13 Mga Pangungusap at mga Sugnay
(Talaksan 13/2)

13-2 Pangungusap na payak (pagpapatuloy)

13-2.3 Θ Kayariang pampalaugnayan ng pangungusap na batayan

(1) May isang panaguri at isang paniyak ang pangungusap na batayan. Bahagi ng panaguri at paniyak ang iba pang parirala (lalo na pantuwid at pandako). Bukod dito maaaring may pariralang malaya ang pangungusap. Ito ang pagbuo ng pangungusap na batayan:

{P-P} {P-T} {P-../L}

Magaang unawain ang tungkulin at katangian ng pariralang malaya, dahil dito kinakaltas ito sa mga talakay na sumusunod. Kung gayon maaaring sabihin na may dalawang pangunahing salik ang pangungusap na Filipino – panaguri at paniyak:

 {P-P} {P-T}

(2) Dahil sa pagpapalitan at pagkakapareho ng panaguri at paniyak, halatang hindi lubhang magkaiba ang katangian ng dalawa. Sa kabilang dako, ibinubukod nang mahigpit ang panaguri sa paniyak. Mahigpit ang alituntunin kung kailan dapat gamitin ang ang at ay; mahalaga ang paghuhudyat sa pamamagitan ng dalawang pananda at dahil dito nakalitaw na napagbubukod ang dalawang pangunahing salik ng pangungusap. Ibig sabihin, hindi namin alam kung ano ang "diwa" ng panaguri at paniyak, ngunit kayang sabihin kung alin ang panaguri at kung alin ang paniyak. Pinagmumulan ang kahirapang ito dahil sa maaaring maging paniyak ang halos na lahat ng pariralang maaaring panaguri at sa kabaligtaran. Kung gayon hindi kayang tulungan ng kahit anong pag-uuri ng bahagi ng panalita upang ibukod ang panaguri sa paniyak.

(3) Upang unawain ang kayarian ng pangungusap, pagkakaiba ng panaguri sa paniyak ang dapat hanapin. Kung ngalan ang paniyak, mayroon itong katiyakan samantalang walang katiyakang likas ang panaguri.

Maaaring sundin ang kaparaanan na "kilala" ('known' kay { Lopez 1940 p. 117}) ang paniyak na may katiyakan. Ito'y iniuugnay sa panaguring "di-kilala" ('unknown'). Ayon dito may dalawang magkaibang salik ang pangungusap na Filipino. Mas "pangunahin" at mas "di-kilala" ang una (panaguri) samantalang di-lubhang "pangunahin" at mas "kilala" ang iba (paniyak).

(4) Mapapansin ang pagkakaibang tangi ng paggamit ng panandang ay at ang. Batay sa katayuan ng panaguri sa pangungusap lamang ang paggamit ng ay o wala. Iba ang kilos ng paniyak: Batay sa nilalaman nito lamang ang paggamit ng ang. Nagiging mahalaga ang pagkakaiba ng panaguri sa paniyak kung hindi nasa unahan ng pangungusap ang pariralang ito. May paniyak na hindi kailanman may ang (halimbawang panghalip) samantalang sa katayuang tangi ay may ay ang bawat panaguri. Dahil dito may panggitagang paniyak at hindi maaari ang panggitagang panaguri.

(5) Ginagamit ang katawagang kaganapan para sa pandiwa kung ito'y panaguri o paniyak. Maaaring palawakin ang paggamit ng katawagang ito sa yaring may ngalan o pang-uri bilang panaguri. Magkakapareho ang gawi ng pandiwa, ngalan, pang-uri at pariralang pang-ukol kung ito'y panaguri o paniyak. Kung ginagamit ang tandang {P-X} para sa pariralang pangnilalamang may kaganapan ay may dalawang anyo ng pangungusap sa ayos na karaniwan [1* 2*].

[1*]{P-P=P-X}
{P-X(X   Kaganapan 2   Kaganapan 3)}
  {P-T=[Kaganapan 1 na may katiyakan]}
 
[2*]{P-P=[Kaganapan 1 walang katiyakan]}  {P-T=P-X}
{P-X(X   Kaganapan 2   Kaganapan 3)}

Madaling unawain ang anyong [1*]: Pinipili ng "mas pangunahin, di-lubhang kilala" na {P-X} bilang panaguri ang isa sa kaganapan nito at inilalagay ang kaganapan sa tabi nito bilang paniyak na "kilala". May "lugar para sa isang kaganapan lang" sa puwesto ng paniyak. Dahil dito, dapat manatili ang ibang kaganapan sa pitak ng "di-lubhang kilala" na panaguring {P-X}.

