(1) Pangngalan (susi {N}) at panghalip (susi {H}) ang mga ngalan. Salitang pangnilalaman ang mga pangngalan, karaniwan din ang mga panghalip. Sa panggitaga, maaaring kumilos gaya ng hutaga ang panghalip.
(2) Halos walang katangiang pansarili ang pangngalan sa wikang Filipino. Mahirap na ibukod ang pangngalan sa ibang bahagi na panalita. Malinaw ang paglulugar sa mga pangngalan sa sumusunod na mga kalagayan:
Mahirap ang paghihiwalay sa pang-uri ({9-1 (3)}, pati kulay at pamilang), pati sa pandiwari at iba pang anyo ng pandiwa (halimbawa: inihaw, pakiusap, sabi).
Pampalaugnayang gaya ng pangngalan ang pangngaldiwa. Maaaring nagagamit na pangngalan ang pandiwari (pandiwaring makangalan).
(3) Sa Patakaran, ang pariralang may ngalan bilang salitang-ubod ang pariralang makangalan (susi {P-N}). Ito ang kaisa-isang pariralang pangnilalaman na maaaring gamitin sa lahat ng anim na pariralang pangkayarian. Magamit itong panaguri at paniyak. Bilang pantuwid, pandako at panlapag, ito'y kaganapan ng pandiwa o panuring sa pangngalan. Pariralang malaya ang pariralang makangalang pang-umpog.
May pangngalan bilang salitang-ugat ang halos kalahati ng Filipinong angkan-salita. Gayunman, may panlapi ang karamihan sa pangngalan. Mayroon ding pangngalang tambalan ang wika.
Madadalas na pangngalang walang panlapi (salitang-ugat) | |||||
bahay | bansạ | buhay | isip | sagọt | taọn |
(1) Maraming panlapi ang ginagamit upang bumuo ng pangngalan. Sa ilang kalagayan, hindi madaling ibukod ang pangngalang may panlapi sa pangngaldiwa. Maaari ring bumuo ng pang-uri, pang-abay at pandiwa ang karamihan sa panlapi.
Panlapi ng pangngalan | |||||
-an (2) | i- (2) | -in (2) | |||
ka- (1) | ka-&- (5) | ka--an (ka- (10)) | |||
ka-&--an (ka- (11)) | kapa--an (ka- (14)) | kapang--an (ka- (15)) | |||
kina--an (ka- (16)) | mag- (2 3) | mag-&- (5) | |||
mang-&- (2) | may- | pa- (6) | |||
pa-&- (10) | pa--an (pa- (12)) | pagka- (pag- (7)) | |||
pagkaka- (pag- (11)) | pagkama- (pag- (7a)) | pagkang- (pag- (7b)) | |||
paki- (2) | pala--an (pala- (2)) | pampa- (pang- (9)) | |||
pang- (1) | pang--an (pang- (5)) | pang--in (pang- (7)) | |||
pinaka- (1) | sang- | tag- | |||
taga- (1 2) | tagapag- (taga- (3)) |
(2) Mapapansin ang Espanyol na panlaping -era, -ero at -deryạ na ginagamit kasama ng ugat-salitang Filipino (pakialamero, karinderyạ). Binubuo sa tulong ng hulaping -ay at -oy ang palayaw ng pangalan (Tinạy, Totoy, Pinọy). May kasarian ang mga ito, marahil dahil sa pagkakabisang Espanyol.
May pang-angkop na -ng/na o wala ang pangngalang tambalan. Karaniwang ginagamit ang anyong -ng [1], samantalang kinakaltas ang salitang na [2 3]. Sa ilang palagayan, gumagamit ng gitling [1 2 5]. Alinsunod sa paraan ng pagsasanga sa kanan {1-5.4}, unang bahagi ang salitang batayan, sinusundan ito ng salitang tumuturing. Binubuo din ang pangngalang tambalang may iniuunang pang-uri [4]. Maaari ding buuin ang pangngalan sa pamamagitan ng pag-uulit ng ugat [5].
|
Dito tinatalakay ang ilang salitang na binibilang namin sa pangngalan kahit maaari ding sa iba pang bahagi na panalita.
