1 Einleitung / Pambungad
3 Texte / Mga Kasulatan
Reymundo, Jeselle More Anne B.: Estranghera
Quelle / Pinagmulan → {16A-2 Estranghera}.
{3.21}
Pabiling-biling ako sa aking higaan. Ilang gabi na, mailap pa rin sa akin ang pagdalaw ng antok. Patuloy na naglalaro sa aking isipan ang pagtatagpo at pag-uusap namin ni Nieva. Sandaling pag-uusap ngunit nag-iwan ng katiwasayan sa aking puso't isipan. Oo, nakaraang mga araw ay naging magulo ang aking isip. | Ich drehte mich unruhig in meinem Bett hin und her. Einige Nächte schon konnte ich nicht einschlafen (scheu war mir der Besuch der Müdigkeit). Ununterbrochen spielte in meinen Gedanken meine Begegnung und das Gespräch mit Nieva. Ein kurzes Gespräch nur, aber es nahm mir die Ruhe in meinem Herzen und meinen Gedanken. Ja, in den vergangenen Tagen gerieten meine Gedanken durcheinander. |
{3.22}
Nararamdaman ko, para akong nasasakal sa paghihigpit ng aking mga magulang. Hindi ko tuloy maiwasang mainggit sa aking mga kaibigan, na malaya nilang nagagawa kung anuman ang nanaisin nilang gawin. Na walang inaalaala, na baka pagalitan ng kanilang mga magulang. | Ich entdecke, als ob ich von der Strenge meiner Eltern eingeschnürt würde. Ich scheue mich nicht mehr, auf meine Freunde neidisch zu sein, die frei sind zu tun, was immer sie wollen. ... |
{3.23}
Ako, sa bawat kilos at lakad ko, kailangang may pahintulot ang aking mga magulang, dahil kung hindi, tiyak na sermon ang aabutin ko. Bagay na nagtulak sa akin para magrebelde. At paglalayas, ang una kong naisip na paraan upang maipakita sa kanila ang aking pagtutol sa kanilang paghihigpit. Na baka sa ganitong paraan, maunawaan nila ang aking saloobin. | Ich, bei jeder meiner Bewegungen und Schritte, brauche ich die Erlaubnis meiner Eltern, weil, wenn nicht, erreicht mich sicher eine Strafpredigt. Eine Sache, die einem aufgezwungen wird, ist für sowas wie Aufsässigkeit. Und Weglaufen als ersten Gedanken, um meinen Protest gegen ihre Strenge zeigen zu können. Vielleicht verstehen sie auf diesem Weg mein Inneres. |
{3.24}
Buo na ang aking pasya, na hindi na ako uuwi sa amin. Makituluyan na lamang muna ako sa aking mga kaibigan. Hanggang sa nakilala ko nga si Nieva nang makasakay ko siya bus. Noo'y pauwi na ako sa probinsiya galing Maynila, ngunit napagpasyahan kong hindi sa bahay ang tuloy ko. |
{3.25}
Tipikal na tinedger si Nieva. Sa unang tingin, wala siyang ipinagkaiba sa mga kabataang lumaki sa lungsod. Prangka siya, kung magsalita. Wala siyang pakialam kung anuman ang sasabihin ng ibang tao tungkol sa kanya. Ang mahalaga raw ay nailalabas niya ang kanyang pagkatao. Maharot, iyon ang madalas daw na itawag sa kanya. Pero sa likod daw niyon, dama-dama niya ang tunay na kaligayahan. | Nieva ist ein typischer Teenager. Auf den ersten Blick gibt es keinen Unterschied zu den Jugendlichen, die in der Stadt aufwachsen. |
{3.26}
Hindi ko rin siya gusto sa aming pag-uusap. Madaldal kasi at walang preno kung magsalita, bagay na ikinaiirita ko. Pero dahil sa likas akong palakaibigan, at para rin malibang sa biyahe, nagtiyaga akong makinig sa mga kuwento niya, lalo na sa kanyang buhay-buhay. Naisip ko nga, ganito ba kadali sa babaing ito na iladlad ang kanyang buhay gayong hindi pa naman niya ako lubusang kilala. | Ich mochte sie auch nicht während unseres Gespräches.Weil sie geschwätzig war und ununterbrochen redete, eine Sache, die mich stört. Aber weil ich von Natur aus freundlich bin und auch um sich unterwegs unterhalten zu lassen, hatte ich Ausdauer, ihren Geschichten zuzuhören, mehr ihrer Lebensgeschichte. Ich dachte mir eben, ob sich das Leben für dieses Mädchen sich so einfach abspielt (entfaltet), weil sie mich nicht gut kennt. |
