{6A-101 Θ} Banghay sa panahunan at pananaw ng pandiwang Filipino
Kakaibhan ng wikang Filipino (at ng iba pang wika sa Pilipinas) ang malinaw na banghay sa panahunan at pananaw. Walang ganitong banghay ang ibang mga wikang Kanluran-Malay-Polynesia (halimbawa Bahasa Indonesia). Kawangis sa mga wikang ito ang pagkakamaaari ng wikang Filipinong ginagamit ang ugat-salita sa halip ng anyong pamanahon {6-6.3}.
{6A-102} Mga pag-uuri ng pandiwa
Mga halimbawa sa iba't-ibang katangian ng pandiwa:
|
Bago = Pagkakabago. Gawa = Kilos walang pagkakabago.
{6A-103 Θ} Anyong pamanahon at pandiwari
Walang pagkakaibang pampalaanyuan ang pandiwari at ang anyong may kabisaang buo. Dahil dito mukhang halata na pinagsasama ang dalawang pulutong sa isang uri. Itinataguyod ang pag-iisip na ito dahil maaaring ipalagay na sugnay na makaangkop na pinaikli ang yaring may pandiwaring makauri {13A-441 Σ}.
Maaaring piliin ang dalawang katawagan sa uring pinagsama. Maaaring sabihin na walang pandiwa ang wikang Filipino at sa halip nito ginagamit ang pandiwari. Maaari ding sabihin na may anyong pamanahon na nagagamit ding pandiwari. Sa aming palagay, magkaiba lamang ang katawagan at hindi ito mahalaga. Sa akda namin, ginagamit ang pangalawang katawagan.
Kahit walang pagkakaibang pampalaanyuan ay ginagamit namin ang katawagang pandiwari upang ilarawan ang pampalaugnayang paggamit na tangi ng anyong pamanahon kung saan nawalan ng kabisaang buo ang pandiwa. May iba pang katwiran: Madalang lamang maaaring gamitin ang pawatas bilang pandiwari. Kung kaya may pagkakaibang tunay ang paggamit ng anyong pamanahong may kabisaang buo at pandiwari.
{6A-201 Θ} Katuturan ng kaganapan at panuring
(1) Ang mga kaganapan ang mga pariralang makangalang pansemantikang kaugnay sa panaguri (o paniyak) {*}. Unang kaganapan ang paniyak na nasa fokus ng pandiwa. Kaganapan din ang pantuwid, pandako at panlapag kung kaugnay sa pandiwa. Katawagang pansemantika ang kaganapan, ito'y paririlang kailangan sa pang-unawa.
{*} Sa {13-2.3 (5)}, pinapalawak ang paggamit ng katawagang kaganapan sa panaguring di-makadiwa.
(2) Mga panuring ang yaring pampalaugnayang pang-ibaba sa salitang pang-ubod ng iba pang pariralang pangnilalaman {1-6.2 (2)}. Kaya katawagang pampalaugnayan ang panuring. Kung pandiwang may kabisaang buo ang panaguri ay kaganapan ang paniyak ngunit hindi panuring sa pandiwa (hindi bahagi ng pariralang pandiwa). Pati panuring ang iba pang mga kaganapan (bahagi ng pariralang pandiwa).
{6A-202} Kayarian ng kaganapan sa palasusian
Sa palasusian ay inihuhudyat ang kayarian ng kaganapan.
Una, inihihiwalay ang pandiwang balintiyak at tahasang may susing {DB..} at {DT..} [1 2]. Hindi malinaw na napagbubukod ang tahasan at balintiyak sa mga pangungusap na walang paniyak. Inuuri namin ang mga pandiwang ito sa {D..} [3 6 7]. Bilang pandagdag, ikinakabit ang bilang ng pantuwid (unang numero) at ang bilang ng pandako (pangalawang numero). Kung kaganapan ng pandiwa ang panlapag ay maaaring idagdag ang bilang ng panlapag (ikatlong numero) [4 5]. Inilalarawan ang kalagayang pampalaugnayang kasalukuyan. Pag iba-iba ito sa karaniwang kayarian ng kaganapan ay maaaring idugtong ang ikalawa ([6 7], sa likod ng dalawang pahilis na guhit).
|
{6A-311 } Pag-uuri sa fokus kina Schachter at Otanes
Sa akdang { Schachter 1972 pp. 283-330} inilalarawan nang puspusan ang iba't ibang fokus. Gusto itong ihambing sa pag-uuri namin at ipaliwanag ang kaibahan.
