(1) Ang pang-ukol ay isang pulutong ng salitang bumubuo ng pariralang may kahulugang panlunan, pamanahon, pansanhi at pamaraan (susi {O}). Nabibilang ito sa salitang pangnilalaman.
Sa tabi nito, ibinibilang namin sa pang-ukol ang nasa at ang mga pangkaroon, dahil sa maraming kalagayan ay magkapareho ang gawi ng pang-ukol na ito at ang sa pang-ukol na "karaniwan" (tinatawag naming 'pulutong na tungkol').
(2) Ang pang-ukol ang salitang-ubod ng pariralang pang-ukol (susi {P-O}). Nasa unahan ng parirala ang pang-ukol. May panuring ang pang-ukol, hindi nag-iisa ang pang-ukol sa pangungusap. Maaaring pariralang pangkayarian (pandako, panlapag) o pariralang pangnilalaman (pariralang pang-abay, pangngalan, pandiwaring makangalan) ang panuring sa pang-ukol.
{Θ} Kung hindi pandako o panlapag ang panuring sa pang-ukol ay itinuturing sa iba pang pariralang pangnilalaman ang pariralang pangnilalamang pang-ukol {1-6.3 (4)}.
Pang-ukol at pariralang pang-ukol sa aghamwika → {10A-101 }
(1) Sa karamihan, pandako ang panuring ng pang-ukol ng pulutong na tungkol [1-3]. Maaari ding pariralang pang-abay [4 5] ang panuring (minsan sugnay [13-15]). Pariralang makangalan ang maaaring panuring ng ilang pang-ukol (hanggạng, kaysạ, mulạ), palaging pariralang makangalan ang sa bilang [6].
|
Walang pang-angkop sa pagitan ng pang-ukol at panuring nito (kataliwasan yata hanggạng).
(2) Malaya sa pangungusap at dahil dito pariralang pang-umpog ang karamihan sa pariralang pang-ukol [1 4-6]. Nabibilang din dito ang pariralang na pampalaugnayang malaya at pansemantikang pang-ibaba sa ibang parirala. Maaaring sa ibaba ng pangngalan [2] o ng pandiwa (minsan kaganapang pakunwari) [3]. Sa karamihan, nasa simula ng pangungusap ang pariralang pang-ukol na malaya [1 4-6]. Sa iba ding katayuan sa pangungusap wala itong pananda [2 3].
Mayroon ding pariralang pang-ukol na nagagamit na tumpak na panuring sa pangngalan [7 8]; may pang-angkop ang yaring ito {8-7.6 (2)}. Pinipili ito upang liwanagin ang kaugnayang malapit ng panuring sa pangngalan.
Madalang ang pariralang pang-ukol bilang panaguri [9] at mas madalang bilang paniyak [10].
|
(3) Pang-abay na hutaga ang maaaring isingit sa pagitan ng pang-ukol at panuring [11, {13A-101 [3]}]; ito'y pangalawang panuring sa tabi ng panuring naturan sa itaas. Hindi maaaring hatiin ang pariralang pang-ukol upang buuin ang panggitaga.
|
(4) May magkatulad na salita bilang pang-uri, pang-abay o pangngalan ang ilan sa mga pang-ukol. Maaari ring magamit na pangatnig ang ilan, di-maliwanag ang sakop ng pagsanib ng pang-ukol at pangatnig:
|
Pang-ukol ng pulutong na tungkol | |||||
alang-alang | alinsunod (sunọd) | ayon | batay | ||
bilang | buhat | bukọd | dahil | galing | hanggạng |
hinggịl | kaysạ {10A-201} | laban | maliban | mulạ | |
para | simulạ | tungkọl | tungo | patungo | ukol |
(1) Ang pariralang nasa (sa) ay nagagamit na panaguri [1 2], paniyak [3], pantuwid [4], panlapag [5] (panuring sa pariralang makangalan) o pandako [6]. Sumusunod sa pananda ng pariralang pangkayarian ang pang-ukol na nasa [2-6]. Hindi maaaring malaya sa pangungusap ang pariralang may nasa.
|
(2) Pariralang makangalan ang panuring sa nasa. Madalang lamang inilalarawan ang tao, kung gayon ay ginagamit ang panghalip na panano na SA [7]. Hindi ginagamit ang nasa kasama ang panghalip na pamatlig; sa halip nito, ginagamit ang anyong makadiwa gaya ng nandoọn [8] {7A-113}. Bumubuo din ang nasa ng pariralang kawangis ng pariralang SA-NG [9] {4-3.2}. Maaaring ipalagay na pang-ukol ang pananong na nasaạn [10] {12-2.1}.
|
(1) Binubuo ang pangungusap na pangkaroon ('existential clause') sa pamamagitan ng salitang pangkaroong mayroọn (may), walạ at marami (susi {OD}). Anyong dinaglat ng mayroọn ang may. Nabibilang namin ang mga ito sa pang-ukol.
(2) Pampalaugnayang malapit sa pariralang pang-ukol na nasa ang mga pariralang pangkaroon (susi {P-OD}). Ginagamit ito sa loob ng pariralang pangkayarian. Maaari ito ang panaguri [1 2], paniyak [3], pantuwid [4] at panlapag [5]. Hindi maaaring malaya sa pangungusap ang pariralang pangkaroon.
Malimit na walang paniyak ang pangungusap kung panaguri ang pariralang pangkaroon [1] {13-2.2.2}.
|
(3) Panlapag ang panuring sa loob ng pariralang pangkaroong may mayroọn, walạ at marami [1 3 5]. Ikinakabit ang anyong -ng sa pangkaroon, ito ang nasa harap ng pariralang makangalan na bumubuo ng laman ng panlapag. Maaaring magamit na salitang makatukoy ng panggitaga ang pangkaroon {11-6.5}. Subalit walang panlapag at walang pang-angkop ang dinaglat na pangkaroong may [2 4] at hindi maaaring magamit na salitang makatukoy ng panggitaga (dahil dito, hindi panlapag na walang pang-angkop ang panuring).
