9 Mga Pang-uri at mga Pang-abay
(Talaksan 9/2)

9-4 Mga pang-abay   (•• Pang-abay)

Ibinubukod ang dalawang uri ng pang-abay. Kataga – hutaga at untaga – ang unang uri (susi {A/HG} at {A/UG}). Ang pangalawang uri ay salitang pangnilalamang maaaring bumuo ng parirala (susi {A/LM}).


9-4.1 Pang-abay na hutaga

Panuring sa pandiwa [1], pangngalan [2], pang-uri [3], pang-abay [4 5] o sa buong parirala [6 7] ang pang-abay na hutaga. Kung ganito, hindi ito maaaring umalis sa parirala nito. Nagsasaad ng buong sugnay ang hutagang daw sa [8].

 
[1]"Magpapaalam na po ako," sabi ng binata. {W Bulaklak 8.22}
[2]Pangalan lang niya ang alam ko. {W Estranghera 3.9}
[3]Iisa lang ang kanilang anak - si Fernando. {W Suyuan 5.4}
[4]Ngayon lang nangyari 'to sa 'kin. {W Bulaklak 8.5}
[5]Kailangan ding magsalita sila ng Tagalog. {W Plano 3.43} (Gaya sa panggitaga ay kailangan ang salitang makatukoy ng din na pansemantikang malapit sa magsalita.)
[6]Sa labas lang ako nakakatawa nang buong laya. {W Estranghera 3.4}
[7]Wala nang mga tao sa mga puwestong iyon. {W Bulaklak 8.16}
[8]Sabi ng Nanay ko, dapat daw ingatan ko ang pera. {W Piso 3.4}
Higit na maitim ang limbag = Pang-abay na hutaga. May salungguhit = Salitang makatukoy ng hutaga.

Pang-abay na hutaga

ba daw, raw din,rin h kay man
lamang, lang muna na{9-4.1.1} namạn
ng pa{9-4.1.1} palạ p sana
tulọy ul yata     
Ginagamit din bilang salitang pangnilalaman ang pang-abay na sana.


9-4.1.1 Pang-abay na pampananaw na na at pa

(1) Pang-abay na pampananaw ang hutagang na at pa. Apat na pananaw ang maaaring ipahayag ng mga ito kasama ang pagtangging hindi na [hɪn'di:.nʌ] at hindi pa [hɪn'di:.pʌ] [1-4]. Hindi nakatakda sa pandiwa ang pagpapahayag ng pananaw, maaari ding gamitin sa pariralang pangkaroon [5-8], pang-uri [9] at makangalan [10].

 
Pananaw

[1]Umuulan na. Di-pangganap, nagsimula noon.
[2]Umuulan pa. Di-pangganap, maghihintay sa wakas.
[3]Hindi na umuulan.Pangganap.
[4]Hindi pa umuulan. Mapagdili-dili.
[5]Mayroon na akong pera.Di-pangganap, nagsimula noon.
[6]Mayroon pa akong pera.Di-pangganap, maghihintay sa wakas.
[7]Wala na akong pera.Pangganap.
[8]Wala pa akong pera.Mapagdili-dili.
[9]Mahirap pa ako.Di-pangganap, maghihintay sa wakas.
[10]Karpentero na ang aking kapatid.Di-pangganap, nagsimula noon.
[11]Muntik na siyang masamid. {W Karla 5.209} (Palaging ginagamit kasama ang pang-abay na na (hindi ito pang-angkop) ang pang-abay na muntik.)

(2) Maaaring pagsamahin ang hutagang na, pa at ang anyong -ng ng pang-angkop, bunga nito ang nang, pang [12-14]. Dapat ibukod ang nang na ito sa ibang salitang may bigkas na [nʌŋ] {5-3.4 (2)}.

 
[12][a] Wala ka nang balak na halikan ako. {W Madaling Araw 3.7}
 [b] Wala kang balak.
[13][a] Malaki na nga ako, isang ganap na dalaga nang matatalos. {W Material Girl 3.5}
 [b] Dalagang matatalos.
[14][a] Marami pang oras at buntunghininga ang lumipas. {W Madaling Araw 3.2}
 [b] Maraming oras.

