7 Mga isa-isang uring pampalaanyuan ng pandiwa
(Talaksan 7/14)

7-7 Mga pandiwang may panlaping sa- at ka-

7-7.1 Pandiwang isa- at magsa-

Nanggagaling sa panandang sa ang tambalang panlaping isa- at magsa-. Kalimitang isinasaad nito ang lugar o dako, minsan sa matalinghagang kahulugan. May fokus na tagatiis ang pandiwang isa- [1]; sa pandiwang magsa- ay pantuwid ang tagatiis [2]. Sa gayon, walang fokus at walang katungkulang panlunan ang mga pandiwang ito.

 
[1]isa-
(i- (10))
Inisauli ko ang napulot kay Ang Taoke. {W Nanyang 7.6} {DB10/ft|fg}
[2]magsa-
(mag- (13))
Magsasagawa ng panimulng pagsusuri hinggil sa paraan ng pagkakasalin ng … {W Dasal 3.5}{DT10/fg|ft}

PanlapiPandiwaDT00 DT10DB00DB10

isa- isaayos isagaw isakatuparạn isauli ..ftft|fg
maisa- maisaalang-alang ...ft|fg
magsa-magsagaw magsaulo .fg|ft..

Hinango sa pangngalang ka--an ang ilang pandiwang isa- (halimbawa isakatuparạn |isa+katuparan|). Payak na pandiwang i- ang pandiwang isailalim |i+sailalim|.


7-7.2 Pandiwang ka--an at ika-

(1) Bumubuo ang panlaping ka ng kumpol-panlapi; may fokus sa sanhi ang balintiyak na pandiwa [1a 1b]. Maaaring daglatin ang untagang ika- sa ka- [1c]. May ilang pandiwang ka--an na may fokus na tagatiis [2a]. Malimit na nagagamit na pangngalan o pang-uri ang anyo ng pandiwang ka--an at ka-an (pandiwari) [2b].

 
[1]ka--an
(ka- (9))
[a] Kaawaan mo ako.{DB10/fs|fg}
 ika-
(i- (10))
[b] Ikinakasayaw ko ang bagong tugtug. {DB10/fs|fg}
 ka-[c] Kinakasayaw ko ang bagong tugtug. {DB10/fs|fg}
[2]ka--an[a] Ngunit ang isa pang liham ay kababakasạn ng lubusang pagkasira ng loob. {W Nanyang 22.28}{DB10/ft|fg}
 ka--an[b] Wikang kinagisnạn. {W Salazar 1.1.17} {U//DB/N}

PanlapiPandiwaDB00 DB10DB11DB20

[1*] Pandiwang may fokus na sanhi
ka--an katakutan katuwaạn .fs|fg..
ika- ikatakot .fs|fy..
 ikabuhay {*} ikagalit ikatuw .fs|fg..
ikapạg- ikapạg-antọkikapạg-away .fs|fg..
ikang- ikamatạy .fs|fg..
ipagkang- ipagkanggagalitipagkamatạy .fs|fg..
[2*] Pandiwang may fokus na tagatiis
ka--an kabakasạn kagalitan .ft|fg..
ka--ankabukasan {*} kahinatnạn {*} kagisnạn katayuạn {*} kaupuạn {*} .ft|fg..
{*}   Ginagamit lamang bilang pandiwaring makangalan at hindi bilang pandiwa.

(2) Hindi namin ipinapalagay na pandiwang ka- ang pandiwang hinango sa pangngalang ka- (halimbawa: kausapin {DB10/ft|fg} |kausap+in|).


7-8 Mga pandiwang may iba pang mga panlaping mag-

(1) Kumpol-panlapi ang binubuo sa pamamgitan ng mag-. Tahasan ang pandiwang ito at unang unlapi ang mag-. Ipinahayag ng pandiwang magpa- ang pagkakabago ng paghimok {7-4.1}. Tinatalakay ang pandiwang magsa- sa {7-7.1}. Sumusunod ang iba pang pandiwang mag-; madalang ang mga ito at karaniwan, wala itong pantuwid o pandako, kung kaya kasapi ito ng pulutong na {DT00}.

