Ang pagkakabago ng pandiwa ('modality') ang pagbago o pagdaragdag ng kahulugang pangsemantika ng pandiwa sa pamamagitan ng panlapi. Sa pamamagitan ng pagkakabago ay binubuo ang bagong pandiwa (hindi bagong mga anyo lamang) na may sariling paradigmang pambanghay. Sumusunod ang pagkakabagong mahahalaga:
Tahasan | Balintiyak | |
Kilos na walang pagkakabago | ||
mang- mag- -um- | -an -in i- ipag- ipagpa- ipang- pang--an | |
Lagay na walang pagkakabago | ||
ma- mang- -um- ma--an | ||
Kakayahan {7A-301} | ||
maka- makapạg- makapang- | ma- ma--an mai- mapạg- mapạg--an maipag- maipang- | |
Pagkakataon, hindi sinasadya | ||
maka- | ma- mapa- ma--an mapag- mapag--an | |
Pakikiusap | maki- | [paki- paki--an paki--in ipaki-] |
Paghimok | magpa- | pa--an pa--in ipa- pag--in |
Kakayahan ng paghimok | ||
makapạgpa- | mapa- mapa--an maipa- | |
Pagsali | maki- makipạg- makipạg--an mag--an | |
Pagparoon | magsa- | isa- |
Dahilan | . | ika- ka--an |
Pagbibigay diin | magkang- | . |
Pagsisikap | mag-um- magpaka- | . |
Pag-aari | magka- | . |
(1) May nakalitaw na banghay ang pandiwang Filipino. Lahat ng pandiwang tahasan at balintiyak ay may paradigmang pambanghay na may apat na anyo {6A-421}. Tatlong anyo ang tinatawag na anyong pamanahong pangnagdaan (susi {../N}), kasalukuyan (susi {../K}) at panghinaharap (susi {../H}). Hindi dito pinapasiyahan kung pamanahon o pananaw (aspekto) ang tamang katawagan ng banghay {6-6.2.5 Θ}. Ikaapat sa mga anyo ang anyong batayang pawatas (susi {../W}). Maaaring ipalagay na ikaapat na panahunan ng "kahit kailan, palagi" ang pawatas at dahil dito isinasama sa paradigmang pambanghay.
(2) Walang tanging anyong pampalaanyuan ng 'pautos'. Ginagamit ang pawatas sa pangungusap na pang-utos. Hindi binubuo sa paraang pampalaanyuan ang tungkulin ng pasakali ngunit tinutupad ito ng paggamit ng pang-abay (sakali, sana). Maaari ring gamitin ang panghinaharap (pananaw na mapagdili-dili) upang ipahayag ito. Dahil dito hindi makatwiran na gumamit ng mga katawagan gaya ng 'panagano, paturol' at 'pasakali'.
(3) Dapat dagdagan ng pangngalang makadiwa (pangngaldiwa) ang paradigmang pambanghay ng mga pandiwang tahasan. Hindi anyong pamanahon ang pangngaldiwa; ngunit lubhang panayan ang pagbuo nito; at dahil dito, ito'y bahagi ng paradigmang pambanghay {6-4.2.2 Θ}. Isa pang anyo ang katatapos. Maaaring buuin ang isa lamang katatapos sa isang angkang-salita; dahil dito hindi ito bahagi ng paradigma. Maaaring ayusin ang mga 'anyong makadiwa' sa talahanayan:
Paradigma ng pambanghay | Anyong pamanahon [Pandiwari] | Pawatas |
Pangnagdaan | ||
Kasalukuyan | ||
Panghinaharap | ||
Pangngaldiwa | ||
Katatapos |
(4) Walang banghay hinggil sa panauhan at kailanan ang pandiwa sa wikang Filipino. Hinggil sa banghay, magkakapareho ang tatlong anyong pamanahon at ang pawatas. Hindi magaling ang katawagang 'finite' at 'non-finite' sa pandiwang Filipino.
Tinutupad ang banghay ng pandiwa sa pamamagitan ng pagbabago ng panlapi at ng pag-ulit ng pantig. Magkapareho ang mga tuntunin para sa mga pandiwang tahasan at balintiyak.
Kung galing sa salitang hango hindi panlaping makadiwa ang panlapi ng unang pagbabatay (halimbawa: Hindi panlaping makadiwa ang ma- sa loob ng pandiwang magmakaawa |mag-makaawa|, ngunit panlapi sa "ugat" ito at maaaring paulitin; magmamakaawa ang anyong panghinaharap.)
Talahanayan ng mga anyong pambanghay → {6A-611}
Tungkol sa mga panlapi, nabibisa ang alituntuning sumusunod:
May bisa ang isa sa mga tuntunin lamang. Hindi maaaring tuparin ang higit sa isang tuntunin kung may kumpol-panlapi.
