1 Einleitung
2 Originaltext
1 Einleitung
Quelle: Gonzales, N. V. M.: Lunsod, nayon at dagat-dagatan
Panahon ng Hapon, Mag-atas et al.: Panitikang Kayumanggi 1994, p. 224
{W Lunsod}
3 Originaltext
{3.1}
Mula sa malayo, ang tangi kong natatanaw sa nayon ay ilang punong niyog at ang kampanaryo
ng lumang simbahang bato. Sa gawing kanan ay naroroon ang dagat-dagatan na kinasasalaminan
ng araw na papalubog. Ang murang bughaw na kulay ng tubig ay napalitan ng maningning na
pilak; yaon ay napakarikil sa pangmalas, kayat biglang bigla aking nadamang ako'y hindi
handa upang magmasid sa gayong lalang ng kalikasan.
{3.2}
Ako'y laging nasa lunsod at ang aking paniniwala'y doon lamang may
pintig
ang buhay at kaipala'y doon lamang mananatili sa mga panahong ito ng digmaan; ngunit
kakaiba ang nakita ko ngayon sa nayon, namumulaklak ang mga punong mangga sa tabingdaan.
matatabang kalabaw na nagsisipanginain sa mga bukring hindi pa inaararo, at mga lalaki at
babaing nasisigawa sa kanilang mga itikan.
{3.3}
Saan man ako tumingin ay paulit-ulit iyon sa mga batang namimingwit, at laong malapit sa
akin, sa pawisan at payat na kabayong humihila nang walang pagtutol sa aming
karitela. Mandi'y
magpapatuloy ang lahat ng bagay sa gayong kaayusan, at ako'y nakaramdam ng pagkahiya dahil sa
paniniwala sa isang uri ng buhay na salat sa
katotohanan at kaipala'y lisya.
{3.4}
Sa wakas ay nalalapit na kami sa nayon. Naraanan namin ang isang kiskisan, sumunod ang
isang bahay-paaralan na tinitirhan ng ilang pag-anakang nagsilikas sa pook na iyon; at
isang bahay na nababakurang mabuti na kaipala'y sa isang manggagamot sapagkat may mga
guhit na kurus na pula sa tabing durungawan. Dumating kami sa tulay na kawayan; kami'y
nagsibabang lahat. Ang mga kaangkas ko, anim silang lahat, ay nagdaan sa may sabang
at sila'y lumusong sa tubig. Ayokong magbasa ng paa, kaya sa tawiran ako nagdaan
kahit na magbayad sa pagtawid.
{3.5}
Ilan pang saglit at naglalakad na ako sa pangunang lansangan ng nayon; nilampasan ko
ang isang karihan at isang butika, at pagkatapos ay isang bahay na yari sa tabla at
kawayan at pinagmumulan ng mga tinig ng nagsisipaglaro ng "mahjong". Naririnig ang
isang mainam na awitin buhat sa isang bahay na malapit ngunit hindi ko matiyak kung
saan, at tatlo o apat na karitela ang yaot dito sa lansangan naghahanap
ng pasahero. Sa malayo ay natatago sa kabila ng hanay ng mga dampa ng mga mangingisda
ang isang bahagi ng dagat-dagatan; Ang tubig ay muling nag-iba ng kulay; ngayon ay
mangitim-ngitim na ang dating pinilakan.
{3.6}
Takipsilim na-noon at sa kabutihang palad ay hindi ako nahirapan sa paghahanap ng nais kong
patunguhan. Sa simula ay inakala kong yaon ay ang bahay na nasa dulo ng napasukan kong
isang makipot at mabatong daan na kinaroroonan ng isang poso artesyano; subalit
nagkamali ako, sapagkat hindi pa ako, nakalalayo ay narinig kong may tumatawag sa
aking pangalan, at natalos ko agad kung sino iyon.
Sumusugod na sumalubong sa akin si Nena.
{3.7}
"Malayo ka pa'y nakilala na kita", wika niya na iniaabot ang kamay. Pinisil ko ito nang
bahagya, at nang naglalakad na kaming patungo sa bahay nila, ay tinanong ko:
"Alam mo bang darating ako?" Natawa siya, "Alam ko! Kagabi lamang ay pinag-uusapan ka
namin. Sinabi ng Tatang na kapag dumating ka ay walang pagsalang may balita ka sa
kanya." "Ang tanggapang kanyang pinaglilingkuran ay ipininid na, iyan ang aking
nalalaman", wika ko kay Nena. "Hindi ba siya nag-iisip na maglingkod sa iba?" "Sa palagay
ko'y hindi", anya. "Ang matanda ay tila nagbabago."
{3.8}
Noon ay sumapit na kami sa tarangkahan. Ang tinitirhan nila ay isang maliit na bahay
na kanilang inuupahan: may bakuran sa harapan at ilang punong papaya ang nakahanay
sa may bakod. Sa bakuran ay may mga tanim na gulay, kamatis, mais, at
kamoteng-kahoy, na nakapalit ng mga pampalamuting halamang
dating naka-tanim doon.
