(1) Nagpapasok kami ng pariralang pantuwid (susi {P-W}, {1A-201 (2)}) sa Patakaran; ng ang pananda ng pariralang pangkayarian. Ginagamit ang pantuwid sa pariralang makangalan at pandiwa. Sa pariralang makangalan, panuring ang pantuwid [1 4b] {8-8.1}. Sa pariralang pandiwa, ito'y kaganapan {6-2.1}. Kung tahasan ang pandiwa, karaniwang tagatiis ang katungkulan nito [2]; kung balintiyak tagaganap [3]. Maaaring ituring sa pang-uri ang pantuwid [4a] {9-3.1}.
|
(2) Ang gawing pampalaugnayan ng pariralang pantuwid ay:
(3) Ipinagpalagay naming yaring makahuli (o yaring may 'gawing makahuli') ang katangian ng pariralang pantuwid na kagyat na inihuhuli sa salitang kaugnay. Gawing makahuli ang naaayon sa paraan ng pagsasanga sa kanan ng wikang Filipino {1-5.4}.
Pag panghalip na NG ang pantuwid, maaari itong bumuo ng yaring hutaga. Sa [3], ito'y yaring hutagang payak {11-4.1}, sa [5 6] panggitagang pantuwid {11-6.4}. Tanging yari ang panggitahil na pantuwid sa pangungusap na may pang-abay na pangmarahil [7] {9-6.1.1}.
Kawangis ng gawing hutaga ang gawing makahuli, ngunit di-lubhang mahigpit ang huli. Hindi yaring makahuli ang pangungusap na [8] dahil may ibang parirala sa pagitan ng salitang kaugnay at pantuwid.
|
(4) Pariralang pandakong may pariralang pantuwid ang mga 'huwad na pang-ukol' sa anyong sa … ng [9] {4-3.2}, pariralang pang-ukol kung may nasa … ng [10]. Pangkawikaan ang paggamit ng pantuwid kasama sa panghalip na panao [11] {8-4.1 (2)}.
(5) Madalang ang yari gaya ng [12b 13b]. Doon nasa harap ng panaguri ang pantuwid; kinakaltas ang panandang ng. Hindi maliwanag kung pantuwid pa ang pariralang ito (marahil, pangungusap na putol ang yaring ito o gaya ng pariralang makangalang pang-umpog).
|
Dapat ibukod sa panandang ng ng pariralang pantuwid ang ibang mga salitang [nʌŋ] {5-3.4}.
Paghahalintulad ng pariralang pantuwid at pandako → {3-5}.
Karaniwan, may pariralang makangalan ang pariralang pantuwid [1-3]. Sa halip na panandang ng at pantukoy na si at sina (kung sumusunod nang kagyat), tambalang ni at nina ang kinalabasan [1b]. Kasama sa mga panghalip na panao at pamatlig, ginagamit ang panghalip na NG sa halip ng ng [2] {8-4.5}; maaaring isang salitang hutaga lamang ang pantuwid. Ginagamit ang ng at ang panghalip na ANG sa yaring pangmaramihan ng panghalip na pamatlig [3] {11-2 (2)}.
|
Maaaring magamit na pariralang pangnilalaman ng pantuwid ang pariralang pang-ukol na nasa [1] o pangkaroon [2]. Madalang ang yaring may pang-ukol ng pulutong na tungkol [3].
|
Pakunwari, iba pang parirala ang nilalaman ng pariralang pantuwid [1a 2a 3a]. Sa katunayan, ang nilalaman ng pantuwid ay "karaniwang" pariralang makangalang may panuring at kung saan kinaltas ang salitang pang-ubod [1b 2b 3b].
|
Sa Patakaran nagpapasok kami ng apat pang pariralang pangkayarian sa tabi ng panaguri at paniyak. Isa sa mga ito ang pariralang pantuwid. Hindi ito maaaring gamitin nang malaya; palagi itong pang-ibaba sa pariralang pangnilalaman.
Tungkulin ng pantuwid | Binubuo ang pantuwid ng | ||
[1] | Kaganapan ng pandiwa | Pariralang makangalan | {6-2.1} |
[2] | Panuring sa ngalan | Pariralang makangalan | {8-8.1} |
[3] | Pariralang pang-ukol | {3-2.2} | |
[4] | Panuring sa pang-uri | Pariralang makangalan | {9-3.1} |
(1) Karaniwang hindi maaaring magpalitan ang pariralang pantuwid at pandako. Kung kaganapan ng pandiwa ay pinapasiyahan ng pandiwa ang katungkulan nito. Sa isang pulutong ng pandiwang -um- at sa ilan iba pang pandiwa may mapagpipiliang pantuwid o pandako.
(2) Pantuwid at pandako ang maaaring magamit na panuring sa pariralang makangalan. Karaniwan, dapat gamitin ang pantuwid {8-8.1} o pandako {8-8.2} alinsunod sa tungkuling pansemantika ng panuring. Gayunman may pangngalan kung saan may pamimili ng pantuwid o pandako [1|2].
|
(3) Sa yaring may pantuwid bilang panuring sa pariralang makangalan ay maaaring kaltasin ang salitang-ubod ng pariralang makangalan. Kung ganito, pinapalitan ng pandako ang pantuwid. Maaring paniyak [3] o pantuwid [4] ang pariralang makangalang pang-itaas.
|
Ipinapakita ang magkaibang gawi ng pantuwid {P-W} at pandako {P-K} sa talaan dito.
Panaguri at paniyak | ||
{P-W} | Hindi maaaring maging panaguri o paniyak ang pantuwid. | |
{P-K} | Maaaring maging panaguri ang pandako. | |
Malaya o sa unahan ng pangungusap | ||
{P-W} | Hindi maaaring malaya sa pangungusap ang pantuwid. Hindi rin ito maaari sa unahan ng pangungusap. | |
{P-K} | Maaaring nasa unahan ng pangungusap ang pandako. Maaaring malaya ang pandako. | |
Panggitaga | ||
{P-W} | Pag panghalip ang pantuwid, maaaring maging hutaga ng panggitaga. | |
{P-K} | Maaaring maging salitang makatukoy ng panggitaga ang buong pariralang pandako. | |
Pagtatanong | ||
{P-W} | Hindi maaaring itanong ang pantuwid. | |
{P-K} | Itinatanong ang pandako sa paggamit ng kanino at saạn. |
Wikang Filipino ni
Armin Möller http://www.germanlipa.de/filipino/ug_P-W.html 05 Pebrero 2011 / 211228 |