Werkstatt / Gawaan
Arrivederci   (• Arrivederci)

1 Einleitung / Pambungad
3 Texte / Mga Kasulatan


1 Einleitung / Pambungad

Villanueva, Bella M.: Arrivederci
Quelle / Pinagmulan → {16A-2 Arrivederci}.

Wir haben den Text aus sprachlichen Gründen ausgewählt. Trotzdem ist es interessant zu sehen, welche philippinischen Vorstellungen über Europa herrschen (Verwandtenbegleitung zum Flughafen, Scheinehe, illegaler Aufenthalt vom Kloster toleriert, Geld im Umschlag, Gebrauch des Englischen statt des Italienischen).


3 Texte - Mga Kasulatan

{3.1}
"Arrivederciii!" malakas na sigawan nina Mirella at Vincenzo, kapatid at bayaw ni Ronaldo, at ang kanilang kambal na anak habang inihahatid ng masiglang kaway sina Ronaldo at Jessica papasok sa airport. Lilipad sila patungong Paris. "Arrivederci!" ist der laute Ruf von Mirelle und Vincento, Schwester und Schwager von Ronaldo, und deren Zwillingen, als sie Ronald und Jessika unter fröhlichem Winken zum Flughafen begleiten. Sie wollen nach Paris fliegen.
"Arrivederciii!" masayang tugon naman nina Ronaldo at Jessica. "Goodbye. Until we see each other again." "Happy, Signora Donatelli?" masuyong tanong ni Ronaldo nang hindi na nila makita sina Mirella. " Very, very happy, Signor Donatelli," nakangiting tugon ni Jessica. Maligayang-maligaya nga si Jessica. Isang kaligayahang hindi niya sukat akalaing mapasakanya noong nakaraang tatlong buwan. Parang kailan lamang ... "Arrivederci!" ist die freundliche Antwort von Ronaldo und Jessica. "..." ist die zärtliche Frage von Ronaldo, als sie Mirelle und die anderen nicht mehr sehen. "...", ist die lächelnde Antwort von Jessica. Jessica ist überglücklich. Ein Glück, von dem sie nicht genug glauben kann, dass sie es seit drei Monaten hat.

{3.2}
"Iyon lamang ang tanging magagawa mo. Kung hindi, malamang na ma-deport ka," paliwanag ni Atty. Mariano kay Jessica. Diborsiyuhin ang kanyang asawa sa Pilipinas at mag-asawa ng isang Italyano? Parang sinabugan ng bomba si Jessica. Paano na ang kanilang mga pangarap? Malaki na ngang sakripisyo ang pagpunta niya sa Italya upang makaangat-angat sa buhay. Ngayon naman ay kailangan niyang magpakasal sa iba upang maging legal ang pagtigil niya sa Italya. Das ist alles, was Sie tun müssen. Falls nicht, werden Sie wahrscheinlich ausgewiesen.", erklärt Anwalt Mariano Jessica. Sich von ihrem Mann in den Philippinen scheiden zu lassen und einen Italiener zu heiraten? Als ob Jessica von einer Bombe getroffen wäre. Wie sind ihre gemeinsamen Träume? Das war doch wirklich ein großes Opfer, nach Italien zu gehen, um ihr Leben zu verbessern. Und jetzt soll sie jemanden anderes heiraten, um ihren Aufenthalt in Italien legal zu machen.
"Hindi ko yata magagawa, Attorney," tanggi ni Jessica. "Hindi iyon mauunawaan ng aking mga anak." "Kung gayo'y wala akong maitutulong sa iyo. Ngunit kung magbago ang isip mo, marami akong kakilalang Italyano na handang tumulong sa bagay na ito." "Wahrscheinlich werde ich das nicht tun, Herr Anwalt", lehnt Jessika ab. "Da haben meine Kinder kein Verständnis für." "Wenn das so ist, kann ich Ihnen nicht helfen. Aber falls Sie sich eines anderen besinnen, ich habe viele italienische Bekannte, die bereit sind, Ihnen in dieser Sache zu helfen.
Parang wala sa sariling umalis ng tanggapan si Jessica. Gulung-gulo ang isip. Maganda na sana ang kanyang kalagayan sa Venezia. Kahit hindi pa legal ang kanyang katayuan sa Italya, tinanggap siya ng mga madre sa kumbento. Limang taon na siyang namamahala ng pagkain sa Institute San Giuseppe. Katulad ng ibang religious houses sa Italya, matagal nang bukas ang Instituto para sa mga seminar at turista upang kumita nang kaunti. Ganz außer sich verließ Jessica die Kanzlei. Ihr Denken war durcheinander. Wenn doch ihre Lage in Venedig in Ordnung wäre. Obwohl ihr Aufenthalt illegal war, haben sie die Nonnen im Kloster aufgenommen. Fünf Jahre ist sie jetzt verantwortlich für die Küche im Institute San Guiseppe. Wie andere Klöster in Italien, ist das Instituto offen für Pilger und Touristen, um etwas hinzuzuverdienen.

