Werkstatt-Korpus / Pagtitipong Paggawaan
Diksiyonaryo

1 Einleitung / Pambungad
3 Texte / Mga Kasulatan
4 Kanonische - nichtkanonische Reihenfolge / Ayos na Karaniwan - Kabalikan


1 Einleitung / Pambungad

Javier, E.Q.: Diksiyonaryong Filipino sa Bagong Milenyum
Quelle / Pinagmulan → {16A-2 Javier}.

Dieser Text wurde für die Studie {W Stat P-T} erneut im März 2011 analysiert (mit leicht abweichenden Zahlen). Die Basisdaten können im Quelltext dieser Datei eingesehen werden.


3 Texte - Mga Kasulatan

{3.1}
Halos apat na siglo nang sinisikap sinupin ang bokabularyo ng ating wika. Maituturing nating unang pagtatangka ang talahulugan sa dulo ng Arte y reglas de la lengua tagala (1610) ni Fray Francisco Blancas de San Jose at ang kauna-unahang makapal na tomo ng Vocabulario de la lengua tagala (1613) ni Fray Pedro San Buenaventura. Sa siglo 20, maituturing namang matipunong pagsisikap ang Diksiyunaryo Tesauro Pilipino-Ingles (1972) ni Dr. Jose Villa Panganiban at ang Vicassan's Pilipino-English Dictionary (1978) ni Vito C. Santos. Seit nahezu vierhundert Jahren hat man sich ernsthaft damit befasst, das Vokabular unserer Sprache festzuhalten. Wir erwähnen als ersten Versuch die Liste am Schluss von Arte y reglas de la lengua tagala (1610) von Frater Francisco Blancas de San Jose und den allerersten umfangreichen Band des Vocabulario de la lengua tagala (1613) von Fray Pedro San Buenaventura. Im 20. Jahrhundert sind zu erwähnen als ernsthafte Versuche der Diksiyunaryo Tesauro Pilipino-Ingles (1972) von Dr. Jose Villa Panganiban und der Vicassan's Pilipino-English Dictionary (1978) von Vito C. Santos.

{3.2}
Sa loob ng apat na siglo at sa pagitan ng nabanggit na mga bokabularyo, itinuturing ding makabuluhang ambag sa leksikograpiya ang Vocabulario de la lengua tagala (1754) ng mga Heswitang Juan de Noceda at Pedro Sanlucar, ang kambal na Diccionario Tagalog-Hispano (1914) ni Pedro Serrano Laktaw, at ang Diksiyunaryo ng Wikang Filipino (1989) ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas. Innerhalb dieser vier Jahrhunderte und neben den oben genannten Vokabularien sind weiter als bedeutender Beitrag für die Lexografie zu erwähnen der Vocabulario de la lengua tagala (1754) der Jesuiten Juan de Noceda und Pedro Sanlucar, das Paar Diccionario Tagalog-Hispano (1914) von Pedro Serrano Laktaw, und der Diksiyunaryo ng Wikang Filipino (1989) des "Entwicklungszentrum der Sprachen der Philippinen".

{3.3}
Mga misyonero ang unang gumanap sa maselang gawaing ito. Samantala, maaaring mahinuha na ang binanggit na mga bokabularyo nitong ika-20 siglo, maliban sa saliksik ni Serrano Laktaw, ay pawang naiiralan o ibinunsod ng tungkuling ginampanan nina Panganiban at Santos sa Surian ng Wikang Pambansa (na naging Linangan ng mga Wika sa Pilipinas). Mapapansin din na bukod sa Diksiyunaryo ng Wikang Filipino, pawang bilingguwal ang mga naturang proyekto. Ang katangiang ito ang umiiral na tunguhin sa nagkalat na mga mumurahing talahuluganan sa mga tindahan at aklatan ngayon. Sa kabilang dako, magandang banggitin na masigla ang pag-aaral sa mga wikang katutubo ng Filipinas nitong siglo 20. Palatandaan nito ang mga nalathalang diksiyonaryo sa mga wika ng pangkating etniko bukod sa malalaking wikang panrehiyon. Kalakip nito ang paglilimbag sa mga espesyal na talahuluganan, gaya ng listahan ng mga hayop, halaman, at isda sa buong bansa gayundin ang mga saliksik pangkultura hinggil sa panitikan, mitolohiya, sining, hanapbuhay, at pamumuhay ng mga pangkating etniko mulang Batanes hanggang Tawi-Tawi....

