Werkstatt-Korpus / Pagtitipong Paggawaan
Aganan: Sangguniang Gramatika   (• aganan)

1 Einleitung / Pambungad

Aganan, Fernanda P. et al.: Sangguniang Gramatika ng Wikang Filipino
Quelle / Pinagmulan → {16A-1 Aganan 1999}.


3 + 4 Texte - Mga Kasulatan

3 Pagbuo at Pagpapalawak ng mga Bahagi ng Panalita
 3.1 Pangngalan
  3.1.1 Katuturan
  3.1.2 Mga Uri ng Pangngalan: Ayon sa konsepto
  3.1.3 Mga Uri ng Pangngalan: Ayon sa kayarian
  3.1.4 Mga Uri ng Pangngalan: Ayon sa katangian
  3.1.5 Mga Uri ng Pangngalan: Ayon sa kasarian
 3.4 Pandiwa
4 Pagbuo at Pagpapahaba ng Pangungusap
 4.1 Katuturan ng Pangungusap
 4.2 Batayang Pangungusap at mga Bahagi Nito
  4.2.1 Panaguri
  4.2.2 Paksa
  4.2.3 Pangungusap na Verbal
 4.3 Iba pang Uri ng Pangungusap
  4.3.1 Mga Pangungusap na Hango sa Batayang Pangungusap
  4.3.2 Mga Pangungusap na Walang Tiyak na Paksa
 4.4 Pagpapalawak ng Pangungusap
  4.4.1 Pagpapalawak ng Panaguri
  4.4.2 Pagpapalawak ng Paksa
  4.4.1 Pag-uugnay ng mga Pangungusap

3 Pagbuo at Pagpapalawak ng mga Bagagi ng Panalita
Bau und Erweiterung der Wortarten
Tinatalakay sa bahaging ito ang mga paraan ng pagbuo, pati na ng pagpapalawak, ng mga bahagi ng panalita ng wikang Filipino.Wir behandeln in diesem Teil die Methoden des Baues und auch der Erweiterung der Wortarten.
Dalawa lamang ang pangkalahatang uri ng mga bahagi ng panalita: ang mga salitang pangnilalaman at mga salitang pangkayarian, gaya ng nabanggit sa mga morpemang may kahulugang pangkayarian. Es gibt nur zwei prinzipielle Klassen von Wortarten: Inhalts- und Funktionswörter, ähnlich wie bei den Morphemen erwähnt, eine funktionelle Bedeutung haben.
May kahulugan sa ganang sarili ang salitang pangnilalaman; samantala, kailangang makita sa isang kayarian o konteksto ang salitang pangkayarian upang maging makahulugan ito. Inhaltswörter besitzen eine Bedeutung für sich selbst; andererseits müssen Funktionswörter in einer Funktion oder einem Zusammenhang gesehen werden, um eine Bedeutung erlangen zu können.
Mahahati ang dalawang malawak na uri ng bahagi ng panalita sa mga sumusunod na tiyak na uri.Die beiden ausgedehnten Klassen der Wortarten können in die folgenden Einzelklassen eingeteilt werden.
Mga Pangnilalaman:
  Mga Nominal : Pangngalan, Panghalip.
  Mga Pandiwa
  Mga Panuri ng Pang-uri, Pang-abay
Mga Pangkayarian:   Mga Pang-ugnay: Pang-angkop, Pangatnig, Pang-ukol
  Mga Pananda: Mga pananda ng paksa o simuno, Pananda ng panaguri (o predicate).

3.1.1 Pangngalan: Katuturan (p. 22)
Substantive: Bedeutungsinhalt
Sa tradisyonal na balarila at kahulugang semantikal, ang pangngalan ay tumutukoy sa mga salitang sumisimbolo sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, pangyayari, damdamin, katangian, at kalagayan. Tulad nito: In der traditionellen Grammatik und nach semantischer Bedeutung werden die Substantive eingeteilt in die Wörter, die die Namen von Menschen, Dingen, Tieren, Orten, Geschehnissen, Gefühlen, Eigenschaften und Zuständen bzeichnen.
tao: anak, mamamayan, sundalo, Noel, senador, bana
bagay:tubig, computer, buto, e-mail, x-ray
hayop: ibon, ahas, zebra, Muning
lugar: kusina, ospital, EDSA, Mt. Banahaw, lungsod
pangyayari: miting, santakrusan, Unang Kongreso
damdamin: pag-ibig, pagkatuwa, galit, inis
katangian: kabaitan, katapatan, katamaran
kalagayan: kasaganaan, kahirapan, paghihirap, tagumpay
Ayon naman sa makabagong gramatika na batay sa estruktural na pagkakabuo, tumutukoy ang pangngalan sa anumang salitang isinusunod sa mga panandang ang/ang mga, ng/ng mga, sa/sa mga, si/sina,ni/nina, kay/kina. Gaya nito: Entsprechend der modernen Grammatik, die dem strukturellen Bauprinzip gemäß ist, werden alle Wörter, die auf die Bestimmungswörter __ folgen, als Substantive betrachtet. Wie diese:
ang/ang mga pulong si/sina Ruth
ng/ng mga mananayaw ni/nina/Dr. Legaspi
sa/sa mga iskuwater kay/kina Atty. Reyes

