1 Einleitung / Pambungad
3 Texte / Mga Kasulatan
Ambrosio, Dante L.: Sandaigdigan at Kalangitan: Katutubong Larawan,
Katutubong Pangalan
Quelle / Pinagmulan → {16A-2 Ambrosio 2006}.
Departamento ng Kasaysayan
Unibersidad ng Pilipinas Diliman
{1.11}
I-A. Sinaunang Sandaigdigan at Kalangitan
Inilarawan ni Loarca ang sandaigdigan ng mga Pintado ng Panay na nahahati sa
iba’t ibang rehiyon. Nakatira ang diwatang si Macaptan sa pinakamataas na bahagi ng
langit. Nandirito rin sa langit ang isa pang diwata, si Sidapa. Ayon sa ibang tagaPanay,
sa langit tumutungo ang kaluluwa ng mga taong namatay sa saksak, kinain ng buwaya o
napana.
{1.12}
Ginagamit nilang daan patungo sa langit ang balangaw o bahaghari. Kapag
namatay ang isang tao, dinadala muna ng diyos na si Maguayen ang kaluluwa nito sa
“mababang rehiyon” sa pamamagitan ng kanyang barangay. Sa lupa naman nilikha o
lumitaw ang mga unang tao sa mundo at dito sila nabuhay kasama ang mga diwata.1
Iniulat naman ni Plasencia ang paniniwala ng “ilang pagano” na napupunta ang
mga masasama sa casanaan, isang lugar ng pagdurusa, kung saan nananahan ang sitan o
demonyo. Pinaniniwalaan din na napupunta ang mga mabubuting tao sa maca, ang “bayan
ng pahinga”.
{1.13}
Wala diumanong napupunta sa langit kung saan nananahan si Bathala.2 Apat
na rehiyon ang ipinahiwatig ni Plasencia: ang lupa na pinagmulan ng mga namatay, ang
langit na tinatahanan ni Bathala, at ang maca at casanaan na pinatutunguhan ng mga
mabuti at masamang tao. Idinagdag pa rito ni Chirino ang calualhatian.3 Hindi malinaw
kung ito rin ang maca o langit o iba pang lugar ito.
{1.21}
I-B. Nagbagong Larawan ng Sandaigdigan at Kalangitan
Habang inilalarawan nina Loarca, Plasencia, at iba pang nagulat na Espanyol ang
sandaigdigan at kalangitan ng mga sinaunang Pilipino, sinimulang baguhin ng mga paring
misyonero ang larawan at kahulugan ng mga ito. Sa kanilang pangangaral, ipinalaganap
ang isang larawan ng sandaigdigan na may pagkakahawig at pagkakaiba sa katutubong
larawan.
{1.22}
Ngunit nagbigay man ito ng bagong kahulugan sa sandaigdigan, hindi naman
nabago ang batayang tatlong sapin ng sandaigdigan ng mga Pilipino at ang pagkakaroon
nito ng iba’t ibang rehiyon. Para sa mga mabubuti ang langit sa kaitaasan at para sa
masasama ang impiyerno sa ilalim ng lupa. Bahagi ito ng pagpapala at parusang inilaan
ng dalawang paniniwala sa mga tao sa kabilang buhay. Naragdagan din, sa halip na
mawala, ang mga nilalang at dinakikitangnilalang na namumuhay sa mga sapin at
rehiyon ng sandaigdigan. Ang mga ito ang ilan sa mga pagbabagong ng Kristiyanismo sa
sandaigdigan ng mga sinaunang Pilipino.
{1.31}
I-C. Sandaigdigan at Kalangitan ng Iba pang Grupong Etniko
I-C-1. Ifugao ng Ifugao
Inilarawan ni Lambrecht ang sandaigdigan ng mga Ifugao mula sa kanyang pagaaral
ng epikong Hudhud. Nangimbukig ang tawag nila sa langit na takip ng kalupaan. Dito dumadaan
ang araw na naglalakbay mula Lagud patungong Daya (silangan pakanluran sa lugar ng
Hudhud). Kabunyan ang tawag nila sa kalangitan. Pugaw ang tawag nila sa lupa kaya mga
Ifugao ang mga taong naninirahan dito. Dito sa pugaw nakapatong ang nangimbukig.
Mababa ito sa dakong lagud at mataas sa dakong daya.