9-4.2 Pang-abay na untaga

(1) Nasa harap ng salitang kaugnay ang 'pang-abay na untaga' [1 2]. Gaya ng ibang mga kataga, hindi ito bumubuo ng parirala, wala itong panuring at hindi ito maaaring magamit na salitang makatukoy ng panggitaga.

 
[1]Tila malapit ang mga tunog na naririnig ko. {W Dayuhan 3.14}
[2]Halos isang buwan na di ako nagpupunta sa kanila. {W Tiya Margie 3.6}

(2) Ipinapalagay din naming pang-abay na untaga ang sumusunod:
- ANG na makaabay [3] {2-3.3}.
- mga kung may kahulugan ng 'di-wasto, di-husto' [4] {8-6.2 (4)}.
- may kung may kahulugan ng 'humigit-kumulang' [5] {10-4 (4)}.

 
[3]At ang tanging habol lamang ay ang kaginhawahang makakamit sa piling ng matanda. {W Material Girl 3.8}
[4]Umalis sina Ang Taoke at Tan Sua mga alas-tres ng hapon. {W Nanyang 11.10}
[5]Mahaba ng may isang metro ang patpat.

Pang-abay na untaga

ang bakạ halos may mga oo
  patị pulọs sak tila
Ginagamit din bilang salitang pangnilalaman and pang-abay na bakạ, patị at sakạ.


9-4.3 Salitang pangnilalaman

Sa tabi ng katagang naturan may pang-abay na salitang pangnilalaman. Maaari itong may pananda, may panuring, magamit na salitang makatukoy ng panggitaga at maaaring bumuo ng parirala. Pampalaugnayan, tatlong pulutong ang ibinibukod:

Sa mga pangkat na sumusunod inilalahad ang pagbuong palaanyuan nito: Salitang-ugat, pang-abay na may panlapi at iba pa.


9-4.3.1 Salitang-ugat

Iba't ibang mga pulutong ng pang-abay na salitang-ugat na salitang pangnilalaman ang maaaring ibukod; magkaiba ang kilos na pampalaugnayan ng mga ito.


9-4.3.2 Pang-abay na may panlapi

May pang-abay na hinango sa pamamagitan ng unlaping pa- [1 2], kahit pang-uri na nagagamit na pang-abay ang karamihan sa mga anyong ito [3]. May ilan pang pang-abay na binubuo sa tulong ng ibang panlapi [4-6].

 
[1]Parati siyang galit pag-uwi ng bahay kapag natatalo. {W Daluyong 15.14}
[2]Palagi kang nag-iisa. {W Rosas 3.20} (May pang-uring palagian.)
Iba pang mga pang-abay na may unlaping pa-: paano, pahilịg, pasadyạ, paupọ.
[3]Lumipad na pataas sa langit ang lobo. (May pang-uring pataạs.)
[4]Dumaan [siya] sa amin kamakailan. {W Ulan 20.1}
[5]Magdamag akong hindi nakatulog.
[6]Mamaya nang kaunti ay aalis ako.

Panlapi ng pang-abay

kamaka- (ka- 13) ma- (5) mag- (4) pa- (8)


9-4.3.3 Iba pang mga pang-abay

Sa pamamagitan ng pag-uulit ng ugat-salita ay ilang pang-abay ang binubuo (araw-araw, mayạmayạ.)

Halimbawa ng pang-abay na tambalan: bukas-makalawạ, habang-daạn.

Maaaring pagsamahin ang pang-abay na pananong at ang pang-abay na kahit o man {8-4.3.1}. Bunga nito ang pang-abay na panaklaw (susi {AS}) [1-4] {8-4.3.1}.

 
[1]Kahit gaano kabigat ang kasalanan ng isang tao. {W Material Girl 3.12}
[2]Kailangan din namin siya dito kahit paano siguro magiging maalwan ang buhay namin. {W Material Girl 3.3}
[3]Gaano man kahaba ang pisi niya sa lalaking ito, darating at darating din siya sa dulo. {W Karla 5.209}
[4]At ang kaligayahang iyon ay 'di kailanman maibibigay ng sinumang anak. {W Suyuan 5.12}


9-4.4 Pang-uring nagagamit na pang-abay

Maaaring magamit na pang-abay ang pang-uri; wala itong pagbabagong pampalaanyuan (pang-uring makaabay, susi {A//U}). Maaari itong malaya sa pangungusap [1] o tumuturing ito sa pandiwa [2], madalang sa ibang parirala [3].

