Sa kabanatang ito, ipinapakita ang dalasan ng mga pandiwa. Binibilang ang mga paggamit ng anyong pandiwa kasama ang pandiwari (hindi ang pangngaldiwa) sa Pagtitipong Panggawaan {1-1.2 (3)}. Limbag ng pandiwa sa maliliit na titik ang naglalarawan na tatlo o di lubhang paggamit. Sa Talasalitaan may mas masusi na kabatiran. May tandang ⬧ ang pandiwang nawala sa Pagtitipon.
(1) Pinapangalanang pandiwang tahasang payak ang mga uri ng pandiwang may panlaping ma-, mang-, -um- at mag-.
Panlapi | D00 | DT../fy | DT00/fg | DT01 | DT10 | DT11 | |
ma- | . | +++ | + | (+) | (+) | . | {7-1.1} |
mang- | . | ++ | +++ | + | + | (+) | {7-1.2} |
-um- | + | + | ++ | ++ | ++ | + | {7-1.3} |
mag- | . | (+) | ++ | ++ | +++ | + | {7-1.4} |
Ipinapakita ng talahanayan ang kawalan ng malinaw na kaugnayan ng palaugnayan at paglalapi. Gayunman maaaring makita ang ilang mahinang kaugnayan, ngunit mas malaki ang pagkakaiba-iba sa loob ng mga uring ito {7A-101}.
(2) Dapat ipalagay na di-tumpak ang isang pangkat ng pandiwang {DT00}. Nawalan ito ng pantuwid dahil nasa loob ng ugat-salita ang pansemantikang pantuwid nito. Maaari itong binuo sa pamamagitan ng lahat ng panlaping tahasang payak (mga halimbawa magutom, mangitlọg, umitlọg, lumindọl {D00}, magbahay).
(1) Ginagamit na malawakan ang unlaping ma- sa wikang Filipino. Bukod sa pandiwang tahasan, bumubuo rin ito ng pandiwang balintiyak at pang-uri {7A-111 Θ}. May pagsanib sa tahasan at balintiyak ang pandiwang ma- {6-3.3}; pati ang ilan sa pandiwang ma- at mapa-, tingnan sa talataang (4).
DT00 | DT01 | DT00 | DT01 | DT10 | ||
Panlapi | Pandiwa | fy | fy | fg | fg | fg |
ma- (1) | maanọ mabuhay mawalạ (naritọ {*}) | fy | . | . | . | . |
magalit mahiyạ matakot | fy | fy|fs | . | . | . | |
maawa | . | fy|ft | . | . | . | |
makinịg matulog maupọ | . | . | fg | . | . | |
manoọd | . | . | fg | . | fg|ft | |
mabahala masanay | . | . | . | fg|ft | . | |
mainịs makinabang | . | . | . | fg|fs | . | |
manatili | fy | . | {DT001/fy|P-L} | |||
magịng | . | . | fg | {DT001/fg|P-L} | ||
{*} Dahil sa pangalawang diin sa unang pantig, bahagi ng kumpol na {7-3.5.1 [3*]} ang salitang naritọ, nariyạn, naroọn. |
(2) Ang karamihan sa pandiwang ma- ay pandiwang panlagay. Karaniwang wala itong pandako o pantuwid [1] {DT00/fy}; ngunit mayroon ding pandako ang ilang pandiwang panlagay {DT01/fy|fK}.
Iba pang pandiwang ma- ang naglalarawan ng kilos na katamtaman. Karaniwang wala itong kaganapan sa tabi ng paniyak {DT00/fg} [2]. Mayroon ding pandiwang may pandako o pantuwid [3].