{1.32}
Lampas sa mga rehiyong ito at
labas sa nangimbukig – sa Lagud at Daya – nananahan ang ibang mga diwata.4
Dalom ang tawag sa ilalim ng lupa. Bukod sa Manlilindol, marami pang ibang
diwata sa Dalom, pati na sa hugismangkok
na ilalim ng ilalim ng lupa. Tamok ad Dalom
(matigas na pundasyon ng ilalim ng lupa) at Dopon ad Dalom (kailaliman ng ilalim ng
lupa) ang mga tawag sa kailalimang sumusuporta sa Pugaw, Lagud, Daya at Kabunyan.
Para makarating sa Dalom dumadaan ang isang Ipugaw sa lagud palabas ng Lagud. May
lawa sa Lagud, ang lobong ad Lagud, na kailangang sisirin patungo sa Dalom.
{1.33}
Pabalik,isinasakay siya ng isang diwata sa sibat na inihahagis nito pabalik sa lawa.
Puwede rin siyang pumasok ng Dalom sa pagdaan sa butas ng lupa na kanyang ginawa sa
pamamagitan ng baliga, isang bahagi ng habian ng mga Ipugaw. Bumubuka ang lupa at
lumilitaw ang landas pababa sa mga kabahayan sa ilalim nito.
Para naman makarating sa Kabunyan, ang kalangitan na nasa ibabaw ng
Nangimbukig, dumadaan ang isang Ipugaw sa daya palabas ng Daya.
{1.34}
Dito sa Kabunyan
matatagpuan ang mga bayan ng mga diwata. Para makabalik sa lupa, tinatahak niya
pabalik ang kanyang dinaanan patungong Kabunyan. Puwede ring sabayan siya ng isang
diwata sa pagtalon mula Nangimbukig patungo sa bubong ng kanyang bahay.
{1.35}
I-C-2. 2. Tagbanua ng Palawan
Para sa mga Tagbanua ng Palawan, para ring takip ang langit na sumasakop sa
lahat ng nasa loob nito. Kawalan ang nasa kabila ng langit. Sinusuportahan ito ng
dalawang puno sa silangan at kanluran. Nakaupo ang tungkuyanin sa gilid ng takip na ito.
Sa butas ng langit dumaraan ang ulan na itinuturing ng mga Tagbanua na biyaya ng
diwata.
{1.36}
Itinuturing na katapusan ng mundo ang kiyabusan. Walang hangin dito bagaman
dito nagmumula ang hangin mula hilagang silangan. Dito dinadala ni Sumurutun ang mga
namatay sa epidemya sakay ng adiyung. Nasaan ang kiyabusan? Maaaring nasa ibaba
lamang ito ng langit dahil naglalayag diumano ang adiyung sa “mataas na rehiyon”
patungo sa kiyabusan dala ang mga namatay sa epidemya.
{1.37}
Nasa ilalim din ng langit ang dibuwat na siyang lugar ng mga ulap. Nananahan
dito ang maraming diwata, pati ang isang namatay na ninuno – ang Magraka na nasa
likod ng araw sa tanghaling tapat. Nagbibigay ito ng init ng buhay at nagtataboy ng mga
sakit. Nasa dibuwat din ang mga bangkay, mga ispirito na napatay sa karahasan o nalason
o namatay sa panganganak. Sa ibaba nito nakatira ang bulalakaw o diwata kat dibuwat.
Naglalakbay sila sa lugar ng mga ulap para tulungan ang mga nangangailangang
Tagbanua.
{1.38}
Pinakasagradong lugar ang awan awan. Lampas ito sa pinagmumulan ng liwanag
ng araw, ang langut, ngunit nasa pagitan pa rin ng langit at lupa. Dito nananahan ang
pinakamakapangyarihang diwata – ang Mangindusa, at ang kanyang mga kasama:
bugawasin, ang kanyang asawa; dibuwatanin, ang kanyang mga mensahero at iba pa.
Hindi bumababa mula sa awan awan si Mangindusa.
{1.39}
Nakaupo siyang nagduruyan sa
bintayawan (o barbarangan), parang duyan na gamit din ng babalyan sa mga seremonya.
Dito sa gitnang rehiyon, na kinabibilangan ng sidean at langut, inihahatid ng mga
diwatang dumalo sa seremonya ng babalyan ang pasalamat ng mga Tagbanua na bunubuo
ng mga dasal at mga alay na bigas, tabako at nganga.
Ilalim ng lupa ang a basad. Dito napupunta ang kaluluwa ng mga namatay sa
natural na dahilan. Ang ibang namatay sa epidemya ay sa kiyabusan napupunta, gaya nang
nabanggit na. Sa “mataas na rehiyon” naman napupunta ang mga namatay sa karahasan o
nalason; samantalang nanatili sa paligid ang mga namatay dahil sa sabu, ang mga nahuli
ng panyaan (mga diwata ng kapaligiran) o kinain ng mga katulong nito.
