{7A-101} Sanaysay na 'Syntax der einfachen Verben'
Sa sanaysay na 'Syntax der einfachen Verben' {W Einf Verb} sinuri namin ang lahat ng pandiwang payak mula sa 150 angkang-salita (300 pandiwa). Sa gayon, maaaring makita ang mga tuntunin ng kaugnayan at – kung mayroon – ang kataliwasan dito.
{7A-111 Θ} Unlaping ma-
(1) Napakalimit na ginagamit sa wikang Filipino ang unlaping ma-, nag-iisa o sa loob ng kumpol-panlapi. Pang-uri at lalo na pandiwa ang binubuo sa pamamagitan ng ma-. Sa kumpol-panlapi, ito'y unang bahagi. Hindi ginagamit ang ma- (pati sa kumpol-patinig) upang bumuo ng pangngalan.
(2) Kung salita ang hinahango sa pamamagitan ng unlaping ma- (nag-iisa at di-dinidiinan) ay ginagamit ang dalawang iba't ibang paraan, ngunit nasa isang angkang-salita ang isa lamang (may ilang kataliwasang di-lubhang mahalaga).
Maaaring magkaroon ng (maliit na) paradigma ang salitang ma-; pang-uri ang mga ito, binubuo nito ang anyong pangmaramihan. Halimbawa:
|
Maaari ang isa pang paradigma. Bumubuo ang ma- ng pandiwang tahasan at balintiyak. Halimbawa:
|
(3) Sa tabi ng pandiwang ma- na di-dinidiinan ay may pandiwang ma- na dinidiinan. Masalimuot ang kaugnayan ng mga iba't ibang pandiwa { Himmelmann 2004}. Maaaring itayo ang tularang pinadali (maliban sa kumpol-panlapi):
Pangngalan | --- | ||||
Pang-uri | ma- | Katangian | magandạ | {9-2.2.1} | |
Pandiwa | ma- | Tahasan | Panlagay | magutom | {7-1.1} |
Kilos na kamtaman | matulog | {7-1.1} | |||
Pagsanib | mahulog | {7-3.1 [2*]} | |||
Balint. | Kakayahan | madalạ | {7-3.1} | ||
Alomorfem na na- at -in- | natanggạp | {6A-6112} | |||
ma- | Tahasan | Panlagay | maibạ | {7-3.5.1 [3*]} | |
Kilos na kamtaman | magisịng | {7-3.5.1 [3*]} | |||
Pagsanib | madapạ | {7-3.5.1 [2*]} | |||
Balint. | Pagkakataon | mabasa | {7-3.5.1 [1*]} |
(4) Nagagamit na unlapi ng banghay ng pandiwang ma- ang unlaping na- sa pangnagdaan at kasakuluyan {6-6.1.1}. Dahil sa sanhing pampalatunugan, maaaring halinhan ng unlaping na- ang gitlaping pambanghay na -in- {6A-6112}.
Malinaw na inihihiwalay sa unlaping ma- ang unlaping mang- at ang pagbabago ng tunog ng ikalawa, kahit doon maaaring bumukal ang unlaping ma- (halimbawa mamalẹngke {DT00/mang+palengke}).
{7A-112} Paggamit ng unlaping ma-
|
{7A-113} Anyong
narito, nandito atbp.
Nanggagaling sa panghalip na pamatlig na SA [2] ang mga anyong [3-6]:
Malapit sa nagsasalita Unang layo | Malapit sa
kausap Ikalawang layo | Malayo sa dalawa Ikatlong layo | ||
[1] | itọ | iyạn | iyọn | HP |
[2] | dito | diyạn | doọn | TK.HP |
[3] | naritọ (dito) | nariyạn | naroọn | DT00/N |
[4] | nariritọ (dito) | naririyạn | naroroọn | DT00/K |
[5] | nanditọ (dito) | nandiyạn | nandoọn | DT00/N |
[6] | nandiritọ (dito) | nandiriyạn | nandoroọn | DT00/K |
Anyong makadiwang may banghay na di-ganap ang mga salitang [3-6]; hindi pang-uri:
Mga anyong [3-6] ang ipinapalagay naming anyong pangnagdaan at kasalukuyan ng pandiwang walang pawatas na [marito] atbp. at walang anyong panghinaharap. Maaari itong gamitin bilang panaguri; wala ibang pandiwa ang sugnay [7-9]. Hindi bumubuo ito ng pagtanggi sa pamamagitan ng hindị [10].
|
{7A-121} Pagbabago ng tunog sa panlaping may [ ŋ ]
(1) May huling tunog na [ ŋ ] ang panlaping mang-, pang-, sang- at sing-. Pinapalitan ito ng [ m ] kung [ b p ] ang unang tunog ng pantig na sumusunod. May pagpapalit na ganito hanggang sa [ n ] kung [ d l r s t ] ang unang tunog ng pantig na sumusunod.
