Palaugnayan ng Wikang Filipino - Mga Nilalaman

0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14A 15A 16A Sy       🔎       Larawang buo

(•• 0, •• Nilalaman)

     
0 Salitang Pauna 0
Bagong mga Kaisipan Tungkol sa Palaugnayang Filipino
 0-1 Labas ng akda
 0-2 Mga Ubod ng Palaugnayan Filipino 0-2
 0-2.0 Paunang salita ng Ubod. 0-2.1 Pangungusap. 0-2.2 Pagpapalawak ng pangungusap. 0-2.3 Parirala at pananda nito. 0-2.4 Panaguri at panandang ay. 0-2.5 Paniyak: Katiyakan. 0-2.6 Paniyak: Panandang ang. 0-2.7 Pantuwid at panandang ng. 0-2.8 Pandako at panandang sa. 0-2.9 Panlapag at pang-angkop na -ng/na. 0-2.10 Pang-umpog at panandang nang. 0-2.11 Parirala at uring-salita. 0-2.12 Mga hutaga. 0-2.13 Mga pandiwa. 0-2.14 Fokus ng pandiwa. 0-2.15 Paghahambing ng Filipino sa Inggles.
     
1 Patakaran ng Palaugnayang Filipino 1A/1 1A/2
1-1 Pambungad: Wikang Filipino1/1
1-1.1 Aghamwika sa Pilipinas. 1-1.2 Pambansang wikang Filipino. 1-1.3 Palaugnayan bilang paksa sa aming pagsusuri. 1-1.4 Pagkakabisang banyaga sa wikang Filipino. 1-1.5 Katawagang Filipino.
1-2 Mga pariralang nasa Filipinong pangungusap
1-3 Mga sangkap ng Patakaran1/2
1-4 Talahanayan ng Patakaran
1-5 Paliwanag ng Patakaran
1-5.1 Panaguri at paniyak. 1-5.2 Pariralang pantuwid at pandako. 1-5.3 Pariralang panlapag at pang-umpog. 1-5.4 Pagsasanga sa kanan. 1-5.5 Pagpapalawak ng Patakaran.
1-6 Mga pariralang pangkayarian at mga pariralang pangnilalaman
1-6.1 Pariralang pangkayarian at pananda. 1-6.2 Pariralang pangnilalaman. 1-6.3 Ibayong kadiwaan ng parirala.
1-7 Pag-uuri ng salita
1-7.1 Mga uring-salita (na pampalaugnayan). 1-7.2 Mga bahagi ng panalita. 1-7.3 Pagbuo ng salita.
1-8 Patakaran at aghamwika
1-9 Paghahalintulad ng pagkaunawa namin at ng ibang may-akda ↑ ↑
     
2 Panaguri at Paniyak 2A
2-1 Pambungad 2/1
2-2 Katangian ng panaguri at paniyak
2-2.1 Panaguri. 2-2.2 Paniyak. 2-2.3 Pagpapalitan ng panaguri at paniyak. 2-2.4 Pagkakapareho ng panaguri at paniyak.
2-3 Katiyakan at fokus
2-3.1 Katiyakan at fokus ng paniyak. 2-3.2 Katiyakan ng panaguri. 2-3.3 ANG na makaabay. 2-3.4 Katiyakan ng pantuwid at pandako.
2-4 Mga bahagi ng pariralang panaguri at paniyak2/2
2-4.1 Pariralang makangalan bilang paniyak. 2-4.2 Pariralang makangalan bilang panaguri. 2-4.3 Kabisaang buo ng pandiwa. 2-4.4 Pariralang pandiwa bilang panaguri. 2-4.5 Pariralang pandiwa bilang paniyak. 2-4.6 Pariralang pandako bilang panaguri. 2-4.7 Pang-uri at pang-abay bilang panaguri at paniyak. 2-4.8 Pariralang pang-ukol bilang panaguri at paniyak. 2-4.9 Sugnay bilang paniyak o panaguri.
2-5 Θ Pariralang panaguri at paniyak ↑ ↑
     