{1.40}
Kailangang sagutin ng kaluluwang Tagbanua ang tanong ng bantay sa tulay na
baging, ang balugu, na tumatawid sa sagradong ilog ng kalabagang. Tinatanong ng
taliyakud ang kaluluwa kung kinakain nito ang buko ng tubo. Kung hindi ang sagot,
mauuhaw ang kaluluwa at hindi siya makakainom kahit may tubig na puwedeng inumin.
Hindi raw dapat sinasayang ang pagkain. Kapag nagsinungaling ang kaluluwa, dadalhin
siya sa itaas ng puno at ibabagsak sa mga halamang matinik. Tinatanong din ng bantay
ang tuma, ang lisa na karga ng kaluluwa, kung ilan ang asawa o mangingibig ng kaluluwa.
Kailangan na pito ang sagot; kung hindi, ilang ulit na ilulubog sa ilog ang kaluluwa.
{2.0}
2 Sangguniang Bituin sa Langit
May mga piling bituin ang mga Pilipino na gamit bilang sanggunian sa mga
gawain. Dahil buong larawan ng langit ang kita sa Pilipinas, minamahalaga ng
kabihasnang Pilipino ang mga bituing kita sa hilaga, gitna at timog nito laluna iyong
sumisikat sa gabi at madaling araw ng mga buwan ng Oktubre hanggang Hunyo. Sa
hilaga, madalas banggitin ang Big Dipper (bahagi ng Ursa Major), Polaris, Aquila,
Dephinus, at Lyra. Sa timog, tampok ang Southern Cross, Alpha at Beta Centauri, at
Scorpius. Sa gitna, minamahalaga sa buong kapuluan ang Orion, Pleiades, Hyades,
Gemini, Canis Major at Canis Minor.
{2.1}
2-1 Balatik (Orion) at Moroporo (Pleiades)
Pinakakilalang bituin sa kapuluan ang Balatik at Moroporo. Pangunahing dahilan
nito ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga ito sa pagkakaingin.
{2.2}
2-2 Iba pang Talampad
Gaya ng Balatik at Moroporo, ipinangalan ang ibang bituin sa mga tao at bagay sa
kapaligiran ng mga pangkat etniko. Mahalagang bahagi rin ang mga ito ng iba’t ibang
gawain nila.
{2.31}
2-3 Gamit ng mga Bituin
2-3.1 Pagkakaingin
Teduray.
Dalawang puwesto ng mga bituin sa langit sa pagkagat ng dilim
at sa pagbubukang-liwayway
ang inaabatan ng mga Teduray para sa pagtatakda ng tamang
panahon ng bawat yugto ng pagkakaingin. Ito ang kemuda (nakasakay sa kabayo) na
tumutukoy sa tuktok ng langit at ang ranga (pugad ng manok) na tumutukoy naman sa 20o
sa palibot ng tuktok.
{2.32}
Kung ihahambing sa mga buwan ng kalendaryong Gregoryano, kemuda ang
Kufukufu (Pleiades) sa gabi sa huling bahagi ng Pebrero, ang Baka (Hyades) sa simula
hanggang gitna ng Marso, ang Seretar (Orion) sa huling bahagi ng Marso at ang
Fegeferafad (mga bituin ng Canis Minor, Canis Major at Gemini) sa huling bahagi ng
Abril. Kasabay nitong huli sa pagkemuda sa huling bahagi ng Abril, sa madaling araw
naman, ang Singkad (Delphinus) habang kemuda sa huling bahagi ng Mayo ang Kenogon
(mga bituin ng Aquila). Hindi nga maalam dati ang mga Teduray sa mga buwang
nabanggit, kaya ang pagkemuda at pagranga ng mga bituin ang pananda
nila.
{2.33}
Sinisimulan ng mga Teduray ang pagtanda at paglilinis ng uma kapag nasa taas na
o sa silangang bihinglangit (horizon) ang Seretar sa pagkagat ng dilim. Kasabay ito ng
pagihip ng hanging megenihan (hangin mula silangan) at pamumulaklak ng punong
keguku. Sa huling bahagi ng Disyembre o simula ng Enero ginagawa ang ritwal ng
pagtatanda. Pinakamainam na magsunog sa pagitan ng mga panahong kemuda ang
Kufukufu at ang Seretar. Ito ang pinakamainit na panahon na nagaganap sa huling bahagi
ng Pebrero hanggang katapusan ng Marso.
