Werkstatt / Gawaan: Nanyang (2)   (• nanyang2)

Übersicht / Buod

Biglaang Pagbabago {21.1}
A Song (nach zwei Jahren als Lehrling) fährt zu seinem Vater und seinem älteren Bruder A Chuan (Ahia = älterer Bruder, Kuya). Auf der Fahrt erinnert er sich an seine verstorbene Mutter in China. Der Laden von Vater und Bruder ist abgebrannt, sein Vater nach China zum Begräbnis von A Songs Großmutter abgereist. A Song wird von seinem Bruder A Chuan aufgenommen.
Sa ikalawang taon ko sa Napa, sinamantala ko ang mga oras na wala akong ginagawa para magbasa ng mga libro. Madalas kong mabasa ang kasabihang "Laging nag-iisa kung dumating ang suwerte, laging may kakambal ang malas." Madalas din akong makabasa ng mga kakatwa at kataka-takang kuwentong inakala kong gawa-gawa lamang ng sumulat. Ngunit sa biyahe patungong timog, nakaranas ako ng mga kakatwa at kataka-takang pangyayaring gaya ng nabasa ko sa mga libro. Vorteil ausnutzen
(samantalahịn)
Nang umagang dumaong sa bahaging hilagang Isla D ang gabara at nagpaalam kami ng matandang huaqiao na si Ban Sithong sa isa't isa' nakadama ako ng kung anong kawalan. Sa tatlong araw na magkasama kami'y marami akong narinig na mga kuwento mula sa kanya, mga kuwentong kinapulutan ko ng maraming bagong kaalaman. Kaya naman nang iabot niya sa akin ang kanang kamay at sabihing "Paalam na, Chiquito!" ay hindi na ako nainis, bagkus ay nanghinayang sa aming paghihiwalay. anlegen
Lastschiff
Überseechinese
mehr noch
bedauern

 {21.2}
Ayon sa turo ni Ban Sithong, dala-dala ang maletang yantok na naglakad ako papuntang estasyon ng bus at bumili ng tiket. Umupo ako malapit sa bintana at hinayaang dalhin ako ng bus sa mga lugar na lubusang banyaga sa akin. vollständig
fremd
Tumakbo ang bus sa haywey na kahilera ng baybayin. Pagkatapos ng patag na daan, nagsimulang umakyat ang bus sa paliko-likong daan sa bundok. Kay ganda ng mga tanawin sa labas ng bintana. Mga matarik na talampas. Mga taluktok na kakatwa ang mga hugis. Talon na kung titingna'y parang puting telang hinabi ang tubig na bumabagsak. Küste
eben (patag)
Hochebene
(Berg-) Spitze
weben
Tahimik at mahiwagang lambak. Nagtatayugang mga puno. Makukulay na ligaw na bulaklak. Mga unggoy na naglalambitin at nagtatalunan sa mga puno. Mga ibong naghuhunihan sa mga sanga. Ngunit wala sa loob ko ang paghanga sa magagandang tanawin. Sa halip, mga larawan nina Papa at Ahia ang lumilitaw sa aking isipan. Tal
hoch sein
wild
hängen an Füßen

 {21.3}
Maraming taong nagsikap sa Nanyang si Papa para sa ikabubuhay ng aming pamilya. Noong bata pa siya, naranasan niyang maging aprentis, trabahador, at empleyado sa tindahan. Mahigit treinta anyos na siya nang makipagsosyo sa iba at magbukas ng tatlong maliliit na tindahan. Bihira siyang umuwi sa Tengsua. Ang natatandaan ko'y dalawang beses lamang. Minsan noong ako'y anim na taong gulang. Natatandaan kong matangkad siya at may katabaan.  
Malakas ang boses kung magsalita. Kung gabi'y madalas niya akong isama sa "bahay-tugtugan" para makinig sa tradisyonal na musika mula sa mga dinastiyang Song at Yuan. Pagtugtog ng plawta at gitarang Tsino sa malulungkot na tugtugin, medyo nakapikit pang sinasabayan ni Papa ang mga nota.  
Ako nama'y madalas na nakakatulog, at kung nag-uwian nang lahat ang mga tao, saka pa lang ako kinakarga pauwi ni Papa. Ang ikalawang uwi niya'y dalawang taon pagkatapos ng una, nang mamatay si Mama. Umuwi siya para asikasuhin ang libing. Pagkuwa'y inayos pa niya ang alitan ng mga kamag-anak namin, kaya nanatili siya sa Tengsua nang mga kalahating taon. Streit

 {21.4}
Ayon sa kaugalian sa bayan namin, tuwing sasapit ang ikapitong buwan sa kalendaryong lunar, nagsasagawa ng mga seremonya para sa kaluluwa ng mga yumao. Tinatawag itong Pista ng mga Kaluluwa. Mula sa petsa-uno hanggang sa a-beinte nuwebe, halinhinan ang mga bahay-bahay sa pagpapadasal para sa mga yumao.  
Bawat pamilya'y nagsasabit ng maliliwanag na parol at nagsusunog ng insenso't papel na hugis-pera para ialay sa mga kaluluwa. Kadalasan, ang mga pamilya ng mayayamang huaqiao ay naghahanda ng bangkete at nagpapalabas ng operang Beijing, o kaya'y iba pang uri ng tradisyonal na dula o opera. Nagsasama-sama naman ang mga pamilya ng maliliit na mangangalakal sa pagpapalabas ng dula na tinatampukan ng mga papet na pinagagalaw ng pisi o kaya'y paper na isinusuot sa kamay. hervorheben
Puppe
Faden
Dati-rati'y hindi nagpapalabas ng dula ang aming pamilya, pero sandaang araw pagkatapos pumanaw ni Mama; gumastos si Papa para magpalabas ng dulang tinatampukan ng mga papet na isinusuot sa kamay. Iyon ang pinakamurang palabas. Sampung yuan lang ang bayad sa isang araw.  

 {21.5}
Napakasaya nga sa panahon ng kapistahan. Ang mahigit sandaang pamilya sa aming bayan, abalang-abala sa pagpapakain sa mga bisita at pagpapalabas ng mga dula. Pagsapit ng gabi, nagliliwanag ang mga parol at magdamag na nakasindi ang mga ilaw na de-gaas, kaya naman halos kasinliwanag ng araw ang paligid.  
Maririnig ang tugtog ng mga tambol at katulad na instrumento. Magdamagan din ang tugtog ng plawta at gitara. Sabay-sabay na itinatanghal sa iba't ibang lugar ang mahigit sampung dula. Ang mga bisita mula sa mga karatig nayon maging lalaki o babae, bata man o matanda, ay pawang nakabihis ng bagong kasuotan para sa kapistahan. Lalong makukulay ang anyo at gayak ng kababaihan. ausstellen
geschmückt
Weiblichkeit
Paroo't parito ang mga tao sa mga kalsada't eskinita, tumitigil lamang pag nakakita ng magandang panoorin. Ang nakakatawag-pansin sa pinakamaraming tao ay ang awitang sagutan sa mga entablado. Lalong bigay na bigay sa pagkanta ang mga nasa entablado, lalong tuwang-tuwa ang mga manonood.  
Nanood ako ng dulang papet sa harap ng bahay kasama ang mga kapamilya, pero hindi pa nangangalahati'y nakatulog na ako. Kinarga ako at ipinasok sa silid. Nasa kasarapan ang tulog ko nang magising sa bugso-bugsong pagtangis. Idinilat ko ang aking mga mata at nakita ko si Papa sa tanglaw ng lamparang de-gaas, yumuyugyog ang magkabilang balikat sa pagtangis sa harap ng larawan ni Mama. Kagyat na nakadama ng dalamhati, bumangon ako at malakas na sumabay sa pagtangis ni Papa. Menschenmenge
heulen
weit aufreißen
Licht
schütteln

 {21.6}
Tumigil sa pagtangis si Papa, lumapit sa higaan at pinunasan ng palad ang mga mata kong lumuluha. Pinipigil ang pagtangis na sinabi niya, "A Song, walong taong gulang ka pa lang, iniwan na tayo ng iyong mama. Mahirap ang mga araw na darating! Kailangan ko nang umalis. Maiiwan ka sa iyong ammah (lola)."  
"Hindi na siya nakakakita kaya't mahihirapan siyang alagaan ka. Magpapakabait ka. Mamahalin mo ang iyong ammah at makikinig ka sa iyong achiak at achim (asawa ng achiak). Ipapasok kita sa eskuwelahang pribado pero kailangang magsikap ka at mag-aral na mabuti. Huwag kang puro laro ..."  
Sa tuwing pinangungulilahan ko si Papa, gaya ng eksena sa pelikulang nagbabalik sa alaala ang napakalungkot na tagpong iyon. Malalim na naukit sa puso ko ang mabait at maamong mukha ni Papa at ang mga pangungusap niyang punong-puno ng pighati. ???
Waise
Gram

