Tinatawag naming 'yaring makaangkop' ang kalahatan ng yaring may pang-angkop na maaaring ipalagay bilang pariralang tumuturing sa ibang parirala (panlapag) o bilang sugnay na makaangkop {13A-441 Θ}. Binibigyan namin ng tanging pansin ang pandiwang nakakabit {6-7.2}.
Sa pangungusap na tambalang may pandiwang nakakabit ay pandiwang pang-itaas ang panaguri ng sugnay na pang-itaas at ay pandiwang pang-ibaba ang panaguri ng sugnay na makaangkop. Sa gayon, pampalaugnayang inihihiwalay ang dalawang pandiwa; nasa bawat sugnay ang mga "kanya-kanyang" kaganapan ng pandiwa. Pansemantika lamang ang pagkakaugnay ng dalawang pandiwa. Palaging maaaring buuin ang yaring ito, ngunit minsan "masyadong mabigat" kaysa pangungusap na payak. Dahil dito, karaniwang ginagamit ang pangungusap na tambalan kung may kahirapan ang pagbuo ng pangungusap na payak:
|
Kung kabagay sa pandiwang pang-ibaba ang kayarian ng kaganapan ng pandiwang pang-itaas ay maaaring bumuo ng pangungusap na payak [1-3]. Pinagsasama ang kaganapan ng dalawang pandiwa sa iisang kayarian ng kaganapan. Kung walang kaganapan ang pandiwang pang-ibaba (o mayroon itong kaganapang magkasama lamang [3]) ay palaging payak ang pangungusap. Kaganapan ng pandiwang pang-itaas ang pariralang panlapag ng pandiwang pang-ibaba. Kung payak ang pangungusap ay maaari din itong ipalagay na tambalan [4].
|
Sa {9-6..} tinatalakay ang pang-abay na pangmarahil. Inilalarawan ang pandiwang nakakabit sa {6-7.2} at sa mga pangkat na itaas. Dito gusto naming ihambing ang katangian ng dalawang uri at ng yari nito.
Pang-abay na pangmarahil | Pandiwang nakakabit | |
Kayarian | ||
Pang-abay na pangmarahil + Pandiwa. | Pandiwang pang-itaas + Pandiwang pang-ibaba. | |
Panuring sa pandiwa ang pang-abay na pangmarahil. | Sa pangungusap na tambalan, bumubuo ng sugnay na makaangkop ang pandiwang
pang-ibaba. Sa pangungusap na payak, kaganapan ng pandiwang pang-itaas ang pandiwang pang-ibaba. | |
Kaganapan | ||
Walang kaganapan ang pang-abay na pangmarahil. | May kaganapan ang dalawang pandiwa. | |
Maaaring baguhin ng pang-abay na pangmarahil ang kayarian ng kaganapan. | Maaari ang pangungusap na payak kung maaaring pagsama-samahin nang hindi magkasalungat ang dalawang kayarian ng kaganapan. | |
Sa pangungusap na tambalan, maaaring talikuran ang pag-uulit ng kaganapan sa sugnay na pang-ibaba. | ||
Tinitiyak ng alituntunin tungkol sa panggitaga at pangitahil ang pagkakasunud-sunod ng kaganapan. | Sa pangungusap na payak, tinitiyak ng kailangan na "walang pagkakasalungatan" ang pagkakasunud-sunod ng kaganapan. | |
Pangungusap | ||
Pangungusap na payak. | Palaging maaari ang pangungusap na tambalan; malimit na pinagsasama-sama sa pangungusap na payak. | |
May isa lamang paniyak (o walang paniyak) ang pangungusap na may pang-abay na pangmarahil. | Maaaring may dalawang paniyak ang pangungusap na tambalan. | |
Bahagi ng panalita | ||
Dinidiinan ang katawagang pang-abay na pangmarahil na hindi ito pandiwa. | May paglalapi, katinigan, panahunan at kaganapan ang dalawang pandiwa. |
Maaaring bumuo ng pangungusap na tambalan kung saan may isa lamang magkasamang paniyak ang dalawang sugnay nito [1]. Nasa ayos na karaniwan ng panaguri at paniyak ang sugnay na nauuna; dahil dito nasa hulihan nito ang paniyak. Ito din ang paniyak ng sumusunod na sugnay. Ang huli ay nasa ayos na kabalikan, nasa unahan ang paniyak na hindi pa inuulit. Tinatawag naming 'sugnay na may magkasamang paniyak' ang pangalawang sugnay ng yaring ito (susi {S-T}, ['tiyak']). Sinasabi naming batayan ang unang sugnay na pang-itaas at pinaikli ang pangalawa. Maaaring may pangatnig ang unang sugnay [2]. Ipinapalagay ding sugnay na magkasamang paniyak ang yaring [3].