3 Mga Pariralang Pantuwid 3A
3-1 Pambungad at mga katangian ng pantuwid 3
3-2 Mga bahagi ng pariralang pantuwid
3-2.1 Pariralang makangalan sa pantuwid. 3-2.2 Pariralang pang-ukol sa pantuwid. 3-2.3 Iba pang parirala sa loob ng pantuwid.
3-3 Θ Pariralang pantuwid
3-4 Pagpapalitan ng pantuwid at pandako
3-5 Paghahalintulad ng pantuwid at pandako ↑ ↑
     
4 Mga Pariralang Pandako  
4-1 Pambungad 4
4-2 Paggamit at mga katangian ng pandako
4-3 Mga bahagi ng pariralang pandako
4-3.1 Pariralang makangalan sa pandako. 4-3.2 Pariralang SA-NG.
4-4 Pariralang pandakong malaya
4-5 Θ Pariralang pandako ↑ ↑
     
5 Mga Pariralang Panlapag at Pang-umpog 5A
5-1 Pambungad 5
5-2 Pariralang panlapag
5-2.1 Paggamit ng pariralang panlapag. 5-2.2 Pariralang panlapag walang pang-angkop.
5-3 Pariralang pang-umpog
5-3.1 Pariralang makagnalang pang-umpog. 5-3.2 Pariralang pangngaldiwa. 5-3.3 Panandang nang. 5-3.4 Iba't ibang salitang [nʌŋ]. 5-3.5 Pariralang pang-umpog at pang-angkop.
5-4 Θ Pariralang panlapag at pariralang pang-umpog ↑ ↑
     
6 Mga Pandiwa at mga Pariralang Pandiwa 6A
6-1 Pambungad 6/01
6-2 Mga kaganapan ng pandiwa
6-2.1 Pantuwid bilang kaganapan. 6-2.2 Pandako bilang kaganapan. 6-2.3 Panlapag bilang kaganapan. 6-2.4 Pagkakasunud-sunod ng kaganapan. 6-2.5 Sugnay bilang kaganapan.
6-3 Fokus ng pandiwa at katungkulan ng kaganapan
6-3.1 Fokus at katungkulan. 6-3.2 Mga katinigan: Balintiyak at tahasan. 6-3.3 Pagsanib sa tahasan at balintiyak.
6-3.4 Isa-isang mga fokus at mga katungkulan
6-3.4.1 Pandiwang walang fokus. 6-3.4.2 Tagaganap, tagahimok, tagaakala at tagagawa. 6-3.4.3 Fokus na panlagay. 6-3.4.4 Tagatiis.
6-3.4.5 Tagatanggap. 6-3.4.6 Fokus at katungkulang panlunan. 6-3.4.7 Sanhi. 6-3.4.8 Pagpalit. 6-3.4.9 Kagamitan. 6/02
6-3.5 Tagaganap sa Filipinong pangungusap
6-4 Mga panlapi ng pandiwa   Talahanayan
6-4.1 Θ Tungkulin ng panlaping makadiwa
6-4.2 Θ Palaanyuan ng pandiwa
6-4.2.1 Θ Paglalapi hinggil sa pagbabatay at banghay. 6-4.2.2 Θ Pangngaldiwa bilang kasapi ng paradigmang pambanghay. 6-4.2.3 Θ Panlaping p..- sa paglalaping Lb at Lp.
6-5 Pagkakabago ng pandiwa6/03
6-6 Banghay, pandiwari at pangngaldiwa
6-6.1 Mga paradigmang pambanghay   Talahanayan ng mga anyong pambanghay.
6-6.1.1 Pagbabago ng panlapi. 6-6.1.2 Pag-uulit ng pantig. 6-6.1.3 Diin.
6-6.2 Paggamit ng anyong pamanahon
6-6.2.1 Paggamit ng anyong pangnagdaan. 6-6.2.2 Paggamit ng anyong kasalukuyan. 6-6.2.3 Paggamit ng anyong panghinaharap. 6-6.2.4 Paggamit ng pawatas. 6-6.2.5 Θ Panahunan at pananaw.
6-6.3 Paggamit ng ugat-salita sa halip ng anyong pamanahon
6-6.4 Mga pandiwari 6/04
6-6.4.1 Pandiwaring makauri. 6-6.4.2 Pandiwaring makaabay. 6-6.4.3 Pandiwaring makangalan.
6-6.5 Mga pangngaldiwa
6-6.5.1 Pangngaldiwang pangganap. 6-6.5.2 Pangngaldiwang pang-ulit.
6-6.6 Katatapos
6-7 Mga pariralang pandiwa
6-7.1 Kaganapan ng at panuring sa pandiwa. 6-7.2 Pandiwang nakakabit. 6-7.3 Θ Pariralang pandiwa. ↑ ↑
     
