5A Mga Pangabit sa
Mga Panlapag at mga Pang-umpog   (•• 5A)

{5A-201 Θ}   Panuring at pariralang itinuturing

Bilang pariralang pang-ibaba, panuring ang panlapag. Dahil iniuuna o inihuhuli ang panlapag sa pariralang itinuturing ay maaaring bumubukal ang katanungan kung anong parirala ang panuring at ano ang pariralang itinuturing. Ang mga kalagayan ang sumusunod:

Dapat mananatiling makabuluhan ang pangungusap kung iaalis ang panuring.

 
[1][a] Mukhang pagod ka. {W Karla 5.205}
 [b] Pagod ka. (Makabuluhan.)
 [c] Mukha ka. (Di-makabuluhan.)
[2][a] Wala namang nagsabi na hindi ako marunong mag-Ingles. {W Cao 2013 3.15}
 [b] Hindi ako marunong. (Medyo makabuluhan.)
 [c] Hindi ako mag-Ingles. (Walang kabuluhan.)
[3][a] Nag-iisang pumanhik sa bundok Duhat simula pa kaninang tanghali si Samadhi. {W Samadhi 4.1}
 [b] Simula pa kanina. (Makabuluhan.)
 [c] Simula pa tanghali. (Di-makabalarila.)
[4] [a] Walang nagdaraang bus dito. Wala ring kalesa. {W Nanyang 12.21}
 [b] Walang bus dito, wala ring kalesa. (Makabuluhan.)
 [c] Walang nagdaraan dito, wala ring kalesa. (Di-makabuluhan.)
[5][a] Pag may dumarating na ilang mamimili, napipilitang pumasok si Lim Kui sa tindahan para harapin ang mga ito. {W Nanyang 11.10}
 [b] Pag may dumarating. (Tamang kabuluhan.)
 [c] Pag may ilang mamimili. (Maling kabuluhan.)
Higit na maitim ang limbag = Salitang pang-ubod ng pariralang itinuturing. May salungguhit = Panuring.

{5A-221}   Di-pagkakabagay ng pang-angkop

(1) Di-pagkakabagay ng hindị at pang-angkop
Walang pang-angkop sa likod ng hindị [1] o sa likod ng huling hutaga kung binubuo ng hindị ang panggitaga [2]. Sa labas nito may pang-angkop [3 4].

 
[1]Hindi nagkamali ang Lola. {W Damaso 4.3}
[2]Nang magbalik ang uwak sa kanyang mga kauri, hindi na rin siya tinanggap ng mga ito. {W Aesop 3.2.3}
[3]Maaaring hindi na niya kasama ito dahil promoted na ito. {W Karla 5.206}
[4]Hindi kasi ako maaaring lumagpas sa panahong itinakda sa akin ng aming dakilang hari. {W Samadhi 4.4}

{Θ} Ipinapalagay naming panlapag ang pariralang may hindị, sapagkat pansemantikang matalik ang pagkakaugnay ng hindị sa kagyat na sumusunod na salitang-ubod, kahit walang pang-angkop ang pariralang hindị. Maaaring kumuha ng panuring ang hindị (halos hindị) at maaaring magamit na salitang makatukoy ng panggitaga. Dahil dito bumubuo ng parirala ang hindị; salitang pangnilalaman ito. Katulad din nito ang kilos ng pang-abay na bakạ at sana.

(2) Ang pang-abay na pananong
na paano (anọ) at gaanọ (anọ) ay may pang-angkop o wala.

(3) Ang salitang kapuwạ, kạpwa
ay walang pang-angkop.

(4) Ilang salitang hiram na Espanyol
ay karaniwang walang pang-angkop: mas [5], mẹdyo, mịsmo kung pang-abay [6], siguro [7]:

 
[5]Mas maganda.
[6]May pagtatangka mismo ang diksiyonaryo. {W Javier 3.5}
[7]Napansin mo siguro ang aking katahimikan. {W Madaling Araw 3.10}


{5A-301}   Kabuuran ng pariralang malaya at halimbawa

 
[1][a b] Hindi gaanong marami ang gawain sa kapihan   sa umaga't hapon. {W Nanyang 22.1}
[2]Isang gabi, dinalaw ako nina Fernando at Melody. {W Angela 3.13}
[3]Pagbalik mo, may palasyo na tayo. {W Rosas 4.1}
[4]Wala siyang pakialam kung anuman ang sasabihin ng ibang tao tungkol sa kanya. {W Estranghera 3.2}
[5]Magkita tayo ngayong gabi. {W Nanyang 22.14}
[6]Malimit nasa hardin si Ana.