 
[1]Bigla napabaling ang tingin ni Regina sa dulo ng kalye. {W Naglaho 3.20}
[2]Mabilis na lumapit si Dy Koyi. {W Nanyang 11.14}
[3]Sadyang may kultural na pagkakaiba-iba ang mga pangkat ng tao. {W Plano 3.49} (Dahil sa pang-angkop sa sadya ay hindi maaari itong pariralang malaya.)


9-5 Mga pariralang pang-abay

Tinatawag naming pariralang pang-abay ang mga pariralang pangnilalamang may pang-abay bilang salitang-ubod [1] (susi {P-A}); pati ang pariralang may pang-uring nagagamit na pang-abay [2]. Pang-abay na walang panuring ang karamihan ng pariralang pang-abay [1-2].

 
[1]Malimit na ako ang kasama ni Ina. {W Uhaw 3.9}
[2]Biglang matataranta ang dalawa kong kapatid. {W Mumo 3.2}

9-5.1 Pariralang pang-abay na may panuring

(1) Maaaring ituring sa pariralang makangalan ang pang-abay [1 2 3a]. Malimit na ginagamit ang pang-angkop upang ikabit ang panuring. Kung gayon, panlapag ang panuring sa pang-abay. Maaari ding ituring sa yaring gaya ng [4] ang pang-abay. Maaaring kataga (karaniwang pang-abay na hutaga o untaga) ang panuring sa pang-abay [5].

 
[1]Kaninang umaga pa'y sinabi niyang darating ka. {W Nanyang 13.25}
[2]Hindi ko na kayang sakyan ang kahon ng kanyang kaligayahang ngayong madaling araw. {W Madaling Araw 3.10} {9A-511 Σ}
[3][a] Noong isang taon.
 [b] Sa isang taon. (Para sa kinabukasan ginagamit ang pariralang pandako.)
[4]Bukas nang umaga.
[5]Halos araw-araw naman ako'y nasa simbahan. {W Material Girl 3.2}
Higit na maitim ang limbag = Pang-abay. May salungguhit = Panuring nito.

(2) Ang pariralang makangalan ang panuring sa pang-abay at hindi baligtad. Sa [6a], itinuturing ang pang-abay na noọn sa pariralang makangalang isang linggo. Maaaring kaltasin ang panuring na isang linggo, ngunit hindi ang pang-abay na noọn [6b|c].

 
[6][a] Nakatanggap kami ng sulat galing kay Dichiak noong isang linggo. {W Nanyang 21.16}
 [b] Kailan nakatanggap kami ng sulat? Noon.
 [c] Kailan nakatanggap kami ng sulat? Isang linggo.

Panuring at pariralang itinuturing{5A-201 Θ}


9-5.2 Pariralang pang-abay na pang-ibaba

(1) May tatlong pagkamaaari upang ikabit ang pariralang pang-abay sa pandiwa [1-3].

 
[1]Iniuunang panlapag
 [a] Muling kumatok si Ada. {W Bulaklak 8.19}
 [b] Isang araw nang muli niya akong dalawin. {W Angela 3.21}
[2]Inihuhuling panlapag
 [a] Kung papaano mabuong muli ang iyong winasak na tahanan. {W Rosas 4.22}
 [b] Nangiti na lang akong muli. {W Madaling Araw 3.5}
[3]Pang-umpog
  Nabuhay muli si Busilak. {W Busilak 3.9}
Higit na maitim ang limbag = Pariralang itinuturing (pariralang pandiwa). May salungguhit = Panuring (pariralang pang-abay).

Sa [1 2], pampalaugnayang pang-ibaba ang pang-abay sa pamamagitan ng panlapag na may pang-angkop {*}. Maaari ang pagkakabit na ito kung nasa kagyat na harap o likod ng pandiwa ang pang-abay. "Kagyat" din ang pagkakaugnay kung panghalip na may gawing hutaga o pang-abay na hutaga ang nasa pagitan ng pang-abay at pandiwa (panggitaga sa [1b 2b]). Bumubuo ng pang-umpog ang pang-abay sa [3]. Kung ganito pampalaugnayan, walang pagkakaibaba kahit maaaring pang-ibaba ang pang-abay nang pansemantika.