 {21.7}
A Chuan ang pangalan ng ahia (kuya) ko. Anim na taong gulang ako nang sumama siya kay Papa sa pangingibạng-bayan. Mula noo'y hindi na kami muling nagkita, kaya't malalabo na ang mga alaala ko sa kanya. Natatandaan ko lang na guwapo't malinis ang mukha niya. Matangkad ang pangangatawan at napakabait sa pakikitungo sa ibang tao, kaya naman madalas siyang purihin ng kababaihan sa amin.  
Napakabuti niya sa akin. Kung may masasarap na pagkain, lagi niyang ipinauubaya sa akin. Kung inaapi ako ng mga bata sa kapitbahay, pinagsasabihan niya lamang ang mga ito, pagkuwa'y inilalayo ako. Hindi siya nakikipag-away. Dahil sa mga katangian niyang ito'y tuwang-tuwa sa kanya ang aming mga kababayan. Hindi natatagalan pag-alis ni A Chuan papuntang Nanyang, nagpadala siya ng larawan nila ni Papa. verzichten
unterdrücken
Sa larawan, nakaupo si Papa sa silya. Si A Chuan ay nakatayo sa tabi niya. Ikinuwadro at isinabit namin sa bahay ang larawan. Dahil nakikita ko iyon araw-araw kahit paano'y natanim sa isipan ko ang kaanyuan ni Ahia.  

 {21.8}
Nakababa na ng matarik na daan sa bundok ang bus at mabilis na bumabagtas sa tumaas-bumabang dalisdis nang bigla itong magpreno. Nagising ako sa pagkakaidlip at naumpog ang noo sa sandalan ng upuan sa harap. Nalaman ko na pagdating ng bus sa isang sangandaan, humahagibis na dumating ang isang trak at muntik nang makipagbanggaan sa bus. Tumigil ang bus sa isang nayon nang magtatanghaling-tapet.Iyon ang nayong sadya ko. auf Pfad fahren
Abhang
Absicht
Bumaba ako sa bus, bitbit ang yantok na maleta. Iisa lang ang kalsada sa nayon. Sampung minuto lang kung lalakarin mula puno hanggang dulo. Galak na galak akong humakbang, sabik na makita sina Papa at Ahia. Hinanap ko ang Li Hua Store, pero nagpabalik-balik na ako sa kalsada at nakita nang lahat ang mahigit sampung tindahan ng mga huaqiao ay hindi ko nakita ang karatula ng Li Hua. Tumigil ako sa harap ng isang tindahan at nagtanong sa lalaking nasa katanghaliang edad.  
"Achiak, nasa'n po kaya ang Li Hua?" Hindi ako agad sinagot ng napagtanungan. Tinantiya niya ako saka nagtanong, "Bakit mo hinahanap ang Li Hua?" Sinabi kong ama ko ang may-ari sa Li Hua, at nagtatrabaho roon ang aking kuya. abschätzen

 {21.9}
Gulat na tumingin sa akin ang kausap, saka mabait na nagtanong, "Galing ka sa Siyudad L?" Nang tumango ako'y itinanong naman niya' "Ikaw si A Song, hindi ba? Ilang araw ang nakaraan' sinabi nga ng papa mo na darating ka. Hay, wala sa tiyempo ang dating mo. Nasunog ang Li Hua no'ng isang gabi!" Itinuro niya ang mga tumpok ng uling at abo sa gawi roon, malapit sa kinatatayuan namin at saka nagpatuloy, "Nasunog ang tindahang katabi ng Li Hua no'ng isang gabi." Haufen
Richtung
"Pag-aari ng isang huanna ang tindahang 'yon, nagbebenta ng mga gamit na gawa sa kawayan. Nadamay sa sunog ang katabing apat na tindahan. Wala kasing trak ng bumbero dito sa nayon. Mabuti na lang at nagtulong-tulong ang magkakanayon sa pagpatay sa sunog, kung hindi'y nadamay rin sana ang mga kalapit na bahay na gawa sa kahoy! Tingnan mo ang nangitim na pader na 'yon. Iyon ang natirang pader sa likuran ng Li Hua. betroffen
Daig pa ang tinamaan ng kidlat, napatingin ako sa itinuro ng kausap. Parang nadaganan ng bato ang puso ko habang nakatingin sa nangitim na pader. Naisip ko, sa isang iglap ay naging uling at abo ang tindahang buong buhay na pinaghirapan ni Papa, at kagyat na naging abo rin ang galak na dulot ng pananabik na makita sina Papa at Ahia. geschlagen
treffen
beschweren
Augenblick
sofort
Wunsch

 {21.10}
Nang makitang napatda ako sa pagtanaw sa mga uling at abo, nakikiramay na sinabi ng kausap ko, "Mabuting tao ang papa mo: Laging nasa lugar, at may isang salita. Kung ilampung taon siyang naghirap para maitayo ang tindahang 'yan. Lalong malaki ang hirap niya dahil masama ang negosyo sa nakalipas na ilang taon. Sino'ng mag-aakalang hindi nakakakilala ng mabuting tao ang langit. Naabo sa sunog ang halos buong-buhay niyang ipinundar!" ?
gründen
Pinipigil ko man ang pighati ay hindi ko napigil ang pamumula ng mga mata. Muntik na akong mapaiyak. Tinanong ko ang kausap, "Si Papa at si Ahia, nasa'n na sila?" "Isang araw bago nagkasunog, sumakay ng barko papuntang Siyudad M ang papa mo para umuwi sa Tengsua. Nakatanggap kasi siya ng balita tungkol sa pagkamatay ng ammah mo. Pinauuwi siya para asikasuhin ang libing." unterdrücken

 {21.11}
At isa na namang masamang balita ang dumagok sa akin! Kagyat na nagdilim ang langit at lupa. Parang hiniwa ang puso ko. Hindi ko na napigil ang pagluha. Sa nanlalabo kong paningin, tila nakita ko si Ammah, nakatungkod at mabuway na mabuway na lumalapit sa akin, isinasalaysay ang mapait niyang buhay. Pito ang naging anak niya. Namatay ang apat nang dahil sa kahirapan. Genickschlag
Krückstock
Tatlong araw pagkapanganak, bumabangon na siya para magtrabaho. Dahil sa labis na pagod at matinding pagdadalamhati sa maagang pagkamatey ng mga anak, madalas na basa ng luha ang kanyang mga mata, kaya't mahigit limampung taong gulang pa lamang ay tuluyan nang nabulag. Hindi umubra ang mga gamot na bigay ng doktor. Hindi rin nagkabisa ang pagdarasal at pagsisindi ng insenso sa mga templo tuwing una at ikalabinlimang araw ng bawat buwan para maibalik ang nawalang paningin. Sorgen, Gram
möglich sein
Nang mamatay si Mama ay si Ammah na ang nakasama ko sa araw-araw. Sa araw ay nagsalo kami sa lugaw na may kamote, at sa gabi'y magkatabi kami sa tablang higaan. Ako ang nagsilbing tungkod ni Ammah. Siya naman ang bundok na aking sinandalan. Mahal na mahal ako ni Ammah. anlehnen

 {21.12}
Hinangad niya ang tagumpay ko balang-araw. Araw-araw niya akong pinangaralan. Kinuwentuhan ng mga lumang küwento. Nang naghahanda akong lumisan patungong Nanyang, panay-panay ang bilin niyang magpapakabuti ako, magsikap matuto at tulungan si Papa sa pagpapalago sa negosyo ng pamilya, upang ako'y maging isang matagumpay na huankhe, upang pag-uwi ko sa Tengsua ay ikarangal ako ng mga kaanak at ninuno. beabsichtigen
Aufforderung
At nang magkaroon ng katuparan ang mga mithiin niya para sa akin. Ngunit gaya ng isang masamang panaginip ang mga naganap na biglaang pagbabago. Sa isang kisapmata'y naging abo ang mga pangarap ni Ammah, ar ang kinabukasan ko'y biglang naging sakdal dilim! Paano ko makakayanan ang mag-asawang dagok, ako na mura at mahina ang isip at dibdib? Tuluyan na akong napakagulgol. Erfüllung
Ziel
Augenblick
sehr
Genickschlag
bleiben
Abfall