(1) Sa wikang Filipino, karaniwan ay walang kaibahan sa magkaibang kasarian, pampalaanyuang walang kasarian ang lahat ng ngalan. Pati mabisa ito sa tao at hayop (halimbawa: pịnsan). May kasariang panlalaki o pambabae ang ilang pangngalan (halimbawa: amạ at inạ), ngunit walang panghalip na may kasarian.
(2) May salitang hiram na Espanyol at mula sa ibang wika na may anyong panlalaki at pambabae: Pilipino - Pilipina {N/Es}, ingkọng - impọ {N/Ch}. Maaaring gamitin ang anyong pambabaeng Espanyol para sa dalawang kasarian sa Filipino (halimbawa: dentịstang lalaki {N/Es}).
(1) Karaniwan, walang kailanan
ang pangngalan sa wikang Filipino, galing sa kabuuan ng nilalaman ang kailanan [1 2b 3]
{8A-321
}. Gayunman maaaring ihudyat ang
kailanan sa pamamagitan ng palatandaang tangi; pangunahing
isahan at
maramihan, sa ilang kalagayan mayroon ding
dalawahan.
Maaaring ihudyat ang isahan sa pamamagitan ng:
Maaaring ihudyat ang maramihan sa pamamagitan ng:
|
(2) May mahigpit na pagbubukod ng isahan at maramihan ang panghalip na panao at ang pantukoy na si/sinạ. Walang kailanan ang panghalip na pamatlig; gayunman maaaring buuin ang anyong pangmaramihan sa pamamagitan ng mga {8-4.2 (3)}. Wala ding kailanan ang panghalip na pananong; may anyong pangmaramihan na binubuo sa tulong ng pag-uulit ng ugat {12-2.1 (1)}.
Humahalili ng pariralang may pangngalan ang panghalip; dahil dito karaniwang salitang pangnilalaman ang mga ito. Sa kabilang dako, ilan sa mga pulutong ay maaaring magkaroon ng gawing hutaga, kung ganito ito'y kataga {11-4}. Binibigyan namin ng susing {H} ang mga panghalip.
Tinatalakay namin sa mga pangkat na sumusunod ang panghalip na panao, pamatlig at panaklaw, saka sa {12-2.1} ang panghalip na pananong. Walang tanging "panghalip na paari" ang wikang Filipino, sa halip nito ay ginagamit ang panghalip na panaong NG at SA {8-4.7}. Wala ring "panghalip na pamanggit" ('relative pronouns') at "sugnay na pamanggit" ('relative clauses'), sa halip nito may pang-angkop at sugnay na pang-angkop. Hindi kami gumagamit ng katawagang 'panghalip na pasarili' ('reflexive pronoun'); sa amin pangngalan o pang-uri ang salitang sarili.
Paradigma ng panghalip → {8A-401 Θ}
(1) May tatlong panauhan ang panghalip na panao (susi {HT}): Nagsasalita, kinakausap at pinag-uusapan, bawat isa ang may isahan at maramihan (susi {HT/1I} hanggang {HT/3M}). May ilang katangiang leksikal ang panghalip na panao. May anyong puspusang ikạw at anyong dinaglat na ka ang ikalawang panauhang pang-isahan {HT/2I}. Kasama ang kinakausap sa tayo {HT/lM}, samantalang hindi sa kamị. Ginagamit upang maghatid ng paggalang ang kayọ {HT/2M} o silạ {HT/3M}. Sinauna na ang panghalip na dalawahang katạ.