{3.3}
Dating titser si Jessica sa Looc, Romblon. May asawa at dalawang anak - isang lalaki at babae. Labing-isang taon gulang na si Rodney at siyam naman si Amber. Mga paslit pa ito nang siya'y lumipad sa Italya bilang turista upang humanap ng bagong kapalaran. At sapagkat hindi legal ang katayuan, hindi nakauwi ni minsan man si Jessica kaya't gayon na lamang ang kanyang pananabik sa mga anak. Früher war Jessica Lehrerin in Look, Romblon. Sie hat Ehemann und zwei Kinder, einen Jungen und ein Mädchen. Elf Jahre ist Rodney jetzt alt und Amber neun. Sie waren noch klein (unschuldig), als sie als Tourist nach Italien ging, um ein neues Schicksal zu suchen. Und da sie illegal dort war, konnte Jessica nicht ein einziges Mal nach Hause fahren, wie groß auch die Sehnsucht nach ihren Kindern war.
Isang titser din sa elementarya sa Looc ang asawa ni Jessica. Bagamat masakit pagkawalay sa asawa, wala siyang nagawa kundi lunukin ang mga pangyayari upang mabigyan nila ng magandang kinabukasan ang kanilang dalawang anak. Jessicas Mann war auch Lehrer an der Grundschule in Look. Obwohl er unter der Trennung von seiner Frau litt, konnte er nichts tun, als die Geschehnisse zu schlucken, um ihren beiden Kindern eine gute Zukunft zu geben.
Si Jessica ang nagmungkahing makipagsapalaran sa Venezia dahil may pinsan siyang nagtatrabaho sa isang hotel. Isang linggo pa nga lamang si Jessica sa Venezia ay natanggap na siya sa Instituto San Giuseppe. Nagustuhan siya ng isang Pilipinang madre na may mataas na katungkulan sa kumbento. Noong una'y taga-linis siya ng mga kwarto subalit nang malaunan ay siya na ang namahala ng kusina. Jessica hat vorgeschlagen, in Venedig ein Wagnis einzugehen, weil sie eine Kusine hat, die in einem Hotel arbeitet. Nach nur einer Woche in Venedig wurde Jessica im Instituto San Guiseppe empfangen. Eine philippinische Nonne, die eine hohe Funktion im Kloster hat, ist ihr freundlich gesinnt. Sofort wurde sie Putzfrau für die Zimmer, aber nach einer Zeit wurde sie auch für die Küche verantwortlich.

{3.4}
Dear Ruben, Hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanag subalit ito lamang ang paraan upang matupad ang ating pangarap para sa mga bata. Kalakip ng sulat na ito ang ating divorce papers. Pansamantala lamang ito. Pagkalipas ng dalawang taon ay puwede na akong magkaroon ng resident status. Didiborsiyuhin ko ang Italyanong pakakasalan ko at maaari na tayong pakasal muli. Huwag kang mag-alaala. Sa papel lamang ang kasal namin. Jessica Lieber Ruben, ich weiß nicht, wie ich dir dies aber erklären kann, den Weg, um meine Träume für die Kinder zu erfüllen. Diesem Brief beigefügt sind unsere Scheidungspapiere. Vorläufig nur diese. Nach zwei Jahren kann ich den Status als Ansässiger erhalten. Dann lasse ich mich von dem verheirateten Italiener, und wir können wieder heiraten. Stör dich daran nicht. Meine neue Heirat ist nur auf dem Papier. Jessica
Hindi pinirmahan ni Ruben ang papeles na ipinadala ni Jessica subalit nagawan iyon ng paraan ni Atty. Mariano kaya't nakasal din si Jessica kay Ronaldo Donatelli, 35 taon sa 34 ni Jessica. Mabait si Ronaldo at maginoo. Sabi nga ng pinsan ni Jessica, suwerte siya kay Ronaldo dahil bukod sa magandang lalaki at maginoo ay mainam ang trabaho.Ruben hat die Papiere, die Jessica ihm geschickt hat, nicht unterschrieben, aber es lief nach der Methode von Anwalt Mariano, Jessica heiratete Ronaldo Donatelli, 35, Jessica war 34. Ronaldo war freundlich und ritterlich. Die Kusine von Jessica sagte dann auch, dass sie Glück mit Ronaldo habe, der nicht nur gut aussehend und ritterlich sei, sondern auch tüchtig in seinem Beruf.

