>
(1) May malinaw na banghay sa panahunan o pananaw ang pandiwang Filipino ('aspect inflection') {6A-101 Θ}; tinatawag naming anyong pamanahon ang mga anyo ng pandiwang nabibilang sa banghay na ito. Dahil dito, maaaring ibukod sa iba pang bahagi ng panalita ang pandiwa. Walang banghay tungkol sa panauhan at kailanan; walang magkakaibang 'panagano'. Nabubuo sa pamamagitan ng paggamit ng pang-abay o pangatnig ang 'pasakali' (hindi namin ginagamit ang katawagang 'paturol'). Nakalitaw ang kaibahan ng katinigan sa pamamagitan ng panlapi. May magkaibang pandiwang balintiyak at tahasan; alinsunod sa paglalapi ang banghay nito (hindi lamang iba't ibang anyo ng isang pandiwa).
Salitang pangnilalaman ang mga pandiwa; naglalarawan ito ng kilos, pagpapatuloy at lagay. Lahat ng mga Filipinong pandiwa ay pandiwang may buong laman (dahil dito hindi kailangang gamitin ang katawagang ito); walang pandiwang pantulong at walang pandiwang walang banghay ang wika.
Kapansin-pansin ang pagkaiba-ibang pampalaanyuan ng pandiwang Filipino. Hindi lamang tinutupad ang pandiwang balintiyak at tahasan kundi pati ang mga uri ng balintiyak at ang mga uri ng pagkakabago ng pandiwa. Madalas may magkakaparehong tungkuling pampalaugnayan ang karamihan sa pandiwa ng isang uring pampalaanyuan. Ngunit maaaring malaki ang mga pagkakaiba ayon sa leksikal na kahulugan sa loob ng isang uring pampalaanyuan. Dahil dito, ipinapalagay lamang naming isa sa apat na mahalagang pagkakauri ng pandiwa ang mga uring pampalaanyuan.
(2) Maaaring mauri ang pandiwang Filipino sa apat na katangian:
Ibig sabihin, inilalarawan ng kayarian ng kaganapan ang pagbuong pampalaugnayan at inilalarawan ng fokus at katungkulan ang nilalamang pansemantika; bukod dito tinutupad ng paglalapi ang katunayang pangwika. Palagi, tinatalakay namin nang bukod sa bawat pandiwa ang mga katangiang ito. Maliban sa ilang kataliwasan, malinaw ang uring pampalaanyuan (pagbubuo ng pandiwa) at pampalaugnayan (pagbubuo ng pangungusap); nasa palasusian namin ang dalawang katangian. Gayon din isinasama namin sa palasusian ang mga uring fokus, ngunit di-lubhang malinaw ang pag-uuri sa pagkakabago.
Sa paglalahad tungkol sa pandiwa, itinatampok namin ang mga pagkakaisa at mga pagkakaiba ng iba't ibang pandiwa sa mga pag-uuring naturan {6A-102}. Inilalahad ang iba't ibang pangkat ng pandiwa alinsunod sa paglalapi ng mga ito sa kabanatang {7}.
Katangi-tangi ang mga pandiwa ng ugat na bilị , ipinapalagay ang mga ito nang di-karaniwan.
(3) Sa tabi ng pandiwang may kabisaang buo {2-4.3} ay ipinapasok ang pandiwari. Ang pandiwari ang anyong pamanahon ng pandiwang walang kabisaang buo sa pangungusap. Walang pagkakaibang pampalaanyuan ng anyong pamanahon at pandiwari {6A-103 Θ}.
(4) Sa pananaw na pampalaanyuan, anyong hinango mula sa pandiwa ang pangngaldiwa (pangngalang-diwa). Sa pananaw na pampalaugnayan at pansemantika, mas malapit ang mga ito sa pangngalan kaysa sa pandiwa.
(5) Hindi pandiwa ang mga salitang pangmarahil gaya ng gustọ sa dahilang wala itong banghay. Inuuri ang mga ito bilang pang-abay na pangmarahil {9-6.1}.
(1) Sa pangungusap na may pandiwa bilang panaguri ay may kaugnayan na tangi ang pandiwa sa mga pariralang paniyak, (mga) pantuwid, pandako at panlapag. May kabisaang buo ang pandiwa sa pangungusap {2-4.3}. Tinatawag naming 'kaganapan' ng pandiwa ang pariralang makangalang kaugnay sa pandiwa {6A-201 Θ}. Bahagi ng pariralang pandiwa ang (mga) pantuwid, pandako at panlapag; ngunit nasa labas ng pariralang pandiwa ang paniyak.
