1 Einleitung | ||
3 Originaltext |
Quelle: Almario, Salvador C.: Naglaho man ang Pag-ibig
LIWAYWAY, 02 Hunyo 2008 p. 27
{
Liwayway}
Naglaho Man Ang Pag-Ibig
Ni Salvador C. Almario, LIWAYWAY, 02 Hunyo 2008
{3.1}
Tumayo si Regina buhat sa kinauupuang malambot na sopa. Dumampot ng isang sigarilyo sa ginintuang cigarette-case na nakapatong sa mesita at sinindihan. Kasabay ng paghitit ay nagpalakad-lakad siya sa salas ng inuupahang lugar sa ikaanim na palapag ng mamahaling condominium sa labas ng Maynila. | ... |
Balisa siya. "Gabi na'y wala pa si Aldo," sabi ng isip niya. Tumingin siya sa orasang nakapatong sa ibabaw ng tokador. Malapit nang mag-ika-anim. Lumalaon ay nararagdagan ang pagkabalisa ni Regina. Ang pagkabalisang iyon ay unti-unting hinahalinhan ng takot. A, bakit ayaw humiwalay ang nararamdaman niyang takot? | ... |
{3.2}
Una niyang nadama iyon may isang buwan matapos silang makasal ni Aldo. Katulad ngayon, nabalam ang pag-uwi ni Aldo. Upang malibang si Regina, pumasok siya sa kanilang silid at nahiga sa kama. Naidlip siya, ngunit ginising siya ng pagbubukas ng pintuan at ng yabag. Madilim ang loob ng silid. Alam niyang si Aldo na iyon. Nagbubukas ng kabinet. Sa pagkakahiga'y inabot ni Regina ang suwits na lamparang nasa tabi ng kama at sinindihan iyon. | ... |
Napaigtad si Aldo sa pagkakatayo sa harap ng bukas na kahon, pakurap-kurap, hawak sa isang kamay ang isang bungkos ng salaping papel. Magkahalong sindak at poot ang nakabadha sa mukha at mga mata nito. | ... |
{3.3}
"Regina!" matigas ang tinig ni Aldo. "Narinig kitang dumating, at madilim kaya sinindihan ko ang ilaw." Hindi maalis ang pagkatitig ni Regina sa kamay ni Aldo, sa dakot na pera. "Sa'n galing ang perang 'yan?" "Kinuha ko sa banko. Alam mo naman na ayaw kong nagpapawala ng pera rito sa bahay. Ikaw nga ang madalas na nangangailangan nito." | ... |
Alam niya, si Aldo ay walang trabaho. Sa paliwanag nito, ang masagana nitong buhay ay galing sa kayamanang minana sa isang namatay sa amain. "Nagsisinungaling ka sa 'kin, Aldo." "Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo noon na ako'y nakamana at may pondong nakalaan sa 'kin tuwing mangangailangan? Hindi ba?" | ... |
{3.4}
Alinlangan pa rin si Regina. "Hindi mo naipakilala sa 'kin kung sino ang nagpamana sa 'yo." Tumawa si Aldo, niyakap si Regina at hinalikan sa labi. "Ma'nong huwag mo nang pasakitin ang magandang ulong 'yan at magpahinga na tayo." | ... |
Kinaumagahan, pagkagising ni Regina, ay binuksan niya ang bintana sa gawing tagiliran ng condominium na nakatunghay sa isang iskinita. May mga tao nang naglalakaran patungo sa kani-kanilang opisina. At doon ay natatanaw niya ang nakaparada niyang kotseng kulay pula, na kailan lang ay ibinigay sa kanya ni Aldo. Hindi pa ito nagagamit ni Aldo minsan man. | ... |
{3.5}
"O, ayan ang regalo ko sa 'yo, nang mayr'on kang masakyan kung wala ako." Sa kandungan niya'y inihagis ni Aldo ang susi ng kotse, kasama ang rehistro nito. Ang nakalagay na pangalan ay hindi niya kilala. At hindi nag-abala si Aldo na ipaliwanag kung sino ang ialaking pinanggalingan niyon. | ... |
