2A Mga Pangabit sa Panaguri at paniyak   (•• 2A)

{2A-101}   Paggamit ng katawagang 'paniyak'

Sa nakaugaliang balarilang Filipino, ang tawag na 'simuno' ay nagamit na katawagan para sa kasalukuyang 'paksa'. Hindi lubhang nakabagay ang salitang 'simuno' kung ipinapalagay itong pasimuno ng kilos; natatakdaan lamang sa pangungusap na may pandiwang tahasan ang katawang ito.

Sa mas makabagong aghamwika ay ipinalit ang salitang 'simuno' sa 'paksa'. Pinag-uusapan ang karaniwang kahulugan ng salitang paksa. Sa gayon ginawa ang kaguluhan gaya nito sa Inggles na salitang 'subject' na pati may dalawang kahulugan ('subject of a clause' bilang pampalaugnayang katawagan at pinag-uusapan 'subject of a story' bilang katawagang pansemantika).

Ginagamit nina { Schachter 1972 p. 60} ang katawagang 'topic' sa halip ng 'subject': 'One of the chief distinctions between the Tagalog topic and the English subject is that the topic never expresses a meaning of indefiniteness while a subject may or may not.' (tingnan din kay { Katagiri 2006}).

Ipinasok namin ang katawagang 'paniyak' para sa paksang pampalaugnayan dahil may katiyakan ang pariralang ito; at katiyakan ang pinakamahalagang katangian nito.


{2A-102 }   Paniyak at pariralang makangalan; tungkulin ng ang

Punang pauna
Nagsasaad ng paniyak at pariralang makangalan ang pagtatalakay na sumusunod. Hindi ito nagsasaad ng pandiwaring makangalan at pang-uring makangalan.

(1) Sinipi mula kay { Bloomfield 1917 § 55}: 'Full words act not only as attributes, but also as subject and predicate, and any full word may, in principle, be used in any of these three functions.' Isinasalin namin ang pahayag na ito sa wika namin: "Maaaring maging panaguri at paniyak ang halos anumang pariralang pangnilalaman."

(2) Sa kabilang banda, kalimitang sinasabing palaging ngalan ang paniyak sa wikang Filipino. Sinulat ni { Bloomfield 1917 § 88}: 'The subject of a sentence is always an object expression' (halos gaya ng pariralang makangalan ang object expression). Pag hindi ngalan mismo ang paniyak, "pagiging ngalan" ito ('objectivized'). Sipi mula sa § 104 (kung saan inilalarawan ang pagpapalitan ng paniyak at panaguri): 'The transient part of the sentence (halos gaya ng pandiwa ang transient part) being put into object construction and used as subject'.

Mukhang halata, iniuugnay sa ngalan ang ang (at hindi sa paniyak); sa § 61: 'When a word or phrase denotes an element of experience viewed as an object, it is, with certain exceptions, preceded by the atonic particle ang'. Nabibilang ang kataliwasang sumusunod:

(3) "Pagiging ngalan" ng paniyak na di-makangalan ang inilalarawan din ng iba pang may-akda. Sinisipi mula kina { Schachter 1972 p. 150}:

'In a derived sentence, then, an adjectival or verbal may occupy virtually any sentence position that, in a basic sentence, is occupied exclusively by an unmarked noun: An adjectival or verbal used as something other than an unmarked predicate or a modifier is said to be nominalized, or a nominalization. Tagalog adjectivals and verbals undergo no change of form when they are nominalized.'

Kawangis ang sinulat nina { Aganan 1999}:

'Ayon naman sa makabagong gramatika na batay sa estruktural pagkakabuo, tumutukoy ang pangngalan sa anumang salitang isinusunod sa mga panandang ang/ang mga, ng/ng mga, sa/sa mga, si/sina, ni/nina, kay/kina.' (p. 22)
'Laging pariralang nominal ang paksa ng pangungusap sa Filipino. Nanganagahulugan ito na laging may iniuunang pananda o marker (ang, si/sina) ang paksa, kung hindi ito panghalip. Ginagamit ang ang sa anumang bahagi ng panalita na ginawang nominal, maging ito ay pangngalan, pang-uri, pang-abay, o maging pariralang modal, eksistensiyal, o preposiyonal.' (p. 75)

Halatang may kaunting alinlangan ang dalawang may-akda tungkol sa kanilang sinulat. Nagdaragdag sina Schachter ng 'is said to be' at sina Aganan ng 'ayon naman sa makabagong gramatika na batay sa estruktural pagkakabuo', walang bukal ng pagsisipi ang dalawa. Tinatalakay ng puspsusan nina { Schachter 1972} ang katiyakan ng paniyak; gayunman doon walang katanungan tungkol sa katiyakan ng paniyak na "pagiging ngalan".

