Werkstatt / Gawaan
Alamat ng Gubat   (• gubat)

1 Einleitung / Pambungad
3 Texte / Mga Kasulatan


1 Einleitung / Pambungad

Ong, Bob: Alamat ng Gubat
Quelle / Pinagmulan → {16A-2 Gubat}.


3 Texte - Mga Kasulatan

{3.1}
Noong unang panahon, sa isang liblib na kaharian sa ilalim ng dagat, ay may nakatirang maganda at mabait na sirena. Pero wala siyang kinalaman sa kwentong ito. Kaya ang pagtutuunan na lang natin ng pansin ay si Tong, ang pinakabatang anak ni Haring Talangka na tulad ng maraming hari ay walang ibang papel sa kwento kundi ang magkasakit. At ito na nga ang dahilan kung bakit isang araw ay bigla na lang ipinatawag si Tong ng kanyang inang reyna.

{3.2}
"Tong, anak, ang iyong ama ay may karamdaman," wika ng reyna. "Hindi na s'ya nakakalangoy. Kailangan mong umahon ngayon din papunta sa lupa upang kumuha ng puso ng saging - ang tanging prutas na makakapagpagaling sa kanya." Sumagot si Tong, "Ngunit inang reyna, hindi ba't talaga namang hindi nakakalangoy ang amang hari?" "Dahil nga mayroon s'yang karamdaman!" ang sagot ng reyna.

{3.3}
Noon din ay nag-log-off si Tong sa Friendster at dali-daling nagtungo sa lupa. Inabot s'ya ng pitong araw at tatlong gabi sa paglalakbay bago narating ang kakahuyan. Sa di-kalayuang ilog ay namataan n'ya kaagad si Buwaya na nagpapahinga. "K-kamusta po!" bati n'ya. "Maaari po bang magtanong kung saan ma-" "NGINANGAUHA MO HA AHO?" tanong ni Buwaya. "Ano po?" "Pweh!" Idinura ni Buwaya si Maya na naglilinis ng ngipin n'ya. "Sabi ko, kinakausap mo ba ako?" "O-opo. Hihingi po ako ng -" "Kailangan mong magbayad ng pilak." "Wala po akong pilak, perlas lang ang dala -" "Tatlong perlas!"

{3.4}
Iniabot ni Tong ang mga perlas, at itinuloy ang tanong. "Saan po ba maaaring makakuha ng puso ng saging dito?" "Tatlong perlas!" "Pero n-n-nagbigay na po ako," nag-aalangang paalala ni Tong. "Bayad mo lang 'yon dahil kinausap mo s'ya!" pasigaw na paliwanag ni Maya. Iniabot ni Tong ang tatlo pang perlas, pero hindi pa rin s'ya sinagot ni Buwaya. "Saan po kaya ako makakakuha ng puso ng saging?" muli n'yang tanong. "Tatlong perlas!" "Pero dalawang beses na 'ko nagbigay, at tatlo na lang ang perlas ko!" angal ni Tong.

{3.5}
"Tatlong perlas ang hinihingi, kaya tatlong beses kang magbibigay," sabat uli ni Maya. "At wag kang madamot dahil tatlo na lang naman ang kailangan namin!" "Pero wala na 'kong pambili ng load!" "Ano ba ang importante sa'yo, textmate o puso ng saging?" hirit ni Maya. Wala nang nagawa si Tong kundi iabot ang mga huling perlas. "Maaari n'yo na bang sabihin kung saan matatagpuan ang pakay ko?" tanong n'ya.

{3.6}
Sumagot si Buwaya, "Tama ang pinagtanungan mo dahil ako nga ang hari dito, kaya -" "Hari???" nagtatakang tanong ni Tong, pero hindi na nakasabat nang magsalita ulit si Buwaya. "Halika, ibubulong ko sa'yo," ani Buwaya. Lumapit si Tong, pero mas pinalapit pa s'ya ng kausap. "Halika sabi, para maibulong ko sa'yo!" Lalo pang lumapit si Tong, pero laking gulat n'ya nang biglang buksan ni Buwaya ang malaking bunganga nito upang kainin s'ya. Kumaripas ng takbo si Tong at di na ulit lumingon sa ilog.

{3.11}
"Siyeht!" sigaw ni Bibe. "Yu asshol!" "Pasensya na po, hinahabol kasi ako ni Buwaya para kainin!" ninenerbyos na tugon ni Tong. "Wala akong nakikitang Buwaya dito, pero naputikang buntot ng magandang Bibe dahil sa kagagawan ng bobong talangka, meron!" Hindi namalayan ni Tong na malayo na nga ang kanyang natakbo at ligtas na s'ya. "Pasensya na po ulit." "Ano pa ba magagawa ko?" sambit ni Bibe. "Da world is ful of ijots!"

