(1) Inilalagay ng isang pulutong ng pandiwang balintiyak sa fokus ang tagatanggap (susi {../fp}). Ito ang tao o bagay na nakikinabang sa bunga ng kilos na isinasaad ng pandiwa. Pandiwang {DB20} ang pagkamarami ng pandiwang may fokus na tagatanggap. Panlaping -an [1 2] ang pangunahing panlapi nito, pati i- [3] at kumpol-panlapi [4-6].
|
(2) Pandako ang kaganapang may katungkulang tagatanggap. May pandiwang tahasan ang mga pangungusap na [7 8 10]. Maaari ding bumuo ng pangungusap na balintiyak (pandiwang may panlaping i-) na may pandako sa katungkulang tagatanggap [9 11].
|
(1) May fokus na panlunan ang isang uri ng pandiwa (susi {../fn}). Maaaring ito ang pook ng kilos [1], ang pinangalingan o tinutungo nito [2]. Halos palaging binubuo ang pandiwang ito sa pamamagitan ng hulaping -an [1 2], minsan kasama sa ibang unlapi [3].
|
(2) Halos palaging ginagamit ang pandako upang ilarawan ang katungkulang panlunan [5 6 9]; sa ilang pandiwang -um- pati ang pantuwid [7] {7A-131 (6)}. May panlaping i- at kumpol-panlapi nito ang pandiwang balintiyak na may kaganapan ng katungkulang panlunan [8 10].
|
(3) Layunin o puntahing di-panlunan ang maaaring katungkulan ng kaganapan. Ipinapalagay itong 'panlunan sa matalinghagang kahulugan', pag hindi ito bagay sa isa sa ibang uri ng fokus [12-15].
|
May panlaping nakakabuo ng pandiwang may fokus na sanhi [1-3] (susi {../fs}). Karaniwang mayroon itong panlaping ka--an o ika- [1 2]. May pangngaldiwang pang-ulit bilang paniyak sa fokus na sanhi [3]. Ipinapahayag ng pandako ang katungkulang sanhi [4 7 8]. May katungkulang sanhi ang mga pariralang pandako ng pangngaldiwang pang-ulit [5].
|
May fokus na pagpalit (susi {../fl}) ang ilang pandiwang balintiyak. Isang banda ng pagpalit o paghahambing ang paniyak na may fokus, at ibang banda ang pantuwid [1] o pandako [2 4]. Mayroon ding pandiwang tahasang may katungkulang pagpalit [3]. Tinatawag na {../fl1} ang pinagmulang banda at {../fl2} ang bagong banda.
|
May mga panlaping makabuo ng pandiwang may fokus na kagamitan [1 2] (susi {../fm}. Madalang ang gamit ng pandiwang ito. May unlaping ipang- ang karamihan nito [1]. Karaniwang inilalarawan ang katungkulang kagamitan sa tulong ng pang-ukol na huwad na sa pamamagitan ng [2]; ilang pandiwa ay may pangalawang pantuwid para sa katungkulang kagamitan [3]. Pampalaugnayang gaya ng fokus na K ang fokus na kagamitan, isinasama namin ito doon. Dahil sa pantuwid ang katungkulang kagamitan ay hindi ito katungkulang K.
|
(1) Di-lubhang mahalaga ang papel ng tagaganap sa wikang Filipino kaysa sa wikang pang-Europa. Mapapansin ang kakulangan ng pagkakaugnay na matibay ng paniyak at tagaganap. Ito'y katwiran sa malalawakang pagtalakay sa akdang pang-aghamwika (halimbawa { Kroeger 1991 p. 25 ff}). Ginagamit ang fokus at katungkulan ng pandiwa kasama ang katiyakan ng paniyak upang bigyang-diin ang tagaganap o paliitin ang diin nito.
