{10A-101 } Pang-ukol at pariralang pang-ukol
(1) Tinatalakay ni { Bloomfield 1917 § 270 ff.} ang 'particles' na ayon, bukọd, kay (kaysạ), laban, tungkọl, ukol sa pulutong kung saan 'Certain words form with their attributes phrases that are used as absolute attributes for the most part loosely joined. The phrase-forming attributes are local'. Ibig sabihing bumubuo ng pariralang karaniwang malaya ang pang-ukol kasama ang panuring nito. Pariralang pandako ang panuring na nasa loob ng pariralang pang-ukol.
Hinggil sa nasa (§ 212): 'The particle sa has a number of derivates which are transient [makadiwa] in meaning.'
Hinggil sa pangkaroon (§ 69): '… to express indefinite quantities when preceeded by certain modifiers. These modifiers are the pretonic particles' may, mayroọn, walạ, … at marami.
(2) Ipinapalagay na 'lexical prepositions' na may 'dative NP's as objects' ni { Kroeger 1991 p. 203} ang pang-ukol.
{10A-201} Paggamit ng kaysa sa hambingang palamang
(1) Sa hambingang palamang ng pang-uri {9-2.7 (2)}, karaniwang ginagamit ang pang-ukol na kaysạ (nagsasaad ng paniyak, panaguri, sugnay). Kung pantuwid o pandako ang inihahambing ay ginagamit ang yaring kaysạ sa (kung pantuwid ay nagiging ito pandako {3-4 (3)}).
(2) Kung iniuugnay ang kaysạ sa taong may pantukoy na si o sinạ, binubuo ang pandakong kaysạ kay o kaysạ kinạ. Kahambing ang mga yaring may panghalip na panao o pananong.
Mga pangungusap na halimbawa → Talasalitaan kaysạ
(3) Sa diksiyonaryong { UPD}, ipinapalagay na pang-ukol at pangatnig ang kaysạ. Kay { VCS}, ito'y pangatnig.
{10A-411 Σ} Pagsusuri ng pangungusap: Pariralang pangkaroong may pandiwaring may panuring
Pinakiramdaman ko kung may maririnig akong tinig at kalabog. {W Angela 3.10} | |||||||||
pinakiramdaman ko | kung may maririnig akong tinig at kalabog | ||||||||
{S-0/L/P0} | {S-K/B/GGD} | ||||||||
pinakiramdaman ko | may maririnig na tinig at kalabog | ako | |||||||
{P-P=P-D} | {P-P=P-OD(OD P-N)} | {P-T=P-N(HT)} | |||||||
maririnig na tinig at kalabog | |||||||||
{P-N(N//DB/H L (N K N))} | |||||||||
maririnig akong tinig at kalabog | |||||||||
{GGD/N//DB|HT|(N K N)} | |||||||||
pinakiramdaman | ko | kung | may | maririnig | akong | tinig | at | kalabog | |
DB10/N | TW.HT | K | OD | N//DB/H | HT.L | N | K | N | |
Tambalang ang pangungusap. Nagsasarili at di-batayan ang unang sugnay. Ang paniyak nito ang pangalawang sugnay (sugnay na may pangatnig). | |||||||||
Panaguri ng pangalawang sugnay ang pariralang pangkaroon na may maririnig, paniyak nito ang ako. Hindi maaaring salitang makatukoy ng panggitaga ang anyong dinaglat na may. | |||||||||
Isinisingit sa pariralang pangkaroon ang paniyak na ako. {11-6.5 (4)}. | |||||||||
May panuring na tinig at kalabog (panlapag na may pang-angkop) ang pandiwaring maririnig. Sa pangungusap na kahambing na may marinig bilang panaguri ay tinig ang paniyak: Naririnig ko ang tinig. | |||||||||