{3.5}
Manedyer ng Hotel Danieli sa Venezia si Ronaldo. Noong una'y gusto nitong tumigil sa pagtatrabaho si Jesska sapagkat kayang-kaya raw nitong suportahan ang asawa. Hindi raw ba ganoon din ang tradisyon sa Pilipinas? Subalit hindi pumayag si Jessica. Wala iyon sa kanilang usapan at kailangan niyang magpadala ng suporta sa kanyang anak. Isa pa'y nawawaglit sa isipan ni Jessica ang pamilya sa Pilipinas kung siya'y abala sa trabaho. Ronald war Geschäftsführer des Hotels Danieli in Venedig. Nach einer Zeit wollte er, dass Jessica aufhört zu arbeiten, weil er seine Frau unterhalten könne. Ist das nicht gegen die philippinische Tradition? Aber Jessica stimmte nicht zu. ... Und sie muss Unterhalt für ihre Kinder schicken. Sie machte sich keine großen Gedanken um ihre Familie in den Philippinen, da sie mit ihrer Arbeit sehr beschäftigt war.
Walang saglit na hindi binibilang ni Jesska ang mga araw. Sabik na sabik na siyang matapos ang dalawang taon upang makauwi na. Bagamat hindi na siya nakabalita kay Ruben, patuloy namang nakikipag-ugnayan sa kanya ang mga anak sa tulong ng teknolohiya ng cell phone. Hindi niya alam kung sinabi ni Ruben ang mga pangyayari ngunit wala siyang narinig sa mga anak tungkol dito. Keinen Augenblick zählte Jessica nicht die Tage. Sie war so erpicht, die zwei Jahre zu beenden, um nach Hause zurück zu können. Obwohl sie nichts von Ruben hörte, war sie weiterhin mit ihren Kindern durch die Mobilphontechnologie verbunden. Sie wusste nicht, ob Ruben den Kindern alles gesagt hatte, aber sie hörte von denen nichts darüber.

{3.6}
Habang buong pananabik na hinihintay ni Jessica ang paglipas ng dalawang taon, unti-unti namang nababahala si Ronaldo. Kung maaari'y ayaw nitong dumating ang pagtataposng kanilang kasunduan. Lingid kay Jessica, dalawang buwan pagkaraan ng kanilang kasal, ibinigay ni Ronaldo ang halagang kanilang napagkasunduan kay Atty. Mariano upang isauli kay Jessica pagdating ng panahon bilang tanda ng tapat nitong hangarin sa kanilang napagkasunduan. Während Jessica sehnsüchtig das Verstreichen der zwei Jahre erwartete, kümmerte sich Ronaldo Schritt für Schritt um sie. Wenn möglich, sollte das Ende ihrer Vereinbarung nicht kommen. Unbemerkt von Jessica gab Ronaldo zwei Monate nach ihrer Heirat das vertragliche Geld an Anwalt Mariano, um es Jessica zu gegebener Zeit zurückzugeben als Zeichen seiner ernsthaften Bewunderung für ihre Vereinbarung.
Nahulog ang damdamin ng binata kay Jessica. Nakita ni Ronaldo kay Jessica ang lahat ng katangiang hinahanap sa isang babae. Subalit pilit ikinubli ni Ronaldo ang damdamin. "You're doing it again, amore," pansin ni Ronaldo. Amore? Bahagyang nagulat si Jessica dahil ngayon lamang niya narinig kay Ronaldo ang katumbas ng mahal ko sa wikang Tagalog. "I mean, you did not hear me because you think too much of your family", mabilis na dugtong ni Ronaldo. Die Gefühle des Junggesellen (Ronaldo) fielen auf Jessica. Ronaldo sah in Jessica alles, was ein Mann in einer Frau sucht. Aber Ronaldo bezwang seine Gefühle. "...", sagt Ronaldo. Amore? Jessica erschrickt ein wenig, weil sie eben das Gegenstück zu mahal ko in Tagalog gehört hat. "...", fügt Ronaldo schnell hinzu.

{3.7}

"What is it, Ronaldo?" "I said we could go visit my sister and her family in Como. My vacation is coming up and you can have vacation too. The rest will do you good. And my sister, brother-in-law and nephews are looking forward to meeting you." "But ... this is only a temporary marriage."