{3.27}
Ngunit habang tumatagal ang aming pag-uusap, unti-unti ko nang nauunawaan ang kanyang saloobin, bilang isang tipikal na babaeng tinedyer na kagaya ko, na kapwa pa pinag-aaral ng mga magulang sa Maynila, ay naghahangad din ng kalayaan mula sa paghihigpit ng mga magulang. | Aber während unsere Unterhaltung länger wird, verstehe ich Schritt für Schritt ihr Inneres als ein typisches Teenage-Mädchen wie ich auch, ein Mitmensch, der noch von den Eltern in Manila gebeten wird, zur Schule zu gehen und der sich auch Freiheit wünscht wegen der Strenge seiner Eltern. |
{3.28}
"Ikaw ba," baling niya sa akin, "maharot ba ang tingin mo sa akin?" Dahil sa kabiglaanan, hindi kaagad ako nakasagot. Iniisip ko rin kasi na baka masaktan siya sa aking sasabihin. Na totoo, talagang maharot ang kanyang dating. Pero nakita ko na seryoso siya at naghihintay nang makatotohanang sagot. | "Du", wendet sie sich mir zu, "ist dein Blick auf mich herausfordernd?" Wegen der Plötzlichkeit habe ich nicht sofort geantwortet. Ich dachte auch, dass sie vielleicht von meinen Worten verletzt war. Wirklich, ihre Ankunft war herausfordernd. Aber ich sah, dass sie es ernst meinte und auf eine ernsthafte Antwort wartete. |
{3.29}
"Oo," walang gatol kong sabi. "Kunsabagay, hindi kita masisisi", sabi niya at binawi ang tingin sa akin. "Paraan ko na lamang ito para maipakita na totoo akong tao. Alam mo ba, gusto kong maging malaya? 'Yong malaya kong magagawa ang alinmang gusto ko. Hindi 'yong puro dikta ng mga magulang ang palagi kong ang nasusunod. | "Ja", sagte ich ihr sofort (ohne Unterbrechung). "Wenn dem so ist, mach mir keinen Vorwurf daraus", sagte sie und wendete sich ab (nahm den Blick weg). "Das ist so meine Methode, um zu zeigen, dass ich ein echter Mensch bin. Weißt du, ich möchte frei sein. So frei, dass ich alles, was ich will machen kann. Nicht nur stets die reinen Anordnungen meiner Eltern zu befolgen. |
{3.30}
Sa labas lang ako nakakatawa nang buong laya. Kung sa bahay, takot akong mapagalitan kaya nakapinid palagi ang mga labi ko. Gusto kong malaya katulad ng mga ibon. 'Yong nakakarating sila saan mang lugar nilang gustuhin," mahaba niyang pahayag. | Nur draußen kann ich aus vollem Halse lachen. Wenn ich zu Hause bin, fürchte ich, jemand zu verärgern, deshalb verschließe ich meine Lippen. Ich möchte frei wie die Vögel sein. Die können hingehen, an welchen Platz sie auch immer wollen", war ihre lange Antwort. |
{3.31}
"Gano'n ba", sabi ko. "Pero bago sila natutong lumipad, marami rin silang napagdaanang hirap. Bakit, napakabigat ba ng problema mo sa iyong mga magulang?" tanong ko, bagama't pareho kaming hindi tumitingin sa isa't isa. | "So wie die?" sage ich. "Aber bevor sie fliegen lernen, kommt ihnen auch viel Schwieriges entgegen. Warum hast du so viele Probleme (bist shr schwer von Problemen) mit deinen Eltern?" frage ich, während wir uns gegenseitig nicht ansehen. |
{3.32}
"Alam mo bang puro na lang mga mali ko ang nakikita nila sa akin. Palagi rin nila akong ikinukumpara sa mga pinsan ko. Kesyo raw mga matino at mababait. Kailangan ko raw silang gayahin. Gusto kong magrebelde kaya bilang ganti, naging ganito ako, magaslaw," sabi niya. | "Weißt du, sie sehen in mir nur alles Schlechte. Auch vergleichen sie mich stets mit meiner Kusine. |
{3.33}
"Pa'no nakakarating sa mga magulang mo ang mga ginagawa mo sa labas?" tanong ko. "'Yong mga pinsan ko kuno na mababait at mga kapitbahay naming tsismosa ang nagsusumbong sa magulang ko. Asar nga ako. Hindi man lang nila ako pinakinggan at para masabi ko sana kung ano ang totoo." |
{3.34}