{2.34}
Puwede na diumanong magtanim sa pagitan ng mga panahong kemuda ang
Kufukufu at ang Kenogon. Pero pinakamainam kung ranga ang Seretar sa pagitan ng
kalagitnaan ng Marso at kalagitnaan ng Abril. Sa iba, pinakamainam kung nasa
magkabilang gilid ng ranga ang Baka at Seretar. Sa iba pa, pinakamainam kung nasa labas
na ng ranga ang Seretar at kemuda naman ang Fegeferafad. Alinman sa mga ito,
karaniwang nagtatanim ang mga Teduray mula huling bahagi ng Marso hanggang
kalagitnaan ng Mayo.
{2.35}
Sama.
Ginagamit ng mga Sama at Tausug ng Tawitawi ang Batik (Orion) at
Paliyama (Aquila) sa paghuhuma. Kailangang maglinis ng lupang sasakahin kapag nasa
posisyong 10 o’clock ang Batik sa pagkagat ng dilim (12 o’clock ang tuktok ng langit).
Dakong Disyembre/Enero ito. Maaari namang magsunog kapag nagsimula itong lumitaw
sa posisyong 11:30 o’clock. PebreroMarso naman ito. Pagkatapos, maghihintay na lang
ng pagulan bago simulan ang pagtatanim. Mahirap magtanim kapag nasa luttu/ugtu o
tuktok na ang Batik. Marami na diumanong nanginginain sa huma sa ganitong panahon
kabilang ang ibong maya.
{2.36}
Sa buwan ng Abril, sinasabing lampas na sa luttu/ugtu ang
Batik – nasa posisyong 2 o’clock na ito kapag nagdilim.
Ginagamit din ng mga Sama ang Paliyama bilang gabay sa pagkakaingin. Limang
posisyon nito sa langit ang tinutukoy sa paghahanda ng huma o lupang sakahan:
sampangan, malambang musim, luttu Paliyama, malambang palipat at palipat
Paliyama.
{2.37}
Nililinis ang huma kapag nasa sampangan at malambang musim ang Paliyama.
Panahong taginit ito sa pagitan ng buwang Enero hanggang Abril. Nagtatanim ng palay
kapag malapit na o nasa luttu/ugtu ito sa alas 5:30 ng umaga sa buwan ng Abril; ibig sabihin,
kapag nagsimula nang umulan. Huling dako na ito ng Abril hanggang Mayo
(kung kailan palubog naman ang Batik sa kanluran pagkagat ng dilim). Nakakalikha
diumano ng 24 na kaban ang isang ganta ng butil na itinanim sa mga panahong ito.
Itinatanim naman ang saging at niyog kapag nasa posisyong 9 o’clock o 45o ang
Paliyama.
{2.38}
Buwan ng Setyembre lumilitaw sa posisyong palipat Paliyama ang bituing ito. Ginagamit ng mga Jama Mapun na sanggunian sa pagtatanim ang Niyuniyu (puno ng niyog, malamang na Scorpius). Nagtatanim sila ng niyog kapag dahon at bunga pa lamang ng Niyuniyu ang lumilitaw sa silangan. Sa paniwala nila, agad nagbubunga ang niyog kahit maliit o mababa pa kapag itinanim sa panahong ito. Kung nagtanim nang mataas na ang Niyuniyu, magbubunga lamang ang itinanim kapag mataas na ito. Ibig sabihin, matatagalan bago ito mamunga.9 Tanggung (Aquila) ang ginagamit ng mga Jama Mapun sa pagkakaingin. Nagtatanim sila ng palay kapag nasa tuktok na ito sa madaling araw. Ginagamit ding pananda ang Mopo (Pleiades).10 | ... |
{2.39}
2-3.2 Pangingisda
May mga gamit sa pangingisda na inilagay ng mga Sama sa langit, yamang isa ang
dagat sa pangunahin nilang pinagkukunan ng ikabubuhay. Inilagay nila sa langit ang
bubu, isang uri ng palakaya; tangkal bubu, tali ng bubu; bunta, isang uri ng botete;
sahapang, sibat na may tatlong talim na panghuli ng isda; at anakdatu, mangingisda. Sa
mga Jama Mapun, dalawang mangingisda ang anakdatu na may hawak na sahapang na
nakaumang sa bunta. Sa ibang Sama, kapwa nasa langit ang anakdatu at ang kanyang
sahapang.
{2.40}
Sangguniang bituin ng mga Sama ang Bubu (Big Dipper) sa pagtaya kung mainam
ang panahon sa pangingisda. Kapag maraming bituin o bintangbintang sa loob nito,
maaliwalas ang langit at maganda ang panahon. Sa pagkakataong ito, ibinababa nila ang
kanilang bubu sa dagat sa pagasang maraming isda ang papasok dito. Isang paraan
naman ng pagtantya ng lakas ng alon sa dagat ang posisyon ng Tangkal Bubu, ang tali ng
bubu. Kapag nasa bandang silangan ito, sinasabing malakas ang alon sa dagat; pero kapag
nasa dakong kanluran, wala o mahina ang alon.