Mas mahirap na unawain ang anyong [2*]: Hinahanap at nakikita ng isang "di-lubhang kilala" na kaganapan ‐ ito'y nagiging panaguri ‐ ang {P-X} nito at inilalagay iyon sa tabi nito. Malapit sa {P-X} ang ibang mga kaganapan nito.

Mayroon ding dalawa pang anyo sa ayos na kabalikan [3* 4*], kapareho ng [1* 2*] ang kaugnayan ng panaguri at paniyak.

[3*]{P-T=[Kaganapan 1 na may katiyakan]} ay {P-P=P-X}
{P-X(X   Kaganapan 2   Kaganapan 3)}
 
[4*]{P-T=P-X}
{P-X(X   Kaganapan 2   Kaganapan 3)}
ay {P-P=[Kaganapan 1 na walang katiyakan]}

(6) Sa patakarang nasa itaas, di-mahirap isama ang di-batayang pangungusap na walang paniyak [5*]. Hindi pumipili ang "mas pangunahin, di-lubhang kilala" na {P-X} ng kasamang inilalagay sa tabi niya. Nasa ilalim ng {P-X} ang mga kaganapan niya.

[5*]{P-P=P-X}
{P-X(X   Kaganapan 1   Kaganapan 2)}
  --- 

(7) Sa mga patakarang nasa itaas, madali unawain kung bakit minamabuti ng wikang Filipino ang karaniwang ayos ("mas pangunahing" panaguri muna, tapos paniyak). Maliwanag pati dito ang kawalan ng kaibahan ng pangungusap na may pandiwa at walang pandiwa. Hindi mahalaga para sa pagkakaunawa ng kayarian ng pangungusap kung may katuturan ng bahagi ng panalita.


13-2.3.1 Pangungusap na may pariralang pandiwa bilang panaguri o paniyak

(1) Pinakamadalas sa wikang Filipino ang mga pangungusap na may pandiwa bilang panaguri o paniyak. Sa karaniwang ayos at pag pandiwa ang panaguri, sa unahan ng pangungusap ay nagpapahiwatig ang pandiwa kung ano ang katungkulang pansemantika ng sumusunod na mga kaganapan. Karaniwan, saka ang iba pang bahagi ng pariralang pandiwa at sa hulihan ng pangungusap ang paniyak [1]. Nasa unahan din ng pangungusap ang pariralang pandiwa kung ito'y paniyak at kabalikan ang ayos [2]; ngunit madalang ang yaring ito.

 
[1][1*]Naging pangunahing tungkulin ng saliksik ang paglikom. {W Javier 3.5}
[2][4*]Ang tangi kong natatanaw sa nayon ay ilang punong niyog at ang kampanaryo ng lumang simbahang bato. {W Lunsod 3.1}
 {*} = Anyo ng pangungusap sa pangkat na {13-2.3 Θ (5)}.
Higit na maitim na limbag = Pandiwa. May salunggugit = Unang kaganapan ng pandiwa (salitang-ubod ng parirala nito).

(2) Hindi nasa unahan ng pangungusap ang pandiwa kung nasa ayos na kabalikan [3] o kung paniyak ang pandiwa sa ayos na karaniwan [4-6]. Sa pangungusap na ito, nasa unahan at may diing malakas ang pariralang makangalan (unang kaganapan ng pandiwa). Halimbawa ang [6] kung paano binubuo ang pangungusap na pananong.

 
[3][3*]Ang aming dampang bahay ay nagsimulang gibain. {W Pagbabalik 3.2}
[4][2*]'Yun nga ang ikinainis ng mga anak ni Nimfa. {W Suyuan 5.3}
[5][2*]Kaunti lang ang nakita ko.
[6][2*]Ngunit ano ang aking gagawin? {W Dayuhan 3.19}
 {*} = Anyo ng pangungusap sa pangkat na {13-2.3 Θ (5)}.
Higit na maitim na limbag = Pandiwa. May salunggugit = Unang kaganapan ng pandiwa (salitang-ubod ng parirala nito).

13-2.3.2 Pangungusap na may pariralang makangalan bilang panaguri at paniyak

(1) Sa kasulatang pantalakay, madalas ang pangungusap na may ngalan bilang panaguri at paniyak; ngalan ang "kilala" at ang "di-kilala". Lalo na sa kasulatang makaagham, karaniwang nagpapaliwanag ang "kilala" na may katiyakan kung ano ang "di-kilala". Kung ganito kabagay ang ayos na kabalikan [1], ngunit hindi palaging kailangan [2].

(2) Pag pariralang makangalan ang panaguri at pati ang paniyak, walang anyong bago ang pangungusap pagkatapos ng pagpapalitan ng panaguri at paniyak; ngunit binabago ang semantika [3|4].

