• 1.1 Märchen
Schneewittchen und die sieben Zwerge
Alamat: Si Busilag at pitong dwende

Ein Märchen der Gebrüder Grimm ‒ Alamat nina magkapatid na Grimm

     
Es war einmal eine Königin, die bekam ein Töchterlein. Es hatte eine Haut so weiß wie Schnee, Lippen so rot wie Blut und Haare so schwarz wie Ebenholz. Darum wurde es Schneewittchen genannt. Aber die Königin starb, und nach einem Jahr nahm sich der König eine andere Gemahlin. Sie war sehr schön, aber stolz und hochmütig und konnte es nicht ertragen, dass jemand schöner sein sollte als sie.  Noong una'y nanganak ang isang reyna ng babae. Mayroon siyang kutis na singbusilak ng niyebeng puti, mga labing singpula ng dugo at buhok na sing-itim ng gabi. Dahil doon Busilak ang pinangalan sa bata. Ngunit namatay ang reyna, at pagkatapos isang taon kinasal ang hari sa ibang babae. Napakaganda ang bagong reyna, pero siya ay mapagmataas at hambog, at hindi niya kayang tanggapin na may mas magandang babae kaysa kaniya.
Die Königin besaß einen wunderbaren Spiegel, den befragte sie jeden Tag: "Spieglein, Spieglein an der Wand, wer ist die Schönste im ganzen Land?" Und immer antwortete der Spiegel: "Ihr, Frau Königin, seid die Schönste im Land." Schneewittchen wuchs heran und wurde wunderschön. Eines Tages erwiderte der Spiegel der Königin: "Frau Königin, Ihr seid die Schönste hier, aber Schneewittchen ist tausendmal schöner als Ihr."
Nagkaroon ang reyna ng salaming naghihimala. Araw-araw tinatanong niya ito: "Salamin, salamin, sino ang pinakamagandang babae sa buong bansa ko?" At lagi ang sagot ng salamin: "Kayo po, Reyna, ang pinakamagandang babae sa buong bansa." Lumaki si Busilak nang napakaganda. Isang araw ang sinagot ng salamin sa reyna: "Kayo po, Reyna, dito po kayo ang pinakamagandang babae, ngunit doon ay higit pang mas maganda si Busilak kaysa inyo."
Da befahl die Königin einem Jäger, Schneewittchen zu töten. Doch er hatte Mitleid und ließ das Mächen laufen. Lange Zeit irrte es im Wald umher. Schließlich kam es an ein kleines Haus und ging hinein, um sich auszuruhen. In der Stube stand ein gedecktes Tischlein, und weil Schneewittchen hungrig war, aß es von jedem der sieben Tellerlein ein wenig und trank aus jedem Becherlein einen Schluck, denn es wollte nicht einem alles wegnehmen. Danach legte es sich müde in eines der sieben Bettchen und schlief alsbald ein.  Inutusan ng reyna ang isang mamamaril na patayin si Busilak. Naawa siya kay Busilak at pinakawalan niya iyon. Matagal na naligaw si Busilak sa kagubatan. Sa katagalan nakarating siya sa isang maliit na bahay at pumasok siya doon. Sa sala may isang maliit na mesang nakaayos na para sa hapunan. Dahil nagugutom na si Busilak, kinain niya ang kakaunting pagkain sa lahat ng platong nandoon at uminom din. Saka humiga siya sa isa sa mga maliliit na kama, tapos natulog siya.
Am Abend kamen die Herren von dem Häuslein, das waren die sieben Zwerge. Sie zündeten ihre sieben Lichtlein an, dann sahen sie, dass jemand da war, denn es stand nicht alles so in der Ordnung, wie sie es verlassen hatten. Der erste sprach: "Wer hat auf meinem Stühlchen gesessen?" Der zweite: "Wer hat von meinem Tellerchen gegessen?" Der dritte: "Wer hat von meinem Brötchen genommen?" Der vierte: "Wer hat von meinem Gemüschen gegessen?"  Sa gabi umuwi ang mga amo ng bahay, ang pitong duwende. Binuksan nila ang kanilang pitong ilaw. Saka napansin nila na may ibang tao doon sapagkat naiba ang ayos ng mga kagamitan nila hindi katulad noong umalis sila kaninang umaga. Sabi ng unang duwende: "Sino ang umupo sa bangko ko?" Ng ikalawa: "Sinong kumain sa plato ko?" Tanong ng ikatlo: "Sino ang kumuha ng tinapay ko?" Ng ikaapat: "Sino ang kumain ng gulay ko?"
