1 Patakaran ng Palaugnayang Filipino
(Talaksan 1/2)

1-3 Mga sangkap ng Patakaran

(1) Gusto naming ihambing ang palaugnayan ng pangungusap na Filipino sa pangyayari sa entablado ng tanghalan. May artista at kumpol ng mga artista doon (mga salita at parirala). Nakaupo sa harap ang direktor at maaari niyang sabihan ang mga artista na pumunta sa iba't ibang lugar sa entablado (unahan, gitna at hulihan ng pangungusap). Bukod tangi ang Filipinong entablado dahil sa itaas ng entablado ay may nakaupong tagailaw na hinahayaan ng direktor. Nagpapagalaw ang tagailaw ng dalawang ilaw ng lente na pinapangalanang ANG at AY. Maaari niyang itutok ang dalawang ilaw sa kahit sinong artista o kumpol ng artista. Sa pamamagitan ng paggalaw sa ilaw, maaari niyang itanghal ang kahit sino na walang pakialam kung saan nilagay ng direktor ang artistang ito. Tungkulin ng tagailaw ang tiyakin na nakatutok sa tamang ayos ang dalawang ilaw. Dahil maaaring magsarilinan ang gawa ng tagailaw at ng direktor, may malaking pagkakaiba-iba sa mga pangyayari sa entablado o sa wikang Filipino may malaking kakayahan sa pagpapahayag.

Ang pariralang may panandang ANG ay halos pareho sa nakaugaliang paksa o simuno. Tinatawag namin itong pariralang paniyak. Tinatawag namang pariralang panaguri ang pariralang may AY. Katangi-tangi sa wikang Filipino ang malinaw na pagdinig at pagkita sa panaguri at paniyak. Maaaring maging panaguri o paniyak ang halos lahat ng parirala.

Ang nasa ilaw ng lenteng ANG ay tumatanggap ng napakatalas na hugis (fokus at katiyakan). Dahil dito, walang kabuluhan kung itinututok ang lenteng ito sa bagay na malabo o di-tiyak. May paraan ang wikang Filipino upang iwasan ito. Maaaring magpalitan ng lenteng ANG at AY na itinututok sa mga artista. Sa tulong ng pagpapalitan ay maaaring alisan ng fokus ang bagay na malabo o di-tiyak o bigyang-diin ang bagay ng napakatiyak.

(2) May pandiwa lamang ang pangungusap kung nangangailangan nito ang semantika. Hindi nangangailangan ng pandiwa ang palaugnayan. Dahil may pandiwang pangnilalaman lamang at walang pandiwang pantulong. Maraming pangungusap na walang pandiwa ang wikang Filipino. Kaya walang tungkuling saligan ang pandiwa sa pagbubuo ng pangungusap.

Sa ganitong palagay bumubuo kami ng Patakaran ng pangungusap na payak. Bida nito ang pariralang panaguri at paniyak; sa gayon ipinipilit sa katayuang nasa ibaba ang pariralang pandiwa at makangalan.

(3) Pampalaugnayang tungkulin ng mga parirala ang pangunahing tinatalakay sa Patakaran. Katangian ng wikang Filipino ang may kakaunting tuntunin lamang para sa pagkakasunud-sunod ng parirala sa pangungusap; sa halip nito malaya ang pagkakasunud-sunod sa loob ng maluluwag na hangganan. Katwiran dito ang may sariling tanda ng tungkulin ng mga parirala; at dahil dito hindi kailangan ang tanging katayuan upang unawain ang tungkulin nito.


1-4 Talahanayan ng Patakaran

PariralaPananda Mga bahagi ng parirala

Pangungusap na payak (sugnay) {P-P} {P-T} {P-../L}
  {P-P} Pariralang panaguri ay{P-D} {P-N} {P-U} {P-O} {P-A} {P-K}
{P-T} Pariralang paniyak ang{P-N} {P-D} {P-U} {P-O}
{P-../L} Pariralang malaya: {P-K/L} {P-0}
{P-K} Pariralang pandakosa {P-N}
{P-0} Par. pang-umpognang {P-N} {P-ND} {P-A} {P-O}
{P-D} Pariralang pandiwa D {P-W} {P-K} {P-L}
   {P-N} Pariralang makangalanN H {P-L} {P-W} {P-K} Y
{P-U} Pariralang pang-uri U {P-W} {P-K} {P-L}
{P-A} Pariralang pang-abayA {P-L}
{P-O} Pariralang pang-ukol O {P-K} {P-A} {P-N} {P-D}
  {P-OD} Pariralang pangkaroon
  {P-W} Pariralang pantuwidng  {P-N} {P-O}
{P-L} Pariralang panlapag -ng/na {P-U} {P-A} {P-D} {P-N} {P-O}

Mga paliwanag sa talahanayan


1-5 Paliwanag ng Patakaran

1-5.1 Panaguri at paniyak

(1) Sa Patakaran, nagpapasok kami ng pariralang panaguri at pariralang paniyak sa pinakamataas na baitang ng pangungusap. Inilalahad ito sa kabanatang {2}. Tinatandaan ng panandang ang ang paniyak; ito'y ubod o tampulan ng pangungusap, "nasa fokus" ito. Bihasa sa fokus ('focus-oriented') ang wikang Filipino. ay ang pananda ng panaguri. Mas madalang na ginagamit ang ay kaysa ang, sapagkat hindi kailangang markahan ang panaguri pag ito'y nasa unahan ng pangungusap.

