} | |
Ang totoo'y hindi gayon kasimple si Isha gaya ng inaakala ng kanyang Tiya Mila. Hindi niya ibibigay ang puso sa isang pobreng trabahador nang pagayon-gayon na lamang. Gaya niya'y isang bulaklak na namumukadkad, na sa araw-araw ay dinudumog ng mga paruparo't bubuyog. Nang siya ay isa pa lamang katulong na nars sa ospital dalawang taon ang nakaraan ay may ilang kabataan nang aali-aligid sa kanya. May ilang lalaking nasa katanghaliang gulang pa nga na sumusuyo sa kanya, ngunit tinanggihan niya ang lahat ng naging manliligaw. | greifen herumgehen |
Magmula nang maging ganap na nars siya noong isang taon ay lalong dumami ang kanyang tagahanga, ngunit kung hindi masyadong mataas ay masyado namang mababa para sa kanya. Magmula nang makilala si Tan Sua ay nagustuhan niya na ang katapatan at katapangan ng binatang Tsino, pero sa tingin niya'y hindi ito guwapo, at masyado pang pobre. | Verehrer |
Gayumpama'y ibinigay niya rito ang isang bahagi ng kanyang pagtingin. Madalas siyang makipagkita rito. Sumasamang mamasyal, gaya ng pamamasyal ng magkasintahang umiibig sa unang pagkakataon. Kung minsa'y naguguluhang tinatanong niya ang sarili: Talaga bang umiibig ako sa kanya? Hindi niya tiyak ang kasagutan. Marahil ay tumatanaw lamang siya ng utang na loob sa binata? | (gayunmạn ?) |
{13.19} | |
Marahil ay kailangan niya ng isang magiting na lalaking magtatanggol sa kanya? Marahil sa pagtuntong niya sa mapusok na edad ng isang dalaga'y kailangan niya ang pakikipagkaibigan ng isang lalaki? Sa pakiwari niya, ang lahat-lahat ng ito ang pinaghalo-halong dahilan, pero isa man sa mga ito'y hindi ganap na dahilan. Pero may isang bagay na sigurado: | mutig verteidigen |
Matindi ang damdamin sa kanya ni Tan Sua, at kung bibiguin niya ito'y labis itong masasaktan! Nang managinip siya isang gabi, napanaginipan niyang isang makisig na ginoo ang sumundo sa kanya gamit ang isang bagong kalesa at ipinasyal siya sa tabing-dagat. Katabi niyang naupo sa loob ng kalesa ang ginoo, at naisip niyang tiyak na ito'y magtatapat ng pag-ibig sa kanya, ngunit matagal-tagal na silang magkatabi'y hindi ito umiimik. Hanggang hindi siya nakatiis at nilingon niya ang katabi, at laking gulat niya nang makitang ang kasama sa kalesa'y si Tan Sua. Nakasuot ito ng modernong amerikana, naka-bow tie at mayroon pang alpiler na diyamante. | elegant |
{13.20} | |
Pinong-pino ang kilos at kaanyuan nito, isang tunay na makisig na ginoo! Nag-alab ang damdamin ni Isha. Agad siyang humilig sa binata at mahigpit na naglapat ang kanilang mga labi ... Nang magising si Isha'y binalikan niya sa isip ang mga eksena sa panaginip, at natanto niyang ang inaasam niyang mangingibig ay ang Tan Sua sa kanyang panaginip. | auflodern (alab) bewusst sein (tantọ) sehnen nach (asạm) |
Ngunit ang totoong Tan Sua ay iba sa kanyang napanaginip. Nang makatabi si Tan Sua sa kalesa nang umulan habang namamasyal sila sa parke, bigla niyang naalala ang eksena sa panaginip kung kaya't humilig siya sa katabi. Sayang nga lang at hindi nagkalakas-loob ang binata, at dahil hindi nangyari ang inaasam kung kaya't natawag niyang "tanga" si Tan Sua. |
{13.21} | |
Naghintay si Tan Sua ng pagkakataong maipakita na hindi siya tanga, pero sa kahihintay niya'y lumipas ang dalawang buwan nang hindi siya binibigyan ng isa pang pagkakataon. At tila lumalayo sa kanya ang dalaga. Sabihin pa'y nabahala siya. Inakala niyang baka may nagawa siyang ikinagalit ni Isha. Wala naman siyang maisip na ibang dahilan. Hanggang isang araw nang dalawin niya ang dalaga'y saka siya nagising mula sa panaginip. | anscheinend |
{13.22} | |
Nang umagang iyon, isinuot niya ang bagong damit at pinakintab ang lumang balat na sapatos. Masaya siyang sumakay sa bus at nainip pa sa tagal ng biyahe papunra kina Isha. Paano'y dalawang linggo na niyang hindi nakikita ang dalaga. Pagkababa sa bus ay mabibilis ang mga hakbang na tinawid niya ang kalsada hanggang sa kalyehon patungo sa tinitirhan ng dadalawin, nang pagdating sa kanto ay nakita niyang nakatigil sa harap ng bahay ang isang bagong kalesa, at sa hagdana'y nakita niyang bumababa si Isha, habang inaalalayan ng isang lalaking nakaputing amerikana, itim na kurbata, nakasalamin sa mata, may maliit na bigote, humigit-kumulang tatlumpung taong gulang at maginoong-maginoo ang kaanyuan. | |
Si Isha nama'y nakasuot ng nangingintab na pulang bestida, may nakataling lasong hugis paruparo sa buhok at mayroon pang gintong kuwintas sa leeg. Kitang-kita ang kasiyahan sa kaanyuan ng dalaga nang alalayan ng lalaking iyon sa pagsakay sa bagong kalesa, na hinila ng makisig na kabayo pagawi sa tabing-dagat. | elegant in Richtung |
{13.23} | |
Napatigagal si Tan Sua sa nakita. Nauwi sa pagkabigo at pagkasiphayo ang kasiyahang nadarama habang papunta sa tinitirhan ng dalaga. Sinibasib ng matinding pait ang kanyang dibdib. Napakagat siya sa labi, at tatalikod na sana para umalis nang marinig ang tinig ni Mila, "Mr. Tan, nandiyan ka pala. Halika, tuloy ka!" "Huwag na,Tiya Mila, salamat na lang. Kailangan ko nang umuwi." "Halika na, Mr. Tan, may gusto akong sabihin sa 'yo." | unbehaglich führen zu Enttäuschung freudig angreifen |
{13.24} | |
Mabibigat ang mga hakbang na umakyat nga sa bahay si Tan Sua, palibhasa'y nais niya ring alamin ang kalagayan ni Isha. Mas maayos at mas malinis ang kabahayan kaysa dati. May takip na burdadong mantel ang bilog na mesa. May nakapatong na dalawang kahong may lamang damit sa ibabaw ng baul na kahoy. | weil |
Nasa tabi pa ang mga papel na ipinambalot, kaya't mahihinuhang ang mga kaho'y mga regalong kabibigay pa lamang. Aywan kung ang mga regalong iyon ang dahilan ng kasiyahan ni Mila. Malugod niyang pinaupo si Tan Sua. Paika-ika niyang sinilbihan ng kape ang bisita, at pagkatapos itong lagyan ng kaunting gatas ay nagsalita na ito sa tonong nahasa sa pagtitinda, "Ipinagtimpla kita ng pinakamabango at pinakamahusay na kape. Tikman mo!" | folglich freudig hinkend geschärft |
{13.25} | |
Nagpasalamat si Tan Sua, pero hindi ginalaw ang tasa ng kape sa harapan. Naupo sa tapat niya si Mila at hinikayat siya: "Inom ka! Si Isha mismo ang nagluto sa kapeng 'yan. Kaninang umaga pa'y sinabi niyang darating ka, kaya't ipinagluto ka niya ng pinakamahusay na kape. Kung malalaman niyang hindi mo ininom, magtatampo 'yon." Napilitang humigop si Tan Sua. Mapait sa panlasa niya ang dapat sana'y mabango at matamis na kape. | verdrießt sein |
"Ganyan nga", nagsalita na naman si Mila. "Ang tagal kang hinintay ni Isha, pero bago ka dumating, naunang dumating si Senyor Peque sakay ng kalesa. Siya 'yong maginoong nakita mo kanina. May dala-dalang imbitasyon si Senyor Peque mula sa alkalde. Isinama niya si Isha. May sayawan pa raw! Imbitasyon 'yon ng alkalde, hindi ng kung sino lang, paanong makatatanggi si Isha? Siyanga pala, bago umalis si Isha ay ipinagbiling ihingi ko siya sa 'yo ng paumanhin. Estimahin daw kitang mabuti. Naku! Lumamig na ang kape, ba't hindi mo pa inumin?" | (= siyạ ngạ) unruhig |
{13.26} | |
Nakakunot ang noo ni Tan Sua. Hindi siya kumikilos sa pagkakaupo, tahimik na pinakinggan ang walang patid na pagkukuwento ni Mila. "Malayong kamag-anak ng alkalde si Senyor Peque. Kilalang maykaya dito sa probinsiya ang pamilya nila. May malalawak na niyugan. May mga taniman pa ng tubo at palay at kung ano-ano pa. Dinapuan ng kung anong karamdaman si Senyor Peque nang dumating dito noong isang buwan. Dinala siya sa ospital na pinapasukan ni Isha. | unterbrechen |
Salamat sa biyaya ng Birheng Maria, nagkaraong si Isha ang nag-alaga sa kanya. Sa unang araw pa lang ay umibig na siya sa maganda kong pamangkin. Paglabas na paglabas ng ospital ay agad na nanligaw. Nangako pang pagkakasal nila'y isasama pati ako paglipat nila sa hasyenda, pera naman makatikim ako ng kahit kaunting ginhawa sa aking katandaan. Mr. Tan, sabihin mo kung paano namin matatanggihan ang kagandahang-loob no'ng tao? Talaga namang kay buting tao niyang si Senyor Peque ..." | Segen werben |
{13.27} | |
Parang karayom na tumusok sa puso ni Tan Sua ang bawat katagang binitiwan ni Mila. Hindi niya kayang tiisin pa ang mga naririnig. Tumayo siya para magpaalam na. "Ipagpaumanhin po. May pupuntahan pa ako. Paalam na sa inyo." | Wort loslassen |
Parang may kung anong umuugong sa utak ni Tan Sua. Nanlalabo ang kanyang paningin nang tumayo siya at naglakad papunra sa pinto. Pakiramdam niya'y mabigat na mabigat ang kanyang ulo at parang lumulutang ang kanyang mga paa. Muntik na siyang mauntog sa pintuan. Paika-ikang lumapit ang may-ari ng bahay at inalalayan siya. "Napa'no ka, Mr. Tan?" tanong nito. | dröhnen stoßen an |
"Walang anuman 'to," ilang sandaling tumayo muna si Tan Sua, at nang manumbalik ang katatagan saka tuluyang nagpaalam. "Paalam na! Sumainyo ang mabuting kapalaran!" Habang nakakapit na mabuti sa barandilya at mabubuway ang mga hakbang na bumababa sa hagdan si Tan Sua, narinig pa niya ang mga pahabol na bilin ni Mila, "Mag-ingat ka, dahan-dahan ... Ayy! Kawawang bata!" | Geländer unsicher Aufforderung |
Pag-uwi sa entresuwelo'y dalawang araw na nahiga si Tan Sua. Ayaw magsalita. Ayaw ring kumain. Inakala ni Tan Tiak na may sakit ang ampon at tatawag sana ng doktor. Umiling-iling lang si Tan Sua at tumulo ang luha mula sa mga mata. Nahinuha ni Tan Tiak na dala iyon ng kabiguan sa pag-ibig, at wala siyang nagawa kundi aluin na lamang ang ampon. | Kopf schütteln trösten |
{13.28} | |
Medyo bumuti na ang pakiramdam ni Tan Sua sa ikatlong araw. Lumabas na siya ng entresuwelo para maghanap ng trabaho. May dinalang liham para sa kanya ang kartero, pero nang buksan niya'y hindi niya mabasa ang mga nakasulat sa tatlong puting papel. Hindi kasi siya nakakabasa ng Ingles, pero sa katapusan ng liham ay nakita niya ang pirma ni Isha. Ayaw naman niyang ipaalam sa iba ang kanyang kasawiampalad, kaya't hindi niya ipinabasa sa iba ang liham. Itinago niya na lamang iyon. | |
Nang lisanin niya ang munting bayan at lumipat sa Siyudad L, nagpasiya siyang mag-aral ng Ingles. Dalawang taon siyang nag-aral sa night school, at sa tulong pa ng diksiyonaryo, saka niya nabasa at naintindihan ang liham ni Isha. Sa liham ay ipinahayag ni Isha ang walang hanggang pasasalamat at ang tapat na paghingi ng kapatawaran. Ipinaliwanag niya na wala siyang magawa kundi pakasal kay Senyor peque. | entscheiden |
Ang laki ng hirap ng kanyang Tiya Mila sa pagpapalaki at pagpapaaral sa kanya, aniya, kaya may karapatan itong makatikim ng kaunting ginhawa sa katandaan. Arg nangyari'y guhit ng tadhana, sabi pa ni Isha, iyo'y kagustuhan ng Diyos na hindi maaaring suwayin. Inaasahan niya na si Tan Sua ay mananatiling kaibigan niya magpakailanman, at ipinagdarasal niya na ang binata'y magkakaroon ng isang maligayang pamilya. | Schicksal ungehorsam sein |
{13.29} | |
Nang ikasal si Isha ay pinadalhan pa niya ng imbitasyon si Tan Sua. Pero nang dumating ang imbitasyon sa tirahan ni Tan Tiak ay tahimik na lumisan na si Tan Sua sa munting bayan. Nang maipadala sa kanya ang imbitasyon ay matagal nang tapos ang kasalan. | |
At sa gayon natapos ang kuwento nina Tan Sua at Isha. Walang-hanggang pagkasiphayo ang dulot nito kay Tan Sua, ngunit wala rin namang idinulot kay Isha na mabuting kapalaran. Gustong-gusto kong malaman kung bakit ang isang maganda at walang bahid-dungis na nars, na ikinasal sa isang mayamang maginoo, pagkatapos ng sampung taon ay naging babaeng nakaitim na humantong sa pagkapariwara? | Enttäuschung Angebot fleckenlos enden Unglück (diwara) |
Ilang beses kong tinanong si Tan Sua, pero lagi niyang sinasabing hindi niya alam. Marahil ay totoo ngang hindi niya alam, dahil ayaw niyang manariwa ang sugat na likha ng sawimpalad na pag-ibig, kung kaya't lagi na'y iniiwasan niya si Isha. Nang lisanin niya ang Asia Bazaar, saka ko natanong ang ilang kapitbahay ni Isha sa Napa, at nalaman ko na ang napangasawa niyang si Senyor Peque ay hindi naman anak ng asendero. Ito ay anak ng isang pamilyang bangkarote at nabubuhay sa pagsusugal at pandurugas. Nang mapangasawa si Isha ay madalas itong saktan. | Gutsbesitzer Diebstahl |
{13.30} | |
Pinilit pang maging mananayaw. "Walang nagawa si Isha kundi makipaghiwalay na lamang sa asawa. Ang tiyahin niyang si Mila naman ay nagkasakit nang malubha nang malamang sila'y nalinlang. Matagal na ring sumalangit ang kanyang kaluluwa. Pagkatapos humiwalay sa unang asawa, sumama si Isha sa isang maliit na empleyado ng gobyerno. Nagkaroon siya ng anak sa ikalawang asawa, na dalawampung taon ang tanda sa kanya. Nasisante sa trabaho ang ikalawang asawa ni Isha nang dapuan ng sakit na unti-unting lumubha. | betrügen ? |
Napilitan itong kunin na lamang ang separation pay at nagbalik sa Napa, kasama ang asawa at dalawang anak. Lumubha nang lumubha ang sakit ng lalaki, at wala namang pera para magpagamot, hanggang sumakabilang-buhay noong nakaraang taon. Sa gayon, alang-alang sa dalawang anak ay lantarang naging mananayaw si Isha, at palihim na inilalako ang katawan. | gezwungen sein wegen frei sichtbar |
Nang Umulan ng Malas | {14.1} |
... | |
97 Maaga ring nagsara angAsia Bazaer, et tuwang-tuwa ang mga empleyado sa maagang pamamahinga. Matabang lalaki si Ang Taoke. Madikit lang sa unan ang ulo ay naghihilik na. Mag-isa siyang natulog sa kuwarro sa ibaba. pasado alas- tres ng madding-araw nakaramdam siya ng lamig sa likod. Naisip niyang nabuksan marahil ang bintana at pumasok sa silid ang ulan at hangin. Nang iunat niya ang kamay sa tabi ng kama, para itong nalubog sa banga ng tubig. Gulat na gulat siya. Kinapa niya at pinindor ang switch ng ilaw. Nang magliwanag ang silid, nakita niyang nakalubog na ito sa tubig at para siyang nakahiga sa balsa. Lumulutang sa tubig-baha ang mga gamit sa kuwarto. Dali-dali siyang bumangon. Pati mga damit na pinagbihisan ay nakalutang sa tubig. Nakakamisera't kalsonsilyo lang si Ang T,oke nang lumabas ng silid at patakbong umakyar sa hagdan para gisingin ang mga empreyado sa ikalawang palapag. Hindi matutumbasan ng gaano man kara-irg pera ang sarap ng tulog sa madaling-araw. Nasa kasungitan ang bagyo at nasa kasarapan naman ang aming pagtulog nang gisingin ni Ang toke. Nagmamadali kaming bumaba, at nakita naming pati mga sako ng bigas na may kalang na mga isang piye ang raas mula sa sahi g ay nakababad na rin sa tubig-baha. Humahangos na pumasok sa kuwarto sina Ang Thoke at Dy Koyi para isalba ang mga pera, resibo at iba pang mga dokumentong nakatago sa mga kaha. Kami ninaTän Sua at Lim Kui, nagpunta sa harapan ng tindahan at inilipat sa bahaging itaas ng mga eskaparate ang qrga panindang malapit nang abutin ng tubig-baha.Ang mga panindang nabasa na,ipinatong namin sa ibabaw ng mga salaming eskaparate. Abalang-abala kami sa pagliripat hanggang sa magliwenag. Kahit paano'y naisalba namin ang karamihan ng paninda. Nahirapan kami ni Tan Sua sa pagbukas sa dalawang pinto ng tindahan, at nang mabuksan ang mga iyon, rumagasa papasok ang tubig- |
{14.12} | |
Maraming lungga ng daga sa ilalim ng sahig ng imbakan ng bigas. Gabi-gabi, lumalabas ang maraming daga mula sa mga lungga. Kinakagat at sinisira ng mga ito ang mga sako at kinakain ang mga bigas. Sumasakit ang ulo namin sa kaiisip kung ano ang gagawin sa mga rnagnanakaw ng bigas.Wala namang may gustong sumuot sa ilalim ng sahig para sirain ang mga lungga. Sinubukan naming maglagay ng panghuli ng daga, pero matapos makahuli ng isa o dalawa ay natuto na ang mga daga. | |
Hindi na pumasok sa bitag para kagatin ang pain na maliit na piraso ng isdang daing. Nasubukan naming mag-alaga ng pusa, pero takot din itong pumasok sa ilalim ng sahig. Marahil ay masyadong marami at malalaki ang mga daga. Minsan, sinubukan naming dumapa sa sahig at binaril ng airgun ang mga daga habang iniilawan ng flashlight. Nakapatay kami ng dalawa, na nabulok sa ilalim ng sahig at pinagmulan ng umaalingasaw na amoy. Nangamba kaming pagmulan iyon ng sakit, kaya't mula noo'y hindi na namin binaril ang mga daga. |
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/nanyang_1.html
Biglaang Pagbabago | {21.1} |
A Song (nach zwei Jahren als Lehrling) fährt zu seinem Vater und seinem älteren Bruder A Chuan (Ahia = älterer Bruder, Kuya). Auf der Fahrt erinnert er sich an seine verstorbene Mutter in China. Der Laden von Vater und Bruder ist abgebrannt, sein Vater nach China zum Begräbnis von A Songs Großmutter abgereist. A Song wird von seinem Bruder A Chuan aufgenommen. | |
Sa ikalawang taon ko sa Napa, sinamantala ko ang mga oras na wala akong ginagawa para magbasa ng mga libro. Madalas kong mabasa ang kasabihang "Laging nag-iisa kung dumating ang suwerte, laging may kakambal ang malas." Madalas din akong makabasa ng mga kakatwa at kataka-takang kuwentong inakala kong gawa-gawa lamang ng sumulat. Ngunit sa biyahe patungong timog, nakaranas ako ng mga kakatwa at kataka-takang pangyayaring gaya ng nabasa ko sa mga libro. | Vorteil ausnutzen (samantalahịn) |
Nang umagang dumaong sa bahaging hilagang Isla D ang gabara at nagpaalam kami ng matandang huaqiao na si Ban Sithong sa isa't isa' nakadama ako ng kung anong kawalan. Sa tatlong araw na magkasama kami'y marami akong narinig na mga kuwento mula sa kanya, mga kuwentong kinapulutan ko ng maraming bagong kaalaman. Kaya naman nang iabot niya sa akin ang kanang kamay at sabihing "Paalam na, Chiquito!" ay hindi na ako nainis, bagkus ay nanghinayang sa aming paghihiwalay. | anlegen Lastschiff Überseechinese mehr noch bedauern |
{21.2} | |
Ayon sa turo ni Ban Sithong, dala-dala ang maletang yantok na naglakad ako papuntang estasyon ng bus at bumili ng tiket. Umupo ako malapit sa bintana at hinayaang dalhin ako ng bus sa mga lugar na lubusang banyaga sa akin. | vollständig fremd |
Tumakbo ang bus sa haywey na kahilera ng baybayin. Pagkatapos ng patag na daan, nagsimulang umakyat ang bus sa paliko-likong daan sa bundok. Kay ganda ng mga tanawin sa labas ng bintana. Mga matarik na talampas. Mga taluktok na kakatwa ang mga hugis. Talon na kung titingna'y parang puting telang hinabi ang tubig na bumabagsak. | Küste eben (patag) Hochebene (Berg-) Spitze weben |
Tahimik at mahiwagang lambak. Nagtatayugang mga puno. Makukulay na ligaw na bulaklak. Mga unggoy na naglalambitin at nagtatalunan sa mga puno. Mga ibong naghuhunihan sa mga sanga. Ngunit wala sa loob ko ang paghanga sa magagandang tanawin. Sa halip, mga larawan nina Papa at Ahia ang lumilitaw sa aking isipan. | Tal hoch sein wild hängen an Füßen |
{21.3} | |
Maraming taong nagsikap sa Nanyang si Papa para sa ikabubuhay ng aming pamilya. Noong bata pa siya, naranasan niyang maging aprentis, trabahador, at empleyado sa tindahan. Mahigit treinta anyos na siya nang makipagsosyo sa iba at magbukas ng tatlong maliliit na tindahan. Bihira siyang umuwi sa Tengsua. Ang natatandaan ko'y dalawang beses lamang. Minsan noong ako'y anim na taong gulang. Natatandaan kong matangkad siya at may katabaan. | |
Malakas ang boses kung magsalita. Kung gabi'y madalas niya akong isama sa "bahay-tugtugan" para makinig sa tradisyonal na musika mula sa mga dinastiyang Song at Yuan. Pagtugtog ng plawta at gitarang Tsino sa malulungkot na tugtugin, medyo nakapikit pang sinasabayan ni Papa ang mga nota. | |
Ako nama'y madalas na nakakatulog, at kung nag-uwian nang lahat ang mga tao, saka pa lang ako kinakarga pauwi ni Papa. Ang ikalawang uwi niya'y dalawang taon pagkatapos ng una, nang mamatay si Mama. Umuwi siya para asikasuhin ang libing. Pagkuwa'y inayos pa niya ang alitan ng mga kamag-anak namin, kaya nanatili siya sa Tengsua nang mga kalahating taon. | Streit |
{21.4} | |
Ayon sa kaugalian sa bayan namin, tuwing sasapit ang ikapitong buwan sa kalendaryong lunar, nagsasagawa ng mga seremonya para sa kaluluwa ng mga yumao. Tinatawag itong Pista ng mga Kaluluwa. Mula sa petsa-uno hanggang sa a-beinte nuwebe, halinhinan ang mga bahay-bahay sa pagpapadasal para sa mga yumao. | |
Bawat pamilya'y nagsasabit ng maliliwanag na parol at nagsusunog ng insenso't papel na hugis-pera para ialay sa mga kaluluwa. Kadalasan, ang mga pamilya ng mayayamang huaqiao ay naghahanda ng bangkete at nagpapalabas ng operang Beijing, o kaya'y iba pang uri ng tradisyonal na dula o opera. Nagsasama-sama naman ang mga pamilya ng maliliit na mangangalakal sa pagpapalabas ng dula na tinatampukan ng mga papet na pinagagalaw ng pisi o kaya'y paper na isinusuot sa kamay. | hervorheben Puppe Faden |
Dati-rati'y hindi nagpapalabas ng dula ang aming pamilya, pero sandaang araw pagkatapos pumanaw ni Mama; gumastos si Papa para magpalabas ng dulang tinatampukan ng mga papet na isinusuot sa kamay. Iyon ang pinakamurang palabas. Sampung yuan lang ang bayad sa isang araw. |
{21.5} | |
Napakasaya nga sa panahon ng kapistahan. Ang mahigit sandaang pamilya sa aming bayan, abalang-abala sa pagpapakain sa mga bisita at pagpapalabas ng mga dula. Pagsapit ng gabi, nagliliwanag ang mga parol at magdamag na nakasindi ang mga ilaw na de-gaas, kaya naman halos kasinliwanag ng araw ang paligid. | |
Maririnig ang tugtog ng mga tambol at katulad na instrumento. Magdamagan din ang tugtog ng plawta at gitara. Sabay-sabay na itinatanghal sa iba't ibang lugar ang mahigit sampung dula. Ang mga bisita mula sa mga karatig nayon maging lalaki o babae, bata man o matanda, ay pawang nakabihis ng bagong kasuotan para sa kapistahan. Lalong makukulay ang anyo at gayak ng kababaihan. | ausstellen geschmückt Weiblichkeit |
Paroo't parito ang mga tao sa mga kalsada't eskinita, tumitigil lamang pag nakakita ng magandang panoorin. Ang nakakatawag-pansin sa pinakamaraming tao ay ang awitang sagutan sa mga entablado. Lalong bigay na bigay sa pagkanta ang mga nasa entablado, lalong tuwang-tuwa ang mga manonood. | |
Nanood ako ng dulang papet sa harap ng bahay kasama ang mga kapamilya, pero hindi pa nangangalahati'y nakatulog na ako. Kinarga ako at ipinasok sa silid. Nasa kasarapan ang tulog ko nang magising sa bugso-bugsong pagtangis. Idinilat ko ang aking mga mata at nakita ko si Papa sa tanglaw ng lamparang de-gaas, yumuyugyog ang magkabilang balikat sa pagtangis sa harap ng larawan ni Mama. Kagyat na nakadama ng dalamhati, bumangon ako at malakas na sumabay sa pagtangis ni Papa. | Menschenmenge heulen weit aufreißen Licht schütteln |
{21.6} | |
Tumigil sa pagtangis si Papa, lumapit sa higaan at pinunasan ng palad ang mga mata kong lumuluha. Pinipigil ang pagtangis na sinabi niya, "A Song, walong taong gulang ka pa lang, iniwan na tayo ng iyong mama. Mahirap ang mga araw na darating! Kailangan ko nang umalis. Maiiwan ka sa iyong ammah (lola)." | |
"Hindi na siya nakakakita kaya't mahihirapan siyang alagaan ka. Magpapakabait ka. Mamahalin mo ang iyong ammah at makikinig ka sa iyong achiak at achim (asawa ng achiak). Ipapasok kita sa eskuwelahang pribado pero kailangang magsikap ka at mag-aral na mabuti. Huwag kang puro laro ..." | |
Sa tuwing pinangungulilahan ko si Papa, gaya ng eksena sa pelikulang nagbabalik sa alaala ang napakalungkot na tagpong iyon. Malalim na naukit sa puso ko ang mabait at maamong mukha ni Papa at ang mga pangungusap niyang punong-puno ng pighati. | ??? Waise Gram |
{21.7} | |
A Chuan ang pangalan ng ahia (kuya) ko. Anim na taong gulang ako nang sumama siya kay Papa sa pangingibạng-bayan. Mula noo'y hindi na kami muling nagkita, kaya't malalabo na ang mga alaala ko sa kanya. Natatandaan ko lang na guwapo't malinis ang mukha niya. Matangkad ang pangangatawan at napakabait sa pakikitungo sa ibang tao, kaya naman madalas siyang purihin ng kababaihan sa amin. | |
Napakabuti niya sa akin. Kung may masasarap na pagkain, lagi niyang ipinauubaya sa akin. Kung inaapi ako ng mga bata sa kapitbahay, pinagsasabihan niya lamang ang mga ito, pagkuwa'y inilalayo ako. Hindi siya nakikipag-away. Dahil sa mga katangian niyang ito'y tuwang-tuwa sa kanya ang aming mga kababayan. Hindi natatagalan pag-alis ni A Chuan papuntang Nanyang, nagpadala siya ng larawan nila ni Papa. | verzichten unterdrücken |
Sa larawan, nakaupo si Papa sa silya. Si A Chuan ay nakatayo sa tabi niya. Ikinuwadro at isinabit namin sa bahay ang larawan. Dahil nakikita ko iyon araw-araw kahit paano'y natanim sa isipan ko ang kaanyuan ni Ahia. |
{21.8} | |
Nakababa na ng matarik na daan sa bundok ang bus at mabilis na bumabagtas sa tumaas-bumabang dalisdis nang bigla itong magpreno. Nagising ako sa pagkakaidlip at naumpog ang noo sa sandalan ng upuan sa harap. Nalaman ko na pagdating ng bus sa isang sangandaan, humahagibis na dumating ang isang trak at muntik nang makipagbanggaan sa bus. Tumigil ang bus sa isang nayon nang magtatanghaling-tapet.Iyon ang nayong sadya ko. | auf Pfad fahren Abhang Absicht |
Bumaba ako sa bus, bitbit ang yantok na maleta. Iisa lang ang kalsada sa nayon. Sampung minuto lang kung lalakarin mula puno hanggang dulo. Galak na galak akong humakbang, sabik na makita sina Papa at Ahia. Hinanap ko ang Li Hua Store, pero nagpabalik-balik na ako sa kalsada at nakita nang lahat ang mahigit sampung tindahan ng mga huaqiao ay hindi ko nakita ang karatula ng Li Hua. Tumigil ako sa harap ng isang tindahan at nagtanong sa lalaking nasa katanghaliang edad. | |
"Achiak, nasa'n po kaya ang Li Hua?" Hindi ako agad sinagot ng napagtanungan. Tinantiya niya ako saka nagtanong, "Bakit mo hinahanap ang Li Hua?" Sinabi kong ama ko ang may-ari sa Li Hua, at nagtatrabaho roon ang aking kuya. | abschätzen |
{21.9} | |
Gulat na tumingin sa akin ang kausap, saka mabait na nagtanong, "Galing ka sa Siyudad L?" Nang tumango ako'y itinanong naman niya' "Ikaw si A Song, hindi ba? Ilang araw ang nakaraan' sinabi nga ng papa mo na darating ka. Hay, wala sa tiyempo ang dating mo. Nasunog ang Li Hua no'ng isang gabi!" Itinuro niya ang mga tumpok ng uling at abo sa gawi roon, malapit sa kinatatayuan namin at saka nagpatuloy, "Nasunog ang tindahang katabi ng Li Hua no'ng isang gabi." | Haufen Richtung |
"Pag-aari ng isang huanna ang tindahang 'yon, nagbebenta ng mga gamit na gawa sa kawayan. Nadamay sa sunog ang katabing apat na tindahan. Wala kasing trak ng bumbero dito sa nayon. Mabuti na lang at nagtulong-tulong ang magkakanayon sa pagpatay sa sunog, kung hindi'y nadamay rin sana ang mga kalapit na bahay na gawa sa kahoy! Tingnan mo ang nangitim na pader na 'yon. Iyon ang natirang pader sa likuran ng Li Hua. | betroffen |
Daig pa ang tinamaan ng kidlat, napatingin ako sa itinuro ng kausap. Parang nadaganan ng bato ang puso ko habang nakatingin sa nangitim na pader. Naisip ko, sa isang iglap ay naging uling at abo ang tindahang buong buhay na pinaghirapan ni Papa, at kagyat na naging abo rin ang galak na dulot ng pananabik na makita sina Papa at Ahia. | geschlagen treffen beschweren Augenblick sofort Wunsch |
{21.10} | |
Nang makitang napatda ako sa pagtanaw sa mga uling at abo, nakikiramay na sinabi ng kausap ko, "Mabuting tao ang papa mo: Laging nasa lugar, at may isang salita. Kung ilampung taon siyang naghirap para maitayo ang tindahang 'yan. Lalong malaki ang hirap niya dahil masama ang negosyo sa nakalipas na ilang taon. Sino'ng mag-aakalang hindi nakakakilala ng mabuting tao ang langit. Naabo sa sunog ang halos buong-buhay niyang ipinundar!" | ? gründen |
Pinipigil ko man ang pighati ay hindi ko napigil ang pamumula ng mga mata. Muntik na akong mapaiyak. Tinanong ko ang kausap, "Si Papa at si Ahia, nasa'n na sila?" "Isang araw bago nagkasunog, sumakay ng barko papuntang Siyudad M ang papa mo para umuwi sa Tengsua. Nakatanggap kasi siya ng balita tungkol sa pagkamatay ng ammah mo. Pinauuwi siya para asikasuhin ang libing." | unterdrücken |
{21.11} | |
At isa na namang masamang balita ang dumagok sa akin! Kagyat na nagdilim ang langit at lupa. Parang hiniwa ang puso ko. Hindi ko na napigil ang pagluha. Sa nanlalabo kong paningin, tila nakita ko si Ammah, nakatungkod at mabuway na mabuway na lumalapit sa akin, isinasalaysay ang mapait niyang buhay. Pito ang naging anak niya. Namatay ang apat nang dahil sa kahirapan. | Genickschlag Krückstock |
Tatlong araw pagkapanganak, bumabangon na siya para magtrabaho. Dahil sa labis na pagod at matinding pagdadalamhati sa maagang pagkamatey ng mga anak, madalas na basa ng luha ang kanyang mga mata, kaya't mahigit limampung taong gulang pa lamang ay tuluyan nang nabulag. Hindi umubra ang mga gamot na bigay ng doktor. Hindi rin nagkabisa ang pagdarasal at pagsisindi ng insenso sa mga templo tuwing una at ikalabinlimang araw ng bawat buwan para maibalik ang nawalang paningin. | Sorgen, Gram möglich sein |
Nang mamatay si Mama ay si Ammah na ang nakasama ko sa araw-araw. Sa araw ay nagsalo kami sa lugaw na may kamote, at sa gabi'y magkatabi kami sa tablang higaan. Ako ang nagsilbing tungkod ni Ammah. Siya naman ang bundok na aking sinandalan. Mahal na mahal ako ni Ammah. | anlehnen |
{21.12} | |
Hinangad niya ang tagumpay ko balang-araw. Araw-araw niya akong pinangaralan. Kinuwentuhan ng mga lumang küwento. Nang naghahanda akong lumisan patungong Nanyang, panay-panay ang bilin niyang magpapakabuti ako, magsikap matuto at tulungan si Papa sa pagpapalago sa negosyo ng pamilya, upang ako'y maging isang matagumpay na huankhe, upang pag-uwi ko sa Tengsua ay ikarangal ako ng mga kaanak at ninuno. | beabsichtigen Aufforderung |
At nang magkaroon ng katuparan ang mga mithiin niya para sa akin. Ngunit gaya ng isang masamang panaginip ang mga naganap na biglaang pagbabago. Sa isang kisapmata'y naging abo ang mga pangarap ni Ammah, ar ang kinabukasan ko'y biglang naging sakdal dilim! Paano ko makakayanan ang mag-asawang dagok, ako na mura at mahina ang isip at dibdib? Tuluyan na akong napakagulgol. | Erfüllung Ziel Augenblick sehr Genickschlag bleiben Abfall |
{21.13} | |
"Hayaan mo na, A Song," pang-aalo ng aking kausap. "Halika, sasamahan kita sa ahia mo, nand'yan lang siya sa isang kababayan n'yo. Halika, puntahan natin siya." Sumunod ako sa kanya. Mula sa pangunahing kalsada, pumasok kami sa pasikot-sikot na daan. Hinanap namin ang isang tindahang nakaipit sa mga bahay ng katutubo. | Trost umwegig |
Masikip ang tindahan. Ilang tao lang ay hindi na makagalaw sa loob. Kinausap sandali ng kasama ko ang may-ari. Pumasok ito sa likuran, at ilang sandali lang ay lumabas kasama si A Chuan. "Sige, mag-usap kayong dalawa," sabi ng nagdala sa akin, at umalis na. Agad nangilid ang luha ni Ahia nang makita ako. "A Song, dumating ka na pala ..." at hindi niya na maituloy ang sasabihin. | |
Malaki ang itinangkad ni Ahia kumpara sa nasa larawan. Naninilaw ang suot niyang puting sando, na tinernuhan ng asul na kortong may mga tagpi. Nakalitaw ang mga bisig at binting siksik at nangitim sa araw. Mula sa mukhang maamo hanggang sa mga talampakan, makikita ang butil-butil na pawis, halatang kagagaling sa mabigat na gawain. | kurze Hose fest, eingepresst |
{21.14} | |
"A Song, hindi ka pa siguro nanananghalian, ano?" naaalangang tanong ni A Chuan, tila nag-aapuhap ng mapag-uusapan. Ang totoo, nabusog na sa pighati ang aking sikmura, paano pa ako magkakaroon ng ganang kumain? | zögern tasten |
Gusto ko lang maghanap ng mauupuan para mapag-usapan ang mga bagay-bagay tungkol sa aming pamilya at ang dumating sa aming patong-patong na kamalasan. Parang naarok ni Ahia ang aking saloobin. Nilingon niya ang masikip na tindahan, saka lumapit sa amo para magpaalam. Siya ang nagdala sa maletang yantok, at magkaagapay kaming naglakad papunra sa isang maliit na kapihan. | ausloten nebeneinander |
May apat na mesa sa kapihan. Nakalagay sa estante ang ilang bote ng mumurahing whisky, serbesa, at iba pang lokal na alak. Sa ibabaw, nakapatong ang isang balde ng sariwang tuba at isang kaldero ng kapeng lumamig na. Sa loob pa rin ng estante, may puting tinapay at itim na coco jam, papaya, saging, at iba pang prutas na tropikal. | Regal |
Nakatao sa estante ang isang magandang dalagang huanpo. Mukhang wala pang beinre anyos. Nakatakip sa balikat ang maitim at nangingintab na mahabang buhok. Nakapasok sa kulay berdeng saya ang kulay rosas na barong bulaklakin. Ang suot sa paa'y bakyang mataas ang takong. | ? |
{21.15} | |
Lumapit sa amin ang dalaga, matamis ang ngiti. Nag-usap sila ni Ahia sa wika ng Isla D. Ilang kataga lang ang naintindihan ko, pero mula sa mga mata ng dalaga at sa himig ng kanyang pananalita ay nakita kong malapit na malapit siya kay Ahia. | |
Nagkunwang parang walang anuman si Ahia, pero hindi maikubli ang sigla sa kalooban. Dinalhan kami ng dalaga ng dalawang basong malamig na kape, isang mahabang tinapay at isang platitong coco jam. Dinalhan niya rin kami ng isang buong papaya, at hinati iyon sa mismong harapan namin. | heucheln |
Palibhasa'y nanunuyo na ang lalamunan, inuna ko ang baso ng malamig na kape, saka ako kumuha ng isang hiwa ng papaya. Pinagmasdan ako ni Ahia, at nagsimula siyang magkuwento tungkol sa sunod-sunod na trahedyang sinapit ng aming pamilya. | weil trocken sein |
{21.16} | |
"Nakatanggap kami ng sulat galing kay Dichiak (ikalawang nakababatang kapatid na lalaki ng ama) noong isang linggo. Nalaman naming darating ka. Tuwang-tuwa kami ni Papa, dahil maraming taon na tayong hindi nagkikita. Madalas kang maalala ni Papa. Kawawa ka raw. Kay liit mo pa nang mawala si Mama. | |
Si Ammah nama'y hindi nakakakita. Wala raw nag-aalaga sa 'yo. Sinabi ni Dichiak sa sulat na dalawang taon kang nag-aprentis, at marami kang natutuhan. Tuwang-tuwa si Papa. Ihahanap ka raw ng trabaho rito. Tuwang-tuwa rin ako. Ibinili kita ng isang puting kamisadentro. Nilaparan ko pa ang higaan ko para sa pagdating mo. Magluluto rin sana si Papa ng masasarap na pagkain ..." Tumigil si A Chuan at humigop ng kape, pagkuwa'y bumuntong-hininga, saka itinuloy ang sinasabi. | verbreitern seufzen |
{21.17} | |
"Laking gulat namin nang matanggap ang sulat ni Achiak mula sa Tengsua. Namatay raw si Ammah. Pinauuwi agad si Papa para ayusin ang libing. Matagal-tagal umiyak si Papa. | |
Kung puwede lang siyang magkapakpak at lumipad pauwi. Hinimok ko siyang hintayin ka muna bago umalis. Pumayag naman siya, pero paggising kinaumagahan at nalamang may barkong papunrang Siyudad M, nagbago ang isip niya sa pangambang hindi niya mahabol ang barko papuntang Tengsua ..." | |
"Pa'no namatay si Ammah?" pinutol ko ang sasabihin pa ni A Chuan nang maalala ko ang kawawa kong lola. "Hindi ga'nong nilinaw sa sulat. Sinabi lang na nadapa siya isang umaga. Nang dalhan siya ni Dichim (asawa ng dichiak) ng almusal sa kuwarto, nakitang nakadapa siya sa sahig. Kinarga siya at inihiga sa katre saka tumawag ng doktor. | |
Pero hindi umubra ang mga gamot na ipinainom kay Ammah. Pagkaraan ng dalawang araw nalagutan na siya ng hininga ..." Nang mapag-usapan ang pagkamatay ng lola, magkaharap kaming umiyak ni Ahia. Inubos niya ang kanyang kape, at ikinuwento naman ang nangyaring sunog. | reißen Atem (= sterben) |
{21.18} | |
"No'ng isang umaga, sinamahan ko si Papa papuntang pier. Gabi na nang makabalik ako. Magulong-magulo ang isip ko. Pagkakain nang kaunti, nahiga na ako para matulog. Pero pabiling-biling lang ako sa higaan. Hindi ako makatulog. | hin und her drehen |
Naiisip kong darating ka na, tapos biglang namatay si Ammah, tapos umalis si Papa. Ang dapat sanang masayang pagsasama-sama natin, naging malungkot na paghihiwalay. Kaya masamang-masama ang loob ko. Pagtugtog ng relo sa hatinggabi, saka lang ako nakatulog. Pero nagising ako sa mga sigawan, at nakita ko ang liwanag ng apoy sa labas ng bintana. Dali-dali akong bumangon at nagbihis, pero umabot na ang apoy sa likuran natin. | |
Magkadikit kasi ang tindahan natin at ang sa kapitbahay. Pareho pang gawa sa kahoy at pawid. Alam kong masama na ang sitwasyon. Inilagay ko sa maliit na maleta ang mga libro ng tindahan, 'yong sa Ingles at 'yong sa Tsino, pati ang mga resibo at kaunting pera. Kumalat na noon ang apoy sa bubong at sahig natin. Punong-puno ng usok ang kuwarto. | |
Tumakbo ako palabas at ipinatago ang maleta sa tapat, saka ako bumalik para iligtas ang mga paninda. Walang bumbero dito sa nayon. Nagtulong-tulong ang mga huaqiao at mga tagarito para patayin ang sunog. Pero walang nagawa ang mga balde at palanggana nila. Mabuti na lang at may mabubuti ang kalooban na tumulong para mailigtas ang mga paninda natin, pero nasunog lahat ang iba pa nating mga gamit at ari-arian ..." |
{21.19} | |
Nagpawala uli ng isang mahabang buntong-hininga si A Chuan. Humiwa siya ng dalawang pirasong tinapay, pinalamanan ng maraming coco jam, saka iniabot sa akin. "Kain pa! Talagang pag inabot ng malas, wala kang magagawa. Magkabutas-butas man ang bituka sa sama ng loob, matuyuan ka man ng luha, wala ring mangyayari! Kumain kung dapat kumain, uminom kung dapat uminom. Hangga't nananatiling malusog, hangga't nariyan ang bundok, hindi mawawalan ng panggatong!" | |
May katwiran ang mga sinabi ni Ahia. Kinain ko ang iniabot niyang tinapay. Talagang gutom na gutom ako. Pagkaubos sa dalawang pirasong tinapay, tuluyan na akong ginanahan. Sandali lang ay naubos naming magkapatid ang tinapay at papaya sa mesa. Lumapit ang magandang dalagang huanpo para linisin ang mesa. | |
Ipinakilala ako ni A Chuan sa kanya. Matapos niya akong kamayan, matagal-tagal silang nag-usap ni Ahia, at maya't maya'y ngumingiti siya sa akin. Napaghulo kong ako ang pinag-uusapan nila. Hindi ako nagkamali. Pagkabayad ni A Chuan, sinabi niya sa akin, "A Song, masyadong masikip sa pinakikitulugan kong tindahan. Wala namang hotel dito. Dito ka na matulog mamayang gabi." | folgern |
{21.20} | |
"Dito sa kapihan?" nagtatakang tanong ko, saka minasdan ang paligid. Iyo'y ginawan ng partisyon mula sa ibaba ng isang dalawang palapag na bahay. May hagdan papunta sa itaas. Tumango-tango si A Chuan. Tumingin siya sa dalaga at sinabi, "Nag-usap na kami ni Fely." Nakangiting tumango-tango si Fely, wari'y naintindihan ang sinabi ni A Chuan sa wikang Hokkien, | |
Sinabi ni Ahia na may dugong Tsino si Fely, kaya't mabait siya sa mga huaqiao. Sa itaas siya nakatira, kasama ang ina at sioti (nakababatang kapatid na lalaki). Kaya puwede akong matulog sa ibaba. Pero walang katre sa kapihan, paano ako matutulog? Parang nahulaan ni A Chuan ang nasa isip ko. | |
"Pagkasara sa kapihan, pagdikitin mo ang dalawang mesa saka mo latagan ng banig. Hindi ba't kay inam na tulugan?" sabi niya. Wala naman akong mapagpipilian. Pumayag akong pansamantalang makitira sa kapihan. Nagkusa akong tumulong kay Fely sa pagtitinda. Ako ang naging weyter. Bilang ganti, isinabay ako ni Fely sa pagkain niya. Kahit paano'y wala na akong gastos sa pagkain at tirahan. Inabot din nang tatlong buwan ang pagiging weyter ko sa kapihan. | ?? |
Ang Pag-Ibig ng Dalagang Huanpo | {22.1} |
Mit zehn Jahren wird Feli von A Chuan vor einer Affenherde gerettet, daraus wird ihreLiebe zu ihm. | |
Hindi gaanong marami ang gawain sa kapihan sa umaga't hapon. Mangilan-ngilan lang ang kostumer. Pero maraming tao sa gabi. Pag-alis ng isang grupo, dumarating ang isa pang grupo. Laging okupado ang apat na mesa. Ang mga walang maupuan ay tumatayo na lamang sa harap ng estante para uminom ng kape at tuba. Inaabot hanggang hatinggabi ang mga kostumer. | |
Sa araw, lumalabas si Fely para mamili ng mga paninda. Ako nama'y nagbabasa habang nakatao sa kapihan. Nabasa ko nang lahat ang mga librong dala ko mula sa Napa. Dahil walang bagong libro, muli kong binasa ang The Aduentures of Robinson Crusoe. Talageng gustong-gusto ko ang librong iyon. | ?? |
Nang makita ni Fely na mahilig akong magbasa, inilabas niya ang mga librong Ingles noong elementarya, at tinuruan ako ng Ingles mula ABC. Binigyan pa niya ako ng bagong pangalan. Felipe. Pepe ang palayaw. Iyon ang itinawag niya sa akin. Maganda ang pangalang iyon, aniya, pero naiilang ako. Umiibig si Fely sa kuya kong si A Chuan, kaya naman napakabuti niya sa akin. Itinuring niya akong parang sariling kapatid. Kung minsa'y naiisip ko: "Hindi masamang magkaroon ng ganitong hipag!" | ?? |
{22.2} | |
Pero iba ang ina ni Fely. Sa umpisa pa lang ay hindi na niya ikinatuwa ang pamamalagi ko sa kapihan. Naiilang rin naman ako sa kanya. Gayong mahigit kuwarenta anyos na at gabariles ang baywang ay daig pa ang anak na dalaga sa pagpostura. Makapal ang pulbos sa mukha. Lalong makapal ang pahid tg lipstick. Laging nakasuot ng makulay at bulaklakin. | |
Pero anuman ang kanyang gawin, sa edad niya'y sadyang nawala na ang mayuyuming imbay. Mahigit dalawampung taong siya ang namahala sa tindahan, pero noong isang taon ay nagkaroon ng malubhang karamdaman. Sa gayo'y ipinaubaya kay Fely ang pamamahala sa tindahan, pero siya pa rin ang humawak sa pera. Bihira siyang bumaba sa araw. Sa gabi, nauupo siya sa tabi ng kaha. | feinfühlig Bewegung verzichten |
Sa kanya dumaraan ang labas-pasok ng pera. Alanganing mainit at alanganing malamig ang pakikitungo niya sa akin. Ako ma'y hindi naging malapit sa kanya, bagama't ibinigay ko sa kanya ang karampatang paggalang. Inisip ko na lang na hindi naman ako mamamalagi sa kapihan nang pangmatagalan. | angemessen |
{22.3} | |
Mabait din sa akin ang siyam na taong gulang na sioti ni Fely. Araw- araw pag-uwi mula sa eskuwela, niyayaya niya akong maglaro ng baraha o mga laro sa daliri. Nagpaturo pa sa akin ng wikang Tsino. Kung minsa'y niyayaya akong umakyat sa bundok at manghuli ng mga paruparo. Sa bundok, namumukadkad ang iba't ibang bulaklak, at tila nagsasayawan ang malalaki't magagandang paruparo. | jüngerer Bruder Täter! |
Kung minsa'y hinihila niya ako papunta sa ilog para humuli ng isda at hipon. Hindi kalaliman ang ilog, pero maraming buwaya. Minsan, tuwang-tuwa kami nang makadakma ng isda sa mga siwang ng bato sa ilog nang makita kong lumalapit ang isang buwaya. Sa labis na takot, itinapon ko ang isda at hinila sa pampang ang kapatid ni Fely. Mula noo'y hindi na kami nagpunta sa ilog para humuli ng isda. | fangen Schlitz |
Pagsapit ng dapithapon, sinisindihan ang mga ilaw na de-gaas sa loob ng kapihan at pinatutugtog sa ponograpo ang mga usong awitin, at nagdaratingan na ang mga kostumer. Karamihan sa kanila'y mga binatang manggagawa sa kalapit na plantasyon. May ilang nagtatrabaho sa mga ginagawang kalsada. Pulutan nila ang longganisa o isdang tinapa, habang umiinom ng mumurahing whisky, serbesa o tuba. Nakikipagbiruan sila kay Fely. Nakikipagharutan. Marami sa kanila'y tila si Fely ang talagang sadya sa kapihan. | ungestüm |
{22.4} | |
Abalang-abala ako sa pagsisilbi gabi-gabi, pero hindi ako gusto ng mga kostumer. Si Fely ang gusto nilang magsilbi sa kanila, ang mag-abot ng alak o kape, para magkaroon sila ng pagkakataong mapalapit sa kanya. Si Fely nama'y sanay na sanay makiharap sa iba't ibang klase ng kostumer. Matatamis at kabigha-bighani ang mga ngiti niya para sa karamihan ng kostumer. Pero ang mga lasing na nagiging bastos, agad niyang pinandidilatan hanggang lubayan siya. | gewandt verlockend mit großen Augen locker lassen |
At mabilis niyang hinahampas ang mga kamay na nagtatangkang dumakma sa dibdib niya. Kung minsa'y sinasaktan niya ng mahahayap na salita ang mga nambabastos sa kanya. At kung may mga lasing na talagang ayaw lubayan si Fely, agad tumatayo ang inang nakaupo sa tabi ng kaha para ipagtanggol ang anak na dalaga. Itinataboy palabas ang mga lasing kasabay ng magkahalong bulyaw at tungayaw. | vorhaben vorschnellen scharf schützen wegjagen Zurechtweisung Schimpfwort |
{22.5} | |
Sa pagdalaw sa akin ni A Chuan araw-araw kasabay na ang dalaw niya kay Fely. Mula sa kanilang mga mata'y nakikita ko ang pag-iibigan ng isang dalaga at isang binata. Mahiyain si A Chuan, gaya ng isang binibini, samantalang si Fely, mas prangka at mas malakas ang loob. | |
Sa mismong harapan ko, inaayos niya ang kuwelyo ni A Chuan, o kaya'y sinusuklay ang magulong buhok. Minsan, hindi sinasadyang nakita kong yakap-yakap ni Fely si A Chuan sa likod ng hagdan. Magkadikit ang kanilang mga labi. Mapulang-mapula ang mukha ni A Chuan paglabas mula sa likod ng hagdan. | Kragen |
Halos mahibang si Fely sa pag-ibig kay A Chuan. Madalas niya akong kuwentuhan ng tungkol sa relasyon nila ni Ahia. Wala siyang ipinaglihim sa akin. Isang pambihirang lalaki ang ahia ko, aniya, matapang na'y maginoo pa. Guwapo rin ako, aniya, kamukha ni Ahia. Alam kong sa pagpuri niya sa aki'y pinupuri rin niya ang lalaking iniibig. | verrückt |
Arg totoo, sa litratong ipinadala ni Ahia sa Tengsua, kamukha ko nga siya talaga. Katawang payat at matangkad. Mukhang maamo. Ganap na kaanyuan ng mga batang tila tatanga-tanga. Pero ang ahia ko ngayo'y matipuno ang pangangarawan, siksik ang mga bisig ar malalapad ang balikat. | |
Idagdag pa rito ang buhok na maitim at makapal, mga matang kumikislap, ilong na tuwid na tuwid, mga labing mapula at mga pisnging malinis at maputi, at hindi man ayusan ay makikita ang likas na anyo ng isang lalaking kagigiliwan ng kababaihan. Isang tunay na magandang lalaki! Kaya naman hindi kataka-takang sinasabi ng mga dalaga sa bayan na masuwerte si Fely sa pagkakaroon ng isang kasintahang gaya ni Ahia. |
{22.6} | |
Ano't gayon na lamang ang pagkahumaling ng isang napakagandang dalagang huanpo sa isang pobreng kabataang huaqiao? Ilang beses kong tinanong si A Chuan tungkol dito. Sa umpisa'y ayaw niyang sabihin, pero nagsalita rin siya matapos kong kulitin. | Vernarrtheit |
At nalaman kong maagang naipunla ang binhi ng pag-ibig, at sa paglipas ng mga araw at buwan, sa pagtaas at pagbaba ng tubig sa dagat, ang binhi'y unti-unting nagkaugat, hanggang umusbong at mamulaklak. Dumating sa munting bayang ito si Ahia mula sa Tengsua kasama ni Papa noong labing-anim na taong gulang siya, walong taon na ang nakaraan. Kasosyo noon ni Papa sa Li Hua ang isang kaapelyido namin. | säen (punlạ) keimen |
Tumutulong sa tindahan ang kasosyo ni Papa, pati isang pamangkin nito. Dahil maliit lang ang tindahan at masyadong lalaki ang gastos kung magdaragdag pa ng tao, ipinasok ni Papa si A Chuan bilang aprentis sa tindahang katapat ng Li Hua. Ang may-ari ng tindaha'y dili-iba't yaong nagdala sa akin kay Ahia. Kailangang gawin ng aprentis ang lahat ng klase ng trabaho, kasama na ang pag-igib ng tubig at pangunguha ng panggatong sa bundok. | eben dieser ?? Wasser holen |
{22.7} | |
Isang araw humandang umakyat si Ahia sa bundok sa gawing timog ng bayan, hawak sa kamay ang pingga at lubid, at may nakasuksok na itak sa baywang. Nang maparaan sa gubat, nakarinig siya ng sigaw at iyak ng batang babae, waring takot na takot. | Gepäckstock an einem Haken |
Agad tinunton ni Ahia ang pinagmulan ng tinig, hanggang makarating siya sa loob ng gubat, at nakita niya ang isang batang babaeng napapaligiran ng mahigit sampung unggoy. May mga unggoy na nagtatangkang sunggaban ang mukha ng bata, may mga gustong humila sa palda nitong bulaklakin, at may mga nagtatatalon at nagsisisigaw. Takot na takot na umiiwas ang batang babae; sumisigaw at umiiyak nang malakas. | greifen |
Hindi pa natatagalan pagdating sa munting bayan, narinig na ni Ahia ang mga kuwento tungkol sa mga unggoy sa bundok. Sa gabi umano'y bumababa ang mga ito mula sa bundok at nagnanakaw ng mga prutas sa bayan, naninira ng mga tanim na gulay. At kapag nakakita ng babaeng nag-iisa sa bundok, bumababa mula sa puno ang mga lalaking unggoy para mangmolestiya. | sagt man |
Noo'y hindi gaanong naniwala si A Chuan sa mga kuwento, hanggang makita niya mismo ang ginagawa ng mga unggoy sa batang babae, at agad siyang nakadama ng pagkasuklam sa mga ito. Galit na galit niyang itinaas ang pingga at sumigaw nang malakas, pagkuwa'y sumugod sa mga unggoy na nakapalibot sa batang babae. | Abscheu angreifen |
{22.8} | |
