1 Einleitung / Pambungad
2 Texte / Mga Kasulatan: Pagpapakilala
3 Texte / Mga Kasulatan: 15 Naligaw ng Landas
4 Nichtkanonische Sätze / Pangungusap sa Ayos na Kabalikan
4.1 Allgemeiner Teil / Karaniwang Bahagi
4.2 Geschichte der Didang / Kuwento ni Didang
Quelle: Francisco, Lazaro: Daluyong
Quezon City, 1986, ISBN 971-550-166-4 {
Francisco 1986}.
Mit einer Einführung Pagpapakilala von Rogelio Sikat (in Maganda Pa ang Daigdig).
{2.1}
Isinilang si Lazaro Francisco sa Orani, Bataan, noong 22 Pebrero 1898. Pang-apat
siyang anak ng mag-asawang Eulogio Francisco at Clara Angeles na may maliit na negosyo
sa bayang iyon. Nang siya'y labing-anim na taon, sa paghahanap ng mas mabuting kabuhayan,
nandayuhan ang kaniyang pamilya sa Cabanatuan, Nueva Ecija, na noo'y kilala bilang
graneria o bangan ng bigas ng bansa. Namalagi na sila rito; dito na nagbinata at
nagkapamilya ang nobelista.
{2.2}
Hanggang intermedya lamang ang inabot niya - isang malaking kabiguan na sinikap niyang punan sa pamamagitan ng pagbabasa at pag-aaral nang mag-isa. Sa kaniyang wikang halong Tagalog - Bataan at Nueva Ecija, na naging kalugod-lugod na kombinasyon, nadagdag ang pagkatuto niya ng Kastila, na lumipas sa malawakang pagpapagamit ng Ingles sa sistema ng edukasyon. Kung siya'y nakapag-aral at nabihasang sumulat sa bagong wika at kung pagbabatayan ang naging karera ng kaniyang mga kontemporanyo na nagsulat sa Ingles, marahil ay nakapaglingkod siya sa mataas na puwesto ng pamahalaan. Sa isang pakikipanayam noong siya'y nabubuhay, mawiwika niya na kaipala'y sadya siyang itinalaga ng Diyos sa pagsusulat sa Tagalog. "Kung ako'y nakapag-aral," aniya. "kabilang pa siguro ako sa mga unang kakalaban sa wika." | ... |
{2.3}
Malaki man ang amor propio, tinangka ng kaniyang ama na "ipagbili" siya sa sinumang makapagpapaaral sa kaniya. Lumapit sila sa isang mayamang kamag-anak na handang magtaguyod sa kaniya hanggang maging agrimensor (surveyor) - kung tatalikdan nila ang kanilang relihiyon. Protestante ang mga Francisco. Niyakag niyang umuwi ang ama. | ... |
{2.4}
Nakalugdan siya ng asawa ng prinsipal na Amerikano pagkat naibigan nito ang sinulat niyang sanaysay sa Ingles noong siya'y labing-anim na taon; pinangakuan siya nitong isasama sa Estados Unidos. Ngunit sa gulang na labingwalo, matikas at matipuno, pinaghinalaan niya ang motibo nito at siya'y nagpaiwan. Sa panahong maraming Filipino ang nandarayuhan sa Amerika, may nagpayong mag-ipon sila ng P 300 na pamasahe sa bapor ngunit hindi sila nakapag-impok ng gayong halaga. Kaya, sa gulang na labinsiyam, natagpuan niya ang sarili na isang kapatas sa pangkat na sumasama sa isang tilyadora; gumiik sila ng palay sa iba't ibang bayan at kanayunan. Sa gawaing ito, nakita niya ang kalagayan ng mga kasama (tenant) na kaniyang papaksain balang araw. | ... |
{2.5}
Samantala, kumuha siya ng eksamen sa serbisyo sibil at pumasa. Nagsimula siya bilang aprentis sa tanggapan ng tesorero probinsiyal; mananatili siya sa tanggapang ito hanggang sa siya'y mahirang na provincial assessor noong 1950. Sa kabuuan, apatnapu't apat na taon siyang naglingkod sa gobyerno. Noong kabataan pa, sumapi siya sa lohiya ng masoneria sa Cabanatuan. Tatlong kasapi ang nakapansin sa kaniyang talino at nag-alok na siya'y pag-aaralin kahit hanggang abogasya, ang kursong napisil ng mga ito para sa kaniya, ngunit siya noo'y mga dalawampu't anim na taong gulang na, may asawa at anak. Ito sana ang huling pagkakataon niyang makapag-aral. | ... |
{2.6}
Nabasa ni Francisco (nang lumao'y "Ka Saro" ang naging magiliw na tawag sa kaniya sa panlalawigang kapitolyo at maging ng mga kapwa manunulat) sina Balzac, Hugo at Dumas (ayaw niya sa huli); si Rizal (ang mga nobela nito'y siyang mga unang seryosong nobelang kaniyang natunghayan); at si Lope K. Santos. | ... |
{2.7}
Lahat ng kaniyang nobela, maliban sa Bayang Nagpatiwakal (1931), ay nalathala sa Liwayway na itinatag noong 1922. Mga dalawampu't pitong taon siya nang sulatin niya ang una niyang nobela ang Binhi at Bunga (1925) na sinundan ng Cesar (1926). Gayunman, hindi kakikitaaan ang mga ito ng kalidad ng kaniyang ipinamalas sa darating na panahon. Katunayan, isang nobelista sa Cabanatuan ang pumuna sa mga ito. Noong 1929, inilathala niya ang Ama, ang una niyang nobelang tumalakay sa sistema sa pakikisamá (tenancy system). Makatotohanan - nakapaghihimagsik - ang pagkakasiwalat niya sa kalagayan ng mga kasamá; mahigpit ang tunggalian ng kasamá at ng asendero. | ... |
{2.8}