7 Mga Isa-isang Uring Pampalaanyuan ng Pandiwa 7A
7-0 Dalasan ng mga pandiwa 7/09
7-1 Mga pandiwang tahasang payak (ma-, mang-, -um- at mag-)
7-1.1 Pandiwang ma-. 7-1.2 Pandiwang mang-. 7-1.3 Pandiwang -um-. 7-1.4 Pandiwang mag-.
7-2 Mga pandiwang balintiyak na payak (-in, -an at i-) 7/10
7-2.1 Mga uring {DB10}, {DB11} at {DB20}. 7-2.2 Pandiwang -in. 7-2.3 Pandiwang -an. 7-2.4 Pandiwang i-.
7-2.4.1 Pandiwang di-tumpak na i-
7-2.5 Pagkakaugnay ng pandiwang payak na tahasan at balintiyak
7-3 Mga pandiwang may unlaping ma-7/11
7-3.1 Pandiwang balintiyak na may di-dinidiinang unlaping ma-. 7-3.2 Pandiwang balintiyak na ma--an. 7-3.3 Pandiwang balintiyak na mai-. 7-3.4 Pandiwang maka-, makapag- at makapang-. 7-3.5 Pandiwang may dinidiinang unlaping ma-
7-3.5.1 Pandiwang balintiyak na ma-. 7-3.5.2 Pandiwang tahasang maka-.
7-3.6 Pandiwang tahasang may unlaping ma--an
7-4 Mga pandiwa ng paghimok na may panlaping pa- 7/12
7-4.1 Pandiwang magpa-, pa--an, pa--in at ipa-. 7-4.2 Pandiwang makapagpa-, mapa-, mapa--an at maipa-. 7-4.3 Pandiwang dinaglat na pa-.
7-5 Mga pandiwang may panlaping pag- 7/13
7-5.1 Pandiwang pag--in. 7-5.2 Pandiwang pag--an. 7-5.3 Pandiwang ipag-. 7-5.4 Pandiwang pag- na may kakayahan. 7-5.5 Pandiwang pag- na may pagkakataon.
7-6 Mga pandiwang may panlaping pang-
7-6.1 Pandiwang ipang-. 7-6.2 Pandiwang pang--an. 7-6.3 Pandiwang pang--in.
7-7 Mga pandiwang may panlaping sa- at ka- 7/14
7-7.1 Pandiwang may isa- at magsa-. 7-7.2 Pandiwang ka--an at ika-.
7-8 Mga pandiwang may iba pang mga panlaping mag-
7-8.1 Pandiwang magka- at magka-. 7-8.2 Pandiwang mag--an. 7-8.3 Pandiwang mag-um-. 7-8.4 Pandiwang magpaka-. 7-8.5 Pandiwang pangmaramihan.
7-9 Mga pandiwang maki- at anyong maladiwang paki-
7-9.1 Pandiwang maki-. 7-9.2 Anyong maladiwang paki-. 7-9.3 Anyong pa- bilang anyong dinaglat na paki-. ↑ ↑
     