Nagsasalita | Kinakausap | Pinag-uusupan | |
Unang panauhan | Ikalawang panauhan | Ikatlong panauhan | |
Isahan | akọ {HT/1I} |
ikạw, ka {HT/2I}, {HT/2I/HG} | siyạ {HT/3I} |
Maramihan | tayo {HT/1M} |
kayọ {HT/2M} |
silạ {HT/3M} |
kamị {HT/1M} |
(2) Karaniwang ginagamit ang panghalip na panao sa tao lamang. Walang kasarian ang siyạ {HT/3I}. Dahil dito, isang tao lamang ang inihuhudyat sa tulong ng siyạ at kailangang gamitin ang panghalip na pamatlig upang maglarawan ng isa pang tao [1]. Maaaring ituring ang panghalip na panaong pangmaramihan sa pantuwid para ilarawan nang puspusan ang mga tao [2].
|
(3) Kung maaari ay iniiwasan ang panghalip na panao sa hulihan ng pangungusap. Mahigpit ito para sa panghalip na isapantig kaysa dalapantig. Maaaring iwasan ito:
|
(1) May tatlong 'layo' ang panghalip na pamatlig (kawangis sa tatlong panauhan ng panghalip na panao). Tumutukoy ito sa tao at bagay na malapit sa nagsasalita, malapit sa kinakausap at malayo sa nagsasalita at kinakausap (susi {HP/1} hanggang {HP/3}).
Malapit sa nagsasalita Unang layo |
Malapit sa kinakausap Ikalawang layo |
Malayo Ikatlong layo |
itọ {HP/1} |
iyạn {HP/2} |
iyọn, yaọn {HP/3} |
(2) Maaaring magamit na halili sa tao o bagay ang panghalip na pamatlig [1a 1b]. Kadalasan, ginagamit ito upang maglarawan ng iba pang (mga) tao kung ginamit na ang panghalip na panao para sa unang tao [2]. Para sa bagay, ginagamit ang panghalip na pamatlig dahil hindi kabagay ang panghalip na panao [3].
|
(3) Karaniwan, walang kailanan ang panghalip na pamatlig. Maaaring bumuo ng anyong pangmaramihan na may iniuunang pantukoy na mga [3-6].
|
(4) Maaaring gamitin ang panghalip na pamatlig bilang panuring gaya ng pang-uri [7] {8-7.3}. Bukod dito may pang-uring hango sa panghalip na pamatlig {9-2.3} at pati may padamdam na eto, heto, ayạn, hayạn, ayụn, hayụn.
May pangalawang anyong yun (itọ) ang panghalip na pamatlig na iyọn {HP/3} na kadalasang ginagamit sa wikang pang-araw-araw, bilang panuring [8a 8b] at bilang panaguri [9]. Inilalarawan ng yun ang bagay [8a] , hindi ito mapitagan para sa tao [8b 9].
|
Sinauna na (at pangwikaan sa lalawigan ng Batangas) ang anyong irị, irẹ sa halip ng itọ. Wala itong lahok sa Pagtitipong Panggawaan (sa paghahambing dalawang daang beses ang itọ).
(1) Sa tulong ng pangatnig na kung, kahit at man ay binubuo ng salitang pananong ang salitang tinatawag na 'panaklaw' ('indefinitum') {8A-4311}. Iniuuna ang kung [1] at kahit [2]; hutaga ang man [3]. Malimit na pinaikli ang sugnay na may pangatnig na binubuo ng kahit at man [2 3]. Magkakapareho ang kahulugan ng yaring binubuo sa pamamagitan ng kung, kahit at man. Hindi ginagamit ang salitang panaklaw kung hindi tiyak ang pag-iral [1|6].
|
(2) Nagbabago ng tungkuling pansemantika ang salitang panaklaw, nagiging salitang pasalaysay na panaklaw ang pananong. Hindi binabago ang bahagi ng panalita, binubuo ang panghalip na panaklaw [1-3] {8-4.3.2}, pang-uring panaklaw [4] {9-2.4} at pang-abay na panaklaw [5] {9-4.3.3}.
Sa pamamagitan ng pagdaragdag ng pangatnig na kahit, man at kung, binubuo ang panghalip na panaklaw (susi {HS}).
Kung paniyak ang panghalip na panaklaw ay maaaring gamitin ang panandang ang sa harap ng panghalip na panaklaw (maaari ding kaltasin) [1|2]. Bilang pantuwid karaniwang ginagamit ang panandang ng [3a]. Madalang ang yaring may nino [3b]. Bilang pandako minamabuti ang panghalip na kanino o saạn [4]. Sa [5], pariralang pangkaroong may panghalip na panaklaw ang panaguri. Malimit na nagagamit na panuring ang panghalip na panaklaw [6-8].
|
Magkatulad sa iba't ibang pariralang makangalang hinahalinhan ng panghalip ay may iba't ibang anyo ang panghalip na panao, pamatlig at pananong: Tinatawag itong panghalip na ANG, AY, NG at SA.