Nagulat at nagsilingon ang mga unggoy nang marinig ang sigaw Nagsitakbo paatras. Pero nang makita ng rnalalaking unggoy na nag-iisa ang dumating, nakalabas ang mga ngipin at nakaamba ang mga kamay na sumalubong ang mga ito, umaangil at umastang lalaban. Ilang unggoy ang pumulot ng mga bato at ipinukol kay A Chuan. | drohend ?? fletschen Haltung einnehmen |
Gusto lang namang takutin ni Ahia ang mga unggoy at iligtas ang batang babae. Hindi niya akalaing sa dami ng mga unggoy ay hindi natakot ang mga ito, at umasta pang lalaban. Nang makalapit ang mga unggoy, sinugod niya ang nauunang pinakamalaki at ubos-lakas na hinampas ng pingga sa ulo. | |
Napaigik at natumba ang malaking unggoy. Isinunod ni A Chuan ang dalawa pa. Natumba ang isa, ang isa'y nasugatan. Sumisigaw sa sakit na kumaripas ng takbo ang unggoy na nasugatan. Ang ibang mga unggoy nama'y nagpulasan at nagsiakyat sa puno. | grunzen, ächzen weglaufen |
{22.9} | |
Pagkatapos gapiin ang mga unggoy, nilapitan ni A Chuan ang batang babae, na noo'y nakasandal sa isang puno, nanginginig sa takot ang buong katawan. Hinawakan ni A Chuan sa kamay ang batang babae at patakbong hinila palabas ng gubat. | überwältigen lehnen |
Ngunit nanlalambot ang mga tuhod ng batang babae sa labis na takot. Hindi pa nakakalayo'y nadapa na ito. Sa pangambang humabol at gumanti ang mga unggoy, lumuhod si Ahia at pinakapit ang batang babae sa kanyang mga balikat, at kinarga ito palabas ng gubat hanggang makababa sila ng bundok. | Misstrauen "nehmen" |
Tinanong ni A Chuan ang batang babae kung bakit mag-isang nagpunta sa gubat. Sinabi ng batang babae na dumalaw siya sa tiyahing nakatira sa gilid ng bundok. Habang naglalakad pauwi nang umagang iyon, nakakita siya ng dalawang magagandang paruparo. Hinabol niya ang mga paruparo hanggang naligaw siya at napasok sa gubat. |
{22.10} | |
Ang batang babaeng iniligtas ni Ahia ay dili-iba't si Fely, na noo'y hustong sampung taong gulang pa lamang. Bilang pasasalamat kay Ahia, nagpupunta si Fely sa pinapasukan niyang tindahan tuwing may kailangan itong bilhin. Pagkagaling sa eskuwela, sinasadya pa nitong umikot ng daan para lang makita siya. | |
Kasabay ng paglipas ng mga araw ang dating batang babae ay unti-unting naging isang magandang dalaga, at ang nadaramang pasasalamat ay unti-unting nauwi sa pag-ibig. Si Ahia man ay naging isang magandang lalaki, at bagama't gusto niya rin si Fely, pinipigil siya ng mga piyudal at makalumang kaisipan, idagdag pa ang pinangangambahang sabi-sabi ng mga kapwa huaqiao, kung kaya't sinikil niya ang damdamin para sa dalaga. | obwohl feudal zu befürchtend unterdrücken |
Para sa komunidad na huaqiao, hindi magandang tingnan para sa isang lalaki ang mag-asawa ng huanpo. Tanging yaong mga dahil sa labis na karalitaa'y walang kakayahang umuwi sa Tengsua para mag-asawa ng isang kalahi ang napipilitang mag-asawa ng huanpo. | Armut |
{22.11} | |
Nang makatapos ng hay-iskul, tumulong na si Fely sa ina sa pag- asikaso sa kapihan. Maraming kabataang lalaki sa bayan ang umaali-aligid sa kanya. Gabi-gabi, may mga humaharana sa kanya sa harap ng kapihan, tumutugtog ng gitara at kumakanta ng mga awit ng pag-ibig. | |
Ngunit tinanggihan niya ang lahat ng manliligaw. Paano'y matagal niya nang iniukol ang puso kay A Chuan, at araw-araw ay ginagawa niyang dahilan ang pagbili sa tindahan para lang makita si Ahia. Noo'y humiwalay na ang dating kasosyo ni Papa sa tindahan, kaya't lumipat na rin si Ahia sa Li Hua. | |
Alam ni Fely na natutulog si Papa tuwing tanghali, at sinasamantala niya iyon para magpunta sa tindahan at makipagkita kay A Chuan. Ilang beses niyang niyaya si Ahia na makipagtagpo sa kanya sa tabing-ilog, ngunit nag-aalala si Ahia na malaman ni Papa kung kaya't lagi siyang tumatanggi. Si Fely nama'y gaya ng sundalong hindi nasiraan ng loob. Lalong nagsumigasig sa paglusob. | ausdauern angreifen |
Hindi siya tumigil hangga't hindi pumapayag ang iniirog. Hanggang isang gabing nagpunta sa daungan si Papa para mamili ng mga paninda at hindi umuwi para matulog, magkahawak-kamay na namasyal sa tabing-ilog sina A Chuan ar Fely. Sa tanglaw ng buwan, naghanap sila ng isang tahimik na lugar, at sa lugar na iyon na nakatago sa malalaking puno, magkadikit ang mga balikat nilang umupo sa batuhan, hanggang lumalim ang gabi. Ang karanasang iyo'y nag-iwan kay Ahia ng matatamis na alaala. | zustimmen Liebster |
{22.12} | |
At gaya ng batang nakatikim ng tamis ng nakaw na kendi, lumakas ang loob ni Ahia. Inasam-asam niyang masundan ang tipanan nila ni Fely. Walang koryente sa munting bayan. Ang mga tindaha'y nagbubukas pagsikat ng araw at nagsasara pagsapit ng gabi. | sich sehnen Verlobung |
Kadalasan, pagkatapos kuwentahin ni Papa ang pinagbentahan, mga alas-nuwebe lang ay nahihiga na siya, at madali siyang nakakatulog dahil sa labis na pagod. Sinasamantala ni Ahia ang gayong pagkakataon. Binubuksan niya ang maliit na pinto sa likuran ng tindahan at nagpupunta sa tabing-ilog para makipagtipan kay Fely. | |
Ngunit walang lihim na hindi nabubunyag. Nagsimulang kumalat ang mga sabi-sabi sa bayan tungkol sa umano'y kung ano-anong ginagawa nina A chuan ar Fely sa tabing-ilog. Nakarating ang mga sabi-sabi kay Papa, na dahil sa impluwensiya ng mga lumang kaisipan ay sabihin pang ayaw makitang nakikipagmabuti ang anak sa isang huanpo. | herauskommen |
Ngunit hindi siya naniniwalang ang anak, na laging mabait at masunurin, ay makagagawa ng anumang taliwas sa kagustuhan ng magulang. Kaya't hindi niya agad kinausap si Ahia. Gayunma'y lihim siyang nagmatyag. Isa pa, si Fely ay matagal nang suki sa tindahan. At sa panahong mahina ang negosyo, sino ang may gustong mawalan ng isang suki? | jem. beobachten |
{22.13} | |
Labis na ikinagalit ni Fely ang mga sabi-sabi. Niyaya niya si A Chuan na magpakasal na, o kaya'y magtanan. Ngunit walang ganoong lakas ng loob si Ahia. Ayaw niyang saktan ang damdamin ng ama. Ayaw niya ring mapulaan ng mga kapwa huaqiao. Isa pa'y napansin niyang minamatyagan siya ni Papa, kaya't ilang buwan siyang hindi nangahas makipagtipan kay Fely. At nang wala namang matuklasan si Papa na anumang ikinikilos ni Ahia na lihis sa kagandahang-asal, unti-unti na ring lumuwag ang dating pagmamatyag. | fliehen viel Mut haben |
Tahimik na tiniis ni Ahia ang sakit na dulot ng sinikil na damdamin, ngunit hindi iyon kayang gawin ni Fely. Sa mga tanghaling natutulog si Papa at kakaunti ang namimili sa tindahan, dumarating si Fely, na ang layuni'y makasama at makausap si Ahia. | unterdrücken |
{22.14} | |
Isang tanghali, dumating si Fely habang naiidlip si A Chuan sa pagtao sa tindahan. Tahimik siyang pumasok at sumilip sa pintong naghihiwalay sa labas at loob ng tindahan, at nang makitang naghihilik si Papa sa tumba-tumbang yantok, bumalik siya at marahang niyugyog si A Chuan. Bumili siya ng dalawang kahang posporo, at nang magbayad ay mariing pinisil ang kamay ni Ahia, nagsusumamo ang magagandang mata. | schnarchen schütteln Druck mit Hand drücken überreden |
"A Chuan, mahal ko, huwag mo na akong pahirapan pa!" paanas na sabi ni Fely. "Magkita tayo ngayong gabi. Hihintayin kita sa dating lugar. May mahalaga akong sasabihin." "Kung may sasabihin ka'y ngayon na," parang ugong ng lamok ang boses ni A Chuan. Tumingin siya sa loob ng tindahan para ipahiwatig na nagmamatyag si Papa. "Hindi!" medyo galit na sinabi ni Fely. "Marami akong gustong sabihin sa 'yo." | flüsternd summen beobachten |
{22.15} | |
"Hindi puwede, hindi puwede!" sabi ni A Chuan, hirap na hirap ang kalooban. "Bakit hindi puwede?" tumaas ang boses ni Fely. "Mahigit beinte anyos ka na. May kalayaan ka sa ilalim ng batas. Ano'ng ikinatatakot mo? Mahal mo ba ako o hindi?" "Shhhh ..." tinangkang pigilin ni A Chuan si Fely. Inginuso ang loob ng tindahan, saka buong pagmamahal na tiningnan ang dalaga para ipahayag ang damdamin para rito. | beabsichtigen mit Lippen zeigen |
"Duwag!" hindi matanggap ni Fely ang kahinaan ng loob ni Ahia. Galit na idinilat ang magagandang mata. Binitiwan niya ang kamay ng kasintahan, saka matigas na sinabi, "Basta hihintayin kita sa tabing-ilog. Kung hindi ka dumating, ibig sabihi'y hindi mo na ako mahal, kaya't tapos na ang lahat sa atin!" | loslassen |
{22.16} | |
At tumalikod na si Fely. Mariin ang pagkakasabi niya sa huling pangungusap. Naiwan si A Chuan, labis na nalulungkot at nababahala. Inihatid niya ng tingin ang dalaga, hanggang tuluyan itong makalayo. Naglabas siya ng panyo at pinunasan ang pawis sa noo. Lumapit siya sa pinto at sinilip si Papa sa loob. Nabawasan ang kanyang pagkabahala nang makitang naghihilik pa sa tumba-tumbang yantok ang matanda. Nang hapong iyo'y matagal niyang nilimi ang mga sinabi ni Fely, at naganap ang matinding pagtatalo sa kalooban. | bedenken Widerstreit |
Dumami ang mga mamimili mga bandang alas-tres ng hapon. Lumabas na rin si Papa mula sa loob ng tindahan at tumulong kay Ahia sa pag-asikaso sa mga kostumer. Habang abala sa pagtitinda, manaka-nakang sinusulyapan ni Ahia ang mukha ni Papa. Wala naman siyang napansing kakaiba, sa gayo'y ipinasiya niyang makipagsapalaran at sumipot sa tipanan. | ab und zu (sakạ) wagen ankommen |
Alam niyang sa nakalipas na ilang gabi'y may mga binatang nagpupunta sa kapihan para haranahin si Fely. Mabuti na lang at siya lang ang pinag-uukulan ng pagmamahal ng dalaga, at ito'y mahal na mahal niya rin naman, kaya nga lang ... |
{22.17} | |
"Talaga bang ako'y isang duwag?" tanong niya sa sarili. "Hindi! Sanlibong hindi! Hindi ko siya maaaring biguin. Kailangang siputin ko siya ngayong gabi!" Pagkasara sa tindahan nang hapong iyon, nagpunta si Ahia sa kusina at ininit ang mga tirang kanin at ulam para sa hapunan nila ni Papa. Pagkahapunan, nagwalis siya sa loob ng tindahan at nilagyan ng paninda ang mga eskaparate habang kinukuwenta ni Papa ang pinagbentahan nang araw na iyon. | ankommen |
Pagsapit ng alas-nuwebe, pagkababang-pagkababa ni Papa sa kulambo, gaya nang dati'y agad siyang naghilik dahil sa labis na kapaguran. Pinatay ni A Chuan ang tinghoy at nahiga sa tablang higaan, pinakinggan ang paghilik ni Papa, nanatiling nakadilat ang mga mata habang nagpapalipas ng oras. | Moskitonetz schnarchen Öllampe |
Tong, tong, tong ... Tumunog nang sampung beses ang lumang orasan. Bumaba si Ahia mula sa higaan at patingkayad na nagpunta sa likuran ng tindahan. Binuksan niya ang maliit na pinto at mabibilis ang mga hakbang na nagpunta sa tabing-ilog. |
{22.18} | |
Kumukuti-kutitap ang mga bituin sa langit, at ang daloy ng tubig sa ilog ay tila isang masayang awit. Nagkokoro sa paghuni ang mga kulisap sa damuhan, at ang lahat-lahat sa kalikasan ay nagbubunyi para sa pag-iibigan ng magkasintahan mula sa magkaibang lahi. Nakatayo si Fely sa tabi ng batuhan sa ilalim ng malaking puno at nakatanaw sa makitid na daan sa tabing-ilog nang makitang nagmamadaling lumapit ang itim na pigura. | flackern feierlich sein schmal |
Nag-umalpas sa mabilis na pagtibok ang kanyang puso at halos kumulo ang kanyang dugo sa matinding pag-asam nang tumigil ang itim na pigura sa kanyang harapan. Hinila niya ito at niyakap nang buong higpit, at tila nahihibang na hinagkan ito sa buhok, sa noo, sa mga mata hanggang sa mga labi, habang umaagos ang mainit na luhang bumasa sa magkabilang pisngi ni A Chuan. | frei sein Sehnsucht = halikạn |
Inalalayan ni A Chuan si Fely sa pag-upo, pasandal sa malalaking bato, at saka pinunasan ng dalang panyo ang luhaang mga mata ng dalaga. Humihikbing inilabas ni Fely ang damdaming kinuyom sa nakalipas na ilang buwan. Nagsumamo siya kay A Chuan. | schluchzen verbergen |
Habang bata sila'y kumawala sana sa paninikil ng tradisyon at ng lipunan at lantarang mamuhay nang magkasama, aniya. Handa siyang sumama kay A Chuan kahit saan, aniya pa. Sa Tsina, sa America, sa Australia ... kahit saan, at nakahanda siyang magtiis gaano man kahirap ang buhay. Nakahanda siyang bigyan si A Chuan ng maraming anak, at paglingkuran habambuhay ... | ablegen Unterdrückung "vor aller Welt" |
{22.19} | |
Labis na naantig si A Chuan sa mga sinabi ng katipan, na tunay na minamahal niya rin naman, ngunit maigting pa rin ang mga pagtatalo sa kanyang kalooban. Mula pagkabata'y namulat na siya sa mga piyudal na paniniwala't kaisipan, kaya't kung ihahambing sa dalagang kabilang sa ibang lahi, na malayang-malayang naipapahayag ang damdamin, ay sadyang kay laki ng agwat ng pananaw nila sa mga usapin ng pag-aasawa't pag-iibigan. | betroffen sein fest gebunden aufwachsen |
Hindi siya makapagpasiya sa kinakaharap na patong-patong na balakid. Hindi siya makawala sa tanikala ng damdamin. Ngunit ayaw niya ring biguin at sugatan ang damdamin ng babaeng pinakamamahal. Sa gayo'y wala siyang nagawa kundi haplusin ang mahabang buhok ng iniirog, at isumpang kailanma'y hinding-hindi magbabago ang kanyang pag-ibig, kaya't sana'y magkaroon ito ng tiyagang maghintay, at tiyak na darating ang araw na magkasama silang mamumuhay. | herausfordern Hindernis Kette streicheln |
{22.20} | |
At tila nasiyahan naman ni Fely sa pangako ni A Chuan. Humilig siya sa kandungan ng kasintahan. Inihatid ng hangin ang bango ng mga ligaw na bulaklak, at nagsalo ang magkatipan sa mga pangarap ng pag-ibig, hindi namamalayan ang paglipas ng mga sandali. Biglang-bigla'y narinig mula sa malayo ang tilaok ng manok. Nagising si A Chuan mula sa tila lasing na pangangarap at nagmamadaling tumayo. "Kailangan ko nang umuwi." | Schoß |
Walang nagawa si Fely kundi tumayo na rin, at magkahawak-kamay silang naglakad papunta sa bayan, hanggang sa nanghihinayang na naghiwalay. Nakakailang hakbang pa lang ay patakbong bumalik si Fely. Mahigpit na niyakap si A Chuan at mariing hinalikan. Marahan itinulak na A Chuan ang maliit na pinto ng likuran ng Li Hua, at tila tumalon-talon ang puso nang makitang nakasindi ang ilaw sa loob ng tindahan. Alam niya may masamang nangyayari. Pumasok siya sa tindahan, pilit pinatatag ang kalooban. | bedauern (sayang) |
{22.21} | |
Nakaupo sa upuang yantok si Papa. Tila nababalot ng niyebe ang mukha, panay ang hitit sa sigarilyo, at walang sinabi kahit ano. Tahimihik na tumayo si A Chuan sa isang tabi, nakatungong hinintay na pagalitan ng ama. Napuno ng amoy ng sigarilyo ang loob ng kabahayan, at ang tanging naririnig ay ang tiktak-tiktak ng lumang orasan. Katahimikan. Matinding kaba. Paghihintay sa paghampas ng malakas na unos. | rauchen Herzschlag |
Ngunit walang dumating na unos. Taliwas sa inaasahan ni A Chuan hindi nagpawala ang ama ng galit na tila kulog at kidlat. Pinatay nito ang sindi ng sigarilyo. Nagpawala ng mahabang buntong-hininga. Namuo ang luha sa mga mata. Mababakas sa mukha ang kabaitang hindi pangkaraniwan. | spüren |
"Saan ka nanggaling at inabot ka ng hatinggabi?" tanong ni Papa. Gusto sanang magsinungaling ni A Chuan, ngunit nang makitang hindi nagalit ang matanda, at sa halip ay malungkot na lumuluha, naisip niyang bibigat lang ang kanyang kasalanan kung hahabi pa ng kasinungalingan. Sinabi niya ang katotohanan. | weben |
"Sa tabing-ilog." "Tingnan mo' anong oras na?" Tumingala si A Chuan mula sa pagkakatungo at tiningnan ang orasan. Alas-dos treinta y singko na. | aufschauen |
{22.22} | |
"Anong kahihiyan na naman ang ginawa n'yo ng huanpo na iyan sa tabing-ilog at inabot kayo ng ganitong oras? Hindi ko akalain makakagawa ka ng ganitong kahihiyan!" "Papa, wala kaming ginagawang anumang kahihiyan." "Hindi kahihiyan ang ganyang pagniniig at pagyayakapan? Nakalimutan mo na ang tamang asal ng lalaki't babae?" may bahagyang galit sa tinig ni Papa. | Geschmuse |
Mangangatwiran pa sana si A Chuan nang pigilin ng ama. "Matagal nang usap-usapan sa buong bayan ang relasyon n'yo ni Fely! Noo'y inakala kong may sapat na pag-iisip ka at hindi gagawa ng anumang kahihiyan, kaya't hindi kita pinaalalahanan. Hindi ko akalaing tuluyan kang mahihibang sa kanya. Hay! Kung suwail ang anak, ama ang may sala. Ako ang dapat sisihin sa nangyaring ito!" | erinnern weitermachen außer sich sein ungehörig vorwerfen |
{22.23} | |
Muli'y pumatak ang luha ng matanda. Lumaki si A Chuan na may pagmamahal sa magulang, at sa nakitang kaanyuan ng ama'y nginatngat siya ng matinding pagsisisi. "Papa, kasalanan ko ang lahat!" "A Chuan, maaga kang nawalan ng ina, at maliit pa ang iyong kapatid. Inaasahan ko na ipagpapatuloy mo ang negosyo ng pamilya at magsisilbing mabuting halimbawa sa iyong kapatid. | nagen |
Gaano man tayo kahirap, kaya nating ihanap ka ng mabuting asawa sa Tengsua. Hindi ko akalaing magpapakababa ka nang ganyan at magkakagusto sa isang huanpo!" "Mabuting babae si Fely," pagtatanggol ni Ahia. "Mabuting babae?" galit na talaga si Papa. "May mabuting babae bang nakikipagtipan sa lalaki sa hatinggabi? Kung nagagawa ka niyang akitin, hindi ba niya magagawang umakit ng ibang laraki?" | Verteidigung |
Alam ni A Chuan na hindi patas para kay Fery ang mga sinabi ni Papa. Sa umpisa'y asiwa rin siya sa malayang pag-iibigan. Nagawa niya lamang itong tanggapin dahil sa pag-akay ni Fely. Ngunit puno ng mga piyudal na kaisipan ang utak ng ama, paano niya ito kukumbinsihin? Kaya't minabuti niyang magsawalang-kibo na lamang. | unentschieden peinlich Führung überzeugen zurückhalten |
{22.24} | |
"Mahigit beinte anyos ka na, sana'y matuto kang mahalin ang sarili! Kung sa puno'y mahalaga ang balat, sa tao'y mahalaga ang mukha. Gusto ko pang manatili't magnegosyo sa bayang ito. Mamili ka. Kung pipiliin mo ang iyong ama, kailangang putulin mo ang relasyon sa huanpo na iyan! Kung talagang gusto mo sa kanya, kailangang lumayas ka ..." | |
Pagkatapos ng sinabi'y tuluyan nang umagos ang luha ng matanda. "Papa ..." lumuhod si A Chuan sa harap ni Papa, umaagos din ang luha. Alinman sa dalawa'y hindi niya magagawa. Hindi niya maiiwan ang kaawa-awang ama, ngunit ayaw niya ring mawalay sa pinakamamahal na si Fely. | |
Kaya't wala siyang naisagot kundi luha, at ipaubaya na lamang ang lahat sa tadhana. Kung titingna'y mukhang estrikto si Papa. Ang totoo'y malambot ang kanyang kalooban. Nang makitang umaagos ang luha ng anak ay inakala niyang nagsisisi na ito. Nakadama siya ng awa at inalo ang anak. | Schicksal erwarten bereuen trösten |
{22.25} | |
"Tama na. Hindi naman santo ang tao, sino'ng hindi nagkakamali? 'Ika nga ng kasabihan: Mas mahalaga kaysa ginto ang pagbabalik-loob ng anak. Ang mahalaga'y alam mong nagkamali ka, at magagawa mong magbago. Huwag na huwag ka nang gagawa ng ganyang kalokohan. Hala, tumayo ka na. Matulog ka sandali't mag-uumaga na." | |
Nangyari ang lahat ng iyon kalahating taon bago ako dumating sa munting bayan. Sinikil ni A Chuan ang damdamin at hindi na muling nakipagtipan kay Fely. Sinikap niya rin itong iwasan. Ngunit hindi natiis ni Fely ang pag-iwas ni Ahia. Salawahan si A Chuan, aniya, at isang duwag. Labis-labis mang nasakta'y nagkunwa si A Chuan na balewala ang mga sinabi ng kasintahan. At sa nakita'y unti-unti namang napalagay ang loob ni Papa. Bago umalis papuntang Tengsua ay kinausap pa nang masinsinan si Ahia. | unterdrückt sich verabreden betreiben aushalten wankelmütig heuchelt still werden dicht gewebt |
{22.26} | |
"A Chuan, sa pag-alis ko'y bibigat ang iyong pasan. pagbutihin mo ang negosyo. Kuwentahin at ilistang mabuti ang mga benta at utang. Pinakamahalaga ang kredibilidad sa usapin ng pera. Matulog ka nang maaga at gumising nang maaga. Iingatan mo ang ilaw sa gabi. Pagdating ng sioti mo, kailangang turua't pangaralan mo siya, kaya't kailangang maging mahigpit ka rin sa iyong sarili. | Last Angelegenheit kleiner Bruder |
Huwag lalampas sa negosyo ang relasyon n'yo ni Fely. Huwag na huwag kang gagawa ng anumang taliwas sa kaugalia't kagandahang-asal." Panay ang tango ni A Chuan sa mga bilin at pangaral ni Papa. At nakahinga siya nang maluwag pag-alis ng matanda. | Auffforderung |
{22.27} | |
Nang gabing nangyari ang sunog, tumulong si Fely sa pagliligtas sa mga paninda. Ilang beses siyang naglabas-pasok sa nasusunog na tindahan kaya't bahagyang nasunog ang buhok niya at damit. Siyempre pa'y malaki ang pasasalamat ni Ahia kay Fely, lalo na't hinayaan akong pansamantalang tumigil sa kapihan. Sa kabila nito'y hindi pa niya magawang hayagang ipakita ang relasyon sa dalaga. | zeitweise |
Una'y kasusunog lang ng tindahan, at labis na ikasasama ng loob ni Papa kung malalamang nakikipagmabuti uli siya kay Fely. Ikalawa'y hindi pa nababayaran ang mga utang ng tindahan, kaya't ayaw niyang may masabi ang mga kapwa huaqiao at masira ang kanyang kredibilidad. Ikatlo'y malamig na malamig ang pakikitungo sa kanya ng ina ni Fely mula nang masunog ang Li Hua. Kaya naman hindi siya gaanong nagtatagal kung nagpupunta sa kapihan, at ito'y hindi ikinatuwa ni Fely. | ikasamạ wahrscheinlich |
Ang totoo'y gusto ko ang ugali ni Fely, at nakikisimpatiya ako sa kalagayan ni Ahia. Hinangad ko na magkatuluyan sila. Ngunit sa nakitang kasawiang-palad nina Tan Sua at Isha sa Napa, labis-labis akong nag-aalala para sa magiging kapalaran nina Ahia at Fely. Wala akong maitutulong na anuman. Ang tanging magagawa ko'y hangarin ang pinakamabuti para sa kanila. | beabsichtigen besorgt sein |
{22.28} | |
Ang liham na nagbabalita sa pagkasunog ng Li Hua ay halos kasabay ni Papa na dumating sa Tengsua. Sa isang iglap ay naging abo ang kabuhayang buong buhay na ipinundar ng matanda! Hindi nakayanan ang mariing dagok, iginupo siya ng malubhang karamdaman. Bago nagkasakit, sumulat pa siya at sinabing pagkaasikaso sa libing ni Ammah ay agad siyang babalik sa Nanyang. | Augenblick gründen ? Nackenschlag verfallen zu Ruine |
Sana'y magtulungan kaming magkapatid para magtagumpay sa negosyo, aniya pa. Ngunit ang isa pang liham na ipinadala niya pagkatapos magkasakit ay kababakasan ng lubusang pagkasira ng loob. Dalawang buwan na siyang may sakit, aniya, mahinang- mahina na siya at hindi makalakad nang walang tungkod, kaya't wala na siyang nalalabing lakas para bumalik sa Nanyang. Iniaasa niya na sa aming magkapatid ang pagbabangon sa negosyo ng pamilya. | zeichnen |
Kaya ako inabot nang tatlong buwan sa munting bayan ay dahil sa paghihintay kay Papa. Ngayong nalaman kong hindi na siya babalik ay wala nang kabuluhan pa ang pananatili ko sa munting bayan. Gusto ko nang lumisan, lalo't wala rin naman akong makitang mapapasukan. Ngunit hindi pa nababayaran ang mga pagkakautang ng Li Hua, at hindi ko maatim na iwanang mag-isa si Ahia. | zulassen |
Kalaunan, nag-usap-usap ang mga pinagkakautangan. Nagkaisa silang wala namang seguro ang Li Hua at totoong nadamay lamang ito sa sunog ng kapitbahay. Kaya't nagkasya na lamang sila sa pagkuha sa mga panindang naisalba at ang anumang kakulangan ay hindi na namin kailangang bayaran. | vereinigen Versicherung mitfühlen |
{22.29} | |
Nang maayos ang mga pagkakautang ng tindahan, nagpaalam na ako kina Ahia at Fely. Hindi sila pumayag na umalis ako at kinumbinseng manatili na lamang sa munting bayan. Puwede akong magtrabaho nang pirmihan sa kapihan, alok pa ni Fely. Ngunit hindi ko gustong nagsisilbi sa mga lasing, kaya't napakabait man sa akin ni Fely ay tinanggihan ko ang alok niya. | Angebot |
Inihatid ako nina Ahia at Fely sa estasyon nang araw na lisanin ko ang munting bayan. Kinamayan ko sila at nagpaalam na, at pagsakay sa bus ay nakadama ako ng labis na kalungkutan. Nang dumating ako sa munting bayang ito tatlong buwan ang nakaraan, dala-dala ko ang kagalakan ng pakikipagkita kina Papa at Ahia. Sa pag-alis ko pagkaraan ng tatlong buwan, ang dala-dala ko'y pagdadalamhati at panghihina ng loob. | |
Kay labo ng aking kinabukasan, at wala akong tiyak na patutunguhan. At naisip ko, kailan ko kaya muling makakasama sina Ahia at Fely? At sa naisip ay hindi ko napigil ang pagpatak ng luha. Umandar na ang bus. Kumaway sa akin sina Ahia at Fely. Isinigaw ko naman ang aking pamamaalam at pagbati, "Paalam na Ahia! Paalam na Fely! Sumainyo ang kaligayahan!" | |
Hindi nauwi sa bula ang aking pagbati. Makaraan ang isang taon, natanggap ko sa Siyudad M ang liham nina A Chuan at Fely. Nalaman kong nalampasan nila ang mabibigat na balakid at naisagawa ang kanilang pag-iisang-dibdib. At nakadama ako ng labis-labis na kagalakan! |
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/nanyang_2.html
Biglaang Pagbabago | {21.1} |
A Song (nach zwei Jahren als Lehrling) fährt zu seinem Vater und seinem älteren Bruder A Chuan (Ahia = älterer Bruder, Kuya). Auf der Fahrt erinnert er sich an seine verstorbene Mutter in China. Der Laden von Vater und Bruder ist abgebrannt, sein Vater nach China zum Begräbnis von A Songs Großmutter abgereist. A Song wird von seinem Bruder A Chuan aufgenommen. | |
Sa ikalawang taon ko sa Napa, sinamantala ko ang mga oras na wala akong ginagawa para magbasa ng mga libro. Madalas kong mabasa ang kasabihang "Laging nag-iisa kung dumating ang suwerte, laging may kakambal ang malas." Madalas din akong makabasa ng mga kakatwa at kataka-takang kuwentong inakala kong gawa-gawa lamang ng sumulat. Ngunit sa biyahe patungong timog, nakaranas ako ng mga kakatwa at kataka-takang pangyayaring gaya ng nabasa ko sa mga libro. | Vorteil ausnutzen (samantalahịn) |
Nang umagang dumaong sa bahaging hilagang Isla D ang gabara at nagpaalam kami ng matandang huaqiao na si Ban Sithong sa isa't isa' nakadama ako ng kung anong kawalan. Sa tatlong araw na magkasama kami'y marami akong narinig na mga kuwento mula sa kanya, mga kuwentong kinapulutan ko ng maraming bagong kaalaman. Kaya naman nang iabot niya sa akin ang kanang kamay at sabihing "Paalam na, Chiquito!" ay hindi na ako nainis, bagkus ay nanghinayang sa aming paghihiwalay. | anlegen Lastschiff Überseechinese mehr noch bedauern |
{21.2} | |
Ayon sa turo ni Ban Sithong, dala-dala ang maletang yantok na naglakad ako papuntang estasyon ng bus at bumili ng tiket. Umupo ako malapit sa bintana at hinayaang dalhin ako ng bus sa mga lugar na lubusang banyaga sa akin. | vollständig fremd |
Tumakbo ang bus sa haywey na kahilera ng baybayin. Pagkatapos ng patag na daan, nagsimulang umakyat ang bus sa paliko-likong daan sa bundok. Kay ganda ng mga tanawin sa labas ng bintana. Mga matarik na talampas. Mga taluktok na kakatwa ang mga hugis. Talon na kung titingna'y parang puting telang hinabi ang tubig na bumabagsak. | Küste eben (patag) Hochebene (Berg-) Spitze weben |
Tahimik at mahiwagang lambak. Nagtatayugang mga puno. Makukulay na ligaw na bulaklak. Mga unggoy na naglalambitin at nagtatalunan sa mga puno. Mga ibong naghuhunihan sa mga sanga. Ngunit wala sa loob ko ang paghanga sa magagandang tanawin. Sa halip, mga larawan nina Papa at Ahia ang lumilitaw sa aking isipan. | Tal hoch sein wild hängen an Füßen |
{21.3} | |
Maraming taong nagsikap sa Nanyang si Papa para sa ikabubuhay ng aming pamilya. Noong bata pa siya, naranasan niyang maging aprentis, trabahador, at empleyado sa tindahan. Mahigit treinta anyos na siya nang makipagsosyo sa iba at magbukas ng tatlong maliliit na tindahan. Bihira siyang umuwi sa Tengsua. Ang natatandaan ko'y dalawang beses lamang. Minsan noong ako'y anim na taong gulang. Natatandaan kong matangkad siya at may katabaan. | |
Malakas ang boses kung magsalita. Kung gabi'y madalas niya akong isama sa "bahay-tugtugan" para makinig sa tradisyonal na musika mula sa mga dinastiyang Song at Yuan. Pagtugtog ng plawta at gitarang Tsino sa malulungkot na tugtugin, medyo nakapikit pang sinasabayan ni Papa ang mga nota. | |
Ako nama'y madalas na nakakatulog, at kung nag-uwian nang lahat ang mga tao, saka pa lang ako kinakarga pauwi ni Papa. Ang ikalawang uwi niya'y dalawang taon pagkatapos ng una, nang mamatay si Mama. Umuwi siya para asikasuhin ang libing. Pagkuwa'y inayos pa niya ang alitan ng mga kamag-anak namin, kaya nanatili siya sa Tengsua nang mga kalahating taon. | Streit |
{21.4} | |
Ayon sa kaugalian sa bayan namin, tuwing sasapit ang ikapitong buwan sa kalendaryong lunar, nagsasagawa ng mga seremonya para sa kaluluwa ng mga yumao. Tinatawag itong Pista ng mga Kaluluwa. Mula sa petsa-uno hanggang sa a-beinte nuwebe, halinhinan ang mga bahay-bahay sa pagpapadasal para sa mga yumao. | |
Bawat pamilya'y nagsasabit ng maliliwanag na parol at nagsusunog ng insenso't papel na hugis-pera para ialay sa mga kaluluwa. Kadalasan, ang mga pamilya ng mayayamang huaqiao ay naghahanda ng bangkete at nagpapalabas ng operang Beijing, o kaya'y iba pang uri ng tradisyonal na dula o opera. Nagsasama-sama naman ang mga pamilya ng maliliit na mangangalakal sa pagpapalabas ng dula na tinatampukan ng mga papet na pinagagalaw ng pisi o kaya'y paper na isinusuot sa kamay. | hervorheben Puppe Faden |
Dati-rati'y hindi nagpapalabas ng dula ang aming pamilya, pero sandaang araw pagkatapos pumanaw ni Mama; gumastos si Papa para magpalabas ng dulang tinatampukan ng mga papet na isinusuot sa kamay. Iyon ang pinakamurang palabas. Sampung yuan lang ang bayad sa isang araw. |
{21.5} | |
Napakasaya nga sa panahon ng kapistahan. Ang mahigit sandaang pamilya sa aming bayan, abalang-abala sa pagpapakain sa mga bisita at pagpapalabas ng mga dula. Pagsapit ng gabi, nagliliwanag ang mga parol at magdamag na nakasindi ang mga ilaw na de-gaas, kaya naman halos kasinliwanag ng araw ang paligid. | |
Maririnig ang tugtog ng mga tambol at katulad na instrumento. Magdamagan din ang tugtog ng plawta at gitara. Sabay-sabay na itinatanghal sa iba't ibang lugar ang mahigit sampung dula. Ang mga bisita mula sa mga karatig nayon maging lalaki o babae, bata man o matanda, ay pawang nakabihis ng bagong kasuotan para sa kapistahan. Lalong makukulay ang anyo at gayak ng kababaihan. | ausstellen geschmückt Weiblichkeit |
Paroo't parito ang mga tao sa mga kalsada't eskinita, tumitigil lamang pag nakakita ng magandang panoorin. Ang nakakatawag-pansin sa pinakamaraming tao ay ang awitang sagutan sa mga entablado. Lalong bigay na bigay sa pagkanta ang mga nasa entablado, lalong tuwang-tuwa ang mga manonood. | |
Nanood ako ng dulang papet sa harap ng bahay kasama ang mga kapamilya, pero hindi pa nangangalahati'y nakatulog na ako. Kinarga ako at ipinasok sa silid. Nasa kasarapan ang tulog ko nang magising sa bugso-bugsong pagtangis. Idinilat ko ang aking mga mata at nakita ko si Papa sa tanglaw ng lamparang de-gaas, yumuyugyog ang magkabilang balikat sa pagtangis sa harap ng larawan ni Mama. Kagyat na nakadama ng dalamhati, bumangon ako at malakas na sumabay sa pagtangis ni Papa. | Menschenmenge heulen weit aufreißen Licht schütteln |
{21.6} | |
Tumigil sa pagtangis si Papa, lumapit sa higaan at pinunasan ng palad ang mga mata kong lumuluha. Pinipigil ang pagtangis na sinabi niya, "A Song, walong taong gulang ka pa lang, iniwan na tayo ng iyong mama. Mahirap ang mga araw na darating! Kailangan ko nang umalis. Maiiwan ka sa iyong ammah (lola)." | |
"Hindi na siya nakakakita kaya't mahihirapan siyang alagaan ka. Magpapakabait ka. Mamahalin mo ang iyong ammah at makikinig ka sa iyong achiak at achim (asawa ng achiak). Ipapasok kita sa eskuwelahang pribado pero kailangang magsikap ka at mag-aral na mabuti. Huwag kang puro laro ..." | |
Sa tuwing pinangungulilahan ko si Papa, gaya ng eksena sa pelikulang nagbabalik sa alaala ang napakalungkot na tagpong iyon. Malalim na naukit sa puso ko ang mabait at maamong mukha ni Papa at ang mga pangungusap niyang punong-puno ng pighati. | ??? Waise Gram |
{21.7} | |
A Chuan ang pangalan ng ahia (kuya) ko. Anim na taong gulang ako nang sumama siya kay Papa sa pangingibạng-bayan. Mula noo'y hindi na kami muling nagkita, kaya't malalabo na ang mga alaala ko sa kanya. Natatandaan ko lang na guwapo't malinis ang mukha niya. Matangkad ang pangangatawan at napakabait sa pakikitungo sa ibang tao, kaya naman madalas siyang purihin ng kababaihan sa amin. | |
Napakabuti niya sa akin. Kung may masasarap na pagkain, lagi niyang ipinauubaya sa akin. Kung inaapi ako ng mga bata sa kapitbahay, pinagsasabihan niya lamang ang mga ito, pagkuwa'y inilalayo ako. Hindi siya nakikipag-away. Dahil sa mga katangian niyang ito'y tuwang-tuwa sa kanya ang aming mga kababayan. Hindi natatagalan pag-alis ni A Chuan papuntang Nanyang, nagpadala siya ng larawan nila ni Papa. | verzichten unterdrücken |
Sa larawan, nakaupo si Papa sa silya. Si A Chuan ay nakatayo sa tabi niya. Ikinuwadro at isinabit namin sa bahay ang larawan. Dahil nakikita ko iyon araw-araw kahit paano'y natanim sa isipan ko ang kaanyuan ni Ahia. |
{21.8} | |
Nakababa na ng matarik na daan sa bundok ang bus at mabilis na bumabagtas sa tumaas-bumabang dalisdis nang bigla itong magpreno. Nagising ako sa pagkakaidlip at naumpog ang noo sa sandalan ng upuan sa harap. Nalaman ko na pagdating ng bus sa isang sangandaan, humahagibis na dumating ang isang trak at muntik nang makipagbanggaan sa bus. Tumigil ang bus sa isang nayon nang magtatanghaling-tapet.Iyon ang nayong sadya ko. | auf Pfad fahren Abhang Absicht |
Bumaba ako sa bus, bitbit ang yantok na maleta. Iisa lang ang kalsada sa nayon. Sampung minuto lang kung lalakarin mula puno hanggang dulo. Galak na galak akong humakbang, sabik na makita sina Papa at Ahia. Hinanap ko ang Li Hua Store, pero nagpabalik-balik na ako sa kalsada at nakita nang lahat ang mahigit sampung tindahan ng mga huaqiao ay hindi ko nakita ang karatula ng Li Hua. Tumigil ako sa harap ng isang tindahan at nagtanong sa lalaking nasa katanghaliang edad. | |
"Achiak, nasa'n po kaya ang Li Hua?" Hindi ako agad sinagot ng napagtanungan. Tinantiya niya ako saka nagtanong, "Bakit mo hinahanap ang Li Hua?" Sinabi kong ama ko ang may-ari sa Li Hua, at nagtatrabaho roon ang aking kuya. | abschätzen |
{21.9} | |
Gulat na tumingin sa akin ang kausap, saka mabait na nagtanong, "Galing ka sa Siyudad L?" Nang tumango ako'y itinanong naman niya' "Ikaw si A Song, hindi ba? Ilang araw ang nakaraan' sinabi nga ng papa mo na darating ka. Hay, wala sa tiyempo ang dating mo. Nasunog ang Li Hua no'ng isang gabi!" Itinuro niya ang mga tumpok ng uling at abo sa gawi roon, malapit sa kinatatayuan namin at saka nagpatuloy, "Nasunog ang tindahang katabi ng Li Hua no'ng isang gabi." | Haufen Richtung |
"Pag-aari ng isang huanna ang tindahang 'yon, nagbebenta ng mga gamit na gawa sa kawayan. Nadamay sa sunog ang katabing apat na tindahan. Wala kasing trak ng bumbero dito sa nayon. Mabuti na lang at nagtulong-tulong ang magkakanayon sa pagpatay sa sunog, kung hindi'y nadamay rin sana ang mga kalapit na bahay na gawa sa kahoy! Tingnan mo ang nangitim na pader na 'yon. Iyon ang natirang pader sa likuran ng Li Hua. | betroffen |
Daig pa ang tinamaan ng kidlat, napatingin ako sa itinuro ng kausap. Parang nadaganan ng bato ang puso ko habang nakatingin sa nangitim na pader. Naisip ko, sa isang iglap ay naging uling at abo ang tindahang buong buhay na pinaghirapan ni Papa, at kagyat na naging abo rin ang galak na dulot ng pananabik na makita sina Papa at Ahia. | geschlagen treffen beschweren Augenblick sofort Wunsch |
{21.10} | |
Nang makitang napatda ako sa pagtanaw sa mga uling at abo, nakikiramay na sinabi ng kausap ko, "Mabuting tao ang papa mo: Laging nasa lugar, at may isang salita. Kung ilampung taon siyang naghirap para maitayo ang tindahang 'yan. Lalong malaki ang hirap niya dahil masama ang negosyo sa nakalipas na ilang taon. Sino'ng mag-aakalang hindi nakakakilala ng mabuting tao ang langit. Naabo sa sunog ang halos buong-buhay niyang ipinundar!" | ? gründen |
Pinipigil ko man ang pighati ay hindi ko napigil ang pamumula ng mga mata. Muntik na akong mapaiyak. Tinanong ko ang kausap, "Si Papa at si Ahia, nasa'n na sila?" "Isang araw bago nagkasunog, sumakay ng barko papuntang Siyudad M ang papa mo para umuwi sa Tengsua. Nakatanggap kasi siya ng balita tungkol sa pagkamatay ng ammah mo. Pinauuwi siya para asikasuhin ang libing." | unterdrücken |
{21.11} | |
At isa na namang masamang balita ang dumagok sa akin! Kagyat na nagdilim ang langit at lupa. Parang hiniwa ang puso ko. Hindi ko na napigil ang pagluha. Sa nanlalabo kong paningin, tila nakita ko si Ammah, nakatungkod at mabuway na mabuway na lumalapit sa akin, isinasalaysay ang mapait niyang buhay. Pito ang naging anak niya. Namatay ang apat nang dahil sa kahirapan. | Genickschlag Krückstock |
Tatlong araw pagkapanganak, bumabangon na siya para magtrabaho. Dahil sa labis na pagod at matinding pagdadalamhati sa maagang pagkamatey ng mga anak, madalas na basa ng luha ang kanyang mga mata, kaya't mahigit limampung taong gulang pa lamang ay tuluyan nang nabulag. Hindi umubra ang mga gamot na bigay ng doktor. Hindi rin nagkabisa ang pagdarasal at pagsisindi ng insenso sa mga templo tuwing una at ikalabinlimang araw ng bawat buwan para maibalik ang nawalang paningin. | Sorgen, Gram möglich sein |
Nang mamatay si Mama ay si Ammah na ang nakasama ko sa araw-araw. Sa araw ay nagsalo kami sa lugaw na may kamote, at sa gabi'y magkatabi kami sa tablang higaan. Ako ang nagsilbing tungkod ni Ammah. Siya naman ang bundok na aking sinandalan. Mahal na mahal ako ni Ammah. | anlehnen |
{21.12} | |
Hinangad niya ang tagumpay ko balang-araw. Araw-araw niya akong pinangaralan. Kinuwentuhan ng mga lumang küwento. Nang naghahanda akong lumisan patungong Nanyang, panay-panay ang bilin niyang magpapakabuti ako, magsikap matuto at tulungan si Papa sa pagpapalago sa negosyo ng pamilya, upang ako'y maging isang matagumpay na huankhe, upang pag-uwi ko sa Tengsua ay ikarangal ako ng mga kaanak at ninuno. | beabsichtigen Aufforderung |
At nang magkaroon ng katuparan ang mga mithiin niya para sa akin. Ngunit gaya ng isang masamang panaginip ang mga naganap na biglaang pagbabago. Sa isang kisapmata'y naging abo ang mga pangarap ni Ammah, ar ang kinabukasan ko'y biglang naging sakdal dilim! Paano ko makakayanan ang mag-asawang dagok, ako na mura at mahina ang isip at dibdib? Tuluyan na akong napakagulgol. | Erfüllung Ziel Augenblick sehr Genickschlag bleiben Abfall |
{21.13} | |
"Hayaan mo na, A Song," pang-aalo ng aking kausap. "Halika, sasamahan kita sa ahia mo, nand'yan lang siya sa isang kababayan n'yo. Halika, puntahan natin siya." Sumunod ako sa kanya. Mula sa pangunahing kalsada, pumasok kami sa pasikot-sikot na daan. Hinanap namin ang isang tindahang nakaipit sa mga bahay ng katutubo. | Trost umwegig |
Masikip ang tindahan. Ilang tao lang ay hindi na makagalaw sa loob. Kinausap sandali ng kasama ko ang may-ari. Pumasok ito sa likuran, at ilang sandali lang ay lumabas kasama si A Chuan. "Sige, mag-usap kayong dalawa," sabi ng nagdala sa akin, at umalis na. Agad nangilid ang luha ni Ahia nang makita ako. "A Song, dumating ka na pala ..." at hindi niya na maituloy ang sasabihin. | |
Malaki ang itinangkad ni Ahia kumpara sa nasa larawan. Naninilaw ang suot niyang puting sando, na tinernuhan ng asul na kortong may mga tagpi. Nakalitaw ang mga bisig at binting siksik at nangitim sa araw. Mula sa mukhang maamo hanggang sa mga talampakan, makikita ang butil-butil na pawis, halatang kagagaling sa mabigat na gawain. | kurze Hose fest, eingepresst |
{21.14} | |
"A Song, hindi ka pa siguro nanananghalian, ano?" naaalangang tanong ni A Chuan, tila nag-aapuhap ng mapag-uusapan. Ang totoo, nabusog na sa pighati ang aking sikmura, paano pa ako magkakaroon ng ganang kumain? | zögern tasten |
Gusto ko lang maghanap ng mauupuan para mapag-usapan ang mga bagay-bagay tungkol sa aming pamilya at ang dumating sa aming patong-patong na kamalasan. Parang naarok ni Ahia ang aking saloobin. Nilingon niya ang masikip na tindahan, saka lumapit sa amo para magpaalam. Siya ang nagdala sa maletang yantok, at magkaagapay kaming naglakad papunra sa isang maliit na kapihan. | ausloten nebeneinander |
May apat na mesa sa kapihan. Nakalagay sa estante ang ilang bote ng mumurahing whisky, serbesa, at iba pang lokal na alak. Sa ibabaw, nakapatong ang isang balde ng sariwang tuba at isang kaldero ng kapeng lumamig na. Sa loob pa rin ng estante, may puting tinapay at itim na coco jam, papaya, saging, at iba pang prutas na tropikal. | Regal |
Nakatao sa estante ang isang magandang dalagang huanpo. Mukhang wala pang beinre anyos. Nakatakip sa balikat ang maitim at nangingintab na mahabang buhok. Nakapasok sa kulay berdeng saya ang kulay rosas na barong bulaklakin. Ang suot sa paa'y bakyang mataas ang takong. | ? |
{21.15} | |
Lumapit sa amin ang dalaga, matamis ang ngiti. Nag-usap sila ni Ahia sa wika ng Isla D. Ilang kataga lang ang naintindihan ko, pero mula sa mga mata ng dalaga at sa himig ng kanyang pananalita ay nakita kong malapit na malapit siya kay Ahia. | |
Nagkunwang parang walang anuman si Ahia, pero hindi maikubli ang sigla sa kalooban. Dinalhan kami ng dalaga ng dalawang basong malamig na kape, isang mahabang tinapay at isang platitong coco jam. Dinalhan niya rin kami ng isang buong papaya, at hinati iyon sa mismong harapan namin. | heucheln |
Palibhasa'y nanunuyo na ang lalamunan, inuna ko ang baso ng malamig na kape, saka ako kumuha ng isang hiwa ng papaya. Pinagmasdan ako ni Ahia, at nagsimula siyang magkuwento tungkol sa sunod-sunod na trahedyang sinapit ng aming pamilya. | weil trocken sein |
{21.16} | |
"Nakatanggap kami ng sulat galing kay Dichiak (ikalawang nakababatang kapatid na lalaki ng ama) noong isang linggo. Nalaman naming darating ka. Tuwang-tuwa kami ni Papa, dahil maraming taon na tayong hindi nagkikita. Madalas kang maalala ni Papa. Kawawa ka raw. Kay liit mo pa nang mawala si Mama. | |
Si Ammah nama'y hindi nakakakita. Wala raw nag-aalaga sa 'yo. Sinabi ni Dichiak sa sulat na dalawang taon kang nag-aprentis, at marami kang natutuhan. Tuwang-tuwa si Papa. Ihahanap ka raw ng trabaho rito. Tuwang-tuwa rin ako. Ibinili kita ng isang puting kamisadentro. Nilaparan ko pa ang higaan ko para sa pagdating mo. Magluluto rin sana si Papa ng masasarap na pagkain ..." Tumigil si A Chuan at humigop ng kape, pagkuwa'y bumuntong-hininga, saka itinuloy ang sinasabi. | verbreitern seufzen |
{21.17} | |
"Laking gulat namin nang matanggap ang sulat ni Achiak mula sa Tengsua. Namatay raw si Ammah. Pinauuwi agad si Papa para ayusin ang libing. Matagal-tagal umiyak si Papa. | |
Kung puwede lang siyang magkapakpak at lumipad pauwi. Hinimok ko siyang hintayin ka muna bago umalis. Pumayag naman siya, pero paggising kinaumagahan at nalamang may barkong papunrang Siyudad M, nagbago ang isip niya sa pangambang hindi niya mahabol ang barko papuntang Tengsua ..." | |
"Pa'no namatay si Ammah?" pinutol ko ang sasabihin pa ni A Chuan nang maalala ko ang kawawa kong lola. "Hindi ga'nong nilinaw sa sulat. Sinabi lang na nadapa siya isang umaga. Nang dalhan siya ni Dichim (asawa ng dichiak) ng almusal sa kuwarto, nakitang nakadapa siya sa sahig. Kinarga siya at inihiga sa katre saka tumawag ng doktor. | |
Pero hindi umubra ang mga gamot na ipinainom kay Ammah. Pagkaraan ng dalawang araw nalagutan na siya ng hininga ..." Nang mapag-usapan ang pagkamatay ng lola, magkaharap kaming umiyak ni Ahia. Inubos niya ang kanyang kape, at ikinuwento naman ang nangyaring sunog. | reißen Atem (= sterben) |
{21.18} | |
"No'ng isang umaga, sinamahan ko si Papa papuntang pier. Gabi na nang makabalik ako. Magulong-magulo ang isip ko. Pagkakain nang kaunti, nahiga na ako para matulog. Pero pabiling-biling lang ako sa higaan. Hindi ako makatulog. | hin und her drehen |
Naiisip kong darating ka na, tapos biglang namatay si Ammah, tapos umalis si Papa. Ang dapat sanang masayang pagsasama-sama natin, naging malungkot na paghihiwalay. Kaya masamang-masama ang loob ko. Pagtugtog ng relo sa hatinggabi, saka lang ako nakatulog. Pero nagising ako sa mga sigawan, at nakita ko ang liwanag ng apoy sa labas ng bintana. Dali-dali akong bumangon at nagbihis, pero umabot na ang apoy sa likuran natin. | |
Magkadikit kasi ang tindahan natin at ang sa kapitbahay. Pareho pang gawa sa kahoy at pawid. Alam kong masama na ang sitwasyon. Inilagay ko sa maliit na maleta ang mga libro ng tindahan, 'yong sa Ingles at 'yong sa Tsino, pati ang mga resibo at kaunting pera. Kumalat na noon ang apoy sa bubong at sahig natin. Punong-puno ng usok ang kuwarto. | |
Tumakbo ako palabas at ipinatago ang maleta sa tapat, saka ako bumalik para iligtas ang mga paninda. Walang bumbero dito sa nayon. Nagtulong-tulong ang mga huaqiao at mga tagarito para patayin ang sunog. Pero walang nagawa ang mga balde at palanggana nila. Mabuti na lang at may mabubuti ang kalooban na tumulong para mailigtas ang mga paninda natin, pero nasunog lahat ang iba pa nating mga gamit at ari-arian ..." |
{21.19} | |
Nagpawala uli ng isang mahabang buntong-hininga si A Chuan. Humiwa siya ng dalawang pirasong tinapay, pinalamanan ng maraming coco jam, saka iniabot sa akin. "Kain pa! Talagang pag inabot ng malas, wala kang magagawa. Magkabutas-butas man ang bituka sa sama ng loob, matuyuan ka man ng luha, wala ring mangyayari! Kumain kung dapat kumain, uminom kung dapat uminom. Hangga't nananatiling malusog, hangga't nariyan ang bundok, hindi mawawalan ng panggatong!" | |
May katwiran ang mga sinabi ni Ahia. Kinain ko ang iniabot niyang tinapay. Talagang gutom na gutom ako. Pagkaubos sa dalawang pirasong tinapay, tuluyan na akong ginanahan. Sandali lang ay naubos naming magkapatid ang tinapay at papaya sa mesa. Lumapit ang magandang dalagang huanpo para linisin ang mesa. | |
Ipinakilala ako ni A Chuan sa kanya. Matapos niya akong kamayan, matagal-tagal silang nag-usap ni Ahia, at maya't maya'y ngumingiti siya sa akin. Napaghulo kong ako ang pinag-uusapan nila. Hindi ako nagkamali. Pagkabayad ni A Chuan, sinabi niya sa akin, "A Song, masyadong masikip sa pinakikitulugan kong tindahan. Wala namang hotel dito. Dito ka na matulog mamayang gabi." | folgern |
{21.20} | |
"Dito sa kapihan?" nagtatakang tanong ko, saka minasdan ang paligid. Iyo'y ginawan ng partisyon mula sa ibaba ng isang dalawang palapag na bahay. May hagdan papunta sa itaas. Tumango-tango si A Chuan. Tumingin siya sa dalaga at sinabi, "Nag-usap na kami ni Fely." Nakangiting tumango-tango si Fely, wari'y naintindihan ang sinabi ni A Chuan sa wikang Hokkien, | |
Sinabi ni Ahia na may dugong Tsino si Fely, kaya't mabait siya sa mga huaqiao. Sa itaas siya nakatira, kasama ang ina at sioti (nakababatang kapatid na lalaki). Kaya puwede akong matulog sa ibaba. Pero walang katre sa kapihan, paano ako matutulog? Parang nahulaan ni A Chuan ang nasa isip ko. | |
"Pagkasara sa kapihan, pagdikitin mo ang dalawang mesa saka mo latagan ng banig. Hindi ba't kay inam na tulugan?" sabi niya. Wala naman akong mapagpipilian. Pumayag akong pansamantalang makitira sa kapihan. Nagkusa akong tumulong kay Fely sa pagtitinda. Ako ang naging weyter. Bilang ganti, isinabay ako ni Fely sa pagkain niya. Kahit paano'y wala na akong gastos sa pagkain at tirahan. Inabot din nang tatlong buwan ang pagiging weyter ko sa kapihan. | ?? |
Ang Pag-Ibig ng Dalagang Huanpo | {22.1} |
Mit zehn Jahren wird Feli von A Chuan vor einer Affenherde gerettet, daraus wird ihreLiebe zu ihm. | |
Hindi gaanong marami ang gawain sa kapihan sa umaga't hapon. Mangilan-ngilan lang ang kostumer. Pero maraming tao sa gabi. Pag-alis ng isang grupo, dumarating ang isa pang grupo. Laging okupado ang apat na mesa. Ang mga walang maupuan ay tumatayo na lamang sa harap ng estante para uminom ng kape at tuba. Inaabot hanggang hatinggabi ang mga kostumer. | |
Sa araw, lumalabas si Fely para mamili ng mga paninda. Ako nama'y nagbabasa habang nakatao sa kapihan. Nabasa ko nang lahat ang mga librong dala ko mula sa Napa. Dahil walang bagong libro, muli kong binasa ang The Aduentures of Robinson Crusoe. Talageng gustong-gusto ko ang librong iyon. | ?? |