3.1.2 Mga Uri ng Pangngalan: Ayon sa Konsepto (p. 22)

__
May limang pangunahing batayan sa pag-uuri ng mga pangngalan. Naaayon ang mga ito sa konsepto, kayarian, katangian, kasarian, at kailanan. Es gibt fünf hauptsächliche Gründe für die Einteilung von Substantiven. Diese (stimmen überein mit) sind Konzept, Bau, Besonderheit, Geschlecht und Numerus.
Sa pag-uuri ng pangngalan ayon sa konsepto, matutukoy ang kongkreto at abstraktong pangngalan.Bei der Eintelung nach Konzept werden Konkreta und Abstrakta unterschieden.
Tinatawag na kongkreto o tahas ang pangngalan kapag mga materyal na bagay ang tinutukoy nito. Nahahawakan at nakikita ito.Wir nennen die Substantive konkret oder tahas, wenn sie materielle Dinge benennen. Diese kann man anfassen oder sehen.
ina, bentilador, kaklase, disket, masjid, saluyot
bahay-bahayan, paaralan, insekto, computer, malong
payyo ('rice terraces', Ifu) ; tabyos (Bkl)
Abstrakto o basal naman ang pangngalan kapag hindi materyal na bagay ang tinutukoy, tulad ng diwa, kaisipan, o damdamin.Demgegenüber sind abstrakt oder basal die Substantive, die keine konkteten Dinge bezeichnen, wie Wesen, Denken, Fühlen.
tuwa, pag-awit, kabayanihan, pag-uswag/pag-unlad
pananabik, pagkagulat, ligaya, gahum, lunggati/naisin
banhaw/banyuhay (bagong buhay)
enerhiya /kusog (Seb)
imahen/hulagway (Seb)
ganda/liwanag/sanyata (Ilk.)

3.1.3 Mga Uri ng Pangngalan: Ayon sa Kayarian (p. 23)

Gemäß Aufbau
May apat na uri ng pangngalan batay sa pagkakabuoo kayarian. Ito ang payak, maylapi, inuulit, at tambalan. Es gibt vier Klassen von Substantiven gemäß ihrem Aufbau. Diese sind einfach, affigiert, mit Wiederholung und zusammengesetzt.
Payak ang pangngalan kapag binubuo ng iisang salitang-ugat o iisang morpema lamang.
abo, tubig, ama, galit, yaman, dunong, isda, bana, bihud aksidente, lindol, tula, bahay, libra, lapis, cafiao, lungsod adlaw (day), araw (sun), bulan (month), buwan (moon)
Maylapi ang pangngalan kapag binubuo ng salitang-ugat at ng isa o higit pang panlapi. Maraming panlaping makangalan na ang bawat isa ay may taglay na kahulugan. Tingnan ang sumusunod:
...

