Werkstatt / Gawaan
Si Busilak   (• busilak)

1 Einleitung / Pambungad
3 Texte / Mga Kasulatan
4 Nichtkanonische Sätze / Pangungusap sa Ayos na Kabalikan
5 Einzeldaten / Bagay-bagay 5.1 5.2 5.3


1 Einleitung / Pambungad

Gonzales, Lei de Chaves: Si Busilak
Quelle / Pinagmulan → {16A-2 Busilak}.

Übersetzung des Märchens Schneewittchen, die eine Absolventin (BS) einer sozialwissenschaftlichen Fachrichtung der University of the Philippines, Los Banos, vorgenommen hat.

Der deutsche Text wurde mündlich der Übersetzerin in Englisch vorgetragen. Von diesen Notizen hat sie den Filipino Text erstellt, der abschließend mit dem deutschen Original bezüglich des Inhaltes abgeglichen wurde.

Deutscher Originaltext und filipinische Übersetzung mit Bildern.


3 Texte - Mga Kasulatan

{3.21}
Noong una'y nanganak ang isang reyna ng babae. Mayroon siyang kutis na singbusilak ng niyebeng puti, mga labing singpula ng dugo at buhok na sing-itim ng gabi. Dahil doon Busilak ang pinangalan sa bata. Ngunit namatay ang reyna, at pagkatapos isang taon kinasal ang hari sa ibang babae. Napakaganda ang bagong reyna, pero siya ay mapagmataas at hambog, at hindi niya kayang tanggapin na may mas magandang babae kaysa kaniya.

{3.22}
Nagkaroon ang reyna ng salaming naghihimala. Araw-araw tinatanong niya ito: "Salamin, salamin, sino ang pinakamagandang babae sa buong bansa ko?" At lagi ang sagot ng salamin: "Kayo po, Reyna, ang pinakamagandang babae sa buong bansa." Lumaki si Busilak nang napakaganda. Isang araw ang sinagot ng salamin sa reyna: "Kayo po, Reyna, dito po kayo ang pinakamagandang babae, ngunit doon ay higit pang mas maganda si Busilak kaysa inyo."

{3.23}
Inutusan ng reyna ang isang mamamaril na patayin si Busilak. Naawa siya kay Busilak at pinakawalan niya iyon. Matagal na naligaw si Busilak sa kagubatan. Sa katagalan nakarating siya sa isang maliit na bahay at pumasok siya doon.

{3.24}
Sa sala may isang maliit na mesang nakaayos na para sa hapunan. Dahil nagugutom na si Busilak, kinain niya ang kakaunting pagkain sa lahat ng platong nandoon at uminom din. Saka humiga siya sa isa sa mga maliliit na kama, tapos natulog siya.

{3.25}
Sa gabi umuwi ang mga amo ng bahay, ang pitong duwende. Binuksan nila ang kanilang pitong ilaw. Saka napansin nila na may ibang tao doon sapagkat naiba ang ayos ng mga kagamitan nila hindi katulad noong umalis sila kaninang umaga. Sabi ng unang duwende: "Sino ang umupo sa bangko ko?" Ng ikalawa: "Sinong kumain sa plato ko?" Tanong ng ikatlo: "Sino ang kumuha ng tinapay ko?" Ng ikaapat: "Sino ang kumain ng gulay ko?"

{3.26}
Sabi ng ikalima: "Sinong gumamit ng aking tinidor?" Ng ikaanim: "Sino ang naghiwa gamit ang kutsilyo ko?" At ng ikapito: "Sino ang uminom sa tasa ko?" Saka nakita nila si Busilak na natutulog sa kama. "Naku! Naku!" ang sigaw nila, "anong ganda ng dalaga!" Sa kasiyahan, hinayaan nila na natutulog si Busilak sa kama.

{3.27}
Kinaumagahan nagising si Busilak, natakot siya ng nakita niya ang pitong duwende. Ngunit mabait sila at tinanong nila si Busilak: "Ano ang pangalan mo?" "Si Busilak ako", ang sagot niya.