{2.41}
2-3.3 Pagpapanahon/Kalendaryo
May ilang grupong etniko ang iniulat na gumagamit ng bituin sa pagtukoy ng mas mahabang panahon kaysa sa araw o buwan. Tinataya ng mga Subanen ang paglipas ng taon ayon sa mga panahon ng magimula (pagtatanim) at gumani (pagani) at sa mga panahon ng taginit at tagulan. Tinataya nila ang mga bahagi ng taon ayon sa paglitaw ng mga piling bituin, pagsasamasama ng mga manok at baboydamo at pamumulaklak ng mga halaman. | ... |
{2.42}
Kulan ang tawag ng mga Subanen sa panahon ng Enero dahil sa paglitaw
ng mga bituing hugis brilyante. Dlibon naman ang Pebrero hango sa mga bituin na may
anyong batang lalaki na nakabukaka habang nasa isang paikutan ang kanyang mga kamay
at sumusuporta sa isang batang babae sa ilalim niya. Dlae naman ang Marso sunod sa
mga bituing hawig sa Pebrero. Ang kaibhan lamang, nasa itaas ang batang babae at nasa
ilalim niya ang batang lalake. Gblatik ang Hunyo sunod sa mga bituin na nasa anyo ng
bitag na panghuli ng baboydamo. Hindi malinaw kung ang mga ito rin ang mga
katawagan sa mga bituing Subanen.
{2.43}
Mga bituin din ang panantya ng mga Bukidnon sa iba’t ibang panahon. Kapag
sumikat sa silangan sa pagkagat ng dilim ang Molopolo at iba pang sangguniang bituin sa
pagkakaingin, panahon na ng tagtuyo. Kapag nasa tuktok na ang mga ito, panahon ng taginit.
Kung sumisikat na ang mga ito sa kanluran ng tuktok, tagulan na. Ito nga ang mga
panahong akma sa mga yugto ng pagkakaingin. Inaayon nila ang pagtaya ng isang taon sa
kanilang mga pananim: pagtatanim at pagani ng palay, pagtatanim at pagani
ng mais.
{2.44}
Nagagamit din ng mga Sama ang Paliyama sa pagtaya ng paglipas ng isang taon.
Isang taon ang pagitan bago bumalik sa isang posisyon ang Paliyama. Ibig sabihin, isang
taon ang pagitan ng mga malambang musim sa susunod na malambang musim.
{2.45}
2-3.4 Direksyon at Hangin
Malinaw sa gamit sa paglalayag kung paanong nagiging gabay ng mga Sama sa
pagtukoy ng direksyon ang mga bituin. Nasa kanluran ang Tunggal Bahangi at Mamahi
Magrib, nasa hilaga ang Mamahi Uttara (Polaris), nasa silangan ang Maga, nasa timog
ang Mamahi Satan. Alam ng mga magdaragat na nasa hilaga ang Bubu (Big Dipper) at
nasa timog ang Buntal (Southern Cross). Alam nilang naglalakbay mula silangan
pakanluran ang Mupu (Pleiades) at Batik (Orion).
{2.46}
Ilang minuto lamang nilang
oobserbahan ang pagbabago ng posisyon ng mga ito, malalaman na nila ang direksyong
silangankanluran. Batid ng mga Sama ng Tawitawi ang ugnayan ng ilang bituin sa hanging umiiral
sa isang panahon; hangin na nagsasabi rin ng direksyon. Umiihip ang hanging salatan o
satan (hanging timog) sa paglubog ng bituing Buntal. Pabilog ang isdang buntal kung
saan ipinangalan ang bituin. Hangin ang sinasabing laman ng bituing ito. Sa paglubog
nito sa dako ng islang Larap sa Sitangkai, lumalabas ang hangin sa katawan nito at ito na
nga ang hanging salatan. Sinasabi ring kapag lumubog na ang Anakdatu, hanging uttara
(hanging hilaga) na ang iihip kapalit ng hanging salatan.