Der fünfte: "Wer hat mit meinem Gäbelchen gestochen?" Der sechste: "Wer hat mit meinem Messerchen geschnitten?" Der siebente: "Wer hat aus meinem Becherlein getrunken?" Dann erblickten sie Schneewittchen schlafend im Bett. "Ei, du mein Gott! Ei, du mein Gott!" riefen sie, "was ist das Kind so schön!" Und hatten so große Freude, dass sie es nicht aufweckten, sondern im Bettlein fortschlafen ließen.
Sabi ng ikalima: "Sinong gumamit ng aking tinidor?" Ng ikaanim: "Sino ang naghiwa gamit ang kutsilyo ko?" At ng ikapito: "Sino ang uminom sa tasa ko?" Saka nakita nila si Busilak na natutulog sa kama. "Naku! Naku!" ang sigaw nila, "anong ganda ng dalaga!" Sa kasiyahan, hinayaan nila na natutulog si Busilak sa kama.
Als es Morgen war, erwachte Schneewittchen, und wie es die sieben Zwerge sah, erschrak es. Sie waren aber freundlich und fragten: "Wie heißt du?" "Ich heiße Schneewittchen", antwortete es.  Kinaumagahan nagising si Busilak, natakot siya ng nakita niya ang pitong duwende. Ngunit mabait sila at tinanong nila si Busilak: "Ano ang pangalan mo?" "Si Busilak ako", ang sagot niya.
"Wie bist du in unser Haus gekommen?" sprachen weiter die Zwerge. Da erzählte es ihnen seine Geschichte. Die Zwerge sprachen: "Willst du unsern Haushalt versehen, kochen, betten, waschen, nähen und stricken, und willst du alles ordentlich und reinlich halten, so kannst du bei uns bleiben, und es soll dir an nichts fehlen." "Ja", sagte Schneewittchen, "von Herzen gern!" und blieb bei ihnen.
"Paano ka nakapasok sa bahay namin?" ang sabi ng mga duwende. Sinabi ni Busilak ang lahat ng kuwento niya. Sabi ng mga duwende, "Kung gusto mong mamahala ng bahay namin, magluto, ayusin ang mga kama, maglaba, manahi at maggantsilyo, at gusto mong ingatan nang maayos at panatilihing malinis ang lahat, puwede kang makitira sa amin, at maganda dito ang buhay mo." "Oo", ang sabi ni Busilak, "talagang gusto ko!" at tumira siya sa kanila.
Die Königin aber, die Schneewittchen tot glaubte, befragte wieder ihren Spiegel. Er antwortete: "Frau Königin, Ihr seid die Schönste hier, aber Schneewittchen über den sieben Bergen, bei den sieben Zwergen, ist noch tausendmal schöner als Ihr." Da wusste sie, dass der Jäger sie betrogen hatte.  Inisip ng reyna na patay na si Busilak at ulit tinanong niya ang salamin. Sumagot ang salamin: "Kayo po, Reyna, dito po kayo ang pinakamagandang babae, ngunit doon sa likod ng mga pitong bundok kasama ang mga pitong duwende higit na mas maganda si Busilak kaysa inyo." At nalaman niya na dinaya siya ng mamamaril.
Als Krämerin verkleidet begab sie sich zum Zwergenhaus und verkaufte Schneewittchen einen wunderschönen Schnürriemen. Damit schnürte sie ihm das Mieder so fest, dass Schneewittchen nicht mehr atmen konnte und wie tot umfiel. Wie erschraken die Zwerge, als sie heimkamen! Rasch schnitten sie den Riemen entzwei, und Schneewittchen kam bald darauf wieder zu sich und erzählte, was vorgefallen war.  Nagpanggap ang reyna na maglalako at pumunta siya sa bahay ng mga duwende. Kumatok siya sa pintuan at kinausap niya si Busilak upang bumili ng magandang pagbigkis. Mahigpit ang pagkakatali ng reyna sa pangbigkis kay Busilak kaya hindi na siya nakahinga. Napalugmok si Busilak na parang wala ng buhay. Dumating ang mga duwende at nakita nila sa Busilak na nakahiga sa lupa na hindi humihinga. Pinutol ng mga duwende ang tali at nabuhay muli si Busilak. Pagkahinga ay ikinuwento lahat ni Busilak sa mga duwende ang nangyari.
