8 Mga Ngalan at mga Pariralang Makangalan
(Talaksan 8/2)
8-6 Ubod ng pariralang makangalan
8-6.1 Panghalip bilang salitang-ubod
Malimit, kaisa-isang bahagi ng pariralang makangalan ang panghalip [1]. Ginagamit din
ang anyong pangmaramihan ng panghalip na pamatlig [2]. Pati binubuo ang pariralang
may pang-uri [3] o pangngalan [4 5] sa tabi ng panghalip. May pang-angkop ang yaring ito,
ito'y panlapag na makaturing.
8-6.2 Mga pantukoy (si, sina at
mga)
(1) Tinatawag na pantukoy
(susi {Y}) ang mga salitang palaging
kasama ng pangngalan. Sa wikang Filipino, ginagamit ang pantukoy sa kalagayang
tangi lamang, hindi ito kasamang pangkaraniwan ng pangngalan. May dalawang uri ng pantukoy;
untaga ang si/sinạ at mga. Nabibilang namin ito sa kataga. Itinatala
ang mga anyo ng pantukoy sa talahanayang {8-5}.
(2) Ginagamit ang pantukoy na
si/sinạ (susi {Y/Ta}) sa harap ng ngalan ng tao kung hindi siya kinakausap. Sa isahan ay
ginagamit ang pantukoy na si, sa karamihan sinạ [1b 1a].
Dahil palaging tiyak ang taong may pantukoy na si/sinạ ay kinakaltas ang
panandang ang kung paniyak ang pangngalang may si/sinạ [1 2a]
{*} {2-4.1 (2)}. Sa pantuwid at pandako pinagsasama ang ng o sa
at ang si/sinạ; ni/ninạ at kay/kinạ ang
pagsasama [3]. Kung may panuring sa pagitan ng pananda at pantukoy ay walang pagkaltas at
walang pagpapasama ng pananda at pantukoy [4 5]. Sa
panaguri at panlapag ginagamit ang si/sinạ sa pagitan ng pananda at
pangngalan [2b 6 7].
{*} {Θ} Kinaltas
ang panandang ang, hindi hinahalinhan ng pantukoy na si. Hindi nagiging
pananda ang pantukoy na si.
(3) Pantukoy na naghuhudayat ng maramihan
ang mga ([mʌ'ŋʌ], susi
{Y/M}, {8-3.2}). Ginagamit ito kasama ang pangngalan,
pandiwaring makangalan at pang-uring nagagamit na pangngalan. Untaga ito [9], ngunit hindi ito
palaging kagyat nasa harap ng pangngalan [10] {8-7.1 (2)}). Maaaring gamitin ang mga kasama ng panghalip na
pamatlig [11] {8-4.2 (3)}.
(4) Dapat ibukod sa pantukoy na pangmaramihang
mga ang paggamit ng mga bilang pang-abay na untaga upang ipahayag ang
'di-wasto, di-husto' (mga alas tres)
{9-4.2 (2)}.
8-7 Panlapag bilang panuring sa pariralang makangalan
8-7.1 Pang-uri, pati pamilang
(1) Malimit na iniuuna sa salitang-ubod ng pariralang makangalan ang
pang-uring makaturing [1], maaari ding ihuli [2 3]. May pang-angkop ang pang-uring
makaturing, palagi itong panlapag. Maaaring gamitin ang pandiwari bilang panuring,
gaya ng pang-uri ang gawi nito [4a 4b] {6-6.4.1}.
Maaaring panuring sa pangngalan ang pang-uring pananong [5] {12-2.2}. Pati ang panghalip na SA para sa kaugnayang paari [6]
{8-4.7}.
|
[1] | Sa malaking salamin ng lumang aparador.
{W Mumo 3.3} |
[2] | Ang uhaw na dulot ng mainit na sinapupunan ng lungsod ay
bahagyang nabawasan. {W Anak ng Lupa 3.3} |
[3] | Magugunita ko ang sinabi ng dalawa kong kapatid na babae.
{W Dayuhan 3.8}
(Pang-uri ang babae.) |
[4] | [a b] Nasa harap ng naturang simbahan ang
pinagtatrabahuhan kong restoran bilang katiwala.
{W Angela 3.1} |
[5] | Ilang Filipino ba talaga ang nagkakaroon ng pagkakataong
magtrabaho sa ibang bansa? {W Almario 2007 3.6} |
[6] | Parehong may tama ang kanilang mga mukha.
{W Bulaklak 8.31} |
Higit na maitim ang limbag = Pangngalang itinuturing.
