1 Einleitung / Pambungad
3 Texte / Mga Kasulatan
4 Nichtkanonische Sätze / Pangungusap sa Ayos na Kabalikan
5 Einzeldaten / Bagay-bagay 5.1 5.2
5.3
Custodio, R. M.: Pabula: Isang Makabagong Koleksyon
Quelle / Pinagmulan → {16A-2 Aesop}.
{3.1.1}
Ang Lobo at ang Kambing
Isang lobo ang nahulog
sa balon na walang tubig. Sinikap
niya ang tumalon upang
maka-ahong palabas, ngunit lubhang
malalim ang balon na kanyang
kinahulugan. Noon
dumating ang isang uhaw na
uhaw na kambing. Lumapit
ito sa balon at narining ang
tinig ng lobo.
"Marami bang tubig sa loob
ng balon?" tanong nito
sa lobo. "Oo, napakarami!" ang pagsisinungaling
na sagot naman ng lobo.
{3.1.2}
Hindi na nagdalawang-isip
pa ang kambing. Agad itong
tumalon sa balon. At nalaman ngang
siya'y niloko lamang ng lobo.
"Ngayo'y pareho na tayong
bilanggo ng balon
na ito," ang sabi ng lobo. "Mamamatay tayo sa uhaw at gutom dito," ang sabi ng kambing.
"Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong naisip na paraan
kung papaano nating gagawin iyon."
"Papaano?"
Noon ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing. "Ako muna ang lalabas. At kapag
nakalabas na ako, at saka kita hahatakin palabas," pangako nito. "Sige," ang sabi naman
ng kambing.
{3.1.3}
Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngunit noong pagkakataon
na ng kambing para tulungan nito'y agad iyong tumawa ng malakas. Pagkuwa'y sinabing,
"Walang lobong manloloko kung walang kambing na magpapaloko."
{3.2.1}
Ang Uwak na Nagpanggap
Isang uwak ang nakakita ng mga lagas na balahibo ng pabo sa lupa. Pinagmasdan niya iyon
at nasiyahan sa iba't ibang kulay na taglay niyon. At dahil sawa na siya sa pagiging isang
itim na ibon, iyon ay kanyang pinulot isa-isa at saka idinikit sa kanyang
katawan. Iyon lang at dali-dali siyang lumipad patungo sa grupo ng mga pabo at nagpakilala
bilang kauri ng mga ito.
{3.2.2}
Ngunit sadyang kilala ng mga pabo ang kanilang kauri, kaya naman hindi rin nagtagal ay
nabisto ng mga ito ang nagkukunwaring uwak. Dahil dito, inalis ng mga pabo ang iba't
ibang kulay na balahibong nakadikit sa katawan ng uwak.
Pagkuwa'y pinagtutuka nila ito hanggang sa takot na lumisan.
{3.2.3}
Nang magbalik ang uwak sa kanyang mga kauri, hindi na rin siya tinanggap ng mga
ito. At sinabing, "Hindi namin kailangan ang isang tulad mong walang pagmamahal sa
sariling anyo!"
{3.3.1}
Ang Aso at ang Kanyang Anino
Isang aso ang nakahukay ng buto sa lupa. Tuwang-tuwa siya at dali-daling hinawakan ang
buto sa pamamagitan ng kanyang bibig. Dinala niya ang buto upang iuwi sa kanyang tirahan,
ngunit nang siya ay malapit na, napadaan siya sa isang ilog. Pinagmasdan niya
ang ilog at doo'y nakita niya ang sariling anino. Sa pag-aakalang ibang aso iyon
na may hawak-hawak ring buto sa bibig, tinahulan niya iyon nang tinahulan upang maangkin
din ang butong pag-aari nito.
{3.3.2}
Dahil dito, humulagpos mula
sa kanyang bibig ang butong hawak-hawak at nahulog sa ilog. Tinangay ng
agos ang buto at hindi na uli nakuha pa ng sakim na aso.
{3.4.1}
Ang Inahing Manok at ang Kanyang mga Sisiw
Isang inahing manok na may anak na tatlong sisiw ang naninirahan sa gitna ng taniman ng
mais. Isang araw, lumabas ng bahay ang magsasakang may-ari ng taniman at sinabing, "Panahon
na upang anihin ko ang aking maisan! Kailangan tawagin ko ang aking mga kapit-bahay upang
tulungan ako sa aking pag-ani bukas!"