(4) May akdang nakaugalian kung saan malabo ang pagpapaliwanag tungkol sa ang:

'Ang mga pangngalan ay sinasamahan ng isa o dalawang salitang tinatawag na pantukoy.'
'Ang mga pantukoy na ang, ang mga, si at sina ay mga pananda sa simuno ng pangungusap.' { Villanueva 1868/1998 vol. 4 p. 56 f.}
'Ang mga pananda ng pambalarilang gamit ng isang salita [sa loob ng pangungusap] ay ang mga pantukoy na si, sina, ang at ang mga, …' { Santiago 2003-B p. 228}

(5) Ang paradigmang ang - ng - sa na inilalahad sa {1A-633 } ay nangangailangan na nabibilang sa pariralang makangalan ang ang. Hindi ibinabagay ang salitang "naging ngalan" sa tularang ito.

(6) Hindi pa namin nakita ang pangangatwiran - ni hindi kay Bloomfield, ni hindi sa iba pang may-akda - kung bakit dapat maging pariralang makangalan ang lahat ng mga pariralang may ang. Pati may sulat na 'Tagalog adjectivals and verbals undergo no change of form when they are nominalized.' (Sipi sa talataang (3)). Wala ni anumang pahiwatig ang nakita ng pagsusuri namin kung bakit nagiging pangngalang "segunda-mano" ang salitang di-pangngalan kung nagagamit na paniyak. Karaniwang hindi nagbabago ang bahagi ng panalita ng isang salita kung ginagamit sa bagong tungkuling pampalaugnayan.


{2A-211 }   ay bilang pananda

(1) May alinlangan (lalo na sa dating mga akda) ang pag-uuri ng ay bilang pananda ng panaguri.

(2) Nababasa kay { Bloomfield 1917 § 53}: 'The particle y expresses the predicative relation' (sa pangungusap na halimbawa sinulat ang 'y sa halip ng ay.) at kay { Himmelmann 2005 p. 9} 'The predicate marker ay (…) signals the beginning of the predicate'.

(3) May ibang may-akda na nag-uugnay ng ay sa pangungusap na buo. Ginagamit ni Lopez ang katawagang 'linguistic copula' { Lopez 1941 p. 264} at 'particle (equalizing sentence)' { Lopez 1940 p. 117}.

(4) Nababasa sa talasalitaan ni L.J. English { LJE ay} ang sumusunod kung sa likod ng malayang parirala o sugnay ang ay sa unahan ng panaguri:

'ay2 ligature used instead of a comma, as Bukas ay magpasyal tayo, which could also be: Bukas, magpasyal tayo: Tomorrow let's take a walk (go for a short trip).'

(5) Tinatawag na 'pandiwang pang-angkop' o 'pandiwang pantulong' ang ay nina { Villanueva 1968/1998 vol. 4 p. 71}. Nagpapasok sina { Santiago 2003-B p. 231} ng uring pang-ibabang 'pangawing' ng pananda. Isa lamang kasapi nito ang ay 'bilang pananda ng ayos ng pangungusap'.


{2A-231 }   Pagpapalitan ng tungkulin ng panaguri at paniyak

(1) Maaaring ipalagay na pagkamaaari sa pagpapalitan ang paglalarawan ni { Bloomfield 1917} sa § 55: 'Full words act not only as attributes, but also as subject and predicate, and any full word may, in principle, be used in any of these three functions.'