(2) May mga paraan ang wikang Filipino upang baguhin ang tungkulin ng parirala sa pangungusap; maaaring maging panaguri o paniyak ang halos lahat ng parirala. Maaaring magpalitan ang mga tungkulin ng panaguri at paniyak. Dahil sa kakayahang ito, pampalaugnayang magkapareho ang pariralang panaguri at pariralang paniyak.

(3) Maaaring buuin ng pariralang pandiwa ang pariralang panaguri. Ngunit may pandiwa lamang ang pangungusap kung nangangailangan nito ang semantika. Walang pampalaugnayang kailangan ng pandiwa ang Filipinong pangungusap, maraming pangungusap na walang pandiwa. Dahil dito, maaari ding maging panaguri ang pariralang makangalan, pang-uri, pang-abay, pang-ukol at pandako. Gayon din, dahil sa pagkakaparehong naturan, maaari ding maging pariralang paniyak ang mga ito. Kaya walang tungkuling napapagitna ang pandiwa sa pagbubuo ng pangungusap; ipinagbabawal ang pagtutulad ng pandiwa sa panaguri sa palaugnayang Filipino. Gayon din hindi palaging pariralang makangalan ang paniyak sa Filipinong pangungusap.

(4) Sa Patakaran, mahalaga at nasa pinakamataas na baitang ang pariralang panaguri at paniyak; bunga nito, di-lubhang mahalaga ang pariralang makangalan at pandiwa. Sa tabi ng panaguri at paniyak, maaaring may pariralang tumuturing sa pangungusap; tinatawag ito na pariralang malaya. Sumusunod na ang kayarian ng pangungusap na batayan sa wikang Filipino {13-2.3 Θ}.

 
[1]{P-P} {P-T} {P-../L}

(5 ) Sa wikang Filipino, may pagbuo gaya ng [1] ang lahat na pangungusap {1A-511 }. Sa ibang mga wika, tangi itong kayarian ng pangungusap ('nominal sentence') na binubuo lamang kung walang pandiwa ang pangungusap. Sa karamihan ng wika, palaging binubuo ang pangungusap na may 'inflectional phrase' (pariralang pandiwa bilang puno ng pangungusap).


1-5.2 Pariralang pantuwid at pandako

(1) Bukod sa panaguri at paniyak, may iba pang paraan upang maisama ang pariralang makangalan sa pangungusap o sa iba pang parirala. Dalawa nito ang pinapangalanan naming pariralang pantuwid at pariralang pandako. Tinatalakay ang mga ito sa kabanatang {3} at {4}.

Tinatandaan ng panandang ng ang pariralang pantuwid. Karaniwang ito'y kaganapan ng pandiwa o panuring sa pariralang makangalan o pang-uri. Hindi ito maaaring mag-isa sa pangungusap at hindi ito maaaring ilagay sa unahan ng pangungusap.

sa ang pananda ng pariralang pandako. Gaya ng pantuwid, nagagamit itong kaganapan ng pandiwa o panuring sa pariralang makangalan o pang-uri. Maaari din itong gamitin bilang panuring sa pariralang pang-ukol at saka bilang pariralang malaya. Maaari itong nasa unahan ng pangungusap.

May ganap na paradigma ng panghalip na panao, pamatlig at pananong; bahagi nito ang pantuwid at pandako; may anyong NG at SA ang panghalip na ito.

(2) Marahil na gustong ihambing ang mga pariralang pantuwid at pandakong Filipino at mga kaukulan ng ngalan sa wikang pang-Europa. Halatang lubhang ibang-iba ang dalawang paraan {1A-521 Θ}.


1-5.3 Pariralang panlapag at pang-umpog

Sa tabi ng pantuwid at pandako ay may iba pang pagkamaaari upang mag-ugnay ng parirala. Sa pamamagitan ng pang-angkop na -ng/na ay inihuhudyat ang pagsailalim ng isang parirala sa isang iba, ngunit hindi inihuhudyat kung bakit ang pagsailalim sa pananaw ng semantika. Tinatawag naming panlapag o pariralang panlapag ang pariralang ito. Nagagamit itong panuring, lalo na sa pangngalan at pandiwa. Hindi palaging may pang-angkop ang mga ito; kaya may panlapag na walang pang-angkop.

