Quelle: Vir Gonzales at Rino Fernan Silverio: Ang Tunay na Pagkatao
ni Regine Velasquez
LIWAYWAY, 21 Nobyembre 2005 {W Liwayway}
{3.1}
Malaking suwerte ang tinatamasa ngayon ng mang-aawit na taga Bulakan na sa kasalukuyan
ay kinikilalang singing superstar sa mundo ng showbiz. Ang taong ito ay walang
iba kundi si Bb. Regine Velasquez. Paano siya nagsimula, at ano ang kanyang tunay na
pagkatao?
{3.2}
Lingid sa iba, nagsimula si Regine bilang isang mang-aawit sa isang di kilalang restawran
sa Baliuag, Bulacan, sa D-Marcus Restaurant na wala na sa kasalukuyan. Tanda niyang
sumasakay lamang siya ng jeep noon, patungo sa restawrang pinapasukan kasama ang amang si
Mang Gerry na matiyagang nagbabantay sa kanya at pa kape-kape lamang sa isang sulok,
habang siya ay umaawit sa entablado. Bagaman hindi pa uso ang karaoke noon ay talagang
naibigay ni Regine ang boses na tunay na hinangaan ng kanyang manonood, kaya madalas ay
siya ang pinapalakpakan at hinihiling ng marami. Kilala siya noon bilang
isang dating Chona Velasquez, ngunit sa pagdating ng kanyang unti-unting tagumpay ay
pinapalitan ng kanyang unang manager na si Ronnie Henarez ang kanyang pangalan. Ginawa
itong Regina Velasquez na kilala na mga marami sa kasalukayan.
{3.3}
Sa sunod-sunod niyang tagumpay mula nang siya ay makilala sa larangan ng pag-awit at pag
arte sa pelikula ay hindi pa rin nakalilimot magpasalamat si Regine sa Diyos.
Nagpapasalamat siya sa Panginoon sapagkat sinuklian ang kanyang pagsusumikap
at pagtitigaya.
{3.4}
"Minsan nga parang hindi ako makapaniwala", sambit ni Regine habang excited siyang
nagkukuwento ng kanyang mga tagumpay. At sino nga ba ang maniniwalang ang isang
slim and fragile looking girl noon na taga Guiginto Bulacan ay magiging isa
nang big hit at kilala sa showbiz ngayon? Kagilagilalas na mula sa kanyang
pinagmulan a magiging kapantay na siya ng mga kinikilalang artista na
kaniyang nakapareha sa pelikula tulad nina Richard Gomez, Christopher De Leon,
Bong Revilla, Ogie Alcasid, at ngayon ay si Piolo Pascual.
{3.5}
Patuloy pa sa pagsusumikap si Regine na maitaguyod ang kanyang singing career kaya
nga siya ay nataguriang "Asia's Songbird" at sa kabila ng lahat, hindi pa rin siya naging
maramot, sinuportahan na niya ang mga bagitong mga mang-aawit tulad nina Sarah Geronimo
at Jonalyn Viray.
{3.6}
Ngunit hindi lang pala "Asia's Songbird" ang dapat na itawag kay Regine Velasquez
kungdi "Asia's Florence Nightingale" dahil sa kanyang pagiging very generous
and charitable. Hindi lang siya marunong magbigay ng pagkakataon sa mga baguhang
singer, kungdi may puso rin para sa charity.
{3.7}
Kamakailan sa isang very special presentation ng programang Mel & Joey nina
Mel Tiangco at Joey de Leon sa GMA-7, hindi lamang nag-concert ang Asia's Songbird
kungdi nag-auction pa ng kanyang mga mamahalin at slightly-used gowns sa
nasabing programa na ang proceeds
o kikitaing ay ido-donate ni Regine sa Kapuso Foundation. Habang kumakanta si Regine,
imino-model naman ng ilang sikat na fashion models ang kanyang mga gowns
na ginamit niya sa iba't ibang concrts niya rito at maging sa abroad.
Ang mamahaling gowns na likha ng 5 sikat na fashion designer sa bansa ay may
sentimental value na sa Songbird dahil ang mga ito ang sumaksi sa unti-unti
niyang pag-angat bilang singer-recording artist cum concert artist hanggang sa
tawagin na nga siyang "Asia's Songbird". Mahigit 20 mamahaling gowns ni
Regine ang idinisplay sa stage, bukod pa sa mga isinuot at iminodel ng mga
fashion model. At siyanga pala, bukod sa live audience sa studio
at mga televiewer na nanonood sa kanilang mga tahanan, naging
special guests and audience ni Regine ang mga batang may cancer ng
Hospicio de San Jose. Sila ang isa sa magiging recipients ng Kapuso Foundation sa
kikitain sa auction sale ng mga gowns ng Songbird. Alam n'yo bang nang
gabing iyon pa lamang, 14 na gowns ang binili ng mga generous ding
televiewers na umaabot sa mahigit P200,000.?
{3.8}
Pagkatapos ng gabing iyon, tuloy pa rin ang auction sale ng mga gowns ng
Songbird sa kanyang series of concert na "Reflection" gaganapin sa Aliw Theater
sa CCP Complex sa Roxas Blvd., Pasay City. kung tagumpay ang auction sale sa
programang Mel & Joey, tinitiyak na mas magiging succesful din ang
auction sale sa mga concert ni Regine. Kasi, makikita nila nang
personal ang mamahaling gowns na ididisplay din sa stage habang
umaawit si Regine. 8aka nga mag-invite pa ang GMA-7 ng ilang sikat nilang talents
para mag-model ng mga ibinebentang gowns.
{3.9}
Sino kayang singer-concert artist ang makagagawa ng tulad ng pagkakawanggawa ni
Regine na nagbenta ng mga pinaka-iingatang gowns, at aawitan pa ang mga manonood
na bibili pa ng kanyang gowns - na ang kikitain ay mapupuntang lahat sa Kapuso
Foundation? Marahil, nag-iisa lamang ang Asia's Songbird na makagagawa ng ganito
in the name of charity.
Die filipinische Sprache von Armin Möller 051122 / 220729 |