(2) May diing pinakamalakas ang tagaganap kung pinipili ang pandiwang may fokus na tagaganap at kung ito'y paniyak na may katiyakan. Mayroon itong tandang pampalaugnayan sa pamamagitan ng panandang ang [1], pantukoy na si o panghalip [2]. Maaaring nababawasan ang katiyakan ng tagaganap kung pinapalitan ng panaguri ang paniyak [1|3]. Sa mga pangungusap na ito ay hindi paniyak ang tagaganap, ngunit nananatili itong fokus ng pandiwa. Karaniwan ito ang pagbuo ng pangungusap upang itanong ang tagaganap [4]. Sa pangungusap na [5], tanda ng katiyakan ang pantukoy na si. Kung panghalip ang tagaganap ay maaari itong "itago" sa loob ng panaguri sa pamamagitan ng panggitaga [6].
|
(3) Nagiging mahina ang diin sa tagaganap kung hindi ito paniyak at hindi ito nasa fokus ng pandiwa. Karaniwan, ito'y pantuwid [7]. May pagkakagusto ang ganitong pagbuo ng pangungusap sa wikang Filipino. Madalang na pandako ang tagagawa sa tabi ng tagaganap [8]. Maaaring kaltasin [9b 10] ang tagaganap; ginagawa ito kung pangkalahatan ang pahayag [10]. Walang tagaganap sa pangungusap na [11]. Hindi kailangang ulitin ang tagaganap sa [12a].
|
(1) Pinagmumulan ng lahat na pandiwa sa pamamagitan ng panlapi ang salitang-ugat na hindi kailanman pandiwa. Hindi hinahango ang pandiwang balintiyak sa pandiwang tahasan o baligtad.
May dalawa lamang hulapi (-an at -in). Malaki ang dami ng unlaping nag-iisa o isinasama sa iba pang unlapi (kumpol-panlapi). Nagdudulot ito ng malaking pagkakaiba-iba sa mga uring pampalaanyuan ng pandiwa. Sa pangkalahatan, ang mga sumusunod ay maaaring sabihin tungkol sa mga panlapi:
(2) Tinatawag naming 'pandiwang payak' ang ilang uri ng pandiwang may iisang panlapi at malimit na ginagamit [1], kahit wala itong tanging palaugnayan. Payak din ang mga ito hinggil sa pagkakabago (kilos at lagay). Bukod dito ginagamit namin ang katawagang 'kilos na katamtaman'. Ito ang mga pandiwang naglalarawan ng kilos na wala o may isa lamang kaganapan (halimbawa umulạn at matulog).
(3) Ipinapakita sa sumusunod na talahanayan ang pagkaiba-iba ng uring pampalaanyuan ng pandiwa. Higit sa 60 ang nakalista sa talahanayan ngunit kulang pa yata. Alinsunod sa palaanyuan lamang ang pagkakaayos. Tinatalakay ang pagkakaugnay ng katangiang pampalaugnayan, pampalaanyuan at pansemantika sa kabanatang {7}. Mula sa isang ugat-salita ay binubuo ang ilan lamang pandiwa at hindi ginagamit ang lahat ng panlapi; ito'y pagbabatay (hindi paradigma).