(2) Isa pang pahiwatig na ganito ang sinulat ni { Lopez 1941 p. 267 f., §156}:

 
'[6a]Ako'y guro.  Guro ako.  I am (a) teacher. (Teacher I.)  I am a teacher.
[6b]Ang guro'y ako. Ako ang guro. (The teacher is I.) I am the teacher. (I the teacher.) I am the teacher.
[7a]Ito'y paaralan.  Paaralan ito.  This is (a) schoolhouse. (Schoolhouse this.)  This is a schoolhouse.
[7b]Ang paaralan ay ito.  Ito ang paaralan.  (The schoolhouse is this.) This is the schoolhouse.  (This the schoolhouse.) This is the schoolhouse.
Various types of words may be used either as subject or as predicate. In [6a], a personal pronoun is subject to a predicative common noun which in [6b] has changed places as well as in use; a demonstrative pronoun can also be a subject [7a] or a predicate [7b].'


{2A-232 }   Pagpapalitan ng panaguri at paniyak at wikang pang-Europa

(1) Katangian ng wikang Filipinong walang katulad sa wikang pang-Europa ang pagpapalitan ng tungkulin ng panaguri at paniyak. Bunga nito, maaaring mahirap ang pag-unawa at salinwika kung ginagamit ang pananaw na pang-Europa. Dahil dito, ibig naming ipaliwanag nang puspusan sa tulong ng halimbawang madali.

Sa wikang Filipino ay maaaring pag-ugnayin ang salitang pagọng at matalino sa apat na ibang pangungusap na pasalaysay [1-4]. Dalawa lamang pagkaaaari sa wikang pang-Europa: 'The turtle is clever.' (Inggles), 'Die Schildkröte ist klug.' (Aleman) at 'Clever is the turtle.' (Inggles), 'Klug ist die Schidkröte.' (Aleman). Sa mga pangungusap na pang-Europa ay palaging paniyak ang pangngalang 'turtle, Schildkröte' at bahagi ng panaguri ang pang-uring 'clever, klug'.

Dapat ibang pananaw ang pag-unawa ng Filipinong pangungusap. pagọng at pati matalino ang maaaring maging panaguri at paniyak. Maaari ring palitan ang pagkakasunud-sunod nito; bunga nito ang sumusunod na apat na pagkamaaari katumbas ng apat na anyo sa {13-2.3 Θ [1*-4*]}:

 
[1]Matalino ang pagong. {S-1/PT}{P-P=P-U} {P-T=P-N}
[2]Pagong ang matalino. {S-1/PT}{P-P=P-N}{P-T=P-U}
[3]Ang pagong ay matalino. {S-1/TYP}{P-P=P-U}{P-T=P-N}
[4]Ang matalino ay pagong. {S-1/TYP}{P-P=P-N}{P-T=P-U}
Higit na maitim ang limbag = Panaguri. May salungguhit = Paniyak.

Sa pangungusap na [1|2] nagpapalitan ng tungkulin ang panaguri at paniyak. May ayos na kabalikan ang pangungusap na [3] na nanggaling sa [1], at pangungusap na [4] sa [2]. Sa mga wikang pang-Europa maaaring pangungusap gaya ng [1] at [3], walang pagtutulad ng [2] at [4].

(2) Upang magsalin ng Filipinong pangungusap na gaya ng [2] at [4], malimit ay ang pagtutulad sa wikang pang-Europa ang hinahanap. Nililikha ang yari tulad ng 'The turtle is the one who is clever.' (yata kahawig sa Pransas na pagtatanong na katulad ng 'Est-ce que vous allez chez Legros?'). Ganito hindi inilulutas ang suliranin. Nananatiling paniyak ang 'turtle', ngayon sa bagong sugnay na pang-itaas at nananatiling panaguri naman ang 'clever' sa bagong sugnay na pang-ibaba. Pagpapalitan ng panaguri at paniyak ang hindi iniisagawa ng dagdag na 'the one'. Mas magaling (ngunit hindi pa tama) ang salinwikang 'The clever being is a turtle.'; ito'y puwede dahil palaging pariralang makangalan ang paniyak sa wikang pang-Europa.

(3) Malimit na ginagamit ang mga 'participle' kung isalin ang mga pandiwa sa wikang Inggles [5c 6b 6c]. Ganito, pangungusap na tambalan na may 'progressive' [6b] ang maaaring lumitaw. Sa aming palagay, di-bagay ang pagsalin gaya ng [5c 6b], mas magaling ang [5d 6c]. Walang tanging diin ang panaguri sa [7 8]; mali ang pagsasalin na may sugnay na nagbibigay-diin [7c 8c].