Malaya sa pangungusap ang isa pang pulutong ng parirala, ang pariralang pang-umpog. Pag sa unahan ng pangungusap, wala itong pananda. Sa ibang katayuan sa pangungusap ay maaaring gamitin ang panandang nang. Dahil malaya ang mga pariralang ito ay hindi ito panuring sa ibang parirala.

Pariralang pangkariyan ang panlapag at pang-umpog. Tinatalakay ito sa kabanatang {5}.


1-5.4 Pagsasanga sa kanan

Karagdagan sa Patakaran, may paraan ng pagsasanga sa kanan ang wikang Filipino; ibig sabihin na iniuuna ang salita o pariralang batayan sa salita o pariralang tumuturing. Paraang ito ang pinapagmulan ng ilang mahigpit o halos mahigpit na tuntunin.


1-5.5 Pagpapalawak ng Patakaran

Alinsunod sa Patakaran ay binubuo din ang pangungusap na pang-utos at pananong, kahit may ilan itong katangian. Ang ilang pulutong ng yari ay hindi nasa loob ng Patakaran; maaari itong ipalagay na dagdag; halimbawa ang ANG na makaabay {2-3.3} at ang pangungusap na di-batayan {13-2.2}.

Mabisa sa payak na pangungusap ang Patakaran; maaari itong iangkop sa pangungusap na tambalan.


1-6 Mga pariralang pangkayarian at mga pariralang pangnilalaman

1-6.1 Pariralang pangkayarian at pananda

(1) Ang mga pariralang inilalarawan sa itaas (panaguri, paniyak, pantuwid, pandako, panlapag at pang-umpog) ay may pananda upang turuin ang tungkuling pampalaugnayan nito sa pangungusap. Tinatawag naming pariralang pangkayarian ang mga pariralang ito.

Pariralang pangkayarian Pananda

Panaguriay
Paniyakang
Pantuwidng
Pandakosa
Panlapag-ng/na
Pang-umpognang

(2) {Θ} Hindi namin ipinapalagay na parirala ang buong pangungusap o sugnay, kinukulang ito ng pananda. Kung kaya, hindi bagay ang katawagang 'Inflectional phrase' upang ilarawan ang buong pangungusap o sugnay.

Pag-uuri ng parirala sa aghamwika{1A-611 }


1-6.2 Pariralang pangnilalaman

(1) Pariralang pangnilalaman ang nasa loob ng pariralang pangkayarian; wala itong pananda. Ibinubukod namin ang mga pariralang pangnilalaman alinsunod sa bahagi ng panalita ng salitang-ubod nito. Batay sa katuturan, ang mga salitang-ubod ng pariralang pangnilalaman ang salitang pangnilalaman ng wikang Filipino.

Pariralang pangnilalaman Salitang-ubod

Pariralang makangalanPangngalan, panghalip
Pariralang pandiwaPandiwa
Pariralang pang-uriPang-uri
Pariralang pang-abayPang-abay
Pariralang pang-ukolPang-ukol

(2) Maaaring palawakin ang mga pariralang pangnilalaman sa pamamagitan ng (mga) 'panuring'. Tinatawag na 'salitang kaugnay' ng panuring ang salitang-ubod ng pariralang pang-itaas. Pariralang pangkayarian (pantuwid, pandako, panlapag) o kataga ang panuring.

Pariralang pangkayarian
Pariralang pangnilalaman
PanuringSalitang-ubodPanuring
 
Par. pangkayar.
Par. pangnilal.
 
Kataga

Mga katangian ng panuring{1A-621}
Panuring at pariralang itinuturing{5A-201 Θ}


1-6.3 Ibayong kadiwaan ng parirala

(1) Kailangan ng karagdagan ang pag-uuri sa pariralang pangkayarian at pangnilalaman. Hindi bukod-bukod na parirala ang dalawa. Sa halip nito, magkasama itong bumubuo ng 'ibayong kadiwaan' ng pariralang Filipino (gaya ng Romanong bathalang 'Ianus' na may dalawang mukha sa isang ulo). Sa pinagaang pagsalita, tinatatawag naming pariralang pangkayarian ang kadiwaang panlabas, pantungkulin at pampalaugnayan. Katumbas nito, ang pariralang pangnilalaman ang kadiwaang panloob, "panlaman" at pampalaanyuan. Kailangan ang dalawang kadiwaan - tungkulin at nilalaman - upang bumuo ng parirala.

Sa aming palasusian, tinutupad namin ito na ipinapahiwatig ang dalawang kadiwaan ({Pariralang pangkayarian = Pariralang pangnilalaman}, halimbawa: {P-P=P-D} para sa panaguring binubuo ng pandiwa). Hindi tunay na parirala ang pariralang pangkayariang nag-iisa, subalit ito'y pangkalahatang ngalan sa lahat ng pariralang may kaparis na panlabas na kadiwaan ({P-P} para sa lahat ng parirala {P-P=P-..}). Katumbas nito, ang katawagang pariralang pangnilalaman ay pangkalahatang ngalan sa lahat ng pariralang may kaparis na panloob na kadiwaan ({P-U} para sa lahat ng pariralang {P-..=P-U}). Pagsusuri ng pangungusap na halimbawa sa {1A-631 Σ}.