Humina ang nobela sa ibinigay niyang romantikong reconciliation. Nang nag-papalakas ang Hukbalahap sa Nueva Ecija, nagpadala ng sugo sa kaniya ang pinakamataas na pinuno nito sa lalawigan upang himukin siyang muling ilathala ang nobela. Kailangan lamang na baguhin niya ang wakas. Gagamitin ang nobela sa paglaban sa sistema ng pakikisamá at dalawampu't limang porsiyento ng kikitain ang mapapasakaniya. Tumanggi si Francisco, na nagsabing siya'y malaya at hindi nagbibili ng idea. Noong 1931, sinulat niya ang Balang Nagpatiwakal, na di inilabas ng Liwayway sa takot na umurong ang mga anunsiyanteng Amerikano. Sa Alitaptap ito nalathala. | ... |
{2.9}
Ang tatlo niyang sumunod na nobela - Sa Paanan ng Krus (1933), Bago Lumubog ang Araw (1936) at Sinsing na Pangkasal (1939) - ay umiba ng paksa ngunit naging mga matagumpay na nobela ng Liwayway. Ang kinita sa publikasyon at gayundin sa pelikula, pagkat ang mga ito'y isinalin sa pinilakang tabing, ay nakatulong nang malaki sa pamilya ni Francisco, na sampu ang magiging anak. Magiging mga propesyonal na lahat ang mga ito. (Ang una niyang nakaisang-dibdib ay si Pelagia T. Duran, isang guro, na sumakabilang-buhay noong 1928; ang ikalawa ay si Trinidad E Arrieta, na naging Bb. Nueva Ecija ng Philippines Free Press noong 1926.) | ... |
{2.10}
Pagkaraan ng digmaan, lumitaw ang tunay na Lazaro Francisco. Noong 1947, isang taon pagkaraang iproklama ang kalayaan mula sa Amerika, inilathala niya ang Ilaw sa Hilaga, na nirebisang bersiyon ng Bayang Nagpatiwakal. | ... |
{2.11}
Noong 1949, apat na taon pagkaraan ng digmaan, habang ligalig ang Gitnang Luzon sa lumalakas na kilusan ng Hukbalahap, inilathala ni Francisco ang Sugat ng Alaala, isa sa mahuhusay na nobelang sinulat ng Filipino na pumaksa sa giyera. Ang sugat sa nobela ay di lamang sugat na naiwan sa pagkakalayo ng magsing-ibig dahil sa digmaan; mayroon ding mga pangkasaysayan, pan-lipunan at espiritwal na sugat itong naiwan. Sa nobela, mababakas ang isang naghihimagsik na pangungulila: isa sa mga anak ni Francisco ang nasawi sa Bataan. | ... |
{2.12}
Limampu't pitong taon si Francisco nang ilathala niya ang Maganda pa ang Daigdig
(1955). Ang panahon ng nobela ay pagkaraan ng digmaan at ang lunan ay ang Gitnang Luson.
Nagagapok ang daigdig na nakita ni Francisco. Laganap ang korupsiyon, nalason ang mga
dating birtud; sa kanayunan, tumatalatag ang Hukbalahap na muntik nang maghatid ng
giyera sibil sa bansa noong 1950. Beterano ng digmaan ang pangunahin niyang tauhang
lalaki, si Lino Rivera. Isang dalisay na kaluluwa, ipinain ni Lino ang buhay sa Bataan
ngunit pagkaraan ng digmaan, makalawa siyang naging biktima ng mga bulaang saksi
at siya'y nabilanggo.
{2.13}
Sa ikalawang pagkabilanggo, tumakas si Lino kasama ang ilan pang napiit nang walang kasalanan. Namundok sila hanggang sa ang kanilang sandatahang pangkat ay maging mga bantay ng isang makataong asendero. Ipit sina Lino: sa isang dako, tinutugaygayan sila ng batas, at ayaw niyang mabilanggong muli; sa kabila, sasala-kayin naman sila ng mga "tagalabas," mga Huk, na nais umagaw ng mga armas at punglong ibinaon niya. Gagamitin ang mga ito sa pagtataguyod ng "mas malawak na demokrasya." Kung tutu-usin, isang paghahanap ng katinuan sa daigdig ang nobela; nais itong hatulan ng kaayusan ni Francisco. | ... |
{2.14}
Hindi maganda ang daigdig; ang pamagat ay pag-uulit ng pag-asa, o pag-asam, ng nobelista na mapapaganda ito kung payapang maisasaayos ang balangkas ng lipunan. Sa nobelang ito, iminungkahi ni Francisco, sa pamamagitan ng kaniyang tauhan, ang pagbuwag sa malalaking asyenda - reporma sa lupa - at paghahati nito sa mga kasamá na gagawing mamumuwisan (leaseholders). Sa di pinapanawan ng pag-asang si Lino, itinambal ni Francisco ang guro sa elemen-taryang si Miss Sanchez, na ang kadakilaa'y sagisag ng di dapat pumanaw na kabutihan ng tao. | ... |
{2.15}
Mula sa Maganda pa ang Daigdig, hihigpit ang kahingian ni Francisco para sa mga
magsasaka at ang titulo mismo ng sumunod niyang nobela,
Daluyong (1962), na siya
niyang huli, ay isang babala. Kung pagbabalikan, tama ang pagkadama niya sa tinig ng
bayan: walong taon pagkaraan, noong 1970, isisigaw ng mga demostrador ang paglansag
sa feudalismo. Kung matagumpay na naisaalang-alang ang kahingiang ito ng
pampanguluhang dekreto noong Setyembre 1972 ay ang mga magbubukid ang
maka-pagwiwika ...
Naligaw ng Landas
{15.01}
Nauna pa si Bidong kay Lino sa pagbalik sa kanilang kubo. Naipugal na
ni Bidong sa sadyang hapunan ang pinalublob na kalabaw. Napainom na ang kabayo
matapos pakanin nang kaunti. Napalabulan na ng mais at palay ang mga paminhiang
manok sa silong ng
kubo. At, naisalang na sa dapog ang palayok ng sinaing nang dumating
si Lino mula sa ginawang paghahatid sa kaibigang si Albino sa bulaos ng
landas.
