9 Mga Pang-uri at mga Pang-abay
(•• 9, •• Pang-uri)
9-1 Pambungad
(1) Karaniwang isinasaad ng pang-uri ang ngalan at ng pang-abay ang pandiwa {*}. Maaaring magamit na pang-abay ang karamihan sa pang-uri. Salitang
pangnilalaman ang lahat ng pang-uri at isang malaking karamihan sa pang-abay.
{*} Sumusunod kami
sa nakaugaliang pag-uuri sa pang-uri at pang-abay. Marahil mas nababagay sa wikang Filipino na
ibinubukod ang uri ng pang-uri at pang-abay na pangnilalaman sa uri ng pang-abay na
kataga.
(2) Di-maliwanag ang katuturan ng
pang-uri (susi {U}). Gayunman may katangiang magkakasama ang ilang pulutong ng pang-uri,
kahit hindi lahat ng pang-uri. Pansemantikang maaaring ibukod sa ibang bahagi ng panalita
ang pang-uri dahil sa kaantasan. Malaking pulutong ang pang-uring may unlaping ma-
na may tanging anyong pangmaramihan (maliit na paradigma).
Ang pariralang pang-uri ang pariralang pangnilalamang may pang-uri bilang salitang-ubod.
Kalimitan, pang-uri lamang ang pariralang pang-uri. Pariralang pangnilalaman ng panaguri o
paniyak ang pariralang pang-uri. Pati nagagamit itong panuring sa loob ng pariralang
makangalan (panlapag). Ilang pang-uri ang tumutupad lamang ng isa sa dalawang tungkulin.
Pang-uri ang karamihan sa pamilang.
(3) Kahirapang saligan ang pagbubukod ng pang-uri sa pangngalan.
Pansemantikang naglalarawan ng katangian ang pang-uri. Maaaring maging pangngalan ang
pang-uri bilang tawag sa isang pulutong ng tao o bagay na may katangiang ito. Sa pagtanggi,
ginagamit ang hindị kung pang-uri, samantala karaniwan ang
walạ kung pangngalan.
Magkatulad ang palaugnayan ng pang-uring makaturing at anyong pandiwang makauri
(pandiwari), maaaring ibukod ang dalawa dahil sa palaanyuan.
(4) Di-magkauring bahagi ng panalita ang pang-abay sa wikang
Filipino. Sa tabi ng salitang pangnilalaman, may kataga (hutaga at untaga). Pati maaaring
magamit na pang-abay ang halos lahat ng pang-uri.
Alinsunod sa katawagang 'pang-abay',
"umaabay" ito sa ibang parirala. Ibig sabihin, panuring sa ibang parirala ang pang-abay.
Maaari ding malaya sa pangungusap ang pariralang pang-abay. Hinggil sa tungkuling
pansemantika, nauuri ang pang-abay sa pang-abay na pampanahon,
pansanhi at pamaraan {**}.
Mayroon ding pang-abay na pananong {12-2.3}.
{**} Walang
pang-abay na panlunan ang nakita namin. Pang-uring nagagamit na pang-abay ang salita gaya ng
pataạs. Hindi pang-abay ang salitang
dito, diyạn at
doọn; anyong SA ng panghalip na pamatlig.
Panghalip na panaklaw ang saanmạn
(sa).
(5) Maaaring iugnay sa pariralang makangalan bilang panuring ang
halos lahat ng pang-uri. Walang katangiang ganito ang pang-abay. Dito maaaring ibukod ang
pang-uri sa pang-abay. Kasalungat ng pang-uri, madalang lamang ang paggamit ng pang-abay
bilang panaguri.
9-2 Mga pang-uri
9-2.1 Pang-uring walang panlapi
(1) Pangngalan ang karamihan sa salitang-ugat sa wikang Filipino. Bukod dito, may ilang
salitang-ugat na pang-uri [1]. Magkapareho sa salitang-ugat na makangalan ang isa pang
pangkat ng pang-uri [2] {9A-211} o hinango ang
pang-uri sa pamamagitan ng pagpalit ng diin [3 4]. Sa ganitong mga kalagayan, may diin ang
huling pantig ng pang-uri samantalang nasa pantig mula sa huli ang diin ng pangngalan.
Mayroon ding pang-uring may pag-uulit ng ugat-salita [5].
9-2.2 Pang-uring may panlapi
Maraming panlapi ang wikang Filipino upang bumuo ng pang-uri. Ginagamit din ang
karamihan sa panlaping ito upang bumuo ng pangngalan, pang-abay at pandiwa.