Walang matibay na pagkakaugnay ng tungkuling pampalaugnayan at bahagi ng panalita. Pag-uuri sa pariralang pangkayarian at pangnilalaman ang kaparaanan namin upang ilarawan at unawain ang katangiang ito ng wikang Filipino.

(2) Pinapakita ng talahanayan ng Patakaran {1-4} na maaaring buuin halos lahat ng pagsasama-sama ng pariralang pangkayarian at pariralang pangnilalaman. Gayunman hindi binubuo ang lahat ng maaari isiping pagkakasama ng pariralang pangkayarian at pangnilalaman {1A-632}.

(3) {Θ} Galing sa katunayang pangwika ang katuturan ng pariralang pangkayarian, maaaring marinig at makita ang pananda. Sa gayon kayang buuin ang Patakarang pampalaugnayan mula sa sangkap na tunay. Kasalungat nito, lubhang malabo ang bahagi ng panalita, pati ang pariralang pangnilalaman. Dahil dito, mas malapit sa katunayang pangwika ang pariralang pangkayarian kaysa pariralang pangnilalaman.

(4) Binubuo ng isang pariralang pangkayarian at isang pariralang pangnilalaman ang ibayong kadiwaan ng parirala. May kataliwasan: Maaaring pariralang pangnilalaman sa loob ng pariralang pang-ukol (pangnilalaman din) {10-2 (1)}. Madalang lamang ang isa pang kataliwasan kung ginagamit ang pandako (pariralang pangkayarian) bilang panaguri (pangkayarian din) {2-4.6}.

Paradigmang ang - ng - sa ng pariralang makangalan{1A-633 Θ}


1-7 Pag-uuri ng salita

Alinsunod sa pagbuo at tungkulin ng parirala nauuri ang salita sa 'uring-salitang pampalaugnayan' o 'uring-salita' {1-7.1}. Ginagamit din ang pag-uuri sa bahagi ng panalita {1-7.2}.

Pag-uuri ng salita sa aghamwika{1A-701 }


1-7.1 Mga uring-salita (pampalaugnayan)

Alinsunod sa tungkuling pampalaugnayan, inuuri ang salitang Filipino sa tatlong uri na tinatawag na salitang pangnilalaman, salitang pangkayarian at kataga (mga halimbawa tingnan sa {1A-711}).

(1) Ang salitang pangnilalaman ay ang laman ng pariralang pangkayarian, bumubuo ito ng pariralang pangnilalaman. Maaaring ituring sa panuring ang salitang pangnilalaman. Maaari itong magamit na salitang makatukoy ng panggitaga. Karaniwang may angkang-salita ang salitang pangnilalaman. Mayroon itong lamang pansemantika.

(2) Ang salitang pangkayarian ang pananda. Mayroon itong tungkuling pampalaugnayang mas mahalaga kaysa lamang pansemantika. Maliban sa isang kataliwasan (sa), hindi bumubuo ng angkang-salita ang salitang pangkayarian.

(3) Kataga ang salitang natitira, hindi salitang pangnilalaman at hindi salitang pangkayarian. Hindi parirala ito, hindi maaari itong bumuo ng parirala at hindi ito nagagamit na salitang makatukoy ng panggitaga. Maaari itong tumuring sa parirala. Wala itong pang-angkop na sarili, ngunit maaari nitong "tanggapin" ang pang-angkop {11-5.2}. Karaniwang hindi ito bumubuo ng angkang-salita, mayroon namang lamang pansemantika.


1-7.2 Mga bahagi ng panalita

(1) Bahagi ng
panalita
Gawing
hutaga

Uring-salita

Pandiwa{D}wala Pangnilalaman{6-1}
Pangngalan{N}wala Pangnilalaman{8-1}
Pang-uri{U}wala Pangnilalaman{9-1}
Pang-ukol{O}wala Pangnilalaman{10-1}
Padamdam{M}wala Kataga{9-8}
Pang-abay{A/LM}wala Pangnilalaman {9-4.3}
    na hutaga {A/HG}mayroonKataga {9-4.1}
    na untaga {A/UG}untagaKataga {9-4.2}
Panghalip{H}maaari Pangnilalaman/Kataga{8-4} {11-6.2}
Pangatnig{K}ilan Kataga/Pangnilalaman{13-4.2}
Pantukoy{Y}untaga Kataga{8-6.2}
Pananda{T}--- Pangkayarian{11-2.1}

(2) May pansariling katangiang pampalaanyuan ang isa lamang bahagi ng panalita: ang banghay ng pandiwa. Pansemantika o kinaugalian lamang ang pagbubukod ng ngalan (pangngalan at panghalip), pang-uri at pang-abay.