{3.4}
Ang mga proyektong nabanggit, mula sa panahon ng mga misyonero hanggang sa pinakahuling aklat ni Dr. Jose Maceda hinggil sa mga katutubong instrumentong pangmusika, ang batayang dahilan sa pagbuong UP Diksiyonaryong Filipino. Opisyal na sinimulan ang proyektong ito ng Sentro ng Wikang Filipino, Sistemang UP noong 1995 sa pamumuno ni Virgilio S. Almario. Kasama niya ang isang pangkat ng labing-apat na mananaliksik, tatlong editor, at walong konsultant sa wika at produksiyon, bukod sa mga ekspertong sinangguni sa mga partikular na wika, disiplina, at terminolohiya. Karangalan ko bilang nanunungkularig pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas sa panahon ng pagbuo sa proyekto ang pagpapahintulot at pagtataguyod nito. Sa aking palagay, ito ang kauna-unahang komprehensibong diksiyonaryong mono-lingguwal sa Filipino. Lunggati nitong sinupin ang lakas ng mga nakaraang diksiyonaryo at idagdag ang mga lumilitaw na saliksik pangwika at pangkultura hanggang sa kasalukuyan....

{3.5}
"Filipino" ang diksiyonaryong ito sa antas na pambansa. Naging pangunahing tungkulin ng saliksik ang paglikom ng mga lahok na salita mula sa mga katutubong kultura at wika ng Filipinas. Hindi rin nagtatapos ang gawain sa paglilista lamang ng mga terminolohiyang pangkultura at singkahulugan mula sa mga wika ng bansa. May pagtatangka mismo ang diksiyonaryo na gamitin bilang modelo ang ilang salita mula sa ibang katutubong wika upang itapat sa ilang konseptong banyaga at teknikal. Halimbawa nito ang kaiga-igayang paggamit sa "ilahas" ng Hiligaynon bilang katapat ng wild sa biyolohiya, sa "rabaw" ng Iloko katapat ng surface sa heometriya, at sa "lawas" ng Sebwano katapat ng teknikal na body sa Ingles....

{3.6}
"Filipino" din ang diksiyonaryong ito sa pakahulugang makabago. Malayang nakabudbod sa piling ng mga katutubong salita ang mga lahok mula sa mga banyagang wika, lalo nasa Ingles at Espanyol. Marami sa mga lahok na Ingles ang dulot ng pangangailangang siyentipiko at akademiko. Bahagi rin ng panukalang tuntunin sa diksiyonaryo ang pagpapanatili ng orihinal na baybay ng naturang mga terminong teknikal, kalakip ang pagtanaw na maaaring magbago ang kalagayang ito pagkaraang gamitin at maging popular ang mga bagong hiram na salita . Sa kabila ng naturang mga katangiang "Filipino", patuloy na inaaruga sa diksiyonaiyong ito ang korpus ng mga salita mulang Tagalog. Dalawa ang ginamit na batayang sanggunian tungo sa nabanggit na layunin. Una, ang Vocabulario nina Noceda at Sanlucar upang maipreserba ang tinawag na Sinaunang Tagalog (ST) na malimit tanggalin at kalimutan ng mga leksikograpo at guro ng wika ngayon. Ikalawa, ang Tesauro ni Panganiban upang masukat ang naging development ng Tagalog hanggang siglo 20. Kaya kapiling ng mga sinaunang "paraluman" at "toloke" ang mga bagong likhang "pandiwa" at "balikbayan," hiram sa ibang katutubong wikang "lungsod" at "katarungan", at hiram sa mga banyagang wikang "bulakbol", "pulis", "futbol", "verboten" at "sashimi"....

