9A Mga Pangabit sa
Mga Pang-uri at mga Pang-abay   (•• 9A)

{9A-211}   Pagbubukod ng pang-uri sa pangngalan

May angkang-salita walang kaibahan ang pangngalan at pang-uring walang panlapi. Nagiging maliwanag ang kaibahan ng dalawang bahagi ng panalita kung ginagamit ang pang-uring may pang-angkop samantalang may panandang ng ang pangngalan bilang pantuwid [1a|c]. Maaaring iuna o ihuli sa salitang kaugnay ang panuring makauri; dahil dito maaaring magpalitan ng katayuan [1a|b]; bawal ito kung pangngalan dahil sa gawing makahuli ng pantuwid.

 
[1][a] Batong tulay. (Tulay na yari sa bato.){U}
 [b] Tulay na bato. (Tulay na yari sa bato.){U}
 [c] Bato ng tulay. (Bato mula sa tulay.){N}
[2][a] Patay na kabayo. (Kabayong wala nang buhay.){U}
 [b] Patay ng kabayo. (Katawan ng namatay na kabayo.){N}

{9A-2211}   Anyong pangmaramihan ng pang-uring ma-

Malimit na nagagamit na panuring ang anyong pangmaramihan [1-5]. Madalang ang panaguring makauri [6] at ang paggamit bilang pangngalan [7]. Sa karamihan sa yari, walang iba pang paghuhudyat ng maramihan [1-3 7]. Kung nagagamit na pangalawang paghuhudyat ang pantukoy na mga ito'y nasa harap ng pang-uri [4 5].

 
Anyong pangmaramihang ma- bilang panuring
[1]Ipagtabuyan ng malilinis na tao. {W Damaso 4.4}
[2]Hindi ako katulad ng ibang bata na may magagarang damit. {W Material Girl 3.2}
[3]Kinailangan niyang daanan ang matatarik na burol at ilang mga sapa. {W Samadhi 4.1}
[4]Ang mga masusuyo mong paghalik sa aking buhok. {W Madaling Araw 3.9}
[5]Kumausap sa mga magagandang rosas. {W Rosas 4.15}
 
Anyong pangmaramihang ma- bilang panaguri
[6]Matutulis ang dulo ng pares ng mga bota. {W Samadhi 4.2} (Inihuhudyat ang maramihan sa pang-uri at pati sa pamamagitan ng mga sa loob ng paniyak.)
 
Paggamit na makangalan ng anyong pangmaramihang ma-
[7]Ang mga bata at matatandang n'yan. {W Halukay Ube}


{9A-431}   Pang-abay na siya

Dapat ibukod sa panghalip na panaong siyạ ang siyạ na 'contrast marking' {Schachter 1972 p. 151} (kay { Bloomfield 1917 § 106 f.} 'circumlocutary definite object predicate'); maaaring magamit na panaguri [1 2] o paniyak [3] ang ikalawa. Maaari itong magsaad ng bagay at ng yaring pangmaramihan. Kasalungat ng panghalip na panaong siyạ na maaaring hutaga ng panggitaga, maaari iyong magamit na salitang makatukoy ng panggitaga, kung kaya salitang pangnilalaman iyon [4]. Halos gaya ng pang-abay kumikilos ang siyạ na ito; maaari mang ipalagay na pangngalan. Hindi malinaw na unawain ang yaring [5].

 
[1]Ang sombrerong ito ay siyang binili ng lolo ko.
[2]Si Pedro ay siyang tumutuktok.
[3]Ang wikang pambansa ang siyang nagiging tagapagpahiwatig. {W Salazar 1996 2.1.22}
[4]Si Rosa ang siya niyang nakita. (Salitang makatukoy, hindi hutaga ng panggitaga ang siya.)
[5]Wari niya'y siya ang kausap ng ina sa tula. {W Suyuan 5.4}


{9A-511 Σ}   Pagsusuri ng pangungusap: Pariralang pang-abay bilang panuring sa pangngalan