Ginagamit para sa panaguri at paniyak ang anyong magkapareho maliban sa kataliwasang ikạw - ka; dahil dito ito'y tinatawag na panghalip na ANG-AY o panghalip na ANG. Ito ang mga anyong batayan, walang tanging tanda ang susi nito. Tingnan sa talahanayang {8-5} ang mga anyo.
Ginagamit ang panghalip na pamatlig na ANG upang buuin ang yaring pangmaramihang may mga. Sa pamamagitan ng panandang ng at sa ang pagbuo ng pariralang pantuwid at pandako nito [1] {11-2 (2)}.
|
Walang anyong ANG ang panghalip na pananong, panghalip na AY ito {12-2.1}.
(1) May tanging anyo ang panghalip kung ginagamit sa pariralang pantuwid. Tinatawag na panghalip na NG ang mga ito (susi {TW.H..}), inilalarawan ito sa talahanayang {8-5}.
Panghalip na NG | |||||
ko | mo | niyạ | |||
natin namin | ninyọ | nilạ | |||
nito | niyạn | niyọn |
Walang paggamit ng panandang ng kung panghalip na NG ang ginagamit [1-3]. Maaaring sabihin na pampalaanyuang pinagsasama ang panandang ng at ang anyong batayan ng panghalip. Walo sa sampung anyo ang may unang tunog na n na hindi nanggagaling mula sa anyong batayan.
Gaya ng ibang pariralang pantuwid ay nagagamit na kaganapan [1] at panuring ang panghalip na NG [2], mayroon itong gawing makahuli. Kaya nitong buuin ang panggitagang pantuwid [3].
|
(2) Dito binabanggit ang panghalip na ibayong
kitạ {HT/21I} na ginagamit sa halip na
ko ka [5]. Humahalili ito sa dalawang panghalip sa isahan, sa pantuwid at
sa paniyak. Ito'y nasa halip ng dalawang parirala o dalawang hutaga ng panggitaga.
|
(1) Tanging anyo ang panghalip na tinatawag na panghalip na SA. Itinatala ito sa talahanayang {8-5}. Salitang pangnilalaman ang panghalip na SA.
Panghalip na SA | |||||
akin | iyọ | kanyạ | |||
atin amin | inyọ | kanilạ | |||
dito | diyạn | doọn |
(2) Ginagamit ang panghalip na panaong SA (susi {HT/K}) bilang pariralang pangnilalaman ng pariralang pandakong may panandang sa (susi {P-K=P-N(HT/K)}). Ganito ang pagbuo ng pandako bilang kaganapan ng pandiwa [1], bilang panuring sa pangngalan [2] at sa loob ng pariralang pang-ukol [3]; saka ang pandakong malaya [4] at ang pandako bilang panaguri [5].
|
(3) Ginagamit ang panghalip na panaong SA bilang pang-uri (susi {U//HT/K}). Sa kaugnayang paari {8-4.7}, iniuunang pang-uring may pang-angkop ang panghalip na panaong SA; panlapag ang yaring ito [6]. Maaari nagagamit na salitang makatukoy ng panggitaga ang panghalip bilang pang-uri [7]. Sa [8], kaganapan ng pandiwang magịng (panlapag na walang pang-angkop) ang panghalip na SA. Kataliwasan ang yaring may inihuhuling panghalip (ganạn sa [9]).
|
(4) Panaguri ang "tumpak" na panghalip na panaong SA sa [10].
|
(5) Katulad ng panghalip na panaong SA ang gawi ng panghalip na pananong na SA na kanino [11-13].
|
(6) Pariralang pandako ang panghalip na pamatlig na SA kahit wala itong pananda (susi {TK.HP}); gaya ng panghalip na NG {8-4.5}). Karaniwan itong may tungkuling panlunan [14] (at dahil dito malimit na nabibilang sa pang-abay); nagagamit ding kaganapang di-panlunan ng pandiwa [15]. Ganito rin ang gawi ng panghalip na pananong na SA na saạn [16] (susi {TK.HN}).
|
(7) Sinauna ang paggamit ng panghalip na panaong SA kasama ang nasa. Hindi ginagamit ang panghalip na pamatlig na SA kasama ng nasa.