Tungkol sa pag-uulit ng pantig, nabibisa ang alituntuning sumusunod:
Tungkol sa diin ng pandiwa, nabibisa ang alituntuning sumusunod:
Ginagamit ang anyong pamanahon upang ipahayag ang panahunan at pananaw (aspekto) ng pandiwa. Sinuri namin ang isang kabanata ng kathambuhay at ang isang kuwentong maikli {6A-621}. Ginagamit ang mga kinalabasan sa sumusunod na mga pangkat. Nasa pangkat na {6-6.2.5 Θ} ang kabuuran hinggil sa panahunan at pananaw.
Ginagamit namin ang mga katawagan ng panahunan; gayunman hindi gusto naming pagpasiyahan kung palaging panahunan o pananaw ang paggamit ng mga ito.
Inilalarawan ng anyong pangnagdaan ang pangyayaring ganap sa nakaraan [1] (panahunan: pangnagdaan, pananaw: pangganap). Bukod dito, ginagamit ang anyong pangnagdaan kung sa nakaraan ang pangyayari, ngunit hindi pa ganap [2-4] (panahunan: pangnagdaan, pananaw: di-pangganap). Malimit ang paggamit na ito kung karagdagang inihuhudyat ng pang-abay na pamanahon ang nakaraan [3 4b]. Inilalarawan sa [5] ang kilos na inulit-ulit sa nakaraan (binibigyang-diin na tapos na ngayon ang kilos).
|
Ginagamit ang anyong kasalukuyan kung ngayon ang pangyayari at hindi pa tinapos [1]. Nasa kasalukuyan din ang pangyayari na inulit-ulit sa nakaraan at uulit-ulitin sa kinabukasan [2]. Pati ginagamit ito kung sa nakaraan ang kilos na inulit-ulit [3 4]. Maaari ding gamitin ang anyong ito kung nasa loob ng kuwentong nasa nakaraan ang kilos at hindi pa ito tinapos noon [5 6]. Sa [7 8], anyong kasalukuyan ang natutulog; inihuhudyat naman ng pang-abay na na at pa ang pananaw.
|
Ginagamit ang anyong panghinaharap kung hindi pa nangyayari ang kilos [1 2] (panahunan: panghinaharap, pananaw: mapagdili-dili). Panghinaharap sa nakaraan ang ihahatid sa [3]. Ginagamit ang anyong panghinaharap sa [4-6] upang ipahayag ang di-tunay o di-lubhang tunay na kilos. Maaaring gamitin ang anyong panghinaharap sa halip ng pawatas [2].
|
(1) Maaaring gamitin ang pawatas sa halip ng anyong pamanahon kung hindi mahalaga ang pangyayaring pampanahon. Tumutupad ito ng tungkulin ng ikaapat na panahunang "kahit kailan, palagi" [1a 2a 3a].
|
(2) Malimit na ipinipilit ng tuntuning pambalarila ang paggamit ng pawatas {*}; halos walang piling pansemantika ang nagsasalita.
{*} {Θ} Sa gayon, pampalaugnayang naiiba ang pawatas sa iba pang anyong pamanahon. Pampalaanyuang walang pagkakaibang saligan dahil sa kakulangan ng banghay hinggil sa panauhan at kailanan ng lahat ng anyong pamanahon.
(3) May tanging paggamit ng pawatas kung nagpapahayag ng kakayahan, ugali, katangian atbp. ang pagsasama-sama ng pang-uri at pandiwa [9 13a]. Hindi naglalarawan ng kilos na tunay ang pandiwa. Karaniwang walang pang-angkop ang yaring ito. Kung babawian ng pang-uri ang pangungusap, wala na itong kahulugan [13a|b|c].
|
(1) Ibig naming talakayin ang katanungang pansemantika kung at kung kailan ginagamit ang anyong pambanghay upang ipahayag ang panahunan o pananaw {6A-6251 }. Ginagamit ang katawagang sumusunod:
Panahon {*} | Nakaraan - Kasalukuyan - Kinabukasan, panghinaharap |
Anyong pamanahon | Anyong pangnagdaan - Anyong kasalukuyan - Anyong panghinaharap - Pawatas |
Panahunan | Pangnagdaan - Kasalukuyan - Panghinaharap - Kahit kailan, palagi |
Pananaw | Pangganap - Di-pangganap - Pang-ulit {**} - Mapagdili-dili |
{*} Sa karaniwang buhay.
{**} Karaniwang ipinapalagay na tanging pananaw na di-pangganap ang pananaw na pang-ulit.
