Werkstatt / Gawaan
Piso   (• piso)

1 Einleitung
3 Originaltext
4 Gesprächswörter


1 Einleitung / Pambungad

Quelle: Cheathom, Rhia L.: Piso
LIWAYWAY, 05 Pebrero 2007 { Liwayway}



3 Texte / Mga Kasulatan

{3.11}
Pauwi na ako ng bahay nang may mapansin ako. Baka may halaga, naisip ko, kaya dinampot ko naman. Sus, piso lang pala! Kaya tinapon ko na lang ulit. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nakita kong nagkakagulo sa bahay nila Aling Terya. Kaya't isang bata na galing doon ang tinawag ko. "Boy, bakit nagkakagulo doon?" "E, kasi po si Mang Dado dumating na galing abroad." Ich ging nach Hause als ich etwas sah. Vielleicht was wertvolles, dachte ich, daher hob ich es auf. Oh, nur ein Peso. Deshalb warf ich es wieder weg. Ich setzte meinen Weg fort. Ich sah ein großes Durcheinander im Haus von Aling Terya. Deshalb fragte ich einen Jungen, der von dort kam. "Junge, was ist da los?" "Ach, weil Mang Dado aus dem Ausland angekommen ist."

{3.12}
"E, bakit nga nagkakagulo?" tanong ko ulit. "Kasi nga ho maraming dalang pasalubong at saka dollars," sagot niyang tila nakukulitan na kaya umalis. Napangiti na lang ako nang maisip muli ang dahilan ng pagkakagulo kina Aling Terya. "Hay naku, ang tao nga naman basta dollars, nagkakandarapa!" naibulong ko sa aking sarili. Noon ko naisip ang itinapon kong piso at ang pinagkakaguluhang dolyar. Marami talaga ang tulad ko na isinasawalang bahala ang piso samantalang sinasamba ang dolyar. "Ja,warum die Aufregung?" fragte ich wieder. "Weil er viele Mitbringsel und auch Dollars mitgebracht hat", antwortete er ...

{3.13}
Patuloy pa rin ako sa paglalakad nang mapansin ko naman ang isang batang gusgusin, payat at halatang hilo na sa gutom. Hindi ko na sana papansinin pero kinalabit ako. "Ale, pahingi naman po kahit 'onti." Bibigyan ko na lang sana ng pera pero naisip kong pakainin na lang nang mapansin ko ang isang karinderya. "Upo ka," utos ko sa kanya nang mapansin kong di pa rin siya tumititiag sa kinatatayuan niya. Sumunod naman agad siya, marahil dahil na rin sa gutom.

{3.14}
"Wala po akong pambayad," anang bata. "Akong bahala. Ano bang gusto mo?" halos hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ko: Mabait din naman pala ako, naisip ko tuloy. Itinuro niya ang gusto niyang ulam. Gulay, pinakbet pa nga kaya umorder pa ako ng isang platito ng menudo. Tuwang-tuwa siya. Ako rin naman. Ang sarap pala talaga ng nakakatulong. Halos di siya magkandatuto sa pagsubo. Kung di nga lang pinahihinto ko siya para makahinga man lang ay baka nabulunan na siya.

{3.15}
"Miss, sino bang magbabayad n'yan?" anang mataray na tindera. Kanina pa pala kami pinagmamasdan. Nabawasan tuloy ang pagkatuwa ko. "'Kala mo, hindi babayaran!" di ko na naisatinig "Pengi pong tubig." Napangiti tuloy ako. Nakalimutan ko nga palang bigyan siya ng tubig. "Tubig nga ho." . Malamig naman ang iniabot ng mataba at masungit na tindera. Kung titingnan, parang noon lang nakakain ang bata nang ganoon karami. Hinimas-himas pa nga niya ang kanyang tiyan matapos makakain. "Ang sarap! Salamat po!"

{3.3}
Halata namang di nambobola ang bata. Kahit konting kanin at ulam lang ay tuwang-tuwa na siya. "Miss, 'yung bayad?" "Hintayin n'yo naman hong matapos 'yung bata." Sa inis, di ko na napigilan ang sarili ko. Inis na inis kong kinuha ang pera sa bag ko. Kulang na nga lang ay ipagbalibagan ko ang laman. Noon ko naman napansing titig na titik sa akin ang bata. Siguro, naguguluhan sa pinaggagawa ko. Nag-alala tuloy ako dahil baka isipin niyang sa kanya ako naiinis.

"Hindi ako sa 'yo nagagalit, ha! Du'n sa masungit na tindera", bulong ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin. Trenta pesos iyong nabili namin. Sampu, bente, bente singko ... limang piso pa pero wala na akong makita. Pati bulsa ng bag ko, wala na yatang laman. Sinulyapan ako ng babae. Kunot ang noo niya pero di ko na lang pinansin. Tuloy ako sa paghahanap. Sa wakas may nakita na rin ako. Masimo pa nga! Piso, dos, tres, k'watro ... kulang ng piso! Wala na talaga. Kulang talaga ng piso. "Piso lang p'wede na siguro", naisip ko na lang.