"Temporary, yes. But it is still a marriage and I don't want my relatives to sense anything wrong. They were already upset when we got married without them." "Okay, I am sure there will be no problem with the Institute about a two-week vacation."

Hindi akalain ni Jessica na magugustuhan niya ang pagbabakasyon sa Como. Nasa likod-bahay lamang nina Mirella at Vincenzo ang Lake Como at abot tanaw sa beranda. Maganda ang luntiang bulubundukin sa ibayo ng lawa at tahimik ang kapaligiran. At nakadama si Jessica ng kapayapaan at kasiyahan sa piling ng pamilya ni Ronaldo. Buong puso siyang tinanggap pati ng nakatutuwang apat na taong kambal na pamangking lalaki ni Ronaldo.

{3.8}
Walang pagsidlan ang kasiyahan ni Jessica sa pagbabakasyon subalit nahalata niya na ibayo ang pag-aasikaso sa kanya ng 'asawa'. Ipinapasyal siya nito sa mga magagandang lugar sa Como sa Piazza San Fedele sa Old Walled Town kung saan maraming matatanda at makasaysayang gusali at basilika.

Madalas silang mamangka sa lawa kung malapit nang lumubog ang araw katulad nang pamamasyal nila sa mga kanal sa Venezia sakay ng gondola. O kaya'y umakyat ng burol at pagmasdan mula sa ituktok ang kagandahan ng lawa. O kumain sa Piazza Cavour at tanawin ang kabigha-bighaning lago.

Dinalaw nila ang mga kamag-anak nina Ronaldo hanggang sa karatig bayan at buong pagmamalaki siyang ipinakilala bilang asawa. Malugod siyang tinanggap ng mga ito at hindi sila umuuwi na walang bitbit na keso, hamon, alak o kaya'y sariwang prutas. Nahihiya siya sa magandang pagtanggap ng mga ito dahil sa kanilang pagpapanggap. Subalit binigyang diin ni Ronaldo na sila ay legal na mag-asawa.

{3.9}
Dear Jessica, Magtataka ka marahil sa sulat kong ito pagkatapos ng matagal kong pagsasawalang-kibo. Nasaktạn akọ sa ginaw mong pagdiborsiyo para lamang makapagtrabaho nang legal sa Venezia. Halos walang direksiyon ang buhay ko noong una. Hindi ko matanggap na mas mahalaga ang salapi kaysa pagmamahalan natin, kaysa pamilya natin. Subalit nakabangon ako sa tulong ni Celia na kaibigan natin. Kung hindi dahil sa kanya, marahil ay wala na ako sa mundong ito at napahamak ang ating mga anak. Liebe Jessica, du wirst vielleicht überrascht von diesem meinen Brief sein nach meiner langen Zurückhaltung. Dein Verhalten, sich wegen einer legalen Arbeit in Venedig scheiden zu lassen, hat mich verletzt. Seitdem hat mein Leben kaum noch eine Richtung. Ich betrachte (empfange) das Geld nicht wichtiger als die Zeichen unserer Liebe, als unsere Familie. Aber ich musste mich um Hilfe an unsere Freundin Celia wenden. Wenn sie nicht gewesen wäre, wäre ich vermutlich nicht mehr auf dieser Welt und unsere Kinder wären schlimm dran.
Aalis si Celia patungong Dubai upang magturo. Sasama ako sa kanya at magtatrabaho sa isang Export-Import Trading Company. Doon na kami magpapakasal. Maganda ang aming sahod at maisasama namin ang mga bata. Kaya't magiging buo pa rin ang aking pamilya. Hindi ko akalaing malilimutan kita kaagad. Ngunit alam kong batid mo na kahit magkabalikan pa tayo ay hindi na mananauli ang dati nating pagsasama. Patawarin mo ako kung hindi kita naunawaan. Pero sana'y maunawaan mo na kailangan ko rin ang sariling buhay. Celia geht als Lehrerin nach Dubai. Ich werde ihr folgen und in einer Export-Import Trading Company arbeiten. Dort werden wir heiraten. Wir haben ein gutes Gehalt und können gut für die Kinder sorgen.Damit wird meine Familie auch wieder vollständig. Ich konnte mir erst nicht vorstellen, dich zu vergessen. Aber ich weiß, dir ist bewusst, dass unser Zusammensein nicht mehr wie früher sein wird, selbst wenn du zurückkommst. Ich bitte dich um Entschuldigung, wenn du mich nicht verstehst. Aber ich wünsche mir, dass du verstehst, dass ich auch ein eigenes leben brauche.
Hindi pa malinaw ang lahat sa mga bata. Mauunawaan din nila iyon balang araw. Pero alam nilang doon na muna kami sa Dubai. Maganda naman ang relasyon nila kay Celia at umaasa ako na matatanggap nila ito bilang pangalawang ina. Malayang makadadalaw sa iyo ang ating mga anak. Huwag kang mag-alaala. Ruben Das alles für die Kinder ist noch nicht deutlich. Sie verstehen das auch eines Tages. Aber sie wissen, dass wir zunächst dort in Dubai sind. Ihre Beziehung zu Celia ist recht gut und ich hoffen, dass sie sie als als zweite Mutter akzeptieren. Vergiss nicht. Ruben

