1 Einleitung / Pambungad
2 Texte / Mga Kasulatan
3 Zeitformen der Verben / Anyong pamanahon ng pandiwa
Austria, LN: Kalye P. Damaso
Quelle / Pinagmulan → {16A-2 Damaso}.
Si LN Austria ay nakatira sa 1O73 Greenview Subdivision, Turo, Bocaue, Bulacan. Kasalukuyang kumukuha ng kursong Bachelor of Arts In Public Administration sa University of the Philippines, Diliman, Quezon City. Ipinanganak noong Hunyo 1, 1988. Isang masugid na mambabasa ng Liwayway.
{3.1}
Matagal ko na ring pinag-iisipan kung ano ba talaga ang kulang sa buhay ko. | |
Ngayong ako ay may sapat nang edad ngunit kaunting kakalaman, napagtanto kong ang pagkalinga ng magulang ang tunay kong hinahanap. | Jetzt bin ich alt genug, habe nur wenig Verwandte, und mir wird bewusst, dass ich in Wirklichkeit danach strebe, mich auf die Suche nach meinen Eltern zu machen. |
Simula nang mamatay ang Inay, hindi na ko nakaramdam pa ng kahit kaunting init ng pagmamahal na nagmumula sa sariling mga magulang. |
{3.2}
Kaya naman ibang-iba ang pakiramdam ko nang araw na iyon. | Deshalb waren von diesem Tage an meine Gefühle völlig anders. |
Noon ko lang naramdaman ang isang napakatinding damdaming nag-uudyok sa akin na ipagpatuloy ang paghahanap sa aking amang nawalay noong ako ay tatlong taong gulang pa lamang. | Damals konnte ich mich nur bei einem sehr heftigen Gefühl ertappen, die Suche nach meinem Vater fortzusetzen, von dem ich getrennt wurde, als ich erst drei Jahre alt war. |
Marahil ay hindi na niya tanda ang aking mukha, gayon din naman ako sa kanya. Kung paano ko siya hahanapin, bahala na. Basta't alam kong kapag kami ay nagkita, maisasalba niya ako mula sa pagiging ulila sa magulang. Kaya't naisipan kong lumuwas ng Maynila kung saan siya tumitigil ayon kay Lola. | Ist schon gut, wenn ich weiß, dass er mich davor bewahren kann, ein Waisenkind zu werden. __. Deshalb dachte ich daran, nach Manila zu gehen, wo er sich aufhalten würde, wie Großmutter sagte. |
{3.3}
Umalis ako ng Kinaway, Masbate na bitbit ang ilang damit at kaunting pera na pabaon ng Lola na talaga namangayaw akong payagang umalis, lalo pa't hindi ko naman tunay na alam kung saan ako pupunta, sa pag-asang muli kong makikita si Itay. Hindi nagkamali ang Lola. | Ich verließ Kinaway, Masbate und trug mit meinen Händen einige Kleidungsstücke und etwas Geld, das mit Großmutter für die Reise mitgegeben hatte. Sie wollte wirklich nicht zulassen, dass ich weggehe, vor allem, weil ich wirklich nicht wusste, wohin ich gehen sollte, einzig mit der Hoffnung, meinen Vater zu finden. Großmutter hatte nicht unrecht. |
Hindi madali ang tumapak sa lupang hindi mo kinagisnan. Naging napakahirap ng buhay ko. Wala ni sinumang tao ang maaari kong malapitan. Hindi ako makapasok ng trabaho pagkat ang alam ko lang ay ang bumasa at sumulat. | Es ist nicht leicht, in einer Gegend herumzulaufen, die man nicht seit Kindesbeinen kennt. |
Sinubukan kong lumapit sa pulis upang ipagbigay alam ang pakay kong paghahanap sa aking ama. Imposible raw ang gusto ko pagkat wala akong dala kahit na lumang litrato. Puno ng pasakit ang bawat araw.
Gayunpaman, napakabilis din upang isang araw ay mapagtanto kong tatlong buwan na rin mula nang ako'y lumisan sa amin. Ang kaunting damit na dala ko ay naibenta ko nang lahat maliban sa suot ko ngayon, ang natira sa perang bigay ng Lola ay halos barya na lamang, at ang pag-asang kami ay muling magkikita ni Itay ay unti-unti nang natatabunan ng ingay, dumi, kumakalam na sikmura at basura na dulot ng siyudad.
{3.4}
Naranasan kong humingi ng limos, kumain ng panis at ipagtabuyan ng malilinis na tao.
