Werkstatt
Rubin, Ligaya Tiamson:
Ang mga Manunulat sa Panahon ng Americano

Von Armin Möller

   
1 Einleitung Grundzüge der filipinischen Syntax
Werkstatt   Titelseite Filipino
2 Einzeldaten Syntax 1 2
3 Einzeldaten Taglish 1 2
4 Analysen einzelner Sätze
5 Originaltext

1 Einleitung

Quelle: Rubin, Ligaya Tiamson: Ang mga Manunulat sa Panahon ng Americano
LIWAYWAY, 04 Oktubre 2005 {T1Q Liwayway}


5 Originaltext

Ang mga Manunulat sa Panahon ng Americano
Ni Ligaya Tiamson Rubin, LIWAYWAY, 10 Oktubre 2005

Nagkaroon ng wakas ang tatlongdaan at tatlumpung taon ng pananakop ng mga Espanyol at nakatikim ang mga Pilipino ng kalayaang sibila. Lumaya ang isipan at damdamin ng mga Pilipino mula sa makipot at malupit na mga dogma at doktrina ng mga Espanyol lalo na ng mga pari.

Ang mga Pilipino'y may bagong panginpon ngunit kung ihahambing sa dating malulupit na panginoon, ang mga Americano'y nagdulot ng mga kaluwagan sa mga nasanay maalipin sa loob ng mahabang panahon. Katuladng isang batang babaeng kaytagal umasani magkaroon ng laruang manika, nang sa wakas ay mapagkalooban, kahit na ito'y manikang walang bibig ay ganoon na lamang ang kanyang saya.

Sa kabilang banda, ang mga manunulat ay ginapusan ng mga Americano ng tanikala ng batas ng sedisyon. Hindi sila maaaring magsulat ng kahit na anong makapagpapaalab sa damdaming makabayan laban sa mga Americano. Hindi sila maaaring magsulat ng laban sa pagmamalabis ng mga ito o laban sa mga layunin ng mga ito na hindi naman pawang para sa kapakanang Pilipino.

Mula sa kanyang sariling talambuhay na isinulat noong 1959, ganito ang ulat ni Lope K. Santos, ama ng balarila tuhgkol sa panahong iyon:

Palibhasa'y panahon pa ng digmaan kaya't wala silang inaalagata kundi mapalawak ang kanilang kapangyarihan dito sa Pilipinas at mapasuko ang mga Pilipino. Unti-unti namang nangyayari ang kanilang layon dahil sa kahinaan nating makibaka, samantala dagdag nang dagdag ng mga tauhan ang mga Americano.

Kumukuha ako ng mga balitang mahalaga sa bayan at nilalakipan ko ito ng aking pagkukuro nguni't ang totoong naiiibigan ng mga mambabasa bukod sa nobelang aking itinutuloy ay mga bagay na tumutukoy sa mga pangyayari sa loob ng bayan tulad ng paglusob ng mga Americano sa mga lalawigan, sa pagpatay na ginawa sa Mindanao at sa maraming nagpapatigas sa kapangyarihan ng pamahalaang Americano. Ipinagbawal sa akin ang pagsulat na nauukol sa mga Americano, sa pamahalaan at sa militar.

Sa tanglaw ng kasaysayan, higit ngayong maliwanag ang pagsusuri sa mga naganap ng panahong iyon ng Americano. Nabigyan nga ng kalayaan ang mga Pilipino subalit kataka-takang may malaking balakid na humadlang sa pagsupling ng panitikang makabayan. Totoong ang dula ay ginamit ng mga manunulat upang ipahayag ang kanilang paghihimagsik tulad ng masasaksihan sa Tanikalang Ginto ni Juan K. Abad at Kahapon, Ngayon at Bukas ni Aurelio Tolentino. Subalit dahil sa batas ng sedisyon at dahilan sa pangarigalaga ng mga Americano sa sarili nilang kapakanan, naiba ang takbo ng panitikan.

Nagkaroon ng malawakang pagtuturo ng wikang Ingles sa mga paaralang publiko. Nagkaroon ang mga musmos ng bagong mga idolo tulad nina Jack and Jill, Little Miss Muffet, Little Bo-Peep at Mother Goose. Natutunan ng mga batang A is for apple, D is for daffodil, E is for elephant at S is for snow kahit na sa Pilipinas ay wala namang apple, elephant, daffodil at snow.

Naging kasangkapan ng mga Americano ang romantisismo sa pagbabago sa katutubong kamalayang Pilipino. Ito ang ... uring nakihimig sa Romantisismo ng Kanluran - lubhang emosyonal kayat tigmak ng luha, moralistiko kayat himig sermon sa pulpito, dumadakila sa kagandahan ng kalikasan, gumagamit ng matayog na imahinasyori at bumabandila nang tungkol sa kalayaang sarili. Kung sa bagay, pinasimulan na ng mga Espanyol ang mga akdang tumatalakay sa pag-ibig tulad ng mga korido at awit na tungkol sa mga prinsesa at prinsipe na pawang kababaka ng pananaw na pyudal.

Nagasgas nang husto ang paksang pag-ibig. Binibihisatt lamang ito ng iba't ibang anyt at kulay. Laging tungkol ito sa pag-iibigan ng isang mahirap at mayaman na ang nagiging hadlang ay ang mga magulanj ng mayaman na ayaw magkai ng mantigang na mahirtp. Nakapaloob din dito ang pag-aalitan ng mga pamilya ng dalaga't binata na siyang paks Romeo and Juliet ni Shakespeare.

Ang ganitong kalakaran ng paksa ay mababakas sa mga kuwentong lumitaw sa Mga Kuwentong Ginto: Katipunan ng mga pinakamahusay na katha mula 1925-1935. Ito'y tinipon nina Clodualdo del Mundo a1 Alejandro G. Abadilla.

Masasabing si Jose Corazo de Jesus o si Huseng Batute ang siyang higit kanino man a nakamana ng setro at korona ni Francisco Baltazar. Tinaguriai Makaia ng Puso taglay ni Batut sa kanyang mga tula ang masaganang daloy ng luha at maramdaming tagulaylay ng Florante at Laura. Ang kanyang mga saknong ay binabalot ng kalunus-lunos na kalagayan ng sarilng buhay at mga kahapis-hapis na wakas. Isang klasikong halimbawa ng lahat ng ito ang
Die filipinische Sprache von Armin Möller   08. Juli 2005 Zurück


Die filipinische Sprache - Ende Manunulat sa Panahon ng Amerikano

Seitenbeginn   Titelseite Werkstatt   Titelseite Filipino   Ugnika