Sa pananalitang nakasulat at pang-araw-araw ginagamit ang pagbabago sa mga naturang hulapi. Maaari ring kinaltas ang unang tunog ng ugat. Karaniwang katumbas ang kahulugan ng salitang may o walang pagkakaltas ng unang tunog ng ugat (halimbawa punas → pamunas at pampunas).
Pagbabago | Unang tunog ng ugat |
Kinakaltas ba ang unang tunog ng ugat? | ||
Wala | mang- pang- sang- sing- |
g h k m n w y ŋ ʔ | Hindi | gamọt
[gʌ'mɔt] → manggamọt
[mʌŋ.gʌ'mɔt] abay ['ʔa:.baɪ] → pang-abay [pʌŋ'ʔa:.baɪ] |
Oo | kahoy
['ka:.hɔɪ] →
mangahoy [mʌ'ŋa:.hɔɪ] anạk [ʔʌ'nʌk] → manganạk [mʌ.ŋʌ'nʌk] | |||
→ [ m ] | mam- pam- sam- sim- |
b p | Hindi | bahay ['ba:.haɪ]
→ pambahay [pʌm'ba:.haɪ] pulạ [pʊ'lʌ] → pampulạ [pʌm.pʊ'lʌ] |
Oo | bilị
[bɪ'lɪ] → pamilihan
[,pa:.mɪ'li:.hʌn] patạy [pʌ'taɪ] → mamatạy [mʌ.mʌ'taɪ] | |||
→ [ n ] | man- pan- san- sin- |
d l r s t | Hindi | dila
['di:.lʌʔ] →
mandila [mʌn'di:.lʌʔ] sayạw [sʌ'jaʊ] → pansayạw [pʌn.sʌ'jaʊ] |
Oo | sagọt
[sʌ'gɔt] →
managọt [mʌ.nʌ'gɔt] tiwala [tɪ'va:.lʌʔ] → maniwala [mʌ.nɪ'va:.lʌʔ] |
(2) Kung inuulit ang unang pantig, alinsunod sa bagong pantig na pansalita ang pag-uulit [1-4].
|
(3) Hindi alinsunod sa tuntunin sa itaas ang pagbuo ng ilang pamilang na panunurang may pang-: dalawạ → pangalawạ at tatlọ → pangatlọ. Iba pang kataliwasan ang mga salita gaya ng pangpasarạp {13-4.2.2 (2)}.
{7A-141} Pandiwang mag- na di-tumpak
(1) Pandiwang mag- na di-tumpak na may ugat-salita galing sa banyagang wika (lalo na sa Inggles)
|
(2) Pandiwang tahasang may salitang-ugat na makangalan
Sa pandiwang ito, karaniwang nagiging ugat ng pandiwa ang dating pantuwid;
kung kaya {DT00/fg} ang kayarian ng kaganapan (o mas wasto {DT10-10/fg}) [4]. Maaari ding
maging pandiwa ang pariralang makangalan na may panuring [5].
|
(3) Pandiwang mag- sa halip ng pandiwang
-um- dahil sa katwirang pampalatunugan
Gitlapi ang panlaping -um- na naghahati ng ugat-salita. Kung "mahirap" ito sa
katwirang pampalatunugan ay pandiwang mag- ang binubuo. Halos pangkaraniwan
ito sa salitang hiram at banyaga, lalo na kung isapantig ang ugat o kumpol-katinig ang
unahan ng ugat. Halimbawa ang [2 6], saka magkrus, magshow.
|
(4) Pandiwang mag- at pangatnig na
pagkatapos at bago
Ginagamit ang pangatnig na pagkatapos
(tapos) at
bago kasama ang pawatas ng pandiwa
{13-4.2.2}. Sa pahayag ng panahon ay binubuo
ang pandiwang mag- {D00} mula sa pamilang [7 8].