Di-panay ang pandiwang magịng [4], yata pandiwang dinaglat na ma-. Mayroon itong panlapag na walang pang-angkop bilang kaganapan {6-2.3 (3)}. Panghalip bilang paniyak [4] o pang-abay na hutaga [5] ang hindi inilalagay sa pagitan ng magịng at panlapag. Sa gayon, kahambing ng unlapi ang pandiwang magịng (magindapat {DT00}, magimbata {DT00}).
|
(3) Maliban sa ilang kataliwasan, walang pandiwang tahasan na ma- ang binubuo kung may pang-uring ma- sa angkang-salita {7A-112}. Kung gayon, ginagamit ang panlaping mang-, -um- at madalang ang mag- upang bumuo ng pandiwang panlagay.
(4) May pulutong ng pandiwang ma-, ma- at mapa- sa pagsanib ng tahasan at balintiyak. Kung tahasan ang pandiwang ma- ay wala itong pagkakabago ng kakayahan. Kasalungat nito, karaniwang may pagkakabago ng pagkakataon ang pandiwang ma- at mapa- kung nagagamit na pandiwang tahasan.
Sakop ng pagsanib sa tahasan at balintiyak ng pandiwang ma-, ma- at mapa- | |
Panlapi | |
ma- | Tahasan tingnan sa itaas. |
Pagsanib at balintiyak → {7-3.1 [2*]} | |
ma-, mapa- | Balintiyak → {7-3.5.1 [1*]} |
Pagsanib → {7-3.5.1 [2*]} | |
Tahasan → {7-3.5.1 [3*]} | |
Puna: Hindi payak ang pandiwang ma- at mapa-. |
(5) Pandiwang ma- din ang mga anyong hinango sa panghalip na pamatlig gaya ng naritọ {7A-113}.
(1) Pandiwang tahasang payak ang binubuo ng unlaping mang-. Nagmumula sa mang- ang mga pandiwang mam- at man- sa pamamagitan ng pagbabago ng tunog {7A-121}. Malimit na kinakaltas ng unang katinig ng ugat-salita. Dapat ibukod sa mga pandiwang may tumpak na panlaping ma- ang pandiwang mang- na may pagbabago ng panlapi (halimbawa: mamulạ (pulạ) [mʌ.mʊ'lʌ] |mang+pula|).
DT | DT00 | DT01 | DT10 | DT11 | ||
Panlapi | Pandiwa | fy | fg | fg | fg | fg |
mang- (1) | mangilạn-ngilạn (nanditọ) | fy | . | . | . | . |
mangibabaw mamuhay manginịg mamatạy mamulạ | . | fg | . | . | . | |
mamalagi |mang+palagi| manirahan |mang+tirahan| | . | . | fg|fn | . | . | |
maniwala | . | . | fg|fp?ft | . | . | |
mamahala | . | . | fg|fp?ft | fg|fp?ft | . | |
mamilị | . | fg | . | fg|ft | . | |
mamigạy manghingị | . | . | . | fg|ft | fg|ft|fp | |
mangahulugạn | {DT001/fg|P-L} |
(2) Ilang pandiwang mang- ang naglalarawan ng kalagayan o pagpapatuloy [1]. Mas malaki ang pulutong ng pandiwang mang- na naglalarawan ng kilos na katamtaman. Wala itong kaganapan sa tabi ng paniyak {DT00/fg} [2]. Mayroon ding pandiwang mang- na may fokus na tagaganap at pati may pandako o pantuwid [3 4]
|
Panlapi | Pandiwa | D00 | D../fy | DT00 | DT01 | DT10 | DT11 |
-um- (1) | lumindọl ⬧ kumidlạt ⬧ umulạn | f0 | . | . | . | . | . |
bumahạ | f0 | . | . | fg|fn | . | . | |
lumipas | . | fy?fg | . | . | . | . | |
lumitạw sumagọt tumayọ | . | . | fg | . | . | . | |
dumaạn sumama sumunọd tumulong | . | . | fg | fg|fK | . | . | |
tumigil (1) | . | . | fg | fg|ft | . | . | |
umalịs lumabạs pumasok umuwị | . | . | fg | fg|fn | fg|fn | . | |
kumain tumawag | . | . | fg | . | fg|ft | . | |
bumalịk dumatịng lumapit pumuntạ tumigil (2) tumingịn | . | . | . | fg|fK | . | . | |
umakyạt lumipat | . | . | . | fg|fn | fg|fn | . | |
bumarịl ⬧ pumatạy | . | . | . | fg|ft | fg|ft | . | |
bumaling | . | . | . | fg|fn | . | fg|ft|fn | |
bumilị gumamit gumawạ kumuha | . | . | . | . | fg|ft | . |
(1) Maaaring makita sa talahanayan na hindi nakalitaw ang pag-uuring pampalaugnayan ng pandiwang -um-. Pinakamalaki ang uring {DT01} at {DT10} (halos katumbas ang dalawa). Napakaliit ang mga uring {D00} at {DT../fy}.