3.4 Pandiwa (p.57)

 
3.4.4 Pokus ng pandiwa (p.60-63)
Fokus der Verben
Pokus ang tawag sa paksa ng pangungusap na makikilala sa tulong ng mga panandang ang at si/sina. Ito ang pinagtuunan ng pandiwa ng pangungusap. Pokus din ang tawag sa relasyong semantikal ng paksa at ng katambal nitong pandiwa.Fokus ist die Bezeichnung für das Subjekt des Satzes, das mit Hilfe der Bestimmungswörter ang und si/sina erkannt wird. Fokus ist auch die Bezeichnung für die semantische Beziehung des Subjektes und dem ihm zugeordneten Verb.
Naglakbay si Ana sa buong Filipinas.
(Si Ana ang pokus ng pangungusap; ito ang tagaganap ng pandiwang naglakbay. Samakatwid, nasa pokus na tagaganap ang pandiwang naglakbay.)
Ito ang iba't ibang pokus ng pandiwa:Dies sind die verschiedenen Fokus.
Tagaganap (actor focus). Nasa pokus na tagaganap ang pandiwa kapag ang paksa ng pangungusap ang gumaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa. Ang mga panlaping um-, mag-, mang-, at ma- ang mga pangunahing panlaping nasa pokus tagaganap. Inihuhudyat ang tagaganap ng panandang si/sina o ang/ ang mga. Maaari ring mga pokus na tagaganap ang mga panghalip panao sa anyong ang, tulad ng ako, ka, siya, at ang maramihang anyo ng mga ito. Täter-Fokus. Das Verb ist im Täterfokus, wenn das Subjekt des Satzes der Täter der Tätigkeit ist, auf die sich das Verb bezieht. Die Affixe um-, mag-, mang- und ma- sind die hauptsächlichen Affixe für Täterfokus. Der Täter wird angezeigt durch die Bestimmungswörter si/sina o ang/ ang mga. Es können auch Täterfokus die Personalpronomen in der ang Form sein, wie __ und deren Mehrzahlformen.
Lumikas ang mga biktima ng lahar. Namitas ng mangga sa kanilang puno si Rudy. Nagkikita kami araw-araw.
Layon (object focus). Nasa pokus na layon ang pandiwa kapag ang layon o object ang paksa ng pangungusap. -In-/-hin- at i- ang pangunahing panlapi sa pokus na layon, at maaari ring pag -an sa ilang pandiwa. Hudyat ng paksa ang panandang ang. Maipopokus din ang panghalip pamatlig sa anyong ang.Im Objektfokus sind Verben, wenn das Objekt das Subjekt des Satzes ist. -In-/-hin- at i- sind die hauptsächlichen Affixe für den Objektfokus, und es kann auch pag -an sein bei einigen Verben. Das Bestimmungswort ang kennzeichnet das Subjekt. Es können auch Demonstrativpronomen in den Fokus gesetzt werden.
Ginawa niya ang kanyang homework kagabi. Kinakain ni Rona ang lansones. Binili ko ito/iyan. Ibigay mo ito sa kanya. Ilalagay ko iyan dito. Pag-aaralan mo ang paksang ito.
Direksiyonal (directional focus). Sa pokus na direksiyonal, pinagtutuunan ng pandiwa ang direksiyon o tinutungo ng kilos. Ang panlaping -an/-han ang pangunahing panlapi sa pokus na direksiyonal. Marker na pokus ang ang o mga panghalip panao o pamatlig sa anyong ang.Im Richtungsfokus ?? die Verben die Richtung der Tätigkeit. Affix -an/-han ist das hauptsächliche Affix für Richtungsfokus. Fokusmarkierer sind ang, Personal- oder Demonstrativpronomen.
Pasyalan mo si Ana sa opisina. Pinuntahan namin iyon. Tinabihan niya ang bata. Bigyan mo siya nito.
Ganapan (locative focus). Nasa pokus na ganapan ang pandiwa kapag ang paksa ng pangungusap ay ang lugar na pinaggaganapan o pinangyayarihan ng kilos. Pag -an/-han din ang pangunahing panlapi ng pandiwang nakapokus sa ganapan. Maipopokus din ang panghalip pamatlig sa anyong ang.Im Ortsfokus ist das Verb, wenn das Subjekt des Satzes den Ort der Tätigkeit oder des Geschehens der Tätigkeit bezeichnet. Auch hier ist -an/-han das hauptsächliche Fokus der Verben, die auf den Ort fokussieren. Auch hier wird der Fokus auf Demonstrativpronomen der ang Form gerichtet.
Pinaglabhan ko ang batya. Pinaglalaruan nila ang kuwarto ko. Paglulutuan ko ito/iyon.