{15.02}
Naratnan ni Lino na si Bidong ay tahimik na nakaupo sa huling baytang
ng hagdan ng kubo. Payapang nakamasid sa tila sasayaw-sayaw at naghuhula-hulang ningas
ng gatong ng sinaing, at marahang sisipol-sipol na parang tumama ng tuhog sa huweteng
kung kaya biniro tuloy ni Lino. "Heemm! Maaari bang makabalato, Bidong?" ang pabulagang biro ni
Lino na ikinapalingon sa kaniya ni Bidong.
{15.03}
"A! Ka Lino! Bakit? Alam mo na ba?" "He! Mayroon bang hindi ko alam?"
pagpapasampalataya naman ni Lino na nakahalata agad na may itinatagong lihim si Bidong.
"Kasi ... akala ko'y kung nasaan ka, Ka Lino, e! Iyon pala'y
nasubukan mo kami!" "Hindi ko naman sinadya, Bidong! Nagkataon lamang! Saka
... nakakita man ang mata ko'y hindi naman nakarinig ang tainga ko."
"Maano ba? Talaga naman sasabihin ko sa 'yo ang
lahat. Maaari bang maglihim ako sa 'yo?"
{15.04}
Ibinalitang lahat ni Bidong ang buong nangyari. Pinasimulan niya sa
ginawa niyang pagpapalublob ng kalabaw sa saluysoy hanggang sa nang tugunin ni Huli ang
kaniyang tanong, na - "Mahal mo ba
ako, Huli?" ng isa ring tanong, na "Kailangan pa bang sabihin, Bidong?" "Pero,
Ka Lino," ang pawakas na saad ni Bidong sa tinig na putos ng agam-agam,
"bakit hindi niya 'ko sinagot ng isang tiyak na 'oo'?" "Aba!
Talagang gayon ang babaeng Filipina, Bidong!" paliwanag Iti Lino. "Hindi nila
sinasabi, bagkus ipinahihiwatig lamang, ang kanilang 'oo'!"
{15.05}
"Listak!" ang natutuwang wika ni Bidong at pinagkiskis ang dalawang palad.
"Talaga nga naman pala! E, di, akin na ba ngayon Si Huli, Ka Lino?" "Oo,
iyong-iyo na, Bidong!" ang tahas na wika ni Lino na tila basbas ng isang pari sa
kaniyang deboto. "Ang paglalawit ng pag-ibig ng isang babaeng may puri ay
paglalawit na rin ng lahat at lahat sa kaniya," ang dugtong pa na tila naman
hatol ng isang munting hukom. "E, di, Ka Lino, pag ipinagpatayo mo ako ng bahay
sa kabilang dulo nitong banos, 'ika mo, e, si Huli na nga ang makakatanawan
ni ... nino ba, Ka Lino?"
{15.06}
"A!" mangha ni Lino na sinundan ng tawa. "Nakabitin pa 'yan sa, 'ika
nga'y, 'balag ng alanganin'! 'Kabit pa sa mandala,' kung baga naman dito sa atin. Humahanap
pa tayo, Bidong. Aba! Sumusubo na iyang sinaing mo! Awatan mo na at pagkainin ay
humapon na tayo." "E ... Ka Lino," habol pa mandin ni Bidong habang inaawatan ang
sinaing, "itong ... kasi, e ... pinangahasan ko nang sabihin kay Huli na papayag
kang dito na sa 'tin malipat ang bahay nila, kung talagang paalisin na
sila roon ni Don Tito!"
{15.07}
"Aba oo, Bidong!" ang tahas at mailing wika ni Lino. "Ipangako mo ang lahat
ng ibig mong ipangako, at umasa kang hindi ka
masusubo, hindi ka mapapahiya, kung
makakaya ko rin lamang. Nasa likod mo ako, Bidong," aniya pa at nanhik
na masaya sa kubo. Gayon na lamang ang tuwa ni Bidong. Tila may pakpak ang mga
kamay niya at paa sa anumang gawin. Nakakain na
sila ng hapunan nang mapagbuo ni Bidong sa isip ang
isang bagay na nais sabihin, bilang pagtanaw ng utang-na-loob sa mga
kabutihan sa kaniya ni Lino.
{15.08}
"Ka Lino!" ani Bidong. "Okupado ko na, hayaan mo na sa aking mag-isa, ang lahat
ng gawain natin dito sa banos. Kayang-kaya kong mag-isa ang lahat na 'yan.
Bukid-palayan, bukid-tumana, lahat na 'yan, kaya ko. Basta maglibang-libang ka
na lang, Ka Lino. Lahat na 'yan aayusin ko. Magpapakabait na 'ko nang husto,
Ka Lino. Hindi ko paiiyakin si Huli. Ito na ang langit ko,
Ka Lino! Dito na 'ko malilibing, at hindi ka na
huhukay. May ginawa na 'ko!"
{15.09}
"Bidong!" kunot-noong hadlang ni Lino. "Nababaliw ka ba? Bakit laging
kamatayan na lamang ang naiisip mo? Bakit hindi mo ihilig ang isip mo
sa buhay na masigla at payapa?" Hindi na kumibo si Bidong. Iniayos muna ang
higaan ni Lino bago ang sa kaniya. Magkaagapay na nahiga sila.
Ngunit patay na ang ilaw at hatinggabi na ay nararamdaman
pa rin ni Lino na hindi makatulog si Bidong. "Nakababalisa rin ang labis
na kaligahayan!" ang naibulong ni Lino sa sarili bago tuluyang naidlip.
{15.10}
Huwebes. Gabi. Mag-iika-7 na! Ito na ang araw at oras
ng tipan ni Didang
sa paglalahad niya kay Lino ng buong kasaysayan ng kaniyang kahapon. Sa kasay-sayang
maririnig ni Lino sa gabing ito maaaring masalig ang kaniyang pasiya
kung si Didang na nga ang babae para sa kaniya. At, sa magiging pasiya naman
ni Lino maaaring matiyak ni Didang kung masusumpungan pa niya, o hindi na, ang isang
bagong buhay at ang kaniyang katubusan.