(2) May pandiwang may unlaping mag- at hulaping -in. Hindi ito ipinapalagay na pandiwang mag--in. Ito'y pandiwang mag- na nabuo mula sa pang-uring may hulaping -in. Halimbawa: alanganin {U} ↔ mag-alanganin {DT}, lambitin {U} ↔ maglambitin {DT} (bitin).


7-8.1 Pandiwang magka- at magka-

(1) Nagpapakita ng pagmamay-ari ang mga tahasang pandiwang magka- [1a 1b]. Mayroon ito lamang pantuwid kung hindi lubos na inilalarawan ng pandiwa ang pag-aari [1b].

 
[1]magka-
(mag- (7))
[a] Subalit muling nagkasakit si Ama. {W Dayuhan 3.11} {DT00/fg}
  [b] Nagkaroon siya ng anak sa ikalawang asawa. {W Nanyang 13.10} {DT10/fg|ft}

PanlapiPandiwaDT00DT01 DT10DT11

magka-magkasakịt fg...
magkaanạk fg.fg|ft.
magkaroọn ..fg|ft.

(2) Inihuhudyat ng pandiwang tahasang magka- na may unlaping dinidiinan ang kinalabasan ng pagpapatuloy na malimit na nagkataon [2]. Karaniwang wala ito pantuwid o pandako.

 
[2]magka-
(mag- (8))
Dahil higit na nanaig sa kanila ang paniwala na higịt tayong magkakaisa bilang isang bansa … {W Almario 2007 3.2}{DT00/fg}

PanlapiPandiwaDT00DT01 DT10DT11

magka-magkaibạ fyfy|ftfy|ft.
  magkaisạ magkasund fg...

(3) May maliit na pulutong ng pandiwang magka--an na may fokus na resiprokal (halimbawa magkabalikạn).

(4) Sa pamamagitan ng magkang-, ilang pandiwang tahasan ang binubuo [3a]. May di-dinidiinang pag-uulit ng unang pantig ng ugat ang pawatas nito. Sa kasalukuyan at panghinaharap na anyo ay nadaragdagan ang isa pang pag-uulit ng unlapi (madalang ang paggamit ng anyong ito); nagiging nagkakang- o magkakang- ang iniulit na unlapi [3b].

 
[3]magkạng-&-
(mag- (9))
[a] Nagkang-aantok ang mga taong nakikinig sa talumpati.{DT00/fg}
 [b] Nagkakambabali ang mga sanga sa puno dahil sa malakas na hangin.{DT00/fg}


PanlapiPandiwaDT00DT01 DT10DT11

magkạng-&- magkạng-aantọkmagkạmbabalimagkạndarapa magkạngsisigạwmagkạngtatakbọ fg...


7-8.2 Pandiwang mag--an

(1) Tahasang pandiwang naglalarawan ng magkaisa o sabayang kilos ang binubuo ng mga kumpol-panlaping mag--an [1]. Mayroon itong fokus na resiprokal {DT../fr}.

 
[1]mag--an
(mag- (6))
Nagsulatan ang magkasintahan habang magkalayo.{DT00/fr}

PanlapiPandiwaDT00DT01 DT10DT11

mag--an magmahalan {*} magtulungạn {*}fr ...
{*}   !! Pandiwang may di-karaniwang diin.


7-8.3 Pandiwang mag-um-

Sa mga pandiwang tahasang mag-um-, ipinapahayag ang kilos na masikap at mapagpumilit [1]. Sa pananaw ng palaanyuan, bumubuo muna ang pandiwang -um- na tumatanggap saka ng unlaping mag-.