Sugnay 1 | Panaguri | Paniyak | |
Sugnay 2 | ay | Panaguri |
|
Kinakaltas ang isa sa mga parirala sa sugnay na pinaikli. Hindi dapat ulitin ang pariralang ito kung nasa ibang sugnay na. Kung paniyak ang kinaltas na parirala ay di-batayan ang pinaikling sugnay.
Dapat pang pansemantikang malinaw ang pangungusap kung isang parirala ang kinakaltas. Napakalitaw ito kung paniyak ng sugnay na pang-ibaba ang kinakaltas na parirala na kapareho sa paniyak ng sugnay na pang-itaas {13-4.6.1}. Inilalahad ang iba pang yari sa pangkat na {13-4.6.2} at {13-4.6.3}.
Sa karamihan sa mga sugnay na pinaikli, kinakaltas ang paniyak. Hindi ito dapat ulitin kung ito'y magkatulad ng paniyak ng iniuunang sugnay na pang-itaas. Di-batayang sugnay na walang paniyak ang sugnay na pinaikli.
|
Maaaring isaad ng paniyak na kinakaltas sa sugnay na pinaikli ang pariralang hindi paniyak sa ibang sugnay. Di-batayang sugnay na walang paniyak ang sugnay na pinaikli. Kung sumusunod nang kagyat sa salitang kaugnay ang sugnay na pang-ibaba, hindi mahalaga ang tungkulin ng salitang kaugnay sa sugnay na pang-itaas [1-3].
|
(1) May kalagayan kung saan kinakaltas ang isang parirala kahit hindi ito paniyak ng sugnay [1]. Pinaikli, ngunit batayan ang sugnay na ito. Hindi kasapi ng pangkat na ito ang pangungusap na payak [2] {9A-611 Θ (2)}.
(2) Binubuo ng pangatnig na bago ang sugnay na pinaikli kung saan kinakaltas ang panaguri [3].
|
Maaaring madaling baguhin ang pagbuo ng pangungusap na Filipino. Sa pananalitang kanluranin (karaniwang tinatawag na "pormal" o "opisyal" na pananalita) ginagamit ang kadaliang ito upang iangkop ang palaugnayang Filipino sa mga wikang pang-Europa. Noon wikang Espanyol ang tularan, ngayon ang wikang Inggles. Ito ang katangiang pangunahin ng pananalitang kanluranin (mga halimbawa sa {13A-511}):
Matagal na ang kaugalian ng pananalitang kanluranin sa Pilipinas. Mayroon nang ilang salik ang aklat na nangunang inilimbag sa Pilipinas { DC 1593}. Halos palagiang ginagamit ni { Lopez 1941} ang ayos na kabalikan ng panaguri at paniyak sa mga pangungusap na halimbawa. Malimit ginagamit sa aklat-pampaaralan ang pananalitang kanluranin upang turuan ang mag-aaral na ito ang "tunay" at "tamang" Filipino na dapat gamitin kung "pormal" ang kalagayan (marahil, upang iangkop ang Filipinong balarila sa balarilang Inggles). Bukod sa ilang akda na pampantasan, halos hindi ginagamit ang pananalitang kanluranin sa pananalitang nakasulat sa labas ng paaralan at pamahalaan, pati hindi sa pananalitang pang-araw-araw. Malimit na may ipinahayag na kailangan daw ng pananalitang kanluranin para ilahad ang kasulatang makabago. Halimbawang kasalungat ang sanaysay na pampantasan ni E. Q. Javier {W Javier}. Tinupad ni { Ching 1991} ang pagsalin ng 'Le petit prince' ni A. de Saint-Exupéry na walang anumang salik ng pananalitang kanluranin.
Taglish ang tawag sa pananalita kung saan malimit na ginagamit ang salita, parirala at sugnay mula sa wikang Inggles. Sinuri namin ito sa sanaysay na {W Taglish} (sa wikang Aleman). Kinalabasan nito na halos walang pagkakabisa ng Taglish sa palaugnayang Filipino. Bumubuo ng sugnay na tangi ang bahaging Inggles o inisasama nang magkabagay sa palaugnayang Filipino (halimbawa: yellow na bulaklạk).
Halos hindi magkabagay ang Taglish at ang pananalitang kanluranin.
Wikang Filipino ni
Armin Möller http://www.germanlipa.de/filipino/ug_usap_4.html 16 Enero 2011 / 211231 |