(1) Ginagamit ang panghalip na panaong SA at NG upang ipahayag ang kaugnayang paari bilang panuring. Walang tanging "panghalip na paari" ang wikang Filipino. Iniuuna sa salitang kaugnay ang panghalip na SA [1]; gaya ng pang-uring makaturing mayroon itong pang-angkop; panlapag ang yaring ito. Makahuli ang panghalip na NG. Ito'y nasa likod ng salitang kaugnay o bumubuo ng panggitagang pantuwid [2 3].
Sa pananalitang pang-araw-araw, mas malimit na ginagamit ang panghalip na NG. Sa pananalitang mataas at nakasulat, minamabuti ang iniuunang anyong SA.
|
(2) Hindi maaaring itanong ang pariralang pantuwid {12-4.3}; pati ang panghalip na NG. Upang itanong ang kaugnayang paari ay ginagamit ang pananong na SA na kanino [4a]. Maaaring panghalip na SA o NG ang sagot [4b-d].
Ginagamit din ang anyong NG ng panghalip na pamatlig upang ipahayag ang kaugnayang paari [5 6].
|
(3) Makauri ang paggamit ng ilang panghalip na panao (anyong SA, maaaring pag-uulit ng ugat) upang magpahayag ng kaugnayang pasarili [7 8].
|
Paniyak | Panaguri | Pantuwid | Pandako | |||
Pananda {11-2} | ang | ay | ng | sa | ||
Pantukoy {8-6.2} |
M | ang mga | {ay} mga | ng mga | sa mga | |
Tao | I | si ang .. si |
{ay} si {ay} .. si | ni ng .. si |
kay sa .. si | |
M | sinạ ang .. sinạ |
{ay} sinạ {ay} .. sinạ | ninạ
ng .. sinạ |
kinạ sa .. sinạ | ||
Panghalip na panao {8-4.1} | 1 | I | akọ | {ay} akọ | ko | {sa} akin |
2 | I | ka ikạw | {ay} ikạw | mo | {sa} iyọ | |
21 | I I | kitạ | ||||
3 | I | siyạ | {ay} siyạ | niyạ | {sa} kanyạ | |
1 | 2 | katạ | {ay} katạ | nitạ | {sa} kanitạ | |
1 | M | tayo | {ay} tayo | natin | {sa} atin | |
1 | M | kamị | {ay} kamị | namin | {sa} amin | |
2 | M | kayọ | {ay} kayọ | ninyọ | {sa} inyọ | |
3 | M | silạ | {ay} silạ | nilạ | {sa} kanilạ | |
Panghalip na pamatlig {8-4.2} |
1 | - | itọ | {ay} itọ | nito | dito |
M | ang mga itọ | {ay} mga itọ | ng mga itọ | sa mga itọ | ||
2 | - | iyạn | {ay} iyạn | niyạn | diyạn | |
M | ang mga iyạn | {ay} mga iyạn | ng mga iyạn | sa mga iyạn | ||
3 | - | iyọn yaọn |
{ay} iyọn {ay} yaọn | niyọn niyaọn | doọn | |
M | ang mga iyọn | {ay} mga iyọn | ng mga iyọn | sa mga iyọn | ||
Panghalip na pananong {12-2.1} | Tao | - | --- | sino | nino | {sa} kanino |
M | sinu-sino | ninu-nino | {sa} kani-kanino | |||
Bagay | - | anọ | --- | saạn | ||
M | anụ-anọ | saạn-saạn |
Wikang Filipino ni
Armin Möller
http://www.germanlipa.de/filipino/ug_N.html 30 Setyembre 2010 / 211230 |