7 Mga isa-isang uring pampalaanyuan ng pandiwa
(Talaksan 7/13)
7-5 Mga pandiwang may
panlaping pag-
Ginagamit ang panlaping pag- sa kumpol-panlapi ng pandiwang
balintiyak at di-lubhang malimit sa pandiwang tahasan. Hindi nakakabuo ng pandiwa ang
nag-iisang unlaping pag-. Karaniwan, hindi nagbibigay ng tanging kahulugan sa
pandiwa ang pag-. May kalagayan na binubuo ang pandiwang pag- sa halip na
pandiwang balintiyak na payak {7A-501}.
Ginagamit ang panlaping pag--in, pag--an at ipag- upang bumuo ng
pandiwang balintiyak. Tinatalakay ang mga ito sa pangkat na {7-5.1}, {7-5.2} at {7-5.3}. Maaaring idagdag sa pandiwang ito ang pagkakabago ng kakayahan sa
pamamagitan ng dinaragdagang unlaping ma- (mapạg-,
mapạg--an at maipag- {7-5.4}). Maaari din ang pagkakabago ng pagkakataon sa pamamagitan ng
dinadagdagang unlaping ma- {7-5.5}.
Tinatalakay ang pandiwang tahasang makapạg- kasama ang unlaping maka-
{7-3.4} at ang di-maraming pandiwang
makapạgpa- sa {7-4.2}. Pandiwang
pangmaramihan ang nabubuo sa mga tambalang unlaping magsipạg-
{7-8.5}. Kabilang sa pandiwang maki- ang
pandiwang makipạg- at makipạg--an
{7-9.1}.
Ginagamit din ang unlaping pag- upang makabuo ng pangngaldiwa ng pandiwang
-um- at mag- {6-6.5}.
7-5.1 Pandiwang
pag--in
(1) Sa unang pulutong ng pandiwang balintiyak na pag--in ay tagatiis at
tagaganap lamang ang kaganapan [1a 2a], gaya ng pandiwang payak na -in [2b].
Malimit walang pandiwang -in sa angkang-salita [1] (mayroon ilang pang-uring
-in, halimbawa mabuti {U},
butihin {U} ↔ pagbutihin {DB10}).
(2) Maliit ang pangalawang pulutong ng pandiwang
pag--in na naghuhudyat ng pagkakabago ng paghimok [3]. Magkahawig ng gawi
ng pandiwang pa--in {7-4.1 (3)} ay tagahimok (pantuwid) at tagagawa (paniyak) ang kaganapan
nito. Maaaring dagdagan ang tumpak na pantuwid ng pandiwa bilang iba pang kaganapan [3].
|
[1] | pag--in (pag- (5)) |
Pagsamahin
mo ang dalawa at dalawa. samahin | {DB10/ft|fg} |
[2] | pag--in | [a] Pagkuwa'y pinagtutuka nila [mga pabo]
ito [uwak] hanggang sa takot na lumisan. {W Aesop 3.2.2} | {DB10/ft|fi} |
| -in | [b] Tinuka ako ng inahin. |
{DB10/ft|fg} |
[3] | pag--in | Pagsalinin mo ng tubig sa balde si
Baldo. | {DB20/fg|fh|ft} |
|
(3) Tanging-tangi ang anyong papag--in,
ngunit hindi malimit itong ginagamit [4] {7A-511}.
|
[4] | papạg--in | Papag-akyatin
ko si Kuya ng puno. | {DB20/fg|fh|ft} |
|
7-5.2 Pandiwang
pag--an
(1) Bumubuo ng pandiwang balintiyak ang kumpol-panlaping pag--an.
Pansemantikang pagpapalakas ng pandiwang -in ang unang pulutong ng pandiwang
pag--an [1a]. Gaya ng pandiwang -in [1b], {DB10/ft|fg} ang kayarian
ng kaganapan. Ilan pang pandiwang pag--an ang may fokus na tagatiis kahit wala
itong katumbas na pandiwang -in [2].
(2) May fokus na A ang pangalawang
pulutong [3]. Maaari itong humalili sa pandiwang payak na -an (halimbawa
pagsalitaạn ↔
salitaan {N}) o maaari ito sa tabi ng pandiwang payak
(masdạn ↔
pagmasdạn).