Schachter at Otanes | Paglalahad namin | |||
Walang katawagang tangi | {../f0} | Walang fokus | ||
Actor focus | AF | Katawagang pangkalahatan sa pandiwang tahasan | ||
Actor focus | AF | {../fg} | Tagaganap | |
Secondary actor focus | A2F | {../fg} | Tagagawa | |
Actor permitting or causing the action | AF | {../fh} | Tagahimok | |
Walang katawagang tangi | {../fa} | Tagaakala | ||
Social verbs | AF | {../fr} | Resiprokal | |
Intransitive verbs that are essentially non-actional in character | AF | {../fy} | Panlagay | |
Goal focus | GF | Katawagang pangkalahatan sa pandiwang balintiyak | ||
Object focus | OF | {../ft} | Tagatiis | |
Referential focus Uri ng fokus na tagatiis kung saan pariralang pang-ukol (karaniwang may tungkol) ang tagatiis sa katumbas na pangungusap na tahasan. | RfF | Malayang pariralang pang-ukol, pakunwaring kaganapan ng pandiwa. | ||
Benefactive focus | BF | {../fp} | Tagatanggap | |
Directional focus | DF | {../fn} | Panlunan (pinanggalingan o tinutungo) | |
Locative focus | LF | {../fn} | Panlunan (pook) | |
Wala kaming pagbubukod sa dako at pook. | ||||
Causative focus | CF | {../fs} | Sanhi | |
Walang katawagang tangi | {../fl} | Pagpalit | ||
Instrumental focus | IF | {../fm} | Kagamitan | |
Reservational focus | RF | Tanging yari ang 'reservational focus' kung hinango ang pandiwa sa pang-uring 'reservational' sa halip ng pang-uring 'instrumental'. | ||
Measurement focus | MF | Walang pagbanggit na tangi. |
{6A-321} Dalasan ng yaring balintiyak at tahasan
(1) Sinuri namin ang dalasan ng yaring balintiyak at tahasan sa ilang kasulatan {W Akt-Pass}. Kung may mapagpipilian, minamabuti ang balintiyak sa mahigit na 80 % ng kalagayan.
(2) Binilang ang dalasan ng anyong pamanahon ng pandiwang payak sa Pagtitipong Panggawaan. Isinasama din sa bilang na |..| ang anyong nagagamit na "di-makadiwa" (halimbawa {N//D..}). Hindi binibilang ang pangngaldiwa.
Ugat | Balintiyak | Tahasan |
sabi | sabihin |200| | magsabi |8| |
kita | makita |170| | magkita |15| |
bigạy | bigyạn |30|, ibigạy |35| | magbigạy |30| |
puntạ | puntahạn |12| | pumuntạ |15|, magpuntạ |25| |
{6A-3421} Tagagawa at tagahimok
(1) Sa pandiwa ng paghimok, ibinubukod ang tagagawa (taong gumagawa ng kilos) at ang tagahimok (taong humihimok ng kilos, ngunit wala siyang gawa). Iniuugnay namin ang katawagang tagahimok at tagagawa sa saligang kahulugan ng ugat ng pandiwa. Ibig ilarawan ang halimbawang [1-3]. Sa pangungusap na [4], walang pagkakabago ng paghimok ang pandiwa; sa halip nito, pag-uutos ang pansemantikang kahulugan ng ugat utos ng pandiwang utusan. Dahil dito, sa pananaw na pampalaugnayan mayroon itong tagaganap lamang (ginaganap niya ang pag-uutos) at walang tagahimok.
|
(2) Pinapangalanang 'indirect-action verbs' ni { Schachter 1972 p. 321 ff.} ang pandiwa ng paghimok, katawagang 'actor' ang ginagamit para sa tagahimok at 'secondary actor' para sa tagagawa.
(3) Kay { Ramos 1985 p. 267}, katawagang 'causative actor (initiator, causer)' ang ginagamit para sa tagahimok at 'non-causative actor (agent)' para sa tagagawa.
