(1) Ipinapalagay na pandiwang balintiyak na payak ang mga pandiwang may nag-iisang panlaping -in, -an at i-. Maaaring ibukod sa dalawang uri ang pandiwang ito; pandiwang may fokus na tagatiis {DB../ft} at pandiwang may fokus na K {DB../fK}.
Panlapi | DB10/ft | DB10/fK | DB11/ft | DB20/fK | |
-in | +++ | (+) | . | (+) | {7-2.2} |
-an | ++ | +++ | . | ++ | {7-2.3} |
i- | ++ | (+) | +++ | + | {7-2.4} |
Gaya ng payak na pandiwang tahasan, walang malinaw na kaugnayan ng palaugnayan at palaanyuan ang pandiwang balintiyak na payak. Maaaring makita ang ilang mahinang kaugnayan, pero mas malaki ang pagkakaiba sa loob ng mga uri.
(2) Sa pananaw na pansemantika, tahasan ang pandiwang antukịn, gabihịn, lagnatịn, malasin, tamarịn at pawisan; pampalaanyuang balintiyak ang mga ito.
(1) Maaaring paghambingin ang payak na pandiwang balintiyak at tahasan {*}.
{*} Hindi hinahango sa pandiwang tahasan ang pandiwang balintiyak at baligtad.
(2) Ang balintiyak na {DB10/ft|fg} ay may sumusunod na katangian: Nagiging paniyak ng pangungusap na balintiyak ang pantuwid ng pangungusap na tahasan at nagiging pantuwid ng pangungusap na balintiyak ang paniyak ng pangungusap na tahasang. Tinatawag na 'patient voice' ang balintiyak na ito. May fokus na tagatiis ang pandiwang ito {DB10/ft|fg}. Binubuo nito ang pandiwang in- [1 2], maaari ring makabuo ito ng pandiwang -an [3] at i- [4]. May yaring {DB00} kung walang pagbanggit ng tagaganap [5].
|
(3) Mayroon ding pantuwid sa tabi ng paniyak ang balintiyak na {DB10/fK|fg}. Paniyak sa pangungusap na tahasan ang pantuwid na ito. Kasalungat ng balintiyak {DB10/ft|fg}, pandako (katungkulan K) sa pangungusap na tahasan ang paniyak sa balintiyak na pangungusap. Halos palaging binubuo ng pandiwang -an ang balintiyak na {DB10/fK|fg} [6 7], minsan lamang ng -in [8]. May yaring {DB00} kung walang pagbanggit ng tagaganap [9]. Sa maraming kalagayan, tagatanggap o panlunan ang fokus ('locative voice').
|
(4) Ang balintiyak na {DB11} ay may katumbas na pangungusap na tahasang may pantuwid at pandako {DT11}. Nagpapalitan ng papel ang paniyak at pantuwid, samantalang nananatili ang pandako ('conveyance voice'). Pandiwang -i lamang ang bumubuo ng balintiayak na ito [10]. May fokus sa tagatiis ang pandiwang {DB11}. Maaaring kaltasin ang tagaganap, pandiwang {DB01} ang bunga nito [11].
|
(5) Lubos na naiiba ang balintiyak na {DB20}. Nagagamit na paniyak ang pandako ng katumbas na pangungusap na tahasan. Maging pantuwid ang paniyak ng pangungusap na tahasan; dahil dito may dalawang pantuwid ang pangungusap na balintiyak, pansemantikang tagaganap at tagatiis. Nangingibabaw, pandiwang -an ang bumubuo ng balintiyak na ito [12 13], mayroon ding ilang pandiwang i- [14]. Tagatanggap [12 14] o panlunan [13] ang fokus ng mga pandiwang {DB20}.