{3.7}
Ngunit tandaan na unang edisyon lamang ito ng ating diksiyonaryong Filipino. Marami pa itong limitasyon, karaniwang dulot ng imperpeksiyon ng mga ginamit na sanggunian. Halimbawa, may mga wikang katutubo na manipis pa ang nalalathalang bokabularyo. Nais ng proyektong maituro ang wastong bigkas. Ngunit wala ito sa maraming ginamit na bokabularyo at saliksik. Nais din ng proyekto na ilagay ang pangalang siyentipiko ng mga hayop, halaman, at isda. Sa kasamaang-palad, hindi gayon kakomprehensibo ang mga sanggunian. Kahit ang paglalarawan sa maraming lahok na flora at fauna ay kulang sa detalye. Gayunman, mapupunan ang naturang pagkukulang. Hindi rin dapat ipanlumo ang pangyayaring may mga salita na nakaligtas sa paglikom ng mga mananaliksik. Nagbabago at kailangang maging dinamiko ang ating wika. Natitiyak kong habang nililimbag ang unang edisyong ito ng UP Diksiyonaryong Filipino ay may isinisilang na bagong bulaklak ang ating dila. Kaya nais kong ihabilin na gawing isang permanenteng proyekto ang diksiyonaryong ito. Kailangan ang isang pangkat ng mga mananaliksik at dalubhasa sa wika na patuloy na magmamanman sa galaw at kislot ng ating wika at magsasagawa sa mga pagbabago tungo sa susunod na edisyon o mga edisyon ng proyektong ito. Sa pamamagitan ng UP Diksiyonaryong Filipino, haharap sa bagong milenyum ang wikang pambansa nang may matatag at modernisadong sandigan. ...


4 Kanonische - nichtkanonische Reihenfolge / Ayos na Karaniwan - Kabalikan

Luma at kasalukuyang daglat
LumaBago
P-PP-PPariralang panaguri
P-SP-TPariralang paniyak
P-AP-KPariralang pandako
P-VP-DPariralang pandiwa
P-NP-NPariralang makangalan
P-JP-UPariralang pang-uri
P-EP-ODPariralang pangkaroon
P-A/EP-ODPariralang pangkaroon
CS-Sugnay
/PSPTPagkakasunud-sunod na karaniwan: Panaguri - Paniyak
/PSPPTPPagkakasunud-sunod na karaniwan: Panaguri - Paniyak - Panaguri
/YPSYPTPagkakasunud-sunod na karaniwan: Panaguring may ay - Paniyak
/YPSPYPTPPagkakasunud-sunod na karaniwan: Panaguring may ay - Paniyak - Panaguri
/SYPTYPPagkakasunud-sunod na kabalikan: Paniyak - Panaguring may ay
/ICGGPanggitaga (Panaguri - (Paniyak) - Panaguri)
/P0P0Sugnay na walang paniyak
/YP0YP0Sugnay na walang paniyak (may ay ang panaguri)
VA VaDTPandiwang tahasan
VP VpDBPandiwang balintiyak

  {3.1} - {3.6}
P-PP-SRFVerb  
P-VP-N/PSVPHalos apat na siglo nang sinisikap sinupin ang bokabularyo ng ating wika.
P-VP-N/PSVPMaituturing nating unang pagtatangka ang talahulugan sa ...
P-VP-N/PSVPSa siglo 20, maituturing namang matipunong pagsisikap ang Diksiyunaryo ...
P-VP-N/PSVPSa pagitan ng ..., itinuturing ding makabuluhang ambag sa leksikograpiya ang Vocabulario ...
P-NP-V/PSVAMga misyonero ang unang gumanap sa maselang gawaing ito.
P-VC/PSVPSamantala, maaaring mahinuha na ...
P-VP-N/SYPVP... na ang binanggit na mga bokabularyo ... ay pawang naiiralan ...
P-VP-N/PSVPMapapansin din na bukod sa ..., pawang bilingguwal ang mga naturang proyekto.
P-N
/MN
P-V/PSVaAng katangiang ito ang umiiral na tunguhin sa nagkalat na mga mumurahing talahuluganan ...
P-JP-N/G/PS-magandang banggitin na masigla ang pag-aaral sa mga wikang katutubo ng Filipinas ...
P-NP-N/PS-Palatandaan nito ang mga nalathalang diksiyonaryo ...
P-JP-N/G/PS-Kalakip nito ang paglilimbag sa mga espesyal na talahuluganan ...
P-N
MN
P-N/PS-Ang mga proyektong nabanggit, ..., ang batayang dahilan sa pagbuong Diksiyonaryo.
P-VP-N/PSVPOpisyal na sinimulan ang proyektong ito ng Sentro ng ...
P-NP-N/PS-Kasama niya ang isang pangkat ng ...
P-NP-N/G/PS-Karangalan ko bilang ... ang pagpapahintulot at pagtataguyod nito.
P-NP-N/PS-..., ito ang kauna-unahang komprehensibong diksiyonaryo ...
P-VP-N/PSVP...sinupin ang lakas ng mga nakaraang diksiyonaryo
P-VP-N/PSVPat idagdag ang mga lumilitaw na saliksik ...
P-JP-N/PS-"Filipino" ang diksiyonaryong ito ....
P-VP-N/PSVaNaging pangunahing tungkulin ng saliksik ang paglikom ...
P-VP-N/PSVaHindi rin nagtatapos ang gawain sa paglilista ...
P-EP-N/PS-May pagtatangka mismo ang diksiyonaryo na ...
P-VP-N/PSVP.. gamitin bilang modelo ang ilang salita mula sa ...
P-NP-N/PS-Halimbawa nito ang kaiga-igayang paggamit sa ...
P-JP-N/PS-"Filipino" din ang diksiyonaryong ito sa ...
P-JP-N/PS-Malayang naka-budbod sa piling ng mga katutubong salita ang mga lahok mula sa ...
P-JP-N/PS-Marami sa mga lahok na Ingles ang dulot ng ...
P-NP-N/G/PS-Bahagi rin ng ... ang pagpapanatili ng orihinal ...
P-JP-N/G/PS-kalakip ang pagtanaw na ...