"At kaya ka nagrerebelde? Hindi naman siguro gano'n ang gusto nila para sa 'yo. Baka naman gusto lang nilang bigyan ng direksiyon ang buhay mo," sabi ko. Ngunit pagkuwa'y napagtanto kong natamaan din ako sa sinabi ko kay Nieva. "Pero nasasakal ako, e. Liligaya ka ba naman kung di mo talaga gusto 'yong ginagawa mo? Ang hirap, no'n!" sabi pa niya. |
{3.35}
"Sabagay," sabi ko. Naisip kong iisa lang naman ang plano namin, dapat siguro'y pagtibayin namin ang dahilan upang lubos na mabigyan katwiran ang aming pagrerebelde. Nahakahanap na ako ng kakampi, naisip ko pa. "Mas mabuti pa nga ang mga hayop, di man nakapagsasalita, malaya nilang nagagawa ang kanilang gusto. Hinahayaan nila ang kani-kanilang mga anak na tuklasin ang sarili," sabi ko pa. |
{3.36}
"Ang talinghaga mo namang magsalita!" baling niya sa akin, nakangiti. "Ikinumpara mo pa sa hayop ang tao." "Pansinin mo ang ibon at ang kanilang mga inakay. Inaalalayan lang nila ang kanlang inakay hanggang sa matuto itong lumipad. Pero sa tao, may mga magulang na halos buhatin ang kanilang mga anak para huwag lang silang masaktan. |
{3.37}
Bakit kaya mga magulang na napakahigpit sa kanilang mga anak? Iniisip ko tuloy, gano'n ba talaga silang magmahal o isang maramot na pagmamahal? Hindi man lang nila naisip na may mga bagay ding gustong makamtan ang kanilang anak nadi nila kayang ibigay. Hindi nila alam, na ang kanilang paghihigpit ay nagdudulot ng pagrerebelde ng anak. Kagaya mo halimbawa," sabi ko, ngunit ang totoo'y lalong naging marubdob ang aking hangarin na ituloy ang paglalayas. |
{3.38}
"Kaya nga ito ang naisip kong paraan para makalaya, ang paglalayas," mariin niyang sabi. "Balang araw ay mapapatunayan ko rin sa kanila na hindi lahat ng mga magulang ay tama. Maaaring di mo ako maunawaan ngayon dahil tingin ko sa 'yo, lumaki ka sa isang perpektong pamilya," sabi niya. Kung alam lang niya, na iisa ang aming saloobin, ang aming plano. |
{3.39}
"Ikaw ba," sabi niya. "Ano ang dipinisyon mo sa kalayaan?" "Sa akin lang, 'yong nakakakilos ako nang walang masyadong inaalala. Kailangang walang ibang masasaktan para maramdaman ko ang totoong kaligayahan," sagot ko. "Well, tama ka," sabi niya at ibinaling ang tingin sa nadaanan naming palayan. |
{3.40}
Sandaling namagitan sa amin ang katahimikan. Naramdaman kong humugot siya nang malalim na buntunghininga. Pakiramdam ko, buo na ang kanyang pasya na maglayas, kagaya ko. Wala nang urungan, nais ko pa. Napagtanto ko, tama nga marahil ang aking gagawin. Isang paraan upang pukawin ang damdamin ng mga magulang na isang maramot na pagmamahal ang paghihigpit sa mga anak. |
{3.41}
"Pero sa ilang araw kong paglalayas," baling niya sa akin na ikinabigla ko. Kung ganoon, galing na pala siya sa paglalayas. "Napagtanto kong mali ako. Ang akala ko, sapat na ang aking dahilan para gawin ang bagay na iyon." "Ano'ng ibig mong sabihin," sabi ko pa. "Lahat pala ng paghihigpit sa akin ng mga magulang ko, ay para rin sa aking kapakanan. Akala ko, kaya kong mamuhay na hindi kapiling ang mga magulang, hindi pala." |
{3.42}
Napabuntunghininga siya. "Malaya nga ako, ngunit napapariwara rin ang aking buhay. At unti-unti, napagtanto kong hindi pala sa barkada natatagpuan ang tunay na kaligayahan, lalo pa't kung iyon pa ang magbibigay sa 'yo ng problema." " Anong problema?" tanong ko. "Malaya nga ako, pero pati pag-aaral ko, napabayaan ko, iyon puro bagsak ang mga subjects ko." |
{3.43}
Aywan, hindi ko mailarawan ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Pakiramdam ko, para akong nabuhusan ng malamig na tubig. "Marami pa akong dapat matutuhan. Marahil, nadala lang ako sa pagiging tipikal kong tinedyer, na kaunting paghihigpit ng mga magulang, ay magrerebelde na. Pero mali. Sa kagaya natin, kailangan pa ng gabay ng mga magulang. Naisip ko, darating din ang tamang panahon ng tunay na kalayaan na hinahanap ko." |