[1] Hindi ko na kayang sakyan ang kahon ng kanyang kaligayahang ngayong madaling araw. {W Madaling Araw 3.10} {*}
        {*}   Sa kasulatang sarili sinulat ng may-akda ang ang kahong sa halip ng ang kahon ng.
hindi ko na kayang sakyan ang kahon ng kanyang kal_hang ngayong madaling araw
{S-1/PT}
hindi ko na kayang sakyan  ang kahon ng kanyang kal_hang ngayong madaling araw
{P-P=P-D} {P-T=P-N}
hindi na kayang sakyan ko  kahon ng kanyang kal_hang ngayong madaling araw
{P-D(A A/HG AH.L DB P-W)} {P-N(N P-W)}
hindi ko na kayang sakyan  ng kanyang kal_hang ngayong madaling araw
{GGW/A|TW.HT|(AH D)} {P-W=P-N(U//HT/K N P-L)}
    -ng ngayong madaling araw
    {P-L=P-A(A P-L)}
 -ng madaling araw
  {P-L=P-N(U.L N)}
hindi konakayangsakyan angkahonngkanyangkal_hang ngayong madalingaraw
A TW.HTA/HGAH.L DB00/WTTN/EsTWU//HT/K.LN.L A.LU.LN

sakyan ang kahon ang ubod ng pangungusap. Tumuturing sa pandiwang sakyan ang pang-abay na pangmarahil na kaya.
 
May panlapag na inihuhuling
ngayong madaling araw ang pangngalang kaligayahan.
 
ngayon ang salitang-ubod
ng panuring na ito na muling may panuring na madaling araw. Hindi iniuugnay ito sa kaligayahan nang tuwiran; di-makabalarila ang pariralang kaligayahang madaling araw.
 
Madalang lamang
ginagamit ang pang-abay na ngayon bilang panuring sa pangngalan {8-7.5}. Sa ganitong kalagayang hindi ito malaya sa pangungusap, kundi panlapag ito na ikinakabit sa pamamagitan ng pang-angkop ng kaligayahan.

 
Iba pang yari:
[2]Kahon ng kanyang kaligayahang ngayon.
[3]Kahon ng kanyang kaligayahang madaling araw.

Sa [1], sinusuri na payak ang pangungusap. Maaari ito ding ipalagay na pangungusap na tambalan [4] {9A-611 Θ (2)}.

[4]   hindi ko na kayang sakyan ang kahon ng kanyang kaligayahang ngayong madaling araw
{S-Tb(S-0/L/P0 S-L/PT)}
hindi ko na kaya -ng sakyan ang kahon ng … 
{S-0/P0} {S-L/P-T}
hindi ko na kaya   sakyan ang kahon ng …
{P-P=P-U}  {P-P=P-D} {P-T=P-N}
 

May sugnay na makaangkop bilang paniyak ang pangungusap na tambalan {2-4.9}.
 
Pinaikli ang sugnay na makaangkop, hindi inuulit ang kaganapan ko ng pandiwang sakyan. Pangungusap na batayang may panaguri at paniyak ang sugnay na makaangkop.


{9A-611 Θ}   Palakuruan ng pang-abay na pangmarahil

(1) Ipinapalagay naming pang-abay na tumuturing sa pandiwa ang salitang pangmarahil. Wala itong katangian ng pandiwa. Kulang ang banghay na pamanahon. Bukod dito, wala itong anyong tahasan at balintiyak; nagmumula sa pandiwa ang katinigan. Saka wala itong kaganapan; tinitiyak ng pandiwa ang kayarian ng kaganapan (kahit na maaari itong baguhin ng pang-abay). May panlapi ang mga anyo ng pandiwa; nawawala din ang katangiang ito sa karamihan sa salitang pangmarahil.

May magkatulad na katangian ang salitang pangmarahil at ang pang-abay. Lalo na maaaring tumuturing ang dalawa sa pandiwa, may pang-angkop ang yaring ito. Dahil dito nabibilang namin sa pang-abay ang salitang pangmarahil ang tinatawag itong 'pang-abay na pangmarahil'.

(2) Panuring sa pandiwa ang pang-abay na pangmarahil; dahil dito payak ang pangungusap. Ang panaguri ang pariralang pandiwa, at bahagi nito ang pang-abay na pangmarahil. Hindi pangalawang panaguri ng pangalawang sugnay ang salitang pangmarahil. Sa ilan lamang kalagayan ay maaaring ipalagay na tambalang pangungusap ang yaring may pang-abay na pangmarahil.

