6 Mga Pandiwa at mga Pariralang Pandiwa
(Talaksan 6/04)

6-6 Banghay, pandiwari at pangngaldiwa (pagpapatuloy)

6-6.4 Mga pandiwari

(1) Ang pandiwari (|pandiwa+pang-uri|) ang anyong makadiwang walang kabisaang buo {*} {2A-431 (2)}. Wala itong kaganapan (maaaring mayroon itong panuring). Tungkuling pang-ibaba sa pangungusap ang tinutupad nito at nagagamit itong pang-uri, pang-abay o pangngalan {**}. Dahil wala itong kabisaang buo walang kayarian ng kaganapan sa palasusian.

{*}   Mananatili ang katangiang katinigan, pagkakabago at panahunan ng pandiwa kung nagagamit na pandiwari.
{**}   {Θ} Sa wastong pagsasalita, pandiwang karaniwan ang pandiwari. Sapagkat sa wikang Filipino nakakabagay ang halos lahat ng pariralang pangnilalaman sa lahat ng pariralang pangkayarian, ang pandiwari ay pandiwa sa loob ng pariralang pangkayarian na karaniwang binubuo sa pamamagitan ng pang-uri, pang-abay o pangngalan.

(2) Pampalaanyuang magkapareho ang anyong pamanahon at pandiwari. Nagagamit na pandiwari ang tatlong anyong pamanahon (bahagya lamang ang paggamit ng pawatas). Pinapadali ito ng katotohanang walang banghay sa panauhan at kailanan ang pandiwa.


6-6.4.1 Pandiwaring makauri

(1) Gaya ng pang-uri, maaaring gamitin ang pandiwari bilang panuring sa pangngalan [1-3] (pandiwaring makauri, susi {U//D}). Mayroon itong pang-angkop; panlapag ang mga ito. Kung makauri ang gamit ay inilalarawan ng pandiwari ang kilos, pagpapatuloy o kalagayan, ngunit hindi ang tao o bagay na sumasali sa kilos, pagpapatuloy o kalagayan.

 
[1][a b] Nasa harap ng naturang simbahan ang pinagtatrabahuhan kong restoran bilang katiwala. {W Angela 3.1}
[2]Lupang hinirang.
[3]Sa tulong ng wastong pamamahala sa mga darating na taon. {W Aquino 2010 3.7}

(2) Sa [4 5], ang yari ay maaaring ipalagay na pariralang pandiwang tumuturing sa pangngalan. Pandiwari ang salitang-ubod ng pariralang ito dahil walang kabisaang buo ang pandiwa. Gayon man, karaniwang ipinapalagay na sugnay na makaangkop ang yaring ito {13A-451 Θ}.

 
[4]Yan marahil ang salitang nababagay sa akin. {W Material Girl 3.1}
[5]Ilang Filipino ba talaga ang nagkakaroon ng pagkakataong magtrabaho sa ibang bansa? {W Almario 2006 3.6}

6-6.4.2 Pandiwaring makaabay

Madalang na nagagamit na pang-abay ang pandiwari (pandiwaring makaabay, susi {A//D}). Marahil na maging magulo ang pangungusap dahil walang kaibahang pampalaanyuan ng pandiwang may kabisaang buo at pandiwari [1]. Dahil dito iniwasang buuin ang mga pangungusap na ito, sa halip nito maaaring bumuo ng pinaikling pangungusap na tambalan [2 3]. Kataliwasan ang gamit na pangkawikaan ng umanọ [4].

 
[1]Kumakantang lumalakad ako. (?? Kumakanta ako. o Lumalakad ako.)
[2]Lumalakad akong kumakanta. (Lumalakad ako.)
[3]Habang kumakanta ay lumalakad ako. (Lumalakad ako.)
[4]Di-umano'y kinuha ng pulis ang retrato niya.