{3.44}
"Ano ang plano mo ngayon?" wala sa loob na tanong ko. "Eto, pauwi sa probinsiya. Hihingi ng tawad sa aking mga magulang sa ginawa kong pagrerebelde at paglalayas. Natitiyak kong mapapatawad nila ako, alam kong walang magulang na nakakatiis sa anak, kahit nagkasala man iyon. Hindi pa naman huli ang lahat, maitutuwid ko pa ang mga pagkakamali ko," malumanay niyang sabi ngunit damang-dana ko ang kanyang sinseridad. |
{3.45}
Napapikit ako. Dinama ko ang hangin na nagmumula sa nakabukas na bintana ng bus. Naalala ko ang balak kong paglalayas. Pinagtani-tagni ko ang katwiran ni Nieva. Hindi ko nga siya lubusang kilala pero napakarami niyang sinasabi sa akin. Pangalan lang niya ang alam ko.Hindi ko inilahad sa kanya ang aking saloobin. Ano't iisa lang pala ang aming damdamin. Damdaming maaaring magbulid sa amin sa kapariwaraan. A, napariwara na pala si Nieva, ngunit iyon din ang nagbukas sa kanyang isipan na mali ang kanyang ginawa, na higit kailanman, sa akin. |
{3.46}
Mahirap nga marahil ang magpasya nang hindi tiyak. Kailangan pa ng isang tao upang mapagtanto ko na mali pala ang aking gagawin. Bata pa ako, nag-aaral at kailangan ko pa marahil ang gabay ng mga magulang. Marahil, kagaya ni Nieva, nadala lang ako sa impluwensiya ng aking mga barkada, parang ibong malaya. Ngunit alam ko, sa bandang huli, naroon ang pagsisisi. At ako, hindi pa man, parang gusto ko nang magsisisi. |
{3.47}
Pagkaraa'y nilipad na ng hangin ang dapat ko pang sabihin kay Nieva. Estranghera nga talaga siya dahil napakarami na niyang naikuwento, pero di man lang siya nagpaalam sa akin nang bumaba na siya sa isang bayan. Parang wala sa loob siyang bumaba ng bus, bitbit ang bag. Sinundan ko siya nang tingin, nagbabakasakaling bumaling sa akin para man lamang makawayan ko siya. Ngunit kagaya ng isang estranghera, basta na lamang siyang sumabay sa agos ng mga nagsibabang mga pasahero ng bus, hanggang sa naglaho siya sa aking paningin. |
{3.48}
Ni hindi ko naitanong kung saan siya nag-aaral, kung saan siya nakatira. Ngunit hindi na marahil kailangan iyon, ang mahalaga, siya ang nagbukas sa akin nalalambungang isipan. Napagtanto ko, hindi a pagrerebelde at paglalayas solusyon upang masumpungan ko ang kalayaan. Tama si Nieva, darating din ang panahong lalaya rin ako, ngunit isang kalayaang magbibigay sa akin ng katiwasayan, walang masasaktan. |
{3.49}
Kalayaang magdudulot ng kaligayahan, at hindi ng kapariwaraan. At kay Nieva, napariwara man, alam kong sumisilip pa rin ang bagong pag-asa para sa kanya. Kaya nang makarating ako sa aming bayan, magaan na inihatid ako ng aking mga paa sa aming bahay, sa piling ng aking mga magulang. Ramdam kong walang pag-alinlangan iyon. At aywan, kusang naglaho sa aking diwa ang mapangahas sa pagpapasya. |
{3.50}
Iyon ang mga bagay ng magpabiling-biling sa aking sa sa higaan. Hanggang ngayon, naalaala ko pa rin si Nieva. Estranghera man siya sa akin, ngunit ang kanyang naiwang kwento ay mananatiling naka ukit sa aking isipan. Hindi man kami lubos na nagkilala ngunit malaki ang naiwan niyang pitak sa aking puso. Di ko nga rin maunawaan kung bakit siya nakapagkuwento sa akin nang ganoon. |
{3.51}
Siguro, sadyang pinag-adya iyon ng tadhana upang iligtas ako sa marahas na pasya. Naisip ko, kung sakaling hindi kami nagtagpo ng landas ni Nieva, marahil ay napariwara rin ako. Tila nagugulumihanan akong isipin iyron. Kaya kung pahintulutan uli ng tadhana na makasakay ko si Nieva sa bus, hindi ako mag-aatubiling pasalamatan siya. |
Die filipinische Sprache von
Armin Möller http://www.germanlipa.de/text/estrang.html 071111 - 220609 |