(4) Kay { Santiago 2003 B p. 192}, katawagang 'pagpapagawa sa iba' ang ginagamit para sa paghimok.
{6A-3431} Panlagay, pagbabago ng panlagay at kilos na katulad ng panlagay
May pagsanib ang mga pandiwang naglalarawan ng panlagay na tumpak, pagbabago ng panlagay at kilos na "katulad ng panlagay":
|
{6A-401} Palaugnayan ng pandiwang may hulaping -an
{6A-421} Katawagang 'paradigma'
Galing sa wikang Lumang Griyego ang katawagang
'paradigma'.
Katuturan: Kinakatawang modelo o padron, karaniwan ng teorya o pananaw.
Ganap at puspusang tularan ang paradigma.
Mahalagang mga paradigma sa wikang Filipino:
Paradigmang pambanghay ng mga pandiwa {6-6.1}.
Paradigma ng mga panghalip {8A-401 Θ}.
Hindi paradigma, pagbabatay
('derivation') lamang:
Paglalapi ng pandiwa (hindi ganap) {6-4}.
Pagkakabago ng pandiwa (hindi ganap) {6-5}.
{6A-422} Katuturan ng homomorfem at alomorfem
Homomorfem (tulanyo ?) :: Kabigkas na
morfem, ngunit iba ang tungkulin, kahulugan, pamuhatan at kung minsa'y iba rin ang baybay
('homomorph' sa Inggles).
Alomorfem (ibanyo ?) :: Iba-ibang morfem na may magkatulad na tungkulin at
kahulugan ('alomorfem' sa Bahasa Indonesia,
'allomorph' sa Inggles).
{6A-611} Talahanayan ng mga anyong pambanghay
Nagpapahiwatig ang tandang "&" kung inuulit ang unang pantig ng ugat-salita.
Pinapalitan ng n ang unang tunog na m ng unlapi sa anyong pangnagdaan at kasalukuyan | |||||
Panlapi | Ugat | Pawatas | Pangnagdaan | Kasalukuyan | Panghinaharap |
ma- | tulog | matulog | natulog | natutulog & | matutulog & |
alịs | maalịs | naalịs | naaalịs & | maaalịs & | |
ma- | dinịg | marinịg | narinịg | naririnịg & | maririnig̣ & |
ma--an | sakịt | masaktạn | nasaktạn | nasasaktạn & | masasaktạn & |
ma--an | alam | malaman | nalaman | nalalaman & | malalaman & |
mag- | handạ | maghandạ | naghandạ | naghahandạ & | maghahandạ & |
isạ | mag-isạ | nag-isạ | nag-iisạ & | mag-iisạ & | |
sulat | magsulạt {*} | nagsulạt | nagsusulạt & | magsusulạt & | |
mag--an | tulong | magtulungạn {*} | nagtulungạn | nagtutulungạn & | magtutulungạn & |
mag-um- | piglạs | magpumiglạs | nagpumiglạs | nagpupumiglạs | magpupumiglạs |
magka- | doọn (dito) | magkaroọn | nagkaroon | nagkakaroọn | magkakaroọn |
magka- | sundọ | magkasundọ | nagkasundọ | nagkakasundọ | magkakasundọ |
magkang- | galit | magkanggagalit | nagkanggagalit | nagkakanggagalit | magkakanggagalit |
magpa- | dala | magpadalạ | nagpadalạ | nagpapadalạ | magpapadalạ |
mai- | bigạy | maibigạy | naibigạy | naibibigạy & | maibibigạy & |
maipa- | kita | maipakita | naipakita | naipapakita | maipapakita |
maipag- | kailạ | maipagkailạ | naipagkailạ | naipagkakailạ & | maipagkakailạ & |
maka- | basa | makabasa | nakabasa | nakakabasa | makakabasa |
maka- | kita | makakita | nakakita | nakakakita | makakakita |
makapạg- | aral | makapạg-aral | nakapạg-aral | nakakapag-aral | makakapag-aral |
makapạgpa- | baryạ | makapạgpabaryạ | nakapạgpabaryạ | nakakapagpabaryạ | makakapagpabaryạ |