 {21.13}
"Hayaan mo na, A Song," pang-aalo ng aking kausap. "Halika, sasamahan kita sa ahia mo, nand'yan lang siya sa isang kababayan n'yo. Halika, puntahan natin siya." Sumunod ako sa kanya. Mula sa pangunahing kalsada, pumasok kami sa pasikot-sikot na daan. Hinanap namin ang isang tindahang nakaipit sa mga bahay ng katutubo. Trost
umwegig
Masikip ang tindahan. Ilang tao lang ay hindi na makagalaw sa loob. Kinausap sandali ng kasama ko ang may-ari. Pumasok ito sa likuran, at ilang sandali lang ay lumabas kasama si A Chuan. "Sige, mag-usap kayong dalawa," sabi ng nagdala sa akin, at umalis na. Agad nangilid ang luha ni Ahia nang makita ako. "A Song, dumating ka na pala ..." at hindi niya na maituloy ang sasabihin.  
Malaki ang itinangkad ni Ahia kumpara sa nasa larawan. Naninilaw ang suot niyang puting sando, na tinernuhan ng asul na kortong may mga tagpi. Nakalitaw ang mga bisig at binting siksik at nangitim sa araw. Mula sa mukhang maamo hanggang sa mga talampakan, makikita ang butil-butil na pawis, halatang kagagaling sa mabigat na gawain. kurze Hose
fest, eingepresst

 {21.14}
"A Song, hindi ka pa siguro nanananghalian, ano?" naaalangang tanong ni A Chuan, tila nag-aapuhap ng mapag-uusapan. Ang totoo, nabusog na sa pighati ang aking sikmura, paano pa ako magkakaroon ng ganang kumain? zögern
tasten
Gusto ko lang maghanap ng mauupuan para mapag-usapan ang mga bagay-bagay tungkol sa aming pamilya at ang dumating sa aming patong-patong na kamalasan. Parang naarok ni Ahia ang aking saloobin. Nilingon niya ang masikip na tindahan, saka lumapit sa amo para magpaalam. Siya ang nagdala sa maletang yantok, at magkaagapay kaming naglakad papunra sa isang maliit na kapihan. ausloten
nebeneinander
May apat na mesa sa kapihan. Nakalagay sa estante ang ilang bote ng mumurahing whisky, serbesa, at iba pang lokal na alak. Sa ibabaw, nakapatong ang isang balde ng sariwang tuba at isang kaldero ng kapeng lumamig na. Sa loob pa rin ng estante, may puting tinapay at itim na coco jam, papaya, saging, at iba pang prutas na tropikal. Regal
Nakatao sa estante ang isang magandang dalagang huanpo. Mukhang wala pang beinre anyos. Nakatakip sa balikat ang maitim at nangingintab na mahabang buhok. Nakapasok sa kulay berdeng saya ang kulay rosas na barong bulaklakin. Ang suot sa paa'y bakyang mataas ang takong. ?

 {21.15}
Lumapit sa amin ang dalaga, matamis ang ngiti. Nag-usap sila ni Ahia sa wika ng Isla D. Ilang kataga lang ang naintindihan ko, pero mula sa mga mata ng dalaga at sa himig ng kanyang pananalita ay nakita kong malapit na malapit siya kay Ahia.  
Nagkunwang parang walang anuman si Ahia, pero hindi maikubli ang sigla sa kalooban. Dinalhan kami ng dalaga ng dalawang basong malamig na kape, isang mahabang tinapay at isang platitong coco jam. Dinalhan niya rin kami ng isang buong papaya, at hinati iyon sa mismong harapan namin. heucheln
Palibhasa'y nanunuyo na ang lalamunan, inuna ko ang baso ng malamig na kape, saka ako kumuha ng isang hiwa ng papaya. Pinagmasdan ako ni Ahia, at nagsimula siyang magkuwento tungkol sa sunod-sunod na trahedyang sinapit ng aming pamilya. weil
trocken sein

 {21.16}
"Nakatanggap kami ng sulat galing kay Dichiak (ikalawang nakababatang kapatid na lalaki ng ama) noong isang linggo. Nalaman naming darating ka. Tuwang-tuwa kami ni Papa, dahil maraming taon na tayong hindi nagkikita. Madalas kang maalala ni Papa. Kawawa ka raw. Kay liit mo pa nang mawala si Mama.  
Si Ammah nama'y hindi nakakakita. Wala raw nag-aalaga sa 'yo. Sinabi ni Dichiak sa sulat na dalawang taon kang nag-aprentis, at marami kang natutuhan. Tuwang-tuwa si Papa. Ihahanap ka raw ng trabaho rito. Tuwang-tuwa rin ako. Ibinili kita ng isang puting kamisadentro. Nilaparan ko pa ang higaan ko para sa pagdating mo. Magluluto rin sana si Papa ng masasarap na pagkain ..." Tumigil si A Chuan at humigop ng kape, pagkuwa'y bumuntong-hininga, saka itinuloy ang sinasabi. verbreitern
seufzen

 {21.17}
"Laking gulat namin nang matanggap ang sulat ni Achiak mula sa Tengsua. Namatay raw si Ammah. Pinauuwi agad si Papa para ayusin ang libing. Matagal-tagal umiyak si Papa.  
Kung puwede lang siyang magkapakpak at lumipad pauwi. Hinimok ko siyang hintayin ka muna bago umalis. Pumayag naman siya, pero paggising kinaumagahan at nalamang may barkong papunrang Siyudad M, nagbago ang isip niya sa pangambang hindi niya mahabol ang barko papuntang Tengsua ..."  
"Pa'no namatay si Ammah?" pinutol ko ang sasabihin pa ni A Chuan nang maalala ko ang kawawa kong lola. "Hindi ga'nong nilinaw sa sulat. Sinabi lang na nadapa siya isang umaga. Nang dalhan siya ni Dichim (asawa ng dichiak) ng almusal sa kuwarto, nakitang nakadapa siya sa sahig. Kinarga siya at inihiga sa katre saka tumawag ng doktor.  
Pero hindi umubra ang mga gamot na ipinainom kay Ammah. Pagkaraan ng dalawang araw nalagutan na siya ng hininga ..." Nang mapag-usapan ang pagkamatay ng lola, magkaharap kaming umiyak ni Ahia. Inubos niya ang kanyang kape, at ikinuwento naman ang nangyaring sunog. reißen
Atem (= sterben)

 {21.18}
"No'ng isang umaga, sinamahan ko si Papa papuntang pier. Gabi na nang makabalik ako. Magulong-magulo ang isip ko. Pagkakain nang kaunti, nahiga na ako para matulog. Pero pabiling-biling lang ako sa higaan. Hindi ako makatulog. hin und her drehen
Naiisip kong darating ka na, tapos biglang namatay si Ammah, tapos umalis si Papa. Ang dapat sanang masayang pagsasama-sama natin, naging malungkot na paghihiwalay. Kaya masamang-masama ang loob ko. Pagtugtog ng relo sa hatinggabi, saka lang ako nakatulog. Pero nagising ako sa mga sigawan, at nakita ko ang liwanag ng apoy sa labas ng bintana. Dali-dali akong bumangon at nagbihis, pero umabot na ang apoy sa likuran natin.  
Magkadikit kasi ang tindahan natin at ang sa kapitbahay. Pareho pang gawa sa kahoy at pawid. Alam kong masama na ang sitwasyon. Inilagay ko sa maliit na maleta ang mga libro ng tindahan, 'yong sa Ingles at 'yong sa Tsino, pati ang mga resibo at kaunting pera. Kumalat na noon ang apoy sa bubong at sahig natin. Punong-puno ng usok ang kuwarto.  
Tumakbo ako palabas at ipinatago ang maleta sa tapat, saka ako bumalik para iligtas ang mga paninda. Walang bumbero dito sa nayon. Nagtulong-tulong ang mga huaqiao at mga tagarito para patayin ang sunog. Pero walang nagawa ang mga balde at palanggana nila. Mabuti na lang at may mabubuti ang kalooban na tumulong para mailigtas ang mga paninda natin, pero nasunog lahat ang iba pa nating mga gamit at ari-arian ..."  