9-2.2.1 Pang-uring ma-
(1) Ginagamit ang unlaping ma- upang bumuo ng pandiwa at pang-uri
{7A-111}. May anyong pangmaramihan ang lahat
ng pang-uri na ma-, binubuo ito sa pamamagitan ng pag-uulit ng pantig [1b 2b]
(susi {U/M}). Kahit maliit, paradigma ito.
Di-dinidiinan ang pantig na inuulit ng pang-uring pangmaramihan. Karaniwan itong nagagamit
na panuring [1b]; maaari pati ang panaguri [2b]. Mayroon ding anyong ganito ang pang-uring
ma--in [3]. Sa pagbuo ng pasukdol sa pamamagitan ng napaka- ay
kinakaltas ang unlaping ma- [4], ngunit hindi sa pasukdol na may
pinaka- [5].
|
[1] | [a] Mga bulaklak na maganda. [b] Bulaklak
na magaganda. |
[2] | [a] Maganda ang mga bulaklak. [b] Magaganda ang
bulaklak. |
Iba pang mga halimbawa → {9A-2211} |
[3] | Masusunurin ang mag-aaral ko. |
[4] | Ang pangarap at hinaharap ng napakaraming anak ng mga magsasaka.
{W Almario 2007 3.8} |
[5] | Siya ang may pinakamalawak na sakop na bukirin sa aming
lugar. {W Pagbabalik 3.12} |
|
(2) May ilang angkang-salitang
may pang-uri walang panlapi at sa tabi nito may pang-uring ma- (halimbawa:
itịm - maitịm,
payapa - mapayapa).
9-2.2.2 Pang-uring pa-
Sa pamamagitan ng unlaping pa-, pang-uri ang hinahango [1a].
Maaaring magamit na pang-abay ang pang-uring pa- [1b].
May pang-uring pa- na may diin sa huling pantig kahit idinidiin sa
ikalawang pantig mula sa huli ang ugat-salita [2]. May tumpak na pang-abay na pa-
na hindi ginagamit na pang-uri [3].
9-2.3 Pang-uring hango sa panghalip na pamatlig
Pang-uri ang hinahango sa panghalip na pamatlig; mayroon din itong tatlong layo [1 2]
(susi {U/HP/1} hanggang
{U/HP/3}). Maaari itong magamit na panuring [5 6] o
pang-abay [7]. Hindi pang-uri ang anyong [3 4], subalit anyong makadiwa
{7A-113}. Nagagamit itong panaguri.
|
[5] | Hindi kahihiyan ang ganyang pagniniig at pagyayakapan?
{W Nanyang 22.22} |
[6] | Isang ganito at isang
ganiyan. (Kinaltas ang pangngalan.) |
[7] | Huwag ka ngang magsalita nang ganyan.
{W Laruang Krus 3.3} |
|
9-2.4 Pang-uring panaklaw
Maaaring mapasama ang pang-abay na man (pati mas madalang kahit) sa
pang-uri na pananong {8-4.3.1}. Kinalabasan nito
ang pang-uring panaklaw (susi {US}) [1].
Sa yaring gaya ng [2 3], makaturing na nagagamit ang panghalip na pananong
{12-2.2 (3)}.
9-2.5 Iba pang mga pang-uri
Maaaring bumuo ng pang-uri sa pamamagitan ng pag-uulit ng ugat (halimbawa:
sunụd-sunọd). Kung ginagamit
ang ugat-salita bilang pang-uri, pinapalakas ang kahulugan kung may pag-uulit ng
ugat (halimbawa: ibạ -
ibạ-ibạ, ibạng-ibạ und ibạ't
ibạ).
Dalawang pangngalan o pang-uri ang maaaring itambal upang bumuo ng bagong pang-uri.
Hinggil sa paggamit ng pang-angkop ay mabisa ang tuntunin ng pangngalang tambalan
{8-2.2}. Halimbawa:
kapụs-palad {U.N}.
Maaaring gamitin gaya ng pang-uri ang anyong ANG ng panghalip na pamatlig
bilang panuring {8-7.3}.
9-2.6 Pang-uring nagagamit na pangngalan
Maaaring magamit na pangngalan ang pang-uri. Kung ganito ngalang pangkalahatan ang
inilalarawan nito; kumakatawan sa katangiang palasak ng
pulutong ang pang-uri. Sa wikang Filipino, walang tanging anyong pampalaanyuan ang
pang-uring makangalan, dahil dito mahirap ang pagbubukod ng pang-uring tumpak at pang-uring
makangalan. Tinatawag naming paggamit na makangalan ang mga kalagayan kung saan karaniwang
hindi maaari ang yaring may pang-uri. Halimbawa ang paggamit ng pantukoy na pangmaramihang
mga [1 2].
|
[1] | [a b] Para sa mga mabubuti ang langit sa kaitaasan at para sa
masasama ang impiyerno sa ilalim ng lupa.