{3.28}
"Paano ka nakapasok sa bahay namin?" ang sabi ng mga duwende. Sinabi ni Busilak ang lahat ng kuwento niya. Sabi ng mga duwende, "Kung gusto mong mamahala ng bahay namin, magluto, ayusin ang mga kama, maglaba, manahi at maggantsilyo, at gusto mong ingatan nang maayos at panatilihing malinis ang lahat, puwede kang makitira sa amin, at maganda dito ang buhay mo." "Oo", ang sabi ni Busilak, "talagang gusto ko!" at tumira siya sa kanila.

{3.29}
Inisip ng reyna na patay na si Busilak at ulit tinanong niya ang salamin. Sumagot ang salamin: "Kayo po, Reyna, dito po kayo ang pinakamagandang babae, ngunit doon sa likod ng mga pitong bundok kasama ang mga pitong duwende higit na mas maganda si Busilak kaysa inyo." At nalaman niya na dinaya siya ng mamamaril.

{3.30}
Nagpanggap ang reyna na maglalako at pumunta siya sa bahay ng mga duwende. Kumatok siya sa pintuan at kinausap niya si Busilak upang bumili ng magandang pagbigkis. Mahigpit ang pagkakatali ng reyna sa pangbigkis kay Busilak kaya hindi na siya nakahinga. Napalugmok si Busilak na parang wala ng buhay.

{3.31}
Dumating ang mga duwende at nakita nila sa Busilak na nakahiga sa lupa na hindi humihinga. Pinutol ng mga duwende ang tali at nabuhay muli si Busilak. Pagkahinga ay ikinuwento lahat ni Busilak sa mga duwende ang nangyari.

{3.32}
Tinanong muli ng reyna ang salamin at nalaman niya na buhay pa si Busilak. Nagpanggap muli ang reyna at nagdala ng suklay na may lason. Nilagay ng reyna ang suklay sa ulo ni Busilak. Muling bumagsak sa lupa si Busilak dahil sa lason ng suklay. Sa kabutihang palad, dumating kaagad ang mga duwende at inalis ang suklay na may lason sa ulo ni Busilak. Muling nabuhay si Busilak pagkaalis ng suklay sa buhok niya.

{3.33}
Nalaman ng reyna mula sa salamin na buhay pa si Busilak. Nanginginig sa galit ang reyna. Araw at gabi, iniisip ng reyna kung paano niya mapapatay si Busilak. Pagkatapos, naisip ng reyna na lagyan ng lason ang kalahati ng isang napakagandang mansanas at nagpanggap muli siya. Pumunta siya sa bahay ng mga duwende bilang isang maglalako.

{3.34}
Kumatok ang reyna sa pintuan. Binuksan ni Busilak ang bintana at pagkatapos sumilip ay sinabi: "Hindi ako maaaring magpapasok ng kahit sino. Ipinagbabawal ng pitong duwende." "Ayoslang sa akin iyon." sagot ng maglalako ng magsasaka.

{3.35}
"Wala akong problema upang maitinda lahat ng aking mansanas, ngunit bibigyan na lang kita ng isang mansanas." Sinabi ni Busilak, "Hindi ako maaaring tumanggap ng kahit ano!" "Natatakot ka ba sa lason?" tanong ng maglalako. "Hahatiin ko ang mansanas sa dalawa, kainin mo ang mapulang bahagi at kakainin ko ang maputing bahagi."

{3.36}
Ang mansanas ay naihanda ng maayos kaya ang mapulang bahagi lang ang may lason. Sinuring mabuti ni Busilak ang mansanas at nang makita niya na kumain mula dito ang asawa ng magsasaka at hindi na niya napigilan na tanggapin.