Nang makita ni Fely na mahilig akong magbasa, inilabas niya ang mga librong Ingles noong elementarya, at tinuruan ako ng Ingles mula ABC. Binigyan pa niya ako ng bagong pangalan. Felipe. Pepe ang palayaw. Iyon ang itinawag niya sa akin. Maganda ang pangalang iyon, aniya, pero naiilang ako. Umiibig si Fely sa kuya kong si A Chuan, kaya naman napakabuti niya sa akin. Itinuring niya akong parang sariling kapatid. Kung minsa'y naiisip ko: "Hindi masamang magkaroon ng ganitong hipag!" | ?? |
{22.2} | |
Pero iba ang ina ni Fely. Sa umpisa pa lang ay hindi na niya ikinatuwa ang pamamalagi ko sa kapihan. Naiilang rin naman ako sa kanya. Gayong mahigit kuwarenta anyos na at gabariles ang baywang ay daig pa ang anak na dalaga sa pagpostura. Makapal ang pulbos sa mukha. Lalong makapal ang pahid tg lipstick. Laging nakasuot ng makulay at bulaklakin. | |
Pero anuman ang kanyang gawin, sa edad niya'y sadyang nawala na ang mayuyuming imbay. Mahigit dalawampung taong siya ang namahala sa tindahan, pero noong isang taon ay nagkaroon ng malubhang karamdaman. Sa gayo'y ipinaubaya kay Fely ang pamamahala sa tindahan, pero siya pa rin ang humawak sa pera. Bihira siyang bumaba sa araw. Sa gabi, nauupo siya sa tabi ng kaha. | feinfühlig Bewegung verzichten |
Sa kanya dumaraan ang labas-pasok ng pera. Alanganing mainit at alanganing malamig ang pakikitungo niya sa akin. Ako ma'y hindi naging malapit sa kanya, bagama't ibinigay ko sa kanya ang karampatang paggalang. Inisip ko na lang na hindi naman ako mamamalagi sa kapihan nang pangmatagalan. | angemessen |
{22.3} | |
Mabait din sa akin ang siyam na taong gulang na sioti ni Fely. Araw- araw pag-uwi mula sa eskuwela, niyayaya niya akong maglaro ng baraha o mga laro sa daliri. Nagpaturo pa sa akin ng wikang Tsino. Kung minsa'y niyayaya akong umakyat sa bundok at manghuli ng mga paruparo. Sa bundok, namumukadkad ang iba't ibang bulaklak, at tila nagsasayawan ang malalaki't magagandang paruparo. | jüngerer Bruder Täter! |
Kung minsa'y hinihila niya ako papunta sa ilog para humuli ng isda at hipon. Hindi kalaliman ang ilog, pero maraming buwaya. Minsan, tuwang-tuwa kami nang makadakma ng isda sa mga siwang ng bato sa ilog nang makita kong lumalapit ang isang buwaya. Sa labis na takot, itinapon ko ang isda at hinila sa pampang ang kapatid ni Fely. Mula noo'y hindi na kami nagpunta sa ilog para humuli ng isda. | fangen Schlitz |
Pagsapit ng dapithapon, sinisindihan ang mga ilaw na de-gaas sa loob ng kapihan at pinatutugtog sa ponograpo ang mga usong awitin, at nagdaratingan na ang mga kostumer. Karamihan sa kanila'y mga binatang manggagawa sa kalapit na plantasyon. May ilang nagtatrabaho sa mga ginagawang kalsada. Pulutan nila ang longganisa o isdang tinapa, habang umiinom ng mumurahing whisky, serbesa o tuba. Nakikipagbiruan sila kay Fely. Nakikipagharutan. Marami sa kanila'y tila si Fely ang talagang sadya sa kapihan. | ungestüm |
{22.4} | |
Abalang-abala ako sa pagsisilbi gabi-gabi, pero hindi ako gusto ng mga kostumer. Si Fely ang gusto nilang magsilbi sa kanila, ang mag-abot ng alak o kape, para magkaroon sila ng pagkakataong mapalapit sa kanya. Si Fely nama'y sanay na sanay makiharap sa iba't ibang klase ng kostumer. Matatamis at kabigha-bighani ang mga ngiti niya para sa karamihan ng kostumer. Pero ang mga lasing na nagiging bastos, agad niyang pinandidilatan hanggang lubayan siya. | gewandt verlockend mit großen Augen locker lassen |
At mabilis niyang hinahampas ang mga kamay na nagtatangkang dumakma sa dibdib niya. Kung minsa'y sinasaktan niya ng mahahayap na salita ang mga nambabastos sa kanya. At kung may mga lasing na talagang ayaw lubayan si Fely, agad tumatayo ang inang nakaupo sa tabi ng kaha para ipagtanggol ang anak na dalaga. Itinataboy palabas ang mga lasing kasabay ng magkahalong bulyaw at tungayaw. | vorhaben vorschnellen scharf schützen wegjagen Zurechtweisung Schimpfwort |
{22.5} | |
Sa pagdalaw sa akin ni A Chuan araw-araw kasabay na ang dalaw niya kay Fely. Mula sa kanilang mga mata'y nakikita ko ang pag-iibigan ng isang dalaga at isang binata. Mahiyain si A Chuan, gaya ng isang binibini, samantalang si Fely, mas prangka at mas malakas ang loob. | |
Sa mismong harapan ko, inaayos niya ang kuwelyo ni A Chuan, o kaya'y sinusuklay ang magulong buhok. Minsan, hindi sinasadyang nakita kong yakap-yakap ni Fely si A Chuan sa likod ng hagdan. Magkadikit ang kanilang mga labi. Mapulang-mapula ang mukha ni A Chuan paglabas mula sa likod ng hagdan. | Kragen |
Halos mahibang si Fely sa pag-ibig kay A Chuan. Madalas niya akong kuwentuhan ng tungkol sa relasyon nila ni Ahia. Wala siyang ipinaglihim sa akin. Isang pambihirang lalaki ang ahia ko, aniya, matapang na'y maginoo pa. Guwapo rin ako, aniya, kamukha ni Ahia. Alam kong sa pagpuri niya sa aki'y pinupuri rin niya ang lalaking iniibig. | verrückt |
Arg totoo, sa litratong ipinadala ni Ahia sa Tengsua, kamukha ko nga siya talaga. Katawang payat at matangkad. Mukhang maamo. Ganap na kaanyuan ng mga batang tila tatanga-tanga. Pero ang ahia ko ngayo'y matipuno ang pangangarawan, siksik ang mga bisig ar malalapad ang balikat. | |
Idagdag pa rito ang buhok na maitim at makapal, mga matang kumikislap, ilong na tuwid na tuwid, mga labing mapula at mga pisnging malinis at maputi, at hindi man ayusan ay makikita ang likas na anyo ng isang lalaking kagigiliwan ng kababaihan. Isang tunay na magandang lalaki! Kaya naman hindi kataka-takang sinasabi ng mga dalaga sa bayan na masuwerte si Fely sa pagkakaroon ng isang kasintahang gaya ni Ahia. |
{22.6} | |
Ano't gayon na lamang ang pagkahumaling ng isang napakagandang dalagang huanpo sa isang pobreng kabataang huaqiao? Ilang beses kong tinanong si A Chuan tungkol dito. Sa umpisa'y ayaw niyang sabihin, pero nagsalita rin siya matapos kong kulitin. | Vernarrtheit |
At nalaman kong maagang naipunla ang binhi ng pag-ibig, at sa paglipas ng mga araw at buwan, sa pagtaas at pagbaba ng tubig sa dagat, ang binhi'y unti-unting nagkaugat, hanggang umusbong at mamulaklak. Dumating sa munting bayang ito si Ahia mula sa Tengsua kasama ni Papa noong labing-anim na taong gulang siya, walong taon na ang nakaraan. Kasosyo noon ni Papa sa Li Hua ang isang kaapelyido namin. | säen (punlạ) keimen |
Tumutulong sa tindahan ang kasosyo ni Papa, pati isang pamangkin nito. Dahil maliit lang ang tindahan at masyadong lalaki ang gastos kung magdaragdag pa ng tao, ipinasok ni Papa si A Chuan bilang aprentis sa tindahang katapat ng Li Hua. Ang may-ari ng tindaha'y dili-iba't yaong nagdala sa akin kay Ahia. Kailangang gawin ng aprentis ang lahat ng klase ng trabaho, kasama na ang pag-igib ng tubig at pangunguha ng panggatong sa bundok. | eben dieser ?? Wasser holen |
{22.7} | |
Isang araw humandang umakyat si Ahia sa bundok sa gawing timog ng bayan, hawak sa kamay ang pingga at lubid, at may nakasuksok na itak sa baywang. Nang maparaan sa gubat, nakarinig siya ng sigaw at iyak ng batang babae, waring takot na takot. | Gepäckstock an einem Haken |
Agad tinunton ni Ahia ang pinagmulan ng tinig, hanggang makarating siya sa loob ng gubat, at nakita niya ang isang batang babaeng napapaligiran ng mahigit sampung unggoy. May mga unggoy na nagtatangkang sunggaban ang mukha ng bata, may mga gustong humila sa palda nitong bulaklakin, at may mga nagtatatalon at nagsisisigaw. Takot na takot na umiiwas ang batang babae; sumisigaw at umiiyak nang malakas. | greifen |
Hindi pa natatagalan pagdating sa munting bayan, narinig na ni Ahia ang mga kuwento tungkol sa mga unggoy sa bundok. Sa gabi umano'y bumababa ang mga ito mula sa bundok at nagnanakaw ng mga prutas sa bayan, naninira ng mga tanim na gulay. At kapag nakakita ng babaeng nag-iisa sa bundok, bumababa mula sa puno ang mga lalaking unggoy para mangmolestiya. | sagt man |
Noo'y hindi gaanong naniwala si A Chuan sa mga kuwento, hanggang makita niya mismo ang ginagawa ng mga unggoy sa batang babae, at agad siyang nakadama ng pagkasuklam sa mga ito. Galit na galit niyang itinaas ang pingga at sumigaw nang malakas, pagkuwa'y sumugod sa mga unggoy na nakapalibot sa batang babae. | Abscheu angreifen |
{22.8} | |
Nagulat at nagsilingon ang mga unggoy nang marinig ang sigaw Nagsitakbo paatras. Pero nang makita ng rnalalaking unggoy na nag-iisa ang dumating, nakalabas ang mga ngipin at nakaamba ang mga kamay na sumalubong ang mga ito, umaangil at umastang lalaban. Ilang unggoy ang pumulot ng mga bato at ipinukol kay A Chuan. | drohend ?? fletschen Haltung einnehmen |
Gusto lang namang takutin ni Ahia ang mga unggoy at iligtas ang batang babae. Hindi niya akalaing sa dami ng mga unggoy ay hindi natakot ang mga ito, at umasta pang lalaban. Nang makalapit ang mga unggoy, sinugod niya ang nauunang pinakamalaki at ubos-lakas na hinampas ng pingga sa ulo. | |
Napaigik at natumba ang malaking unggoy. Isinunod ni A Chuan ang dalawa pa. Natumba ang isa, ang isa'y nasugatan. Sumisigaw sa sakit na kumaripas ng takbo ang unggoy na nasugatan. Ang ibang mga unggoy nama'y nagpulasan at nagsiakyat sa puno. | grunzen, ächzen weglaufen |
{22.9} | |
Pagkatapos gapiin ang mga unggoy, nilapitan ni A Chuan ang batang babae, na noo'y nakasandal sa isang puno, nanginginig sa takot ang buong katawan. Hinawakan ni A Chuan sa kamay ang batang babae at patakbong hinila palabas ng gubat. | überwältigen lehnen |
Ngunit nanlalambot ang mga tuhod ng batang babae sa labis na takot. Hindi pa nakakalayo'y nadapa na ito. Sa pangambang humabol at gumanti ang mga unggoy, lumuhod si Ahia at pinakapit ang batang babae sa kanyang mga balikat, at kinarga ito palabas ng gubat hanggang makababa sila ng bundok. | Misstrauen "nehmen" |
Tinanong ni A Chuan ang batang babae kung bakit mag-isang nagpunta sa gubat. Sinabi ng batang babae na dumalaw siya sa tiyahing nakatira sa gilid ng bundok. Habang naglalakad pauwi nang umagang iyon, nakakita siya ng dalawang magagandang paruparo. Hinabol niya ang mga paruparo hanggang naligaw siya at napasok sa gubat. |
{22.10} | |
Ang batang babaeng iniligtas ni Ahia ay dili-iba't si Fely, na noo'y hustong sampung taong gulang pa lamang. Bilang pasasalamat kay Ahia, nagpupunta si Fely sa pinapasukan niyang tindahan tuwing may kailangan itong bilhin. Pagkagaling sa eskuwela, sinasadya pa nitong umikot ng daan para lang makita siya. | |
Kasabay ng paglipas ng mga araw ang dating batang babae ay unti-unting naging isang magandang dalaga, at ang nadaramang pasasalamat ay unti-unting nauwi sa pag-ibig. Si Ahia man ay naging isang magandang lalaki, at bagama't gusto niya rin si Fely, pinipigil siya ng mga piyudal at makalumang kaisipan, idagdag pa ang pinangangambahang sabi-sabi ng mga kapwa huaqiao, kung kaya't sinikil niya ang damdamin para sa dalaga. | obwohl feudal zu befürchtend unterdrücken |
Para sa komunidad na huaqiao, hindi magandang tingnan para sa isang lalaki ang mag-asawa ng huanpo. Tanging yaong mga dahil sa labis na karalitaa'y walang kakayahang umuwi sa Tengsua para mag-asawa ng isang kalahi ang napipilitang mag-asawa ng huanpo. | Armut |
{22.11} | |
Nang makatapos ng hay-iskul, tumulong na si Fely sa ina sa pag- asikaso sa kapihan. Maraming kabataang lalaki sa bayan ang umaali-aligid sa kanya. Gabi-gabi, may mga humaharana sa kanya sa harap ng kapihan, tumutugtog ng gitara at kumakanta ng mga awit ng pag-ibig. | |
Ngunit tinanggihan niya ang lahat ng manliligaw. Paano'y matagal niya nang iniukol ang puso kay A Chuan, at araw-araw ay ginagawa niyang dahilan ang pagbili sa tindahan para lang makita si Ahia. Noo'y humiwalay na ang dating kasosyo ni Papa sa tindahan, kaya't lumipat na rin si Ahia sa Li Hua. | |
Alam ni Fely na natutulog si Papa tuwing tanghali, at sinasamantala niya iyon para magpunta sa tindahan at makipagkita kay A Chuan. Ilang beses niyang niyaya si Ahia na makipagtagpo sa kanya sa tabing-ilog, ngunit nag-aalala si Ahia na malaman ni Papa kung kaya't lagi siyang tumatanggi. Si Fely nama'y gaya ng sundalong hindi nasiraan ng loob. Lalong nagsumigasig sa paglusob. | ausdauern angreifen |
Hindi siya tumigil hangga't hindi pumapayag ang iniirog. Hanggang isang gabing nagpunta sa daungan si Papa para mamili ng mga paninda at hindi umuwi para matulog, magkahawak-kamay na namasyal sa tabing-ilog sina A Chuan ar Fely. Sa tanglaw ng buwan, naghanap sila ng isang tahimik na lugar, at sa lugar na iyon na nakatago sa malalaking puno, magkadikit ang mga balikat nilang umupo sa batuhan, hanggang lumalim ang gabi. Ang karanasang iyo'y nag-iwan kay Ahia ng matatamis na alaala. | zustimmen Liebster |
{22.12} | |
At gaya ng batang nakatikim ng tamis ng nakaw na kendi, lumakas ang loob ni Ahia. Inasam-asam niyang masundan ang tipanan nila ni Fely. Walang koryente sa munting bayan. Ang mga tindaha'y nagbubukas pagsikat ng araw at nagsasara pagsapit ng gabi. | sich sehnen Verlobung |
Kadalasan, pagkatapos kuwentahin ni Papa ang pinagbentahan, mga alas-nuwebe lang ay nahihiga na siya, at madali siyang nakakatulog dahil sa labis na pagod. Sinasamantala ni Ahia ang gayong pagkakataon. Binubuksan niya ang maliit na pinto sa likuran ng tindahan at nagpupunta sa tabing-ilog para makipagtipan kay Fely. | |
Ngunit walang lihim na hindi nabubunyag. Nagsimulang kumalat ang mga sabi-sabi sa bayan tungkol sa umano'y kung ano-anong ginagawa nina A chuan ar Fely sa tabing-ilog. Nakarating ang mga sabi-sabi kay Papa, na dahil sa impluwensiya ng mga lumang kaisipan ay sabihin pang ayaw makitang nakikipagmabuti ang anak sa isang huanpo. | herauskommen |
Ngunit hindi siya naniniwalang ang anak, na laging mabait at masunurin, ay makagagawa ng anumang taliwas sa kagustuhan ng magulang. Kaya't hindi niya agad kinausap si Ahia. Gayunma'y lihim siyang nagmatyag. Isa pa, si Fely ay matagal nang suki sa tindahan. At sa panahong mahina ang negosyo, sino ang may gustong mawalan ng isang suki? | jem. beobachten |
{22.13} | |
Labis na ikinagalit ni Fely ang mga sabi-sabi. Niyaya niya si A Chuan na magpakasal na, o kaya'y magtanan. Ngunit walang ganoong lakas ng loob si Ahia. Ayaw niyang saktan ang damdamin ng ama. Ayaw niya ring mapulaan ng mga kapwa huaqiao. Isa pa'y napansin niyang minamatyagan siya ni Papa, kaya't ilang buwan siyang hindi nangahas makipagtipan kay Fely. At nang wala namang matuklasan si Papa na anumang ikinikilos ni Ahia na lihis sa kagandahang-asal, unti-unti na ring lumuwag ang dating pagmamatyag. | fliehen viel Mut haben |
Tahimik na tiniis ni Ahia ang sakit na dulot ng sinikil na damdamin, ngunit hindi iyon kayang gawin ni Fely. Sa mga tanghaling natutulog si Papa at kakaunti ang namimili sa tindahan, dumarating si Fely, na ang layuni'y makasama at makausap si Ahia. | unterdrücken |
{22.14} | |
Isang tanghali, dumating si Fely habang naiidlip si A Chuan sa pagtao sa tindahan. Tahimik siyang pumasok at sumilip sa pintong naghihiwalay sa labas at loob ng tindahan, at nang makitang naghihilik si Papa sa tumba-tumbang yantok, bumalik siya at marahang niyugyog si A Chuan. Bumili siya ng dalawang kahang posporo, at nang magbayad ay mariing pinisil ang kamay ni Ahia, nagsusumamo ang magagandang mata. | schnarchen schütteln Druck mit Hand drücken überreden |
"A Chuan, mahal ko, huwag mo na akong pahirapan pa!" paanas na sabi ni Fely. "Magkita tayo ngayong gabi. Hihintayin kita sa dating lugar. May mahalaga akong sasabihin." "Kung may sasabihin ka'y ngayon na," parang ugong ng lamok ang boses ni A Chuan. Tumingin siya sa loob ng tindahan para ipahiwatig na nagmamatyag si Papa. "Hindi!" medyo galit na sinabi ni Fely. "Marami akong gustong sabihin sa 'yo." | flüsternd summen beobachten |
{22.15} | |
"Hindi puwede, hindi puwede!" sabi ni A Chuan, hirap na hirap ang kalooban. "Bakit hindi puwede?" tumaas ang boses ni Fely. "Mahigit beinte anyos ka na. May kalayaan ka sa ilalim ng batas. Ano'ng ikinatatakot mo? Mahal mo ba ako o hindi?" "Shhhh ..." tinangkang pigilin ni A Chuan si Fely. Inginuso ang loob ng tindahan, saka buong pagmamahal na tiningnan ang dalaga para ipahayag ang damdamin para rito. | beabsichtigen mit Lippen zeigen |
"Duwag!" hindi matanggap ni Fely ang kahinaan ng loob ni Ahia. Galit na idinilat ang magagandang mata. Binitiwan niya ang kamay ng kasintahan, saka matigas na sinabi, "Basta hihintayin kita sa tabing-ilog. Kung hindi ka dumating, ibig sabihi'y hindi mo na ako mahal, kaya't tapos na ang lahat sa atin!" | loslassen |
{22.16} | |
At tumalikod na si Fely. Mariin ang pagkakasabi niya sa huling pangungusap. Naiwan si A Chuan, labis na nalulungkot at nababahala. Inihatid niya ng tingin ang dalaga, hanggang tuluyan itong makalayo. Naglabas siya ng panyo at pinunasan ang pawis sa noo. Lumapit siya sa pinto at sinilip si Papa sa loob. Nabawasan ang kanyang pagkabahala nang makitang naghihilik pa sa tumba-tumbang yantok ang matanda. Nang hapong iyo'y matagal niyang nilimi ang mga sinabi ni Fely, at naganap ang matinding pagtatalo sa kalooban. | bedenken Widerstreit |
Dumami ang mga mamimili mga bandang alas-tres ng hapon. Lumabas na rin si Papa mula sa loob ng tindahan at tumulong kay Ahia sa pag-asikaso sa mga kostumer. Habang abala sa pagtitinda, manaka-nakang sinusulyapan ni Ahia ang mukha ni Papa. Wala naman siyang napansing kakaiba, sa gayo'y ipinasiya niyang makipagsapalaran at sumipot sa tipanan. | ab und zu (sakạ) wagen ankommen |
Alam niyang sa nakalipas na ilang gabi'y may mga binatang nagpupunta sa kapihan para haranahin si Fely. Mabuti na lang at siya lang ang pinag-uukulan ng pagmamahal ng dalaga, at ito'y mahal na mahal niya rin naman, kaya nga lang ... |
{22.17} | |
"Talaga bang ako'y isang duwag?" tanong niya sa sarili. "Hindi! Sanlibong hindi! Hindi ko siya maaaring biguin. Kailangang siputin ko siya ngayong gabi!" Pagkasara sa tindahan nang hapong iyon, nagpunta si Ahia sa kusina at ininit ang mga tirang kanin at ulam para sa hapunan nila ni Papa. Pagkahapunan, nagwalis siya sa loob ng tindahan at nilagyan ng paninda ang mga eskaparate habang kinukuwenta ni Papa ang pinagbentahan nang araw na iyon. | ankommen |
Pagsapit ng alas-nuwebe, pagkababang-pagkababa ni Papa sa kulambo, gaya nang dati'y agad siyang naghilik dahil sa labis na kapaguran. Pinatay ni A Chuan ang tinghoy at nahiga sa tablang higaan, pinakinggan ang paghilik ni Papa, nanatiling nakadilat ang mga mata habang nagpapalipas ng oras. | Moskitonetz schnarchen Öllampe |
Tong, tong, tong ... Tumunog nang sampung beses ang lumang orasan. Bumaba si Ahia mula sa higaan at patingkayad na nagpunta sa likuran ng tindahan. Binuksan niya ang maliit na pinto at mabibilis ang mga hakbang na nagpunta sa tabing-ilog. |
{22.18} | |
Kumukuti-kutitap ang mga bituin sa langit, at ang daloy ng tubig sa ilog ay tila isang masayang awit. Nagkokoro sa paghuni ang mga kulisap sa damuhan, at ang lahat-lahat sa kalikasan ay nagbubunyi para sa pag-iibigan ng magkasintahan mula sa magkaibang lahi. Nakatayo si Fely sa tabi ng batuhan sa ilalim ng malaking puno at nakatanaw sa makitid na daan sa tabing-ilog nang makitang nagmamadaling lumapit ang itim na pigura. | flackern feierlich sein schmal |
Nag-umalpas sa mabilis na pagtibok ang kanyang puso at halos kumulo ang kanyang dugo sa matinding pag-asam nang tumigil ang itim na pigura sa kanyang harapan. Hinila niya ito at niyakap nang buong higpit, at tila nahihibang na hinagkan ito sa buhok, sa noo, sa mga mata hanggang sa mga labi, habang umaagos ang mainit na luhang bumasa sa magkabilang pisngi ni A Chuan. | frei sein Sehnsucht = halikạn |
Inalalayan ni A Chuan si Fely sa pag-upo, pasandal sa malalaking bato, at saka pinunasan ng dalang panyo ang luhaang mga mata ng dalaga. Humihikbing inilabas ni Fely ang damdaming kinuyom sa nakalipas na ilang buwan. Nagsumamo siya kay A Chuan. | schluchzen verbergen |
Habang bata sila'y kumawala sana sa paninikil ng tradisyon at ng lipunan at lantarang mamuhay nang magkasama, aniya. Handa siyang sumama kay A Chuan kahit saan, aniya pa. Sa Tsina, sa America, sa Australia ... kahit saan, at nakahanda siyang magtiis gaano man kahirap ang buhay. Nakahanda siyang bigyan si A Chuan ng maraming anak, at paglingkuran habambuhay ... | ablegen Unterdrückung "vor aller Welt" |
{22.19} | |
Labis na naantig si A Chuan sa mga sinabi ng katipan, na tunay na minamahal niya rin naman, ngunit maigting pa rin ang mga pagtatalo sa kanyang kalooban. Mula pagkabata'y namulat na siya sa mga piyudal na paniniwala't kaisipan, kaya't kung ihahambing sa dalagang kabilang sa ibang lahi, na malayang-malayang naipapahayag ang damdamin, ay sadyang kay laki ng agwat ng pananaw nila sa mga usapin ng pag-aasawa't pag-iibigan. | betroffen sein fest gebunden aufwachsen |
Hindi siya makapagpasiya sa kinakaharap na patong-patong na balakid. Hindi siya makawala sa tanikala ng damdamin. Ngunit ayaw niya ring biguin at sugatan ang damdamin ng babaeng pinakamamahal. Sa gayo'y wala siyang nagawa kundi haplusin ang mahabang buhok ng iniirog, at isumpang kailanma'y hinding-hindi magbabago ang kanyang pag-ibig, kaya't sana'y magkaroon ito ng tiyagang maghintay, at tiyak na darating ang araw na magkasama silang mamumuhay. | herausfordern Hindernis Kette streicheln |
{22.20} | |
At tila nasiyahan naman ni Fely sa pangako ni A Chuan. Humilig siya sa kandungan ng kasintahan. Inihatid ng hangin ang bango ng mga ligaw na bulaklak, at nagsalo ang magkatipan sa mga pangarap ng pag-ibig, hindi namamalayan ang paglipas ng mga sandali. Biglang-bigla'y narinig mula sa malayo ang tilaok ng manok. Nagising si A Chuan mula sa tila lasing na pangangarap at nagmamadaling tumayo. "Kailangan ko nang umuwi." | Schoß |
Walang nagawa si Fely kundi tumayo na rin, at magkahawak-kamay silang naglakad papunta sa bayan, hanggang sa nanghihinayang na naghiwalay. Nakakailang hakbang pa lang ay patakbong bumalik si Fely. Mahigpit na niyakap si A Chuan at mariing hinalikan. Marahan itinulak na A Chuan ang maliit na pinto ng likuran ng Li Hua, at tila tumalon-talon ang puso nang makitang nakasindi ang ilaw sa loob ng tindahan. Alam niya may masamang nangyayari. Pumasok siya sa tindahan, pilit pinatatag ang kalooban. | bedauern (sayang) |
{22.21} | |
Nakaupo sa upuang yantok si Papa. Tila nababalot ng niyebe ang mukha, panay ang hitit sa sigarilyo, at walang sinabi kahit ano. Tahimihik na tumayo si A Chuan sa isang tabi, nakatungong hinintay na pagalitan ng ama. Napuno ng amoy ng sigarilyo ang loob ng kabahayan, at ang tanging naririnig ay ang tiktak-tiktak ng lumang orasan. Katahimikan. Matinding kaba. Paghihintay sa paghampas ng malakas na unos. | rauchen Herzschlag |
Ngunit walang dumating na unos. Taliwas sa inaasahan ni A Chuan hindi nagpawala ang ama ng galit na tila kulog at kidlat. Pinatay nito ang sindi ng sigarilyo. Nagpawala ng mahabang buntong-hininga. Namuo ang luha sa mga mata. Mababakas sa mukha ang kabaitang hindi pangkaraniwan. | spüren |
"Saan ka nanggaling at inabot ka ng hatinggabi?" tanong ni Papa. Gusto sanang magsinungaling ni A Chuan, ngunit nang makitang hindi nagalit ang matanda, at sa halip ay malungkot na lumuluha, naisip niyang bibigat lang ang kanyang kasalanan kung hahabi pa ng kasinungalingan. Sinabi niya ang katotohanan. | weben |
"Sa tabing-ilog." "Tingnan mo' anong oras na?" Tumingala si A Chuan mula sa pagkakatungo at tiningnan ang orasan. Alas-dos treinta y singko na. | aufschauen |
{22.22} | |
"Anong kahihiyan na naman ang ginawa n'yo ng huanpo na iyan sa tabing-ilog at inabot kayo ng ganitong oras? Hindi ko akalain makakagawa ka ng ganitong kahihiyan!" "Papa, wala kaming ginagawang anumang kahihiyan." "Hindi kahihiyan ang ganyang pagniniig at pagyayakapan? Nakalimutan mo na ang tamang asal ng lalaki't babae?" may bahagyang galit sa tinig ni Papa. | Geschmuse |
Mangangatwiran pa sana si A Chuan nang pigilin ng ama. "Matagal nang usap-usapan sa buong bayan ang relasyon n'yo ni Fely! Noo'y inakala kong may sapat na pag-iisip ka at hindi gagawa ng anumang kahihiyan, kaya't hindi kita pinaalalahanan. Hindi ko akalaing tuluyan kang mahihibang sa kanya. Hay! Kung suwail ang anak, ama ang may sala. Ako ang dapat sisihin sa nangyaring ito!" | erinnern weitermachen außer sich sein ungehörig vorwerfen |
{22.23} | |
Muli'y pumatak ang luha ng matanda. Lumaki si A Chuan na may pagmamahal sa magulang, at sa nakitang kaanyuan ng ama'y nginatngat siya ng matinding pagsisisi. "Papa, kasalanan ko ang lahat!" "A Chuan, maaga kang nawalan ng ina, at maliit pa ang iyong kapatid. Inaasahan ko na ipagpapatuloy mo ang negosyo ng pamilya at magsisilbing mabuting halimbawa sa iyong kapatid. | nagen |
Gaano man tayo kahirap, kaya nating ihanap ka ng mabuting asawa sa Tengsua. Hindi ko akalaing magpapakababa ka nang ganyan at magkakagusto sa isang huanpo!" "Mabuting babae si Fely," pagtatanggol ni Ahia. "Mabuting babae?" galit na talaga si Papa. "May mabuting babae bang nakikipagtipan sa lalaki sa hatinggabi? Kung nagagawa ka niyang akitin, hindi ba niya magagawang umakit ng ibang laraki?" | Verteidigung |
Alam ni A Chuan na hindi patas para kay Fery ang mga sinabi ni Papa. Sa umpisa'y asiwa rin siya sa malayang pag-iibigan. Nagawa niya lamang itong tanggapin dahil sa pag-akay ni Fely. Ngunit puno ng mga piyudal na kaisipan ang utak ng ama, paano niya ito kukumbinsihin? Kaya't minabuti niyang magsawalang-kibo na lamang. | unentschieden peinlich Führung überzeugen zurückhalten |
{22.24} | |
"Mahigit beinte anyos ka na, sana'y matuto kang mahalin ang sarili! Kung sa puno'y mahalaga ang balat, sa tao'y mahalaga ang mukha. Gusto ko pang manatili't magnegosyo sa bayang ito. Mamili ka. Kung pipiliin mo ang iyong ama, kailangang putulin mo ang relasyon sa huanpo na iyan! Kung talagang gusto mo sa kanya, kailangang lumayas ka ..." | |
Pagkatapos ng sinabi'y tuluyan nang umagos ang luha ng matanda. "Papa ..." lumuhod si A Chuan sa harap ni Papa, umaagos din ang luha. Alinman sa dalawa'y hindi niya magagawa. Hindi niya maiiwan ang kaawa-awang ama, ngunit ayaw niya ring mawalay sa pinakamamahal na si Fely. | |
Kaya't wala siyang naisagot kundi luha, at ipaubaya na lamang ang lahat sa tadhana. Kung titingna'y mukhang estrikto si Papa. Ang totoo'y malambot ang kanyang kalooban. Nang makitang umaagos ang luha ng anak ay inakala niyang nagsisisi na ito. Nakadama siya ng awa at inalo ang anak. | Schicksal erwarten bereuen trösten |
{22.25} | |
"Tama na. Hindi naman santo ang tao, sino'ng hindi nagkakamali? 'Ika nga ng kasabihan: Mas mahalaga kaysa ginto ang pagbabalik-loob ng anak. Ang mahalaga'y alam mong nagkamali ka, at magagawa mong magbago. Huwag na huwag ka nang gagawa ng ganyang kalokohan. Hala, tumayo ka na. Matulog ka sandali't mag-uumaga na." | |
Nangyari ang lahat ng iyon kalahating taon bago ako dumating sa munting bayan. Sinikil ni A Chuan ang damdamin at hindi na muling nakipagtipan kay Fely. Sinikap niya rin itong iwasan. Ngunit hindi natiis ni Fely ang pag-iwas ni Ahia. Salawahan si A Chuan, aniya, at isang duwag. Labis-labis mang nasakta'y nagkunwa si A Chuan na balewala ang mga sinabi ng kasintahan. At sa nakita'y unti-unti namang napalagay ang loob ni Papa. Bago umalis papuntang Tengsua ay kinausap pa nang masinsinan si Ahia. | unterdrückt sich verabreden betreiben aushalten wankelmütig heuchelt still werden dicht gewebt |
{22.26} | |
"A Chuan, sa pag-alis ko'y bibigat ang iyong pasan. pagbutihin mo ang negosyo. Kuwentahin at ilistang mabuti ang mga benta at utang. Pinakamahalaga ang kredibilidad sa usapin ng pera. Matulog ka nang maaga at gumising nang maaga. Iingatan mo ang ilaw sa gabi. Pagdating ng sioti mo, kailangang turua't pangaralan mo siya, kaya't kailangang maging mahigpit ka rin sa iyong sarili. | Last Angelegenheit kleiner Bruder |
Huwag lalampas sa negosyo ang relasyon n'yo ni Fely. Huwag na huwag kang gagawa ng anumang taliwas sa kaugalia't kagandahang-asal." Panay ang tango ni A Chuan sa mga bilin at pangaral ni Papa. At nakahinga siya nang maluwag pag-alis ng matanda. | Auffforderung |
{22.27} | |
Nang gabing nangyari ang sunog, tumulong si Fely sa pagliligtas sa mga paninda. Ilang beses siyang naglabas-pasok sa nasusunog na tindahan kaya't bahagyang nasunog ang buhok niya at damit. Siyempre pa'y malaki ang pasasalamat ni Ahia kay Fely, lalo na't hinayaan akong pansamantalang tumigil sa kapihan. Sa kabila nito'y hindi pa niya magawang hayagang ipakita ang relasyon sa dalaga. | zeitweise |
Una'y kasusunog lang ng tindahan, at labis na ikasasama ng loob ni Papa kung malalamang nakikipagmabuti uli siya kay Fely. Ikalawa'y hindi pa nababayaran ang mga utang ng tindahan, kaya't ayaw niyang may masabi ang mga kapwa huaqiao at masira ang kanyang kredibilidad. Ikatlo'y malamig na malamig ang pakikitungo sa kanya ng ina ni Fely mula nang masunog ang Li Hua. Kaya naman hindi siya gaanong nagtatagal kung nagpupunta sa kapihan, at ito'y hindi ikinatuwa ni Fely. | ikasamạ wahrscheinlich |
Ang totoo'y gusto ko ang ugali ni Fely, at nakikisimpatiya ako sa kalagayan ni Ahia. Hinangad ko na magkatuluyan sila. Ngunit sa nakitang kasawiang-palad nina Tan Sua at Isha sa Napa, labis-labis akong nag-aalala para sa magiging kapalaran nina Ahia at Fely. Wala akong maitutulong na anuman. Ang tanging magagawa ko'y hangarin ang pinakamabuti para sa kanila. | beabsichtigen besorgt sein |
{22.28} | |
Ang liham na nagbabalita sa pagkasunog ng Li Hua ay halos kasabay ni Papa na dumating sa Tengsua. Sa isang iglap ay naging abo ang kabuhayang buong buhay na ipinundar ng matanda! Hindi nakayanan ang mariing dagok, iginupo siya ng malubhang karamdaman. Bago nagkasakit, sumulat pa siya at sinabing pagkaasikaso sa libing ni Ammah ay agad siyang babalik sa Nanyang. | Augenblick gründen ? Nackenschlag verfallen zu Ruine |
Sana'y magtulungan kaming magkapatid para magtagumpay sa negosyo, aniya pa. Ngunit ang isa pang liham na ipinadala niya pagkatapos magkasakit ay kababakasan ng lubusang pagkasira ng loob. Dalawang buwan na siyang may sakit, aniya, mahinang- mahina na siya at hindi makalakad nang walang tungkod, kaya't wala na siyang nalalabing lakas para bumalik sa Nanyang. Iniaasa niya na sa aming magkapatid ang pagbabangon sa negosyo ng pamilya. | zeichnen |
Kaya ako inabot nang tatlong buwan sa munting bayan ay dahil sa paghihintay kay Papa. Ngayong nalaman kong hindi na siya babalik ay wala nang kabuluhan pa ang pananatili ko sa munting bayan. Gusto ko nang lumisan, lalo't wala rin naman akong makitang mapapasukan. Ngunit hindi pa nababayaran ang mga pagkakautang ng Li Hua, at hindi ko maatim na iwanang mag-isa si Ahia. | zulassen |
Kalaunan, nag-usap-usap ang mga pinagkakautangan. Nagkaisa silang wala namang seguro ang Li Hua at totoong nadamay lamang ito sa sunog ng kapitbahay. Kaya't nagkasya na lamang sila sa pagkuha sa mga panindang naisalba at ang anumang kakulangan ay hindi na namin kailangang bayaran. | vereinigen Versicherung mitfühlen |
{22.29} | |
Nang maayos ang mga pagkakautang ng tindahan, nagpaalam na ako kina Ahia at Fely. Hindi sila pumayag na umalis ako at kinumbinseng manatili na lamang sa munting bayan. Puwede akong magtrabaho nang pirmihan sa kapihan, alok pa ni Fely. Ngunit hindi ko gustong nagsisilbi sa mga lasing, kaya't napakabait man sa akin ni Fely ay tinanggihan ko ang alok niya. | Angebot |
Inihatid ako nina Ahia at Fely sa estasyon nang araw na lisanin ko ang munting bayan. Kinamayan ko sila at nagpaalam na, at pagsakay sa bus ay nakadama ako ng labis na kalungkutan. Nang dumating ako sa munting bayang ito tatlong buwan ang nakaraan, dala-dala ko ang kagalakan ng pakikipagkita kina Papa at Ahia. Sa pag-alis ko pagkaraan ng tatlong buwan, ang dala-dala ko'y pagdadalamhati at panghihina ng loob. | |
Kay labo ng aking kinabukasan, at wala akong tiyak na patutunguhan. At naisip ko, kailan ko kaya muling makakasama sina Ahia at Fely? At sa naisip ay hindi ko napigil ang pagpatak ng luha. Umandar na ang bus. Kumaway sa akin sina Ahia at Fely. Isinigaw ko naman ang aking pamamaalam at pagbati, "Paalam na Ahia! Paalam na Fely! Sumainyo ang kaligayahan!" | |
Hindi nauwi sa bula ang aking pagbati. Makaraan ang isang taon, natanggap ko sa Siyudad M ang liham nina A Chuan at Fely. Nalaman kong nalampasan nila ang mabibigat na balakid at naisagawa ang kanilang pag-iisang-dibdib. At nakadama ako ng labis-labis na kagalakan! |
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/nanyang_2.html
Ang Tagasalin. Sa pusod ng Binondo. Hulyo 2, 2005
{Salin 1}
Una'y ilang tala tungkol sa pamagat. Sa epilogo, sinabi ni Bai Ren: "Nang ilathala sa Hong Kong ang nobelang ito ay Nanyang Liulang'er ang pamagat. Nang ilimbag ng Huacheng Publishing House sa Guangdong ang bersiyon para sa Mainland, iminungkahi ng editor na gawing Nanyang Piaoliuji ang pamagat." |
... |
Ang isinalin ko'y ang bersiyong may pamagat na Nanyang Piaoliuji. Kung gagawan ito ng literal na salin, maaaring Pagpapatangay sa Nanyang. Malapit ito sa salin sa Ingles na Adrift in the Southern Ocean ng kilalang manunulat at kritikong si Caroline Hau. Mainam ang Ingles na Adrift in the Southern Ocean. May dating, 'ika nga. Pero malamya ang Pagpapatangay sa Nanyang. Pareho man ang kahulugan, may katangian ang "adrift" na wala sa "pagpapatangay." | ... |
{ Salin 2}
Bukod sa "pagpapatangay", ang "piaoliu", bilang pandiwa, ay may kahulugan ding "magpagala-gala" o "maglibot-libot." Sa Ingles, "wander" o "roam about." Malapit na salin din, kung gayon, ang Paggala-gala sa Nanyang o Paglilibot sa Nanyang. Ngunit malapit ma'y wala pa ring dating. At baka akalain pang travelogue. | ... |
Kaya naman ipinasiya kong gamitin sa salin ang Nanyang hiulang'er, ang pamagat ng nobela nang ilimbag sa Hong Kong. "Liulang," ibig sabihin, paglalagalag. Kung gayo'y Lagalag sa Nanyang. Tiyak na mas interesante, mas aktibo, at mas may dating, kahit man lang sa salin, ang paglalagalag kaysa pagpapatangay o paggagala o paglilibot. Kaya naman Lagalag sa Nanyang ang ipinasiyang gawing salin ng pamagat. | ... |
{Salin 3}
Problema at hamon Ikalawa'y ilang tala tungkol sa mga naging problema, o hamon, sa proseso ng pagsasalin. Pangunahin ang malaking kaibhan ng dalawang wika. Bagama't mga wika ng dalawang bansang bukod sa kapwa Asyano ay magkalapit o magkapitbahay, at mahigit sanlibong taon nang may mahigpit na ugnayan sa isa't isa, totoong banyaga sa isa't isa ang wikang Tsino at wikang Filipino. Banyaga sa lahat ng aspekto ng wika, pabigkas man o pasulat. At ito ay batid ng sinumang estudyante ng dalawang wika. | ... |
Kaugnay nito'y pangangahasan ko nang sabihin na mabibilang sa daliri ang mga taong tunay na may kasanayan sa dalawang wika. Kaya't kakaunti, o bihirang-bihira ang salin sa Filipino ng mga akdang Tsino. Kung may nababasa man tayong mga salin sa Filipino ng mga akdang Tsino, malamang na ang mga ito'y isinalin mula sa Ingles. Kaya naman hindi mapapasubalian ang kakulangan, o halos kawalan ng mga direktang salin sa Filipino mulang Tsino na maaaring maging modelo sa gjnawang salin ng nobela ni Bai Ren. | ... |
{Salin 4}
Mga bentaha May bentaha rin ang kawalan o kakulangan ng modelo. Nang dahil dito'y wala ring nakasasakal o nakalilimitang mga alituntunin o pamantayan. Mas malayang makapag-eeksperimento ang tagasalin. Mas malayang makapaglalagalag at makagagala sa dalawang wika. At kahit paano'y nakahugot ako ng mumunting modelo sa mga naging karanasan sa pagsasalin sa Filipino mulang Tsino ng maranii-ranii na rin namang mga tula, sanaysay, at kuwento; ilang awit at dokumento; at isang mahaba-habang health manual. | ... |
Tiyak na bentaha rin ang pagiging Tsinoy. Nakatulong an| pangyayaring mula pagkabata'y nagkaroon ako ng pagkakataong mapag-aralan ang wika, kultura, at kasaysayan ng dalawang bansa. At bilang Tsinoy pa rin na isinilang at lumaki sa Pilipinas, hindi banyaga sa akin ang marami sa mga naging karanasan ng pangunahing tauhan sa nobela. Hindi man nakaranas mamuhay sa ilang na pulo gaya ni A Song ako nama'y lumaki sa probinsiya, kung kaya't gaya ni A Song, naging bahagi ng buhay-bata ko ang mga tindahang sari-sari, ang pakikisalamuha sa mga "huanna" at "huanpo," ang pamamaril ng mga manok at ibon, ang paliligo at panghuhuli ng isda sa ilog, ang pag-igib ng tubig, at pagsibak nn panggatong. | ... |
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/nanyang_3.html
1 Einleitung
3 Originaltext
4 Gesprächswörter
Quelle: Cheathom, Rhia L.: Piso
LIWAYWAY, 05 Pebrero 2007 { Liwayway}
{3.11}
Pauwi na ako ng bahay nang may mapansin ako. Baka may halaga, naisip ko, kaya dinampot ko naman. Sus, piso lang pala! Kaya tinapon ko na lang ulit. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nakita kong nagkakagulo sa bahay nila Aling Terya. Kaya't isang bata na galing doon ang tinawag ko. "Boy, bakit nagkakagulo doon?" "E, kasi po si Mang Dado dumating na galing abroad." | Ich ging nach Hause als ich etwas sah. Vielleicht was wertvolles, dachte ich, daher hob ich es auf. Oh, nur ein Peso. Deshalb warf ich es wieder weg. Ich setzte meinen Weg fort. Ich sah ein großes Durcheinander im Haus von Aling Terya. Deshalb fragte ich einen Jungen, der von dort kam. "Junge, was ist da los?" "Ach, weil Mang Dado aus dem Ausland angekommen ist." |
{3.12}
"E, bakit nga nagkakagulo?" tanong ko ulit. "Kasi nga ho maraming dalang pasalubong at saka dollars," sagot niyang tila nakukulitan na kaya umalis. Napangiti na lang ako nang maisip muli ang dahilan ng pagkakagulo kina Aling Terya. "Hay naku, ang tao nga naman basta dollars, nagkakandarapa!" naibulong ko sa aking sarili. Noon ko naisip ang itinapon kong piso at ang pinagkakaguluhang dolyar. Marami talaga ang tulad ko na isinasawalang bahala ang piso samantalang sinasamba ang dolyar. | "Ja,warum die Aufregung?" fragte ich wieder. "Weil er viele Mitbringsel und auch Dollars mitgebracht hat", antwortete er ... |
{3.13}
Patuloy pa rin ako sa paglalakad nang mapansin ko naman ang isang batang
gusgusin, payat at
halatang hilo na sa gutom. Hindi ko na sana papansinin pero kinalabit ako. "Ale, pahingi
naman po kahit 'onti." Bibigyan ko na lang sana ng pera pero naisip kong pakainin na lang
nang mapansin ko ang isang karinderya. "Upo ka," utos ko sa kanya nang mapansin kong di
pa rin siya tumititiag sa kinatatayuan
niya. Sumunod naman agad siya, marahil dahil na rin sa gutom.
{3.14}
"Wala po akong pambayad," anang bata. "Akong bahala. Ano bang gusto mo?" halos hindi ako
makapaniwala sa mga sinasabi ko: Mabait din naman pala ako, naisip ko tuloy. Itinuro
niya ang gusto niyang ulam. Gulay, pinakbet pa nga kaya umorder pa ako ng isang platito
ng menudo. Tuwang-tuwa siya. Ako rin naman. Ang sarap pala talaga ng nakakatulong. Halos
di siya magkandatuto sa pagsubo. Kung di
nga lang pinahihinto ko siya para makahinga man lang ay baka nabulunan na siya.
{3.15}
"Miss, sino bang magbabayad n'yan?" anang mataray na tindera. Kanina pa pala kami
pinagmamasdan. Nabawasan tuloy ang pagkatuwa ko. "'Kala mo, hindi babayaran!" di ko na
naisatinig "Pengi pong tubig." Napangiti tuloy ako. Nakalimutan ko nga palang bigyan
siya ng tubig. "Tubig nga ho." . Malamig naman ang iniabot ng mataba
at masungit na tindera. Kung titingnan, parang noon lang nakakain ang bata nang
ganoon karami. Hinimas-himas pa nga niya ang kanyang tiyan matapos makakain.
"Ang sarap! Salamat po!"
{3.3}
Halata namang di nambobola ang bata. Kahit konting kanin at ulam lang ay
tuwang-tuwa na siya. "Miss, 'yung bayad?" "Hintayin n'yo naman hong matapos 'yung bata."
Sa inis, di ko na napigilan ang sarili ko. Inis na inis kong kinuha ang pera sa bag ko.
Kulang na nga lang ay ipagbalibagan ko ang laman. Noon
ko naman napansing titig na titik sa akin ang bata. Siguro, naguguluhan sa pinaggagawa
ko. Nag-alala tuloy ako dahil baka isipin niyang sa kanya ako naiinis.
"Hindi ako sa 'yo nagagalit, ha! Du'n sa masungit na tindera", bulong ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin. Trenta pesos iyong nabili namin. Sampu, bente, bente singko ... limang piso pa pero wala na akong makita. Pati bulsa ng bag ko, wala na yatang laman. Sinulyapan ako ng babae. Kunot ang noo niya pero di ko na lang pinansin. Tuloy ako sa paghahanap. Sa wakas may nakita na rin ako. Masimo pa nga! Piso, dos, tres, k'watro ... kulang ng piso! Wala na talaga. Kulang talaga ng piso. "Piso lang p'wede na siguro", naisip ko na lang.
"Ale, 'to pong bayad", nahihiya man e iniabot ko na rin. "Miss, kaylangan sakto. Saktong kinain n'yo kaya kaylangan sakto ring bayad n'yo." Napansin sigurong kakahanap ko kanina. "Bakit kulang 'to?" nanggigigil na sita ng matabang ale. "Para piso lang ho. Wala na ho talaga, e", pagpapaliwanag ko. "Anong lang, ha? Papiso-pispo na nga lang ang tubo ko, kukulangan mo pa! Paano na kung lahat ng kakain dito ay katulad ng kulang magbayad? E, di nalugi na 'ko?"
Nang lingunin ko ang bata'y napansin kong abalang-abala siya pagdukot sa bulsa ng shorts niya. Pero di ko na lang iyon pinansin dahil sa kakaisip kung anong gagawin sa pisong kulang ko. Naramdaman ko na lang na kinakalabit niya ako. "Ano 'yon?" Lahad ang isang kamay na may hawak na isang bagay. Tiningnan siya at saka niya isinalin sa kamay ko ang hawak niya. "Piso!" Hindi ko alam pero parang biglang wala akong masabi kaya inabot ko na lang agad sa ale ang piso. Noon, parang nabunutan ako ng tinik.
{3.4}
"Pa'no, uwi na tayo?" masayang yaya ko sa bata. Imbes na sumagot, hindi siya kumibo at malungkot na nakatitig akin. Nang mga sandaling iyon, bigla akong naguluhan sa nakita kong pag-aalala sa mga mata niya. Naisip ko tuloy, wala kaya siyang bahay? Wala kaya siyang mga magulang na naghihintay at nag-aalaga sa kanya kaya palabuy-laboy na lang siya langsanan? Pero binalewala ko na lang lahat ang mga isiping iyon at magkasabay na kaming naglakad. | ... |
"Upo tayo", yaya ko sa kanya nang marating namin ang waiting shed. "Salamat nga pala du'n sa pisong ibinigay mo sa 'kin kanina." Hindi siya sumagot, nakayuko lang kaya nagpatuloy na lang ako sa pagsasalita. "Saan nga pala galing 'yon?" Itinuro niya ang dinaanan namin. "D'un po. 'Yung tinapon mo. 'Yung sinapa mo", muli siyang yumuko. Hindi ako sigurado pero parang umiiyak siya. "Pinulot ko, kasi ayaw mo nu'ng piso. Sayang at saka kawawa naman." Humihikbi na siya. Wala naman akong malamang gawin kaya hinagod ko na lang ang buhok niya. At isa pa, napahiya yata ako. | ... |
"Kasi wala naman akong mabibili du'n sa piso kaya tinapon ko na lang ulit", paliwanag ko. Nag-angat siya ng ulo at saka sumagot. May bahid na ng luha ang mga mata niya. "Sabi ng Nanay ko, dapat daw ingatan ko ang pera. Kahit singko, kahit singkwenta, lalo na piso. Mahirap daw ang humanap ng pera.'Yun ngang Tatay ko, di na nakauwi kasi napatay ng pulis. Binaril, sunod..." hindi na naman siya halos makapagsalita. | ... |
Gusto ko na sana siyang patigilin pero pakiramdam ko mas makakabuti sa kanyang magkuwento. "Sunod si Nanay, nagtrabaho nang nagtrabaho hanggang magkasakit. Pinamigay tuloy sina Totoy at Buboy. Ako, iniwan du'n sa matandang masungit. Pinapalo ako lagi. Ayoko na do'n!" di na niya nagawa pang magsalita. Umiyak na siya nang umiyak. Para akong binagsakan ng langit at lupa sa mga narinig ko sa kanya. | ... |
{3.5}
"E, na saan ng Nanay mo?" halos di ko makuhang itanong. "Wala na. Kaya nga naawa ako doon sa piso kasi sinipa mo. Parang ganu'n kami. Kasi sabi nila wala raw pakinabang sa 'min. Kaya lagi na lang kaming sinisipa paalis, palayo. Lagi tuloy kaming walang mapuntahan. Pero kahit na tulad nu'ng piso kahit 'onti kahit pa'no maibibili mo pa naman, di ba? Pisong tinapay o kaya pisong ice tubig. | ... |
'Yun nga sanang balak kong bilhin du'n sa piso. Buti na nga lang binili mo 'ko ng pagkain." Pinahid niya ang kanyang luha at saka bahagyang napangiti. "At saka buti na lang, pinulot ko 'yung piso dahil kung hindi, baka nagalit na 'yung aleng taba na 'yon." | ... |
"Ilang taon ka na?" bigla kong tanong. Iminuwestra niya ang pitong daliri. "Pito na po ako ngayon." "Ngayon? Anong pito ngayon?" "Birthday ko kasi ngayon. Kasi, nadinig ko du'n sa bahay na tinitirhan ko, sabi birthday ko daw ngayon." Bigla ko tuloy siyang nayakap. Dahil sa awa at pagkapahiya ko sa aking sarili. Pitong taong gulang, alam ang mga bagay na iyon samantalang ako na matanda sa kanya nang mahigit sampung taon, ang babaw mag-isip? Pamaya-maya ay kumalas na siya sa akin saka tumayo. "Sige po, aalis na 'ko, Salamat po." | ... |
{3.6}
Palayo na siya pero wala pa rin akong ginagawa. Pinagmamasdan ko siyang paalis. Saan siya pupunta? Kung doon sa umampon sa kanya baka pahirapan lang siya ulit. At sayang naman kung sa kalye lang siya. Sayang at maraming tulad niya. Tama siya. Para siyang piso. Dahil walang masyadong pakinabang sa mga taong tulad ko kaya't sinisipa't tinatapon. Pero kung iisipin sa mga taong tulad niya'y napakalaking bagay na. | ... |
Noon ko lang naalalang ni hindi ko man lang pala naitanong ang pangalan niya. Hindi pa naman siya masyadong nakakalayo kaya sinundan ko na lang siya. Sa di kalayuan, doon ko siya tinawag. "Anong pangalan mo?" Nagulat marahil kaya't bigla siyang napalingon. "Anong pangalan mo?" ulit ko. "Chris po." Chris, parang Kristo! Parang si Kristo na nagbigay liwanag sa isip ng mga tao. Parang ang batang iyon sa buhay ko. Nilapitan ko siya't tumalungko ako sa harap niya. "Chris, di ba sabi mo, parang kayo 'yung piso?" Tumango lang siya. | ... |
"Alam mo ba kung anong gagawin ko ngayon pag nakapulot ulit ako ng piso?" Wala naman akong nakuhang sagot mula sa kanya kundi isang kunot-noo. Marahil, naguguluhan siya sa pinagsasabi ko. Pero alam kong matalino siya kaya't naisip kong maiintindihan niya ako. "Pupulutin at saka ko itatago. Dahil alam ko na ngayon na ang piso, minamahal, iniingatan at hindi tinatapo't sinisipa." Parang naintindihan nga niyang sinabi ko, kasi ngumiti siya. | ... |
"Ngayon, saan ka pupunta?" "E, di po parang 'yung piso na itinatapon, gugulong kahit saan mapunta at saka hihinto hanggang sa may dumampot." Hindi ko na napigilang mapaluha. "Alam mo, iba ka talaga. Gusto mo ba akong maging Ate?" "Opo!" nakangiting sagot niya. "Kung gano'n, 'yung pisong itinapon at gumulong ngayon ay may pupulot na. Okey?" "Okey!" Isa na lang ang nasa isip ko ngayon, ang iuwi si Chris tulad ng piso. Aalagaan at mamahalin. Bahala na. | .. |
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/piso.html
Quelle: Coraza, Michael M.: Ang Nasyonalismo, Rehiyonalismo
at Globalismo sa Pagpaplanong Pangwika sa Filipinas: Isang Problematiko
LIWAYWAY, 15 Nobyembre 2010 { Liwayway}
Haraya
Ni Prof. Michael M. Coraza
(Southeast Asia Writers Awardee)
LIWAYWAY, 15 Nobyembre 2010
{3.1}
Pangunahing layunin ng asignaturang Filipino 12 (Sining ng Komunikasyon II) sa
Ateneo De Manila University ang mapagsalita at mapagsulat ang mga mag-aaral sa paraang
kauna-unawa dahil may wastong balarila at mabisa dahil ginamitan ng mga angkop na
kasangkapang panretorika. Ipinagpapalagay ng ganitong layunin ang pagkakaroon ng isang
tiyak na pamantayang pangwika na susundin ng lahat. Nangangahulugan, nasa masinop
at mahusay na pagsunod ng mga mag-aaral dito ang ikapagkakamit nila ng mataas o
mababang marka.
{3.2}
Tulad ng dapat asahan, marami sa mga mag-aaral ang
nahihirapan. Nagrereklamo lalo na iyong mga mag-aaral
na hindi mula sa Katagalugan. Parusa para sa kanila ang
pagsunod sa ganitong pamantayan sapagkat hindi naman
daw sila Tagalog. Iginigiit pa nila na tanging ang kanilang
katutubong wika at Ingles ang sinasalita nila sa bahay
{3.3}
Bunga nito, nagiging isang pook ng tunggalian ang silid-aralan. Nasyonalismo ang
katwirang ibinabandila ng guro. Pagiging praktikal naman ang ipinipilit ng mga mag-aaral.
Bakit hindi na lamang daw pahintulutan ang Taglish, usisa ng isang estudyante. Higit na
madali raw sabihin ang "i-explain ang theory" kaysa "ipaliwanag ang teorya". Tugong
tanong naman ng guro, "Pahintulutanka kaya ng propesor mo sa English na you
will paliwanag the theory?"
