Werkstatt / Gawaan
Prutas   (• prutas)

1 Einleitung
3 Originaltext


1 Einleitung / Pambungad

Si Apo Dakkel at ang Labingdalawang Bilog na Prutas
Ni Billy T. Antonio, Liwayway, 9 Enero 2006


3 Texte - Mga kasulatan

{3.11}
Bisperas na ng Bagong Taon. Nagtataka si Kenneth kung bakit naglagay ng mga prutas sa gitna ng kanilang maliit na mesa sa kusina ang nanay niya. Dahil likas na mapagmasid, napansin niya na pawang hugis bilog ang mga ito. May bayabas, ubas, dalandan at pakwan. Napuna siya ng kanyang Lolo Amado na kanina pa pala nakamasid sa kanya. Ilang oras pa bago mag-Bagong Taon.

{3.12}
"Kenneth, apo, halika rito", tawag ni Lolo Amado. "Opo, 'Lo", tugon ni Kenneth. Naupo siya sa sopa sa tabi ng kanyang Lolo Amado. "Nagtataka ka siguro kung bakit may mga hugis bilog na prutas sa gitna ng ating mesa, 'no, apo?"
"Paano mo nalaman, 'Lo", usisa ni Kenneth, "na tungkol sa mga bilog na prutas ang iniisip ko?"

{3.13}
Kanina ko pa kasi napapansin na pinagmamasdan mo ang mga 'yon. Alam mo ba na may kuwento tungkol sa paglalagay ng mga prutas na hugis bilog sa hapag-kainan tuwing Bagong Taon?"
"Totoo, 'Lo", kumislap ang mga mata ni Kenneth. "Gusto ko pong marinig ang kuwento ninyo, 'Lo."
"Buweno", sabi ni Lolo Amado. "Ganito...

{3.14}
Noong unang panahon, ang lahat daw ng mga prutas ay hugis bilog. Bilog ang balimbing. Maging ang saging ay bilog din. Hindi lamang nilikha ni Apo Dakkel na bilog ang bawat prutas. Nananatili ring sariwa ang mga ito, Hindi sila nabubulok o nasisira. Hindi rin sila kinakain ng mga ibon it mga hayop.

{3.15}
Uminom lamang sa Karayan-Nabbiag, ang ilog na umaagos doon, ay mabubuhay na ang mga ibon at mga hayop. Masayang nagkukuwentuhan at naggpapaganda ang mga prutas sa buong toon. Kuntento ang bawat isa sa kanilang sangang kinalalagyan o tangkay na masasabitan.

{3.16}
Subalit bago matapos ang taon, kinakailangan nilang bumaba sa sanga at tangkay nila at maglakbay patungo sa templo ni Apo Dakkel. Mahirap man, kailangang sundin nila ang utos. Ito kasi ang responsibilidad nila. Ilang taon na nila itong ginagawa.

{3.17}
"Tinatamad akong maglakbay", sabi ni Saging na bagong gising. "Ako rin", sang-ayon ni Balimbing.
"Bakit ba kailangan pa nating maglakbay sa napakalayong lugar na 'yon? Marurumihan lang tayo, magagasgas at masusugatan", sabi ni Durian.

{3.18}
"Oo nga. Isang toon na naman tayong mag-aayos at maglilinis ng katawan pagkatapos ng paglalakbay", dagdag ni Guyabano na nasa dulo. Hindi umimik ang ibang mga prutas.

{3.19}
"Responsibilidad natin ang maglakbay patungo sa templo ni Apo Dakkel. Bago magpalit ang taon, ang utos sa atin ay dapap nating sundin", paliwanag ni Kaimito.
"Bahala kayo. Kung gusto ninyong maglakbay di namin kayo pipigigilin", paninindigan ni Durian.

...