{3.4.2}
Narinig ito ng mga sisiw at agad iminungkahi sa kanilang ina, "Kailangang lumikas
na tayo rito at humanap ibang matitirahan inang! Kung hindi, matatagpuan tayo rito ng mga
magsisipag-ani bukas at huhulihin upang patayin!" "Huwag kayong mabahala mga anak," ang
wika ng inahing manok. "Kung mga kapit-bahay lamang ang aasahan niya, hindi agad
magsisipag-kilos ang mga iyon! May panahon pa tayo upang manirahan dito." Tama nga ang
sinabi ng inahing manok. Sapagkat kinabukasan nga'y walang mga kapit-bahay
na dumating upang tumulong sa pag-ani ng magsasaka.
{3.4.3}
"Kung hindi ko maasahan ang aking mga kapit-bahay,
sa aking mga kamag-anak ako lalapit upang humingi ng tulong sa isasagawa kong pag-ani
bukas!" Narinig ng mga sisiw ang sinabi ng magsasaka at dali-daling iminungkahi sa kanilang
ina. Ngunit muli, hindi nabahala ang inahing manok at sinabing, "Kung sa mga kamag-anak
lamang siya aasa hindi magsisipagsunod ang mga iyon! May mga trabaho ring dapat asikasuhin
ang mga iyon at tiyak na hindi maasahan. May
panahon pa tayo para manirahan dito mga anak!"
{3.4.4}
Kinabukasan nga'y tama uli ang sinabi ni inahing manok. Walang kamag-anak na
dumating ang magsasaka upang tulungan siya sa pag-ani sa maisan. Dahil dito, napilitan ang
magsasakang tawagin ang kanyang anak at sinabing, "Bukas na bukas din, tayong dalawa na
lamang ang aani sa ating pananim. Wala tayong ibang maaasahan kundi ang ating mga
sarili!"
{3.4.5}
Nang marinig iyon ng mga sisiw, dali-dali silang
nagtungo sa kanilang ina at iminungkahi rito ang sinabi ng magsasaka. Noon nagdesisyon ang
inahing manok na lumisan sila sa lugar na iyon, at sinabing, "Kung sinabi ng magsasaka
na siya na ang gagawa ng pag-ani, dapat tayong maniwala! Sapagkat totoong walang sinuman
siyang maaasahan kundi ang kanyang sarili!"
Luma at kasalukuyang daglat | |||
Luma | Bago | ||
P-P | P-P | Pariralang panaguri | |
P-S | P-T | Pariralang paniyak | |
P-A | P-K | Pariralang pandako | |
P-V | P-D | Pariralang pandiwa | |
A | /N | Pangnagdaan | |
E | /K | Kasalukuyan | |
F | /H | Panghinaharap | |
N | /W | Pawatas | |
P-N | P-N | Pariralang makangalan | |
P-J | P-U | Pariralang pang-uri | |
P-E | P-OD | Pariralang pangkaroon | |
P-A/E | P-OD | Pariralang pangkaroon | |
C | S- | Sugnay | |
/PS | PT | Pagkakasunud-sunod na karaniwan: Panaguri - Paniyak | |
/PSP | PTP | Pagkakasunud-sunod na karaniwan: Panaguri - Paniyak - Panaguri | |
/YPS | YPT | Pagkakasunud-sunod na karaniwan: Panaguring may ay - Paniyak | |
/YPSP | YPTP | Pagkakasunud-sunod na karaniwan: Panaguring may ay - Paniyak - Panaguri | |
/SYP | TYP | Pagkakasunud-sunod na kabalikan: Paniyak - Panaguring may ay | |
/IC | GG | Panggitaga (Panaguri - (Paniyak) - Panaguri) | |
/P0 | P0 | Sugnay na walang paniyak | |
/YP0 | YP0 | Sugnay na walang paniyak (may ay ang panaguri) | |
VA Va | DT | Pandiwang tahasan | |
VP Vp | DB | Pandiwang balintiyak |
{3.1.1} - {3.2.2} | ||||
P-P | P-S | D | ||
P-N | P-V | /PS | Va | Isang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. |
P-V | P-V | /PS | VP | Sinikap niya ang tumalon upang maka-ahong palabas, |
P-J | P-N | /PS | - | ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang kinahulugan. |
P-V | P-N | /PS | Va | Noon dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. |
