Werkstatt / Gawaan
Madaling Araw   (• dali)

1 Einleitung
3 Originaltext


1 Einleitung / Pambungad

Quelle: Aguilar, Dheza Maria: Madaling Araw
LIWAYWAY, 05 Disyembre 2005

Si Dheza Marie Aguilar ay nakatira sa 530-A Paltoc St., cor. Alegria St., Sta. Mesa, Manila. Kumuha ng Bachelor in Masscommunication major in Broadcast Communication sa PUP. Ipinanganak nbong Agosto 11, 1984. Sa kasalukuyan, nagtatrabaho siya bilang Marketing Associate sa Indo's Strip Bar and Restaurant. Dalaga pa.


3 Texte / Mga kasulatan

{3.21}
Matagal at halos ayaw ko nang hintayin ang susunod mong mga kilos.
Hindi pa rin ako makapaniwala na katabi kita - ngayon, na magkadikit ang ating mga labi. Ngunit pareho nating pinipigilan ang maaring idulot ng pagbabanggaan ng ating mga hininga. Ang tangi mo na lang nagawa upang alisin ang tensiyon ay paglaruan ang tungkil ng aking ilong.

{3.22}
Nakatatawa, na sa napakadilim mong silid, hindi pa rin maipagkakaila ang bawat galaw ng ating mga mata. Ang pusikit na kapaligiran ay hindi nagawang itago ang maya't mayang panggiti [pangngiti ?] ng iyong mga labi, nag-aalinlangan ... nahihiwagaan na kung bakit pagkalipas ng napakaraming taon, sa isang estrangherong lugar pa tayo muling magyayakap.

{3.23}
Marami pang oras at buntunghininga ang lumipas, pero tila hindi na natin kayang gumalaw pa ng kahit isang pulgada man lang. Hindi pa man tayo iisa, ngunit ang ating mga katawan ay tila hindi na mapaghiwalay, at ang isang galaw ay maaaring maging hudyat ng isang kasalanang pareho nating iniiwasan.

{3.24}
Nanginginig ang aking buong katawan. Nakatatawa pa rin, dahil ang ganitong mga bagay ay hindi na bago para sa akin. Sa nakaraang anim na taon nating di pagkikita, alam mo na siguro na maraming itinuro sa akin ang pagmamahal at ang mundo. "Bakit?" untag mo sa akin nang hindi mo na siguro matiis balewalain ang pagsiklot ng aking mga kalamnan.

{3.25}
Hindi ko alam kung dahil sa hiya o pagkukunwari na sinabi ko na lamang na giniginaw ako. Ngunit paano mo nga naman iyon kung ang dalawang kumot at ang iyong katawan ang tumutunaw sa ginaw na dulot ng aircon sa aking katawan. Patuloy pa rin ang ating pagkukunwari ... ang pag-aalinlangan ... ang takot. "Hindi na tayo bata," nais kong isigawang mga katagang iyon upang ilarawan ang tensiyong nilikha ng pagkulong mo sa akin sa iyong payat na braso.

{3.26}
Ngunit tanging bulong na lamang ang tunog na lumabas sa aking mga labi. Buti na lang, narinig mo pa. Natawa ka na naman. Hindi ko alam kung mababa ang I.Q. mo o talagang iniiwasah mo lamang ang katotohanan at pahiwatig na nais ipahatid ng aking mga salita.

{3.27}
"Oo nga, nasa middle age na tayo," ang iyong sagot na alam kong hinugot mo lang sa bokabularyong nakaya mo pang alalahanin sa mga oras na iyon. Ako naman ang natawa. "Tanga! Biente uno pa lamang tayo," pabiro kong sinabi sayo. "Bata pa rin tayo sa batayan ng edad."

{3.28}
Gusto ko sanang sabihin sa 'yo na iba ang nais iparating ng aking utak. Gusto kong sabihin sa 'yo na hindi na tayo bata para matakot sa isang bagay na alam naman nating marigyayari rin nang gabing iyon. Gusto kong malaman mo na handa na ako sa idudulot nito sa aking pangalan at sa maaring epekto nito sa sampung taon nating pagkakaibigan.

{3.29}
Bakit hindi mo ba ma-gets, na hinihintay lang kita na makita na hindi na tayo bata para sa ganitong uri ng relasyon? At bakit hindi mo naramdaman ang isang butil ng luhang pumatak sa iyong karnay? Luha para sa kinabukasang alam kong hindi ka nasa akin.

{3.30}
"Sabagay," sagot mo sa isang palpak na subok upang magsimula ng isang kuwentuhan. "Parang kahapon lamang na naliligo ka pa sa ilog at sumusuot sa mga butas ng dike." Masaya ako dahil naalala mo pa iyon. Pero hindi ko na talaga kayang magsalita. Nangiti na lang akong muli nang maisip ang alalang sinabi mo at ang mas marami pang alaala ng ating kabataan.