{*}   Maaaring kaltasin ang anyong na ng pang-angkop {5-2.2}.

(2) Napakalimit na iniuuna ang pang-abay na may pang-angkop (pagkamaaaring [1]); sa [4-8], tumuturing ito sa pandiwang makataguri. Maaari din itong tumuring sa iba pang salitang pangnilalamang bumubuo ng panaguri (pang-uri [9], pangngalan [10], pariralang pangkaroon [11]).

 
[4]"Mabilis akong tatakbo," sagot ni Cris. {W Bulaklak 8.2}
[5]Bagaman hindi pa uso ang karaoke noon ay talagang naibigay ni Regine ang boses na tunay. {W Regine 3.2}
[6]Nang magbalik ang uwak sa kanyang mga kauri, hindi na rin siya tinanggap ng mga ito. {W Aesop 3.2.3}
[7][a] Naalaala ko si Ina at magdamag na hindi ako nakatulog sa pag-iyak. {W Daluyong 15.16}
[8]Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. {W Aesop 3.1.2} (Pang-abay na pangmarahil.)
[9]Likas tayong mahilig sa pagtula. { Papa 2000 p. 77}
[10]Marahil na kambing ang hayop na nandoon.
[11] Lagi siyang may bitbit na plastik na supot. {W Angela 3.1}
Higit na maitim ang limbag = Pariralang itinuturing (pariralang pandiwa sa [4-8]). May salungguhit = Panuring (pariralang pang-abay).

(3) Kung may ibang parirala sa pagitan ng pang-abay at pandiwang makataguri, binubuo ang pang-umpog (pagkamaaaring [3]) dahil hindi maaaring bumuo ng panlapag. Tangi ang yari kung kagyat na sumusunod sa pandiwa ang pang-abay. Kung ganito, pampalaugnayang maaaring buuin ang panlapag na may pang-angkop (pagkakamaaaring [2]). Gayunman karaniwang minamabuti ang pagbuo ng pang-umpog (pagkakamaaaring [3]) {9-5.3 (2)}.

Kung inihuhuli ang pang-abay sa pandiwa ay maaari:

 
[12]Tumakbong pataas ang bata.
[13]Kung bakit siya nakapagkuwento sa akin nang ganoon. {W Estranghera 3.11}
[14]Minamahal kita nang higit pa sa kahit anong bagay sa mundo. {W Busilak 3.16} (Yaring hutagang payak at hindi panggitaga ang kita. Dahil dito inihihiwalay nito ang pandiwa sa pang-abay.)
[15]Kung titingnan, parang noon lang nakakain ang bata nang ganoon karami. {W Piso 3.2}
[16]Nagpanggap muli ang reyna at nagdala ng suklay na may lason. {W Busilak 3.10}
Higit na maitim ang limbag = Pariralang itinuturing (pariralang pandiwa). May salungguhit = Panuring (pariralang pang-abay).

(4) Sa tabi ng panaguri, tumuturing din ang pang-abay sa iba pang mga pararila [17 18]:

 
[17]Kapansin-pansin ang lalong hindi niya pagkibo buhat noon. {W Uhaw 3.11} (Panuring sa loob ng pariralang pang-ukol {10-2}.)
[18]Hindi ko na pinansin ang pagkain ni Abet, dahil talagang masarap siyang kumain. {W Sabong 8.11} (Ang pang-uring nagagamit na pang-abay na talaga ay panuring sa pang-uring nagagamit na pang-abay na masarap na tumuturing sa pandiwang kumain (talagang masarap at masarap na kumain).)
Higit na maitim ang limbag = Pariralang itinuturing. May salungguhit = Panuring (pariralang pang-abay).

(5) Pang-abay na pangnilalamang iniuuna bilang panlapag

bak {*} hind {*} lalo mas {*} mukh para (3)
patị {*} sak {*} sakali samantala sana wari
{*}   Walang pang-angkop ang panlapag na bumubuo ng pang-abay na ito.
Ginagamit din bilang untaga ang pang-abay na bakạ, patị at sakạ.
Ginagamit din bilang hutaga ang pang-abay na sana.

