Werkstatt / Gawaan
Samadhi   (• samadhi)

1 Einleitung
3 Originaltext


1 Einleitung

Quelle: Tumbaga, Ronald Fababier: Si Samadhi At Ang Kayamanan Sa Dulo Ng Bahaghari
LIWAYWAY, 22 Mayo 2006 {T1Q Liwayway}


3 Originaltext

{3.11}
Nag-iisang pumanhik sa bundok Duhat simula pa kaninang tanghali si Samadhi, labingtatlong taong gulang na nagpapastol ng mga kambing. Kinailangan niyang daanan ang matatarik na burol at ilang mga sapa sa gitna ng kanyang paglalakbay sa paghahanap sa kayamanan, na ayon sa kanyang Lolo Pandoy ay matatagpuan sa dulo ng bahaghari. At ngayon ay malapit na siya sa tuktok ng bundok. Heute, seit der frühen Mittagszeit schon, stieg Samadhi auf den Duhat-Berg, ein dreizehnjähriger Ziegenhirt. Er musste vorbei an den steilen Hügeln und einigen Bächen in der Mitte seiner Reise zur Suche des Reichtumes, den er gemäß seinem Großvater Pandoy am Ende des Regenbogens finden würde. Und jetzt ist er dem Gipfel des Berges nahe.

{3.12}
Kanina, habang ipinapastol niya ang mga kambing sa isang talampas na nasa silangang kinaroroonan ng kanilang maliit na dampa, ay nakatanaw ulit si Samadhi ng bahaghari. Vorhin, als er seine Ziegen hütete auf einer Hochebene, an deren Osten sich ihre kleine Schutzhütte befand, die ihnen als zeitweiser Aufenthalt diente, konnte Samadhi wieder den Regenbogen betrachten.

{3.13}
Kasabay sa muling pagkaakit niya sa nakabibighaning mga kulay nito ay hindi siya nagdalawang isip na sundan at hanapin agad ang dulo ng bahaghari, na ayon pa sa kuwento ng kanyang lolo ay lugar na kung saan maaaring matagpuan ang isang banga ng kayamanan ngunit tanging ang may mabubuting kalooban lamang ang maaaring makakuha nito. Gleichzeitig mit seiner wiederkehrenden Aufmerksamkeit für dessen faszinierende Farben macht er sich keine zwei Gedanken, dem Rat zu folgen und das Ende des Regenbogens zu suchen, der immer noch entsprechend der Geschichte seines Großvaters der Ort war, wo man einen großen Topf Reichtum finden kann; aber um das zu bekommen, braucht man viel Willensstärke.

{3.14}
Sa lolo niya lamang narinig ang kuwentong ito, at sa kagustuhang marating ang nasabing lugar ay nagplano siyang akyatin ang bundok. Hindi siya nagpaalam sa tatay at nanay niya dahil sa agam-agam na baka hindi siya payagan. Nur von seinem Großvater hatte er die Geschichte gehört, und mit dem Wunsch, den besagten Ort erreichen zu können, plante er, den Berg zu besteigen. Er sagte seinem Vater und seiner Mutter nicht Auf Wiedersehen aus Furcht, dass sie es ihm nicht erlauben würden.

{3.15}
Kaya maaga pa lamang kinabukasan ay inihabilin na niya ang mga alagang kambing sa kanyang lolo at nagsimula siyang umakyat ng bundok. Deshalb vertraute er noch früh am nächsten Tag dem Großvater seine Ziegen an und begann, den Berg zu besteigen.

{3.16}
Tagaktak ang kayang pawis nang mapahinto siya sa tabi ng isang pinakamatandang puno na naroon. Ginulat isang maliit na tinig na la sa itaas ng puno. "Yoholey-yoholey-fom-fom!" Der Schweiß lief ihm herunter, als er an einem sehr alten Baum dort rastete. Ihn erschrak eine schwache Stimme, die aus der Höhe des Baumes kam. "Yoholey-yoholey-fom-fom!"

{3.17}
Napatingala sa mataas na puno si Samadhi. At mula sa isang sanga ng puno ay nakita niya ang isang nakaupong mahiwagang duwende. May makintab na pula itong kasuotan at may katandaan na rin ang hitsura. Matutulis ang dulo ng pares ng mga bota, mahaba ang puting buhok, bigote at balbas.