{15.11}
Masinop at maayos ang munting salas ng tahanan ni Aling Huwana. Nasa kusinaan
ang matanda at nag-aayos ng ihahaing minandal. Tahimik
na nakalikmo si
Didang sa tabi ng dati ring maliit na hapag na kinapapatungan ng isang plorerang
may ilang bulaklak na puti, na tila sinadyang itambal sa kaniyang puting-puti ring bihisan.
Si Lino ay nakapantalon ng kaki at nakabaro ng polo na may matutuwid na guhit
na bughaw. Kung baga sa pambungad na himig ng isang mahabang tugtugin, si Didang at si
Lino ay nagparaan pa muna ng maraming sandali
sa pahakdaw-hakdaw na pag-uusap
hinggil sa kung ano-anong bagay na waring kapwa naghihintay ng lubos na
kapanatagan ng loob.
{15.12}
Tumagal ang gayong pag-uusap hanggang sa maihain, mapagsaluhan, at maiurong
ang masarap na minandal na inihain ng maybahay. "Ibig mo bang magsimula na tayo?"
ang marahang tanong ni Didang kay Lino sa tinig na tila handang-handa na bagaman
may himig ng panimdim. "Ikaw ang masusunod, Didang, yayamang hindi kita
mapigil," ang tugon ni Lino. "Uulitin ko lamang na sabihin sa iyo na
hindi ko kailangan iyan."
{15.13}
"Alam ko! Sadyang di ikaw, kundi ako, ang may kailangan, at
naipaliwanag ko na
sa iyo, noong huling magkausap tayo, kung bakit. Ngayon ... pasisimulan ko
na ba?" "Oo! Uulinigin kong lahat, sa ikasisiyang-loob mo!" Uminom muna ng sanlagok na
tubig si Didang, dinampi-dampian ng panyo ang labi, at kumurap-kurap
na tila may ulap na hinawi sa kaniyang paningin. Makasandali'y mabanayad na
nagsalita.
{15.14}
"Ipinanganak ako sa bayan ng Malabon ng lalawigan ng Rizal," ang
simula ni Didang. "Ang aking ama ay taga-Baliwag ng Bulakan." Si Ina ay
tubo sa Naga ng Hilagang Kamarines. Bininyagan
ako sa Maynila, at doon din nagsimulang mag-aral. Tapos na
ako sa primarya nang lumipat
kami ng paninirahan sa bayan ng aking ama, sa Baliwag.
May isang munting dampi kami sa Daang Jose Ma. Basa ng purok ng Sto.
Cristo. Doon na ako nagdalaga.
Naging kasawian ko ang
magkaroon ng isang amang manunugal.
Parati siyang galit pag-uwi ng bahay kapag natatalo. Gayunma'y mahal
namin siya ni Ina, kahiman naipatatalo niyang lagi ang
kinikita ni
Ina sa pananahi, pad pa ng kaunting sinasahod ko, bilang katulong na tagapagtinda ng isang
magdaramit. Sa tiyaga at pagtitiis,
pahinto-hinto ma'y narating ko rin ang hay-iskul.
{15.15}
"Naging lubhang matiisin si Ina, pagkamatiising naging sanhi ng kaniyang
maagang pagpanaw. Namatay siya
sa sakit sa puso noong buwan ng Nobyembre ng 1948.
Nabaon ako sa utang sa aking pinaglilingkuran dahilan sa mga naging gugol sa
pagpa-palibing kay Ina at sa madalas na paghingi ng tampa
(Vorschuss |1|) ng aking ama, na lalong
nagpakagumon sa sugal nang wala na si Ina.
Lumitaw-dili na siya sa
aming dampa at madalas na ako'y nag-iisa kung gabi. Dasal at isang
balisong lamang ang kasama
kong lagi.
{15.16}
"May mga anim na buwan lamang, makaraang mamatay si Ina, si Ama ay
umuwi sa aming dampa, isang gabi, na may kasamang isang bagong kabiyak.
Naalaala ko si Ina at magdamag na hindi ako
nakatulog sa pag-iyak. May isang bagay na naghihimagsik sa
kalooban ko na di ko matimpi. Naging
mabait sa pasimula ang aking ale, at
bilang isang masunuring anak ay
napahinuhod akong tumawag
sa kaniya ng 'Tiya Nena'. Di-nalaunan ay may naka-pagbulong sa akin na di raw kasal kay
Ama si Tiya Nena, at ito pala'y
hiwalay lamang sa asawang
lagalag at
palipat-lipat.
{15.17}
"Maganda si Tiya Nena,
kung ganda lamang ang pag-uusapan.
Ngunit ang kaniyang ganda
ay yaong uri
ng ganda
na kinasusuyaang
may pagkatakot ng mga kapwa
babaeng may asawa at
kinahuhumalingang may pagnanasa ng mga
lalaki, huwag
na di maging kakilala. Bukod
sa balani ng kaniyang
kagandahan, si Tiya Nena
ay lubhang mairog at magiliw
sa huwag di lalaki, kahiman sabihin pang isang kargador lamang.
Sa ganang kaniya yata, bawat
lalaki ay sapat.
Kung baga sa manghahalal, ang mahalaga sa
kaniya'y, hindi ang partido, kundi ang kandidato.
At, kung baga sa maawain
ay ubos-biyaya hanggang sa malupyad kung siya'y maglimos.
{15.18}
"Sa kaugaliang iyan
ng Tiya Nena nagmula ang madalas
na di nila pagkakasundo
ni Ama. Madalas mangitim at mamukol ang kaniyang mukha.
Minsa'y nalinsaran
pa raw ng tadyang. Hindi naman siya
lumalaban kahit sa salita
man lamang, ngunit hindi rin naman sumusuko.