 {21.19}
Nagpawala uli ng isang mahabang buntong-hininga si A Chuan. Humiwa siya ng dalawang pirasong tinapay, pinalamanan ng maraming coco jam, saka iniabot sa akin. "Kain pa! Talagang pag inabot ng malas, wala kang magagawa. Magkabutas-butas man ang bituka sa sama ng loob, matuyuan ka man ng luha, wala ring mangyayari! Kumain kung dapat kumain, uminom kung dapat uminom. Hangga't nananatiling malusog, hangga't nariyan ang bundok, hindi mawawalan ng panggatong!"  
May katwiran ang mga sinabi ni Ahia. Kinain ko ang iniabot niyang tinapay. Talagang gutom na gutom ako. Pagkaubos sa dalawang pirasong tinapay, tuluyan na akong ginanahan. Sandali lang ay naubos naming magkapatid ang tinapay at papaya sa mesa. Lumapit ang magandang dalagang huanpo para linisin ang mesa.  
Ipinakilala ako ni A Chuan sa kanya. Matapos niya akong kamayan, matagal-tagal silang nag-usap ni Ahia, at maya't maya'y ngumingiti siya sa akin. Napaghulo kong ako ang pinag-uusapan nila. Hindi ako nagkamali. Pagkabayad ni A Chuan, sinabi niya sa akin, "A Song, masyadong masikip sa pinakikitulugan kong tindahan. Wala namang hotel dito. Dito ka na matulog mamayang gabi." folgern

 {21.20}
"Dito sa kapihan?" nagtatakang tanong ko, saka minasdan ang paligid. Iyo'y ginawan ng partisyon mula sa ibaba ng isang dalawang palapag na bahay. May hagdan papunta sa itaas. Tumango-tango si A Chuan. Tumingin siya sa dalaga at sinabi, "Nag-usap na kami ni Fely." Nakangiting tumango-tango si Fely, wari'y naintindihan ang sinabi ni A Chuan sa wikang Hokkien,  
Sinabi ni Ahia na may dugong Tsino si Fely, kaya't mabait siya sa mga huaqiao. Sa itaas siya nakatira, kasama ang ina at sioti (nakababatang kapatid na lalaki). Kaya puwede akong matulog sa ibaba. Pero walang katre sa kapihan, paano ako matutulog? Parang nahulaan ni A Chuan ang nasa isip ko.  
"Pagkasara sa kapihan, pagdikitin mo ang dalawang mesa saka mo latagan ng banig. Hindi ba't kay inam na tulugan?" sabi niya. Wala naman akong mapagpipilian. Pumayag akong pansamantalang makitira sa kapihan. Nagkusa akong tumulong kay Fely sa pagtitinda. Ako ang naging weyter. Bilang ganti, isinabay ako ni Fely sa pagkain niya. Kahit paano'y wala na akong gastos sa pagkain at tirahan. Inabot din nang tatlong buwan ang pagiging weyter ko sa kapihan. ??

Ang Pag-Ibig ng Dalagang Huanpo {22.1}
Mit zehn Jahren wird Feli von A Chuan vor einer Affenherde gerettet, daraus wird ihreLiebe zu ihm.
Hindi gaanong marami ang gawain sa kapihan sa umaga't hapon. Mangilan-ngilan lang ang kostumer. Pero maraming tao sa gabi. Pag-alis ng isang grupo, dumarating ang isa pang grupo. Laging okupado ang apat na mesa. Ang mga walang maupuan ay tumatayo na lamang sa harap ng estante para uminom ng kape at tuba. Inaabot hanggang hatinggabi ang mga kostumer.  
Sa araw, lumalabas si Fely para mamili ng mga paninda. Ako nama'y nagbabasa habang nakatao sa kapihan. Nabasa ko nang lahat ang mga librong dala ko mula sa Napa. Dahil walang bagong libro, muli kong binasa ang The Aduentures of Robinson Crusoe. Talageng gustong-gusto ko ang librong iyon. ??
Nang makita ni Fely na mahilig akong magbasa, inilabas niya ang mga librong Ingles noong elementarya, at tinuruan ako ng Ingles mula ABC. Binigyan pa niya ako ng bagong pangalan. Felipe. Pepe ang palayaw. Iyon ang itinawag niya sa akin. Maganda ang pangalang iyon, aniya, pero naiilang ako. Umiibig si Fely sa kuya kong si A Chuan, kaya naman napakabuti niya sa akin. Itinuring niya akong parang sariling kapatid. Kung minsa'y naiisip ko: "Hindi masamang magkaroon ng ganitong hipag!" ??

 {22.2}
Pero iba ang ina ni Fely. Sa umpisa pa lang ay hindi na niya ikinatuwa ang pamamalagi ko sa kapihan. Naiilang rin naman ako sa kanya. Gayong mahigit kuwarenta anyos na at gabariles ang baywang ay daig pa ang anak na dalaga sa pagpostura. Makapal ang pulbos sa mukha. Lalong makapal ang pahid tg lipstick. Laging nakasuot ng makulay at bulaklakin.  
Pero anuman ang kanyang gawin, sa edad niya'y sadyang nawala na ang mayuyuming imbay. Mahigit dalawampung taong siya ang namahala sa tindahan, pero noong isang taon ay nagkaroon ng malubhang karamdaman. Sa gayo'y ipinaubaya kay Fely ang pamamahala sa tindahan, pero siya pa rin ang humawak sa pera. Bihira siyang bumaba sa araw. Sa gabi, nauupo siya sa tabi ng kaha. feinfühlig
Bewegung
verzichten
Sa kanya dumaraan ang labas-pasok ng pera. Alanganing mainit at alanganing malamig ang pakikitungo niya sa akin. Ako ma'y hindi naging malapit sa kanya, bagama't ibinigay ko sa kanya ang karampatang paggalang. Inisip ko na lang na hindi naman ako mamamalagi sa kapihan nang pangmatagalan. angemessen

 {22.3}
Mabait din sa akin ang siyam na taong gulang na sioti ni Fely. Araw- araw pag-uwi mula sa eskuwela, niyayaya niya akong maglaro ng baraha o mga laro sa daliri. Nagpaturo pa sa akin ng wikang Tsino. Kung minsa'y niyayaya akong umakyat sa bundok at manghuli ng mga paruparo. Sa bundok, namumukadkad ang iba't ibang bulaklak, at tila nagsasayawan ang malalaki't magagandang paruparo. jüngerer Bruder
Täter!
Kung minsa'y hinihila niya ako papunta sa ilog para humuli ng isda at hipon. Hindi kalaliman ang ilog, pero maraming buwaya. Minsan, tuwang-tuwa kami nang makadakma ng isda sa mga siwang ng bato sa ilog nang makita kong lumalapit ang isang buwaya. Sa labis na takot, itinapon ko ang isda at hinila sa pampang ang kapatid ni Fely. Mula noo'y hindi na kami nagpunta sa ilog para humuli ng isda. fangen
Schlitz
Pagsapit ng dapithapon, sinisindihan ang mga ilaw na de-gaas sa loob ng kapihan at pinatutugtog sa ponograpo ang mga usong awitin, at nagdaratingan na ang mga kostumer. Karamihan sa kanila'y mga binatang manggagawa sa kalapit na plantasyon. May ilang nagtatrabaho sa mga ginagawang kalsada. Pulutan nila ang longganisa o isdang tinapa, habang umiinom ng mumurahing whisky, serbesa o tuba. Nakikipagbiruan sila kay Fely. Nakikipagharutan. Marami sa kanila'y tila si Fely ang talagang sadya sa kapihan. ungestüm

 {22.4}
Abalang-abala ako sa pagsisilbi gabi-gabi, pero hindi ako gusto ng mga kostumer. Si Fely ang gusto nilang magsilbi sa kanila, ang mag-abot ng alak o kape, para magkaroon sila ng pagkakataong mapalapit sa kanya. Si Fely nama'y sanay na sanay makiharap sa iba't ibang klase ng kostumer. Matatamis at kabigha-bighani ang mga ngiti niya para sa karamihan ng kostumer. Pero ang mga lasing na nagiging bastos, agad niyang pinandidilatan hanggang lubayan siya. gewandt
verlockend
mit großen Augen
locker lassen
At mabilis niyang hinahampas ang mga kamay na nagtatangkang dumakma sa dibdib niya. Kung minsa'y sinasaktan niya ng mahahayap na salita ang mga nambabastos sa kanya. At kung may mga lasing na talagang ayaw lubayan si Fely, agad tumatayo ang inang nakaupo sa tabi ng kaha para ipagtanggol ang anak na dalaga. Itinataboy palabas ang mga lasing kasabay ng magkahalong bulyaw at tungayaw. vorhaben
vorschnellen
scharf
schützen
wegjagen
Zurechtweisung
Schimpfwort

 {22.5}
Sa pagdalaw sa akin ni A Chuan araw-araw kasabay na ang dalaw niya kay Fely. Mula sa kanilang mga mata'y nakikita ko ang pag-iibigan ng isang dalaga at isang binata. Mahiyain si A Chuan, gaya ng isang binibini, samantalang si Fely, mas prangka at mas malakas ang loob.  
Sa mismong harapan ko, inaayos niya ang kuwelyo ni A Chuan, o kaya'y sinusuklay ang magulong buhok. Minsan, hindi sinasadyang nakita kong yakap-yakap ni Fely si A Chuan sa likod ng hagdan. Magkadikit ang kanilang mga labi. Mapulang-mapula ang mukha ni A Chuan paglabas mula sa likod ng hagdan. Kragen
Halos mahibang si Fely sa pag-ibig kay A Chuan. Madalas niya akong kuwentuhan ng tungkol sa relasyon nila ni Ahia. Wala siyang ipinaglihim sa akin. Isang pambihirang lalaki ang ahia ko, aniya, matapang na'y maginoo pa. Guwapo rin ako, aniya, kamukha ni Ahia. Alam kong sa pagpuri niya sa aki'y pinupuri rin niya ang lalaking iniibig. verrückt
Arg totoo, sa litratong ipinadala ni Ahia sa Tengsua, kamukha ko nga siya talaga. Katawang payat at matangkad. Mukhang maamo. Ganap na kaanyuan ng mga batang tila tatanga-tanga. Pero ang ahia ko ngayo'y matipuno ang pangangarawan, siksik ang mga bisig ar malalapad ang balikat.  
Idagdag pa rito ang buhok na maitim at makapal, mga matang kumikislap, ilong na tuwid na tuwid, mga labing mapula at mga pisnging malinis at maputi, at hindi man ayusan ay makikita ang likas na anyo ng isang lalaking kagigiliwan ng kababaihan. Isang tunay na magandang lalaki! Kaya naman hindi kataka-takang sinasabi ng mga dalaga sa bayan na masuwerte si Fely sa pagkakaroon ng isang kasintahang gaya ni Ahia.  