(3) Di-batayan ang pangungusap kung wala itong paniyak (pang-abay na may gawing makangalan at pandiwang tahasan). Payak pa rin ang pangungusap kung palawakin sa iba pang kaganapan upang ilarawan ang tagagawang pangmarahil [1a|b]. Kung binubuo ang panggitahil na paniyak ay di-batayan ang pangungusap dahil nasa harap ng pandiwang makataguri ang paniyak at dahil ginagamit ang pang-angkop sa halip ng panandang ay [2a|b] {13-2.2.1}.

 
[1][a] Gusto ni Nanay na kumain ng lugaw.
 [b] Gusto ni Nanay na kumain ng lugaw ang bata.
[2][a] Ang pahagayan ay binabasa ni Miguel.
 [b] Puwede ang pahayagang basahin ni Miguel.

(4) Sa kabilang dako, kaipala'y maaaring suriing tambalan ang pangungusap na may salitang pangmarahil. Kung ganiyon, halatang panaguri ng sugnay na pang-itaas ang salitang pangmarahil; ito'y nagiging pangngalan o pang-uri (hindi pandiwa dahil kulang ang banghay). Sugnay na makaangkop (dahil sa pang-angkop sa yaring ito) ang sugnay na pang-ibaba, ito'y nagiging paniyak ng sugnay na pang-itaas. Sa pangkat na {2-4.9} inilalahad ang ganoong yaring.

Sa sumusunod ay inihahambing kung maaaring payak [..a] o tambalan [..b] ang pangungusap na may salitang pangmarahil. Sa [1b=3a] maaaring ipalagay na sugnay na makaangkop ang na kumain ang bata ng lugaw; sugnay na ito ang paniyak ng sugnay na pang-itaas na gusto ni Nanay bilang panaguri [3b]. Sa pagsusuring ito ay pantuwid na tumuturing sa pangngalang gustọ ang tagaakalang ni Nanay. Kawangis ang pangungusap na kahambing na [3c]; ngunit may kaibahan: sa [3c] pandiwa ang panaguri ng sugnay na pang-itaas samatalang sa [3b] salitang pangmarahil. Maaaring ganito din suriin ang pangungusap na [4-6]. Sa mga pangungusap na tambalang [4b 5b] ay salitang pangmarahil lamang ang laman ng sugnay na pang-itaas.

 
[3][a] Gusto ni Nanay na kumain ng lugaw ang bata.
 [b] Gusto ni Nanay || kumain ng lugaw ang bata. {*}
 [c] Sinabi ni Nanay na kumain ng lugaw ang bata. (Pangungusap na may pandiwang nakakabit {13-4.5}.)
[4][a] Puwedeng basahin ni Miguel ang pahayagan.
 [b] Puwede || basahin ni Miguel ang pahayagan.
[5][a] Gustong kainin ng bata ang manggang iyon.
 [b] Gusto || kainin ng bata ang manggang iyon.
[6][a] Hindi ko na kayang sakyan ang kahon ng kanyang kaligayahang ngayong madaling araw. {W Madaling Araw 3.10} {9A-511 Σ [4]}
 [b] Hindi ko na kaya || sakyan ang kahon ng kanyang kaligayahang ngayong madaling araw .

{*}   Ginagamit ang tandang || upang ihudyat ang hangganan ng dalawang sugnay (karaniwang nandoon ang pang-angkop).

Sa [7b 8-10] hindi maaari o mahirap [7c] ang pagsusuri kung tambalan ang pangungusap. May dalawang panggitahil ang pangungusap na [7a], bunga nito ang [7b 7c].

 
[7][a] Gusto ni Nanay ang batang kumain ng lugaw.
 [b] Gusto ni Nanay || ang batang kumain ng lugaw. (Kulang ang pang-angkop sa hangganan ng dalawang sugnay. Hindi makabalarila ang sugnay na ang batang kumain ng lugaw dahil dapat ang panandang ay at bawal ang pang-angkop kung kabalikan ang ayos ng panaguri at paniyak.)
 [c] Gusto ni Nanay ang bata || kumain ng lugaw. (Kaunting bihira ang paggamit ng pawatas, ngunit makabalarila ang pangungusap na tambalan. Iba ang kahulugang pansemantika ng [7c] sa [7a], ibig sabihin Minamahal ng nanay ang batang kumakain ng lugaw.)
[8]Puwede ang pahayagan || basahin ni Miguel. (Hindi makabuluhan ang sugnay na puwede ang pahayagan.
[9]Puwede ng guro || basahin ang Intsik. (Hindi makabalarila ang pantuwid na ng guro sa sugnay na pang-itaas.)
[10]Gusto || pumunta ng kapatid ko sa Maynila. (Mahirap na unawain na may pantuwid sa halip ng paniyak ang pangalawang sugnay.)