{2.47}
Magkasunod lang naman sa
paglubog ang Buntal at Anakdatu. Kapag lumabas naman ang Mupu sa silangan,
sinasabing malapit nang umihip ang uttara. Kapag malabo ang mga bituin ng Batik sa
bandang hilaga, uttara ang hanging umiiral; kapag bituin sa timog ang malabo, salatan
ang hanging umiihip. Ginagamit ng mga Jama Mapun ang talampad ng NiyuNiyu
(Scorpius) para tukuyin ang mga hanging iihip. Kung kita ang unang buku (node)
nito pagdilim, iihip ang hanging timohlaut (hangin ng hilagang silangan). Kapag kita
na pati ugat, magsisimulana ang masamang panahon. Dakong HunyoHulyo ito.
{2.48}
2-3.5 Paglalakbay-dagat
Binanggit ni Scott na hindi gumagamit ng bituin ang mga sinaunang mangingisda
at manlalakbay na Pilipino. Mahirap itong paniwalaan lalo’t tumatawid ng dagat ang mga
sinaunang Pilipino. Maaaring wala pang ulat na lumilitaw ukol dito ngunit may mga
patunay ng paggamit ng bituin sa paglalakbay sa ibang ulat laluna noong siglo 20.
Binanggit ni Scott na alam ng mga sinaunang manlalakbay ang kompas ng mga Tsino na
tinawag na padaloman ng mga sinaunang Bisaya pero sa gabi lamang diumano ito
ginagamit.
{2.49}
Ayon sa ilang ulat, matitiyak na ginagamit din nila bilang kompas ang mga
hangin at ang mga bituin. Ilan sa mga bituing gamit ng mga Sama sa paglalakbaydagat
ang may pangalan. Karamiha’y alam lang nilang gamitin sa pagbibiyahe at hindi na
pinanganlan. Ginagamit sa paglalayag ang Mamahi Uttara (Polaris) dahil “istedi ito” sa
posisyon nito di gaya ng ibang bituin na nagbabago ng puwesto sa pagtawid sa langit.
Ito ang Sibilut ng mga Jama Mapun.
{2.50}
Minsang matukoy ito sa langit, batid na nila ang iba pang direksyon at ang
landas na kanilang tatahakin patungo sa kanilang destinasyon. Sa pamamagitan ng
Mamahi Uttara, nararating ang Cotabato at Zamboanga sa paglalayag sa direksyong
hilagang silangan mula sa Tawitawi, ang Celebes sa timog silangan, ang Sabah, Malaysia
sa kanluran at ang Balik Papan, Kalimantan sa timog kanluran. Ito ang pangkalahatang
direksyon ng mga destinasyong ito na sinusundan sa paglalakbay gamit bilang giya ang
Mamahi Uttara.
{2.51}
Ginagamit na gabay ang bituing Buntal sa paglalayag sa Dagat Sulu mula Mapun
patungong Bongao, mga bayan at isla sa Tawitawi. Nasa gawing timog silangan ng
Mapun at nasa gitna ng mga isla ng Tawitawi ang Bongao. Para marating ito, kailangang
panatiliin na isang dangkal sa kaliwa ng munda o unahan ng sasakyan ang Buntal. Kung
sobrang napakaliwa ang munda, sa Languyan sa hilagang dulo ng TawiTawi
makakarating ang sasakyan. Kung masyado namang napakanan ang sasakyan, dadaong ito
sa Sibutu na nasa dulong timog ng Tawitawi.
{2.52}
2-3.6 Ritwal at Dasal
Sa ibang grupong etniko, nakuha ang mga katawagan at gamit sa mga bituin
kaugnay ng pagkakaingin o pagpapanahon. Sa Kordilyera, karaniwang nasasambot ito sa
mga dasal na inuusal sa iba’t ibang ritwal. Bagaman may pagkakaingin din dito,
pagtatanim na may patubig ang sistema ng pagsasaka kung saan ginagamit na sanggunian
ang araw, puno at ibon. Ayon kay Vanoverbergh, inaanyayahan at inaalayan ng mga Kankanaey ang
kanilang mga ninuno, ang araw, buwan at bituin sa kanilang mga dasal at
ritwal.
{2.53}
Pero makaraan ang paganyaya, kagyat nilang pinababalik ang mga ito sa kanilang tinatahanan.
Inaanyayahan ang mga bituin bilang grupo: bilang talaw (bituin), kinmusilap ed to’do o
kinmusilap ed daya (kumikislap sa itaas o sa langit). Tinatawag din ang mga ito bilang
mga indibidwal na talampad: Salibubu (Pleiades), Binabbais (Orion’s Belt), Pinada’a
(Hyades), Bala’ay (Ursa Major), Sipat (Dolphin), Tikem (Sagittarius), Takang, Tudong,
Wayat, Dopo, Ketma, Uling, Liwliw at Aggiwanas (Milky Way).20
Sa mga Bagobo ng Davao, ang paglabas ng Balatik sa buwan ng Disyembre ang
tanda para ihanda ang mga gamit sa pagkakaingin. Ginagawa ang seremonya ng
paghahanda sa pandayan.