makapang- | tiwala | makapaniwala | nakapaniwala | nakakapaniwala | makakapaniwala |
maki- | alam | makialạm | nakialạm | nakikialạm | makikialạm |
mang- | pulạ | mamulạ | namulạ | namumulạ & | mamumulạ & |
amọy | mangamọy | nangamọy | nangangamọy & | mangangamọy & | |
mapạg- | tantọ | mapạgtantọ | napạgtantọ | napạgtatantọ & | mapạgtatantọ & |
{*} !! Pandiwang may di-karaniwang diin. |
Karagdagang gitlaping -in- sa anyong pangnagdaan at kasalukuyan ng pandiwang may hulaping -an o unlaping i- | |||||
Panlapi | Ugat | Pawatas | Pangnagdaan | Kasalukuyan | Panghinaharap |
-an | bayad | bayaran | binayaran | binabayaran & | babayaran & |
puntạ | puntaḥan | pinuntaḥan | pinupuntaḥan & | pupuntaḥan & | |
haya | hayaan | hinayaan | hinahayaan & | hahayaan & | |
i- | abọt | iabọt | iniabọt | iniaabọt & | iaabọt & |
bigạy | ibigạy | ibinigạy | ibinibigạy & | ibibigạy & | |
ika- | galit | ikagalit | ikinagalit | ikinagagalit & ikinakagalit |
ikagagalit & ikakagalit |
ipa- | dalạ | ipadala | ipinadalạ | ipinapadalạ | ipapadalạ |
ipag- | bawal | ipagbawal | ipinagbawal | ipinagbabawal & | ipagbabawal & |
ipang- | bigạy | ipamigạy | ipinamigạy | ipinamimigạy & ipinapamigạy |
ipamimigạy & ipapamigạy |
isa- | gawạ | isagawạ | isinagawạ | isinasagawạ | isasagawạ |
ka--an | bakạs | kabakasạn | kinabakasạn | kinababakasạn & kinakabakasạn |
kababakasạn & kakabakasạn |
pa--an | tunay | patunayan | pinatunayan | pinapatunayan | papatunayan |
pag--an | mulạ | pagmulạn | pinagmulạn | pinagmumulạn & | pagmumulạn & |
Gitlaping -in- sa halip ng hulaping -in sa anyong pangnagdaan at kasalukuyan | |||||
Panlapi | Ugat | Pawatas | Pangnagdaan | Kasalukuyan | Panghinaharap |
-in | sulat | sulatin | sinulat | sinusulat & | susulatin & |
dalạ | dalhịn | dinalạ | dinadalạ & | dadalhịn & | |
bati | batiin | binati | binabati & | babatiin & | |
gawạ | gawịn | ginawạ | ginagawạ & | gagawịn & | |
pa--in | tawad | patawarin | pinatawad | pinapatawad | papatawarin |
pag--in | tibay | pagtibayin | pinagtibay | pinagtitibay& | pagtitibayin & |
Pagwala ng gitlaping -um- sa anyong panghinaharap | |||||
Panlapi | Ugat | Pawatas | Pangnagdaan | Kasalukuyan | Panghinaharap |
-um- | alịs | umalịs | umalịs | umaalịs & | aalịs & |
puntạ | pumuntạ | pumuntạ | pumupuntạ & | pupuntạ & |
{6A-6111} Gitlaping -in-, unlaping ni- o na- (pandiwang -in, -an at i-)
Isinisingit ang gitlaping -in- sa likod ng unang katinig ng ugat [1-3] o ng unlapi [5 6]. Hindi isinasaalang-alang ang unlaping i- [4 7-9].
Kung patinig ang unang tunog ng ugat ay ginagamit ang unlaping in- sa harap ng ugat [10-12] o sa harap ng unlaping i- na nag-iisa [13].
{Θ} Sa wastong pagsasalitang pampalatunugan, palaging gitlaping -in- ang iniuunang in. Wala itong patinig na Po [ ʔ ]; dahil dito bawal ito sa unahan ng salita. Sa [10-13] isinisingit ito sa likod ng unang katinig na Po [ ʔ ] (halimbawa alisịn [ʔʌlɪ'sɪn] → inalịs [ʔ + ɪn + ʌlɪs = ʔɪnʌ'lɪs]). May Po [ ʔ ] ang unlaping i- [ ʔi ].