Tahasan | || | Balintiyak | ||||||
[1] | ma- {7-1.1} |
mang- {7-1.2} |
-um- {7-1.3} |
mag- {7-1.4} |
-in {7-2.2} |
-an {7-2.3} |
i- {7-2.4} | |
[2] | makapang- {7-3.4} |
maka- {7-3.4} |
makapạg- {7-3.4} |
ma- {7-3.1} |
ma--an {7-3.2} |
mai- {7-3.3} | ||
[3] | maka- {7-3.5.2} |
ma- mapa- {7-3.5.1} |
ma--an {7-3.5.1} | |||||
[4] | magpa- {7-4.1} |
pa--in {7-4.1} |
pa--an {7-4.1} |
ipa- {7-4.1} | ||||
[5] | makapạgpa- {7-4.2} |
mapa- {7-4.2} |
mapa--an {7-4.2} |
maipa- {7-4.2} | ||||
[6] | pag--in {7-5.1} |
pag--an {7-5.2} |
ipag- {7-5.3} | |||||
[7] | mapạg- {7-5.4} |
mapạg--an {7-5.4} |
maipag- {7-5.4} | |||||
[8] | mapag- {7-5.5} |
mapag--an {7-5.5} | ||||||
[9] | pang--in {7-6.3} |
pang--an {7-6.2} |
ipang- {7-6.1} | |||||
[10] | mapang--an {7-6.2} |
maipang- {7-6.1} | ||||||
[11] | magsa- {7-7.1} | isa- {7-7.1} | ||||||
[12] | magka- {7-8.1} |
ka--an {7-7.2} |
ika- {7-7.2} | |||||
[13] | ikang- {7-7.2} | |||||||
[14] | magsipang- {7-8.5} |
magsi- {7-8.5} |
magsipag- {7-8.5} | |||||
[15] | ma--an {7-3.6} |
mag--an {7-8.2} |
magka- {7-8.1 (2)} |
magkang-&- {7-8.1 (4)} |
|| || | ipagpa- {7-5.3} |
||
mag-um- {7-8.3} |
magpaka- {7-8.4} |
|| || | ||||||
[16] | maki- {7-9.1} |
makipạg- {7-9.1} |
makipạg--an {7-9.1} | || || || |
[paki-] [paki--in] {7-9.2} |
[paki--an] {7-9.2} |
[ipaki-] {7-9.2} | |
[17] | || | maka- | maka--an | ma--in | ||||
Hindi panlaping makadiwa ang mga palaping [17] (halimbawa makausap |ma+kausap|, mabutihin |mabuti+in|). |
(1) Tinutupad ng paglalapi ang katunayang pangwika ng pandiwa. Inilalarawan ng kayarian ng kaganapan kung ano ang mga kaganapan ng pandiwa sa pangungusap. Sa gayon, itong dalawa ay hayag sa wika. May napakaraming panlapi at kumpol-panlapi, ngunit may kakaunting mapagpipilian sa kaganapan ng pandiwa. Ginagamit nang pantangi (o nangingibabaw) ang iilang kumpol-panlapi upang ipahayag ang pagkakabago ng pandiwa. Halos tiniyak ang gamit ng mga ito, at kung kaya walang pagpansin ng pandiwang may pantanging kumpol-panlapi sa pangkat na ito. Nananatili dito ang mapagpipilian ng panlaping walang pagkakabago. Ang mga ito'y pandiwang tinatawag na pandiwang payak.
Upang makabuo ng pandiwang payak ay ginagamit ang iba't ibang kayarian ng kaganapan. Tingnan ang talahanayang sumusunod:
D..00 P-T ang | D..10 P-T P-W ang ng |
D..01 P-T P-K ang sa |
D..11 P-T P-W P-K ang ng sa |
D..20 P-T P-W P-W ang ng ng | |
[1] | mabuhay | manoọd | mabahala | ||
[2] | mamulạ | mamahala | manggaling | mamigạy | |
[3] | tumayọ | bumilị | pumuntạ | bumaling | |
[4] | magkita | magbilị | magpuntạ | magbigạy | |
[5] | anayin | gawịn | sabihin | ||
[6] | kilabutan | bayaran | bigyạn | ||
[7] | itulọy | ilabạs | ibigạy | ibilị |
(2) Naliligiran ng mga kaganapan (paniyak, pantuwid at pandako) ang pandiwang may kabisaang buo. Tinatanda nang malinaw ang mga ito ng pananda nito. May dalawang tungkulin ang mga panlapi ng pandiwa. Pinakamahalaga muna ang pagtatanda ng pandiwa mismo. Saka pinahiwatig nito kung may katinigan ng tahasan o balintiyak ang pandiwa. Mahalaga ito upang pakahuluganan nang mabuti ang mga kaganapan.
Maliban sa pandiwang panlagay, nasa fokus ng tahasang pandiwang payak ang tagaganap. Dahil dito maaaring gamitin ang alinmang panlaping tahasan, sapagkat magaling na pinapaliwanag ng pangungusap ang mga pananda ng mga kaganapan [1-4]. Ginagamit ang pagpili ng panlapi upang magpahayag ng unti-unting pagkakaibang leksikal sa loob ng angkang-salita.