(3) Ang ilang bahagi ng panalita ay maaaring magamit na iba pang bahagi ng panalita. Ibig sabihing ginagamit ito sa tungkuling pampalaugnayang "karaniwang" tinutupad sa iba pang bahagi ng panalita. Wala itong pag-aangkop na pampalaanyuan. Katangian ng wikang Filipino ito dahil maaaring buuin halos lahat ng pagsasama-sama ng pariralang pangkayarian at pariralang pangnilalaman.


1-7.3 Pagbuo ng salita

(1) Sa wikang Filipino, karaniwang pinapalibutan ng angkang-salitang malaki ang ugat-salita. Malimit na nagagamit na salitang mismo ang ugat-salita. Tinatawag na salitang-ugat ang mga ito.

(2) Salitang hango ang maaaring buuin sa pamamagitan ng:

(3) Ginagamit namin ang Palatitikang Pantinig na Pandaigdig ('International Phonetic Alphabet (IPA)') para sa paglalarawang pantunog at pantinig ng mga salita. Karaniwang tinatalikdan namin ang pagkakasaling pantunog ('phonological transcription') at inilalarawan ang pinakamalimit na anyong pantinig ('phonetic') sa panaklong na pansulok […].

(4) Kung dapat ilarawan ang diin ng salita, sumusunod kami sa { Duden} (pangunahing talasalitaan ng wikang Aleman). Sinasalungguhitan namin ang mahabang patinig ng pantig na dinidiinan samantalang tuldok ang inilalagay sa ilalim ng maigsing patinig na dinidiinan.

Pantig na may diinMay salungguhit ang patinig na mahaba. sama   makasama
['sa:.mʌ]   [mʌ,ka:'sa:.mʌ]
Tuldok sa ilalim ng patinig na maigsi. lamạn   bantọg
[lʌ'mʌn]   [bʌn'tɔg]
Pantig na di-dinidiinanWalang pagtatanda. sama ['sa:.mʌ] (huling pantig)

Hindi isinasama namin ang katinig na Po (impit na pasarang [ ʔ ]) sa larawang pansulat. Sa halip nito, nakasulat nang pahilig ang patinig na iniuuna upang ilarawan ang katinig na [ ʔ ].

Po sa hulihan ng salitaNakasulat nang pahilig ang patinig na iniuuna.hina   sam
['hi:.nʌʔ]   [sʌ'mʌʔ]

Iba pang mga halimbawa{7A-121}


1-8 Patakaran at aghamwika

(1) 'Sine ira et studio' ang paglilikom namin ng mga halimbawa ng paggamit ng wika. Pagsasalita at pagsusulat ng mga tagawikang-kinagisnang Pilipino ang kapangyarihan para sa amin. Sinikap naming suriing mabuti at ayusin ang halimbawang ito nang walang-kinikilingan. Iniwasan naming gamitin nang walang-pag-iisip ang kinaugaliang katawagan upang iwasan ang pabigla-biglang pag-uuri alinsunod sa di-bagay na dako. Batay sa halimbawang nilikom ay nagkamit kami ng mga kinalabasang hindi palaging gaya nitong galing sa ibang may-akdang pang-aghamwika. Gusto naming ibukod ang mga ibang may-akda sa tatlong daloy.

Nakikita muna ang aghamwikang pandaigdig tungkol sa wikang Filipino. Kalimitang binabanggit nito si L. Bloomfield { Bloomfield 1917} {1A-8011 }. Makabagong halimbawa ng daloy na ito si N. Himmelmann { Himmelmann 1987} {1A-8012 } at sina P. Schachter at F. T. Otanes { Schachter 1972} {1A-8013 }.

Lumalapit na sa aghamwikang pandaigdig ang isa sa mga daloy na Pilipino; pangunahing grupo nila ang mga pantas sa UP Diliman. Dalawa lamang sa maraming halimbawa: Noon si C. Lopez { Lopez 1941} {1A-8014 } hanggang ngayon ang akdang { Aganan 1999} {1A-8015 }.

Galing sa kinaugaliang Espanyol-Pilipinong aghamwika ang iba pang daloy na Pilipino; binabanggit ang isa sa maraming balarilang pampaaralan nina { Villanueva 1968/1998} at ang akdang mas bagong { Santiago 2003-B}.

(2) May mahahalagang pagkakaiba ang una at pangalawang daloy sa ikatlong daloy; at walang maliwanag na makaagham na pag-unlad na magkakasama. Pangunahing walang bagay ng pananaliksik ng ilang pantas ang palaugnayan ng wikang Filipino, ngunit saligang aralin ng mga milyong mag-aaral na Pilipino. Dito sumisikat ang tanong kung bakit mayroon pang nasabing malalaking agwat ng makabagong saliksik sa pagtuturong pampaaralan at kung kailan papagpunyagian ang pagsikap na magkakasama upang patulayan ang agwat na ito upang makamit ang magkakasamang saligang pag-unawang tama at nababagay sa diwa ng wikang Filipino.