Dahil sa pulang kotseng iyon, naging kakilala niya at maituturing na kaibigan ang pulis ng mobile patrol na si Jaime. Ang nangyari ay isang aksidente. Pumaparada siya sa tabing bangketa, upang mamili, nang sa pag-urong niya ay mabundol niya ang nasa likurang awto. Nagalit ang may-ari at hindi pinakinggan ang paliwanag niya. Sa-daraan ang mobile car ni Jaime. Bumaba ito at nakialam sa kasong iyon. Dininig ni Jaime ang panig ni Regina, pagkatapos ay masinsinang kinausap ang mataba at pandak na lalaking mabunganga na siyang may-ari ng naurungang kotse. | ... |
{3.6}
"Okay na'ng kaibigan natin. Marunong naman palang umunawa ng katwiran." Magkasinggulang sila ni Jaime. Mataas ito, kayumanggi, maginoo sa pagsasalita. | ... |
Naging simula iyon ng kanilang pagkikilala. Tuwing magkakasalubong sila, hindi nagkukuiang si Jaime na bumati at kumaway. Ktmg magkasabay naman ang kanilang kotse, sandaling iaagapay nito ang minamanehong mobile car at magkukumustahan sila. At bago sila maghiwalay, pabirong nagbibilin pa: "Mag-iingat kang maaksidente, lalo na ro'n sa mainit na ulong hindi nakakapansin sa iyong kagandahan." | ... |
{3.7}
Nakaligo na si Regina. Nakaroba nang lumabas sa banyo, nagtuloy siya sa harap ng tokador. Matapos na suklayin ang basang buhok ay tinalian ng isang asul na bandana. Minasdan niya ang mukha sa salamin, minamasdan sa kanyang kaanyuan ang palatandaan ng isang Regina na galing sa lalawigan tatlong taon na ang nakararaan. Naging mabisa niyang sandata sa pandadarayuhan sa siyudad ang angking kagandahan. Natanggap siyang maging modelo ng isang kilala at tanyag na ahensiya sa anunsiyo. At sa isang swimming party ay nagkatagpo sila ni Aldo, si Aldo na may masayang disposisyon at malulutong na tawa. | ... |
Natagpuan niya kay Aldo ang karangyaan ng buhay na hinahanap niya sa siyudad, at makaraan ang maikling ligawan, humantong sila sa harap ng altar. Ngunit ngayon, pagkaraan ng isang taong buhay may-asawa, sagana sa alahas at salapi, natuklasan niyang kung inangkin man siya ng lunsod, ang puso niya'y mamamalaging nagmamahal sa sinilangang lalawigan. Napawi na sa puso niya ang halina ng lunsod, kumupas na rin ang rahuyo ng karangyaan. At siya na isang tunay na probinsiyana ay sadyang hindi bagay sa magulo at maharot na lunsod. | .. |
{3.8}
Nabawasan ang alalahanin ni Regina sa ilang sandaling pagmamaneho sa kanyang pulang kotse, pabalik na siya, ang biniling supot ng pagkain ay nakalapag sa kanyang tabi, nang pagsungaw ng mobile car ni Jaime sa kanyang tagiliran. "Kumusta sa iniwan mong lugar?" nakatawang bati ng pulis. "Wala ka bang naurungan o nabundol na tapalodo?" binibiro siya nito. | ... |
Umiling si Regina, nagtatawa. "Maingat na 'ko ngayon. Mabuti kung lagi kang nasa malapit." Bumuntot na sa kanya si Jaime hanggang sa makauwi. | .. |
{3.9}