Kung batid lamang ng Lola ang aking kalagayan, agad niya akong pupuntahan dito, kahit pa
ibenta niya ang aming munting kubo sa kahit na anong halaga para lang makaluwas din
ng Maynila, upang ako ay yakapin at balutin ng malinis na damit. Kahit na ako ay lumaki
sa hirap, hindi ko kailanman dinanas ang ganito kasaklap na buhay. Naging palaboy ako
nang dahil sa pagnanais kong makita ang Itay. Minsan ay gusto ko na siyang
sisihin, ngunit wala rin namang kahihinatnan ang pagsisi sa iba at sa sarili.
{3.5}
Napadpad ako sa Kalye P. Damaso. Doon ko nakilala ang isang lalaking may katandaan na. Binigyan niya ako ng tinapay at tirang buko juice. Tawagin ko na lang daw siyang Mang Kaloy. Sinabi niyang may itsura raw ako kaya't kung gusto ko raw ng pagkakaperahan, maaari akong sumama sa kanya. | Zufällig trieb es mich zur P.-Damaso-Straße. Dort kannte ich einen Mann, der schon alt war. Er gab mir Brot und noch einen Rest Kokoswasser. Ich nannte ihn, so wie man mir sagte, Mang Kaloy. Er sagte mir, dass ich das richtige Aussehen hatte, und wenn ich Lust hätte, leicht an Geld zu kommen, könnte ich mit ihm mitgehen. |
Gayon na nga ang nangyari at nang sabihin niya sa akin kung ano ang gagawin ko, tumango lang ako na parang walang narinig. | So geschah es dann auch, und als er mir sagte, was ich zu tun hätte, nickte ich, als ob ich nichts gehört hätte. |
Dinala niya ako sa isang maliit na gusaling "Happy Inn" ang pangalan at ipinasok sa isang pribadong kuwarto. | Er brachte mich zu einem kleinen Gebäude mit Namen "Happy Inn" und ging mit mir in ein abgesondertes Zimmer. |
Binigyan niya ako ng isang maliit na piraso ng saplot na nagmumura ang pagkapula. Inutusan niya akong maligong mabuti. Kuskusin ko raw maigi ang dumi sa aking katawan at buhok. | Er gab mir eine Klamotte, . Er forderte mich auf, mich gründlich zu baden. |
Pumunta ako sa banyo, binuhusan ko ng maligamgam na tubig ang nanlalamig kong katawan na parang walang pakiramdam. Bigla akong naaliw sa mga bulang nagmumula sa mabangong sabong pampaligo. Matagal ko na rin silang hindi nakikita. | Ich ging in das Bad, übergoss meinen kalten, gefühllosen Körper mit lauwarmem Wasser. Plötzlich machte mir der Schaum von der duftenden Badeseife Vergnügen. Lange habe ich sowas nicht gesehen. |
Pilit kong nilasap ang sarap ng pagiging malinis dahil alam kong mamaya lamang, ang aking buong pagkatao ay mababahiran na ng putik, isang klase ng putik na hindi kayang ialis ng tubig o ng kahit ano pa mang panglinis. Nagbihis ako at nagpabango gamit ang cologne na inabot ni Mang Kaloy kanina. | Ich zwang mich, das Sauberwerden zu genießen, da ich wusste, dass gleich mein ganzes Wesen beschmutzt werden würde, mit einer Art von Schmutz, der nicht leicht mit Wasser oder mit irgend einem anderen Reinigungsmittel entfernt werden könnte. Ich zog mich an, ließ das Kölnischwasser duften, das mit Mang Kaloy vorhin gereicht hatte. |
{3.6}
Paglabas ko ng banyo, isang matabang matandang lalaki ang naghihintay sa akin. Hinawakan niya ako, hindi ako umiwas. Dinala niya ako sa kama, hindi ako tumanggi. | Als ich aus dem Bad kam, wartete ein dicker alter Mann auf mich. Er packte mich, ich habe es nicht verhindert. Er trug mich zum Bett, ich wehrte mich nicht. |
Hindi ko alam ang aking ginagawa, pumikit na lamang ako nang makaramdam ako ng sakit, napaluha ako ngunit hindi dahil sa matinding hapdi kung hindi dahil sa kirot na dulot ng pagkawasak ng puso. | Ich weiß nicht, was mir geschah, ich schloss nur die Augen, als ich Schmerzen fühlte und weinte, aber nicht wegen des starken körperlichen Schmerzes, sondern wegen des stechenden Schmerzes, verursacht vom brechenden Herzen. |
Biglang lumiwanag ang paligid sa aking paningin, nakita ko na lamang ang sarili kong nakabalot sa kulay berdeng kumot na may dungis ng sarili kong dugo. Naisip kong hindi na ko muling babalik sa P. Damaso, sa perang ibibigay sa akin, maaari na kong bumalik sa Kinaway. Hindi ko man nagawa ang tanging layunin kong makita ang Itay, hindi pa huli ang lahat upang ang aking Lola na lamang ang pagbuhusan ko ng panahon sa mga huling araw ng kanyang buhay. Basta't alam ko at alam ng Diyos na hindi ako naging masamang anak at apo sa aking mahal na Lola.