{3.28}
... kamay ang dalawang langaw. "... Sa aming tatlo nina Langaw!" "Ano bang ipinaglalaban n'yo?" "Hayup sila.. .insekto kami!" sagot ni Tipaklong nang may nakataas na kamao. "At ...?" "At.. .umm.. .apat lang ang paa nila!" "Tapos ...?" "Ang hirap mong umintindi!" naasar na si Tipaklong. "Hindi namin sila kauri! Hindi pa ba sapat na dahilan 'yon para kamuhian namin sila?" "Um, hindi...?" naguguluhang tugon ni Tong. Napaisip sandali si Tipaklong. "Pwes, may iba pang dahilan!" "Ano 'yon?" tanong ni Tong.

{3.29}
Lalong natahimik ang pagtitipon dahil natuon ang buong atensyon ng lahat kay Tipaklong. Pero napatingin lang sa kawalan ang huli, at matapos maghimas ng baba ay umakbay kila Langaw at nagsabing, "Sikreto na namin yon!" "Tama!" ani Langaw. "Sikreto lang naming tatlo yon!" "Tama!" sabat ng isa pang langaw. "Pero ano nga bang sikreto natin, Tipaklong? Sabihin mo na sa amin para masaya!" "Hindi pwede," sagot ni Tipaklong. "Sikreto pa ba 'yon kung tatlo na ang nakakaalam?" "Oo nga!" ani Langaw. "Ang galing talaga ni Tipaklong!" Napailing na lang ng ulo si Langgam, at hinarap si Tong. Matapos itanong ang pakay ng Talangka, itinuro nito ang direksyon patungong gitnang kakahuyan bung saan nananahan sina Manok at Pagong.

{3.31}
Mataas ang araw at mayabang na namumudmod ng nakakasunog na init baya nag-unahan na sa paglalakad ang mga paa ni Tong. Ngunit sa kabila ng pagmamadali ay bigla rin s'yang napatigil sa gilid ng malaking pulang bato sa tabi ng dagat. Tinitigan n'ya ang kakaibang bato nang may halong pagkamangha. Hindi nakuntento, inikot n'ya ang paligid nito upang higit pang makilatis. Pinabinggan, inamoy-amoy, pinisii-pisii, pinindot-pindot, at hinimas-himas.

{3.32}
Nang mapansing wala naman palang kakaiba sa nasabing bato ay lumingon si Tong sa kaliwa ... at sa kanan ... bago pasimpleng umihi sa gilid nito habang sumisipol. Labing gulat n'ya na lamang sa mga sandaling 'yon nang magsalita ang malaking bato. "SYIIIT!!!" napalundag si Tong sa sobrang takot. "LOBSTER...'KAW BA 'YAN?!?" "Sino akala mo?" sagot ng kausap na sitting pretty sa batuhan. "At hindi ako si 'lobster', ako si Ulang! Kelan ka pa naging inglisero ... hellooo? ... Duh??? Saan mo nakuha 'yang pa-'syit'-'syit' mo e dati 'nanaykupu' lang ang sigaw mo pag nagugulat ka?" Pero hindi s'ya sinagot ng mapanghing talangka na abalang-abala sa pagbabanlaw ng sarili sa dalampasigan - Naks, dalampasigan! Anlalim ng Tagalog.

{3.33}
"Ano bang ginagawa mo sa gilid ng bato ho?" muling nagtanong si Ulang upang hindi s'ya masapawan ng narrator. Sumagot si Tong habang naghahanap ng masisilungan. "Ikaw, anong ginagawa mo sa ibabaw ng bato sa ilalim ng nagliliyab na araw?" "Wala." sagot ni Ulang. "Wala ka bang ibang pinagkakaabalahan?" "Meron." "Ano?" "Ito ang pinagkakaabalahan ko. Gumagawa ako ng wala." "Wala kang ginagawa?" "Hindi. Iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala." Lalong napahunot ng noo si Tong. "Anong pinagkaiba noon?" Itinuro ni Ulang ang malawak na kapaligiran. "'Yan ang wala. 'Yan ang ginagawa ko. Gumagawa ako ng wala." "Paano yun?" tanong ng nalalabuang talangka.