P-V | P-N | /PSP | Va | Lumapit ito sa balon |
P-V | P-N | /PS | VP | at narining ang tinig ng lobo. |
P-V | P-N | /PS | Va | Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing. |
P-V | P-N | /IC | Va | Agad itong tumalon sa balon. |
P-V | P-N | /SYP | VP | At nalaman ngang siya'y niloko lamang ng lobo. |
P-V | P-N | /PSP | Va | Mamamatay tayo sa uhaw at gutom dito |
P-V | - | /P0 | Va | Kung gusto mong makaalis dito, |
P-V | P-N | /PS | Va | magtulungan tayo. |
P-E | P-N | /IC | - | Mayroon akong naisip na paraan |
P-V | P-N | /PS | VP | kung papaano nating gagawin iyon. |
P-V | P-N | /PS | VP | Noon ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing. |
P-N | P-V | /PS | Va | "Ako muna ang lalabas. |
P-V | P-N | /PS | Va | At kapag nakalabas na ako, |
P-V | P-N | /PS | Va | Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. |
P-V | P-N | /IC | Va | ... agad iyong tumawa ng malakas. |
P-E | - | /P0 | - | "Walang lobong manloloko |
P-E | - | /P0 | - | kung walang kambing na magpapaloko." |
P-V | P-N | /PS | Vp | Malungkot na naiwanan ang kambing sa malalim na balon. |
P-N | P-V | /PS | VA | Isang uwak ang nakakita ng mga lagas na balahibo ng pabo sa lupa. |
P-V | P-N | /PS | VP | Pinagmasdan niya iyon |
P-V | - | /P0 | VP | at nasiyahan sa iba't ibang kulay na taglay niyon. |
P-J | P-N | /PS | - | At dahil sawa na siya sa pagiging isang itim na ibon, |
P-V | P-N | /SYP | VP | iyon ay kanyang pinulot isa-isa |
P-V | - | /P0 | VP | at saka idinikit sa kanyang katawan. |
P-V | P-N | /IC | Va | Iyon lang at dali-dali siyang lumipad patungo sa grupo ng mga pabo |
P-J | P-N | /PS | - | Ngunit sadyang kilala ng mga pabo ang kanilang kauri |
P-P | P-S | Reihenfolge | VA - VP | ||||||||||||
P-V | P-J | P-... | P-N | P-V | P-.. | /PS(P) | /YPS | /SYP | /IC | /P0 | VA | Va | VP | Vp | |
1 | 21 | 3 | 6 | 21 | 4 | 0 | 19 | 0 | 2 | 4 | 5 | 1 | 13 | 9 | 1 |
{3.1.2} - {3.4.2} | ||||
P-P | P-S | RF | Verb | |
P-V | P-N | /YPS | VP | , kaya naman hindi rin nagtagal ay nabisto ng mga ito ang nagkukunwaring uwak. |
P-V | P-N | /PS | VP | Dahil dito, inalis ng mga pabo ang iba't ibang kulay ... |
P-V | P-N | /YPS | VP | Pagkuwa'y pinagtutuka nila ito hanggang sa takot na lumisan. |
P-V | P-N | /PS | Va | Nang magbalik ang uwak sa kanyang mga kauri, |
P-V | P-N | /IC | VP | hindi na rin siya tinanggap ng mga ito. |
P-J | P-N | /PS | - | Hindi namin kailangan ang isang tulad mong ...! |
P-N | P-V | /PS | VA | Isang aso ang nakahukay ng buto sa lupa. |
P-J | P-N | /PS | - | Tuwang-tuwa siya |
P-V | P-V | /PS | VP | at dali-daling hinawakan ang buto sa pamamagitan ng kanyang bibig. |
P-V | P-N | /PS | VP | Dinala niya ang buto |
P-V | - | /P0 | VP | upang iuwi sa kanyang tirahan, |
P-J | P-N | /SYP | - | ngunit nang siya ay malapit na, |
P-V | P-N | /PSP | Va | napadaan siya sa isang ilog. |
P-V | P-N | /PS | VP | Pinagmasdan niya ang ilog at |
P-V | P-N | /YPS | VP | doo'y nakita niya ang sariling anino. |
P-N | P-N | /PS | - | Sa pag-aakalang ibang aso iyon na may hawak-hawak ring buto ... |
P-V | P-N | /PS | VP | tinahulan niya iyon nang tinahulan |
P-V | P-N | /PS | VP | upang maangkin din ang butong pag-aari nito. |
P-V | P-N | /PS | Va | Dahil dito, humulagpos mula sa kanyang bibig ang butong hawak-hawak |
P-V | P-N | /PS | VP | Tinangay ng agos ang buto |
