Werkstatt / Gawaan
Unggoy at Pagong   (• unggoy)


L. Bloomfield (1917)   Kaizen Saguid (2005)   Vergleich

L. Bloomfield 1917

1Ang ulol na unggo at ang marunong na pagong
2Minsan ang pagong habang naliligo sa ilog, ay nakakita siya ng isang punongsaging na lumulutang at tinatangay ng agos.
3 Hinila niya sa pasigan, datapwat hindi niya madala sa lupa.
4Dahil dito tinawag niya ang kaibigan niyang unggo at inialay niya ang kaputol ng punongsaging kung itatanim niya ang kaniyang kaparte.
5Tumango ang unggo at hinate nila sa gitna mula sa magkabilang dulo ang puno ng saging.
6Inangkin ng unggo ang kaputol na may mga dahon, dahil sa panukala niya na iyon ay tutubo na mabuti kaysa kaputol na walang dahon.
7 Nang makaaraan ang ilang araw, ang puno ng unggo ay namatay, yamang ang sa pagong ay tumubo hanggang sa magbunga.
8 Ang mga saging ay nahinog, datapwat hindi maakyat ng pagong.
9 Dahil dito tinawag niya ang kaniyang kaibigang unggo at inialay niya ang ilang bunga ng saging kung aakyatin niya ang puno.
10 Ang unggo ay umakyat at kumain ng makakaya sinabi ng pagong: "Hulugan mo ako."
11 Datapuwat isinagot ng unggo: "Balat man at malinamnam ay hindi kita huhulugan."
12Ang pagong ay nagalit at nagsabug siya ng tinik sa paligid ng puno. Nang lumukso ang unggo natinik siya.
13 Pinagbintangan niya ang pagong at kaniyang hinanap upang parusahan niya. Nahuli niya ang pagong sa kabila ng isang tuod.
14Sinabi niya sa pagong: "Kita ay aking parurusahan.
15 Mamili ka sa dalawa. Dikdikin kita sa lusong o lunurin kita sa ilog?"
16Ang marunong na pagong ay nagumpisa ng pagsisigaw at hiniling niya sa unggo na, kung maaare, ay dikdikin siya sa lusong.
17 Datapwat isinagot ng unggo: "Ibibigay ko sa iyo ang parusa na hindi mo gusto."
18At inihagis niya sa ilog ang pagong. Nang dumapo ang pagong sa tubig ay nagsisigaw siya at sinabi niya sa unggo:
19 "Salamat, kaibigan. Ito ang aking tirahan!"

Kaizen M. Saguid 2005 (Schülerin Grundschule 4. Schuljahr)

1Ang lukong unggoy at ang mautak na pagong
2Isang araw habang naliligo ang pagong sa ilog ay may nakita siyang punong-saging na nakalutang at dinadala ng agos.
3 Nilapitan niya ito at dinala sa tabi. Subalit hindi niya ito kayang dalhin sa lupa.
4Kaya tinawag niya si Unggoy para magpatulong. Dahil tinulongan siya ni Unggoy, ibibigay ni Pagong ang kalahati nito para itanim.
5 Kaya hinati na ito mula sa gitna hanggang sa dulo ng punong-saging.
6Pagkatapos hatiin kinuha na ni Unggoy ang kalahati na may dahon. Kaya yon ang kinuha ni Unggoy dahil ang akala niya ay yon ang mabubuhay.
7 At pagkalipas ng ilang araw ay namatay ito. Samantala ang kay pagong naman ay nabuhay hanggang sa magbunga ito.
8 Ngunit hindi ito kayang kunin ni Pagong.
9 Kaya tinawag niya si Unggoy para ipakuha ang bunga nito.
10 Inakyat na ni Unggoy ang punong-saging. At doon na kumain si Unggoy. Sumigaw si Pangong: "Nabigyan mo ako."
11 Ngunit sinabi ni Unggoy: "Hindi kita bibigyan."
12Nagalit si Pagong sa sinabi ni Unggoy. Kaya nilagyan ni Pagong ng tinik ang paligid ng saging at nang tumalon na si Unggoy ay natinik siya.
13 Pinagbintangan niya si Pagong at sa galit nito hinanap niya si Pagong. Ngunit nakita rin niya si pagong sa gilid ng tuod.
14Sinabi ni Unggoy kay Pagong: "Ikaw ay aking paparusahan.
15 Mamili ka sa dalawa. Dikdikin sa lusong o itapon sa ilog?"
16 At sumagot naman si Pagong: "Puwede bang dikdikin mo na lang ako sa lusong."
17 Ngunit ang sabi ni Unggoy: "Itatapon na lang kita sa ilog."
18 At nang matapon na sa ilog si Pagong, ay sumigaw ito na:
19 "Salamat, kaibigan. Ito talaga ang aking tahanan."

Vergleichstabelle

 Bloomfield (1917) Kaizen (2005)
1.11.1 Wortwahl: Wortstamm lexikalisch ersetzt
1ulolluko: Sinaunang Tagalog = 'Veraltetes Tagalog' ersetzt.
1marunongmautak
2minsanisang araw
2tinatangaydinadala
3datapwatsubalit
3hiniladinala
3pasigantabi
4inialayibibigay
4dahil ditokaya
17datapuwatngunit
18inihagisitatapon
19tirahantahanan
1.21.2 Wortwahl: Affixkombination geändert
2lumulutangnakalutang
3madalakayang dalhin
14parurusahanpaparusahan {T7-6 6.1}
18nagsisigawsumigaw
2.12.1 Phrasen geändert: Lexikalisch u.Ä.
4ang unggosi UnggoyPersönlicher gemacht.
5tumango ... atkaya
6inangkin ang kaputolkinuha ang kalahati
6dahil sa panukala niyadahil ang akala niya
7nang makaraan ang ilang arawPagkalipas ng ilang araw
9inialay niya ang ilang bungapara ipakuha ang bunga
2.22.2 Phrasen geändert: Syntaktisch Prädikat - Subjekt - ay
2nakakita siya ngmay nakita siyang{_/PS} ==> {_/IC/E}
6iyon ay tutuboay yon ang mabubuhay{_/SYP} ==> {_/YPS}
10ang unggo ay umakyatinakyat ... ang punong-saging {_/SYP} ==> {_/PS}
12natinik siyaay natinik siya{_/PS} ==> {_/YPS}
2.32.3 Phrasen geändert: Syntaktisch Sonstige
4kung itatanim ...para itanim{C VPC10/A} ==> {O.MA VPC10/N}
12nagsabug siya ng tinik sa paligidnilagyan ni P. ng tinik ang paligid{VA11} ==> {VPA20}
13kaniyang hinanaphinanap niya{P-A/PC} ==> {P_C/EC}
14kita ay aking parurusahanikaw ay aking paparusahana {PP/21S} ==> {PP/2S}
16kung maaare, ay dikdikin siyapuwede bang dikdikin ako {C-C J} ==> {DP DI.L}
17isinagotsabi {VPC10} ==> {X/VP}

Die filipinische Sprache von Armin Möller
050720 - 220606

Die filipinische Sprache - Ende Unggoy at pagong

Seitenbeginn   Werkstatt   Ugnika