(2) May pandiwang -um- na walang paniyak {D00/f0}. Naglalarawan ito ng pangyayaring pangkalikasan [1]. May ilang pandiwang panlagay na {DT00/fy}. Kung ginagamit ang panlaping ma- para sa pagbuo ng pang-uri ay ibang panlapi (-um- o mang-) ang dapat gamitin upang buuin ang pandiwang panlagay [2a|b] {7A-112}.
Naglalarawan ng kilos na katamtaman ang mga pandiwang -um- sa uring {DT00/fg}. Wala itong pandako o pantuwid [3]. Katamtaman din ang ilang pandiwa kung ginagamit na walang pandako o pantuwid {DT00/fg} [4] kahit maaari ding gamiting may pandako o pantuwid. Mayroon ring pandiwang {DT00/fg} na may tagatiis sa loob ng ugat nito [5].
|
(3) Malaki ang pulutong ng pandiwang -um- na may pandako {DT01}. Doon nabibilang ang pandiwa ng paggalaw na may pandakong panlunan [6], pati ang pandiwang naglalarawan ng tagatanggap [7]. Pag dinadagdagan ng pantuwid (tagatiis) ang pandiwang {DT01} ay bumubukal ang pandiwang {DT11} [8]. Marami ding pandiwang -um- na may pantuwid {DT10} [9]. May ilang pandiwang -um- na maaaring magkaroon ng pandako o pantuwid upang ipahayag ang katungkulang panlunan [10a|b].
|
(4) May tanging tabu {*} ang pandiwang nagpapahayag ng tagatiis na binibigyan ng malakas na hirap o pinsala. Halimbawa ang mga pandiwang bumarịl, pumalo, pumatạy, sumakạl. Kung hayop ang tagatiis ay walang problema kung paggamit ng pantuwid. Kung mga tao ang tagatiis di-karaniwan ang paggamit ng pantuwid; kung tanging tao ang tagatiis, madalang ito; at kung may pangalan ang tao, ipinagbabawal ito.
{*} Galing ang salitang tabu sa wikang Tongan na sinasalita sa kapuluang Tonga sa Karagatang Pasipiko. "Pagbabawal sa mga salita, anyo ng pagkilos, at iba pa na tinakda ng kaugaliang panlipunan." { UPD tabu, taboo [Ing]}.
(5) Ilang angkang-salitang ang may pandiwang mag- sa tabi ng pandiwang -um- {7-1.4 (3)}.