Huwag na di mangiti
si Ama ay nalilimot
na niya ang lahat,
kaya nauupo na sa tabi ng
aming dukhang tokador at nagpapahid na ng lipistik. At, palibhasa tuwinang magbubuhat ng
kamay si Ama ay sinusundan ng panaog, wala siyang
kamalay-malay na sa akin gumaganti ang Tiya
Nena at ako ang
pinagdidiskitahan.
{15.19}
"Inaalimura ako, hinihiya
ako, at tinatampol ako ng
mahahalay na salita kahit na may nanga-karirinig.
Ayoko namang magsumbong kay Ama pagkat ayoko ring maragdagan pa ang mga dahilan
ng madalas na di nila pagkakasundo. Nagiging pansamantalang kublihan ko
ang maghapunang pamamalagi sa aking pinapasukan, ngunit pag-uwi ko sa hapon,
lalo na't kung wala si Ama, ay pasisimulan na
akong alimurahin
mula ulo hanggang paa sa huwag di munting pagkakabiso lamang.
{15.20}
"Isang araw ay hindi na ako nakatiis," patuloy ni Didang,
"pagkat sinabunutan ako, ipinagngudnguran, at pinaglapak-lapak ang
damit ko sa katawan hanggang sa ako'y
mahubaran." "Bakit hindi ka
lumaban?" ang hindi na natimping
tanong ni Lino. "Iyan ang hindi ko kayang gawin," ani Didang.
"Naitanim nang napakalalim ni Ina sa puso ko ang paggalang, pagyukod, at
pagpapahinuhod sa sinumang nakatatanda sa akin. Itinuro niya sa akin na kilanlin ko at
ituring na kabanalan ang magtiis sa mga pasakit ng mga kinikilalang magulang
kahit na sila mali."
{15.21}
"Ngunit hindi mo siya tunay na magulang," ang tutol ni Lino.
"O kaya'y hindi niya inilalagay sa pagkamagulang ang kaniyang sarili. Sa
paghahangad mong maging mabuti ka ay binayaan mo na maging masama ang
Tiya Nena mo sukdang ikaw na rin ang
mapinsala. Sa ganda ng hubog ng pangangatawan mo, Didang, hindi ko man
nakita ang Tiya Nena mo, damdam ko'y makakaya mo ang lumaban at
manaig."
{15.22}
"Makakaya kong talaga, Lino, pagkat manipis lamang ang Tiya Nena at
di naman kalakasan," sang-ayon ni Didang. "Di-miminsang nang nahihirapan na
ako ay naisip ko na nga ang
lumaban. Ngunit para namang nakikita ko si
Ina na nakatitig sa
akin at parang sinasabing - Tiisin mo ang lahat, anak ko, alang-alang sa
ama mo, na siya mong pangalawang Diyos sa lupa!" paliwanag ni
Didang na humikbi, sumubsob sa ibabaw ng hapag, at umiyak.
{15.23}
Tumindig si Lino na parang naalinsanganan. Nanungaw
siya sa katabing dungawan na tila pinaluwag ang paninikip ng
dibdib, at upang hintaying mapawi ang sama ng
loob ni
Didang at makapagpatuloy sa tiwasay na pagsasalita. Ngayong narinig na ang
simula ay tila ibig nang marinig ni Lino ang
lahat.
{15.24}
"Dumating na nga sa sukdulan
ang aking pagtitiis," ang patuloy na
ni Didang sa tinig na gaya ng dati. "Sumaloob ko na kung sadyang gayon na lamang ang
magiging buhay ko sa sariling tahanan ay mabuti pang makisama na
ako sa mga mistulang ibang tao na may loob sa Diyos kahit na kaunti. Isang
kaibigan at kasama ko sa pinapasukan naming tindahan ang
naging kagayakan ko
sa pag-alis. Tumakas kami na may dalang tig-isang balutan ng bihisan at
tig-kaunting baon, isang madaling-araw. Nanuluyan kami sa isang kaibigan ng
aking kasama na naninirahan sa Sampalok at namamasukang mananahi sa Ermita. Ipinagtapat
namin ang aming ginawang pagtakas
sa Baliwag at ang hangad naming makakita
sana ng anumang mapapasukan.
{15.25}
"Hindi kami pinabayaan ng aming tinutuluyan. Tinotoo ang pagtulong
sa amin. Pagkaraan ng may apat na araw lamang ay itinanong sa amin kung
maiibigan namin, habang hindi nakakikita ng mabuti-buti, ang maglingkod na
katulong sa tahanan ng dalawang taga-Quezon City na kapwa mayaman. Hindi sana
namin ibig ng aking kasama na malagay kami sa gayong katayuan, ngunit inisip
naming hindi kami dapat makabigat sa aming
tinutuluyan na isang mananahi lamang. Kaya nga, nayag na kami kapwa,
yayamang maaari namang umalis kami upang humanap ng mabuti-buti kung hindi
namin maibigan ang magpatuloy.
{15.26}
"Sa tingin ko'y mayaman nga ang kinatirhan ko. Maganda, malaki, at
matibay ang bahay. May sariling kotse at tsuper, dalawang bataang lalaki, at
dalawang katulong na babaeng Bisaya. Naroon na ang lahat ng kagamitan at
kasangkapan na nakikita ko sa mga tunay na mayaman, na gaya ng refrigerator, muwebles,
radyo, stereo, at iba pa. May tatlong anak na para-parang nag-aaral sa kolehiyo ng mga
madre. Kinukuha at inihahatid sila ng isang tanging bus araw-araw.
{15.27}
"Maganda ang maybahay ng aking amo, matanda nang kaunti lamang sa
akin, at inihahatid at sinasalubong ng aking amo sa madyungan araw-araw halos. May isang
buwan na ako roon nang mabalitaan ko na ang aking amo ay kawani pala sa
isang tanggapan ng Pamahalaan na nakikialam sa backpay at sumasahod lamang ng sandaa't
dalawampung piso sambuwan. Gayunma'y ano ba ang pakialam ko? Kaya
lamang ako umalis ay nang pagtangkaan
akong ipagregalo
sa kaniyang Hepe, na nakapansin pala sa akin nang minsang dumalo sa isang mabulang
kumplianyos ng kaniyang magandang maybahay.