"Ale, 'to pong bayad", nahihiya man e iniabot ko na rin. "Miss, kaylangan sakto. Saktong kinain n'yo kaya kaylangan sakto ring bayad n'yo." Napansin sigurong kakahanap ko kanina. "Bakit kulang 'to?" nanggigigil na sita ng matabang ale. "Para piso lang ho. Wala na ho talaga, e", pagpapaliwanag ko. "Anong lang, ha? Papiso-pispo na nga lang ang tubo ko, kukulangan mo pa! Paano na kung lahat ng kakain dito ay katulad ng kulang magbayad? E, di nalugi na 'ko?"

Nang lingunin ko ang bata'y napansin kong abalang-abala siya pagdukot sa bulsa ng shorts niya. Pero di ko na lang iyon pinansin dahil sa kakaisip kung anong gagawin sa pisong kulang ko. Naramdaman ko na lang na kinakalabit niya ako. "Ano 'yon?" Lahad ang isang kamay na may hawak na isang bagay. Tiningnan siya at saka niya isinalin sa kamay ko ang hawak niya. "Piso!" Hindi ko alam pero parang biglang wala akong masabi kaya inabot ko na lang agad sa ale ang piso. Noon, parang nabunutan ako ng tinik.

{3.4}
"Pa'no, uwi na tayo?" masayang yaya ko sa bata. Imbes na sumagot, hindi siya kumibo at malungkot na nakatitig akin. Nang mga sandaling iyon, bigla akong naguluhan sa nakita kong pag-aalala sa mga mata niya. Naisip ko tuloy, wala kaya siyang bahay? Wala kaya siyang mga magulang na naghihintay at nag-aalaga sa kanya kaya palabuy-laboy na lang siya langsanan? Pero binalewala ko na lang lahat ang mga isiping iyon at magkasabay na kaming naglakad....
"Upo tayo", yaya ko sa kanya nang marating namin ang waiting shed. "Salamat nga pala du'n sa pisong ibinigay mo sa 'kin kanina." Hindi siya sumagot, nakayuko lang kaya nagpatuloy na lang ako sa pagsasalita. "Saan nga pala galing 'yon?" Itinuro niya ang dinaanan namin. "D'un po. 'Yung tinapon mo. 'Yung sinapa mo", muli siyang yumuko. Hindi ako sigurado pero parang umiiyak siya. "Pinulot ko, kasi ayaw mo nu'ng piso. Sayang at saka kawawa naman." Humihikbi na siya. Wala naman akong malamang gawin kaya hinagod ko na lang ang buhok niya. At isa pa, napahiya yata ako....
"Kasi wala naman akong mabibili du'n sa piso kaya tinapon ko na lang ulit", paliwanag ko. Nag-angat siya ng ulo at saka sumagot. May bahid na ng luha ang mga mata niya. "Sabi ng Nanay ko, dapat daw ingatan ko ang pera. Kahit singko, kahit singkwenta, lalo na piso. Mahirap daw ang humanap ng pera.'Yun ngang Tatay ko, di na nakauwi kasi napatay ng pulis. Binaril, sunod..." hindi na naman siya halos makapagsalita. ...
Gusto ko na sana siyang patigilin pero pakiramdam ko mas makakabuti sa kanyang magkuwento. "Sunod si Nanay, nagtrabaho nang nagtrabaho hanggang magkasakit. Pinamigay tuloy sina Totoy at Buboy. Ako, iniwan du'n sa matandang masungit. Pinapalo ako lagi. Ayoko na do'n!" di na niya nagawa pang magsalita. Umiyak na siya nang umiyak. Para akong binagsakan ng langit at lupa sa mga narinig ko sa kanya. ...

{3.5}
"E, na saan ng Nanay mo?" halos di ko makuhang itanong. "Wala na. Kaya nga naawa ako doon sa piso kasi sinipa mo. Parang ganu'n kami. Kasi sabi nila wala raw pakinabang sa 'min. Kaya lagi na lang kaming sinisipa paalis, palayo. Lagi tuloy kaming walang mapuntahan. Pero kahit na tulad nu'ng piso kahit 'onti kahit pa'no maibibili mo pa naman, di ba? Pisong tinapay o kaya pisong ice tubig....
'Yun nga sanang balak kong bilhin du'n sa piso. Buti na nga lang binili mo 'ko ng pagkain." Pinahid niya ang kanyang luha at saka bahagyang napangiti. "At saka buti na lang, pinulot ko 'yung piso dahil kung hindi, baka nagalit na 'yung aleng taba na 'yon."...
"Ilang taon ka na?" bigla kong tanong. Iminuwestra niya ang pitong daliri. "Pito na po ako ngayon." "Ngayon? Anong pito ngayon?" "Birthday ko kasi ngayon. Kasi, nadinig ko du'n sa bahay na tinitirhan ko, sabi birthday ko daw ngayon." Bigla ko tuloy siyang nayakap. Dahil sa awa at pagkapahiya ko sa aking sarili. Pitong taong gulang, alam ang mga bagay na iyon samantalang ako na matanda sa kanya nang mahigit sampung taon, ang babaw mag-isip? Pamaya-maya ay kumalas na siya sa akin saka tumayo. "Sige po, aalis na 'ko, Salamat po." ...