Kagamitan (instrumental focus). Ang bagay na ginamit o naging kagamitan sa pagganap ng kilos ang pinagtuunan ng pandiwang nasa pokus na ito. Ang kasangkapan o kagamitang ito ang paksa ng pangungusap. Ipang (ipan-/ipam-)- ang panlaping ginagamit sa pokus na ito. Werkzeug-Fokus. Der gebrauchte Gegenstand oder das verwendete Werkzeug für die Ausführung der Tätigkeit sind ?? der Verben in diesem Fokus. Werkzeug oder Gegenstand sind das Subjekt des Satzes. Ipang (ipan-/ipam-)- ist das Affix, das für diesen Fokus verwendet wird.
Ipinambili niya ng mga regalo ang unang suweldo niya. Ipinamunas ni Rod sa silya ang kanyang panyo. Ipansulat mo ito/iyan.
Tagatanggap (beneficiary focus). Ang pandiwang nasa pokus na tagatanggap ay tumutuon sa tao o bagay na nakikinabang sa resulta ng kilos na isinasaad ng pandiwa. Matatawag ding di-tuwirang layon ang pinagtuunan o pinaglalaanang ito ng kilos ng pandiwa. May panlaping i-/ipag-/ipa-/ ang pandiwang nasa pokus na tagatanggap. Maaaring maging pokus na tagatanggap ang mga panghalip panao at nasa anyong ang.Empfängerfokus. Verben im Empfängerfokus zeigen (drücken) auf Personen oder Dinge, die einen Nutzen vom Ergebnis der Tätigkeit haben, die das Verb ausdrückt. Verben mit Empfängerfokus besitzen Affix i-/ipag-/ipa-/ Empfängerfokus können Personalpronomen und in der ang Form sein.
Ikinuha ko si Nene ng malamig na tubig. Ipagluluto niya ng karekare ang mga panauhin. Ipamili mo ako ng mga gulay sa Baguio. Ipaglaba mo nga ako.
Sanhi (causative focus). Ang sanhi o kadahilanan ng kilos ang paksa ng pandiwang nasa pokus na sanhi. Ang panlaping ika- ang pangunahing gamit ng pandiwa sa pokus na ito. Ursache-Fokus. Ursache oder Grund der Tätigkeit ist das Subjekt der Verben in Ursache-Fokus. Das Affix ika- wird vorzugsweise für die Verben mit diesem Fokus verwendet.
Ikinalungkot namin ang pag-alis niya. Ikatutuwa ko ang pagbabago mo. Ikinalulugod ko iyon.
Resiprokal (reciprocal focus). Ang pokus ay tagaganap pa rin ngunit may kahulugang resiprokal ang pandiwa sapagkat ang kilos ay ginaganap nang tugunan ng mga tagaganap. Samakatwid, laging dalawang indibidwal o dalawang pangkat ang pokus ng pandiwa. Gamiting panlapi ang mag- -an, magsipag- -an/ han.Reziproker Fokus. Der Fokus ist auch der Täter, aber das Verb hat eine reziproke Bedeutung, weil die Tätigkeit ausgeführt wird, wenn die Täter eine Gemeinsamkeit haben. Deshalb ist der Fokus stets zwei Personen oder zwei Gruppen. Verwendete Affixe sind mag- -an, magsipag- -an/ han
Magsusulatan ang magkaibigang Fe at Alma na hindi nagkita sa loob ng dalawang taon. Nagtulungan ang mayayamang negosyante at ang mga karaniwang manggagawa sa EDSA revolution. Nagmamahalan sila. Baka magsipagbatuhan ang mga bata mamaya.
Ito ang tsart ng mga pokus ng pandiwa, ang mga pangunahing panlapi para sa bawat isa, gayundin ang mga pananda ng pokus.Dies ist die Tabelle der Fokus der Verben und der jeweils hauptsächlichen Affixe, ebenso der Bestimmungswörter des Fokus.
{4} Pagbuo at Pagpapahaba ng Pangungusap
Binubuo ang bahaging ito ng (1) pagbibigay-katuturan sa pangungusap, (2) pagtalakay ng batayang pangungusap ng Filipino at mga bahagi nito, (3) pag-iisa-isa ng iba pang uri ng pangungusap, bukod sa batayang pangungusap, at (4) pagpapalawak ng pangungusap.
...
{4.1} Katuturan ng Pangungusap
Isa itong salita o grupo ng mga salita na naghahayag ng isang kompletong kaisipan. Kapag binibigkas, mahuhulaan ang simula at katapusan ng pangungusap sa pamamagitan ng tinig; at kapag isinusulat, sa tulong ng malaking titik sa simula at ng tamang bantas sa katapusan.Tulad nito:
Naglilinis ng kuwarto si Bing. Talaga? Aba, oo! Kanina pa siya naglilinis. Himala!
...
{4.2} Batayang Pangungusap at mga Bahagi Nito
May pangunahing pangungusap ang wikang Filipino na matatawag ding batayang pangungusap (BP). Ito ang pinakasimple at pinakamaikli, ngunit pinakakompleto ring uri ng pangungusap sa naturang wika. Buhat sa batayang pangungusap, makahahango ng iba pang uri ng pangungusap, tulad ng tatalakayin sa mga sumusunod na pahina. Dalawa ang pangunahing komponent o bahagi ng batayang pangungusap sa Filipino: ang panaguri at ang paksa.
...
