Nagpapasok kami ng pariralang panlapag sa Patakaran. Ito'y ang pariralang ikinakabit sa pamamagitan ng pang-angkop na -ng/na. Ipinapalagay naming pananda ng panlapag ang pang-angkop.
Sa Patakaran, pinagsama ang ilang pulutong ng pariralang sa isang uri; binibigyan ito ng katawagang pariralang pang-umpog. Ito'y mga pariralang walang pananda o may panandang nang. Pampalaugnayan, palaging malaya sa pangungusap ang mga ito, tanging pagkakaugnay na pansemantika sa ibang parirala sa pangungusap ang maaaring umiral.
Pariralang pangkayarian ang panlapag at pang-umpog. Nagagamit na salitang makatukoy ng panggitaga ang karamihan ng panlapag at pang-umpog.
(1) Pariralang pangkayarian ang pariralang panlapag ({1A-201 (4)}, susi {P-L} {*}). Pananda nito ang pang-angkop na -ng/na (susi {L}) {11-5}.
{*} Sa palasusian, malimit na ginagamit namin ang pinaikling paglalarawan ng panlapag gaya ng {…L} o {.. L} sa halip ng mahabang paglalarawang {P-L=P-..}.
(2) Ginagamit ang pang-angkop upang mag-ugnay ng dalawang yaring nasa magkaibang antas o "palapag". Inihuhudyat ng pang-angkop ang baitang na pampalaugnayan at pansemantika; ito'y nasa pagitan ng yaring pang-ibaba at pang-itaas. Walang kaibahan kung sa itaas o sa ibaba ang baitang; ibig sabihin, hindi inihuhudyat ng pang-angkop kung anong yari ang panuring at ano ang pariralang itinuturing {5A-201 Θ}. Nasa unahan ng pariralang panlapag ang pang-angkop kung inihuhuli ang panlapag; nasa hulihan kung iniuuna (sa kasalungat ng ibang pananda).
Palaanyuan ng pang-angkop → {11-5.1}
Gaya ng ibang mga pariralang pangkayarian, may pananda o wala ang panlapag.
(1) Palaging may pang-angkop ang unang pangkat ng pariralang panlapag. Kasapi nito ang sumusunod:
|
(2) May pang-angkop o wala ang pangalawang pangkat ng pariralang panlapag. Sumasapi dito:
|
(3) Pananda ng panlapag ang pang-angkop. Walang pang-angkop kung hindi pariralang panlapag ang yari [15 16].
|
(4) Tinitalakay sa {11-5 (2), (3)} ang paggamit ng pang-angkop pag hindi ito nasa panlapag.
(1) Maaaring walang pang-angkop ang pariralang panlapag. Karaniwang walang pamimili sa nagsasalita; malimit may tuntunin kung kailan may pang-angkop o wala. Nagpapasiya ang paligid na pampalatunugan kung ginagamit ang hulaping -ng o ang salitang na. Sa maraming kalagayan mabisa ang tuntunin: Pag maaari ang pang-angkop na -ng ay dapat ito (lalo na sa panggitaga [1]). Kung na ay maaaring kaltasin ito, minsan bawal gamitin ito [2].
|
Hutaga at pang-angkop → {11-5.2}
(2) Bukod dito, di-magkabagay sa pang-angkop ang ilang salita, kahit panlapag ang parirala {5A-221}.
(1) Malaya sa pangungusap ang pariralang pang-umpog ({1A-201 (5)}, susi {P-0}). Wala itong pananda pag nasa unahan ng pangungusap; kapag nasa ibang katayuan ay maaaring may panandang nang {5-3.3} ang pang-umpog. Pariralang pangkayarian ito; kung kaya mayroon itong pariralang pangnilalamang maaaring may panuring. Nakita namin ang apat na pangkat ng pang-umpog:
May pang-umpog na nagagamit na salitang makatukoy ng panggitaga; kung gayon may pang-angkop ang hutaga ng panggitaga {5-3.5}.
(2) Pariralang malaya (susi {P-../L}). Sa Patakaran, nagpapasok kami ng katawagang ito {1-5.1 (4)}. Bukod sa pang-umpog, mayroon ding pandakong malaya {5A-301}. Karaniwang nasa gilid ng pangungusap ang pariralang malaya.
(3) Pariralang makaabay.
Pariralang malaya at iba pang pariralang pang-abay ang maaaring pagsamahin sa pansemantikang
katawagang ito. Hindi kami tiyak kung sa wikang Filipino makabuluhan ang pagsasama-samang
ganito at iniiwasan namin ang katawagan {5A-302 }.
Ang pariralang makangalang pang-umpog (susi {P-0=P-N}) ang yaring may pangngalan bilang salitang-ubod at malaya sa pangungusap [1-5]. Pansemantikang naglalarawan ito ng kahulugang pamanahon [2-5]. Bukod dito, may ilang pariralang makangalang pang-umpog na may kahulugang pamaraan [1]. Sa pangungusap na [1b] ay ginagamit ang panandang nang.
Karaniwang nasa gilid ng pangungusap ang pariralang pangnagalang pang-umpog. Gaya ng lahat ng pang-umpog, wala itong pang-angkop. Sa yaring panggitaga may pang-angkop [5] {5-3.5}.