{2.54}
Gomekgomanan ang tawag dito at alay sa diwata ng mga
panday, ang Tolus ka gomanan. Ang paglitaw din ng Balatik ang tanda sa
pinakamahalagang seremonya ng mga Bagobo – ang ginem, ang pagaalay ng
sakripisyong tao tatlo o apat na buwan makaraan ang paglitaw ng Balatik at tiyempo sa
katunawan o kabilugan ng buwan. Pagaalay at pagpapasalamat ito sa mga diwata para
patuloy silang biyayaan ng tagumpay at kasaganaan at para iadya sila sa mga panganib at
masasamang ispirito. Kapuaangan ang seremonya ng mga Bagobo na ginagawa makaraan
ang anihan sa dakong NobyembreDisyembre.
{2.55}
Pagaalay ito ng bagong aning bigas sa
mga diwata at sa mga bituing Balatik, Mamare, Marara at Buaya. Gaya nang nabanggit,
nagsisilbing giya ang mga ito sa pagkakaingin kaya dapat lamang alayan ng bunga nito.21
May isang ritwal ang mga Tausug ng Sulu na ginagawa ng isang nagdadalangtao
para gumanda ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Alay ito sa bituing Maga (Tala sa
umaga) at tinawag na Duwaa Tsahaya Maga (Ritwal ng Tala sa Umaga). May limang
yugto ang ritwal. Una ang pagbati ng nagdadalangtao
sa Maga sa bukangliwayway makaraan ang sambahayang subu o pangumagang
panalangin.
{2.56}
Ikalawa ang pagpikit at
pagtitig sa Maga na tumatagal ng pitong beses na pagbilang hanggang 100. Ikatlo ang
tatlong beses na pagusal ng dasal ng kinang o liwanag habang nakapatong ang kanang
palad ng nagdadalangtao sa kanyang tiyan. Pangapat ang paghingi ng grasya o
pagpapala ng diyos. Habang nakataas ang bukas na palad, 99 na beses niyang inuusal ang
mga salitang “Ya Nur” (O! Liwanag). Tinatapos ang ritwal sa pagbigkas sa AlFatiha o
pambungad na kabanata ng Koran.22
{2.57}
2-3.7 Pananagisag
Sinundan ng Kristiyanismo ang mataas na pagpapahalaga ng mga sinaunang
Pilipino sa mga bituin sa paggamit sa mga ito bilang sagisag. Batis ito ng liwanag gaya
ng araw at buwan. Nagsilbi pa itong patnubay sa paglalayag tungo sa kaluwalhatian at
tagapamansag ng mabuting balita. Mahalaga itong sagisag hindi lamang sa mga
Kristiyano kundi pati na sa mga kilusang panlipunan. Binigyan ito ng mga kahulugang
angkop sa kanilang mga paniniwala at adhikain.
{2.58}
Mahigpit na nakaugnay ang bituin kay Hesus at kay Birheng Maria. Bituin ang
nagsilbing tagapagbando ng pagsilang at lugar na sinilangan ni Hesus – ang tinaguriang
“Bituin ng Bethlehem”. Pagpapatuloy ito ng sinaunang paniniwala na ibinabadya ng katangitanging
penomenon sa langit ang pagsilang ng isang malaking tao o ang
katuparan ng isang mahalagang pangyayari . Mula sa ganitong paguugnay, hindi na
mahirap isipin kung paanong ang karaniwang pagsasabit ng lampara o paglalagay ng
tinghoy sa pasamano ng bintana bilang gabay sa mga pauwi sa panahong wala pang
kuryente ay halinhan ng hugisbituing
parol tuwing Pasko bilang simbolo ng “Bituin ng
Bethehem”, ng pagsilang ng manunubos at gabay ng mga manlalakbay sa lupa patungo sa
langit.
{2.59}
Inihalintulad maging ang Birheng Maria sa bituing giya at tagaalo sa paglalakbay
sa maunos na dagat tungo sa hinahangad na kaluwalhatian. Hindi lamang katutubong
bituin ang inangkin dito ng Kristiyanismo bilang sagisag kundi pati na tradisyonal na
paglalakbay sa dagat ng mga sinaunang Pilipino.
Pinahalagahan din ng mga rebolusyonaryo ang mga bituin sa paglalagay nito sa
watawat ng Republika bilang sagisag. Sa Deklarasyon ng Kalayaan noong 1898, sinabing
sumasagisag ang tatlong bituin ng watawat sa Luzon, Mindanao at Panay kung saan
nagsimula ang paghihimagsik.