 {22.6}
Ano't gayon na lamang ang pagkahumaling ng isang napakagandang dalagang huanpo sa isang pobreng kabataang huaqiao? Ilang beses kong tinanong si A Chuan tungkol dito. Sa umpisa'y ayaw niyang sabihin, pero nagsalita rin siya matapos kong kulitin. Vernarrtheit
At nalaman kong maagang naipunla ang binhi ng pag-ibig, at sa paglipas ng mga araw at buwan, sa pagtaas at pagbaba ng tubig sa dagat, ang binhi'y unti-unting nagkaugat, hanggang umusbong at mamulaklak. Dumating sa munting bayang ito si Ahia mula sa Tengsua kasama ni Papa noong labing-anim na taong gulang siya, walong taon na ang nakaraan. Kasosyo noon ni Papa sa Li Hua ang isang kaapelyido namin. säen (punlạ)
keimen
Tumutulong sa tindahan ang kasosyo ni Papa, pati isang pamangkin nito. Dahil maliit lang ang tindahan at masyadong lalaki ang gastos kung magdaragdag pa ng tao, ipinasok ni Papa si A Chuan bilang aprentis sa tindahang katapat ng Li Hua. Ang may-ari ng tindaha'y dili-iba't yaong nagdala sa akin kay Ahia. Kailangang gawin ng aprentis ang lahat ng klase ng trabaho, kasama na ang pag-igib ng tubig at pangunguha ng panggatong sa bundok. eben dieser
??
Wasser holen

 {22.7}
Isang araw humandang umakyat si Ahia sa bundok sa gawing timog ng bayan, hawak sa kamay ang pingga at lubid, at may nakasuksok na itak sa baywang. Nang maparaan sa gubat, nakarinig siya ng sigaw at iyak ng batang babae, waring takot na takot. Gepäckstock
an einem Haken
Agad tinunton ni Ahia ang pinagmulan ng tinig, hanggang makarating siya sa loob ng gubat, at nakita niya ang isang batang babaeng napapaligiran ng mahigit sampung unggoy. May mga unggoy na nagtatangkang sunggaban ang mukha ng bata, may mga gustong humila sa palda nitong bulaklakin, at may mga nagtatatalon at nagsisisigaw. Takot na takot na umiiwas ang batang babae; sumisigaw at umiiyak nang malakas. greifen
Hindi pa natatagalan pagdating sa munting bayan, narinig na ni Ahia ang mga kuwento tungkol sa mga unggoy sa bundok. Sa gabi umano'y bumababa ang mga ito mula sa bundok at nagnanakaw ng mga prutas sa bayan, naninira ng mga tanim na gulay. At kapag nakakita ng babaeng nag-iisa sa bundok, bumababa mula sa puno ang mga lalaking unggoy para mangmolestiya. sagt man
Noo'y hindi gaanong naniwala si A Chuan sa mga kuwento, hanggang makita niya mismo ang ginagawa ng mga unggoy sa batang babae, at agad siyang nakadama ng pagkasuklam sa mga ito. Galit na galit niyang itinaas ang pingga at sumigaw nang malakas, pagkuwa'y sumugod sa mga unggoy na nakapalibot sa batang babae. Abscheu
angreifen

 {22.8}
Nagulat at nagsilingon ang mga unggoy nang marinig ang sigaw Nagsitakbo paatras. Pero nang makita ng rnalalaking unggoy na nag-iisa ang dumating, nakalabas ang mga ngipin at nakaamba ang mga kamay na sumalubong ang mga ito, umaangil at umastang lalaban. Ilang unggoy ang pumulot ng mga bato at ipinukol kay A Chuan. drohend
??
fletschen
Haltung einnehmen
Gusto lang namang takutin ni Ahia ang mga unggoy at iligtas ang batang babae. Hindi niya akalaing sa dami ng mga unggoy ay hindi natakot ang mga ito, at umasta pang lalaban. Nang makalapit ang mga unggoy, sinugod niya ang nauunang pinakamalaki at ubos-lakas na hinampas ng pingga sa ulo.  
Napaigik at natumba ang malaking unggoy. Isinunod ni A Chuan ang dalawa pa. Natumba ang isa, ang isa'y nasugatan. Sumisigaw sa sakit na kumaripas ng takbo ang unggoy na nasugatan. Ang ibang mga unggoy nama'y nagpulasan at nagsiakyat sa puno. grunzen, ächzen
weglaufen

 {22.9}
Pagkatapos gapiin ang mga unggoy, nilapitan ni A Chuan ang batang babae, na noo'y nakasandal sa isang puno, nanginginig sa takot ang buong katawan. Hinawakan ni A Chuan sa kamay ang batang babae at patakbong hinila palabas ng gubat. überwältigen
lehnen
Ngunit nanlalambot ang mga tuhod ng batang babae sa labis na takot. Hindi pa nakakalayo'y nadapa na ito. Sa pangambang humabol at gumanti ang mga unggoy, lumuhod si Ahia at pinakapit ang batang babae sa kanyang mga balikat, at kinarga ito palabas ng gubat hanggang makababa sila ng bundok. Misstrauen
"nehmen"
Tinanong ni A Chuan ang batang babae kung bakit mag-isang nagpunta sa gubat. Sinabi ng batang babae na dumalaw siya sa tiyahing nakatira sa gilid ng bundok. Habang naglalakad pauwi nang umagang iyon, nakakita siya ng dalawang magagandang paruparo. Hinabol niya ang mga paruparo hanggang naligaw siya at napasok sa gubat.  

 {22.10}
Ang batang babaeng iniligtas ni Ahia ay dili-iba't si Fely, na noo'y hustong sampung taong gulang pa lamang. Bilang pasasalamat kay Ahia, nagpupunta si Fely sa pinapasukan niyang tindahan tuwing may kailangan itong bilhin. Pagkagaling sa eskuwela, sinasadya pa nitong umikot ng daan para lang makita siya.  
Kasabay ng paglipas ng mga araw ang dating batang babae ay unti-unting naging isang magandang dalaga, at ang nadaramang pasasalamat ay unti-unting nauwi sa pag-ibig. Si Ahia man ay naging isang magandang lalaki, at bagama't gusto niya rin si Fely, pinipigil siya ng mga piyudal at makalumang kaisipan, idagdag pa ang pinangangambahang sabi-sabi ng mga kapwa huaqiao, kung kaya't sinikil niya ang damdamin para sa dalaga. obwohl
feudal
zu befürchtend
unterdrücken
Para sa komunidad na huaqiao, hindi magandang tingnan para sa isang lalaki ang mag-asawa ng huanpo. Tanging yaong mga dahil sa labis na karalitaa'y walang kakayahang umuwi sa Tengsua para mag-asawa ng isang kalahi ang napipilitang mag-asawa ng huanpo. Armut