 
[1]mag-um-
(mag- (15))
Nagpupumiglas na makawala ang isda. {DT00/fg}

PanlapiPandiwaDT00DT01 DT10DT11

mag-um- magpumiglạs magpumilịt fg...
mag-umapaw fgfg|fs..


7-8.4 Pandiwang magpaka-

Nakakabuo ng tahasang pandiwa ang tambalang unlaping magpaka- [1]. Nagpapahayag ito ng pagsusumikap upang ganapin ang kilos.

 
[1]magpaka-
(mag- (12))
Nagpakasaya ang mga nanalo sa kanilang tagumpay.{DT01/fg|fs}

PanlapiPandiwaDT00DT01 DT10DT11

magpaka- magpakababa magpakabuti fg...
  magpakalunod .fg|fn..


7-8.5 Pandiwang pangmaramihan

May pandiwang pangmaramihang tahasan ang wikang Filipino. Pandiwang magsi- ang mga pandiwang pangmaramihang galing sa pandiwang -um- at ma- [1a|b]. Gayon din, ang pandiwang magsipag- ay galing sa mag- [2a|b] at sa mang- ang pandiwang magsipang-. Pinapalagay naming makaluma ang mga ito kung kaya hindi higit pa itong tinalakay.

 
[1]-um-[a] Sumama kayong lahat.
 magsi-
(mag- (14))
[b] Nagsisama kayong lahat.
[2]mag-[a] Magluto na tayo ng pagkain.
 magsipag-[b] Magsipagluto na tayo ng pagkain.

Binubuo ang iba pang pandiwang pangmaramihan ng kumpol-panlaping manga- at mangag- (hinango sa ma- at mag- at may gitlaping -ang-, halimbawa mangatuwạ at mangagtawạ { VCS manga-}; gayunman mangahulugạn |mang+kahulugan|).


7-9 Mga pandiwang maki- at mga anyong maladiwang paki-

Walang kaugnayan sa ibang pandiwang ma- ang pandiwang tahasang maki- . Doon lamang ang paggamit ng panlaping ki (at sa alomorfem nitong paki-). Dahil dito ipinapalagay na pansariling unlapi ang maki-. Hindi bumubuo ng pandiwang may buong banghay ang unlaping paki-; kung kaya ginagamit namin ang katawagang 'anyong maladiwang' paki-.


7-9.1 Pandiwang maki-, makipag- at makipag--an

Nakakabuo ng tahasang pandiwa ang unlaping maki-. Karaniwang nagsasaad ng mga pagsali sa kilos ang maki- [1a]. Kasama din ng uring ito ang tambalang panlaping makipạg- at makipạg--an [1b 1c]. Pakiusap ang ipinapahayag ng maliit na pangalawang pulutong ng pandiwang maki- [2]. May katumbas na balintiyak na anyong maladiwang paki- ang pandiwang ito {7-9.2}.

 
[1]maki-
(maki- (1))
[a] Kapwa mga doktor ang nakikiramay nang gabing 'yon. {W Suyuan 5.1} {DT00/fr}
 makipạg-
(maki- (2))
[b] Para magpunta sa tindahan at makipagkita kay A Chuan. {W Nanyang 22.11}{DT01/fg|fr}
 makipạg--an
(maki- (3))
[c] Makikipag-inuman ako sa kanto.{DT00/fr}
[2]maki-Makikiupo ako sa tabi ni Rosa. {DT01/fg|fn}

PanlapiPandiwaDT00DT01 DT10DT11

[1*] Pagsali
maki-makialạm .fg|ft..
 makiramay .fg|fp..
 makibagay makihalubilo makisama .fg|fr..
makipạg- makipạg-away makipạglaban fgfg|fr..
 makipạgkita makipạg-usap .fg|fr..
makipạg--an makipạg-ugnayan frfg|fr..
[2*] Pakiusap
maki-
makiusap ...fg|ft|fp


7-9.2 Anyong maladiwang may unlaping paki-

(1) Bumubuo ang unlaping paki- ng anyong maladiwang nagpapahayag ng pakiusap o magalang na pag-uutos. Binubuo lamang ang pawatas sa pangungusap na pang-utos. Kung kaya, ito'y anyong maladiwa at hindi pandiwang may banghay.