Kung sana'y dapat isingit ang -in- sa ugat at kung isa sa katinig na l o y ang unang tunog ng ugat ay ginagamit ang unlaping ni- sa harap ng ugat [14-16]. Mabisa ito din sa pandiwang may unang katinig na h kung binubuo sa pamamagitan ng unlaping i- [17 18]. Hinahalinhan pati ang -in- sa ni- sa salitang hiram o banyaga [19] {7-2.4.1}.
Tingnan sa {6A-6112} ang paghalili ng -in- sa na-.
|
|
{6A-6112} Unlaping na- sa halip ng gitlaping -in- sa pangnagdaan at kasalukuyan
(1) Marahil, dahil sa sanhing pampalatunugan, maaaring halinhan ang gitlaping -in- ng unlaping na-; malimit sa paggamit na pang-araw-araw ng pandiwang -in at i- (madalang sa pandiwang -an). Pati hinahalinhan ng na- ang -in- sa salitang hiram o banyaga (lalo na kung may kumpol-katinig sa unahan ng ugat, halimbawa plantsahin).
Ginagamit din ang anyong na- kung walang katumbas na pandiwang ma-
(halimbawa napatigil ↔
mapatigil, naisaloọb ↔
maisaloob).
Panlapi | Pawatas | Pangnagdaan | Kasalukuyan | Panghinaharap |
-an | saktạn | sinaktạn nasaktạn [1] |
sinasaktạn nasasaktạn |
sasaktạn |
turan | tinuran naturan [2] |
tinuturan natuturan |
tuturan | |
-in | tanggapịn | tinanggạp natanggạp [3a] |
tinatanggạp natatanggạp |
tatanggapịn |
plantsahin | naplạntsa |
napaplạntsa |
paplantsahin | |
i- | iakyạt | iniakyạt naiakyạt |
iniaakyạt naiiakyạt |
iaakyat |
ipa- | ipadalạ | ipinadalạ naipadalạ [3b] |
ipinapadalạ naipapadalạ |
ipapadalạ |
pa--in | patigilin | pinatigil napatigil [4] |
pinapatigil napapatigil |
papatigilin |
isa- | isaloọb | isinaloob naisaloọb [5] |
isinasaloọb naisasaloọb |
isasaloọb |
|
(2) {Θ} Hindi maaaring maliwanag na ihiwalay sa panlaping pambanghay na na- ng pandiwang ma- ang na- na humahalili ng gitlaping -in-. Bukod dito, mahina lamang ang pagkakabago ng kakayahan sa anyong pangnagdaan ng pandiwang may "tumpak" na pagbabagong ito {7A-301 (2)}. Gayunman ipinapalagay naming alomorfem ng -in- ang unlaping na- kung pansemantikang walang kakayahan ang inilalarawan ng pandiwa.
{6A-621} Kinalabasan ng pagsusuri hinggil sa panahunan at pananaw
(1) Nagsuri kami ng paggamit ng anyong pamanahon ng pandiwa sa isang kabanata ng kathambuhay na {W Nanyang 11}. Nagsasalaysay ang kabanata ng kuwento sa nakaraan. Dahil dito, nangingibabaw ang panahunang pangnagdaan, ilang pangungusap sa pagsasalitang sinipi ang kataliwasan. Sa layunin namin, maaaring mauri ang kabanata sa tatlong bahagi. Isinasalaysay sa unang bahagi ang nangyayaring karaniwan at inuulit "Ulit". Sumusunod ang kuwentong tangi "Tangi" sa ikatlong bahagi. Sa pagitan ng dalawa may bahagi ng pagsanib "Sanib".