{3.37}
Inilabas niya ang kanyang kamay sa bintana at kinuha niya ang bahaging may lason. At kaagad-agad pagkatapos niya na kumagat, nalaglag si Busilak sa lupa at namatay. Pagkauwi, tinanong ng reyna ang salamin at sa wakas sinagot nito: " Kayo po, reyna, ang pinakamaganda sa buong bansa."

{3.38}
Pagkauwi ng mga duwende, nakita nila si Busilak na patay sa sahig. Sinubukan nila na buhayin si Busilak ngunit walang kuwenta. Nanatiling patay si Busilak at nilagay nila ito sa kamilya. Iniyakan ng mga duwende si Busilak ng mga tatlong araw. Gusto sana nilang ilibing si Busilak ngunit para pa siyang buhay na tao. Kaya gumawa ng kabaong na yari sa salamin ang mga duwende at doon nila nilagay si Busilak.

{3.39}
Isang araw, dumating ang prinsipe na nangangabayo sa gubat. Sa tuktok ng bundok, nakita niya ang kabaong at ang magandang si Busilak na nakahiga sa loob. At sinabi ng prinsipe sa mga duwende: "Duwende, iwanan ninyo sa akin ang kabaong. Ibigay ko ang anumang nais ninyo kapalit nito." Sagot ng mga duwende: "Hindi namin ibibigay ito sa lahat ng ginto sa mundo."

{3.40}
At sinabi ng prinsipe: "Ibigay ninyo sa akin bilang isang regalo dahil hindi na ako mabubuhay pa na hindi nakikita si Busilak. Pahahalagahan ko siyang katulad ng pinakatatangi sa buhay ko." Pagkasabi ay naawa ang mga mabubuting duwende sa prinsipe at ibinigay sa kanya ang kabaong. Pinabuhat ng prinsipe ang kabaong sa kanyang mga utusan sa kanilang balikat.

{3.41}
Biglang natisod sa palumpong ang isa sa mga utusan at dahil sa pagkakagalaw sa kabaong, lumabas ang mansanas na may lason at kaagad na bumukas ang mata ni Busilak at napaupo siya at nabuhay. "Naku, nasaan ako?" Sigaw niya. At sinabi ng prinsipe na nagagalak: "Ikaw ay kasama ko. Minamahal kita nang higit pa sa kahit anong bagay sa mundo. Sumama ka sa kastilyo ng aking ama, kailangan kitang mapangasawa."

{3.42}
Maayos na tinanggap ni Busilak ang prinsipe at sumama siya dito sa kastilyo at idinaos ang isang marangyang kasal. Ngunit inimbita nila ang reyna at nang pumasok siya sa malaking kuwarto at nakilala si Busilak, lubos siyang nagulat at nalaglag siya sa lupa at namatay.


4 Nichtkanonische Sätze / Pangungusap sa Ayos na Kabalikan


5.1 Einzeldaten / Bagay-bagay

Luma at kasalukuyang daglat
LumaBago
P-PP-PPariralang panaguri
P-SP-TPariralang paniyak
P-AP-KPariralang pandako
P-VP-DPariralang pandiwa
P-NP-NPariralang makangalan
P-JP-UPariralang pang-uri
P-EP-ODPariralang pangkaroon
P-A/EP-ODPariralang pangkaroon
CS-Sugnay
/PSPTPagkakasunud-sunod na karaniwan: Panaguri - Paniyak
/PSPPTPPagkakasunud-sunod na karaniwan: Panaguri - Paniyak - Panaguri
/YPSYPTPagkakasunud-sunod na karaniwan: Panaguring may ay - Paniyak
/YPSPYPTPPagkakasunud-sunod na karaniwan: Panaguring may ay - Paniyak - Panaguri
/SYPTYPPagkakasunud-sunod na kabalikan: Paniyak - Panaguring may ay
/ICGGPanggitaga (Panaguri - (Paniyak) - Panaguri)
/P0P0Sugnay na walang paniyak
/YP0YP0Sugnay na walang paniyak (may ay ang panaguri)
VA VaDTPandiwang tahasan
VP VpDBPandiwang balintiyak