May pangkaraniwang paraang pampalaugnayan; gaya ito ng palaugnayan ng balintiyak na pandiwang -in na walang paki- [1a|b 1c]. May 'tanging paraang' pampalaugnayang kalimitang ginagamit. Nagiging pantuwid ang bagay na ipinakiusap at nawawala ang paniyak sa pangungusap [1d 1e]. Sa paraang ito, maaaring alisin ang pinapakiusapan [1c 1e]. Hinahango sa balintiyak na pandiwang -an at i- ang katumbas na anyong paki--an [2a|b] at ipaki- [3a|b]. Dito rin, pawatas sa pangungusap na pang-utos lamang ang binubuo.

 
[1]-in[a] Abutin mo ang bote. {DB10/ft|fg}
 paki- (1) [b] Pakiabot mo ang bote. {DB10/ft|fg}
  [c] Pakiabot ang bote. {DB00/ft}
  [d] Pakiabot mo ng bote. {D20/f0|fg|ft}
  [e] Pakiabot ng bote. {D10/f0|ft}
[2]-an[a] Sabihan mo si Tatay ng totoo. {DB20/fp|fg|ft}
 paki--an
(paki- (3))
[b] Pakisabihan mo si Tatay ng totoo. {DB20/fg|fg|ft}
[3]i-[a] Ibigay mo kay Tatay ang pera. {DB11/ft|fg|fp}
 ipaki-
(i- (9))
[b] Ipakibigay mo kay Tatay ang pera. {DB11/ft|fg|fp}

(2) Mahirap ibukod sa anyong maladiwang paki- ang pangngalang may unlaping paki-. Pandiwang -an ang maaaring hanguin dito; di-tumpak lamang ang kumpol-panlaping paki--an. May lahat ng anyong pambanghay ang pandiwang ito, at hindi ito magpahayag ng pakiusap (halimbawa: alampakialạmpakialamạn |pakialam+an|; pakiusapan |pakiusap+an|).


7-9.3 Anyong pa- bilang anyong dinaglat na paki-

(1) Maaaring daglatin ang anyong maladiwang paki-; bunga nito ay ginagamit lamang ang unlaping pa-. Nasa pananalitang pang-araw-araw ang karamihan ng pagpapaikling pa-, doon malimit itong ginagamit sa pangungusap na pang-utos [1a|b]. Maliban sa ilang kalagayan, walang paggamit nito sa pananalitang nakasulat. Karaniwang nabubuo ang tanging paraan na walang pagbanggit ng pinapakiusapan sa pangungusap na walang paniyak [1b]. Malimit din ang pinaikling pangungusap na may anyong pa- lamang [2]. May ilang anyong pa- kahit walang katumbas na anyong maladiwang paki- [3a|b].

 
[1]paki-[a] Pakiabot ng bote. {D10/f0|ft}
 pa- (5) [b] Paabot ng bote. {D10/f0|ft}
[2]pa-Pabili! {D00/f0}
[3]pa-[a] Pakirito ka. [b] Parito ka. {DT00/fg}

(2) Ginagamit din ang unlaping pa- para sa pagpapaikli ng unlaping magpa-, pa--in at ipa- {7-4.3}. Bukod dito may pang-uri at pang-abay na pa- na hindi nagpapahayag ng pakiusap (pauwị {U}, palagi {A}).


Wikang Filipino ni Armin Möller
http://www.germanlipa.de/filipino/ug_D_14.html
101030 / 220712

Palaugnayan ng Wikang Filipino
Wakas ng 7 Mga isa-isang uring pampalaanyuan ng pandiwa
(Talaksan 7/14)

Simula ng talaksan   Palaugnayan   Ugnika