{W Nanyang 11} | Wala | Ba | Anyong pamanahong "malaya" | ΣΣ | ||||||||
D/W | D/N | D/N | D/K | D/K | D/K | D/H | D/H | Σ | ||||
Gan | ? | Di-g | Ul | ? | … | (W) | ||||||
[1] | [2] | [3] | [4] | [5] | [6] | [7] | [8] | [9] | [10] | [11] | ||
Ulit | 32 | 12 | 3 | 2 | 0 | 36 | 0 | 5 | 0 | 46 | 58 | |
Sanib | 18 | 10 | 16 | 0 | 3 | 9 | 4 | 0 | 5 | 37 | 65 | |
Tangi | 29 | 25 | 74 | 0 | 12 | 4 | 3 | 6 | 1 | 100 | 154 | |
ΣΣ | 79 | 47 | 93 | 2 | 15 | 49 | 7 | 11 | 6 | 183 | 309 | |
25 % | 15 % | 60 % | 100 % | |||||||||
51 % | 1 % | 8 % | 27 % | 4 % | 6 % | 3 % | 100 % |
Walang anyong pamanahon ang sangkapat na bahagi ng sugnay ("Wala", 25 % sa tudling na [1] sa talahanayan). Ginagamit ang pawatas ng 15 % [2] alinsunod sa tuntuning palaugnayan ng balarila "Ba". Mayroon pang 183 sugnay na may anyong pamanahong "malaya" at maaaring suriin sa panahunan at pananaw, ito ang bagong 100 % ng bahaging sinuri (hanay na nasa ilalim ng talahanayan):
|
(2) Ginawa namin ang isa pang pagsusuri ng kuwentong maikli {W Krus} (159 sugnay). Kahambing ang kinalabasan nito. Pati may halimbawang [16] sa kataliwasang [13]:
|
{6A-6251 } Panahunan at pananaw sa wikang Filipino
Panahunan | Pawatas | Pagnagdaan | Kasalukuayan | Paghinaharap | |
Pananaw | Pangganap | Di-pangganap | Mapagdili-dili | ||
'Aspect' | 'Contingent/Punctual' | 'Actual/Punctual' | 'Actual/Durative' | 'Future/Durative' | |
{ Bloomfield 1917} {*} | |||||
'Aspekt' | 'Irrealis/Perfektiv' | 'Realis/Perfektiv' | 'Realis/Imperfektiv' | 'Irrealis/Imperfektiv' | |
{ Himmelmann 2005} | |||||
'Aspect' { NIU} | 'Perfect' | 'Imperfect' | 'Contemplative' | ||
Aspekto { Aganan 1999} | Perpektibo | Imperpektibo | Kontemplatibo |
{*} Inihihiwalay ang dalawang 'modes (actual, contingent)' at dalawang 'aspects (punctual, durative)'.
{6A-631 Θ} Ugat ng pandiwa bilang anyong pinaikli at katinigan
Hindi nakikita ang katinigan (tahasan o balintiyak) kung ginagamit ang ugat ng pandiwa bilang anyong pinaikli. Mayroon pang pagkakaibang pampalaugnayan, dahil hindi binabago ang paniyak at pantuwid. Kung kaya may pagkakaibang pampalaugnayan ng {DT//X} at {DB//X} na hindi na nakikita sa anyo ng pandiwa.
|
{6A-6521} Pangngaldiwang pang-ulit
(1) Alinsunod sa { VCS ka-} may dalawang uri ng anyong makadiwang may unlaping ka-.
(2) Galing kay Domingo L. Diaz Mabisang Wika, Aralin 13, { Liwayway 15 Mayo 2006, p. 45} ang sumusunod na mga halimbawa ng pangngaldiwang pang-ulit.