(2) Ang bilang at uri ng mga kaganapan ang 'kayarian ng kaganapan'. Ito'y ang pinakamahalagang pampalaugnayang katangian ng pandiwang may kabisaang buo. Maliban sa ilang pandako, may maliwanag at di-alinlangan na kayarian ang lahat ng pandiwa; kung kaya ito'y bahagi ng palasusian {6A-202}.
(3) Walang lugar na nasa kayarian ng kaganapan ang pampalaanyuang pagbuo ng pandiwa; mahigpit na magkahiwalay ang palaugnayan at palaanyuan. Sa aming palagay, ito'y mahalagang kabutihan para sa pagsusuring "palaanyu-ugnayan", makadanas na maaaring hanapin at makita ang mga pagkakaugnay ng pampalaugnayang kayarian ng kaganapan sa pampalaanyuang paglalapi. Sumusunod ang halimbawa:
Magkakatulad ang kayariang {DB10/ft|fg} ng kaganapan ng tatlong pandiwang may iba-ibang panlalapi: isipin, buksạn at isulat. Sa kabilang banda, sa pandiwang i- ay natatagpuan halos lahat ng kayarian ng kaganapang balintiayak.
(4) Karaniwan, parirala ang mga kaganapan ng pandiwa. Sa halip nito, sugnay na makaangkop at sugnay na may pangatnig ang maaari ding gamitin {6-2.5}.
(1) Ang mga pantuwid {P-W} ay kaganapan ng pandiwa o panuring sa pangngalan. Nasa likod ng pandiwa ang pantuwid [1], mayroon itong gawing makahuli. Kung panghalip ang pantuwid ay maaaring buuin ang panggitagang pantuwid [2] {11-6.4}. Kawangis ng panggitaga ang panggitahil [3] {9-6.1.1}.
|
(2) Maaaring may hanggang tatlong pantuwid ang pandiwa.
Maaaring bumuo ng kaganapan ng pandiwa ang pandako {P-K}, karaniwang may isa lamang pandako ang pangungusap. Tagatanggap [1], panlunan [2], tagagawa [3], sanhi o pagpalit ang katungkulang pansemantika ng pandako. Pati maaaring malaya ito sa pangungusap {4-4}. Pansemantika ang dalawang katawagan; pampalaugnayang halos walang kaibahan ang dalawang paggamit ng pandako.
Maaaring itanong ang kaganapang pandako sa pamamagitan ng panghalip na pananong na SA na kanino at saạn (sa) [7 8].
|
(1) Maaaring iugnay sa pandiwa ang pariralang makangalan bilang panlapag {P-L=P-N}. Karaniwang nasa kagyat na likod ng pandiwa ang panlapag na may pang-angkop [1 2]. Maaari din itong nasa likod ng ibang parirala [3].
Semantikang malapit sa paniyak ang kaganapang panlapag (sa [1b] siya at Joe Carter). Kahit kaganapan ang panlapag, hindi ito maaaring ilagay sa fokus sa pamamagitan ng binagong paglalapi. Hindi pa namin isama sa pamamaraan ng fokus at katungkulan ang panlapag.
|
(2) Maaaring ipalagay na kaganapan (panlapag, {P-L=P-D}) ang pandiwang pang-ibaba sa pangungusap na payak na may pandiwang nakakabit {13-4.6.2}.
(3) Sa tabi ng paniyak, may pangalawang kaganapan ang pandiwang magịng. Ito'y pariralang makangalang o pang-uri [4 5]. Walang pang-angkop ang yari. Gayunman ipinapalagay naming panlapag ang kaganapan.
|
Hindi mahigpit ang mga tuntunin tungkol sa pagkakasunud-sunod ng pantuwid at pandako sa likod ng pandiwa. Karaniwang pariralang maiikli ang nasa harap ng mahahaba. Kung halos katulad ang haba ng mga parirala, minamabuti ang pagkakasunud-sunod na (mga) pantuwid - pandako - paniyak [1]. Mabisa ang tuntuning matibay kung may panghalip walang pananda ang pandiwa {*}, dapat itong kagyat na sumunod sa pandiwa [2]. Pati mabisa ito para sa paniyak [3]. Pagkakasunud-sunud ng panghalip na ito tingnan sa {11-4.3}.
