(1) Alinsunod sa tuntunin ng Patakaran ay binubuo din ang pangungusap na pananong. May isang katangian lamang ang pangungusap: Minamabuti ang pananong sa harapan ng pangungusap. Bumabagay din ito sa Patakaran, dahil may diin na tangi ang unang parirala sa lahat ng pangungusap.
Hindi maaaring itanong ang lahat ng parirala. Malimit na dapat baguhin ang pagbuong pampalaugnayan ng pangungusap upang maitanong ang pariralang ginugusto.
(2) Ginagamit din ang mga pananong na di-itinatanong kung pagsamahin sa pangatnig. Sa gayon salitang panaklaw ito {8-4.3.1}.
Tinatawag naming 'tanong na pamparirala' ('Wh-question') ang tanong upang itanong ang parirala. Salitang pananong na pamparirala ang tawag sa salitang pananong nito.
(1) May dalawang panghalip na pananong (susi {HN}) sa anyong batayan. Itinatanong ng sino ang tao [1] at ng anọ ang mga bagay [2]. Dahil itinatanong ng panghalip na ito ang panaguri, tinatawag itong anyong AY. Ang kaugnay na panghalip na SA ay kanino na itinatanong ang tao sa pandako [3] at saạn (sa) para sa bagay [4] {8-4.6 (5)}. Maaaring gamitin ang panghalip na pananong na SA kasama ang pang-ukol [5]; pang-ukol na pananong ang nasaạn [6]. Madalang na ginagamit ang panghalip na pananong na NG na nino [7], dahil hindi maaaring nasa unahan ng pangungusap ang panghalip na NG. Sumusunod ang talahanayan ng panghalip na pananong; doon din inilalarawan ang anyong pangmaramihang may pag-uulit ng ugat.
ANG | AY | NG | SA | ||
Isahan at maramihan | Tao | - wala - | sino | nino | kanino |
Bagay | anọ | - wala - {*} | saạn [nasaạn] | ||
Maramihan | Tao | sinu-sino | ninu-nino | kanino-nino | |
Bagay | anụ-anọ | - wala - | - wala - | ||
{*} Madalang na ginagamit ang anyong may panandang gaya ng ng anọ. |
|
(2) Sa pananalitang pang-araw-araw maaaring pagsamahin ang panghalip na pananong at ang; sinong o anọng ang bunga nito [9a|b] {2-2.2 (3)}. Dapat ibukod ito sa paggamit bilang pang-uri {12-2.2 (2)}.
|
(1) May pananong na kumukilos gaya ng pang-uri, tinatawag itong pang-uring pananong (susi {UN}). Nabibilang dito ang pang-uring alịn, ilạn, tagasaạn. Panaguri ang pang-uring pananong sa [1 2 4a].
(2) Maaaring magamit na panuring sa pariralang makangalan ang pang-uring pananong gaya ng pang-uring "karaniwan" [3 4b]. Mayroon itong pang-angkop, bumubuo ng panlapag.
(3) Magkatulad ang gawi ng panghalip na pananong na sino, anọ at kanino kung nagagamit na panuring [5a 5b 6] (susi {U//HN}).
(4) Ginagamit bilang panaguri ang pang-uring pananong na magkano [7], ngunit hindi bilang panuring {9-3 (3)}. Natatangi ang salitang hiram na Espanyol na kumustạ |como esta| [8]; ito'y pang-uring pananong sa wikang Filipino.
|
Pang-abay na pananong (susi {AN}) ang bakit, kailạn, paano, gaanọ [1-5] at ba {12-3}. Gaya ng ibang pang-abay may katanungan kung malaya sa pangungusap o panuring sa ibang parirala ang pang-abay na pananong (maliban sa hutagang ba). Tiyak na malaya ang bakit at kailạn [1]. Wala itong pang-angkop; nabibilang sa pang-umpog ang parirala nito. Ginagamit ang gaanọ kasama ang pang-uri [2], samantala kasama sa pandiwa (minsan sa pangngalan) ang paano [3 4]. Panuring ang pang-abay na pananong at panlapag ang yari kung mayroon itong pang-angkop [4] at marahil din kung wala [2 3]. Kung ginagamit ang gaanọ, ipinapalit ang unlapi ng pang-uring ma- sa ka- [2]. Maaaring magamit na panaguri ang pang-abay na pananong [5] {2-4.7 (3)}.
|
May pandiwang pananong ang wikang Filipino. Nasa loob ng pandiwa ang katanungan (umanọ (anọ), anuhịn).
May pang-abay na pananong na hutagang ba (susi {AN/HG}) ang wikang Filipino; anyong pinaikli ng bagạ ito. Ginagamit ito sa tanong na pampasiya; karaniwan itong isinasaad ng katotohanan ng buong pangungusap [1]. Bilang hutaga, inilalagay ang ba sa pangalawang katayuan sa pangungusap. Sa pangungusap na pasalaysay ay maaaring idagdag ang pinaikling sugnay na pananong na di ba [2]. Maaaring palakasin ang tanong na pamparirala kung ilagay ang ba sa likod ng pananong [3].
|
Hindi maaaring itanong ang lahat ng parirala sa wikang Filipino. Bukod sa panaguri, maaaring itanong ang pandako at pariralang malaya. Ang katiyakan ng paniyak ang pagbabawal na pinakamahalaga. Pangkaraniwang hindi maaaring itanong ang pantuwid. Sanhi nito ang gawing makahuling nagbabawal na ilagay sa unahan ng pangungusap ang pariralang itinatanong.