"Ligtas ang 'yong kotse riyan sa 'yong paradahan, kahit pa magdamag. Akong patrulya rito hanggang madaling araw. Sinisiguro ko sa 'yong hindi maano ang kotse mo." At gayon na lamang ang pasasalamat ni Regina, dahil sa itinagal-tagal niya sa siyudad ay si Jaime lang nga ang matatawag niyang kaibigan. Ang gayong maiikling sandali ng pagkikita nila ng pulis ay siyang tanging bumabasag sa malungkot niyang pag-iisa. | .. |
Kung tutuusin, si Aldo ay hindi pa siya naangking lubos, kundi nang ilang linggo lamang matapos na sila'y makasal. Kadalasan, hatinggabi na'y wala pa si Aldo, at madaling araw na kung makita niyang pumapasok ito sa kanilang silid. Kapag nagtatanong siya, ang laging isinasagot sa kanya'y, "Nasabit ako sa mga kaibigan." At sa gayon natatapos ang kanyang mga pag-uusisa. | .. |
{3.10}
Madalas din naman siyang naisasama ni Aldo sa mga party na dinadaluhan. At hindi ordinaryo ang mga taong nakikita niya roon, pagkat ang mga lalaki ay tunay na maginoo at ang mga babae ay maayos kung kumilos. May napansin si Regina. Sa pakikipag-usap ni Aldo sa kahit kaninong lalaki ay walang anumang mababakas na matalik na relasyon. Parang napipilitan lamang kung ito ay pakitunguhan. Isa pa, siya ay hindi ipinakikilala. | ... |
Unti-unting nagkahinala si Regina sa gawain ni Aldo. Nakikita niya iyon sa mga kakatwang kilos nito. Kung minsan ay bugnutin, at siya ay sinisinghalan sa mga bagay na walang katwiran. | .. |
{3.11}
Kagaya ng isang hapong nag-iisa siya sa bahay, na naisipan niyang mag-ayos ng kanilang mga damit sa kabinet, doon siya nakatagpo ng isang kahong metal na nasususian, nakasingit sa pagitan ng isang kamisadentrong asul. Inilipat niya iyon sa ibang lugar para hindi makalusot ibang damit. Ni hindi niya inalam kung ano ang laman ng kahon. Nagpatuloy siya sa pag-aayos hanggang sa makatapos. | ... |
Nagpapahinga na siya nang dumating si Aldo. Hindi ito tumawag. Tuloy-tuloy sa kabinet, ang kahong metal ang pakay. Nang hindi ito matagpuan sa pinagtaguan, walang habas na pinaghahalungkat at pinagsasabog ang masinop na pagkakaayos ng mga damit. | .. |
{3.12}
Lumabas si Aldo ng silid. Hinarap si Regina, na nananalim ang mga mata. Matigas ang mukha. Sinakmal ng takot si Regina. "Sa'n mo inilagay ang aking kahon?" Mariin, nagbabanta ang tinig ni Aldo. "Inilipat ko sa itaas ng cabinet." Paglabas nito, muling hinarap siya. | ... |
"Uli-uli ay huwag mong pakikialaman ang aking gamit, naiintindihan mo?" Sinikap ni Reginang magpakahinahon. "Bakit hindi ka muna nagtanong? Tingnan mo'ng 'yong ginawa mo, isinabog mo ang pinaghirapan kong ayusin." At maluha-luhang pinagpupulot niya ang sumabog na damit sa lapag. | .. |
{3.13}
Bilang pakikipagkasundo, tinangka siyang yakapin ni Aldo. Subalit tinabig nito ang kanyang kamay. Biglang nanlamig ang pagmamahal niya at paggalang sa asawa. Pagkaraan noon, hindi na niya nakita ang kahong metal. | ... |
Napaangat ang likod ni Regina pagkarinig sa lagitik ng ikinamang susi sa susian ng pinto, kasunod ang pagbubukas niyon. Mabilis, walang kalatis nang ipininid agad ni Aldo ang pinto. Waring may dumagok sa dibdib ni Regina sa namalas na kaanyuan ni Aldo, pagharap sa kanya. Namutla. Dumagok na muli sa puso si Regina ang takot. Masidhing tulad kanina. | .. |