 {22.11}
Nang makatapos ng hay-iskul, tumulong na si Fely sa ina sa pag- asikaso sa kapihan. Maraming kabataang lalaki sa bayan ang umaali-aligid sa kanya. Gabi-gabi, may mga humaharana sa kanya sa harap ng kapihan, tumutugtog ng gitara at kumakanta ng mga awit ng pag-ibig.  
Ngunit tinanggihan niya ang lahat ng manliligaw. Paano'y matagal niya nang iniukol ang puso kay A Chuan, at araw-araw ay ginagawa niyang dahilan ang pagbili sa tindahan para lang makita si Ahia. Noo'y humiwalay na ang dating kasosyo ni Papa sa tindahan, kaya't lumipat na rin si Ahia sa Li Hua.  
Alam ni Fely na natutulog si Papa tuwing tanghali, at sinasamantala niya iyon para magpunta sa tindahan at makipagkita kay A Chuan. Ilang beses niyang niyaya si Ahia na makipagtagpo sa kanya sa tabing-ilog, ngunit nag-aalala si Ahia na malaman ni Papa kung kaya't lagi siyang tumatanggi. Si Fely nama'y gaya ng sundalong hindi nasiraan ng loob. Lalong nagsumigasig sa paglusob. ausdauern
angreifen
Hindi siya tumigil hangga't hindi pumapayag ang iniirog. Hanggang isang gabing nagpunta sa daungan si Papa para mamili ng mga paninda at hindi umuwi para matulog, magkahawak-kamay na namasyal sa tabing-ilog sina A Chuan ar Fely. Sa tanglaw ng buwan, naghanap sila ng isang tahimik na lugar, at sa lugar na iyon na nakatago sa malalaking puno, magkadikit ang mga balikat nilang umupo sa batuhan, hanggang lumalim ang gabi. Ang karanasang iyo'y nag-iwan kay Ahia ng matatamis na alaala. zustimmen
Liebster

 {22.12}
At gaya ng batang nakatikim ng tamis ng nakaw na kendi, lumakas ang loob ni Ahia. Inasam-asam niyang masundan ang tipanan nila ni Fely. Walang koryente sa munting bayan. Ang mga tindaha'y nagbubukas pagsikat ng araw at nagsasara pagsapit ng gabi. sich sehnen
Verlobung
Kadalasan, pagkatapos kuwentahin ni Papa ang pinagbentahan, mga alas-nuwebe lang ay nahihiga na siya, at madali siyang nakakatulog dahil sa labis na pagod. Sinasamantala ni Ahia ang gayong pagkakataon. Binubuksan niya ang maliit na pinto sa likuran ng tindahan at nagpupunta sa tabing-ilog para makipagtipan kay Fely.  
Ngunit walang lihim na hindi nabubunyag. Nagsimulang kumalat ang mga sabi-sabi sa bayan tungkol sa umano'y kung ano-anong ginagawa nina A chuan ar Fely sa tabing-ilog. Nakarating ang mga sabi-sabi kay Papa, na dahil sa impluwensiya ng mga lumang kaisipan ay sabihin pang ayaw makitang nakikipagmabuti ang anak sa isang huanpo. herauskommen
Ngunit hindi siya naniniwalang ang anak, na laging mabait at masunurin, ay makagagawa ng anumang taliwas sa kagustuhan ng magulang. Kaya't hindi niya agad kinausap si Ahia. Gayunma'y lihim siyang nagmatyag. Isa pa, si Fely ay matagal nang suki sa tindahan. At sa panahong mahina ang negosyo, sino ang may gustong mawalan ng isang suki? jem. beobachten

 {22.13}
Labis na ikinagalit ni Fely ang mga sabi-sabi. Niyaya niya si A Chuan na magpakasal na, o kaya'y magtanan. Ngunit walang ganoong lakas ng loob si Ahia. Ayaw niyang saktan ang damdamin ng ama. Ayaw niya ring mapulaan ng mga kapwa huaqiao. Isa pa'y napansin niyang minamatyagan siya ni Papa, kaya't ilang buwan siyang hindi nangahas makipagtipan kay Fely. At nang wala namang matuklasan si Papa na anumang ikinikilos ni Ahia na lihis sa kagandahang-asal, unti-unti na ring lumuwag ang dating pagmamatyag. fliehen
viel Mut haben
Tahimik na tiniis ni Ahia ang sakit na dulot ng sinikil na damdamin, ngunit hindi iyon kayang gawin ni Fely. Sa mga tanghaling natutulog si Papa at kakaunti ang namimili sa tindahan, dumarating si Fely, na ang layuni'y makasama at makausap si Ahia. unterdrücken

 {22.14}
Isang tanghali, dumating si Fely habang naiidlip si A Chuan sa pagtao sa tindahan. Tahimik siyang pumasok at sumilip sa pintong naghihiwalay sa labas at loob ng tindahan, at nang makitang naghihilik si Papa sa tumba-tumbang yantok, bumalik siya at marahang niyugyog si A Chuan. Bumili siya ng dalawang kahang posporo, at nang magbayad ay mariing pinisil ang kamay ni Ahia, nagsusumamo ang magagandang mata. schnarchen
schütteln
Druck
mit Hand drücken
überreden
"A Chuan, mahal ko, huwag mo na akong pahirapan pa!" paanas na sabi ni Fely. "Magkita tayo ngayong gabi. Hihintayin kita sa dating lugar. May mahalaga akong sasabihin." "Kung may sasabihin ka'y ngayon na," parang ugong ng lamok ang boses ni A Chuan. Tumingin siya sa loob ng tindahan para ipahiwatig na nagmamatyag si Papa. "Hindi!" medyo galit na sinabi ni Fely. "Marami akong gustong sabihin sa 'yo." flüsternd
summen
beobachten

 {22.15}
"Hindi puwede, hindi puwede!" sabi ni A Chuan, hirap na hirap ang kalooban. "Bakit hindi puwede?" tumaas ang boses ni Fely. "Mahigit beinte anyos ka na. May kalayaan ka sa ilalim ng batas. Ano'ng ikinatatakot mo? Mahal mo ba ako o hindi?" "Shhhh ..." tinangkang pigilin ni A Chuan si Fely. Inginuso ang loob ng tindahan, saka buong pagmamahal na tiningnan ang dalaga para ipahayag ang damdamin para rito. beabsichtigen
mit Lippen zeigen
"Duwag!" hindi matanggap ni Fely ang kahinaan ng loob ni Ahia. Galit na idinilat ang magagandang mata. Binitiwan niya ang kamay ng kasintahan, saka matigas na sinabi, "Basta hihintayin kita sa tabing-ilog. Kung hindi ka dumating, ibig sabihi'y hindi mo na ako mahal, kaya't tapos na ang lahat sa atin!" loslassen

 {22.16}
At tumalikod na si Fely. Mariin ang pagkakasabi niya sa huling pangungusap. Naiwan si A Chuan, labis na nalulungkot at nababahala. Inihatid niya ng tingin ang dalaga, hanggang tuluyan itong makalayo. Naglabas siya ng panyo at pinunasan ang pawis sa noo. Lumapit siya sa pinto at sinilip si Papa sa loob. Nabawasan ang kanyang pagkabahala nang makitang naghihilik pa sa tumba-tumbang yantok ang matanda. Nang hapong iyo'y matagal niyang nilimi ang mga sinabi ni Fely, at naganap ang matinding pagtatalo sa kalooban. bedenken
Widerstreit
Dumami ang mga mamimili mga bandang alas-tres ng hapon. Lumabas na rin si Papa mula sa loob ng tindahan at tumulong kay Ahia sa pag-asikaso sa mga kostumer. Habang abala sa pagtitinda, manaka-nakang sinusulyapan ni Ahia ang mukha ni Papa. Wala naman siyang napansing kakaiba, sa gayo'y ipinasiya niyang makipagsapalaran at sumipot sa tipanan. ab und zu (sakạ)
wagen
ankommen
Alam niyang sa nakalipas na ilang gabi'y may mga binatang nagpupunta sa kapihan para haranahin si Fely. Mabuti na lang at siya lang ang pinag-uukulan ng pagmamahal ng dalaga, at ito'y mahal na mahal niya rin naman, kaya nga lang ...  

 {22.17}
"Talaga bang ako'y isang duwag?" tanong niya sa sarili. "Hindi! Sanlibong hindi! Hindi ko siya maaaring biguin. Kailangang siputin ko siya ngayong gabi!" Pagkasara sa tindahan nang hapong iyon, nagpunta si Ahia sa kusina at ininit ang mga tirang kanin at ulam para sa hapunan nila ni Papa. Pagkahapunan, nagwalis siya sa loob ng tindahan at nilagyan ng paninda ang mga eskaparate habang kinukuwenta ni Papa ang pinagbentahan nang araw na iyon. ankommen
Pagsapit ng alas-nuwebe, pagkababang-pagkababa ni Papa sa kulambo, gaya nang dati'y agad siyang naghilik dahil sa labis na kapaguran. Pinatay ni A Chuan ang tinghoy at nahiga sa tablang higaan, pinakinggan ang paghilik ni Papa, nanatiling nakadilat ang mga mata habang nagpapalipas ng oras. Moskitonetz
schnarchen
Öllampe
Tong, tong, tong ... Tumunog nang sampung beses ang lumang orasan. Bumaba si Ahia mula sa higaan at patingkayad na nagpunta sa likuran ng tindahan. Binuksan niya ang maliit na pinto at mabibilis ang mga hakbang na nagpunta sa tabing-ilog.  