May salungguhit = Pang-uri (pandiwari) na tumuturing. |
|
(2) Karaniwan, nasa harap ng pantukoy na mga ang pang-uri [7 8]
at ang panghalip na SA [9]. Maaari ding nasa pagitan ng mga at pangngalan ang
pang-uri [10 11].
|
[7] | Malalim ang talukap ng maamong mga mata at matangos ang
ilong. {W Samadhi 4.2} |
[8] | Halos matabingan ang malalaking mga mata nito ng malalago
niyang kilay. {W Pagbabalik 3.2} |
[9] | Marahil, kagaya ni Nieva, nadala lang ako sa impluwensiya ng
aking mga barkada. {W Estranghera 3.9} |
[10] | Isang buwig ng mga makintab na bunga ng puno.
{W Samadhi 4.2} |
[11] | Ang mga masusuyo mong paghalik sa aking buhok.
{W Madaling Araw 3.9}
(Panggitagang pantuwid ang mong {11-6.4 (2)}.) |
Higit na maitim ang limbag = Pangngalang itinuturing.
May salungguhit = Pang-uring tumuturing. |
|
(3) Iniuuna ang pamilang kung panuring sa pangngalan
[12]. Karaniwang inilalagay ang pamilang sa harap ng iba pang pang-uri [13]. Kung panghalip
na panao ang salitangg-ubod ng pariralang makangalan ay inihuhuli sa panghalip ang
pamilang bilang panuring [14].
|
[12] | Sinukat niya ang kasalubong. Mga dalawang dipa ang layo.
{W Bulaklak 8.27}
(Pang-abay ang mga, hindi pantukoy
{9-4.2 (2)}.) |
[13] | Maglalaro uli kami sa malaking bahay na may dalawang malaking
bintana. {W Mumo 3.3} |
[14] | Hindi mo ba alam na sa kapag magkakasama tayong apat tuwing
Pasko? {W Madaling Araw 3.6} |
Higit na maitim ang limbag = Pangngalang itinuturing.
May salungguhit = Pang-uri (pamilang) na tumuturing. |
|
Maaaring kaltasin ang pang-angkop sa harap ng pangngalang katao
(tao) [15a|b],
ngunit hindi sa harap ng tao [15c|d].
|
[15] | [a] Lima katao. [b] Limang katao. [c] Limang tao. [d] Lima tao.
| |
8-7.2 Pamilang na isa
(1) Pansemantikang inilalarawan ng pamilang na isạ
ang isahan [1], kasalungat ng ilạn, marami (dalasan ng
isạ {8A-721}). Gaya ng ibang
pamilang, katiyakan ng pangngalang itinuturing ang inihuhudyat ng isạ. Madalas
na panuring na nasa pariralang makangalang pang-umpog ang isạ [2].
(2) Ginagamit din ang isạ upang ilarawan ang tiyak na
tao o bagay, ngunit hindi pa ipinakilala [3 4]. Malimit na "iniaangkop" ang paggamit ng
isạ sa "pantukoy na di-tiyak" ('indefinite article')
ng wikang pang-Europa ('un - una - unos - unas' sa Espanyol),
Wala itong katumbas sa wikang Filipino {2A-301 (2)}, kung kaya ginagamit ito nang kadalasan sa pananalitang
kanluranin [5] {13-5.1}.
|
[1] | May asawa at dalawang anak
– isang lalaki at babae. {W Arrivederci 3.3} (Walang paggamit ng isa sa
harap ng asawa !) |
[2] | "…," malungkot na ipinagtapat sa akin ni Fernando isang
araw nang muli niya akong dalawin. {W Angela 3.21} |
[3] | Natanaw ni Juan ang isang magandang dilag na roon
nanggaling ang napakabangong amoy. { LIW 26 Nob 2007 Juan
Tamad} |
[4] | Sa isang kaliwang kalye, pito
nang pito ang matabang pulis. {W Anak ng Lupa 3.5} ('Sa isa sa mga
kalye'. Walang paggamit ng isa bilang panuring sa pulis kahit tiyak ito at
hindi ipinakilala.) |
[5] | [a b] Ang isang republika ay
isang estado. {Tagalog na Wikipedia
Republika} |
Higit na maitim ang limbag = Pangngalang itinuturing.
May salungguhit = Pang-uring tumuturing na isạ. |
|
8-7.3 Panghalip na pamatlig bilang panuring
Maaaring gamitin ang anyong ANG ng panghalip na pamatlig bilang panuring
sa pangngalan. Gaya ng pang-uri ang
gawi nito [1] (susi {U//HP/1} hanggang
{U//HP/3}). Iniiwasan ang pagsasalubong
na kagyat ng mga itong o itong mga. Sa
halip nito, inihuhuli ang panghalip na pamatlig [2].