{*} Pag kaganapan ang panghalip na SA palaging mayroon itong panandang sa at wala itong gawing hutaga.
|
Mas matalik na kaugnay sa pandiwa ang pantuwid kaysa pandako:
Sa halip ng parirala, pansemantikang nakakagamit ng sugnay {S-..} bilang kaganapan. Sa tabi ng paniyak [1a|b] {2-4.9 (1)}, pantuwid [2a|b] o pandako [3a|b] ang maaaring halinhan sa sugnay, karaniwang sugnay na makaangkop. Madalang lamang ang pangungusap na ito, minamabuti ang yaring may sugnay sa halip ng paniyak.
|
(1) Sa pangungusap na may pandiwa bilang panaguri, alinsunod sa pagpili ng pandiwa ang pansemantikang tungkulin ng paniyak. Sapagkat may tanging fokus sa pangungusap ang paniyak, tinatawag na fokus ng pandiwa {*} ang tungkuling ito [1]. Pag paniyak ang pariralang pandiwa {2-2.3}, maaari ding gamitin ang katawagang fokus ng pandiwa para sa pariralang makangalan (ito ang panaguri), kahit hindi na ito ang paniyak na may katiyakan [2].
{*} May tunog at titik na [ f ] <f> ang makabagong wikang Filipino. Dahil dito, ginagamit namin ito sa fokus (salitang hiram na galing sa wikang Latino).
|
Ito ang iba't ibang uri ng fokus {6A-311 }:
(1a) Fokus (paniyak) | Katinigan | |||
{../f0} | Walang fokus | {D} | Pandiwang walang fokus | {6-3.4.1} |
{../fg} | Tagaganap | {DT} | Pandiwang tahasan | {6-3.4.2 (2)} |
Tagagawa | {DB} | Pandiwang balintiyak | {6-3.4.2 (2)} | |
{../fh} | Tagahimok | {DT} | Pandiwang tahasan | {6-3.4.2 (5)} |
{../fa} | Tagaakala | {DT} | Pandiwang tahasan | {6-3.4.2 (6)} |
{../fr} | Resiprokal | {DT} | Pandiwang tahasan | {6-3.4.2 (4)} |
{../fy} | Panlagay | {DT} | Pandiwang tahasan (panlagay) | {6-3.4.3} |
{../ft} | Tagatiis | {DB} | Pandiwang balintiyak | {6-3.4.4} |
{../fp} | Tagatanggap | {DB} | Pandiwang balintiyak | {6-3.4.5} |
{../fn} | Panlunan | {DB} | Pandiwang balintiyak | {6-3.4.6} |
{../fs} | Sanhi | {DB} | Pandiwang balintiyak | {6-3.4.7} |
{../fl} | Pagpalit | {DB} | Pandiwang balintiyak | {6-3.4.8} |
{../fm} | Pagamitan | {DB} | Pandiwang balintiyak | {6-3.4.9} |
(2) Ayon sa katuturan ng fokus, nagsasaad ang fokus ng paniyak (o ng panaguri [2]). Maaari ding gamitin ang paraang ito upang ipaliwanag ang katungkulang pansemantika ng mga pariralang pantuwid at pandakong kaganapan ng pandiwa. Tinatawag namin itong pansemantikang 'katungkulan ng kaganapan' at ginagamit ang magkakaparehong susi. Ngunit dito ang titik na f ay daglat sa katungkulan ('function') sa halip ng fokus [3]:
|
Sa palasusian namin naiilarawan ang fokus at ang katungkulan para sa pandiwa (halimbawa {../ft|fg|fp}: paniyak | (mga) pantuwid | pandako ang pagkakasunud-sunod) {6A-202}.