8 Mga Ngalan at mga Pariralang Makangalan 8A
8-1 Pambungad at katuturan 8/1
8-2 Mga pangngalan
8-2.1 Mga panlaping bumubuo ng pangngalan. 8-2.2 Pangngalang tambalan. 8-2.3 Tanging mga pangngalan.
8-3 Kasarian at kailanan
8-3.1 Kasarian. 8-3.2 Kailanan.
8-4 Mga Panghalip
8-4.1 Panghalip na panao. 8-4.2 Panghalip na pamatlig.
8-4.3 Panghalip na panaklaw
8-4.3.1 kung, kahit at man. 8-4.3.2 Panghalip na panaklaw.
8-4.4 Panghalip na ANG. 8-4.5 Panghalip na NG. 8-4.6 Panghalip na SA. 8-4.7 Kaugnayang paari sa pamamagitan ng panghalip.
8-5 Talahanayan ng panghalip at pantukoy
8-6 Ubod ng pariralang makangalan8/2
8-6.1 Panghalip bilang salitang-ubod. 8-6.2 Mga pantukoy.
8-7 Panlapag bilang panuring sa pariralang makangalan
8-7.1 Pang-uri, pati na pamilang. 8-7.2 Pamilang na isa. 8-7.3 Panghalip na pamatlig bilang panuring. 8-7.4 Pangngalan bilang panlapag. 8-7.5 Pang-abay bilang panuring. 8-7.6 Pariralang pang-ukol bilang panlapag.
8-8 Pantuwid at pandako sa pariralang makangalan
8-8.1 Pantuwid. 8-8.2 Pandako.
8-9 Θ Pariralang makangalan↑ ↑
     
9 Mga Pang-uri at mga Pang-abay 9A
9-1 Pambungad 9/1
9-2 Mga pang-uri
9-2.1 Pang-uring walang panlapi
9-2.2 Pang-uring may panlapi
9-2.2.1 Pang-uring ma-. 9-2.2.2 Pang-uring pa-.
9-2.3 Pang-uring hango sa panghalip na pamatlig. 9-2.4 Pang-uring panaklaw. 9-2.5 Iba pang mga pang-uri. 9-2.6 Pang-uring nagagamit na pangngalan. 9-2.7 Kaantasan ng pang-uri. 9-2.8 Mga pamilang. 9-2.9 Pamparami.
9-3 Mga pariralang pang-uri
9-3.1 Pantuwid sa pariralang pang-uri. 9-3.2 Pandako sa pariralang pang-uri. 9-3.3 Panlapag sa pariralang pang-uri. 9-3.4 Θ Pariralang pang-uri.
9-4 Mga pang-abay 9/2
9-4.1 Pang-abay na hutaga
9-4.1.1 Pang-abay na pampananaw na na at pa
9-4.2 Pang-abay na untaga
9-4.3 Salitang pangnilalaman
9-4.3.1 Salitang-ugat. 9-4.3.2 Pang-abay na may panlapi. 9-4.3.3 Iba pang mga pang-abay.
9-4.4 Pang-uring nagagamit na pang-abay
9-5 Mga pariralang pang-abay
9-5.1 Pariralang pang-abay na may panuring. 9-5.2 Pariralang pang-abay na pang-ibaba. 9-5.3 Pariralang pang-abay na malaya. 9-5.4 Θ Pariralang pang-abay.
9-6 Pang-abay na pangmarahil9/3
9-6.1 Pang-abay na pangmarahil sa pariralang pandiwa
9-6.1.1 Panggitahil. 9-6.1.2 Gawing makangalan. 9-6.1.3 Gawing di-makangalan.
9-6.2 Pang-abay na pangmarahil bilang pangngalan. 9-6.3 Pang-abay na pangmarahil bilang pang-uri at pang-abay.
9-7 Pagtanggi
9-8 Salitang pang-usapan ↑ ↑
     
10 Mga Pang-ukol at mga Pariralang Pang-ukol 10A
10-1 Pambungad 10
10-2 Pariralang pang-ukol (pulutong na tungkol)
10-3 Pariralang nasa
10-4 Mga pangkaroon at mga parirala nito
10-4.1 Pandiwari sa pariralang pangkaroon.
10-5 Θ Pariralang pang-ukol ↑ ↑
     