{3.6}
Palayo na siya pero wala pa rin akong ginagawa. Pinagmamasdan ko siyang paalis. Saan siya pupunta? Kung doon sa umampon sa kanya baka pahirapan lang siya ulit. At sayang naman kung sa kalye lang siya. Sayang at maraming tulad niya. Tama siya. Para siyang piso. Dahil walang masyadong pakinabang sa mga taong tulad ko kaya't sinisipa't tinatapon. Pero kung iisipin sa mga taong tulad niya'y napakalaking bagay na....
Noon ko lang naalalang ni hindi ko man lang pala naitanong ang pangalan niya. Hindi pa naman siya masyadong nakakalayo kaya sinundan ko na lang siya. Sa di kalayuan, doon ko siya tinawag. "Anong pangalan mo?" Nagulat marahil kaya't bigla siyang napalingon. "Anong pangalan mo?" ulit ko. "Chris po." Chris, parang Kristo! Parang si Kristo na nagbigay liwanag sa isip ng mga tao. Parang ang batang iyon sa buhay ko. Nilapitan ko siya't tumalungko ako sa harap niya. "Chris, di ba sabi mo, parang kayo 'yung piso?" Tumango lang siya....
"Alam mo ba kung anong gagawin ko ngayon pag nakapulot ulit ako ng piso?" Wala naman akong nakuhang sagot mula sa kanya kundi isang kunot-noo. Marahil, naguguluhan siya sa pinagsasabi ko. Pero alam kong matalino siya kaya't naisip kong maiintindihan niya ako. "Pupulutin at saka ko itatago. Dahil alam ko na ngayon na ang piso, minamahal, iniingatan at hindi tinatapo't sinisipa." Parang naintindihan nga niyang sinabi ko, kasi ngumiti siya....
"Ngayon, saan ka pupunta?" "E, di po parang 'yung piso na itinatapon, gugulong kahit saan mapunta at saka hihinto hanggang sa may dumampot." Hindi ko na napigilang mapaluha. "Alam mo, iba ka talaga. Gusto mo ba akong maging Ate?" "Opo!" nakangiting sagot niya. "Kung gano'n, 'yung pisong itinapon at gumulong ngayon ay may pupulot na. Okey?" "Okey!" Isa na lang ang nasa isip ko ngayon, ang iuwi si Chris tulad ng piso. Aalagaan at mamahalin. Bahala na...


4 Gesprächswörter / Salitang pang-usapan

ErzählendGebildet Ungebildet
SätzeVornMitteHinten SätzeVornMitteHintenSätze VornMitteHinten

3.17sus.pala 1... 1e..
3.16.lang. 2e hay nakunga. 1.nga.
3.25... 1... 1.naman.
3.210.naman nga naman nga. 2... 1...
3.29.pala pala nga. 2... 4...
3.38.naman nga lang. 1.naman. 1...
3.314.nga. 3... 0...
3.34.e. 3.lange 7elang nga langha
3.37.lang. 1... 1...
3.46.lang lang. 1... 0...
3.48.lang. 3.nga pala nga pala. 5...
3.43... 1kasi.. 5.nga.
3.44... .... 5...
3.51... 1e.. 8kasilang namandi ba
3.51... 0... 3.nga nga lang.
3.56... 3... 4kasikasi.
3.610... 0... 0...
3.65.lang lang naman lang lang. 3..di ba 1...
3.64.naman. 2... 0...
3.65.lang. 4... 1e..

{D}..21. ..2. ..11.
{I}.131 .552 .3.2
{C}.... .... .21.
Ges1211241 34572 485122

{D}..17 %. ..6 %. ..23 %.
{I}.1 %2 %1 % .15 %15 %6 % .6 %.4 %
{C}.... .... .4 %2 %.
Ges1211 %20 % 1 % 3415 %21 %6 % 4810 %25 %4 %
Ges12121 % 3441 % 4840 %

{D}: 34 von 203 Sätzen = 17 %. {I}: 22 von 203 Sätzen = 11 %. {C}: 3 von 203 Sätzen = 1%.
Alle: 59 von 203 Sätzen = 29 %.
{D}: 34 von 59 Gespr.W. = 58 %. {I}: 22 von 59 Gespr.W. = 37 %. {C}: 3 von 59 Gespr.W. = 5%.
{I}: Erzählend: 5 von 121 Sätzen = 4 %. Direkte Rede: 17 von 82 Sätzen = 21 %.
{I} Direkte Rede: Gebildet: 12 von 34 Sätzen = 35 %. Ungebildet: 5 von 48 Sätzen = 10 %.


Armin Möller
http://www.germanlipa.de/text/piso.html
070202 - 220602

Ende / Wakas   Piso

↑↑   Werkstatt / Gawaan   Ugnika