 
[5][a] Araw-araw, kumakain ako ng mangga. [b] Araw-araw, ako'y kumakain ng mangga.
 [c] Everyday, I'm eating mangoes. [d] Everyday, I eat mangoes.
[6][a] Ako ang kumakain ng mangga.
 [b] I'm the one eating mangoes. [c] I'm eating mangoes.
[7][a] Isang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. {W Aesop 3.1.1}
 [b] A wolf fell into a well without water. [c] A wolf was the one who fell into a well without water.
[8][a] Wala ni sinumang tao ang maaari kong malapitan. {W Damaso 4.3}
 [b] I could not approach anybody. [c] Nobody was the one I could approach.

(4) Minabuti ni { Lopez 1941 p. 38ff.} sa halimbawa niya ang ayos na kabalikan na tinatawag naming pananalitang kanluranin; katulad ng [3 4] ang pangungusap niyang [9a 10a].

 
[9][a] Si Mayon ay dumating. [b] The Mayon is arrived. { Lopez 1941 p. 38}
[10][a] Ang dumating ay si Mayon. [b] The one which arrived is (the) Mayon. { Lopez 1941 p. 38}


{2A-301 }   Katiyakan sa wikang Filipino at sa wikang pang-Europa

(1) Magkaiba nang batayan ang paniyak na Filipino at ang 'subject' sa wikang pang-Europa; may katiyakang likas ang paniyak na Filipino, samantalang kumukuha ng katiyakan ang 'subject' na pang-Europa sa pamamagitan ng tanging paraan. Kaya nga, hindi kailangan ng tanging tanda ng katiyakan ang paniyak na Filipino dahil malinaw ang katiyakan. Kaya nga din, kailangan ng wikang pang-Europa ang tanging pantukoy na pantiyak ('the' sa Inggles) na naghuhudyat ng katiyakan ng pariralang makangalan.

May malaking karamihan sa pangungusap na may pangngalan kung saan "nagkataong" katumbas ng pantukoy na pantiyak na pang-Europa ang Filipinong ang. Gayunman may isang tabi sa labas ng karamihang ito sa wikang pang-Europa; doon ginagamit ang pantukoy na pantiyak upang ihudyat ang katiyakan ng pariralang di-pampaniyak. Ang katumbas na pariralang Filipino (halimbawa pantuwid o pandako) ay hindi maaaring maging tiyak sa pamamagitan ng panandang ang. Sa ibang tabi sa labas ng naturang karamihan ay ginagamit din ng wikang Filipino ang ang upang ihudyat ang paniyak kung hindi ngalan ito. Walang katumbas na yaring ito ang wikang pang-Europa dahil doon palaging ngalan ang paniyak {2A-232 (2) }.

(2) Walang tanging kasangkapan ang wikang Filipino upang ihudyat ang kawalan ng katiyakan. Sa wikang pang-Europa ay tinutupad ng 'indefinite articles' (sa Espanyol 'un - una - unos - unas') ang tungkuling ito. Dahil sa kawalan nito sa wikang Filipino ay madalas na ginagamit ang pamilang na isạ bilang "di-tiyak na pantukoy" {8-7.2 (2)} (lalo na sa pananalitang kanluranin {13-5.1}). Gayunman, magaling na pagbuo ng pangungusap ang maaaring piliin upang ilarawan ang di-katiyakan ng pariralang makangalan kung ito'y panaguri o pantuwid.


{2A-311 }   Katiyakan ng paniyak

(1) Ipinag-uugnay ni { Lopez 1940 p. 111, 113} ang 'known' sa paniyak at ang 'unknown' sa panaguri:

'Arrangement of a simple thought into a known (subject) and an unknown (predicate).' (p. 111)
'The participation of emotion, of suspense, is particularily clear in questions in which the unknown must always form the predicate.' (p. 113)

(2) Kina { Schachter 1972 p. 60} napakahalaga ang katiyakan ng paniyak:

'One of the chief distinctions between the Tagalog topic and the English subject is that a topic never expresses a meaning of indefiniteness, while a subject may or may not.'

