Quelle: Pluma, Kir: Aman Sinaya. https://www.wattpad.com
Die Göttin des Meeres, Aman Sinaya, hilft Dumangan, dem Gott der Ernte, bei einer Trockenheit. Dabei lernen sie ich näher kennen. Aman Sinaya erfährt, dass Dumangan in Idianale, der Göttin der guten Werke, verliebt ist. Aus Eifersucht will Aman Sinaya Idianale umbringen lassen. Bathala, der Obergott, schreitet ein und Aman Sinaya verbleibt einsam.
{3.1}
Maganda ang sikat ng araw ang tumatama sa kulay asul na karagatan na
pinapangalagaan ni Aman Sinaya, ang diyosa ng karagatan. Sa
hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog ang kaniyang loob kay Dumangan,
ang diyos ng magandang ani. Palaging nakatanaw mula sa ikod ng
malalaking tipạk ng bato si
Sinaya.
{3.2}
Isang araw ay humingi ng tulong si Dumangan kay Sinaya. Nagkaroon ng
matinding tagtuyot at iyon ang naging sanhi kung bakit walang maani ang mga tao.
"Maraming salamat sa tulong mo Sinaya, kung hindi dahil sayo ay baka wala nang nakain
ang mga tagalupa."
"Walang anuman Dumangan, ang mahalaga ay natapos na ang sakuna na kinakaharap
ng mga tagalupa. Kung may kailangan ka ay alam mo kung saan ako
matatagpuan."
{3.3}
Simula noon ay palagi na silang magkasama ni Dumangan, at lalo lamang lumalim
ang pagtingin niya dito dahil sa
angkịng kabaitan nito.
"Magandang umaga Dumangan", nakangiting bati niya dito, isang umagang maabutan niya
ito sa dalampasigan at nakangiting nakatanaw sa kalangitan.
Gantịng bati nito sa Diyosa.
"Pansin ko ay minsan ka na lang nagagawi dito sa lupa?"
"May isang Diyosang nakakuha ng aking atensiyon, at siya ay naninirahan
sa kalangitan." Dahil sa sinambit ng lalaki ay napawi ang ngiti sa
magandang mukha ni Sinaya.
{3.4}
"Maaari ko bang malaman ang kaniyang ngalan? Malay mo ay matulungan kita."
Nasasaktan man sa narinig ay pilit na pinasigla ni Sinaya ang kaniyang boses.
"Siya ang Diyosa ng Paggawa at mabuting Gawain, si Idianale.
"Idianale? Ang katulong ni Bathala sa itaas?" nakakunot noon
tanong ni Sinaya sa kaharap."Siya nga. Kilala mo siya?"
{3.5}
"Hindi ngunit marami akong naririnig tungkol sa kaniya." Pinagmasdan ni Sinaya
ang ngiti at mga mata ni Dumangan, at siya ay nanlumo nang makitang punong puno ito ng
paghanga at pagmamahal.
"Sana ay makilala mo siya, upang malaman mo kung gaano kabusilak ang kaniyang puso."
"Kung gayon ay aantayin ko ang pagkakataon na kami ay magkakaharap, mauuna na
ako."
{3.6}
Ilang linggo ang lumipas na hindi nagpapakita si Sinaya kay Dumangan. Ni
kahit tignan ito mula sa malayo ay hindi niya na ginawa dahil alam
niyang masasaktan siya kapag nakitang iba ang dahilan ng mga ngiti
ng diyos na kaniyang iniibig. Nang isang beses na mapadpad siya sa dalampasigan upang
tulungan ang mga sirena ay nakita niya si Dumangan.
"Saan ka nanggaling, Sinaya? May magandang balita ako saiyo", masayang wika ni
Dumangan.
{3.7}
"Kung iyong
mamarapatin ay ayaw ko muna sanang marinig
ang iyong balita, kailangan kong tulungan ang mga sirena." Kaagad na nilagpasan ni Sinaya
ang lalaki pero napatigil siya sa winika nito.
"Binigyang basbạs na ni Bathala ang
aming pag-iibigan, Sinaya", dahil sa tinuran nito ay parang napako siya sa kaniyang
kinatatayuan.
"Nais sana kitang imbitahan sa nalalapit naming pag-iisang dibdib", paglingon
ni Sinaya ay wala na si Dumangan. Sobrang bigat ng dibdib ni Sinaya,
hindi niya alam ang kaniyang gagawin.
{3.8}
At dahil sa gulong-gulo si Sinaya sa kaniyang nararamdaman ay hindi niya
namalayang lumalaki na ang alon. At tumama ito sa kalupaan kung saan may
mga napaslang na mamamayan.
Maraming nagalit na tagalupa sa kaniya at wala siyang magawa kundi magtago sa
ilalim ng karagatan. Ilang araw pa ang lumipas ay pinatawag siya ni
Bathala upang mapatawan ng nararapat na parusa sa kaniyang nagawa.
"Ikaw ay ipapatapon sa malayong bundok sa ilalim ng pangangalaga ni
Dumakulem."
{3.9}
"Hindi maaari Bathala. Hindi ako makakapayag."
"Alam ko ang iyong planong pagkitil sa
buhay ni Idianale sa araw ng kanilang
pag-iisang dibdib ni Dumangan." Galit na wika ni Bathala.
"Kapag tinuloy mo ang iyong masamang balak ay papatawan kita ng parusang
kamatayan." Dagdag pa nito na lalong nagpasiklab sa galit si Sinaya.
"Ako ang unang nakilala ni Dumangan, kami dapat ang iyong bigyang basbas", sigaw ni
Sinaya.
{3.10}
"Simula pa lang noong una ay hindi na kayo ang para sa isa't isa."
"Wala ka sa posisyon para sabihin yan." Bumalik siya sa karagatan at sa tindi
ng kaniyang galit ay pinadalhan niya ng malalaki at malalakas na alon si
Bathala na agad namang ginantihan nito ng malalaking tipak ng lupa.
Tumagal ng ilang linggo ang kanilang sagupaan na nagresulta ng pagkakaroon
ng mga isla at kabundukan na pinapalibutan ng karagatan.
{3.11}
Nang matapos ang kanilang sagupaan ay hindi
na muli pang natagpuang tumapak
sa lupa si Sinayan. Samantalang si Dumangan at Idianale ay masayang
naninirahan sa Kalangitan.
Kapag low tide at kabilugan ng buwan ay may nagsasabing nakakita kay Sinaya
na nakatingala sa kalangitan mula sa
dalampasigan kung saan madalas dati
nagkikita si Sinaya at si Dumangan.
Armin Möller http://www.germanlipa.de/text/sinaya.html 201221 - 220606 |