{3.14}
"Madali ... ilabas mo'ng mga damit ko at isilid sa maleta." Hindi maiakas ngunit mariing utos ni Aldo. "Tapatin mo 'ko, Aldo, tumatakas ka sa pulis?" Nakatayo na si Regina, nagsisiyasat ang mga mata. Hindi siya nagkamali. Si Aldo ay may maruming hanapbuhay. Ang bunga ng gawaing iyon ang siyang itinustos sa kanyang karangyaan. | ... |
Lumapit sa kanya si Aldo. "Pero gusto mo naman ang ibinibigay ko sa 'yo. Tulad nito ..." Ipinakita niya ang kahitang pelis. At nang tumaas ang takip, natambad sa mata ni Regina ang mga alahas na kumikislap. At napansin din ni Regina, na ang dulo ng kahon at may bahid ng dugo. "Ano ang nangyari?" Napahilakbot si Regina at muntik nang mabitawan ang hawak na kahon. | .. |
{3.15}
Hindi nakahuma si Aldo. Tuloy-tuloy sa cabinet, at naghubad ng suot na damit na may bakas ng dugo. At mabilis na nagpalil ng bihis. "H'wag ka nang tumanga r'yan, baka may makatunton pa sa 'kin dito!" Pabulyaw na utos. Binuksan ang kahon ng kabinet, kumapa sa loob, at ang nakuha'y isinuksok sa baywang. Rebolber! | ... |
"Ba't kailangang gawin mo 'yan, Aldo?" "Nakapatay ako!" "Sino ang napatay mo?" "Isa siyang playboy na nakasuwerte ng isang tagapagmana, at ikinasal noong isang buwan. Lando ang pangalan." Tumigil si Aldo, saglit na sumilip sa bintana. "Nagkasundo kaming magtagpo sa isang bakanteng lote sa Intramuros. Dala ko'ng mga sulat niya sa kinakasamang GRO at tinakot ko siyang ipakikita iyon sa kanyang asawa." Nanginginig na salita ni Aldo. "Ang mga sulat na iyon ang magwawasak sa kanyang buhay, kundi siya magbabayad ng halagang hinihingi ko." | .. |
{3.16}
Saglit na natigilan si Regina sa ipinagtapat ni Aldo. Isa palang blackmailer ang kanyang asawa. Ito pala ang kanyang pakay sa mga pagtitipong kanyang dinadaluhan at sa pakikipagkaibigan sa mga taong kilala sa lipunan. "Kaya pala alumpihit ako noon sa pagtitipong iyon nang ako ay kanyang isinama." | ... |
Nagpatuloy sa pagtatapat si Aldo. "Pero nang dumukot siya sa kanyang bulsa, hindi kuwarta ang aking nakita kundi baril, kaya inunahan ko na siya at iniwanan ko ang kanyang bangkay matapos kong kunin ang mga alahas sa kanyang katawan." | .. |
{3.17}
Manhid ang pakiramdam ni Regina habang isinisilid ang mga damit ni Aldo sa maleta. "Pagliwanag ay malayo na 'ko, wala nang makatutunton sa 'kin," tiningnan ang orasang pangkamay. 12:30 ng hatinggabi. "Ang kotse mo, nasaan? Ibigay mo sa 'kin ang susi, gagamitin ko." | ... |
"Bakit? Ang kotse mo?" "Hindi ako luku-luko para dalhin ko 'yon. Iniwan ko na roon, pati ang baril na 'king ginamit." "Matutunton ka sa pamamagitan ng mga 'yon." ' - "Yon ang akala mo. Wala sa pangalan ko'ng kotse, at ang baril ay kolorum." Dinampot na ni Aldo ang maleta at hawak na rin niya ang susi ng pulang kotse ni Regina. "Huwag kang sumakay sa kotse, Aldo, mapanganib. Magtaksi ka na lang, o sa tren ka sumakay ..." | .. |
{3.18}