 
[1][3*]Ang una ay ang relatibong kahirapan na tukuyin kung … {W Nolasco 2006 1.2}
[2][1*]Isang permanenteng proyekto ang diksiyonaryong ito. {W Javier 3.7}
[3][1*]Pilipino ang mamang may maitim na buhok.
[4][1*]Mamang may maitim na buhok ang Pilipino.
 {*} = Anyo ng pangungusap sa pangkat na {13-2.3 Θ (5)}.
Higit na maitim na limbag = Panaguri (o salitang-ubod nito). May salunggugit = Paniyak (o salitang-ubod nito).

13-2.3.3 Pangungusap na may pang-uri bilang panaguri o paniyak

Maaaring ipalagay na kaganapan ang pariralang makangalang kaugnay sa pang-uri; karaniwang unang kaganapan ang may-ari ng katangian ng pang-uri [1-4]. Maaaring idugtong ang isa pang kaganapan upang ilarawan nang mas maliwanag ang katangian [2-4].

 
[1][1*]Basta masaya lang tayo! {W Daluyong 15.43}
[2][1*]At dahil sawa na siya sa pagiging isang itim na ibon. {W Aesop 3.2.1}
[3][1*]Ayoko na rin namang patuloy na makita ang aking ina na puno ng lungkot ang mga mata. {W Material Girl 3.12}
[4][2*]Ikaw na ang bahala sa mga iyan. {W Samadhi 4.4}
 {*} = Anyo ng pangungusap sa pangkat na {13-2.3 Θ (5)}.
Higit na maitim na limbag = Unang kaganapan ng pang-uri. May salunggugit = Pangalawang kaganapan ng pang-uri.

13-2.3.4 Pangungusap na may pariralang pang-ukol bilang panaguri o paniyak

Sa pangungusap na may pariralang pang-ukol bilang panaguri o paniyak, may isa lamang kasama (o walang kasama) na maaaring ipinapalagay na kaganapan ng pariralang pang-ukol. Sa pariralang pangkaroon, ito ang pansemantikang may-ari [1 2], sa pariralang nasa ang "tagaganap na di-kumikilos". Madalang binubuo ang pangungusap na may pang-ukol ng pulutong na tungkol bilang panaguri o paniyak [4].

 
[1][1*]Walang kasalanan ang kapatid ko. {W Tiya Margie 3.10}
[2][3*]Sa lungsod, ang bawat biyaya ng buhay ay may katumbas na salapi. {W Anak ng Lupa 3.4}
[3][1*]Nasa harapan na siya ng tirahan ni Toryo. {W Anak ng Lupa 3.5} (Panuring sa harapan ang pantuwid na ng tirahan ni Toryo.)
[4][1*]Galing sa probinsiya ang sulat. {W Pagbabalik 3.10}
 {*} = Anyo ng pangungusap sa pangkat na {13-2.3 Θ (5)}.
Higit na maitim na limbag = Pang-ukol. May salunggugit = Kaganapan (salitang-ubod ng parirala nito).

13-3 Θ Mga parirala at mga pananda

(1) Karaniwan, may pananda sa unahan ng pariralang pangkayarian. Mabisa ito hindi lamang sa mga pariralang binubuo ang pangungusap, kundi pati sa mga pariralang pang-ibaba. Bunga nito, sinasalisi ang mga pananda at mga salitang pangnilalaman sa pangungusap. Itinuturo ito sa sumusunod na pangungusap [1a].

 
[1a]Wala pa ring imik ang doktor na nakaupo lamang sa tabi ng ataol, katabi ang kapatid niyang si Diana na napatigil sa pag-aayos ng mga nagdatingang korona mula sa mga pinsan at dating katrabaho ng kanyang ina. {W Suyuan 5.2}
Higit na maitim na limbag = Pananda.

(2) May mga paglihis sa tularang ito kung saan walang pananda [1b].

 
[1b]Wala pa ring imik ang doktor na nakaupo lamang sa tabi ng ataol, katabi ang kapatid niyang si Diana na napatigil sa pag-aayos ng mga nagdatingang korona mula sa mga pinsan at dating katrabaho ng kanyang ina.

(3) Mas madalang ang mga kalagayan kung sumusunod nang kagyat ang iba pang pananda sa unang pananda (walang halimbawa sa [1]):

 
[2] Ang isang iyon ay sa isa kong kapatid. {W Dayuhan 3.9}
[3][a] Malinaw noon ang tubig lalo na ang sa may bandang pasigan. {W Ulan 20.23}
 [b] Lalo na ang tubig sa may bandang pasigan.

Wikang Filipino ni Armin Möller
http://www.germanlipa.de/filipino/ug_usap_2.html
14 Enero 2011 / 211230

Palaugnayan ng Wikang Filipino
Wakas ng 13 Mga Pangungusap (Talaksan 13/2)

Simula ng talaksan   Palaugnayan
Pahinang pamagat na Filipino   Ugnika