{3.18}
Samadhi schaute zu dem hohen Baum auf. Und auf einem Ast des Baumes sah er einen Zauberzwerg sitzen. Seine Kleidung war glänzend rot und er sah auch alt aus. Spitz waren die Spitzen seiner Stiefel, lang das weiße Haar und sein Bart.

{3.19}
Malalim ang talukap ng maamong mga mata at matangos ang ilong. Ngunit, kagalang-galang ito kung pagmamasdan niya. Tief die Lider der freundlichen Augen und lang die Nase. Aber er (ito) sah ehrwürdig aus, als der Junge (niya) ihn (ito nicht wiederholt) genau betrachtete.

{3.20}
Namamangha si Samadhi. Ang nakikita niya ay katulad sa malimit ikuwento sa kanya ni Lolo Pandoy. Isa palang duwende ang matatagpuan niya sa dulo ng arko ng bahagharing kanyang pinuntahan. At nakangiti ito sa kanya na parang isang kaibigan, maamo ang mukhang tulad niya. Samadhi war sehr überrascht. Sein Aussehen war genau so, wie Großvater Pandoy ihm oft erzählt hatte. So, einen Zwerg hat er gefunden am Ende des Regenbogens, zu dem er gegangen war. Und er lächelte ihn an wie einen Freund, wie er mit freundlichem Gesicht.

{3.21}
"Magaling! Napakagaling!" masiglang pagbati nito sa kanya habang nakasandal at nagpapahinga sa isang buwig ng mga makintab na bunga ng puno. "Ako si Pocoy," pagpapakilala nito sa sarili. "Ano ang iyong pakay sa lugar na ito?" "Schön! Sehr schön!", begrüßt ihn der Zwerg, während dieser sich zurücklehnt und auf einem Bündel von glänzenden Früchten des Baumes ausruht.

{3.22}
Buo ang loob na sumagot si Samadhi. "Narito ako dahil dito raw matatagpuan ang kayamanang nasa dulong arko ng bahaghari. Wala na akong natatanaw na bahaghari, kaya alam kong narito na ako." "Magaling! Napakagaling!" palatak ni Pocoy. "Hindi mo na nga iyon kayang abutin ng iyong paningin, dahil naririto ka na." Seinen Mut zusammennehmend, antwortet Samadhi: "Ich bin hier, weil man hier - so sagt man - einen Schatz am Ende des Regenbogens finden kann. Ich sehe den Regenbogen nicht mehr, deshalb weiß ich, das ich an der richtigen Stelle bin." "Schön! Sehr schön!" sagte Pocoy und klackte mit der Zunge. "Du bist nicht mehr in der Lage, dass dein Blick ihn erreicht, weil du bereits hier bist."

{3.23}
Kapagkuwan ay itinaas ni Pocoy ang isa nitong kamay at inatasan siyang pumikit. "Simbrep-fep-fe-ref! Ho-ho-ho-ho!"Nach einer Weile hob Pocoy eine Hand und befahl dem Jungen, die Augen zu schließen. "Simbrep-fep-fe-ref! Ho-ho-ho-ho!"

{3.24}
Kahit nakapikit ay may naramdaman si Samadhi. Parang biglang may nagliwanag na kung anong bagay sa may ibaba ng matandang puno ng duhat. Saglit siyang nagtaka. Ano kaya ang mahiwagang bagay na iyon? Ni wala man siyang naulinigang may lumagpak na kung anong bagay sa harap niya. Obwohl er die Augen zu hatte, fühlte Samadhi etwas. Plötzlich wie irgendwas Helles unten an dem alten Duhat-Baum. Einen Augenblick war er überrascht. Was für eine wundersame Sache mag das sein? Das hatte er noch nie gehört, wie irgend etwas so vor ihm herunterfiel.

{3.25}
Nang muli siyang atasan ni Pocoy na dumilat ay halos mapalundag siya sa labis na tuwa. Nasa harapan na niya ang isang malaking banga na punumpuno ng nagkikislapang kayamanan: mga gintong salapi, bara ng ginto, iba't ibang kulay ng mga diyamante at mga perlas. Namimilog ang kanyang mga mata. Als Pocoy ihm auftrug, die Augen wieder zu öffnen, wäre er fast vor lauter Freude aufgesprungen. Direkt vor ihm war eine großer Krug randvoll mit glitzernden Reichtümern: Goldmünzen, Goldblöcke, Diamanten und Perlen der verschiedensten Farben. Seine Augen wurden ganz rund.