{15.28}
"Binalak kong tumungo sa tinitirhan ng aking kasama. Sumaisip kong mabuti ang
katayuan niya roon, marahil, kaya nawiwili. Sa pasimula ay nangamba
ako na baka baligtarin
ako ng aking pinanggalingan. Baka sabihing nang-umit
ako ng anumang may halagang bagay at ako'y
tumakas. Sumaloob
ko naman na kapag ginawa nila ang gayon sa akin ay may mapapahiya. Mabuti
naman at ipinagwalambahala na ang aking pag-alis.
{15.29}
"Nagtungo ako, gaya ng aking balak, sa tinitirhan ng aking kasama.
Handa akong tumanggap ng kahit na gaano kababang pasahod, kung
matitiyak ko lamang na may mabuti silang kaugalian. Natuwa
ako nang makita kong tila higit na mariwasa ang
amo ng aking kasama kaysa iniwan ko. Ngunit isang gabi lamang akong
nakatulog doon. Ipinagtapat sa akin ng aking kasama na nang dumating
ako roon ay gayak na pala siyang
magpaaalam at umalis.
{15.30}
"Sinabi niya sa 'kin na ang maybahay ng kaniyang amo ay labis na selosa.
Madalas daw niyang marinig na tinatalakan ng babae tungkol lamang sa
kasusulyap sa kaniya. 'Ikaw pa kaya na talagang maganda ang di-pagselosan,'
sabi niya sa akin. 'Saka,' ang bulong pa niya, 'ito pala namang amo ko, e, kawani lamang
sa appraisal section sa Adwana at sumasahod ng dalawandaang pisong mahigit lamang
sambuwan.'
{15.31}
"Kinabukasan ng hapon, nang araw na makatulog ako sa tinitirhan
ng aking kasama, ay nagpaalam na siya at
pinayagan naman. Kaya, magkasama
kaming nanuluyang muli sa kaniyang kaibigan sa Sampalok. Hindi na kami
gaanong makabibigat noon, kung mga isang linggo lamang, pagkat may
naipon sa kaming sapat sa sinahod namin, bilang mga katulong. Noon ko natuos na mahigit
na pala kaming anim na buwan sa Maynila. Bagaman minsan man
ay hindi ako sumulat sa amin upang ibalita kung saan ako
naroon at kung ano ang
kalagayan ko at hanapbuhay ay ipinagdugo rin ng loob ko na hindi man lamang ako
sinundan at hinanap ni Ama. Dahil diya'y itinuring ko na ang aking
sarili na ulila nang lubos.
{15.32}
"Hindi naglipat-linggo, mula nang manuluyan kaming muli sa kaibigan
ng kasama ko, ay nagkaroon ng tatlong sabay na
alok na mapagpipilian namin. Una, isang
tindahan ng represko (Erfrischungen |1|) sa Abenida Rizal na
may pa-uniporme pa, bagaman di-kalakihan ang
pasahod. Ikalawa, isang tindahan ng relos at mga kagamitan nito sa Abenida
Rizal din, na walang pa-bihis ngunit mainam-inam ang pasahod at libre-komida.
At, ikatlo, isang matrona na anyong masalapi at namamahay na mag-isa. Ang unang dalawa
ay kapwa ari ng Intsik, at itong huli ay isang Filipinang mestisa o
mestisahing Kastila.
{15.33}
"Pinakamithi ng loob ko na roon ako mapunta sa Filipinang
mestisahing Kastila, pagkat sadyang hilig ng loob ko, pagkabata ko pa, ang buhay-payapa.
Kaya nga, nang mapili ng kasama ko ang tindahan ng relos ay pinili ko naman
ang Filipinang mestisahing Kastila. Hindi ko pa pala nasasabi sa iyo, Lino,
na ang pangalan ng kasama ko ay Miring, at ang kaibigan niya, na kaibigan
ko na rin, ay Mentang. Ito namang napili kong mestisahing Kastila ay si
Donya Geronima Villarte y Salumbides, may palayaw na Memay at kung minsa'y
tinatawag na Niyora Memay o kaya'y Donya Memay.
{15.34}
"Taksi pa ang tinawag ni Mentang nang ihatid niya
ako sa tahanan ni Donya Memay sa Pako. Masaya at parang wala sa loob na
hinagod ako ng tingin ni Donya Memay mula ulo hanggang paa, ngumiti na tila
nasiyahan, pagkuwa'y inakbayan si Mentang
na parang inihahatid na sa hagdan, at nag-usap sila roon nang
marahan bago naghiwalay. Nakatawang binalikan ako ni Donya Memay, tinawag
ako sa aking palayaw na Didang, at naupo sa tabi ko. Gayon na lamang ang
tuwa ko nang mahalata kong malambot at magiliw magsalita, bakit ay maganda,
maayos mamihis, marilag kumilos, at matimping gumamit ng pabango.
{15.35}
"Lalo akong natuwa nang
tahasang sabihin sa akin ni Donya Memay
na natagpuan daw niya sa akin, sa unang pagkatingin pa lamang, ang tunay na hinahanap
niya. Pagkat ... hindi raw katulong, ni-kawaksi, ni-utusan, ni-alila, ang tunay
na kailangan niya, kundi isang maganda at mabait na bata na maituturing niyang anak,
pagkat nabigo siyang magkaroon ng kahit na isa, dahil sa hindi niya pag-aasawa.
Kaya nga, ituturing daw niya akong anak at hindi utusan. Sa kagalakan
ko ay nasabi ko naman na kung maaari niya akong ampunin ay
paglilingkuran ko siya sa abot ng magagawa ko at hindi ko kailangan ang ako'y
bayaran.