|
Panlapi | Pandiwa | DB10 | DB11 | DB20 |
Pandiwang -in na may fokus na tagatiis | ||||
-in (1) | gamitin gawịn hanapin hintayịn isipin mahalịn tanggapịn kausapin |kausap+in| | ft|fg | . | . |
alisịn banggitịn sabihin | ft|fg | ft|fg|fK | . | |
kilalanin {DB001/ft|P-L} | . | . | . | |
haluin ⬧ {DB21/ft|fg|fm|fn} | ft|fg | ft|fg|fn | . | |
Pandiwang -in na may fokus na K | ||||
dalawin pukulịn sundịn tanungịn tawagin | fK|fg | . | . | |
batiin | fp|fg | fp|fg|fs | ||
alukịn | . | . | fp|fg|ft |
Karaniwang inilalagay ng panlaping -in sa fokus ang tagatiis; pantuwid ang tagaganap [1] {DB10/ft|fg}. Pandako ang maaaring idagdag, {DB11} ang bunga nito [2]. Maliwanag ang kayarian ng kaganapan. Kataliwasan lamang ang pandiwang -in na may fokus na K [3].
|
Kapansin-pansin ang ugat na tawag na may isa pang pandiwang tawagan sa tabi ng tawagin; magkatulad ang kayarian ng kaganapan ng dalawa. Ginagamit ang tawagin kung natatanaw o malapit ang tinatawag; ngunit ang tawagan kung hindi (noong tawag sa bathala, ngayon sa telepono) [4a|b].
|
Panlapi | Pandiwa | DB00 | DB10 | DB11 | DB20 | |
-an (1) | kilabutan | ft | . | . | . | |
asahan balikạn daanạn iwan pakinggạn lapitan puntahạn tawagan tingnạn tulungan | . | fK|fg | . | . | ||
hayaan | . | fp|fg, ft(S-L)|fg | ||||
saktạn | . | fp|fg | fp|fg|fs | . | ||
bayaran | . | fK|fg | . | fK|fg|ft | ||
bawasan bigyạn bilhạn dalhạn lagyạn | . | . | . | fK|fg|ft | ||
Pandiwang {DB/ft|fg} na walang pandiwang -in sa angkang-salita | ||||||
-an | buksạn {*} dagdagạn | . | ft|fg | . | . | |
bayaran | . | ft|fg | . | ft|fg|fm | ||
palitạnKäse | . | ft|fg | . | fl1|fg|fl2 | ||
bansagạn | . | {DB101/ft|fg|P-L} | ||||
{*} Sa pananalitang pang-araw-araw gumagamit din ng pandiwang -in gaya ng bukasin. |
Karaniwang may fokus na tagatanggap o panlunan ang pandiwang -an at may tagaganap bilang pantuwid [1-2]. May pangalawang pantuwid (tagatiis) ang pandiwang {DB20} [2]. Bukod dito may pandiwang -an na may fokus na tagatiis; walang pandiwang -in sa angkang-salita ang karamihan nito (maaaring may pang-uring -in) [3]. Madalang ang mga pandiwang -an na may karagdagang pantuwid ng kagamitan [4]. Natatangi ang kayarian ng kaganapan ng pandiwang saktạn, mayroon itong pandakong may katungkulang sanhi sa tabi ng pantuwid ng tagaganap [5].
|
Panlapi | Pandiwa | DB00 | DB10 | DB11 | DB20 |
Pandiwang i- na may fokus na tagatiis | |||||
i- (1) | itulọy | ft | ft|fg | . | . |
ilabạs isulat | . | ft|fg | . | . | |
iabọt ibalịk ituro | . | ft|fg | ft|fg|fK | . | |
ibigạy ihatịd ilagạy ipasok itanọng | . | . | ft|fg|fK | . | |
Pandiwang i- na {DB10/ft|fg} na walang pandiwang iin sa angkang-salita | |||||
i- | ihandạ ipangako |i+pangako| isama itapon | . | ft|fg | . | . |
Di-tumbak na pandiwang i {7-2.4.1} | |||||
isarạ i-edit ⬧ i-save ⬧ | . | ft|fg | . | . | |
Pandiwang i- na may fokus na K | |||||
i- | idaạn | . | . | fp|fg|fn | . |
ihambịng ipalịt | . | . | fl|fg|fl | . | |
ibilị ihanap | . | . | . | fp|fg|ft |
(1) Nauuri sa dalawang pulutong ang pandiwang i-. May fokus na tagatiis ang malaking pulutong, at pantuwid ang tagaganap. May idinagdag na pandako ang karamihan (panlunan o tagatanggap, madalang ibang katungkulan K); pandiwang {DB11/ft|fg|fK} ang mga ito [1]. Ang pandiwang i- ang kaisa-isang pandiwang payak na maaaring bumuo ng balintiyak na ito ('conveyance voice').