|
{7A-301} Pagkakabago ng kakayahan
(1) Dapat talakayin nang puspusan ang katawagang kakayahan sa wikang Filipino. Nagsasaad ng tagaganap ang pagkakabago ng kakayahan. Nasa fokus ito kung ginagamit ang mga pandiwang ng pulutong na maka- {7-3.4}. Dahil dito napakalakas ang katangian ng kakayahan. Sa kabilang dako mas mahina ang kakayahan kung ginagamit ang pandiwang balintiyak ng kakayahan, dahil doon hindi nasa fokus ang may-ari ng kakayahan.
(2) Karaniwang ginagamit ang pandiwang may kakayahan kung sa nakaraan tinupad ang kilos [1]. Sa wastong pagsasalita, kung tinupat na ang kilos na mayroon itong katunayan at hindi na lamang kakayahan. Pati ang pagtanggi ng kakayahan ay katunayan [2]. Kung nagsasaad ng kinabukasan [3] o ng pahayag na pangkalahatan [4] ay "tumpak" ang kakayahan.
|
(3) Kung gustong ipahayag ang kakayahang pangkalahatan (ibig sabihin walang kaugnayan sa katuparang tangi) ay maaaring gumamit ng pang-uri [5] o pang-abay na pangmarahil [6 7] sa halip ng pandiwa ng kakayahan (o kasama nito [6]).
|
{7A-311} Pandiwa sa pagsanib ng balintiyak at tahasan na may unlaping ma- na di-dinidiinan
Walang pagkakabago ng kakayahan ang pandiwa sa pagsanib ng balintiyak at tahasan.
|
{7A-411} Pandiwang magpa-, pa--an, pa--in at ipa-
Pandiwang DT | Pandiwang DB | Pandiwang DB | Pandiwang DB | |
magpa- | pa--an | pa--in | ipa- | |
alịs | paalisịn | |||
dalạ | magpadalạ | ipadalạ | ||
hirap | magpahirap | pahirapan | ||
kilala | magpakilala | ipakilala | ||
kita | magpakita | ipakita |
Hindi pandiwa ng paghimok ang pandiwang hinango sa pangngalang may unlaping pa-.
|
{7A-412} Pandiwang "pasarili" ng paghimok
|
Sa kalagayang ganito, maaaring mabago sa magpati- ang panlaping magpa-. Mga halimbawa: magpatianọd, magpatihulog, magpatirapạ { VCS magpati-}. Madalang ang paggamit ng pandiwang ito.
May alinlangan kung may tumpak na pandiwang pasarili ang wikang Filipino at kung nababagay ang katawagang "pasarili" ('reflexive').
{7A-501} Pandiwang pag--in, pag--an, ipag- at katumbas na pandiwang balintiyak na payak
pag--in | pag--an | ipag- | -in | -an | i- | ||
[1] | pagluwagịn | --- | luwagạn | iluwạg | {7-5.1} | ||
[2] | pagbutihin | butihin {U} | --- | ibuti | {7-5.1} | ||
[3] | pag-isipan | isipin | isipan {N} | --- | {7-5.2} | ||
[4] | paglingkurạn | --- | lingkurạn {N} | --- | {7-5.2} | ||
[5] | pagsabihin | pagsabihan | ipagsabi | sabihin | sabihan | --- | {7-5.3} |
[6] | pagbawalan | ipagbawal | --- | --- | --- | {7-5.3} |
{7A-511 } Anyong papag--in
(1) Maaaring ipalagay na anyong panghinaharap ng pandiwang pag--in ang anyong papạg--in kung sinasabing kataliwasan ang pag-uulit ng unlaping pag- sa banghay {6-6.1.2}. Kay { VCS} ay itinatala ito bilang pandiwa (kasalungat ng ibang anyong panghinaharap):
|
(2) Alinsunod kay { Schachter 1972 p. 327}, ang anyong papạg--in ay pawatas ng pandiwang may fokus na tagahimok na katumbas ng pandiwang mag-. Sa panghinaharap ang pangungusap na halimbawang may pag-uulit ng pantig ng ugat [5].
|
Wikang Filipino ni
Armin Möller http://www.germanlipa.de/filipino/ug_D_09A.html 20 Hulyo 2006 / 220103 |