{15.36}
"Di-kalakihan ang bahay ni Donya Memay, ngunit matibay at
masinop, at naroon na ang lahat ng nauunawa kong kaayusan at kagamitan ng
isang bahay-mayaman, bagaman walang garahe, ni hardin, pagkat makipot lamang ang
bakuran. Gahịs (übergroß |1|) pa ng
tokador lamang ni Donya Memay, na puno
ng sarisaring kagamitang pampaganda, ang isang masuking beauty parlor. Wala
akong naratnang kasama niya sa tahanan kundi isang masipag at may
hitsurang utusang dalaga, na Tagalog ding tulad ko, bagaman pipi, gayong hindi naman
bingi.
{15.37}
"Anupa't si Vilma, ang utusan, ay tila dating nakapagsasalita na
naputlan lamang ng dila kung kaya napigil. Gayunman, may isang matandang babaeng
tagapanindahan at tagaluto, na dumarating doon tuwing umaga at umaalis kung hapon at
laging may kasamang isang batang lalaki na nagiging utusan habang hindi umuuwi ang
matanda. Ang pangalan ng matandang ito ay
Tiyang at ang batang lalaki naman ay
Sayas.
{15.38}
"Sa pasimula pa'y itinuro na sa akin ni Donya Memay na tawagin ko siya
ng 'Mammy'. Di raw naman niya ibig ang tahasang 'Mama', pagkat nagmumukha
naman siyang isa ng tunay na ina, gayong dalaga
siya na lumaos nga lamang. Marami raw siyang
pamangking dalaga na
naglulunggating maging
kalukob niya.
Ngunit hindi raw niya ibig, pagkat ibig niya ng katahimikan at ang mga pamangkin niya ay
pawang magulo, kargante, kapritsosa, at matigas ang ulo.
{15.39}
"Mag-iisang buwan na ako kay Donya Memay nang
pumanatag nang
kaunti ang loob ko, pagkat naging patuloy na tahimik ang buhay
namin, at wala kaming
naging tanging libangan
kundi ang makinig sa bahay ng tugtugin sa radyo at manaog na paminsan-minsan
upang manood ng sine. Walang muli't muling dumadalaw sa bahay kundi isang palabihis na
babaeng ahente raw niya sa paniningil at pagpapautang, gayon din sa paglalako ng mga
alahas. Laging sarilinan at marahan kung mag-usap sila, at kung minsa'y
nagkukulong pa sa loob ng silid, bagay na sinasapantaha kong sanhi lamang marahil sa
ginagawa nilang 'usura' na labag sa batas, sa pagkaalam ko.
{15.40}
"Unti-unting tinuruan ako ni Donya Memay ng pag-aayos sa katawan
at mukha. Ipinagpatahi ako ng mga bago at mahuhusay na bihisang sunod na
lahat sa moda. Ibinili ako ng namamalasak na noong mga fancy trinkets at
isang orasang pambisig na may hala-halaga.
Tinutulan ko ang kagugugol nang
dahil lamang sa akin. Ngunit nagalit pa siya at sinabing ibig ko raw bang
wikain ng iba na mukhang alila lamang ang kaniyang anak, kaya hindi na ako
kumibo. Ang hindi ko lamang sinang-ayunan ay ang
hangad
niya na putulin ang buhok ko, bagay na hindi naman niya ikinagalit. Kaya nga, ipinakulot na
lamang niya ang buhok ko at tinuruan
akong magpusod nang
maayos.
{15.41}
"Pinapansin ko na noon, bagaman sa sarili ko lamang, kung bakit isa man sa mga
sinasabing pamangking dalaga ni Donya Memay ay walang dumadalaw sa amin.
Ngunit isang hapon ay biglang dumating ang apat na pawang magaganda nga.
Bahagya na nila akong sinulyapan sa pagkakaupo ko sa isang sopa
sa salas. Tuloy-tuloy silang pumasok sa silid ni Donya Memay na
kagigising pa lamang noon sa kinagawiang pag-idlip kung tanghali. Dinig na dinig ko
ang kanilang masayang pag-uusap na madalas mauwi sa malakas na tawanan at
kung minsa'y sa mga salitaang marahan at halos bulungan lamang.
{15.42}
"Madali kong nakilala na mababait sila at mapalagay, pagkat nang
lumabas sila sa silid at ipakilala
ako ni Donya Memay ay niyakap nila
ako at isa't isa'y humalik.
Pinilit pa akong kumain ng mga prutas na dala nila. Ang palayaw ng kasama
nilang mestisilya ay Chic, ang kayumanggi
ay Pinay, ang singkit ay
Bun, at ang may nunal sa ilong ay
Lor. 'Hoy, Didang,' tawag sa akin ni Chic, 'alam mo, ku!,
nangingimbulo sa 'yo si Lor! Sabi ba naman sa Tita Memay, e ...' 'Bakit,
bakit, ano na naman?' hadlang ni Lor at umirap. 'Sige, gusto mo ikaw lang
ang nambibiro! Baka mamaya, kung ikaw ang mabiro, e, magagalit ka na
agad!'"
{15.43}
"'Huuus! Ito nga namang si Chic,' pakli naman ni Bun na umirap
din, 'daldal!' 'Daldal na nga, di pa man!' sabad naman ni Pinay na kumampi kay Chic,
'wala pa namang sinasabi si Chic, e, daldal na! Higi, Chic, talaga namang sinabi niya,
e!' aniya pa na iningusan si Lor at tumawa. 'Sabihin mo na, Chic, at
hindi naman pikon si Didang, e!'
'Hindi ka nga ba pikon, Didang?' ang magiliw na tanong sa akin ni Chic
at inakbayan ako. Alisin mo rito sa Maynila, Didang, 'yang ugaling
probinsiyana at ... matitisis ka rito, pag hindi. Basta masaya lang
tayo!'
{15.44}
"'Siyanga, Didang,' ang mairog na katig naman ni Lor. 'Kasama ka
na ngayon sa gang, alam mo ba? Isang araw, e, isasama ka namin sa lakad. At,
huwag kang tatanggi.'