(1) Malinaw na nagpapahiwatig ng pandiwang tahasan ang panlaping mag-, sapagkat walang pandiwang balintiyak na binubuo sa tulong ng kumpol-panlaping may mag- at halos walang paggamit sa ibang bahagi ng panalita. Bukod dito pinapanatili ang ugat-salita kung binubuo ang anyong pambanghay (walang gitlapi sa loob ng ugat, walang pagbago ng diin). Maaaring lumikha ng bagong salitang may unlaping mag-, palaging maliwanag na ito'y pandiwang tahasan. Tinatawag namin itong di-tumpak na pandiwang mag-; tinatalakay ang mga ito sa pangabit:
(2) Kabuuran ng pandiwang mag-
Panlapi | Pandiwa | DT | DT00 | DT01 | DT10 | DT11 |
fy | fg | fg | fg | fg | ||
mag- (1) | magtakạ magkamalị |mag+kamali| | fy | . | . | . | . |
magsawa | fy|fs | . | . | . | . | |
mag-isạ magkita magsalitạ magtrabaho | . | fg | . | . | . | |
maghintạy magtanọng | . | fg | fg|fK | fg|ft | . | |
mag-aral magbago | . | fg | . | fg|ft | . | |
maglingkọd magmulạ magpatulọy |mag+patuloy| | . | . | fg|fK | . | . | |
magdalạ maghandạ magtapọs {*} | . | . | fg|ft | fg|ft | . | |
magbayad | . | . | . | fg|ft | . | |
magbigạy maglagạy | . | . | . | . | fg|ft|fK | |
mag- | Pandiwang may pandiwang -um- sa angkang-salita | |||||
magsayạ | fy | . | . | . | . | |
maglakạd {*} | . | fg | . | . | . | |
magsulạt {*} | . | fg | . | fg|ft | . | |
magbalịk magpuntạ magtungo | . | . | fg|fK | . | . | |
magbilị maghanạp {*} magpasok | . | . | . | fg|ft | . | |
{*} !! May diin sa huling pantig kahit may diin sa ikalawang pantig mula sa huli ang ugat-salita. |
(3) Malaking pulutong ang mga pandiwang mag- na may fokus na tagaganap at wala iba pang kaganapan {DT00/fg} [1]. Madalas na idinadadagdag ang kaganapan ng tagatiis {DT10/fg|ft} [2a]. Maaaring ibukod ang mga ito sa pandiwang tahasang -um- na walang pantuwid ({DT00} at {DT01}) [2a|b], ngunit maraming kataliwasan (halimbawa bumilị - magbilị).
Kung tumuturing sa isa pang pandakong panlunan o tagatanggap ang yaring mag-, bumubukal ang mga pandiwang {DT11/fg|ft|fK} [3].
|
Bukod sa nasabing malaking pulutong, may ilang pandiwang mag- na {DT00/fy} at isang pulutong na may pandako [4a]; ilan sa mga pandiwang ito ay ginagamit kasama ang pantuwid o pandako [4a|b].
|
(4) Sa ilang angkang-salita ay karaniwang ginagamit ang pandiwang balintiyak; pandiwang tahasang mag- ang binubuo lamang kung talagang dapat gamitin ang pandiwang tahasan. Sa angkang sabi, ginagamit ang pandiwang balintiyak na sabihin [5b]. Madalang lamang ginagamait ang pandiwang tahasang upang tanungin ang tagaganap [5a] at upang buuin ang pangngaldiwang pagbubukạs. Sa dalawang kalagayan, ipinagbabawal na gamitin ang pandiwang balintiyak {12-4.3} {6-6.5}.
|
(5) Hindi lamang binubuo ang pandiwang mag- mula sa ugat-salita kundi pati mula sa pandiwa (halimbawa magpumilit (pilit) |mag+(um+pilit)| {7-8.3}) o pang-uring may panlapi (halimbawa magmalupịt |mag+(ma+lupit)|). Maaari ring buuin ang mga pandiwang mag- na nanggagaling sa pariralang makangalang may panuring (magmagandạng umaga, magdalawạng isip (dalawa) {7A-141 (2)}).
(6) {Θ} Mga panlaping mag- at pag-:
[9] | {6-4 [1]} | ma- | mang- | -um- | mag- | mag- (T) |
[10] | {6-4 [4]} | magpa- | mag- (L) | |||
[11] | {6-4 [2]} | makapang- | maka- | makapạg- | pag- (T) | |
[12] | {6-4 [5]} | makapạgpa- | pag- (L) | |||
[13] | {ND} | pa- | pang- | pag- | pag- (T/L) |
Wikang Filipino ni
Armin Möller http://www.germanlipa.de/filipino/ug_D_09.html 101028 / 220711 |