{3.4}
Hindi marahil naiiba ang sitwasyong kinakaharap ng tulad kong guro ng Filipino sa Ateneo sa sitwasyon ng karamihan sa mga guro ng ating wika sa buong bansa. Lagi nang kailangang makipagbuno para tanggapin ang itinuturo. Parang lagi na lamang dapat pangatwiranan kung bakit dapat pang pag-aralan ang wikang pambansa. Samantalang kapag ang wika ng dating mananakop ang pinag-uusapan, parang wala nang dapat pang pag-usapan. Tanggap nang mahalaga ito at isang pangunahing pangangailangan lalo na sa panahon ng globalisasyon. |
{3.5}
May ilang bagay na dapat linawin kaugnay ng sitwasyong ito. Una, may tiyak na pamantayan nga ba ang ating wikang pambansa? Kung mayroon nga, saan ito ibinatay at paano ito natiyak? Hindi kaya isang paglabag sa karapatang lingguwistiko ng bawat mag-aaral ang pagpipilit na sundin nila ang pamantayang ito? Ikalawa, gaano nga ba kapraktikal ang Taglish? Mayroon nga ba talagang masama sa paggamit nito? Ikatlo, ano ang kinalaman ng tunggaliang nasyonalismo-rehiyonalismo at ng globalismo sa lahat ng ito? |
{3.6}
Sa pagtalakay na ito, sisikaping liwanagin ang ginampanan ng tunggaliang nasyonalismo-rehiyonalismo sa pagpaplanong pangwika sa Filipinas. Nilalayon nitong patunayan na sa harap ng mga hamon ng globalisasyon, lalong dapat paigtingin ang nasyonalismo laban sa isang pagtuturing sa wika at kultura ng bansa bilang simpleng instrumento lamang. Maisasagawa ito sa pamamagitan ng pag-ungkat sa ugat ng tunggaliang nasyonalismo-rehiyonalismo sa Filipinas at kung paano nito iniluwal ang isang wikang pambansa na nilalayong maging kasangkapan sa pambansang pagtatalastasan ng mga mamamayan at isang simbolong normatibo ng kulturang FiUpino. |
{3.7}
Makabansang Pagsilang ng Wika Ayon kay John Schumacher sa kaniyang The Making of a Nation: Essays on Nineteenth Century Filipino Nationalism (1991), ang nasyonalismo sa Filipinas ay pinasibol at higit na nilinang ng mataas na edukasyong natamo ng ilang mga ilustrado. Aniya, "The national consciousness, and the Propaganda Movement which was its catalyst, came into being chiefly as the fruit of Philippine institutions of higher education." |
{3.8}
Ang nasyonalismong ito, dagdag pa ni Schumacher, ay pinaigting ng mga naging karanasan ng mga intelektuwal na Filipino na nag-aral sa Europa. Tulad ni Jose Rizal, nagtungo sila sa Europa upang higit na maabot ang kanilang mga hangarin na mabubuod sa dalawang pangunahin: una, mapatunayan ang pagkakapantay-pantay ng mga Filipino at Espanyol; ikalawa, malinang ang isang pambansang kulturang kikilalaning Filipino. |
{3.9}
Si Jose Rizal ang huwarang nasyonalista noong ikalabinsiyam na siglo. Sa hindi mabilang na pagtatagumpay niya sa iba't ibang larang ng agham at sining, pinatunayan niya sa mga mananakop na ang mga Filipino ay walang alinlangang kapantay ng mga Espanyol. Wala sa pagiging Espanyol o Filipino ang katalinuhan, taglay ito ng sinuman o alinmang pangkat ng tao sa daigdig. Sa mga pagsisikap niyang mabalikan at sulatin ang sinaunang kasaysayan ng Filipinas, tulad ng anotasyong ginawa niya sa Sucesos de las islas filipinas ni Antonio Morga, pinatunayan niya kung paanong mula sa nakalipas, makabubuo ang mga Filipino ng isang pambansang kulturang maipagmamalaking kanila. Ayon muli kay Schumacher, "Rizal felt deeply that it was in understanding the pre-Hispanic Philippines that the Filipinos would understand themselves, would find the identity on which a new nation could rise." |
{3.10}
Nasyonalismo ang nagluwal sa wikang pambansa. Isang pangangailangan ito sa pagtataguyod ng pambansang kapakanan at pagkakakilanlan, isang paraan ng pagkilala at paggigiit ng higit na awtentikong sarili sa harap ng mga mananakop. Sa pamamagitan nito, tahasang nauusig, kung hindi man naitatakwil, ang paghahari ng dayuhan at maluwalhating nababalikan ang pre-kolonyal na sandali ng bayan. Kaya nga naglathala ang mga propagandistang tulad nina Pardo de Tavera at Jose Rizal ng mga pag-aaral tungkol sa wikang Tagalog sa La Solidaridad. Kaya nga sa panahon ng paghihimagsik, piniling gamitin ni Andres Bonifacio ang Tagalog bilang opisyal na wika ng Katipunan. |
{3.11}
Para sa hindi iilang kritiko, isang dominasyon o isang mapanlinlang na anyo ng pananakop ang pagkakapili sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa noong panahon ng Komonwelt. Isa raw imperyalistiko at di-makatarungang hakbang ito ng Pangulong Manuel L. Quezon na nagsaisantabi sa wika at kultura ng mga di-Tagalog. Sa kaniyang sanaysay na "Multilektaliti, Multilinggwalism, Inhinyerya ng Wika, at Panlipunang Katarungan - O May Problema nga ba ang Wika ng Bansa?" (2001), sinabi ni Aurelio Agcaoili ang ganito: |
{3.12}
"Sanhi ng kanyang pagmaniobra, ang makatarungang konsepto na nagtatatag ng 'panlahat na pambansang wika na nakabatay sa umiiral na mga wika' sa bansa ay naging di makatarungan nang ang batayang konsepto ay naging ganito: pagpapaunlad at pagtanggap sa isang panlahat na pambansang wika na batay sa isa sa mga umiiral na mga katutubong (dialekto) wika." |
{3.13}
Maigigiit ni Agcaoili na isang pagsasamantala ng mga puristang Tagalog ang buong proseso ng imposisyon ng wika at kulturang Tagalog sa buong kapuluan. Ngunit ang kagyat na pagtanggap sa paniniwalang ito ay isang pagbubulag-bulagan sa mga historikong salik na nakaapekto nang malaki sa mga pangyayari. Hindi makatwirang sabihin na bunga lamang ng pagmamaniobra ng isang tao o ng isang pangkat ng tao ang pagtangkilik sa Tagalog. Sabi nga ni Randolf David sa kaniyang sanaysay na "Politika ng Wika, Wika ng Politika" (1996): |
{3.14}
Aug isang sitwasyong pangwika ay produkto lamang ng interaksiyon ng marami at iba't ibang proyekto. Ang ilan dito ay sadyang tumutukoy sa isang patakaran sa wika. Subalit ang karamihan ay bahagi lamang ng mga maniobra sa negosyo at politika at hindi tuwirang nakatuon sa pagpapalaganap ng wika. |
{3.15}
Ang Tagalog, na wika ng Kamaynilaan na siyang sentro ng pamahalaang Kastila sa Filipinas, ay hindi noong panahon lamang ni Quezon nagkaroon ng puwang sa pambansang kamalayan. Pinatunayan ni Ernest J. Frei sa kaniyang The Historical Development of the Philippine National Language (1959) na may kasulatan noong 1618 na nagpapatotoong hindi lamang sa Luzon sinasalita at nauunawaan ang Tagalog kundi sa buong kapuluan. Bagay na inaayunan ito ng mga obserbasyon ni Vicente L. Rafael sa kaniyang White Love and Other Events in Filipino History (2000): |
{3.16}
"...since the 1890s, Tagalog has been the focus of various nationalist concerns. Projected as the potential language of cultural authenticity with which to articulate a precolonial past with a decolonized future, Tagalog has been regarded as one site for translating the colonial order into a national one. Insofar as Tagalog could furnish the means with which to elicit the attention of a mass audience, nationalist elites, like their Spanish predecessors, could imagine it as a language that might fuse the interests of those above with those below the social hierarchy across a variety of vernacular, non-Tagalog speaking communities. |
{3.17}
Bagay rin itong hindi na dapat pang pagtakhan. Sa isang teritoryo o bansa na binubuo ng iba't ibang pangkat ng tao na may iba't ibang wika, sadyang pumipili ng isa na magiging wikang pagkakasunduan ng lahat. Ay on nga sa sanaysay na "The Theory of Language Planning" (1974) ni Valter Tauli, "When a common language has to be chosen among several languages of a territory, it is the numerical, political or cultural dominance, not linguistic considerations, which in practice solves the problem." |
{3.18}
At karaniwan nang napipili ang wikang ginagamit sa sentro ng mga pang-ekonomiya at politikal na aktibidad. Kaugnay ng Tagalog, naging ganito ang puna ni Vicente Barrantes hinggil sa sitwasyong pangwika sa Intramuros o Maynila noong 1869, sa pagkakasipi ni Carmen Guerrero Nakpil sa kaniyang aklat na Mga Kuwento sa Kasaysayan (2003): "Sa kabisera mismo na kinalalagyan ng pamahalaang sentral at tinatahanan ng pinakamalaking bilang ng mga Espanyol, ang mga katutubo at mestiso ay hindi nagsasalita ng Espanyol kundi ... Tagalog ..." Pinagtibay at pinalawig pa ni W.E.W. MacKinlay sa kaniyang A Handbook and Grammar of the Tagalog Language (1905) ang ganitong obserbasyon: |
{3.19}
"The Tagalog is the most important of the many tongues and dialects of the Philippines, which seem to number well over threescore, on account of its being the most widely understood, the most euphonious, and the most developed by contact with foreign idioms. It thus occupies a similar position to that held by Malay farther to the south, and to English in the world at large. Spoken by over a million and a half of the most energetic race in the islands, occupying the city of Manila, eight provinces surrounding the metropolis, and a number of outlying islands and districts beyond these limits, it is also generally understood by many far beyond its own territory, especially in seaport towns throughout the archipelago." |
{3.20}
Tulad ng ibang mga bansa na naging sakop din, isang ideal para sa Filipinas ang pagkakaroon ng isang wikang pambansa. Kinailangang kausapin ng mga intelektuwal na nagsusulong ng paglaya mula sa mga mananakop ang kanilang mga kababayan. Sabi nga ni Franz Fanon sa kabanatang "On National Culture" ng kaniyang tanyag na The Wretched of the Earth (1963): |
{3.21}
"While at the beginning the native intellectual used to produce his work to be read exclusively by the oppressor, whether with the intention of charming him or of denouncing him through ethnic or subjectivist means, now the native writer progressively takes on the habit of addressing his own people." |
{3.22}
Ganito, halimbawa, ang panuntunang sinunod ni Aurelio Tolentino sa pagpili niyang magsulat ng mga sedisyosong dula sa Tagalog noong bungad ng siglo dalawampu. Sabi nga ni Salvador Lopez sa kaniyang "Talumpati sa pagbubukas ng Palihang Aurelio V. Tolentino" noong ika-20 ng Oktubre 1974: |
{3.23}
"Komunikasyon. Iyan ang mahalagang panuntunan ni Aurelio V. Tolentino sa pagsulat. At sapagkat nais niyang magpahayag sa marami'y sinikap niyang gamitin sa pagsulat ang lahat ng kaniyang alam na wika. Marami sa mga sinulat niya ang may salin sa Pampango, Tagalog at Kastila. At nang sa palagay niya'y higit na epektibo siya at may higit na audience sa Tagalog, dito siya nag-ukol ng konsentrasyon." |
{3.24}
Mahalaga para sa pambansang komunikasyon ang pagkakaroon ng isang wikang pambansa. Isang wika ito para sa lahat, daluyan ng magkakaiba ngunit pinagkakaisang pananaw at hangarin tungo sa pagtatamo ng iisang mithiin. Pagbibigay-diin nga ni Steven Pinker sa kaniyang The Language Instinct: How the Mind Creates Language (1994), "A common language connects the members of a community into an information-sharing network with formidable collective powers." Maging ang Diyos ay nangamba marahil sa pagkakaisang natamo ng mga nagtayo ng Tore ng Babel sa pamamagitan ng isang wika. |
{3.25}
Sa isip ng mga intelektuwal na tagapagbunsod ng nasyonalismo, bindi kasangkapang pangkomunikasyon lamang ang wika. Lunsaran ito ng pagtatagpo ng mga karanasang nagkakaiba-iba ng mga mamamayan. Sa pamamagitan nito ay nabubuklod at nagtatalaban ang mga karanasang ito sa isang pambansang kultura. Sa ganitong paraan, makalilinang ng isang pambansang pagkakakilanlan, halagahan, at mithiin na magpapatatag sa bansa na makikipagharap naman sa iba pang mga bansa sa daigdig. At ahg mabubuong ito ang magiging batayan sa pagbabalangkas ng hinaharap ng mga susunod na salinlahi. Sabi nga ni Ngugi Wa Thiong'o sa kaniyang sanaysay na "The Language of African Literature" na nalathala sa The Post-Colonial Studies Reader (1995) na pinamatnugutan nina Ashcroft, Griffiths, at Tiffin: |
{3.26}
"Language as culture is the collective memory bank of a people's experience in history. Culture is almost indistinguishable from the language that makes possible its genesis, growth, banking, articulation and indeed its transmission from one generation to the next ... |
{3.27}
Kung paanong mapaniniwalaan ang paratang na pagmamaniobra ng mga tagapagplanong pangwika sa mga patakarang pangwika sa Filipinas mula pa noong panahon ni Quezon, hindi rin mapasusubalian na pambansang kapakanan ang nagbunsod sa kanilang mga pagpapasiya. Sa kaniyang talumpati noong ika-30 ng Disyembre 1937, sa pagkakasipi ni Ernest Frei sa kaniyang aklat, ipinahayag ni Manuel Quezon ang ganito: |
{3.28}
"It affords me an indescribable satisfaction to be able to announce to you on this forty-first anniversary of the martyrdom of the founder and greatest exponent of Philippine nationalism I had the privilege of issuing ... an Executvie Order ... designating one of the native languages as the basis for the national language of the Filipino people ... For over three hundred years Spanish was the official language ... Spanish has not become the common language of our people ... English became the language of our country; ... it has not become the language of our people.. .We may borrow for a time the language of other people, but we cannot truly possess a national language except through the adoption, development and use of one of our own ... There was a time it seemed it would be impossible for the Filipinos to agree that one of the native languages be chosen as the national language, but at last we have all realized that if we are willing to accept a foreign language as the official language of the Philippines, with more reason we should accept one of our own languages as the national language of our common country." |
{3.29}
Mahihiwatigan dito ang nasyonalistang sentimyento ni Quezon. Kung matatanggap nga naman ang wikang nagmumula sa banyaga, bakit hindi matatanggap ang isa sa mga wikang katutubo bilang wika ng pagkakaisang pambansa? Hindi lamang paglikha ng isang pambansang simbolo ang kaniyang pinagtibay kundi ang pagkakaisa ng sambayanan sa iisang wika tungo sa pagbubuo ng isang pambansang kultura at hangarin. Sa ganitong makabansang layunin, mga tagapagtaguyod ng Ingles ang higit na nangatog at nameligro. Pahayag nga ni S.P. Lopez (halatang hindi si Cecilio Lopez) sa kaniyang Literature and Society (1940) bilang pagsasanggalang sa Ingles: |
{3.30}
There is nothing in the Filipino soul that cannot be transmitted through the medium of English and which transmitted, will not retain its peculiar Filipino color and aroma ... English has all the advantages claimed for Spanish, and none of the disadvantages laid against Tagalog ... It is well, however, for Filipino writers in English to understand and to prepare for the problems that may arise in the years to come as a result of an increasing emphasis on the teaching of Tagalog as the national language at the expense, inevitably it would seem, of English. |
{3.31}
Nakapagtataka nga lamang kung bakit matapos "maipagkaloob" ng mga Amerikano ang kalayaan ng Filipinas, nanatiling opisyal na wika ng bansa ang Ingles. Ito y sa kabila ng pagkakatakda ng Kautusang Tagapagpaganap na nilagdaan ni Quezon na magiging opisyal na wika ang wikang pambansa sa pagsapit ng ika-4 ng Hulyo 1946. Nanatili rin ang Ingles maging sa mga institusyong pang-edukasyon na siyang pangunahing ahensiy a sa pagpapalaganap ng wika. Pansin nga ni Vicente L. Rafael, "Tagalog has yet to replace English as the sole language of official transactions and higher education. In this sense, Tagalog cannot be thought of as a language of national identity that subsumes all other local identifications." |
{3.32}
Pamantayang Walang Katarungan Sa lingguwistika, nakikita ang wika bilang kasangkapan sa pagtatalastasan. Walang ikinaiba ito sa alinman sa mga kasangkapang ginagamit ng tao para sa preserbasyon at pagpapabuti ng kaniyang buhay at pamumuhay. Bunga ng ganitong kalikasan, malaya ang taong baguhin o paunlarin ang kaniyang wika. Ayon nga kay Valter Tauli: "In any case man is free deliberately to change and improve his language, as he does with his other tools and social codes." |
{3.33}
Ang pagbabagong ito, na dapat sadyain ng tao, ay alinsunod sa mga panlipunang salik na tinukoy rin ni Tauli: "The deliberate direction of language depends on the same factors as change of other social customs and codes: individual initiative, influence of leading persons, authority, prestige, imitative instinct, propaganda, and, last but not least, power." Anu't anuman, laging nauugnay ang pagbabagong ito sa pangangalaga o pagsasaalang-alang ng tao sa ikabubuti ng kaniyang sarili. Sabi nga ni Einar Haugen, sa kaniyang "Instrumentalism in Language Planning" na nalathala sa Can Language be Planned? Sociolinguistic Theory and Practice for Developing Nations ha pinamatnugutan nina sa Rubin at Jernudd noong 1971, "When speakers have in fact shifted language, the motivations have regularly been associated with personal advantage and self-preservation." |
{3.34}
Subalit lampas sa pagiging inosenteng kasangkapan ang wika. Sa layuning makabansa, tulad ng nabanggit na, tagapag-ingat ito at tagapaghubog ng halagahan at pangarap ng isang lahi. Kung paanong napagbubuklod ng wika ang isang maliit na komunidad, gayundin naman, inaasahang mapagbubuklod nito ang isang kalipunan ng magkakaibang pangkat ng mga mamamayan. Sa pamamagitan nito, inaasahang malilinang ang konsepto ng isang bansa na para kay Benedict Anderson ay isang hinaharaya o pinapangarap na komunidad na kasasalaminan ng mga mamamayan ng sarili nilang pagkakakilanlan upang maibunsod silang palayain ang kanilang mga sarili sa mapanupil na mananakop. |
{3.35}
Sa pamamagitan nito, nilalayong malilinang ang isang pambansang kultura na magiging kadluan ng katwiran ng mga mamamayan upang mapanatili at mapaunlad ang kanilang nagsasariling pag-iral. Sabi nga ni Fanon, "A national culture is the whole body of efforts made by a people in the sphere of thought to describe, justify, and praise the action through which that people has created itself and keeps itself in existence." |
{3.36}
Dahil iniluwal ng diwang makabansa, inaasahan ng mga tagapagplanong pangwika sa Filipinas na magagampanan ng kinilala nilang wikang pambansa ang lahat ng nabanggit na tungkulin. Ngunit hindi nila naisaalang-alang na bilang isang bansang multikultural, multilingguwal ang Filipinas. Sa pagkakapili sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa noong 1937, hindi maiiwasang managhili ang ibang pangkat rehiyonal ng bansa tulad ng mga Cebuano, Ilokano, at iba pa. Dito nag-uugat ang kawalang-katarungang tinutukoy ng mga kritiko ng wikang pambansa. |
{3.37}
Dahil lumilitaw na pinaboran, nakita at kinamuhian ang mga Tagalog bilang imperyalista o bagong mananakop. Malay man o hindi, ngunit mapangangatwiranang hindi sa ideolohikong pamamaraan, nakita ng mga Tagalog ang kanilang wika at kultura bilang nakatataas kaysa sa iba, isang pamantayang dapat kilalanin at abutin ng iba. Bunga nito, kung paanong nakilala ang Tagalog bilang wikang pambansa, nagmistulang kulturang Tagalog din ang kulturang Filipino. Bagay itong nagsaisantabi ng mga wika at kultura sa iba't ibang rehiyon ng Filipinas. Sabi nga ni Aurelio Agcaoili, "... ang unibersalistikong tendensiya ... na nanlalahat mula lamang sa partikular na karanasang Tagalog ay ... pinipipi ang tinig ng iba pang mga etnolingguwistikong grupo sa bansa". |
{3.38}
Hindi maipagkakaila ang katotohanang ito sa larang ng panitikan sa Filipinas. Hanggang ngayon, tulad ng pinatutunayan ng mga batayang aklat sa wika at panitikan sa tatlong antas ng edukasyon sa Filipinas, halos isandaang bahagdan ng mga akdang pinag-aaralan o itinuturing na kabilang sa kanon ay Tagalog. Wika nga ni Rosario Cruz-Lucero sa kaniyang sanaysay na "Ang Pitong Buhay ni Arabella: Ang Tagasalin Bilang Malikhaing Manunulat, Kritiko at Literary Historian" na nalathala sa Daluyan noong 1996: |
{3.39}
Kasalukuyang humahabol ang panitikang panrehiyon na makilala ng sentro ng kapangyarihang intelektuwal, i.e., ang akademya ng Maynila ... Sa katunayan nga, bago nakilala ang panitikang panrehiyon bilang bahagi ng panitikan ng Filipinas, ang itinuturing na panitikan ng Filipinas ay tanging panitikang Tagalog at Ingles lamang. |
{3.40}
Naging sentro ng kulturang Filipino ang wikang Tagalog. Kung paanong noong panahon ng kolonyalismo ay dapat magpakahusay sa Ingles upang makilala at kilalanin, mula nang maitalaga ng batas ang Tagalog bilang wikang pambansa, lahat ay inaasahang magpaka-Tagalog. Sa larang ng kulturang popular, halimbawa, sumikat dahil katatawanan ang mga artistang tulad nina Elizabeth Ramsey, Amay Bisaya, Yoyoy Villame, at Redford White. Bukod sa pagdiriin sa ilang "abnormalidad" sa kanilang mga katangiang pisikal, nakilala sila bilang mga Bisayang nananagalog. Nasa kakaiba o di-tamang pananagalog nila ang bisa ng kanilang pagpapatawa. |
{3.41}
Kung kinikilala mang magaling si Pilita Corrales ay dahil mahusay siyang bumigkas ng Tagalog, Ingles, at Kastila sa pag-awit. Ngunit kapag nagsalita na, nagiging komedyante na rin siya. Kaya nga naging patok ang tambalan nila ng Bulakenyong mahusay sa wikang pambansa na si Bert "Tawa" Marcelo noong dekada walumpu sa palatuntunang "Ang Bagong Kampeon" sa telebisyon. Ang totoo, isang paggagad lamang ito sa nauna nang tambalan nina Patsy at Lupito noong dekada singkuwenta sa "Tawag ng Tanghalan." Mahusay ring managalog si Lupito samantalang si Patsy ay katawa-tawa sa kaniyang pananagalog na tunog-Kapampangan. |
{3.42}
Noong dekada singkuwenta pa rin, dalawang malaking pelikula ang tumabo sa takilya dahil kinatatampukan ng mga tauhang kakaiba kaya katawa-tawa: ang "Waray-Waray" na pinagbidahan ni Nida Blanca at ang "Dalagang Ilokana" na pinagbidahan naman ni Gloria Romero. Magkasunurang naitanghal ang dalawang pelikula noong 1953. Produksiyon ng LVN Pictures ang " Waray-waray," Sampaguita Pictures naman ang "Dalagang Ilokana." Parehong galing sa kani- kanilang probinsiya ang mga bida ng dalawang pelikula. |
{3.43}
At dahil probinsiyana, kapuwa nila hindi alam ang pasikot-sikot ng buhay- Maynila. Kasabay ng pagkatuto nilang matuto ng mga kapamaraanan dito, kailangan ding magsalita sila ng Tagalog. Ang pagpipilit nilang magsalita ng kani-kaniyang katutubong wika ang nagbibigay-diin sa kanilang pagiging kakaiba. Dapat silang unawain, pagbigyan, at pakibagayan dahil naiiba sila. Bagaman sa wakas ay kapuwa sila magtatagumpay sa sari-sarili nilang pakikipaghamok sa buhay, kapuwa sila mapapaloob (o tuluyang mapalulukob) sa kulturang Tagalog na kinakatawan ng pakikipag-isandibdib nila sa mga kasintahang taga-Maynila (Tagalog). |
{3.44}
May isa ngang bagong sulpot na komedyante ang minsang napanood kong nagpatawa sa pagsasabi ng ganito: "Sabi nila, Bisaya daw ako, wala naman silang ibidinsiya!" At marami ang natawa. Hindi na kataka-taka. Mula nang maisabatas ang pagiging wikang pambansa ng Tagalog, ito na ang naging pamantayan o standard ng lokal o bernakular na pagtatalastasan. Kung baga sa usaping teolohiko, malaking kasalanan ang paglihis sa pamantayan. Ang nagkasala ay nakikita bilang kaiba, hindi kaisa, at dapat kahabagan sa pagkakamali. Ngunit saan mang anggulo tingnan, sadyang hrndi makatwiran ang ganitong pagtatawa. |
{3.45}
Mapagpanggap na Rehiyonalismo Sa kaniyang aklat na Makabagong Gramar ng Filipino (1992), ipinakita ni Lydia Gonzales-Garcia ang pagkakatulad-tulad ng estruktura at leksikon ng mga pangunahing wika sa Filipinas tulad ng Tagalog, Cebuano, Bikolano, Ilokano, at Pampango. Sa mga halimbawang inihanay niya, tinangka niyang patunayan na "salamin ng kabuuan ng mga wika sa Pilipinas ang Filipino." |
{3.46}
Mula sa pagtanaw ni Garcia, mahihinuhang iginigiit na kung Tagalog man ang pinagbatayan, at bagaman itinutumbas ang Tagalog sa Filipino hanggang sa ngayon, malaki na ang iniunlad ng wikang pambansa. Hindi sila nagkakalayo sa paniruwalang ito ni Virgilio S. Almario na nagsabi sa kaniyang Tradisyon at Wikang Filipino (1997) na: "Ang totoo, sabihin mang nakabatay sa Tagalog, hindi na ito ang Tagalog noong 1935. Tumanggap na ito ng mga pagbabago na hinihingi ng panahon sa isang wikang pambansa." Ang hindi ganap na pagtanggap dito, kung gayon, ay higit na usaping politikal sa halip na lingguwistiko - nasa tao at wala sa wika mismo ang problema. |
{3.47}
Dahil sa pagtataguyod na iniukol ng mga paaralan at ng mass media, higit sa lahat, naging malaganap ang wikang pambansa na kung tawagin mang Tagalog o Filipino ay hindi na mahalaga pa sa mga mamamayang gumagamit. Obserbasyon pa nga ni Almario, "Kailangan lamang tingnan ang paglusog ng komiks, pelikula, at awitin sa Filipino para makilala na tinatanggap at naiintindihan ito sa buong bansa." |
{3.48}
Bunga nito, alinsunod pa rin sa paranaw ni Almario, ang usapin hinggil sa kawalang-katarungan ng pagpili sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa ay lumilitaw na wala naman talaga sa mga alalahanin ng bayan. Dahil may pangangailangang magkaugnay, ang mga karaniwang Filipino na nagkakatagpo ng landas mula sa iba't ibang panig ng Filipinas ay nakasusumpong ng tulay sa wikang kung hindi man nila natutuhan sa paaralan ay naririnig naman nilang ginagamit sa radyo, telebisyon o pelikula. Kaya nga ganito ang kongklusyon ni Almario kaugnay ng nasabing kontrobersiya, "ginagatungan lamang ito ng mga edukado't politikong maka-Ingles at rehiyonalista". |
{3.49}
Sa isang kapuluang kagaya ng Filipinas, sadyang may kultural na pagkakaiba-iba ang mga pangkat ng tao na pinaghihiwalay ng mga karagatan. At pinatindi ng mga mananakop ang pagkakahati-hating ito ng mga Filipino. Dahil sa pamamaraang "paghati-hatiin at sakupin" na ginamit ng mga Kastila, ang mga Filipino hanggang sa kasalukuyan, sa kabila ng pagkakaroon ng iisang bansa at bandila ay nagbubukod-bukod pa rin bilang Tagalog, Ilokano, Pampango, Cebuano, Ilonggo, Waray, Tausug, Badjao, at iba pa. |
{3.50}
Para kay Pamela C. Constantino sa kaniyang Pagpaplanong Pangwika Tungo sa Modernisasyon: Karanasan ng Malaysia, Indonesia at Pilipinas (1991), dito nag-ugat ang rehiyonalismo maging sa pagtanggap ng wikang pambansa. Ngunit mapagdududahan ang pagiging rehiyonalista ng sinuman kung sa halip na ang katutubong wika ang isinusulong ay wikang Ingles pa rin ang ipagpipilitan nitong gamitin. Komentaryo nga ni Rolando S. Tinio, sa kaniyang A Matter of Language: Where English Fails (1990), "I cannot believe that regional chauvinism is so myopic that Filipinos would cut their noses to spite their faces and prefer a foreign language to a local language of another region." |
{3.51}
Kung may pagkakahawig-hawig nga ang mga pangunahing wika sa Filipinas, gaya ng pinatunayan ni Garcia, nangangahulugan lamang na may pagkakahawig-hawig din ang mga kultura ng mga taong gumagamit sa mga wikang ito. Magiging malinaw mula rito kung bakit naging mapang-uyam ang tinig ni Tinio sa kaniyang retorikong pagtatanong: "Is the Cebuano or Bicolano sensibility more like the American than the Tagalog?" |
{3.52}
Nangangahulugan lamang ito na naging napakamatagumpay ng kolonyalismo sa
Filipinas. Pinatutunayan ito ng kawalan ng kakayahang bumitiw sa Ingles ng karamihan
sa mga akademista at elitista. Para sa kanila, at maging sa mga karaniwang mamamayang
sumusunod lamang sa kanilang isinusulong na pamantayan, naging panukatan na ng
intelektuwal na pagtatagumpay ang paggamit ng Ingles. Sa wari ba, lahat na ng mabuti
mula sa pang-araw-araw na paghahanapbuhay hanggang sa mga bagay na pansining at
kultural ay nasa wikang Ingles.
{3.53}
Hindi nalalayo ang ganitong karanasan sa karanasan ng ibang bansang malaon ding
naging kolonya. Pansinin, halimbawa, ang himutok ng Afrikanong intelektuwal at
nasyonalista na si Ngugi Wa Thiong'o:
{3.54}
"How did we arrive at this acceptance of the fatalistic logic of the
unassailable position of English in our literature, in our culture and in our
politics? ...How did we ... come to be so feeble towards the claims of our language
on us and so aggressive in our claims on other languages, particularly the
languages of our colonisation?"
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/plano.html
Si Apo Dakkel at ang Labingdalawang Bilog na Prutas
Ni Billy T. Antonio, Liwayway, 9 Enero 2006
{3.11}
Bisperas na ng Bagong Taon. Nagtataka si Kenneth kung bakit naglagay ng mga prutas
sa gitna ng kanilang maliit na mesa sa kusina ang nanay niya. Dahil likas na
mapagmasid, napansin niya na
pawang hugis bilog ang mga ito. May bayabas, ubas, dalandan at pakwan.
Napuna siya ng kanyang Lolo Amado na kanina pa pala nakamasid sa kanya. Ilang oras pa bago
mag-Bagong Taon.
{3.12}
"Kenneth, apo, halika rito", tawag ni Lolo Amado.
"Opo, 'Lo", tugon ni Kenneth. Naupo siya sa sopa sa tabi ng kanyang Lolo Amado.
"Nagtataka ka siguro kung bakit may mga hugis bilog na prutas sa gitna ng ating mesa,
'no, apo?"
"Paano mo nalaman, 'Lo", usisa ni Kenneth, "na tungkol sa mga bilog na prutas ang
iniisip ko?"
{3.13}
Kanina ko pa kasi napapansin na pinagmamasdan mo ang mga 'yon. Alam mo ba na may
kuwento tungkol
sa paglalagay ng mga prutas na hugis bilog sa hapag-kainan tuwing Bagong Taon?"
"Totoo, 'Lo", kumislap ang mga mata ni Kenneth. "Gusto ko pong marinig ang kuwento
ninyo, 'Lo."
"Buweno", sabi ni Lolo Amado. "Ganito...
{3.14}
Noong unang panahon, ang lahat daw ng mga prutas ay hugis bilog. Bilog ang balimbing.
Maging ang saging ay bilog din. Hindi lamang nilikha ni Apo Dakkel na bilog ang
bawat prutas. Nananatili ring sariwa ang mga ito, Hindi sila nabubulok o nasisira.
Hindi rin sila kinakain ng mga ibon it mga hayop.
{3.15}
Uminom lamang sa Karayan-Nabbiag, ang ilog na umaagos doon, ay mabubuhay na ang mga
ibon at mga hayop. Masayang nagkukuwentuhan at naggpapaganda ang mga prutas sa
buong toon. Kuntento ang bawat isa sa
kanilang sangang kinalalagyan o tangkay na masasabitan.
{3.16}
Subalit bago matapos ang taon, kinakailangan nilang bumaba sa sanga at tangkay nila
at maglakbay
patungo sa templo ni Apo Dakkel. Mahirap man, kailangang sundin nila ang utos. Ito kasi ang
responsibilidad nila. Ilang taon na nila itong ginagawa.
{3.17}
{3.4}
Nang mga oras na iyon ay naghihintay na sa kanyang templo si Apo Dakkel. Inaasahan
niyang darating ang lahat ng mga prutas bago magpalit ang taon. Pinagmasdan niya ang
mahabang hapag
na inihanda niya para sa mga panauhing prutas. Unang dumating si Kaimito. Nagbigay pugay ito
kay Apo Dakkel. Natuwa si Apo Dakkel sa kanya. Sa unang upuan niya itopinaupo. Sumunod na
dumating si Pakwan. Pagkatapos magbigay galang kay Apo Dakkel ay pinaupo
ito sa ikalawang upuan. Sa ikatlong upuan naman naupo si Suha na pupungas-pungas. Kakaupo pa
lamang ni Bayabas sa ikaapat na upuan ay sunud-sunod na ring dumating sina Dalandan,
Milon, Santol, Mabolo, Tsiko at Ubas. Naupo sila sa inihandang upuan ayon sa hanay ng kanilang
pagdating. Marungis na dumating si Lansones. Naligaw raw kasi ito kaya puro pasa at gatla ang
kanyang katawan. Pinaupo ni Apo Dakkel si Lansones sa panlabindalawang upuan. Naghintay si Apo Dakkel sa iba pang mga prutas. Malapit nang maghatinggabi. Nabatid ni Apo Dakkel na wala nang darating pang mga prutas. Nalungkot si Apo Dakkel. Napansin ng labindalawang prutas na nakaupo sa mahabang hapag ang kalungkutan sa mukha ni Apo Dakkel. "Huwag na kayong malungkot, Apo Dakkel", sabi ni Kaimito. "Naririto naman po kami para samahan kayo sa pagbati at pagsalubong sa Bagong Taon." | ... |
{3.5}
"Natutuwa ako't patuloy ninyong sinusunod ang aking utos. Dahil sa kayong
labindalawang prutas ay nanatiling masunurin ay babasbasan ko kayo. Mananatili kayo sa
pagiging hugis bilog. Pagpapalain ko ang bawat hapag na paglalagyan sa inyo", wika ni
Apo Dakkel. Nagpasalamat ang labindalawang prutas sa biyaya nilang natanggap. "May karampatang parusa ang bawat isa sa mga prutas na hindi dumating at hindi sinunod ang aking utos", pagtatapos ni Apo Dakkel. Itinaas ni Apo Dakkel ang kanyang mahiwagang baston. Nabalot ng liwanag ang buong templo. Nang imulat ni Kaimito ang kanyang mga mata ay nasa sanga na ito ng kanyang puno. Nagulat ito. May mga umiiyak. Una niyang nakita si Saging na humahagulgol. Hindi na kasi ito bilog. Humaba ang katawan nito. Tinubuan ng maraming bukol si Guyabano. Nabalutan naman ng tinik ang buong katawan ni Langka na di na maawat sa pagluha. Namaga ang kawawang si Papaya. Ito ang kaparusahan sa kanila ni Apo Dakkel sa pagsuway sa kanyang utos. | ... |
{3.6}
"Mula noon itinuturing nang suwerte ang paglalagay ng mga prutas na hugis bilog sa
hapag-kainan tuwing Bagong Taon", pagtatapos ni Lolo Amado. "Kaya pala naglagay ng mga
sineguwelas, bayabas, dalandan at pakwan at iba pang hugis bilog na
prutas sa gitna ng mesa si Nanay. Suwerte pala ang hatid ng mga ito", bulong ni Kenneth sa sarili. "O,
apo, nagustuhan mo ba ang kuwento?" "Opo, Lolo. Salamat. May nakalaan po palang biyaya sa mga
sumusunod sa utos." Natuwa si Lolo Amado sa tinuran ng kanyang apo. "Matalino talaga ang apo kong
ito. Timmawid kaniak." Ipinagmalaki ni Lolo Amado ang
pagkamana ng apo sa kanya. Sa tuwa ni Lolo Amado niyakap niya ang apo. Isang mahigpit na yakap naman ang itinugon ni Kenneth sa minamahal niyang lolo. "Manigong Bagong Taon, Lolo!" "Manigong Bagong Taon din, apo!" | ... |
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/prutas.html
Quelle: Vir Gonzales at Rino Fernan Silverio: Ang Tunay na Pagkatao
ni Regine Velasquez
LIWAYWAY, 21 Nobyembre 2005 {W Liwayway}
{3.1}
Malaking suwerte ang tinatamasa ngayon ng mang-aawit na taga Bulakan na sa kasalukuyan
ay kinikilalang singing superstar sa mundo ng showbiz. Ang taong ito ay walang
iba kundi si Bb. Regine Velasquez. Paano siya nagsimula, at ano ang kanyang tunay na
pagkatao?
{3.2}
Lingid sa iba, nagsimula si Regine bilang isang mang-aawit sa isang di kilalang restawran
sa Baliuag, Bulacan, sa D-Marcus Restaurant na wala na sa kasalukuyan. Tanda niyang
sumasakay lamang siya ng jeep noon, patungo sa restawrang pinapasukan kasama ang amang si
Mang Gerry na matiyagang nagbabantay sa kanya at pa kape-kape lamang sa isang sulok,
habang siya ay umaawit sa entablado. Bagaman hindi pa uso ang karaoke noon ay talagang
naibigay ni Regine ang boses na tunay na hinangaan ng kanyang manonood, kaya madalas ay
siya ang pinapalakpakan at hinihiling ng marami. Kilala siya noon bilang
isang dating Chona Velasquez, ngunit sa pagdating ng kanyang unti-unting tagumpay ay
pinapalitan ng kanyang unang manager na si Ronnie Henarez ang kanyang pangalan. Ginawa
itong Regina Velasquez na kilala na mga marami sa kasalukayan.
{3.3}
Sa sunod-sunod niyang tagumpay mula nang siya ay makilala sa larangan ng pag-awit at pag
arte sa pelikula ay hindi pa rin nakalilimot magpasalamat si Regine sa Diyos.
Nagpapasalamat siya sa Panginoon sapagkat sinuklian ang kanyang pagsusumikap
at pagtitigaya.
{3.4}
"Minsan nga parang hindi ako makapaniwala", sambit ni Regine habang excited siyang
nagkukuwento ng kanyang mga tagumpay. At sino nga ba ang maniniwalang ang isang
slim and fragile looking girl noon na taga Guiginto Bulacan ay magiging isa
nang big hit at kilala sa showbiz ngayon? Kagilagilalas na mula sa kanyang
pinagmulan a magiging kapantay na siya ng mga kinikilalang artista na
kaniyang nakapareha sa pelikula tulad nina Richard Gomez, Christopher De Leon,
Bong Revilla, Ogie Alcasid, at ngayon ay si Piolo Pascual.
{3.5}
Patuloy pa sa pagsusumikap si Regine na maitaguyod ang kanyang singing career kaya
nga siya ay nataguriang "Asia's Songbird" at sa kabila ng lahat, hindi pa rin siya naging
maramot, sinuportahan na niya ang mga bagitong mga mang-aawit tulad nina Sarah Geronimo
at Jonalyn Viray.
{3.6}
Ngunit hindi lang pala "Asia's Songbird" ang dapat na itawag kay Regine Velasquez
kungdi "Asia's Florence Nightingale" dahil sa kanyang pagiging very generous
and charitable. Hindi lang siya marunong magbigay ng pagkakataon sa mga baguhang
singer, kungdi may puso rin para sa charity.
{3.7}
Kamakailan sa isang very special presentation ng programang Mel & Joey nina
Mel Tiangco at Joey de Leon sa GMA-7, hindi lamang nag-concert ang Asia's Songbird
kungdi nag-auction pa ng kanyang mga mamahalin at slightly-used gowns sa
nasabing programa na ang proceeds
o kikitaing ay ido-donate ni Regine sa Kapuso Foundation. Habang kumakanta si Regine,
imino-model naman ng ilang sikat na fashion models ang kanyang mga gowns
na ginamit niya sa iba't ibang concrts niya rito at maging sa abroad.
Ang mamahaling gowns na likha ng 5 sikat na fashion designer sa bansa ay may
sentimental value na sa Songbird dahil ang mga ito ang sumaksi sa unti-unti
niyang pag-angat bilang singer-recording artist cum concert artist hanggang sa
tawagin na nga siyang "Asia's Songbird". Mahigit 20 mamahaling gowns ni
Regine ang idinisplay sa stage, bukod pa sa mga isinuot at iminodel ng mga
fashion model. At siyanga pala, bukod sa live audience sa studio
at mga televiewer na nanonood sa kanilang mga tahanan, naging
special guests and audience ni Regine ang mga batang may cancer ng
Hospicio de San Jose. Sila ang isa sa magiging recipients ng Kapuso Foundation sa
kikitain sa auction sale ng mga gowns ng Songbird. Alam n'yo bang nang
gabing iyon pa lamang, 14 na gowns ang binili ng mga generous ding
televiewers na umaabot sa mahigit P200,000.?
{3.8}
Pagkatapos ng gabing iyon, tuloy pa rin ang auction sale ng mga gowns ng
Songbird sa kanyang series of concert na "Reflection" gaganapin sa Aliw Theater
sa CCP Complex sa Roxas Blvd., Pasay City. kung tagumpay ang auction sale sa
programang Mel & Joey, tinitiyak na mas magiging succesful din ang
auction sale sa mga concert ni Regine. Kasi, makikita nila nang
personal ang mamahaling gowns na ididisplay din sa stage habang
umaawit si Regine. 8aka nga mag-invite pa ang GMA-7 ng ilang sikat nilang talents
para mag-model ng mga ibinebentang gowns.
{3.9}
Sino kayang singer-concert artist ang makagagawa ng tulad ng pagkakawanggawa ni
Regine na nagbenta ng mga pinaka-iingatang gowns, at aawitan pa ang mga manonood
na bibili pa ng kanyang gowns - na ang kikitain ay mapupuntang lahat sa Kapuso
Foundation? Marahil, nag-iisa lamang ang Asia's Songbird na makagagawa ng ganito
in the name of charity.
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/regine.html
1 Einleitung
2 Originaltext
3 Einzeldaten Syntax
4 Einzeldaten Taglish
Quelle: Nap C. Alip: Jolina, Rica: May Feud ba Hanggang Ngayon?
LIWAYWAY, 04 Hulyo 2005 {T1Q Liwayway}
Jolina, Rica: May Feud ba Hanggang Ngayon?
Ni Nap C. Alip, LIWAYWAY, 04 Hulyo 2005
{5.1}
Noong Teen years nina
Jolina Magdangal at Rica Peralejo halos sabay silang
sumikat. Pareho silang talent ng Ch.2 at itinuring na most promising. Anupa't kumalat noon ang
intriga na may "fued" sina Rica at Jolens. Pati ang kani-kaniyang magulang. Hanggang sa lumipat si
Jolens sa GMA-7 ay nanatili ang ganoong intriga. Nitong mga nakaraang buwan ay balita pa rin na never
nagkasundo ang dalawa at ang mga kampo ng bawa't-isa. Sa interview namin kamakailan kay Jolens ay
inamin niyang nagtataka siya. Paano nga ay di maalis-alis ang umano'y alitan nila ni Rica. Sa totoo
lang, mula't-sapul ay trinato ni Jolens na kaisa si Rica.
{5.2}
"During the time
nasa Dos pa ako ay vibes kami actually ni Rica. We were nice
to each other. Siguro nag-umpisa maintriga kami bunga ng misunderstanding between my Dad and Rica's
Mom." Nasambit ni Jolens. At this point, sumali sa conversation namin ang ama ni Jolens na si Jun.
Aminado siyang umusbong ang mahanghang na usap-usapan noon. Kesyo may mga sinabi si Jun against Rica.
Kaya may mga item na nag-counter attack si Mrs. Peralejo. "Ako mismo ang nasorpresa dahil I didn't
remember an incident that I said unpleasant words about Rica. Besides, magkaiba sila ng kategorya.
Noon ay pulos sexy roles si Rica. Si Jolens naman ay goody-goody o pang wholesome image. Walang dahilan
para paghambingin ko sila." {124} Paliwanag ni Jun. Kumbaga, many water
had passed under the bridge. Patuloy
na umani ng tagumpay si Jolens sa music world, sa TV at sa movies na pampamilya. Samantala, from bold
image ay nag-graduate si Rica. Sa horror films ay nagklik gaya sa Malikmata at Spirit of the Glass.
Na-debelop din ang singing-dancing prowess nito. Katunayan, nagso-show si Rica, kahit sa abroad.
{5.3}
How come
ilang mga reporters pa rin ang nagsusulat na patuloy ang kanilang
rivalry at hidwaan sa tunay na buhay? "Honestly, tuwing may chance meeting kami ni Rica ay nagbabatian
kami. Both of us show affection far each other. I really don't know why some concerns continue to put
color sa professional rivalry namin ni Rica. Once and for all, kaibigan ang turing ko sa kanya.
I'm happy sa success niya lately." Pahayag ni Jolens. Nang makausap namin si Rica sa set ng movie
niyang Hari ng Sablay kung saan leading lady ito ni Bearwin Meily, halos pareho ang naibulalas niya.
Puzzle rin siya sa mga alimuom sa kanila ni Jolens. "Friendly competition ang namamagitan sa amin
ni Jolens. May sarili siyang forte. And I've my own too. Probably, in the past ay nagkaroon ng
miscommunication ang Mommy ko at Daddy niya. Nag-react naman agad ang mga nakapaligid sa amin at ang
respective fans namin. Ganoon lang. Not a big issue indeed which the movie press magnified to the
fullest. Ah, parte yan ng showbiz life." Nasaad ni Rica.
{5.4}
Halimbawang dumating
ang pagkakataon na alukin sina Rica at Jolens na magkasama
sa isang show o sa pelikula ay payag ba sila? "Bakit naman hindi eh noong araw we were together in
some shows. Mas masarap if that happens on these days that we're more seasoned and mature,
character-wise." Sabi ni Rica. Ganito naman ang naisiwalat ni Jolens. "Of course, tatanggapin ko basta
ba okey ang script o may kabuluhan ang concert. That will be a part of growing up, professionally
speaking." Right now, fresh from her U.S. concerts si Jolens. She starts filming Lovestruck ng GMA
Films. May nakatakdang shows sa abroad si Rica.
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/rica.html
Quelle: Bautista, Clemen M. Ang una at huling pag-ibig ni Dr.
Jose P. Rizal
LIWAYWAY, 23 Hunyo 2008 p. 29
{
Liwayway}
Etwas boshaft gesprochen, ist der Artikel unterwürfiger Hofklatsch im Schulmeisterstil und damit typisch für einen Teil der philippinische Journalistik. So wird oft vom ating pambansang bayani (der er erst nach seinem Tod wurde) oder von Dr. Rizal (während er noch studierte) gesprochen. Eine Wortwahl wie z.B. 'der junge Jose' würde der Verfasser vermutlich unangemessen finden.
{3.1}
Sa hanay ng ating mga pambansang bayani, masasabing natatangi, namumukod at
nangunguna si Dr.Jose P. Rizal sapagkat napakarami niyang katangian kaysa iba
pang bayani ng Pilipinas. Dahil dito, sa kalawakan ng kanyang karunungan, naging bahagi
na siya sa bawat mahalagarig bagay na napapaloob sa kasaysayan ng ating bansa. Ang
ating pambansang bayani ay isang makata, nobelista, doktor, manunulat, engineer, guro,
pintor at isang dakilang mangingibig o great lover.
Sa kanyang pagiging isang dakilang mangingibig, may mga manunulat ng talambuhay o biographer na nagsasabing ang ating pambansang bayaning isinilang sa Calamba, (lunsod na ngayon), Laguna noong Hunyo 19, 1861 ay isang international playboy. Sa pagdiriwang ng kaarawan ni Dr. Jose P. Rizal, ang lunsod ng Calamba ang sentro ng selebrasyon. Isang pulang araw sa lalawigan ng Laguna upang mabigyan ng pagkakataon ang kanyang mga kalalawigan na mag-ukol ng nararapat na pagpupugay at parangal sa kadakilaan ng ating pambansang bayani.
{3.2}
Sa bawat bansang kanyang napuntahan habang naglalakbay siya sa Europa,
maraming babaing nagpatibok ng kanyang puso. Niligawan. Minahal. Naging inspirasyon
at aliw o lunas sa kanyang nadaramang pangungulila at kalungkutan sa pagkakalayo sa
kanyang mga mahal sa buhay. At higit sa lahat, sa iniibig nating Pilipinas na kanyang
tinawag na Perla del Mar Oriente o Perlas ng Dagat Silangan.
{3.3}
Maraming babaing nagkaroon ng kaugnayan sa buhay ng ating pambansang bayani
sa larangan ng pag-ibig. Sa bawat bansang kanyang puntahan o tigilan, isa o dalawang
babae ang kanyang nagiging kasintahan. Ngunit karamihan sa mga pag-ibig na iyon ni Dr.
Jose P. Rizal ay pagkahumaling (infatuation) lamang. Gayunman, ang isa sa itinuturing
na unang pag-ibig ni Dr. Jose P. Rizal ay ang pagtatangirig iniukol niya kay
Segunda Katigbak na taga-Lipa (lunsod na ngayon), Batangas. Ayon sa ating pambansang
bayani, ang dalagang ito'y may mga matang mapang-akit, namumurok at namumula ang mga
pisngi. May mapuputing ngipin at may ikinukubling lihim na karilagan.
Nakilala ito ng ating pambansang bayani noong siya'y minsang dumalaw sa bahay ng kanyang lola (sa panig ng ina) sa Trozo, Maynila. Labing-anim na taon noon si Rizal at katatapos pa lamang niya ng pag-aaral sa Ateneo de Manila (unibersidad na ngayon). Sa unang pagkikita pa lamang nila ni Segunda Katigbak ay tinibukan na ng pag-ibig ang ating pambansang bayani. Iginuhit pa niya ang larawan nito nang hilingin sa kanya ng mga kasamahang dalaga ni Segunda Katigbak na panauhin din ng kanyang lola.
{3.4}
Ang pagkikilalang iyon nina Rizal at Segunda ay lalong tumibay nang maging kaklase
ni Olimpia (isa sa mga kapatid na babae ni Rizal) si Segunda sa La Concordia College.
Lagi silang nagkikita tuwing dadalaw si Rizal sa kanyang kapatid na si Olimpia.
Masasabing ang pagkikilala nila'y love at first sight o pag-ibig sa unang pagkikita.
Subalit sa kabila ng katalinuhan ng ating pambansang bayani, siya'y naging isang kimi
at mahiyain sa harap ni Segunda. At nang huli silang magkita at nagkausap noong
Disyembre 1877, hindi rin nakapagtapat si Rizal ng kanyang damdamin sa dalaga. Kaya
nang makauwi na ang dalaga sa Lipa, Batangas, nagpakasal ito kay Mariano Luz na
kanyang kababayan at katipan ni Segunda bago pa man nagkakilala sila ng ating
pambansang bayani.
Makalipas ang tatlong taon, isinulat ng ating bayani ang mga sumusunod tungkol sa kanyang una at nabigong pag-ibig: Nagwakas nang maaga ang una kong pag-ibig. Ipagluluksa lagi ng aking puso ang mga ginawa kong di-maingai na mga hakbang na humantong sa ibabaw ng mabulaklak na bangin. Magbabalik ang aking mga pangarap ngunit ito'y naiiba, natatangi at handa na sa pagkakanulo sa landas ng unang pag-ibig.
{3.5}
Nabigo man ang ating pambansang bayani kay Segunda Katigbak, dalawang dalagang
may pangalan ang nagkaroon ng bahagi sa kanyang puso at pagmamahal. Sila'y sina
Leonor Valenzuela at Leonor Rivera. Ang unang Leonor ay nakilala ni Rizal noong
siya'y nanunuluyan o boarder sa bahay ni Dona Concha Leyva sa Intramuros, Maynila.
Nasa ikalawang taon na ng medisina ang ating pambansang bayani sa Unibersidad ng
Sto. Tomas.
Anak nina Capitan Juan at Capitana Sanday Valenzuela si Leonor Valenzuela. Maganda si Leonor at halos magkasintaas sila ng ating pambansang bayani. Siya'y lihim na niligawan ni Rizal. Ang mga liham niya kay Leonor ay isinusulat niya sa pamamagitan ng invisible ink o tinta na binubuo ng asin at tubig. Ang tinta ay hindi nag-iiwan ng bakas sa papel. Para mabasa ito ni Leonor, itinuro ng ating pambansang bayani ang paraan. Itinatapat sa isang may sinding ilawan o kandila.
Ang pangingibig ni Rizal kay Orang (palayaw ni Leonor Valenzuela) ay hindi nagkaroon ng magandang wakas. Sa hindi malamang dahilan, tinigilan ng ating pambansang bayani ang panliligaw sa dalaga. May nagsasabi na kung sa ating makabagong panahon nangyari ang panliligaw ni Rizal kay Leonor Valenzuela, baka sa pamamagitan ng text sa cellphone ay ipinagpatuloy niya ang panliligaw kung nahihiya man magpahayag ng pag-ibig ang ating pambansang bayani.
{3.6}
Ang ikalawang Leonor sa buhay ni Dr. Jose P. Rizal ay si Leonor Rivera.
Isang magandang dalagang pinsan ng ating pambansang bayani na taga-Camiling, Tarlac.
Unica hija o tanging anak ng mag-asawang Antonio Rivera at Silvestra Bauzon.
Mahinhin kumilos. Maputi o flawless ang kutis ni Leonor Rivera. May
katangi-tanging kagandahan. Kaakit-akit at maganda ang kanyang tindig bagamat may
kababaan nang kaunti. Matalino at may maliwanag na pagkukuro. Dahil dito, Si Leonor
ay nakalulugod kausapin. Marunong tumugtog ng piyano at mahusay umawit. Palibhasa'y
nag-aangkin ng magandang tinig, nabibigyang buhay, niya ang kanyang inaawit.
Nagsimulang magkakilala si Leonor Rivera at Dr. Jose P. Rizal nang pamahalaan ng ama ng dalaga ang Casa Tomasino o ang bahay na nasa Santo Tomas street, Intramuros, Maynila. Nag-aaral ng medisina ang ating pambansang bayani at sa bahay nina Leonor nanunuluyan. Doon sila nagkahulihan ng loob hanggang magkaroon sila ng mabuting pagtitinginan at pagmamalasakit sa isa't isa na humantong sa isang matapat na pag-iibigan.
Ngunit nang mamuno si Rizal sa isang pangkat ng mga mag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas, siya'y napagbintangang isang pilibustero. Dahil dito, ang ating pambansang bayani ay napilitang maglakbay sa Espana. Umalis siya sa Pilipinas noong Mayo 3, 1882 nagkalayo man sila ni Leonor Rivera ay hindi nagbago ang matapat nilang pagmamahalan.
Kung bakit sila nag-break at kung bakit hindi rin natuloy ang plano nilang pagpapakasal ay hindi matiyak ng ibang historian ang mga dahilan. May nagsasabing ang dahilan ay nagsimula sa pag-iimbot sa kayamanan. May nagsasabi naman na ibig ng ina ni Leonor na makitang may maginhawang kabuhayan ang kanyang anak. Ngunit sa salaysay ni G. Leoncio Bauzon, tito o amain ni Leonor Rivera, ang hindi pagkakatuluyan ng dalawa ay nagmula sa ina ng dalaga.
{3.7}
Dahil dito, ang pag-ibig ng Henry C. Kipping, isang inhinyerong Ingles na
ayaw pansinin ni Leonor ay sinikap ng kanyang ina na magtagumpay. Si Kipping ay
ang (ang) engineer na nangasiwa sa pagpapagawa ng mga riles ng tren sa Maynila at
sa Dagupan nang panahong iyon. Kinasabwat ng ina ni Leonor ang empleyado ng koreo
upang pigilin ang mga liham ni Rizal sa dalaga. Nawalan din ng saysay ang paglagda
niya ng Taimis sa kanyang mga sulat sa ating pambansang bayani upang ilihim
sa kanyang ina ang kanilang pag-iibigan.
Nang lumaon, napahinuhod din si Leonor ng kanyang ina na siya'y magpakasal kay Henry Kipping. Sila'y ikinasal noong Hunyo 17, 1891. Nang araw ng kasai ni Leonor, natuklasan niya ang lihim ng kanyang ina. Ngunit nagkaroon man sila ng sumbatan ay wala na ring nangyari. Natuloy din ang kasal. Nagkaanak si Leonor Rivera ng dalawa. Ang panganganak niya sa kanyang pangalawang anak ang pinagmulan ng pagkakaroon ng malubhang sakit na kanyang ikinamatay noong Agosto 28, 1892. Ang pagkamatay ni Leonor Rivera ay nag-iwan ng mapait na gunita sa puso ni Dr. Jose Rizal. Pinakiusapan pa ng ating pambansang bayani ang kanyang mga magulang na siya ay makipaglibing sa paghahatid sa huling hantungan kay Leonor.
{3.8}
Namatay man si Leonor Rivera, siya'y naging isang imortal o walang kamatayang
tauhan bilang Maria Clara sa NOLI ME TANGERE, isang social novel o nobelang panlipunan
na sinulat ng ating pambansang bayani. Si Maria Clara ay ang kasintahan ni Crisostomo
Ibarra.
Sa Kabanata VII ng Noli Me Tangere na may pamagat na Suyuan sa Asutea, ay ganito ang pagpapahalaga ng ating pambansang bayani sa mga alaala ni Maria Clara (Leonor Rivera) sa pamamagitan ng mga pahayag ni Ibarra:
Maaari ba kitang malimot? Ang iyong alaala ay lagi kong kaalakbay at siyang nagligtas sa akin sa mgapanganib na dinanas ko sa aking paglakad; siyang nagbigay aliw sa aking kaluluwa sa pag-iisa ko sa mga ibang lupain. Ang iyong alaala'y nagpawalang-bisa sa loto(bulaklak) sa Europa na siyang pumaparam sa gunita ng marami nating kalahi ng mga pag-asa at kasawian ng tinubuang lupa! Sa mga panaginip ay nakikita kitang nakatayo sa baybayin ng Maynila, nakatanaw ka sa malayong kalawakan ng daigdig, at ikaw ay nababalot ng malamlam na liwanag ng maagang bukang-liwayway. Waring nakikita kitang isang diwata, isang diwa, isang masanghayang sagisag ng aking Bayan - at dahil dito ang pag-ibig mo at pag-ibig ko sa aking Inang Bayan ay nauuwi lamang sa isa.
{3.9}
Isa pa sa naging pag-ibig at naging kabiyak ng puso ni Dr. Jose P. Rizal ay si
Josephine Bracken. Higit siyang malapit sa puso ng ating pambansang bayani kung
ihahambing kay Leonor Rivera. Sinasabing Mayo - Disyembre ang pag-iibigan nina Josephine
Bracken at Dr. Jose P. Rizal sapagkat 18 anyos lamang si Josephine nang makilala siya
ng ating pambansang bayani. Si Josephine Bracken ay isang Irish at anak ng isang
mag-asawang Irlandes na nanirahan sa Hongkong. Balingkinitan ang kanyang katawan at
may bughaw na mga mata.
Ipinanganak sa Hongkong si Josephine Bracken noong Oktubre 3, 1876. Namatay sa panganganak ang kanyang ina kung kaya't inampon siya ni G. Tauter, isang Amerikanong engineer. Dumating sila sa Dapitan noong Pebrero 1895 kasama si Manuela Orlac, upang ipagamot ang nabubulag na mata ng inhinyerong Amerikano. Sa unang pagkikita pa lamang nina Dr. Jose P. Rizal at Josephine ay nagkaibigan na sila. Makalipas ang may isang buwan nilang pag-iibigan, napagkasunduan na sila'y magpakasal. Ngunit ang pari noon sa Dapitan na si Padre Obach ay hindi sila ikinasal sapagkat kailangan pa ang pahintulot ng Obispo sa Cebu. Dahil dito, nag-holding hands o naghawak-kamay na lamang sina Dr. Jose P. Rizal at Josephine Bracken at sila na ang nagkasal sa kanilang sarili. Nagsama sila bilang mag-asawa sa Dapitan.
{3.10}
Naging maligaya ang pagsasama nina Dr. Jose P. Rizal at Josephine Bracken sa
Dapitan. Sa ilang sulat ng ating pambansang bayani sa kanyang mga magulang ay madalas
niyang purihin ang kabutihan ni Josephine. Ipinagtapat din niya ang bagong kaligayahang
nadarama niya sa piling ni Josephine. At isa sa tanda ng malaking pagmamahal
ni Rizal kay Josephine ay ang pag-aalay ng isa niyang tulang sinulat para sa kanyang
kabiyak ng puso. Ganito ang nilalaman ng tula ng ating pambansang bayani para kay
Josephine: "Josephine, Josephine, na nagmula sa ibang bayan, upang hanapin ang pugad
at tahanan, katulad ng langay-langayang namamasdan, kung sa palad ngayon, ika'y
mapadalaw, sa Japan, sa China at maging sa Shanghai, sa pasigang ito'y hindi kita
malilimutan, at sa iyo'y isang puso ang lagi nang nagmamahal!"
Sa pagsasama nina Josephine at Rizal ay nagkaroon sila ng isang anak na lalaki. Ngunit ito'y isinilang nang walong buwan. Nabuhay lamang ng walong oras. Pinangalanan nila ang sanggol ng Francisco sa karangalan ng ama ng ating pambansang bayani. Sa Dapitan na rin nalibing ang sanggol. Ang pagkamatay ng sanggol ay nagdulot kay Rizal ng matinding kalungkutan.
{3.11}
At noong bago barilin si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (Rizal Park na ngayon),
sila'y nagpakasal ni Josephine sa loob ng kulungan. Matapos ang kasal, isang aklat ang
na may pamagat na Imitation of Christ ang ibinigay na alaala ng ating pambansang
bayani kay Josephine. Ganito ang isinulat na paghahandog ni Rizal sa aklat: Sa
pinakamamahal ko at nalulungkot na kabiyak.
Ang mga nabanggit na babae ang masasabing mga pag-ibig at minahal ng ating pambansang bayani. Sila ang mga babaing gumanap ng mahalaga (kasama si Teodora Alonso, ina ni Dr. Jose P. Rizal) at dakilang gawain sa buhay ng martir ng Bagumbayan. Maidaragdag pa ang kanyang walang katulad at pinakadakilang pag-ibig - ang pagmamahal niya nang matapat, wagas at natatangi sa ating Bayang Magiliw na pinaghandugan niya ng buhay alang-alang sa ikararangal at pagkakamit nito ng Kalayaan na kanyang pangarap.
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/rizal_ibig.html
Quelle: Lahan, Virgie Guyguyong: Tanungin Mo Ang Mga Rosas
LIWAYWAY, 25 Setyembre 2006 { Liwayway}
{3.31}
Reyna ng mga Rosas ang dapat daw na itawag sa iyo dahil bihasa ka sa pagtatanim ng mga rosas, sabi ng isang family driver. Nautusan ito ng kanyang boss na bumili ng mga pananim sa Gardens na kung saan ikaw ay namamasukan. | Rosenkönigin sollte man dich nennen, sagen sie, weil du erfahren bist im Züchten von Rosen bist, sagte ein Fahrer. Sein Chef schickte ihn zu Gardens Pflanzen kaufen, wo du oft hingehst. |
{3.32}
Marami siyang tanong tungkol sa pag-aalaga ng mga halaman. Para siyang tagasiyasat. Kulang na lang ng video cam ito upang gawing dokumentaryo sa telebisyon ang inyong pagkikita. Labis siyang humanga sa kaalaman mo sa paghahardin. "Dapat ay meron ding hari, di ba? Meron ka na ba no'n?" usisa niya. | Er hat viele Fragen, wie man Pflanzen züchtet. Wie ein Kriminalbeamter. Es hat nur die Videokamera gefehlt, um eine Dokumentation fürs Fernsehen über das Gesehene zu machen. So sehr hat er das Wissen über die Gärtnerei bewundert. "Es sollte auch einen König geben, nicht wahr? Bist du das etwa?", wollte sie herausfinden. |
"Wala. Wala pa. Kasalukuyan pang naghahanap." Iyon ang sagot mo. "Aha! May kutob akong nahanap mo na siya." Isinenyas niya ang kanyang sarili sa iyo. Naibigan mo ang kanyang biro. Doon nagsimula ang kasaysayan ng inyong pag-iibigan ni mister. | "Nein. Noch nicht. Zur Zeit suche ich noch." Das war deine Antwort. "Aha, ich hab das Gefühl, du hast sie gesucht." Er zeigte seine Gefühle für dich. Du wünschst seine Neckereien. Dort fing die Geschichte deiner Liebe mit deinem Mann an. |
Nagkasundo kayo ni mister na magtulungan upang mapag-aral ang inyong dalawang anak, mapaunlad ang inyong kabuhayan at ... upang mapalaki ang inyong bahay! Sang-ayon kayong mag-asawa na kailangan ninyo ng malaking bahay para bumagay ito sa inyong hardin ng mga rosas. Maliit lang ang naipatayo niyong bahay ni mister ngunit hinahangaan ito ng marami dahil sa mga halamang nakatanim sa paligid nito. | Du und dein Mann haben sich gut verstanden einander zu helfen, um eure beiden Kinder zur Schule gehen zu lassen, euren Lebnsstandard zu erhöhen und ... euer Haus zu vergrößern. Ihr wart bereit zu heiraten, weil ihr ein großes Haus wolltet, das zu eurem Rosengarten passt. Klein war das Haus, das ihr beide bauen konntet, aber ihr habt es sehr bewundert wegen der Pflanzen, die ihr nebenan pflanzen konntet. |
"Regular mong gupitin ang mga rosas upang mabigyan ng pagkakataong lumabas ang ibang buko. Ugaliin mo ring kausapin sila. Iyon ang sikreto ng matagumpay na paghahardin," bilin mo kay mister bago ka umalis. "Opo, kamahalan," biro ni mister. "Pagbalik mo, may palasyo na tayo at may paktorya na tayo ng mga rosas!" Pagkatapos ay sumeryoso ang kanyang mukha. "Alalahanin mong tiwala ako sa iyo kaya kita papayagang mangibang-bansa." | "Schneide die Rosen regelmäßig, um den anderer Knospen eine Gelegenheit zum Blühen zu geben. Sprich immer mit ihnen. Das ist das Erfolgsgeheimnis des Gärtnerns", ermahntest du deinen Mann vor deiner Abreise. "Sehr wohl, Euer Gnaden", scherzt dein Mann. "Wenn du zurückkommst, werden wir einen Palast haben und eine Fabrik für Rosen!" Daraufhin wurde sein Gesicht ernst. "Sorg dich mal, dass ich dir vertraue, dass ich dir erlaube, ins Ausland zu gehen." |
"Maaasahan mo ako, mahal. Pangako. Saksi ang mga rosas na iyan sa aking katapatan sa iyo," paniyak mo. Dala mo sa iyong paglalakbay ang libu-libo ninyong pangarap na mag-asawa. Dala mo rin ang pagmamahal at pagtitiwala sa iyo ni mister. Lahat ng ito at tibay sa dibdib ang kasama mong pumasok sa loob ng imigrasyon. | "Vertrau mir, Liebling. Versprochen. Die Rosen hier sind Zeuge für mein Ehrlichkeit dir gegenüber", versicherst du. Du trägst auf diese Reise die tausende Träume der Ehe. Du trägst auch die Liebe und das Vertrauen deines Mannes in dir. All dies und die Stärke im Herzen sind dein Begleiter, wenn due außerhalb der Passkontrolle bist. |
{3.37}
Tagsibol noong dumating ka sa Jordan. | Es war Frühling, als du in Jordanien ankamst. |
Laking bilib (bilib |1| ≈ hangad) mo sa mga grande at sementadong mga bahay na pare-parehong puti ang kulay. Halos bawat balkon ng mga gusali ay nadispleyan ng halaman at ang mga bintana ay naadornohan ng nakabiting hardin! Kahit hindi sagana sa tubig ang bahaging ito ng Asya ay masipag ang mga taong magtanim ng mga halaman sa kanilang bakuran.
{3.38}
Kinabahan ka noong pumasok ang sasakyang
sumundo sa iyo sa metal na gate ng malapalasyong
bahay. O, Diyos na maawain! Paano mo makayanang linisin ang bahay na ito? Hindi mo
napansiri ang hilera ng mga nakaunipormeng tagalingkod sa bahay dahil ang paraiso ng mga
rosas ang natunghayan mo. Walang kaparis ang kagandahan nila.
{3.39}
Pagkaraan ng isang buwan,
napansin ng mga amo mo ang iyong kaalaman sa
paghahardin kaya inatasan ka na maging kanang kamay ng kanilang hardinero na Ehipto.
Ganoon na lamang ang iyong kasiyahan. Puno ang puso mo sa tuwa at galak tuwing nasa
hardin ka. Walang anuman sa iyo kung nakababad ka sa araw. Ang huni ng mga ibon at ang
tana win ng sari-saring halaman ang konsuwelo mo lalo na ang mga malahiganteng rosas.
Ang mga rosas na ito ang kinakausap mo tuwing nakararamdam ka ng
masidhing
pananabik.
{3.40}
"Ako ba ang iniisip mo tuwing kinakausap mo sila?" "Siyempre naman. Sabi nga ng mga amo ko, nabubuang na raw ako," biro mo. Lagi kayong masaya ni mister tuwing nag-uusap sa telepono. Parang magkatabi lang kayo kung magbiruan. Mahal ka ni mister at mahal mo rin siya. Gagawin niyo ang lahat upang hindi masira ng tiwala niyo sa isa't isa. | "Denkst du an mich, wenn du mit ihnen sprichst?" "Natürlich immer. Meine Chefs sagen immer, dass ich ...", so scherzt du. Immer bist du und dein Mann glücklich, wenn ihr telefoniert. Einander nahe seid ihr, wenn ihr scherzt. Dein Mann liebt dich, und du liebst ihn auch. Ihr werdet alles tun, um euer gegenseitiges Vertrauen nicht zu zerstören. |
Biyernes. Araw ito ng pagsasamba ng mga mamamayan sa Jordan. Araw ito ng pamamahinga kaya ikaw ay pinalalabas ng iyong amo tuwing Biyernes. Malimit kang magtambay sa bahay ng iyong kumare sa downtown. Malaki-laki at malinis ang inuupahan niyang bahay kaya maraming manggagawang kababayan ang nagde-day-off doon sa kanya. Nakikihati na lang ang mga ito sa bayad ng koryente, tubig at pagkain. | Freitag. Das ist der Tag, wo die Einheimischen beten gehen. Tag der Ruhe, deshalb hat dich dein Chef freitags ausgehen lassen. Oft bist du sofort im Haus deiner Patin im Stadtzentrum. Groß und sauber ist ihre Mietwohnung weil viele Landsleute-Arbeiter dort ihren freien Tag verbringen. Sie teilen nur das Geld für Strom, Wasser und Essen. |
Madalas may salu-salo roon. May inuman, kainan, tsismisan, karaokehan, atbp. Tuwing may kantahan, may iyakan lalo na kung malungkot ang kantang nakatutok sa karaoke; mga kanta na puno ng dalamhati't pag-isa sa pag-ibig. Habang tinitira ang nakatutok na kanta ay sinasabayan naman ng konting drama ito. "Mars, ba't sila umiiyak?" naitanong mo. "Ano pa, e di nagsesentimental sila dahil nalulong na sila sa bisyo." "Bisyo? A-ano'ng bisyo?" "Ano pa, e di lalaki! Panlalalaki ang bisyo nila. May mister sila sa 'Pinas pero may mister din sila rito. Ang labas, konsiyertsiya sabay ligaya, ganoon! Kaya sila nagdi-drama. Tawag sa kanila ay drama queen!" | Dort gibt es oft Feste. Trinken, essen, klatschen, Karaoke usw. Während des Singens hört man weinen, wenn eine ergreifende Melodie da noch etwas Drama dazu bringt. "Mars, warum weinen die? hast du gefragt. "Was schon, richtig sentimental sind die nicht weil sie sie zum Laster gezwungen werden." "Laster, was für ein Laster?" "Was sonst, die Männer. Von den Männern kommt ihr Laster. Sie haben einen Mann in den Philippinen, aber hier haben sie auch einen. Das Ergebnis, Gewissen mit Glücklichkeit, so ist das. Weil sie Theater spielen. Theaterkönigin ist der Name für sie." |
{3.43}
Napalunok ka. Gusto mo rin tuloy umiyak dahil naaawa ka sa mga mister ng mga reynang ito na mayroon ng kanya-kanyang asa-asawahan. Wala na bang respeto ang mga ito sa kanilang sarili at sa kanilang asawa at pamilya sa 'Pinas? Hindi kaya sila nakonsiyensiya? "Mars, hindi ko kayang gawin iyan sa asawa ko," sabi mo sabay kurus sa iyong dibdib. "Aba, Mars, dahan-dahan ka sa pananalita. Huwag mong sabihin iyan dahil mapaparusahan ka," sabi ng isang ginang na nakarinig. "Sinong mapaparusahan? Ako? Na mabait? At walang kabit?" | Du schluckst. Du willst auch weiter heulen, da du hoffst auf die Männer dieser Königin hier mit ihrem Männerladen. Haben sie keinen Respekt für sich selbst und ihre Ehegatten und Familie in den Philippinen? Haben sie den kein Gewissen? "Mars, Ich kann sowas meinem Mann nicht antun", sagst du, während du dich bekreuzigst. "Oh, Mars, du hast leicht reden. Sag sowas nicht, weil du gestraft werden kannst", sagt eine Frau, die das gehört hat. "Wer wird gestraft? Ich? Bin doch nicht schlecht? Und ohne Freund?" |
"Mars, ang ibig sabihin no'ng maparusahan ay babalik sa iyo ang sinabi mo," paliwanag ng isa. "Ganyan ka lang dahil hindi ka pa nakakita ng papa. Pustahan tayo, bago matapos ang kontrata mo, may papa ka na rin!" "Amen!" Kinilabutan ka sa mga narinig mo. Tawanan ang mga drama queen sa loob ng bahay. Kahit hindi tunay na magkukumare ang mga ito ay solidong Mare o Mars ang bansag nila sa isa't isa. | "Mars, was ich eben sagen wollte, deine Strafe ist, dass du deine Worte zurücknehmen wirst", erklärt eine andere. "Du bist nur so, weil du noch nicht einen Onkel gefunden hast. Wetten wir, ehe dein Vertrag zu Ende ist, hast du auch einen." "Amen!" Du bekommst eine Gänsehaut von dem, was du gehört hast. Das Gelächter der Theaterköniginnen drinnen im Haus. Weil sie keine echten Patentanten sind, reden sie sich untereinander mit Mare oder Mars an. |
{3.45}
Ganoon sa Abu Sherif tuwing Biyernes.
Pagkakataon ito para sa mga kontratadong
manggagawa upang makapagsimba, makabili ng mga pagkaing Pinoy at upang makapiling ang
kanilang mga kamag-anakan o kaibigan na nagtatrabaho rin sa bahaging ito ng Asya.
Para sa iba,
pagkakataon din ito upang ituloy ang kani-kanilang bisyo. Bago ka umuwi sa bahay ng amo mo
nang gabing iyon ng Biyernes ay tumawag ka muna s Pilipinas upang kumustahin ang iyong
pamilya Nag-agawan ang mga anak mong makipag-usa sa iyo sa telepono. Nag-usap din kayo ni
mister. Sabik ka sa kanya ngunit mas
matindi ang kanyang pananabik.
{3.46}
May kasabihan na mas maige raw ang nararamdaman
ng taong umaalis kaysa taong naiiwan sa Pilipinas. Mas madali raw
ang kalungkutan sa ibang bansa dahil doon ay
wala kang inaatupag kundi trabaho at sarili mo lamang habang sa Pilipinas ay pagod
na nga ang katawan mo sa trabaho, aasikasuhin mo pa ang mga bata pagdating mo sa
bahay. Pagkatapos ay iisipin mo pa kung ano at kung saan ka kukuha ng ihahain mamaya
para sa pamilya mo. Hay naku, tunay ang kasabihan, di ba, Mars?
Kawawa
naman ang mga mister na naiiwan sa Pilipinas.