6-6.4.3 Pandiwaring makangalan

(1) Maaaring magamit na pangngalan ang pandiwari (pandiwaring makangalan, susi {N//D}). Para iwasang ipagkamali ito sa pandiwang may kabisaang buo ay minamabuti ang yaring may tanda ng "karaniwang" pangngalan; lalo na kung paniyak ang pandiwari:

(2) Pandiwaring makangalan ang nagagamit na paniyak [1 2], pantuwid [3], pandako [4] at sa loob ng pariralang pang-ukol [5]. Madalang lamang nagagamit na panaguri ang pandiwaring makangalan dahil malimit na maaari itong ipagkamali sa pandiwang may kabisaang buo. Hindi maaaring maging panlapag ang pandiwaring makangalan (pag panlapag, ito'y pandiwaring makauri) at pati hindi pang-umpog (pagkakagulo gaya ng panaguri). Karaniwang nasa anyong pamanahon ang pandiwaring makangalan, iwinawasan ang pawatas.

 
[1]Alam kong hindi nagugustuhan ng aking ina ang mga ginagawa ko. {W Material Girl 3.6}
[2]Ang lumikha sa sariling wika ay nagpapayaman sa sariling kultura. {W Salazar 2.2.4}
[3]Tingnan mo ang ganda ng ginagawa niya.
[4]Lagi siyang nakatawa pagharap sa mga bumibili. {W Nanyang 6.7}
[5]Makakausap sila ukol sa kanyang mga sinusulat. {W Suyuan 5.5}
Higit na maitim ang limbag = Pandiwari at pananda nito. May salungguhit = Panuring sa pandiwari.

(3) Gaya ng pangngalan maaaring ituring sa pantuwid [1 3], pandako [2] at panlapag [5]. Panuring at hindi kaganapan ang mga ito, dahil walang kabisaan buo ang pandiwari. Maaaring may pantukoy na pangmaramihang mga ang pandiwaring makangalan [1 4 5].

(4) Pansemantika, inilalarawan ng pandiwaring tahasan ang taong gumaganap ng kilos [4]; at ang bagay na niyari kung balintiyak [1-3 5] (lalo na kung sa pangnagdaan). Kung gayon, hindi na ito kinikilala bilang pandiwari mismo, pero pangngalan (halimbawa: tinapay, nilikhạ, bumibilị).

Pandiwaring makangalan sa pariralang pangkaroon{10-4.1}


6-6.5 Mga pangngaldiwa

(1) Ayon sa palaanyuan, nagmumula sa pandiwang tahasan ang pangngaldiwa. Pampalaugnayan at pansemantika, pangngalan ang mga ito [1-3 4a]. Dahil dito, binibigyan namin ito ng tawag na 'pangngaldiwa' (hindi 'pandiwangalan') at ng susing {ND}. Tinatalakay sa pangkat na ito ang mga pangngaldiwang walang pananaw, samantala sa sumusunod na pangkat ang pangngaldiwang pangganap {6-6.5.1} at ang pangngaldiwang pang-ulit {6-6.5.2}. Pagpapatuloy ang pansemantikang kahulugan ng mga pangngaldiwa. Walang pangngaldiwa ang pandiwang may pagkakabago ng kakayahan.

 
[1]Marahil ay pinuna ni Ina ang pag-uwi ni Ama nang malalim sa gabi. {W Dayuhan 3.4}
[2]Alam ng mga delegado ang magandang mga posibilidad para sa paggamit ng wika ng kanilang bagong mananakop. {W Almario 2007 3.1}
[3] Ngunit tumigil ako sa pag-aaral. {W Angela 3.13}
[4][a] Tingnan mo ang husay ng paggawa niya. (Pangngaldiwa: Husay ng kilos.)
 [b] Tingnan mo ang ganda ng ginagawa niya. (Pandiwari: Ganda ng bagay.) {6-6.4.3}

(2) Maaaring ayusin ang mga pangngaldiwa alinsunod sa pandiwang tahasan. Tinitiyak ng unlapi ng pandiwang tahasan kung papaano binibuo ang pangngaldiwa. Kung may pag-uulit ng pantig ay di-dinidiinan ang pantig na inuulit (kasalungat ng pag-uulit sa banghay). Bumubuo ng pangngaldiwa ang halos lahat ng kumpol-panlaping tahasan. Walang pagbuo ng pangngaldiwa ang pandiwang balintiyak. Kung walang pandiwang tahasan ang angkang-salita ay wala itong pangngaldiwa (pag-iwan, pag-iiwan).