{4.2.1} Panaguri
Ito ang bahagi ng pangungusap na kumakatawan sa impormasyong sinasabi o iniuugnay sa paksa. Matatawag din itong predicate. Sa Filipino, normal o karaniwan sa mga ordinaryong usapan o diyalogo ang pagsasabi muna ng panaguri, kasunod ng paksa. Tulad nito:
Kumakanta si Nona. (Panaguri + Paksa)
sa halip na: Si Nona ay kumakanta. (Paksa + ay + panaguri)
Magagamit na panaguri ng pangungusap sa Filipino ang iba't ibang bahagi ng panalita, kabilang ang nominal, pang-uri, pandiwa, pang-abay, mga pariralang preposisyonal, eksistensiyal, at modal. Tulad ng makikita sa sumusunod:
...
{4.2.1*} Pangungusap = Panaguri + Paksa
1. Mga Nominal
- Pangngalan: Maestra + si Nanette. Inhinyero ang tatay ko.
- Panghalip Panao/Personal: Siya + si Nanette. Ako ang kasama mo.
- Panghalip Pamatlig/Demonstratibo: Iyan + ang bahay nila. Ito si Nonoy.
- Pariralang normal: Ang batang iyan + ang kapatid ko. Si Bernie ang aking partner.
2. Pang-uri
- Payak, maylapi, inuulit, tambalan: Payat + si Neneng. Matalino, Masayang-masaya, Balat-sibuyas
- Pariralang pang-uri: May magandang boses + ang babae. Nakaaaliw naman iyan.
...
{4.2.1**}
3. Pandiwa
- Walang komplemento: Naglilinis / magluluto + ang nanay.
- May komplemento (aktor, layon, tagatanggap, ganapan, atbp): Naglilinis ng kotse sa garahe + ang tatay. Ipagluluto ng nanay ng adobo sa bagong kaldero + ang kanyang mga anak.
4. Pang-abay
- Pamanahon: Kanina pa umalis + sina Nene.
- Pamaraan: Magandang umawit si Regine.
- Panlunan: Sa Maynila nag-aaral ang kuya ko.
5. Mga Pariralang
- Preposisyonal: Nasa harap ng klase + ang mesa. Para sa iyo ito. Tungkol sa computer ang libro.
- Modal: Gusto ko + iyan. Kailangan natin ang mga papel na ito. Puwede sa amin ang librong iyan.
- Eksistensyal: May boses + ang batang iyan. Mayroon nang kapatid na lalaki sina Marie.
...
{4.2.2} Paksa
Isa rin itong pangunahing komponent ng batayang pangungusap sa Filipino na matatawag ding simuno o topic ng pangungusap. Ito ang pinag-uusapan o sentro o pokus ng usapan sa pangungusap na inihuhudyat ng panandang ang para sa mga karaniwan o pambalanang pangngalan, o ng si/sina para sa mga tangi o personal na pangalan. Maaari rin namang panghalip na panao/personal o pamatlig/demonstratibo na nasa anyong ang ang paksa. Tulad nito:
Ito ang aking bagong computer. Tawagin mo na si Ninoy. Kapatid ko siya. Kunin mo Ito.
Laging pariralang nominal ang paksa ng pangungusap sa Filipino. Nangangahulugan ito na laging may nauunang pananda o marker (ang, si/sina) ang paksa, kung hindi ito panghalip. Ginagamit ang ang sa anumang bahagi ng panalita na ginawang nominal, maging ito ay pangngalan, pang-uri, pandiwa, pang-abay, o maging pariralang modal, eksistensiyal, o preposisyonal. Tulad ng mga sumusunod:
...
{4.2.2*}
Pangungusap = Panaguri + Paksa
1.Pariralang pangngalan: Nag-aaral + ang bata / si Liza.
2.Pariralang pang-uri: Nanalo + ang pinakamagaling / ang pinakamabilis sa lahat.
3. Pariralang pandiwa: Tawagin mo + ang mga dumating / ang mga nagsusulat.
4. Pariralang pang-abay: Hinahangaan ko + ang mahusay umawit / ang talagang magaling.
5. Pariralang modal: Iyan + ang gusto ko / ang puwede sa akin.
6. Pariralang eksistensiyal: Kuwarto niya + ang may tao/ ang mayroon nang pintura.
7. Pariralang preposisyonal: Ibibigay ko + ang para sa iyo / ang nasa loob ng kabinet. 8. Panghalip Panao/Personal (inilalagay pagkatapos ng pandiwa): (Nag-aaral siyang mabuti. Sunduin mo ako/siya/kami mamaya.)
...
{4.2.3} Pangungusap na verbal
Gaya ng nabanggit na sa diskusyong kaugnay ng pandiwa, sa mga pangungusap na verbal (kung saan pandiwa ang panaguri) ay nagiging pokus ng pangungusap ang paksa pagkat nagkakaroon ng semantik na relasyon ang pandiwa sa paksa. Nangangahulugan itong dahil sa pagbabago ng panlapi sa pandiwa, napagtutuunan sa pangungusap ang isang komplemento at iyon ang nagiging pokus at paksa ng pangungusap. Tulad ng sumusunod:
Naglalaba (ng damit) si Aling Maria (sa labas ng bahay) (para kay Nene).
Sa BP na ito, nakapokus sa aktor/tagaganap (si Aling Maria) ang pangungusap, at mga komplemento naman ang "ng damit" (layon), "sa labas ng bahay" (ganapan), at "para kay Nene" (tagatanggap).
Sa pagbabago ng panlapi, pansining maipopokus ang iba't ibang komplemento, tulad ng mga sumusunod:
- Pokus sa Layon: Nilalabhan ni Aling Maria ang damit (na para kay Nene) sa ilog.
- Pokus sa Tagatanggap: Ipinaglalaba ni Aling Maria ng damit si Nene sa ilog.
- Pokus sa Ganapan: Pinaglalabhan ni Aling Maria ng damit (na para kay Nene) ang ilog.
- Pokus sa Sanhi : Ikinapagod ni Aling Maria ang paglalaba ng damit (na para kay Nene). - Pokus sa Instrumento: Ipinanlalaba ni Aling Maria ng damit (na para kay Nene) ang sabon.
- Pokus sa Direksiyon: Puntahan mo ang ilog (na paglalabhan ng damit ni Nene.
...
{4.3} Iba pang Uri ng Pangungusap
Bukod sa batayang pangungusap (BP) na natukoy nang binubuo ng kompletong panaguri at paksa, mayroon pang ibang uri ng pangungusap sa wikang Filipino. Ito ang mga pangungusap na (1) hango sa hatayang pangungusap at may kompleto ring panaguri at paksa, at (2) walang tiyak na paksa.
...
{4.3.1} Mga Pangungusap na Hango sa Batayang Pangungusap
Mula sa isang BP, makahahango ng iba pang pangungusap na may kompleto ring panaguri at paksa, ngunit iba ang konstruksiyon o ayos ng pagkakasunod ng mga bahagi. Kabilang dito ang mga pangungusap na (1) nasa anyong tanong; (2) may tiniyak na panaguri; (3) may konstruksiyong binaliktad o inverted; at (4) naghahayag ng negasyon.
...
{4.3.1.1} Mga Tanong
Iba't iba ang uri ng tanong na mahahango sa isang batayang pangungusap, kabilang ang mga sumusunod:
- BP: Umalis na ang mga bisita.
- Mga Tanong na Hango sa BP
-- Masasagot ng Oo o Hindi: Umalis na ba ang mga bisita? Umalis na ang mga bisita, di ba? Talaga bang umalis na ang mga bisita? Ano, umalis na ang mga bisita?
-- Humihingi ng Impormasyon: Sino ang umalis na? Kailan umalis ang mga bisita? Bakit umalis na ang mga bisita? Paano umalis ang mga bisita? Saan pupunta ang mga bisita? Ano ang ginawa ng mga bisita? Ilang bisita ang umalis na?
-- Masasagot ng mayroon o wala: May umalis na bang mga bisita? Wala pa bang umaalis na mga bisita?
-- Humihingi ng alternatibo: Umalis na ba o hindi pa ang mga bisita? Alin ang gusto mo: iyan o ito? Ano ang uunahin ko: ito ba o iyan?
...
{4.3.1.2} Mga Pangungusap na Tiniyak ang Panaguri.
Mula rin sa BP, ginagamit sa Filipino ang mga pangungusap na tiniyak o markado ang panaguri. Nangangahulugan ito na nilalagyan ang panaguri ng pananda o marker na ang upang matiyak ang impormasyong iniuugnay sa paksa. Sa maraming pagkakataon, ginagamit ang ganitong uri ng pangungusap kapag sumasagot sa tanong na humihingi ng tiyak na sagot o kaya'y may binibigyan ng empasis o tuon. Tulad ng mga sumusunod:
Mga Batayang Pangungusap -- Mga Hangong Pangungusap
Lalaki ang nakita niya. -- Ang lalaki ang nakita niya.
(Sino ang nakita niya?) -- (Tinitiyak kung sino ang nakita.)
Payong ang nawala. -- Ang payong ang nawala.
(Ano ang nawala?) -- (Tinitiyak kung ano ang nawala.)
Mangga ang pinakagusto ko. -- Ang mangga ang pinakagusto ko.
(Alin ang pinakagusto ko?) -- (Tinitiyak, o binibigyang-diin, ang gusto.)
Mabilis ang nanalo. -- Ang mabilis ang nanalo.
(Sino ang nanalo?) -- (Binibigyang-diin kung sino ang nanalo.)
Tumatakbo ang nadapa. -- Ang tumatakbo ang nadapa. (Sino ang nadapa?) -- (Binigyang-diin kung sino ang nadapa.)
...
{4.3.1.3} Mga Konstruksiyong Binaliktad o Inverted
- Inverted ay: ito ang tinutukoy na di-karaniwang ayos ng pangungusap sa Filipino na malimit gamitin sa mga nasusulat na literatura at pormal na rehistro. Ginagamitan ito ng binaliktad na ayos na -
Pangungusap = Paksa + ay ('y) + Panaguri
BP: Nagdasal na si Ima. -- HP: Si Ima ay nagdasal na. (Si Ima'y ...)
Aalis na kami bukas. -- Kami ay aalis na bukas. (Kami'y ...)
Maglilinis ako rito. -- Ako ay maglilinis rito. (Ako'y ...)