Di-lubhang maliwanag ang pagtalos ng pandiwang payak na balintiyak. Dapat hindi lamang tandain ng panlapi ang balintiyak kundi dapat ilarawan kung may fokus na tagatiis o may isa sa mga fokus na A [5-7]. Dito mahalaga ang tamang pagpili ng panlapi upang maaaring ipahayag nang husto ang pangungusap, at maliit lamang ang mga pagkamaaari na leksikal.
(3) Bahagyang pampalakuruan ang paglalahad sa itaas; ibig pa rin kaming magdagdag ng mas naglalarawang pagtatampok ng semantika. Sa mga pangkat {6-3..}, nagpapasok kami ng fokus at katungkulan upang ilahad ang pagkakaugnay ng semantika at palaugnayan. Doon di-mahalaga ang pagkakaugnay ng paglalapi sa fokus.
Nagsisimula kami sa semantika, sa nais na ihayag ang kilos (o gaya nito). Pinipili muna ang ugat-salita. Ito ang lumulutas kung aling kaganapan ang dapat iniuugnay sa kilos. Sumusunod ang mga halimbawa: Sa ugat na itlọg iniugnay ang kilos na itlọg / sino, ngunit hindi itlọg / sino / sa kanino. Sa ugat na bigạy iniuugnay naman ang kilos na bigạy / sino / anọ / sa kanino, sapagkat mahalaga ang tagatanggap ng bagay. Bunga nito, may isa lamang kaganapan ang pandiwang galing sa itlọg (tagaganap), samantalang may tatlong kaganapan ang mga pandiwang galing sa bigạy (tagaganap, bagay, tagatanggap).
Upang ayusin at tiyakin ang katungkulan ng mga kaganapan, ginagamit ang mga panlapi. Sa maraming kalagayan ay maaaring pumili ang nagsasalita ng alinmang panlapi sa "bayong" ng panlapi (gaya ng pagpili ng itlog sa bayong), at maaaring piliin niya ang panlaping gusto niya at pinakabagay sa angkang-salita. Kung magkatulad ang ibang angkang-salita, marahil na pinipili ang magkatulad na panlapi ulit, ngunit maaari rin ang ibang pili. Sa ganitong palagay, walang tiyak na kahulugan ang mga panlapi, karaniwang may mapagpipilian sa "bayong", minsang maraming mapagpipilian at minsan wala. May pagbabawal lamang kung hindi maunawaan ang pangungusap.
(4) Upang ipaliwanag ito, ilang halimbawa: Walang
pagkakataon ng kaguluhan ang ugat na
puntạ, dahil dito maaaring sabihin ang
pumuntạ o magpuntạ. Gayon din walang kahirapan ang pandiwang
buksạn kasi walang fokus na panlunan ang
ugat na bukạs (walang dahilan kung walang pandiwang buksin).
Sa angkang tawag naman (gayon din walang
fokus na panlunan) may ugaling gamitin ang tawagin kung nakakita ang tagatawag
at ang tawagan kung hindi (noong tawag kay Bathala, ngayon sa telepono).
Kung may gusto ng mas tanging pangungusap, kailangang pinili nang dahan-dahan sa "bayong" ang panlaping napakabagay sa pangungusap na ito. Halimbawa, kung gustong bumuo ng pangungusap sa pambihirang fokus na kagamitan, dapat na gamitin ang panlaping ipang- o i- at halos walang ibang pili (ngunit maaari ring gumamit ng panlaping ipang- at i- kung iba ang fokus kaysa kagamitan {7-6.1}).
Tinatangkilik ang "palakuruang bayong" kung binibilang ang mga panlapi at kumpol-panlapi na maaaring gamitin upang ilarawan ang fokus na tangi. Alinsunod sa kabatiran ng mga pangkat na {6-3..}, 23 ang kayang bumuo ng fokus na tagatiis, 10 sa tagatanggap at 7 lamang sa kasangkapan.