{W Ambrosio 2006 1.2} |
[2] | Pamamahagi sa mga mahihirap ng kayamanang kanyang natagpuan sa
dulo ng bahaghari. {W Samadhi 4.6} |
|
9-2.7 Kaantasan ng pang-uri
Upang tuparin ang kaantasan ng pang-uri
ay ginagamit ang iba't ibang kasangkapang pampalaugnayan at pampalaanyuan. Dapat
ipalagay na tungkuling pansemantika ang mga anyo ng kaantasan na walang pamamaraan at
walang paradigma. Dahil dito, yaring walang pang-uri ang maaari ding ibilang na bahagi ng
kaantasan. Sumusunod kami sa pag-uuri nina { Aganan 1999
p. 44 ff.}.
|
(1) Hambingang
magkatulad |
[1] | ka- | Kapangalan ko ang nanay niya. |
{U?N/ka-} |
[2] | sing- | Singtapang ni A. |
{U/sing-} |
[3] | kasing- | Kasingkupad ng suso. |
{U/kasing-} |
[4] | ga- | Gabahay. | {U//N/ga-} |
[5] | gangga- | Mga batong ganggaelepante. |
{U//N/gangga-} |
[6] | ga- ka- | Galangit kataas. |
{U//N/ga- U/ka-} |
[7] | gaga- | Gagabutil na buhangin. |
{U//N/gaga-} |
(2) Hambingang
palamang |
[8] | sa, kay
| Matulin siya kay Pedro.
(Ginagamit lamang ang anyong itong walang kaysa kung walang
pagkaunawang mali. Sa pangungusap na Mabait siya
kaysa sa akin. kailangan ang kaysa dahil iba ang kahulugan ng pangungusap
na Mabait siya sa akin.) | {P-K} |
[9] | kaysạ |
Mataas ang Mayon kaysa Taal. {10A-202} | {O/kaysa P-O} |
[10] | kaysạ sa, kay | Mabait siya
kaysa kay Pedro. | {O/kaysa P-O} |
[11] | mas … sa, kay |
Mas maganda siya kay Rosa. | {A/mas P-K} |
[12] | lalo …
kaysạ | Lalong mahaba ang gabi
kaysa araw kung Disyembre. | {A/lalo P-O} |
[13] | higịt … kaysạ |
Malungkot siya, higit na malungkot kaysa dati.
{W Material Girl 3.10} |
{A/higit P-O} |
[14] | labis … kaysạ |
Labis na magaling kaysa kay Bert si Ana. |
{A/labis P-O} |
(3) Hambingang
pasahol |
[15] | di-gaanọ
tulad |
Di-gaanong masarap ang santol tulad ng
mangga. | {A/di-gaano A/tulad} |
[16] | di-gasino tulad |
Di-gasinong kumain ako tulad ng kapatid ko. |
{A/di-gasino A/tulad} |
[17] | di-masyado |
Di-masyadong mahalaga. | {A/di-masyado} |
[18] | di-lubhạ |
Di-lubhang mahalaga. | {A/di-lubha} |
(4)
Katamtaman |
[19] | mẹdyo |
Medyo masama ang aking pakiramdam. |
{A/medyo} |
[20] | && | Mabuti-buti na ngayon ang
kanyang kalagayan. | {U/&&} |
(5)
Pasukdol |
[21] | {L} | Matapang na matapang si Bert. |
{U L U} |
[22] | napaka- | [a] Bakit, napakabigat ba ng problema mo sa iyong
mga magulang? {W Estranghera 3.4} | {U/napaka-} |
| | [b] "Napakahayop mo, Ed!" sumbat ni Ada.
{W Bulaklak 8.32} |
{N?/napaka-} |
[23] | lubhạ |
Lubhang nakatutuwa. | {A/lubha} |
[24] | pinaka- | Pinakamalakas si D. sa
lahat ng mga manggagawa. | {U/pinaka-} |
[25] | pagka-&&- | Pagkalakas-lakas. |
{N/pagka-&&} |
[26] | kay | Kay ganda ni Maria. |
{M?/kay} |
[27] | kay && | Kay bait-bait! |
{M?/kay} |
[28] | ang | Ang ganda ni Maria! (Ipinipalagay
naming pang-abay na untaga ang ANG na makaabay sa [28 29].
{9-4.2 (2)}) | {A/ang} |
[29] | ang && | Ang ganda-ganda! |
{A/ang N?/&&} |
[30] | ano | [a] Anong laki!