{3.47}
Hindi mo sinabi kay mister ang iyong naobserhahan sa Abu Sherif. Ayaw mong mag-alala siya. Kagaya ng dati, nagbalitaan kayo tungkol sa mga bata. At tungkol sa mga rosas. Dumarami raw ang koleksiyon ni mister ng iba ibang klase ng rosas. Ibinalita niya sa iyo na ma maraming tao ngayon ang dumarayo sa inyo upang matunghayan ang mga malulusog na pananim niya. "Kahapon may nag-order ng mga rosas. Gamitin daw nila sa pagdekoreyt," dugtong pa ni mister. "Wow, p'wede ka na palang magnegosyo ng rosas!" "Ano'ng p'wede? Sinimulan ko na." | Du hast deinem Mann nicht gesagt, was du in Abu Sherif beobachtet hast. Er soll sich keine Sorgen machen. Letztes Mal, habt ihr über die Kinder gesprochen. Und über die Rosen. Er sagt, seine Sammlung von Rosen wird um andere Arten größer. Er erzählte dir, dass jetzt viele Leute zu euch kommen, um ... |
{3.48}
Natutuwa ka sa magandang balita ni mister. Gabi-gabi ay naisip mo na kay suwerte
mo dahil mabait at masipag ang iyong asawa. Maalalahanin at responsible. Ano pa ang
hahanapin mo sa isang asawa? Alam mo rin na hindi siya nagluluko. Ganoon din ang
nararamdaman niya tungkol sa iyo. Tiwalang-tiwala kayo sa
isa't isa. Mapalad kayong mag-asawa.
{3.49}
Regular ka kung magpadala ng pera. Magtatapos na ang inyong panganay sa haiskul. Magtatapos naman sa elementarya ang bunso sa susunod na taon. Maganda ang takbo ng maliit na negosyo ni mister. Naglabas pa siya ng isang hulugang jeepney. Masipag siyang kumayod. Kapwa kayo kumaakayod at sa pamamagitan ng inyong pagpupursige, kayang-kaya niyong mag-asawa na paunlarin ang inyong kabuhayan, tustusan ang pag-aaral ng inyong mga anak at palakihin ang inyong bahay. | Regelmäßig bist du, wenn es ums Geld schicken geht. Euer Ältester beendet jetzt die Mittelschule. Nächstes Jahr beendet der Kleinste die Grundschule. Gut läuft das kleine Geschäft deines Mannes. Er fährt noch immer mit einem Jeepnee auf Ratenzahlung. Fleißig kratzen sie alles zusammen. ... und mit Hilfe ihrer Ausdauer, ist es euch Eheleuten leicht, euren Lebensstandard zu verbessern, die Schule eurer Kinder zu bezahlen und euer Haus zu vergrößern. |
Biyernes na naman sa Abu Sherif. Araw ng pamamahinga. Gaya ng dati, hindi normal ang araw ng Biyernes kung walang kasayahan. Kung may kasayahan, may karaokehan. At kung may karaokehan, may crying time. "Hoy, mga reyna, p'wede ba tigilan niyo na 'yang crying-crying na iyan?" sabi mo nang may kasamang pagyayabang. Kaya mong magyabang dahil matino ka. Wala kang masamang bisyo. Malinis ang iyong budhi. Naiinis ang mga mare mo sa iyo. May karapatan silang mainis dahil nadapa na nga raw sila bakit mo pa sila minamaliit. Parang napakasama na nila. Dapat ay nakaiintindi ka raw dahil tao lamang sila na marupok. Tao daw sila ... na may pangangailangan. | Es ist wieder Freitag in Abu Sherif. Arbeitsfreier Tag. Wie bisher, Freitag ist nicht normal, wenn es keine Vergnügungen gibt. Wenn es Vergnügen gibt, gibt es Karaoke. Und wenn es Karaoke gibt, dann ist Heule-Zeit. "Auf, ihr Königinnen, könnt ihr da aufhören zu heulen?" sagst du während der gemeinsamen Angeberei. Du kannst gut angeben, weil du rechtschaffen bist. Du hast kein schlimmes Laster. Du hast ein reines Gewissen. Deine Mare sind böse. Sie haben ein schlechtes Schicksal, weil sie ausgerutscht sind, warum erhebst du dich über sie? Als ob sie sehr schlecht wären. Du musst verstehen, weil sie auch nur schwache Menschen sind. Menschen mit Bedürfnissen, sagt sie. |
"Tao lamang? Mga mars, hindi 'yan sapat na dahilan upang kayo ay humanap ng ibang asawa," pangaral mo. "Mars, hindi naman kasalanan ang panlalaki dahil dito lang namin sila asawa!" pangatwiran ng isa. "At saka, Mars, pag-uwi naman sa 'Pinas, siyempre 'yong asawa ko pa rin ang aking asawa!" dugtong ng isa pa. "Apir!" Nagtawanan uli ang mga magkukumare. Nagtunggahan pa sila ng beer sabay lambing sa kanilang mga asa-asawahan na nakikiinom sa mga kalalakihang kababayan. Inis kang umuwi. Nakiusap ka sa iyong mga amo na perahin na lang nila ang araw ng Biyernes mo upang hindi ka na lang magpahinga sa labas. | "Nur Menschen? Ihr Lieben, das ist nicht genügend Grund, um einen anderen Mann zu suchen", predigst du. "Mars, das mit den Männern ist keine Sünde, weil sie nur hier unsere Männer sind", erklärt eine. "Und dann, Mars, wenn wir zurückkommen nach den Philippinen, dann ist immer noch mein Mann dort!" fügt eine andere hinzu. "Los jetzt!" Die Frauen sind wieder glücklich. Sie trinken Bier in großen Zügen zärtlich zusammen mit ihren Männern, die mit ihren männlichen Landsleuten trinken. Ärgerlich gehst du heim. Du hast deine Chefs gebeten, dich freitags zu bezahlen, damit du dann nicht mehr ausgehen brauchst. |
{3.52}
Pinupuri ng mga amo mo ang iyong mungkahi subalit hindi raw posible dahil ibig na nilang mag-live-out ka. Mas maige raw kung naka-live-out ka para maiwasan ang awayan ng mga tagalinis ng bahay na mga Sri Lanki at Indonesian. Naiinggit kasi ang mga ito sa iyo dahil magaan daw ang trabaho mo. | Deins Chefs loben deinen Vorschlag, aber das sei nicht möglich, weil sie möchten, dass du [nicht] außerhalb wohnst. Du sagst, es sei viel besser, wenn du außerhalb wohnen würdest, um Streit mit den Putzfrauen aus Sri Langka und Indonesien. Weil sie neidisch sind, dass deine Arbeit leicht ist. |
Nanghinayang ka. Mas nakameinenos kasi piling live-in ka ngunit wala kang nagawa. Iyon ang kagustuhan ng mga amo mo, kailangang iyon ang sundin mo kundi'y mawawalian ka ng trabaho. Tiis ang ginawa mo lalo na kung umuulan at maraming naghihintay ng taksi. Tiis din ang ginawa mo lalo na kung tiyempo ng Ramadan dahil konti lang ang taksing pumapasada at nag-uunahan ang mga taong makasakay. Ayaw mo namang sumakay sa mga bus dahil siksikan ang mga ito at kadalasa'y mga kalalakihan lang ang sumasakay. Naasiwa ka dahil kung makatingin ang mga lalaki sa banyagang babae ay parang hubad ang mga babae. | Du beruhigst dich. ... aber du hast nichts zu tun. Das ist der Wunsch deiner Chefs, du musst ihnen folgen, oder du verlierst deine Arbeit. Eine Plackerei ist, was du tust, vor allem, wenn es regnet und du oft auf ein Taxi warten musst. Plackerei auch, wenn es Ramadan-Zeit ist, weil es wenig Taxis gibt und die Leute drängeln. Mit dem Bus willst du auch nicht fahren, weil man dort eingepresst wird und oft nur Männer die Fahrgäste sind. Du ... es weil die Männer auf die ausländischen Frauen sehen, als ob sie nackt wären. |
{3.54}
"Mga manyakis talaga! Ang babaho panay ang daing mo sa kumare mo. Mars, konting tiis.
Masasanay ka rin sa buhay ng live-out. Kapag sanay ka na susumbatan pa ako kung bakit
di ko sinabi sa iyo noong una na totoo palang masarap ang mag-live-out." "Mars,
imposibleng mangyari 'yan," 'ika mo. "Mars, walang imposible rito sa Abu Sherif."
{3.55}
Totoo ang sinabi ng kumare mo. Mas maige ang manirahan sa labas dahil mas maraming
libreng oras. Kagaya ngayon, maaga kang umuwi dahil wala 'yong mga amo mo. Nakapunta ka
bayan upang mamili ng mga sariwang isda at pang mga putahe para sa lulutuin mo bukas.
Bukas kasi ang iyong kaarawan.
{3.56}
"Happy birthday! Natanggap mo ba ang card na naipadala ko?" si mister. "Oo. Salamat sa iniligpit mong rosas sa loob." "Pasensiya ka na't tuyong rosas lang ang naipadala ko. Pag-uwi mo rito iispoylin kita," biro ni mister noong nag-usap kayo. Tumawa ka. Kahit sa pamamagitan lang ng telepono ay nakuha pa ni mister na pasiklabin ang iyong damdamin. | "Herzlichen Glückwunsch! Hast du die Karte bekommen, die ich geschickt habe?" fragt dein Mann. "Ja, danke für die Rosen, die du da hereingelegt hast." "Verzeih mir, dass ich nur trockene Rosen geschickt habe. Wenn du zurück bist, werde ich dich verwöhnen", scherzt dein Mann am Telefon. Du hast gelacht. Obwohl nur am Telefon, |
"Ang suwerte naman ng mister mo." Galing sa likuran mo ang bagong boses na iyon. Nilingon mo. "Siguro guwapo siya dahil maganda ka. Karamihan kasi sa magagandang babae ay sa mga guwapo rin bumabagsak." Nakatataba ng damdamin ang bawat katagang nagmumula sa bibig ng bagong mukha. "Salamat," sagot mo sabay pasok sa kusina upang mag-usisa. "Mars, sino ba ang adonis na iyon?" "Kaibigan siya ng asawa ko rito, Mars. Bakit, naguguwapuhan ka ba?" may kasamang kapilyahan ang bulong ng kumare mo. "Mars, ha. Huwag kang ganyan. Nagtatanong lang ako," palusot mo. | "Dein Mann hat Glück." Von hinter dir kommen diese neuen Stimmen. Du blickst zurück. "Sicher sieht er gut aus, weil du hübsch bist. Weil viele hübsche Frauen auf die gutaussehenden Männer fallen." ... der Gefühle auf dem Mund des neuen Gesichtes. "Danke", antwortest du und gehst gleichzeitig in die Küche um mehr zu erfahren. "Mars, wer ist dieser Adonis?" "Er ist ein Freund meines hiesigen Mannes, Mars. Warum, findest du ihn gut aussehend?" |
{3.58}
Napag-alaman mo na nagtatrabaho ang adonis na ito sa labas ng siyudad. Inhinyero raw
sa isang malaking paktorya. Nararapat palang ikarangal ang pagdalo niya sa pagdiwang ng
iyong kaarawan. Lumabas ka uli sa sala upang pakinggan ang pagkanta niya.
{3.59}
Mapanukso ang mga tingin ng adonis sa iyo habang siya ay kumakanta. Bawat titig niya sa
iyo ay pumapasok sa iyong dibdib na noon din ay unti-unting sumisiklab. Ikaw ay namumula.
Nanginginig ang mga tuhod mo lalo na noong isayaw ka niya at nagdikit ang inyong mga
katawan.
{3.60}
Diyos na nakikinig! sigaw ng iyong damdamin. Ito na kaya ang parusang sinasabi ng
mga kumare mo noon? Ito na kaya ang nakatakdang araw na pagdating ng tukso? Masarap
ang tukso. Mainit ang tukso; habang nilalayuan mo pilit namang nilalapitan ka. Parang
halamang rosas ang tukso: habang ginugupitan, lalong lumalago; habang bumubukadkad, lalong
gumaganda. Lalong bumabango!
{3.61}
Pumasok ka sa iyong kuwarto upang huminga nang malalim. Ibig mong punasin ang mga panakaw na
hipo ng adonis na ito sa iyong mga braso ngunit hindi mo pinunas. Nilanghap mo ang amoy
ng kanyang cologne na naiwan sa iyong balat. Ah, ibig mong magkadikit uli ang inyong
mga katawan.
{3.62}
Kinakabahan ka sa mga sandaling iyon ngunit
lumulukso ang iyong damdamin. Sumubsob ka
sa unan. Pumanalangin ka na palakasin
ang iyong loob ngunit lalong humina ang Iqob mo
sapagkat noon din ay pinagmamasdan ka'pala ng adonis na ito.
{3.63}
Mars, maalam at mabilis si adonis. Kaya niyang basahin ang lengguwahe sa iyong mga mata at
katawan. Hindi ka man lang nagkunwaring lumaban, kusa kang nagpatalo. Bago siya umuwi
nang gabing iyon ay nagkaigihan na kayo. Ganito pala ang pakiramdam nang muling umiibig
'ika mo. Mars, pag-ibig nga ba ang dumating sa iyo o tukso ang kumatok sa iyo?
{3.64}
"O tukso, layuan mo ako!" Kanta sabay tawa ang mga kumare mo. Nagtunggahan na naman sila.
Palakasan sila sa pagkanta upang ipagdiwang ang pagsali mo sa kanilang samahan; sa
kanilang masamang bisyo. Tama sila, bago matapos ang kontrata mo ay may papa ka na rin,
Naparusahan ka, Mars. Isa ka na sa kanila. "O, tukso, lapitan mo ako!" lalong lumalakas
ang tono nina kumare. May bago silang rekrut kaya bigay hilig sila sa pagkanta.
{3.65}
Biyernes na naman. Araw ng pagtawag mo sa 'Pinas. Mura ang pagtawag sa araw na ito dahil
maraming promosyon sa mga telekomyunikasyon. Ito ang unang Biyernes na napansin mo na ang
mga pinanabikan mong boses ng iyong pamilya
ay unti-unting nawawala ang dating.
"Mamang, alam mo bumubukadkad na ang mga rosas natin. Ang dami! Si Papang kasi panay ang
dilig at gupit niya sa mga halaman." "Talaga?" iyon lang ang sagot mo kay bunso. "Ha'mo at
padadalhan kita ng larawan," singit ni mister sa telepono.
{3.66}
"Sige nga," matamlay ang pagsagot mo kay mister. Napawi na 'yong boses mo na puno ng buhay
at kasiyahan. Hindi na matamis ang pandinig mo sa boses ni mister. Tinanong ka kung may sakit ka.
Oo, ang sagot mo at sinabayan mo pa ng pag-ubo.
{3.67}
Malungkot na ibinaba ni mister ang telepono para raw makapagpahinga ka. Mars, ang galing
mong umarte. Kunwa'y nawawala ang boses mo at nanghihina ka kaya nagpaalam ka na. Hindi
alam ni mister na pagbaba mo ng telepono ay agad kang hinila ng iyong papa na nakahiga
sa kama at kanina ka pa hinihipo sa likod. Sapat na ang mga hipo niya-upang kayo ay
magpatuloy sa paglaro ng apoy. Mars, nalulong ka na sa larong ito.
{3.68}
Magdadalawang taon ka na sa Jordan. Malapit nang matapos ang unang kontrata mo ngunit
wala kang balak na umuwi. Arig dahilan mo ay katulad na rin ng pangatuwiran ng mga
kumare mo: Bakit ka pa uuwi kung mayroon ka namang asawa sa ibang bansa na mas
masarap magmahal?
{3.69}
Mars, sadyang mas masarap kumarinyo ang iyong papa. Wala siyang sawa sa pagtupad ng
iyong mga kamunduhang pangangailangan. Panay ang dilig sa iyo.
Ganado ka sa pagkayod.
Ngunit ... kung may glorya, may problema: dinidiligan ka nga ni papa sa gabi,
dinudukutan
ka naman sa bulsa. Ginagamit ka na'y kinukuwartahan ka pa. Doble gana si papa! Dahil
ginagastahan mo si papa, lumiliit na ang perang pinapadala mo sa Pilipinas.
{3.70}
"Mahal kasi ang manirahan sa labas dahil sa upa ng bahay, koryente at tubig," sabi mo kay
mister. "Naintindihan kita," sagot ni mister. Muli ay kumagat sa kanya ang mga inimbento
mong kadahilanan. "Hindi ako uuwi pagkatapos ng kontrata ko dahil wala akong ipon.
Nakakahiya naman diyan sa atin kung wala akong maiuuwi," 'kamo. "E, ano kung wala kang
maiuuwi? Alam naman ng lahat ha hindi ka makaipon dahil regular kang magpadala ng pera.
At saka kumikita naman ako, may pera tayo pag balik mo rito."
{3.71}
"Ba't ba ang kulit-kulit mo? Sabi nang walang pera, e!" Pinagbagsakan mo ng
telepono si mister. Nagulat siya pati ang mga bata. Bakit daw biglang nag-init ang ulo mo?
Bakit tila yata may bumabagabag sa iyo?
May sakit ka lang daw sabi ni mister sa mga bata.
{3.72}
Kinabukasan ay sinubukan ni mister na tawagan ka subalit walang sumasagot sa telepono mo.
Ang akala niya ay galit ka pa rin sa kanya kaya nagpasiya siyang palamigin muna ang ulo
mo. Hindi na siya tumawag bago lumuwas sa
Manila. May umarkila sa kanyang
sasakyan kung kaya't wala siya noong tumawag ka.
{3.73}
Nakitaan mo ng pagkakataong ito na lasunin ang isip ng mga anak mo upang isakatuparan ang
lihim mong piano na putulin na ang relasyon mo sa kanilang ama. Mars, dahil lang sa
iyong masamang bisyo ay gagawa ka ng di kanais-nais kay mister. Sa iyong mister na
mabait at walang kamalay-malay sa iyong
pakana.
{3.74}
"Ayun, pumunta ang ama niyo sa Manila na hindi man lang pinaalam sa akin. Siguro meron na
siyang kinalolokohang babae. Sabihin niyo sa ama niyo, hindi na ako uuwi sa atin dahil may
iba na siyang asawa!" "Mamang naman. Hindi ganoon si Papang. Mabait siyang talaga.
Nagbiyahe lang siya dahil may ihahatid sa airport."
{3.75}
Dama mo sa boses ng dalawa mong dalaga na masakit sa kanila ang iyong paratang tungkol sa
kanilang ama. Ipinagtatanggol nila siya.
Mahapdi sa iyong kalooban ito ngunit kailangang
ipagpilitan mo ang iyong pagkukunyaring paratang. Nagawa mong pasamain ang iyong mister
sa pandinig ng mga anak mo para lang mabigyan ng sapat na dahilan ang iyong
masamang gawain.
{3.76}
Mars, nasaan na yaong ginang na mabait at nangakong hindi kailanman lolokohin ang kanyang
asawa? Nasaan na iyong ulirang asawa na regular na magpadala ng pera sa Pilipinas?
Nasaan na si kumareng mabait na mistulang
baliw kung kumausap sa mga magagandang rosas
sa kapiligiran upang pawiin lamang ang kanyang pananabik kay mister?
{3.77}
Mars, tagsibol na naman. Nakausap mo na ba ang mga rosas sa hardin ng mga amo mo? Kailan mo
kinumusta si mister at ang mga rosas sa inyong bakuran na dinarayo ng mga tao sa mga
karatig bayan? Maalala mo ba ang iyonig pangako kay mister noon na magiging tapat ka
sa kanya? Saksi ang mga rosas sa iyong pangako, Mars. Maalala mo? Ah, ang lahat ng
pangakong iyon ay naglaho na.
{3.78}
"Mars, masama 'yang ginagawa mo. Kawawa naman ang inyong mga anak." "Mare, pinadadalhan
ko naman ang mga bata ng pera, a." "Kailan ka huling nagpadala? Noong isang taon?" "Mars,
bahala na ang asawa ko. May hanapbuhay naman siya," pangatwiran mo. "Ano'ng silbi ng
kanyang kinikita? Di ba dapat lamang na magtulungan kami?"
{3.79}
Iba na talaga ang takbo ng iyong pag-iisip. Ang rason mo ay katulad na rin ng
rason ng mga
kumare mo na pinapangaralan mo noon. Hindi mo na iniisip ang kapakanan ng pamilya mo. Nasa
basura na ang mga plano't pangarap niyo ni mister. Masama ang loob ng mga anak mo noong
nalamang hindi ka uuwi. Nasaktan sila sa
paratang mo sa kanilang ama kaya nagrebelde
ang panganay mong dalaga. Nakipagtanan siya.
Subalit sa halip na guluhin ka ng iyong budhi ay nakitaan mo ang sitwasyon ng pagkakataon
upang igiit muli ang pagkukulang ni mister.
{3.80}
"Kasalanan ng ama mo ito!" sigaw mo kay bunso. "Mamang, kayo ang may kasalanan!" "Ang
ama mo ang dapat mong sumbatan, hindi ako!
At ... huwag na huwag mo uli akong pagsalitaan
ng ganyan dahil hindi na ako magpapadadala ng pera!" "Ano'ng pera? Hindi naman kayo
nagpapadala ng pera. May pera naman si Papang. Ibigay niyo na lang ang pera niyo sa
inyong kabit! Kayo ang may kasalanan sa pagwala ni ate!"
{3.81}
Nagsisigaw si bunso. Pinagbagsakan ka ng telepono. Galit ka.
Nanginginig ka sa galit.
Ibinaling mo ang iyong galit sa iyong papa, sa kabit mong nakadekuwatro habang nanonood
ng TFC. "Aba, huwag mo akong masigaw-sigawan nang ganyan dahil hindi ko kasalanan ang
gusot ng iyong pamilya!" "Ano'ng hindi? Nang
dahil sa iyo ay nagkagulu-gulo ang pamilya ko!"
"Bakit ako ang sisihin mo? Sisihin mo ang kalibugan mo!"
"Walanghiya ka! lyan pa ang sasabihin mo sa kabila ng kabaitan ko sa iyo?"
{3.82}
Binato mo si papa ng sapatos. Tinamaan siya sa ilong. Dumugo ito. Umakyat ang
galit niya sa ulo. Nagsalubong ang galit niyong dalawa. Giyera ang labas. Tumayo siya at
binugbog ka. Hindi pa sapat iyong pagbugbog niya sa iyo kaya hinila ka niya saka itinulak
sa may dingding. Maraming nakarinig sa iyong
paghingi ng saklolo ngunit walang ibig lumapit.
{3.83}
Ganoon sa Abu Sherif, walang pakialamanan. Gulo mo, problema mo. Tumigil lang ang
sigawan sa bahay mo noong marinig niyo ang sirena ng sasakyan ng pulisya. Salamat na lang
at di itinuro ng mga usyoso ang bahay mo. Nalibre kayong magkalaguyo. Walang napulis,
walang nakulong.
{3.84}
"Pasensiya ka na. Hindi na mauulit ito," sabi ng iyong papa habang ikaw ay sinusuyo.
Patuloy ang iyong pag-iyak at halos di ka makatayo sa iyong kinaroroonan. Magaling siyang
kumarinyo kaya kahit mahapdi ang iyong katawan ay hinayaan mong magpakalunod uli sa iyong
kamunduhan. Ayos na naman si kumare! lyon ang biruan ng mga kapitbahay.
{3.85}
Hindi na naulit ang giyerang namagitan sa inyo ng iyong asa-asawahan ... ng iyong papa dahil
maingat ka na. Takot kang pagalitin siyang muli dahil baka ikaw ay ipagpapalit sa mga bagong
dating na kababayang manggagawa.
{3.86}
Turing mo na sa kanya ay tunay na asawa. Inaasikaso mo ang lahat ng kanyang pangangailangan. Pagdating niya tuwing Biyernes ay ipinaghahain mo siya ng masasarap na pagkain, ipinapakuluan mo pa siya ng tubig na pampaligo. At paglabas niya sa banyo ay nakahanda na ang kanyang tuwalya't mga damit. | Du erwähnst zu ihm, er sei ein richtiger Ehemann. Du kümmerst dich um all seine Bedürfnisse. Wenn er freitags kommt, kochst du ihm leckeres Essen. , machst ihm Wasser heiß mit Badesalz. Und wenn er aus dem Bad kommt, hast du sein Handtuch und seine Sachen bereit. |
{3.87}
Ah, kay suwerte ng papa mong ito na hindi naman pala tunay na inhinyero. TNT pala siya at hinahanap ng pulisya. Ginagamit ka na'y kinukuwartahan ka pa. May pamilya rin siya sa Pilipinas at maliliit pa ang kanyang mga anak. Sa iyo lang siya palaging umaasa tuwing nagigipit. | Was ist das für ein Glück für Papa, der auch kein richtiger Ingeneur ist. Er wird von der Polizei gesucht. Du wirst nur ausgenutzt, zahlst noch für ihn. Er hat auch eine Familie in den Philippinen mit kleinen Kindern. Er hofft ständig auf dich, wenn er Schwierigkeiten hat. |
{3.88}
Ang buwanang suweldo mo noong una ay kasyang-kasya. Ngunit ngayon ay kulang na sa kabila ng
iyong mga overtime at pagtitinda ng kung anu-anong pagkain sa mga kababayang manggagawa na
umuupa rin ng bahay sa Abu Sherif. Baliw ka na Mars. Nalulong ka na sa bisyo. Tingnan
md ang iyong sarili, pan ang kayod mo para lamang sa iyi papa upang hindi ka niya
iiwanan.
{3.89}
Paano iyan, Mars? Kahit ibig mong patakasin ang lalakJig ito sa buhay mo ay hindi mo kaya
dahil napamahal na siya sa iyo. Kahit ano'ng galit mo sa kanya ay nawawala iyon kung
nilapitan ka't paliguan ng karinyo. Habang ibig mong lumangoy ay lalo kanj nalulunod.
"Puputulin ko iyan kung lolokohin mo ako," panakot mo minsan sa iyong papa. "Kung
puputulin mo, e di wala na akong kayamanan? Wala na tayong
magamit. Kawawa ka naman," biro niya sa iyo.
{3.90}
"Hindi ako ganyan kadesperada," napikon ka. Nilapitan ka niya't akmang haplusin ang
iyong likod. Sinangga mo ang kanyang kamay. Napikon siya hanggang sa nagsagutan na
naman kayo. "Aba, tinatakot mo ba ako? Lalayas ako ngayon din kung iyo ang gusto mo!"
sigaw niya. Batid niya na tuwing sabihin niya ito ay agad kang magpakumbaba ngunit hindi
na ngayon. Puno ka na sa -kanyang mga antik. Hindi ka na kumagat sa kanyang mga
ala-Arabong istelo na pasigaw-sigaw hanggang sa ikaw ay matakot.
{3.91}
"Hah, talagang lalayas ka ngayon din dahil may pulis diyan sa labas! Ipapupulis kita kung
gagawa ka ng gulo. Huwag mo na akong takutin pa. Alam kong may iba ka ng kinukuwartahan
sa taas. Doon ka na sa kanya!" Naramdaman niya ang kaseryosohan ng sinabi mo kung kaya't
agad siyang umalis. Ganoon ang pagwakas nang matagal ninyong pinagsamahan. Masakit sa iyo
ang kanyapg pag-alis ngunit hinayaan mo siya. Pinid na ang pintuan mo para sa kanya. Ang
mga gabi ay naging malamig at malungkot ngunit Hindi mo na siya pinabalik.
{3.92}
Naging malungkutin ka. Palagi kang nag-iisa. Umiiwas ka sa mga dahil nakasisiguro kang
ikaw na naman ang pinag-uusapan mga kababayang mahilig sa tsismis. Nakasusugat ng puso
ang kanilang mga salita, nakasusunog ng kaluluwa ang kanilang mata at nakatutunaw ng
katauhan ang kanilang mga patagong irapan. Ngayon ay alam mo kung ano ang nararamdaman
ng ilan sa mga kababayang nagkamali rin ng daan.
{3.93}
Daan? Ano'ng daan ba ang dapat sundan ng mga kababayan na katulad mong may kalungkutang
binubuhat? Ano'ng daan ba ang dapat tahakin ng mga kababayan na madalas magtago dahil wala lang
silang hawak na dokumento na nagpapatibay na sila ay legal na manggagawa sa Gitnang Silangan?
Marami sa kanila ang walang trabaho. Marami sa kanila ang itinakwil na ng kanilang mga pamilya
dahil sa kanilang masamang bisyo ... kagaya ng naging bisyo mo.
{3.94}
Dalawa o tatlo sa sampung manggagawa ang may problema na dapat lang na ayusin na dahil
sila ay umatanda na. Sino pa ang aaruga sa kanila kapag matanda na sila at hindi na
makapagkayod? Alangan namang habambuhay silang maninirahan bilang kontraktawal na
manggagawa sa Gitnang Silangan. Alangan namang ibambuhay silang nagtatago. Sila ... ikaw
... ay dapat lamang na kumilos na.
{3.95}
Dinalaw ka ng iyong mga kumareng madrama. Nagkakantahan na naman sila. Nag-iiyakan at nagtatawanan uli. Pilit na pinapasaya ang kalungkutang namamahay sa loob ng sala. Taihimik ka. "Mars, kailan ka uuwi? Mahigit isang dekada ka na rito sa Abu Sherif, a." Nagbuntunghininga ka. Tumayo. Tinalikuran mo ang iyong mga kumare at lumapit ka sa may bintana upang hindi makita ang magbuo ng mga luha sa iyong mga mata. | Deine Theatertanten haben dich wieder besucht. Sie singen wieder zusammen. Heulen und lachen wieder. Heimweh ist die erzwungene Fröhlichkeit innerhalb des Zimmers. Du bist still. "Tanta, wann gehst du zurück? Mehr als 10 Jahre bist du nun hier in Abu Sherif." Du seufzt, stehst auf. Du wendest deinen Tanten den Rücken zu und gehst zum Fenster, damit man nicht sieht, wie deine Tränen kommen. |
"Saan ako tutuloy pag-uwi ko?" "Saan pa, e di sa inyo rin." "Papaano kung pagtabuyan ako? At saka si mister may asawa ng iba. Alangan namang magkakasama kaming lahat sa iisang bubong." "Si Mars naman, sa imahinasyon mo lang iyan. Wala ka namang ebidensiya na meron ng ibang kinakasama si mister, a." "Mars, sa tagal naming di nagsama alangan naman hindi pa siya nakahanap ng iba," sabi mo. |
"Wo soll ich unterkommen, wenn ich zurückgehe?" "Wo schon, wenn nicht bei euch?" "Wie, wenn ich abgewiesen werde? Und vielleicht hat mein Mann eine andere Frau?" Es ist nämlich ungewöhnlich, dass alle unter einem Dach leben." "Das ist nur Tante, die solche Ideen hat. Es gibt keinen Beweis, dass der Mann jemanden anderes hat." "Tante, in unserem Alter ist es nicht ungewöhnlich, dass man zusammen ist, dass er nach jemandem anderes sucht", sagtest du. |
{3.96}
Tumahimik sandali ang grupo. Naputol ang katahimikan noong isa sa mga kumare mo ang
nagsalitang muli. "Ba't hindi ka na lang uli humanap ng iba, Mars, para naman may libangan ka?
Bata ka pa naman. May hitsura pa kahit lampas kuwarenta ka na. P'wede ka pang makatiklo."
"Mars, graduate na ako riyan," sagot mo.
{3.97}
"Mars, dahan-dahan ka sa pagbitiw ng salita." Muli kang binalaan ng mga kumare mo.
Kantiwayan uli sila. At ... nagpustahan pa. Ngumiti ka lang. Ayaw mong magsalita nang patapos
dahil baka bumuwelta uli ang salita sa iyo. Ayaw mo nang maparusahan pang muli. Ang layunin mo
ngayon ay kung papaano mabuong muli ang iyong winasak na tahanan.>
{3.98}
Panay ang dalaw mo sa simbahan ngayon. Nangingimbulo ang pagkainggit mo sa mga
kababayang nasa simbahan na masayang nakikisalo sa mga magagandang awitin. Buti pa sila 'ika mo
sa sarili at walang nararamdamang kalungkutan. Pinigilan mo ang iyong sarili sa pag-iyak lalo na
noong makita mo ang mga rosas sa may altar.
{3.99}
Tagsibol na nga pala! Parang nanunudyo ang pagkakataon dahil paglabas mo sa simbahan ay
sinalubong ka ng batang Arabo na nagtitinda ng mga rosas. "Wardeh kaiwaisah, madam?" Maganda raw
ba ang mga rosas tanong ng batang Arabo. "Kuwayesh." Simpleng sagot mo rin
sa salita ng Arabo.
{3.100}
Oo. Ang gaganda ng mga rosas. Nakaiinggit sila sapagkat ang layunin nila sa buhay ay ang
magbigay kasiyahan sa mga taong malungkot, urrtiibig, atbp. Nagiging saksi pa sila sa mga pusong
nagsusumpaan. Sana, puwede rin silang maging tulay sa dalawang pusong malayo na sa isa't isa
kagaya niyo ni mister. Sana.
{3.101}
"Biddek, madam?" Gusto mo raw bang bumili? tanong uli ng batang Arabo. "Aywah. Atini wahad."
Bumili ka ng isang kumpol. Matapos mong amuyin ang mga rosas ay muling sumiksik sa isipan mo si
mister. Kumusta na kaya siya? May pag-asa kaya kayong magkabalikan? Kumusta na
kaya ang mga rosas na ipinagbilin mo sa kanya? Inaasikaso pa kaya sila ni mister kahit na
binigo mo siya? Humina ang iyong loob.
{3.102}
Lumulunsad na ang eroplano sa NAIA. Sumilip ka sa maliit na bintana. Sumilip din ang mga
kababayang nakasabay mo sa pagbabalikbayan. Ang sasaya ng mga boses nila. Nangingibabaw ang
pananabik sa kanilang mga boses'. Pilipinas na! Hakikita mo ang maraming puno na kulay berde,
ang mga dikit-dikit na bahay at ang anyo ng malawak na tubfg. Habang bumababa ang eroplano sa
Ninoy Aquino International Airport ay bumababa rin ang iyong pulso. Ibig mong bumuwelta na
ang eroplano. Natatakot kang lumabas sa airport.
{3.103}
Wala kang inaasahang sasalubong sa iyo dahil hindi mo ipinaalam sa pamilya mo ang iyong
pagbabalik. Para ano pa 'ika mo, kung hindi ka naman papansinin.
Habang itinutulak mong pababa ang iyong trolley' sa kinaroroonan ng mga sumasalubong sa airport
ay inilibot mo ang iyong mga mata. May mga nakahawak ng karatula na nasulatan ng pangalan ng
kanilang sasalubungin. Walang nakasulat na pangalan mo. Kumirot muli ang iyong dibdib.
{3.104}
Huminto ka sa pagtulak ng iyong trole. Nagsuot ka ng itim na salamin upang hindi mapansin
ng mga tao ang pamumula ng iyong mga mata. Tuluy-tuloy ka na sa labas ng parkingan upang pumara
ng sasakyan nang may tumawag sa iyo.
{3.105}
"Lola! Lolaaaaaaaah!" Hinanap mo ang boses. Ikaw ang tinatawag ng isang maliit na batang
babaing nakahawak ng isang makapal na kumpol ng mga rosas. Ang apo mo! Patakbo siyang sumalubong
sa iyo sabay abot ng mga bulaklak.
{3.106}
Diyos na mapagpatawad! Ito ba'y panaginip lamang? Hindi, Mars. Hindi ka nanaginip. Totoo
lahat ang nagaganap sa harapan mo. Mga luha mo'y hindi mapigilan sa pagtulo. Marunong ang Diyos,
gumawa Siya ng paraan upang ang iyong mga minamahal sa buhay ay bigyan ka ng ikalawang
pagkakataon.
{3.107}
Nandoon ang bunso mo, kasama ang kanyang asawa. Nandoon din ang panganay mo kasama ang
kanyang pamilya. Silang lahat ay nandoon subalit ... wala si mister. Hindi ka nagtanong
kung nasaan siya. Tanggap mo na sa iyong puso, Mars, na si mister ay bahagi na lamang ng
isang kahapon.
{3.108}
Kahit masakit ang mga tinik ng mga rosas sa iyong balat ay idinikit mo ang mga ito sa
iyong dibdib. Masarap ang pakiramdam ng mga tinik. Dapat lang 'ika mo na sugatan ka
ng mga rosas. Mayroon ka rng atraso sa mga ito, di ba? Ah, malaki na ang bahay na matagal
mong iniwanan. Nabili ni mister ang lote sa likuran at ginawang ekstensiyon ito ng
pataniman niya ng mga halaman. Mayroon pa siyang mga alalay na hardinero at tagapamubay
sa mga iskorsiyonistang dumadalo sa pataniman. Sadyang tinupad ni mister ang kanyang
pangako sa iyo na pag-uwi mo ay malaki na ang bahay niyo at may pataniman na kayo ng mga
rosas!
{3.109}
Ngunit nasaan siya? Bakit ilang linggo mo na sa'Pinas ay hindi pa siya nagpapakita? Pinid
ang bibig ng mga anak mo. Ayaw nilang makialam sa drama niyong mag-asawa. Ah, kung nandito lamang
siya at nakita niya ang iyong pagbabago; kung nandito lamang siya at marinig niya ang iyong
pagsisisi.
{3.110}
Patuloy ka sa paghahardin. Ikaw ngayon ang namamahala sa pataniman. Ginugugol mo ang iyong
oras sa pataniman kahit sunog na ang iyong balat sa araw. Mabuti pa ang magbabad sa araw dahil
kasama mo ang mga rosas ... para mo na ring kasama si mister. Para mo na ring kausap
si mister.
{3.111}
"Kumusta na ang Reyna ng mga Rosas?" boses ni mister! Bigla kang tumindig. Nabitiwan mo
ang iyong ginagamit na gunting. Naihagis mo ang mga hawak mong kagugupit na tuyong dahon
at bulaklak. Nahihiya kang tumingin sa kanya. "K-kanina ka pa ba?" "Oo. At ... narinig
ko ang lahat na sinabi mo sa mga rosas. Bakit di mo sila tanungin kung mahal ka pa ng
kanilang hari?"
{3.112}
"N-natatakot ako ... sa kanilang isasagot." "Sasabihin nilang mahal pa rin kita."
Nahihiya kang magpaliwanag. Umiyak ka na lamang. Hinayaan ka niyang umiyak hanggang naibuhos
mong lahat ang iyong pagsisisi. Gumupit si mister ng isang rosas at inipit niya ito sa
iyong buhok. Dinama mo arig malambot na rosas sa iyong buhok. Nakuha nito ang
mensahe mo.
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/rosas.html
1 Einleitung
Kapitel 8 Originaltext
Quelle: Hidalgo, Antonio A.: Ang Masayang Mundo ni Nestor D.,
Maikling kuwento
Quezon City 2001 { Hidalgo 2001}
Sabungerong galit sa pera (p. 61 - 70)
{8.1}
Sinabi ko na nga ba - magsasabong uli si Nestor Divinagracia. Matagal siyang huminto nang
mahulog ang kanilang huling laban sa malaking derby sa Roligon, dahil nag-away sila ni
Katrina - ang kanyang maganda, bata at dayuhang asawa na kulay Olandes ang mahabang buhok.
Pinilit ni Katrina na siya ang magtari sa huling manok, dahil running for champion sila
sa 6-cock derby na may gantimpalang mahigit na isang milyong piso.
{8.2}
Masyado kasing mahigpit ang pagtari ni Nestor sa ikalimang panabong at matatalo
na sana ito, kundi lang nagsarili ang kalaban. Masyado namang maluwag ang pagtari ni
Katrina sa ikaanimna tinali, kaya nakalag ang tari nito nang tinamaan ng kalaban at
nadisgrasya* ang isang tunay na dakilang panabong.
{8.3}
Dahil sa kanyang malalim na kabiguan sa nangyari, ilang taon humintong magsabong si Nestor. Kami naman ng kaibigan kong si Abet ay nagtuloy munang magsabong, dahil malaki-laking kapital - daang libo - ang tinamaan namin nang mag-insurance kami kontra sa huling sasabungin ni Nestor sa Roligon derby. | ... |
{8.4}
Subalit wala kaming katutubong talino sa pagsasabong, di kamukha ni Nestor, kaya utay-utay kaming natalo sa mga sumunod na buwan, hanggang naubos na ang aming puhunan. Huminto na rin kaming magsabong, dahil mahirap kumita at hindi mapigilan ang paglaki ng aming mga anak. Halos nalimutan na namin ang katamisan at kapaitan ng aming piniling bisyo sa buhay nang biglang sumulpot na naman si Nestor. | ... |
{8.5}
"Minanghalian kyo Abet bahay Linggo", 'ika ng text niya sa akin. Tinawagan ko agad si Abet upang ipaabot ang mensahe. Nagkita kami ng Linggo nang umaga at sabay kaming lumakad kina Nestor sa antigong Datsun ni Abet. Sa San Lorenzo Village sa Makati pa rin nakatira si Nestor at si Katrina - sa isang magarang bungalow na may maluwag na hardin. Pinagbuksan kami kaagad ng pintuan ni Nestor nang kami'y tumimbre. | ... |
{8.6}
"O, mga pare! Mabuti naman nakuha n'yong pumasyal sa aming munting tahanann. Halikayo sa salas at magkuwentuhan muna tayo bago kumain," ang salubong sa amin ni Nestor. Umupo kaming tatlo sa mahabang balat na sopang kulay-kape na may gatas. "Munti ba naman 'tong bahay mo, Nestor?" 'ika ko sa kanya, "nakita mo naman ang mga bahay namin ni Abet sa Cainta - 'yon ang mga tunay na munting bahay." "'Tong si Oscar talaga, nagpapakumbaba na naman," sagot ni Nestor. "Alam mo namang magkapitbahay tayo dati't di importante sa 'kin ang mga bagay na 'yan." | ... |
{8.7}
Mukhang masaya si Nestor sa pagdalo namin. Halos hindi siya nagbago. Makinis pa rin ang kanyang itsura, maikli at ayos ang buhok, mamahaling baro't sapatos ang kanyang suot, maskulado at malusog ang kanyang katawan at, siyempre, seis piye at tatlong pulgada pa rin ang kanyang taas. "Nandirito ba si Katrina?" tanong ni Abet. "Nasa kusina, naghahanda ng ating tanghalian." "Naglalaban pa ba kayo?" tanong ko naman. | ... |
{8.8}
"Matagal na kaming huminto. Pero gusto ko sanang magsimula uli, kahit ayaw na ni Katrina. Tinabangan na siya sa sabong mula nang matalo ang huling panlaban namin sa Roligon." Natawa kami ni Abet, dahil natandaan namin ang nangyari sa taring ikinabit ni Katrina. Biglang idiniin ni Nestor ang hintuturo niya sa kanyang labi. "Huwag ninyong babanggitin kay Katrina ang kapalpakan sa Roligon. Hanggang ngayon ay masama pa ang loob niya." | ... |
{8.9}
Pumasok si Katrina sa salas at tumayo kami upang batiin siya. Niyakap niya muna ako at hinalikan sa pisngi. 'Tapos si Abet naman. Hindi kinailangan ang babala ni Nestor. Aling klaseng lalaki ang maaaring sumugat ng loob ni Katrina? Ang bangu-bango niya, kumikislap sa ilaw ang kanyang mahabang Olandes na buhok, pinung-pino siya kumilos, ang laki at napakasigla ng kanyang mata, at kitang-kita namin na ang seksi ng kanyang pigura, kahit simpleng maikling itim na palda at puting blusa lang ang kanyang suot. Nabighani na naman kami ni Abet sa mestisang asawa ni Nestor. | ... |
{8.10}
"Kumain na kayo. Pasiyensiya na at umorder lang ako ng mga sanwits sa Oliver's dahil magsisiyaping kami ng kaibigan kong si Sylvia sa Glorietta. Hindi na ako sasabay sa inyong kumain, para hindi na maistorbo ang inyong kuwentuhan. Sige, Nestor, lalakad na ako. Ikaw na ang bahala riyan." | ... |
{8.11}
Paglisan ni Katrina'y parang dinala na rin niya ang bahagyang sikat ng araw na pumapasok sa bintana ng salas. Ngunit nalimutan ko agad ito nang nagsimula kaming kumain. Nasarapan ako sa aking piniling sanwits - sardinas at atsarang pipino sa rye na tinapay. Madali kong naubos ang dalawa nito at dalawang boteng Snapple na katas ng kahel. Hindi ko na pinansin ang pagkain ni Abet, dahil talagang masarap siyang kumain, kaya napakataba niya. Siguradong doble ang kinain niya kaysa sa akin. | ... |
{8.12}
Hindi kumain si Nestor at parang tumamlay siya sa paglisan ni Katrina. Sinamahan lang niya kami sa mesa't uminom ng Johnnie Walker Black na may yelo. Nabuhayan lang siya nang matapos na kaming kumain at sinimulan na niyang ipaliwanang ang kanyang bagong pakana sa pagsasabong. | ... |
{8.13}
Nagpahanda na pala siya ng tatlong panlaban sa kanyang palahian sa Lipa. Isasali namin sila sa 3-cock derby sa Angono sa Martes, kung saan mahihina ang panabong at siguradong magkakampiyon kami. Sa araw gaganapin ang derby, kaya huwag na raw kaming pumasok para sumama sa kanya. "Okey, marami pa akong di nakuhang bakasyon sa opisina," ang sagot kaagad ni Abet. | ... |
{8.14}
"Pero, Nestor, kilala ka sa lahat ng sabungan. Siguradong itatapat ang mga manok mo sa kapuwa magaling," ang sinabi ko naman. "Hindi, ibang klaseng derby 'to - ulutan - puwedeng mamili ng kalaban. Madaling pumili ng tangang kalaban doon. Sumama na kayo at nalulungkot na ako sa buhay na walang bisyo. Pare-pareho tayong kikita." "Totohanan ba 'yan?" tanong ko kay Nestor, habang nagkukunwari pa akong hindi ako sabik na magsabong muli. Sinira ni Abet ang aking pagkunwa. | ... |
{8.15}
"Tama ka na nga riyan, Oscar. Parang ayaw mo pang magsabong habang maya't maya niyayaya mo akong pumasyal sa sabungan. 'Buti nga 'to, matatayaan pa natin ang manok ni Nestor. Sige, pareng Nestor, magkita tayo sa Angona sa Martes. Ako na ang bahala rito kay Oscar." | ... |
{8.16}
Tumawa si Nestor at binigyan niya ng high-five si Abet. Tumawa na rin ako nang binisto ni Abet ang laro ko. Nag-inuman kaming maghapon ng masarap na alak ni Nestor, dahil nagtagal si Katrina sa kanyang siyaping. Binuhay naming muli sa kuwentuhan ang mahaba naming pinagsamahan sa sabong, pati na ang mga kataka-takang eksperimento ni Nestor sa pagpapalahi at sa mahiwagang pagsasabong, batay sa mga senyales ng manok. | ... |
{8.17}
Palagay ko'y nalasing na si Nestor, dahil hindi siya nagalit sa pagkantiyaw namin ni Abet. Madalas pa nga siyang tumawa nang malakas. Noon ko lang nakita si Nestor na tinawanan ang kanyang sarili. Naghiwalay lang kami nang dumating na si Katrina nang bandang gabi. Ako na ang nagmaneho ng kotse ni Abet, dahil kaya kong magmaneho kahit lasing. | ... |
{8.18}
Bagama't Lunes lang ang araw na ibinigay ni Nestor sa amin upang maghalungkat ng kuwartang itataya sa kanyang mga panabong, nakapag-ipon pa rin kami ng limang libo. Sa katotohanan lang, si Abet ang gumawa ng paraan. Inapura niya ang kahera ng kanilang kompanya na bayaran ang mga gastos niya sa loob ng isang buwan nang pag-iikot upang magbenta ng mga gamot. Inutang ko ang kalahati ng sinigil ni Abet. Natural, wala kaming sinabi sa mga Misis, at akala nila'y pumasok kami sa trabaho ni Abet nang dumating ang Martes. | ... |
{8.19}
Nanood muna kami ng sine sa Ever-Gotesco sa Rosario, dahil kailangan naming umalis nang maaga sa bahay upang hindi mahalata ng mga Misis. Halos walang taong nanood sa unang palabas sa umaga. Tatatlong pares lang na nagkakaplugan nang seryoso ang kasabay namin sa loob ng sinehan. Sa kalagitnaan ng palabas, nagbiro pa itong si Abet na na-iinggit daw siya sa mga pares at hiningan niya ako ng isang halik. Pero umaray naman siya nang pinisil ko ang kanyang kanang utong. Napakalakas ng tawanan namin kaya nilapitan kami ng aser na may plaslayt at binigyan kami ng isang malupit na titig. Mabuti na lang hindi kami pinalabas. | ... |
{8.20}
Nagpasiya kaming kumain na lang sa sabungan pagkatapos ng sine. Naroroon na si Nestor pagdating namin sa Angono. Dinala niya kami sa kaisa-isang karinderiya at doon niya kami pinakain. Hindi na siya umorder, basta't binigyan kaming lahat ng tindera ng tig-isang platong may kanin, pansit kanton at litson na may sarsang atay. "Libre ang pagkain ng lahat ng kasali sa derby,"' ika ni Nestor. "Magkano ang entry fee?" tanong ni Abet. | ... |
{8.21}
"Isang libo't isang daan lang, at ang gantimpala ng lahat ng mananalo ng tatlong
magkasunod na laban ay kinse mil." "Aba, lamang tayo rito," ang sabi ko naman. "Halos bawi
na ang entry fee sa pagkain at may gantimpala pa. Anong pangalan ng entry?" {
"Siyempre, Nestor D." "Pakiyut naman," sabi ni Abet. "Sigurado kang Llamado sa pangalang
'yan," 'ika ko naman. |
... |
{8.22}
Pagkatapos naming kumain, pinuntahan namin ang mga panlaban ni Nestor. Nakakahon ang tatlo sa entresuwelo ng sabungan. Ubod nang init doon. Bulok na bulok kasi ang sabungan at gawa lamang ito sa kahoy at yero. Mababa ang bubong at kulang ang mga bintana, kaya parang impiyerno ang buong sabungan, lalung-lalo na at Abril noon at nalalapit na ang Mahal na Araw, ang pinakamaalinsangang bahagi ng taon. Ang entresuwelo ang pinakamainit na parte ng kumukulong sabungan, pero nakapagtataka kung bakit ito ang ginawang pahingahan ng mga ilalaban sa derby. | ... |
{8.23}
"Bakit wala kang dalang tikluping kulungan na may takip na basang sabana, kamukha noong araw?" tanong ko kay Nestor. "Para parati silang mainit at handang lumaban." Inilabas niya ang unang ilalaban na mukhang hapung-hapo, dahil bukang-buka ang tuka nito sa paghihingal. Abuhin ang manok, mahaba ang kanyang puting buntot, mataas siya at mukhang listo naman nang inilapag ni Nestor nang sandali. Dinala ni Nestor sa ulutan at sumunod kami. | ... |
{8.24}
Kauupo pa lang ni Nestor sa bangko sa ulutan nang lapitan siya ng batang tagapag-alagang may hawak na bangkas. Hindi man lang ikinahig ni Nestor ang abuhin sa bangkas bago siyang pumayag magpatari. "Anong tingin n'yo?" tanong ni Nestor habang naglalatag siya ng mga tari at iba pang gamit. Hindi sumagot ang kanyang tagapag-alaga na mayhawak ng abuhin. "Parang malaki't mataas ang bangkas," ang prankong sagot ni Abet. "Mas malaki pero pmarupok," ang sabi ni Nestor. "'Wag kayong mag-alaala, magaling 'tong abuhin. At ayokong mag-aksaya ng panahon, dahil may kompromiso pa ako nang alas-singko. | ... |
{8.25}
Umakyat kami ni Abet upang rrianood ng laban habang nagtatari si Nestor. Isang dalusapi at talisain ang binitawan sa ruweda. Matagal silang naglundagan bago magkatamaan. Nasaksak ng dalusapi ang talisain sa hita. Tumakbong pumipiyok ang talisain. "Mukhang napakahina nga ng mga manok dito," sabi ko kay Abet. "Oo nga, itodo na kaya natin ang pera sa unang laban." "Huwag naman, kalahati na lang." | ... |
{8.26}
Alimbuyugin at mayahin ang sumunod na laban. Mabilis ang alimbuyugin at mataas siyang lumipad. Ang dami niyang palo sa itaas at tatlong beses pa niyang nakapitan at nasiyapol ang mayahin. Dumapa ang mayahin sa lakas ng palo ng alimbuyugin. Pero nang humintong pumalo ang alimbuyugin, tumayo ang mayahin at kumilos na parang walang sugat. Diniyab niya nang minsan ang alimbuyugin at tumakbo ito, habang sumusuka ng dugo. | ... |
{8.27}
Pumasok si Nestor at ang kanyang abuhin sa ruweda. Sinubaybayan ni Nestor nang mabuti ang pagkahig at pagpapatuka ng kanyang mga handler. Nang nakontento na siya sa pagpapainit ng abuhin, kinuha na niya at inalisan ng baina ang tari. Umabot ng sampu-anim ang logrohan para kay Nestor, dahil alam ng mga parokyano na siya'y isang bigtime na sabungerong lumalaban sa smalltime na derby. | ... |
{8.28}
Inilayo nang mabuti ni Nestor ang pagbitaw sa abuhin, siguro dahil sa manlilipad ito. Dumiretso sa abuhin kaagad ang bangkas at lumipad siya nang minsan lamang. Para pala siyang massingan kung pumalo! Nagsimula siyang pumalo sa unang lipad at hindi na huminto. Tumalon ang abuhin upang salubungin ang bangkas, tinamaan siya ng di-mabilang na palo at wala na siyang nagawa. Mahigit isang minutong siniyapol ng bangkas ang nakabulagtang abuhin bago nadukot ng sentensiyador ang balahibo nito sa likod, upang ikareo at tapusin na ang tagilid na laban. | ... |
{8.29}
"Walang-hiya, pang-Araneta ang nakalaban natin! 'Paano nahanap ni Nestor ang ganyan kagaling na kalaban sa bulok na sabungang 'to?" tanong ni Abet sa akin. Hindi ako nakasagot dahil tulala pa ako sa aming teribleng pagkatalo. Bumaba kami sa entresuwelo upang tingnan ang bangkay ng abuhin. Binuksa'n ni Abet ang mgapakpak ng abuhin habang kinakalagan ito ng tari. Di mabilang ang mga tama niya: halos lahat yata ng parte ng katawan niya'y may tama, pati na ang ulo. | ... |
{8.30}
"Minalas lang tayo, mga pare. Nakatsamba ang kalaban. Hindi bale, babawi tayo," sabi sa amin ni Nestor. Inilabas niya sa kahon ang isang pulang linaw na napakaguwapo at siguradong mananalo sa paligsahan sapagandahan ng panabong. Napakapino ng kanyang ulo, mga daliri at balahibo. Ang haba ng kanyang buntot at pulok at lemon hackle pa ito - ang aking paboritong kulay. Nagmartsa ang pulang linaw na parang kadete ng PMA nang inilapag ni Nestor. "Subukan nilang daigin ito sa siyapulan," ang banta ni Nestor habang papalapit siya sa ulutan. Kamukha ng nangyari sa unang laban, kinol kaagad ni Nestor ang unang iniharap na panabong - isang dalusaping bahagyang mas mababa, pero matipuno ang katawan. | ... |
{8.31}
Nanood kami ng laban ulit habang nagtatari si Nestor. Isang madungis na sinibalang
na sira-sira ang buntot at isang pandak na bulik ang nagkatapat. Llamado nang sampu-anim
ang pangit na sinibalang. Hindi nagkamali ang mga kristo't tahur, dahil tumakbo kaagad
ang bulik pagkatapos ng isang lipad. Mukhang tiyope ang laban gawa ng malakas pa ang
bulik. Pero nang inspeksiyunin ng maypasabong ang duwag na bulik, nakahanap siya ng isang
maliit na sundot ng tari sa singit na hindi naman dumudugo. Pinasiyahan niyang patas ang
laban at dapat magkabayaran. |
... |
{8.32}
Ang sumunod naman na laban ay isang kubang puti kontra baldadong abuhin na may diperensiyaang kanang tuhod. Para silang galing sa kakatuwang palabas sa karnabal at sumakit ang tiyan namin ni Abet sa katatawa, kahit na parang buhos ng gripo ang tulo ng aming pawis dahil sa teribleng init. Parehong walang paa ang magkalaban at wala sa kanilang nasira, kahit nagpaluan nang mahigit limang minuto. Naubusan silang pareho ng hininga at sabay pa silang humiga sa ruweda. Noon lang ako nakakita ng walang-hintong pagkakareo nang halos apat na minuto. Ayaw na kasing pumalo ng dalawang panabong gawa nang sila'y hapung-hapo, pero wala naman sa kanilang may gustong umayaw. Inabot ng oras at tabla ang laban. | ... |
{8.33}
Kay Nestor ang sumunod na sultada. Hindi naman pangit ang dalusaping kalaban niya - guwapo pa nga nang konti, e. Pero wala ito sa liga ng lemon hackle ni Nestor sa pagandahan ng manok. Nasindak ang mga nanonood nang pinamartsa ni Nestor ang lemon hackle na palibul -libol sa makipot na ruweda. Malinaw na hindi ordinaryong manok ang panabong ni Nestor dahil hindi ito humihingal, kahit na lahat kami'y malapit nang maprito sa init. Sumabog sa sigawan ang sabungan, pagkat lahat yata ng tao'y gustong tumaya sa manok ni Nestor at halos walang pumapago sa dalusapi. Umabot nang sampu-apat ang logrohan, ngunit wala pa ring makuha ang mga kristo. Mabuti na lang itinodo na namin ang nalalabi naming pera sa parada ni Nestor. | ... |
{8.34}
Lumipad ng parang eroplano ang lemon hackle nang bitawan ni Nestor. Hindi sumabay ang dalusapi, kaya umikot sa itaas ang Bacolod ni Nestor at sinubukan nitong saksakin sa likod ang kalaban. Nakailag nang bahagya, walang isang pulgada ang layo sa tari, ang dalusapi, Hindi kaagad pumalo ang manok namin pagdapo niya. Sinuri niya muna ang kalaban upang sukatin nang mabuti. Pagkatapos, inistrap niya ng isang mahabang lipad, habang pumuputok sa palo ang kanyang paa. | ... |
{8.35}
Nakailag na naman nang bahagya ang dalusapi, pero namuntikanan na siya, dahil naputol ang ilang balahibo sa kanyang buntot sapalo ng anting manok. Huminto ulit ang lemon hackle para sukatin ang kalaban. Siniyapol niya ang dalusapi sa lupa, habang pumapalo na parang M-16 ang kanyang paa. Nang umatras ang dalusapi, sunud-sunod niyang hinabol ang kalaban ng malalagkit na siyapol. Subalit walang hinto ring umaatras ang kalaban na nakaumang ang tari, kaya hindi naman puwedeng sumugod nang todo ang aming manok sa kanyang pag-atake. | ... |
{8.36}
Sa wakas, humingal na rin ang aming panabong sa kahahabol sa kalaban. Huminto siyang muli upang magbago ng taktika. Sinubukan naman niyang lituhin ang dalusapi sa pagwiwib. Hindi sumunod ang dalusapi sa mga saydistep ng aming pula - pumirmi lang siya. Akala ko'y napagod na rin ang kalaban, kaya humintong kumilos. 'Yun pala, inaabangan lang niyang mawalan ng balanse ang aming panlaban sa kanyang pagwiwib. Biglang pinalo ng dalusapi nang mababa at matinding suntok ang aming manok. Hindi nakailag kaagad ang lemon hackle, dahil nakatagilid pa siya sa pagsaydistep. Tinamaan siya sa sentido at nangisay. Lumipad ang natira naming pera. | ... |
{8.37}
"'Tang-ina, parang taong mag-isip ang kalaban natin! Saan nahahanap ni Nestor ang matatalinong kalaban sa bugok na lugar na ito?" tanong ulit ni Abet sa akin. Hindi na naman ako nakasagot, dahil hindi na ako halos makahinga sa init at sa pait ng aming pagkatalo. Bumaba kami para inspeksiyunin ang nnamatay na lemon hackle. Iisa lang ang kanyang tama sa puso. Napakaasintado ng nakalaban. "Malas yata tayo ngayon," 'ika ko kay Nestor. "Umuwi na tayo at wala na kaming kuwarta." "Walang malas na hindi nauubos, mga kasama," ang sagot ni Nestor. "Ang pera'y madaling hanapin, pero ang pakikisama'y di maaaring bilhin. Itataya ko kayo ng tig-isang libo sa huling manok." | ... |
{8.38}
"Mag-beer kaya muna tayo, para palipasin ang malas," ang sabi ko upang linlangin si Nestor na mukhang desidido nang ipakatay ang lahat ng kanyang panabong. "Wala akong panahon. Meron akong kompromiso." Pumayag kami sa gusto ni Nestor. Papaano naman kami tatanggi sa kanyang inalok na pera na puwede namang bayaran, kung matatalo, kung kailan lang namin gusto? Hindi na namin tiningnan ang susunod na ilalaban, at alam namin na siguradong guwapong manok 'yon, kahit wala namang bisa ang itsura ng manok sa lintik na sabungang ito. Hindi na rin namin pinanood si Nestor mag-ulot, dahil alam naman namin na lalabanan na niya kahit asong ulol o tigre. Umakyat na lang kami para manood ng sultada. | ... |
{8.39}
Puro mahina o bingbang na tinali na naman ang napanood namin sa ruweda. Mas marami ang tumakbong panabong kaysa nagpakamatay sa laban. Hindi namin maintdihan kung bakit puro gintong panlaban ang natapatan ni Nestor. "Anong gagawin natin?" tanong ko kay Abet. "Minamalas ang idolo natin, at mukhang gusto tayong isama sa kanyang pagbigti ng sarili." "Di tumaya tayo sa kalaban." "Wala tayong pera. 'Paano kung manalo si Nestor?" "Ikaw naman. Itataya niya tayo ng tig-isang libo, di ba? Di 'yon ang punahan natin. Baka makasahod pa tayo sa sampu-anim at kumita nang konti matalo siya." "Itataya natin ang sarili niyang pera sa kanyang kalaban?" | ... |
{8.40}
"Kamukha ng ginawa natin sa Roligon." "Ikaw ang tumaya." Hindi nagtagal, umakyat si Nestor sa ruweda. At kamukha nang inakala namin, maganda nga ang kanyang talisan at na-llamado pa rin siya kahit dalawa na ang kanyang talo. Nakasahod si Abet ng dalawang libo sa logro tres, kaya huminto na ang tulo ng aming pawis dahil nalagay na kami sa lugar na walang pagkatalo - kikita kami nang isang Libo kung matalo si Nestor, at makakabawi lang kung manalo naman siya. | ... |
{8.41}
Ewan kung bakit, sa libu-libong tao sa sabungan, kami lang ang nakahaiatang
minamalas nang grabe si Nestor sa araw na 'yon. Siguro ito'y dahil masyadong madalas na
kaming natalo sa kanyang mga pakana sa sabong, at nabisto na naming hindi siya puwedeng
parating manalo, sa kabila ng kanyang mga mapaglikhang pakana, at kahit ano pa ang ganda
ng kanyang mga panlaban at ang kanyang galing sa pagpili at paghahanda sa mga ito. |
... |
{8.42}
Naulit nga ang eksena sa Roligon - tama ang basa namin sa kamalasan ni Nestor. Pumalo nang pumalo ang kanyang manok, pero tinamaan ito nang minsan sa dibdib at biglang namatay. Pagkatapos singilin ni Abet nang patago ang kanyang pinaguhan, bumaba kami para makiramay kuno kay Nestor. "Hiyang-hiya ako sa inyo, mga pare. Ngayon lang ako natalo nang tatlong sunod. Sa bulok na sabungan pa," ang salubong niya sa amin. | ... |
{8.43}
"Meron palang nakatagong pera itong si Abet," 'ika ko naman, "makakabayad kami ng utang namin sa 'yo." "At saka na lang natin pag-usapan 'yan. O, iiwanan ko na kayo at importante ang lakad ko. Babawi tayo sa susunod. Tatawagan ko kayo." Inihatid namin si Nestor sa kanyang kotse. Pag-alis niya, humarap si Abet sa akin, tumawa, at nagtanong: "Ano sa tingin mo, galit sa pera ang idolo natin?" "Baka. O kaya, may sariling pagawaan siya ng pera. O, may konting kapital na naman tayo - tatlong libo, dahil ayaw maningil ni idolo. Magtrabesiya tayo. Baka makabawi." | ... |
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/sabong.html
Quelle: Salazar, Zeus A.: Ukol sa Wika at Kulturang Pilipino
Aus Pamela C. Constantino at Monico M. Atienza: Mga Piling Diskurso sa Wika at
Lipunan, Lunsod Quezon 1996 ISBN 971-542-064-8, pp. 19-45
Dieser Text wurde für die Studie {W PT_TP} analysiert. Die Basisdaten können im Quelltext dieser Datei eingesehen werden.