{2A-331 Σ}   Pagsusuri ng pangungusap: ANG na makaabay

Ngayong ako ay may sapat nang edad ngunit kaunting kaalaman, napagtanto kong ang pagkalinga ng magulang ang tunay kong hinahanap. {W Damaso 4.1}
[1] Ngayong ako ay may …  [2+3] napagtanto kong ang pagkalinga … hinahanap
{S-0/L/TYP} {S-Tb(S-0 S-L]}
  [2] napagtanto ko-  [3] -ng ang pagkalinga … hinahanap
{S-0/L/P0} {S-L/PT}

Binubuo ng dalawang bahaging nagsasarili [1 2+3] ang pangungusap na tambalan.

Binubuo ng dalawang sugnay ang pangalawang bahaging [2+3]. Pang-itaas na sugnay na walang paniyak ang [2], paniyak nito ang sugnay na makaangkop na [3].

May pandiwang nakakabit na napagtantong hanapin ang yaring [2+3]. Binubuo ang pangungusap na tambalan dahil hindi nagkakabagay ang pandiwang pang-itaas na napagtanto at ang paniyak ng sugnay na pang-ibabang na tunay kong hinahanap {13-4.4.1}:
      Napagtanto ko ang tunay kong hinahanap.

[1] Ngayong ako ay may sapat nang edad ngunit kaunting kaalaman
ngayong ako ay may sapat nang edad ngunit kaunting kaalaman
{S-0/L/TYP}
ngayongakoay may sapat nang edad ngunit kaunting kaalaman
{P-L=P-A}{P-T=P-N} {P-P=P-OD}
may sapat nang edad ngunit kaunting kaalaman
{P-OD(OD P-N K P-N}
sapat nang edad  kaunting kaalaman
{P-N(U A/HG.L N)} {P-N(U.L N)}
ngayongakoaymay sapatnangedadngunitkaunting kaalaman
A.LHTTPODUA/HG.L NKU.LN

Tangi ang pang-angkop sa pang-abay na ngayon (kasapi ng pulutong na kanina {9-5.3 (1)}). Pampalaugnayan, ito'y panuring sa ako (at kaya bahagi ng paniyak); pansemantikang nagsasaad ito ng buong sugnay.

[2] napagtanto ko 
napagtanto ko
{S-0/L/P0(P-P=P-D(DB P-W))}
napagtantoko
DB10/NTW.HT

Paniyak ng sugnay na [2] ang sugnay na makaangkop na [3] {2-4.9 (1)}.

[3] -ng ang pagkalinga ng magulang ang tunay kong hinahanap
-ng ang pagkalinga ng magulang ang tunay kong hinahanap
{S-L/PT)}
ang pagkalinga ng magulang ang tunay kong hinahanap
{P-P=P-N} {P-T=P-D}
ang pagkalinga ng magulang tunay kong hinahanap
{P-N(A/UG N P-W)} {P-D(A//U TW.HT.L DB} = {GGW}
-ngangpagkalinga ngmagulangangtunaykonghinahanap
.LA/UGNTWNTTA//U TW.HT.LDB

Pagkalinga ang hinahanap ko ang ubod ng sugnay. Nakaugaliang sa pangungusap na may hanapin, nagiging paniyak ang pandiwa at kinukuha ng panaguri ang ANG na makaabay kung tiyak ang hinahanap (halimbawa: Ang mga bata ang hinahanap ko.).

Dahil pang-abay at hindi pananda ang ANG na makaabay {2-3.3 (2) Θ} ay walang pangalawang pananda sa likod ng pang-angkop na -ng ng ko. Bahagi ng pariralang makangalan ang ANG na makaabay.


{2A-332 Σ}   Pagsusuri ng pangungusap: ANG na makaabay (tanging pansin sa pariralang pangkaroon sa panaguri), panuring sa pariralang pangkaroon

[1] Ngunit tanging ang may mabubuting kalooban lamang ang maaaring makakuha nito. {W Samadhi 4.1} {13A-101 [5] Σ}
ngunittanging ang may mabubuting kalooban lamang ang maaaring makakuha nito
{P-P=P-OD(A//U.L A/UG OD P-N)} {P-T=P-D}
tangingangmaymabubuting kalooban lamang
{P-N(U.L N A/HG)}
ngunittangingangmaymabubuting kaloobanlamangangmaaaringmakakuha nito
KA//U.LA/UGODU/M.LN A/HGTTAH.LDT10/WTK.HP/3

Bukod sa "karaniwang" panuring ng pariralang pangkaroon, may dalawa pang panuring (tanging at ang) ang pangkaroong may. May pang-angkop ang pang-uring tanging; dahil dito, panlapag ito at hindi pariralang malaya. Sa kabilang banda, ito'y hindi bahagi ng pariralang makangalang nasa loob ng pariralang pangkaroon. Gayon din ang ANG na makaabay (panuring sa pariralang pangnilalaman sa panaguri).