{3.31}
Ikaw ang tinititigan ko noon habang buong pagmamahal akong tinitingnan ng pinakamatalik mong kaibigan at kumpare. Ikaw ang dahilan ng mga labadang nais ko pa ring dalhin sa ilog sa kabila ng galit ng nanay ko dahil sa allergic ako sa detergents.
Masaya tayo, tayong apat. Mahal mo ang bestfriend ko, mahal kita.

{3.32}
Mahal ako ng bestfriend mo, mahal ka ng bestfriend ko. Iniisip ko nga, ako na ang pinakamasama noon. Bagama't hinayaan ko na lamang na maibaon sa pagmamamahal sa atin ng iyong kaibigan ang nararamdaman ko para sa 'yo, hindi ko kayang pagtaksilan ang sarili kong damdamin.

{3.33}
Hindi mo ba napansin na sa tuwing lulusong ako sa tubig at susuot sa butas ng dike sa ilog na madalas nating pagtampisawan, ikaw ang lihim kong inaasam na susunod at mag-aahon sa akin? Hindi mo ba alam na sa kapag magkakasama tayong apat tuwing Pasko, ay palagi kong idinadasal na sana'y ikaw ang hahalik at babati sa akin pagsapit ng alas-dose.

{3.34}
At sa mga simbang-gabing pirtilit nating buuin, ikaw ang palagi kong hinihiling at inasahang magkakatotoo kapag nafapos na natin ang siyam na araw na pagsisimba sa madaling araw. Pero hanggang sa pagkakaibigan na lamang yata tayo maaaring pagtagpuin ng tadhana.

{3.35}
Siguro dahil na rin sa mga simbang-gabing hindi natin natapos dahil sa pagiging abala ko sa maraming bagay, sa maraming pangarap na sa tulong ng Diyos ay hindi ako binigo. At tulad ng init ng iyong gray trench coat na madalas kong hiramin tuwing buwan ng Disyembre, tinanggap ko na ang katotohanang hinding-hindi ka magiging akin.

{3.36}
"Tulog ka na ba?" untag mo uli sa akin lang maiamdaman mong Hindi na ako gumagalaw. Oo, nakatulog pala ako nang ilang minuto, pero hindi ko na rin sinabi sa iyo. Kunsabagay, lapat lang na matulog na tayo, alas-tres na ng umaga, gusto ko lang ipaalala sa iyo. Alas nuwebe ang day job ko ngayon, hanggang alas-tres na naman ng umaga para sa ikalawa kong trabaho. Hay, bakit nga ba ako nandito sa tabi mo?

{3.37}
Hindi ko napaghandaan ang susunod na nangyari. Napakabilis, hindi ko nga alam kung saang bahagi ng iyong tanong mo ginawa ang sunod mong hakbang. Ang naramdaman ko na lamang ay ang apakalambot mong labi sa pang-itaas kong lahi. Nahihiya ka pa yata dahil mukhang linikit mo lang doon at wala ka nang balak na halikan ako.

{3.38}
Hindi ako makagalaw. Naging manhid yata ang aking buong katawan lalung-lalo na ig aking mga labi. Buti na lang, naging mas lalaki ka dahil mas nilaliman mo ang iyong mga halik. Ang senasasyong idinulot niyon sa akin ay hindi maipagkakailang gumising sa aking buong pagkatao.

{3.39}
Pero hindi ko pa rin nagawang gumalaw. Tila naglaho ang lahat ng kaalamang minahal sa akin ng ibang katulad mo. Ang arte ko na yata ng mga sandaling iyon. Hindi naman ako nagpapakipot, siguro nahihiya lang talaga akong ibalik ang mga lik mo. Kaibigan kasi kita.

{3.40}
Ngunit nanunukso ang iyong mga dila. Tila kuryente ang iyong mga daliring sumusuyod sa aking likod, dumudulas sa aking beywang, kumikitil sa natitira pang pag-aalinlangan sa aking isipan. Nababaliw na yata ako. Iyon lamang ang maaring maglarawan ng estado ng aking pag-iisip ng mga oras na iyon, pinapasaya ako ng kasinungalingan ng gabing ito.

{3.41}
Tila parte ng aking katawan ang iyong kamay, na malayang naglalakbay sa kabuuan ng pag-aari nito. Sinusuyod ng iyong mga dila ang mga piping damdamin na hindi na nakalaya mula sa aking bibig. Minamahal mo ang aking buong pagkatao kahit alam kong kahapon na lamang ito pagdating ng bukang liwayway.