{5A-302 }   Pariralang makaabay

Kung ipasok ang pansemantikang katawagang 'pariralang makaabay' (kasalungat ng katawagang pariralang pang-abay), maaaring makita ang mga pagkakaugnay na sumusunod:

Pariralang makaabay na malaya
(malaya sa pangungusap)
Pariralang makaabay na pampalaugnayang di-malaya
(bahagi ng ibang parirala)

Pariralang pandakoPariralang panlapag
  Pang-abay na nasa loob ng pariralang pandiwa, pang-uri at pang-abay

Kataga (Hindi parirala.)
Pariralang pang-umpog
  Pariralang makangalang pang-umpog
Pariralang pangngaladiwa
Pariralang pang-abay na malaya
Pariralang pang-ukol na malaya

Kina { Aganan 1999 p. 64 ff.} ay ipinapalagay na pang-abay ang lahat ng pariralang katumbas ng pariralang makaabay sa itaas. Pariralang walang pang-abay ang nabibilang doon (halimbawa sa eskuwelahan).


{5A-321 Σ}   Pagsusuri ng pangungusap: Pariralang pangngaldiwa

Paglabas ko ng banyo, isang matabang matandang lalaki ang naghihintay sa akin. {W Damaso 3.6}
paglabas ko ng banyoisang matabang matandang lalaki ang naghihintay sa akin
{P-0=P-ND} {P-P=P-N}{P-T=P-D}
paglabaskong banyo
ND{P-W} {P-W}
paglabaskongbanyoisangmatabang matandanglalakiangnaghihintaysa akin
NDTW.HTTWNUB.LU.L U.LNTTDT01/KTKHT/K

Inihihiwalay sa sumusunod na panaguri ang pariralang pangngaldiwang malaya sa pamamagitan ng kuwit.

Hindi sugnay na pinaikli ang pariralang pangngaldiwa; hindi maaari itong palawakin hanggang sa pangungusap na ganap {5-3.2}.

May dalawang pantuwid bilang panuring ang pangngaldiwa, "tagaganap" na ko at "lunang" ng banyo.

Karaniwan, may pandako ang pandiwang lumabas {DT01/fg|fn}, maaari ding pantuwid na panlunan {DT10/fg|fn}.


{5A-341}   Mga pangungusap na may nang

Sa Pagtitipong Panggawaan, sinuri ang 129 pangungusap na may nang (baybay na <nang>).


{5A-351 Σ}   Pagsusuri ng pangungusap: Panggitagang may pariralang makangalang pang-umpog at pang-angkop

[1] Ilang araw ko nang hindi nasasalamin ang isang larawang mahal sa akin. {W Uhaw 3.2}
ilang araw nahindi nasasalamin ko ang isang larawan 
{P-0=P-N} {P-P=P-D}{P-T=P-N}
ilang araw ko nang hindi nasasalamin
{GGW/P-0|(HT A/HG.L)|(A DB)}
ilangarawkonanghindi nasasalaminangisanglarawan
U.LNHTA/HG.LADB10/N TTD.LN

Pariralang pangngalang pang-umpog ang ilang araw na. Mayroon itong pang-angkop dahil sa hutagang na [2 3] {5-3.5}.

"Salitang" makatukoy ng panggitaga ang pariralang pang-umpog {11-6.1 (3)}
 
Inilalagay sa harap (o sa unahan?) ng parirala nito (panaguring hindi ko nasasalamin) upang bumuo ang panggitaga kasama ang pang-abay ng pang-umpog na na.

 
Iba pang yari:
[2]Ilang araw hindi nasasalamin ng kapatid ko ang isang larawang mahal sa kanya.
[3]Ilang araw nang hindi nasasalamin ng kapatid ko ang isang larawang mahal sa kanya.

Wikang Filipino ni Armin Möller
http://www.germanlipa.de/filipino/ug_P-L_K.html
17 Pebrero 2010 / 220101

Palaugnayan ng Wikang Filipino
Wakas ng 5K Pangabit sa Mga Panlapag at mga Pang-umpog

Simula ng talaksan   Palaugnayan
Pahinang pamagat na Filipino   Ugnika