{3.4}
Nang mga oras na iyon ay naghihintay na sa kanyang templo si Apo Dakkel. Inaasahan niyang darating ang lahat ng mga prutas bago magpalit ang taon. Pinagmasdan niya ang mahabang hapag na inihanda niya para sa mga panauhing prutas. Unang dumating si Kaimito. Nagbigay pugay ito kay Apo Dakkel. Natuwa si Apo Dakkel sa kanya. Sa unang upuan niya itopinaupo. Sumunod na dumating si Pakwan. Pagkatapos magbigay galang kay Apo Dakkel ay pinaupo ito sa ikalawang upuan. Sa ikatlong upuan naman naupo si Suha na pupungas-pungas. Kakaupo pa lamang ni Bayabas sa ikaapat na upuan ay sunud-sunod na ring dumating sina Dalandan, Milon, Santol, Mabolo, Tsiko at Ubas. Naupo sila sa inihandang upuan ayon sa hanay ng kanilang pagdating. Marungis na dumating si Lansones. Naligaw raw kasi ito kaya puro pasa at gatla ang kanyang katawan. Pinaupo ni Apo Dakkel si Lansones sa panlabindalawang upuan.
Naghintay si Apo Dakkel sa iba pang mga prutas. Malapit nang maghatinggabi. Nabatid ni Apo Dakkel na wala nang darating pang mga prutas.
Nalungkot si Apo Dakkel. Napansin ng labindalawang prutas na nakaupo sa mahabang hapag ang kalungkutan sa mukha ni Apo Dakkel. "Huwag na kayong malungkot, Apo Dakkel", sabi ni Kaimito. "Naririto naman po kami para samahan kayo sa pagbati at pagsalubong sa Bagong Taon."
...

{3.5}
"Natutuwa ako't patuloy ninyong sinusunod ang aking utos. Dahil sa kayong labindalawang prutas ay nanatiling masunurin ay babasbasan ko kayo. Mananatili kayo sa pagiging hugis bilog. Pagpapalain ko ang bawat hapag na paglalagyan sa inyo", wika ni Apo Dakkel.
Nagpasalamat ang labindalawang prutas sa biyaya nilang natanggap.
"May karampatang parusa ang bawat isa sa mga prutas na hindi dumating at hindi sinunod ang aking utos", pagtatapos ni Apo Dakkel.
Itinaas ni Apo Dakkel ang kanyang mahiwagang baston. Nabalot ng liwanag ang buong templo.
Nang imulat ni Kaimito ang kanyang mga mata ay nasa sanga na ito ng kanyang puno. Nagulat ito. May mga umiiyak. Una niyang nakita si Saging na humahagulgol. Hindi na kasi ito bilog. Humaba ang katawan nito. Tinubuan ng maraming bukol si Guyabano. Nabalutan naman ng tinik ang buong katawan ni Langka na di na maawat sa pagluha. Namaga ang kawawang si Papaya. Ito ang kaparusahan sa kanila ni Apo Dakkel sa pagsuway sa kanyang utos.
...

{3.6}
"Mula noon itinuturing nang suwerte ang paglalagay ng mga prutas na hugis bilog sa hapag-kainan tuwing Bagong Taon", pagtatapos ni Lolo Amado. "Kaya pala naglagay ng mga sineguwelas, bayabas, dalandan at pakwan at iba pang hugis bilog na prutas sa gitna ng mesa si Nanay. Suwerte pala ang hatid ng mga ito", bulong ni Kenneth sa sarili. "O, apo, nagustuhan mo ba ang kuwento?" "Opo, Lolo. Salamat. May nakalaan po palang biyaya sa mga sumusunod sa utos." Natuwa si Lolo Amado sa tinuran ng kanyang apo. "Matalino talaga ang apo kong ito. Timmawid kaniak." Ipinagmalaki ni Lolo Amado ang pagkamana ng apo sa kanya.
Sa tuwa ni Lolo Amado niyakap niya ang apo. Isang mahigpit na yakap naman ang itinugon ni Kenneth sa minamahal niyang lolo. "Manigong Bagong Taon, Lolo!" "Manigong Bagong Taon din, apo!"
...


Armin Möller
http://www.germanlipa.de/text/prutas.html
061228 - 220603

Ende / Wakas   Prutas

↑↑   Werkstatt / Gawaan   Ugnika