Sa mataas na pananalitang pang-araw-araw
at sa pananalitang nakasulat, ipinagbabawal na sumunod sa panandang ang, ng
at sa ang panghalip na pamatlig na iniuuna. Kung ganito, dapat gamitin ang anyong
inihuhuli [3 4]. Sa pananalitang pang-araw-araw, kinakaltas ang panandang ang
sa harap ng panghalip na pamatling na makaturing [5], lalo na sa harap ng yung [6]
{8-4.2 (4)}.
|
[1] | Itong huling tungkulin ay nagagampanan sa Alemanya.
{W Salazar 1.3.14} |
[2] | Pilit ko mang ipaunawa sa kanya na ang mga bagay na ito.
{W Material Girl 3.6} |
[3] | Ngayon, sa araw na ito.
{W Aquino 2010 3.7} |
[4] | Ngayo'y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito,
{W Aesop 3.1.2} |
[5] | At mababasa niya iyong nakasulat sa bangkang-papel?
{W Daluyong 3.14} |
[6] | Hintayin n'yo naman hong matapos 'yung bata.
{W Piso 3.3} |
Higit na maitim ang limbag = Pangngalang itinuturing.
May salungguhit = Panghalip na pamatlig na tumuturing. |
|
8-7.4 Pangngalan bilang panlapag
(1) Pangngalan ang maaaring tumuring sa pariralang makangalan. Karaniwan, pantuwid o
pandako ang panuring, pati maaaring buuin ang panlapag. Sa dalawang kalagayan, mabisa ang
paraan ng pagsasanga sa kanan; sumusunod sa salitang-ubod (salitang batayan) ang pangngalang
nagtuturing (salitang nagtuturing) [1-6].
Gaya ng sa pang-uri, may pang-angkop ang yaring ito [1-4], ngunit maaaring kaltasin ang
anyong na ng pang-angkop [5 6]. Sa [4] tumuturing ang panlapag sa panghalip na panao.
Pangkawikaan ang yaring may halịp sa [7].
|
[1] | Kung may parokyanong bibili ng isang sakong bigas.
{W Nanyang 11.7} |
[2] | Maraming salamat, kaibigang Pocoy.
{W Samadhi 4.5} |
[3] | Nagunita niya ang kanyang ama at ang kanyang kapatid na si
Ligaya. {W Anak ng Lupa 3.7} |
[4] | Tayong mga Pilipino ay mapagpahalaga sa salu-salu o
kainan. {W Katesismo 3.34} |
[5] | Si Isha ay may nakataling lasong hugis paruparo sa buhok.
{W Nanyang 13.22} |
[6] | Nag-iisang pumanhik sa bundok Duhat simula
pa kaninang tanghali si Samadhi. {W Samadhi 4.1} (Tingnan din sa
{8-8.1 [3]}.) |
[7] | [a] Sa halip
na ako. [b] Sa halip na kapatid ko. {4-3.2} |
Higit na maitim ang limbag = Pangngalang itinuturing
(salitang batayan). May salungguhit = Pangngalan (sa [6a] panghalip na panaong
ANG) na tumuturing. |
|
(2) Maaaring ituring sa yaring gaya ng [8] ang pariralang makangalan
(panuring tumitiyak; hindi ito panlapag!).
|
[8] | Tatlong magkakaibigan, isang pare,
isang manggagamot at isang sundalo. |
|
8-7.5 Pang-abay bilang panuring
Hindi bumabagay nang mabuti sa pangngalan ang karamihan sa pang-abay na pangnilalaman;
may ilang kalagayan lamang kung saan maaari itong tumuring [1].
|
[1] | Hindi ko na kayang sakyan ang kahon ng kanyang kaligayahang
ngayong madaling araw. {W Madaling Araw 3.10} (Ikinakabit sa pamamagitan ng
pang-angkop ang pang-abay na ngayon, kung kaya panlapag ito.)
{9A-511 Σ} |
|
8-7.6 Pariralang pang-ukol bilang panlapag
(1) Maaaring tumuring sa pariralang makangalan ang pariralang pang-ukol na may
nasa [1] at ang pariralang pangkaroon [2]. May pang-angkop ang panuring ito;
panlapag ang mga ito.
|
[1] | Narito ako dahil dito raw matatagpuan ang kayamanang
nasa dulong arko ng bahaghari. {W Samadhi 4.2} |
[2] | Nakita niya ang mga batang may tulak-tulak na maliit na
kariton sa harap ng isang palengke. {W Anak ng Lupa 3.3} |
Higit na maitim ang limbag = Pangngalang itinuturing.
