(1) Tinatalakay sa isang kabanata ang panaguri at ang paniyak (susi {P-P} at {P-T}; {2A-101}). Maaaring magpalitan ng tungkuling pampalaugnayan ang dalawa {2-2.3}. Dahil dito, may pagkakaparehong pampalaugnayan ang dalawang pariralang pangkayarian {2-2.4}. Maaaring buuin ang dalawa ng halos lahat ng pariralang pangnilalaman. Walang pandiwang pantulong ang wikang Filipino, kung kaya may panaguri at pati paniyak na di-makadiwa.
(2) May tanging 'fokus' ang paniyak at mayroon din itong tanging 'katiyakan' {2-3}. Bawal maging paniyak ang anumang pariralang nagkukulang ng katiyakan.
(3) ay ang pananda ng panaguri at ang sa paniyak. Sa wikang Filipino, walang matibay na kaugnayan ng bahagi ng panalita hinggil sa paggamit na pampalaugnayan. Dahil dito, walang matibay na kaugnayan ng ang sa ngalan {2A-102 }. Maaaring dagdagan ng ang ang panaguri; tinatawag namin itong ANG na makaabay {2-3.3}
Tinatalakay namin sa pangkat na {13-2.3 Θ} ang tungkulin ng panaguri at paniyak sa pangungusap.
(1) May pandiwa bilang panaguri ang karamihan sa Filipinong pangungusap [1]. Ngunit sa maraming kalagayan, walang pandiwa ang pangungusap. Ang wikang Filipino ay walang pandiwang gaya ng 'to be' (Inggles) o 'sein' (Aleman). Dahil dito, maaaring panaguri ang mga pariralang di-makadiwa (pangngalan [2], pang-uri [3], pang-ukol [4], pandako [5]). Maaaring bumuo ng panaguri ang panghalip na pananong na sino, anọ, kanino [6] at ang pang-ukol na pananong na nasaạn (sa) {12-2.1}.
|
(2) May panandang ay ang panaguri {2A-211 }. Kung nasa ayos na kabalikan ang pangungusap, ibig sabihin kung iniuuna ang paniyak sa panaguri, dapat ilagay ang panandang ay sa unahan ng panaguri [7-10]. Pati malimit na gamitin ang ay kung may ibang parirala [11 12] o sugnay [13] sa harap ng panaguri sa ayos na karaniwan. Pag napakaikli ang pariralang nasa harap ng panaguri, walang paggamit ng panandang ay [14].
Nasa ayos na karaniwan ang mga pangungusap na [1-6], sa unahan nito ang panaguri. Wala itong panandang ay dahil hindi ginagamit ang ay sa unahan ng pangungusap.
|
{Θ} Maaaring sabihin na ginagamit lamang ang ay kung kinakailangan ang tanging pagtatanda sa panaguring hindi nasa unahan ng pangungusap. Hindi itong dulot ng nilalaman ng pariralang panaguri (sa kalagayang ito, naiiba ang kilos ng ay sa panandang ang ng pariralang paniyak).
(1) May katiyakan ang paniyak na Filipino {2-3.1}. Kung pandiwa ang panaguri ay nasa fokus nito ang paniyak. Karaniwang may panandang ang ang paniyak. Bukod sa tungkulin bilang pananda ng parirala, inihuhuhudyat ng ang ang katiyakan ng ngalan kung paniyak. May katiyakang pansarili ang panghalip at ang pangalan na may pantukoy na si. Dahil sa katiyakan nito, hindi maaaring itanong ang paniyak {12-4.2}.
(1) Sa karamihan sa pangungusap, pariralang makangalan ang paniyak [1]. May katiyakang pansarili ang panghalip at ang pangalan na may pantukoy na si. Dahil dito wala itong "pangalawang tanda" ng katiyakan kung paniyak at wala itong panandang ang [2 3] {2-4.1}.