May iniuunang panuring ang pang-umpog. Malimit, ito'y pamilang [2 5].
|
Sa pangungusap na [6] panaguri ang pariralang makangalan (hindi ito pang-umpog!), pansemantika mang kahawig sa pariralang makangalang pang-umpog.
|
Maaaring pangngaldiwa ang salitang-ubod ng pang-umpog. May tungkuling pamanahon ang pariralang pangngaldiwa [1-4] (susi {P-0=P-ND}) {*}.
{*} Tinatawag naming 'pariralang pangngaldiwa' ang pariralang pang-umpog na binubuo ng pangnaldiwa. Kung salitang pang-ubod ng iba pang parirala ang pangngaldiwa ay ginagamit namin ang tawag na 'pariralang pangngalan'.
Tanging pangkat ng paririlang makangalang pang-umpog ang pariralang pangngaldiwa, subalit iba ang pagbuo nito. Karaniwan itong nasa unahan ng pangungusap [1 2 4] (o sa unahan ng sugnay [3]). Hindi sugnay na pinaikli ang pariralang pangngaldiwa, sapagkat hindi ito maaaring palawakin upang maging sugnay [2b|c]. Malimit na ginagamit ang kuwit upang ibukod ang pariralang malaya [1 2]. Mayroon ding pariralang pangngaldiwa na binubuo ng pangngaldiwang pangganap [3 4], ngunit walang pagbuo ng pariralang pangngaldiwa ang pangngaldiwang pang-ulit. Maaaring paikliin ang pariralang pangngaldiwa, kaya nga ang pangngaldiwa lamang ito, kahawig ng pang-abay [4].
|
Walang pananda ang pang-umpog kung nasa unahan ng pangungusap. Sa ibang mga kalagayan, maaaring gamitin ang panandang nang (nang (3), susi {T0}). Malaya sa pangungusap ang pariralang pang-umpog; dahil dito, pangunahin ang tungkulin ng nang upang ihiwalay ang pang-umpog sa ibang mga parirala at halos hindi upang magtanda ng pang-umpog.
Maaaring gamitin ang nang sa pariralang makangalang pang-umpog [1]. Ginagamit din ang nang sa malayang pariralang pang-abay [2 3]. Tinatalakay sa pangkat na {9-5.2 (3)} ang katanungan hinggil sa pang-abay na kagyat na sumusunod sa pandiwa [4]. Walang nang ang pulutong na kanịno [5] {9-5.3 (1)}.
|
Bukod sa tungkulin ng pananda ng pang-umpog ay may iba pang mga kahulugan ang salitang may bigkas na [nʌŋ] {5A-341}.
|
|
Alinsunod sa katutunan walang pang-angkop ang pang-umpog. Pariralang makangalang pang-umpog [1] at pariralang pang-abay na pang-umpog [2-4] ang maaaring magamit na salitang makatukoy ng panggitaga {11-6.1 (3)}, samakatwid malimit na kumukuha ng pang-angkop ang hutaga.
Sa [5], pang-abay na hutaga ang panuring sa pang-umpog (yaring hutagang payak {11-4.1}). Doon din inilalagay ang pang-angkop.
Dahil sa pang-angkop, ipinapalagay naming panlapag ang mga pariralang ito.
|
(1) Sumusunod ang paglalarawan ng pariralang panlapag sa Patakaran.
Tungkulin ng panlapag | Binubuo ang panlapag ng | ||
[1] | Panuring sa ngalan | Pang-uri | {8-7.1} |
[2] | Panuring sa ngalan | Panghalip na panaong SA | {8-4.6 (3)} |
[3] | Panuring sa ngalan | Pangngalan | {8-7.4 (1)} |
[4] | Panuring sa ngalan | Panghalip na pamatlig na ANG | {8-7.3} |
[5] | Panuring sa ngalan | Pariralang pang-ukol | {8-7.6} |
[6] | Kaganapan ng pandiwa | Pariralang makangalan | {6-2.3} |
[7] | Kaugnay sa pandiwa | Pariralang pandiwa (nakakabit) | {6-7.2} |
[8] | Panuring sa pandiwa | Pang-abay | {9-5.2} |
[9] | Panuring sa pang-uri | Pariralang pandiwa | {9-3.3 (1)} |
[10] | Panuring sa pang-uri | Pang-abay | {9-3.3 (2)} |
Pang-angkop upang pag-ugnayin ang sugnay na makaangkop. | {13-4.3} |
Ang pagkakaraming ito sa paggamit ng panlapag ang isa pang halimbawa ng pagkakabuong pampalaugnayan ng wikang Filipino na hindi lamang tinatakdaan sa isang bahagi ng panalita ang parirala.
(2) Sumusunod ang paglalarawan ng pariralang pang-umpog sa Patakaran.
Tungkulin ng pang-umpog | Binubuo ang pang-umpog ng | ||
[11] | Par. malaya sa pangungusap | Pariralang makangalan | {5-3.1} |
[12] | Par. malaya sa pangungusap | Pariralang pangngaldiwa | {5-3.2} |
[13] | Par. malaya sa pangungusap | Pariralang pang-ukol (tungkol) | {10-2 (2)} |
[14] | Par. pampalaugnayang malaya sa pangungusap | Pariralang pang-abay | {9-5.3} |
Wikang Filipino ni
Armin Möller
http://www.germanlipa.de/filipino/ug_P-L.html 15 Nobyembre 2011 / 18 Enero 2021 |