{2.60}
Pinalawak ang pananagisag na ito sa mga sumunod na
pahayag para katawanin ang pagkakaisa ng Luson, Bisaya at Mindanaw. Mula noon,
naging bahagi ang tatlong bituin ng mga selyo at iba pang gamit ng Republikang Pilipino.
Sa hanay ng mga rebolusyonaryo, umabot ang pagpapahalaga sa bituin sa
pagtatangka ni Artemio Ricarte, heneral ng Rebolusyong Pilipino, na bumuo ng bagong
mito ukol dito at sa mga bayani ng Rebolusyon.
{2.61}
Para sa kanya, bahagi ng pagggigiit ng
kalayaan at kasarinlan ang pagtatakwil sa mga katawagan at simbolong dayuhan. Mula sa
larangan ng armadong pakikipaglaban at pagpaplano ng insureksyon, pinasok ni Ricarte
ang larangan ng pakikipagtunggaling pangkultura nang kanyang ipanukala noong 1930
ang “pilipinisasyon ng mga katawagan” habang nasa Yokohama, Hapon siya. Bahagi nito
ang pagpapalit ng mga pangalan ng mga bituin bilang pagpaparangal sa mga bayani ng
pakikibaka laban sa kolonyalismong Espanyol at Amerikano. Tinagurian niya itong
“pilipinisasyon ng langit”.
{2.62}
Bittumpok (bituin at tumpok) ang itinawag niya sa
konstelasyon, puyongulo ang zenith at guhitdagat naman ang horizon.
Sa pagbibinyag ng bagong pangalan sa mga bituin, lumikha si Ricarte ng sariling
mito sa ngalan ng pakikibaka para sa kalayaan at kaunlaran. Aniya:
Mga iniirog kong Kalahi: Yaong kinulang palad na Supremo, nang siya,
y, nabubuhay pa, ay lagi niyang ipinangangaral: "Mangatakot kayo sa
kasaysayan (historia), sapagkat ito, y, walang ikukubli”, at ngayon
dinudugtongan ko naman:" Ang mga Bayani natin ay pinagmamalas tayo
mula sa Langit.
{2.63}
Isaayus nga natin ang bawat pangungusap at kilus sa
pangungusap at landas na kanilang tinalunton, at tayo, y, umikit
kahalintulad ng napakaayus na pagikit ng mga bituing iyan sa paligid ni
“UTAKHASINTO”, at sa gayon, walang pagkabula, makakamtan natin
ang “KAGYAT, BOO AT GANAP NA KASARINLAN” na siyang
maningas na pinipita ng Inangbayan”.
{2.64}
Hindi man sadya, at hindi man niya batid, ginawa ni Ricarte ang matagal nang
ginawa ng mga sinaunang Pilipino – ang itatak ang sarili nilang buhay sa kalangitan ayon
sa mga bagay na minamahalaga nila sa lupa. Naging mahigpit na bahagi ito ng kanilang
pananatiling buhay kaya nagpasalinsalin ng henerasyon. Hangga ngayon, bahagi pa ito ng
kanilang buhay. Bagay na hindi masasabi sa panukala’t ginawa ni Ricarte.
{3.0}
3 Patuloy na Pananaliksik
Gaya nang nabanggit, ang mga ito ay mula sa ulat ng ilang pari at opisyal na
Espanyol at ilang mga antropologong nagaral sa buhay at kultura ng ilang pangkat
etniko sa Pilipinas. Kadalasan nga na isang antropologo lamang ang nagulat sa isang
bahagi ng isang pangkat etniko at maaari pa ngang sa iilan din nagmula ang mga
impormasyon. Kailangang balikan ang mga ito bilang pagbabalikaral
at pagpapatunay, gayundin para higit na mapagaralan at masuri.
{3.01}
Sa mga nailahad, maaaring naipaunawa ang kahalagahan ng pagaaral at pagsusuri
sa pananaw ng mgha kulturang Pilipino sa langit at sa mga penomena rito, laluna ang mga
bituin. Kailangan, gayunman, na maging bahagi ito ng pananaliksik ng nagsasagawa ng
field work hindi lamang para patuloy na maidokumento kundi para rin mapagaralan
kaugnay ng pagsusuri sa kabuuang kultura sa pangkalahatan at sa pananaw sa kapaligiran
sa partikular ng kabihasnang Pilipino.
Die filipinische Sprache von
Armin Möller http://www.germanlipa.de/text/ambrosio_2006 171203 - 220721 |