11 Mga Pananda at mga Kataga 11A
11-1 Pambungad 11/1
11-2 Mga pananda
11-3 Mga kataga
11-4 Mga hutaga at mga yari nito
11-4.1 Yaring hutagang payak. 11-4.2 Katayuan ng hutaga. 11-4.3 Pagkakasunud-sunod ng hutaga.
11-5 Pang-angkop
11-5.1 Palaanyuan ng pang-angkop. 11-5.2 Hutaga at pang-angkop.
11-6 Panggitaga 11/2
11-6.1 Salitang makatukoy ng panggitaga. 11-6.2 Hutaga ng panggitaga. 11-6.3 Panggitagang paniyak. 11-6.4 Panggitagang pantuwid. 11-6.5 Panggitagang pangkaroon. ↑ ↑
     
12 Pagtatanong 
12-1 Pambungad 12
12-2 Mga salitang pananong na pamparirala
12-2.1 Mga panghalip na pananong. 12-2.2 Mga pang-uring pananong. 12-2.3 Mga pang-abay na pananong. 12-2.4 Mga pandiwang pananong.
12-3 Mga tanong na pampasiya at ba
12-4 Mga pariralang maaaring itanong
12-4.1 Pagtatanong ng panaguri. 12-4.2 Pagtatanong ng paniyak. 12-4.3 Pagtatanong ng pantuwid. 12-4.4 Pagtatanong ng pandako at ng pariralang malaya. ↑ ↑
     
13 Mga Pangungusap at mga Sugnay 13A
13-1 Pambungad 13/1
13-1.1 Pangungusap na payak at tambalan
13-2 Pangungusap na payak
13-2.1 Pangungusap na batayan
  13-2.1.1 Ayos na karaniwan. 13-2.1.2 Ayos na kabalikan. 13-2.1.3 Pangungusap na pang-utos.
13-2.2 Pangungusap na di-batayan
  13-2.2.1 Pangungusap na may panggitaga o panggitahil. 13-2.2.2 Pangungusap na walang paniyak. 13-2.2.3 Sugnay ng papapahayag ng pagsasalitang sinipi. 13-2.2.4 Pangungusap na putol.
13-2.3 Θ Kayariang pampalaugnayan ng pangungusap na batayan 13/2
  13-2.3.1 Pangungusap na may pariralang pandiwa bilang panaguri o paniyak. 13-2.3.2 Pangungusap na may pariralang makangalan bilang panaguri at paniyak. 13-2.3.3 Pangungusap na may pang-uri bilang panaguri o paniyak. 13-2.3.4 Pangungusap na may pariralang pang-ukol bilang panaguri o paniyak.
13-3 Mga parirala at mga pananda
13-4 Mga sugnay 13/3
13-4.1 Sugnay na walang pagkakakabit
13-4.2 Sugnay na may pangatnig
  13-4.2.1 Sugnay na may pangatnig at pananong. 13-4.2.2 Sugnay na may pangatnig at pandiwa sa pawatas.
13-4.3 Sugnay na makaangkop
  13-4.3.1 Pandiwa sa unahan ng sugnay na makaangkop. 13-4.3.2 Iba pang mga sugnay na makaangkop.
13-4.4 Yaring makaangkop13/4
  13-4.4.1 Pangungusap na tambalang may pandiwang nakakabit. 13-4.4.2 Pangungusap na payak na may pandiwang nakakabit. 13-4.4.3 Θ Pang-abay na pangmarahil at pandiwang nakakabit.
13-4.5 Sugnay na may magkasamang paniyak
13-4.6 Sugnay na pinaikli
  13-4.6.1 Isinasaad ng paniyak na kinaltas ang paniyak. 13-4.6.2 Isinasaad ng paniyak na kinaltas ang pariralang hindi paniyak. 13-4.6.3 Hindi paniyak ang pariralang kinaltas.
13-5 Mga kasulatan
 13-5.1 Pananalitang kanluranin. 13-5.2 Taglish. ↑ ↑
     