- Iba pang konstruksiyong binaliktad: BP: Umalis na kahapon ang mga bisita. -- HP: Kahapon, umalis na ang mga bisita. (nagbibigay-diing hindi "ngayon") Ang mga bisita, umalis na kahapon. Kahapon umalis ang mga bisita.
...
{4.3.1.4} Mga Pangungusap na Naghahayag ng Negasyon
BP: Umalis na ang mga bata. -- HP: Hindi/Di dapat umalis ang mga bata. Ayaw kong (Ayokong) umalis ang mga bata. Huwag sanang umalis ang mga bata.
...
{4.3.2} Mga Pangungusap na Walang Tiyak na Paksa
Maraming pangungusap sa Filipino ang walang tiyak na paksang pinag-uusapan. Kabilang dito ang mga pangungusap na (1) penominal, (2) temporal, (3) eksistensiyal, (4) modal, (5) ka-pandiwa, (6) pambating panlipunan, (7) panawag, at (8) pandamdam.
...
{4.3.2.1} Penomenal
Ito ang mga pangungusap na tumutukoy sa mga kalagayan o pangyayaring pangkalikasan o pangkapaligiran. Maaaring ang mga ito ay -
- Verbal (binubuo ng panaguring pandiwa na maaaring may kasamang adverbial o pang-abay): Umuulan! Bumagyo kamakalawa. Lilindol daw. Aaraw na yata. Kumidlat at kumulog na.
- Adjectival (binubuo ng pang-uri na maaaring may kasama ring adverbial): Mainit! Kay init ngayon. Laging maginaw. Maulan mula Hunyo. Maulap na naman. Madilim na.
...
{4.3.2.2} Temporal
Nagsasaad ito ng mga kalagayan o panahong panandalian. Karaniwan itong mga adverbial na nagsasabi ng -
- Oras, araw, petsa: Alas otso na. Miyerkoles ngayon. Ikalima lamang ng umaga. Ika-12 ng Hunyo bukas.
- Panahon, selebrasyon: Tag-ulan na. Magbabakasyon pa lamang. Pasko na naman. Todos los Santos sa Linggo.
...
{4.3.2.3} Eksistensiyal
Nagsasaad ito ng "pagka-mayroon" o"pagka-wala".
May kapatid ka ba? Mayroon. Wala pang dumarating. May mga tao na sa teatro. Wala na raw pera sa bangko.
...
{4.3.2.4} Modal
Nangangahulugan ito ng "gusto/nais/ibig", "puwede/maaari" o "dapat/kailangan".
Gusto kong kumain. Puwedeng magbaon? Nais/Ibig mo ba nito? Dapat kang mag-aral na mabuti.
...
{4.3.2.5} Mga Ka-pandiwa
Nagsasaad ng katatapos na kilos o pangyayari. Malimit itong may kasunod na "lang/lamang".
Kakakain lang namin. Kababasa ko lamang nito. Kalilinis mo ba ng kotse? Kakukuha niya ng sako.
...
{4.3.2.6} Mga Pambating Panlipunan
Magagalang na pananalita o ekspresyon na mahalaga sa pakikipagkapwa-tao.
Magandang umaga/tanghali/hapon/gabi. Tao po! Halika, tuloy. Kumusta ka? Mabuti, salamat. Pasensiya ka na. Salamat sa inyo. Walang ano man. Huwag kang mag-alala. Makikiraan po. Nakikiramay po. (Tala: Sa maraming rehiyong di-Tagalog, hindi ginagamit ang po at opo ngunit madarama sa tono o intonasyon ang paggalang).
...
{4.3.2.7} Mga Panawag
Matatawag ding mga vocative ang mga ito. Maaari itong iisahing salita o panawag na pangkamag-anak.
Hoy! Halika! Nene! Inay/Ima! Helo! Tena! Totoy! Ate/Kuya! Psst! Ssst! Inday! Manoy/Manay!
...
{4.3.2.8} Mga Pandamdam
Naghahayag ng matinding damdamin ang mga ito.
Aray ko! Sus, ikaw pala! Ow, talaga? Aba, sobra! Sunog! Aru, bola! Ay, siyanga? Ku, yabang! Napakasungit mo naman Nakakatuwa, ano? Talagang nakakainis! Nakakabuwisit talaga!
...
{4.4} Pagpapalawak ng Pangungusap