(2) Mas malabo ang katiyakan kung hindi pariralang makangalan ang paniyak [4-6]. Sa ganitong kalagayan, dapat gamitin ang panandang ang upang ihudyat ang tungkulin bilang paniyak.
|
(3) Sa pang-araw-araw na pananalita, maaaring gamitin sa halip ng panandang ang ang hulaping -ng sa iniuunang salita {*}. Karaniwang ginagamit ito, kung hindi nagpapahayag ng katiyakang tangi ngunit pampalaugnayan laman ang tungkulin ng ang [7]. Nangyayari din ito sa pangungusap na pananong [8a] {12-2.1 (2)}.
{*} Tila walang kaugnayan sa anyong -ng ng pang-angkop, sapagkat hindi maaaring halinhan ang -ng na ito ng anyong na ng pang-angkop.
|
(4) Pag kahanayan ang paniyak ay maaaring ilagay sa harap ng buong paniyak ang ang [9] o maaaring ulitin ang ang upang bigyang-diin ang katiyakan ng iba't-ibang bahagi [10].
|
(1) Maaaring magpalitan ng tungkulin ang pariralang panaguri at paniyak {2A-231 }. Maaaring baguhin ang pangungusap; maging paniyak ang pariralang bumubuo ng dating panaguri at maging panaguri ang dating paniyak [1|2]. Maaari din ang pagpapalitan ng tungkulin sa pangungusap na di-makadiwa [3|4].
|
Nasa karaniwang ayos ang pangungusap na [1-4]. Dapat ibukod sa pagpapalitan ng tungkulin ang mga pangungusap na may ayos na kabalikan ng panaguri at paniyak (sa mga halimbawang [1|5 3|6], nagpapalitan lamang ng katayuan ang panaguri at paniyak).
|
(2) Kung may panuring ang panaguri at paniyak ay nagpapalitan din ang mga ito; mananatili itong bahagi ng pang-itaas na parirala nito. [7a|b]. Hindi binabago ang mga pariralang malaya kung may pagpapalitan ng panaguri at paniyak (kahapon sa [8a|b]).
|
(3) Ginagamit ang pagpapalitan upang ibigay o ialis ang katiyakan sa isang parirala. Sa pangungusap na pananong ay hindi maaaring itanong ang paniyak; dahil dito dapat maging panaguring walang katiyakan ang pariralang itinanong [8b 9] {12-4.2}.
|
Pagpapalitan at mga wikang pang-Europa → {2A-232 }
Lahat na pariralang may-kayang maging panaguri ay maaari ring maging paniyak at gayon din sa baligtad; may pagkakaparehong pampalaugnayan ng panaguri at paniyak. Sa pangkat na {2-2.1}, pinapakitang maaaring maging panaguri ang pariralang di-makadiwa. Dahil sa pagkakapareho ng panaguri at paniyak ay maaari ring maging paniyak ang pariralang ito.
Tinatakdaan sa palaugnayan lamang ang pagkakapareho. Dahil sa katiyakan ng paniyak walang pagkakaparehong pansemantika [1|2].
|
(1) Iniuugnay namin ang katawagang 'katiyakan' sa mga tao at bagay at sa mga katangian nito. Tinatalos naming katiyakan ang mga katangian ng "tangi, maaaring ibukod, bukod tangi". Mas madaling unawain ang katawagang di-katiyakan; hindi tunay na tao o bagay ito, ngunit katangiang sapian ang uri ng tao o bagay. Katawagang pansemantika ang katiyakan at di-katiyakan.
(2) Katangian ng pandiwa ang 'fokus'. May tanging diin o pansin ang isa sa mga kaganapan ng pandiwa {6-3.1}. 'Nasa fokus' ang kaganapang ito; bumubuo ito ng paniyak. Katawagang pampalaugnayan ang fokus. Ito'y katangian ng angkan ng mga wikang pang-Austronesia.
Katiyakan sa wikang Filipino at sa wikang pang-Europa → {2A-301 }
(1) May katiyakan ang paniyak; hindi maaaring ialis sa paniyak ang 'katiyakang likas' {2A-311 }. Naghuhudyat ng katiyakan likas ang panandang ang [1 2]. Walang paggamit ng ang sa kalagayan kung hayag na ang katiyakan ng paniyak sa pamamagitan ng ibang paraan [3] {2-4.1 (2)}.