Mas malapit kami sa una at pangalawang daloy; napakahalaga sa amin kung nagkakaiba kami at ang dalawang daloy na ito. Tinitipon ang mga ito sa pangkat na {1-9}.

(3) Sa aming palagay, ngayon pa – pagkatapos ng halos isang daang taon – lubhang nababagay ang mga kaisipan ni Bloomfield upang unawain ang palaugnayang Filipino. 'Subject, predicate' at 'attributes' na nauuri sa apat na pulutong ang kanyang mga salik ng palaugnayan. Magkakatulad ang aming pariralang pangkayarian: panaguri, paniyak, pantuwid, pandako, panlapag at pang-umpog. Dalawang bahagi ng panalita ang ipinapaliwanag ni Bloomfield, 'full words' at 'particles' (may dalawang pulutong ang ikalawa). Gaya nito ang pag-uuri namin sa tatlong uring-salitang pampalaugnayan. Sa tabi nito, 'groupings of words' kay Bloomfield ang panumbas ng bahagi ng panalita.

Pangkaraniwan, sumunod kami sa mga kaisipan ni Bloomfield, ngunit umalis dito sa ilang kalagayan. Sa nababagay na mga kabatana pinagpunyagian naming ilahad at patunayan ang pangunahing pagkakahiwalay {1A-8011 (2)}. Isa sa mga ito ang "pagiging ngalan" ng salitang pangnilalaman ng nagiging paniyak {2A-102 }. Alinsunod kay Bloomfield (at sa iba pang mga may-akda) nagiging pangngalan ang lahat na salita kung nagiging paniyak. Sa aming pagsusuri, hindi kami nakatuklas ng pahiwatig sa naturang "pagiging ngalan".

(4) Alinsunod kay Bloomfield, maaaring magamit na paniyak, panaguri at panuring ang lahat ng salitang pangnilalaman. Dahil dito, dapat ihiwalay ang tungkuling pampalaugnayan sa bahagi ng panalita. Sa kaparaanan namin ay ihinihiwalay nang mahigpit ang palaugnayan sa palaanyuan, lalo na dahil sa kadalangan ng paradigmang pampalaanyuan. Wala kaming paggamit ng katawagang 'morphosyntax'. Sa gayon, naiiba sa amin ang karamihan sa makabagong aghamwika.

Mahigpit na ibinubukod namin sa pandiwa ang panaguri, pati sa ngalan ang paniyak; katawagang pampalaugnayan ang panaguri at paniyak; (kaugaliang) bahagi ng panalita ang pandiwa at pangngalan. Maaaring panaguri ang pandiwa, at paniyak pati ang pangngalan. Ngunit maraming iba-ibang pagkamaaari ang wikang Filipino. Karaniwang hindi sinasang-ayunan ng akdang pang-aghamwika ang aming mga isip tungkol sa paniyak at pangngalan.

Kung bukas ang panaguri at paniyak para sa halos lahat na parirala, magaang mauunawaan ang pagkakapareho at pagpapalitan ng panaguri at paniyak. Walang pagbanggit na ito sa karamihan ng akdang Pilipino.

Kasabay ng pagbubukod na binabanggit sa itaas ang tanong na tungkol sa kaukulan sa wikang Filipino. Sa Patakaran (gaya ng akda ni Bloomfield), walang puwesto sa kaukulan; may isa lamang pagtatanda ang wikang Filipino, ito ang pagtatanda ng parirala sa pamamagitan ng pananda. Bunga dito, wala kaming katawagang kaukulan.

(5) Ipinaliliwanag namin ang pariralang panaguri at paniyak sa tulong ng pananda nitong ay at ang. Halos di-nakapag-aalinglangan ang tungkulin ng ay bilang 'predicate marker'. Iba ang ang. Sa Patakaran, ang ang kaparis ng ay para sa paniyak. May akdang nagpapalagay na 'focus or subject marker' ang ang. Nakapag-aalinglangan ito ng iba dahil may pangungusap na may dalawang ang o may pagkakasamang ay ang.

(6) Ginagamit namin ang katawagang pariralang makangalan, pandiwa atbp. Pinahihintulot lamang ito kung may salitang-ubod ang pariralang ito at kung may kaibahang saligan ang mga uri ng salitang-ubod. Talagang katanungan ito sa Filipino (sa ibang mga wikang pang-Austronesia din); walang maliwanag na pagbubukod ang Filipinong bahagi ng panalita, kulang ang mga katangiang pampalaanyuan. Gayunman inihaharap namin – bukod sa uring-salita – ang isa pang pag-uuri ng bahagi ng panalitang may pagkakahawig sa pag-uuring kinaugalian.