{3.26}
"Wow!" parang di makapaniwalang bulalas niya. "Totoo ba'ng lahat ng mga ito?" "Wau!" brach es wie kaum zu glauben aus ihm hervor. "Sind die alle wirklich echt?"

{3.27}
Napalikmo siya sa tabi ng banga. Tinangka niyang bilangin isa-isa, ngunit pinigilan siya ni Pocoy. "Hindi mo na kailangang bilangin ang mga iyan. Dahil kailangan mo pang bumalik rito kinabukasan, pagkatapos mong maipamahagi ang kalahati niyan. At saka pa lamang ako aalis dito sa lupa upang ibalita sa aming kaharian kung kanino at saan napunta ang kayamanan," sabi nito.

{3.28}
Napakamot ng ulo si Samadhi. Walang nabanggit si Lolo Pandoy tungkol sa sinabi ng mahiwagang duwende. Ngunit, bigla niyang naalala ang naganap sa kanilang lugar noong isang linggo. Iyon ay ang maramihang pagkasalanta ng mga pananim ng mga magbubukid pagkatapos na dumaan ang isang napakalakas na bagyo roon. Marami ring mga hayop sa bukid ang nangamatay. Mapalad ang pamilya nila dahil nakaligtas sa sakuna ang mga alaga nilang kambing.

{3.29}
"Magaling! Napakagaling! Ikaw na ang bahala sa mga iyan. Basta't ako ay lilisan dito sa sandaling malaman ko kung ano ang kinahinatnan ng kalahati ng kayamanang iyan. Hindi kasi ako maaaring lumagpas sa panahong itinakda sa akin ng aming dakilang hari, Samadhi.

{3.30}
Kapag hindi ko nagawa iyon, mapagsasarhan ako ng pintuan sa aming kaharian sa habang panahon. Alam mo naman ang ipinag-uutos ng isang hari, hindi puwedeng mabali," bilin ni Pocoy.

{3.31}
Nagtaka at nahiwagaan si Samadhi sa duwende. Paanong nalaman nito ang pangalan niya? Nagpatuloy ito. "Hindi mo na kailangang isipin iyon. At hindi ko na rin itatanong sa iyo kung saan mo gagamitin ang kalahati ng kayamanang mapapasaiyo.

{3.32}
Sapagkat batid kong hindi kumukupas ang busilak na kalooban sa isang batang katulad mo, Samadhi."

{3.33}
Napangiti si Samadhi, saka muling tumindig. "Maraming salamat, kaibigang Pocoy. Pero, ang gusto ko ay ipamahagi ang lahat ng kayamanang ito sa mga tao ... ibig ko kasing makatulong sa lahat ng mga tao, lalo na sa mga mahihirap na magbubukid na nasiraan ng kanilang mga pananim dahil sa bagyo."

{3.34}
Namangha ang duwende sa sinabi niya. "Ikaw ang masusunod sa iyong nais na gawin, Samadhi." Nagalak si Samadhi. Samantalang si Pocoy, bagaman ikinagulat nito ang balak gawin ni Samadhi ay sinisigurado nitong makapagdadala ito ng isang mayamang alaala pagbalik nito sa kaharian.

{3.35}
Kapagkuwan, nagpaalam na ito kay Samadhi. "Hanggang sa muling pagkikita, kaibigang taga-lupa, yoholey-fom-fom!" At sa isang iglap ay naglaho ito sa ibabaw hg sanga ng puno ng duhat.

{3.36}
Napangiti si Samadhi. Batid niya, kahit hindi nakayang arukin ng isang mahiwagang nilalang ang gagawin ng isang taga-lupa na katulad niya sa pamamahagi sa mga mahihirap ng kayamanang kanyang natagpuan sa dulo ng bahaghari, ay magkaisa pa rin sila ng layunin pagdating sa pagtulong sa kapwa.

{3.37}
Higit sa lahat, natitiyak niyang labis na ikagagalak ito ng kanyang mga magulang, lalung-lalo na ang Lolo Pandoy niya kapag nakababa na siya mula sa bundok Duhat.


Armin Möller
http://www.germanlipa.de/text/samadhi.html
060520 - 220605

Ende / Wakas   Samadhi

↑↑   Werkstatt / Gawaan   Ugnika