(6) Pang-abay na pangnilalamang bumubuo ng panlapag kung iniuuna
at ng pang-umpog kung inihuhuli

higịt labis lagi magdamạg (damạg) mul palagi


9-5.3 Pariralang pang-abay na malaya

(1) May dalawang pulutong ng pariralang pang-abay na malaya sa pangungusap. Karaniwang bumubuo ng pang-umpog ang unang pulutong na tinatawag naming pulutong na kanina (susi {A/KN}). Sa karamihan, ito'y pang-abay na pamanahon. Malimit na hindi mahigpit na inihihiwalay ito sa mga ibang bahagi ng pangungusap [1-3]; lalo na wala itong paggamit ng panandang nang. Bilang salitang pangnilalaman, maaaring ituring ang mga pang-abay na kanina, maaari itong bumuo ng panlapag upang tumuturing sa ibang parirala at maaari itong magamit na salitang makatukoy ng panggitaga. Kasapi din ng pulutong na ito ang pang-abay na mịnsan at ngayọn, kahit may kakaibhan ang dalawa. Maaaring magamit na panaguri ang pang-abay ng pulutong na kanina {2-4.7 (3)}.

Nasa unahan ng pangungusap ang pang-abay na pananong na bakit at kailạn (ilạn) [4] {12-2.3}. Maaaring ibilang sa pulutong na kanina ang yari sa oras na bumubuo sa pamamagitan ng salitang hiram na Espanyol na ala at alas [5], ngunit maaaring bumuo ng yaring may panandang nang [5b].

 
[1]Hanapin agad ang dulo ng bahaghari. {W Samadhi 4.1} {13A-101 [2] Σ}
[2]Ito rin ang tanong ko ngayon kay Ina. {W Dayuhan 3.19}
[3]Pisong ibinigay mo sa 'kin kanina. {W Piso 3.4}
[4]Kung siya 'yon bakit siya magnanakaw pa? {W Angela 3.6}
[5][a] Alas tres may handaan ang mga bata.
 [b] May handaan ang mga bata nang alas tres.
 [c] May handaan ang mga bata alas tres.

Pang-abay ng pulutong na kanina

agạd araw-araw araw-gabị bukas kagabị
kahapon kanina mamayạ minsạn ngayọn
noọn ulit bakit kailạn alas

(2) Sa pangalawang pulutong, pang-umpog ang binubuo ng pang-abay (o ng makaabay na pang-uri) pag nasa gitna o hulihan ng pangungusap [6]. Kung gayon, ito'y maaaring may panandang nang [7]. Maaari ding binubuo ang pang-umpog kung nasa unahan [8 9]. Gayunman panlapag ang minamabuti kung nasa harap ng pandiwang makataguri [10] {9-5.2 (2)}; palaging bumubuo ng panlapag ang maaari {A//AH} (ari).

 
[6]Takot akong mapagalitan kaya nakapinid palagi ang mga labi ko. {W Estranghera 3.4}
[7]Kung bakit siya nakapagkuwento sa akin nang ganoon. {W Estranghera 3.11}
[8]Kalimitan, ang kaalamang itong dala ng Pilipino tungkol sa kabuhayan at pamumuhay {W Salazar 1996 2.1.17}
[9]Karaniwan na'y nakapuwesto kami sa lugar na matao. {W Material Girl 3.3}
[10]Karaniwang nagtatanim ang mga Teduray mula huling bahagi ng Marso hanggang kalagitnaan ng Mayo. {W Ambrosio 2006 2.24}


9-5.4 Θ Pariralang pang-abay

Sa Patakaran pariralang pangnilalaman ang pariralang pang-abay.

Paggamit ng pariralang pang-abay

[1]Panlapag {9-5.2}
- Pang-abay na pangmarahil {9-6}
[2]Pang-umpog {9-5.3}
[3]Panaguri {2-4.7 (3)}
[4]Panuring sa pariralang pang-ukol {10-2}

  Mga bahagi ng pariralang
pang-abay
(sa tabi ng pang-abay)

[5]Panlapag na makaturing {9-5.1}
- Pariralang makangalan


Wikang Filipino ni Armin Möller
http://www.germanlipa.de/filipino/ug_U_2.html
08 Enero 2011 / 06 Oktubre 2020

Palaugnayan ng Wikang Filipino
Wakas ng 9 Mga Pang-uri at mga Pang-abay (Talaksan 9/2)

Simula ng talaksan   Palaugnayan   Ugnika