Nasa dalawang baitang ang pagbuo ng mga anyo ng mga pandiwa. Ang unang baitang ang pagbabatay ng pandiwa mula sa ugat-salita sa tulong ng panlaping makadiwa. Ang pangalawang baitang ang pagbuo ng mga anyong pambanghay sa tulong ng panlaping pambanghay.
Ugat-salita | ||||||||||||
↓ ↓ ↓ | ↓ ↓ ↓ | |||||||||||
Lb | Pandiwang tahasan | Pandiwang balintiyak | ||||||||||
Pandiwang mang- | Pandiwang -in | |||||||||||
Pandiwang magpa- | Pandiwang pag--an | |||||||||||
Pandiwang … | Pandiwang … | |||||||||||
↓ ↓ ↓ | ↓ ↓ ↓ | |||||||||||
Lp | Banghay | Banghay | ||||||||||
Pangnagdaan | Pangnagdaan | |||||||||||
Kasalukuyan | Kasalukuyan | |||||||||||
Panghinaharap | Panghinaharap | |||||||||||
Pawatas | Pawatas | |||||||||||
Pangngaldiwa |
{*} Katuturan ng 'pagbabatay' at 'paradigma' → {6A-421}.
{**} Katuturan ng 'homomorfen' at 'alomorfem' → {6A-422}.
(1) Sa paglalaping Lb, maaaring bumuo ng pandiwa ang panlaping ma-, mang-, mag-, -um-, i-, -an at -in nang mag-isa. Ilan sa mga panlaping ito ang bumubuo ng pandiwang tahasan, iba ang pandiwang balintiyak. Sa kumpol-panlapi maaaring gamitin dalawa sa mga panlaping ito, dahil dito dapat ibukod nang wasto:
(2) Ito ang mga paraan ng paglalaping Lp:
(3) May isa lamang (o walang) panlaping ma-, mang- o mag- ang pandiwa. Ito ay nasa unahan ng pandiwa; pati sa mga kumpol-panlapi. Dinadala ng panlaping ito ang banghay. Kung gustong gamitin ang isa pang panlaping ito sa kumpol-panlapi ay dapat gamitin ang alomorfem pa-, pang- o pag-. Hindi na nangingibabaw ang mga alomorfem na ito, maaari ding gamitin para sa pagbuo ng pandiwang balintiyak.
Para sa kumpol-panlaping may i- ay mabisa ang sumusunod alinsunod sa tuntuning naturan: Kung may ma- (walang paggamit ng mang- at mag- sa kumpol na ganito) ang kumpol ay binubuo ang mai- sa unahan ng pandiwa; dalhin ng ma- ang banghay. Sa iba pang mga kalagayang may i- sa unahan at kung kaya dinadala nito ang banghay.
Sa tabi ng -um-, isa sa mga panlaping ma-, mang- at mag- ang kailangan upang bumuo ng pandiwang tahasan.
(4) Maaaring paikliin ang anyong makadiwa sa pamamagitan ng pagkaltas ng panlaping Lb at Lp. Ginagawa ito kung hindi mahalaga ang paghuhudyat ng katangian ng panlapi. Kung ganito nawawala ang paghuhudyat ng kayarian ng kaganapan at ang paghuhudyat ng panahon. Kinakaltas ang lahat ng panlapi at ginagamit ang ugat-salita {6-6.3}. Dapat madaling unawain pa ang anyong pinaikli. Hindi maaaring bumuo ang anyong pinaikli kung ginagamit ang ugat bilang salitang may ibang kahulugan.
(5) Bukod dito ginagamit ang pag-uulit ng pantig para sa pagbuo ng anyong makadiwa:
(6) May katangiang mapapansin: Sa pagbuo ng pandiwang magpa- ay alomorfem sa halip ng ma-, mang- at -um- ang mag- {7-1.4 (6) Θ}.
(7) Halatang may kahomomorfeman ang panlaping pang-. Homomorfem ang pang- na may kahulugan ng kagamitan at ang pang- na nanggagaling sa mang-. Dalawang pulutong ang magkabukod: may fokus na kagamitan ang unang pulutong (pandiwang ipang- lamang), may pagtukoy sa pandiwang tahasang mang- ng angkang-salita (lahat ng pandiwang pang--an, pang--in, makapang- at ilang pandiwang ipang-).