Maraming paraan ng pagpapalawak o pagpapahaba ng pangungusap sa wikang Filipino. Nagagawa ito sa tulong ng pagpapalawak ng panaguri at/o paksa, at pagsasama o pag-uugnay ng dalawa o higit pang pangungusap.
...
{4} Pagpapalawak ng Panaguri
Mapapalawak o mapapahaba ang panaguri (o predicate) sa tulong ng mga sumusunod:
- Mga enclitic
BP: Dumating sila. -- Dumating na pala sila. na raw pala, na naman, na ba sila?
- Mga komplemento: tagaganap,layon, tagatanggap/ganapan, atbp. BP: Namili kami. Namili kami ng isda sa palengke para sa inyo Magbabasa ako. Magbabasa akong libro sa aklatan.
- Mga pang-abay (pamanahon, panlunan, pamaraan, atbp.) BP: Magbibiyahe kami. Maaga kaming magbibiyahe sa Cebu bukas ng gabi. Mabait si Lilia. Talagang/Tunay na/Totoong mabait si Lilia.
- Iba pang pampalawak ng panaguri
-- Mga Panawag: Ate, halina kayo, uy! Hoy, Lita, pumunta ka rito!
-- Panagot sa Tanong Aalis na ba kayo? Oo, aalis na kami. Hindi, hindi pa kami aalis.
-- Pandagdag na Tanong Aalis na kayo, di ba?
...
{4.4.2} Pagpapalawak ng Paksa
Napapalawak o napapahaba ang paksa ng pangungusap sa tulong ng m sumusunod:
- atribusyon o modipikasyon: Ito si Tina na pinakamatalik kong kaibigan. Tawagin mo ang naglalakad na batang iyon.
- Pariralang lokatibo/panlunan: Marami rin ang Amerikano sa lugar nila. Nililinis ang tubig sa Ilog Pasig.
- Pariralang naghahayag ng pagmamay-ari: Bagung-bago ang payong ni Nena. Hihiramin ko ang bag ng kapatid ko.
...
{4.4.3} Pag-uugnay ng mga Pangungusap
Napag-uugnay ang mga pangungusap sa tulong ng mga pang-ugnay na naghahayag ng iba't ibang relasyon o kaugnayan, kabilang ang sumusunod:
- Temporal: BP: Umalis sila. Umulan. Umalis sila bago pa/pagkatapos umulan.
- Dahilan - Bunga: BP: Napakainit! Nagpayong ako. Nagpayong ako sapagkat/pagkat/dahil napakainit. Napakainit kaya naman nagpayong ako. Napakainit, (at) bunga nito/dahil dito, nagpayong ako.
- Paraan - Layunin: BP: Nag-aral siya. Matututo siya. Nag-aral siyang mabuti upang/para matuto nang husto. Upang/Para matuto nang husto, nag-aral siyang mabuti.
- Kondisyon - Kalalabasan: BP: Magsisikap ka. Magtatagumpay ka. Kung magsisikap kang mabuti, magtatagumpay ka. Magtatagumpay ka kapag magsisikap kang mabuti. Maliban na lang kung magsisikap kang mabuti, hindi ka magtatagumpay.
- Kontrast: BP: Masakit ang ulo. Pumasok siya. Kahit masakit ang ulo ni Ben, pumasok pa rin siya sa opisina.
May report. Nanood siya ng TV. May report siyang gagawin, pero/ subalit/ ngunit nanood pa rin siya ng TV.

- Pagsang-ayon/Konsesyon - Di-Pagsang-ayon/Counter-assertion: BP: Matalino ka. Hindi ka mag-oonor. Totoong matalino ka, pero/ ngunit/ subalit kung hindi ka mag-aaral nang husto, hindi ka rin mag-oonor.
- Katibayan/Ebidensiya - Kongklusyon/Pag-aakala: BP: Matataas ang mga grado. Nagtiyaga siya. Matataas ang mga grado niya; samakatwid/kung gayon, nagtiyaga siyang mag-aral.
Nanalo siya sa paligsahan. Magaling siya. Nanalo siya sa paligsahan; puwes/kung ganon/samakatwid, talagang magaling siya.
...

Die filipinische Sprache von Armin Möller   http://www.germanlipa.de/text/aganan.html   15. Januar 2006 / 22. Dezember 2020

Ende / Wakas
Aganan: Sangguniang Gramatika

↑↑   Werkstatt / Gawaan   Ugnika