Sa ganito may tanong na pinagbabawal. Nilulutas ang kakulangang ito dahil may kakayahang pampalaugnayang magpalitan ng parirala.
Binibigyan ng diing tangi ang itinatanong na panaguri kung nasa unahan ng pangungusap. Pati walang katiyakang likas ang panaguri Dahil dito, magaling itong nagagamit na pariralang itinitanong. Ginagamit ang anyo ng pangungusap na {13-2.3 Θ [2*]}. Binubuo ng panghalip na pananong na sino o anọ ang panaguri [1-3].
|
Karaniwan, may katiyakan ang sagot; dahil dito dapat bigyan ng katiyakan ang panaguri o dapat baguhin ang pangungusap na panagot upang maging paniyak na may katiyakan ang pariralang panagot. Pampalaugnayang gaya ng tanong na [3] ang sagot na [4], ngunit pansemantikang hindi ito magaling dahil panaguring walang katiyakan ang tatay. Sa pamamagitan ng ANG na makaabay sa panaguri ay nawawala ang kakulangan [5]. Kung ngalan ng tao ang sagot, walang kahirapan dahil may katiyakan ang ngalan ng taong may si kahit panaguri ito [6]. Magkatulad kung panghalip na panao ang sagot [7]. Kung walang katiyakan ang sagot, maaari ding manatili ang pagbuo ng pangungusap na pananong [8].
Maaari ding gamitin ang pang-uring pananong kung panuring ito sa panaguri upang itanong ang bahagi ng panaguri [9]. Sa [10], pananong sa panaguri ang pang-ukol na nasaạn.
|
May katiyakang likas ang paniyak {2-3.1}; dahil dito hindi ito maaaring itanong. Maaaring magpalitan ng tungkulin ang panaguri at paniyak [1a|b]. Pagkatapos ng pagpapalitan magiging panaguri ang dating paniyak [1b 1c]. Sa pangungusap na panagot, mabisa din ang tuntunin na inilalahad sa itaas para sa pagtatanong ng panaguri.
|
(1) May gawing makahuli ang pariralang pantuwid; inihuhuli ito sa pangngalan kung panuring nito at pati sa pandiwa kung kaganapan nito. Dahil hindi nasa unahan ng pangungusap ang pantuwid ay hindi ito maaaring itanong. Upang maitanong ang nilalaman ng pantuwid bilang kaganapan ng pandiwa, dapat magpalitan ang pandiwang tahasan at balintiyak [1a|b]. Kung ganito maaaring maging paniyak ang pantuwid na itinanong at saka panaguri ang paniyak [1c|d]. Upang gawain ito kailangan ng pandiwang tahasan na kabagay. May angkang-salita kung saan binubuo ang pandiwang tahasang tangi para sa pangungusap na pananong (karaniwang pandiwang mag-); sa sagot, pandiwang balintiyak ang ginagamit [2].
|
(2) Upang maitanong ang pantuwid na paari (pantuwid na bahagi ng pariralang makangalan) maaaring gamitin ang panghalip na pananong na kaninong na iniuuna sa pangngalan gaya ng pang-uri [3a] {8-4.7}. Panghalip na SA ang kanino at dahil dito ito'y salitang pananong ng pandako, gayunman maaaring sagot ang pantuwid na paari [3c 3d].
|
(3) Sa pangungusap na may pang-abay na pangmarahil na may gawing makangalan, pantuwid ang tagaakala at kung kaya hindi ito maitanong. Maaaring gamitin ang pangungusap na pangkaroon upang itanong ang tagaakala {10-4.1 (4)}.
(4) Sa pangungusap na may katatapos bilang panaguri ay pantuwid ang tagaganap at walang paniyak ang pangungusap [4a] {6-6.6}. Hindi din maaaring itanong ang pantuwid na ito. Malimit na pinipili ang yaring halos di-makabalarila upang itanong ang tagaganap [4b]. Mas tamang ginagamit ang paraang may pandiwang tahasan sa halip ng katatapos [4c].
|
Walang kahirapan ang pagtatanong ng pandako at ng iba pang pariralang malaya. Maaari itong nasa unahan ng pangungusap. Bukod dito, wala itong katiyakang likas. Ginagamit ang anyong SA ng panghalip na pananong na kanino at saạn [1b] o ang pang-abay na pananong [2 3]. Kung kaganapan ng pandiwa ang pariralang pandako maaari itong ilagay sa harap ng pandiwa upang itanong [1a|b].
|
Wikang Filipino ni
Armin Möller http://www.germanlipa.de/filipino/ug_tanong.html 14 Enero 2011 / 211230 |