...P-PP-S ReihenfolgeVA - VP
P-VP-JP-...P-NCP-.. /PS/YPS/SYP/IC/P0 AaPp
1137102712 290100 13110


  {3.6} - {3.7}
P-PP-SRFVerb  
P-VP-N/PSVamaaaring magbago ang kalagayang ito pagkaraang ...
P-VP-N/PSVP
Va
... gamitin at maging popular ang mga bagong hiram na salita.
P-VP-N/PSVP... inaaruga sa diksiyonaiyong ito ang korpus ng mga salita mulang Tagalog.
P-JP-N/PS-Dalawa ang ginamit na batayang sanggunian tungo sa nabanggit na layunin.
P-VP-N/PSVP... upang mai-preserba ang tinawag na Sinaunang Tagalog (ST) ...
P-VP-N/PSVP... upang masukat ang naging development ng Tagalog hanggang siglo 20.
P-JP-N/PS-Kaya kapiling ng ... ang mga bagong likhang .
P-NP-N/PS-... unang edisyon lamang ito ng ...
P-JP-N/PS-Marami pa itong limitasyon.
P-EC/PS-... may mga wikang katutubo na manipis pa ang nalalathalang bokabularyo.
P-VP-N/PSVPNais ng proyektong maituro ang wastong bigkas.
P-JP-N/PS-Ngunit wala ito sa ...
P-VP-N/PSVPNais din ng proyekto na ilagay ang pangalang siyentipiko ...
P-JP-N/PS-hindi gayon kakomprehensibo ang mga sanggunian.
P-JP-N/SYP-Kahit ang paglalarawan sa ... ay kulang sa detalye.
P-VP-N/PSVPGayunman, mapupunan ang naturang pagkukulang.
P-VP-N/PSVPHindi rin dapat ipanlumo ang pangyayaring may ...
P-VP-N/PSVaNagbabago ... ang ating wika.
P-EP-N/SYP-ang unang edisyong ito ng ... ay may ...
P-VP-N/PSVPisinisilang na bagong bulaklak ang ating dila.
P-NP-N/PS-... isang permanenteng proyekto ang diksiyonaryong ito.
P-JP-N/PS-Kailangan ang isang pangkat ng ...
P-VP-N/PSVA haharap sa bagong milenyum ang wikang pambansa.

JavierP-PP-S ReihenfolgeVA - VP
P-VP-JP-...P-NCP-.. /PS/YPS/SYP/IC/P0 AaPp
1137102712 290100 13110
212742210 210200 1390
Gesamt
2004
2514144922 500300 26200
48 %26 %26 %92 %4 %4 % 94%0 %6 %0 %0 % 7 %21 %72 %0 %

PrädikatPS(P)PS(P) angYPS(P) SYPSYP angSumme

P-V2700 1028
P-N720 009
P-J1200 1013
P-A/E101 002
P-A000 000
Zw.-Summe4721 2052
ICS--- -1
Gesamt
2011
53

Auswertung (2011)


Die filipinische Sprache von Armin Möller   http://www.germanlipa.de/text/javier.html
07. Oktober 2004 / 05. März 2011 / 31. Dezember 2020

Ende / Wakas   Diksiyonaryo

↑↑   Werkstatt / Gawaan   Ugnika