{0.1}
Kung ang kultura ay ang kabuuan ng isip, damdamin, gawi, kaalaman at karanasan
na nagtatakda ng maaangking kakanyahan ng isang kalipunan ng tao, ang
wika ay hindi lamang daluyan kundi, higit pa rito, tagapagpahayag at impukan-kuhanan
ng alinmang . Walang kulturang hindi dala ng isang wika, na bilang
saligan at kaluluwa, ay siyang bumubuo, humuhubog at nagbibigay-diwa sa kulturang ito.
{0.2}
Sa ganitong pagkakaugnay ng wika at kultura, ang kulturang Pilipino, bilang
natatanging pagkabuo ng isip, damdamin, ugali, kaalaman at karanasan ng katauhan at
bayang Pilipino, ay dapat lamang taglayin ng isang wikang nagpapaloob at nagpapahayag
dito . Lalong magiging malinaw ang
palagay na ito
kung susuriin muna ang wika bilang pahayag-pahiwatig, impukan-kuhanan at
daluyan ng kultura bago pag-aralan ang kaugnayan ng ganitong pananaw sa
ating sariling kultura - kung sakali mang may maaangking kultura ang bayang
Pilipino na bunga ng kanyang pagkabuo sa agos
ng kasaysayan.
{1.0}
1.0 Wika at Kultura
Alinmang wika ay ekspresyon, imbakan-hanguan at agusan ng kultura ng isang
grupo ng tao, maliit man o malaki, na may sarili at likas na katangian. Wika ang
ekspresyong kakikilanlan ng isang kultura, sapagkat ito ang nagbibigay-anyo
rito para sa labas, ang siyang nagtatakda ng pagkakaiba at sariling uri nito
- ng kanyang pagkakabukod sa ibang kultura: ang kanyang kapagkahan,
kung magagamit ang salitang ito, sa daigdig ng mga kaisahang pangkultura.
{1.1.21}
Totoo ngang may mabubuting kaluluwa, pati na sa ating dakilang Unibersidad, na
nakauunawa sa ibang grupong etniko (gaya ng Intsik o Bombay) kahit hindi nila alam ang
wika at lalo na ang kultura ng mga ito .
Ito'y dahil sa madalas nilang
nakakausap (sa Pilipino) ang kanilang suki sa kanto o sa Dibisorya ; o, sa kaso
ng mga "dagliang guro," ay sapagkat napag-aralan na nila ang mga taong ito sa mga libro
sa Ingles .
{1.1.22}
Subalit alam din ng mga kaluluwang ito (at kahit ninuman) na ang
mga kaibigan nilang ito'y naiiba sa kanila sa wika at, siempre pa, sa ugali at
pakikipagkapwa-tao (sa kultura na nga!) .
{1.1.23}
Hindi ba't alam din ng lahat, dahil sa sine at telebisyon, na ang Aleman ay
iyong sisigaw muna bago magpaputok ng kanyang lugar at ang Pranses ay iyong
ang mga labi ay nakaposisyong hahalik habang nagsasalita? Pinatutunayan lamang
nito na wika ang siyang nagpapakilala sa kaibhan at kakanyahan ng isang grupo ng tao
, kahit sa pahapyaw at samakatuwid ay maling
pagpapahalaga.
{1.1.24}
Ang totoo, wika at ang napapaloob at kinapapalooban nitong kultura ang bumubuo ng
tinatawag na ethnos sa Griyego o Volk sa Aleman, na ang ibig sabihi'y isang
bayan o pamayanan (komunidad) na may pagkakabukod dahil sa sariling wika at
kultura.
{1.1.25}
Sa ganito'y malapit-lapit ang "etnikong" pagkakaugnay na ito ng wika
at kultura sa isang kahawig na konsepto na maaaring mas malawak o mas makitid ang
saklaw . Ang tinutukoy
na konsepto ay ang "nasyon" o "bansa" na siyang pagkakabuo sa kasaysayan
ng isang kulturang ipinapahiwatig ng iisang wika sa loob at sa bisa ng isang estado.
{1.1.26}
Halimbawa, ang ethnos o kabayanang Pranses, kung tutuusin, ay sumasaklaw hindi
lamang sa kasalukuyang kaisahang pulitikal sa Pranses kundi pati na sa Belhikang
"Wallon," sa Suwisang "Roman" at sa Canadang "Pranses," samantalang ang nasyon o bansang
Pranses ay naibukod at nabuo kasabay ng debelopment ng estadong Pranses na mula
kina Francois I, Richelieu at Louis XIV hanggang at lampas kay Napoleon ay nagtaguyod at
nagpalaganap ng Pranses bilang tagapamagitang wikang pampamahalaan sa halip na Latin.
{1.1.27}
Pranses din ang naging wika sa paghubog ng iisang pangkalahatang
kultura mula sa mga
mapanlikhang ambag ng mga grupong etniko na magkakamag-anak sa kani-kanilang wika, na
pawang galing sa Latin ng Kalagitnaang Panahon (Middle Ages) maliban sa Basko, na may
isang mahiwagang pinagmulan, at sa Breton, na nakaugat pa sa matagal nang nakalipas na
Seltiko ng Pransiya.
{1.1.28}
Sa madaling salita, ang ethnos o bayan (bilang kabuuang may sarili
at natatanging wika at kultura) ay isang umiiral na lamang na pagkakultura, samantalang
ang bansa ay isang nabubuklod na kabuuang pangkultura na resulta ng isang pagsulong sa
kasaysayan na humahantong sa pagkabuo ng isang estado
{1.1.29}
Ang iba pang bahagi ng kabayanang Pranses ay hindi naging (o hindi pa nagiging)
mga bansa . Bawat isa ay nananatiling kabuuang etniko
sa kinapapaloobang estado, isang
kalagayang nagbubukod sa kanila sa ibang pagkakultura-at-wika ng mga Anglo-Saxon sa
Canada, mga Fleming sa Belhika, at mga "Italyano" at "Aleman" sa Suwisa.
{1.1.30}
Ang kultural na pagkakabukod na ito ay naipapahiwatig at nakikilala , higit
sa lahat, sa larangan ng wika. Ito ang dahilan kung bakit ang mga alitang
"etniko" sa Canada at Belhika ay pinakamatindi sa larangan ng wika at
tinatagurian ngang "mga problemang lingguwistiko."
{1.1.31}
Ang pagkauwi ng mga problemang ito sa emosyonal na porma ng wika at kultura ang
siyang lalong nagpasidhi sa separa-tismo ng mga Canadian French , isang
hangaring hindi
kailanman maaabot ng kilusan ng mga Negro sa Amerika, halimbawa, dahil wala silang
pagkakaiba sa mga kapwa Amerikano sa larangan ng wika at kultura.
{1.1.32}
Di gaya ng Estados Unidos, ang Canada ay isang estado ngunit hindi isang
kultura. Dahil sa wika at sa taglay nitong tradisyon, ang isang bahagi ng Canada ay
lumilingon sa Amerika o sa Inglatera at ang isa pa ay nakatanaw sa
Pransiya . Ganito rin sa
estado ng Belhika, na ang dalawang kultura'y naghahatakan tungo sa Pranses at sa Olandes
.
{1.1.33}
Isang maunlad na kabuuang pulitikal ang Suwisa , ngunit ito'y hindi kailanman
matatawag na isang kultura - liban na lamang kung ang salitang ito ay maiuukol sa paggawa
ng relo o sa pagpapairal ng isang malawak na sistemang pambangko.
{1.1.34}
Bagamat Suwiso, si
Rousseau ay nakaugat sa literatura at pilosopiyang Pranses ng Kaliwanagan
(Enlightenment); ang kanyang pagka-Suwiso ay walang anumang kultural na kabuluhan
- tunay na nagkataon lamang na siya'y ipinanganak sa Suwisa . Kahit Suwiso rin,
si Burckhardt ay tumubo at nag-ambag sa tradisyong intelektuwal ng wika at kulturang
Aleman.
{1.1.35}
Nangangahulugan lamang ito na may mga estadong walang kinalaman sa
alinmang paghubog
ng isang kabuuan ng wika at kultura. Kaya lamang namamalagi ang mga estadong ito
ay dahil sa pagtitimbang ng mga kabuuang kultural, na kadalasa'y ginagawa sa pamamagitan ng
pangkalahatang pagpapayaman at pagpapa-ubaya sa kahit magkakasalungat na tunguhin ng mga
kabuuang kultural na ito.
{1.1.36}
Natatangi ang kalagayang ito at umiiral lamang dahil sa
heograpiya at sa pagkakatimbang ng mga kapangyarihan sa Europa. Hindi ito tumutugon
sa panloob na dinamismo ng estado at hindi rin sa konsepto ng "bansa" ayon
sa makabansang liberalismo buhat noong Rebolusyong Pranses.
{1.1.37}
Ang klasikal na halimbawa ng pagkakatagpo ng dinamismong pang-estado at ng taimtim
na hangaring maging isang bansa ay makikita sa pagkabuo sa Alemanya ng
monarkiyang Pruso mula sa malawak na Volk o kabayanang Aleman. Dito rin nauwi sa
kanyang bai-baitang
na pagliit ng dating multinasyonal na estado ng mga Hapsburg upang sa huli'y mabuo ang
bansang Austriyano matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig.
{1.1.38}
Sa gayon, dalawang bansa ang tumubo sa kalawakan ng kultura at kabayanang
ipinapahayag ng wikang Aleman. Datapwat hindi napawi ang kabuuang kultural na ito
. Nagkaroon lamang
ng pagkakataong higit na mapaibayo sa dalawang sentrong ito ang sariling kultural na
identidad , ang "ka-alemanan."
{1.1.39}
At ang kakikilanlan ng pagkakulturang
ito'y walang iba kundi ang tagapagpahiwatig ng wika - gaya ng sa iba
pang kultural na komunidad na nakikilala bilang
"kakastilaan," "kapransesan," o "kaanglo-saxonan" sa pamamagitan ng kani-kanilang wika.
{1.1.40}
At kahit magkakahiwalay sa larangang pulitikal ang mga bansa ng alinman
sa mga kultural na komunidad na ito, ang pagsasama sa loob ng iisang pagkawika-at-kultura
ang mahigpit na nagbubuklod sa kanila , lalo na sa kanilang pakikipag-ugnayan
sa iba pang kultural na komunidad. Ito ang dahilan ng pagkamalapit sa isa't isa
ng mga bansang "tubong Europeo-Ingles" ng Commonwealth ng Britanya at ng mabuting relasyon
ng mga ito sa Estados Unidos.
{1.1.41}
Ito rin ang madaling paliwanag sa mala-misyonerong
pagpapairal ng "hispanidad" ng mga bansang Kastila sa Amerika-Latino, at ng "culture
franchise" ng mga bansang Pranses at mala-Pranses.
{1.1.42}
Narito rin ang dahilan kung
bakit ang buong daigdig ay punung-puno ng lahat ng klase ng samahan, sanggunian,
serbisyo sa impormasyon, eskuwelahan, iskolarsip at iba pang paraan sa pagpapalaganap ng
pagka-kabuo ng alinmang kultura at estado, na may pagpapahalaga sa sariling kakanyahan at
mithiin. At mangyari pa, ito'y nagaganap higit sa lahat sa larangan ng wika,
sa pagpapaaral muna sa wika ng kinauukulang pulitiko-kultural na entidad.
{1.1.43}
Ang papel na ito ng wika sa pagpapalaganap ng kultura ng isang bansang-estado ay
mapapansin din sa negatibo nitong aspeto, sa konsepto ng "irredentismo," ang
pagsasangkot at pulitikal na paggamit sa natural na hangarin ng bawat kabuuang
lumawak.
{1.1.44}
Nangangahulugan lamang ito na ang maselang balanse ng estado at ng
pagkakultura-at-wika sa loob ng konsepto ng "bansa" ay labis na napapakiling
sa panig ng pulitika dahil sa kalakasan ng estado.
{1.1.45}
Nagdulot ng kapaitan sa relasyon ng mga bansa dahil sa mga pang-aagaw nina
Hitler at Mussolini, ito'y problemang nauwi sa pagiging "nasyonal" ng
lingguwistiko-kultural na kabuuan dahil sa pagkalaganap ng konsepto ng "estado."
{1.1.46}
Sa
kabilang dako naman, itong estado, bilang pagkakabuo ng mga tao sa isang pangkalahatang
kaayusan, ay napipinsala rin ng ethnos hindi lamang dahil sa udyok nitong
separatista tulad ng nangyayari sa Canada o sa Belhika, kundi dahil din sa pagiging isang
di-matiyak na continuum nito, na sa kaso ng mga etnikong grupo na bai-baitang ang
pagkakahawig sa wika at kultura, gaya sa Indonesia o sa Congo, ay nakakabuo
lamang ng isang bansa sa pamamagitan ng walang-tigil na pagpupunyagi ng isang estadong
kadalasa'y lumilitaw bilang reaksyon sa pagkaka-sakop o di-sinasadyang
pagkakasama sa agos ng kasaysayan.
{1.1.47}
Ang huling katangiang ito ng ethnos ay batay rin
sa pagkakatanaw at pagkakadama sa kultura bilang kabuuang ipinapahiwatig ng
wika, bagamat umiiral sa isang malabo at limitadong saklaw lamang.
{1.1.48}
Kaya, mula sa pinakamaliit na pagkakabuong kultural hanggang sa pinakamalawak,
ang nagpapakilala ng identidad sa labas (at pad na sa loob bilang kamalayan sa "sariling
atin," ng pagka-tayo) ay ang wika . Ngunit higit pa sa gamit na ito, wika ang
nagpapahayag ng diwa mismo ng kinauukulang kultura .
{1.1.49}
Ang wika'y hindi lamang
tangi at di-maiiwasang kasangkapan sa pakikiugali sa loob ng isang kabuuang
kultural kundi ang pinakabalangkas pa rin ng pagkaka-unawa nito sa realidad - kung paano
nadarama, inuuri, isinasaayos at natatarok upang hubugin ng isang kultura ang mga
katotohanan, ang lahat ng bagay.
{1.1.50}
Alam ng sinumang madalas maglakbay na siya'y mananatiling walang muwang sa
labas ng alinmang kulturang hindi niya kinabi-bilangan hangga't hindi niya naaangkin,
kahit paano, ang wika nito. Ngunit ang lawak at lalim ng pag-aangking ito ay masusukat
lamang sa kasapatan at kaangkupan ng kanyang pakikipag-unawaan at pakikiugali sa mga
taong lumaki sa wikang ito.
{1.1.51}
Hangga't hindi naitutugma ang kanyang pananalita sa katumbas nitong kilos,
asal at damdamin, mamamalagi siyang parang manikang nagsasalita o kaya'y tulad ng mga
tauhan sa isang sinkronisado o dinoblehang pelikulang banyaga. Ang "hi" at "good day"
ng mga Amerikano ay hindi lubos na katumbas ng "ca va?" at "bonjour" ng mga
Pranses at ng "adios" at "buenos dias" ng mga Kastila, dahil iba-iba ang kaugnay
nilang mga galaw ng katawan at pakahulugan ng diwa (at pati na kaluluwa) sa loob ng
kinauukulang kultura.
{1.1.52}
Ito ang dahilan kung bakit sa pagtuturo ng alinmang wika'y ipinagagaya ng
mahusay na titser ang mga katumbas na kilos ng kamay, balikat, labi, kilay
at iba pang parte ng katawan bilang hakbang sa pagsasaloob ng kabuuang diwa ng wika at
batayan ng pakikiugali sa loob ng kulturang ipinapahiwatig ng pinag-aaralang wika.
{1.1.53}
Isang
dahilan ng pag-aatubili ni Stendhal, awtor ng De l'Amour, pinakadalisay na pag-aaral sa
pag-ibig, na magkaroon ng anumang pakikiugnay ng damdamin sa hindi kawika o
kaintindihan sa isang establisadong tagapamagitang wika, ay ang resulta
nitong kawalan ng tunay na pagkakaunawaan ng dalawang nag-iibigan.
{1.1.54}
Ang pinaka-elemental
na damdamin, ang pinakaubod ng loobin ng bawat isa, ay maipapahayag lamang sa
wikang kinagisnan,
o kaya'y sa wikang humubog sa kanyang katauhan - ang wika ng kanyang tunay na kultura.
{1.1.55}
Wika ang bukod-tanging pagtanaw at pagsasaayos ng realidad upang ang
isang kultura ay umiral at magkaroon ng kakayahang gumawa at lumikha. Ang
daigdig at realidad bilang karanasang maipapahiwatig ng bawat isa sa kanyang kapwa at
kakultura ay nakapaloob at nakabalangkas sa wika ng isang kabuuang kultural.
{1.1.56}
Sa pamamagitan ng mga salita't katawagang hindi kailanman lubusang magkakatumbas sa mga
wika, at lalo na sa pamamagitan ng pagkakaayos at pagkakaugnay-ugnay ng mga ito, bawat wika
ay bumabahagi o nagbubukod-bukod sa kalikasan upang maipasok ito sa isang
nauunawaan at natatanging
pangkalahatang balangkas.
{1.1.57}
Kung ang "monde" ng Pranses ay may katumbas na
"Welt" sa Aleman (bagamat ang huli'y importanteng bahagi ng Weltanschauung,
Weltbild, Weltschmerz at iba pang konseptong "pilosopikal") sa kanilang mga kahulugan gaya
ng "daigdig," "lupa," "lipunan," "kamahar-likaan," o "kamunduhan," may pagkakalayo na sa
kanila ang "mir" ("daigdig," "lipunan," "kaharian") at "sv'et" ("daigdig," "lipunan") ng
Ruso dahil sa napapalapit ang una sa kasaklawang semantiko ng "mir" ("kapayapaan,"
"kasunduan") at "mir" ("pangmagsasakang pa-rnayanan," "barangay"), at ang ikalawa'y sa
"sv'et" ("ilaw," "araw"). Ang pagkakahati ng ispektrum ay gawa ng bawat
wika.
{1.1.58}
Ang tinatawag na "asul" ng mga Tsino ay may pagka-berde sa mga
Amerikano, kamukha ng kulay na tinatawag ng mga Breton na "glas." Ang totoo, ipinapakita
ng antropolohiya na ang kaayusan (at relasyong panlipunan) ng alinmang kabuuang
kultural ay naipapahiwatig ng mga termino sa pagkakamag-anak at kamag-anakan.
{1.1.59}
Ayon sa
teoryang semantiko ng mga "champs nationnels" o kasaklawang pambatid ni G. Matore, ang
isang buong kabihasnan mismo ng isang panahon (gaya ng Kaliwanagan) ay maaaring ipahayag
sa pagkakaugnay-ugnay ng bokabularyo nito sa mga sentral na konseptong
nagpapagalaw sa iba.
{1.1.60}
At alam naman ng mga estudyante sa sikolohiya na ang pag-uugnay ng
mga salita sa isa't isa ay bahagi ng wika at kultura bago maging
partikularidad ng isang tao. Ang pagiging abnormal nito ay nakikita ng
sikolohista sa di-maintindihang pag-gamit o pagsasaayos ng mga salita
- ang "abnormal" na kilos o gawi ay isang sabayang pagkalansag ng "relasyon"
ng indibidwal sa wika at kultura.
{1.2.21}
Wika ang impukan-kuhanan ng isang kultura . Dito natitipon ang pag-uugali,
isip at damdamin ng isang grupo ng tao.
{1.2.22}
Kahit parehong nagmula sa pangalan ng modelong
imperator-princeps ng Makalumang Roma, ang mga salitang "tsar" at "Kaiser" ay hindi
lamang nagpapahayag ng magkaibang sistemang sosyo-pulitikal kundi, higit pa rito,
nagtatakda ng magkaibang asal ng isang pinuno bilang indibidwal at ng may kaugnay at
kasalungat niyang tao sa kinauukulang lipunan at kultura.
{1.2.23}
Kahit magkakatulad sa
kalagayan bilang magbubungkal ng lupa, ang muzhik ng dating Rusya ay may
pag-uugaling kailanma'y hindi maitutumbas sa gawi ng Bauer na Aleman
o ng fellah sa mundong Arabe.
{1.2.24}
Mas malalim pa kaysa rito bilang imbakan-kuhanan ng mga kaugaliang napapaloob
sa isang kultura iyong mga salita—konseptong walang kapareho sa iba pang
pagkakultura.
{1.2.25}
Para sa mga Amerikano, ang rugged individualism ay hindi lamang isang
particular na asal kundi isang buong pilosopiya, katangiang hindi inaangkin
ng mga Pranses para sa
kanilang systeme D, na dapat gamitin ng bawat Pranses kahit hindi siya
pagsabihang "debrouille-toi" (ilusot mo ang sarili mo), "demerde-toi" (punasan
mo ang sarili mong puwit) o pati na "decrotte-toi" (punasan mo ang sarili ng
tae ng hayop).
{1.2.26}
Sa kaisipan,
ang wika
ay batis-ipunan
at salukan ng kaisipan
ng isang
kultura.
Ang pagpupunla
ng mga salitang
Aleman
sa pilosopiyang
Kanluranin ng
nakaraang
isa't kalahating
siglo
ay bunga
ng pag-iisip
ng bansang
Aleman sa
sariling
wika
at ng pagdebelop
ng mga likas
na konseptong
pilosopikal
na napapaloob
sa wikang
Aleman.
{1.2.27}
Sino
ang hindi
mababalisa at makababalisa
sa mga salitang
gaya
ng "Angst," "Dasein," "Zeitgeist," "Gestalt," "Wesen," "Geworfenheit," "Seinsvergessenheit,"
at iba pa,
lalo na
sa kinaliligaligan
ding wikang
Ingles?
{1.2.28}
Sapagkat hindi
makakuha
ng mga katumbas,
wala
ngang magawa ang Ingles
kundi lubusang
hiramin
iyong
mga salita-konseptong
likas
sa iba't ibang
kultura,
tulad
ng "yinyang," "dao," "zen," "nirvana," "guru," "eros,"
"thanatos," "telos," at iba pa. Katunayan, bawat
salita sa isang wika ay may sariling
semantikong saklaw na ipinahihiwatig o kinabibilangan.
{1.2.29}
Ang "Boden" o "lupa"
sa Aleman,
halimbawa, ay napapaloob sa isang serye ng mga salitang "makabayan," tulad
ng "Blut" (dugo), "Volk" (bayan), "Heimat" (tinubuang lupa), "Treue" (katapatan), "Ehre"
(dangal) at iba pa, subalit nagpapahiwatig din ng isang grupo ng mga salitang di
pandamdamin kundi pangkalikasan. Ang mga kasaklawang semantikong ito ang siyang ipunan
at hanguan ng anumang kaisipang makapagbibigay ng halaga o unawa sa
kinauukulang kultura.
{1.2.30}
Damdamin ang pinakamahirap ihiwalay sa kakanyahan ng wika at kultura.
Mahirap maintindihan, halimbawa, kung bakit ang pinakapopular na mura sa Aleman "ayu" ang
pangalan ng kapaki-pakinabang na hayop sa Alemanya, ang baboy, na siyang
pinang-gagalingan ng malaking industriya nito ng tsoriso.
{1.2.31}
Ang tsoriso, na napakarami
ang klase sa pagkaing Aleman, ay ginagamit din sa pagpapahayag ng kawalan
ng interes sa isang bagay: "das ist mir Wurst" (tsoriso lang 'yan sa akin), na maaari ring
sabihing "das ist mir Käse" - isang ekspresyong hindi maiintindihan kung isasalin sa
Pranses, na katatagpuan ng maraming klase ng mabuting keso. Datapwat, sinumang hindi
pa nakiugali sa Aleman ay hindi rin makakaintindi sa kanilang pagtawag na
"gemütlich" sa isang lugar na laging kinagigiliwang.
{1.2.32}
At sa Pransiya rin, di talaga agad-agad maiintindihan ng banyaga kung bakit ang mga
pinakapalasak na mura ay laging may kinalaman sa parteng nasa ibaba ng
baywang. Subalit pati na ang salitang "con" ay may pakahulugan ding magiliw, ayon sa sitwasyon;
samantalang ang "merde" na naging katumbas ng pangalan ni Heneral Cambronne nang
gamitin niya, itong parang pandigmang sigaw (kaya sinabi nga ni Proust na may
pagkabastos daw ang salitang "camarade" (kasama) pagkat mahalay na raw ang
simula, mahalay pa ang hulihan), ay siya ring binibigkas kung hinahangad ang
suwerte ng isang kaibigan.
{1.2.33}
Higit pa sa mura at sa mga salitang partikular sa bawat wika at karanasang
kultural, ang damdaming napapaloob at naipapahiwatig ng wika ay lubusang lumilitaw
at natatamasa bilang kakanyahan sa panulaan.
{1.2.34}
Kung tutuusin, narito nga ang
kahirapan ng alinmang pagsasalin—ang pagsasa-ibang-pandama, ang pagsariwa sa isang
loobing kultural ng damdaming taglay, tuklas o kaugnay ng panulaan ng isang wika-kultura.
Ang panulaan ay kaluluwa di lamang ng isang wika kundi ng bayan ding
gumagamit nito, ang pagpapahayag ng pinaka-damdamin ng isang kultura.
{1.2.35}
Ang wika ay impukan-kuhanan din ng nakaraan at kaalaman ng isang kultura
. Ang nakalipas ay nababakas lalo na sa bokabularyo, bagamat ang mga pananalita
at ang morpolohiya mismo ay tipunan ng pinagdaanan ng bawat pagkawika-at-kultura
.
{1.2.36}
Ang pinakailalim na stratum nito ay paksa ng mapahambing o istorikal na
lingguwistika at nagpapakita ng relasyon sa ibang kapamilya sa
wika—halimbawa'y ang relasyon ng Aleman sa mga wikang Indo-Europeo at
Hermaniko . Mas importante kaysa rito iyong bakas ng malapit na nakaraan
.
{1.2.37}
Punung-puno nito ang Ingles , mula sa mga katagang Pranses na bumubuo
ng napakalaking bahagi ng bokabularyo nito hanggang sa mga salitang napasok bunga ng
kolonyalismo, gaya ng "nabob" (mula sa nawwab ng Hindi), "typhoon" (mula sa
Tsino tai fung), "catsup" (mula sa Amoy ke-tsiap), at pati "compound"
(mula sa Malayo, kampong).
{1.2.38}
Nabanggit na ang pagsisikap ng mga semantisistang
tulad ni G. Matore na pag-aralan ang magkakasunod na epoka ng isang kabihasnan
sa pamamagitan ng pagtantiya sa pagka-kaayos ng bokabularyo ng bawat epoka sa
mga sentral na salitang gaya ng halimbawa ng "honnete homme" noong panahon ni Louis XIV
at "philosophe" noong Kaliwanagan.
{1.2.39}
Malaon nang naipakita rin ni J. Trier, sa kanyang Der deutsche Wortschatz im
Sinnbezirk des Verstandes (Bokabularyong Aleman sa Larangang Pandama ng Pang-unawa)
na ang bokabularyo ng pag-unawa ng Aleman ay nagbago mula sa
pagkakasaklaw, noong ika-13 dantaon, ng Wisheit (dunong) o unawang espirituwal
sa magkatapat na konsepto ng
Kunst (sining) o pagkadalubhasa sa mga arteng militar at sa mga "liberal na
sining," at List (kapandayan) o kasanayan sa mga teknik ng artisano, tungo sa
pagkakahiwalay, noong ika-14 siglo, ng Kunst na tumutukoy ngayon sa
pinakamataas na baitang ng pag-unawa, Wizzen na pumalit sa List upang
tukuyin ang kaalaman sa pangkalahatan at ang kasanayang teknikal sa partikular, at
Wisheit na nawalan na ng kanyang punsiyong pansaklaw - isang bagong balangkas
na nagpa-pahiwatig ng pagkakawatak-watak ng kaisahan ng kaalaman noong Kalagitnaang
Panahon.
{1.2.40}
Hindi lamang ang kaalaman ng isang panahon kundi ang buong kaalaman ng isang
kultura ang taglay ng wika , ng nakaimbak na wika. Idinadahilan ng ilan na
kaya raw dapat pag-aralan ng mga umuunlad na bansa ang Ingles ay sapagkat ito raw ang
magbubukas at magiging tulay sa kaalaman ng ika-20 siglo. Ang totoo, ang
tinutukoy na "kaalaman" dito, kahit na nga malawak, ay iyon lamang napapaloob,
nababatid at nasasaklaw ng wikang Ingles at ng sangkapamayanang
gumagamit nito.
{1.2.41}
Bawat kultura o malawakang kabuuang kultural ay
nakapag-iimbak nakapagpapalawak lamang ng buong kaalamang panlipunan
sa pamamagitan ng wika at ang kaalamang ito ay nakabakas sa wika.
{1.2.42}
Ang kulturang nakapag-aangkin ng kaalaman mula sa lahat ng dako sa pamamagitan ng
kanyang wika bilang impukan-kuhanan ay siyang nabubuhay, namamalagi at
nakapagpapanatili sa kanyang kabuuran (essence).
{1.2.43}
Oras na ang isang pagkawika-at-kultura ay
huminto o mapahinto sa pag-aangkin ng karanasan ng iba at maging paksa na
lamang ng pag-aaral o pampayamang kuhanan pa nga ng iba, ang kabuuang kultural na ito ay
namamatay o patay na, maningning man itong gaya ng kabihasnang Griyego, Romano
o Ehipsiyo.
{1.2.44}
Ito ang naging tadhana ng napakaraming pagkawika-at-kulturang napawi o
nahigop ng maka-pangyarihang paglawak ng Kanluran sa Makabagong Panahon. Ang kaalamang
iniimpok at hinahango sa wika upang mapatatag at mapalawak ay siyang pinakabuhay
nito mismo at ng kulturang ipinapahayag nito.
{1.3.21}
Bukod sa pagiging impukan-kuhanan ng kultura, ang wika ay daluyan din
nito. Unang-una, wika ang natatanging paraan upang matutuhan ng isang tao ang
kulturang kinabibilangan niya at kahit na iyong hindi taal sa kanya. Habang
nasasanay ang bata sa wika ng kanyang ka-kultura, unti-unti siyang nahuhubog
sa isip, gawi, dam-damin at karanasan ng mga ito—mula sa mga pinakasimpleng kanta sa
sanggol at bugtong hanggang sa mga kataas-taasang katha't likha ng diwa at kaluluwa sa
sining, agham at literatura.
{1.3.22}
Kaya nga balintuna, halimbawa, na ang isang batang Pranses ay mag-aral
ng kanyang sariling kultura sa loob ng kanyang bansa sa Ingles o alinmang
wika. Ganito rin ang kabaligtaran: ang batang Ingles ay hindi kailanman
nagiging Ingles sa pag-aaral sa Pranses o sa alin pa mang wika. Bawat bata,
bawat tao ay isinasakultura, pinadadaluyan ng kultura ang kanyang ethnos, sa
pamamagitan lamang ng sariling wika. Wala nang ibang paraan, kung ang hinahangad ay mapasok
at manatili sa loob ng sariling kultura.
{1.3.23}
At kahit na nga kung ang nais ng isa'y maging bahagi ng ibang
kultura, ang wika rin nito ang siyang magpapasok sa kanya rito. Hindi ito
maaaring maganap mula sa malayo, sa pamamagitan ng mga librong isinalin
sa sariling wika ukol sa kultura o lipunang ibig aniban. Ang pagka-Portuges o
pagka-Taylandes ay masisimulang madama sa oras lamang na natutuhan ang
wikang Portuges o Taylandes. Subalit ito'y
simula
lamang. Kailangan pang makisa-lamuha, makiugali, pumaloob sa nais anibang kultura mismo
bilang organismong nabubuhay.
{1.3.24}
Ito ang dahilan kung bakit ang kaalaman sa wika ng alinmang patay na
kultura (gaya ng
Ehipto, Latin o Vediko) ay hindi nangangahulugan ng tunay na pagkaunawa sa
kabihasnan ng mga ito . Wala ang pinakaimportanteng sangkap ng interaksiyon, ang
pakikiugali, na siyang nagbibigay ng tunay na kagamitan, kaukulan at pagkakaugnay ng
wika sa kulturang ipinapahayag nito.
{1.3.25}
Mauunawaan at madarama pa nga nang mas malalim ang
isang sibilisasyon kung may interaksiyon dito, kaysa kung ang sibilisasyong ito'y
huhulaan lamang sa pamamagitan ng mga nati-tirang kasangkapan, monumento o kalansay
na nahukay ng arkeo-logo.
{1.3.26}
May tatlong implikasyon ang gamit ng wika bilang daluyan ng pagpapasakultura,
sarili man ang kultura o hindi . Una sa lahat, ang isang tao'y maaaring matuto ng
maraming wika at, sa ganito, mapasama sa iba't ibang kultura . Alam nating
marami at dumarami pa sa mundo ang mga polyglot , at ito'y mabuting bagay.
Katunayan, hindi lahat
sa kanila ay bahagi ng kulturang ipinapahiwatig ng alinmang wikang alam nila
.
{1.3.27}
Totoong ang kanilang pagkatao ay parang nahahati sa mga kultura ng mga
wikang alam nila . Subalit iba-iba ang antas ng kaalaman sa bawat wika
at samakatwid, iba-iba rin ang tindi ng pagkakaugnay
dito .
{1.3.28}
Gayunman, kahit matindi ang relasyon ng isang polyglot sa lahat ng
kulturang dala ng mga wikang alam niya, ang mga pagkawika-at-kulturang ito'y
mananatiling hiwalay sa loob ng kanyang pagkatao at hindi kailanman
magkakahalu-halo, kahit may mga "interperensiyang" lingguwistiko-kultural. Ang mga
kulturang alam o kinababahaginan ng isang polyglot ay hindi nagiging isa
sa kanyang loob.
{1.3.29}
Walang isang kultura ng mga polyglot, walang kultura na ang
pinakabatayan ay ang pagka-polyglot ng lahat. Sa mga pagtitipon ng mga
bilingguwal o polyglot, isang wika lamang ang pinagkakasunduang gamitin
ng lahat. At kung nagka-karoon ng pagpapalit, ito'y alam ng lahat at
nagtatagal nang kaunti. Sa madaling sabi, walang pidgin na nabubuo sa mga pag-uusap ng
mga polyglot.
{1.3.30}
Nauuwi ito sa ikalawang implikasyon, ang problema ng "partisipasyon."
Ang pagkaalam ng isang wika ay nangangahulugan ng pagiging miyembro ng kultura nito
. Ang tao ay maaaring makiugali sa maraming
kultura. Datapwat ang pakikibahagi sa mga kulturang ito ay hindi
nangangahulugan ng lubusang partisipasyon sa lahat .
Imposible ito .
{1.3.31}
Walang taong makapag-uukol ng buong panahon
sa lahat ng kultura niyang alam. Ang totoo, isa o dalawang kultura lamang ang
mapagkakalooban niya ng buong pagkatao, ang mabubuhusan
niya ng buong tangkilik at pagmamalasakit .
{1.3.32}
At ito'y bunga ng isang pangyayari sa kanyang buhay at kapaligiran,
o kaya'y dahil sa isang kapasiyahan ng diwa at damdamin. Bawat isa, polyglot man o hindi,
ay napapaloob o napipilitang mapaloob sa isang kultura, dahil sa hindi talaga
magagawa ninuman ang buo at direktang partisipasyon sa higit sa isang kultura:
{1.3.33}
alinmang pakikiugnay sa iba pang kultura ay hindi maaaring maging lubusan o
buhos-kaluluwa. Ang pagkakahati ng polyglot sa mga alam niyang pagkawika-at-kultura
ay hindi nangangahulugang nahahati ang kanyang
katapatan o pagkakaugat sa isang kultura.
{1.3.34}
Kahit malaki ang kaalaman nina Pushkin at Tolstoy sa pagkawika-at-kulturang Pranses
(kapwa sila nagsulat at natuto muna sa wikang Pranses), ang kinabilangan
nilang wika at kultura ay Ruso pa rin.
{1.3.35}
Si Pearl S. Buck, sa kabila ng
kapanganakan sa Tsina at pagkaalam ng Tsino, ay bahagi ng
pagkawika-at-kulturang Amerikano, sapagkat dito nakaugat ang kanyang pananaw
sa mundo - pati na sa mundong Tsino na sinikap niyang maintindihan at
ipaintindi sa loob ng pang-intindi ng wikang Amerikano.
{1.3.36}
Ang ikatlong implikasyon ay: kung maaangkin ng isang kultura ang
isang tao o grupo ng tao hindi maaaring mangyari
ito sa isang
buong kultura, liban kung ito'y patay o kasalukuyang nilululon ng isang
nakalalaking sibilisasyon bilang isang sub-kultura bago lubusang matunaw.
{1.3.37}
Maaaring mahati
ang indibidwal sa kanyang pagka-kasanib sa iba't ibang kultura dahil sa kanyang
mga alam na wika, subalit hindi mangyayari ito sa isang
kultura.
{1.3.38}
Kung ang kultura mang ito'y nakikiugnay sa iba't ibang kultura, ang
tanging dahilan ay ang pagkakatagpo at pakikipagpalitan sa heograpiya at
sa kasaysayan. Ang pagkawika-at-kultura ay isang kabuuang hindi mahahati o
mapaghahati-hati. Mangyayari lamang ito kung patay na ang
kultura,
katulad ng Griyego-Romano, na pinaghati-hati ng kultura na nakakukuha rito ng sangkap
hanggang ngayon.
{1.3.39}
Ito rin ang tadhana ng ilang maliit na kulturang
"etnograpiko," na nagiging tibagan ng sangkap na kultural ng Kanluran at ng iba pa para
sa kanilang sining (fauvismo, art negre, atbp.) at kaisipan (istrukturalismo mula sa
antropolohiyang kultural).
{1.3.40}
Bukod sa pandaluyang gamit sa pagpapasakultura ng mga kasapi ng isang
ethnos, wika ang tanging paraan din upang mapayaman, mapalawak at mapaunlad ang
sariling kultura. Bunga ng pagiging impukan-kuhanan ng wika, nagaganap ito,
higit sa lahat, sa pamamagitan ng partisipasyon at interaksiyon ng bawat isa,
lalo na ng mga unilinguwal o may iisang wika lamang, sa loob ng lipunan at kultura.
{1.3.41}
Ang isang
pagkawika-at-kultura ay may sariling panloob na batas sa pag-unlad. Ang wika
at kultura ay nagbabago at nade-debelop sa pamamagitan ng pakikiugali sa
isa't isa, ng panlipunang pakikipagkapwa-tao sa sariling wika at kaugalian.
{1.3.42}
Dito nakapag-aambag ang bawat unilinguwal sa pamamagitan ng kanyang
orihinal na paggamit ng wika, orihinal na kaisipan, mga tuklas na sosyo-ekonomiko o
teknikal. Ang sosyo-kultural na ambag ng unilinguwal sa larangang ito ay pundamental
sa lahat ng kultura, mula sa pinakapersonal na damdamin, kasabihan at
pag-iisip hanggang sa pinakamaayos na likha at akda sa sining, pilosopiya at siyensiya,
matapos saklawin ang buong lawak ng folklore.
{1.3.43}
Ang pag-aambag na ito'y ganti't
balik lamang ng indibidwal na kabuuang kultural sa kanyang pagkakapasok dito
sa pamamagitan ng wika. Siya'y resulta ng mapanlikhang kabuuan ng
lipunan-kultura.
{1.3.44}
Subalit ang mga bilingguwal at polyglot ay may papel din sa pagpapayamang
ito ng kultura sa pamamagitan ng wika. Sila ang tagapagpasok sa kabuuang kultural ng
mga elementong galing hindi lamang sa mga kulturang "banyaga" kundi sa mga kamag-anak
na kulturang bumubuo o tumutungo sa pangkalahatang ethnos o pagkawika-at-kultura.
Itong huling tungkulin ay nagagampanan sa Alemanya, halimbawa, dahil sa mapanlikha at
buhay na pagkaka-ugnay ng mga diyalektong Aleman sa Hochdeutsch, ang taga-pamagitang
pambansang wika.
{1.3.45}
May nagkakatugmang continuum ng pagkakultura mula sa batis ng mga grupong diyalektal
tungo sa pangkalahatang wika ng pag-Aleman. Halos bawat isa ay may kanyang diyalekto,
subalit lahat ay angkin ng wikang kultural. Ang pagpapasok naman ng mga sangkap mula sa
ibang kultura, lalo na sa larangan ng diwa at sining, ay gawa kadalasan ng mga
bilingguwal na tapat sa sariling pagkawika-at-kultura.
{1.3.46}
Ang bokabularyo at kasaklawan
ng sining, literatura, pilosopiya at siyensiya sa Aleman ay nalikha at umunlad
noong ika-19 na siglo hindi lamang sa sinapupunan ng kulturang Aleman (ayon kay
Herder at sa magkakapatid na Grimm) kundi sa matalino at may direksiyong pag-aangkin
"mula sa banyaga" na ibinunsod ng mga polyglot na humanista, tulad nina Goethe,
von Humboldt, Mendelssohn, Heine, Schliemann, o kaya'y si Schlegel. Ang problema naman
dito ay ang tindi at antas ng panghihiram, subalit ito'y nalulutas hindi sa pagtatalo
kundi sa praktika.
{1.3.47}
Ang pagpapayaman ng kultura mula sa nakaraan ng sariling lipunan o estado at
lalo na mula sa buong daigdig ay dakilang ambag din ng mga polyglot. Ang
mga dokumento tungkol sa sariling kasaysayan at pagkawika-at-kultura ay sinikap
isalin at imprentahin ng mga Aleman, Pranses at iba pa sa sariling
wika noong ika-19 na siglo.
{1.3.48}
Sa sariling wika rin isinalin ang kaisipan
ng mga rehiyon, kabihasnan o bayan ng buong mundo na ginawan nila ng pananaliksik.
Inumpisahan ng mga Aleman ang isang dakilang tradisyon ng pag-aaral sa kanilang
wika ng mga bagay na tungkol sa iba't ibang kabihasnan ng daigdig, gaya ng India o
Tsina. Ang Societe Asiatique ng mga Pranses at ang kanilang ecoles sa
iba't ibang dako lalo na ang Ecole Francaise de I'Extreme-Orient ay nagpahayag
ng kanilang mga natuklasan sa Pranses.
{1.3.49}
Lahat ng ito ay malaking ambag sa kuhanang-yaman ng kulturang Pranses o Aleman. Ang
totoo, mula pa noong Muling Pagsilang (Renaissance), nabuksan na para sa mga
kulturang Europeo, dahil sa pagsasalin ng mga polyglot, ang buong Kalaunan
(Antiquity) mula sa sibilisasyong Griyego-Romano hanggang sa mga pinakaunang kultura
gaya ng Sumer at Ehipto. Kadalasan, ang mga saling ito ay nakapagpasulong ng mga
bagong estilo sa literatura at pati na sa sining.
{1.3.50}
Ang ibig sabihin dito'y hindi dapat itakwil ang sariling wika sa
pagpapayaman ng sariling kultura. Nang isalin ng humanistang si Jacques Amyot
si Plutarch, hindi niya ginawa
ito sa Aleman o sa Italyano kundi
sa sariling wika.
{1.3.51}
Ang ibig sabihin, kung saang wika kumakatha, iyan ang
binabathala . Sa ganito ang Polakong si Conrad ay hindi kailanman mapapabilang
sa literatura ng Polonya kundi ng sa Ingglatera. Hindi
matataguriang manunulat na Ruso si Nabokov, kahit may nagawa raw na isa o
dalawang katha sa Ruso. Oras na gamitin ng isa ang ibang wika, napapaambag siya sa kultura
nito - kung di man nagpapaangkin dito at, sa gayon, ay nawawala sa sariling kultura.
{1.3.52}
Katunayan, wika ang daluyan ng kultura hindi lamang tungo at mula sa
tao bilang mapanlikhang tagatanggap at tagaambag sa kinabibilangang kultura, kundi mula
(gaya ng naipakita na sa trabaho ng mga polyglot) at, bilang ganti at kakikilanlang ambag sa
sangkatauhan at sa kasaysayang pandaigdig, tungo pa nga sa ibang pagkawika-at-kultura.
Walang makapagpapakilala sa isang kultura kundi ang mga nalikha nito sa sariling wika
.
{1.3.53}
Ang mga nasulat na "literatura" ng mga Ruso sa wikang Pranses noong ika-18ng siglo ay
walang panghihinayang na natabunan nang mamulaklak noong ika-19 na siglo ang dakila
at monumental na literaturang Ruso batay sa wika ng bansa . Sa kasaysayan
ng mundo, walang bayan, liban na yata sa mga Hudyo matapos ang diaspora ,
na nakapag-ambag sa
kabihasnang pandaigdig sa wikang hindi sarili.
{1.3.54}
Subalit ang Hudyong lumikha sa Aleman
ay Aleman ; ang sa Pranses ay Pranses. Si Spinoza ay napapaloob sa
kulturang Olandes ,
si Disraeli sa Ingles, si Freud sa Aleman, si Durkheim sa Pranses. At nang makapagtatag
ang mga Hudyo ng isang bansang-estado , ang una nilang pinag-ukulan ng pansin ay ang
pagpapanumbalik ng Hebrew .
{2.0}
2 Wika at Kulturang Pilipino
Ano ang silbi ng katatapos lamang analisahing mahigpit na pagkakaugnay
ng wika at kultura sa ating kasalukuyang kalagayang pambansa? Mayroon na ba tayong masasabing
pagkakultura-at-wika? Kung mayroon, aling wika, ngayon o sa di matagal
na hinaharap, ang pag-iimpukan at pagkukunan nito? At paano ang tungkol sa wikang ito
bilang daluyan ng pambansang kultura?
{2.1.31}
Ang Pilipinas ba ngayon ay isang kabuuang kultural, isang
pagkakultura-at-wika? Walang alinlangang tayo'y tumutungo rito, subalit sa ngayon,
tayo'y nasa yugtong maaaring tawaging isang "pamayanang pambansa" na
naghahangad na maging isang bago at mas malawak na kabuuang etniko: ang
pagkakultura-at-wika sa loob ng isang estado o bunga
ng paglaganap ng isang estado.
{2.1.32}
Ang kasalukuyang "pamayanang pambansa" ay ang pinakabagong kinahinatnan
ng ating kasaysayan. Maaaring nakaugat
ito sa lupa mismo ng
Pilipinas, gaya ng sinasabi ni Dr. Fox at ng kanyang alagad.
{2.1.33}
Ngunit dahil sa hanggang ngayo'y wala pa silang paraang natutuklasan
para mapagsalita ang tao
ng Tabon at ang mga ipinapa-lagay na kasama ng elephas sa Cagayan,
sapat na munang umpisahan ang ating mga problemang kultural sa pagkakaroon
ng marami ngunit magkakamag-anak na kabuuang etniko noong mapadpad sa dako natin ang
mga Kastila taglay ng unang alon ng paglawak ng Kanluran.
{2.1.34}
Ang pinakamahalagang resulta ng pagtatagpong ito ay hindi ang pagkakapatay
kay Magellan o ang pakikipagsanduguan ni Legaspi kundi ang pagiging
isang lipunan ng dating magkakahawig subalit magkakahiwalay na ethnos sa kasalukuyang
teritoryo ng Pilipinas. Maaaring hindi talagang kailangan, para sa pangyayaring ito, ang
sangkap na Kastila. Ngunit iyan ang pangkasaysayang
katunayan:
{2.1.35}
ang antas ng "lipunan" ay nakamtan ng mga nasabing grupong etniko sa loob ng
isang kabuuang pulitikal na dala at gawa ng mga Kastila. Dahil dito, sa simula pa'y
sumulong na ang lipunang ito nang may pagkakasalungat sa mga "manlulupig," sa
kabila ng di-matanggap na damdamin ng paghanga at kapootan bilang lipunang bihag.
{2.1.36}
Ang pinagdaanan ng lipunang ito hanggang sa ika-19 na siglo ay hindi dapat
bale-walain bilang isang "nawawalang kasaysayan." Naganap noon ang mga unang
reaksyon at ang matagalang interaksyon ng mga katutubong kultura sa
pagkakultura-at-wika ng mga Kastila.
{2.1.37}
Bunga nito, lalo ngang nabuo mula sa loob
ang lipunang sakop, na unti-unting nagkakaroon ng kaisahan sa kultura habang
pinapasukan ng mga elemento ng pagka-Kastila.
{2.1.38}
Dahil sa taal na pagkakahawig ng lahat sa kultura at dahil sa
nadarama na iisa ang kaharap sa larangang kultural, humantong ang sitwasyon
sa isang polarisasyon sa paligid ng isang wika sa pinakasentro ng pagtatagpo
ng kakastilaan at ng mga kulturang nabuo sa naturang lipunan - ang Tagalog.
{2.1.39}
Sa rehiyong ito
pinakamasidhi ang salungatan ng Kastila at katutubo, hindi lamang sa larangang
kultural kundi pati na sa ekonomiya at pulitika. Kaya, sa paligid ng katagalugan nabuo
ang isang kontra-kultura, isang pagkakatipong pangkultura na "di-Kastila" o, sa
mapag-alipustang sabi, "Indio." Ito'y naging makapang-yarihang konsepto noong
siglo ng Rebolusyon.
{2.1.40}
Sa panahong iyon, ang pagkaalam ng pagkakaiba sa Kastila sa larangang kultural
(isang pagpapasaibabaw at pagbibigay-dangal sa isinaloobing "pagka-Indio") ay nag-udyok
sa lipunang katutubo na magnais maging isang bansa - o ang mabuo
bilang kultura at wika sa harap ng kakastilaan. Ito ang isang malalim na dahilan
kung bakit umusbong noon ang literaturang Tagalog.
{2.1.41}
Narito rin ang sanhi
kung bakit minarapat ng mga Kastila na dustain o kaya'y maliitin ang
Tagalog at alinmang katha dito, gayong halos hanggang langit ang pagpuri rito
noong panahon ng pananakop. Maaaring tingnan ang buong
Propaganda
bilang isang pagtatangkang linawin sa diwa ng lipunan ang uri at buod ng
ninanasang kabuuang kultural.
{2.1.42}
Dito lubos na mauunawaan ang interes ng lahat sa
"dating kabihasnan" at ang pagpupunyagi nina Rizal, del Pilar at iba pa na kumatha o
magsalin sa sariling wika, gayong silang lahat ay naangkin ng pagka-Kastila
nang di lamang bahagya.
{2.1.43}
Hindi maiintindihan nang husto ang sidhi ng mga
polemika noon tungkol sa mga bagay na kultural kung di tatarukin ang nararamdaman
ng bawat isa, Kastila man o Indio, na hindi na mapipigilan ang paghahangad
ng katutubong lipunan sa isang bagong pagkakultura-at-wika, ang
pagkabansa.
{2.1.44}
Subalit ang hindi natalos ng mga Propagandista ay ang pangangailangan
ng isang sariling estadong naiiba sa estadong kolonyal ng mga Kastila,
upang mapasulong ang kanilang lipunan sa baitang ng pagkabansa, sa isang
bagong kabuuang kultural.
{2.1.45}
Natanto ito ni Bonifacio at naging gawain ng
Rebolusyon ang magtatag ng isang estadong Pilipino, na magbibigay-anyo sa
bagong pagkakultura-at-wika at huhubog sa kabuuan nito mismo.
{2.1.46}
Kasama ng mapanlikhang lakas at diwang sumambulat bunga ng Rebolusyon, ang nasawing
estadong ito ang nagtulak sa lipunang Pilipino upang, mula noong 1896
hanggang noong mga taong 1925, ay magkaroon ng pang-kulturang pamumulaklak hindi lamang sa
literaturang Tagalog (na nawalan ng dating karibal sa wikang Kastila) kundi sa buong
kalipunang kultural na Pilipino.
{2.1.47}
Pagkatapos ng ilang taon ng di-pagkakaunawaan, humalili ang bagong estadong
itinatag ng mga Amerikano sa punsiyon ng estadong rebolusyonaryo. Pinagbigyan
ang hangaring makabansa ng lipunang Pilipino sa pamamagitan ng kapwa
pag-aamuki sa mga elementong tungo sa kaisahang kultural at ng unti-unting pagsasa-Pilipino
ng buong estado hanggang sa ganap na kalayaan. Subalit may isa ring bungang masaklap para
sa isang pagkakultura-at-wika, isang bagong ethnos.
{2.1.48}
Nakahimok ng malawakang pagpapalaganap ng kulturang Amerikano ang isang katumbas
ng dating "dapong kultura" ng Kastila na, sa ngayon, ay halos napapawi na sa
pagyabong ng "pambansang kultura" sa Tagalog at sa iba pang wikang "bernakular." Nagpasok
ang kulturang Amerikano-Pilipinong ito, sa pamamagitan ng Ingles, ng isang
bagong elemento sa problemang kultural ng nagiging bansa nang Pilipinas.
{2.1.49}
Ang resulta nito ay ang kalagayan hanggang sa kasalukuyan, na
matatawag pa ring isang "pamayanang pambansa," dahil sa ang antas ng tunay na pagkabansa,
ang bagong pagkawika-at-kulturang bunga ng isang estadong mapaghubog at hinuhubog nito,
ay kamakailan lamang tuwirang tinutungo ng buong lipunang pambansa. Subalit,
ngayon pa man, wala nang alinlangang ang tagapagpahayag at tagasaklaw na wika ng binubuong
kabuuang kultural ay ang wikang Pilipino, anuman ang
maging kapalaran pa ng Ingles sa Pilipinas.
{2.1.50}
Itong huli'y hindi kailanman maaaring maging tagapagpahayag na wika ng
nagiging kabuuang kultural na Pilipino. Wala rito ang karanasang pambansa at ang
kaalamang bayan. Hindi maaaring idugtong lamang ang
alaala at
diwa ng bayang Pilipino sa alaala at diwa ng ibang pagkakulturang napapaloob sa wikang
Ingles. Tulad ng tao, alinmang bayan ay hindi maaaring magpalit ng gunita at
unawang nakalagak sa kanyang wika, kung gustong mapanatili ang sariling kakanyahan.
{2.1.51}
Ganito rin ang nauukol sa ugali, damdamin at isip ng Pilipino: hindi
ito kailanman matatagpuan sa Ingles o sa alinmang wika, sapagkat bawat
wika ay katas ng iba at bukod-tanging pagkakultura. Kung may papel
pa man ang Ingles sa Pilipinas, ito'y bilang isang
wikang-tulay tungo at mula sa ibang pagkakultura, kasama ng Kastila at
alinmang wikang maaaring kailanganin balang araw.
{2.1.52}
Hinggil sa Pilipino naman, dito iniingatan ang malaking bahagi ng
nakaraan, lalo na mula noong mabuo ang lipunan at estadong Pilipino, hindi lamang sa mga
dokumentong personal, opisyal o panliteratura kundi maging sa bokabularyo mismo ng wika.
Nakabakas sa Pilipino ang pre-istorikal nating kaugnayan sa mga kulturang
Malayo-Polinesyo mula sa Madagascar hanggang Hawaii at New Zealand, bago maitakda ang
ating mas mahigpit na relasyon sa daigdig ng kapuluang Indones:
{2.1.53}
ang pinagmulang
mga bakas ng pagiging napakalapit na kamag-anak ng lahat ng wikang katutubo sa Pilipinas,
patibay sa kaisahan ng buong nakalipas nating pakikibagay sa mga Kastila at Amerikano,
at pati na sa iba pang Kanluranin. Nakalagak sa Pilipino ang buong kasaysayan
ng bayang Pilipino, lalo na iyong baha-bahagi ng kanyang lunggating maging isang bansa.
{2.1.54}
Nakalagak din sa Pilipino ang malaking parte ng kaalaman ng lipunan,
lalo na iyong makabuluhan sa nakararami. Ang pinakapruweba nito'y ang paggamit
ng bayan sa wikang Pilipino sa lahat ng larangan ng buhay na walang
kinalaman sa aspetong dulot ng sistema ng edukasyon sa wikang Ingles.
{2.1.55}
Para maging epektibo
sa kani-kanilang trabaho hindi kailangang mag-Ingles pa ang magsasaka,
mekaniko, mangingisda, tindera, maglalako, tsuper, manggagawa, at iba pang tunay na
tagapagpagalaw ng buhay-lipunan. Pati na sa mga opisina sa Makati, Pilipino ang palasak
na pananalita, bagamat napipilitan ang lahat
na isulat ang mga
opisyal na sulat komunikasyon sa Ingles, na kadalasa'y bali-bali o
pauga-uga.
{2.1.56}
Kalimitan, ang kaalamang itong dala ng Pilipino tungkol sa kabuhayan at pamumuhay
ng lahat ay kaila sa mga "edukado" sa Ingles, na dahil dito ay nahihirapang
iangkop ang kanilang nalalaman sa pangangailangan ng bayan. Sa gayon,
sila'y napapalayo hindi lamang sa sariling pagkakultura-at-wika kundi sa mga
problema mismo ng lipunan:
{2.1.57}
ang kawalan ng epekto ng mga "intelektuwal" ay lalong
lumulubha dahil sa pagkakalayo sa sariling kultura, ang pinakamasaklap na
uri ng pagkatiwalag o alyenasyon. Subalit ang ganito'y hindi karanasan ng
mga doktor, nars, inhinyero at iba pang propesyonal na nakapag-aangkop ng kanilang
kaalaman sa kalagayang-bayan dahil sa paggamit ng kanilang katutubong
wika.
{2.1.58}
Sa ugali at damdamin, ang pagkakalayo sa bayan dahil sa Ingles, sa kabutihang palad,
ay di gaanong malubha. Karamihan sa mga nag-i-ingles-inglesan ay
nagsasalin lamang mula sa Pilipino o kaya'y mula sa isang katutubong wika.
{2.1.59}
Halos hindi na napapansin ang madalas marinig na bating "Where are you going?",
na ikinagigitla ng mga banyagang hindi nakaiintindi na ito'y katumbas lamang
ng alinmang pagbati sa alinmang kultura, at hindi katibayan ng gawing mapag-usisa ng
Pilipino. Laganap din ang mga pananalitang
gaya ng "Ikaw kasi, you keep repeating and repeating," o kaya'y "It's difficult to talk"
("Mahirap na lang magsalita").
{2.1.60}
Ibig tukuyin dito ang buong mala-kultura ng engalogismo o taglishtiks.
Mayroon nang malawak na folklore tungkol dito at isa sa ating pinakamabuting makata ang
nakapipiga rito ng ilang tula tungo sa pagpapasaibabaw ng pagka-Pilipino sa loob ng
napasa-Ingles-Amerikanong nakatataas na bahagi ng ating lipunan.
{2.1.61}
Mahalagang
bigyang-diin ang katotohanang pati na sa pag-Ingles natin, ang ugali at
damdaming napapaloob sa ating wika ay namamayani pa rin sa personalidad
ng nagsasalita. Hindi ito nangangahulugang nagkakaroon sa Pilipinas ng
isang diyalektong Ingles, kundi nagpapahiwatig pa nga na hindi kailanman makapapasok ang
Ingles sa katauhang Pilipino sapagkat ang mga gawi at damdaming nakabalangkas
sa ating wika ay siyang nasa buod nito.
{2.1.62}
Ito ang dahilan kung bakit iginigiit ng ilang guro sa kawalan nila
ng pag-asa sa progreso ng Ingles-Amerikano na nais nilang pairalin, na matutuhan ng
estudyante ang mga katumbas na kilos, gawi at "mid-Western accent" ng
wikang Amerikano, kasabay ng pagpupunyaging makalikha ng isang "Ingles-Pilipino" bilang
wikang naiiba raw sa ibang "Ingles" sa mundo.
{2.1.63}
Datapwat, liban sa mangilan-ngilang
napasa-ibang kultura na, hindi talaga matanggap ito ng kapili-pinuhan. Walang
ibang paliwanag kundi ang katotohanang ang gawi at damdaming Pilipino ay
maipapahayag lamang sa sariling wika.
{2.1.64}
Ganito rin sa pag-iisip at kaisipan. Ang pinakamahalagang katibayan nito ay ang
pangyayaring lahat ng "karaniwan" at pang-araw-araw na komunikasyon
(ibig sabihi'y iyong pasalita at hindi tungkol sa mga bagay na bunga ng edukasyon at
burokrasyang mana natin sa mga Amerikano) ay isinasagawa, higit sa lahat, sa
Pilipino.
{2.1.65}
Ang kapuna-puna'y nagaganap ito lalo na sa mga Pilipino sa
ibayong-dagat, dahil marahil sa doon nila direktang nalalaman ang kaibhan
ng isip-Pilipino sa ibang kabuuang kultural. At talaga namang lalong madaling tukuyin
at pag-usapan ang hinggil sa Pilipinas at kapilipinuhan kapag Pilipino ang
tagapamagitang wika.
{2.1.66}
Bukod sa realidad na ito ng pag-iisip at pakikipag-usap ng karamihan sa ating
lipunan sa Pilipino, ang wikang pambansa ang siyang nagiging
tagapagpahiwatig, kasalukuyang tagasaklaw at magiging tagapamukadkad ng kaisipang
Pilipino bilang kabuuang kultural, bilang bansa. Totoong ang mga unang pahiwatig ng
pagkakaisa ng lipunang Pilipino ay gawa sa Kastila, subalit ang bahaging
pinaka-malapit sa bayan noong Propaganda ay gumamit ng Tagalog.
{2.1.67}
At nang
maging separatista ang kilusan noong Rebolusyon, Tagalog din ang naging
tagapagpahayag ng kaisipang Pilipino hindi lamang sa larangan ng pulitika,
kundi lalo na sa kabuhayan, pamumuhay at kultura.
{2.1.68}
Ang pamumulaklak ng literatura sa Tagalog ay isa lamang bahagi ,
bagamat pinakaimportanteng bahagi nito. Mula noon, hanggang sa naging Pilipino ang
Tagalog nang ito'y lumaganap at tanggaping tagapamagitang wika mula sa
pinakasentro ng sentralisasyon ng Pilipinas sa Maynila, ang wikang pambansa ay
taga-pagsaklaw ng kabuuang pambansa - lalo na kung ito'y ihahambing
o isinasalungat sa banyaga at sa ibang pagkakultura-at-wika. Higit sa
lahat, malinaw na ang pagkakaugnay ng pinakamimithing pamumulaklak ng
kaisipang Pilipino at ng wikang Pilipino.