(4) Karaniwan, pangkaroon ang walạ, minsan nagagamit itong pang-uri [7]. Samantala karaniwang pang-uri ang marami [3], madalang na nagagamit itong pangkaroon [8]. Pang-abay na untaga ang may sa yaring [9 10] {9-4.2 (2)}; pansemantikang dinadagdagan ang kahulugang 'humigit-kumulang'. Nagagamit na unlapi sa pangngalan [11a] at pang-uri [11b] ang may. Tambalang pangngalan [12a], pang-uri [12b] at pandiwa [12c] ang binubuo ng walạ; malaki ang angkang-salita nito [13].
|
(5) Maaaring gamitin ang pariralang pangkaroon upang maglarawan ng tao (o bagay) na di-kilala. Nasa sugnay na pang-angkop ang tunay na pahayag [14].
|
(6) May anyong pangalawa na meroọn at meron ang pangkaroong mayroọn; madalang ang paggamit ng me sa halip ng may. Ginagamit ang anyong pangalawang ito sa pananalitang pang-araw-araw lamang.
(1) Maaaring pandiwaring makangalan ang laman ng panuring sa loob ng pariralang pangkaroon {6-6.4.3} [1b]. Malimit na ginagamit ang pandiwang balintiyak [1b 2-4]. Binubuo ang ganitong pangungusap kung isang kaganapan ang ayaw banggitin (tagatanggap sa [1b], tagatiis sa [2]). Mayroon ding yari ng pandiwang tahasan [5]. Karaniwang ginagamit ang anyong pamanahon [1-5], madalang lamang ang paggamit ng pawatas [6].
|
(2) Maaaring ituring ang pandiwaring nasa pariralang pangkaroon sa isang parirala [7c]; sa pangungusap na kahambing ito ang paniyak [7a]. Sapagkat bawal may kaganapan ang pandiwari (dahil dito, walang paniyak), idinaragdag ang pariralang naturan gaya ng (o bilang) panuring na may anyo ng panlapag. Nanggagaling sa pagkakasama ng pandiwari at panuring nito ang pang-angkop na ipinagbabawal na kaltasin [7b|c]. Nangingibabaw ang pandiwari ng pandiwang balintiyak [7], sa [8] ang ugat-salita lamang. Maaari ding pandiwari ng pandiwang tahasan [9].
|
(2 {Θ}) May pandiwari at pangngalan ang yari sa [7c 8 9]. Ikinakabit ang dalawa sa pamamagitan ng pang-angkop. Bumubukal ang katanungan kung talagang panuring sa pandiwari ang pangngalan o kung baligtad na ang pangngalan ang "tuwirang" panuring sa pangkaroon [9] {5A-201 Θ}.
(3) Nagsasaad ng paniyak lamang ang pagtatalakay sa talataang (2). Kung pantuwid o pandako ang iniugnay sa pariralang pandiwa bilang panaguri, ito'y kaganapan at pati panuring [10a] {6A-201 Θ}. Kung maging pandiwari ang pandiwa ay mawawalan ng katangiang kaganapan ang pantuwid at pandako [10b]. Mayroon pa naman itong katangiang panuring [10b 11 12]. Sa [13], sugnay na makaangkop ang tumuturing sa pandiwari.
|
(4) Maaaring tumuring ang pang-abay na pangmarahil sa pandiwaring makangalan. Gaya ng karaniwang paggamit ng pang-abay na pangmarahil ay nasa pawatas ang pandiwari [14-16]. May pandiwang tahasan ang karamihan ng yaring ito [14 15], maaari ding pandiwang balintiyak [16 17].
Sa pangungusap na may pang-abay na pangmarahil na makangalan ay pantuwid ang tagaakala [14a]. Dahil dito hindi maaaring maitanong ang tagaakala. Maaaring ito sa pangungusap na may pariralang pangkaroon [14b] {12-4.3 (3)}.
|
(1) Sa Patakaran, pariralang pangnilalaman ang pariralang pang-ukol.
Tungkulin ng pariralang pang-ukol | Pulutong / pang-ukol | ||||
[1] | Panaguri | {O} {*} | nasa | {OD} {**} | {2-4.8} |
[2] | Paniyak | {O} | nasa | {OD} | {2-4.8} |
[3] | Pantuwid | {O} | nasa | {OD} | {3-2.2} |
[4] | Panlapag (panuring sa pangngalan) | {O} | nasa | {OD} | {8-7.6} |
[5] | Pang-umpog (malaya) | {O} | {5-3} |
Panuring sa loob ng par. pang-ukol | Pulutong / pang-ukol | ||||
[6] | Pariralang pandako | {O} {*} | {10-2 (1)} | ||
[7] | Pariralang pang-abay | {O} {*} | {10-2 (1)} | ||
[8] | Pariralang makangalan | {O} {*} | nasa | {10-3} | |
[9] | Pariralang makangalan {***} | may | {10-4} | ||
[10] | Panlapag (par. makangalan {***}) | {10-4} | |||
{*} = Pulutong na tungkol. | |||||
{**} = may, mayroọn, walạ, marami. | |||||
{***} = Maaaring pandiwaring makangalan. | {10-4.1} |
(2) Pampalaugnayang may dalawang sariling katangian ang pariralang pang-ukol:
Wikang Filipino ni
Armin Möller
http://www.germanlipa.de/filipino/ug_O.html 06 Enero 2011 / 05 Oktubre 2020 |