PandiwaPangngaldiwa

-um- umasa pag- (1)pag-asa
mag- magbago pag-&- (2)pagbabago
mang- mamahala pang-&- (3) pamamahala
ma-  pa- (1)  
maligo pa-&- (9)paliligo
magpa- magpagaw pagpapa- (pag- (12)) pagpapagaw
magsa- magsawalạng-
kib
pagsasa- (pag- (14))pagsasawalạng-
kib
magka- magkaroọn pagkaka- (pag- (8))pagkakaroọn
magka- magkaisạ pagkaka- (pag- (10)) pagkakaisạ
mag--an magmahalan pag-&--an (pag- (3))pagmamahalan
mag-um- magsumikap pag-um-&- (pag- (15))pagsusumikap
magpaka- magpakatibay pagpapaka- (pag- (13))pagpapakatibay
maki- makigawpakiki- (paki- (5)) pakikigaw
makipạg- makipạg-
ugnayan
pakikipạg- (paki- (6)) pakikipạg-
ugnayan

(3) Pantuwid at pandako ang maaaring tumuring sa pangngaldiwa. Gaya ng kaganapan ng pandiwang tahasan ang panuring ito; nagiging pantuwid ang paniyak ng pandiwang tahasan [5a|b 6a|c], salamantalang walang pagbago ng pantuwid [6b|d] at pandako [7a|b]. Tanging mga yari ang pariralang pangngaldiwa, malaya ito sa pangungusap [8] {5-3.2}.

 
[5][a] Naging manunulat ang guro.
  [b] Kasagsagan ng pagiging manunulat ng guro. {W Suyuan 5.5}
[6] [a] Nagbulid ako sa kanya.
  [b] Nagbigay siya ng kasiyahan sa akin.
 [c d] Sa pagbubulid ko sa kanya at pagbibigay ng kasiyahan pinilit kong siya'y pakasal sa akin. {W Material Girl 3.7}
[7] [a] Pumunta siya sa puwesto sa palengke para magtinda.
 [b] Nagmamadali siya sa pagpunta sa puwesto sa palengke para magtinda. {W Nanyang 13.1}
[8]Pagbalik sa patahian, bukod sa niliitan niya ang dalawang lumang damit. {W Nanyang 13.6}
Higit na maitim ang limbag = Pangngaldiwa. May salungguhit = Panuring sa pangngaldiwa.

(4) Walang malinaw na paghihiwalay ang mga pangngaldiwa at mga pangngalan na may panlapi. May pangngaldiwang lubhang malayo sa pandiwa; inilalarawan nito bilang pangngalan ang bagay, halimbawa pagkain . Sa mga kalagayang ito nagiging panlaping makangalan ang mga panlaping ukol sa pangngaldiwa.


6-6.5.1 Pangngaldiwang pangganap

(1) Walang tanging pananaw ang pangngaldiwang karaniwang inilalahad sa nauunang pangkat na {6-6.5}. Sa tabi nito may iba pang pangngaldiwang naglalarawan ng kilos na ginanap sa nakaraan. Tinatawag itong pangngaldiwang pangganap (susi {ND/G}). Ginagamit ito bilang paniyak [1], pantuwid [2], pandako [3] at malimit bilang pariralang pangngaldiwang pang-umpog [4]. Maaaring kaisa-isang bahagi ng parirala ang pangngaldiwa, kung ganito kawangis ito ng pang-abay [5].