Ibig buurin na palaging maaaring suriin na payak ang pangungusap na may pang-abay na pangmarahil.

Salitang pangmarahil sa aghamwika{9A-612 }
Yaring may pang-abay na pangmarahil at yaring may pandiwang nakakabit{13-4.4.3 Θ}


{9A-612 }   Salitang pangmarahil

(1) Sa mga wikang pang-Europa, tanging pandiwa ('modal verbs') ang ginagamit upang ipahayag ang tungkuling pansemantika ng kilos na pangmarahil. Dinadala ng pandiwang pangmarahil ang panauhan, kailanan at panahunan; nasa pawatas ang pangalawang pandiwa.

Sa aming paglalahad, pang-abay na tumuturing sa pandiwa ang salitang pangmarahil sa wikang Filipino.

(2) Kay { Lopez 1941 p. 199 ff.} tinatawag na 'Auxiliary Verbs' ang salitang pangmarahil.

(3) Kay { Schachter 1972 pp. 261-273} tinatalakay ang salitang pangmarahil sa 'Chapter 4 Adjectivals' at 'may be called pseudo-verbs' dahil mayroon itong 'verb-like meanings' (?).

(4) Kay { Kroeger 1991 p. 205 ff.} tinatawag na 'Modal verbs' o 'Modals' ang salitang pangmarahil: 'These predicates differ from normal verbs in several respects. They are morphologically defective, accepting neither voice nor aspect marking affixation, and (with a single exception) allow no variation in subject-selection'. Kung ganito may dalawang pandiwa kahit ng dalawang uri nang tabi-tabi sa pangungusap; dalawang sugnay muna ang yari na saka maaaring pagsama-samahin sa pamamagitan ng 'Clause Reduction'. Maaari itong maging pangungusap na payak.

Kay { Kroeger 1991 p. 207 ff.} may pag-uuri sa dalawang pulutong ang 'Modals'. Gaya ng gawing makangalan namin ang 'experiencer-modals'. Doon nabibilang ang gustọ, ayaw, ibig, nais. Gaya ng gawing di-makangalan ang 'sentential operators', nandoon ang dapat, puwede at maaari. 'One predicate can occur in either of these two patterns, namely kailangan. There is a third type of predicate which must be included in our discussion of modals. This class includes a number of words which are basically nouns, such as kaya, ugali, hilig etc. I will refer to words in this class as "modal nouns".

Nasa tanging pangkat kay { Kroeger 1991 p. 169 ff.} ang huwạg na 'Auxiliary' at ibinubukod ito sa mga 'Modal verbs'.

(5) Kay { Romero 2004 vol. 1 p. 109, 112} ipinapalagay na anyong pinaikli ng pandiwang gustuhịn und kailanganin ang salitang gustọ at kailangan, saka inihahambing ang ayaw sa pandiwang -in na katumbas. Kung ganito nagiging pandiwang nakakabit ang yaring ito.

(6) Sa araling pangwika ni { Ramos 1985 p. 123} at { Castle 2000 p. 150} ipinapalagay na 'pseudo-verbs' ang salitang pangmarahil.


{9A-801}   Salitang pang-usapan

Nagsuri kami ng kuwentong maikli hinggil sa salitang pang-usapan {W Piso}. Sa tabi ng kasulatang nagsalaysay ay may pagsasalitang sinipi, isang pulutong mula sa nagsasalitang may karunungang mataas, isa pa naman mababa. Ito ang mga kinalabasan:


Wikang Filipino ni Armin Möller
http://www.germanlipa.de/filipino/ug_U_A.html
07 Hulyo 2006 / 220103

Palaugnayan ng Wikang Filipino
Wakas ng 9A Mga Pangabit sa Mga Pang-uri at mga pang-abay

Simula ng talaksan   Palaugnayan   Wikang Filipino   Ugnika