'Gayon nga, Didang,' sahod ni Pinay. 'Basta sasama ka sa amin, ano,
maaari ba?' 'E, tingnan natin,' ang sagot ko naman, 'kung payag ba ang Mammy
at saka wala akong maraming ginagawa, e, di ...' 'Aba, aba!' himig puna
ni Bun. 'Tiwala yata sa amin ang Tita Memay, saka ... itong atin, e, samahang
walang tanggihan.'
{15.45}
"'Nakita mo na, Didang,' ang pansin na ni Donya Memay bagaman anyong masaya.
Ang gugulo ng mga pinsan mong iyan! Ni hindi man lamang nasabing
ihihingi ka nila sa akin ng permiso. Saka, hayan, alam mo ba, Didang? Kaya
lang nagsisidalaw rito ang mga iyan, e, kung may kailangan! Apat na
malalaking bagang na naman ang nalagas sa
panga ko!' 'Pasensiya ka na, Tita Memay,' ang
pa-isding na sabi naman ni Chic. Ang kapal-kapal mo naman, Tita,
e!'"
{15.46}
Tumigil sandali si Didang sa pagsasalita at huminga nang malalim.
Makasandali'y nagpatuloy sa pagsasalaysay. "Di-nagtagal ay nagpaalam na ang
apat na pamangkin ni Donya Memay, matapos magsihalik sa kaniya at sa akin.
Huwag daw akong tatanggi sa
kanila, saanman nila ako yayain. Ngunit baka naman naiinip
ka na, Lino?"
{15.47}
"Hindi, Didang!" ang masayang tugon ni Lino. "Nananabik ako! Para akong
nakaririnig ng isang kuwentong sinulat at binabasa lamang. Naalaala
ko tuloy ang nasabi mo sa aking minsan na naging hilig mo noong bata ka
pa ang maging isang
makata o manunulat. Maaari ka nga pala. Sayang at iba ang
landas na kinapuntahan mo,
o baka naman iyan na nga ang landas na patungo sa talagang palad mo."
{15.48}
"Magpapatuloy ako, Lino, kung gayon," ani Didang na hindi pinansin
ang ginawang pagtukoy ni Lino sa kaniyang hilig na maging makata at manunulat. "Oo, kung
hindi ka pa napapagal," sang-ayon ni Lino. "Uminom
ka muna kaya! Tayka at ikukuha
kita ng inumin!" aniya pa at tumindig. "Huwag, Lino!" pigil ni Didang na
tumindig din at nagpaunang lumabas. "Ako na ang kukuha at nang makainom
ka rin. Tulog na pala ang Tiya
Huwana!"
{15.49}
Hindi napigil si Lino. Lumabas din
siya at sumunod kay Didang. Isang ilawang tinghoy lamang na aandap-andap ang
tumatanglaw sa kusinaan, na siya na ring komedor na kinaroroonan ng may
gripong tapayan ng inumin. Tinagasan ni Didang ng tubig ang isang baso at
iniabot kay Lino. Inabot ni Lino ang baso at kusang tinutop ng kamay
ang mga daliri ni Didang. Nagkatinginan
sila. Ngunit yumuko si
Didang. Tila ipinahiwatig na
talusalang pa muna siya. Uminom si
Didang pagkaraan ni Lino, at
magkasabay na bumalik ang dalawa sa dati ring munting hapag at mga likmuan sa
salas ng bahay.
Luma at kasalukuyang daglat | |||
Luma | Bago | ||
P-P | P-P | Pariralang panaguri | |
P-S | P-T | Pariralang paniyak | |
P-A | P-K | Pariralang pandako | |
P-V | P-D | Pariralang pandiwa | |
P-N | P-N | Pariralang makangalan | |
P-J | P-U | Pariralang pang-uri | |
P-E | P-OD | Pariralang pangkaroon | |
P-A/E | P-OD | Pariralang pangkaroon | |
C | S- | Sugnay | |
/PS | PT | Pagkakasunud-sunod na karaniwan: Panaguri - Paniyak | |
/PSP | PTP | Pagkakasunud-sunod na karaniwan: Panaguri - Paniyak - Panaguri | |
/YPS | YPT | Pagkakasunud-sunod na karaniwan: Panaguring may ay - Paniyak | |
/YPSP | YPTP | Pagkakasunud-sunod na karaniwan: Panaguring may ay - Paniyak - Panaguri | |
/SYP | TYP | Pagkakasunud-sunod na kabalikan: Paniyak - Panaguring may ay | |
/ICS | GGT | Panggitaga (Panaguri - (Paniyak) - Panaguri) | |
/P0 | P0 | Sugnay na walang paniyak | |
/YP0 | YP0 | Sugnay na walang paniyak (may ay ang panaguri) | |
VA Va | DT | Pandiwang tahasan | |
VP Vp | DB | Pandiwang balintiyak |
P-P | PS(P) | PS(P) ang | YPS(P) | SYP | SYP ang | Summe |
P-V | 82 | 0 | 6 | 2 | 0 | 90 |
P-N | 13 | 0 | 0 | 1 | 0 | 14 |
P-J | 10 | 0 | 0 | 2 | 0 | 12 |
P-A/E | 2 | 0 | 0 | 0 | 0 | 2 |
P-A | 3 | 0 | 0 | 0 | 0 | 3 |
Zw.-Summe | 110 | 0 | 6 | 5 | 0 | 121 |
ICS | - | - | - | - | - | 13 |
Gesamt | 134 |
P-P | PS(P) | PS(P) ang | YPS(P) | SYP | SYP ang | Summe |
P-V | 82 | 1 | 7 | 7 | 1 | 98 |
P-N | 13 | 0 | 1 | 13 | 1 | 28 |
P-J | 21 | 0 | 1 | 6 | 0 | 28 |
P-A/E | 1 | 0 | 1 | 0 | 0 | 2 |
P-A | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Zw.-Summe | 117 | 1 | 10 | 26 | 2 | 156 |
ICS | - | - | - | - | - | 32 |
Gesamt | 188 |
Armin Möller
http://www.germanlipa.de/text/daluyong.html 100206 - 220728 |