{3.42}
Masarap pala ang pakiramdam kapag natupad mo ang isang pangarap na sa una pa lamang ay alam mong hindi na magkakatotoo. Iba pa rin talaga ang "high" ng bawal ... ang sarap sa kabila ng kasinungalingan.

{3.43}
Gusto kong isipin na mahal mo na ako sa mga sandaling iyon. Ang mga masusuyo mong paghalik sa aking buhok, sa aking mata, sa aking ilong, sa aking pisngi ay tila pahiwatig ng pag-ibig na hindi mo puwedeng sabihin. Ang mahigpit mong mga yakap ay gusto kong paniwalaan bilang pag-aangkin mo sa akin, na nais mong sabihing sa 'yo na ako ... sa 'yo lang ako mula ng mga sandaling iyon. Ang malalambot mong labi sa akin ... isang katotohanan ng mga salitang "mahal kita" sa gitna ng aking imahinasyon.

{3.44}
"Magpataba ka na." Pinilit kong pagaanin ang makapal na damdamin na kumukulob sa kabuuan ng iyong silid sa pamamagitan ng mga walang kuwentang napapansin ko sa iyo. Pabiro mo namang ipinakita ang mga muscle sa iyong bisig. Ipinagyabang mo pa ang pagiging lead varsity ng iyong eskuwelahan.

{3.45}
Hindi ko pinatulan ang pagtataas mo ng iyong sariling bangko. Unti-unti na akong nilalamon ng mga pangitain at katotohanang lahat nang ito ay walang ipinagkaiba sa mga larong madalas nating laruin noong mga bata pa tayo. Hindi ko na kayang sakyan ang kahong kanyang kaligayahang ngayong madaling araw. Napansin mo siguro ang aking katahimikan.

{3.46}
Kaya't masuyo mong iginiya ang aking ulo sa iyong mga dibdib saka niyakap ako ng buong higpit. Mahal mo ba ako noon? Hindi rin tayo nagtagal sa ganoong posisyon. Nakalimutan ko, para ka nga palang bata. Nagpalit tayo ng posisyon at tila isa kang kawawang anak sa aking mga dibdib. Nagsusumiksik doon na para bang nais mong pasukin ang ano mang damdamin na natatago roon.

{3.47}
Lalo kitang minahal. At nakatulugan ko na ang panaginip na habangbuhay tayong ganito. "Gising ka na," bulong mo sa akin. "Alas-otso na!". Bumalikwas ako sa kama. Maliwanag na sa buong paligid at isang oras na lamang bago ako maging tuluyang late sa opisina.

{3.48}
Paano pa naman ako aabot, e dalawang oras pabalik sa lungsod mula rito sa bayan ninyo? Bakit hindi nalang ba sa bayan natin tayo nagkatagpo ng ganito. Inihatid mo ako sa sakayan ng bus. Parang walang nangyari. Katulad pa rin ng dati ang ating usapan ... isang tunay na magkaibigan.

{3.49}
Nais kitang murahin ng mga sandaling iyon. Sana hinalikan mo man lang ako. Hindi nga pala puwede. Kani-kanina lang ipinakita mo ang larawan ng girlfriend mo sa akin. Maganda, matangkad at higit sa lahat mahal mo. Napamura ako! Paano mo nagawang maging sibil sa ganoong usapan! Nakalimutan ko, manhid ka nga pala. Hindi mo ako nilingon pag-akyat ko ng bus.

{3.50}
Mali yata, ikaw ang hindi ko nilingon. Ayaw kong makita na hindi ka man lang nag-aksayang tingnan ako bago ako umalis. Sa pagtanaw ko sa labas ng bintana, nakita ko ang mukha mo sa salamin. Ikaw ang dahilan ng pagluha ni Narcissus at ng ilog ... kagandahan.

{3.51}
Ang iyong mga mukhang naging bilangguan ng aking damdaming nakulam yata ng iyong kaguwapuhan. Muli, sa pag-alis ng bus sa iyong lugar, mga luha ang aking naging pabaon para sa isang kaligayahang isang gabi ko lamang inangkin. Isa ... dalawa ... tatlong araw. Hindi.

{3.52}
Matagal na pala ang mga araw na lumipas na naghihintay ako na kahit isang saglit man lang, ay sumagi ako sa iyong alaala. Ngunit katulad ng dati at sa mga susunod pang panahon, ang lahat ay mananatili na lamang sa imahinasyon. Kanina lang, natanggap ko na ang iyong paanyaya. Binabati kita sa iyong kasal.


Armin Möller
http://www.germanlipa.de/text/dali.html
051204 - 220607

Ende / Wakas   Madaling Araw

↑↑   Werkstatt / Gawaan   Ugnika