(7) Hindi kami nagsusuri kung may mahahalagang pagkakaibang pampalaugnayan ng kinaugaliang Tagalog sa Filipinong sinuri namin. Galing sa taong bata o talubata ang karamihan ng mga halimbawa namin; ginagamit nila ang makabagong pakikipagpalastasan (pambansang TV at selpon). Ginawa namin ang pagsubok na maliit sa dakong ito na Tagalog 1917 - Filipino 2005 {W Tag-Fil}.


1-9 Paghahalintulad ng pagkaunawa namin at ng ibang may-akda

Naiintindihang may pagkakaiba ang pagkakaunawa namin at ng ibang may-akdang tungkol sa palaugnayang Filipino. Hindi namin gustong kahalagahan kung "tama" o "mali" ang kinalabasan. Sa halip nito gusto lamang naming ipakita ang ilang mga paghahambing. Dahil dito ang sumusunod na talaan; nandoon ang mga kabuuran lamang at nasa isa-isang pangkat ng Palaugnayan namin ang mga bagay-bagay.

Pagkaunawa namin Pagkaunawa ng ibang may-akda

{1-3} Mga sangkap ng Patakaran
Pangunahing papel sa Patakaran ang pariralang panaguri at paniyak; mayroon itong pananda. Hindi (o hindi litaw) nauukol sa panaguri at paniyak ang panandang ay at ang.
{1-5.1} Panaguri
Maaaring buuin ang panaguri ng mga pariralang pandiwa; ngunit pati ng iba pang parirala. May pangungusap na walang pandiwa.Ngayon halos di-alinlangan.
{1-5.1} Paniyak
Maaaring binubuo ang paniyak ng pariralang makangalan; ngunit pati ng iba pang parirala. "Pagiging ngalan" ng paniyak.
{1-5.2} Pariralang pantuwid at pandako
Ipinapasok namin ang katawagang 'pantuwid' at 'pandako'. Wala kaming paggamit ng katawagang 'layon'. Ginagamit ang katawagang 'layon' ('object') at pati pariralang pang-ukol sa pariralang ng at sa.
{1-5.2 (2)} Kaukulan sa wikang Filipino
Hindi ginagamit ang katawagang kaukulan. Ginagamit ang nakaugaliang katawagang 'nominative, genitive, dative, accusative, locative' at 'ergative'.
{1-5.3} Pariralang panlapag at pang-umpog
Bukod sa pantuwid at pandako ay nagpapasok kami ng pariralang pangkayariang ito. Halos magkatulad na kaparaanan sa ilang may-akda, walang katawagang ganito sa ibang may-akda.
{1-6} Mga pariralang pangkayarian at mga pariralang pangnilalaman
Nagpapasok kami ng katawagang ito, kahawig sa salitang pangkayarian at pangnilalaman. "Kadiwaang ibayo" ng parirala.Walang paggamit ng katawagang ito.

Pagkaunawa namin Pagkaunawa ng ibang may-akda

{1-6.1} Pananda
Nagbabago kami ng katawagang 'pananda'. Pananda ang mga salita sa harap ng pariralang pangkayarian gaya ng ang, ay, ng, sa. Kalimitang ipinapalagay na kasama ng pangngalan ang ang; pang-ukol ang ng at sa.
{1-6.2 (2)} Panuring
Pinapalawak ng panuring ang pariralang pangnilalaman. May pagpapalawak ng panaguri at paniyak (paksa).
{1-7} Uring-salita at bahagi ng panalita
May dalawang pag-uuri: 'uring-salitang' pampalaugnayan at 'bahagi ng panalita'. Halos magkatulad na kaparaanan kay Bloomfield: 'parts of speech' at 'less important groupings'.
{1-8 (4)} Palaugnayan at palaanyuan
Mahigpit na ihinihiwalay namin ang palaugnayan at palaanyuan. Malakas ang pagkakaugnay ng mga ito sa katawagang 'morphosyntax'.
{2-2.3} Pagpapalitan at pagkakapareho ng panaguri at paniyak
Mahalaga sa amin ang pagpapalitan ng tungkulin ng panaguri at paniyak; at mahalagang bunga nito ang pagkakapareho ng dalawang pariralang ito.Walang (o di-mahalagang) pansin sa pagpalit at pagkakapareho.
{2-3} Katiyakan at fokus
Ibinubukod namin ang katawagang 'katiyakan' at 'fokus'. Magkakasama ang katiyakan, fokus at paksa.
{2-3.3} ANG na makaabay
Nagpapasok kami ng katawagang ito upang maunawaan ang magkaibang gawi ng ang. Walang problema ito kung walang papel bilang pananda sa paniyak ang ang.
{2-4.3} Kabisaang buo ng pandiwa
Binibigyan namin ang iisang pandiwa sa sugnay ng kabisaang buo. Maaari sa sugnay ang ibang pandiwang walang kabisaang buo (pandiwari atbp.).  
{6-1 (1)} Banghay ng mga pandiwa
Sa amin, banghay sa panahunan ang katuturan ng Filipinong pandiwa. Dahil dito, walang pandiwang walang banghay at walang pandiwang pantulong. Ibang katutunan ng pandiwa, may pandiwang walang banghay at pandiwang pantulong (halimbawa: ay).