(2) Sa pangungusap na may pandiwa, halos lahat ng pariralang pangnilalaman ang maaaring maging paniyak o di-paniyak. Ibig sabihin, maaaring ibigay sa iba't ibang kaganapan ang katiyakan at fokus o alisin ito. Ginagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng panlapi ng pandiwa [1|2].
(3) Hindi maliwanag ang katiyakang likas ng paniyak o wala itong katiyakang likas kung di-makangalan ang laman ng paniyak. Kung ganito, pampalaugnayan lamang pananda ang ang na walang pansemantikang laman. Kung pariralang pandiwa ang paniyak ay nasa fokus ng pandiwa ang panaguri kahit walang katiyakan ang pariralang pangnilalaman nito [4].
Hindi ginagamit ang katawagang fokus kung walang pandiwa ang pangungusap. Gayunman may katiyakang likas ang paniyak [5 6].
|
(1) Kung pariralang makangalan ang panaguri, wala itong katiyakang likas [1]. Maaaring bigyan ng katiyakang tangi ang pariralang makangalan sa tulong ng mga sumusunod:
Palaging tiyak ang panghalip na panao. Maaaring bigyan diin ito, kung ito'y panaguring nasa harapan ng pangungusap (o sugnay) [10 11].
|
Malakas na pinapalaki ng ANG na makaabay ang katiyakan ng panaguri {2-3.3}. Hindi pinapalaki ng panandang ay ang katiyakan ng panaguri.
(2) Walang katiyakang likas ang panaguri. Maaaring gamitin ang katangiang ito upang ialis ang katiyakan sa pariralang di-tiyak [12-14]. Malimit na panaguri ang pangkalahatang ngalan [1].
|
(1) Pananda ng paniyak na ang. Sa tabi nito nagagamit na pang-abay ang ang, tinatawag itong 'ANG na makaabay'. Pampalaugnayan, walang tungkulin ang ANG na makaabay.
Ginangamit ang ANG na makaabay upang ihudyat ang katiyakan ng panaguri [1] at upang bigyan ito ng tanging pansin [2 3]. May pagkakaparehong pampalaugnayan ang lahat ng panaguri at paniyak {2-2.4}. Kung idinadagdag ang ANG na makaabay sa panaguri, maaaring palakasin ang panaguri upang makamit ang pagkakaparehong pansemantika ng dalawang parirala [4a|b 5]. Sa pangungusap na [6] ay binibigyang-diin ang pariralang pangkaroon ng panaguri.
|
(2) {Θ} Dahil pang-abay (hindi pananda) ang ANG na makaabay, hindi kinakaltas ang panandang ay ng panaguri [3 5]. Nananatili ang pang-angkop na nasa harap ng sugnay na makaangkop pag panaguring may ANG na makaabay ang unang parirala [1]. Sa pangungusap na [6] ay nananatili ang pang-angkop na nasa likod ng pang-abay na tangi at nasa harap ng ANG na makaabay.
Ipinapalagay naming pang-abay ang ANG na makaabay, maaari din itong uriin sa bahagi ng panalita na pantukoy. Sa panaguri lamang ginagamit ito, hindi sa pantuwid o pandako.
Kina { Aganan 1999 p. 78} tinatawag na 'Pangungusap na tinitiyak ang panaguri' ang yaring may ANG na makaabay.
Hindi nasa fokus ang pantuwid at pandako (pati panlapag at pang-umpog). Walang katiyakang likas ang pantuwid [1b 2a]; malimit na may katiyakan o kaunting katiyakan ang pandako [2b 3a|b]. Maaaring palakihin ang katiyakan ng mga pantuwid at pandako sa pamamagitan ng kagamitan na inilarawan para sa panaguri.
|
Wikang Filipino ni
Armin Möller http://www.germanlipa.de/filipino/ug_P-P_1.html 03 Oktubre 2011 / 18 Enero 2021 |