(2) May pantuwid lamang at walang pandako ang maliit na bahagi ng unang pulutong; {DB10/ft|fg} ang kayarian ng kaganapan nito. Pampalaugnayan, ito ay katulad ng karamihan sa pandiwang -in. Sa ilang angkang-salita, walang pandiwang -in [2]. Mayroon ding angkang-salitang may pandiwang -in at pati i- [3a|b]. Sa ilang kalagayan may leksikal na dahilan kung walang pagkakaibang pansemantika o kung mayroon. Mayroon ding di-tumpak na pandiwang i- na {DB10/ft|fg} {7-2.4.1}.
|
(2) Mas maliit ang pangalawang pulutong ng pandiwang i-. Mayroon itong fokus na K [4-6]. May pandiwang may fokus na tagatanggap, panlunan, sanhi, kagamitan at pagpalit; palaging pantuwid ang tagaganap. May iba pang pantuwid para sa tagatiis ang isang pulutong ng pandiwang ito [4] {DB20/fK|fg|ft}. Maliit ang pulutong ng pandiwang may fokus na pagpalit; mayroon itong pandakong makapalit sa tabi ng pantuwid para sa tagaganap [5] {DB11/fl|fg|fl}. Mayroon ding pandiwa na may pantuwid ng tagaganap lamang [6] {DB10/fK|fg}.
|
(1) Di-tumpak na pandiwang balintiyak ang maaaring buuin sa pamamagitan ng unlaping i- (gaya ng pandiwang tahasang mag- {7A-141}). May pampalatunugang sanhi ng pagbuo nito sa halip na pampalaugnayan.
(2) Hindi magkakatugma sa wikang Filipino ang karamihan ng salitang hiram na galing sa wikang Inggles dahil sa palatunugan. Habang inaangkat, nawawalan ito ng katangiang bahagi ng panalita. Upang magamit itong pandiwa, dapat idagdag ang isa sa mga panlaping makadiwang Filipino. Maaaring gamitin ang hulaping -in o -an kung may dalawa o higit sa dalawang pantig sa katutubong wika (halimbawa: kinikidnapped, lipstickan). Sa ilang kalagayan, ginagamit ang unlaping ni- sa halip na gitlaping -in- (halimbawa: ni-released).
(3) Kalimitang minamabuti ang pagbuo ng mga pandiwang i-; lalo na kung may isang pantig lamang ang ugat ng salitang banyaga. Kasalungat ng hulaping -an at -in, madali ang pagbuo ng anyong pambanghay ng pandiwang may unlaping i-. Walang hulapi at walang paglilipat ng diin. Sa pangnagdaan o kasalukuyan ay kalimitang ginagamit ang unlaping ni- sa halip na gitlaping -in- (halimbawa ini-save).
(1) Sa nauunang mga pangkat inilalahad kung anong pandiwang payak ang binubuo ng wika. Sa sumusunod, ibig ihambing ang iba't ibang uri ng pandiwang payak at ihambing din ang kayarian ng kaganapan nito.
Para sa paghahalintulad ng pandiwang tahasan, maaaring itayo ang tularang sumusunod.
Panlagay | Tagaganap lamang | Pandako | Pantuwid | Pantuwid at pandako | |
DT../fy | DT00/fg | DT01 | DT10 | DT11 | |
ma- | +++ | + | (+) | (+) | . |
mang- | ++ | +++ | + | + | (+) |
-um- | + | ++ | ++ | ++ | + |
mag- | (+) | ++ | ++ | ++ | + |
Magandang unawain ang pagbabahagi na malawak ng pandiwang mag- dahil nagkakataon ang pagbuo ng pandiwang di-tumpak {7-1.4 (1)}. Kung binabawasan ang pandiwang ito ay nagbabago ng tularan:
Panlagay | Tagaganap lamang | Pandako | Pantuwid | Pantuwid at pandako | |
DT../fy | DT00/fg | DT01 | DT10 | DT11 | |
ma- | +++ | + | (+) | (+) | . |
mang- | ++ | +++ | + | + | (+) |
-um- | + | ++ | ++ | ++ | + |
mag- (tumpak) | (+) | ++ | + | +++ | + |
(2) Sumusunod ang mga saklaw ng pagsanib.