{3.9}
Pumanhik kami at ang ama ni Nena, si G. Gomez, ay sumalubong sa amin sa may beranda.
"Tatang", wika ni Nena, "ito'y si Antonio." Nakangiting iniabot sa akin ng matanda ang
kanyang kamay.
{3.10}
Samantala, ang ina ni Nena ay nakihalubilo na rin sa amin. Nang dumating ako'y abala
siya sa paghahanda ng napunan sa kusina, at may kung anong bagay sa kanyang
pagkasalubong sa akin na nagpatiwasay sa aking kalooban. Itinanong ko kung saan
naroroon ang ibang mga bata, sina Lilia at Eva.
{3.11}
Ang mga ito ay nagsidalo, anya, sa
isang pulong ng samahang Katoliko; gayundin ang dalawang kapatid na lalaki ni Nena,
sina Felipe at Lucas; "Salamat sa Diyos", ang wika ni Gng. Gomez, "ang
digmaan ay nagpasok ng relihiyon sa isip ng mga lalaking iyon. Ngunit marahil ay gutom
na gutom ka na sa pagkakapaglakbay mo mula sa iunsod", anya pa; at pagkasabi nito'y
iniwan kami.
{3.12}
Sa loob ng mga isang oras marahil, si Nena, ang kanyang ama at saka ako'y nalibang sa
pag-uusap sa may beranda, palibhasay napakaraming ibig na itanong sa akin ng
matanda. Di-karingat-dingat ay tinanong ako ni Nena. "Nang paparito ka'y hindi ka
ba natakot?"
{3.13}
Hindi ko alam kung bakit niya sinabi ang gayon. "Walang dahilan upang ako'y matakot",
sagot ko. "Maliban sa mga sirang tulay ay hindi ako nakatagpo ng
sagwil sa daan."
"Akala ko'y magiging mahirap ang maglakbay", wika ni Nena.
"A, anak", at natawa si G. Gomez, "iyan ang lihim. Sinasabi ko sa iyo, ang karamihan
sa tinatawag nating mga balakid at mga kahirapan ay namamahay lamang sa
guniguni. Iyan
ay mapatutunayan mo rin, balang araw.
{3.14}
Sinulyapan ko si Nena. Siya'y takang-taka, katulad ko rin, dahil sa pagsasalita ng
kanyang ama sa gayong himig. Mula sa isang kalapit na bahay ay narinig ko ang ilang
tugtugin sa piyano. Gabi na noon, at sa madilim na lansangan ay wala ni
isang kaluluwa.
{3.15}
"Sa halimbawa, noong mga unang araw namin dito", patuloy ni G. Gomez sa kanyang malambot at
malagong na tinig, "ay sari-saring kahirapan ang naguguniguni namin. Ngayon ay wala na sa aming
isipan ang anuman. Ang totoo ay napamahal sa amin ang pook na ito. Inakala naming kapag may
masasakyan na ay babalik kami sa siyudad; ngunit binago namin ang lahat ng aming balak."
{3.16}
Nagsimulang ngumiti sa akin si Nena, at inakala kong ang ibig niyang sabihin ay: "Ganyan
talaga ang Tatang! Madalas siyang magbago ng isipan. At lagi naman siyang hindi
namamali!" Ngunit pagkaraan pa ng ilang saglit ay nagsawalang-kibo na siya at waring
nababahala sa anumang sasabihin
pa ng kanyang ama.
{3.17}
Ang pasong nasa gitna ng mesitang nakapagitan sa amin ay inilagay ng matanda sa
isang tabi, at nakita kong ang kanyang mga mata ay maalab. "Bakit kami, aalis sa pook
na ito ngayon?" tanong niya. "Sagana kami rito sa lahat ng bagay. Hindi kami kakapusin
sa pagkain. Sa isda? Masagana sa isda ang dagat-dagatan. Bigas? Maaari kaming kumuha
kahit na ilang kaban at hindi namin kailangang magbayad
ng kahit isang sentimong higit sa dapat naming ibayad.
{3.18}
At hindi ko pa nasasabi sa aking pamilya",
ang tuwirang wika niya sa akin, "ngunit mayroon akong kakilalang malapit dito na dating
naglilingkod sa pamahalaan; sinabi niya sa akin na maaari kong bilhin ang ilang ektarya
ng kanyang lupa. Naiisip kong mag-itikan at magtanim ng mga gulay. Ano ang palagay
mo riyan, Antonio?" "Iyan po'y kapaki-pakinabang gawin sa mga araw na ito," ang tugon ko,
sapagkat wala na akong masabi pang iba.
{3.19}
"Iniisip kong mabuti iyan, Antonio. Maaari kaming magpanibagong-buhay rito,
manirahan na rito. Mangyari pa nga ba, Hindi agad-agad ...
Ende / Wakas Lunsod