|
{6A-721 Σ} Pagsusuri ng pangungusap: Pandiwang nakakabit (pangungusap na tambalan)
[1] Halos apat na siglo nang sinisikap sinupin ang bokabularyo ng ating wika. {W Javier 3.1} | ||||||||||||
halos apat na siglo nang sinisikap sinupin ang bokabularyo ng ating wika | ||||||||||||
{S-Tb(S-0/L S-L)} | ||||||||||||
halos apat na siglo nang sinisikap | || | sinupin ang bokabularyo ng ating wika | ||||||||||
{S-0/L/P0} | {S-L/PT} | |||||||||||
halos apat na siglo nang | sinisikap | sinupin | ang bokabularyo ng ating wika | |||||||||
{P-0=P-N(P-L N A/HG)} | {P-P=P-D} | {P-P=P-D} | {P-T=P-N(N P-W)} | |||||||||
halos | apat | na | siglo | nang | sinisikap | sinupin | ang | bok. | ng | ating | wika | |
A | UB | L | N/Es | A/HG.L | DB10/K | DB10/W | TT | N/Es | TW | U//HT/K.L | N | |
Tambalan ang pangungusap na may pandiwang nakakabit. Hindi maaaring pangungusap na payak dahil hindi magkabagay ang sinisikap at ang bokabularyo [2b]. | ||||||||||||
Sa hulihan, may panuring (pang-abay na hutagang na) ang pariralang makangalang pang-umpog na halos na apat na siglo; mayroon itong pang-angkop dahil sa yaring hutagang payak {5-3.5}. | ||||||||||||
Maliban sa sugnay na makaangkop na may pandiwang pang-ibaba ay walang kaganapan ang pandiwang sinisikap. | ||||||||||||
Walang pang-angkop sa pagitan ng pandiwang nakakabit, maaaring kaltasin ang anyong na ng pang-angkop [1|3 4|5] {5-2.2 (1)}. |
|
{6A-722 Σ} Pagsusuri ng pangungusap: Pandiwang nakakabit (pangungusap na payak)
[1] Hindi maiwasang sumalimbay sa gunita ni Oden ang mga tanawin ng gamasan. {W Anak ng Lupa 2.5} | ||||||||||||
hindi maiwasang sumalimbay sa gunita ni Oden ang mga tanawin ng gamasan | ||||||||||||
{S-0/L/PT} | ||||||||||||
hindi maiwasang sumalimbay sa gunita ni Oden | ang mga tanawin ng gamasan | |||||||||||
{P-P=P-D(A DB P-L=P-D} | {P-T=P-N(Y/M N P-W)} | |||||||||||
hindi maiwasang | sumalimbay sa gunita ni Oden | |||||||||||
{P-L=P-D(DT P-K)} | ||||||||||||
hindi | maiwasang | sumalimbay | sa | gunita | ni | Oden | ang | mga | tanawin | ng | gamasan | |
A | DB001/W.L | DT01/W | TK | N | TW.Y | N/Ta | TT | Y/M | N | TW | N | |
Pangungusap na payak dahil magkabagay sa dalawang pandiwa ang paniyak [2 3]. | ||||||||||||
Kaganapan ng pandiwang maiwasan ang panlapag na sumalimbay … |
|
{6A-723 Σ} Pagsusuri ng pangungusap: Pandiwang nakakabit (pangungusap na tambalan o payak)
Maaaring suriing tambalan [1] o payak [2] ang pangungusap na sumusunod.
[1] Hinayaan nila na natutulog si Busilak sa kama. {W Busilak 3.5} | ||||||||
hinayaan nila | na natutulog si Busilak sa kama | |||||||
{S-0/L/P0} | {S-L/PT} | |||||||
hinayaan nila | natutulog | si Busilak | sa kama | |||||
{P-P=P-D} | {P-P=P-D} | {P-T=P-N} | {P-K/L} | |||||
hinayaan | nila | na | natutulog | si | Busilak | sa | kama | |
DB10/N | TW.HT | L | DT00/K | Y/Ta | N/Ta | TK | N/Es | |
Pangungusap na tambalan ang [1]. May panaguri ang sugnay na pang-itaas. Humahalili sa sugnay na makaangkop ang paniyak {13-4.4.1}. | ||||||||
Nasa kasalukuyan (pananaw na di-pangganap) ang pangalawang pandiwang natutulog, dahil walang kaguluan hinggil sa kabisaang buo. |
[2] Hinayaan nila na natutulog si Busilak sa kama. | |||||||
hinayaan nila na natutulog si Busilak sa kama | |||||||
{S-1/PT} | |||||||
hinayaan nila na natutulog | si Busilak | sa kama | |||||
{P-P=P-D(DB P-W P-L=P-D} | {P-T=P-N} | {P-K/L} | |||||
nila | na natutulog | ||||||
{P-W=P-N} | {P-L=P-D} | ||||||
Maaaring pangungusap na payak dahil magkabagay sa dalawang pandiwa ang paniyak na si Busilak kahit magkaiba ang uri ng fokus. | |||||||
May tatlong kaganapan ang pandiwang pang-itaas: paniyak na si Busilak, pantuwid na nila at panlapag na na natutulog {6-2.3 (2)}. |
Wikang Filipino ni
Armin Möller
http://www.germanlipa.de/filipino/ug_D_01A.html 09 Setyembre 2006 / 220103 |