[b] Anong ganda ni Maria! | {U//HN} |
[31] | ka-&&-an | Kalaki-lakihan ng mga bata. |
{N?/ka-&&-an} |
[32] | Gaya ng pasukdol ang ipinapahayag nang
pansemantika ng iba pang salita at pariralang may
totoọ o
ubod. |
|
Nagpapakita ang talahanayan na bumubuo ng marami sa mga anyong makaantas sa pamamagitan
ng panlapi o pang-abay. Halos palaging humalili ang pang-abay na hiniram sa wikang
Espanyol na mas [11] sa pang-abay na katutubong lalo,
higịt at labis [12-14], ngunit nanatili ang palaugnayan nito.
Isapantig ang mas at wala itong pang-angkop {5A-221 (4)}.
9-2.8 Mga pamilang
|
(1) Pamilang na patakaran |
| [1] | --- | Tayong dalawa na lamang ang aani sa
ating pananim. {W Aesop 3.4.4} |
| [2] | | Mga dalawampu't pitong taon siya
nang sulatin niya ang una niyang nobela.
{W Daluyong 2.7} |
|
isạ (1),
dalawạ (2),
tatlọ (3),
apat (4),
limạ (5),
anim (6),
pitọ (7),
walọ (8),
siyạm (9),
sampụ (10), |
(2) Pamilang na panunuran |
| [3] | ika- | Pagkatawid nila sa ikalawang kalsada.
{W Nanyang 12.24} |
| [4] | | Ikatlo, ano ba ang layunin ng
edukasyon sa Filipinas? {W Almario 2007 3.7} |
| [5] | pang- | Ang panganganak niya sa kanyang
pangalawang anak ang pinagmulan.
{W Pag-ibig ni Rizal 3.7} |
(3) Pamilang na pamahagi |
| [6] | ka- | Mahigit kalahati ng mamimili ay mga
manggagawa sa perokaril. {W Nanyang 6.7} |
| [7] | ika- | Dalawang ikatlo ng
mamamayan. |
(4) Iba pang mga pamilang |
| [8] | maka- | Makaapat pumunta siya
doon. |
| [9] | tig- | Tig-isang kendi sa bawat bata.
(Patakda.) |
| [10] | {&..} | Tatatlong kendi sa bawat bata.
(Patakda.) |
| [11] | {&&..} | [a] Isa-isa. [b] Dala-dalawa. |
(5) Petsa at oras |
| [12] | ika- | Ikalabing-lima ng Enero. |
| [13] | a- | A-tres ng Mayo.
(Espanyol.) |
| [14] | ika- | Mga ikatlo darating ako. |
| [15] | alas | Alas otso y medya.
(Espanyol.) |
|
Pamparami ang mga salitang
ipinapahayag ang daming di-binibilang. May iba't ibang yari upang ipahayag ito [1-3].
|
[1] | [a] Buong bayan. [b] Kaunting asin. [c] Maraming
pera. [d] Ilang batang lalaki. |
[2] | Kulang ang pera. |
[3] | [a] Lahat ng pera. [b] Tapos na ang lahat ng
trabaho. |
|
9-3 Mga pariralang pang-uri
(1) Karaniwan, panuring, panaguri o paniyak ang pariralang pang-uri.
(2) May maliit na pulutong ng pang-uring tinatawag naming
pulutong na bawat. Hindi nagagamit na panaguri o paniyak ang pang-uring ito
(susi { P-P=P-U }); iniuuna ito. Ginagamit ang
pang-angkop na -ng [1], ngunit kinakaltas ang pang-angkop na na [2].
(3) Ginagamit lamang bilang panaguri (o paniyak) ang isa pang maliit
na pulutong, hindi man bilang panuring (susi
{ P-L=P-U }).
9-3.1 Pantuwid sa pariralang pang-uri
Itinuturing sa pantuwid ang ilang pang-uri [1-3]. Malimit na naglalarawan ang pang-uring
ito ng paghahambing [1].
|
[1] | Gusto kong malaya katulad ng mga ibon.
{W Estranghera 3.6} |
[2] | Puno ng pasakit ang bawat araw.
{W Damaso 4.3} |
[3] | Mahaba ng isang metro ang patpat. |
Higit na maitim ang limbag = Pang-uring itinuturing.