  {3.9} - {3.12}
P-PP-SRFP-D 
P-VP-N/PSVaNagpanggap ang reyna na maglalako
P-VP-N/PSVa at pumunta siya sa bahay ng mga duwende.
P-VP-N/PSVaKumatok siya sa pintuan
P-VP-N/PSVP at kinausap niya si Busilak upang bumili ng magandang pagbigkis.
P-JP-N/PS-Mahigpit ang pagkakatali ng reyna sa pangbigkis kay Busilak
P-VP-N/ICVa kaya hindi na siya nakahinga.
P-VP-N/PSVa Napalugmok si Busilak na parang wala ng buhay.
P-VP-N/PSVa Dumating ang mga duwende
P-VP-N/PSVP at nakita nila si Busilak na nakahiga sa lupa na hindi humihinga.
P-VP-N/PSVPPinutol ng mga duwende ang tali
P-VP-N/PSVa at nabuhay muli si Busilak.
P-VP-N/YPSVP Pagkahinga ay ikinuwento lahat ni Busilak sa mga duwende ang nangyari.
P-VP-N/PSVPTinanong muli ng reyna ang salamin
P-VC/PSVP at nalaman niya na buhay pa si Busilak.
P-VP-N/PSVANagpanggap muli ang reyna at nagdala ng suklay na may lason.
P-VP-N/PSVPNilagay ng reyna ang suklay sa ulo ni Busilak.
P-VP-N/PSVaMuling bumagsak sa lupa si Busilak dahil sa lason ng suklay.
P-VP-N/PSVaSa kabutihang palad, dumating kaagad and mga duwende
P-VP-N/PSVPat inalis ang suklay na may lason sa ulo ni Busilak.
P-VP-N/PSVa Muling nabuhay si Busilak pagkaalis ng suklay sa buhok niya.
P-VC/PSVPNalaman ng reyna mula sa salamin na buhay pa si Busilak.
P-VP-N/PSVa Nanginginig sa galit ang reyna.
P-VC/PSVP Araw at gabi, iniisip ng reyna
P-VP-N/ICVP kung paano niya mapapatay si Busilak.
P-VC/PSVPPagkatapos, naisip ng reyna
P-VP-N/PSVP na lagyan ng lason ang kalahati ng isang napakagandang mansanas
P-VP-N/PSVa at nagpanggap muli siya.
P-VP-N/PSVa Pumunta siya sa bahay ng mga duwende bilang isang maglalako.
P-VP-N/PSVaKumatok ang reyna sa pintuan.
P-VP-N/PSVP Binuksan ni Busilak ang bintana

Si BusilakP-PrP-S ReihenfolgeVA - VP
P-VP-JP-...P-NCP-.. /PS/YPS/SYP/IC/P0 AaPp
129102640 271020 114140