Nanalim ang mga mata ni Aldo. "A, ibig mo akong madakip kaya ayaw mong ipagamit sa 'kin ang kotse mo." "Tawagin nating pangitain. Magtiwala ka sa 'kin, Aldo." Hindi na niya hinintay pa si Aldo na paglaanan siya nang kaunti mang kalinga. Alam niya at alam nito na katiting man ay wala nang nalalabing pagtitihginan sa kanila. | ... |
"Utang na loob, iwasan mong sumakay sa kotse, alang-alang sa iyong kaligtasan!" Iyon na lamang ang maaari pa niyang masabi—mailigtas man lamang ang buhay nito sa tiyak na kapahamakan. Napatitig si Aldo sa asawa. "Salamat sa 'yong pag-alala pero sa asawa ko man ay hindi na 'ko nagtitiwala." At bitbit ang maleta ay nagmamadali na itong umalis. | .. |
{3.19}
Tila itinulak, ibinalik ni Regina ang pulseras sa kahon ng cabinet. Plano niyang ipabalik iyon sa nabalong kabiyak ni Landro. Parang kilala niya ang pamilyang iyon, na ang kasal ay nalathala pa sa mga diyaryo. Pagkuwa'y madali siyang tumanaw sa bintana, sa tagiliran ng apartment, sa kinapaparadahan ng kanyang pulang kotse. | ... |
Tamang-tama, natanaw niya ang paglabas ni Aldo sa pintuan ng gusali. Alam niyang si Aldo iyon, na may bitbit na maleta. Saka, wala nang iba pang tao na naglalakad sa ganoong oras ng gabi. Kung liliko sa kaliwa, taksi ang aabangan. Ngunit sa kanan lumiko si Aldo, patungo sa pulang kotse ni Regina. | ... |
{3.20}
Nakita niya, kumilos na ang pulang kotse, dahan-dahan, palayo sa gilid ng bangketa. Malinis ang kalye. Bihira na ang nagdaraang sasakyan. Bahagyang tumulin. Ligtas pa ito sa sandaling iyon. Kapag narating nito ang maluwang na bukana palabas, wala na ito sa panganib. | ... |
Bigla napabaling ang tingin ni Regina sa dulo ng kalye. Sumusulpot sa panulukan ang mobile car ni Jaime. Napahindik si Regina. Waring huminto ang kanyang paghinga. Makalayo na sana si Aldo! Dumating ang kinatatakutan ni Regina. | .. |
{3.21}
Nang matanaw ng mobile car ang pulang kotse ni Regina ay bumilis ang takbo nito at sumunod. Kitang-kita ni Regina nang ilabas ni Jaime ang ulo sa bintana ng awto, tulad sa dating ginagawa kung nagkakasalubong sila. | ... |
Ang naging katugunan niyon ay ang biglang paglabas ng kamay ni Aldo sa bintana ng sariling sasakyan, at ang hawak na rebolber ay nagbuga ng apoy, kasabay ng malakas na putok na umalingawngaw sa gitna ng kadiliman. Umurong ang ulo ni Jaime. Narinig ni Regina ang naging kasagutan buhat sa kotse ng pulis, ang malakas na putok ng kalibre 45. | .. |
{3.22}
Ang pulang kotse ay gumiray-giray, umakyat sa bangketa at humampas sa poste. Bumaba sa mobile car si Jaime, hawak pa rin ang kanyang sandata, marahan at maingat na nilapitan ang pulang kotse. Pilit nitong binuksan ang nayuping pintuan. At biglang lumabas ang lungayngay na katawan ni Aldo, duguan at wala nang buhay. | ... |
Hang saglit pa, nakita ni Regina na naglalabasan ang mga tao sa pinto ng mga bahay at pumaligid sa wasak na pulang kotse. Napapikit si Regina, mariin, ang mga kamay ay nakahawak sa pasamano ng bintana. Hindi niya kasalanan ang nangyari. Naglaho man ang kanilang pag-ibig, ginawa niya ang kanyang tungkulin bilang asawa. | .. |
Die filipinische Sprache von Armin Möller http://www.germanlipa.de/text/laho.html 28. Dezember 2009 |