Mga Pangabit  
1A Sa Patakaran ng Palaugnayang Filipino 1A/1 1A/2
2A Sa Panaguri at Paniyak 2A
3A Sa Mga Pantuwid 3A
5A Sa Mga Panlapag at mga Pang-umpog 5A
6A Sa Mga Pandiwa 6A
7A Sa Isa-isang Uring Pampalaugnayan ng Pandiwa 7A
8A Sa Mga Ngalan 8A
9A Sa Mga Pang-uri at mga Pang-abay 9A
10A Sa Mga Pang-ukol 10A
11A Sa Mga Pananda at mga Kataga 11A
13A Sa Mga Pangungusap 13A
     
14A Palasusian 
14A-1 Pambungad 14A
14A-2 Pangkaraniwan. 14A-3 Pandiwa. 14A-4 Pangngalan. 14A-5 Pang-uri at pang-abay. 14A-6 Panghalip. 14A-7 Mga iba pang bahagi ng panalita. 14A-8 Parirala. 14A-9 Sugnay. ↑ ↑
     
15A Talatawagan (Talaan ng mga katawagan)
A-E F-N O-S T-Z  
 
16A Mga Sanggunian 16A
16A-1 Mga sangguniang pang-aghamwika. 16A-2 Iba pang mga sanggunian.





0 Salitang Pauna:
Bagong mga Kaisipan Tungkol sa Palaugnayang Filipino   (•• 0, •• Pauna)

Kaugaliang sa pananaw ng wikang pang-Europa ay sinusuri at nauunawaan ang balarila ng wikang Filipino. Noon pinag-aralan at sinaliksik ng paring Espanyol ang mga wika sa Pilipinas (inihambing nila ito sa wika nila at sa Latin at Griyego) at ngayon nagkakabisa sa wikang Filipino ang Amerikanong Inggles. Ngunit hindi pang-Europa ang ugat ng Filipino; ito'y kasapi sa angkan ng wikang pang-Austronesia. Dahil dito, mahirap ang pag-unawa ng Filipino kung ginagamit lamang ang mga paraan ng wikang pang-Europa. Buhat kay Bloomfield (1917), maliwanag ang mga pansariling katangian ng wikang Tagalog at ang pagkakaiba nito sa mga wikang pang-Europa. Ngayon mayroon pang pagsaliksik ng pagkakaisa at pagkakaiba ng mga wikang galing sa Silangan at Kanluran.

Dahil dito, tanging pamamaran ang pinagtatangkaan ko. Sumunod ako sa paraang noon ginamit ni Martin Luther upang isalin ang Biblia sa wikang Aleman. Iniaangkop ko ang sulat niya (1530) {1A-101 }:

"Huwag tanungin ang balarilang Espanyol o Ingles kung paano salitain nang mabuti ang Filipino. Kundi dapat tanungin si Inay sa bahay, ang mga bata sa kalsada, ang karaniwang tao sa palengke at pansinin ang bibig nila kung ano ang wika nila. Alinsunod dito dapat buuin ang balarilang Filipino; kung gayon, naiitindihan nila at nauunawaan nang mabuti ang wika nila."

Pumunta ako naman sa palengke at sa kalsada, pinansin ko ang bibig ng karaniwang tao, ngunit sinuri ko rin ang pananalitang nakasulat, mula sa mga tsismis sa Liwayway hanggang sa akda ng mga dalubhasa ng pamantasan. Ano ang nakita ko?

Katangi-tangi ang pagkakasunud-sunod ng salita sa pangungusap na Filipino. Karaniwang may salitang maikli sa harap ng salitang "mahalaga". Anim lamang ang bilang ng salitang maikling ito (ay, ang, ng, sa, -ng/na at nang). Tinatawag na 'pananda' ang mga ito, at 'parirala' ang tawag sa pagkasama ng salitang maikli at mahalaga. Ang mga pananda ang mga tanda ng tungkuling pampalaugnayan ng parirala kahit nasaan ito sa pangungusap. Ginagamit ko ang kaugaliang katawagan na 'panaguri' para sa pariralang may panandang ay. Bago ang tawag na 'paniyak' sa pariralang ang (kaugaliang tinatawag na 'simuno' o 'paksa').