 {22.18}
Kumukuti-kutitap ang mga bituin sa langit, at ang daloy ng tubig sa ilog ay tila isang masayang awit. Nagkokoro sa paghuni ang mga kulisap sa damuhan, at ang lahat-lahat sa kalikasan ay nagbubunyi para sa pag-iibigan ng magkasintahan mula sa magkaibang lahi. Nakatayo si Fely sa tabi ng batuhan sa ilalim ng malaking puno at nakatanaw sa makitid na daan sa tabing-ilog nang makitang nagmamadaling lumapit ang itim na pigura. flackern
feierlich sein
schmal
Nag-umalpas sa mabilis na pagtibok ang kanyang puso at halos kumulo ang kanyang dugo sa matinding pag-asam nang tumigil ang itim na pigura sa kanyang harapan. Hinila niya ito at niyakap nang buong higpit, at tila nahihibang na hinagkan ito sa buhok, sa noo, sa mga mata hanggang sa mga labi, habang umaagos ang mainit na luhang bumasa sa magkabilang pisngi ni A Chuan. frei sein
Sehnsucht
halikạn
Inalalayan ni A Chuan si Fely sa pag-upo, pasandal sa malalaking bato, at saka pinunasan ng dalang panyo ang luhaang mga mata ng dalaga. Humihikbing inilabas ni Fely ang damdaming kinuyom sa nakalipas na ilang buwan. Nagsumamo siya kay A Chuan. schluchzen
verbergen
Habang bata sila'y kumawala sana sa paninikil ng tradisyon at ng lipunan at lantarang mamuhay nang magkasama, aniya. Handa siyang sumama kay A Chuan kahit saan, aniya pa. Sa Tsina, sa America, sa Australia ... kahit saan, at nakahanda siyang magtiis gaano man kahirap ang buhay. Nakahanda siyang bigyan si A Chuan ng maraming anak, at paglingkuran habambuhay ... ablegen
Unterdrückung
"vor aller Welt"

 {22.19}
Labis na naantig si A Chuan sa mga sinabi ng katipan, na tunay na minamahal niya rin naman, ngunit maigting pa rin ang mga pagtatalo sa kanyang kalooban. Mula pagkabata'y namulat na siya sa mga piyudal na paniniwala't kaisipan, kaya't kung ihahambing sa dalagang kabilang sa ibang lahi, na malayang-malayang naipapahayag ang damdamin, ay sadyang kay laki ng agwat ng pananaw nila sa mga usapin ng pag-aasawa't pag-iibigan. betroffen sein
fest gebunden
aufwachsen
Hindi siya makapagpasiya sa kinakaharap na patong-patong na balakid. Hindi siya makawala sa tanikala ng damdamin. Ngunit ayaw niya ring biguin at sugatan ang damdamin ng babaeng pinakamamahal. Sa gayo'y wala siyang nagawa kundi haplusin ang mahabang buhok ng iniirog, at isumpang kailanma'y hinding-hindi magbabago ang kanyang pag-ibig, kaya't sana'y magkaroon ito ng tiyagang maghintay, at tiyak na darating ang araw na magkasama silang mamumuhay. herausfordern
Hindernis
Kette
streicheln

 {22.20}
At tila nasiyahan naman ni Fely sa pangako ni A Chuan. Humilig siya sa kandungan ng kasintahan. Inihatid ng hangin ang bango ng mga ligaw na bulaklak, at nagsalo ang magkatipan sa mga pangarap ng pag-ibig, hindi namamalayan ang paglipas ng mga sandali. Biglang-bigla'y narinig mula sa malayo ang tilaok ng manok. Nagising si A Chuan mula sa tila lasing na pangangarap at nagmamadaling tumayo. "Kailangan ko nang umuwi." Schoß
Walang nagawa si Fely kundi tumayo na rin, at magkahawak-kamay silang naglakad papunta sa bayan, hanggang sa nanghihinayang na naghiwalay. Nakakailang hakbang pa lang ay patakbong bumalik si Fely. Mahigpit na niyakap si A Chuan at mariing hinalikan. Marahan itinulak na A Chuan ang maliit na pinto ng likuran ng Li Hua, at tila tumalon-talon ang puso nang makitang nakasindi ang ilaw sa loob ng tindahan. Alam niya may masamang nangyayari. Pumasok siya sa tindahan, pilit pinatatag ang kalooban. bedauern
(sayang)

 {22.21}
Nakaupo sa upuang yantok si Papa. Tila nababalot ng niyebe ang mukha, panay ang hitit sa sigarilyo, at walang sinabi kahit ano. Tahimihik na tumayo si A Chuan sa isang tabi, nakatungong hinintay na pagalitan ng ama. Napuno ng amoy ng sigarilyo ang loob ng kabahayan, at ang tanging naririnig ay ang tiktak-tiktak ng lumang orasan. Katahimikan. Matinding kaba. Paghihintay sa paghampas ng malakas na unos. rauchen
Herzschlag
Ngunit walang dumating na unos. Taliwas sa inaasahan ni A Chuan hindi nagpawala ang ama ng galit na tila kulog at kidlat. Pinatay nito ang sindi ng sigarilyo. Nagpawala ng mahabang buntong-hininga. Namuo ang luha sa mga mata. Mababakas sa mukha ang kabaitang hindi pangkaraniwan. spüren
"Saan ka nanggaling at inabot ka ng hatinggabi?" tanong ni Papa. Gusto sanang magsinungaling ni A Chuan, ngunit nang makitang hindi nagalit ang matanda, at sa halip ay malungkot na lumuluha, naisip niyang bibigat lang ang kanyang kasalanan kung hahabi pa ng kasinungalingan. Sinabi niya ang katotohanan. weben
"Sa tabing-ilog." "Tingnan mo' anong oras na?" Tumingala si A Chuan mula sa pagkakatungo at tiningnan ang orasan. Alas-dos treinta y singko na. aufschauen

 {22.22}
"Anong kahihiyan na naman ang ginawa n'yo ng huanpo na iyan sa tabing-ilog at inabot kayo ng ganitong oras? Hindi ko akalain makakagawa ka ng ganitong kahihiyan!" "Papa, wala kaming ginagawang anumang kahihiyan." "Hindi kahihiyan ang ganyang pagniniig at pagyayakapan? Nakalimutan mo na ang tamang asal ng lalaki't babae?" may bahagyang galit sa tinig ni Papa. Geschmuse
Mangangatwiran pa sana si A Chuan nang pigilin ng ama. "Matagal nang usap-usapan sa buong bayan ang relasyon n'yo ni Fely! Noo'y inakala kong may sapat na pag-iisip ka at hindi gagawa ng anumang kahihiyan, kaya't hindi kita pinaalalahanan. Hindi ko akalaing tuluyan kang mahihibang sa kanya. Hay! Kung suwail ang anak, ama ang may sala. Ako ang dapat sisihin sa nangyaring ito!" erinnern
weitermachen
außer sich sein
ungehörig
vorwerfen

 {22.23}
Muli'y pumatak ang luha ng matanda. Lumaki si A Chuan na may pagmamahal sa magulang, at sa nakitang kaanyuan ng ama'y nginatngat siya ng matinding pagsisisi. "Papa, kasalanan ko ang lahat!" "A Chuan, maaga kang nawalan ng ina, at maliit pa ang iyong kapatid. Inaasahan ko na ipagpapatuloy mo ang negosyo ng pamilya at magsisilbing mabuting halimbawa sa iyong kapatid. nagen
Gaano man tayo kahirap, kaya nating ihanap ka ng mabuting asawa sa Tengsua. Hindi ko akalaing magpapakababa ka nang ganyan at magkakagusto sa isang huanpo!" "Mabuting babae si Fely," pagtatanggol ni Ahia. "Mabuting babae?" galit na talaga si Papa. "May mabuting babae bang nakikipagtipan sa lalaki sa hatinggabi? Kung nagagawa ka niyang akitin, hindi ba niya magagawang umakit ng ibang laraki?" Verteidigung
Alam ni A Chuan na hindi patas para kay Fery ang mga sinabi ni Papa. Sa umpisa'y asiwa rin siya sa malayang pag-iibigan. Nagawa niya lamang itong tanggapin dahil sa pag-akay ni Fely. Ngunit puno ng mga piyudal na kaisipan ang utak ng ama, paano niya ito kukumbinsihin? Kaya't minabuti niyang magsawalang-kibo na lamang. unentschieden
peinlich
Führung
überzeugen
zurückhalten