{3.34}
"Paano mo malalaman kung tapos mo nang gawin ang wala?" "Kapag gumawa na 'ko ng meron." "Pero hindi mo naman nabibita ang ginagawa mo, di ba?" patuloy pa rin sa paghahanap ng masisilungan si Tong. "Dahil nga ang ginagawa ko sa ngayon ay wala. Sa katunayan, lahat 'yang pinagmamasdan mo ngayon ay pinagpaguran ko." Tinignan ni Tong ang kawalan. "Andami mo na palang nagawa!" "Totoo yan," sagot ng kausap. "Pero sandali, hindi mo pa rin sinasagot ang katanungan ko. Ikaw, ano naman ang ginagawa mo dito?" muling tanong ni Ulang na animo'y manhid sa init ng araw. "Hinahanap ko sina Manok at Pagong," sagot ni Tong. "Bakit?" tanong ni Ulang.

{3.35}
"Ibibigay ko kasi sa kanila itong mga itlog na dala ko," sagot ni Tong. "Bakit?" tanong ni Ulang. "Para masabi nila sa akin kung saan sa gubat makukuha ang puso ng saging," sagot ni Tong. "Bakit?" tanong ni Ulang. "Para ibigay sa ama kong hari," sagot ni Tong. "Bakit?" alam mo na kung sino'ng nagtanong. "Dahil may sakit ang ama ko at kailangan n'ya ang puso ng saging upang gumaling!" alam mo na kung sino'ng sumagot. Isang oras. Dalawang oras. Tatlong oras. "Ahhh!" naliwanagan din si Ulang, sa wakas. "Mahirap 'yang gagawin mo, talangka. Baka hindi mo magawa, wala ring mangyayari."

{3.36}
"Pero mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala," marahang paliwanag ni Tong. "Hindi ka ba napapagod gumawa ng meron?" tanong ni Ulang. "Hindi ka ba napapagod gumawa ng wala?" tanong ni Tong. "Napapagod," sagot ni Ulang. "Wala na nga akong pahinga eh!" "Ba't ginagawa mo pa rin?" "Dahil ito ang tungkulin ko dito." "Tungkulin?" pagtataka ni Tong. "Kanino? Sino'ng nagbigay sa'yo ng tungkulin na yan?" "Ang mga hayop sa gubat." "Huh? Anong nakukuha nila sa wala?" "Hindi ko alam, pero binabayaran nila ako ng mga pilak para gumawa ng wala. Kung gusto mo, kahit dalawang pilak lang ang kapalit ay igagawa kita ng sarili mong wala."

{3.37}
"Huh? Salamat na lang, pero wala akong pilak, at hindi ko rin yata kakailanganin sa ngayon ang wala." "Sige, bahala ka." Hindi na natiis ni Tong ang sikat ng araw. Sandali s'yang naglublob sa tubig upang malamigan. "Masyado nang mainit ang araw, Ulang. Hindi ka pa ba babalik sa dagat?" "Ang pagbalik sa dagat ay paggawa ng meron. Hindi ako gumagawa ng ganoon." "Pero masusunog ka sa init ng araw. Paano ka ba napunta d'yan ngayon sa pwesto mo?" "Hindi ko nga alam e. Tinangay yata ako ng malakas na alon kagabi." "Huh?! Kelan mo balak bumalik sa tubig?" "Babalik din ako. Hinihintay ko lang ulit ang alon." "Pero paano kung hindi dumating ang alon?" SWOOOOOOSH. Halos hindi pa tapos magsalita si Tong ay inanod na ng alon si Ulang pabalik sa karagatan. Nakahinga rin nang maluwag ang talangka at nagpatuloy na sa paglalakad patungong timog. Mga bandang GMA 7.

{3.41}
"Booook! Bok-bok-bok ... bokokok!" Malayo pa si Tong, dinig n'ya na ang putak ni Manok. Kaya nabuhayan s'ya ng loob at lalong binilisan ang paglalakad. Di naglaon ay natunton n'ya rin ang pugad ng inahin. "Booook! Bok-bok-bok ... bokokok!" "Manok, manok -" "Booook! Bok-bok-bok ... bokokok!" "Manok, may dala ako -" "Booook! Bok-bok-bok ... bokokok!" "May dala ako para sa'yo -" "Booook! Bok-bok-bok ... bokokok!" "MANOOOOOOOK!!!" "NARIRINIG KITA, WAG KANG SUMIGAAAW!" "E kasi.. .ba't ka ba putak nang putak?" tanong ni Tong....



Die filipinische Sprache von Armin Möller   http://www.germanlipa.de/text/gubat.html
100115 - 220607

Ende / Wakas   Alamat ng Gubat

↑↑   Werkstatt / Gawaan   Ugnika