Durch ihren Spiegel erfuhr die Königin, dass Schneewittchen immer noch am Leben war. Da begab sie sich in anderer Verkleidung mit einem giftigen Kamm zum Haus der Zwerge. Schneewittchen gefiel der Kamm so gut, dass es ihn kaufte und ihn sich ins Haar stecken ließ. Sogleich fiel das Mädchen besinnungslos nieder. Zum Glück kamen wenig später die Zwerge. Sie zogen den giftigen Kamm aus Schneewittchens Haar, und es kam wieder zu sich.  Tinanong muli ng reyna ang salamin at nalaman niya na buhay pa si Busilak. Nagpanggap muli ang reyna at nagdala ng suklay na may lason. Nilagay ng reyna ang suklay sa ulo ni Busilak. Muling bumagsak sa lupa si Busilak dahil sa lason ng suklay. Sa kabutihang palad, dumating kaagadand mga duwende at inalis ang suklay na may lason sa ulo ni Busilak. Muling nabuhay si Busilak pagkaalis ng suklay sa buhok niya.
Wiederum erfuhr die Königin von ihrem Spiegel, dass Schneewittchen noch lebte. Da bebte sie vor Zorn. Tag und Nacht sann sie darüber nach, wie sie es töten könnte. Schließlich vergiftete sie die Hälfte eines schönen Apfels und ging als Bauersfrau verkleidet über die sieben Berge zum Zwergenhaus.  Nalaman ng reyna mula sa salamin na buhay pa si Busilak. Nanginginig sa galit ang reyna. Araw at gabi, iniisip ng reyna kung paano niya mapapatay si Busilak. Pagkatapos, naisip ng reyna na lagyan ng lason ang kalahati ng isang napakagandang mansanas at nagpanggap muli siya. Pumunta siya sa bahay ng mga duwende bilang isang maglalako.
Sie klopfte an der Haustür. Schneewittchen streckte den Kopf zum Fenster heraus und sprach: "Ich darf keinen Menschen einlassen, die sieben Zwerge haben mir's verboten!" "Mir auch recht", antwortete die Bäuerin, "meine Äpfel will ich schon loswerden. Da, einen will ich dir schenken." "Nein," sprach Schneewittchen, "ich darf nichts annehmen!" "Fürchtest du dich vor Gift?" sprach die Alte, "siehst du, da schneide ich den Apfel in zwei Teile. Den roten Backen iss, den weißen will ich essen."
Kumatok ang reyna sa pintuan. Binuksan ni Busilak ang bintana at pagkatapos sumilip ay sinabi: "Hindi ako maaaring magpapasok ng kahit sino. Ipinagbabawal ng pitong duwende." "Ayos lang sa akin iyon." sagot ng maglalako ng magsasaka. "Wala akong problema upang maitinda lahat ng aking mansanas, ngunit bibigyan na lang kita ng isang mansanas." Sinabi ni Busilak, "Hindi ako maaaring tumanggap ng kahit ano!" "Natatakot ka ba sa lason?" tanong ng maglalako. "Hahatiin ko ang mansanas sa dalawa, kainin mo ang mapulang bahagi at kakainin ko ang maputing bahagi."
Der Apfel war aber so künstlich gemacht, dass der rote Backen allein vergiftet war. Schneewittchen lusterte den schönen Apfel an, und als es sah, dass die Bäuerin davon aß, so konnte es nicht länger widerstehen, streckte die Hand hinaus und nahm die giftige Hälfte. Kaum aber hatte es einen Bissen davon im Mund, so fiel es tot zur Erde nieder.  Ang mansanas ay naihanda ng maayos kaya ang mapulang bahagi lang ang may lason. Sinuring mabuti ni Busilak ang mansanas at nang makita niya na kumain mula dito ang asawa ng magsasaka at hindi na niya napigilan na tanggapin. Inilabas niya ang kanyang kamay sa bintana at kinuha niya ang bahaging may lason. At kaagad-agad pagkatapos niya na kumagat, nalaglag si Busilak sa lupa at namatay.
Zu Hause befragte die Königin ihren Spiegel, und endlich antwortete er: "Frau Königin, Ihr seid die Schönste im Land."  Pagkauwi, tinanong ng reyna ang salamin at sa wakas sinagot nito: " Kayo po, reyna, ang pinakamaganda sa buong bansa."