Marahil na ginagamit ang anyong panghinaharap upang ipahayag ang pasakali (pananaw na di-tunay) {6-6.2.3}. |
{10A-412 Σ} Pagsusuri ng pangungusap: Pandiwari sa loob ng pariralang pangkaroon, pagpapalitan ng pantuwid sa pandako
Marami pa siyang sinabing halos aking ikinabingi. {W Damaso 4.7} | |||||||||
marami pa siyang sinabing halos aking ikinabingi | |||||||||
{S-Tb(S-0/L S-L)} | |||||||||
marami pa siyang sinabi | -ng halos aking ikinabingi | ||||||||
{S-0/L/GGD} | {S-L/P0} | ||||||||
marami pang sinabi | siya | halos aking ikinabingi | |||||||
{P-P=P-OD} | {P-T=P-N(HT)} | {P-P=P-D} | |||||||
marami pang sinabi | |||||||||
{P-OD(OD A/HG.L N//DB)} | |||||||||
marami pa siyang sinabi | |||||||||
{GGD/OD|(A/HG HT)|N//DB} | |||||||||
marami | pa | siyang | sinabing | halos | aking | ikinabingi | |||
OD | A/HG | HT.L | N//DB/D.L | A/UG | U//HT/K.L | DP10/N/fs|fg | |||
Pangungusap na tambalan. Nagsasarili ang unang sugnay. Sugnay na makaangkop na may salitang kaugnay na sinabi ang pangalawa. | |||||||||
maraming sinabi ang pariralang pangkaroon. Sapagkat panghalip na panao ang paniyak, binubuo ang panggitagang pangkaroon. | |||||||||
Pandiwari makangalan ang sinabi na itinuturing sa sugnay na makaangkop na halos aking ikinabingi. | |||||||||
May fokus na sanhi ang pandiwang | |||||||||
ikabingi. Ang paniyak nito ay sinabi (bahagi ng pariralang pangkaroon sa sugnay na pang-itaas), dahil dito walang pag-uulit sa sugnay na makaangkop {13-4.6.2}. | |||||||||
Karaniwan, may | |||||||||
pantuwid na inihuhuli (tagaganap) ang ikinabingi ko, hinahalinhan ito ng iniuunang panhalip na SA upang iwasan ang isapantig na panghalip na panao sa hulihan ng pangungusap {8-4.1 (3)}. |
{10A-413 Σ} Pagsusuri ng pangungusap: Pang-abay na pangmarahil sa pariralang pangkaroon
At sa panahong mahina ang negosyo, sino ang may gustong mawalan ng isang suki? {W Nanyang 22.12} | |||||||||||||
sa panahong mahina ang negosyo | sino | ang may gustong mawalan ng isang suki | |||||||||||
{P-K/L(N.L S-L)} | {P-P=P-N} | {P-T=P-OD} | |||||||||||
mahina ang negosyo | may gustong mawalan ng isang suki | ||||||||||||
{S-L(P-P=P-U P-T=P-N)} | {P-OD(OD P-N)} | ||||||||||||
gustong mawalan ng isang suki | |||||||||||||
{P-N(AH/N N//DT P-W)} | |||||||||||||
sa | pan. | mahina | ang | negosyo | sino | ang | may | gustong | mawalan | ng | isang | suki | |
TK | N.L | U | TT | N/Es | HN | TT | OD | AH.L | N//DT/W | TW | UB.L | N | |
Pariralang pandakong malaya ang sa panahon. Tumuturing sa pangngalang panahon ang sugnay na makaangkop na mahina ang negosyo. | |||||||||||||
Dahil sa pagbuo ng pariralang pangkaroon ay maaaring itanong ang tagaakala {10-4.1 (4)}. | |||||||||||||
Panuring sa loob ng pariralang | |||||||||||||
pangkaroon ang pandiwaring makangalang nawalan. Itinuturing ito sa pang-abay na pangmarahil na gusto at sa pantuwid na ng isang suki. |
Wikang Filipino ni
Armin Möller http://www.germanlipa.de/filipino/ug_O_K.html 07 Hulyo 2006 / 220103 |