{2.1.69}
Ang pagpapahalaga, pagpapalalim at pagpapalawak ng mga konseptong taal sa ating
wikang pambansa (at sa mga wikang katutubo sa ating lipunan bilang tagapagpalawak at
tagapagpayaman) ay magiging batayan hindi lamang ng pagpapahayag ng
sariling pilosopiya at pananaw sa daigdig at kalikasan, kundi ng alinmang tunay na
orihinal na ambag sa paglilinang ng kaisipang unibersal.
{2.1.70}
Sa mga susunod na panahon,
makikita ng mga mananaliksik, mula sa pagkakaugnay-ugnay ng bokabularyo at pati na
ng ukol sa pag-unawa at kaalaman (kasama ng pangkalahatang diwa nito) sa bawat epoka
ng pagiging kabuuang kultural ng lipunang Pilipino, ng kanyang pagtatamo ng ganap
na pagkabansa.
{2.2.21}
Ang pagpapahayag sa pamamagitan ng Pilipino sa pagkakultura-at-wikang Pilipino ay
nasasalalay sa kagamitan nito bilang imbakan-kuhanan ng hinahangad na
kabuuang-kultural. Nabanggit na ang nakaimpok at pinaglilikhaang karanasan,
pag-uugali, damdamin at kaisipan sa wikang Pilipino.
{2.2.22}
Bagamat nakaugat sa ethnos o
pagkawika-at-kulturang Tagalog at sa reaksyon at interaksyon nito sa nakatagpong
pagka-Kastila sa loob ng isang sitwasyong kolonyal, ito ay tunay na pamana
ng buong lipunang Pilipino mula nang matipon sa kaisahang ito ang mga magkakamag-anak
na grupong etniko sa Pilipinas.
{2.2.23}
Ang kasalukuyang antas ng "pamayanang pambansa" ay mas mataas na
baitang lamang ng ating lipunang nagkaroon ng isang mapaghubog at hinuhubog
na estado. Ang kanyang tunguhin ay ang ganap na pagkabuong kultural, ang
maging bansa. Sa ganito, may dalawang aspeto ang patuloy na pagiging
impukan-hanguan ng Pilipino.
{2.2.24}
Ang una ay ang patuloy na pagtitipon ng
kulturang Pilipino sa paraang dulot ng kasaysayan ng lipunang Pilipino. Sapagkat ito
ang agos o takbo mismo ng ating kasaysayan, hindi gaanong kailangang pag-ukulan
pa ito ng buong mapanlikhang pagpupunyagi ng
kapilipinuhan.
{2.2.25}
Sa gusto man o hindi ng ibang kabansaan, ang naipong puhunang kultural
ng lipunang Pilipino ay lalago sa pamamagitan lamang ng pamamalagi nito,
ng kilos at gawa ng kanyang mga bahagi, ng kanyang pakikisalamuha at pakikilahok sa
daigdig ng mga kabuuang kultural. Palawak at palalim ding uunlad ito ayon sa
tindi at layo ng kanyang pagkakatanaw sa sariling kasaysayan at sa nakalipas ng buong
sangkatauhan.
{2.2.26}
Ang mahalaga'y umaangkin ng iba at kailanma'y huwag magpaangkin sa iba.
Ito ang katangian ng isang nabubuhay na lipunan, lalo na kung ang lipunang ito'y
naghahangad na mabuo bilang bansa. Ang lumikha sa sariling wika ay
nagpapayaman sa sariling kultura; ang lumikha sa ibang wika ay naglalayo
rito at nag-aambag lamang sa ibang kultura.
{2.2.27}
Sa konkretong sabi, si Hernandez
ay makatang Pilipino at nakaugat sa binubuong kulturang Pilipino, samantalang
si Villa at ang kanyang mga katoto ay bahaging
diyalektal o "pampook na kulay" ng literaturang Amerikano.
{2.2.28}
Ang ikalawang aspeto ay ang mapanlikhang pagpapalago , ang kusang
pagpapayaman sa puhunang kultural ng sariling lipunan upang mabuo ang pambansang
kabuuang kultural.
{2.2.29}
Dapat idiin dito nang walang pag-aalinlangan na hindi
mapapayaman ang sariling kultura sa pamamagitan ng isang banyagang wika,
liban sa kung ang elementong kultural dito ay isasalin sa Pilipino. Kaya't
anumang nalikha ng mga may nasyonalidad na Pilipino sa alinmang wikang banyaga ay dapat
ituring na banyaga, kahimat ito'y tungkol sa Pilipino
at sa kanyang lipunan.
{2.2.30}
Kabilang sa uring likha at katha ay ang kabuuan ng mga produksyon ng
iba't ibang kabansaan at ethnos sa buong daigdig. Huwag nating sabihin na ang sinulat
ni Hemingway tungkol sa isang mangingisdang Kubano ay Amerikano, kung
ituturing nating Pilipino ang katha ni NVM Gonzalez tungkol sa mga kaingero
sa Mindoro.
{2.2.31}
Kapwa may kahalagahang makatao, subalit kapwa Amerikano rin. Walang
kabuluhan dito ang nasyonalidad ni Gonzalez, gaya ng nasyonalidad ni
Burckhardt. Ang kanyang inaam-bagang kultura ay sa
Amerikano.
{2.2.32}
Sa ganito, ang kaibhan ng mga Pilipinong nagsusulat sa ibang
wika kay Conrad, ang Polakong nagsulat sa Ingles, ay ang pangyayaring
tahasan itong namalagi sa Inglatera at naging Ingles at, bukod dito, hindi niya
kinasangkapan ang kanyang karanasang "Polako" sa pag-aambag sa kulturang
Ingles, samantalang ang mga Pilipino ay nananatili sa Pilipinas at
kumakasangkapan sa kanilang "kaalaman" bilang "mamamayan ng Pilipinas" upang iyon ay
maging etnograpikong materyal para sa kanilang paglikha sa loob ng at para
sa ibang kultura.
{2.2.33}
Hindi sila naiiba kay Pearl S. Buck na
kumatas sa kanyang pamamalagi sa Tsina (na sinilangan niya) at sa kinalabasan nitong
"kaalaman" sa Tsino upang kumatha para sa mga Amerikano sa sarili nilang wika.
{2.2.34}
Ang kaukulang ito ng mga likha at kathang Pilipino sa ibang wika para sa kulturang
ipinapahiwatig ng ibang wikang ito ay dapat munang lubos na malaman at
matanggap nang walang sentimentalidad bago mapasimulan ang pagpapasa-kulturang
Pilipino ng mga ito.
{2.2.35}
Sila'y bahagi ng kabuuan ng mga bagay-kultural
na banyaga. Maaari ngang mas malapit sila sa pagka-Pilipino o mas malalim
ang kanilang pakiramdam. Subalit sila'y banyaga
pa rin at hangga't di sila maisasalin sa wikang pambansa upang
mapakinabangan ng kabuuang pambansa, hindi sila magiging bahagi ng
pambansang kultura.
{2.2.36}
Datapwat ang kanilang pagiging Pilipino, ang kanilang
pagpapasa-Pilipino ay katulad lamang ng alinmang pag-aangkin ng lipunang
Pilipino sa mga banyagang sangkap-kultural mula sa iba't ibang dako ng daigdig at epoka
sa kasaysayan ng sangkatauhan.
{2.2.37}
Gayunman, sila ang dapat maunang angkinin para sa kabuuang
kultural na ipinapaloob sa wikang Ingles mula sa Pilipino o sa alin pa mang
katutubong wika. Ang kabaligtaran ang dapat gawin: ang magsalin sa
Pilipino ng mga nagawa ng mga Pilipino sa Ingles, pagkatapos na puspusang maipaunawa
sa lahat at talagang mabatid ang kabalintunaan ng pagsusulat sa Ingles kung ang nilalayon ng
lipunan ay isang tunay na kabuuang kultural.
{2.2.38}
Kasabay nito ang pagbabalik ng mga
nabihasa o nabuyo sa Ingles-Amerikano sa kanilang pamayanang pambansang tumutungo sa
isang bagong pagkabuong etniko. Malaon nang lumalawak ang kilusang ito lalo na sa
intelehentsiyang unibersitaryo, palatandaan ng unti-unting pagpanaw ng kanilang
alyenasyon sa bayan, ng pagpapaliit ng agwat ng pagkakalayo ng elite sa nakararami
sa lipunang Pilipino.
{2.2.39}
Matapos isalin at ilagak sa Pilipino ang mga nagawa ng Pilipino sa
ibang wika, dapat pang buksan ang kapilipuhan sa iba't ibang
pagkawika-at-kultura upang makapili rito ng anumang maaaring ipasok sa sariling kultura
sa pamamagitan ng pagsasalin. Hangga't maaari, dapat gawin ang pagsasalin mula
sa wika mismo ng pinagku-hanang kultura. Ito'y magpapalawak at magpapalalim
hindi lamang sa sinasalinang wika at kultura kundi sa
pagkaalam at pagkaunawa ng sariling pagkawika-at-kultura.
{2.2.40}
Ang ningning ng sariling wika at lalim ng sariling kultura ay
nakikita sa salamin ng ibang wika at kultura. Mas marami ang pinaghahanguan,
mas tumitingkad ang sariling kabuuang kultural. Ang ibig sabihin dito'y
huwag magsalin, halimbawa, ng mga likhang Aleman, Pranses, o Ruso mula sa pagkakasalin
ng mga ito sa Ingles. Ang magiging resulta nito'y ang pag-aangkin lamang
ng mga pananaw ng pagkawika-at-kulturang "Ingles."
{2.2.41}
Sa ganito'y mawawala sa kapilipinuhan
ang kadalisayan ng iba't ibang anyong kultural na nagmumula sa pagkasari-sari
ng mga kabuuang kultural sa mundong ibabaw. Dapat ituring ang lahat ng kultura
(at hindi iisa o dadalawa lamang) ng buong daigdig na tibagan ng mga kultural
na sangkap na magagamit sa sariling pagkakultura.
{2.2.42}
Ang pagpapahalagang ito sa iba't
ibang kultura sa pamamagitan ng mapanlikhang pag-aangkin ng mga sangkap na makabubuti
sa sarili ay siyang katangian ng isang kulturang may kasarinlan.
Ang lahat ay nagpapahiwatig ng makataong pagka-kaugnay-ugnay ng mga
kultura, sa kabila ng kakanyahan ng bawat isa.
{2.2.43}
Ang nabubuong kaisahang kultural sa Pilipino ay lalong lalago dahil
sa mapanlikhang pagkakaugnay nito sa kanyang iba't ibang elementong etniko: (1) ang
buong pangkasaysayang karanasan sa Pilipino, ang pangkalahatang pamana ng magkakamag-anak
na grupong etnikong Pilipino sa lipunang kanilang nabuo; (2) ang kakanyahang etniko ng
bawat isa, na nagpapayaman sa kabuuang kultural; at (3) ang karanasang partikular ng
bawat ethnos sa kasaysayan ng Pilipinas.
{2.2.44}
Mapalalago ang unang elemento sa inter-aksyon ng isa't isa sa loob
ng lipunang ang nagiging tagapamagitan at tagasaklaw na wika ay Pilipino. Ang pakikiugali
at pakikisalamuha ng isa't isa sa wikang Pilipino ay nagpapalawak sa pambansang
kulturang ipinahihiwatig ng wikang ito.
{2.2.45}
Payayabungin naman ng ikalawa at ikatlong
elemento ang hinahangad na kabuuang kultural sa pamamagitan ng mga salin
sa Pilipino mula sa mga wikang katutubo sa Pilipinas, kasama na ang mga diyalekto ng
Tagalog na napapalayo na sa Pilipinong dati-rati'y batay dito. Lalong mapapadali
ang kanilang sariling wika o katutubong diyalekto.
{2.2.46}
Ang mga salin ay magiging parang katas na umaakyat mula sa mga ugat ng
kapili-pinuhan tungo sa ninanasang kabuuang kultural, sa bago at mas malawak na
pagkakulturang ipinapahiwatig ng wikang Pilipino.
{2.2.47}
Hanggat maaari, ipagpaliban na muna
ang pagsasalin sa Ingles o sinumang magnanais umangkin ng ilang elemento
ng ating pagka-Pilipino. Hindi natin sila dapat tulungan dito, yamang
malaki ang kanilang naitutustos sa pagpapayaman ng kanilang sariling kultura.
Ang kailangang alagaan ay ang sariling atin , ang pagbuo ng ating
kultura.
{2.3.11}
Ang pagbuong ito'y hindi magaganap kung ang ninariasang kabuuang
kultural ay hindi maipapasaloob sa mga bahagi ng lipunang Pilipino.
Ang interiorisasyon o pagpapasaloob na ito'y maisasagawa lamang sa
pamamagitan ng Pilipino, ang tanging daluyan ng pagpapasakulturang-Pilipino ng mga tao
sa ating lipunan.
{2.3.12}
Nanga-ngahulugan ito na hindi matututuhan ng mga Pilipino ang
sariling kultura sa pamamagitan ng Ingles. Ang paggamit ng Ingles ay
nagbibigay-daan pa nga sa panganib na ang mga Pilipino'y
mapasa-ibang-kultura. Kung talagang gusto ang kaisahang kultural,
dapat na ang buong edukasyon ng Pilipino ay
isagawa sa tagasaklaw
na wika ng kanyang kultura, ang Pilipino.
{2.3.13}
Maaaring ipagpatuloy ang Ingles bilang wikang tagapag-ugnay ng
Pilipinas sa labas, subalit hindi ito maaaring maging tagapamagitan
at tagasaklaw na wika ng buong pamayanang pambansa. Wikang Pilipino ang nakatakda
para dito.
{2.3.14}
Kaya't ang pinakasentral
na problema sa kasalukuyan ay kung paano talagang mapapalitan ng Pilipino ang Ingles
bilang wika hindi lamang ng instruksyon kundi ng burokrasya at ng
komunikasyong sosyal sa larangang ekonomiko-sosyal. Gayunman, ang tinutungo ng
kasalukuyang kalagayan ay ang mapalitan nga ang Ingles. Isang pagsulong
na hakbang sa direksyong ito ang desisyon ng pamahalaan na debelopin ang
Pilipino bilang wika ng mga Pilipino, kasama ang Ingles, sa lahat ng antas
ng edukasyon.
{2.3.15}
Maraming problema kung pananatilihin ang Ingles sa loob ng binubuong
pambansang kultura. Isa na ang panganib na masaklaw ng Ingles ang kulturang ito at,
sa gayon, ay maipasok ito sa kabihasnang Amerikano bilang isang sub-kultura
bago lubos na matunaw. Sa ganito'y maaaring hindi mabuo ang pambansang kultura.
Ngunit, sa kabutihang palad, hindi naman yata
mangyayari ito.
{2.3.16}
Napakalakas na ang hangarin ng lipunang Pilipino tungo sa kaisahang kultural.
Isa pang problema ay tungkol sa mga bilinguwal. Alam nating taglay ng mga ito
ang mga kulturang kasindami ng wikang alam nila. Nakalilikha sila sa lahat
ng wikang alam nila. Subalit sa iisang kultura lamang
sila tunay na nakikibahagi at nagiging tapat.
{2.3.17}
Katunayan, marami ang natatangay mula sa kulturang Pilipino ng malakas
na akit ng posisyong sosyo-ekonomiko ng Ingles, dahil sa nakaraan at kasalukuyang papel
nito sa lipunan. Lalong lumulubha ang problema sa maling akala na ang likha
ng isang Pilipino sa Ingles-Amerikano ay bahagi ng kulturang Pilipino.
Ito ang dahilan ng pagpapasaibang-kultura ng ilang Pilipino, lalo na sa
larangan ng literatura.
{2.3.18}
Sa kabutihang palad ay napakalusog ng pambansang kultura.
Sa kabila ng mga kalamangan ng Inges, Pilipino ang nagiging pangunahing wika
sa buong bansa. Maaaring maangkin ang isang Pilipino o grupo ng Pilipino ng
kulturang ipinapahiwatig ng Ingles-Amerikano, ngunit hindi kailanman mapapasaiba ang
buong kulturang Pilipino.
{2.3.19}
May papel ang mga bilinguwal sa pagpapayaman ng kulturang Pilipino,
bagamat ito'y pinaunlad, higit sa lahat, ng mga taong ang tangi o prinsipal
na salita ay Pilipino. Pinauunlad nila ito sa pamamagitan ng kanilang
partisipasyon sa buhay ng lipunan.
{2.3.20}
Ang mga bilinguwal ang siyang nagpapasok
ng mga elementong kultural mula sa ibang pagkakultura. Subalit ito'y nasasalalay
sa kanilang likas na katapatan sa sariling wika o sa kanilang pagbabalik dito
pagkatapos ng ilang panahong pagkaakit sa Ingles o sa alinmang wika. Malaki ang
maitutulong nila sa pagpapalawak at pagpapalalim ng kulturang
Pilipino mula sa labas.
{2.3.21}
Higit pang importante ang papel ng mga bilinguwal sa mga katutubong
diyalekto, sapagkat sila ang magpapayaman sa bagong kabuuang kultural
mula sa ubod mismo ng kapilipinuhan. Sa ganito, ang tinatawag na "integrasyon" ng mga
"minoryang etniko" ay isang mapanlikhang pag-aambag sa binubuong pambansang
kultura, sa pamamagitan ng pagsasalin ng mga likha ng kanilang diwa at sining. Panghuli,
mga bilingguwal din ang magpapasok ng mga elementong kultural mula sa
kasaysayan ng sariling lipunan at ng buong daigdig.
{2.3.22}
Bukod sa Pilipino, ang tanging daluyan ng pagpapasakulturang-Pilipino ng lahat ng
Pilipino at ng pag-aambag ng mga ito sa ninanasang kabuuang kultural, Pilipino rin
ang agusan kapwa ng pagpapahayag ng mga pagka-Pilipino sa ibang kultura at
ng anumang magiging kontribusyon ng kapilipinuhan sa kaalaman at kasaysayan ng daigdig.
{2.3.23}
Sa mga pagsasalin mula sa Pilipino, maipapakita sa ibang kultura ang kakanyahan
ng kulturang Pilipino. Hindi kina Villa, Javellana o Tiempo mababakas ang
tunay na pagka-Pilipino kundi kina Abadilla, Hernandez at Sikat, lalo na kung
ang pag-uusapan ay mga pagsasalin tungo sa ibang
pagkakultura
{2.3.24}
Sina Villa, Javellana at Tiempo ay bahagi ng literaturang Amerikano
sa Pilipinas, samantalang ang huling tatlo ay nakatayo sa mayamang lupa ng
literaturang Pilipino. Bukas makalawa, matapos nating mabuo ang bagong pagkakulturang
Pilipino, sa wikang Pilipino matutunghayan ng buong mundo ang resulta
ng pag-iisip ng sangka-talinuhang Pilipino sa pilosopiya man o sa siyensiya.
Iyan ang tiyak na magiging bunga ng isang masigasig na paggamit at
pagdebelop sa sariling wika bilang kasangkapan ng diwa at unawa.
{3.11}
3 Konklusyon
Ang wika ay hindi lamang daluyan kundi tagapagpahiwatig at
imbakan-kuhanan ng kultura bilang kabuuan ng isip, damdamin, ugali at karanasan ng
isang grupo ng tao. Ito'y katotohanang mapapatunayan sa pamamagitan ng mga
halimbawa sa buong daigdig.
{3.12}
Ang halimbawa ng Pilipinas ay may kaibhan. Una, ang lipunang Pilipino
ay nasa yugto ng isang matatawag na "pamayanang pambansa" na tumutungo sa isang
bagong kabuuang kultural na hinuhubog ng isang estado: ang bansa.
{3.13}
Ikalawa, ang minimithing
pambansang kultura ay mabubuo lamang kung ang Pilipino bilang tagasaklaw na
wika ay magwawagi sa Ingles, isang wikang naging importante bunga ng kolonyal
na nakaraan. Ikatlo, ang kakanyahang kultural ng Pilipinas ay nasasalalay sa
kanyang pagiging isang bansa.
{3.14}
May pagkakahawig sa ibang halimbawa ang Pilipinas. Isa na rito ang
kahalagahan ng estado , bagamat ito'y naitayo
ng lipunang Pilipino
upang makamtan ang antas ng pagkabansa , samantalang mayroon nang bansang
Aleman bago nagkaroon ng estado.
{3.15}
Ang ikalawang pagkakatulad ay sa Pransiya at Alemanya,
na kapwa may maliliit na bahaging etnikong magkakamag-anak sa ubod mismo
ng bawat kultura. Ang ikatlo ay sa mga kaisahang pulitikal sa Ikatlong
Daigdig, na halos lahat ay nakadarama ng isang pangangailangang
makabuo ng isang pambansang kultura.
{3.16}
Anuman ang pagkakaiba o pagkakatulad ng Pilipinas sa ibang kabuuang
pulitikal, siya'y resulta ng isang natatanging pangkasay-sayang pagsulong .
May maituturing siyang "sariling kultura," subalit ito'y nabubuo pa lamang
sa loob ng isang lipunang lumitaw mula sa mga magkakamag-anak na grupong etniko bunga ng
kanilang karanasan sa loob ng Imperyong Kastila. Ang Pilipino bilang tagapamagitan at
tagasaklaw na wika ang pinakamahalagang elemento sa pagkabuong ito ng
kulturang Pilipino.
{3.17}
Sa Pilipinas, gaya sa iba pang lugar, mahigpit ang pagkakaugnay
ng wika at kultura . Anumang pagpapabaya sa Pilipino ay tiyak na magkakaepekto sa
pagtatayo ng isang bansang Pilipino , tungkuling iniatas ng lipunan sa estado sapul
pa noong itatag ang Republika ng Malolos . Gayunman, ang kasalukuyang problema ay
hindi ang kung mabubuo o hindi ang kulturang Pilipino kundi kung kailan
at sa anong ritmo at lawak. Ang buong pagpupunyagi ng lipunang Pilipino ay dapat ibuhos dito
at ibinu-buhos nga.
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/salazar_1996.html
Quelle: Tumbaga, Ronald Fababier: Si Samadhi At Ang Kayamanan
Sa Dulo Ng Bahaghari
LIWAYWAY, 22 Mayo 2006 {T1Q Liwayway}
Nag-iisang pumanhik sa bundok Duhat simula pa kaninang tanghali si Samadhi, labingtatlong taong gulang na nagpapastol ng mga kambing. Kinailangan niyang daanan ang matatarik na burol at ilang mga sapa sa gitna ng kanyang paglalakbay sa paghahanap sa kayamanan, na ayon sa kanyang Lolo Pandoy ay matatagpuan sa dulo ng bahaghari. At ngayon ay malapit na siya sa tuktok ng bundok. | Heute, seit der frühen Mittagszeit schon, stieg Samadhi auf den Duhat-Berg, ein dreizehnjähriger Ziegenhirt. Er musste vorbei an den steilen Hügeln und einigen Bächen in der Mitte seiner Reise zur Suche des Reichtumes, den er gemäß seinem Großvater Pandoy am Ende des Regenbogens finden würde. Und jetzt ist er dem Gipfel des Berges nahe. |
{3.12}
Kanina, habang ipinapastol niya ang mga kambing sa isang talampas na nasa silangang kinaroroonan ng kanilang maliit na dampa, ay nakatanaw ulit si Samadhi ng bahaghari. | Vorhin, als er seine Ziegen hütete auf einer Hochebene, an deren Osten sich ihre kleine Schutzhütte befand, die ihnen als zeitweiser Aufenthalt diente, konnte Samadhi wieder den Regenbogen betrachten. |
{3.13}
Kasabay sa muling pagkaakit niya sa nakabibighaning mga kulay nito ay hindi siya nagdalawang isip na sundan at hanapin agad ang dulo ng bahaghari, na ayon pa sa kuwento ng kanyang lolo ay lugar na kung saan maaaring matagpuan ang isang banga ng kayamanan ngunit tanging ang may mabubuting kalooban lamang ang maaaring makakuha nito. | Gleichzeitig mit seiner wiederkehrenden Aufmerksamkeit für dessen faszinierende Farben macht er sich keine zwei Gedanken, dem Rat zu folgen und das Ende des Regenbogens zu suchen, der immer noch entsprechend der Geschichte seines Großvaters der Ort war, wo man einen großen Topf Reichtum finden kann; aber um das zu bekommen, braucht man viel Willensstärke. |
{3.14}
Sa lolo niya lamang narinig ang kuwentong ito, at sa kagustuhang marating ang nasabing lugar ay nagplano siyang akyatin ang bundok. Hindi siya nagpaalam sa tatay at nanay niya dahil sa agam-agam na baka hindi siya payagan. | Nur von seinem Großvater hatte er die Geschichte gehört, und mit dem Wunsch, den besagten Ort erreichen zu können, plante er, den Berg zu besteigen. Er sagte seinem Vater und seiner Mutter nicht Auf Wiedersehen aus Furcht, dass sie es ihm nicht erlauben würden. |
{3.15}
Kaya maaga pa lamang kinabukasan ay inihabilin na niya ang mga alagang kambing sa kanyang lolo at nagsimula siyang umakyat ng bundok. | Deshalb vertraute er noch früh am nächsten Tag dem Großvater seine Ziegen an und begann, den Berg zu besteigen. |
{3.16}
Tagaktak ang kayang pawis nang mapahinto siya sa tabi ng isang pinakamatandang puno na naroon. Ginulat isang maliit na tinig na la sa itaas ng puno. "Yoholey-yoholey-fom-fom!" | Der Schweiß lief ihm herunter, als er an einem sehr alten Baum dort rastete. Ihn erschrak eine schwache Stimme, die aus der Höhe des Baumes kam. "Yoholey-yoholey-fom-fom!" |
{3.17}
Napatingala sa mataas na puno si Samadhi. At mula sa isang sanga ng puno ay nakita niya ang isang nakaupong mahiwagang duwende. May makintab na pula itong kasuotan at may katandaan na rin ang hitsura. Matutulis ang dulo ng pares ng mga bota, mahaba ang puting buhok, bigote at balbas. |
{3.18}
Samadhi schaute zu dem hohen Baum auf. Und auf einem Ast des Baumes sah er einen Zauberzwerg sitzen. Seine Kleidung war glänzend rot und er sah auch alt aus. Spitz waren die Spitzen seiner Stiefel, lang das weiße Haar und sein Bart. |
{3.19}
Malalim ang talukap ng maamong mga mata at matangos ang ilong. Ngunit, kagalang-galang ito kung pagmamasdan niya. | Tief die Lider der freundlichen Augen und lang die Nase. Aber er (ito) sah ehrwürdig aus, als der Junge (niya) ihn (ito nicht wiederholt) genau betrachtete. |
{3.20}
Namamangha si Samadhi. Ang nakikita niya ay katulad sa malimit ikuwento sa kanya ni Lolo Pandoy. Isa palang duwende ang matatagpuan niya sa dulo ng arko ng bahagharing kanyang pinuntahan. At nakangiti ito sa kanya na parang isang kaibigan, maamo ang mukhang tulad niya. | Samadhi war sehr überrascht. Sein Aussehen war genau so, wie Großvater Pandoy ihm oft erzählt hatte. So, einen Zwerg hat er gefunden am Ende des Regenbogens, zu dem er gegangen war. Und er lächelte ihn an wie einen Freund, wie er mit freundlichem Gesicht. |
{3.21}
"Magaling! Napakagaling!" masiglang pagbati nito sa kanya habang nakasandal at nagpapahinga sa isang buwig ng mga makintab na bunga ng puno. "Ako si Pocoy," pagpapakilala nito sa sarili. "Ano ang iyong pakay sa lugar na ito?" | "Schön! Sehr schön!", begrüßt ihn der Zwerg, während dieser sich zurücklehnt und auf einem Bündel von glänzenden Früchten des Baumes ausruht. |
{3.22}
Buo ang loob na sumagot si Samadhi. "Narito ako dahil dito raw matatagpuan ang kayamanang nasa dulong arko ng bahaghari. Wala na akong natatanaw na bahaghari, kaya alam kong narito na ako." "Magaling! Napakagaling!" palatak ni Pocoy. "Hindi mo na nga iyon kayang abutin ng iyong paningin, dahil naririto ka na." | Seinen Mut zusammennehmend, antwortet Samadhi: "Ich bin hier, weil man hier - so sagt man - einen Schatz am Ende des Regenbogens finden kann. Ich sehe den Regenbogen nicht mehr, deshalb weiß ich, das ich an der richtigen Stelle bin." "Schön! Sehr schön!" sagte Pocoy und klackte mit der Zunge. "Du bist nicht mehr in der Lage, dass dein Blick ihn erreicht, weil du bereits hier bist." |
{3.23}
Kapagkuwan ay itinaas ni Pocoy ang isa nitong kamay at inatasan siyang pumikit. "Simbrep-fep-fe-ref! Ho-ho-ho-ho!" | Nach einer Weile hob Pocoy eine Hand und befahl dem Jungen, die Augen zu schließen. "Simbrep-fep-fe-ref! Ho-ho-ho-ho!" |
{3.24}
Kahit nakapikit ay may naramdaman si Samadhi. Parang biglang may nagliwanag na kung anong bagay sa may ibaba ng matandang puno ng duhat. Saglit siyang nagtaka. Ano kaya ang mahiwagang bagay na iyon? Ni wala man siyang naulinigang may lumagpak na kung anong bagay sa harap niya. | Obwohl er die Augen zu hatte, fühlte Samadhi etwas. Plötzlich wie irgendwas Helles unten an dem alten Duhat-Baum. Einen Augenblick war er überrascht. Was für eine wundersame Sache mag das sein? Das hatte er noch nie gehört, wie irgend etwas so vor ihm herunterfiel. |
{3.25}
Nang muli siyang atasan ni Pocoy na dumilat ay halos mapalundag siya sa labis na tuwa. Nasa harapan na niya ang isang malaking banga na punumpuno ng nagkikislapang kayamanan: mga gintong salapi, bara ng ginto, iba't ibang kulay ng mga diyamante at mga perlas. Namimilog ang kanyang mga mata. | Als Pocoy ihm auftrug, die Augen wieder zu öffnen, wäre er fast vor lauter Freude aufgesprungen. Direkt vor ihm war eine großer Krug randvoll mit glitzernden Reichtümern: Goldmünzen, Goldblöcke, Diamanten und Perlen der verschiedensten Farben. Seine Augen wurden ganz rund. |
{3.26}
"Wow!" parang di makapaniwalang bulalas niya. "Totoo ba'ng lahat ng mga ito?" | "Wau!" brach es wie kaum zu glauben aus ihm hervor. "Sind die alle wirklich echt?" |
{3.27}
Napalikmo siya sa tabi ng banga. Tinangka niyang bilangin isa-isa, ngunit pinigilan
siya ni Pocoy. "Hindi mo na kailangang bilangin ang mga iyan. Dahil kailangan mo pang
bumalik rito kinabukasan, pagkatapos mong maipamahagi ang kalahati niyan. At saka pa
lamang ako aalis dito sa lupa upang ibalita sa aming kaharian kung kanino
at saan napunta ang kayamanan," sabi nito.
{3.28}
Napakamot ng ulo si Samadhi. Walang nabanggit si Lolo Pandoy tungkol sa sinabi ng mahiwagang
duwende. Ngunit, bigla niyang naalala ang naganap sa kanilang lugar noong isang linggo.
Iyon ay ang maramihang pagkasalanta ng mga pananim ng mga magbubukid pagkatapos na dumaan
ang isang napakalakas na bagyo roon. Marami ring mga hayop sa bukid ang nangamatay.
Mapalad ang pamilya nila dahil nakaligtas
sa sakuna ang mga alaga nilang kambing.
{3.29}
"Magaling! Napakagaling! Ikaw na ang bahala sa mga iyan. Basta't ako ay lilisan dito sa
sandaling malaman ko kung ano ang kinahinatnan ng kalahati ng kayamanang iyan. Hindi
kasi ako maaaring lumagpas sa panahong itinakda sa akin ng aming dakilang hari,
Samadhi.
{3.30}
Kapag hindi ko nagawa iyon, mapagsasarhan ako ng pintuan sa aming kaharian sa
habang panahon. Alam mo naman ang ipinag-uutos ng isang hari, hindi puwedeng mabali,"
bilin ni Pocoy.
{3.31}
Nagtaka at nahiwagaan si Samadhi sa duwende. Paanong nalaman nito ang pangalan niya?
Nagpatuloy ito. "Hindi mo na kailangang isipin iyon. At hindi ko na rin itatanong sa iyo
kung saan mo gagamitin ang kalahati ng kayamanang mapapasaiyo.
{3.32}
Sapagkat batid kong hindi kumukupas ang busilak na kalooban sa isang batang katulad mo,
Samadhi."
{3.33}
Napangiti si Samadhi, saka muling tumindig. "Maraming salamat, kaibigang Pocoy.
Pero, ang gusto ko ay ipamahagi ang lahat ng kayamanang ito sa mga tao ... ibig ko kasing
makatulong sa lahat ng mga tao, lalo na sa mga mahihirap na magbubukid na nasiraan ng
kanilang mga pananim dahil sa bagyo."
{3.34}
Namangha ang duwende sa sinabi niya. "Ikaw ang masusunod sa iyong nais na gawin, Samadhi."
Nagalak si Samadhi. Samantalang si Pocoy, bagaman ikinagulat nito ang balak gawin ni
Samadhi ay sinisigurado nitong makapagdadala ito ng isang mayamang alaala pagbalik nito sa
kaharian.
{3.35}
Kapagkuwan, nagpaalam na ito kay Samadhi. "Hanggang sa muling pagkikita, kaibigang
taga-lupa, yoholey-fom-fom!" At sa isang iglap ay naglaho ito sa ibabaw hg sanga ng puno
ng duhat.
{3.36}
Napangiti si Samadhi. Batid niya, kahit hindi nakayang arukin ng isang mahiwagang
nilalang ang gagawin ng isang taga-lupa na katulad niya sa pamamahagi sa mga mahihirap
ng kayamanang kanyang natagpuan sa dulo ng bahaghari, ay magkaisa pa rin sila ng
layunin pagdating sa pagtulong sa kapwa.
{3.37}
Higit sa lahat, natitiyak niyang labis na ikagagalak ito ng kanyang mga magulang,
lalung-lalo na ang Lolo Pandoy niya kapag nakababa na siya mula sa bundok Duhat.
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/samadhi.html
Dionela, Edgar G.: Simo - Ayos Lang
New Day Publishers, 2002, Quezon City, ISBN 971-10-1068-2
{3.11}
Mahal na Mahal
Si Mahal! Ahora mismo Mahal!
Boss, bakit Mahal ang tawag mo kay Mam?
Kasi puro mamahaling gamit ang kanyang binibili.
Mam, ba't ka mahilig bumili ng mga alahas?
Kasi hindi ipinamimigay 'yon.
{3.12}
Ano ba ito?
Nabili ko sa Divisoria.Mura lang.
Pero mahal, ano ang gagawin ko dito. Wala ang isang paa.
Kaya nga mura, e.
Ano. Bumili ka na naman ng mga bagong damit.
Kailangan k gawin ito. May mga bakanteng hanger pa sa kabinet.
Mahal ang tsinelas mo.
Ang newspaper mo.
Ang checkbook mo.
{3.13}
Anong aginaldo ang balak mong ibigay kay boss. - Isang bagay na
gustong-gusto niya.
Imported wine? Expensive colgne? E, ano? - Hindi, hindi.
Mag-aabroad ako.
Boss, mag-aabroad ba si Mam? - Ha.
Mahal, talaga bang mag-aabroad ka?
Hindi. Ano ka sinusuwerte.
Mag-aabroad ang esposa mio. Malaya na naman ako. Viva las mujeres.
Bwiset na immigration bureau. Na-deny ang passport ko.
Talagang bwiset na bureau 'yon.
Mahal, na-miss mo ba ako noong wala ako dito?
Porque, bakit? Umalis ka ba?
Ito ang na miss ko.
{3.14}
Mahal, kasali ako sa pangkat ni Prsidente papuntang Japan.
O.k. lang 'yan sa akin basta sumulat ka lang palagi.
Sa tseke.
Mahal, sasama ako sa 'yo sa Japan.
Mi esposa mio es uno pleasure trip esto na lakad ko... por eso no pwede kita isama.
Mahal, dito na ako sa Japan.
At kasalukayan may meeting kami ng mga constituents ko.
{3.15}
Boss! Tingnan mo muna si mam doon sa loob ng banyo,
daliin. - Porque?
Hindi ko kasi malaman kung siya'y kumakanta lang o nalulunod na. - Iho, okey ka.
Ang pag-awit ay makatutulong sa pagpapainit ng ating dugo.
Kaya pala tuwing maririnig kitang kumakanta ... ay kumukula ang aking dugo.
{3.16}
Hoy. Hindi mo ba nagustuhan ang pag-awit ko. - Lo quiero. mahal, maganda ang boses mo.
E, ba't naka-display ka lang dyan sa bintana?
Para malaman ng mga kapitbahay natin na hindi kita
sinasakal.
{3.4}
Namimigay ng free ticket si Mam para sa concert.
Sinong may concert, si Gary V., si Regine, sino? - Hindi, hindi.
Ako!
Sige, itulak nyo pa! Pronto!
Huli na tayo sa solo concert ng esposa mio.
Wow! Hindi ko alam na ganito karami ang tao sa concert ni Mam.
At mukhang eksayted sila.
Oo, excited silang magsilayas.
Mam, ito si Pepeng Pipi. Hindi sya makapagsalita pero gusto niya ipaalam sa 'yo na
gustohan nya ang pag-awit mo.
Thank you, Pepe. I'm glad you like my voice.
Bingi din po sya, Mam.
{3.5}
Trabaho lang
Akala nila madali lang ang trabaho ko.
Ba't hindi nila subukan sa silya ko para makita nila kung gaano ka hirap ang
umupo sa silya ng isang kongresman.
Anong nanyari sa 'yong mga kamay.
Wala naman Boss. - Ok naman ito, a.
Bakit hindi 'yan nagtatrabaho?
Simo, noong tangapin kita dito sa kompania sabi mo hindi napapagod.
Porque palagi kitang nahuhuling natututulog?
Para hindi ako mapagod, Boss.
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/simo.html
Quelle: Pluma, Kir: Aman Sinaya. https://www.wattpad.com
Die Göttin des Meeres, Aman Sinaya, hilft Dumangan, dem Gott der Ernte, bei einer Trockenheit. Dabei lernen sie ich näher kennen. Aman Sinaya erfährt, dass Dumangan in Idianale, der Göttin der guten Werke, verliebt ist. Aus Eifersucht will Aman Sinaya Idianale umbringen lassen. Bathala, der Obergott, schreitet ein und Aman Sinaya verbleibt einsam.
{3.1}
Maganda ang sikat ng araw ang tumatama sa kulay asul na karagatan na
pinapangalagaan ni Aman Sinaya, ang diyosa ng karagatan. Sa
hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog ang kaniyang loob kay Dumangan,
ang diyos ng magandang ani. Palaging nakatanaw mula sa ikod ng
malalaking tipạk ng bato si
Sinaya.
{3.2}
Isang araw ay humingi ng tulong si Dumangan kay Sinaya. Nagkaroon ng
matinding tagtuyot at iyon ang naging sanhi kung bakit walang maani ang mga tao.
"Maraming salamat sa tulong mo Sinaya, kung hindi dahil sayo ay baka wala nang nakain
ang mga tagalupa."
"Walang anuman Dumangan, ang mahalaga ay natapos na ang sakuna na kinakaharap
ng mga tagalupa. Kung may kailangan ka ay alam mo kung saan ako
matatagpuan."
{3.3}
Simula noon ay palagi na silang magkasama ni Dumangan, at lalo lamang lumalim
ang pagtingin niya dito dahil sa
angkịng kabaitan nito.
"Magandang umaga Dumangan",ť nakangiting bati niya dito, isang umagang maabutan niya
ito sa dalampasigan at nakangiting nakatanaw sa kalangitan.
Gantịng bati nito sa Diyosa.
"Pansin ko ay minsan ka na lang nagagawi dito sa lupa?"
"May isang Diyosang nakakuha ng aking atensiyon, at siya ay naninirahan
sa kalangitan." Dahil sa sinambit ng lalaki ay napawi ang ngiti sa
magandang mukha ni Sinaya.
{3.4}
"Maaari ko bang malaman ang kaniyang ngalan? Malay mo ay matulungan kita."
Nasasaktan man sa narinig ay pilit na pinasigla ni Sinaya ang kaniyang boses.
"Siya ang Diyosa ng Paggawa at mabuting Gawain, si Idianale.
"Idianale? Ang katulong ni Bathala sa itaas?"ť nakakunot noon
tanong ni Sinaya sa kaharap."Siya nga. Kilala mo siya?"
{3.5}
"Hindi ngunit marami akong naririnig tungkol sa kaniya."ť Pinagmasdan ni Sinaya
ang ngiti at mga mata ni Dumangan, at siya ay nanlumo nang makitang punong puno ito ng
paghanga at pagmamahal.
"Sana ay makilala mo siya, upang malaman mo kung gaano kabusilak ang kaniyang puso."
"Kung gayon ay aantayin ko ang pagkakataon na kami ay magkakaharap, mauuna na
ako."
{3.6}
Ilang linggo ang lumipas na hindi nagpapakita si Sinaya kay Dumangan. Ni
kahit tignan ito mula sa malayo ay hindi niya na ginawa dahil alam
niyang masasaktan siya kapag nakitang iba ang dahilan ng mga ngiti
ng diyos na kaniyang iniibig. Nang isang beses na mapadpad siya sa dalampasigan upang
tulungan ang mga sirena ay nakita niya si Dumangan.
"Saan ka nanggaling, Sinaya? May magandang balita ako saiyo", masayang wika ni
Dumangan.
{3.7}
"Kung iyong
mamarapatin ay ayaw ko muna sanang marinig
ang iyong balita, kailangan kong tulungan ang mga sirena."ť Kaagad na nilagpasan ni Sinaya
ang lalaki pero napatigil siya sa winika nito.
"Binigyang basbạs na ni Bathala ang
aming pag-iibigan, Sinaya", dahil sa tinuran nito ay parang napako siya sa kaniyang
kinatatayuan.
"Nais sana kitang imbitahan sa nalalapit naming pag-iisang dibdib",ť paglingon
ni Sinaya ay wala na si Dumangan. Sobrang bigat ng dibdib ni Sinaya,
hindi niya alam ang kaniyang gagawin.
{3.8}
At dahil sa gulong-gulo si Sinaya sa kaniyang nararamdaman ay hindi niya
namalayang lumalaki na ang alon. At tumama ito sa kalupaan kung saan may
mga napaslang na mamamayan.
Maraming nagalit na tagalupa sa kaniya at wala siyang magawa kundi magtago sa
ilalim ng karagatan. Ilang araw pa ang lumipas ay pinatawag siya ni
Bathala upang mapatawan ng nararapat na parusa sa kaniyang nagawa.
"Ikaw ay ipapatapon sa malayong bundok sa ilalim ng pangangalaga ni
Dumakulem."
{3.9}
"Hindi maaari Bathala. Hindi ako makakapayag."
"Alam ko ang iyong planong pagkitil sa
buhay ni Idianale sa araw ng kanilang
pag-iisang dibdib ni Dumangan." Galit na wika ni Bathala.
"Kapag tinuloy mo ang iyong masamang balak ay papatawan kita ng parusang
kamatayan." Dagdag pa nito na lalong nagpasiklab sa galit si Sinaya.
"Ako ang unang nakilala ni Dumangan, kami dapat ang iyong bigyang basbas", sigaw ni
Sinaya.
{3.10}
"Simula pa lang noong una ay hindi na kayo ang para sa isa't isa."
"Wala ka sa posisyon para sabihin yan."ť Bumalik siya sa karagatan at sa tindi
ng kaniyang galit ay pinadalhan niya ng malalaki at malalakas na alon si
Bathala na agad namang ginantihan nito ng malalaking tipak ng lupa.
Tumagal ng ilang linggo ang kanilang sagupaan na nagresulta ng pagkakaroon
ng mga isla at kabundukan na pinapalibutan ng karagatan.
{3.11}
Nang matapos ang kanilang sagupaan ay hindi
na muli pang natagpuang tumapak
sa lupa si Sinayan. Samantalang si Dumangan at Idianale ay masayang
naninirahan sa Kalangitan.
Kapag low tide at kabilugan ng buwan ay may nagsasabing nakakita kay Sinaya
na nakatingala sa kalangitan mula sa
dalampasigan kung saan madalas dati
nagkikita si Sinaya at si Dumangan.
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/sinaya.html
1 Einleitung
3 Originaltext
4 Einzeldaten Taglish
Quelle: Estelito Baylon: Suyuan sa Bisikleta
LIWAYWAY, 27 Hunyo 2005
Si Ginoong E. Baylon ay kasalukuyang naninirahan sa # 36 Marupit St. Camaligan, Camarines Sur. Siya ay editor sa isang local na magasin sa Bikol at nakapaglathala na rin ng mga tula at maikling kuwento sa iba't ibang pribadong publikasyon sa Bikol.
{3.21}
"Hayaan mo naman akong makita siya kahit sa huling sandali" mahinahong sabi ni Joe
Carter kay Dr. Rodrigo Tible, anak ng namatay na si Nimfa na isang retiradong guro sa
elementarya ng Marupit. Dire-diretso sa labi ni Nimfa, hindi na nag-alangan pa si Joe
kahit alam niyang pawang mga guro at kapwa mga doktor ang nakikiramay nang gabing 'yon.
"Dinala ko na rin ang mga sulat at magasin na simula nang pinagbawalan mo kaming magkita't
magkausap, hindi ko na naihatid pa sa bahay nyo," dagdag ni Joe sabay lapag nito sa pulang
carpet ng sahig. "Sayang, ni hindi niya nakita at nabasa ang kanyang mga sinulat."
{3.22}
Wala pa ring imik ang doktor na nakaupo lamang sa tabi ng ataol, katabi ang
kapatid niyang si Diana na napatigil sa pag-aayos ng mga nagdatingang korona mula sa mga
pinsan at dating katrabaho ng kanyang ina. Napatitig din siya kay Joe. Maya-maya, walang
kurap na tinitigan nina Rod at Diana ang maraming sobreng nasa ibabaw ng mga magasing
inilapag ni Joe.
{3.23}
Mukhang luma na ang iba ngunit ganoon ang mga kulay ng sobre at
magasin na parati niyang nakikita sa kanilang bahay noon. Pinagmasdan ni Joe ang mukha
ng dating sinisinta. Nangayayat masyado si Nimfa ngunit parang walang pinagbago ang
mukha nito mula nang huli silang magkita. Kaaya-aya pa rin ang hugis ng
ilong at bibig na parati niya noong tinititigan tawing nag-uusap sila.
{3.24}
Bagay na bagay
pa rin ito sa humipyas na pisngi at medyo namumuti-muting buhok. Ngunit sa kagandahang
ito, nababasa pa rin niya ang lungkot sa mukha ni Nimfa. Para sa kanya, hindi totoo ang
bali-balitang parang nakahiga at natutulog lamang si Nimfa sa kanyang ataol. Nakikita ni
Joe sa mukha ang halong hinanakit at paghihinagpis bago ito nalagutan ng hininga.
{3.25}
Napabuntong hininga si Joe. Nais niyang humagulgol, nais niyang yakapin si
Nimfa ngunit paninigas lamang ng kanyang braso't kamao ang puwede niyang magawa. Ayaw
niyang lumikha ng ingay. Ang pagpunta niya sa lamay ay isa nang malaking kuwentong
pag-uusapan ng mga mga taong nakakakilala't di nakakakilala sa kanya. At hindi siya
nagkamali.
{3.26}
Naririnig niya sa kanyang likuran ang mga higing ng kuwentuhan ng mga
nakikiramay. "'Yan si Joe Carter. Siya 'yong kinagiliwan ni Nimfa noon. Kaya nga
dinala sa Maynila ni Dr. Rod si Nimfa dahil sa kanya, eh." "Ah, siya ba? Matanda
na rin pala.
{3.27}
" "Oo nga! 'Yun nga ang ikinainis ng mga anak ni Nimfa dahil kung
mag-displey daw ang dalawang 'yan sa plaza noon ay parang mga tinedyer." "Shhhh...
Baka marinig tayo. Mamaya niyan ay multuhin tayo ni Nimfa." Nanigas lalo ang mga kamao
ni Joe sa mga naririnig. Nanggigigil siya habang pinipigil ang luhang namimilog sa
kanyang mga mata.
{3.28}
Oo. Naaalala niya ang mga sandaling iyon. Masayang-masaya sila noon ni Nimfa
habang iniikut-ikot nila ang plaza. Sakay niya si Nimfa sa kanyang bisekletang ginagamit
niya sa paghatid ng mga sulat. Isang kartero si Joe sa bayan ng Camaligan sa Camarines
Sur.
{3.29}
Jose Antonio Braganza ang kanyang tunay na pangalan ngunit nabansagang Joe Carter
dahil sa pangalan niyang Jose at sa trabaho niya bilang kartero. Sesenta y kwatro anyos
na si Joe at namatay ang kanyang asawa nang siya'y kwarenta pa lang. Iisa lang ang
kanilang anak - si Fernando, na hindi nakapagtapos ng pagmamarinero dahil sa kalokohan na
rin sa pag-aaral at sa babae nito.
{3.30}
Nakilala ni Joe si Nimfa noong dekada '90. Kasagsagan ng pagiging manunulat
ng guro. Mahilig magsulat ng maikling kuwento at mga tula si Nimfa. Kaya naman, malimit
itong bumisita sa Post Office noon upang itanong kay Joe kung dumating na ang mga
magasin at kung saan lumabas ang kanyang mga tula at kuwento.
{3.31}
Nakahiligan na ni Nimfa
ang magsulat simula nang mamatay ang asawa nito noong 1987 dahil sa isang aksidente.
Kaya mag-isang itinaguyod ni Nimfa ang pagdodoktor ng anak niyang si Rod at pagna-nurse
na bunso niyang si Diana. Mabuti na lamang at nagpadala ng pangtustos para
sa pag-aaral ng dalawa niyang anak ang kapatid niyang nasa Canada kaya 'di siya gaanong
nahirapan sa gastusin.
{3.32}
Malimit na nag-uusap sina Joe at Nimfa noon. Palatanong kasi si
Joe at si Nimfa nama'y naghahanap nang makakausap ukol sa kanyang mga sinusulat.
Hindi naglaon, naging magaan ang kanilang pag-uusap at halos araw-araw na nga silang
nagkikita. Dumating sila sa puntong pareho silang nagsasabi na mahal nila ang bawat isa.
{3.33}
Napatingin si Joe sa orasan. Mag-aalasdos na pala ng gabi. "Hindi na ako
magtatagal", sabi ni Joe kay Rod. "Sandali lang,..." pigil ni Rod sabay kibit-balikat
kay Joe. "Baka naman puwedeng mag-usap muna tayo kahit sandali. Halika, doon
tayo sa labas." Napakagaan at tila hindi sumasayad sa lupa nang ihakbang ni Joe ang mga
paa para lumabas.
{3.34}
Dire-diretso pa rin siya at hindi bumaling ng tingin sa mga dinadaanan.
Sumunod naman si Rod. Bago sila makalabas ng gate ay inakbayan ni Rod si Joe.
"Ahm... nais ko sanang humingi ng paumanhin sa mga nagawa ko sa'yo noon", parang
nahihiyang sabi ni Rod. "Naku, wala 'yon", nag-alangang sagot rin ni Joe. "Pasensiya
ka na. Siguro naman, naintindihan ninyo kami ni Diana", marahang sabi ni Rod habang
tinatapik-tapik nito ang balikat ni Joe.
{3.35}
"Walang problema sa akin 'yon," nag-aalangang
sagot pa rin ni Joe. "Natural naman siguro sa mga anak na protektahan ang kanilang mga
magulang," parang wala sa sariling paliwanag ni Rod. Hindi umimik si Joe. "Nais namin
ni Dianang tanggapin ninyo ang aming pagpapaumanhin," sabi ni Rod at binaba nito ang
pagkakaakbay. "Walang problema. Nais ko rin naman ipaabot sa inyo na minahal ko ang
inyong Mama ng buong-buo." Hindi nakaimik si Rod.
{3.36}
"Ang bawat sulat at magasin na natanggap ko sa opisina'y isang makirot na
sugat sa aking puso. Kung gaano karami ang mga iyon, ganuon na kalalim ang sugat sa
aking dibdib," halos maluha-luhang sabi ni Joe. "Pasensya na," sabi ni Rod at napasinghot
ito dahil, nais tumulo ng kanyang sipon at luha.
{3.37}
"Salamat sa pagbigay ng oras sa akin
para makita ko ang inyong Mama. Nakikiramay ako sa pagdadalamhati," sabi ni Joe.
"Salamat din. Siyanga pala, puwede ka namang tumagal-tagal pa o kaya nama'y bumalik
bukas. Saka puwede ka rin namang makilibing," sabi ni Rod na may tunog ng paniniguro.
"Huwag na. Baka kung ano pa ang sabihin ng mga tao. Uuwi na ako," sagot ni
Joe at tumalikod na ito.
{3.38}
Lumabas na ng gate si Joe. Hindi man lang ito napigilan pang muli ni Rod
o napasalamatan. Parang nanlamig siya at hindi maintindihan ang nararamdaman. Naisip niya
sa mga sandaling iyon, marahil nga, tama ang mga sabi-sabi ng mga tao. Kung di na sana
nila pinakialam ang pag-iibigan ng kanilang ina at ng kartero, marahil buhay pa ito.
{3.39}
Parang 'di niya matanggap ang sabi ng ibang doktor at ayaw niyang paniwalaan kahit
doktor din siya na sobrang depresyon ang sanhi ng sakit ng kanyang ina. Paano nga naman,
nag-alsa-balutan siya at isinama ang ina matapos niyang masagap ang balitang
pinagtawanan ng maraming tao ang kanyang ina at ang karterong si Joe
dahil animo'y Bea Alonzo at John Lloyd Cruz ito sa isang soap opera kung maglampungan
sa plaza.
{3.40}
Sa Maynila, 'di na mapakali ang ina at lagi nitong sinasabing nais niyang
umuwi ng probinsya. Lagi itong nagkukulong sa kwarto, nagsusulat ng mga tula. Bihirang
kumain, malalim na ang gabi kung matulog. Walang gustong makausap.
{3.41}
Naalala niya ang kanyang mga sinabi sa ina. Magsulat ka na lang ng magsulat
para 'di ka mabagot. Kung gusto ninyo, akong maghuhulog sa koreyo ng inyong mga tula
para 'di naman masayarig ang mga iyan. Pakiusap lang, Mama, huwag na huwag mong isipin
ang magpadala ng sulat sa Joe na iyon at siguradong itatapon ko 'yan sa basurahan.
{3.42}
Isang araw, bigla na lamang nanghina ang kanyang ina, Hindi ito makakain kaya
nangangayayat. Dinala ito sa ospital. Marami silang naipainom
na gamot ngunit lumala lamang ang sakit nito. Matagal ang ilinagi ng kanyang ina sa ospital.
Ngunit wala ring nagawa ang mga doktor at namatay ito. Paliwanag, ng ibang doktor,
namatay ang ina dahil daw sa marami nang komplikasyon.
{3.43}
Nilalaro ang isip ni Rod ng mga alaalang ito. Parang di niya tuloy maiangat
ang kanyang mga paa upang bumalik sa loob ng bahay. Sumagi rin sa isip niya ang mga
pinagsasabi niya at banta niya kay Joe noon bago sila pumunta ng Maynila ng ina.
"Kung puwede sana, huwag na huwag na kayong magkikita ng Mama ko! Marami akong pwedeng
magawa sa'yo.
{3.44}
Hindi na kayo nahiya! Sesenta y dos na ang Mama at sesenta y kwatro
ka na rin, akala niyo'y mga bata kayo kung magharutan... At huwag na huwag ka na ring
maghahatid ng sulat at kung ano pa sa bahay. Kung may sulat ang Mama, itago mo na
lang at siyang pisil-pisilin mo!
{3.45}
Kung 'di naman punitin mo't isaksak mo lahat diyan
sa baga mo!" Masasakit ang mga salitang binitawan ni Rod kay Joe noon. Itinuring niyang
isang malaking pagkakamali ang magkita muli ang kanyang ina at si Joe. Aniya, iyon na
ang huling sakay ng kanyang ina sa bulok na bisekleta ng kartero. Wala nang mangyayari
pang suyuari sa bisekleta.
{3.46}
"Napakalupit ko." Bulong ni Rod sa sarili habang dahan-dahang siyang
lumalapit sa labi ng ina. Humagulgol ito at mahinang inusal ang paghingi ng tawad. "Mama,
patawarin niyo sana ako... Patawad... Naging makasarili ako. Ngunit sana naman.
Mama... naisip mo rin na wala rin naman akong ibang hangad kundi ang lumigaya ka."
{3.47}
Humagulgol na parang bata si Rod at napatigil lamang siya nang maramdaman niya ang
kamay na humaplos sa kanyang likuran. "Kuya, tama na 'yan. Huwag mo nang sisihin ang
sarili mo. Ako rin naman, eh. Pareho lang naman tayong ayaw noon kay Joe. Kahit naman
'yon anak niyang si Fernnando, di ba?"
{3.48}
Hindi pa rin maawat si Rod. Ngunit napaupo rin siya ng kapatid at sandaling
huminahon. Umiiling-iling siya. Tama ang sinasabi ng kanyang kapatid. Kahit ang anak ni
Joe na si Fernando, galit rin kay Joe noon. Iniwan daw kasi ng syota nito dahil biro
o totoong ayaw raw makipagsabayan ng syota niya sa tatay niyang si Joe na
pinagpupustahan na ng mga tambay kung sino ang mauunang ikasal sa kanila.
{3.49}
Pero, may katwiran din naman si Joe sa kanyang anak na marahil 'yon
din ang nais sanang sabihin ng kanyang ina sa kanya ngunit hindi na ito nabigyan pa ng
pagkakataon. Oo, tama. May karapatan ding lumigaya ang kanyang Mama at si Joe. At ang
kaligayahang iyon ay 'di kailanman maibibigay ng sinumang anak.
{3.50}
Napatingin si fk»d sa nakataling mga sulat at magasin na dala ni Joe. Lumapit
siya dito at dahan-dahang kinalas ang tali. Inisa-isa niya ang mga sobre. Ang iba'y
sulat mula sa mga editor. Halos di niya mabasa ang sulat ng isang nagagalak na editor
na nabibighani daw sa tindi at ganda ng mga naisusulat na kwento at tula ng kanyang
ina.
{3.51}
Ang ibang sulat ay paanyaya ng ibang manunulat. Ang iba nama'y sulat sa kanyang
pagkakapanalo sa mga kontes na kanyang sinalihan. Ang iba'y mga tseke-bayad
sa nalathalang kuwento at tula. Wala pala siyang alam. Magaling na magaling
palang manunulat ang kanyang ina. Nawala lamang sa sirkulasyon mula nang isama niya
ito sa Maynila.
{3.52}
Namilog muli ang luha sa kanyang mga mata habang kinukuha niya ang
isang magasin. Binuklat niya ang pahina at nakita ang isang tula na sinulat ng kanyang
ina. Maganda ang interpretasyon ng nagguhit ng tula sa magasin ngunit parang
napakalungkpt din. Malinis na malinis naman ang pagkakasulat ng
napakasimpleng titulo at bagay na bagay ang font nito- "Suyuan sa Bisekleta:
Para kay Joe Carter". Sa baba nito, nakasulat ang: Ni Nimfa Salvino-Tible.
{3.53}
Binasa niya ang tula. Malalim man ang mga salitang ginamit, damang-dama niya
na malalim rin ang damdamin na nakapaloob dito. Isang pagmamahal na walang kalayaan.
Pagmamahal na gamundo ang hadlang. Habang binabasa niya ito ay parang pinupunit ang
kanyang dibdib. Wari niya'y siya ang kausap ng ina sa tula. Wari niya'y siya
itongpinakikiusapan, pinagmamakaawaan, pilit pinaiintindi ang bagay na kailan
ma'y di matukoy kung kailan matutugunan.
{3.54}
Binuklat ni Rod ang iba pang magasin. Pawang mga tula na lahat ay may pag-aalay
sa iisang pangalan - kay Joe Carter. Parang batang naupo na sa sahig si Rod at binuklat
isa-isa ang mga magasin. Lahat ng kuwento at tula ay para kay Joe. Ang lahat ng kwento
at tulang sinulat ng kanyang ina at kanyang inihulog ay pawang para kay Joe. Hindi niya
halos makita ang mga nakasulat. Nais sumigaw ni Rod ngunit wala nang boses na lumalabas sa kanyang bibig.
{3.55}
Umiiyak na napahandusay siya sa sahig
habang isunusubsob ang mukha sa
gusot-gusot at nagkakapunit-punit nang mga magasin.
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/suyo.html
Quelle: Leah D. Manzano: Si Tiya Margie
LIWAYWAY, 19 Enero 2009 { Liwayway}
Ang may-akda,19-taong gulang ay kasalukuyang kumukuha ng Bachelor in Secondary Education sa University of Northern Philippines - Candon Branch, Candon City, Ilocos. Kasalukuyang Literary editor ng Gazette (Official Student publication) ng naturang unibersidad.
{3.21}
Ang kasal ay isang sagradong bagay. Kaya tama ang kasabihang,
"hindi ito isang pagkain na p'wede mong iluwa 'pag ikaw ay napaso".
"Inay, ang yaman-yaman nina Tiya Margie,' no?" Nakadungaw ako sa bintana. Tinatanaw ko
ang magarang kotse na papasok sa malawak na bakuran. Mansiyon na matatawag ang katapat
naming bahay. Kumpleto sa makabagong kagamitan at maging sa mga katulong. Pawang mga
hari at reyna ang mga among pinagsisilbihan.
{3.22}
Ang Tiya Margie na aking tinutukoy ay nakababatang kapatid na babae ni Inay. Pito
silang lahat. Si Tiyo Pancho, na dalawang taon nang namayapa; si Tiya Conching na
nakapag-aswa ng Bulakenyo; si Tiya Auring at Tiya Julia na parehong tumandang dalaga;
ang aking ina; si Tiyo Patring na magsasaka; ang Tiya Margie; at si Tiyo Ponso na
siyang pinakabunso.
{3.23}
Sa kanilang magkakapatid, ang aking Tiya Margie ang masasabing umangat ang buhay.
Nakaahon ito sa putik na pinanggalingan. Bagaman di ko sinasabing dukha kami.
Dahil sa ibayong sipag ng aking mga magulang ay nakararaos naman kami sa araw-araw.
{3.24
Di ko masisisi ang mga magulang ko kung mas hinangad nilang magkaroon lamang ng isang
maliit na pamilya. Maliit dahil nag-iisang anak lamang ako. Ginawang salamin nina
Itay at Inay ang mga pinagmulang pamilya-batbat sa hirap at pagdurusa.
{3.25}
Naalala ko, sa minsang pagkukwentuhan, nagmula raw si Itay sa malaking pamilya.
Panlabing - anim siya sa labinsiyam na anak ng mag-asawang Carlito at Soledad
Manalacan. Dahil sa laki ng pamilya at hirap sa buhay, di kinaya ni Itay ang
kinamulatang hirap. Naglayas ito sa edad na trese. Ni hindi na ito pinag-aksayahang
hanapin ng sariling pamilya. Wari'y ipinagpasalamatan pa ang kanyang pagkawala dahil
nabawasan ang pasanin ng mga ito.