{3.7}
Ngunit narinig ko ang usapan ng dalawang lalaki sa labas ng nakapinid na pinto. | Ich hörte aber ein Gespräch von zwei Männern hinter der geschlossenen Tür. |
"Boss, dagdagan mo naman, bata pa 'yang naibigay ko sa 'yo, e, disisais lang yata 'yan o walaa pa. Saka alam mo namang nag-iipon ako pauwing Masbate e, sa Kinaway pa. Naisip kong kunin na 'yong anak ko d'on, e" | "Boss, gib mir nur etwas mehr, die war noch jung, die ich dir gegeben habe, eh, sechszehn vielleicht oder noch nicht mal. Du weißt auch, dass ich spare, um nach Masbate eh, nach Kinaway zurückgehen zu können. Ich denke dran, dort das Kind von mir zu holen." |
Marami pa siyang sinabing halos aking ikinabingi. Ayokong isipin na si Mang Kaloy ay ang aking ... Hindi. Nagkataon lang. Ayokong isipin. | Er hat noch viel erzählt, wovon ich fast taub wurde. Ich mag nicht daran denken, dass Mang Kaloy mein ... Nein. Nur zufällig. Ich mag nicht daran denken. |
Luma at kasalukuyang daglat | |||
Luma | Bago | ||
P-P | P-P | Pariralang panaguri | |
P-S | P-T | Pariralang paniyak | |
P-A | P-K | Pariralang pandako | |
P-V | P-D | Pariralang pandiwa | |
A | /N | Pangnagdaan | |
E | /K | Kasalukuyan | |
F | /H | Panghinaharap | |
N | /W | Pawatas | |
P-N | P-N | Pariralang makangalan | |
P-J | P-U | Pariralang pang-uri | |
P-E | P-OD | Pariralang pangkaroon | |
P-A/E | P-OD | Pariralang pangkaroon | |
C | S- | Sugnay |
Global May kabisaang buo |
Nicht global Walang kabisaang buo |
{3.1} | |||||
A E F | N | X | A E F | N | X | ||
E | C-I | Matagal ko na ring pinag-iisipan kung | |||||
A | C-I | napagtanto kong | |||||
E | C-L | ang pagkalinga ng magulang ang tunay konghinahanap | |||||
N | C-C | nang mamatay ang Inay | |||||
A | C-I | hindi na ko nakaramdam | |||||
E | P-N | pagmamahal na nagmumula sa sariling mga magulang | |||||
{3.2} | |||||||
A | C-I | Noon ko lang naramdaman ang isang damdaming | |||||
E | P-N | isang napakatinding damdaming nag-uudyok sa akin | |||||
N | P-L | na ipagpatuloy ang paghahanap sa aking amang | |||||
A | C-L | amang nawalay noong ako ay tatlong taong gulang pa lamang. | |||||
F | C-C | Kung paano ko siya hahanapin, bahala na. | |||||
A | C-LC | Basta't alam kong kapag kami ay nagkita | |||||
F | C-I | maisasalba niya ako mula sa pagiging ulila sa magulang. | |||||
A | C-C/I | Kaya't naisipan kong lumuwas | |||||
N | P-V/A | Kaya't naisipan kong lumuwas | |||||
E | C-C/S | kung saan siya tumitigil ayon kay Lola. | |||||
{3.3} | |||||||
A | C-I | Umalis ako ng Kinaway | |||||
X | C-L | na bitbit ang ilang damit | |||||
DP N | C- | na talaga namang ayaw akong payagang umalis | |||||
N | P-V/A | na talaga namang ayaw akong payagang umalis | |||||
F | C- | kung saan ako pupunta | |||||
F | C-L | sa pag-asang muli kong makikita si Itay | |||||
A | C-I | Hindi nagkamali ang Lola. |
Armin Möller
http://www.germanlipa.de/text/damaso.html 060318 - 220716 |