(2) Sa mga talahanayan ng mga pangkat na nauuna maaaring pansinin ang sumusunod na ugnayang saligan:
(3) Kahit na may pagkakaibang saligan ng panahunan sa pananaw ay walang pagkakaiba sa karamihan ng kalagayan. Halimbawa kung pangganap ang kilos sa pangnagdaan, kung di-pangganap ang kilos sa kasalukuyan at kung hindi pa simulain ang kilos sa panghinaharap [1-3]. Magkaiba lamang kung dapat ipahayag na hindi pa ganapin o hindi pa simulain ang kilos sa pangnagdaan [4 5]. Madalang ang pagkakataon na ginaganap o sinisimula ang kilos sa saglit na kasalukuyan [6 7]. Maaari ding dapat ipahayag ang pagtutuloy o pagganap ng kilos sa panghinaharap [8 9]. Mas malimit nasa pangungusap na tambalan ang kalagayang [4 5 8 9] kung saan maaaring isaad ng panahunang husto ang isang sugnay at ng pananaw ang pangalawa.
Panahunan | Pananaw | ||
Walang pagkakaiba ng panahunan sa pananaw | |||
[1] | Pangnagdaan | Pangganap | |
[2] | Kasalukuyan | Di-pangganap | |
[3] | Panghinaharap | Mapagdili-dili | |
May pagkakaiba ng panahunan sa pananaw | |||
[4] | Pangnagdaan | Di-pangganap | |
[5] | Pangnagdaan | Mapagdili-dili | |
[6] | Kasalukuyan | Pangganap (wakas) | |
[7] | Kasalukuyan | Mapagdili-dili (simula) | |
[8] | Panghinaharap | Di-pangganap | |
[9] | Panghinaharap | Pangganap |
(4) May apat na anyong pambanghay lamang ang pandiwa (kasama ang pawatas). Alinsunod sa [1-9] dapat ipahayag ang siyam na pagkakaugnay ng panahunan at pananaw at saka ang tanging pananaw na pang-ulit. Kung kaya dapat gamitin nang paulit-ulit ang mga anyo. Sa tulong ng pang-abay maaaring ibukod ang iba't ibang mga pagpapahayag. Maaaring palakasan ng pang-abay na pamanahon ang diin sa panahunan; pinapalakasan man ng pang-abay na na at pa ang pananaw (tinatawag itong pang-abay na pampananaw; kay { Kroeger 1991 p. 238} tinatawag na 'perfective aspectual particle' ang na). Ipinipilit ng pang-abay na pamanahon ang paggamit ng panahunang nababagay. May iba pang pagkamaaari sa tambalang pangungusap upang ipahayag nang bukod ang panahunan at pananaw.
May tanging anyong katatapos ang wikang Filipino; ipinapahayag nito ang pangnagdaang ganap (di-magkabagay ito sa pang-abay na pampananaw na na) {6-6.6}.
(5) Sa pangungusap na walang pandiwa ay hindi maaaring ipahayag ang panahunan at pananaw sa pamamagitan ng anyo ng pandiwa. Nagkakabisa rin ito kung ginagamit ang ugat-salita ng pandiwa sa halip ng anyong pambanghay. May kalagayan kung saan dapat gamitin ang pawatas dahil sa sanhing pampalaugnayan; doon rin hindi maaaring ipahayag ang panahunan at pananaw sa pandiwa.
Hindi tinatakdaan sa pandiwa ang pagpapahayag ng panahunan at pananaw (tingnan din ang pang-abay na pampananaw na na at pa {9-4.1.1}). Dahil dito minamabuti naming gamitin ang katawagang panahunan sa banghay ng pandiwa; gayunman maaaring ipahayag ang pananaw sa pamamagitan ng anyong pamanahon.
Maaaring gamitin ang ugat-salita sa halip ng anyong pamanahon kung hindi mahalaga ang pagpapatuloy na pampanahon (susi {DT//X} sa halip ng tahasan; at {DB//X} sa halip ng balintiyak) {6A-631 Θ}. Sa nakasulat na pananalita, nakatakda ito sa balintiyak na pandiwang -in [1 2]. Kalimitan sa pananalitang pang-araw-araw ay ginagamit ang mga pagpapaikli; pinapaiklian din ang pandiwang tahasan; lalo na sa pangungusap na pang-utos na may tayo [3]. Karaniwang hindi ginagamit ang ugat sa pandiwang mag- (kataliwasan [4b]). Maaari ding magamit na pandiwari ang ugat-salita [5].
|
Tingnan din sa {6-4.2.1 Θ (4)}.
Wikang Filipino ni
Armin Möller
http://www.germanlipa.de/filipino/ug_D_03.html 11 Oktubre 2010 / 211229 |