Ibig banggitin ang panlaping Lp na -in- na maaaring maging alomorfem na na- {6-6.1.1 4.}.
Pampalaugnayan at pansemantika, pangngalan ang pangngaldiwa. Pampalaanyuan, ito'y bahagi ng paradigmang pambanghay ng pandiwang tahasan. Nababatay ang paglalapi ng pangngaldiwa sa paglalapi ng iba't ibang pandiwa ng angkang-salita [1a|b 2a|b 3a|b].
|
Ugat → pandiwang tahasan → pangngaldiwa ang pagkakasunud-sunod ng pagbabatay. Kung kaya pagpapatuloy ng banghay (Lp) ang pagbuo ng pangngaldiwa pagkatapos ng pagbabagay na Lb ng pagbuo ng pandiwang tahasan.
May katangian sa diin ang ilang pandiwang mag- at mag--an. Taliwas sa diin ng ugat ng salita, binibigyang-diin ang huling pantig ng pandiwang ito {7-1.4 *} at {7-8.2 *}. Magkatulad ang diin ng pandiwa at pangngaldiwa nito, kung kaya iba sa diin ng ugat (halimbawa: basa, magbasạ → pagbabasạ, ngunit bumasa → pagbasa).
(1) Ginagamit ang unlaping pa-, pang- at pag- sa pagbuo ng pangngaldiwa (Lp). Sa tabi nito, bumubuo ng pandiwa ang mga unlaping ito kung isinasama sa ibang panlapi (Lb). Tahasan (halimbawa: magpa-, makapang-, makipạg-) at pati balintiyak (halimbawa: pa--in, pang--an, ipag-) ang pandiwa. Kailangan ang iba pang panlaping tahasan o balintiyak upang bumuo ng pandiwa. Dahil dito may dakong "katamtaman" ang mga panlaping pa-, pang- at pag- kung ginagamit sa Lb. Samantala, may dakong tahasan ang pangngaldiwang may isa sa mga panlaping ito (Lp).
(2) Ginagamit ang panlaping Lb na pa- upang buuin ang pandiwang may pagkakabago ng paghimok (magpa-, pa--in, pa--an at ipa-). Wala itong pagkakaugnay sa pandiwang ma- at sa pangngaldiwa nitong pa- (Lp). Ipinapalagay naming dalawang homomorfem ang panlaping Lb at Lp na pa-. Madalang lamang ang dami ng pangngaldiwang pa- samantalang malaki ang dami ng pandiwang may paghimok at galing sa angkang-salitang ibang-iba ang ikalawa (halimbawa paliligo ↔ magpadalạ).
(3) Hindi maliwanag ang tungkulin ng panlaping Lb na pang- at pag- (bukod sa tungkuling tangi ng pang- para sa fokus na kagamitan). Palaging nasa kumpol-panlapi ang pang- at pag-. Hindi ito nagmamarka kung tahasan o balintiyak ang pandiwa dahil tinutupad ito ng iba pang panlapi ng kumpol. Panlaping karagdagan lamang ang pang- at pag-, binubuo lamang ang pandiwang karagdagan at pandiwang walang tanging tungkulin. Binabago ng pagdaragdag ng pang- o pag- sa kahit anong dako ang pandiwa.
(4) Bumubuo ng pangngaldiwa ang panlaping Lp na pang- at pag-. Dito bumubukal ang tanong kung ito'y pagkapareho ng panlaping Lb na pang- at pag-. Halatang nanggagaling ang dalawa sa panlaping Lb ng pandiwang mang- at mag-, ngunit pumupunta ang dalawa sa dakong kasalungat. Hinihinuha naming nagiging homomorfem ang panlaping Lp na pang- at pag- ng pangngaldiwa at ang panlaping Lb na ito, kahit may isang ugat ang dalawa.
Wikang Filipino ni
Armin Möller
http://www.germanlipa.de/filipino/ug_D_02.html 09 Oktubre 2010 / 211229 |