{3.26}
Pagbubukid! Ito ang kinasadlakan ni Itay. Siya ay nakikisaka sa isang maliit
na bukid na pag-aari ng isang kaibigan. Labandera naman si Inay. Araw-araw ay
tumatanggap ito ng labada. Sa kakarampot na kinikita, nakararaos kami kahit papaano.
{3.27}
Sinulyapan ko si Inay. Abala ito sa pagtutupi ng mga damit. Mamayang hapon ay
idedeliber niya sa bahay ng mga Asuncion. Duda ako kung narinig niya ang aking sinabi.
Tuon na tuon kasi ang buong pansin niya sa knyang ginagawa.
{3.28}
Di ko naiwasang ikumpara si Inay kay Tita Margie. Kahit maganda si Inay noong kabataan
niya ay anag-ag ng kagandahan na lang ang natira sa pagtanda nito.Wari'y natabunan sa
paglipas ng panahon. Tulad sa isang bulaklak na unti-unting natutuyot. Maaaring dahil
salat sa pag-aalaga at uhaw sa masaganang tubig. Kahirapan, ito ang dahilan ng
lahat.
{3.29}
Maganda si Tiya Margie. Bagets kung manamit, ang mahabang buhok ay maitim tulad
ng pusikit na gabi, maputi at makinis ito kaya nakapag-asawa ng matandang mayaman.
Ang sabi ni Inay, alagang salon daw kasi ang buhok ni Tiya Margie kaya makintab sa
kaitiman.Gayon din ang kutis nito. Alaga sa derma. Pero di naman daw dating ganoon
kaganda si Tiya Margie. Kayamanan, siyang naging susi sa lahat.
{3.30}
Sa loob-loob ko, kung mayaman lang siguro kami tulad nina Tiya Margie, siguradong
mapapanatili ni Inay ang angking ganda niya.
Wala sa sariling nasabi ko. "Tutulad din ako ke Tiya paglaki ko. Gagawin ko rin ang
lahat para yumaman ako; Nangangarap na napatingin ako sa mala-mansiyon na bahay
nina Tiya. Mula roon ay natanaw ko siyang kaaalis lamang sa magarang kotse. Kasunod
nito ay ang matandang asawa na doble pa ata ang edad sa kanya.
{3.31}
Napansin kong tumigil si Inay sa ginagawa. Nilingon ko siya. Matiim siyang
nakatitig sa akin. Nagtatanong ang mga matang sinalubong ko ang kanyang paningin.
"Aanhin mo ang kayamanan kung di naman nito nabibili ang tunay na kaligayahan?"
matalinghagang tanong niya at ipinagpatuloy ang ginagawa. Ni hindi hinintay ang aking
sagot. Minabuti kong tumahimik na lamang . Naguguluhan ako sa sinasabi ni Inay kaya't
maging sa pagtulog ay pilit ko iyong inaalisa (inaalala).
{3.32}
Malapit ako kay Tiya Margie. Kung wala rin lang akong pasok ay sa bahay nila ako
nagpupunta. Dahil walang anak ang mga ito, aliw na aliw sa akin si Tiya Margie.
Binibilhan niya ako ng kung anu-anong gamit,damit man o laruan. Takot ako sa matandang
asawa ni Tiya Margie. Mabuti na lang at madalang itong lumabas pag nandoon ako sa
bahay nila.
{3.33}
Mabait si Tiya. Sa kanya lumalapit ang mga kapatid 'pag kapos ang mga ito
sa pera. Di ka magdadalawang salita rito. Bukas ang palad nito sa pagbibigay. Hanga
talaga ako sa kanya. Gusto ko talagang maging katulad niya paglaki
ko.
{3.34}
Ngunit nitong nakalipas na araw, may napansin akong kakaiba sa ikinikilos ni
Tiya. Napansin ko rin ang kanyang pananamlay. Isang araw, balak ko sanang makipaglaro
uli sa kanya ngunit tila asong bahag ang buntot na sinenyasan akong wag pumasok sa
bakuran ng mga ito. Nakabadha ang takot sa mukha nito.
{3.35}
Nabaghan ako sa ikinilos ni Tiya. Agad sumaisip sa akin ang asawa nito. Baka
pinagbawalan nito si Tiya na papasukin ako. Halos isang buwan na di ako nagpupunta
sa kanila.
{3.36}
Sabado. Nag-Family Day kami. Lumabas kaming mag-anak. Namasyal kami at kumain
sa labas. Tipid na tipid ang mga magulang ko sa paggastos. Napansin ko iyon. Di tulad
pag si Tiya Margie ang kasama ko. Sinusunod lagi ang kapritso ko. Binibili bawat
maibigan ko. Bagaman masaya ako ngayon dahil ang kasama ko ay sina Itay at Inay.
Pauwi na kami nang masalubong namin si Tiya at ang asawa nito. Magkahawak-kamay ang mga
ito pero mas mapagkakamalang nag-aakay si Tiya Margie ng isang
lolo.
{3.37}
Nagtanguan lang sina Inay at Tiya Margie at tuluy-tuloy na kaming lumakad
palayo. Pero di nakaligtas sa akin ang pananaghiling nakarehistro sa mukha ni Tiya.
Bakit? Piping tanong ko sa isip. Di ba dapat kami ang mainggit?
{3.38}
Isang gabi. Malalakas na katok sa pintuan ang gumising sa aming mag-anak.
Pupungas-pungas na bumangon sina Itay at Inay sa higaan. Napabalikwas na rin ako.
Binuksan ni Inay ang pinto. Isang nahihintakutang Tiya Margie ang aming nabungaran.
Puno ng pasa ang buong mukha nito.
{3.39}
"A-ate, t-tulungan mo ako," nangangatal na sambit nito. Napansin ko ang putok nitong
labi. Agad na sinaklolohan ito ni Inay. Agad namang tumakbo sa silid si Itay upang
kumuha ng gamot. Naupo si Inay at Tiya Margie. Habang ako'y tamang nagmamasid sa mga
nangyayari. Nakaupo ako sa baitang ng hagdan.
{3.40}
Ibinigay ni Itay ang gamot kay Inay. Akmang lalapatan ni Inay ang mga pasa ni
Tiya nang pigilan niya ito. Puno pa rin ng takot ang mukha nito.
"Na-napatay ko si siya, Ate." Nahihintakutang kumpisal niya. Nagulat sina Itay at
Inay. Maging ako. Pagkarinig ko pa lamang sa salitang patay ay kinilabutan na ako.
Naghari ang katahimikan. Ang pauntul-untol na paghikbi ni Tiya Margie ang naririnig.
{3.41}
"Binugbog niya ako nang ayaw kong gawin ang ipinagagawa niya." Kapagdaka'y naging
mabalasik ang anyo nito. "Ang manyakis na matandang 'yon. Gusto ba namang gawan ko siya
ng kalaswaan, di na niya ako iginalang." At napahagulgol ito ng iyak.
"Di ko na kayang tagalan pa ang mga pinaggagawa niya sa akin. K-kaya di ko napigilan
ang sarili ko, Ate, nasaksak ko siya. Saka lang namin napansin ang
duguang kamay ni Tiya.
{3.42}
Nahihintakutang napatingin kaming tatlo sa kanya. Maging si Itay ay di alam
ang gagawin. Parang madudurog naman ang puso ni Inay sa awa sa kapatid. Umiiyak na
niyakap niya ito.
"Nabulag ako, Ate, naging mapaghangad ako sa salapi. Kung sana'y nakinig ako sa'yo.
Di ko mararanasan ang ganito."
{3.43}
Mas lalong humigpit ang yakap ni Inay kay Tiya. "Di na natin maibabalik pa ang
nakaraan. Patawarin mo ako at wala akong nagawa upang iligtas ka sa kinasadlakan mo."
Malakas na katok sa pintuan ang gumalantang sa amin. Tila gustong baguhin ang pinto.
{3.44}
Napakapit nang mahigpit si Tiya kay Inay. B-bayaw, napapaawang tawag kay Itay. Tila
naman nagising sa mahabang pagkakatulog ang tinawag. Tumayo ito at binuksan ang pinto.
Dalawang unipormadong lalaki ang pumasok. Mga pulis. Naparalisa ang aking buong
katawan. Kaya nanatili ako sa aking kinaroroonan.
{3.45}
"Kayo ba si Mrs. Margie Saldevar?" maawtoridad na tanong ng isa sa dalawang
pulis. A-ate, mahinang usal ni Tiya Margie. Mahigpit ang pagkakahawak nito kay Inay.
Biglang pumasok ang isang katulong nina Tiya Margie. "Siya nga po, Sir, siya ang
pumatay kay Mr. Saldevar," matabil ang dilang turo nito kay Tiya.
Agad na lumapit ang dalawang pulis sa aking tiyayin.
{3.46}
"Ate, 'wag mo 'kong ibibigay sa kanila,'palahaw nito. Ngunit walang nagawa si Inay
nang hilahin ng mga pulis ang kanyang kapatid.
"Walang kasalanan ang kapatid ko," sigaw ni Inay habang pinoposasan si Tiya.
At hinila palabas. "Ipinagtanggol lang niya ang sarili niya." Lumapit si Itay.
Dinaluhan si Inay. "Walang kasalanan ang kapatid ko, tila wala sa sariling pauit-ulit
na bigkas ni Inay.
{3.47}
Tumango si Itay. Niyakap nang mahigpit si Inay habang pinapanood ang pagsakay
ni Tiya sa sasakyan ng mga pulis. Dinig na dinig pa rin ang panangis nito. Ilang
saglit pa ay humarurot na palayo ang sasakyan.
Tila may naramdaman akong sundot sa aking murang isipan. Nagunita ko ang sinabi ni Inay.
"Aanhin mo ang kayamanan kung di naman nito nabibili ang tunay na kaligayahan?"
{3.48}
Tulad ni Tiya. Nasa kanya na ang kayamanan ngunit sa kabila nito'y kaakibat pa rin
ang kalungkutan.
Isinuko nito ang karapatang lumigaya, magkaroon ng isang masaya at buong pamilya,
kapalit ang kayamanan. Itinali ang sarili sa isang kasunduang di
niya natakasan.
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/tiya.html
Liwayway A. Arceo (1920-1999)
"Si Liwayway A. Arceo (mangangatha, nobelista, mananaysay, tagasalin–wika,
editor), ayon sa isang kritikong gumawa ng isang pag-aaral noong 1979
sa kanyang mga katha ng dekada 40, ay feminista na bago pa 'nauso' ang
katagang iyon.
Sa kanyang mga aklat na nasa ika-3 limbag na, namumukod ang sosyo-ekonomikong
nobela, ang 'Canal de la Reina' (1995) na isinalin sa Japanese (1990) Tokyo.
Samantala, patuloy na muli’t muling inilalathala ang kanyang premyadong
maikling katha, ang klasiko nang 'Uhaw ang Tigang na Lupa' (1943), na itinuturing
na panulukang-bato ng makabagong maikling kuwentong Tagalog." (Aus einem Nekrolog 1999)
Quelle: Bienvenido Lumbera et al.: Paano Magbasa ng Panitikang Filipino
Quezon City, 2000, ISBN 971-542-284-5 {
Lumbera 2000}
Uhaw ang Tigang na Lupa
{3.31}
Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan.
Tila
musmos akong
dumarama sa init ng kanyang dibdib at
nakikinig sa pintig ng kanyang puso. Nguni, patuloy akong nagtataka sa malalim na
paghinga niya, sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng
bagay, sa kanyang impit na paghikbi ...
{3.32}
Ilang araw ko nang hindi nadadalaw ang aklatan; ilang araw ko nang hindi
nasasalamin ang isang larawang mahal sa
akin - bilugang mukha, malapad na noo, hati-sa-kaliwang buhok,
singkit na mga mata, hindi katangusang
ilong, mga labing duyan ng isang ngiting puspos-kasiyahan ... Sa kanya ang aking noo
at mga mata. Ang aking hawas na mukha, ilong
na kawangki ng tuka ng isang loro, at manipis na labi, ay kay Ina.
{3.33}
Si Ina ay hindi palakibo: siya ay babaing
bilang at sukat ang pangungusap. Hindi niya ako inuutusan. Bihira siyang magalit sa akin
at kung nagkakagayon ay maikli ang kanyang pananalita:
Lumigpit ka! ... At kailangang huwag na
niya akong makita. Kailangang huwag ko nang masaksihan ang kikislap na
poot sa kanyang mga mata.
{3.34}
Kailangang huwag ko nang mamalas ang pagkagat niya sa kanyang labi. Kailangang huwag
ko nang makita ang panginginig ng kanyang mga daliri. Ito rin ang katumbas ng kanyang
mariing huwag kung mayroon siyang ipinagbabawal. Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan
kung tag-araw: ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw ...
{3.35}
Minsan man ay hindi ko narinig na may pinagkagalitan sila ni Ama, bagama't hindi
ko mapaniwalaang may magkabiyak ng pusong hindi nagkakahinampuhan. Marahil ay sapagkat
kapwa sila may maiawak na kaunawaan: ang pagbibigayan sa isa't isa ay hindi nila
nalilimot kailan man.
{3.36}
Kung gabi ay hinahanap ko ang kaaliwang idinudulot ng isang amang nagsasalaysay
ukol sa mga kapre at nuno at ukol sa magagandang ada at prinsesa, ng isang nagmamasid
at nakangiting ina, ng isang pulutong ng nakikinig na magaganda at masasayang bata.
{3.37}
Nguni, sa halip niyon ay minamalas ko si Ama sa kanyang pagsusulat, sa kanyang
pagmamakinilya, sa kanyang pagbabasa. Minamasdan ko kung paano niya pinapangungunot ang
kanyang noo, kung paano niya ibinubuga ang asong nagbubuhat sa kanyang tabako, kung
paano siya titingin sa akin na tila may hinahanap, kung paano niya ipipikit ang kanyang
mga mata, kung paano siya magpapatuloy sa pagsulat ...
{3.38}
Si Ina ay isang magandang tanawin kung nanunulsi ng mga punit na damit, kung
nag-aayos ng mga uhales at nagkakabit ng mga butones sa mga damit ni Ama. Sa kanyang
pagbuburda ng aking mga kamison at panyolito - sa galaw ng kanyang mga daliri - ay
natutunghan ko ang isang kapana-panabik na kuwento. Nguni, ang pananabik na ito'y
mapapawi.
{3.39}
Kabagut-bagot ang aking pag-iisa at ako ay naghahanap ng kasama sa bahay - isang
batang marahil ay nasa kanyang kasinungalingang gulang o isang sanggol na kalugud-lugod,
may ngiti ng kawalang-malay, mabango ang hininga, may maliliit na paa at kamay na
nakatutuwang pisiliri, may mga pisngi at labing walang-bahid kasalanan at kasiya-siyang
hagkan, o isang kapatid na kahulihan ng gulang, isang maaaring maging katapatan ...
{3.40}
Sakali mang hindi nagkakagalit si Ina at Ama, o nagkakagalit man ay sadyang hindi
ipinamamalay sa akin, ay hinahanap ko rin ang magiliw na palitan ng mga titig, ng mga
ngiti, ng mga biruan. Sapat na ang isang tuyot na aalis na ako sa pagpapaalam ni Ama.
{3.41}
Sapat na ang naningil na ang maniningil ng ilaw o ng tubig o ng telepono upang sakupin
ang panahong itatagal ng isang hapunan. Sapat na ang panakaw na sulyap ni Ama upang
ipadamang may narinig siya. Mabibilang sa mga daliri ng aking dalawang kamay kung
makailan kaming namasyal — si Ama, si Ina, at ako. Malimit na ako ang kasama ni Ina:
hindi ko na nakitang sinasarili nila ang pag-aaliw.
{3.42}
Inuumaga man si Ama sa pag-uwi kung minsan ay hindi ko kinapapansinan ng
kakaibang kilos si Ina. Nahihiga rin siya pagdating ng mga sandali ng pamamahinga at
kung nakakatulog siya o hindi ay hindi ko matiyak. Marahil ay ito ang tunay na madarama
ng kataling-puso ng isang taong inaangkin ng madla ... Nguni, walang pagsisisi sa
kanyang tinig ...
{3.43}
Ilang taon na ngayon ang nakararaan nang minsang may ibinalik na maliit na
aklat ang aming tagapaglaba - yaon daw ay nakuha niya sa isang lukbutan ng amerikana
ni Ama. Ibinigay ko yaon kay Ina - yaon daw ay talaarawan ni Ama. Kinabukasan ay
bakas-luha ang mga mata ni Ina. Kapansin-pansin ang lalong hindi niya pagkibo buhat
noon. Lalo siyang naging malungkot sa aking paningin. Ano ang nasa isang talaarawan?
{3.44}
Lasing na lasing si Ama. Karaniwan nang umuuwing lasing si Ama, nguni kakaiba
ang kalasingan niya ngayong gabi. Hinilamusan siya ni Ina ng malahiningang tsa, nguni
wala itong naibigay na ginhawa. Hindi rin kumikibo si Ina: nasa mga mata niya ang
hindi maipahayag na pagtutol. Sapagkat may isusulat ako...sapagkat ikamaniatay ko ang
pighating ito ... sapagkat ... sapagkat ... sapagkat ...
{3.45}
Idinaraing ngayon ni Ama ang kanyang dibdib at ulo: hindi raw siya makahingang
mabuti. Marahil ay may sipon ka, ani Ina. Sinisinat ka nga. Isang panyolitong basa ng
malamig na tubig ang itinali ko sa ulo ni Ama.
{3.46}
Wala siyang tutol sa aking ginawa:
sinusundan niya ng tingin ang bawat kilos ko. Ang kanyang mga bisig, buhat sa siko
hanggang mga palad, at ang kanyang binti, buhat sa tuhod hanggang sa mga talampakan,
ay makailan kong binuhusan ng tubig na mainit na inakala kong matatagalan niya - tubig
na pinaglagaan ng mga dahon ng alagaw.
{3.47}
Kinulob ko siya ng makakapal na kumot matapos
na inumin niya ang ibinigay kong mainit, na tubig na pinigaan ng kalamansi. Nakangiti
si Ama: Manggagamot pala ang aking dalaga! Sinuklian ko ng isang mahinang halakhak ang
ngiti niyang yaon: hindi ako dating binibiro ni Ama. Sana'y ako si Ina sa mga sandaling
iyon: sana'y lalo kong ituturing na mahalaga ang nadarama kong kasiyahan ...
{3.48}
Nabigo ako sa aking pag-asa: nakaratay nang may ilang araw si Ama. Hindi siya
halos hinihiwalayan ni Ina: sa ilalim ng kanyang mga mata ay may mababakas na namang
maiitim na guhit. Anang manggagamot ay gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya.
Nguni, ayaw niyang ipagtapat sa akin ang karamdaman ni Ama.
{3.49}
Ipinaayos ngayon ni Ama ang kanyang hapag. Nilinis ko ang kanyang makinilya.
Idinikit ko ang kagugupit na kuwentong kalalathala pa lamang. Pinagsama-sama ko ang
mga papel sa kanyang mga kahon. Ang pang-ilalim na kahon sa dakong kaliwa ng kanyang
hapag ay nagbigay sa akin ng hindi gagaanong pagtataka: may isang kahitang pelus na
rosas at isang salansan ng mga liham. Maliliit at mga bilugang titik sa bughaw na
tinta sa pangalan ni Ama sa kanyang tanggapan ang nasa mga sobre.
{3.50}
Ang larawan sa kahitang pelus ay hindi yaong hawas na mukha, may ilong na
kawangki ng tuka ng isang loro, may maninipis na labi. Sa likod niyon ay nasusulat
sa maliliit at bilugang mga titik sa bughaw na tinta: Sapagkat ako'y hindi
makalimot ... Ang larawan ay walang lagda, nguni nadama ko ang biglang pagkapoot
sa kanya at sa mga sandaling yaon ay natutuhan ko ang maghinanakit kay Ama.
{3.51}
Bakit sa panahong ito lamang tayo pinaglapit ng pangyayari? Higit marahil ang
aking katiwasayan kung hindi ka dumating sa aking buhay, bagama 't hindi ko rin
marahil matitiis na hindi maipagpalit ang aking kasiyahan sa isang pusong nagmamahal.
Totoong ang kalagayan ng tao sa buhay ang malimit ay maging sagwil sa kanyang
kaligayahan ...
{3.52}
Naiwan na natin ang gulang ng kapusukan: hindi na tayo maaaring dayain ng ating
nadarama. Ngunit nakapagitan sa atin ngayon ang isang malawak na katotohanang pumipigil
sa kaligayahan; ang hindi natin maisakatuparan ay buhayin na lamang natin sa alaala.
Panatilihin na lamang natin sa diwa ang katamisan ng isang pangarap; sana 'y huwag
tayong magising sa katotohanan ...
{3.53}
Nakita ko siya kagabi sa panaginip; sinusumbatan niya ako. Ngunit hindi ko balak
ang magwasak ng isang tahanan. Hindi ko maatim na magnakaw ng kanyang kaligayahan;
hindi mapababayaang lumuha siya dahil sa akin. Ang sino mang bahagi ng iyong buhay ay
mahal sa akin; ang mahal sa akin ay hindi ko maaaring paluhain ...
{3.54}
Ang pag-ibig na ito'y isang dulang ako ang gumaganap na pangunahing tauhan;
sapagkat ako ang nagsimula ay ako ang magbibigay-wakas. Ipalagay mo nang ako'y isang
nasimulang tugtuging nararapat tapusin. Gawin mo akong isang pangarap na naglalaho
pagkagising. Tulungan mo akong pumawi sa kalungkutang itong halos ay pumatay sa akin ...
Ngunit bakit napakahirap ang lumimot?
{3.55}
Nadama ko ang kamay ni Ina sa aking kanang balikat: noon ko lamang namalayan na
may pumasok sa aklatan. Nakita niya ang larawang nasa kahitang pelus na rosas. Natunghan
niya ang mga liham na nagkalat sa hapag ni Anna. Si Ina ay dumating at lumisang walang
binitiwang kataga. Nguni, sa kanyang paglisan ay muling binati ng kanyang palad ang
aking balikat at nadarama ko pa ang salat ng kanyang mga daliri; ang init ng mga
yaon, ang bigat ng kanilang pagkakadantay ...
{3.56}
Ang katahimikang namagitan sa amin ni Ina ay hindi pa napapawi. lniiwasan ko
na ngayon pati ang pagsasalubong ng aming mga titig: hindi ko matagalan ang
kalungkutang nababasa ko sa mga paninging yaon.
{3.57}
Hiningi ni Ama ang kanyang panulat at aklat-talaan. Nguni, nang mapaniwala
ko siyang masama sa kanya ang bumangon ay kanyang sinabi: Ngayon ay ang aking anak
ang susulat ng ukol sq atin...At aniya'y isang dalubhasang kamay ang uukit niyon sa
itim na marmol. Nguni, hindi ko maisatinig ang pagtutol na halos ay pumugto sa aking
hininga. Nasa kalamigan ng lupa ang kaluwalhatian ko! Kailan man ay hindi ko
aangkining likha ng aking mga daliri ang ilang salitang ito.
{3.58}
Huwag kang palinlang sa simbuyo ng iyong kalooban; ang unang tibok ng puso
ay hindi pag-ibig sa tuwi na ... Halos kasinggulang mo ako nang pagtaliin ang mga puso
namin ng iyong Ina... Mura pang lublia ang labingwalong taon ... Huwag ikaw ang magbigay
sa iyong sarili ng mga kalungkutang magpapahirap sa iyo habang-buhay ...
Muli kong nadama ang tibay ng buhol na nag-uugnay ng damdamin ni Ama sa akin.
{3.59}
Kinatatakutan ko na ang malimit na pagkawala ng diwa ni Ama. Si Ina ay patuloy sa
kanyang hindi pagkibo sa akin, patuloy sa kanyang hindi pag-idlip, patuloy sa kanyang
pagluha kung walang maaaring makakita sa kanya ...
{3.60}
Ang kanang kamay ni Ina ay idinantay sa noo ni Ama at ang pagtatanan ng isang
nais na tumakas na damdamin sa kanyang dibdib ay tinimpi ng pagdadaop ng kanyang
ngipin at labi. Naupo siya sa gilid ng higaan ni Ama at ang kaliwang kamay nito ay
kinulong niya sa kanyang mga palad.
{3.61}
Magaling na ako, mahal ko ... magaling na ako ...
sa muli mong pagparito ay sabihin mo sa akin kung saan tayo maaaring tumungo ... ang
moog na itong kinabibilangguan ko'y aking wawasakin ... sa ano mang paraan ... sa ano
mang paraan ...
{3.62}
Ang malabubog na tubig na bumabakod sa mga paningin ni Ina ay nabasag
at ilang butil niyon ang pumatak sa bisig ni Ama. Mabibigat na talukap ang pinilit
na iminulat ni Ama at sa pagtatagpo ng mga titig nila ni Ina ay gumuhit sa nanunuyo
niyang labi ang isang ngiting punung-puno ng pag-asa. Muling nalapat ang mga
durungawang yaon ng isang kaluluwa at hindi niya namasid ang mga matang binabalungan
ng luha: ang mga salamin ng pagdaramdam na hindi mabigkas.
{3.63}
Nasa mga palad pa rin ni Ina ang kaliwang kamay ni Ama: Sabihin mo, mahal
ko, na maaangkin ko na ang kaligayahan ko ... Kinagat ni Ina nang mariin ang kanyang
labi at nang siya'y mangusap ay hindi ko naaming kay Ina ang tinig na yaon: Maaangkin
mo na, mahal ko! Ang init ng mga labi ni Ina ang kasabay ng kapayapaang nanahanan sa
mga labi ni Ama at nasa mga mata man niya ang ilaw ng pagkabigo sa pagdurugtong sa
isang buhay ay wala nang luhang dumadaloy sa mga iyon: natitiyak niya ang kasiyahang
nadama ng kalilisang kaluluwa ...
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/uhaw.html
1 Einleitung
20 Originaltext: Silang Maaamo
Quelle: Ellen Sicat: Unang Ulan ng Mayo
Pasig City, 2009, ISBN 978-971-27-2065-9 .
Personen
Verwande meiner verstorbenen Frau.
Amado
Bilas ko:
Ate Cely: Witwe. Ich wohne dort (Besuch).
Carlos: Begraben in Quezon City.
Ferdie: Näht Zementsäcke in einer Fabrik.
Julie: Ehefrau von Ponso.
Justin: Mein Neffe. Hat immer Neuigkeizen.
Lope: Fahrer des Kleinbus.
Nene: Einzige Schwester von Carlos. Hat Nasenbluten. Lebt im Haus von Ponso.
Hatte Elektroschock. Ziel des Besuchs.
Ponso: Bruder von verstorbenem Carlos.
{20.1}
Nasaan na ang bundok Arayat? Ilang beses na itinanong ni Lope kay Amado. Ang
paghanap sa bundok Arayat ang paraan niya para hindi mainip ang bata sa halos tatlong
oras na biyahe pauwi sa aming probinsiya. Uuwi kami para dalawin si Nene, ang
kaisa-isang kapatid na babae ni Carlos. Ayon sa aking pamangking si Justin na dumaan
sa amin kamakailan, dalawang linggo nang may lumalabas na dugo sa ilong ni Nene.
{20.2}
"Baka balinguyngoy," hula ko. Naliligo naman daw ito araw-araw. "Kahit naliligo,
mainit ngayon, nagre-react ang kaniyang katawan sa init." "Buhay na dugo. Sumasago, sabi
nang iyong tuwalyang pinang-ampat sa dugo sa ilong,
mapipilipitan mo." Iminuwestra pa
niya ang pagpilipit nang tulad sa naglalaba.
{20.3}
Kinabahan ako. Tinawagan ko si Ferdie.
Nasa pabrika pa ito. Bukod sa tindahan
nila ng bigas, nangongontrata ito ng pagtahi ng supot ng semento. Ang nakausap ko'y ang
aking bilas na katulad kong nerbiyosa.
"Sasabihin ko, pagdating ni Ferdie," ngatal pa ang
boses na sabi niya. Mayamaya lamang tumawag na si Ferdie. Magpapadala na lamang daw siya
ng pera at tumawa na parang nahihiya - idinugtong niyang baka may pasobra ang balita ng
aming pamangkin. "Alam mo naman ang batang 'yon ..."
{20.4}
Napangiti ako sa sarili. Naisip kong tunay, kung minsan, may labis kung magbalita
si Justin. Siguro'y dapat itong naging manunulat. Mahusay siyang magkuwento, madadala
ka talaga at matatawa. Tulad ng sinabi nito na ang nanloko raw sa kanila na recruiter,
kanilang tinalupan; ang nahuli nilang magnanakaw ng manok, ikinulong niya sa kulungan
ng manok. Sinasabing kailangang maging matapat ang manunulat - paano kung ang isang may
talino sa pagsulat, hindi natuloy maging manunulat? Saan siya dadalhin ng kaniyang
imahinasyon? Sa paglulubid ng kasinungalingan?
{20.5}
Über Grabbesuch in Quezon City.
Gayunpaman, ayaw kong may inaalala pa ako. Ipinasiya kong umuwi ng probinsiya,
kasama ang lahat ng anak (maliban sa pangalawa, na ayaw lumiban sa opisina), ang
dalawang apo at si Lope na siyang nagmaneho ng van. Wala pang dalawang buwan nang
huli kaming umuwing mag-anak. Kaarawan noon ng aking
biyenang lalaki. Dinalaw namin
ang puntod ng aking mga biyenan at pagbalik
namin sa Quezon City, puntod naman ni
Carlos. Gusto kong ginagampanan ang alam kong gagampanan ng aking asawa kung siya'y
nabubuhay. Isa pa, ngayong nagsusulat na ako, gusto kong marinig ang mga salitang
ginagamit ng mga taganayon. Busilak pa ang kanilang wika bagama't narating na sila ng
telebisyon.
{20.6}
Über mich als Schriftsteller.
At gusto ko rin namang lumabas ng bahay. Paano naman ako makakasulat kung
nakakulong lang ako sa kuwarto? Walang masusulat kung nagtatago ka sa mundo - walang
abala, walang ingay, walang away. Di nakalilikha sa gayong
kapanatag na kapaligiran.
Sa Paraiso'y mamahinga ang espiritu-mahihimlay. Kailangang laging hindi ito mapalagay -
may ingay, may gulo, may away, may paghihikahos - may dapat ipaghimagsik.
Masaya kaming sinalubong ng kapatid ni Carlos na si Ponso at ng asawa nitong si Julie,
ng bilas kong si Ate Cely na biyuda ria rin.
{20.7}
Meryande bei Ate Cely wird vorbereitet.
"Anong oras kayo umalis?" "Halika't makapagkape muna." "Julie, pumunta ka na sa
bayan." "Dito na sa 'min sila kakain." "May mangga't suman akong binili kahapon."
"Dito na, may pinagbiyay na isda si Julie."
"Tumingin ka nga ng buro kina Hule. Umamot
ka ng gulay kina Bayani." "E, may tanim ngang upo si Tiyo Hermie sa eskuwelahan."
{20.8}
Nataranta na naman ang mga kamag-anak
ng aking namayapang asawa. Kabisado nila ang
paborito kong pagkain at kapag dumadating ako, kahit na noong buhay si Carlos, di sila
magkamayaw sa inaalok na pagkain sa akin. "Huwag na kayong mag-abala. Maski ano lang."
Tumuloy ako sa bahay ni Ate Cely. Kapapagawa ng kaniyang bahay. Maliksing naghain si Ate
Cely ng mangga, suman - nagsalang rin ng tubig para sa kape.
{20.9}
Fotoalbum.
Ipinagparangalan niya ang album ng mga litrato noong kasal ng anak na siyang
nagpagawa ng kanilang bahay. Ilang beses ko na iyong nakita pero muli ko iyong
binuklat. Tuwang-tuwa si Ate Cely na nakasal na rin ang anak na kung ilang taon ding
hindi mapakasalan ng kinakasama dahil hindi pa napapa-walang-bisa ang kasal ng lalaki
sa unang asawa. Kinipit ni Ate Cely ang palda at itinaas ang paa, nakaismid na
nagkuwento.
{20.10}
Ich gehe zu Ponso.
"Ano? Ano? Ano ang masasabi ngayon ng iba nating kamag-anak? Kerida raw ang anak
ko. 'Yon ba naman, dapat pa nilang ipangalandakan? Dapat, sila ngang magtakip. Ano
ngayon?" Matapos makipagkuwentuhan kay Ate Cely, lumipat ako sa bahay nina Ponso kung
saan nakatira si Nene. Nadatnan kong nakaupo sina Ponso at Julie sa lumang sopa sa
kanilang balkonahe. Nakapagitna sa kanila si Nene. Sa nakapalibot na pasimano ng
balkonahe, nakaupo ang ilang kapitbahay. Nakatayo namang naninigarilyo si Justin at
ilang kabataang lalaki. Sumunod sa akin si Ate Cely at tumabi kina Julie. Agad tumayo
si Nene at akmang magmamano sa akin. Natawa ako.
{20.11}
"Matanda ka sa akin, ako ang dapat magmano sa iyo. May sakit ka raw?" Si Nene
ang sinundang kapatid ni Carlos. Isip-bata ito at kinakausap ang sarili.
Ipina-electric shock ito noon; May sisenta na ito ngayon. Maliit na babae. Maputi at
makinis ang balat. Maliit ang mukha at matangos ang ilong. Kung wala itong
diperensiya'y maganda sana—pinakamaganda sa kanilang magkakapatid. "Ano po ang
pasalubong ninyo kay Nene?" Pinupupo niya ako
at tinatawag na ate kahit na mas matanda siya sa akin.
{20.12}
Bluse ist Pasalubong für Nene.
"May regalo ako sa iyo." Inabot ko sa kaniya ang supot ng blusang bordado.
Sinilip ni Nene ang supot. "E, pera? Walang pambili ng sigarilyo si Nene." "Ku, si Nene.
Kumana na naman," ani Justin. Nene ang tawag sa kaniya ng
balana, pati kaniyang mga
pamangkin. Itinuring siyang alagaing bata. "Bawal nga sa iyong kumain ng sigarilyo," ani
Justin. Ipinapasok ni Nene sa loob ng bibig ang may sinding sigarilyo. Naalala kong hindi
ako nakapagpabarya. Hindi puwedeng binibigyan si Nene ng buo dahil akala niya, kaunti
lamang ang iyong ibinigay. Pinapalitan ko sa aking panganay ang lilimandaanin ng
tig-iisandaan at inabot iyon kay Nene.
{20.13}
Masiglang pumunta si Nene sa kaniyang kuwarto. Napans'in kong
sumusuray ngayon
ang kaniyang lakad. Pamayamaya'y bumalik siya sa balkonahe at sumama sa umpukan.
"Ano ba'ng sakit ni Nene?" tanong ko kay Ponso. "E, nagdudugo ang ilong."
"Di kaya balinguyngoy lang?" "Ewan, pinaliliguan naman 'yan ni Julie araw-araw."
"Aba, hindi na nga 'yan nagtitikwas at baka nga masama," ani Julie.
{20.14}
"Di na rin namin pinagwawalis ng bakuran," dagdag ni Ponso. "Kaya pala malungkot
si Nene. Paborito niyang magtikwas ng poso at magwalis ng bakuran, di ba, Nene?" baling
ko kay Nene. Nakaupo siyang nakataas ang paa sa sopa. Pumayat nga siya kaysa rati.
Ang mata niya'y tila sa malayo nakatingin. Mapalad siya't nasa probinsiya siya.
Pinagmamalasakitan siya ng mga kanayon. Inihahatid siya sa bahay ni Ponso kapag nakitang
naglalakad mag-isa sa daan.
{20.15}
"Aba, niyayaya na raw siya ni Carlos," natatawang sabi ni Julie, "anong sabi,
anong sabi, Nene?" "Hindi. Si Tatang at Inang ang nagyayaya sa akin," pagtutuwid ni Nene.
"Sabi, isasama na si Nene. Papanaw na siguro si Nene." "Aba, papanaw na raw si Nene."
Humagikhik si Julie. "E paano 'yan, yang blusang binili sa 'yo, 'yan na ba ang pamburol mo?"
"E wala namang palda si Nene. Di burlesk si Nene."
{20.16}
Nagtawanan kami. "Dale nga, paano si Goyo, iiwan mo na si Goyo?" sabad ng isang
kapitbahay. "Iiwanan na ni Nene si Goyo. May kadena kasi si Goyo." "Sino'ng Goyo iyon?
tanong ko kay Julie. "Yong bang isang sira rin," kaswal na sabi ni Julie at tumayo.
"Alina't makakain, madaling-araw yata kayong lumakad."
{20.17}
Tumayo na kami at nagpunta sa kusina. Pagkakain, pumunta kami sa likuran ng bahay.
May itinayo roong kubo si Justin at ang mga kabataang kalalakihan. Mayroon ding bangkong
kawayan. Mula roo'y natatanaw ang ilog na ngayo'y nahaharangan na ng dike. Doon
nangingisda si Carlos noong kaniyang kabataan. Madalang na ngayon ang isda roon - tilapia
na lamang at karpa na kung tawagin nila sa baryo'y Imelda. May mangilan-ngilang isdang
kitang. Ipinagmalaki ni Justin sa akin ang tatlong kitang na nasa kanilang aquarium.
{20.18}
Dumating ang aking panganay na may dalang ilang putol ng tubo na natalupan na.
May dalawang piye ang bawat putol. Nakalantad ang maputi at makatas na puno ng tubo -
tinalupan hanggang sa dulo at may itinirang mga tatlong pulgadang tatangnan. Naglaway
ako sa gunita ng pagbaon ng ngipin at pagngata ng tubo upang sipsipin ang tamis,
pagkaraa'y iluluwa ang sapal. Napatingin akong nakangiti sa kahuntang kanayon na si
Bayani.
{20.19}
"Mayroon pa palang tubo hanggang ngayon!" "Aba'y oo naman. Me asukal,
di siyempre, may tubo." Agad na kumuha siya ng isang putol. Agad kinagat iyon. "Buo pa
pala ang ngipin mo," sabi ko. "Aba, oo. Kuha ka. Pustiso ka na ba?" "May ilang pustiso
na 'ko," wika kong nakatingin sa mga putol ng tubo. Nag-aalala akong di na kayang kagatin
ng aking natitirang ngipin ang tubo. Implant na ang dalawang ngipin ko sa harap at
madali iyong maputol o matanggal kapag napadiin ang aking kagat. Kung minamalas, baka
umuwi akong bungal. Hindi na bale sanang bungal, lalantad pa ang turnilyong pinakaposte
ng pustiso.
{20.20}
Patuloy sa pagpangos ng tubo si Bayani. Lumala-ngutngot ang tubo sa bawat kagat
niya. Pati bukong-bukong ng tubo, kayang-kayang pangusin ni Bayani. Naglaway ako sa
gunita ng matamis na katas ng tubo. Kinuha ko ang isang putol at tinantiya kong kagatin.
Naputol ko - na aking ikinamangha. Kaya ko pa pala! "Noong araw, ganito ang tanim ko sa
tumana. Kamura lang no'n," ani Bayani, sabay dampot sa panibagong putol. "Buti buo pa ang
ngipin mo." "Di naman kasi ako palakain ng kendi. Di naman ako palasepilyo."
{20.21}
Napadako ang tingin ko sa buhok ni Bayani. Mga apat na taon lamang ang tanda sa
kaniya ng yumao kong asawa, pero wala pa siyang puting buhok. Alangan namang nagtitina
siya ng buhok dahil bihira nga siyang magsepilyo ng ngipin - hindi niya uunahin ang
pagtitina sa pagsisepilyo. "Punta ka kina Bayani. Maganda ang lugar nila," ani Ponso.
"Nakarating na 'ko sa kanila." "Lumipat na kami."
{20.22}
Nabigla ako. Parang isang bagay na kataka-taka ang lumilipat ng tirahan ang isang
nasa nayon. Doon, naglulumot at nagagapok ka ngunit mayroong mga tatak na iniiwan sa iyo
ang paglipas ng panahon. Sa pagyao mo naman, laman ka ng mga huntahan na maaaring may
palabis subalit kahit paano'y may bahid ng katotohanan. Ang iyong sinabi, biro, daing,
galit - sumanib sa simoy ng hangin. Lumulutang-lutang ang iyong espiritu sa kaligiran.
{20.23}
Kasama ang dalawang anak at apo, sumama ako kay Bayani upang tingnan ang kaniyang
bahay. Habang lumalakad kami, nakabaling ang tingin ko sa gawi ng ilog. Noong bago
kaming kasal ni Carlos - nalalatagan pa ng buhangin at bato ang pasigan. Malinaw noon
ang tubig lalo na ang sa may bandang pasigan. Hindi mo kayang tanggihan ang anyaya ng
ilog na damhin ito - itampisaw ang iyong mga paa. Ngayon, nahaharangan na ng dike ang
ilog. Nakalululang tingnan ito mula sa aking kinatatayuan. Nag-uulan nang nakalipas na
mga araw kung kaya't mataas ang tubig sa ilog. Maruming berdeng putik ang kulay ng
tubig. Naroon pa rin sa makalampas sa pasigan ang mga namimilipit na puno ng kamatsile,
nangakahiga na at bahagya na'ng nakakakagat ang ugat sa lupa.
{20.24}
Kinalabit ako ng bunsong babae. "Ma, tingnan mo ang mamang 'yon, nakakadena ang
mga paa." Huminto ako. May isang metro ang layo sa amin - nakauklo ang lalaki sa may
puno ng kamatsile. May maluwag na kadena sa leeg. May kadena rin siguro sa mga paa
tulad ng sinabi ng aking anak dahil halos gumapang ito sa pag-abot ng latang malayu-layo
sa kaniya. May daklot siyang sako. Luku-luko siguro, pero hindi tulad ng mga luku-luko
sa lunsod - malinis ang suot niyang damit at nasuklay ang maikling buhok. Wala rin
siyang grasa sa mukha at makinis ang kaniyang balat. Bumaling ako kay Bayani.
{20.25}
"Kawawa naman. Sino 'yon?" "Si Goyo, anak ni
Sitang." "Bakit nila kinakadena?"
"Kasi gagala. Ku, nakararating 'yan hanggang Cabanatuan. Mabuti na ang ganyan."
"Bakit hindi nila ipagamot?' "Inborn na 'yan. Hindi na nagagamot. Tara na."
"Sabihin mo kay Sitang, nagagamot na ngayon ang ganyan. Kawawa naman. Kaguwapo pa
naman," ukilkil ko pa rin kaliit na napuna kong parang ayaw ni Bayaning pag-usapan
pa si Goyo. "Naku, marami na silang pinagpatingnan."
{20.26}
Tumigil kami sa harap ng nababakuran ng mga lumang yerong pinaghile-hilera at
hinarangan ng kawayan. Gayong butas-butas at kalawangin ang mga yerong pinagsusunson -
wala ang gusgusing anyo ng gayon ding tanawin sa lunsod. Nakikita pa ang pinagdaanan
ng pagkawalis ng tingting sa lupa. Mapuno ang loob ng bakuran. Binuksan ni Bayani ang
gate na kawayan at hinakbang namin ang may kalahating metrong taas na narang. Pababa
ang lote kaya may ginawang hagdanang lupa. Sinalubong kami ng tatlong pandak at
kayumangging mga aso at isang ibong martines. Parang anak na kinarga ni Bayani ang isa
sa mga aso.
{20.27}
"Tingnan mo ha, tatawagin ko ang mga benggala. Benggala, benggala!" Mula sa kung
saan, rumagasa ang mga benggala, kasunod ang mga pabo. Humarap sa mga hayop ang ibong
martines na tila ito kanang-kamay ni Bayani. Natawa kami ng aking mga anak. Sumali si
Amado sa nagtatakbuhang hayop. Gusto ring sumali ni Maya. Nagpipiglas ito mula sa
pagkakarga ng aking pangatlo.
{20.28}
Isinaboy na parang ulan ni Bayani ang pakain sa mga ibon. May isang benggala na
ang tinutuka ay kung ano lang ang sumabit na pagkain sa balahibo ng katabi nitong pabo.
Hindi sila nag-aagawan sa pagkain. Nananatiling maamo at mabini ang mga ibon sa nayon
dahil hindi sila sinisilo. At naalala ko ang nakakadenang anak ni Sitang. Kilala kong
mayumi at mabait si Sitang. Hindi niya alam na nagiging malupit siya. Simpleng paraan
niya ang pagkadena upang huwag mawala ang anak na may diperensiya.
{20.29}
Nang pauwi na kami, muling hinanap ni Amado ang bundok Arayat sa aming dinadaanan.
"Hindi mo na makikita ngayon, madilim na," sabi ni Lope. "Hindi, ayun, ayun."
Itinuro ng bata ang banaag ng bundok sa madilim na kalangitan. Kabilugan ng buwan
kaya't tila ipinintang larawan ang banaag ng mataas na bundok Arayat.
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/ulan.html
Quelle: Catungal, Nova: Pang-unawa
LIWAYWAY, 12 Disyembre 2005
Si Nova Catungal ay nakatira sa 225 Camantiles, Urdaneta City, Pangasinan. Kumuha ng kursong Commerce major in Management sa Saint Louis University, Baguio City. Ipinanganak noong Nobyembre 8, 1980.
{3.1}
Nakaupo si Reina sa gilid ng kanyang higaan. Nakatitig sa kanyang cellphone at
nagbabakasakaling makatanggap ng text message o tawag mula kay Russell, ang kanyang nobyo.
Apat na araw na ang nakararaan nang sabihin niyang buntis siya sa binata. Ayon sa kanyang
nobyo, magiging maayos naman daw ang lahat. Ngunit hindi niya alam na iyon na pala ang huli
nilang pagkikita. Hindi na niya ito makontak.
Nagtanong na rin siya sa mga kaibigan nila ni Russell ngunit wala ring kontak ang mga ito kay Russell. Isa sa mga barkada nila ang pumunta sa bahay ng lolo at lola ni Russell kiung saan ito nakikitira pero umalis daw nang hindi nagpaalam. Ayon sa iniwan nitong sulat, maghahanap ng trabaho sa Maynila. Gumuhit ang inapait na ngiti sa kanyang labi at muli niyang pinagmumura ang nobyo.
{3.2}
Nilingap niya ang kabuuan ng kuwarto.
Walang pintura ang dingding, may
dalawang katre sa silid na kapwa walang kutson, isa rito ay kanyang higaan. Nais niyang
maghanap ng matitirhan na malayo sa kasalukuyan niyang boarding house. Hindi rin niya
nagustuhan ang kanyang roommate, palaaral ang mga ito, pinapaalala tuloy ang isang
importanteng bagay na kanyang isinantabi, ang kanyang pag-aaral.
Naalaala pa niya: "Hindi mo naman kailangang umalis sa tinutuluyan mong boarding house," sabi sa kanya ni Russell nang dalawin siya nito sa boarding house. "Kung pupuntahan ka ng mama o ate mo, e di sabihin mong ayaw mong bumalik sa kanila. Mukha ka tuloy kawawa. Hindi bale, may gagawin tayong tiyak na ikagagaan ng loob mo. Wala sina lolo at lola ngayon. Dinalaw ang tiya ko sa Batangas. Dalawang araw sila roon. P'wede kang matulog sa 'min. Nami-miss ko na 'yong bonding natin."
{3.3}
At ang resulta ng kanilang bonding, nabuntis siya. Ang masaklap, umalis ang
kanyang nobyo nang walang paalam. Maliwanag na tinakasan nito ang responsibilidad sa
kanya. Tumayo siya. Tinungo ang tokador
para maghanap ng ipapalit na damit. Ipinasiya niyang pumunta sa downtown upang maalis ang
pagkaaburido. Nang mapadaan siya sa salaming nakasabit sa dingding, napatigil siya, minasdan ang
kanyang repleksiyon. Maganda siya, isang katangiang labis niyang pinahahalagahan.
Bata pa siya, ang pagiging maganda niya ang palaging naririnig niyang komento ng iba. Ang kanyang ina, tuwing mamalengke ito ay madalas siyang isinasama. Naroon ang pagmamalaki ng kanyang ina sa tuwing may pupuri sa kanya. Subalit nang magdalaga siya ay ang kagandahan niya ang naging mitsa ng hindi pagkauunawaan nilang mag-ina. Madalas siyang kagalitan ni Aling Martha pagkat hindi siya tumatalima sa mga ipinag-uutos nito, lalo na sa tanghaling tapat.
Katwiran niya, ayaw niyang mainitan. Gayon siya, hindi nangingiming sabihin kung ano ang kanyang saloobin kapag sa tingin niya ay mapeperhuwisyo siya. Hindi rin niya nakalilimutang mag-ayos kapag may pupuntahan, kahit malapit. At sa puntong iyon madalas siyang sitahin ng kanyang ina.
{3.4}
Bilang pampalubag sa ngitngit na namamayani sa kanyang dibdib, ipinagpalagay niyang kung
bakit hindi siya maintindihan ng kanyang ina at dalawang kapatid ay sa dahilang hindi
niya ito kasingganda. Nakuha niya ang kanyang hitsura sa ama. Sa kanyang ama rin siya
nagsusumbong kapag kinagagalitan ng ina. Kadalasan, kinakampihan siya ng kanyang ama
kaya naman malapit ang loob niya rito.
Labindalawang taong gulang siya noon nang pumunta sa Spain ang kanyang ama para magtrabaho bilang domestic helper. Hindi kasi sapat ang kinikita nito bilang tricycle driver para matustusan ang lumalaki nilang gastusin. Naiintindihan niya kung bakit kailangang gawin iyon ng kanyang ama pero mas nanaisin pa niyang ina niya ang umalis.
{3.5}
Nang makapag-ayos ni Reina ay lumabas na siya ng kanyang kuwarto. Nadaanan niya sa
salang nag-uusap ang apat pang boarders ngunit kagyat na tumahimik ang mga ito nang
mamataan siya. Nahihinuha niyang siya ang pinag-uusapan niyon. Wala siyang ganang
makipagplastikan, walang pasubali siyang dumaan.
Buwisit na buwisit siya, nagsisisi
kung bakit iyon pa ang napili niyang tirahan. Nang sumakay siya sa dyip papuntang
downtown ay naagaw ang kanyang pansin sa dalawang estudyanteng nakaupo
sa tapat niya. Sa taya niya, kaedad niya ang mga ito, labingsiyam na taong gulang.
Unang linggo iyon ng Oktubre, kung hindi siya tumigil ng pag-aaral, marahil, natapos na naman niya ang isang semester ng kursong nursing. "Mukhang babagsak ako sa Taxation," sabi ng isang maputing babae. "Matigas kasi ang ulo mo. Mas inuuna mo pa ang gumimik," sisi naman ng isa. Parang may kumurot sa kanyang puso. Naalala niya ang kanyang ina, naging bukambibig na nito ang katigasan ng kanyang ulo simula nang nasa hayskul siya. Nasa ibang bansa na ang kanyang ama sa panahong iyon. Manapa'y wala siyang mapagsumbungan. Kapag nag-iisa siya sa kuwarto nila ni Mayette ay umiiyak siya sa sobrang pangungulila sa ama. Hindi rin siya malapit sa dalawang kapatid kaya pakiramdam niya ay walang nakaiintindi sa kanya sa kanilang tahanan. Naghanap siya ng may magkakalinga sa kanya. Lalo na sa panahong nahaharap siya sa matinding problema. Ang kanyang pagbubuntis. Paano ba niya ipagtatapat sa kanyang ina?
{3.6}
Naalaala pa niya, sa unang taon pa lang niya sa hayskul ay nagkaroon na siya ng
nobyo. Naging sunud-sunod na iyon. Kapag nakipagkalas siya sa isa, wala pang isang buwan
ay may bago na naman siya. Gustung-gusto niyang may nag-aalaga sa kanya, may
nagmamalasakit at nagmamahal. Pakiramdam niya ay hindi kumpleto ang kanyang buhay
kapag wala siyang nobyo. Sa isang unibersidad ng katabing siyudad
ng kanilang bayan nagkolehiyo si Reina. Hiniling niya sa kanyang ina na payagan siyang
tumira sa boarding house upang hindi mahuli sa pang-umagang mga asignatura
gayong may apatnapung minuto lamang ang biyahe niyon mula sa kanila. Katwiran niya, hindi
siya sanay gumising nang maaga. Napapayag lamang ang kanyang ina nang ipangako niyang
hindi niya pababayaan ang kanyang pag-aaral.
Ngunit nawaglit na sa kanyang isipan ang pangakong iyon sa kanyang ina. Nasa ikatlong taon siya ng kolehiyo, buwan ng Hulyo nang maging nobyo niya si Russell. Galing sa isang broken family ang binata at may kanya-kanya nang pamilya ang mga magulang nito. Alam ni Reina na nagrerebelde si Russell sa mga magulang nito. Ngunit kakatwang iyon pa ang isa sa mga nagustuhan niya sa binata. Gusto rin niya ang ugali nitong walang pakialam sa sasabihin ng iba at ginagawa ang gusto basta nakapagpapaligaya sa kanya. Si Russell at ang mga barkada nito na may mga hinanakit din sa magulang ang madalas niyang kasama sa mga gimikan. Hanggang sa sukdulang hindi na niya magawang limitahan ang walang kawawa ang gimik. Resulta, napabayaan ang kanyang pag-aaral at nauwi pa kanyang pagbubuntis.
{3.7}
Sumulat ang pamunuan ng Student Affairs Office sa kanyang ina at nalaman
nito na hindi na niya pinapasukan ang ilan sa mga asignatura. Biyernes iyon nang umuwi
siya sa kanilang bahay. Ilang minuto pa lamang siyang nagpapahinga sa kanyang kuwarto
nang kausapin siya ng kanyang ina tungkol sa kapabayaan niya sa pag-aaral.
"Me problema ka ba?" tanong ng kanyang ina. Umiling siya. "Halatang me
problema ka, sabihin mo." "Wala nga, e," matigas niyang sabi.
"Wala?" giit ng kanyang ina. "E, napababayaan mo na ang pag-aaral mo, a." "Ba't ho ba
kayo nagagalit?" tumaas ang kanyang boses.
"E, pera naman ni itay ang ginagastasa pag-aaral ko." Sa kanyang sinabi, bigla siyang
nasampal ng kanyang ina. Sa halip na mapagtanto ang kanyang mga kasalanan, sumiklab pa
ang galit sa kanyang dibdib. "Alam ko namang hindi n'yo ako gusto dahil hindi ako katulad
ng iba ninyong mga anak na masunurin. Tutal, sabi n'yo nga, puro sakit lang ng ulo ang
ibinibigay ko sa inyo. Mas mabuti pa ngang umalis na lang
ako rito." Padabog na hinablot niya ang kanyang bag sa gilid ng kanyang kama. At pabalibag
na isinara ang pinto pagkatapos lumabas. Pinigilan siya ng kanyang ina ngunit naging
matigas siya sa kanyang pasya.
{3.8}
Hindi niya napigilang umiyak nang sakay na siya ng bus pabalik sa lungsod.
Nag-uumapaw ang sama ng loob sa kanyang dibdib. Totohanan na niya ang kanyang banta,
hindi na siya babalik sa kanila. Tinawagan siya ng kanyang Ate Myrha ngunit hindi niya
ito sinagot. Ni isa sa kanilang pamilya, ayaw niyang makausap. Upang hindi matunton,
lumipat siya ng boarding house at nagpalit ng numero ng cellphone. Upang
may pantustos, isinangla niya ang isang pares na hikaw at kuwintas na regalo
ng kanyang ama. Ngunit wala pang isang buwan ay nararamdaman na niyang kinakapos siya.
Tumigil na rin siya sa kanyang pag-aaral. Higit na pinamahayan siya ng pangamba, na
habang lumalaon, lumalaki na ng kanyang tiyan. At darating ang araw, manganganak siya.
Sino ang mag-aasikaso sa kanya? Sino ang tutustos sa kanyang mga pangangailangan? Sumagi
sa kanyang isipan si Russell. Namahay ang pagkamuhi sa kanyang
puso rito. At wala siyang ibang malalapitan, kundi ang kanyang mga magulang. Hindi siya
hihingi ng tulong sa mga ito, naisaloob niya.
Ngunit sa kanyang pag-iisa, ang ipinapakita niyang katatagan ay unti-unting napapalitan ng kalungkutan at pangungulila. Nauuhaw siya sa pang-unawa. Ibig niyang makahanap ng masasandalan. Pinipilit niyang maging matatag ngunit nangingibabaw pa rin ang kanyang kahinaan. Kahinaang noon lamang niya nadarama.
{3.9}
Ilang buwan ang lumipas, inihatid siya ng kanyang mga paa sa kanyang pamilya. Noon
ay halata na ang kanyang dinadala. "Umalis kang me problema, nang bumalik ka,
problema pa rin ang dala mo," mahina ngunit mariing pagkasabi ng kanyang ina.
Napatungo siya. Hindi niya magawang tumingin nang tuwid sa ina at kapatid. "Sabi ko na
nga ba't me problema ka nang huli mong umuwi rito," patuloy ng kanyang ina.
"Hindi lang problema 'yang dala mo kundi kahihiyan sa ating pamilya." Nang iangat
niya ang kanyang mukha ay pinangaliran siya ng mga luha. "Patawarin n'yo ako,
'Nay," pumiyok ang kanyang boses. "Sa'n ang ama ng dinadala mo?" ang kanyang ina.
Umiling siya. "Tinakasan ako," nabasag ang kanyang boses. Nangulimlim ang mukha ng
kanyang ina. Napabuntunghiningang tumingin sa kanya. "Kung naging
masunurin ka lang sana," mahina ngunit naroon ang paninising sabi ng kanyang ina.
{3.10}
"Patawarin n'yo ko 'Nay." Sa puntong iyon ay nakuha na niyang tumingin sa kanyang ina.
Namalas niyang pinangaliran na rin ng luha ang kanyang ina, maging ang kanyang mga
kapatid. Sa kislap ng mga mata ng kanyang, napagwawari niyang punumpuno iyon ng
panunumbat. Dangan nga bilang isang ina, naroon pa rin, nababasa pa rin niya sa mga
mata nito, ang kasabihang walang inang nakatittis sa anak.
Anumang pagkakamali ang hatid niyon sa pamilya. Namagitan ang katahimikan. Matagal.
"E, ano pa nga ang gagawin ko," ang kanyang ina. Bahagyang lumapit sa kanya.
Hinawakan ang nanlalamig niyang kamay. "Humingi ka rin ng tawad sa ama. Tawagan mo s'ya."
Tumangu-tango siya. "Masakit ang ginawa mo sa pamilya natin," nabasag na rin ang boses ng
kanyang ina. "Pero, hindi ko magawang pabayaan ka." "'Nay", aniya. Kasunod niyon ang
buong higpit na yakapan nilang mag-ina.
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/unawa.html
1 | Ang ulol na unggo at ang marunong na pagong |
2 | Minsan ang pagong habang naliligo sa ilog, ay nakakita siya ng isang punongsaging na lumulutang at tinatangay ng agos. |
3 | Hinila niya sa pasigan, datapwat hindi niya madala sa lupa. |
4 | Dahil dito tinawag niya ang kaibigan niyang unggo at inialay niya ang kaputol ng punongsaging kung itatanim niya ang kaniyang kaparte. |
5 | Tumango ang unggo at hinate nila sa gitna mula sa magkabilang dulo ang puno ng saging. |
6 | Inangkin ng unggo ang kaputol na may mga dahon, dahil sa panukala niya na iyon ay tutubo na mabuti kaysa kaputol na walang dahon. |
7 | Nang makaaraan ang ilang araw, ang puno ng unggo ay namatay, yamang ang sa pagong ay tumubo hanggang sa magbunga. |
8 | Ang mga saging ay nahinog, datapwat hindi maakyat ng pagong. |
9 | Dahil dito tinawag niya ang kaniyang kaibigang unggo at inialay niya ang ilang bunga ng saging kung aakyatin niya ang puno. |
10 | Ang unggo ay umakyat at kumain ng makakaya sinabi ng pagong: "Hulugan mo ako." |
11 | Datapuwat isinagot ng unggo: "Balat man at malinamnam ay hindi kita huhulugan." |
12 | Ang pagong ay nagalit at nagsabug siya ng tinik sa paligid ng puno. Nang lumukso ang unggo natinik siya. |
13 | Pinagbintangan niya ang pagong at kaniyang hinanap upang parusahan niya. Nahuli niya ang pagong sa kabila ng isang tuod. |
14 | Sinabi niya sa pagong: "Kita ay aking parurusahan. |
15 | Mamili ka sa dalawa. Dikdikin kita sa lusong o lunurin kita sa ilog?" |
16 | Ang marunong na pagong ay nagumpisa ng pagsisigaw at hiniling niya sa unggo na, kung maaare, ay dikdikin siya sa lusong. |
17 | Datapwat isinagot ng unggo: "Ibibigay ko sa iyo ang parusa na hindi mo gusto." |
18 | At inihagis niya sa ilog ang pagong. Nang dumapo ang pagong sa tubig ay nagsisigaw siya at sinabi niya sa unggo: |
19 | "Salamat, kaibigan. Ito ang aking tirahan!" |
1 | Ang lukong unggoy at ang mautak na pagong |
2 | Isang araw habang naliligo ang pagong sa ilog ay may nakita siyang punong-saging na nakalutang at dinadala ng agos. |
3 | Nilapitan niya ito at dinala sa tabi. Subalit hindi niya ito kayang dalhin sa lupa. |
4 | Kaya tinawag niya si Unggoy para magpatulong. Dahil tinulongan siya ni Unggoy, ibibigay ni Pagong ang kalahati nito para itanim. |
5 | Kaya hinati na ito mula sa gitna hanggang sa dulo ng punong-saging. |
6 | Pagkatapos hatiin kinuha na ni Unggoy ang kalahati na may dahon. Kaya yon ang kinuha ni Unggoy dahil ang akala niya ay yon ang mabubuhay. |
7 | At pagkalipas ng ilang araw ay namatay ito. Samantala ang kay pagong naman ay nabuhay hanggang sa magbunga ito. |
8 | Ngunit hindi ito kayang kunin ni Pagong. |
9 | Kaya tinawag niya si Unggoy para ipakuha ang bunga nito. |
10 | Inakyat na ni Unggoy ang punong-saging. At doon na kumain si Unggoy. Sumigaw si Pangong: "Nabigyan mo ako." |
11 | Ngunit sinabi ni Unggoy: "Hindi kita bibigyan." |
12 | Nagalit si Pagong sa sinabi ni Unggoy. Kaya nilagyan ni Pagong ng tinik ang paligid ng saging at nang tumalon na si Unggoy ay natinik siya. |
13 | Pinagbintangan niya si Pagong at sa galit nito hinanap niya si Pagong. Ngunit nakita rin niya si pagong sa gilid ng tuod. |
14 | Sinabi ni Unggoy kay Pagong: "Ikaw ay aking paparusahan. |
15 | Mamili ka sa dalawa. Dikdikin sa lusong o itapon sa ilog?" |
16 | At sumagot naman si Pagong: "Puwede bang dikdikin mo na lang ako sa lusong." |
17 | Ngunit ang sabi ni Unggoy: "Itatapon na lang kita sa ilog." |
18 | At nang matapon na sa ilog si Pagong, ay sumigaw ito na: |
19 | "Salamat, kaibigan. Ito talaga ang aking tahanan."/td> |
02. Aug. 2022 14:46:01 www/text/unggoy.html