May salungguhit = Pantuwid na tumuturing. |
|
9-3.2 Pandako sa pariralang pang-uri
Ilang pang-uri ang itinuturing sa pandako [1-4]; panghalip ng panggitagang paniyak ang
maaaring isingit sa pagitan ng pang-uri at pandako [3 4a]. Maaaring magamit na pang-ukol ang
ilan sa mga pang-uring ito [4b].
|
[1] | Tayong lahat ay kabilang sa isang bansa kung saan …
{W Aquino 2010 3.21} |
[2] | Tulad ng dapat asahan, marami sa mga mag-aaral ang
nahihirapan. {W Plano 3.2} |
[3] | Isa ako sa mga naging ninong ni Angela.
{W Angela 3.16}
(Pampalaugnayang pang-uri na may
pandako ang yari; pansemantikang kawangis sa pariralang makangalan.) |
[4] | [a] Ayon siya sa aking balak. (Maaaring
bumuo ng panggitaga ang pariralang pang-uring may pandako bilang panuring, kasalungat ng
pariralang pang-ukol.) |
| [b] Kaya't naisipan kong lumuwas ng Maynila kung saan siya tumitigil
ayon kay Lola. {W Damaso 4.2}
(Pariralang pang-ukol na ayon kay Lola
{10-2}.) |
Higit na maitim ang limbag = Pang-uring itinuturing.
May salungguhit = Pandakong tumuturing. |
|
9-3.3 Panlapag sa pariralang pang-uri
(1) Pandiwa bilang panuring sa pariralang pang-uri.
Ilang pang-uri ang itinuturing sa pandiwa [1-3]. Nasa pawatas ang pandiwa sa pariralang
pang-uri. Ginagamit ang pang-angkop [1 3b]; maaaring kaltasin ang anyong na [2 3a];
panlapag ang mga yari.
|
[1] | Marunong din siyang magdala ng damit.
{W Karla 5.206}
(Panuring sa pang-uring marunong ang pariralang pandiwang
magdala ng damit.) |
[2] | [a] Wala namang nagsabi na hindi ako marunong
mag-Ingles. {W Cao 2013 3.15} |
[3] | [a] Bawal pumasok. |
| [b] Bawal nga sa iyong kumain ng sigarilyo.
{W Ulan 20.12} |
Higit na maitim ang limbag = Pang-uring itinuturing.
May salungguhit = Pariralang pandiwang tumuturing (panlapag). |
|
(2) Pang-abay bilang panuring sa pariralang pang-uri.
Ilang pang-abay ang tumuturing sa pang-uri upang buuin ang hambingang palamang [4 5]
{9-2.7 (2)}. Pati ang yaring gaya ng [6 7] ay
pang-uring may pang-abay bilang panuring (sa [7] pang-abay na pananong). Sa [8-10],
itinuturing ang pang-uri sa pang-uring makaabay. Karaniwang ginagamit ang pang-angkop.
|
[4] | Malungkot siya, higit na malungkot kaysa dati.
{W Material Girl 3.10} |
[5] | Kung Filipino ang gagamitin sa pagtuturo ng mathematics, baka
mas maganda ang pagkakaintindi ng mga nag-aaral ng mathematics.
{W Cao 2013 3.2} |
[6] | Mukhang pagod ka. {W Karla 5.205} |
[7] | Dapat na matiyak kung gaano karami ang kumuha ng Filipino
bilang kurso. {W Cao 2013 3.26} (Walang pang-angkop ang gaano,
gayunman panlapag {12-2.3}.) |
[8] | Hindi ko na pinansin ang pagkain ni Abet, dahil talagang
masarap siyang kumain. {W Sabong 8.11}) |
[9] | Binging bingi siya. |
[10] | Gusto kong malaya katulad ng mga ibon.
{W Estranghera 3.4}
(Malimit na walang pang-angkop ang katulad at
gaya.) |
Higit na maitim ang limbag = Pang-uring itinuturing.
May salungguhit = Pang-abay (o pang-uring makaabay) na tumuturing. |
|
Panuring at pariralang itinuturing → {5A-201 Θ}
9-3.4 Θ Pariralang pang-uri
Sa Patakaran pariralang pangnilalaman ang pariralang pang-uri.
| Paggamit ng pariralang pang-uri |
Mga bahagi ng pariralang pang-uri (sa tabi ng pang-uri) |
|
[1] | Panaguri {2-4.7} |
[2] | Paniyak {2-4.7} |
[3] | Panlapag (panuring sa pangngalan)
{8-7.1} |
[4] | Pang-uring makangalan {9-2.6} |
[5] | Pang-uring makaabay {9-4.4} |
[6] | | Pantuwid bilang panuring
{9-3.1} |
[7] | | Pandako bilang panuring
{9-3.2} |
[8] | | Panlapag bilang panuring
{9-3.3} |
Palaugnayan ng Wikang Filipino
Wakas ng 9 Mga Pang-uri at mga Pang-abay (Talaksan 9/1)