7-5.3
Pandiwang ipag-
(1) Gaya ng pandiwang i-, malaki ang pagkakaiba-ibang pampalaugnayan ng pandiwang
ipag-; malimit ang fokus na tagatiis [1a]. Malimit na mamumukod nang
pampalaugnayan at pansemantika sa pandiwang i- ang pandiwang ipag- [1b|c].
Sa ilang angkang-salita ay humahalili sa pandiwang balintiyak na payak ang pandiwang
ipag- (ipagbawal). May fokus na K
at dalawang pantuwid ang ilang pandiwang ipag- [2] {DB20/fK|fg|ft}.
May ilang pandiwang ipagpa-.
(2) Di-tumpak ang ilang pandiwang may kumpol-panlaping
ipagpa-; bahagi ng salitang-ugat ang unlaping pa-, dahil dito
karaniwang pandiwang ipag- ang mga ito (halimbawa
ipagpatayọ
|ipag+patayo|).
7-5.4 Pandiwang balintiyak na pag- na may kakayahan
May pagkakabago ng kakayahan ang pandiwang mapạg- [1a 1b], pag--an
[2] at ipag- [3] (sa [1b] pagkakabago ng kakayahan ng paghimok {7-5.1 (2)}). Ilan sa pandiwa ang may katumbas na pandiwang pag--in,
pag--an at ipag-.
7-5.5 Pandiwang
balintiyak na pag- na may pagkakataon
Madalang ang pandiwang ma--pag at mapag--an na may pagkakabago
ng pagkakataon [1] o wala [2].
7-6 Mga pandiwang
may panlaping pang-
Gaya ng panlaping pag-, hindi ginagamit nang nag-iisa ang unlaping
pang- (pati pam- o pan- {7A-121}) upang bumuo ng pandiwa. Pinagsasama ito at isa sa
pandiwang i-, -an o -in upang bumuo ng pandiwang balintiyak. Maaaring
dagdagan ang unlaping ma- upang ipahayag ang pagkakabago ng kakayahan.
Binubuo sa tulong na pang- ang kumpol-panlaping makapang-, tahasan
ang pandiwang ito {7-3.4}. Mayroon ding
ilang pandiwa gaya ng makipangagaw at
magpangagawan. Walang pandiwang
mapạng- sapagkat ginagamit ang kumpol-panlaping ito upang bumuo ng
pang-uri (mapạng-akit).
7-6.1 Pandiwang may
unlaping ipang-
May katumbas na pandiwang tahasang mang- ang unang pulutong ng pandiwang
balintiyak na ipang- [1a|b]. May fokus na kagamitan ang pangalawang pulutong.
Mayroon itong kaugnayan sa pangngalan at pang-uring inilalarawan ang kagamitan [2b].
Maaari din itong ipalagay na pandiwang i- (ipambalot
|i+pambalot|).
May pagkakabago ng kakayahan ang pandiwang maipang-.
|
[1] | ipang- (i- (8)) |
[a] Ipinanganak
ako sa bayan ng Malabon. {W Daluyong 15.14} | {DB00/ft} |
| mang- | [b] Kailan siya nanganak? |
{DT00/fg} |
[2] | ipang- | [a]Ipinanluto ko ng turon ang
pang-ipit. | {DB20/fm|fg|ft} |
| pang- | [b] Mga panluto. |
{N} |
|
7-6.2 Pandiwang may panlaping pang--an
Walang di-karaniwang katangian ang maliit na pulutong ng pandiwang balintiyak na
pang--an [1]. Karaniwang may pandiwang tahasang mang- ang
angkang-salita.
7-6.3 Pandiwang may panlaping pang--in
Maliit ang pulutong ng pandiwang balintiyak na pang--in. May pandiwang
tahasang mang- ang angkang-salita nito [1a|b].
|
[1] | pang--in (pang- (6)) |
[a] Pinamulaklak ko ang halaman. |
{DB10/ft|fg} |
| mang- | [b] Namumulaklak nang malago ang gumamela. |
{DT00/fg} |
|
Palaugnayan ng Wikang Filipino
Wakas ng 7 Mga isa-isang uring pampalaanyuan ng pandiwa
(Talaksan 7/13)