 
[1]Malinis na malinis naman ang pagkakasulat ng napakasimpleng titulo. {W Suyuan 5.13}
[2] Siya'y nakakadama ng pagkapagod at pagkauhaw. {W Anak ng Lupa 3.3}
[3]Hindi alam ni Jessica kung gaano siya katagal sa pagkakaupo sa sala. {W Arrivederci 3.10}
[4]Nahihiwagaan na kung bakit pagkalipas ng napakaraming taon, sa isang estrangherong lugar pa tayo muling magyayakap. {W Madaling Araw 3.1}
[5]Pagkahinga ikinuwento lahat ni Busilak sa mga duwende ang nangyari. {W Busilak 3.9}

(2) Gaya ng pangngaldiwang karaniwan, maaari ding ayusin ang pangngaldiwang pangganap alinsunod sa pandiwang tahasan. Binubuo ang pangngaldiwang pangganap sa pamamagitan ng unlaping pag- at ka- na maaaring ulitin:

Pandiwa Pangngaldiwang pangganap

ma- mapagod pagka- (pag- (6)) pagkapagod
-um- lumipas pagka-pagkalipas
umup pagkaka-pagkakaup
mag- magbigạy pagkaka-pagkakabigạy

(3) Hindi pangngaldiwang pangganap ang lahat ng salitang may pagka- at pagkaka-. Sa pamamagitan ng panlaping ito ay maaaring bumuo ng pangaldiwang "karaniwan" (magkaroọnpagkakaroọn (dito)) at ng pangngalan (pagkatao). Maliwanag ito kung walang pandiwang kabagay ang angkang-salita: hindi maaaring pangngaldiwa ang pagkatatlọ [6] dahil walang pandiwa ang ugat na tatlọ. Ginagamit din bilang pangatnig ang pangngaldiwang pagkatapos.

 
[6]Pagkatatlong taon.


6-6.5.2 Pangngaldiwang pang-ulit

Binubuo sa pamamagitan ng unlaping ka- na may diin ang tanging anyo ng pangngaldiwang tinatawag naming 'pangngaldiwang pang-ulit' (susi {ND/U}) {6A-6521}. Inilalarawan nito ang kilos na inuulit nang kalimitan at pinagkaugalian sa pangnagdaan. Dahil dito, nangingibabaw ang gamit nito sa pariralang pandakong may katungkulang pansanhi [1]. Madalang ang gamit nito bilang paniyak na may fokus na sanhi sa pangungusap na balintiyak [2].

 
[1]Pero di ko na lang iyon pinansin dahil sa kakaisip kung anong gagawin sa pisong kulang ko. {W Piso 3.3}
[2]Natandaan ko ang kasasalita niya. (Fokus na sanhi o tagatiis.)
Iba pang mga halimbawa{6A-6521 (2)}

Gaya ng ibang pangngaldiwa, maaaring iugnay ang pangngaldiwang pang-ulit sa pandiwang tahasan. Tinitiyak ng panlapi ng pandiwang tahasan kung paano buuin ang pangngaldiwang pang-ulit. Palagi itong may pag-uulit ng pantig (unang pantig ng ugat o unlaping ka-). Walang diin ang pantig na iniuulit. Magkaiba ang diin ng pangngaldiwang pang-ulit at ng katatapos.

Pandiwa Pangngaldiwang pang-ulit

-um- umulạn ka-&- (ka- (6)) kauulạn
mag- magdilịg ka-&-kadidilịg
mang- mangako kapapang- kapapangako
manalo kapapanalo
ma- maligo ka-&-kaliligo

Tungkol sa pagturing sa pantuwid o pandako, kapareho ng ibang pangngaldiwa ang pangngaldiwang pang-ulit [3 4].

 
[3]Marami siyang natututuhan sa kasasama sa barkada.
[4]Umiyak si Hilda sa katutukso ng mga kalaro.