Als die Zwerge heimkamen, sahen sie Schneewittchen tot am Boden liegen. Vergebens versuchten sie, es wieder lebendig zu machen. Schneewittchen war und blieb tot. Da legten sie es auf eine Bahre und beweinten es drei Tage lang. Dann wollten sie es begraben. Doch Schneewittchen sah noch so frisch aus wie ein lebendiger Mensch. Darum fertigten die Zwerge einen gläsernen Sarg an und legten das Mädchen hinein.
Pagkauwi ng mga duwende, nakita nila si Busilak na patay sa sahig. Sinubukan nila na buhayin si Busilak ngunit walang kuwenta. Nanatiling patay si Busilak at nilagay nila ito sa kamilya. Iniyakan ng mga duwende si Busilak ng mga tatlong araw. Gusto sana nilang ilibing si Busilak ngunit para pa siyang buhay na tao. Kaya gumawa ng kabaong na yari sa salamin ang mga duwende at doon nila nilagay si Busilak.
Eines Tages kam ein Königssohn durch den Wald geritten. Er sah auf dem Berg den Sarg und das schöne Schneewittchen darin. Da sprach er zu den Zwergen: "Lasst mir den Sarg, ich will euch geben, was ihr dafür haben wollt." Aber die Zwerge antworteten: "Wir geben ihn nicht für alles Gold in der Welt." Da sprach er: "So schenkt mir ihn, denn ich kann nicht leben, ohne Schneewittchen zu sehen, ich will es ehren und hochachten wie mein Liebstes." Wie er so sprach, empfanden die guten Zwerglein Mitleid mit ihm und gaben ihm den Sarg. Der Königssohn ließ ihn nun von seinen Dienern auf den Schultern forttragen.  Isang araw, dumating ang prinsipe na nangangabayo sa gubat. Sa tuktok ng bundok, nakita niya ang kabaong at ang magandang si Busilak na nakahiga sa loob. At sinabi ng prinsipe sa mgaduwende: "Duwende, iwanan ninyo sa akin ang kabaong. Ibigay ko ang anumang nais ninyo kapalit nito." Sagot ng mga duwende: "Hindi namin ibibigay ito sa lahat ng ginto sa mundo." At sinabi ng prinsipe: "Ibigay ninyo sa akin bilang isang regalo dahil hindi na ako mabubuhay pa na hindi nakikita si Busilak. Pahahalagahan ko siyang katulad ng pinakatatangi sa buhay ko."Pagkasabi ay naawa ang mga mabubuting duwende sa prinsipe at ibinigay sa kanya ang kabaong. Pinabuhat ng prinsipe ang kabaong sa kanyang mga utusan sa kanilang balikat.
Da geschah es, dass sie über einen Strauch stolperten, und von dem Schüttern fuhr der giftige Apfelgrütz, den Schneewittchen abgebissen hatte, aus dem Hals. Und nicht lange, so öffnete es die Augen, hob den Deckel vom Sarg in die Höhe und richtete sich auf und war wieder lebendig. "Ach Gott, wo bin ich?" rief es. Der Königssohn sagte voll Freude: "Du bist bei mir. Ich habe dich lieber als alles auf der Welt. Komm mit mir in meines Vaters Schloss, du sollst meine Gemahlin werden."
Biglang natisod sa palumpong ang isa sa mga utusan at dahil sa pagkakagalaw sa kabaong, lumabas ang mansanas na may lason at kaagad na bumukas ang mata ni Busilak at napaupo siya at nabuhay. "Naku, nasaan ako?" Sigaw niya. At sinabi ng prinsipe na nagagalak: "Ikaw ay kasama ko. Minamahal kita nang higit pa sa kahit anong bagay sa mundo. Sumama ka sa kastilyo ng aking ama, kailangan kitang mapangasawa."
Schneewittchen war dem Königssohn gut und ging mit ihm auf sein Schloss. Dort wurde die Hochzeit mit aller Pracht gefeiert. Auch die böse Stiefmutter wurde dazu eingeladen. Als sie aber in den Saal trat und Schneewittchen erkannte, erschrak sie so sehr, dass sie tot umfiel.  Maayos na tinanggap ni Busilak ang prinsipe at sumama siya dito sa kastilyo at idinaos ang isang marangyang kasal. Ngunit inimbita nila ang reyna at nang pumasok siya sa malaking kuwarto at nakilala si Busilak, lubos siyang nagulat at nalaglag siya sa lupa at namatay.

Die filipinische Sprache von Armin Möller   http://www.germanlipa.de/text/alamat/schneewittchen.htm   040113 / 221130

Die filipinische Sprache ‒ Ende von Schneewittchen

Seitenbeginn   Ugnika