{3.10}
Matagal na napatigalgal si Jessica sa nabasa. Bumalong ang luha. Halos walang tigil. Wala na ang pinanabikan niyang pamilya. Wala na siyang uuwian sa Pilipinas. Hindi alam ni Jessica kung gaano siya katagal sa pagkakaupo sa sala. Sa pagtingin sa kawalan. Naramdaman na lamang niya ang pagpisil ni Ronaldo sa kanyang balikat. Hindi ito nagtanong. Nahulaan marahil nito ang laman ng sulat sa kanyang kandungan dahil sa kanyang anyo. Lange war Jessica beim Lesen überrascht. Ihre Tränen flossen. Fast unaufhörlich. Zu Ende ihre Sehnsucht nach ihrer Familie. Keine Heimkehr mehr in die Philippinen. Jessica wusste nicht, wie lange sie so in ihrem Wohnzimmer saß. Sich ihren Verlust betrachtete. Sie fühlte nur den Druck Ronaldos an ihrer Schulter. Er fragte nichts. Vielleicht erriet er den Inhalt des Briefes auf ihrem Schoß wegen ihres Aussehens.

{3.11}
"Anong pera ito, Attorney?" naguguluhang tanong ni Jessica nang bigyan siya ni Atty. Mariano ng sobreng may lamang salapi. "Iyan ang perang ibinayad mo kay Ronaldo. Isinasauli niya. Basahin mo na lamang ang kalakip na sulat." Magulo pa rin ang isipan ni Jessica nang bumalik sa apartment ni Ronaldo. Hindi niya alam kung paano haharapin si Ronaldo pagkatapos niyang mabasa ang sulat nito. "Well?" bungad ni Ronaldo sabay ng isang kopitang alak pagpasok ni Jessica sa sala. "Frankly, I ... I don't know what to say I did not expect this." "Was für Geld ist das, Herr Anwalt?" ist die verwirrte Frage von Jessica als sie von Anwalt Mariano einen Umschlag mit Geld erhält. "Das ist das Geld, das Sie für Ronaldo bezahlt haben. Er gibt es zurück. Lesen Sie bitte den beigefügten Brief." Jessicas Denken ist noch durcheinander, als sie zu Rinaldos Wohnung zurückgeht. Sie weiß nicht, wie sie Ronaldo suchen kann, nachdem sie diesen Brief gelesen hat. "...?" fängt Ronaldo an mit einem Weinglas mit Schnaps, nachdem Jessica in das Wohnzimmer kam. "..."

"Not even a bit? Honestly," arok ni Ronaldo. "A bit, yes, because you had been so nice to me: I thought ... that was just that." "I think if you are really honest about it, I was not just being nice." "You like me a little, yes?" tanong ni Ronaldo pagkalipas ng ilang saglit. "Yes, but ...", mahinang sagot ni Jessica. "That's it then. You can go to your cousin's place and I will start courting you. It is the custom in the Philippines, yes?" "Yes, but ..."

I love you, Jessica, as I wrote in my letter so I will wait until you tell yourself you love me, too. Come, I will bring you to your cousin. You like traveling in a gondola, yes?" "Ronaldo ...", bantulot na wika ni Jessica. "Shhhhh."

{3.12}
"Darling, we are here", basag ni Ronaldo sa pagbabalik-alaala ni Jessica sabay halik sa asawa. "Ready for Paris?" "Very much ready," masayang tugon ni Jessica at mahigpit na yumapos sa asawa. Handang-handa siya sa isang bagong pag-ibig at buhay. Arrivederci sa nakaraan.


Armin Möller   http://www.germanlipa.de/text/arri.html
070202 - 220716

Ende / Wakas   Arrivederci

↑↑   Werkstatt / Gawaan   Ugnika