Hindi nasa unahan ng panaguri ang ANG na makaabay, subalit sa harap ng pariralang pangkaroon nito. Dahil dito palakasin ng ang ang pariralang pangkaroon (ito'y nilalaman ng panaguri).

Pang-abay na untaga ang ANG na makaabay; tabi-tabi ang pang-angkop at ang ANG na makaabay.

 
Iba pang yari:
[2]Ngunit tanging may mabubuting kalooban lamang ang maaaring makakuha nito. (Walang ANG na makaabay.)
[3]Ngunit tanging taong may mabubuting kalooban lamang ang maaaring makakuha nito. (Pariralang pangkaroon bilang panuring.)

{2A-431}   Pariralang pandiwang may o walang kabisaang buo

(1) Nagsasaad ng pariralang pandiwa bilang paniyak o panaguri ang paglalahad sa pangkat na {2-4.3}. Kung ganito may kaganapan at may kabisaang buo ang pandiwa.

(2) Tinatawag naming pandiwari ang pandiwa kung hindi ito maaaring magkaroon ng kaganapan at samakatwid wala itong kabisaang buo. Maaaring magamit na pang-uri, pang-abay o pangngalan ang pandiwari. Pampalaugnayang iba ito sa pandiwang may kabisaang buo. Walang pagkakaibang pampalaanyuan.

Napakaliwanag ang kaibahan ng pandiwang may at walang kabisaang buo kung may pandiwari sa loob ng pariralang pangkaroon [1|2].

 
[1]Pandiwang makataguring may kabisaang buo
 Pinakiramdaman ko kung maririnig ko ang tinig niya. (Ang pandiwang makataguring maririnig ay may dalawang kaganapan: paniyak na tinig bilang tagatiis at pantuwid na ko bilang tagaganap.)
[2]Pandiwaring walang kabisaang buo
  Pinakiramdaman ko kung may maririnig akong tinig at kalabog. {W Angela 3.10} (May pariralang pangkaroon bilang panaguri ang pangungusap, ako ang paniyak nito. Pandiwaring maririnig ang panuring sa loob ng pariralang pangkaroon. Wala itong kaganapan at walang kabisaang buo. Sa halip nito may panuring na tinig at kalabog na may pang-angkop.) {10A-411 Σ}


{2A-451 Σ}   Pagsusuri ng pangungusap: Pariralang pandiwang pang-ibaba bilang paniyak

[1] Sinikap ng lobo ang tumalon upang makaahong palabas. {W Aesop 3.1.1}
sinikap ng lobo ang tumalonupang makaahong palabas
{S-0/L/PT} {S-K/B/P0}
sinikap ng loboang tumalon
{P-P=P-D} {P-T=P-D}
sinikapngloboang tumalonupangmakaahong palabas
DB10/NTWN/EsTTDT01/WK DT00/W.LA
 
Pandiwang pang-ibabang kaugnay sa panaguring sinikap ang paniyak na tumalon. May dalawang pandiwa ang sugnay; bilang panaguri at pati paniyak.
 
Walang paniyak ang sugnay na may pangatnig na pang-ibaba.


Iba pang yari:

 
[2]Sinikap ng lobong tumalon upang makaahong palabas.
[3]Sinikap na tumalon ang lobo upang makaahong palabas.
[5]Sinikap ng lobo ang talon upang makaahong palabas.


Wikang Filipino ni Armin Möller
http://www.germanlipa.de/filipino/ug_P-P_A.html
23 Enero 2010 / 220101

Palaugnayan ng Wikang Filipino
Wakas ng Pangabit 2A Panguri at Paniyak

Simula ng talaksan   Palaugnayan
Pahinang pamagat na Filipino   Ugnika