6-6.6 Katatapos

(1) Ang katatapos ay anyong makadiwang may di-pangkaraniwang katangiang pampalaugnayan, pampalaanyuan at pansemantika (susi {DP}). May isa lamang anyong katatapos ang angkang-salita; hinango ito sa pandiwang tahasang -um- [1-3]. Nawawala ang panlaping -um-, binubuo ang anyo sa pamamagitan ng unlaping ka- at pag-uulit ng pantig (unang pantig ng ugat sa [1b], unlaping ka- sa [1c]). Dinidiinan ang pantig na inuulit.

PandiwaKatatapos

-um- umalịs ka-&- (ka- (7)) kaaalịs

(2) Pampalaugnayan, halos gaya ng pandiwang balintiyak ang katatapos. Ito ay panaguri ng pangungusap kung saan pantuwid ang paniyak ng pandiwang tahasan, walang paniyak ang pangungusap na may katatapos. Karaniwang may katatapos ang pandiwang {DT00} [1], pantuwid ang tagaganap. Madalang ang yaring may pandiwang {DT10} at {DT01}; doon nananatiling pantuwid (o pandako) ang pantuwid ng tahasang pangungusap na may pandiwang -um- [2] o ang pandako [3]. Sa yaring may katatapos, hindi maaaring gamitin ang pang-abay na na, maaari ang paggamit ng lamang o lang [1b 1c 2b 3b 4]. Di-batayang pangungusap ang yaring may katatapos dahil walang paniyak.

(3) Pansemantika, inilalarawan ng katatapos ang kilos na nangyari o tinapos noong ilang saglit. Walang ibang kapareho sa wikang Filipino ang katatapos; ito'y tanging pagkakasama ng panahunan at pananaw. Malimit ginagamit ang katatapos upang ilarawan ang kilos na tinapos nang mangyari ang iba pang kilos o pangyayari [4].

 
[1][a] Aalis na ako.
 [b] Kaaalis lang niya. [c] Kakaalis lang niya.
[2][b] Sumulat na ako ng kuwento.
  [b] Kasusulat ko lang ng kuwento.
[3][a] Umakyat na ako sa puno.
 [b] Kaaakyat ko lang sa puno.
[4]Kagigising lang ni Itay nang dumating ang kaibigan ko. { Aganan 1999 p. 59}

{Θ} Ibig sambitin hindi anyong pamanahon ng banghay ang katatapos. Binubuo ang isa lamang katatapos sa isang angkang-salita (at hindi tig-isa sa lahat ng pandiwang tahasan ng angkan). Iba-iba rin ang palaugnayan ng katatapos sa mga anyong pamanahon.


6-7 Mga pariralang pandiwa

Pandiwa ang salitang-ubod ng pariralang pandiwa (susi {P-D}); pariralang pangnilalaman ang mga ito. Maaaring nagagamit na panaguri o paniyak ang pariralang pandiwa [1a 1b]. Kung gayon mayroon itong kabisaang buo sa pangungusap. Dalawang pandiwang kaugnay sa isang pangungusap ang tinatawag naming pandiwang nakakabit {6-7.2}. May pinaikling sugnay na makaangkop (wala itong paniyak) na gaya ng pariralang pandiwa [2] {13-4.6}.

 
[1][a] Kinain ni Gina ang mangga.
[b] Mangga ang kinain ni Gina.
[2]Matamis ang manggang kinain ni Gina.

Pariralang pandiwa din ang parirala ng pandiwari (walang kabisaang buo).


6-7.1 Kaganapan ng at panuring sa pandiwa

(1) May kaganapan ang pandiwang may kabisaang buo:

(2) Bukod sa kaganapan, maaaring ituring sa panuring ang pandiwa. Karaniwang panlapag na may pang-abay (o pang-uring nagagamit na pang-abay) ang panuring [1] {9-5.2}. Maaari ding ituring sa kataga ang pandiwa [2].

 
[1] Ngunit isang hapon ay biglang dumating ang apat. {W Daluyong 15.41}
[2]Dumating na nga sa sukdulan ang aking pagtitiis {W Daluyong 15.24}
Higit na maitim ang limbag = Panuring. May salungguhit = Pandiwa.