 {22.24}
"Mahigit beinte anyos ka na, sana'y matuto kang mahalin ang sarili! Kung sa puno'y mahalaga ang balat, sa tao'y mahalaga ang mukha. Gusto ko pang manatili't magnegosyo sa bayang ito. Mamili ka. Kung pipiliin mo ang iyong ama, kailangang putulin mo ang relasyon sa huanpo na iyan! Kung talagang gusto mo sa kanya, kailangang lumayas ka ..."  
Pagkatapos ng sinabi'y tuluyan nang umagos ang luha ng matanda. "Papa ..." lumuhod si A Chuan sa harap ni Papa, umaagos din ang luha. Alinman sa dalawa'y hindi niya magagawa. Hindi niya maiiwan ang kaawa-awang ama, ngunit ayaw niya ring mawalay sa pinakamamahal na si Fely.  
Kaya't wala siyang naisagot kundi luha, at ipaubaya na lamang ang lahat sa tadhana. Kung titingna'y mukhang estrikto si Papa. Ang totoo'y malambot ang kanyang kalooban. Nang makitang umaagos ang luha ng anak ay inakala niyang nagsisisi na ito. Nakadama siya ng awa at inalo ang anak. Schicksal
erwarten
bereuen
trösten

 {22.25}
"Tama na. Hindi naman santo ang tao, sino'ng hindi nagkakamali? 'Ika nga ng kasabihan: Mas mahalaga kaysa ginto ang pagbabalik-loob ng anak. Ang mahalaga'y alam mong nagkamali ka, at magagawa mong magbago. Huwag na huwag ka nang gagawa ng ganyang kalokohan. Hala, tumayo ka na. Matulog ka sandali't mag-uumaga na."  
Nangyari ang lahat ng iyon kalahating taon bago ako dumating sa munting bayan. Sinikil ni A Chuan ang damdamin at hindi na muling nakipagtipan kay Fely. Sinikap niya rin itong iwasan. Ngunit hindi natiis ni Fely ang pag-iwas ni Ahia. Salawahan si A Chuan, aniya, at isang duwag. Labis-labis mang nasakta'y nagkunwa si A Chuan na balewala ang mga sinabi ng kasintahan. At sa nakita'y unti-unti namang napalagay ang loob ni Papa. Bago umalis papuntang Tengsua ay kinausap pa nang masinsinan si Ahia. unterdrückt
sich verabreden
betreiben
aushalten
wankelmütig
heuchelt
still werden
dicht gewebt

 {22.26}
"A Chuan, sa pag-alis ko'y bibigat ang iyong pasan. pagbutihin mo ang negosyo. Kuwentahin at ilistang mabuti ang mga benta at utang. Pinakamahalaga ang kredibilidad sa usapin ng pera. Matulog ka nang maaga at gumising nang maaga. Iingatan mo ang ilaw sa gabi. Pagdating ng sioti mo, kailangang turua't pangaralan mo siya, kaya't kailangang maging mahigpit ka rin sa iyong sarili. Last
Angelegenheit
kleiner Bruder
Huwag lalampas sa negosyo ang relasyon n'yo ni Fely. Huwag na huwag kang gagawa ng anumang taliwas sa kaugalia't kagandahang-asal." Panay ang tango ni A Chuan sa mga bilin at pangaral ni Papa. At nakahinga siya nang maluwag pag-alis ng matanda. Auffforderung


Chinesen
 {22.27}
Nang gabing nangyari ang sunog, tumulong si Fely sa pagliligtas sa mga paninda. Ilang beses siyang naglabas-pasok sa nasusunog na tindahan kaya't bahagyang nasunog ang buhok niya at damit. Siyempre pa'y malaki ang pasasalamat ni Ahia kay Fely, lalo na't hinayaan akong pansamantalang tumigil sa kapihan. Sa kabila nito'y hindi pa niya magawang hayagang ipakita ang relasyon sa dalaga. zeitweise
Una'y kasusunog lang ng tindahan, at labis na ikasasama ng loob ni Papa kung malalamang nakikipagmabuti uli siya kay Fely. Ikalawa'y hindi pa nababayaran ang mga utang ng tindahan, kaya't ayaw niyang may masabi ang mga kapwa huaqiao at masira ang kanyang kredibilidad. Ikatlo'y malamig na malamig ang pakikitungo sa kanya ng ina ni Fely mula nang masunog ang Li Hua. Kaya naman hindi siya gaanong nagtatagal kung nagpupunta sa kapihan, at ito'y hindi ikinatuwa ni Fely. ikasamạ
wahrscheinlich
Ang totoo'y gusto ko ang ugali ni Fely, at nakikisimpatiya ako sa kalagayan ni Ahia. Hinangad ko na magkatuluyan sila. Ngunit sa nakitang kasawiang-palad nina Tan Sua at Isha sa Napa, labis-labis akong nag-aalala para sa magiging kapalaran nina Ahia at Fely. Wala akong maitutulong na anuman. Ang tanging magagawa ko'y hangarin ang pinakamabuti para sa kanila. beabsichtigen
besorgt sein

 {22.28}
Ang liham na nagbabalita sa pagkasunog ng Li Hua ay halos kasabay ni Papa na dumating sa Tengsua. Sa isang iglap ay naging abo ang kabuhayang buong buhay na ipinundar ng matanda! Hindi nakayanan ang mariing dagok, iginupo siya ng malubhang karamdaman. Bago nagkasakit, sumulat pa siya at sinabing pagkaasikaso sa libing ni Ammah ay agad siyang babalik sa Nanyang. Augenblick
gründen
?
Nackenschlag
verfallen zu Ruine
Sana'y magtulungan kaming magkapatid para magtagumpay sa negosyo, aniya pa. Ngunit ang isa pang liham na ipinadala niya pagkatapos magkasakit ay kababakasan ng lubusang pagkasira ng loob. Dalawang buwan na siyang may sakit, aniya, mahinang- mahina na siya at hindi makalakad nang walang tungkod, kaya't wala na siyang nalalabing lakas para bumalik sa Nanyang. Iniaasa niya na sa aming magkapatid ang pagbabangon sa negosyo ng pamilya. zeichnen
Kaya ako inabot nang tatlong buwan sa munting bayan ay dahil sa paghihintay kay Papa. Ngayong nalaman kong hindi na siya babalik ay wala nang kabuluhan pa ang pananatili ko sa munting bayan. Gusto ko nang lumisan, lalo't wala rin naman akong makitang mapapasukan. Ngunit hindi pa nababayaran ang mga pagkakautang ng Li Hua, at hindi ko maatim na iwanang mag-isa si Ahia. zulassen
Kalaunan, nag-usap-usap ang mga pinagkakautangan. Nagkaisa silang wala namang seguro ang Li Hua at totoong nadamay lamang ito sa sunog ng kapitbahay. Kaya't nagkasya na lamang sila sa pagkuha sa mga panindang naisalba at ang anumang kakulangan ay hindi na namin kailangang bayaran. vereinigen
Versicherung
mitfühlen

 {22.29}
Nang maayos ang mga pagkakautang ng tindahan, nagpaalam na ako kina Ahia at Fely. Hindi sila pumayag na umalis ako at kinumbinseng manatili na lamang sa munting bayan. Puwede akong magtrabaho nang pirmihan sa kapihan, alok pa ni Fely. Ngunit hindi ko gustong nagsisilbi sa mga lasing, kaya't napakabait man sa akin ni Fely ay tinanggihan ko ang alok niya. Angebot
Inihatid ako nina Ahia at Fely sa estasyon nang araw na lisanin ko ang munting bayan. Kinamayan ko sila at nagpaalam na, at pagsakay sa bus ay nakadama ako ng labis na kalungkutan. Nang dumating ako sa munting bayang ito tatlong buwan ang nakaraan, dala-dala ko ang kagalakan ng pakikipagkita kina Papa at Ahia. Sa pag-alis ko pagkaraan ng tatlong buwan, ang dala-dala ko'y pagdadalamhati at panghihina ng loob.  
Kay labo ng aking kinabukasan, at wala akong tiyak na patutunguhan. At naisip ko, kailan ko kaya muling makakasama sina Ahia at Fely? At sa naisip ay hindi ko napigil ang pagpatak ng luha. Umandar na ang bus. Kumaway sa akin sina Ahia at Fely. Isinigaw ko naman ang aking pamamaalam at pagbati, "Paalam na Ahia! Paalam na Fely! Sumainyo ang kaligayahan!"  
Hindi nauwi sa bula ang aking pagbati. Makaraan ang isang taon, natanggap ko sa Siyudad M ang liham nina A Chuan at Fely. Nalaman kong nalampasan nila ang mabibigat na balakid at naisagawa ang kanilang pag-iisang-dibdib. At nakadama ako ng labis-labis na kagalakan!  

Armin Möller
http://www.germanlipa.de/text/nanyang_2.html   160317 - 220601

Ende / Wakas   Nanyang (2)

↑↑   Nanyang (Übersicht / Buod)   Werkstatt / Gawaan   Ugnika