Kapansin-pansin ang katangian ng paniyak. Palaging may katiyakan ito. Halimbawa ang sumusunod na pangungusap: Magaling ang Nakita ko ang pera ko. at Kaunti lamang ang nakita ko.; ngunit pangit ang sinasabi na Pera ko ang nakita ko. at Nakita ko ang kaunti lang. Dahilan nito ang katiyakan ng paniyak na Filipino; tiyak ang pera ko, ngunit di-tiyak ang kaunti lang. Ipinapakita ang isa pang katangian ng wikang Filipino sa halimbawang itaas: Maaaring magpalitan ang panaguri at paniyak. Kung walang katiyakan ang parirala, hindi maaari itong maging paniyak. Pagkatapos ng pagpapalitan ito'y panaguri, at may katiyakan ang bagong paniyak. Malimit na halimbawa ang mga pangungusap na pananong. Dahil sa katiyakan ng paniyak ay hindi ito maaaring itanong. Dapat magpalitan ang panaguri at paniyak. Magaling na sinasabi ang Sino ang kumain ng mangga? at hindi Ang sino ay kumain ng mangga?.

Sa aking palagay, ito ang balangkas ng palaugnayang Filipino. Hanggang dito ay hindi ko ginagamit ang kaugaliang katawagang 'bahagi ng panalita'. Pagkapasok ng parirala ipinapasok din ang pag-uuri-uri ng mga salita, kawangis ng kaugaliang bahagi ng panalita. Mahalaga sa akin ang maliwanag na balangkas na pampalaugnayan na may parirala bago dumating ang di-maliwanag na bahagi ng panalita sa palaanyuang Filipino.

May paghihinuha ang kaisipang ito. Mahigpit ang paghihiwalay ng pariralang may pananda sa bahagi ng panalita. Maaaring magamit na panaguri at paniyak ang iba't ibang bahagi ng panalita. Sa wikang Filipino, hindi palagi pandiwa ang panaguri at hindi palagi pangngalan ang paniyak. Mahaba ang talaan ng halimbawang para dito, ibig ipakita ang ilang halimbawa lamang: Maliit ako. (pang-uri bilang panaguri), Ano ang ginagawa mo? (pandiwa bilang paniyak) at Basahin ang nasa likod. (pandako bilang paniyak). Kung ganito, walang 'pandiwang pantulong' ang wikang Filipino.

Iba pang mga katanungan ang nakita ko at magaling na tugon ang pinunyagi kong hanapin. Sinuri ang kaibahang saligan ng ang at si (halimbawa: Nakita ko ang antok na si Ana.). Mapapansin ang magkaibang gawing pampaugnayan ng ng at sa. Sinuri din ang katangian ng pandiwang Filipino dahil wala itong banghay tungkol sa panauhan at kailanan. Kung kaya walang anyong 'finitum' ang pandiwa at saka walang mahalagang kaibahan ng anyong pandiwa sa pandiwari ('participium'). Iba pang paksa, pinalawak ko ang fokus ng pandiwa sa lahat ng kaganapan ng pandiwa. Nakita ko ding panghalip ang maaaring maging hutaga.

Pinagsama ko ang bagong mga kaisipan at ang napatibayang mga kaalaman upang gumawa ng matatag at ganap na paglalarawan ng palaugnayang Filipino.


0-1 Labas ng aking akda

Inilathala ang akda kong Syntax der filipinischen Sprache - Palaugnayan ng Wikang Filipino (sa wikang Aleman at Filipino) sa aklatan na pandigital na Qucosa ng Staats- und Universitätsbibliothek Dresden (SLUB, Saxon State Library - Regional and University Library Dresden, Germany). Maaaring kunin (para pagbasa at paglilimbag) sa URN ng Deutsche Nationalbibliothek (German National Library) na http://nbn-resolving.de/urn:nbn:de:bsz:14-qucosa2-360807 . Inilathala noong 12 Nobyembre 2019, may laki ng 9.6 MB (744 pahina).


Wikang Filipino ni Armin Möller
http://www.germanlipa.de/filipino/ug_pamagat.html
070614 - 220410

Palaugnayan ng Wikang Filipino - Wakas ng Mga Nilalaman

Simula ng talaksan   Larawang buo   Ugnika