(3) Panuring din sa pandiwa ang kaganapang pantuwid, pandako at panlapag dahil ito'y bahagi ng pariralang pandiwa {6A-201 Θ}.


6-6.7.2 Mga pandiwang nakakabit

(1) Maaaring dalawang pandiwa sa isang pangungusap; tinatawag itong 'pandiwang nakakabit', isinasailalim sa unang pandiwa ang pangalawa. Halos palagi sa harap ng 'pandiwang pang-ibaba' (susi {P-D/B}) ang 'pandiwang pang-itaas' [1-5]. Malimit na nasa pawatas ang pandiwang pang-ibaba, lalo na kung dapat ihudyat ang pagkakaibaba [1-4]. Kung maliwanag ang pagkakaibaba maaring gamitin ang anyong panahunan [5]. Bumubuo ng pangungusap na tambalan [1 2 5] {13-4.5.1} o pangungusap na payak [3-5] {13-4.5.2} ang pandiwang nakakabit.

 
[1]Hayaan mo naman akong makita siya kahit sa huling sandali. {W Suyuan 5.1}
[2]Halos apat na siglo nang sinisikap sinupin ang bokabularyo ng ating wika. {W Javier 3.1} {6A-721 Σ}
[3] Hindi maiwasang sumalimbay sa gunita ni Oden ang mga tanawin ng gamasan. {W Anak ng Lupa 2.5} {6A-722 Σ}
[4]Hindi pa rin nakalilimot magpasalamat si Regine sa Diyos. {W Regine 3.3}
[5]Hinayaan nila na natutulog si Busilak sa kama. {W Busilak 3.5} {6A-723 Σ}
Higit na maitim ang limbag = Pandiwang pang-itaas. May salungguhit = Pandiwang pang-ibaba.

(2) May pang-angkop sa pagitan ng pandiwang nakakabit; sa pangungusap na payak ay panlapag ang pandiwang pang-ibaba. Karaniwang may bisa ang tuntuning maaaring kaltasin ang pang-angkop {5-2.2 (1)}.

Pangalawang pandiwa bilang paniyak{2-4.5 (2)}


6-7.3 Θ Pariralang pandiwa

Sa Patakaran, pariralang pangnilalaman ang pariralang pandiwa.

 Paggamit ng pariralang pandiwang
may kabisaang buo
Mga bahagi ng pariralang pandiwa
(sa tabi ng pandiwa)

[1]Panaguri {2-4.4} 
[2]Paniyak {2-4.5} 
[3] Walang kaganapan
[4] Pantuwid (kaganapan) {6-2.1}
[5] Pandako (kaganapan) {6-2.2}
[6] Panlapag (kaganapan) {6-2.3}
[7] Panlapag (pandiwang nakakabit) {6-7.2}
[8] Panlapag (pariralang pang-abay) {9-5.2}
[9] Panlapag (pang-abay na pangmarahil) {9-6.1}

 Paggamit ng pariralang pandiwang walang
kabisaang buo

Mga bahagi ng pariralang pandiwa

[10]Paniyak Pandiwa (pawatas) {2-4.5 (2)}
[11]Pandiwang pang-ibaba Pandiwa (pawatas){6-7.2}
[12]Pandiwaring makaturing Pandiwa (anyong pamanahon){6-6.4.1}
[13]Pandiwaring makaabay Pandiwa (anyong pamanahon){6-6.4.2}
[14]Pandiwaring makangalanPandiwa (anyong pamanahon){6-6.4.3}
[15]Pandiwaring makangalan
(pariralang pangkaroon)
Pandiwa{10-4.1}


Wikang Filipino ni Armin Möller   http://www.germanlipa.de/filipino/ug_D_04.html
11 Oktubre 2010 / 211229

Palaugnayan ng Wikang Filipino - Wakas ng 6 Mga Pandiwa (Talaksan 6/04)

Simula ng talaksan   Palaugnayan   Ugnika