Ito ang iba't ibang uri ng katungkulan:
(2a) Katungkulan ng pantuwid | Katinigan | |||
{P-W/ft} | Tagatiis | {DT} | Pandiwang tahasan | {6-3.4.4} |
{P-W/fg} | Tagaganap | {DB} | Pandiwang balintiyak | {6-3.4.2 (3)} |
{DP} | Katatapos | {6-6.6} | ||
Tagagawa | {DT} | Pandiwang tahasan | {6-3.4.2 (3)} | |
{DB} | Pandiwang balintiyak | {6-3.4.2 (3)} | ||
{P-W/fh} | Tagahimok | {DB} | Pandiwang balintiyak | {6-3.4.2 (5)} |
{P-W/fa} | Tagaakala | {DB} | Pandiwang balintiyak | {6-3.4.2 (6)} |
{P-W/fy} | Panlagay | {DB} | Pandiwang balintiyak | {6-3.4.3} |
{P-W/fn} | Panlunan | {DT} | Pandiwang tahasan | {6-3.4.6} |
{P-W/fl} | Pagpalit | {DT} | Pandiwang tahasan | {6-3.4.8} |
{DB} | Pandiwang balintiyak | {6-3.4.8} | ||
{P-W/fm} | Kagamitan | {DB} | Pandiwang balintiyak | {6-3.4.9} |
(2b) Katungkulan ng pandako | Katinigan | |||
{P-K/fg} | Tagagawa | {DT} | Pandiwang tahasan | {6-3.4.2 (3)} |
{DB} | Pandiwang balintiyak | {6-3.4.2 (3)} | ||
{P-K/fp} | Tagatanggap | {DT} | Pandiwang tahasan | {6-3.4.5 (2)} |
{DB} | Pandiwang balintiyak | {6-3.4.5 (2)} | ||
{P-K/fn} | Panlunan | {DT} | Pandiwang tahasan | {6-3.4.6 (2)} |
{DB} | Pandiwang balintiyak | {6-3.4.6 (2)} | ||
{P-K/fs} | Sanhi | {DT} | Pandiwang tahasan | {6-3.4.7} |
{P-K/fl} | Pagpalit | {DT} | Pandiwang tahasan | {6-3.4.8} |
{DB} | Pandiwang balintiyak | {6-3.4.8} |
Upang magpagaan, tinatawag naming 'katungkulang K' (susi {..|fK} bilang daglat) ang kalahatan ng katungkulang inilalarawan sa pamamagitan ng pandako (tagatanggap, panlunan, sanhi at pagpalit); ginagamit din ang katawagang 'fokus na K' (nandito rin ang fokus na kagamitan {6-3.4.9}).
(3) Pansemantika ang pag-uuri ng fokus at katungkulan. Dahil dito may kahirapan sa pagkakaayos ng iba't ibang uri. Karaniwang walang kahirapan sa paghihiwalay ng tagaganap at tagahimok {6A-3421}. Malimit, mahirap na maihiwalay ang fokus na panlagay o sa tagaganap {6A-3431 (4)}. Maaaring maging kahirapan sa tagatiis, tagatanggap at panlunan pag isang pantuwid o pandako lamang ang kaganapan ng pandiwa (mga halimbawa umakyạt , iwan). Karaniwang maliwanag na iugnay ang higit sa isang parirala (halimbawa magbigạy, iwanan). Sa di-maliwanag na kalagayan ay ginagamit namin ang tuntunin na tawagin itong tagatanggap pag tao at panlunan o tagatiis pag hindi.
Ilang yaring may fokus na K at katungkulang K ang mahirap ayusin sa talaang nasa itaas. Dahil dito, pinapalawak namin ang katawagang fokus at katungkulang panlunan at ipinapasok ang katawagang 'panlunan sa matalinghagang kahulugan' {6-3.4.6 (3)}.
(4) Karaniwan, sa loob ng angkang-salita ay maaaring bumuo ng pandiwang may pantuwid o pandako sa halip ng dating paniyak. May pandiwang walang kakayahang ito. May pandiwang may pariralang pang-umpog lamang bilang katumbas [4a|b]. Mayroon ding pandiwang walang ganitong katumbas sa angkang-salita [5b 6].
|
(5) Anyong makadiwa ang katatapos; dito maaari ring gamitin ang katawagang fokus at katungkulan {6-6.6}.
(1) Maaaring uriin sa katinigan {*} na balintiyak at tahasan ang pandiwa (katinigan = 'diathesis'). Tinatawag na tahasan ang pangungusap kung ang paniyak ng pangungusap ang tagaganap, tagahimok o tagaakala ng kilos. Tinatawag na balintiyak (di-tahasan) ang pangungusap kung ang paniyak ay hindi isa sa mga ito. Maaaring magawa ang pag-uuri ng katinigan lamang kung may paniyak ang pangungusap.