Pagkaunawa namin Pagkaunawa ng ibang may-akda

{6-2} Kaganapan ng pandiwa
Maaaring magpalitan ang katungkulan ng mga kaganapan ng pandiwa (paniyak, pantuwid at pandako) kung palitan ang panlapi. Nagpapasok kami ng pag-uuring pampalaugnayan para sa pandiwa. Ginagamit ang mga katawagang 'transitive' atbp.
{6-3.1 (2)} Fokus ng pandiwa at katungkulan ng kaganapan
Sa tabi ng fokus para sa paniyak, nagpapasok kami ng magkatulad na katawagang 'katungkulan' para sa pantuwid at pandako.  
{6-4.1 Θ} Tungkulin ng panlaping makadiwa
Mahina lamang ang pagkakaugnay ng pagpili ng panlapi at yaring pampalaugnayan (lalo na sa pandiwang payak). Sa pananaw na pang-morphosyntax, inuugnay sa tanging yaring pampalaugnayan ang magkaibang panlapi.
{6-4.2.2 Θ} Pangngaldiwa
Kasapi ng paradigmang pambanghay ng pandiwang tahasan ang pangngaldiwa.
{6-6.2.4 (2)} "Pautos"
Walang tanging anyong "pautos" ang wikang Filipino; ginagamit ang anyong pawatas sa pangungusap na pang-utos. 
{6-6.2.5 Θ} Panahunan o pananaw
Sa aming palagay, hindi maliwanag kung may banghay sa panahunan o pananaw ('aspect') ang wikang Filipino. Minamabuti namin ang katawagang panahunan. Karaniwang ginagamit ang katawagang aspekto.
{6-6.3} Paggamit ng ugat-salitan sa halip na anyong pamanahon
Pagpapaikli ng anyong banghay ang paggamit ng ugat-salita. Mayroon pang katinigan, kahit hindi na makikita. Ipinahayag na anyong walang banghay at walang katinigan ang paggamit ng ugat-salita.
{6-6.4} Pandiwari
Ipinapalagay naming pandiwang walang kabisaang buo ang pandiwari.  

Pagkaunawa namin Pagkaunawa ng ibang may-akda

{6-6.5.2} Pangngaldiwang pang-ulit
Ibinubukod namin ang pangngaldiwang pang-ulit sa katatapos.Hindi ginagamit ang katawagang ito.
{8-3.2} Kailanan ng pangngalan
Walang kailanan ang anyong batayan ng pangngalan. Isahan ang anyong batayan ng pangngalan.
{8-4.7} Kaugnayang paari na may pang-halip
Iniiwasan namin ang katawagang 'pang-halip na paari'; panghalip na SA o NG ang mga ito. 
{8-6.2} Pantukoy
Pinapalagay na pantukoy (kasama ng pangngalan) ang si, mga at sina.Karaniwan ding pinapalagay na pantukoy ang ang, minsan pati ang ng at sa. Kalimitang inilalarawang magkatulad ang ang at si.
{9-6.1} Pang-abay na pangmarahil (salitang modal)
Pang-abay ang mga salitang pangmarahil, sapagkat walang katangian ng pandiwa ang mga ito. Kahawig ng wikang pang-Europa, ipinapalagay na pandiwa (na modal o pantulong) ang salitang ito.
{9-6.1.1} Panggitahil
Ipinapasok namin ang katawagang 'panggitahil' para sa yaring may pang-abay na pangmarahil.
{10-3} Pang-ukol na nasa
Ipinapalagay naming pang-ukol (salitang pangnilalaman) ang nasa. Malapit sa sa ang nasa.
{10-4} Pangkaroon
Ipinapalagay naming pang-ukol ang pangkaroon. Ipinapalagay itong tanging klase, pandiwang pantulong (may) o pang-uri (walạ).
{11-4} Mga hutaga at mga yari nito
Ibinibukod namin ang yaring payak na hutaga at tanging yaring tinatawag na panggitaga.Karaniwang di-lubhang mahalaga ang yaring hutaga.
{11-6} Panggitaga
Napakahalaga ang tanging yaring hutagang ito.

Wikang Filipino ni Armin Möller
http://www.germanlipa.de/filipino/ug_ugnay_2.html
13 Oktubre 2010 / 211223

Palaugnayan ng Wikang Filipino
Wakas ng 1 Mga Patakaran (Talaksan 1/2)

Simula ng talaksan   Palaugnayan   Ugnika