| Unang pagsanib ang pandiwang panlagay na ma-, mang- at -um- {DT/fy}. Kung ginagamit ang unlaping ma- upang bumuo ng pang-uri dapat buuin ang pandiwa sa pamamagitan ng unlaping mang- o -um- {7-1.1 (3)}. Hindi maliwanag kung kailan ginagamit ang mang- at kung kailan ang -um-. | |||||||||||||||||||||||||||||||
| Isa pang pagsanib ang mga kilos na katamtaman {DT00/fg}. Maaaring gamitin ang mang- o -um- (madalang mag-); hindi halata kung paano ang pagpapasiya. | ||||||||||||||||||||||||||||||
| Hindi maliwanag kung bakit may tumpak na pandiwang mag- na may {DT01}. May angkang-salitang may pandiwang mag- na {DT01} sa tabi ng pandiwang -um- na may magkatulad na palaugnayan na {DT01}. | |||||||||||||||||||||||||
| Pandiwang -um- na may {DT10} ang binubuo ng maraming angkang-salita. Maaaring halinhan ng pandiwang -um- ang pandiwang mag- o may dalawang pandiwang {DT10}. |
(3) Maaaring gawain ang sumusunod na tularan ng pandiwang balintiyak.
Fokus na tagatiis | Fokus na K | |||
DB10/ft | DB11/ft | DB10/fK | DB20/fA | |
-in | +++ | . | (+) | (+) |
-an | ++ | . | +++ | ++ |
i- tumpak | ++ | +++ | (+) | + |
(4) May isang pagsanib na mahalaga lamang: Yaring may kayarian ng kaganapan na {DB10/ft}.
| Maaaring buuin ang dalawang pandiwang payak na may kayariang ito sa isang angkang-salita. Maaaring may kaibahang pansemantika o wala. |
(5) Mas masalimuot ang mga pagkakaugnay ng pandiwang tahasan at pandiwang balintiyak na katumbas. Maaaring subuking itayo ang paghahalintulad na pampalaanyuan. Doon inihahambing ang panlaping tahasan sa panlaping balintiyak.
T a h a s a n |
Balintiyak | |||
-in | -an | -i | ||
ma- | + | |||
mang- | +++ | + | ||
-um- | +++ | ++ | + | |
mag- | ++ | ++ | ++ |
(6) Walang kinalabasang maliwanag ang paghahalintulad na ito. Kung kaya nagpupunyagi kami ng iba pang paraan, isang paghahalintulad na pampalaugnayan-pampalanyuan. Inihahambing ang kayarian ng kaganapan ng pandiwang tahasan sa panlapi ng pandiwang balintiyak na katumbas. Ibig sabihin: Sa paraang ito, tinitiyak ng pariralang may ng at sa sa pangungusap na tahasan ang paggamit ng panlapi ng pandiwang balintiyak.
T a h a s a n |
Balintiyak | |||
-in | -an | -i | ||
DT/fy | ||||
DT00/fg = |
||||
DT01
= |
+ | +++ | + | |
DT10
= {P-W} |
+++ | ++ | ++ | |
DT11 = {P-W} {P-K} | + | ++ | +++ |
Halatang may pagkakaugnay na litaw ang paraang ito. Kung may pantuwid lamang ang pandiwang tahasan (tagatiis) ay karaniwang binubuo ang pandiwang balintiyak sa tulong ng panlaping -in. Kung may pandako lamang ang pandiwang tahasan ay minamabuti ang pandiwang balintiyak na -an. Kung may pantuwid at pandako karaniwang binubuo ang pandiwang i-.
Wikang Filipino ni
Armin Möller http://www.germanlipa.de/filipino/ug_D_10.html 100929 / 220712 |