{*} Ginagamit namin ang katawagan 'katinigan' (sa halip ng 'tinig') upang iwasang ipagkamali ito sa 'tinig' = tunog.
(2) Sa wikang Filipino, walang mahalagang pagkakaibang pampalaugnayan ng balintiyak sa tahasan. Kasingdali ang pangungusap na balintiyak at pati tahasan [1 2] (kasalungat ng wikang pang-Europa, doon mas mabigat ang balintiyak).
|
Gayunman may kataliwasang kapansin-pansin: Kaugnay ang pangngaldiwa sa pandiwang tahasan, ngunit walang pagkakaugnay ang mga ito sa pandiwang balintiyak {6-4.2.2 Θ}.
(3) Inilalapi ang lahat na pandiwa. Wala ring pagkakaibang pampalaanyuan ng panlaping balintiyak sa panlaping tahasan. Gayunman, maayos na ibinubukod ang dalawang katinigan na ito. Nakamit itong maging pandiwang balintiyak o pandiwang tahasan ang lahat ng pandiwang may tanging panlapi (o kumpol-panlapi). Walang maliwanag na dahilang batay sa palatunugan o palaanyuan upang maaaring sabihing balintiyak ang isang pulutong ng panlapi (halimbawa -in) at tahasan ang iba (halimbawa -um-).
(4) Sa wikang Filipino, pansemantika lamang ang katinigan ng pandiwa at ang katawagang balintiyak at tahasan. Karaniwang minamabuti ang balintiyak {6A-321}. Malimit na dapat ang tanging katwiran upang gamitin ang tahasan:
|
(5) Sa maraming pangungusap na balintiyak, paniyak ang tagatiis at pantuwid ang tagaganap (fokus {DB../ft|fg}). Sa pangungusap na tahasan, paniyak na may fokus ang tagaganap at pantuwid ang tagatiis (fokus {DT../fg|ft}). Gayunman malimit sa mga kalagayang ito ay di-masikap ang tagaganap sa pangungusap na tahasan, ngunit mas masikap ang tagaganap kung pantuwid ito (hindi nasa fokus) sa pangungusap na balintiyak [8 9] { Nolasco 2006 p. 7}. Sa dalawang pares ng halimbawa, nagpapasikap ng kilos ang katiyakan ng paniyak na nasa fokus na ang libro at ang ilog (tagatiis at hindi tagaganap ang mga ito); nagiging mas masikap ito kaysa pangungusap na tahasan kung saan hindi nasa fokus ang mga pariralang ito (pantuwid na ng libro at malayang pandakong sa ilog).
|
(1) Sa wikang Filipino, walang pagkakaibang mahalaga ang pandiwang balintiyak at tahasan at ang banghay ng mga ito. Alinsunod sa paglalapi ng pandiwa ang pagbubukod ng katinigan. Kung isang panlapi ang gumagamit sa pandiwang balintiyak at pati tahasan ay sakop ng pagsanib ang maaaring bumukal.
(2) Pandiwang may di-dinidiinang unlaping ma-, dinidiinang ma- at mapa- ang nasa sakop ng pagsanib. Pandiwang panlagay ang karamihan ng pandiwang tahasang ma-, madalang lamang pandiwang ng kilos na katamtaman {7-1.1}, samantala may pagkakabago ng kakayahan ang pandiwang balintiyak na ma- {7-3.1}. Nasa pagitan ng dalawang pulutong ang mga pandiwa ng pagsanib. Sa pandiwang ma- at mapa-, nangingibabaw ang pandiwang balintiyak na may pagkakabago ng pagkakataon {7-3.5.1}; mayroon ding pagkakabagong ito ang ilang pandiwang tahasan at nasa sakop ng pagsanib.
Mga pangungusap na halimbawa → {7A-311}
Sa mga pangungusap na walang paniyak at may pandiwa bilang panaguri, walang fokus ang pandiwa ([1-3], susi {../f0}, {13-2.2.2}). Walang paniyak ang pangungusap [3] at walang fokus ang pandiwang bilisạn, kahit mayroon itong fokus sa iba pang kalagayan. Dahil sa pang-abay na pangmarahil na dapat ay pangkahalatang pahayag ang pangungusap na walang paniyak at fokus [4].
|
Walang pag-uuri sa katinikang ang pandiwang walang fokus.