P-N | P-V | /PS | VP | Isang inahing manok ... ang naninirahan sa gitna ng taniman ng mais. |
P-V | P-N | /PS | Va | Isang araw, lumabas ng bahay ang magsasakang may-ari ng taniman |
P-V | P-N | /PS | VP | Panahon na upang anihin ko ang aking maisan! |
P-V | P-N | /PS | VP | Kailangan tawagin ko ang aking mga kapit-bahay |
P-V | P-N | /PS | VP | ... upang tulungan ako sa aking pag-ani bukas |
P-V | P-N | /PSP | Vp | Narinig ito ng mga sisiw |
P-V | P-N | /PS | VA | Kailangang lumikas na tayo rito |
P-V | P-N | /PSP | VP | Kung hindi, matatagpuan tayo rito ng mga magsisipag-ani bukas |
P-V | P-N | /IC | Va | Huwag kayong mabahala mga anak," |
P-N | P-V | /PS | VP | "Kung mga kapit-bahay lamang ang aasahan niya, |
P-P | P-S | Reihenfolge | VA - VP | ||||||||||||
P-V | P-J | P-... | P-N | P-V | P-.. | /PS(P) | /YPS | /SYP | /IC | /P0 | VA | Va | VP | Vp | |
2 | 23 | 3 | 4 | 25 | 4 | 0 | 23 | 3 | 1 | 2 | 1 | 2 | 5 | 18 | 1 |
{3.4.2} - {3.4.4} | ||||
P-P | P-S | RF | Verb | |
P-V | P-N | /PS | Va | hindi agad magsisipag-kilos ang mga iyon! |
P-E | P-N | /PS | - | May panahon pa tayo upang manirahan dito." |
P-J | P-V | /PS | VP | Tama nga ang sinabi ng inahing manok. |
P-E | - | /YP0 | - | Sapagkat kinabukasan nga'y walang mga kapit-bahay na dumating |
P-V | P-N | /PS | VP | Kung hindi ko maasahan ang aking mga kapit-bahay, |
P-V | P-N | /PSP | Va | sa aking mga kamag-anak ako lalapit |
P-V | P-V | /PS | VP | Narinig ng mga sisiw ang sinabi ng magsasaka |
P-V | P-N | /PS | Va | Ngunit muli, hindi nabahala ang inahing manok |
P-V | P-N | /IC | VA | Kung sa mga kamag-anak lamang siya aasa |
P-V | P-N | /PS | Va | hindi magsisipagsunod ang mga iyon! |
P-E | P-N | /PS | - | May mga trabaho ring dapat asikasuhin ang mga iyon |
P-E | P-N | /PS | - | May panahon pa tayo para manirahan dito mga anak! |
P-J | P-V | /YPS | VP | Kinabukasan nga'y tama uli ang sinabi ni inahing manok. |
P-E | P-N | /PS | - | Walang kamag-anak na dumating ang magsasaka |
P-V | P-N | /PS | VP | upang tulungan siya sa pag-ani sa maisan. |
P-V | P-N | /PS | VA | Dahil dito, napilitan ang magsasakang |
P-V | P-N | /PS | VP | tawagin ang kanyang anak |
P-N | P-V | /PS | VA | ..., tayong dalawa na lamang ang aani sa ating pananim. |
P-P | P-S | Reihenfolge | VA - VP | ||||||||||||
P-V | P-J | P-... | P-N | P-V | P-.. | /PS(P) | /YPS | /SYP | /IC | /P0 | VA | Va | VP | Vp | |
3 | 10 | 2 | 6 | 13 | 4 | 0 | 15 | 2 | 0 | 1 | 0 | 3 | 4 | 6 | 0 |
P-P | P-S | ||||||
P-V | P-J | P-N | P-E | P-N | P-V | kein | |
1 | 21 | 3 | 3 | 3 | 21 | 4 | 5 |
2 | 23 | 3 | 4 | 0 | 25 | 4 | 1 |
3 | 10 | 2 | 2 | 4 | 13 | 4 | 1 |
Total 78 | 54 | 8 | 9 | 7 | 59 | 12 | 7 |
69 % | 10 % | 12 % | 9 % | 76 % | 15 % | 9 % |
P-P | P-S | Reihenfolge | VA - VP | ||||||||||||
P-V | P-J | P-... | P-N | P-V | P-.. | /PS(P) | /YPS | /SYP | /IC | /P0 | VA | Va | VP | Vp | |
1 | 21 | 3 | 6 | 21 | 4 | 0 | 19 | 0 | 2 | 4 | 5 | 1 | 13 | 9 | 1 |
2 | 23 | 3 | 4 | 25 | 4 | 0 | 23 | 3 | 1 | 2 | 1 | 2 | 5 | 18 | 1 |
3 | 10 | 2 | 6 | 13 | 4 | 0 | 15 | 2 | 0 | 1 | 0 | 3 | 4 | 6 | 0 |
Total | 54 | 8 | 16 | 59 | 12 | 0 | 57 | 5 | 3 | 7 | 6 | 6 | 22 | 33 | 2 |
69 % | 10 % | 21 % | 83 % | 17 % | 0 % | 73 % | 6 % | 4 % | 9 % | 8 % | 10 % | 35 % | 52 % | 3 % |
Armin Möller http://www.germanlipa.de/text/aesop.html 100412 - 220720 |