May salungguhit = Pariralang pang-ukol na nagtuturing. |
|
(2) May pariralang pang-ukol ng pulutong na tungkol na
pampalaugnayan at pansemantikang pinag-ugnay sa pariralang makangalan. Inihuhuli ito sa
pangngalan at mayroon
itong pang-angkop [3]. Ginagamit ang yaring may pang-angkop upang ihundyat na nakapalapit
ang panuring sa pangngalan {10-2 (2)}.
|
[3] | Isang wikang batay sa isa sa mga katutubong wika
ng Filipinas. {W Almario 2007 3.1} |
Higit na maitim ang limbag = Pangngalang itinuturing.
May salungguhit = Pariralang pang-ukol na nagtuturing. |
|
8-8 Pantuwid at pandako sa pariralang makangalan
8-8.1 Pantuwid sa pariralang makangalan
Sa karamihan, ipinapahayag ng pariralang pantuwid na tumuturing sa pariralang
pangngalan ang kaugnayang paari [1 2]. Ginagamit ang iba pang pulutong ng pantuwid upang
ilarawang mas wasto ang pangngalang pang-itaas [3 4]
('panuring na tumitiyak'). Kasama ng panghalip na
panaong pangmaramihan, maaaring gamitin ang pantuwid upang ilarawang mas wasto ang mga
taong sumasali [5].
|
[1] | Ngunit nanlalambot ang mga tuhod ng batang babae sa
labis na takot. {W Nanyang 22.9} |
[2] | Nasa katutubong baybayin ng mga ninuno natin ang
ikalawa. {W Dasal 3.7} |
[3] | Lalawigan ng Batangas.
(Tingnan din sa {8-7.4 [6]}.) |
[4] | Halimbawa nito ang kaiga-igayang paggamit.
{W Javier 3.5} |
[5] | Tuwang-tuwa kami ni Papa, dahil maraming taon na tayong
hindi nagkikita. {W Nanyang 21.16} |
Higit na maitim ang limbag = Ngalang itinuturing.
May salungguhit = Pantuwid na tumuturing. |
|
8-8.2 Pandako sa pariralang makangalan
Malimit ay kaganapan ng pandiwa o pariralang malaya ang pariralang pandako.
Sa tabi nito, maaaring makaturing sa pariralang makangalan ang pandako [1 2].
Sa maraming kalagayan, magkatulad ang tungkuling pansemantika ng pandakong makaturing
at ng pandako bilang kaganapan ng pandiwa [3a|b].
|
[1] | Pagtitinda ng kung anu-anong pagkain sa mga kababayang
manggagawa. {W Rosas 4.19}. |
[2] | Isa sa mga katutubong wika ng Filipinas.
{W Almario 2007 3.1}
(Nagagamit na pangngalan ang pamilang na isa.)
{13A-4321 Σ [2]} |
[3] | [a] Tumutulong ako sa kanya. [b] Tulong sa kanya. |
[4] | Nang makaraan ang ilang araw, ang
puno ng unggoy ay namatay, yamang ang sa pagong ay tumubo hanggang
sa magbunga. {W Unggoy}
{3-4 (3)} |
Higit na maitim ang limbag = Ngalang itinuturing.
May salungguhit = Pandakong tumuturing. |
|
8-9 Θ Pariralang makangalan
Sa Patakaran, pariralang pangnilalaman ang pariralang makangalan; itinatampok
ito nang sumusunod.
| Paggamit ng pariralang makangalan |
Mga bahagi ng pariralang makangalan |
|
[1] | Paniyak {2-4.1} |
[2] | Panaguri {2-4.2} |
[3] | Pantuwid {3-2.1} |
[4] | Pandako {4-3.1} |
[5] | Panlapag (kaganapan ng pandiwa)
{6-2.3} |
[6] | Panlapag (panuring sa pariralang makangalan)
{8-7.4} |
[7] | Pang-umpog (pariralang makangalang pang-umpog)
{5-3.1} |
[8] | | Salitang-ubod na
pangngalan |
[9] | | Salitang-ubod na panghalip
{8-6.1} |
[10] | | Pantukoy {8-6.2} |
[11] | | Panlapag bilang panuring:
Pang-uri {8-7.1}
Panghalip na pamatlig {8-7.3}
Pangngalan {8-7.4}
Pang-abay {8-7.5}
Pariralang pang-ukol {8-7.6} |
[12] | | Pantuwid bilang panuring
{8-8.1} |
[13] | | Pandako bilang panuring {8-8.2} |
| | | |
Palaugnayan ng Wikang Filipino
Wakas ng 8 Mga Ngalan (Talaksan 8/2)