(1) Dapat talakayin nang mabuti ang katawagang tagaganap.
(2) Karaniwang may fokus na tagaganap ang pandiwang tahasan. Pangunahing panlapi ng pandiwang may fokus na tagaganap ang panlaping mang-, -um- at mag- [1-3]; at saka mga kumpol-panlapi [4-7]. May pandiwang balintiyak na nasa fokus ang tagagawa ng kilos [8-11] samantalang pantuwid walang fokus ang tagahimok. Sa pangungusap na may pang-abay na pangmarahil ay maaaring paniyak na may fokus ang tagagawang pangmarahil [12].
|
(3) Sa pangungusap na may pandiwang balintiyak, may katungkulang tagaganap [13] ang pantuwid. Sa pandiwa ng paghimok, pandako [14 15] o pantuwid [16] ang maaaring tumupad ng katungkulang tagagawa. Sa pangungusap na may pang-abay na pangmarahil ay maaaring ilarawang pantuwid ang tagagawang pangmarahil [17]. Sa katatapos pantuwid ang tagaganap [18].
|
(4) Tanging fokus na tagaganap ang fokus na resiprokal, (susi {../fr}); mayroon itong pagkakabago [19 20]. Isinasagawa ng dalawang tao o pangkat ang kilos. Nangingibabaw na bumubuo ng fokus na resiprokal ang mga panlaping mag--an [19] at maki- [20].
Kasali, kasama atbp. ang maaaring isa pang kaganapan sa tabi ng tagaganap. Ipinalalagay itong katungkulang resiprokal [21].
|
(5) Nasa fokus ng pandiwang tahasan ng paghimok ang tagahimok ng kilos. Karaniwang panlapi ang magpa- [22 23], mas madalang ang iba pang panlapi [24]. Sa pangungusap na balintiyak, karaniwang pantuwid ang may katungkulang tagahimok [25-29].
|
(6) Sa pamamagitan ng pang-abay na pangmarahil, nagiging tagaakala ang tagaganap [30 31]. Karagdagang maaaring ilarawan ang tagagawa na pangmarahil (si Rita sa [31]). Pag may gawing di-makangalan ang pang-abay na pangmarahil, madalas na nasa fokus ang tagaakala [30]; pag makangalan ang gawi [31], ito'y pantuwid.
|
Sa 'pandiwang panlagay' ipinapalagay na 'lagay' ang kalagayan o damdamin [1 2]. Nasa fokus na panlagay (susi {../fy}, 'stative') ang may-ari o nagtitiis ng kalagayan o damdamin. Maaari ding ipalagay na kalagayan ang maliit na pagbabago ng kalagayan at pati ang mga pagpapatuloy na di-sinasadya (ito'y hindi lubos na 'static' = walang kilos) [3 4]. May pandiwang na halos di-maaaring ibukod nang ganito [5 6] {6A-3431}.
Binubuo sa pamamagitan ng unlaping ma- [1 2], pati ng iba pang panlapi [3-6] ang pandiwang panlagay. Mayroon ding ilang pandiwang panlagay na balintiyak; doon hindi paniyak ang may-ari ng kalagayan [7].
|
(1) Malaki ang dami ng pandiwang balintiyak na may fokus na tagatiis ng kilos (susi {../ft}). Karaniwang ito ang pandiwang balintiyak na -in [1], i- [2], ma- [3] at ma- [4]; madalang ang pandiwang -an [5 6]. Katumbas ang mga kumpol-panlapi [7-10]. Hindi palaging malinaw kung tagatiis o panlunan ang fokus [6].
|
(2) Karaniwan, ginagamit ang pantuwid upang ipahayag ang katungkulang tagatiis [11-13] sa pandiwang tahasan. Sa pandiwang balintiyak na -an (at kumpol-panlaping may -an) ay hindi paniyak ang tagatiis. Kung may tagatiis, ito ay pantuwid [14 17] (pati sa iba pang mga pandiwa [18]). Madalang, pandako ang tagatiis [15]. Pag may tagatiis ang katatapos ay karaniwan din itong pantuwid [16].
|
Wikang Filipino ni
Armin Möller http://www.germanlipa.de/filipino/ug_D_01.html 10 Oktubre 2010 / 05. Oktubre 2020 |