5.2 Einzeldaten / Bagay-bagay

  {3.12} - {3.15}
P-PP-SRFVerb  
P-VP-N/ICVaHindi ako maaaring magpapasok ng kahit sino.
P-JP-N/PS-Ayos lang sa akin iyon.
P-EP-N/IC-Wala akong problema upang maitinda lahat ng aking mansanas,
P-VP-N/PSVPngunit bibigyan na lang kita ng isang mansanas.
P-VP-N/ICVAHindi ako maaaring tumanggap ng kahit ano!
P-VP-N/PSVPNatatakot ka ba sa lason?
P-VP-N/PSVPHahatiin ko ang mansanas sa dalawa,
P-VP-N/PSVPkainin mo ang mapulang bahagi
P-VP-N/PSVPat kakainin ko ang maputing bahagi.
P-VP-N/SYPVPAng mansanas ay naihanda nang maayos
P-N
MN
P-E/PS-kaya ang mapulang bahagi lang ang may lason.
P-VP-N/PSVPSinuring mabuti ni Busilak ang mansanas
P-VP-N/PSVAna kumain mula dito ang asawa ng magsasaka
P-VP-N/PSVPInilabas niya ang kanyang kamay sa bintana
P-VP-N/PSVPat kinuha niya ang bahaging may lason.
P-VP-N/PSVa nalaglag si Busilak sa lupa at namatay.
P-VP-N/PSVp..., nakita nila si Busilak na patay sa sahig.
P-VC/PSVPSinubukan nila na buhayin si Busilak
P-VP-N/PSVaNanatiling patay si Busilak
P-VP-N/PSVPat nilagay nila ito sa kamilya.
P-VP-N/PSVPIniyakan ng mga duwende si Busilak ng mga tatlong araw.
P-VP-N/PSVPGusto sana nilang ilibing si Busilak
P-VP-N/PSVA Kaya gumawa ng kabaong na yari sa salamin ang mga duwende
P-VP-N/PSVP at doon nila nilagay si Busilak.
P-VP-N/PSVaIsang araw, dumating ang prinsipe na ...
P-VP-N/PSVp..., nakita niya ang kabaong
P-VP-N/PSVpDuwende, iwanan ninyo sa akin ang kabaong.
P-VP-N/PSVPIbigay ko ang anumang nais ...
P-VP-N/PSVPHindi namin ibibigay ito sa lahat ng ginto sa mundo.
P-V-/P0VPIbigay ninyo sa akin bilang isang regalo

Si BusilakP-PrP-S ReihenfolgeVA - VP
P-VP-JP-...P-NCP-.. /PS/YPS/SYP/IC/P0 AaPp
227122711 250131 34173

5.3 Einzeldaten / Bagay-bagay

  {3.15} - {3.17}
P-PP-SRFVerb  
P-VP-N/ICVadahil hindi na ako mabubuhay pa na
P-VP-N/PSVphindi nakikita si Busilak.
P-VP-N/PSVPPahahalagahan ko siyang katulad ng ...
P-VP-N/YPSVaPagkasabi ay naawa ang mga duwende sa prinsipe
P-VP-N/PSVPat ibinigay sa kanya ang kabaong.
P-VP-N/PSVPPinabuhat ng prinsipe ang kabaong sa ...
P-VP-N/PSVaBiglang natisod ... ang isa sa mga utusan
P-VP-N/PSVa..., lumabas ang mansanas na may lason
P-VP-N/PSVAat kaagad na bumukas ang mata ni Busilak
P-VP-N/PSVPat napaupo siya at nabuhay.
P-NP-N/SYP- "Ikaw ay kasama ko.
P-VP-N/PSVPMinamahal kita nang higit pa sa ...
P-VP-N/PSVaSumama ka sa kastilyo ng aking ama,
P-VP-N/ICVPkailangan kitang mapangasawa."
P-VP-N/PSVPMaayos na tinanggap ni Busilak ang prinsipe
P-VP-N/PSVaat sumama siya dito sa kastilyo at
P-VP-N/PSVPidinaos ang isang ... kasal.
P-VP-N/PSVPNgunit inimbita nila ang reyna
P-VP-N/PSVaat nang pumasok siya sa malaking kuwarto
P-VP-N/ICVa lubos siyang nagulat
P-VP-N/PSVaat nalaglag siya sa lupa at namatay.

Si BusilakP-PrP-S ReihenfolgeVA - VP
P-VP-JP-...P-NCP-.. /PS/YPS/SYP/IC/P0 AaPp
320012100 161130 1991

Si BusilakP-PrP-S ReihenfolgeVA - VP
P-VP-JP-...P-NCP-.. /PS/YPS/SYP/IC/P0 AaPp
129102640 271020 114140
227122711 250131 34173
320012100 161130 1991
Total76237451 682281 527404
94 %2 %4 %93 %6 %1 % 85 %2 %2 %10 %1 % 7 %35 %53 %5 %

Armin Möller
http://www.germanlipa.de/text/busilak.html
041013 - 220607

Ende / Wakas   Si Busilak

↑↑   Werkstatt / Gawaan   Ugnika